AP 7 q2 Las Melc 4

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

7

Learning Activity Sheet Sa


Araling Panlipunan 7
Kwarter 2 - MELC 4
Pag – unlad ng mga Sinaunang
Kabihasnan sa Asya Bunsod ng Iba’t
Ibang Kaisipang Asyano

REHIYON VI – KANLURANG VISAYAS


Araling Panlipunan 7
Learning Activity Sheet (LAS)
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi


maaaring magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng
ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng gawain kung ito’y
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Araling Panlipunan 7 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay


inilimbag upang magamit ng mga Paaralan sa Rehiyon 6 - Kanlurang
Visayas,

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang porma nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet – Araling


Panlipunan 7

Manunulat: Benjie S. Mahinay, Zarla D. Quirao & Marian V.


Pabalan
Editor: Grace J. Fuentes, Analie Lobaton
Tagasuri: Grace J. Fuentes, Analie Lobaton
Tagaguhit: Mark D. Petran
Tagalapat: Mara Jamaica B. Floreno
Division of Cadiz City Management Team:
Ma Lorlinie M. Ortillo, PhD., CESO VI
May P. Pascual – CID Chief
Analie Lobaton – EPS- LRMDS
Grace J. Fuentes – EPS - AP
Regional Management Team:
Ma. Gemma M. Ledesma – Regional Diretor – RO 6
Dr. Josilyn S. Solana
Dr. Elena P. Gonzaga
Mr. Donald T. Genine
Dr. Mary Hazel Vivien M. Pineda
Pambungad na Mensahe
MABUHAY!
Ang Araling Panlipunan 7 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay
nabuo sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng Cadiz City sa
pakikipagtulungan ng Kagawaran ng Edukasyon, Region 6 – Kanlurang
Visayas sa pakikipag-ugnayan ng Curriculum and Learning Division
(CLMD). Inihanda ito upang maging gabay ng learning facilitator, na
matulungan ang ating mga mag-aaral na makamtan ang mga inaasahang
kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng K to 12.
Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na
mapagtagumpayan nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain
ayon sa kani-kanilang kakayahan at laang oras. Ito ay naglalayon ding
makalinang ng isang buo at ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang
na literasi habang isinasaalang-alang ang kani-kanilang pangangailangan at
sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Araling Panlipunan 7 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay


binuo upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa
larang ng edukasyon, na patuloy ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay
nasa kani-kanilang mga tahanan o saan mang bahagi ng learning center sa
kanilang komunidad.
Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang
mga panuto sa mga gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy
nating masubaybayan ang pag-unlad ng mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Araling Panlipunan 7 Learning Activity Sheet (na ito ay binuo


upang matulungan ka, na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka
ngayon sa iyong paaralan. Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan
ka ng makahulugan at makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-
aaral, unawain nang mabuti ang mga panuto ng bawat gawain.

3
Kuwarter 2, Linggo 5

Learning Activity Sheets (LAS) Blg.4

Pangalan:_______________________________Grado at Seksiyon: __________


Petsa:___________________

GAWAING PAMPAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN 7

Pag – unlad ng mga Sinaunang Kabihasnan sa


Asya Bunsod ng Iba’t Ibang Kaisipang Asyano

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda


 Napapahalagahan ang mga kaisipang Asyano na nagbigay – daan sa
paghubog ng sinaunang kabihasnang sa Asya at sa pagbuo ng
pagkakilanlang Asyano – AP7KSA-IIf-1.5 (WEEK 5)

II. Panimula (Susing Konsepto)


Sa paglipas ng panahon ay nagpatuloy ang pag-unlad ng mga
kabihasnan mula sa payak na pamumuhay patungo sa pagtatatag ng mga
bagong estado at imperyo sa Asya. Ang mga pilosopiya at mga kaisipang
Asyano ay nakatulong din sa pagpapataas ng antas ng pamumuhay at
paghubog sa pagkakakilanlang Asyano. Mahalaga ang pag – unawa at
pagpapahalaga sa mga kaisipang ito sapagkat ito ang nagsilbing pundasyon
sa pagkakabuo ng mga sinaunang kabihasnan sa Asya (Sumer, Shang at
Indus) na hanggang ngayon ay nag – iwan ng mga ambag na naging simbolo
ng kultura at pagkakakilanlang Asyano.
Sa aralin ring ito ay aalamin at itatala mo ang mga kaisipang asyano
na naging batayan o pundasyon sa pagbuo ng mga pamayanan, estado at
imperyo sa Asya.

III. Mga Sanggunian (Batayang Aklat ng DepEd at


Educational Sites)

Mula sa Aklat:
 Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba , Araling Panlipunan:
Modyul para sa mga Mag – aaral, pahina 116 – 119
 Project Ease Araling Panlipunan II: Modyul 3 – Sinaunang
Kabihasnan sa Asya pahina 41 – 49

IV. Gawain
PANUTO. Subukin mo ang iyong kakayahan sa pagsagot sa mga gawain na
magtatakda kung ano ang iyong alam sa mga aralin. Basahing mabuti at
unawain ang bawat pahayag. Bigyan pansin ang mga katanungan na hindi
mo masasagutan upang mabigyang linaw at malaman ang mga tamang
kasagutan sa mga aralin na itatakda sa modyul na ito.
4
Gawain 1: Pag – isipan Mo!
Sagutan ang Gawain 1 sa pahina 41 – 42 ng Project EASE, Araling
Panlipunan II, Modyul 3: Sinaunang Kabihasnan sa Asya.

Panuto: Narito ang ilang salita na may kaugnayan sa mga pangunahing


kaisipang lumaganap sa Asya. Pagdugtong-dugtungin ang mga
salitang may kaugnayan sa bawat isa sa Hanay A, B, at C sa
pamamagitan ng mga guhit.

Katutubong Kasaysayan ng mga Rehiyon sa Asya

Sa lahat ng pook sa mundo wala nang hihigit pa sa pagpapahalaga


sa tradisyon tulad ng mga Asyano. Marami ang nakaaalam ng mga
tradisyong paggalang sa nakatatanda at may katungkulan, sa pagmamahal
sa magulang at pagpahalaga sa edukasyon.
Ang mga Asyano ay ginagabayan ng mga aral ng mga unang
paniniwala. Suriin natin ang tatlong pangunahing pananaw ng mga Asyano.

Sinocentrismo (Tsina)

Ito ay salitang nangangahulugan ng pagpapahalaga sa sarili ng mga


Tsino. Ang “Sino” ay tumutukoy sa mga Tsino at ang “centrism” ay
paglalagay ng sarili sa gitna o sa sentro, kaya ang Sinocentrism ay
paniniwala ng mga Tsino na sila, higit sa lahat, ay mahalaga.
Nag-ugat ang pananaw na ito sa panahon ni Kung Fu Tzu (5 B.K.)
kung kalian ang kahariang piyudal ng dinastiyang Chou ay napalitan ng
grupo ng malayang estado na nanatiling nakikibaka upang makamit ang
kasaysayang pampulitika.
Ang bagong sistemang pampulitika at panlipunan ay nalinang ni
Kung Fu Tzu. Ito ay nagsasabi na panatilihin sa pamamahala ang mga
kasanayang espiritwal at diplomatiko at dapat ang mga pinuno ang may
moral na responsibilidad sa ikakabuti ng mga mamamayan na lalong kilala
bilang pangunahing paniniwala na Confucianismo
Nagsisikap sila at umuunlad sa sariling sikap at pagod.
Nagtutulungan ang isa’t isa. Ayaw makitang naghihirap ang kapwa. Ang
5
paniniwala nila sa sarili ay kasing tibay ng “Great Wall” na ginawa at
pinagbuwisan ng buhay at pawis mabigyan lamang ng proteksyon ang
kalahatang Tsina laban sa pagpasok ng mga Barbaro.
Sa kasaysayan, naging talunan sa digmaan ang Tsina. Nagkaroon ng
“Opium War” noong 1840-42 laban sa mga Ingles. Nakipagdigmaan din sila
laban sa mga Hapones (Sino Japanese War) noong 1894-95; subalit
nanatiling magpakumbaba ang mga Tsino.
Noon at ngayon, gabay ng mga Tsino ang pananaw na ito paniniwala
ng mga Tsino na ang Tsina ang sentro ng daigdig (middle kingdom) at sa
Tsina nagsimula ang sibilisasyon.

Divine Origin (Hapon)

Ginagabayan sila ng paniniwala na silang mga Hapon ay nagmula sa


mga diyos. Na ang katangian, kakayahan at kapangyarihan nila ay
ipinamana sa kanila ng dakilang manlilikha. Ipinasa sa Emperador
hanggang sa mga tao. Sila ay may divine origin o banal na pinagmulan.
Ang kaisipan ng mga Hapones ay binubuo ng halu-halong paniniwala sa
mga aral ng Shinto, ang pambansang relihiyon. Ito ang dahilan ng
maraming piging at selebrasyon isinasagawa bansang Hapon.
Ang ugat ng paniniwala Shinto (Way of the Gods) ay batay sa isang
makasaysayang alamat at nagpalipat-lipat sa maraming henerasyon na
nagsasabing:
Dumating sa lupa ang diyos na si Izanagi at ang diyosang si
Izanami. Sila ay tumayo sa tulay ng kalangitan at inilubog ang sibat sa
tubig sa kanilang ibaba. Ang mga patak galing sa sibat na ito ay naging
kalupan sa Hapon.
Ang diyosang si Iznami ay pinaniniwalaang nanganak at ito ay
pinangalanan ng Amaterasu-o-mi-Rami ipinadala siya sa kalangitan kung
saan nagreyna bilang diyosa ng araw. Ang nakakabatang kapatid na lalaki
ay ipinadala rin sa kalangitan upang hatian ng kapangyarihan taglay at siya
ay nakilalang si Amaterasu, ang diyos ng buwan. Isa pang ipinanganak ay si
Susa-na-wo na naging malupit at marahas siya ay ipinadala sa mundo ng
kadiliman. Kasunod nito ay ipinanganak ang dyosa ng apoy at si Susa-na-
wo ay sinunog hanggang sa halos na mamatay ito. Pinaniniwalaang marami
pa ang naging anak ng mag-asawang Izanagi at Izanami.
Lumipas ang mga araw, patuloy pa ang alamat, ipinadala ng diyosa
ng araw ang kanyang apo na si Ninigi-no-Mikoto upang maghari sa Hapon.
Una siyang pumunta sa lupa ng Kyushu, dala-dala ang kayamanang
pabaon ng lolang si Amaterasu: isang alahas, isang espada at isang
salamin. Dito na nag-asawa at nagka-apo si Ninigi at isa sa naging apo niya
ay si Jemmu Tenno. Sovereign of Heaven ang ibig sabihin ng Tenno at
emperor sa wikang Hapon. Mula Kyushu; sinakop niya ang gitnang Hapon
at naitatag ng estado ng Yamato noong ika-11 ng Pebrero 660 BC. Ito ang
itinuturing na araw ng pagkakatatag ng imperyong Hapon at
pinaniniwalaang si Jemmu Tenno ang kauna-unahang emperor.
Ang alamat ay nagpatuloy sa pagsasabing ang pabaon ni Amaterasu
kay Ninigi ay naging simbolo ng “Imperial Authority” hanggang sa
kasalukuyan. Iginagalang nila ang kalikasan at disiplinado ang mga
6
Hapones. Malinis sila sa tahanan at bibigyan nila ng atensiyon ang
kalusugan ng katawan at isip. Nakikita sa kultura nila ang pagpapahalaga
sa pinagmulan. Sa bansang Hapon marahil naitatago ang mga ala-ala ng
kahapon. Maayos ang kanilang mga museum at ang mga tanda at talaan ng
kasaysayan. Ang paniniwala ng Hapon sa “Divine Origin” ay lakas na
bumibigkis sa mga Hapones upang patuloy na hangarin ang pag-unlad.

Theravada Buddhism

Ang Buddhismo ay isang relihiyong oriental na itinatag ni Siddharta


Gautama lalong kinilala sa pangalang Buddha na ang ibig sabihin ay “The
Enlightened One”. Ang Buddhismo ay isang pilosopiyang pang-espirituwal
at sistema ng etiko o tuntuning pangmoralidad. Ang Theravada o Hiyas ang
pinakamatandang aral ng Buddhismo na tinatawag na “dharma”. Nakatala
ito sa tripitaka at nakasulat sa diyalektong Dali.

Ang mga aral ni Buddha ay ang sumusunod:

1. Ang kalawakan ay isang proseso ng patuloy na pagbabago. Ang


lahat ng bagay, kasama na ang buhay ng tao, ay hindi permanente (anicca).
Ang kakayahan ng isang tao ay patuloy na nagbabago (atta). Naniniwala
siya sa “incarnation” na ang isang tao ay binubuo ng limang bahagi ng
pagbabago sa mental at pisikal na kabuuan nito, damdamin pandama,
kaisipan at kamalayan.
2. Ang lahat ay nagaganap nang naaayon sa “universal causality”
(Karma) at may kaukulang bunga. Inaani ng tao ang mg bunga ng kanyang
itinanim na mga gawa, ang mabuting gawa ay aani ng kabutihan at ang
masamang gawa ay aani ng kasamaan.

Ang walong landas ng katotohanan ay ang mga sumusunod:

1. Tamang pananaw at pag-unawa sa “four noble truths” na bumubuo


ng mga paghihirap, mga dahilan nito, paghadlang at paraan o daan sa
ikatitigil ng kahirapan.
2. Tamang kaisipan na bunga ng pagiging malaya sa kaisipang
makamundo, gawaing di-kaibig-ibig, kalupitan at kasinungalingan.
3. Tamang pananalita, pag-iwas sa pagsasabi ng kasinungalingan, mga
haka-haka, pagbigkas ng magaspang na salita at pagpapalalo o
pagyayabang.
4. Tamang gawa, pag-iwas sa pagpatay, pagnanakaw at masamang
asal.
5. Tamang kabuhayan o hanap-buhay nang hindi makakasira sa ano
mang buhay na bagay at kalikasan.
6. Tamang pangyayari pag-iwas sa pagkawili sa kasamaan at sa
maganda at kaaya-ayang gawain ang pairalin.
7. Tamang pag-aalaala, matamo sa pamamagitan ng tamang
pangangalaga sa bawat aspeto ng sarili, ang katawan, damdamin at
kaisipan, kasama na ang pagunawa sa mga bagay bagay at pagkontrol dito.

7
8. Tamang konsentrasyon ng isip sa pagninilay-nilay na magdudulot
ng kalugodlugod na kamalayan tungo sa pinakarurok ng magandang
pananaw.

Ang makapangyarihang literatura ng doktrinang Theravada ay isinaayos sa


tatlong bahagi, (three baskets) na tinatawag na Tripitaka:

1. Vinaya Pitaka (Basket of Discipline)


2. Sutta Pitaka (The Basket of Discourses).
3. Adhidhama Pitaka (Basket of Higher Doctrine)

Sa kasalukuyan, marami na ang pagbabagong naganap sa


pamamagitan ng asimilasyon ng kulturang Kanluranin sa Asya. Ang
wikang Ingles, ang pananamit, ang pagkain, musika, sayaw, panitikan at
teknolohiya ay naging bahagi ng kulturang Asyano. Ang “kalayaan,
pagkakapantay-pantay ay mga pagkakataon” sa lahat ng aspeto ay nagbigay
ng kasiyahan sa mga Asyano.
Ang kulturang Asyano ay naging bahagi na rin ng kulturang
Kanluranin. Dala ng mga Hindu, Buddhista at iba pang relihiyon o
paniniwala. Maging ang panitikan, pelikula, musika at iba pang aspeto ng
kulturang Asyano ng kulturang Asyano tulad ng karma, yin ay may puwang
na sa Kanluran. Ang kasaysayan ng Asya ay patuloy na dumadaloy at
habang umuunlad ang Asya, patuloy na inaakma ang dating kultura sa
ngayon.

Gawain 2: Tuklasin Natin


Panuto: Punan ang mga kulang na letra upang mabuo ang mga
konseptong tinutukoy sa bawat bilang.

1. SI __OC __ __ TR __ __ M – paniniwala ng mga Tsino na ang


kanilang kultura, at sarili ay ang superyor sa daigdig.

2. M __ __ DAT __ OF H __ __VE __ – Tian Ming; Namumuno ang


emperador na may pahintulot o basbas ng kalangitan hanggang
nanatili siyang mabuti at puno ng pagpapahalaga
3. D __ __ IN __ OR __ G __ N – Naniniwala ang mga Hapones na
nagmula ang kanilang mga emperador sa lahi ng mga diyos, kaya
mataas ang kanilang pagpapahalaga rito.
4. C __ __ RA __ A __ TIN – Universal monarch; hari ng buong daigdig;
nangangako sa pamumuno na makatwiran at mapagkalinga sa
mamamayan at relihiyon
5. H __ __ DU __ __ M – pilosopiyang nagpasimula ng sistemang caste
sa lipunan ng India.

Gawain 3: Pagsusuri ng Teksto


Panuto: Basahin ang teksto sa pahina 42 – 46 ng Project EASE,
Araling Panlipunan II, Modyul 3: Sinaunang Kabihasnan sa Asya at
pahina 116 ng Araling Panlipunan: Modyul para sa mga Mag – aaral.

8
Sagutan ang gawain (concept map) sa pahina 117 ng Araling
Panlipunan: Modyul para sa mga Mag – aaral.

MGA KAISIPANG ASYANO

Rehiyon

Paniniwala

Impluwensiya sa Pagbuo at Pag – unlad ng mga estado at imperyo

Gawain 4: Maglista Tayo!


Panuto: Sagutan ang gawain sa pahina 49 ng Project EASE, Araling
Panlipunan II, Modyul 3: Sinaunang Kabihasnan sa Asya

Magbigay ng 5 dahilan kung bakit sinusunod pa rin ng mga Asyano


ang iba’t ibang turo ng mga sinaunang kaisipan at relihiyon maging
hanggang sa kasalukuyan.

1. __________________________________________________________
2. __________________________________________________________
3. __________________________________________________________
4. __________________________________________________________
5. __________________________________________________________
Gawain 5: Unawain Natin!
Sagutan ang mga katanungang sa pahina 118 ng Modyul ng mga
Mag – aaral.
1. Paano nakaaapekto ang mga kaisipang Asyano sa pagbuo ng mga
imperyo sa Asya?
2. Magbigay ng mga kaisipang Asyano na masasalamin na
pinagyaman sa mga kasalukuyang pag – uugali ng mga Asyano?

3. Paano nakatulong ang mga kaisipang ito sa pag – unlad ng mga


estado sa kasalukuyang panahon?
9
4. Alin sa mga kaisipang Asyano ang sa tingin at pananaw mo ang
nananatili pa hanggang sa kasalukuyan? Magbigay ng halimbawa
at ipaliwanag.

V. Repleksiyon

Gawain 6: Ano Kaya?

Mahalaga ang mga kaisipang Asyano dahil ______________________


_______________________________________________________________________
_________________________________________________________________.

VI. Susi sa Pagwawasto

Gawain 2:
1. SINOCENTRISM 2. MANDATE OF HEAVEN 3. DIVINE ORIGIN
4. CAKRAVARTIN 5. HINDUISM

Gawain 3, 4, 5 & 6:
May pagkakaiba ang sagot ng mga mag – aaral depende sa kanilang pag – unawa ng
teksto

10

You might also like