Benepisyo Pangkalusugan NG Luya

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

BENEPISYO PANGKALUSUGAN NG LUYA

KILALANG sangkap at pampalasa ang luya o ginger sa ilang pagkaing Pinoy gaya ng tinola.
Kilala rin itong pampakondisyon ng lalamunan kaya naman ang mga singer ay ngumunguya nito o
kaya naman ay lumalagok ng salabat, na isang inuming gawa rin sa luya. Ang salabat ay
pinakuluang luya at tubig, maaari itong lagyan ng asukal ngunit mas mainam kung wala.
Ang luya ay isang perennial plant, na kilala sa naipoprodyus niyang “white at yellowish-greenish
flowers.” Kilala rin ang luya sa itsura nito na walang definite na hugis o “twisting rhizoid.”
Ayon sa mga ulat, nag-originated ang luya sa China ngunit matatagpuan din ito sa iba pang parte ng
mundo tulad sa India at mga bansa South West Asia, West Africa at sa Caribbean.
Mayroong matapang na aroma o amoy ang luya. Kilala rin ito sa kanyang maanghang na lasa. Ito
ang nagpapatunay na nagtataglay ang luya ng tatlong porsiyento ng (3%) natural essential oils.
Marami ring mabuting dulot sa kalusugan ang pagkonsumo ng luya.
Narito ang ilan:
1. Ang luya ay may “carminative properties” (anti spasmic) na nakapagpapakalma ng kumukulo o
upset na tiyan.
2. Ang pagngata ng luya ay nakatutulong na ma-stimulate ang paglabas ng mucus o sipon at
nakatutulong na mabawasan ang pagkahol kapag may ubo dahil ito ay nakapagpapaginhawa ng
nangangating lalamunan.
3. Nagtataglay ng anti viral, anti toxic at anti fungal properties ang luya. Nakapagpapagaling ito ng
common cold o sipon.
4. Ang luya ay nagsisilbing antihistamine at nakatutulong sa paggamot ng allergies.
5. Ayon sa mga pag-aaral lumalabas na ang luya ay nakababawas ng cholesterol levels at
nakatutulong na makaiwas sa pagbubuo ng blood clots.
6. Nagtataglay ang luya ng special enzymes na responsable sa pagpaparami o pagpapalabas sa
protina ng ating mga kinakaing pagkain na nakapagpapabuti sa digestion at makaiwas sa cramps.
Nabatid na ang ancient Greeks ay kumakain ng luya pagkatapos ng heavy meal para ma-ease ang
proseso ng digestion.
Ang luya ay isang bungang-ugat na
kilalang pampabango o pampalasa sa mga pagkain. Ito ay isang halaman na may katamtamang taas, may patulis na
mga dahon, at bilugan na bulaklak. Ito ay karaniwang pananamim sa maraming taniman sa buong kapuluan ng
Pilipinas.
ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA
LUYA?
Ang iba’t ibang bahagi ng halamang luya ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na
maaaring may benepisyo sa kalusugan:
 Mayroong terpenoids, flavonoids, alkaloids, at tannins ang halamang luya.
 Ang ugat ay may zingerone at shogaol na siyang nagbibigay ng amoy at lasa sa luya.
 Ang langis mula sa ugat ay may gingerol, zingerone, zingiberene, cineol, borneol, phellandrene, citral,
zingiberene, linalool, geraniol, chavicol, vanillyl alcohol, at camphene.
ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT
PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?
Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
 Dahon. Maaaring dikdikin at durugin ang dahon upang magamit bilang pantapal sa ilang kondisyon sa
katawan.
 Ugat. Ang ugat ay karaniwang pinakukuluan upang makagawa ng salabat o ang tsaa mula sa luya. Maari
din naman itong nguyain lamang o ipangpahid sa bahagi ng katawan.
ANO ANG MGA SAKIT AT KONDISYON NA MAAARING MAGAMOT NG
LUYA?
1. Rayuma. Maaaring dikdikin ang bungang-ugat ng luya at lagyan ng langis bago ipantapal sa bahagi ng katawan
na nananakit dahil sa rayuma. Maaari ding painumin ng salabat, o ang pinaglagaan ng ugat ng luya, para sa
pabaliklablik na rayuma.
2. Sugat. Ginagamit naman bilang panlinis sa sugat ang katas ng bungang-ugat ng luya na hilauan ng 70% na
alcohol.
3. Hirap sa pagtunaw. Iniinom ang pinaglagaan ng bungang-ugat ng luya (salabat) na parang tsaa para sa
kondisyon ng pananakit sa sikmura at hirap sa pagtunaw ng pagkain.
4. Pagtatae. Dapat namang ipahid daw ang hiniwang luya sa paligid ng pusod upang maibsan ang kondisyon ng
pagtatae.
5. Ubo. Iniinom din ang salabat, o tsaa na mula sa pinaglagaan ng bungang-ugat ng luya para sa ubo.
6. Sore throat. Ang pananakit ng lalamunan ay maaari namang matulungan ng pag-inom sa salabat pati na ang
pagnguya sa mismong ugat ng luya.
7. Pasa. Ang pagpapasa naman sa balat ay maaaring tapalan ng dinikdik na dahon ng luya.
8. Kawalan ng gana sa pagkain. Mahusay daw na pampagana ang pagkain sa luya na sinawsaw sa asin.
9. Pagsusuka. Pinakakain din ng bungang-ugat ng luya ang taong nakararanas ng pagsusuka at pagliliyo.
10. Pamamanas sa katawan. Ang paginom naman sa katas ng ugat ng luya ay mabisa para mawala ang pamamanas
o ang pagkakaroon ng tubig sa katawan.
11. Pananakit ng ulo. Ang dinikdik na luya ay pinangtatapal sa noo ng taong nakararanas ng nananakit na ulo.
12. Pagkawala ng boses. Mabisang lunas para sa pagkawala ng boses ang pag-inom ng salabat mula sa ugat ng
luya, o kaya ay pagsispsip at pagnguya sa mismong bungang-ugat na luya.

You might also like