Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 554

Part One

Why do people want to see the future? In order to change it? Or to prevent
something bad from happening?
I'm wondering if anyone else has any answer to my question.
People want to see their future because they believe that there are greater things
set for them. They dream big and expect something spectacular will happen. They're
also eager to unfold all the mysteries in this planet. While some other people
anticipate the future because of the fear hiding inside their heart.
They want to see it badly. Well, except me. I don't want to see the future. I mean
-their future.
I don't know how, but it started two years ago. Isang kakayahan ang mayroon ako na
hindi kayang gawin ng pangkaraniwang tao -ang makakita ng hinaharap.

xxx
Date Started: March 8, 2013
Date Finished: August 22, 2015

/1/ That Day

If you were given a chance to see the future, would you change it? Or would you let
things happen? Unfortunately, I wasn't given a chance to see the future but I was
given a power to see it. Two years passed since I decided to not interfere in the
so called 'fate' of human beings, dahil naniniwala ako na lahat ng mga mangyayari
sa mundo ay matagal ng nakatadhana.
Pero noong araw na yon. Ang alaala noong araw na yon na dumadalaw sa'kin hanggang
sa kasalukuyan. That day I regretted for doing nothing because of what I've been
decided.
Umuulan noong mga panahon na 'yon. Malakas ang hangin. Wala ng halos makikitang
malinaw sa kalsada dahil sa lakas ng bagyo. Maririnig ang dagundong ng kulog at
makikita sa labas ang nagsasayawang kidlat. Tandang-tanda ko pa rin ang araw na
yon.
'krrsssssh' pinatay ng kunduktor ng bus yung telebisyon na biglang nagluko.
Nakikipagsabayan ang harurot ng bus sa lakas ng ulan, kulog at kidlat. Hindi ko
alam kung saan papunta yung bus na nilulan ko, pero ang alam ko lang noong mga
panahon na 'yon -gusto kong tumakas. Gusto kong tumakas sa realidad. Ilang linggo
matapos akong ilabas sa ospital bago ang araw na 'yon, may hindi pangkaraniwang
nangyayari sa sarili ko.
"When I was just a little a girl, I asked my mother what will I be..." Natatandaan
ko pa rin nang sinulyapan ko ang katabi kong pasahero, isang mag-ina, nakakalong sa
ale yung anak niya habang hinehele at kinakantahan.
"Will I be pretty? Will I be rich? Here's what she said to me... Que sera sera,
whatever will be, will be, the future's not ours to see... Que sera sera." Hindi
ko alam kung anong pumasok sa isip ko noong mga oras na yon, tumayo ako para
lumipat ng upuan, dahil siguro hindi ko kayang tagalan yung presensya ng mag-ina,
hindi ko alam kung bakit... inggit? Pagkaulila? Siguro.
Tandang tanda ko pa na lumiko yung bus na sinakyan ko dahilan para mawalan ako ng
balanse, napasubsob ako noon sa kabilang upuan, may umalalay sa'kin, pag-angat ko
ng tingin sumalubong ang mga mata ng nag-aalalang pasahero, "Iha, okay ka lang ba?
Dito ka na maupo," Ang pagtitig ng ilang segundo sa mga mata niya'y katumbas ng
ilang segundo ng mga mangyayari sa hinaharap. Mula sa kaibuturan ng matandang ale
nakita ko ang mga mangyayari sa kanya maya-maya lang... Palahaw. Sakit. Kamatayan.
Aksidente. Mababangga ang bus. Magpapaikut-ikot sa gitna ng malawak na kalsada,
tataob, mayuyupi, sasabog.
Naalala ko pa rin kung paano kong dali-daling tinanggal yung kamay ng ale sa aking
braso, nakita kong tumingin sa'kin yung mag-ina. Wala akong inaksayang oras,
pumara, at bumaba ako ng bus na yon. Kahit umuulan. Kahit wala akong payong. Wala
akong pakialam. Naglakad ako ng hindi lumilingon.
Pagkaraa'y nakarinig ako ng malakas na pagsabog. Rumehistro sa'kin yung mukha nung
ma-ina. Napaluhod ako sa gitna ng kalsada. Tsaka ko nagsisi.
Hanggang ngayon. Dalawang taon na ang nakakalipas. Matapos ang aksidente na 'yon.
Marami na 'kong mga matang nakita, marami na 'kong mga hinaharap na hinayaan lang.
Dumilat ako. Tinigil ko na ang pagbabalik alaala. Hindi pa sapat ang dalawang taon
para pagsisihan ko yon. Habambuhay akong dadalawin ng alaala na 'yon.
May mga bagay na darating sa buhay mo kahit hindi hinihintay. May mga mawawala sa
isang iglap lang. Mahirap maging kampante sa kung anong meron ka ngayon kasi kahit
anong oras pwedeng magbago ang lahat. Pwdeng mawala kung ano ang mga bagay na hawak
mo ngayon, pwedeng mamaya o bukas, wala na.
And to see these things from afar...is miserable.
I hate it.
Morie!" napalingon ako. Nakita ko siya.
I knew it.
And the next thing she will say...
"Ano'ng ginagawa mo dyan?! Magpapakamatay ka?!"
Tinalikuran ko ulit siya.
"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa ng isang tao na nakatayo rito?"
"Bumaba ka nga dyan, Morie!"
Sinunod ko ang sinabi niya. Isang hakbang na lang sana, matatakasan ko na ang
malupit na realidad na ito. But Lily came. Nilagpasan ko siya nang tawagin niya
ulit ako, dahilan para huminto ako sa paglalakad.
"Jill Morie!"
"I knew you would come." walang lingun-lingon ay umalis ako sa rooftop. "And as if
you care." Dagdag ko pa.
The future was right -again.
I saw it in her eyes. She'll come here to stop me. Wala naman talaga kong balak
tumalon, gusto ko lang damhin ang hangin at tanawin ang langit. Though noong una
kong malaman na pipigilan niya ko medyo hindi ako makapaniwala. Lily will stop me?
Nagsihawian ang mga estudyante sa corridor nang makita nilang paparating ako.
Nagsimula silang magbulungan at eksamin ako na parang isang specimen sa ilalim ng
microscope.
Ok lang, bahala sila.
Sa loob ba naman ng halos kalahating taon na ganitong pagsalubong araw-araw? Sinong
hindi masasanay? Besides, wala naman akong pakialam sa kanila. I don't care if the
way they see me is weirdo or freak.
Walang tingin-tingin ko silang nilagpasan. Mga taong walang ibang ginawa kundi pag-
usapan ang buhay ng iba. Sabagay, ganun talaga eh, hindi pwedeng walang tao kagaya
nila, kahit saang lupalot ng mundo ka pumunta, hindi sila mawawala. Fifteen minutes
left, bago magsimula ang klase. Marami pa ring mga estudyante ang nagkalat sa
hallway, kanya-kanyang grupo na naglilikha ng isang ingay.
Nadaanan ko ang paboritong tambayan ng lahat, walang iba kundi ang Freedom board.
Nakalocate ito malapit sa Gryffinclaws' room, ang newsletter ng school, mga
kritikong hinahangaan at kinaiinisan ng lahat. Para sa mga kagaya ko, dapat silang
iwasan.
Sinulyapan ko ito, may malaking nakasulat sa itaas na, "WHAT'S HOT". Obviously,
nilalaman ito ng mga issues sa campus about students, teachers, and whatever.
Anyone can post, anonymously. No posts about me, for today. Yeah, sabihin na nating
doon ako "sumikat". Doon ako nakilala ng lahat, sa freedom board.
Three minutes before time. Unti-unti nang nagsisiubusan ang mga estudyante sa
hallway. And finally, narating ko na rin ang homeroom ko.
Class 2-B
My last year in Senior high.
Nasa kalagitnaan na ng taon, but things are still the same. Abala ang lahat sa pag-
aaral para sa entrance exams ng mga prestigious schools na gusto nila. Nothing
more.
"Hello Morie!" ang bumungad sa'kin sa bumukas na sliding door, si Aya, my super
hyper seatmate. Hindi siya pumalyang batiin ako ng ganyan tuwing umaaga. She's
kinda annoying and noisy, but I'm used to it. Hindi ko siya pinansin at tumuloy ako
sa loob at umupo. Napansin ko na nagpagupit siya ng buhok, boy cut.
Saktong nagring ang bell at nagsiayusan ang lahat. Nakita ko si Lily na pumasok sa
loob.
"Good morning!" nandyan na pala si Miss Karen Italia, ang adviser ng klase na 'to,
wearing her usual expression; blank and cold na bumagay sa mahaba niyang buhok at
pale complexion niya. She'll check the attendance first.
"Martinez."
"PRESENT!" with full energy na sabi ni Aya.
"Morie."
I raised my hand.
"Morris."
Napatingin ako sa kaliwa ko, bakante pa ang desk. Biglang bumukas ang pinto,
dahilan para tumingin ang lahat doon.
"Sorry I'm late, mam." hinihingal pa ito.
"You're just in time, Morris. Ikatlong late mo na ngayon sa linggong 'to. Take your
seat."
"Sorry po talaga."
Nang dumaan siya sa harapan ko, alam kong nakatingin siya sa'kin, pero nakadiretso
lang ang mata ko sa pisara. Binabalewala ko lang ang mga tingin na yon, araw-araw.
He's still the same.
Naupo na siya sa kaninang bakanteng desk sa kaliwa ko. We never talked. Well, kahit
sino naman yata sa klaseng to wala akong kinakausap na matino dahil hindi ko sila
pinapansin at di nila ko pinapansin, except kay Aya na lagi akong kinukulit.
"Ok, so let's start the class..."
As much as expected, nang matapos ang klase, kanya-kanyang mundo ulit. Nakakaantok
ang panahon kaya wala masyadong nakinig kay miss Karen, bago umalis, pinaalala nya
lang yung mga requirements para sa subject nya at yung mga mag eexam sa mga
universities. Ganon ba kabig deal yun?
"Morie" si Aya, ubod ng lapad ang ngiti niya, "Saan ka mag-eexam?"
"Ewan."
"Nakakatamad magcollege no, hehehe."
"Ah.." sabi ko at tumayo.
"San ka pupunta?"
"Locker."
"Sa loob ng locker? Weh, magkakasya ka?"
Mabilis akong umalis, baka kung anu-ano pa itanong ni Aya, hindi nauubusan ng
sasabihin yun eh. Dumiretso ako sa locker area, kukunin ko yung mga libro para sa
next subject. Hindi ako ganon kafriendly sa ibang tao kaya marami ang ilag sa'kin,
but that girl, Aya, kahit anong gawin kong taboy ko sa kanya, not literally,
pinaparamdam ko na ayoko sa kanya, na ayokong kausapin siya, hindi pa rin siya
natitinag.
Ayokong may mapapalapit sa'kin. The main reason: I hate attachments and I do not
want to see their eyes.
May naghulog ng note sa locker ko. Bukod kay Aya, may isa pang tao na kahit anong
gawin kong taboy, hindi pa rin tumitigil. 'Hi, you're so cute.' Hindi ko makayanan
yung kakornihan. Cloud Enriquez. Alam kong sa kanya na naman galing 'to.
/2/ Seer

/2/ Seer

In the City of God there will be a great thunder,

Two brothers torn apart by Chaos,

While the fortress endures, the great leader will succumb,

The third big war will begin when the big city is burning

Nakatitig lang ako sa lecture sa blackboard habang nakapangalumbaba. Kalahati ng


klase ang hindi nakikinig, yung iba natutulog na lang o kaya nakikipagdaldalan sa
katabi, yung isang kalahati ay pursigido pa ring nakikinig

Habang nagdidiscuss, palakad-lakad rin si Miss Karen sa classroom, nakalagay ang


dalawang kamay sa likuran. "Nostradamus, the most famous astrologer who ever
lived..." tinapik nya pa yung nadaanang natutulog at napabangon naman ito,
nagpatuloy siya, "And that quatrain written on the board contained the prediction
of 9/11 bombing." Aniya, malamig ang boses, huminto sa harapan nang may nagtaas ng
kamay.

"You mean, nakita ni Nostradamus ang future?" tanong ng nerd kong kaklase, si
Penelope.

"They said he "foresaw" it. By interpreting this quatrain, they assume na ang "City
of God" ay ang New York. Then "the two brothers torn apart by chaos" must be the
fallen towers of the World Trade Center. "Fortress" is the Pentagon. "The great
leader will succumb" must be the United States. And "the third big war" means World
War III."

Matapos sabihin iyon ay nagkanya-kanya silang diskusyunan, kanya-kanyang reaksyon,


may mga natakot, may mga hindi naniniwala, may mga sumang-ayon. yung mga natutulog
ay biglang nagising dahil sa mga diskusyong naglilikha ng ingay, at yung iba wala
naman talagang pake, gaya ko

"So, sino sa inyo ang naniniwala sa prediction na to?" tanong ni Miss Karen at
huminto sa gitna.

May mga nagtaas ng kamay, at may isang tumayo para magsalita. "I think, the lines
are accurate sa mga nangyari, mam." sagot nito.

"Ok, so, sino naman ang hindi naniniwala?"

Kaunti ang nagtaas ng kamay, at nagpatuloy sila sa sari-sarili nilang argumento.


"Imposible yon, paano nya masasabing New york yun kung hindi pa nag-eexist yun sa
panahon nya?"

"It's a faux pas, mam." Sabi naman ni Penelope, inayos pa ang salamin sa mata,
senyales na sigurado ang kanyang sagot

"Are you sure?"

"Opo."

"Well,you're right. It's not true" Pagkatapos ay sabay-sabay silang nagreact,


samantalang ako nanatili lang walang imik at nakatingin sa board. Ang tagal naman
matapos ng klase.

"That quatrain written on the board was nowhere to be found in Nostradamus


published works," naglakad ulit si miss Karen at pagkatapos ay huminto ulit
pagdating sa likuran, "In other words, it's just a hoax."

"Ano ba yan."

"Tss."

"Mam, yung totoo?"

"Lokohan pala to."

"So what's the point of this?" sabi ng isang maarte kong kaklase, si Alexi ,
nagniningning pa yun mga suot-suot niyan alahas na tiyak kong mamahalin.

"Well, we're talking about Nostradamus, anyway." pinulot ni Miss Karen ang nahulog
na ballpen sa sahig at ibinalik sa may-ari. "He predicted the date and the hour of
his death, then he died shortly before the sunrise."

Nagpatuloy ang mga kaklase ko sa pagtake down ng notes, inaasahang lalabas ang
topic na ito sa exam. Malapit na nga palang mag-exam. Bumalik si miss Karen sa
harapan, inayos ang gamit niya sa table. Fifteen minutes na lang, akala nila tapos
na ang discussion pero hindi pa pala.

"Some were told that the future is not predetermined because humans have the power
to change it..."

I can see the future.

"...by enlightening the consciousness, hndi ba may mga pagkakataong nararamdaman


natin kung anong mangyayari sa susunod, then it happened..."

Pero hindi ako katulad ni Nostradamus. Hindi ko makikita kung magugunaw na ba ang
mundo o kung anong mangyayari sa bansang 'to. I can see individual's future. Kapag
tinitigan ko ng matagal ang mga mata nila, kapag tila nahihigop ng mga mata ko ang
kaibuturan ng kanilang mga mata, nakikita ko ang hinaharap na naghihintay sa
kanila.

"...we can create mental pictures of events that have not yet happened. Minsan,
hindi sinasadya, nagkakatotoo ang mga nililikha natin sa isip natin..."

Hindi ko alam kung paano ko 'to nakuha. Hindi ko alam kung paano iyon nangyari. Two
years passed since I got in an accident, I received this unusual power, and I can't
tell if it's a gift or a curse. Magmula noon hindi ko na natagalang makisama sa
ibang tao. Anong magagawa ko? I couldn't help it. I isolated myself. Sa tingin ko
mas tamang ilayo ko ang sarili ko sa mga tao, hindi na ako tumitingin ng matagal
sa mga mata nila.

"...people subconsciously make thousands of predictions each day, gaya ng paghula


kung sino ang darating, kung sino yung tumatawag at kung anu-ano pa.On the other
hand, we're led to believe that life is about making choices... It's about free
will, fate and destiny..." she paused.

Pero hanggang ngayon hindi ko pa rin natatakasan ang realidad na mayroon ako. I
can't run away from this fate.

"...we make our own futures. A-"

May sasabihin pa sana si Miss Karen pero naabala siya nang biglang tumunog ng
malakas ang bell sa labas kahit hindi pa saktong time para sa next subject.

"Okay, that's all for today. See you tomorrow." iyon ang huling sinabi ni Miss at
pagkatapos ay binitbit na nito ang gamit nito atsaka umalis.

Inayos ko na rin yung mga gamit ko, itinabi ko na sa bag yung mga libro't notebook
ko. Hindi ko maiwasang marinig yung mga kaklase ko na pinag-uusapan ang topic na
iniwan ni Miss.

"Ano kaya ang pakiramdam n may ganung powers?"

Mahirap

"Gusto kong maging ganun, siguradong magiging sikat ako sa buong mundo. Huhulaan ko
kung kelan magugunaw ang mundo."

Moron.

"Ang astig siguro kung makikita mo kung anong mangyayari."

Wala silang kaalam-alam na isa sa mga kaklase nila ay kayang makakita ng hinaharap
sa ilang segundong pagtitig lang sa mga mata. Oo, walang ibang nakaalam tungkol sa
kung anong mayroon ako, sinong maniniwala kung sakali? Kung pwede ko lang ipasa,
matagal ko na dapat ginawa. And having this freaking power is not cool as they
thought. Mahirap makita kung anong pwedeng mangyari. Lalo na kung may mawawala at
hindi katanggap-tanggap.

Paalis na ko nang tawagin ako ni Aya.

"Morie," huminto ako pero hindi tumingin sa kanya, "okay ka lang ba?" Tumango ako
tapos lumabas ako ng classroom.

Alam ko ang totoong sagot sa tanong niya, hindi ako okay.

Marami na namang tumitingin sa kin habang naglalakad ako sa corridor, naririnig


kong pinag-uusapan nila yung tungkol sa amin ni Cloud Enriquez. Binalewala ko
lamang yon hanggang sa narating ko rin ang library, sa left wing ng building, ang
lugar na lagi kong pinupuntahan, dito ko kinukulong ang sarili ko kapag may
bakanteng oras, malayo sa mga tao.

Pumasok ako sa loob, tutal, lagi naman akong nandito, hinahayaan na lang akong
pumasok lagi ni Mrs.Stefi, ang librarian, busy siya sa pagkukutkot ng kuko nya.
Malawak ang library, malalaki ang shelves, yun nga lang, walang gaanong
interesadong pumunta rito, pwera na lang kapag may mahahalagang research.

As usual, doon ako sa paborito kong pwesto, malapit sa Geographic section, wala
kasing masyadong tao na pumupunta rito, except sa mga naglalandian.

I can finally have a peace..

"Preparing early for exams, huh?" or not.

Without looking up I said, "Get lost."

"Woa, supalpal na agad ako. That hurts." Hinila niya yung upuan at umupo pa siya
kaharap ko.

"Wan to grab some lunch? My treat." hindi ko man siya nakikita, I know he wears his
boyish smile.

"Busog ako."

"Napakahard headed mo, young lady."

"Can't you see I'm busy? Hey!-" bigla niyang inagaw yung libro ko, "akin na yan!
Enriquez!" sabi ko at pilit na inaagaw ang libro pero nilalayo niya ito.

"Let me treat you first."

"Give me back my book then fine!" sabi ko nang matigil siya pero ang totoo hindi
naman talaga ako sasama sa kanya. Ngiting-ngiti naman siya, then he handed me my
book. At nang makuha ko ito, bigla akong kumaripas ng takbo.

"Hey! Morie!" nabangga niya yung isang pile ng books, natumba at nagkalat iyon sa
sahig, kaya wala siyang ibang magagawa kundi ayusin yon, takot lang niya kay
Mrs.Stefi.

He's been tailing me for three weeks. Hindi ko alam kung anong nakain nya at ako
ang pinagtitripan niya. Siya yung naglalagay ng kung anu-ano sa locker ko. Cloud
Enriquez is a certified flirt. Hindi ko pa man nakikita ang future, nararamdaman ko
na.

Paglabas ko, hindi sinasadyang may mabunggong tao na papasok naman sa loob ng
library. Si Penelope.

"Sorry." sabi nito. Nalaglag yung mga dala ko kaya automatic na pinulot ko ito,
tinulungan niya ko. Hindi sinasadya, napatingin ako sa mata niya at wala pang isang
iglap ay nakita ko...

"Morie, pasensya ka na." hindi ako sumagot bagkus mabilis akong naglakad nang hindi
lumilingon sa kanya.

Biglang kumabog ng malakas yung dibdib ko. Anong dapat kong gawin?

"...On the other hand, we're led to believe that life is about making choices...
parang bigla kong narinig ang boses ni Miss Karen. "..It's about free will, fate
and destiny..."

Should I let that happen?


"Penelope" tawag ko sa kanya nang humarap ako.

"Bakit?" hindi pa siya nakakapasok sa loob ng library, nagtataka siya kung bakit ko
siya tinawag. Lumapit ako sa kanya pero hindi ako makapagsalita.

"Morie?"

Huminga ako ng malalim.

"Wag ka munang umuwi."

"Ha? Bakit?" gulat na gulat niyang sabi.

Isip. Isip ng dahilan. "Magpapatulong ako ng assignment."

I really hate this,

Because I'm a freaking seer.

___

seer (n.)

-one that sees

-a person who can supposedly see into the future; prophet

/3/ The Blog

/3/ The Blog

use the trigonometric formula sin(2t) = 2 sin t cos t to express the area S as
follows.
S = (1/4)AC 2 sin (2t)

"Morie?"

"Ha?"nagbalik lang ako sa kasalukuyan nang marinig kong tinawag niya ang pangalan
ko.

"Sabi ko, nagets mo na ba?"

"Ah, oo." though I wasn't paying attention for the whole time. Lutang yung isip ko,
hindi ko alam kung bakit ko 'to ginagawa. Nagdahilan ako para-hindi ko talaga alam.
Penelope gave me a puzzled look when I asked her. Well, hindi ko naman talaga siya
masisi, yung kaklase mong hindi ka naman kinakausap ay bigla ka na lang lalapitan
para magpatulong, naiintindihan ko kung bakit siya nagulat, ang sarili ko lang ang
hindi ko pa maintindihan/

We went to the library at doon niya ko tinuruan, She shared her ideas about the
subject. Kahit na matagal ko nang naiintindihan yung lesson na 'to. Ang tanging
tumatakbo sa isip ko sa buong oras na magkasama kami ay bakit nga ba 'ko nandito?

"Gusto mo bang ipahiram ko sa'yo tong notes ko?" her eyes was covered with a thick
eyeglasses, ang buhok niya ay nakapigtails at kung minsan ay nakalugay ang wavy
niyang buhok katulad ngayon. She's kind and she's one of those usual geeks and
grade na matatagpuan sa isang klase, typical nerd siya pero hanggang rank two or
three lang ang naaabot niya. Nobody bothered her at class, parang ako.

"No, I'm fine." sabi ko at isinilid na ang mga gamit sa bag. It's already six,
papasara na yung library. Sabay kaming lumabas at wala na kaming imikan hanggang sa
marating namin yung main gate. Iniisip niya pa rin siguro kung anong nakain ko't
bakit ko siya in-approach.Pareho kaming nababalot ng agam-agam hanggang sa
makalabas kami ng campus.

"Mauna na ko, Morie."

"Ah-" aalis na si Penelope pero pinigilan ko siya, "don't go at Mirku's" Napaawang


yung bibig niya at tiningnan ako ng isang nagugulumihanang tingin.

"Sold out ang milk shake nila." iniiwas ko yung tingin ko, muka akong tanga sa
pinagsasabi ko.

"Hindi ko ma-"

"Basta wag kang pupunta don!" sabay talikod at naglakad ako paalis nang hindi
lumilingon kahit na tinawag niya ang pangalan ko.

Hiningal pa rin ako dahil sa kaba sa dibdib ko, napasandal ako sa pader. Atsaka ko
napansin sa kabilang bahagi ng daan, may pamilyar na itim kotse. At naroon siya,
kumaway sa'kin habang nakangiti, si Albert.

"Kamusta na miss Jillianne?" matagal ng walang tumatawag sa'kin ng ganyan kaya


parang naiilang ako. He glimpsed at the rear-view mirror. Albert's warm voice is
still the same, wearing his formal suit and his hair turned whiter than before.
Sinalubong ko siya kanina at inalok na ihatid ako pauwi.
"I'm fine." I missed this ambiance; sitting comfortably while looking outside the
window.

"It's been a long time. It looks like you grew up."

"Yeah. Pero, paano mo nalamang papalabas ako?"

"Well, natiyempohan lang kita."

"Oh."

"Gusto mo bang umuwi sa inyo?"

"No." napalakas yata ang sagot ko, "sorry," I sighed, "please just take me to my
apartment."

He silently followed my order. Nang makarating kami, ibinaba nya ko sa harapan ng


building kung saan ako tumutuloy.

"If you need anything, just call me."sabi nya.

"Okay."

"Your father missed you."

Si dad? Namimiss ako? Nang mapansin niya na wala akong balak sumagot ay nagpaalam
na siya.

"See you, young lady."

Then, he drove away.

Sa ika-labing isang palapag. Pagpasok ko sa loob ng apartment ay binuksan ko yung


switch ng ilaw. Nilapag ko yung bag sa couch. Isang taon na kong ganito, isang taon
na akong nakatirang mag-isa. I left home. Tutal marami namang pera si dad, binili
niya ko ng sarili kong apartment at sinusuportahan sa pinansyal na pangangailangan.

Si Albert lang yung bumibisita sakin ng madalas, hindi ko alam kung inutusan lang
siya or what. Mas gusto ko pang mabuhay dito ng mag-isa kesa naman umuwi at araw-
araw kong makita si dad na kasama ang bago niyang pamilya.

7:35 pm

"..tatlo ang patay sa nasabing insidente sa may.." ipinakita sa CCTV camera ang
tagpuan ng insidente at patuloy na nagsalita ang mamahayag, malapit iyon sa
Mirku's. That's exactly what I saw. Ang hirap ipaliwanag. I just closed my eyes to
forget what I foresaw, pero mukang imposible yon. Ang tanging kaibahan nga lang sa
balitang pinapanuod ko ngayon...Penelope wasn't there.

*****
Another ordinary day..again. Murmurs..Rumors..Gossips.. Everywhere..

Isang panibagong ordinaryong araw, ganoon pa rin sila kapag tuwing dumadaan ako,
mga mapanghusgang titig, mga bulungan, tsismis, kahit saan, kahit sa hangin.
Nadaanan ko yung freedom board at punumpuno iyon ng mga posts tungkol sa
achievements ng mga estudyante ng White Knights Academy.

Pagpasok ko ng classroom, walang Aya na sumalubong sa'kin, which I found unusual.


Napansin kong napahinto ang isang nagkukumpulang grupo at nakatingin sila sa'kin
hanggang sa makaupo ako.

Nakita ko sa peripheral vision ko na nakatingin sa'kin si Penelope. Hindi maipinta


ang ekspresyon ng mukha niya. Alam kong nagugulumihanan siya sa mga nangyari,
nabalitaan niya rin siguro yung nangyari kahapon si Mirku's.

"Morie!" mula sa kung saan ay sumulpot si Aya, hinawakan niya ko sa braso at bigla
akong hinila patakbo sa kung saan, "May kailangan kang makita!" hindi ako naka-
angal, malapit ng magsimula yung klase pero base sa tono ng pananalita niya ay may
hindi magandang balita.

Seryoso siya, na bihira mangyari. Napadpad kami sa computer lab, walang ibang tao
roon. Bukas naman ang isang unit kaya umupo siya at nagbukas ng isang browser.
Nanatili lang akong nakatayo sa likuran nya, tinitingnan ang susunod niyang
gagawin.

"Nakita mo ba kung anong pinagkakaguluhan nila kanina sa classroom?" she sounds


worried.

"Hindi." Wala akong kaalam-alam sa sinasabi niya hanggang sa,

"Look!" ipinakita niya ito sa'kin na siya namang pinanlakihan ng dalawa kong mata.

WHITE KNIGHTS ACADEMY's

"HEARTLESS HEART BREAKER"

JILLIANNE MORIE

Tumambad sa'kin paningin ang isang blog...At iyan ang headline...

"What the hell is this?"

"Sumulpot ang blog na yan last week. At ngayon, kumakalat na siya sa buong school!"
Mabilis kong pinasadahan ng tingin ang mga nakasulat doon.
She don't care about others feelings. Like what she did to those three guys she
played!

She doesn't hate or like anything. She has no heart.

She might looked innocent and sweet, but she killed you three times inside her
thoughts.

Jillianne Morie is a psychopath!

Inihinto ko ang pagbabasa. Hindi ko alam kung anong dapat kong ireact, natuod lang
ako. Sino naman ang gagawa ng ganito?

"Morie, o-ok ka lang?"

I smirked.

"Sa tingin mo ba okay ako? Pagkatapos kong mabasa to?" hindi ko mapigilang mainis..
Yumuko lang siya. Wala kong magagawa kung sa kanya ko nabubunton ang inis na 'to.
Kinuyom ko ang dalawa kong palad habang nangagalaiti sa inis. Calling me psychopath
is too much. Wala akong pake sa ibang tao pero kailangan bang iabot sa ganito? I
just need a peaceful life.

"Sino ang may kagagawan nito?"

"Hindi ko alam, Morie. Sorry! Nag-aalala lang naman ako sa'yo." sabi niya in a low
voice.

I sighed. Walang paalam na lumabas ako ng lab. Nadatnan kong nakaabang siya sa
labas pero nag-iwas ako ng tingin. Kampanteng nakasandal sa pader habang
nakapamulsa ang dalawang kamay. Morris looks...worried too.

Ramdam kong sinusundan niya ako ng tingin habang papalayo.

/4/ The List

/4/ The List


"Oh my gosh!" reaksyon ng babaeng nakabangga ko, natumba yung inumin nya sa tray at
natapunan ng soda ang braso ko, dahil don, agaw eksena kaming dalawa sa loob ng
cafeteria. Nagbulungan na naman ang mga ibang estudyante na kumakain doon, lalo
pa't nakita nila ko.

"Geez, Morie, hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo." yeah, hindi naman talaga
ko tumitingin eh, "Muntikan mo ng mabasa 'tong relos ko." ipinakita pa ni Alexi
Sabina ang latest version ng CX watch sa braso nya.

"Papalitan ko na lang yang inumin mo." Kasalanan ko naman talaga dahil hindi nga
hindi ko siya nakita.

"No, thanks. I can afford another one." lalagpasan ko na sana siya pero mukhang
nag-eenjoy pa sya sa atensyon na nakukuha, hinarang nya pa rin ako.

"Well, well, trending ka na naman sa academy, huh." tila ipinaparinig pa nito ang
sinasabi sa ibang tao, "hindi ka man lang ba nahihiya? Or sadyang attention seeker
ka la-OMG!" bigla ko kasing binuhos sa braso nya yung natitirang laman nung baso.
Nabasa tuloy yung pinakamamahal niyang CX watch, her face was priceless.

"Oops, sorry, di ko sinasadya."

"How dare you!"

"Kung gusto mo ng atensyon, bibigyan kita."

Humarap pa ito sa mga tao, "Nakita nyo ba yon?", humarap ulit sakin, "Napakamean
mo Morie!" nilagpasan ko na siya, "I hope na maupdate na yung blog!" napantig yung
tenga ko nang banggitin nya yung blog. Hindi ko napigilan ang sarili ko, hinarap ko
ulit si Sabina at tiningnan siya ng masama.

And there you go. I already saw it behind her eyes, but hell, I don't care,
sinasama ang araw ko sa pesteng blog na yun!

"What's with that look?" nang-aasar pa nitong sabi, "I bet, pinapatay mo na ko ng
dalawang beses sa isip mo?"

Ismid lang ang sinagot ko sa kanya na ikinainis niya. Gagantihan pa sana ako ni
Sabina pero biglang may pumagitna sa'ming dalawa.

"Morie, kanina pa kita hinahanap." bago pa ko makapalag, nahila na ko ni Enriquez


papalayo roon. Hindi ko alam kung bakit lagi siyang nakangiti, lagi tuloy
naniningkit yung mata nya na halos di mo na makita, nakasukbit pa sa balikat niya
yung gitara.

Bumitaw ako sa kanya nang makalayo na kami roon.

"Pasalamat ka, mabait ako, kahit may utang ka pa sa'kin." bigla niyang pinisil yung
ilong ko at hinawi ko naman agad yung kamay niya, "See you." he waved, tumalikod na
siya para umalis, pero huminto sya saglit at sinabing, "And.. I really don't mind
at all...whatever written on that blog." then he walked away. So alam na rin pala
ni Enriquez.

Umupo ako sa isang bakanteng pwesto malayo sa mga tao. Atsaka ko nilabas ang isang
listahan.

I crossed him out. I have a list of people, in other words: suspects. Kailangan
kong malaman kung sino ang nasa likod ng blog na yun. I used to don't care. Pero
iba yung ngayon eh. Masyadong rude. Hindi naman na tama na gumawa ng isang blog na
tungkol sa'kin lalo pa't puro kasamaan ang nakalagay.

[x] Cloud Enriquez

Not him. Why would he do such thing? At hindi ako ganun kakilala ni Enriquez. I
think that blogger really know and hate me.

Haters? Marami ako nyan, mostly girls. Naalala ko pa rin kung paano ako nagsimulang
magkaroon ng haters, kung paano ako nagsimulang pag-usapan sa eskwelahan. I just
wanted a peaceful life. Pero nagsimula kay Silverio ang lahat.

[ ] Mathew Silverio

Mathew Silverio, dinig na dinig sa buong cafeteria ang hagikgikan nilang


magbabarkada. He never changed. Nakaupo siya roon sa malayo, with his team mates
and their "babes", pinagtitripan nila yung isang nerd na freshman, poor boy.

Mathew Silverio, the MVP. I dumped him last year.

Yeah, hindi man kapani-paniwala. Hindi kasi ako yung mga tipo na gusto niya. He
usually go with some hot babes.

Once upon a time, I'm a damsel in distress, saved by my knight in shining armour.
Okay, ang korni. He saved me, tapos doon na siya nagsimulang mag-insist na
manligaw.

He announced to everybody na we're dating. Cool. He's really proud.

At ang lahat ng iyon ay isang malaking kalokohan lang, just for a fast buck kaya
nya yon ginawa. Wala kasi silang magawa sa mga pera nila, kaya ang isang "hard-to-
get" na babaeng katulad ko ang challenge. And the save-thing? Hey, that's only a
scheme.

Paano ko nalaman? Tsk. By my "super powers", you see. Everytime na lalabas kami,
nakikita ko. At akala naman ng gago eh isa akong malaking tanga.

So, I planned something. A revenge, actually.

Pinalabas ko na fall na fall ako kay Mathew. Dumating yung araw na magpopropose na
siya para maging official na mag-on kami. Pinaghandaan pa niya yon, para naman
maipagmalaki nya sa buong campus kung gaano siya ka-cool.

Ang haba ng intro niya, hinihintay ko lan sabihin niya yung magic words na,
"..morie, will you be my girl?"

Nginitian ko siya ng ubod ng tamis.

"I'm sorry, but we're better off as friends." then I walked away without looking
back at that guy. Napahiya siya sa harapan ng maraming tao, pero ako yung nagmukang
masama. Sobrang paasa raw, flirt. Whatever.

Doon nagsimula ang outbreak ng haters ko, parang zombie lang. Hindi sila
makapaniwala na ang pinakamamahal nilang prinsipe Mathew ay mababasted ng isang
kagaya ko. Hindi naman nila alam yung totoo, at yung mga mangyayari.

I just knew he was trouble.

[x] Mathew Silverio


Sa malas ba naman, biglang hinangin yung listahan ko, nahulog iyon at may
nakapulot. Ok, speaking of the next suspect. Small world, ika nga. Nakita nya na
kung ano man yung nakapaloob sa listahan na yon.

"Morie?" it's Errol. Kinuha ko sa kamay niya yung papel, at mabilis na umalis sa
cafeteria.

[ ] Errol Aguirre

The second guy. He's plain and simple, the nice guy type. Kaya maraming tao ang
nagigiliwan sa kanya dahil sa atittude niyang palabati at palangiti. Dream boy ng
mga kababaihan.

Kung paano nagsimula ang istorya namin? Well it's like boy meets girl. Ganun lang
kasimple. But because of this freaking "power", alam ko na kung ano ang
kahihinatnan ng lahat. It'll end.

He's the inlove type, iniwan pala siya ng taong mahal niya.

He was speechless when I dumped him. Kailangan eh. Tutal, magkakabalikan din naman
sila ng taong nang-iwan sa kanya, at ako? Maiiwan lang sa isang sulok.

At sa paningin ng ibang tao na, I, Jill Morie, broke his heart. Katulad nung una,
wala ring nakakaalam ng totoo. What a pity.

"Morie, sandali lang." napigilan nya ko sa paglalakad, hinabol pala nya ko, "Ah,
sorry." nakayukong sabi ni Eriol sakin. "Pero..alam mo, hindi ko magagawa sa'yo
yun." ang tinutukoy nya ay yung blog, "I owe you, dahil sa sinabi mo noon sakin,
hindi ko marerealize na mali yung ginawa ko," he shyly smiled, "..at hindi ako
magiging sobrang masaya ngayon."

Yeah right, nagkabalikan nga sila ni Gail. At muka ngang masaya sila ngayon.

"Good for you." sabi ko tsaka siya iniwan.

[x] Errol Aguirre

Sabi ko nga, he's really a nice guy.

[ ] Rainier Ramos

Here we go, the mighty editor-in-chief of The Gryffinclaws. Opposite of Errol, pero
ganun pa rin siya kapopular sa campus. I really don't like this guy in the first
place. Laging nakasukbit ang mamahaling camera sa leeg, he's the 'stalker' type.

How did our story start?

Well, unlike sa naunang dalawang guys, we're not dating. It's all because of that
"valentines day promo", bagong pakulo ng isang club, you can get an anonymous
number na sinasabing "soulmate" mo sa araw na 'yon, argh, parang ganun.

At kapag minamalas ka nga naman, that jerk got mine.

"Hi, sweetie"

"Sino 'to?"

"Guess who. I got your number."


"And so?"

"Soulmates daw tayo."

"Whatever"

Di kalayuan nandoon lang siya nakasandar sa isang pader habang nakalagay sa tenga
ang cellphone, naisip ko na agad na hindi magandang idea na sumama sa taong kagaya
nito. Why? Obsess siya masyado sa trabaho niya bilang stalker, I mean, journalist.
Naisip ko na agad na ako ang bago niyang subject na gusto niyang ilagay sa dyaryo
niya.

Naglakad ako papunta sa kanya atsaka siya sinulyapan nang madaan ko, tumingin din
siya sa'kin. Good thing din pala magkaroon ng ganitong "power" .

"Ok, let's go out later." sabi niya sa kabilang linya habang tinatanaw akong
maglakad.

"Sure."

"See you at Mirku's, 5 pm."

"Ok."

Hindi ko siya sinipot sa Mirku's, kaya naman naghintay siya at inabot ng


siyamsiyam. Imbis na siya ang makagawa ng balita, siya ba ang nabalita, na ako,
pinaasa lang siya.

But wait, there's more, pinalabas naman ng gago talaga nasaktan siya, kaya ayun,
doon nagsimulang may magpost ng tungkol sa'kin sa freedom board. Doon nga ko
sumikat diba?

"May hinahanap ka?" may nagsalita bigla sa likuran ko, isang correspondent ng
newspaper proper, nakatayo kasi ako rito sa harapan ng opisina ng Gryffinclaws,
muka ngang walang tao, "Hindi na ganun kaactive ang office kasi absent si boss."
binuksan nito ang pinto.

"Absent?"

"May sakit eh, isang linggo ng nasa ospital. Kaya nakatengga lahat ng gawain namin
dito."

Nagkakasakit din pala ang taong yun. Noong isang araw naupdate yung blog, hindi
naman pwedeng maupdate nya yon sa ospital. Tsk.

[x] Rainier Ramos

Napu-frustrate ako dahil hindi ko malaman kung sino. Sa sobrang dami ng tao na ayaw
sakin, hindi ko alam kung sino sa kanila ang gumawa. Tiningnan ko yung kasunod sa
listahan..

[ ] George Morris
/5/ Because I'm bored

/5/ Because I'm bored

9:43 pm

Malalim na ang gabi, ngunit maliwanag pa ang gusaling ito.

Rose Angel's Club

Nakatayo ako malapit sa main entrance ng nasabing club. Well, there she is.
Kakalabas lang sa main door kasama ang isang middle-aged woman.

"Eto." inabot nung babae sa kanya ang isang maliit na brown envelope, mukang
namumutok sa dami ng laman. Magkano kaya yon? Nag-usap pa sila sandali at pumasok
na sa loob yung aleng mukang matrona.

Sinilip nya yung laman ng envelope tsaka itinago sa loob ng bag. Naglakad na siya
paalis doon. Makapal ang make-up at nakasuot ng tube dress, sinong hindi mag-
aakala. I was surprised too. That this "princess" had a dirty job.

At nang masinagan ng ilaw ng poste ang mukha niya.

I smirked.

You played well.

Alexi Sabina.

*****

"Look guys! I already bought it." ipinagmamalaking inilabas ni Sabina ang isang
kahon mula sa bag atsaka ipinakita ito sa mga kaibigan.

Kanya-kanyang reaksyon ang mga kaibigan nit na manghang-mangha sa isang materyal na


bagay na ipinakita ni Sabina. Kanina pa uwian pero naisipan ko munang tumambay dito
sa student plaza, nakaupo ako sa isang swing habang pinagmamasdan silang nakaupo sa
isang bench di kalayuan.

"Kakabili mo lang ng cellphone diba?" tanong ng isa.

"Ipangreregalo ko 'to kay Louis. Malapit na kasi yung birthday niya." sagot naman
ni Sabina sa kanila.

"Omg, oo nga pala! Siguradong matutuwa yon."

"Sigurado akong magugustuhan nya to."

"Alexi, ikaw na talaga!"

"Oo nga, ikaw na mayaman."

"Don't worry guys, next time ititreat ko kayo." sabi pa ni Sabina na hindi maalis
ang malaking ngiti sa labi. I wonder behind that smile.

Mapagkakamalan akong baliw ng sinumang makakakita sa'kin dito, nakangiti kasi akong
mag-isa habang nakahawak sa dalawang rehas ng swing, iisipin nilang may imaginary
friend ako. Let's just say na it's really amusing to see the person who pretends to
be something she's not. I know the truth behind her everyday lies. Nakakatawa.

Hindi ko naman sinasadya at hindi ko naman ginusto na malaman yon, through her
eyes, malaman ko tuloy na may naghihintay na hindi kanais-nais na hinaharap para sa
kanya. How pathetic.

Paano kaya kung malaman ng lahat ang tunay niyang pagkatao? That Alexi Sabina is a
filthy rich princess.

This is exciting.

"Alexi, mauna na kaming umuwi. Bye."

"Ok, see you tomorrow. Tatawagan ko pa si Louis." they waved at each other,
pagkatapos ay kinuha ang phone, "Hello? Babes? Magkita tayo mamaya please? Ok. I
love you." then she hung up.

Bakit ko ito ginagawa? Hmm... Nothing. I'm just bored. At sabi ko nga, exciting
'to, exposing her real identity. Cool! No, no, hindi ako gumaganti dahil lang sa
mga nasabi nya sakin sa cafeteria kahapon? Psh. I don't mind at all, and about that
freaking blog? Well, sinet aside ko muna. I need a break.

Papaalis na si Sabina nang may sumulpot sa harapan niya. Cris Baldemor, he's from
our class too, everybody called him 'Baldo'.

"Lexi.."

"Tsk, don't call me Lexi."

"S-sorry. Hehe." napakamot ito sa batok, he's a tough guy, and the class clown.
Pero ngayon ko lang siya nakitang tumiklop sa isang babae. Kay Sabina pa. "May
ibibigay sana ako sa'yo." inilahad ni Baldo ang palad para ibigay ang munting
regalo nito. " A-alam mo naman, simula palang noong mga bata pa tayo, gusto na
kita."

Woa, confession scene. It's like I'm watching a movie, great, popcorn na lang
kulang. Pero hindi iyon tinanggap ni Sabina

"Baldo, pwede bang tigilan mo na ko. At please lang wag mo nang ungkatin yung
pagiging magkababata natin, tapos na yon!"

"B-bakit? Dahil ba hindi ako mayaman?" natigilan naman si Sabina sa sinabi nito
pero agad na nakabawi.
"Oo! Ang mga babaeng katulad ko ay hindi ipinanganak para maghirap!" then she
walked away leaving him broken hearted.

Napangisi naman ako sa sinabi ni Sabina,hindi ipinanganak para maghirap? Don't make
me laugh! Itinapon niya sa kung saan yung dapat na ibibigay niya, tsaka patakbong
nilisan ang lugar na 'yon.

Painful isn't it? Knowing that someone doesn't like you because the feeling is not
mutual.

Tumayo ako para kuhanin yung hinagis niya, isang angel keychain.

Kung alam lang ng lahat, ano kayang gagawin mo. Sabina?

*****

"Louis!"

"Hey babe!" hinalikan nito si Sabina sa pisngi atsaka inakbayan, umupo na sila
atsaka umorder. Louis Carlos, law student ng isang prestigious university, kaya
hindi nakakapagtakang galing sa isang mayamang pamilya ang lalaking 'to.

I did some little research. Nagmumuka na kong stalker pero sabi ko nga, bored ako,
kaya ko 'to ginagawa. Hindi naman nila ako mahuhuli dahil nasa likuran ko lang
sila, at naririnig ko pa rin ang pinag-uusapan nila. Nasa coffee shop sila ngayon,
kagaya nga ng nakita ko sa future nya.

"Malapit na yung birthday mo, babe. Ano bang balak mo?" tanong ni Sabina.

"Hmm.. Magpapaparty si mom, and iyon na siguro yung perfect time para ipakilala
kita sa kanila."

"T-talaga?" bakas na bakas sa boses ni Sabina ang kaligayahang may halong kaba.
Kaligayahan dahil sa wakas ay maihaharap na siya ni Louis sa pamilya nito pero
kinakabahan dahil sa natatago niyang pagkatao.

"Yeah, isang formal party ang gusto nila. So, paghandaan mo sana ang gabing yun."

"S-sige."

She'll do anything...anything.. kahit magpanggap.. so that the high society could


accept her. Naaawa ako sa'yo Alexi. But I have nothing to do with you.

Bukas.. ihanda mo ang sarili mo sa kalupitan ng mundo.

Umalis na ko sa lugar na 'yon.


*****

Finally. Kahit isang araw lang nawala ang atensyon nila sa'kin. Matiwasay din akong
nakakapaglakad ngayon sa corridor. At heto na nga, napahinto ako sa paglalakad
dahil nakabara sila sa corridor. Pinagkakaguluhan ang isang larawan na nakapaskil
sa freedom board.

Larawan ng isang babae na papalabas ng isang club. Napailing ako. Ito ang kapalaran
na nakita ko.

Pinilit kong makadaan sa nagkukumpulang mga tao. Hindi lumilingon na nagpatuloy ako
sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa harapan ng classroom. Biglang bumukas
ang pinto at niluwa si Sabina, lumuluhang tumakbo papalayo, marahil ay hindi nya ko
nakita.

I knew this would come.

"Morie, magsisimula na ang klase." si miss Karen, nasa gilid ko sya at bitbit ang
class record.

"Hindi mo man lang ba sya susundan?" sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya. Umiling
ito bilang sagot.

"I think we have to leave her alone for awhile." sabi niya atsaka pumasok na.
Weird, hindi ba dapat she'll go after her? Or she's not that passionate for her
job. K.

Sa loob ng classroom, alam kong may komosyong nangyari, pero parang normal lang ang
lahat nang magsimula ng klase si miss Karen. Nasulyapan ko kanina si Baldo,
nakatingin ito sa kawalan at matamlay.

*****

I heard someone sobbing. Sinundan ko ang naririnig ko, at heto, natagpuan ko


siya. So, Geographic section is not only for PDA teens but also for crying babies.
Sumandal ako sa book rack ng library habang nagbabasa.

"Walang mangyayari sa'yo kung iiyak ka lang dyan. To be hated, the worst feeling
huh."

"G-inawa ko yon dahil--"

"Sa lalaking yon?" marahan akong natawa, "Para matanggap ka ng alta sociedad? Para
magkaroon ng maraming kaibigan? Para magustuhan ka ng lahat? Nagpapanggap kang el
rico dahil takot ka. Pero kahit anong pagpapanggap na gawin mo, basura ka pa rin sa
paningin nila."
"M-mali...mali ang iniisip nilang lahat." mahina nyang sabi habang humihikbi,

"Nagpapaliwanag ka dahil gusto mong paniwalaan kita diba? Hindi lahat ng tao ganon
kalawak ang utak para umintindi ng mga kagaya mo, Sabina. May mga bagay sa mundo na
ikaw lang ang tanging nakakaalam..at habambuhay, ikaw lang ang makakaunawa." like
my situation.

*****

"You took that photo, right?" nagulat si Baldo nang sumulpot ako sa tabi nya. Mag-
isa siyang naka-upo sa bench ng plaza. "How ironic."

"Dapat lang sa kanya yon." nakangiti nyang sabi pero puno ng hinanakit ang boses.

"Stupid." inabot ko sa kanya yung key chain na binato niya kahapon. "Because your
love is not reciprocated, you dare to do that." tumayo ako,

"Kung ganon lang din naman pala. Wala kang karapatang magmahal ng sinuman."Iniwan
ko sya.

Why I'm doing this?

Because I'm bored.

/6/ Serenade

/6/ .Serenade
"Good morning Morie!" kulang na lang ay mabasag ang mga bintana sa tinis ng boses
ni Aya.

Balik na naman ulit sa ang sistema rito sa loob ng classroom, kagaya nitong maingay
na pagsalubong sa'kin ni Aya. Pumasok na ko sa loob, sumunod naman siya sa'kin at
sabay naupo sa kanya-kanya naming pwesto. Nagsimula na namang magdadakdak ng kung
anu-ano si Aya, pero hindi ko naman siya iniintindi, sadyang ganun lang sya
kadaldal at sanay na syang hindi ko siya pinapansin.

Minsan gusto ko siyang tanungin kung hindi pa ba siya nagsasawa sa kakadaldal,


dahil nagmumuka lang siyang ewan kasi hindi ko siya pinapansin.

"Morie alam mo ba, ldkaasjldld, abalhaslkld hahaha, ajskajd, hahaha." Mas


naiintindihan ko pa yung tawa niya kaysa sa mismong pinagsasabi niya, basta
nagkukwento lang siya ng nakakatawang bagay na nangyari sa kanya kanina o di kaya'y
may nakasalubong siyang gwapo o kaya naman may napanood siya. Random. Sobrang
random ng kwento ni Aya, siguro tinitingnan niya kung saang topic ako
magkakainteres kaya kung anu-anong topic ang binabato niya.

"Hoy Martinez! Pwede bang manahimik ka? Nakakairita ka, napakadaldal mo eh!" may
sumaway sa kanya na kakapasok lang sa loob ng room, "Abot hanggang second floor
yang boses mo!", si Roman Tadeo, counterpart ni Aya sa kaingayan, payat ito,
matangkad, ang bagsak na buhok ay minsa'y nakababa o nakataaas, magulo. Napatayo
naman si Aya.

"HOY KA RIN TADEO! ANONG NAKAKAIRITA KA DYAN?! NAGSALITA ANG HINDI MADALDAL!"

"OH SIGE, SINONG MAS MAINGAY SA'TING DALAWA?! PUTAK KA NG PUTAK, PARA KANG MANOK!"

"ANONG MANOK?! KAPAL MO TSONG. SA GANDA KONG TO, MUKA KONG MANOK? HUH!"

"HINDI KA BA KINIKILABUTAN SA MGA SINASABI MO? SAANG BANDA KA MAGANDA?!"

"Pareho kayong manok," nagsitinginan kami sa bagong dating na pumasok sa loob ng


klase, si Senji Tamaki, taas-taas pa rin ang buhok at mas dumami pa yata ang benda
sa braso at mga band-aid sa muka, he's the 'baddass gangster' type, at hanggang
ngayon hindi namin alam kung talagang may lahing banyaga ang pamilya niya dahil nga
sa kanyang pangalan. Mahigit isang linggo na siyang hindi sya pumapasok at himalang
ngayon lang ulit siya nagpakita.

"SENJI MEN! BUHAY KA PA PALA!" masiglang bati ni Tadeo, sila-sila kasi ang
magkakasama palagi.

"Oh, Tamaki, buti naisipan mo pang pumasok." biglang sumabat ang class
representative, si Lord James Ireneo III, biglang tumahimik ang lahat at sigurado
akong dahil 'yon sa nililikhang tensyon sa pagitan nila ni Tamaki. Matagal ng
mainit yung dugo nila sa isa't isa. Isa pa, si Ireneo ang pinakamaimpluwensyang tao
sa loob ng klase na 'to, kaya lahat ng sabihin nya ay pinaniniwalaan ng lahat.

"Papasok ako kung kelan ko gusto." sabi nito at pumunta sa sariling pwesto, sinipa
pa yung nadaanang bakanteng table.

"Omg, si Senji.'

"Ba't pumasok pa yan."

"Tsss..Oo nga."
"Pampagulo lang yan dito eh."

Wala silang ibang iniisip kundi gulo ang maidudulot nya rito. Senji, the deliquent,
was neglected by this society. Lalo na rito sa loob ng eskwelahan. Well, wala naman
akong pakialam sa kung anong gusto niyang gawin sa buhay.

*****

8:01 am na, pero hindi pa dumadating ang first period teacher, si Miss Karen.
Kadalasan, one minute before the time nasa klase na siya.

"Guys, absent si miss Italia." anunsyo ng isa kong kaklase na kakagaling sa labas.
At di katulad ng ibang mga estudyante na natutuwa kapag walang teacher, ibahin niyo
ang klase namin.

"Malapit na malapit ng ang exams, tsaka pa aabsent si mam. Tsk."

"Lalo akong mapag-iiwanan sa cram school ko."

"Ako rin, maghahabol pa ko sa review ko para sa entrance exams."

Ganyan sila kauhaw sa kaalamang pang-akademya. At kung sino ang may responsibilidad
kung bakit sila nagkakaganito ngayon...

"In this country, out of fifty people, only three will be happy." She said that to
us, noong first day of school, sinabi sa'min ni Miss Karen na hindi patas ang buhay
sapagkat hindi lahat magiging masaya. She easily influenced our class na mag-aral
ng mabuti, a good news though, pero may mali, hindi naman lahat ng bagay nakabase
lang sa makukuha mong magandang grado hindi ba?

And because of her... ang society sa loob ng klase na 'to ay hindi rin pantay-
pantay. School caste system is not funny and cool at all, kapag may maganda at
matataas kang grado, ay may sarili kang benepisyo, at kapag mababa at nahuhuli ka,
is aka sa apatnapu't pitong hindi magiging masaya.

*****

"Look, dadaan ang social climber b*tch." Narinig kong sabi ng isang estudyanteng
babae nang dumaan si Alexi Sabina sa harapan nila. Poor Sabina, as I watched her
sitting alone in the cafeteria while suffering oppression from those girls. She
really looks miserable. Nawala lahat ng mga kolorete nya, she even lost her
"friends" na galing pa sa ibang section, See, wala talagang permanente, things
just come by and go. Seasons change and people will grow, sabi nga.
Matapos kong sabihin ang mga bagay na yun kay Baldo, napaisip ako kung lahat ba
talaga may karapatang magmahal ng sinuman. Kung hindi siguro, walang magdurusa, but
heck, Sabina deserve that. Hindi ko sinasabing tama yung ginawa ni Baldo pero
kailangan din naman niyang matuto at malaman na hindi lang materyal na bagay ang
importante sa mundo.

Last night, nagpost ng bagong status yung web blog :"You sure could talk a lot huh.
Jill Morie, you really don't know anything." Yeah, wala naman talaga kong alam.
Kung pwede lang mabuhay ng walang alam.

*****

"Hey, people of White Knights!." boses ng isang lalaki mula sa mga speakers sa
buong campus ang umalingawngaw dahilan para mapatigil yung mga estudyante sa
corridor, malapit na kasing matapos yung lunch break, papabalik pa lang ako sa
classroom.

Nasurprised yung ibang students sa pagbabalik ng Student Amateur Radio Club.


Bibihira na lang silang mag on-air dahil mas pinahahalagahan na ng school ang
academic system kaysa sa mga extra curriular-activities. Meron na lang silang
fifteen minutes para mag on-air dahil malapit ng mag ala una at magresume ang
klase.

Maya-maya'y nagplay ito ng live na bandang kumakanta.

I'd love to know just what you're thinkin'


Every little river, runnin' through your mind
You give and you take, You come and you go

Nagtilian ba naman yung mga babae na kasabay kong naglalakad.

You leave me here wonderin' if I'll ever know~


~How much you care or how much you don't
Whatever you need, whatever you want~

"Mygaaad si Cloud!"

"Ang pogi pogi ng boses nyaaa."

"Kyaaaaa
~If you're gonna be somebody's heartbreak
If you're gonna be somebody's mistake~

~If you're gonna be somebody's first time,

Somebody's last time, baby be mine~


~If you're lookin' to be somebody's 'just friends

Baby, baby, baby, be mine, all mi

If you're gonna break someone's heart, yeah~

~Hey, Jill Morie

Might as well, might as well.

be mine~

Hindi ko inaasahan na isasama ni Enriquez ang pangalan ko sa lyrics na kinakanta


niya. Lahat tuloy ng tao sa corridor ay napatingin sa'kin. Urgh. That annoying guy.
Bakit ba hindi niya ko tantanan?

/7/ His Eyes


/7/ His Eyes

What is a friend to you? And how are you as a friend? (Include an s-lv-c pattern)

How ironic. Sa dinarami-rami ng pwede kong mabunot na tanong sa class recitation ni


Miss Karen, 'eto pa? Hindi ko alam kung talagang nananadya yung tadhana at ito
talaga ang nakuha ko. Nakatayo ako sa pwesto ko, ramdam kong nakatutok lahat ng
mga mata nila sa'kin. Hinihintay ang pagbuka ng bibig ko na anumang sandali'y
magbibitaw ng mga salita. Meron lang akong isang minuto para mag-isip ng sagot.

What are friends anyway?

Someone you need? Someone you could hang out with? Someone who cared about you?
Someone you could talk to? Someone you could fight with? Someone who listens? Who
keeps your secret? Who keeps promises? Sila ba yung nandyan lang kapag may
kailangan? O yung mga taong hindi ka iiwan?

Friends...Ano nga ba sila? Wait. Do I even have one?

Nagdiretso ako ng tingin, tama nga ko, nakatutok ang mga mata nila sa'kin,
hinhintay akong magsalita.

"Go Morie," narinig kong sabi ni Aya, cheering me up. She considered me as her
friend but does she know if I felt the same way? Hindi lahat ng taong nakakausap at
nakakasalamuha natin ay matatawag mo ng kaibigan. Do I really have to answer this
question or not?

Hindi ko alam ang sagot. Sa dami ng iniisp ko, walang may gustong kumawalang salita
mula sa bibig ko. Anyway, hindi ko pa naman binabasa yung nabunot kong tanong. Kaya
ang ginawa ko ay binago ko ang sarili kong tanong. I know it's not fair. Well,
freedom ko pa rin na hindi sumagot. Some questions were meant to be unanswered.
Hindi dahil hindi mo alam ang sagot, dahil sa nakaraang hindi mo matatakasan.

Once, I have friends but like a shadow, they're with me in the light but when the
darkness came―they vanished. May mga mananatili sa alaala mo pero hindi sa tabi mo.
Nasaan na sila? Kasama ko sila sa klase na 'to ngayon, pero wala ni isa sa kanila
ang nanatili hanggang sa kasalukuyan. Pity me.

*****

Nakarinig ako ng mga yabag na paparating mula sa likuran. Sino pa nga ba ang ibang
laging gumagambala sa pananahimik ko rito sa library? At kung inaakala niyang
natuwa ako sa ginawa nya noong isang araw, pwes hindi. "Hey Jill Morie...Might as
well, might as well..be mine." Hindi ako natutuwa sa laro niya.

"Get lost, Cloud." sabi ko. Walang sumagot. Narinig ko lang na hinila niya ang
isang silya di kalayuan sa pwesto ko atsaka umupo.

"So," suddenly, my heart jumps. That voice, "you're expecting him, Jill." George
Morris. Ang seatmate ko.

Naghari ang katahimikan sa pagitan namin ni Morris. Nagtatanong ang isip ko. Bakit?
Anong ginagawa nya rito? At paano nya nalaman?

"Bakit iniba mo yung tanong kanina?" sabi niya, "bakit hindi mo sinagot yung tanong
sa'yo?" wait, alam niya na iniba ko yung sagot kanina?

"Dahil.." sabi ko, "hindi ko alam."

"Hindi mo alam?" marahang tumawa si Morris, anong nakakatawa sa sinabi ko?

"Friends are like treasure, mahirap silang hanapin, pero napakaespesyal. If you are
a friend, it means you were chosen. You were chosen to stay in someone's life.
Hindi ko makakalimutan ang quote na yan. Kasi, ikaw ang nagsabi nyan, Morie.Tsaka
dyan naman tayo nagsimula."

Ayoko na.
"Alam kong ang weird, nandito ako ngayon nakikipag-usap sa'yo. Samantalang sa
classroom, hindi na tayo nag-uusap." parang hindi ako makahinga sa bawat salitang
binibitiwan ni Morris. Tumayo ako at aalis na sana pero mabilis nya kong napigilan
sa braso.

"Hindi mo pa rin ba maalala? Bakit hindi mo ko maalala?" pinilit niyang hinaharap


ako sa kanya pero yumuko ako. Nasasaktan ako sa higpit ng pagkakahawak nya sakin,

"Alam mo bang nahihirapan ako. Nahihirapan akong makita kang ganyan!" dahan-dahan
akong nag-angat ng tingin, tiningnan ko sya..sa mga mata. And the moment I laid my
eyes on his-wala akong makitang hinaharap. Pero isang nakaraan. Nakaraang hindi ko
na ginugustong maalala.

I shut my eyes.

"Bitawan mo ko." sumasakit yung lalamunan ko, hindi ko alam kung bakit. Hindi pa
rin ako binibitawan ni Morris. "T-tumigil ka na, please."

Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak niya sa braso ko. Kinuha ko ang pagkakataon
para mabilis na umalis sa lugar na 'yon. Pero kahit anong gawin ko, nakikita ko pa
rin ang mata ni Morris, kung ano yung nasa loob ng mga mata niya. Hindi ako
makatakas.

Sa lahat ng mga mata, kay Morris ang pinakakinatatakutan ko. Sapagkat sa di


maipaliwanag na dahilan, nasa mga mata niya ang nakaraang matagal ko ng
tinatakasan, ang nakaraang hindi na maibabalik pa.

At para sa'kin, wala ng rason pa para balikan ang nakaraan na 'yon.

*****

Masasabi kong hindi normal ang araw na 'to. Gusto kong mahiga, matulog, makalimot.
Binuksan ko yung pinto ng apartment ko at pumasok. Teka. Binuksan ko agad ang
switch ng ilaw.

"Anong ginagawa mo rito?" sabi ko habang nanatili siyang nakatalikod sa'kin.

"Bakit?" dahan-dahan siyang humarap. She smiled. It always annoys me."...masama


bang dalawin ang ate ko?"

"What do you want, Lily."


/8/ Photographs

/8/ Photographs

"...masama bang dalawin ang ate ko?"

"What do you want, Lily?" sabi ko, "at hindi kita kapatid."

"Yeah, hindi nga tayo magkapatid biologically. But, I have good news."

"Ano naman?" sabi ko habang nilapag sa tabi ng cabinet ang bag ko at nagtanggal ng
medyas, siya naman ay umupo sa couch, nakangiti pa rin ng ubod ng tamis na animo'y
nang-iinis. At ako naman, laging tinatablan sa mga pang-iinis na ginagawa niya.
Teka, lagi naman akong naiinis sa kanya, the way she speaks, the way she acts,
lahat ng tungkol sa kanya kinaiinisan ko. Well, ganun naman talaga diba, when you
dislike someone, kahit wala siyang ginagawa sa'yo, maiinis ka, maaapektuhan ka.

"Tito Richard will adopt me. Magiging Morie na rin pala ako." Napahinto ako sa
sinabi niya, pinilit kong hindi ipakita na naapektuhan sa sinabi niya. So, dad will
adopt her? That's not cool.

"Iyan ba ang dahilan kung bakit ka nagpunta rito?"

"No."

Tinalikuran ko na siya para pumasok sa kwarto ko, hindi maganda ang araw ko kaya
gusto kong magpahinga, "Bukas ang pinto pwede ka ng umalis." Lily and I are not
close, I don't even consider her as a friend as well, siguro noon oo, pero ngayon?
Simula ng malaman ko na ang ina niya ang magiging bagong asawa ni dad, hindi ko na
siya kinakausap. Coincidently, magkaklase kami, at hindi alam ng iba naming
classmates na half-sister ko siya.

"Stay away from him." narinig kong matigas na sabi ni Lily. Napahinto naman ako at
the same time ay biglang napangisi. So, nakita niya siguro kanina sa library, at
ito pala ang pinunta nya rito.

"I see." I smirked, "Bakit? Natatakot ka ba?" alam kong sa mga sandaling ito
naglaho ang ngiti ni Lily, ngiting lagi niyang suot kahit saan, ngiting
kinamumuwian ko.

"Shut up!"

Tumawa ko. Sinasabi ko na nga bang mapipikon siya sa mga sinabi ko. Magkalayo kami
ng limang metro, pero damang-dama ko ang panggagalaiti niya sa'kin. So sa mga
sandaling 'to, nararamdaman ko na the favor is mine.
"Natatakot ka ano? Sabagay, kapag nasa tuktok ka nga naman, hindi mo na nanaisin
pang bumaba.You may got everything I have, Lily, but the time will come, lahat ng
'yon, babalik sa tunay na nagmamay-ari."

At sa akin yon.

"Don't make me laugh, Jill." tanging nasabi nya at narinig ko ang mga yabag ng pag-
alis nya, pero bago yon, nagbitaw pa si Lily ng mga salitang, "There's no place for
you to come back."

Isang dahilan kung bakit ayoko kay Lily, dahil nasa sa kanya yung mga bagay na
matagal kong pinabayaan. Hindi mo rin masasabing inagaw niya, dahil hinayaan ko
lang. Parang snatcher na nang-agaw ng bag, pero binitiwan o lang, hindi na ko
nakipaghilahan. Sa madaling salita, hindi ko pinaglaban.

Napabuntong hininga ako, bigla akong nakadama ng matinding pagod kahit wala naman
akong ginawa, bumbalik yung pakiramdam na mabigat at hindi ko alam kung paano yon
maiibsan. Pumasok ako sa loob ng kwarto ko, binuksan ang lampshade at naupo sa
gilid ng kama. Hindi pa rin ao nakakapagpalit ng damit. Ilang minuto rin akong
nakatulala sa kawalan, walang bahid ng anumang emosyon.

Hindi ko magawang humiga dahil may kung anong pwersa ang nag-uudyok sa'kin para
tumayo at pumunta sa cabinet. Binuksan ko yon at hinanap ang isang kahon.
Pagkakuha'y pumunta ko sa study table para buksan iyon.

Maalikabok ang kahon, tanda na matagal na itong hindi ginagalaw. Binuksan ko ito at
tumambad ang mga kupas na larawan, mga larawang walang kahulugan. Tinaob ko yung
kahon at nagkalat ito sa mesa.

Unang larawang nakatawag ng pansin ko, kinuha ko iyon. Napakaaliwalas ng larawan,


gaya ng mga taong nasa loob nito, magkakaakbay, nagtatawanan. My shadow friends.
Nasaan na nga ba sila? Literally, nasa classroom lang din naman sila, kasama ko
araw-araw. Pero dahil nababalutan na ng kadiliman, hindi ko na sila nakita pa.
Nagmistulang mga hanging nadadaanan, nararamdaman mo pero hindi nakikita.

Tiningnan ko yung likuran ng larawan, "Friends are like treasure, mahirap silang
hanapin, pero napakaespesyal. If you are a friend, it means you were chosen. You
were chosen to stay in someone's life.." Go 1-B :) Hindi na mangyayari pa ang mga
ngiting nakapaloob sa larawang ito.

Nilapag ko ito, at kumuha pa ng isang larawan. "Tito Richard will adopt me..." tila
nag-echo pa sa pandinig ko yung mga sinabi ni Lily kanina. Bakit? Bakit mo sila
mas pinili, dad? Bakit mas pinili mo si Lily kesa sakin? Masakit isipin na nandito
ako, nag-iisa samantalang nandoon ka, kasama sila, masaya, magkakasabay kumain.

Naisip niyo ba kung kamusta na ko? Kung kumain na ba ko? Ni minsan ba sumagi sa
isip nila kung ano na ba yung kalagayan ko? Akala ko pipigilan nila kong umalis,
pero anong sinabi mo sakin, "Go ahead. It's your life." Hindi naman sigurong
masamang mag-expect diba? It feels like he cut our ties.

The third photograph, is me..with him. I smiled bitterly.When you are in love and
you get hurt, it's like a cut... it will heal, but there will always be a scar.
It's like once you've been hurt. you're so scared to get attached again. like you
have this fear that every person you start to like is going to break your heart.

"Stay away from him."


Nilikom ko yung mga nagkalat na larawan at ibinalik sa loob kahon. Pumunta ako sa
kusina, hinanap ang trash can, at itinapon ito doon.

Every person around you is going to hurt you at some point of time... But its up to
you to decide what is important.

*****

"I want you to write your future paths on these papers." wika ni miss Karen nang
maipamigay lahat ng papel. Isang itim na papel na may puting tag ng pangalan namin
sa upper right corner

Sabi ni miss Italia, ang buhay daw ay isang malaking kumpetisyon. Hindi patas. Kung
hindi ka makikipaglaban, uuwi kang talunan. Lazy and stupid people will suffer.
While those clever and who gave an effort can get special priveleges and live in
rich life

This is how she influenced this class, sa paniniwala na sa pamamagitan ng


magagandang grades, magkakaroon ka ng magandang hinaharap. By having good grades
you could get in prestigious universities, and have a good job.

Para sa mga young adults na kagaya namin na punumpuno ng pressure at walang alam sa
buhay, wala kaming ibang magagawa kundi maging sunudsunuran sa mga nakatatanda na
mas nakakaalam ng totoong buhay.

"M-miss?" Penelope raised her hand.

"Yes?"

"H-hindi naman po ganito ang career survey paper?" she shyly said.

"Oo nga po."

"Bakit itim?"

"This is weird!"

"Just do what I said. Ireneo will collect the papers. " urgh, kung hindi lang si
Ireneo ang kokolekta, hindi ako magpapasa. But heck, obey is the rule in this class
or else.

Hindi ko maintindihan, pasusulatin ng future paths sa papel na 'to? Like duh, paano
yun makikita? She's weird. Karen Italia is weird. Kinuha ko yung ballpen ko para
sulatan yon. So, what about my future huh?

"Habang ginagawa nyo yan, magtatawag ako ng isa sa inyo para sa career counseling.
So, ang una," tumingin si miss Karen sa record book nya, "Jillianne Morie. Please
come with me."

/9/ Her Eyes

/9/ Her Eyes

"Jilliane Morie. Please come with me."

Automatic namang napatingin silang lahat sa'kin. Biglaan kasi 'tong―whatever you
call that session. Agad din naman silang nagbalik sa sari-sariling mundo, they
breathed a sigh of relief dahil hindi sila ang maswerteng naunang tawagin.

Lumabas kami ng classroom at nauna siyang naglakad habang ako naman ay nakasunod
lang sa kanya. Bakit random pa kung pumili ng tatawagin? At sa dinami-rami ako pa
talaga ang inuna nitong si Miss Karen.

Tsaka ko lang narealize na hawak ko pa rin pala yung itim na papel na binigay nya
kanina. Bumalik na naman yung mga tanong sa isip ko. Hindi ko maintindihan kung
para saan ba 'to. Tiningnan ko ulit yung sinusundan ko, papunta kami ng right wing
ng building. Parang may kakaibang aura na bumabalot sa pagkatao niya. Bigla akong
na-curious.What she'll do next?

Huminto siya sa tapat ng isang silid. Pumasok kami sa loob, malamig ang kwarto,may
malaking clear window, isang mesa at dalawang upuan na magkaharap.

"You can ask questions later." Sabi niya tsaka naupo sa pwesto. She just said what?
"I can see it to your face. Have a seat." nahalata niya nga siguro kung anong nasa
isip ko base sa expression ko. Pero I just stood where I am, hindi ako kumilos.

"Jillianne Morie."

Nagbalik ako sa ulirat, umupo ako kaharap siya, without looking at her eyes.
Tumingin sa labas ng bintana si Miss Karen, "Good weather, isn't it?" napatingin
din ako sa bintana, tama nga siya, maaliwalas ang kalangitan at maganda ang sikat
ng araw.

I looked at her, blangko ang ekspresyon at nakatingin pa rin sa malayo.

"Why are you looking outside?" tanong ko.

"You're comfortable in this way." she's right "How do you feel right now?" she
asked, we're still looking outside.

"I'm fine." I'm really trying to. Even though I'm so tired of acting like I'm fine,
and trying to forget the truth, I'm not just happy. I want someone to look in my
eyes to see how I really feel.

"Minsan talaga hindi naaayon ang nilalabas ng bibig sa nararamdaman natin."


napatingin ako sa kanya, pero binalik ko ulit ang tignin sa labas ng bintana. So,
she can sense it.

"My life is dreadfully boring."

"Why do you say so?"

"Doing the same things every day sucks."

"Then, why you're still here?"

"Para mag-aral. You said life is not fair enough for those lazy and stupid."

"You think so?"

"Can we make it shortly? It's pointless." Funny, dahil nag-uusap kami ng hindi
nakatingin sa isa't isa, nag-uusap kami habang nakatanaw sa ganda ng paligid sa
labas.

"Why?"

"Students hate counselling like this, talking about senseless things."

"Is that so, you call it senseless."

"What do you want to know?"

"Can you tell me, what do you want to be?"

I've heard that question many times before. What do I want to be? When I was five,
I have been told to become a doctor like my father. When I turned twelve, they want
me to be the heir of their company. But now, it seems like everyone is waiting for
my final answer, but hell, I don't really know.

"I don't know." Mahirap lumaki na may nagdidikta para sa buhay mo, kung anong dapat
mong gawin, kung anong dapat mong suotin, kung ano ang gusto mong maging.

"We're talking about your future, lady."

Future, that word makes me sick.

"Why do people want to know the future?" bigla kong tanong.

"Life is full of 'what-if', so people became worried," nakita ko sa peripheral


vision ko na tumingin siya sa'kin, "and scared. But the truth is," pagpapatuloy
niya, ",wala naman talagang dapat ikatakot. Nasa papel na yan, ang sagot sa tunay
na kahulugan ng hinaharap," tinuro ni Miss Karen ang itim na papel na nilapag ko sa
mesa. Gusto kong matawa sa sinabi niya. Really? Ang kasagutan? Paano naging
kasagutan ang itim na papel na ito? "There is hope in every future, Jill." She
called me 'Jill', that's unusual.

Napatingin na ako sa kanya. Nababalot ng isang malaking hiwaga ang taong 'to, she's
like... a mind reader? Could it be...that she's different... Na may kakaibang
pagkatao? Kagaya ko?

"Who are you?" I asked.


"Who am I?" She chuckled. "I'm the one who supposed to ask that, Morie...who are
you?" anong purpose ng tanong niya? Pero sa pagkakataong 'to, napaisip na naman
ako. Sino ako?

"I'm Jillianne Morie... and I can see the future." For the first time I told my
secret to someone. Tumingin ako ng diretso sa mga mata niya. At laking gulat ko sa
nakita ko.

Because for the first time I met her eyes but I saw...

...nothing.

*****

Sinadya kong magpaiwan sa classroom, nakaupo lang ako at nakatingin sa kawalan.


Kanina pa nagdismissal pero ayoko pang umalis.

Inaalala ko pa rin yung mga nangyari kanina sa counseling room. Hindi man lang
nagulat si miss Karen sa sinabi ko, wala siyang reaksyon. Sino nga naman kasi ang
maniniwalasa sinabi ko? Kahit sino, iisiping baliw ako sa mga sinasabi ko, ayoko
namang magmukang tanga at ipagpilitan na totoo yon. Ang tanging nasabi nya,
"Really? So..can you tell what's mine?"

I remained silent. Dahil wala akong masabi, hindi ako makapaniwala, wala akong
nakitang hinaharap sa mga mata niya. Bakit? Paano?

Araw-araw, sa bawat taong makasalubong ko, hindi man sadya, pero ng pagkakataon,
pagkakataong makita ang mga kapalaran nila. Gusto kong isipin na wala na sa'kin ang
sumpang ito. Hindi kaya may posibilad na nawala na ito?

Nagambala ang pag-iisa ko ng bumukas ang pinto at may pumasok. Si Stephen Yue. Isa
sa mga outcast sa klaseng ito. Isa ring class representative. Oo, dalawa ang class
representative sa loob ng klase. Nakayuko siyang pumasok, tsaka ko napansin na may
hawak siyang mop at timba. Sinasabi ko na nga ba, nagsimula siyang maglinis.

Nang madaanan niya ang pwesto ko, bigla siyang natisod.

"Sorry, Morie." Mahina niyang sabi, atsaka tumayo. May nag-udyok sa'kin, na
tumingin sa mga mata niya, para makita kung...

"Sorry talaga, Morie, p-pwede bang umalis ka na? P-para matapos ko na yung g-
gagawin ko."

Pero nagkamali pala ako. Tumayo ako, tinabig siya at nagmamadaling lumabas ng silid
na yon. Nakita ko sa mga mata niya.Ang isang malupit na hinaharap na naghihintay sa
kanya. Isang malaking pagkakamali? Tila nasa kamay ko ang kapalaran ni Yue.
/10/ Rank 40

/10/ Rank 40

Mahirap makipagsiksikan sa tren. Pero nakapagtatakang maraming tao pa rin ang


nakikipag-unahan at nakikipagtulakan para maunang makapasok sa loob. Sa loob ng
tren ay hindi lahat nabibigyan ng magandang pribilehiyo, hindi lahat nakakaaupo,
may lugar para sa mga babae, may lugar na para sa mga matatanda, hindi pantay-
pantay, parang sosyedad.

Sa tuwing paparating na ang tren at bubukas ang pinto nito, wala ng makakapigil pa
rito. Ibig sabihin, tuluy-tuloy lang ang pag-usad, walang hihintayin, kung hindi ka
hahabol, maiiwan ka, ang mauna ay mauna. Sa panahon ngayon, kapag nadapa ka, hindi
na ganun kabait ang mga tao para huminto at bigyan ka ng atensyon para tulungan,
matuto kang tumayo sa sarili mong mga paa. The one who will fall behind, will left
behind.

"Approaching next station, please check your belongings before leaving the train.
Thank you."

Sa pagbukas ng pinto, may mga bagay na naghihintay. Mga bagay na hindi mo


matatakasan. Pagbaba ko ng station six, may itim na sasakyan ang huminto sa harapan
ko, bumukas ang tinted window nito.

"Good morning, Miss Jillianne." Si Albert, nakangiting inanyayaan akong pumasok sa


loob ng sasakyan. Sumakay nga ako at tahimik kaming nakarating sa White Knights.
Bumaba ako ng kotse, nang tawagin ako ni Albert, lumabas din siya."Miss Jillianne."
Huminto ako, "Hinihiling sana ni Dr.Richard-"

"Ayokong pumunta."

"Pero iyon ang kagustuhan ng papa mo."

"Pakisabi wala akong balak pumunta."

"Miss Jillianne, kahit ngayon lang, iha. Pagbigyan mo na ang papa mo. Matagal ka na
ring hindi umuuwi."

Napabuga ako ng hangin. "Pag-iisipan ko."

Ngumiti si Albert at sinabing, "Isang dinner party ang inihanda nila sa sabado,
sana makadalo ka, miss Jillian." Tumango na lang ako at nagpasalamat. Tinanaw ko
munang makaalis si Albert bago ako pumasok sa loob ng malaking gate ng academy.

Nagmamadali lahat ng estudyanteng kasabay ko. Ano kayang meron?

"Good morning Morie!" biglang may tumulak sa likuran ko kaya muntik na kong
sumadsad.
Sino pa ba? Si Aya.

"Sorry nemen! Hehe." Sinabayan niya ko sa paglalakad, "Uwaa, ngayon lang tayo
nagkasabay sa umaga. Ang saya-saya!" kinawit niya yung braso niya sa braso ko.
Nahalata naman ni Aya na nagulat at nailang ako sa ginawa niya.

"OMO! Malelate na tayo!" biglang tumakbo si Aya at dahil nga nakakawit yung braso
niya sa braso ko, hinayaan ko na lang na mapatakbo na rin ako. Ganito si Aya, she
always acts friendly sa kahit na sino. Lagi siyang hyper, at parang walang
pinuproblema sa buhay. Kahit na minsan nakakainis at nakakairita na.

"Excuse me! Excuse me! Padaan mga tao!" hirap makadaan sa hallway dahil
naglilisawan yung ibang mga students. Nakabitaw na rin ako sa pagkakakawit ng braso
kay Aya. "Excuse me―ah! Aray" nadapa si Aya sa gitna ng maraming tao. Binalikan ko
siya at tinulungang makatayo.

"Thank you, Morie." Nakangiting sabi niya. Marami pa ring nagkalat na mga
estudyante, tsaka ko lang napansin kung ano yung pinagkakaguluhan nila.

"Hala, nakapost na yung results." Sabi ni Aya na nasa gilid ko. Pinapakita sa
announcement monitors yung rankings ng bawat section base sa exam nitong nakaraang
araw.

2-B

Rank 1- Lord Ireneo III

Siya pa rin ang magiging 'lord' ng klase.

Rank 2- Penelope Cruz

"Morie, ayun yung name mo!" turo ni Aya.

Rank 10- Jillian Morie

"Ang galing, hindi nagbago yung pwesto ng top 10."

"Oo nga, si Ireneo pa rin yung rank 1."

"Wala pa ring pinagbago." May nagsalita sa kanang gilid ko. Si Morris. "Ibig
sabihin, hindi pa rin magbabago ang system." Naramdaman kong tumingin sya sakin,
"sana, palagi mong pagbutihan, gaya ng dati." Tumalikod na si Morris, "Ayokong
malaglag ka sa rankings." Then he walked away.

I smirked. Seriously? Pati ba siya nag-aalala sa stupid rankings? Para sa'kin


isang malaking kalokohan ang lahat ng yan. Hindi ko maintindihan kung bakit ba big
deal sa kanila yon.

Rank 40- Stephen Yue

"Congrats! Rank 40 ka na naman, men!" pinagkumpulan ng mga kaklase ko si Yue,


inakbayan siya nung isa at yung iba naman ay binabatukan siya. "Aral-aral din pag
may time." At nagtawanan sila.

School Caste System. What determine your rank is your scores. Kung sino an lowest
siya ang kawawa. Samantala ang nasa top 10 ng rankings ang mayroong privileges na
wala sa iba. Kagaya ng paggamit ng special locker sa loob ng room. At higit sa
lahat meron kang makukuhang respeto sa loob ng klase. Dito pumasok yung konseptong
ipinamulat ni miss Karen, "In this country, out of fifty people, only three will be
happy."

Si Yue pa rin ang pinakahuli, ibig sabihin siya pa rin ang magiging pangalawang
class representative, or should I say, class slave. Kabaligtaran ni first class
representative si second class representative. Si first ang may hawak ng control,
samantalang si second ang magmimistulang tagasunod ni first.

Sa madaling salita, rank 40 is hell.

*****

"Magkakaroon ng re-test ngayong araw."

"What?!"

"Re-test?!"

Naglikha ng ingay ang violent reactions dahil sa biglaang pahayag ni Miss Karen na
magkakaroon ng re-test ngayong umaga.

"It was announced by the principal. Nawala ang ilang answer keys sa printing
office, hindi pa kumpirmadong ninakaw ito but the office wants a re-test to make
sure na walang dayaan ang naganap."

Right, this is the chance. Ang isang re-test.

"Ibig sabihin, may chance pang magbago ang scores nyo, pwedeng tumaas, pwedeng
bumaba. Kapag nagbago ang scores, magbabago rin ang pwesto niyo sa rankings. Right
after the exam, magbibigay ng isang oras bago i-post ang bagong results sa
announcement monitors."

Dismayado man ang lahat, pinamigay ni miss Karen yung test papers at nagbigay ng
isang oras para magsagot. Nagmamadali silang lahat sa pagsagot, samantalang ako,
limang minutong nakatitig sa papel bago damputin ang panulat. Ito na yung
pagkakataon. Wala akong pakialam sa kung anong mangyayari.

*****

"Morie!" humahangos na pumasok sa loob ng classroom si Aya, "Morie!"

"Hoy babaeng manok kung makasigaw ka akala mo may sunog!" Saway ni Tadeo na nasa
likuran.

"Wag ka munang umepal Tadeo!" hindi niya na ko hinintay sumagot at hinila nya na ko
palabas. "May dapat kang makita, Morie!" Vacant period kaya ayos lang lumabas-
labas, parang nangyari na yung ganitong eksena noon, kapag tuwing may hindi
magandang nangyari. Hindi na lang ako umimik sa kung saan ako dadalhin ni Aya, pero
alam ko na kung anong gusto niyang ipakita.

"Tingnan mo!"

2-B

Rank 1- Lord Ireneo III

Rank 2- Penelope Cruz

.......

Rank 10- Celine Ingrid

"Nawala ka sa rank 10, Morie!" nagpapanic na sigaw ni Aya.

I know.

......

Rank 39- Stephen Yue

Rank 40- Jillian Morie

"ANONG NANGYARI? MORIE?! BAKIT NAPUNTA KA SA RANK 40?!"

Nagtinginan samin ni Aya yung ibang tao. Nagulat din sila sa naging resulta. I
remained calm, and emotionless. Nakatitig lang ako sa announcement monitor.

"Students! Bumalik na kayo sa respective classrooms niyo!"

I succeed.

Bago ako makapasok sa loob ng classroom, nakaabang si Ireneo sa labas.

"Well, hello, Miss rank forty." He smiled.

"Hi, Mister rank one."

Starting this grading, I'm the newest rank forty, because I did it on purpose.

/11/ Begins

/11/ Begins

"Isa sa mga plataporma na ipinatupad ng student council ang magkaroon ng comment


box sa bawat section. Feel free to express ang motto ang project na'to. I hope
maki-cooperate ang lahat." Malugod naman silang sumang-ayon sa sinabi ni Ireneo.
May isang box sa mesa, may butas sa ibabaw at nakalock. Kanina ko pa gustong
bumalik sa pwesto ko, bakit kailangan pa kong isama rito sa harapan? "At isa pa nga
pala, nakikita niyo naman na kasama ko rito ang bagong ikalawang class
representative natin."

Kalokohan.

"Please be good to her." Nakangiting sabi niya, ngiting may halong pagtuya. Ano ko?
Transfery? Transfery sa buhay impyerno? Alanganin silang pumalakpak. I know, this
is awkward. Nakita kong hindi pumapalakpak si Morris, masama yung tingin niya rito.

Hindi ko na napigilan yung sarili ko, natawa ko sa harapan nila. Nakita ko sa sulok
ng mata ko na naglaho yung ngiti ni Ireneo. At natigil sila sa pagpalakpak.
Siguradong nagtataka silang lahat kung bakit ako tumatawa ngayon. Bakit nga ba?
Kasi, muka silang mga ewan. Kaya nakakatawa. Kumbaga isa silang malaking joke. Nang
matauhan ako, I composed myself at huminto na sa pagtawa. Okay, okay, I know I
looked crazy, I just can't help it.

Walang nagtangkang bumasag ng katahimikan kaya naman nagsalita ako, "He's right."
Sabi ko, "be good to me, please." Take note: with full of sarcasm.

I'm not scared at all, somehow I found this exciting. Parang biglang naggkaroon ng
kaunting thrill yung boring kong buhay. Same feeling noong mga panahong sinusundan
ko si Sabina. Speaking of Alexi Sabina, ayun siya, tahimik na nakaupo, hindi na
siya katulad noon, matapos kumalat sa school ang di umanong tinatago niyang lihim.

"So, ilalagay natin 'tong box sa ibabaw ng shelves sa likuran. And Jill," how dare
him to call me in my first name, "here's the key." Kinuha ko naman sa kanya yon.

Pabalik na ko sa pwesto ko pero humarang si Ireneo.

"I know you did it on purpose." He whispered, "Miss rank forty."

"What do you mean?" painosenteng sabi ko. Wow, so paano naman niya nahulaan na I
did this on purpose? Wait, nakalimutan ko nga pala na matalino ang taong 'to. Hindi
na siya sumagot. Sa ganitong sitwasyon hindi dapat magpakita ng anumang takot sa
kanila. Why should I? Pinadaan na ko ni Ireneo at bumalik sa pwesto ko. And the
moment na umupo ako sa upuan ko, the life of being rank forty...begins.

*****

"Please bring out your text books and open on page sixty four." The terror math
teacher said.

Kinuha ko naman sa ilalim ng desk table yung libro, but to found out na binaboy ito
gamit ang marker, tapos walang page sixty four. So, binalik ko na lang ulit sa
ilalim yung textbook. Okay, ito na yun? Ito na yung pambubully nila sa rank 40?
Walang kwenta.

May naghagis bigla ng math book sa desk ko, pagtingin ko sa kaliwa, si Morris.
Saktong dumating yung teacher.
"Mr. Morris, where is your book?"

"I forgot it,sir."

"Buti yung utak mo hindi mo nakalimutan? Stand at the back!"

Tiningnan ko yung libro.

Advanced Calculus

George E. Morris

2-B

*****

Research time.

Kinailangang pumunta sa library para sa groupings ng research. Oh, I hate


groupings. Groupings pero isa lang ang gumagawa, minsan out of five, dalawa lang
ang kumikilos. Kaya naman I prefer to work alone, mas better. So far yung
pambababoy pa lang nila sa libro ko yung ginagawa nila, hindi siya big deal,
kayang-kaya ko namang bumili ulit ng bago.

"Thanks." Did I really said that? Inabot ko kasi kay Morris yung libro niya.
Tumango lang siya at agad akong umalis doon, bumalik ako sa mga kagrupo ko.

"Mali-mali naman yang ginagawa mo eh!"

"Anong mali? Manahimik ka nga babaeng manok!"

Nagtatalo si Aya tsaka Tadeo. Bakit ko ba naging kagrupo 'tong dalawang 'to. Nang
matapos yung research subject, papalabas na ko ng library ng tawagin ako ni
Mrs.Stefi.

"Miss Morie, sinabi mo raw na ikaw yung magbabalik ng mga libro." Tinuro niya yung
mesa na pinag-iwanan nila ng mga libro. Tumango na lang ako at pumunta ulit doon.
Ah, so ito na ulit yon? Magbabalik lang ng libro?

"T-tulungan na kita." Oh, si Penelope. Yun na nga, tinulungan nya kong bitbitin
'tong mga libro para isauli sa respective shelves nila. "H-hindi ako nakapagthank
you sa'yo, Morie." Sabi niya habang naglalakad kami papunta sa kabilang section ng
books.

"Para saan?" tanong ko, patay malisya sa kung anong tinutukoy niya.

"Dun sa pagpigil sa'king pumunta sa Mirku's."

"Ah." Kunwari wala lang akong pakialam sa sinabi ni Penelope, bigla ko ulit tuloy
naalala yung nangyari't nakita ko sa mga mata niya.
"N-nagulat talaga ko ng mabalitaan ko yun. Hindi nga ko makapaniwala eh." Akala ko
tatahimik na siya pero sadyang curious si Penelope. "P-pero, paano mo nalaman na
mangyayari yun, Morie?"

"Who knows." Sabi ko, nagkibit balikat. Hindi na nagtanong pa si Penelope.


Tinulungan na lang nya ulit ako. Lumalabas na she owes me that's why she's helping
me now. Okay.

*****

Hanggang sa nag-uwian na't wala namang masyadong nangyari sa'kin. Hah. Hindi ko
alam kung ito na ba yung tinatawag nilang buhay ng isang rank 40. Walang kwenta. O
di kaya, masyado lang akong atat? Naiwan ako sa room at kinuha sa cabinet sa
likuran yung mop. Ang alam ko, ganito yung ginagawa ni Yue tuwing uwian. Wala
namang nag-utos sa'kin pero naisipan ko lang maglinis.

"Akin na yan." Oh, anong problema nitong si Baldo? "hindi ka kasama sa cleaners
ngayon."Inagaw sa'kin yung mop tapos siya yung gumamit. "Umuwi ka na, Morie." taboy
niya sa'kin.

"Bakit naman ako susunod sa'yo?"

"Hindi naman sa nangingialam, sa ngayon, hangga't wala pa silang ginagawa sa'yo,


umuwi ka na." sabi nya sa'kin habang nagma-mop. Wow.

"Ikaw? Hindi nangingialam, Baldo? Baka nakakalimutan mo na yung ginawa mo kay


Sabina?" with full of sarcasm na sabi ko.

Huminto siya saglit pero kumilos ulit. "Masisisi mo ba ko, Morie?" nakaside view
siya sa'kin pero nakita kong nakangiti siya. "Masisisi mo ba ko kung sobra ko
siyang pinahahalagahan? Diba ganun naman talaga kapag nagmamahal ka? Lumalagpas ka
na sa boundaries mo kahit alam mong trespassing ka, tuluy-tuloy ka pa rin kahit na
alam mong hindi ka nya mahal. Hindi siguro pangingialam ang tawag dun,
pagpapahalaga, pag-aalala."

Pagpapahalaga? Kalokohan.

"Yun nga lang, hindi naging maganda yung naidulot ng pagpapahalaga ko. Nagkamali
ako. Nagkamali akong ibigay sa hayup na lalaking yon yung picture, hindi sana
maikakalat yon dito sa school. Akala ko hindi nya alam yung ginagawang sakripisyo
ni Alexi. Akala alam ko na lahat ng ikabubuti nya. Akala ko lang pala. Kaya nga,
tama ka sa sinabi mo sa'kin eh. Wala akong karapatang magmahal."

Nakatingin ako sa kawalan, habang iniisip yung mga sinasabi ni Baldo. So, iyon ang
nangyari.

"Aish, pambihira! Ang bading ng mga sinasabi ko!" bulalas nya, "Oy, umuwi ka na
nga, kung anu-anong kabaklaan ang pinagsasabi ko eh, kami ng bahala rito."

Hindi na lang ako nagsalita, kinuha ko yung bag ko para umalis. Nasa pinto na ko ng
magsalita na naman si Baldo,
"Oo nga pala, salamat sa'yo. Tingin ko mababago mo ang sistema." Hindi ko yon
pinansin at dirediretso lang akong naglakad palabas. Muntik ko ng mabunggo si Miss
Karen pag labas ko, ayan na naman yung mata nyang blangko. Weird, siya lang yung
natitingnan ko ng diretso.

"Can I have a word?" Sabi nya, "This." Inilabas nya yung test paper ko at inabot
sa'kin. Oo, yung test paper kong blangko, walang sagot. "I know you did it on
purpose, dear." Madaling malaman na sinadya ko yun, ang kagaya kong consistent sa
matataas na scores mapupunta bigla sa lowest rank? Unless na nga lang sinadya ko
yun. Bukod kay Ireneo mahuhulaan din pala ni Miss na sinadya kong gawin 'yon.

"Station six, 7:39 pm, Thursday. The future begins, now."

I did it on purpose because of Stephen's future.

/12/ Bullied Proof


/12/ Bullied Proof

"Jill Morie the newest rank 40. What a shame."~

Well, that blog got updated. Kaya ayun, mabilis na kumalat sa buong school ang
pagkakalaglag ko sa rankings. Who cares? Yeah, nag-eexist pa rin yung pesteng blog
na yun sa internet, dumadami bawat araw yung views. In fairness updated sa buhay ko
yung blogger na yun, ang galing niyang stalker, pwede ko syang bigyan ng award.

Malakas yung pakiramdam ko na malapit lang sa'kin yung taong nasa likod ng blog na
yun. At kung sakaling malaman ko kung sino ano naman ang gagawin ko sa kanya?
Kumbaga, out of curiosity lang talaga kung bakit gusto kong malaman, tsaka sino ba
kasi siya para tawagin akong psychopath? Kaya naman the best way to do is to ignore
it.

So, the current issue is about being rank forty. Last Tuesday nung inannounce ni
Ireneo na ako yung bagong pangalawang class representative, Thursday na ngayon so
it means third day ko na, and guess what, buhay pa naman ako, what I mean is heto
bored pa rin. Hindi lang calculus book yung minurder nila, dinamay pati yung
English at Physics, ok, bili lang ulit ako ng bago, wala namang problema dahil
hindi requirement sa finals ang text book. Tapos, hindi naman ako pinahahawak ni
Baldo ng mop tuwing uwian, lagi niya kong pinauuwi, may tinatanaw daw kasi siyang
utang sa'kin, Yun lang, nasaan na yung ineexpect ko? Wala pa rin.

Biglang may tumamang nilamukos na papel sa ulo ko.


"Shoot!" tapos tumawa sila. Ah, I forgot, kasama yan sa nangyayari sa'kin, pero
dedma lang, magsawa silang mambato, bakit hindi kaya upuan ibato sa'kin? Para
masaya. Okay, gawin nating iba ngayon. Liningon ko sila. Si rank seven Ayton na
naman, nang-aasar na nakatingin sa'kin. Tumitig ako ng limang segundo sa mga mata
niya na katumbas ng ilang fast forward sa future niya.

Pinulot ko yung binato niya sa'kin, tapos tumayo ako at humarap sa kanila.

"Ito na ba yung sinasabi nilang system? Walang kwenta." Tumahimik silang lahat,
tumingin sa'kin, "Nambabato ng papel? Ang alam ko sa elementary lang uso to, wala
ka bang alam gawin?"

Gusto kong matawa sa reaksyon nila, lalo na si Ayton, namula bigla dahil sa di
inaasahan kong pagsagot.

1-0

Hindi sila sumagot, pumunta ako sa may blackboard para magbura ng lecture sa
board, hindi na nila ko kelangang utusan dahil isa to sa "duty" ko. Besides nag-
eenjoy akong magbura. Alam ko, nanggagalaiti siya sa likuran, anytime dadampot siya
ng libro. Tapos. Ibabato nya sakin. At dahil nga advance ako ng isang segundo,
nailagan ko yung ibinato niya habang nakatalikod. Hindi maalis yung ngiti sa labi
ko, may advantage din palang magkaroon ng freaking powers na 'to. Dahan-dahan akong
lumingon. Reaction nila? Nganga.

Yung iba naastigan, yung iba kinakabahan, yung iba napamura. I'm not trying to act
cool okay. Binigyan ko sila ng what's-your-problem-look. Burn!

2-0

Full of intense kaya walang nagtatangkang kumilos o magsalita, kulang na lang hindi
sila huminga. Kaya para naman matanggal yung intense, lumabas na lang ako at
naglakad papalayo sa lugar na kinaiinisan ko.

*****

Pabalik na ko sa homeroom, hindi ko feel magkulong sa library, naunahan ako ng mga


naglalandiang PDA couples, mas lalo lang akong nabadtrip. Anyway, Physics na yung
susunod na subject, walang pwedeng idahilan kung bakit ka late or pwedeng magstay
ka ng nakatayo sa labas for the whole period.

Pagpasok ko sa loob, lahat sila tahimik, may mga nakayuko. Tanging si Aya lang yung
nakatayo malapit sa may bintana. Nakatalikod siya at may hawak-hawak. Then I
noticed the blackboard, may nakasulat na tanong doon. A Physics question

"1.How fast do objects fall? 2. Doesn't a more massive object accelerate at a


greater rate than a less massive object?"

"Morie, pwedeng pakisagot yung tanong ?" Lily asked while smiling, biglang nag-init
ang ulo ko. What the hell is going on here? Sige, pagbibigyan ko siya.

"Ang isang free-falling object ay may acceleration ng 9.8 meters per second
squared. Ibig sabihin, sa bawat isang segundo, yung mga bagay na babagsak ay
bibilis by 9.8 dahil sa gravity. Then, the answer to the next question is no, free-
fall objects do not encounter air resistance. More massive objects will only fall
faster if air resistance is present."

Pumalakpak si Lily sa sagot ko.

"Eh, gaano mo naman kabilis makukuha yung mga mahuhulog galing dito?" tanong niya
ulit.

"Your timer starts now."

"Anong-"

Tsaka ko lang naintindihan yung mga nangyayari. Bag ko pala yung hawak ni Aya. Sa
isang snap, hinulog niya sa bintana lahat ng laman ng bag ko. Lumabas ulit ako,
pwede na kong tawaging walk out queen. Psh.

I hate Physics.

2-1

Let's see who'll win.

****

Nagskip ako ng klase. Balak ko na ring wag na lang pumasok hanggang sa last period,
wala lang, tinatamad ako eh. Okay, naisahan nila ko kanina, pero ayos lang. Bumaba
ako sa groundfloor para puntahan yung field na pinagbagsakan ng mga gamit kong
nagmistulang confetti kanina.

Dahil siguro sa air presence nagkalat-kalat yung mga gamit ko. Buti naman sinama
ring itapon yung bag ko kaya may napaglalagyan ako ng gamit na pinupulot ko ngayon.
Si Aya nga pala yung nagtapon, or should I say nautusan nila. I know Aya would not
do such things.

"Mahilig ka pala kay Pusheen the cat." From nowhere may nagsalita, pero boses pa
lang kilala ko na kung sino yun, ilang araw ko ring hindi naramdaman ang presensya.
Buhay pa pala 'tong si Enriquez. Tumayo ako para agawin sa kanya yung notebook ko
na may design na Pusheen.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya habang nakapamulsa, wearing his boyish smile,
nakasukbit yung gitara sa balikat, as usual get up ng isang Cloud Enriquez.

"Hindi ba obvious?" I replied while putting my things inside my bag.

"Nagkacutting ka no?" hindi ko alam kung sadyang mahina yung common sense ng taong
'to or what.

"Ikaw, hindi ka nagkacutting sa alagay na yan." Sagot ko, tapos ko ng ilagay yung
mga gamit ko.

"Nope. May practice kami eh. Hindi mo ba ko namiss?"

"Hindi."

"I miss you too. Haha!"


"Layas."

"Chill! Tutal mainit yang ulo mo, ahh" nagstretching siya sabay akbay sakin,
"magpalamig muna tayo."

"Magpalamig kang mag-isa." Siniko ko siya ng malakas.

"Grabe ibang klase kang magmahal Morie, ang brutal." Tumatawa pa siya. May sayad
ang lalaking to, walang duda. Akala ko hindi na niya ko titigilan pero buti na lang
tinawag siya ng mga kabanda niya.

"Bye, Morie. See yah." Before he left he handed me something. A lollipop.

*****

5:30 pm

Nasa school pa rin ako. May dapat pa kong gawin. Hindi pa ko pwedeng umuwi. Sa
hallway nakasalubong ko si Baldo, may bitbit siyang kahon.

"Ah M-morie."

Napahinto naman ako sa tawag niya. Inabot nya sakin yung kahon. Ano namang gagawin
ko rito? "Pwede bang ano, ah, eh, ano." Hindi siya makapagsalita ng maayos. "Ano,
ikaw na lang maglagay sa music room niyan. Hehe."

Tumango na lang ako, akala ko naman kung ano na yung sasabihin ni Baldo. Pumunta
naman ako sa left wing ng building, nandun kasi yung music room. Pagpasok ko sa
loob, tumambad yung grand piano sakin, saglit akong nahipnotismo, pero pinilit kong
bumalik sa sarili ko, nandito ko para lang isoli tong kahon na puro music sheets.
Matapos kong mailagay yung kahon sa may ibabaw ng cabinet, papalabas na ko. Pero.

Nakalock ang pinto.

Kanina ginamit nila si Aya, ngayon naman si Baldo. This is unforgivable.

2-2. now, we're even.

6:30 pm

Isang oras na rin pala kong nakakulong dito sa madilim na music room. Sinadya
nilang sirain yung ilaw. Tanging liwanag lang mula sa labas ng bintana yung
nagsisilbing ilaw ko. Siguro nga in-underestimate ko sila because I didn't see this
coming, again.

Isang oras na pero wala pa rin akong ginagawa. Nakaupo lang ako sa semento habang
pinagmamasdan yung grand piano.
7:00 pm

I'm bulletproof, nothing to lose, fire away, fire away, ricochet, you take your
aim, fire away, fire away, Nag-alarm yung cell phone ko.

Hindi ako pwedeng magstay dito. Dahil meron na lang akong 39 minutes na natitira.

"You shoot me down, but I won't fall, I am titanium you shoot me down, but I won't
fall, I am titanium"

I'm going to get the hell out of here.There are only two choice; break the door, or
jump out of the window.

*****

7:29 pm

I still have ten minutes left. Hindi pwedeng huminto sa pagtakbo. I'm almost there.
Pero pagdating ko sa entrance ng station six, maraming mga tao kaya nahirapan akong
makipagsiksikan.

How did I get out?

Well, I chose the second option. I know, unimaginable. Buwis buhay eh. Wala akong
choice dahil wala akong pwedeng ipangsira sa pinto. But hey, I'm still alive and
running.

Five minutes left.

Hindi ko pa rin mahanap si Yue! Mahirap tumakbo kapag maraming tao at siksikan.

"Yue!" I can't help it but to shout his name. Damn.

Three minutes. I keep on running.

"Yue!"

Two minutes.

One minute.

I stopped to catch my breath. Still, I can't find him. The train was about to move.
Shit. Yung nakita ko dati sa mga mata niya―

"Morie." May tumapik sa balikat ko,paglingon ko, nakita ko si..

"Miss Karen." Anong ginagawa niya rito?


May tinuro siya, agad naman akong napatingin doon sa may bench di kalayuan..

"Yue."

Tumingin ulit ako kay Miss Karen, waiting for her explanation.

"He was about to jump, but I stopped him," she said, "You're right."

Matapos kong mapakinggan ang paliwanag niya, pinuntahan ko si Yue sa bench,


nakayuko ito. Napansin nya yung presensya ko pero hindi nya ko tiningnan. Tumabi
ako sa kanya.

"Kasalanan mo 'to." Sabi nya.

Ok, ako pa ang sinisisi niya.

"Kung hindi mo sinadya yung exam, hindi ako mas magmumukang kawawa." Nakita kong
nakakuyom yung dalawa niyang palad. "Hindi ko kailangan ng awa mo para iligtas mo
ko."

I smirked. "Sinong may sabing naaawa ako sa'yo?"Nakita ko sa peripheral vision ko


na napatingin si Yue sa'kin. "At sino namang may sabi na gusto kitang iligtas?"

"H-huh?"

"Iniisip mo ba na ginawa ko 'to para sa'yo? Tssk. Pwes, mali ka. I didn't do this
for you."

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Ginawa ko yun,"tumayo ako,"para sirain ang caste. Sa mundo hindi ganun kabait ang
mga tao para tulungan ka. Hindi ganun kabait ang mga tao para huminto at alalayan
ka. Hindi ganun kabait ang mga tao para pag-aksayahan ka ng oras." Dire-diretso
akong naglakad,

"Dahil sa mundong 'to, walang ibang pwedeng tumulong sarili mo kundi ikaw lang.
Sarili mo lang din ang kakampi mo. Hindi masamang maging mahina, ang masama, yung
hindi ka lumalaban."Dahil nakakasawang maging mahina.Tumalon ako sa ibaba ng riles.
I'm ready to meet the train.

I'm bullied proof nothing to lose.


/13/ Gloomy

/13/ Gloomy

The train stopped in front of my face.

Cool.

"JILLIAN MORIE OF 2-B, ATTEMPTED SUICIDE... [click to see more...]"

Panibagong post galing sablog ng unknown stalker ko. I checked it through phone at
tama nga ang iniisp ko na magkakaroon ito ng panibagong update.

Great. Now they think that I'm suicidal.

Kahapon lang nangyari ang lahat pero mas mabilis pa sa kidlat na kumalat ang
balita, hindi lang sa school pati na rin sa cyber-world. Sa pamamagitan ng isang
viral photo kumalat ang ginawa ko. The train didn't hit me, but still, it caused a
BIG commotion.

Pero mas lalo yatang lumala ang gossips, stares, at murmurs na natanggap ko kanina
nung dumaan ako sa corridor. The hate and disgust in their eyes was replaced by
pity. The heck!

My school got bothered because the media might intrude the campus because of me, so
they're really trying their best to cover the situation. That's what schools are
for, protecting their stupid reputations.

Suspended ako ngayong araw dahil nasa counseling office ako para sa
"interrogation". Kanina pa nila ako kinakausap and I hate the way they exaggerate.
Pero hindi pa rin ako tinatantanan ng sermon ng counsilor at ng ilang teachers,
palakad-lakad pa sa gitna ng office, habang ako naman ay hindi nakikinig na nakaupo
lang sa lounge ng office, si miss Karen naman, na siyang witness sa ginawa ko ay
naka-upo rin sa sofa kaharap ko.

Wala pa rin akong sinasabi kahit isa, until they concluded everything. They said
that I was bullied that caused depression, and that depression leads to suicide
attempt.

Bingo!
Nagsawa rin sila kaya minabuti na lang nilang umalis na lang, mabuti naman dahil
nakakairita lang sila. Naiwan kami ni miss Karen sa office lounge.

"You can go home if you want." She said. Umiling ako, ayoko pa kasing umuwi, wala
lang. Lumabas na rin kami ng office at naglakad-lakad sa campus, oras ng klase kaya
walang mga nagkalat na students, mabuti naman, psh.

Naalala ko yung mga pangyayari kahapon, yung mga sinabi ko kay Yue. I didn't do it
to save him. I did it so that I can end the stupid "system". Miss Karen was there,
she's the one who stopped Yue, because I told her what supposed to happen. Pero
hindi nya ko pinigilan, wala rin siyang sinabi na kahit na ano sa office. I wonder
why.

"Why you did not stop me yesterday?"

"I don't want to ruin your plans." She answered right away.

She knew that I have plans? Siguro nga alam nya rin yung tungkol sa system pero
wala siyang sinasabi. Weird. Hindi na ako nagsalita pa.

Paliko na kami sa dulo ng corridor ng sumulpot si mr. rank one, Lord Ireneo.

"Can I talk to her?" akala mo kung sinong concern, kaharap lang kasi si miss.

"I'll go ahead." Nang mawala na si miss Karen sa paningin namin, tsaka niya ko
hinarap. Nagbago yung ekspresyon ng muka niya, I can feel his rage, dahil siguro
hindi niya matanggap na nanalo ako.

"First of all, I want to congratulate you Jillian Morie." I wasn't looking directly
at him, and then he grinned.

I didn't answer, I just smiled.

"I can't believe this; I can't believe that you can do such things. Napahanga mo
talaga ko sa ginawa mo, Morie." Mas lumapit pa siya sa'kin, "Akala mo ba hindi ko
alam? Umpisa pa lang, alam ko na yung balak mo."

Tama nga, he already figured it out. Matalino si Ireneo kaya madali lang na
matuklas niya yung intentions ko. Kaya lang, wala siyang bilib sa'kin in the first
place.

"Sinadya mong ibagsak yung test, para ikaw yung maging rank forty. I've been
thinking why did you do that, hanggang sa maisip ko nga yung talagang gusto mong
mangyari. At first, hindi ako naniniwalang magagawa mo dahil napakaimposible. Until
yesterday." Tsaka ko lang napagtanto na napakalapit na pala niya sa'kin pero hindi
ako gumagalaw sa kinatatayuan ko.

"Meron na silang conclusion, and because of that, they will not only keep an eye to
you, but also, to us."

He lean closer to me, naramdaman ko yung hininga niya sa may tenga ko, "But this is
not the end yet." That whisper gave me creeps.

"Aasahan ko yan." Sabi ko. He stepped back, and then he walked away. The moment
that he's gone, I knew, I won. Tama nga si Baldo, he thought that I can change it,
and so I made it.
******

Friday ang paboritong araw ng lahat, maaga kasi yung dismissal time. Papalabas na
ko ng gate ng school ng may tumawag sa'kin.

"MORIE!" unison ang pagkakatawag. Paglingon ko, ang yakap ni Aya ang sumalubong
sa'kin.

"MORIEE! I'M SORRY!" she's crying really hard. "N-NATAKOT TALAGA KO S-SAKANILA
KASI...KASI...HUHUHUSORRY WAAHHAKWAAAHHHSORRYYMORRIEEWAAHHUHULKADJADK" hindi ko na
maintindihan yung mga sinasabi ni Aya, basta puro 'sorry' at 'morie' lang yung
naiintindihan ko. Ang higpit pa ng pagkakayakap niya sa'kin kaya nahihirapan akong
huminga.

"It's...fine." I tapped her back, pinipilit kong kumawala dahil ang hirap huminga
sa higpit ng yakap niya.

"WAAH-"she released me, finally. "Sorry talaga." Kinusot-kusot pa nya yung mata
nya at hindi pa rin tumigil sa pag-iyak.

"S-sorry din." Si Baldo naman yung kasama nila, "sorry k-kung ginawa ko yun."

"We're deeply sorry for doing nothing." Si Penelope rin pala kasama nila.

"M-morie." Nasa tabi naman ni Penelope, si Yue. "Salamat..." So, he's grateful?

I don't know how to react in this kind of situation, everybody feels sorry for me.
Pero, ba't ganun? Ang gaan...sa pakiramdam.

Natanaw ko sa malayo, nakatingin sya sa'kin, alam kong gusto nya kong puntahan,
pero hindi...hindi pwede. I know you feel sorry for me too, Morris.

*****

It's gloomy Saturday.

Muntik ko ng makalimutan na may event nga pala ngayong araw. Isang party daw ang
gaganapin sa Morie's residence, kung pwede lang wag pumunta, pero nakatango na ako
kay Albert.

"Jillian, hija." An old lady was standing in the door, si manang Fe. Nandito lang
siya tuwing sabado, para gawin yung chores, at pinadala lang siya ng magaling kong
ama para tingnan kung buhay pa ba ko. Psh. "Malapit nang dumating si Albert, hindi
ka pa ba mag-aayos?"
Tumingin naman ako sa orasan sa gilid ng kama, tapos tumayo na ko mula sa
pagkakahiga. Nanatili pa ring nakatayo si manang Fe sa may pintuan, nakatingin
sa'kin. Hindi ko siya pinansin.

I've never been good to her ever since na mapadpad ako sa apartment na 'to, hindi
naman sa tinatrato ko sya ng malupit. Ilang beses ko nang nasabi na wag na syang
bumalik pero nandito pa rin siya tuwing sabado. Siguro sadyang malaki ang
ibinabayad na sweldo sa kanya ni dad. Psh.

Ayun na, nag-ayos na ko at saktong ala sais nga nung dumating si Albert. Habang
nasa byahe hindi kami nag-iimikan.

Mga bandang quarter to seven nang makarating kami roon. Ipinasok pa sa loob yung
kotse, at sa may harapan mismo ng malaking bahay ako ibinaba ni Albert. This is the
place where I used to live almost perfect.

The melancholic aura of this place is still the same. Hindi ko na matandaan kung
kelan ako huling nakatapak sa malawak na bakuran na 'to. At ngayong nandito na ulit
ako, biglang rumehistro sa isip ko yung sinabi ni Lily ng minsang bumisita siya
sa'kin..

"There's no place for you to come back."

Meron pa nga ba?

"Your father wants to see you." Albert said, he sounds serious. Alam kaya nya? Alam
kaya nila yung tungkol sa ginawa ko? I followed him, pumasok kami sa loob at
sumalubong ang mga bisita, hindi ako familiar sa kanila kaya hindi ko na lang sila
pinansin.

Nang makarating kami sa harapan ng living room, pinagbuksan ako ng pinto ni Albert.
There they are, my father, Dr. Richard Morie, standing beside him is my stepmother,
Elinor. And where's my dear little sister Lily?

I entered the room, hindi ko alam kung ano yung sasabihin ko, humakbang papalapit
si dad sa'kin, para salubungin ako?

"Dad, I-" sinalubong nya ko ng sampal. How sweet. Ang ganda ng pagwelcome nya
sa'kin ha. Ano bang ieexpect ko? Yayakapin nya ko? Tss.

Sino ba naman ang hindi magagalit sa kabaliwang ginawa ng anak niya? The school
told him for sure.

"I am so disappointed, Jillian."

Great, kelan ba ko hindi naging disappointment?

"Ric." Elinor stopped him.

But what my father said...broke my heart... again.

Sana pala hindi na lang ako pumunta rito, ang tanga mo kasi Jill. Umalis si dad,
kasunod si Elinor. If Lily was here, I know she'll be happy to see what happened.

"There's no place for you to come back."

Lily was right. And I hate her for this.

Lumabas na rin ako ng kwartong yun at bumaba kung saan maraming mga bisita. Nakita
ko si dad kasama ang bago niyang pamilya. Para pala kay Lily ang celebration na
'to. Hindi ako kailangan dito.

*****

Kanina pa ko nakatakas sa lugar na 'yon, nakakapangsisi na bumalik-balik pa ko ron.


Hindi pa ko umuuwi dahil... wala lang. Ang hangin atsaka ang lamig kasi eh, matagal
na kong hindi gumagala sa siyudad, yung tipong marami akong nakakasalubong na mga
tao at nakikita ko yung mga future nila. Tss.

Naglakad lang ako hanggang sa biglang bumuhos yung malakas na ulan, lahat ng mga
kasabay ko sa paglalakad nagtakbuhan para humanap ng masisilungan, hinayaan ko na
lang na mabasa ako. Napakadramang pagkakataon nga naman, sinasabayan pa ng ulan ang
nararamdaman ko.

Naghihintay ako ng masasakyan nang may sumukob sa'kin.

"Alam mo ba yung kagandahan ng umuulan?" sabi nung lalaking nag magandang loob na
payungan ako, "Kahit na umiiyak ka, walang nakakakita sa'yo."

Andyan ka na naman, Enriquez.

/14/ Who Knows


/14/ Who Knows

"Jill..."

"Jill Morie..."

"Jill..."
"...Morie..."

I've been hearing those voices lately. An unknown voice that keeps playing on my
head, the voice seems reaching me. Boses na parang nanggaling sa ilalim ng lupa,
garalgal, malaki.

"come... with... us..."

Us? Marami sila?

Nananaginip lang ata ako, pero wala akong makita kundi kadiliman, at naririnig ko
lang ang boses hanggang sa maglaho ito. Akala ko hindi ito hihinto. Panaginip
lamang pero gising ang diwa ko. Gising ang diwa ko?

Dahan-dahan, binuksan ko ang mga mata ko... Hinintay kong luminaw ang paningin ko
hanggang sa malaman ko na... Nakatayo ako sa tapat ng study table ko. Patay ang mga
ilaw, ang tanging liwanag na tumatanglaw sa buong kwarto ko ay ang ilaw na
nagmumula sa bukas na laptop na nakapatong sa table.

Paano ako napunta rito? At hindi ko iniiwang bukas yung laptop. This is odd.
Paanong nangyari 'to.

Sinulyapan ko yung wall clock, 3:34 am. Ok, this is getting creepier. Am I getting
possessed by a demon now? I hope not. Hindi magandang bagay yun. I erased that idea
in my mind.

Sa dami ng kakaibang nangyayari sa katawan ko, parang gusto ko na lang tumawa.


Bukod pa yung nakakakita ko ng mga hinaharap sa nangyayari ngayon. Weird. Nagkibit
balikat na lang ako, bago ako pumunta sa kama ko na katabi lang halos ng study
table ko, isa-shut down ko muna yung laptop.

When I shrugged the mouse, nawala yung screensaver... Nakita ko yung...Blog...

updated twenty five minutes ago [click here...]

******

Monday is very mysterious. Lahat kasi naiinis sa kanya kahit wala naman siyang
ginagawang masama.

"Morie! Morie! Morie!" Kahit nasa likuran ko si Aya, ramdam kong to the highest
level ang energy nya. Kakasara ko lang ng pinto ng locker ko, pero dahil sadyang
makulit si Aya, hindi kaagad ako nakaalis.
"Sabay ka sa'min mag lunch!" tsaka ko lang napansin na may mga kasama si Aya.

"Yoh." Bati ni Baldo, samantala tahimik lang sila Yue at Penelope.

Anong meron?

"Mauna na lang kayo." Sabi ko.

Sinikap kong wag salubungin yung mga tingin nila, mahirap na, lahat pa naman ng mga
mata nila nakatutok sa'kin.

"N-namumutla ka." Nahihiyang puna ni Penelope, "Ok ka lang?"

"I'm fine." Tsk. Naiirita na ko, ilang beses na ba kong tinanong ng ganyan? Paulit-
ulit ko na lang din sinasagot na ok lang ako kahit hindi. I'm not fine, physically
and emotionally.

"Gusto mo bang samahan ka namin sa clinic?" alok pa ni Yue.

"No, I said I'm fine."

"Sumabay ka na lang sa'min kumain." Pag-aaya naman ni Baldo.

Huminga muna ko ng malalim bago sumagot,

"Hindi ako interesado." Then I walked away. I heard their sighs as I rejected
their offer; somehow, I broke their hearts.

******

"Miss, gusto mong magpahula?" may biglang kumalabit sa'kin, ang alam ko mag-isa
lang akong naka-upo rito sa bench sa loob ng isang mall. Dito ko pumunta nung
lunch break, pero dahil tinatamad na ko bumalik sa school, dito ko na lang uubusin
ang oras ko maghapon.

Kanina pa ko rito nakatambay at nag-iisip ng mga bagay-bagay, lalo na yung tungkol


sa nangyari noong sabado ng gabi.

"Nahihirapan akong nakikita kang ganyan!" si Morris.

"There's no place for you to come back." Si Lily.

"I am so disappointed, Jillian." Sidad.

"Alam mo ba yung kagandahan ng umuulan? Kahit na umiiyak ka, walang nakakakita


sa'yo." Si Cloud.

Paulit-ulit tumatakbo sa isip ko yung mga salitang binitiwan nila. Kahit na pumikit
ako, hindi pa rin mawala-mawala sa utak ko lahat. Kung pwede lang isipin na
panaginip lang yung nangyayari sa'kin. Bakit hindi? I miss my dad, yun yung
nararamadaman ko nung bumalik ako, kaya masakit para sa'kin yung nangyari. Mahirap
itanggi na sa mga bagay at taong tinalikuran mo eh umaaasa ka pa rin kahit papano
na may space pa sila para sa'yo.

"Miss, singkwenta lang. Gusto mo bang malaman ang kapalaran mo?" Pero dahil may
gumambala ng pananahimik ko, huminto yung mga boses sa isip ko. "Miss?" pangungulit
pa rin ng babae, hindi ko pa rin siya pinansin. "Pahula ka na oh." Ha? Titignan nya
ang kapalaran ko? Psh. Kalokohan. Baka ako pa ang magbigay ng hula para sa
kanya."Aish, miss, kwarenta na lang para sa'yo. Ayaw mo bang malaman ang kapalaran
mo? Wag kang mag-alala, hindi ako fake. Proven and tested ata to!" ayaw pa rin
nyang tumigil, "Ay, teka, may ipapakita ako sa'yo." Tapos ipinakita nya sa'kin yung
mga baraha na meron sya, kakaiba yung mga baraha. "Alam mo ba, miss, itong mga
baraha na 'to ay isang heirloom ng pamilya namin, kaya ganito kaganda at kakaiba
ang mga baraha ko." Hindi talaga ko interesado, kaya patayo na sana ko pero
pinigilan nya ko. "Miss naman! Trenta na lang! Dali na, bagsak presyo na yan, uyy!
Papayag na yan, ayee." Tinusuk-tusok pa nya yung tagiliran ko, tss.

Hindi na nakakatuwa yung pangungulit na ginagawa nya, kaya naman dumukot ako sa
bulsa ng vest ko ng pera.

"Eto, ale." tapos inabot ko sa kanya yung fifty peso bill ng hindi pa rin nakaharap
sa kanya.

"MAKA-ALE KA NAMAN MISS! Feel ko magkasing edad lang tayo eh. Waah Magpapahula ka
na?! Hahaha, sabi na eh, papayag ka rin eh! Dali humarap ka na sa'kin, miss."

"Hindi ako magpapahula." Sabi ko.

"Ha? Eh para saan 'to?"

"Sa'yo na at umalis ka sa tabi ko."

"Ayy! Grabe ka naman miss, hindi ako pulubi!"

"Edi akin na yan."

"Joke lang! Tatanggapin ko pa rin 'to, bigay mo naman eh. Pero pwede humarap ka
lang sa'kin tapos aalis na ko, pramis!" At para tantanan nya na ko, humarap ako sa
kanya, bahala na kung anong pwede kong makita sa mga mata nya.

Pero mabuti na lang, hindi ko nakita yung mga mata nya kasi natatakpan 'yon ng
shades. Buti naman. Tsaka ko lang napansin yung itsura nya, yung itsurang
nangangailangan ng pera. Mahaba ang buhok pero nakabonet, tapos nakajacket ng
mahaba. Pero tama nga siya, mukang hindi nagkakalayo ang edad namin.

"Oh? Masaya ka na? Pwede mo na ba kong lubayan?" kanina pa ko nayayamot dahil sa


kanya. Napansin ko kasing hindi na siya umimik nang humarap ako, natuod ata. Weird
lady. Psh.

"H-hehe, salamat sa fifty! Pasensya na sa abala. Bye!" sabay layas nya sa tabi ko.
Sinasabi ko na nga ba. Napailing na lang ako. Sa panahon ngayon mahirap nang kumita
ng pera, kahit ano na lang pasuking raket, kahit panghuhula pala pwedeng gamiting
pangkabuhayan. Ibig sabihin, pwede ko pa lang pagkakitaan 'tong kapangyarihan na
to? Wow.

Sinundan ko ng tingin yung weird "fortune teller" girl, sa kabilang bench naman ito
pumunta para manghula, swerte naman at napapayag nya yung isang lalaki.

'Don't judge the book by its cover' sabi nga, who knows if that weird lady suddenly
lost her job at siya lang pala yung sumusuporta ng pamilya nya? Who knows na yung
lalaking nagpahula sa kanya ngayon lang ay desperadong makaangat sa buhay? Who
knows na yung isang babaeng kumakain ng ice cream ng tulala ay iniwan ng boyfriend
nya? Who knows na yung isang manong na may kausap sa cellphone ay namumroblema sa
paghahanap ng trabaho?

Who knows na may kakayahan akong magsabi ng mga darating na pangyayari?

Who knows?

Kahit ako hindi ko rin masasabi, nakikita ko ang mga kapalaran nila pero hindi ko
masabi kung ano at sino silang talaga, hindi sakop ng kapangyarihan ko na matukoy
kung bakit, at bakit iyon yung kapalaran nila. The truth is... No one really knows
what inside us. No one can see your center.

Tumayo ako sa kinauupuan ko. Pero, yung mga tuhod ko, biglang nanginig, yung
paningin ko unti-unting lumalabo. Wala akong makapitan, walang sasalo sa'kin, then
everything went blank.

/15/ Unexpected

/15/ Unexpected

Sa pagmulat ng mga mata ko, unti-unting nagliwanag ang paningin ko. Tumambad sa'kin
ang putting kisame, nakakasilaw yung ilaw na tumatanglaw.Naamoy ko kaagad yung
antiseptics, narinig ko galing sa labas ang mga yabag na pabalik-balik, mga nurse
sigurado. Napalitan yung uniform ko ng hospital gown. Pero hindi na katulad ng dati
yung katawan ko, kahit papaano may lakas na ko. Kailan pa ko nakaratay dito?

"It's a relief na nagising ka na."Napabangon ako mula sa pagkakahiga para tignan


yung taong nagsalita sa may gilid ko. Si Miss Karen. Nakaupo siya sa couch di
kalayuan habang nagbabalat ng mansanas.
"Anong nangyari?" I asked in a weak voice.

"Well, you lost your consciousness." Sagot nya. I met her gaze. "You were in
state of deep sleep due to sedatives na binigay ng doctor." At katulad ng dati ay
wala akong nakitang kahit anong hinaharap sa mga mata niya.

"Sleep? Ilang oras akong tulog?"

"Hindi lang oras, isang araw kang tulog." She's wearing her usual expression,
poker.

"Why?"

"Mild Anemia." Tumayo siya para ilagay sa mesa na katabi ko yung platito ng
mansanas. "You're stressed due to lack of sleep and nutritional imbalance."

"Paanong nangyari yon?" a lame question though

"Because you're human too, Morie." Natauhan ako sa sinabi nya. Tsaka ko lang
naisip na tao pa rin nga pala ako, may anatomy system na nagpa-function. Kahit may
ekstraordinaryong kakayahan ang mayroon ako, mahina pa rin pala ko. Hindi nga pala
ko imortal.

"Tinawagan ko na yung guardian mo. They already settled the bill." Ano pa nga bang
aasahan ko? "Nandito si manang Fe para bantayan ka, umalis lang sya para kumuha ng
mga damit mo. Babalik din siya."

"Gusto ko ng umalis dito." Ayoko rito, hindi ko talaga gusto ang atmposphere ng
ospital, lalo na kapag nakahiga ka sa kama, hindi maganda sa pakiramdam. Gusto ko
ng umuwi.

"You can't. Kailangan mong magstay dito para gumaling ka."Heck. I can't stay here.
Feeling ko napakabagal ng oras kapag nasa ospital ka.

"Kung gusto mong makauwi kaagad, then rest." Utos nya. She's never been
transparent, I can't see through her. Besides, wala naman akong nakikita sa mga
mata nya na hanggang ngayon ay isang malaking tanong pa rin sa isip ko. "I'll be
leaving." Sabi nya habang nag-aayos ng gamit. Marami pa sana akong gustong itanong
sa kanya. Sa tingin ko kasi, masasagot nya ng mabuti yung mga tanong ko tungkol sa
boring kong buhay, she'll never leave an unanswered questions, well, except dun sa
tanong ko kung sino sya at kung para saan yung mga itim na papel. Pero sa tingin
ko, ibibigay nya pa rin yung mga sagot sa tamang panahon, that's what I thought
about her.

"If you need anything maraming mag-aasikaso sa'yo rito. Ako na ang bahala sa
excuse mo sa school." Binitbit nya na yung mga gamit nya at pumunta sa pintuan,
huminto sya saglit at tumingin sa'kin, "Get well soon, Jillianne." Pagkatapos
lumabas na siya ng silid.

Habang naiwan ako, nakatingin dun sa platito.

"Thank you."

******
"Hi, Miss Morie." Masiglang bati nung nurse na pumasok, tumango na lang nang di sya
tinitingnan, nilapag nya yung tray sa bed side table, "Kailangan mo nang inumin
'tong mga gamot miss-"

"Morie na lang." sabi ko. Malapit nang lumubog ang araw. Hindi pa rin dumadating si
manang. Baka bukas na siya dumating. Heto, bored to death ako rito sa loob ng
kwarto, may tv naman kaso wala akong makitang matinong palabas, tsaka hindi ko
gusto yung mga afternoon dramas, nauumay ako. Naubos ko na yung mansanas na
nakalagay side table, at nagbasa ako ng libro, buti nandito yung bag ko.

Akala ko aalis na yung nurse. Nanatili lang siyang nakatayo di kalayuan sa kama,
alam kong nakatingin siya sa'kin.

"You like fairy tales?" tanong niya. A bottle of storm clouds by Eliza Victoria, I
can't resist this book noong makita ko sa shelf ng isang book store, so I bought it
immediately. Tungkol ang librong ito sa mga modern myths and legends.

"Fairy tales are better than reality."

"Sabagay, fantasy is an escape from reality."

I know.

"But you can't just hide forever." She gleefully said, "By the way, I'm Carol. Good
afternoon." then she left. Napahinga ako ng malalim. Naiinip na talaga ko rito.
Gusto kong maglakad. Ininom ko muna yung mga gamot na dinala ni nurse Carol.
Pagkatapos, bumaba ako ng kama, may lakas naman ako para tumayo at makapag lakad.

Lumabas na ko ng silid, alam kong bawal pero ayoko talagang magkulong lang doon
tsaka mas manghihina ako kapag nanatili lang ako ritong nakahiga. Nasa private room
area pala ko, ok lang, mayaman naman ang daddy ko, kayang-kaya nyang bayaran yung
bills. Barya lang yun sa kanya. Sumakay ako ng elevator, kahit nasa second floor
lang naman ako at sa ground floor ko gustong pumunta. Ayokong mabigla ang tuhod ko.

Reasons kung bakit ayoko sa ospital? Well, madaming nangyari... na hindi maganda.
Bumabalik na naman sa memorya ko yung mga alala na gusto ko ring kalimutan, pero
hindi pa rin mawala-wala sa isip ko.

Sa lugar na 'to nagsimula ang lahat.

Dito ako unang nakakita ng mga bagay na hindi ko gustong makita. Dito ko unang
natuklasan na may kakaibang nangyayari sa mga matang nakikita ko.Noong una hindi ko
maintindihan yung mga nangyayari sa'kin. Na hanggang ngayon hindi ko pa rin alam
yung sagot kung bakit ako? At kung paano ako nagkaroon ng ganitong kakayahan? Why
did I end up like this?

Doon na nagsimula yung maraming pagbabago sa buhay ko. Two years ago...

"Miss, hindi ka pa ba lalabas?" biglang tanong nung lalaking kasabay ko. Hindi man
lang namalayan na nasa groundfloor na pala ko.

"Ah..." wala kong masagot, lumabas na lang ako sa elevator.

Pumunta ako sa cafeteria, medyo konti na lang yung mga tao, mga pasyente kasama
yung mga kamag-anak o mga kaibigan nila. Bibili sana ako ng chocolate milk kaso
narealize ko na wala nga pala kong dalang pera. Aish, bobo lang. Umalis na lang
ako, at naglakad-lakad kung saan-saan, paliku-liko.

Hanggang sa hindi ko na alam kung saan ako dinala ng mga paa ko.Naligaw na nga ko
ng tuluyan. Sobrang lawak at laki rin kasi ng ospital na 'to eh.May mga nadadaanan
akong ibang mga pasyente na nagkalat sa hallway, kaya naman pilit kong iniiwasan
ang pagtingin sa mga mata nila. Mahirap na.

Masyadong risky ang makakita ng mga hinaharap ng tao. Dahil kung minsan hindi ko
man gustuhin kung ano ang mga mangyayari, wala akong magagawa.

"Unni!" someone called out.

Napahinto ako sa paglalakad. Pamilyar yon.

"Unni!" isang tao lang naman ang alam kong tumatawag ng ganyan sa'kin. Bakit niya
'ko tinatawag na 'unni'? Nanatili lang akong nakatayo, naghihintay sa susunod na
mangyayari.Hanggang sa naramdaman kong may dalawang braso ang nakayakap sa bewang
ko.Tiningnan ko yung batang yumakap sa'kin.

Parang... parang nakita ko na yung ganitong eksena.

"H-haneul." Biglang lumabas sa bibig ko yan kahit hindi ko pa maalala kung sino si
Haneul.

"Unni, naalala mo pa pala ko!" she said while sobbing, "Akala ko hindi na kita
makikita!"

Unni means big sister... Haneul, the little girl whom I met two years ago, she
grew. Medyo naalala ko na. God. This is unexpected. Nararamdaman ko na nakita ko na
dati yung ganitong pangyayari.

Naguguluhan ako ng kaunti sa mga nangyayari, inaalala ko ulit yung mga nakita ko
noon. Isa 'to. Isa si Haneul sa mga nakakitaan ko noon. Hinawakan ko yung buhok nya
at sinuklay gamit ang mga daliri ko, mahaba at malambot iyon. Tsaka mas lalong
tumibay ang hinala ko. Totoo nga, ito nga talaga yung nakita ko sa mga mata nya
dati.

"Hey." Sabi ko. "Anong ginagawa mo rito, baka may naghahanap sa'yo."

"Haneul!" may biglang tumawag sa kanya, "Bakit ka lumabas ng kwarto mo. Diba sabi
ng-" the old lady stopped when she saw me.

"J-jillianne?"

Si head nurse Rosalia. Naalala pa pala niya ko. Right. Two years ago, I've been
here. And I want to forget that, badly.

*****
"Kamusta ka na, hija?" tanong ni head nurse Rosalia, nakaupo kami sa may upuan sa
hallway ng ospital. Ibinalik niya si Haneul sa kwarto nito dahil bawal itong
lumabas para makapagpahinga.

"I'm..fine." matagal din kasi akong hindi nakapunta ulit dito, dahil nga sa
nagkasakit ako ngayon, "How is she?" I'm pertaining to Haneul.

"Gustung-gusto ka ng batang yon. Lagi niyang sinasabi na gusto ka nyang makita


dahil tuwang-tuwa sya sa regalo mo nitong nakaraang taon." I met Haneul two years
ago. "Ang buhok mo raw ang pinakamaganda sa lahat." I cut my hair for her as a
gift. "Mas lumala na ang sakit nya ngayon."

She's the first person whom I saw the future, and that future is now. She will
perish soon. Between life and death, may mga bagay na hindi mo mapipigilan.

"In every future, there's a hope, Morie." Sinabi nga pala ni mam Karen yan. Kung
minsan ang kailangan mo lang ay humiling.

Humiling ng himala.

/16/ Hanneul's wish


/16/ Hanneul's wish

Some futures are unavoidable. Sometimes, things were not meant to be change. You
can predict its unstoppable conception. There's only one thing you can do:
acceptance.We were forced to accept things no matter how good or bad it is, like
accepting the cruelty of reality.

"Mas lumala na ang sakit nya ngayon." maraming random errors sa buhay, things that
happened naturally and cannot be controlled by humans

Hanneul's time has to come. Yung oras na inilaan sa kanya rito sa lupa ay papaubos
na. And if I could ask Him why. Why her, bakit kailangan Niyang kuhanin kaagad yung
buhay na ipinahiram niya sa batang punum puno ng inosenteng pangarap. And I also
wanted to ask... why me? Bakit ako ang kailangang makakita ng mga kapalarang
naghihintay sa bawat tao?

"Hija." may tumapik sa balikat ko na nagpabalik sa'king sarili. Tumango sa akin si


head nurs Rosalia, hudyat na pinapapasok nya na ko sa loob.Hindi ko alam kung saan
ako nakahugot ng lakas ng loob na gawin 'to. Kahit na ang kailangan ko lang namang
gawin ay magpakita.

"Kanina ka pa nya hinihintay, Jillianne." Hanneul's mom said to me, holding back
her tears. I knew what will happen next.I took a deep breath first before I opened
the door. I need to do this because there's no more time left. The future I saw two
years ago...

"U-unni." She's fragile. I can see through her eyes, she's tired. Her little body
is still fighting and struggling over the pain. "Unni... A-any-eong.." it means
'hello' in Korea. She waved her hand, weakly.

"Hi" I smiled. Her hair was completely gone. Katabi ng kama nya ang mga
naglalakihang aparato na halos iyon na yata ang kinalakihan nya mula ng magkamalay
sa mundong ito.

"Unni?"

"Yes?"

"Thank you."

Hindi ako sumagot. Hindi ko kasi alam kung bakit siya nagpapasalamat. May dapat ba
siyang ipagpasalamat sa'kin?

"Unni?" she called again.

"Hmm?" lumapit ako at umupo sa may tabi ng kama nya.

"I dreamed last night." Kahit na mahina, bakas pa rin ang munting ligaya sa
kanyang tinig, "I saw you."

"Really?" pinilit kong magpakita ng kasiyahan.

"Remember when we first met here?" sabi nya, at bigla naming rumehistro sa utak ko
ang nakalipas na mga pangyayari. "You have a long beautiful hair and you are
smiling always."

"Hanneul?"

"Yes, unni?"

I stared for a moment before I drop those words...

"Please don't go yet." And there's a long silence. I know what I said was
senseless, hindi pa rin naman mababago ang lahat sa mga salitang yon.

"Unni.." walang bakas ng kahit na anong kalungkutan o takot ang mukha niya, "I'm
sorry.. It hurts so much... I'm going..." she gave me a very weak smile. Alam na
rin pala nya after struggling for so long, she chose this. No, she didn't give up;
she accepted the fact of dying. She accepted because there's no more choice...and
chance left. She's been preparing herself for so long, for not to be afraid to die.
This is the path what Hanneul chose.
"Unni," lumapit ako lalo para marinig ang mga sasabihin nya...Ang mga huling
sasabihin niya,

"Please bring back your smile."

Ang mga sumunod na pangyayari ay hindi inaasahan. Nanatili ako sa isang tabi habang
nagkakagulo sa loob ng silid. Mabilis pa sa kidlat, hindi ko namalayan. Naramdaman
ko na lang na hinila ako ni head nurse Rosalia sa labas at sinabihan ng mga
pampakalma at bumalik sa loob.

Naiwan akong nakatayo..Parang umiikot yung buong paligid ko sa sobrang bilis ng mga
nangyayari. Makalipas ang ilang oras ay naaninag kong bumukas ang pinto. Narinig
ang pagbalahaw ng pamilya niya matapos bitawan ng doctor ang mga salitang,

"I'm sorry, but we did everything."

Miracles, it's just an option to be taken. Hindi pala sapat na maniwala ka para
magkaroon ng himala.

*****

"Please bring back your smile." That was Hanneul's wish to me.

Nanatili lang akong nakatayo sa gilid niya... habang... wala akong magawa. I
couldn't help it but just to watch her...dying. Hindi ko rin naman kasalanan kung
ganun ang nangyari, pero hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko.

Bakit Morie? Ilang beses mo na bang sinisi ang sarili mo? Noon pa man, hindi na
mabilang sa kamay. Iba't ibang mga tao, panahon, oras, ang nasayang. Hindi na ito
ang unang beses na sinisi ko ang sarili ko.

Pinagmamasdan ko ngayon ang larawang ibinigay sa'kin ng mama ni Hanneul, bilang


pasasalamat daw, hindi ko man alam kung para saan yung pasasalamat na 'yon,
tinanggap ko na lang. Hindi na lang ako nagsalita pa, hindi rin naman kasi yun
makakatulong, mabuti na yung tahimik kong naiparating ang pakikidalamhati.

The photo was taken two years ago. The picture of me and little Hanneul. Sa
panaginip na nakita niya, ako, na may mahabang buhok, at magandang guhit ng labi na
may ngiti. Gusto kong isipin na hindi ako yung babae sa larawan. Ibang-iba ang
taong 'to sa'kin. Ibang-iba sa kung sino at ano ako ngayon. Bukod sa hanggang
balikat na lang ang buhok ko ngayon...Ang mga mata na meron ako ngayon ay hindi na
magiging katuad ng dati. Mga matang hindi ko na pagmamay-ari ngayon.

Nangangahulugan lang na hindi na maibabalik pa ang dating ako.

I flipped the picture, may short hand written note.

"Hi unni! Thank you for being my friend. I hope to talk to you more. I'll miss
you :) "

Good bye, Hanneul. I'll miss you too. Salamat dahil naging kaibigan kita noong mga
panahong naglaho lahat ng mga taong inaasahan kong sasaklolo sa'kin sa mga oras ng
unos. Pareho tayong walang masasandalan ng mga oras na 'yon. Sorry kung sa bandang
huli iniwan din kita at umalis na lang ako ng basta. Sorry din kung ngayon lang ako
nakabalik. Sorry kung kailan huli na ang lahat. Sorry, Hanneul.

Alam kong wala ng magagawa ang pag sosorry ko. Hindi parin naman maibabalik ng
salitang "sorry" ang lahat. Wala pa rin namang magbabago. Kahit isang milyong beses
kong sabihin yan.

"Jillianne, Hija." narinig ko na lang yung boses ni manang Fe. "Aalis na tayo."

It's time to go, Jill. It's time to go... And to keep moving forward.

*****

Mabilis na bumalik ang lahat sa normal. Parang walang nangyari. Kasi, wala namang
pakialam ang mundo sa'yo. Tuluy-tuloy pa rin ang daloy nito. Siksikan pa rin sa
tren. Mas lumala pa ata ang traffic. Mausok pa rin sa kalsada. Tuloy ang buhay.

Sa pagpasok ko sa school, balik din sa normal ang lahat. Yung mga bulungan, at
tingin nila na kung nakamamatay lang. Well, I'm back. Jillianne Morie is back.A
freaking seer who could see your damn futures.

*****

Sumapit ang lunch. Kanya-kanya ng mundo sa klase. Tumayo ako sa upuan ko at


lumabas. Pumunta ako sa may roof top g school. There they are.

"M-morie." chorus pa nilang sambit. They gaped when they saw me.

Eight. This might work out.

"First, I want to say sorry," sabi ko, still, avoiding their gazes as I walked
towards them.

"Anong sorry? kami nga dapat yun kasi hindi ka namin nadalaw sa--

"It's fine, Baldo." I faced Aya, beside him, "Aya, thank you for everything."

"H-ha? Ok ka lang Morie? Nagkasakit ka lang tapos--

"I know it's weird. I'm sorry ok. Gusto ko lang naman..." I sighed. "....sumabay
kumain."

Namayani ang katahimikan. Akala ko hindi na sila sasagot pero nagkamali ako.

"Sure." Penelope smiled.

"Tsss... Kala ko kung ano. Tara." napakamot na lang sa ulo si Baldo. Yue smiled at
me. Tapos si Aya...

"KYAAAAAAAAAAHHHH!!!!!!! PANAGINIP BA ITEEEEEY?! MORIEEEEE" bigla nya kong yinakap


ng sobrang higpit. I don't know but... My lips automatically curved up. Maybe this
is the first step...

I want to grant what Hanneul wished..

/17/ Devil's Hour


/17/ Devil's Hour

"Hoy Mariah Martinez, ang takaw-takaw mo naman, magtira ka nga!"

"Kupal ka talaga Cris Baldemor, wag mo kong tawagin sa buo kong pangalan, anu
beeeey!"

Magkakasama kaming naglalunch dito as usual sa tambayan nila, ang roof top, may
mga kanya-kanya kaming baon na pinagsasalu-saluhan. Mabuti na lang hindi ganun
kainit at may covered place naman dito na pwedeng silungan at pagkainan.

Apat na araw na rin yung lumilipas since na madischarged ako sa ospital. Everything
went smoothly again, hindi naman pala masamang magbago kahit kaunti lang, well
except sa pag-iwas ko ng direktang eye contact at pagtitig ng matagal sa mga mata
nila. At yung mga boses sa panaginip ko at tuwing pag gising ko tuwing---
"Morie, oh, gusto mo pa?" alok ni Penelope sa ulam na baon nya. Hindi tuloy ako
nakasagot kaagad.

"Nako, kung ayaw ni Morie, akin na lang. Waaah." Tutusukin sana ni Aya yung chicken
pero pinigilan sya ni Baldo.

"Mariah Masiba Martinez!"

"Baldooo naman, gusto ko pa nung baon ni Penpen eeeh." Kaming dalawa lang ni Yue
ang pinakatahimik. Si Penelope kasi nagiging taga awat nilang dalawa.

Weird. Hindi ko alam kung paano at kalian pa sila nabuo as a group of friends. Si
Aya, ang alam ko may mga kaibigan din syang kasama. Si Penelope, yung unang
kaklase ko na nakitaan ko ng future, alam ko mas gusto nyang mapag-isa at mag-aral.
Si Baldo, na may kinalaman kay Alexi Sabina, ang alam ko rin ang grupo nila Tadeo
ang kasama niya. At si Yue... na nagging dahilan ng pagiging rank 40 ko noon.

Lahat sila naging konektado na sa buhay ko. They were not meaningless after all.
Ito rin pala siguro yung naging bunga ng lahat ng mga nakita ko. Everything happens
for a reason. Cliché na kasabihan pero totoo nga. Naniniwala ako. Hindi na ganun
kasama. Matapos ang matagal na panahon, ngayon lang ulit ako nagkaroon ng mga
kasama.

Matapos kumain, gumawa na lang kami ng mga assignments. Nagpatulong sila sa'min ni
Penelope, kesyo raw consistent na matataas ang grades naming sa lahat ng subjects.
Pero sa bandang huli, nabugnot din sila Aya at nagyaya na lang magkwentuhan ng
kung anu-ano para ubusin yung oras ng lunch break.

"Ang weird ng homeroom teacher natin no? Tss." Out of the blue nagchange topic si
Aya, wala syang ibang tinutukoy kundi si Karen Italia, the adviser. Yeah, that lady
is weird. Baldo, Penelope, and Yue also agreed.

"Ang creepy creepy pa nya nung counseling! Parang wala kasi siyang emotions. As in
po-po-poker face ang peg! Naku, kinikilabutan talaga ko pag naaalala ko." Aya
hugged herself as a sign of being chilled.

"Cyborg ata yun eh." Sabi ni Baldo.

"Ha-ha, funny Baldo." React naman ni Penelope.

"Hindi naman siguro ganun kaweird si Miss." Then Yue, for the first time, started
to talk.

"Hmm... What do you mean?" Penelope asked.

"Kasi noong nangyari sa platform ng station six..." mukang alam ko na yung


tinutukoy ni Yue. Natatandaan kong nabanggit ko kay miss Karen ang tungkol sa
nakita kong mangyayari. Nandoon sya sa station six.

She's the one who stopped Yue for killing himself.

"Hindi ko makakalimutan yung araw na 'yon, Jill."

"Wait, anong nangyayari, hindi kami makarelate. Dibaaa Baldo, Penpen? OP kami oh,
O-P." sabi ni Aya na may pakumpas-kumpas pa sa ere.

"Magsusuicide sana ko. Pero si Jill yung napagkamalang magpapakamatay." sagot ni


Yue na ikinabigla nila.

"HAAAAAAAAAAA?" Aya, Baldo and Penelope blurted as they heard Yue's unbelievable
statement. Sabagay kahit sino naman mabibigla kapag nakarinig ng ganun. Namayani
ang katahimikan kaya naman naisipan kong basagin ito.

"...Ano bang nangyari bagoako dumating?" tanong ko sa kanya.

Huminga muna ng malalim si Yue bago magsalita. Inaalala ang mga pangyayari noong
gabing yon. Noong gabi bago ako tumalon sa riles.

"Dumating na kasi sa punto na gusto ko ng wakasan ang walang kwentang buhay ko.
Alam nyo naman siguro kung bakit, being the lowest rank sa section natin. Ireneo
never treated me right. Naghihintay ako ng train sa station six, ewan ko, parang
may kung anong demonyo ang bumulong sa'kin na tumalon. Pero may biglang humagip na
mga braso sa'kin." Lahat kami taimtim na nakikinig sa kwento ni Yue.

"Ang lakas ng kabog ng dibdib ko ng mga oras na yon. Akala ko magiging katapusan
ko na talaga." Kabaligtaran ng nakita ko noong una kong makita sa mga mata ni Yue
ang nangyari. Pero dahil nga sa sinabi ko yon kay miss Karen, nagbago ang
hinaharap. "Nagulat ako nang makita ko si miss. Hindi ko inaasahang sya yung
magliligtas sa'kin. Akala ko sasampalin nya ko kasi itinaas nya yung kanang kamay
nya. Napapikit na lang ako at naramdaman ang pagtap nya sa ulo ko..."

"Tapos anong sinabi nya sa'yo?!" excited na tanong ni Aya. Tumingin sa direksyon
ko si Yue.

"Wala siyang sinabi eh.."

"Teka paano naman nalaman ni miss na gagawin mo yun?"

Because I told her. Napakibit balikat lang si Yue sa tanong ni Baldo. Ang
ipinagtataka ko...

"I can see the future.."

"Really? So can you tell what's mine?" sa sinabi noon sa'kin ni miss, hindi siya
naniniwala na nakakakita ko ng hinaharap. Pero pinuntahan nya pa rin si Yue. So...
naniwala rin pala sya sa'kin? Marami pa silang gustong itanong kay Yue kaso nagring
na ang bell at oras na para bumalik sa klase. Kailan din kaya masasagot lahat ng
misteryong tanong sa isip ko?

Kailan?

****

"Jill.. Morie..
"Jill... Morie..

"Jill... come... with... us..."

Ayan na naman sila.. Yung mga boses na tumatawag sakin. Magmula nang makalabas na
ko ng ospital at nakabalik ulit dito sa apartment.. Muli na namang nagbalik yung
mga boses na yan. Kalahati ng diwa ko ang gising. Wala akong ibang makita kundi
kadiliman... At wala rin akong ibang marinig kundi ang boses nila..

"Jill Morie..." paulit-ulit. Mga boses ng mga taong hindi ko kilala. Nakakatakot.
Parang bangungot. Kailangan kong magising.. Kailangan kong gumising....

Bigla akong napabalikwas. Nananaginip na naman ako.. At kagaya ng paulit-ulit na


kakaibang nangyayari sa'kin... Nandito na naman ako sa tapat ng study table ko.

3:34 am. The devil's hour.

Hindi na maganda to. Anong nangyayari sa'kin? May demonyo na bang namamahay sa
katawan kong 'to?

/18/ Unknown

/18/ Unknown

Music Class.

Isa sa ayokong subject. Lalo na pag tuwing may practical test, katulad na lang
ngayon. Bad trip. Sigurado akong makikipagsapawan na naman sa isa't isa yung mga
trying hard singers.

"Ok class, ang practical test niyo today ay isa-isa, unlike before na puro by
group." Announce bigla nung teacher. I frowned. No, the whole class frowned.
Like, seriously? Nabigla ang buong block namin, maging ako. As in isa-isa lang
kakanta sa harap? The heck!

Wala rin kaming nagawa sa desisyon ng teacher so in the end isa-isang kumanta sa
harapan, alphabetical. Pwedeng mag acapella or gumamit ng kahit na anong musical
instrument habang kumakanta.

"SINCE YOU'VE BEEN GONE! I CAN'T BREATHE FOT THE FIRST TIME. YEAHEEYEEE!" konti na
lang mababasag na yung mga glass windows sa boses ni Aya. Wala, naging laughing
stock lang naman yung mga hindi marunong kumanta. Masakit sa tainga, masakit sa
ulo.

Natapos yung pagkanta ni Aya na masakit ang tyan ng mga kaklase ko kakatawa. Well,
nakakatawa talaga yung ginawa nyang 'pagwawala' sa harapan ng klase, pero wala lang
sa kanya yun. That's Aya, she's crazy and funny.

"Ok, thank you Ms. Martinez." Halatang sumakit din ang ulo ng music teacher namin,
"Next please."

"OMG, aym so great, bwahaha! Morie girl! Ikaw na! Go go go!" cheer pa ni Aya sa'kin
at excited na excited.

Ako na pala yung kasunod ni Aya. Tss. Bigla silang natahimik nung ako na yung
tumayo para pumunta sa harapan. I know, pagdating talaga sa'kin, ilag pa rin sila.
Nakakita ko ng gitara nakasandal lang sa isang tabi ng music room, dinampot ko iyon
bago humarap sa kanila.

Wala talagang nagsasalita sa kanila, lahat tahimik na nakatingin sa'kin. Inaabangan


ang susunod kong gagawin. Iniisip ko pa rin kung ano yung kakantahin ko.

Bahala na.

"Kamusta na..

Nandyan ka pa ba..

Wala na yatang ibang magagawa,

kundi tumawa.

Andyan pa ba.. Mga alaala..

Ang tanging bagay na naiwan sa'ting dalawa..

Wag ng paikutin ang isa't isa

Lahat ng bagay ay malinaw na

Di na rin kailangang pagpilitan pa

Di mo na kinakailan pang magsalita


Nakita ko ng lahat ito

Pinahihiwatig ng mata mo

Salamat na lamang sa'yo..

Nakita ko ng lahat ito

Pinahihiwatig ng mata mo

Salamat na lamang sa'yo..."

Tinapos ko na agad yung kanta. Good thing kabisado ko pa rin yung chords kahit na
matagal na kong hindi nakakahawak ng gitara. Kundi lang dahil sa pesteng practical
test na 'to. Tss.

Hindi ko naman inaasahan na papalakpak silang lahat matapos kong kumanta. For real?
Namangha ang ilan, at ang iba siguro tanggap nilang marunong akong kumanta. Well.
Bumalik na 'ko sa upuan ko at tuwang-tuwa na sinalubong si Aya.

"Woaaa, Morie may hidden talent ka pala. Ang galiiiiiiing, pero ano nga yung
kinanta mo?" tanong niya.Right. Alam kong hindi pamilyar sa kanila yung kinanta ko.

"Mata." Sagot ko. Wala lang, iyon kasi yung pumasok sa isip ko na kantahin.

"Wahaha, halatang may pinaghuhugutan ka eee." Ngiti na lang yung iginanti kong
sagot sa kanya.

Mata. That song means a lot to me. Lalo na sa parte na may mata. Nakita ko na nga
ang lahat ng ito.

"Mr. Morris, it's your turn."

Napatingin kami ni Aya sa harapan nang marinig na namin ang pagtipa ng piano.
Pamilyar yung kanta..

" You're the one that never lets me sleep

To my mind, down to my soul you touch my lips

You're the one that I can't wait to see

With you here by my side I'm in ectasy

Sa dinami-rami ng kanta na pwede nyang pillin. Bakit ito pa, Morris?


I am all alone without you

My days are dark without a glimpse of you

But now that you came into my life

I feel complete

The flowers bloom, my morning shines

And I can see

"Morrie, uy, nakatitig sa'yo si Morris." Pabulong na tanong ni Aya. Lahat din kasi
tahimik habang tumutugtog si Morris. Sa tanong ni Aya mas lalong nanlambot yung
tuhod ko. Hindi ko magawang tumingin sa direksyong tinutukoy ni Aya. Hindi ko kaya.

Your love is like the sun

That lights up my whole world

I feel the warmth inside

Hindi pa rin kaya ng puso ko.

Your love is like the river

That flows down through my veins

I feel the chill...inside"

Lalo na't kinakanta ni Morris ang kanta na yan.

Because... It reminds me so much.. of the past I wanted to forget.

I tightly shut my eyes.

"Uy, ok ka lang? Nahihilo ka ba? Samahan kita sa clinic."

"N-no, ok lang ako. Thanks." Sagot ko at pilit na dumilat, pero nakayuko pa rin
ako.

Sinubukan ko sa pagkakataong ito, nagtaas ako ng tingin... Sinalubong ang mga titig
na kanina pa naghihintay sa'kin. Hayan na naman yung mga matang wala akong ibang
Makita kundi ang nakaraan. Nakaraang hinding-hindi ko mababalikan. At hindi ko
malilimutan.

Morris.

Kung inaakala mong nakalimutan ko na ang lahat.

Nagkakamali ka.

You used to sing that song before.

Especially for me.

*****

Hindi ako nakasabay kaagad ng lunch kila Aya. Pinauna ko na sila dahil personal pa
kong kinausap ng music teacher ko matapos ang music class. Nirerequest kasi sakin
na makipag participate ako sa gaganaping festival sa susunod na buwan, pinapasali
ako sa concert production ng night out program.

Like duh, siyempre ayoko. Pero hindi pa rin pumayag yung teacher ko sa paghindi ko.
So, in other word, kukulitin nya pa rin ako next time.

Papaakyat ako ngayon sa roof top, baka sakaling maabutan ko sila doon. Pagdating ko
roon, hindi ko nakita kahit mga anino nila, walang tao. Akala ko lang pala, aalis
na sana ko nang marinig ko ang isang pamilyar na boses, isang boses na kinaiinisan
ko.

"Hindi mo pa ba 'ko titigilan?!" that was my dear sister's voice. Lily Cortez
Morie.

Nakatago pala sa may gilid si Lily kaya pala hindi ko sya kaagad nakita at
napansin. Nakatalikod sya sa gawi ko kaya hindi nya ako nakikita. May kausap sya sa
cellphone at halata na nangangatal sya.

"Oo, nalagay ko na nga sabi yung cameras. Masaya ka na?" cameras? "Nasunod ko na
yung gusto mo so please tigilan mo na 'ko." May halo ng pagmamakaawang mababakas
sa tinig ni Lily. I wonder kung tungkol saan ang pinag-uusapan nila.

"We have a deal! Nagawa ko na yung pinagagawa mo, so I hope you'll be fair enough."
So, it's blackmailing. Wow, may nambablack mail kay Lily? Cool. Halata naman sa
nanginig at iritadong boses ni Lily ang nangyayari. Mukang takot na takot sya sa
kausap nya. Kanino at saan naman kaya sya natatakot? Sa taong kausap nya? O sa deal
nila? Both siguro.

Anyway, it's her life, wala akong pakialam sa kung anong mangyayari sa kanya.

Nang matapos makipag-usap, binaba na ni Lily ang cell phone. Napabuntong hininga at
pumihit patilkod. Nagulat siya nang Makita ako. Hindi ko alam kung bakit, hindi nya
ako tiningnan at nagmamadaling maglakad paalis pero hinarang ko sya.
"Bakit para kang nakakita ng multo?" pang-aasar ko. "Sino naman ang kausap mo?"
hindi naman nya ko matingnan ng diretso kaya ako yung nag-eenjoy na tumingin sa
muka nyang parang naflush.

"W-wala! It's none of your business. Excuse me." Namumutla si Lily. Hindi ko na sya
pinatulan at hinayaan na lang syang bumaba.

Napangisi ako. First time kong makitang ganun si Lily. Nakakatawa.

*****

Jill.

From: +63975478677

4:56 pm

Labindalawang messages galing sa isang unknown number ang natanggap ko kanina pa,
puro 'Jill' lang ang nakalagay. Hindi ko pinapansin dahil wala akong balak patulan
kung sino man ang may balak na mantrip sa'kin. Pero naiiinis na talaga ko dahil
bukod sa mga messages ay tinatadtad din ako ng tawag ng kung sino mang kumag na
'to. Nakakaanim na missed calls na sya, at wala talaga kong balak sumagot.

"Alam mo, naririndi na ko sa ring tone mo Jill, bakit ba hindi mo pa sagutin yang
tawag?" yamot na tanong ni Baldo habang sabay-sabay kaming lima na naglalakad
papuntang stop light, ang kanto mula sa academy. Kanina pa dismissal.

For the seventh time, tumatawag na naman yung unknown number, pero hinahayaan ko
lang tumunog yung cellphone ko.

"Unknown number kasi." Sagot ko naman.

"Gusto mo ako sumagot, bwahaha." Sabi ni Aya. Pero huminto na rin yung tumatawag,
narrating na naming yung kanto.

"See you na lang bukas."

"Bye!"

Kanya-kanya silang paalam. Magkakaiba kasi kami ng direksyon papauwi, si Aya


sumakay na ng jeep. Si Baldo maglalakad pa sa kanang bahagi ng highway at sila
Penelope at Yue ay sabay na tumawid sa kabilang side ng kalsada.

I waved at them hanggang sa tuluyan na silang mawala sa paningin ko. Nakatayo pa


rin ako sa may tapat ng convenient store kahit na nag sign na ng go yung traffic
light.

Napatingin ako sa cellphone na hawak ko


Calling... +63975478677

Sa pagkakataong ito, pinindot ko yung answer button. Inilapat ko sa kanang tainga


yung phone.

"Hello?"

"Jill." Hindi ako nagsalita. Malalim at malaking boses. Katulad ng nasa panaginip
ko.

"Sino 'to?" nilakasan ko ng bahagya yung boses ko.

"Kilala ko kung sino."

"Sino 'to?" ulit ko. Nakakuyom na pala yung isa kong palad.

"Kilala ko kung sino yung may gawa ng blog."

Biglang kumabog ng malakas yung dibdib ko.

"Sino 'to? At sino yung may gawa ng blog?"

Hindi sumagot yung nasa kabilang linya. Damn it.

"Sino?!" hindi ko na nakontrol yung boses ko, napatingin sa'kin yung mga katabi ko
sa stop light. Tiningnan nila ko ng wirdo pero hindi ko sila pinansin.

"Kung gusto mong malaman... Bumalik ka ngayon sa White Knights." (*toot toot toot*)

Naputol na yung linya.

Nag go ulit yung traffic sign.

Dalawa lang yung pwede kong pagpilianl; tatawid... o... babalik..

Alin sa dalawa.
/19/ I'll confess

/19/ I'll confess

Nanginginig yung mga tuhod ko, kasabay pa ng malakas na pagkabog ng dibdib ko at


halos hindi ko na marinig ang ibang ingay sa paligid ko.

Hindi ko tuloy maipasok ng mabuti yung susi sa sendura ng pinto dahil sa sobrang
tension na nararamdaman ko. Hindi ako bumalik sa White Knights, mabilis akong umuwi
at gusto kong isiping walang nangyari.

Ewan ko. Bigla akong nakaramdam ng takot, pakiramdam ko may hindi magandang
mangyayari kapag bumalik ako roon. Pinatay ko muna yung power nung cell phone ko
para hindi na 'ko gambalain pa ng unknown number na 'yon.

Kung parte pa rin ito ng pambubully ni Ireneo, hindi ko na sya basta-basta


mapapatawad, lalo na kung kasangkot sya sa lahat ng 'to. Hinding-hindi.

Pumikit ako. Sana matapos na ang lahat ng to.

*****

4:10 pm

"Sorry, late ako, tehee~" pagpapaumanhin ni Aya na kadarating lang. Walang pasok
ngayong araw kaya naman nagkita-kita kami sa isang coffee shop malapit lang din sa
academy. Gusto kasi nila ng group study or tulungan sa mga research. Usapan namin
ang alas tres pero naging alas kwatro ang alas tres. Great.

"Buti naman at dumating ka na dahil ikaw ang magbabayad ng mga order natin."
Pambubuska kaagad ni Baldo na halatang giniginaw dahil sa jacket nyang suot.
Taglamig na kasi, malapit na ang pasko kaya malamig ang simoy ng hangin.

"Utut mo Baldo! Uyy, Morie ang cute ng scarf mo ah. Grabe nakaka-OP mga suot nyo,
feeling winter sa Pinas? Haha! Tingnan nyo si Yue may ear puffs pa haha!" sa
nililikhang ingay ni Aya ang sama tuloy ng tingin ng ibang customer sa mesa namin.
"Grabe, kararating mo lang ang lakas mong mang-asar." Sabi ni Yue.

"Wow Yue! Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pitong words ang nasabi mo ngayon!
Congrats! Bwahaha." Pang-aasar ulit ni Aya. Aambaan ng pambabatok ni Yue si Aya
pero dumila lang ang huli. Weird, ngayon ko lang nakita na makipagkulitan si Yue
kay Aya.

"So, ano nang gagawin natin?" tanong ni Penelope, inayos ang pahina ng librong
binabasa.

"Hmmm... siguro magpapamassage tayo, Pen, ay malamang! Magkakape tayo kasi nasa
coffee shop tayo dibaaa?" papitik pitik pa sa ere na sabi ni Penelope. Napakamot
na lang sa ulo si Penelope. Umorder na si Aya ng kape. Nilabas ni Yue yung laptop
nya, si Penelope nagbasa ulit, si Baldo nakikinig sa mp3. Kanya-kanya muna kaming
mundo bago dumating yung order. Pagkatapos naming maubos ang mga order namin,
napagpasyahan na sa apartment na lang kami mag group study.

Nasa entrance na kami ng station six nang bumulalas si Penelope.

"Guys, nakalimutan ko yung notebook ko sa school."

"Eh?"

"Importante kasi yun, makakatulong pa naman yun sa homework natin." May


paghihinayang na sabi ni Penelope.

"Tara puntahan natin sa school, para lang naman tayo namamasyal."

"Come on bamanos! Everybody let's go!~" kanta pa ni Aya at pumihit na sila


patalikod para pumunta ng academy.

I think that was not a good idea.

Gusto ko sanang tumutol pero hindi ko naman magawa dahil nauna na silang naglakad.
Inatake na naman ako ng kaba, hindi kaya matulad din ako kay Lily? Patay pa rin
yung phone ko hanggang ngayon. Binilisan ko na lang maglakad para makahabol sa
kanila.

Hindi naman kami nahirapang makapasok sa loob ng academy, kilala naman na kami ng
mga guards dahil seniors na kami, iniwanan na lang namin yung mga ID naming. Tsaka
may mga kaunting tao pa rin naming nagpupunta sa school kahit walang pasok.

Yun nga lang, pagpasok namin sa loob, ubod naman ng dilim dahil iisang ilaw lang
yung bukas sa lobby, sa kinayaman yaman ng paaralang ito, nagtitipid sila? Cool.

"Mariaaah.... Psst.... Psst..."

"S-sino yon?!" napakapit tuloy sa laylayan ng jacket ni Baldo si Aya.

"Wag mo ngang hilahin yung jacket ko!" inalis ni Baldo yung kamay ni Aya sa
laylayan ng jacket nya, "Si Yue lang yon, pinagtitripan ka!"

"Hahaha, nakakatawa ka Stephen." Saracastic naman na sabi nya.

"Tingnan mo yun, Aya." May tinuro sa side si Baldo at tumingin siya, nagulat naman
si Aya dahil salamin pala yon, "HAHA, gulat ka sa muka mo no?! HAHAHA"

"BWISET KA BALDO, BWISET KA." Sinuntok ni Aya si Baldo sa braso. Natawa na lang din
kami.

Nagkakatuwaan lang kami habang tinatahak ang madilim na corridor papuntang locker
area. Hanggang sa marating na naming yon at binuksan ni Penelope yung lock at
nagsimulang magkalkal. Patay talaga lahat ng ilaw, at nag-aagaw dilim at liwanag
ang tumatanglaw sa loob ng campus, mas mahaba nga pala ang oras ng gabi ngayon.

"Wala rito yung notebook ko," napakamot si Penelope. Halos mahalukay nya na yata
yung buong laman ng locker pero wala pa rin, "Pero feeling ko nasa classroom 'yon."

"Edi tara." Si Baldo

"Ganito na lang, kami ni Aya yung pupunta ng classroom tapos kayo maghintay na lang
sa lobby." Suhestiyon ni Penelope.

"Hindi ko alam kung dapat ba 'kong matuwa sa suggestion mo Penpen." Sabi ni Aya,
napaatras.

"Ok, walang problema!" masaya pang sabi ni Yue, pang-asar kay Aya.

"So, ako talaga?! Bakit ako pa isasama mo?! Wa---" bago kasi makaangal si Aya
nahila na siya ni Penelope papalayo. Kaming tatlo naman nila Baldo ay naglakad na
pabalik ng lobby.

Nawala na kahit papaano yung kaba sa dibdib ko dahil kasama ko naman silang apat.
Tsaka wala naman akong nararamdamang kakaiba sa loob ng campus. Baka nga prank call
lang talaga yung intension ng unknown number na 'yon. Nakakahinga na ko ng maluwag.

"Oy, CR lang ako." Paalam bigla ni Baldo.

"Sama na ko." Si Yue, "Mauna ka na Jill."

Ah ganon. Kailangan iwanan ako? So in the end ako lang mag-isa ang bababa? Gusto ko
silang batukan at pag-untugin dahil kung kalian naman okay na ko tsaka nila ko
iiwan.

"Sige, bilisan nyo na lang." sabi ko at nagkanya-kanya na kaming lakad. Badtrip.


Sana sumama na lang din ako kila Penelope. Inalis ko na lang yung mga negatibong
bagay sa isip ko hanggang sa marating ko na yung lobby na may naghihingalong ilaw.

Hinintay ko sila roon pero lumipas ang sampung minute hindi pa rin sila bumababa.
Unconsciously, binuksan ko yung power nung cellphone ko para tawagan sila.

Biglang bumulaga ang sangkatutak na messages. Rumehistro na naman yung kaba sa


dibdib ko.

Iyon at iyon pa rin yung laman ng message. Maliban sa isa:

'Bakit ka tumakbo, Jill?'

Delete. Delete. Delete. Delete. Delete. Delete. Delete. Delete. Delete. Delete.
Delete. Delete. Delete.

Binura ko lahat.

Dina-dial ko na yung contact number ni Aya pero naunahan ako nang tumunog ang ring
tone ko.

Calling... +63975478677
Wag kang magpakain sa takot, Jill.

"H-hello." Sinubukan kong pakalmahin ang boses ko pero mukang nabigo ako.
Nanginginig yung kamay ko. Walang sumasagot sa kabilang linya.

"S-sino to."

Wala talagang sumasagot. Tama, prank call lang 'to, prank lang ang lahat. Ibababa
ko na sana yung tawag pero...

"Penpen!~"

Mas dumoble yung kaba ko. Parang mas lalong lumamig yung paligid.

~"Nahanap mo na ba yung notebook mo?! Kanina pa nila tayo hinihintay sa baba!"

"Wait lang Mariah, kung tulungan mo na lang kaya akong maghanap para mas mabilis."~

~"Aba, feel mo kong tawagin sa buo kong pangalan!"

H-hindi.

Bakit sila yung naririnig ko sa background? Hindi kaya-

"A-anong---" pinatayan na naman ako ng tawag. Kaya hindi na ko nag atubili na


tumakbo papuntang taas, papunta sa homeroom namin.

"O-oy, Jill, anyare?!" tanong ni Baldo nang makasalubong ko na pababa, pero


nilagpasan ko lang siya.

"Jill!" sigaw nila, at narinig ko na lang din ang mga yabag nilang nakasunod
sa'kin, "Jill, sandali!"

Nag-eecho sa buong campus yung takbuhan namin, pero wala akong pakialam, tumatakbo
ako ng buong bilis sa abot ng makakaya ko.

Ibig sabihin nasa itaas lang din yung caller, malapit kila Aya, malapit sa
homeroom.

Nagulat sila Aya at Penelope nang bumulaga ako sa pinto, pati rin sila Baldo at
Yue. Hingal na hingal kaming tatlo.

"Oh? Bakit? Anong nangyari? Bakit kayo tumakbo? Ha? Hoy!" sunud-sunod na tanong ni
Ayaa

"Itatanong ko rin sana kay Jill yan." Sabi ni Baldo sa pagitan ng paghinga.

Nakatutok ang mga mata nila sa'kin. Hinihintay akong magsalita. Pero walang gusting
kumawalang salita sa mga bibig ko.

Hindi pa rin ako nakakabawi sa mga nangyari, masyado kasing mabilis.

"I... I'll confess..."

"Confess?" naguguluhang sabi ni Penelope


"Everything." Sabi ko, "Pero, umalis na muna tayo rito, please."

Hindi sila sumagot. Namayani ang mahabang katahimikan. Nagtitinginan lang silang
apat, naguguluhan sa mga pangyayari.

"O-ok." Si Baldo ang nag-insist, "T-tara na."

"He-he, ang awkward, horror na ba ito?" si Aya.

We nodded. Pumunta na kami sa pintuan para lumabas, pagbukas ni Baldo ng pinto


tumambad samin si

"Miss Italia." We chorused.

<///3

[Thaaanks <3]

/20/ Confessions

/20/ Confessions

Parepareho kaming nagulat. Lalong-lalo na ako.

"Miss Italia." Sabay-sabay pa naming nasabi.

Tiningnan nya kami isa-isa, blang ang ekspresyon ng muka. Walang pinagbago.
"M-miss! Muntik na kaming atakihin sa puso, akala namin multo!" react ni Aya,
binasag ang katahimikan.

"What are you doing here?" may bakas ng pagka-awtoridad ang boses nya, kaya natakot
yung mga kasama ko.

"M-may nakalimutan lang po kami." Si Baldo ang naglakas loob na sumagot.

"Ako ang dapat magtanong niyan, miss Karen." Tiningnan ko sya ng makahulugan,
"Anong ginagawa mo rito?" matigas kong tanong habang nakatingin ng direkta sa mga
mata niya. Walang kumukurap sa'ming dalawa.

"Morie." Pagkuwa'y saway nila, napatingin sa'kin, nagulat sa sinabi ko.

"I also forgot something." Sagot nya kaagad. I wonder if she's lying.

"Amm, mauna na po kami." Pinutol na ni Baldo ang usapan, marahil ay naramdaman din
ang tension sa pagitan naming dalawa. "T-tara na." nagmamadali silang lumabas
maliban sa'kin. Pero makalipas ang saglit ay lumabas na ko, paglagpas ko sa kanya
narinig kong may sinabi si miss.

"Jill Morie."

Pero hindi ko na iyon pinansin at humabol ako kila Aya.

*****

"Marami kang dapat ipaliwanag sa'min Morie, dahil maloloka na talaga ko ng


tuluyan!" bungad agad ni Aya nang makarating kami sa apartment ko. "Wooow, ang cool
ng bahay mo!" binuksan ko na kasi yung switch ng ilaw.

"Bakit mo naman sinabihan ng ganun si miss?" nag-aalalang tanong ni Penelope.

"Tsaka bakit ka tumakbo bigla? Anong nangyari?" si Baldo, tuliro.

Sa dami at sunud-sunod na mga tanong nila. Hindi ko alam kung ano yung uunahin kong
isagot. Kasalanan ko naman kung bakit naguguluhan sila ngayon.

"Teka, hinay-hinay lang, pwede umupo muna tayo?" Yue was right, kakapasok pa lang
naming sa loob eh. Nung on the way kasi rito walang nag-iimikan sa'ming lima.

"Ok, ok, sorry ha, excited lang." sabi ni Aya. Sa sala kami pumunta, mas pinili
nilang sumalampak sa sahig at nag form ng pabilog, kumuha ng kanya-kanyang pagkain,
madami kasing nakastock sa ref. At eto, di pa rin ako nagsisimula.

"You said you're going to confess." Panimula ni Penelope.


"Oo nga." Si Yue. "Sssshhhh!!!!" saway niya kila Aya at Baldo na nag-aagawan sa
Nutella, tumahimik na yung dalawa.

"Sasabihin ko sa inyo pero I'm counting na hindi nyo sasabihin kahit na kanino."
Sabi ko. Yeah, I trust them, because they're my friends.. And... makakabuti na rin
siguro kung mailalabas ko ang lahat ng 'to, I can't take it all alone.

"Promise." Tinaas pa nila yung kanang kamay at parang mga batang nangako na
magbebehave.

"May problema." I sighed, "Hindi ko alam kung paano sisimulan." Hindi ko kasi alam
kung saan ako magsisimula at kung ano ang ikoconfess ko.

"Umm... Edi tatanungin ka na lang namin. Ok lang ba yon?" suggestion ni Penelope.

Mukang mas mabuti yon, tumango ako bilang pagpayag sa kanya. Pero nagkagulo naman
sila kung sino ang mauuna.

"Ako muna!"

"No, ako nagsuggest ako muna!"

"Ako naunang magtanong kanina Penpen!"

"Edi ako na lang!"

"Ako sabi eh!"

"Para patas, magbunutan na lang tayo!" idea ni Aya.

"Wow, may utak ka rin pala Aya." Pang-aasar ni Baldo.

"Tse!" kumuha ng papel si Aya, hinati sa apat at sinulat ang mga pangalan nila,
tinupi ang papel at iniba iba ang ayos ng papel "Bumunot ka Morie."

Kumuha ako at binuksan iyon, "Baldo."

"Ok, so ako ang una. Ahm, kanina, bakit ka tumakbo?" tanong niya.

Huminga ulit ako ng malalim, inilabas ko yung phone ko.

"Natatandaan nyo ba yung tumatawag sa'kin kahapon?" tumango sila, "Nung mauna na
kayong umuwi, tumawag ulit yung number..."

"At sinagot mo?" excited na dugtong ni Aya.

"Sssssshhh!!!!!!" saway nila.

"Sorry, tehee~"

Tumango ako, "Sabi nya alam nya raw kung sino yung may gawa ng blog tungkol sa'kin,
pinababalik nya ko sa White Knights noong araw na yon para raw malaman ko."

"Bumalik ka?" kinakabahang tanong ni Yue.

"No, umuwi ako."

"Bakit? Diba gusto mong malaman kung sino yung may gawa nun?" tanong ni Aya
"Kinabahan kasi ako. Hindi kasi maganda yung kutob ko. At kanina, noong bumalik
ulit tayo sa school, nasa classroom kayo Aya, sila Baldo nag cr, nasa lobby ako
mag-isa..."

"Tungaks ka! Bakit mo iniwan si Morie?!" binatukan ni Aya si Baldo.

"Aray, masakit ha!"

"Sssshhhh!!!!" saway nila Yue.

"Binuksan ko yung cellphone ko para matawagan kayo, pero bago ko kayo matawagan...
Tumawag ulit yung unknown number." Natahimik sila lalo, "Kaya ko tumakbo kasi..."
narinig ko yung paglunok nila ng mga laway nila... "Noong sinagot ko yung
tawag...Walang sumasagot... Pero.... Narinig ko sa kabilang linya yung mga boses
nyo, Aya, Penelope, nasa homeroom kayo."

Namutla silang apat. Tahimik.

"Kyaaaaaaaaah!!!" napayakap si Aya kay Penelope, kinilabutan. "Ayoko na! Horror na


talaga to! Ayoko naaaaaa!"

"Mariah! Calm down!" sabi ni Penelope, trying to compose herself.

"P-pano nangyari yon?" halata na sa boses ni Baldo ang kaba. "I-ibig sabihin
malapit sa homeroom yung tumatawag? T-tapos paglabas natin, nakita natin si-"

"MISS ITALIA!" sabay-sabay nilang sigaw.

"Kaya ba tinanong mo ng ganon si miss?" si Yue, "S-siya yung caller?!"

"Hindi ko alam." Sagot ko.

"Ibig sabihin posibleng siya yung may gawa nung blog?" conclusion ni Aya, "Pero
kung siya nga, ano naman ang dahilan nun?"

"I think hindi naman magagawa 'yon ni miss." Sabi ni Penelope.

"We can help you Jill." Yue snapped. Nilabas ang laptop nya at binuksan ang power.

"Paano naman?"

"Kung hindi niyo itatanong, maalam ako sa computer. Susubukan kong i-hack yung blog
or i-track yung IP address."

"Yue! Bakit ngayon mo lang naisip yan!" pumitik pa si Aya. "Computer genius ka
pala!"

" I'll do my best, let's check the site first." Pinuntahan nya na yung website,
lumapit kami kay Yue para tumingin. Nagsroll lang si Yue habang may iba't iba
silang reactions sa bawat mabasa at makita nila. Ako? Sanay na ko.

Pero... Parang may nakita kong kakaiba, "Sandali ihinto mo." Sabi ko kay Yue.
Nanlaki ang dalawang mata ko sa nakita. Paanong napost ang mga pictures na yan?
Paanong napunta sa taong yun ang mga larawang tinapon ko na? Oo, yung lumang kahon
na tinapon ko sa basurahan. Yung tatlong mahahalagang larawan sa buhay ko.

"J-jill."
Ang unang larawan na may caption na, "The Shadow Friends", yung group picture namin
noon. Sumikip ang dibdib ko sa pangalawang larawan, "The Disappointed Father.", my
photo with my dad. At mas sumikip yung dibdib ko sa pangatlong larawan, "The Tragic
Lovers." The photo of me... with him...

Pumikit ako saglit, huminga ng malalim, "Y-you can ask me anything."

"N-no Morie, ok lang kung ayaw- "

"Ok lang, Penelope." Sabi ko, at bumunot ulit ako ng pangalan, "Aya."

"A-ano, pwede paki-explain yung mga pictures?" parang nahihiyang tanong niya.

"Ok." Tumikhim muna ko, "Ang mga litrato na yan ay nakunan dalawang taon na ang
nakalilipas. Look, ang saya natin noong junior high oh." I pointed the first photo,
smiling.

"Y-yeah, nanalo tayo sa cheering competition dyan eh. He-he." Baldo shyly said.
"That time, hindi pa mortal na magkaaway si Tamaki at Ireneo. Magkakasundo pa
tayong lahat."

"At hindi pa nag-eexist ang caste." Yue added.

"Pero walang consistent na pangyayari sa mundo, hindi naman palaging masaya diba.
Lalong lalo na ang feelings ng mga tao, hindi consistent. People do change. Then
everybody changed. In the brighter side of my life nakasama ko silang lahat pero
noong dumilim ang mundo ko, para silang mga aninong naglaho." Napayuko sila, kasama
kasi sila sa word na 'sila' pero wala akong intension na kahit na ano. "No one
stayed by my side. Until the heavens sent Hanneul to me, the little girl..." whom I
first saw the future, "my little angel, who helped me... to stay stronger... But
she perished, and before she died, Hanneul wished to me to bring back my smile...
Kaya, binuksan ko ulit yung loob ko na magkaroon ulit ng mga kaibigan. I want to
grant what she wished." Ngumiti ako. Ngumiti rin sila. Nagpunas ng luha si
Penelope, silently sobbing. Nagpatuloy lang ako sa pagkukwento.

"So, the second photo, I'm with my father, Richard Morie. Siguro napansin nyo naman
na I'm not living with my family, ako lang yung nakatirang mag-isa rito, sa loob ng
dalawang taon namuhay ako ng mag-isa without the affection of my family. Kami na
lang ng dad ko ang magkasama, my mom died a long time ago... Dumating yung panahon
na nagdala ng bagong babae si dad sa bahay."

"Baldo, may tissue ka ba?" singit na tanong ni Aya.

"Umayos ka nga, Aya." Saway ni Baldo.

"It's Lily's mom."

They gaped.

"Elinor is very kind, lalo na sa'kin, hindi naman ako doubt kung bakit gusto siyang
pakasalan ng father ko, I mean, she had it all... Unlike her daughter," I smirked,
di ko maiwasang maalala yung insidenteng nag-away kami ni Lily noon, doon pa ko sa
bahay kasama sila, tapos ako yung pinalabas niyang masama, great, muntik ko na
siyang mabato ng vase sa sobrang galit ko, but dad went for her, "Hindi kami
magkasundo ni Lily, at hindi rin kaya ng puso ko na tuluyan nang palitan ni dad ang
lugar ni mom sa puso nya, at ako nawalan na ng tuluyan ng lugar sa bahay na 'yon,
umalis ako. Bumalik ako nito lang, pero sinalubong ako ng father ko ng isang
dismayadong muka, remember noong tumalon ako sa riles?"
"S-sorry, Morie-"

"No, Yue, wala kang dapat ihingi ng sorry." Sabi ko sa kanya at tumango na lang,
"Well, muka ngang hindi na talaga kong kailangan doon, at hindi ko rin naman na
gugustuhin pang bumalik."

"H-he's your father. Paano niya nagawa yun sa'yo." Di makapaniwalang saad ni
Penelope.

"Yeah." Nagkibit balikat na lang ako. Dumako yung tingin ko sa pangatlong larawan,
"At yung huling larawan..." na kasama ko si

"Morris." Nagdadalawang isip ako kung ikukwento ko ba sa kanila, parang hindi ko


yata kaya...

"He.... He's the one who broke my heart..." Siya yung unang lalaking minahal ko, at
una ring nanakit ng damdamin ko. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin naghihilom yung
sugat na ginawa ni Morris sa puso ko.

*****

"Hello?" kanina pa nakauwi sila Aya, pasado nine o'clock na ng gabi, natapos din
yung pagkukwento ko sa kanila at nanatili lang silang tahimik. "Bakit, Yue?"
biglang tumawag si Yue.

"Umm... Jill..."

"Yes?"

"Natrack ko na yung... address... nung blog..."

<///3
*Pakibasa*

Trivia: Alam nyo ba na ang THBT ay dapat short story lang?

Pero dahil sadyang baliw ako, heto at kung anu-anong pasikut-sikot ang naisip ko.
Wala pa sa kalahati ang lahat. I know, marami pong questions ang naiiwan every
chapter at nawiwindang kayo alam ko (sorry na T.T) ,pero mabibigyan ding kasagutan
ang lahat sa tamang panahon, PRAMIS. *evil laugh*

At! Dahil sa marami na siyang magiging loops at twists, iniba ko yung title, hindi
na kasi nagiging angkop sa kwento nyang "Heart Breaker" XD

But wait, there's more! LOL. Sa next chapter, break muna tayo sa POV ni Jill.
Because.... *insertname* will tell you everything... HAHAHA *spoiler*

Last na to.... Salamat ulit ng marami sa lahat ng sumusubaybay *feelingTV?* HAHA.


Basta thank you ng marami sa mga nagbabasa, wala akong ma-say sa mga comments,
mahal ko kayo*huuuugs*

Part Two
"Morris."
"Yes?"
"Are you listening?"
"I'm sorry."
"May I know what's bothering you?"
"It's nothing."
Silence.
"Can we play a game?"
"What game?" her right eyebrow curved up.
"Stare game." I leaned over the table, "the mechanics is simpe, we'll just stare at
each other and the one who'll blink first will lose."
"Then what?"
"Then... If I lose... I'll tell you a secret. But if I won... there's a favor I
would like to ask."
There. Silence again.
"Ok." hindi ko naman inaasahang mapapapayag ko kaagad si miss Karen. We've been
here for half of an hour, doing this counseling stuff, ako yung kasunod na tinawag
niya pagkatapos ni Jill...
"Let's start."
Our gazes met.
Sa loob ng limang minuto wala pa ring kumukurap sa'ming dalawa. Her eyes are so
powerful. Tama nga ang hinala ko, she's different... Limang minuto na may katumbas
na pabalik na mga pangyayari. Behind her eyes... I can see everything... Everything
about her... About her past.
Memories... Flashing through her eyes. Memories that surprised me.
"S-stop." she closed her eyes, tears flowing down in her cheeks. I won.
Hindi ko rin inaasahan ang mga luha na 'yon, sa pagpikit nya nawala tuloy bigla
yung mga nakikita ko. Hindi ko naman sinasadya, wala akong intensyong masama.
She wiped her tears and she took a deep breath. Maybe it reflected through her
eyes, or bounced back, kaya siguro nalaman niya yung mga nakikita ko. Kaya siguro
pumikit siya.
"How dare you, Morris." she's not mad. Miss Karen remained composed and prim,
still, her eyes were closed. I'm an intruder to her memories... to her secrets...
"I'm sorry." sabi ko, kaya bilang pambawi na lang, "I will tell you my secret,"
even though I won.
I leaned again, closer. "I... can see... what other humans can't see..." I
whispered.
This time, binuksan na niya ang mga mata niya, biglang pagtanggap ng pagkatalo sa
aming munting laro.
"I... can... see... everyone's past." whenever I looked directly and deeper at
someone's eyes. I can see their past.
Some were nice.
Some were dark.
What we are today, is the product of our pasts. Past that cannot be changed. Past
that tattooed in our hearts. Past that stored in our memories. Past that we buried
along with our deepest and darkest secrets. My sight can travel time backwards.
"So... you're also a Peculiar." bumalik siya sa normal na kundisyon.
"We're both and different Peculiars in our own ways, miss."
She chuckled, "You and her are really the same."
I gave her a questioning look.
Then she answered, "Jill Morie."
I know.
Seeing the past is worthless. It can't change anything. It just keeps you locked
forever, locked in loneliness, locked in memory.
I did love someone.
But I broke her heart.

/21/ Sibling bond

/21/ Sibling bond

-MORRIS-

"George" hininto ko yung ginagawa ko para sumilip sa tumawag sa'kin, "can I come
in?" tanong ng isang babae na may katamtamang taas at katawan, lumalam ang mga mata
at may maputlang kompleksyon ng balat, nakatayo siya sa may pintuan.

Isang tango ang sagot ko at lumibot muna s'ya sa kwarto atsaka umupo si ate
Georgina sa gilid ng kama, itinuon ko ulit ang atensyon sa pagsusulat.

"George." Tawag ulit niya, pero hindi ko siya sinagot. Tanging liwanag lang ng lamp
shade ang nagsisilbing ilaw sa kwarto ko.

Napabuga ako ng hangin, lumingon sa gilid, kung siya nakaupo. For the nth time I'm
so sure that my sister is going to tell the same thing again. I'm tired of arguing
this with her.

"Ate," I sighed again, "please... not again." Then, she giggled.

"Alam kong tatanggi ka pa rin at hindi na mabibilang sa daliri ng mga kamay at paa
ko kung nakailang failed attempts ako," sabi niya, "mikang mas dapat ko pang i-
develop ang convincing powers ko." Ngumiti siya. Nang marinig ko ang salitang
'powers' medyo iba ang pagkakaunawa ko.

Ibinalik ko na ulit ang atensyon sa pagsusulat. Mukang hindi ako sesermonan ni ate
katulad noon, kakausapin niya ko na mauuwi sa pagtatalo at pag-aaway. Naiintindihan
niya na siguro na sadyang matigas ang ulo ko.

"I'm getting married soon," napahinto ako saglit, nagkuyom ang isa kong
kamay,nagtagis ang bagang, "malapit na kong umalis sa bahay na 'to."

I want to stop her and to shake her until she wakes! But I can't... Alam kong hindi
ko na siya mapipigilan pa, she's my only sister... Pero sabi niya ginagawa niya ang
lahat ng 'to para sa'kin.

Para sa kapakanan ko.

"George... This is the last time that I'm going to ask you this." Hindi ako kumibo.
"Please...Umalis ka na sa White Knights, lumipat ka na sa---"

"Hindi pwede. Ayoko." At kagaya noon pa man, lagi ko nang pinuputol ang sasabihin
ni ate ang tungkol sa bagay na 'yan.

"...I understand..." tiningnan ko ulit si ate, bakas ang kalungkutan sa mga mata,
laglag ang balikat. Hindi ko siya masisisi, madami na siyang sinakripisyo na
ginawa. Hindi rin naman niya ko masisisi dahil mayroon akong mahalagang dahilan.

Tinitigan ko ang mga mata niya at unti-unti akong dinala nito sa nakalipas.

"Ate!" dinala ako ng mga mata sa nakaraan, nakita ko ang batang George, pumapalahaw
sa playground ng munting paaralan. Mag-isa.

"Anong nangyari sa'yo?" biglang dumating si ate Georgina na noo'y nasa edad na
labinlima at ako'y walong taong gulang. "May umaway ba sa'yo?" Umiling ang batang
si George.

"Hindi ko maintindihan ang mga nakikita ko. Ate! H-hindi ko maintindihan. Natatakot
ako..." Niyakap ako ni ate.

"Tahan na... Ssshh..."

Noong una hindi ko maunawaan kung ano ang mga nakikita ko nang tumuntong ako sa
edad na walo. Hindi ko alam kung ano ang ikinaiba ko sa mga normal na tao. Noon,
hindi ko maintindihan kung ano at sino ba talaga ako.
"George, makinig ka sa'king mabuti," hawak niya ang magkabilang balikat ko, "pareho
tayo ni ate. Wag kang mag-alala magiging maayos din ang lahat. Wag kang matakot"
Isa kami ni ate Georgina sa 'mapalad' na nabiyayaan ng ganitong regalo.

"Parehong 'puro' ang mga magulang natin. At nasa lahi ng pamilya natin ang pagiging
ganito George, nasa lahi ng mga mata natin ang ganito."

Biglang nagpalit ang eksena na nakikita ko sa mga mata niya. Parang pelikula na
nagfast forward. Nakita ko sa mga mata ni ate ang unti-unting paglipas ng panahon
na pagpapamulat niya sa musmos kong isipan kung ano ang mayroon kami.

"Siya si Dr.Richard, George. Pinag-aaralan niya ang tungkol sa mga kagaya natin.
Wag kang mag-alala, hindi siya masamang tao." Nang tumuntong ako sa edad na sampu
ay dinala ako ni ate sa isang laboratory at ipinakilala ang isang tao na sabi
niya'y makatutulong sa'ming dalawa.

"Hi, George! Alam mo ba na napakaespesyal ng mga mata mo." Magiliw na sabi ng


doktor sa'kin.

'Espesyal' nga sigurong matuturing ang mga kagaya namin.

"Marami kang magiging kalaro rito George. May anak ako, gusto mo ba siyang
makalaro?" Naging magaan ang loob naming ni ate Georgina kay Dr.Richard, tinrato
niya kami na parang mga anak, palagi kaming pumupunta sa laboratory niya.

Hindi ko masasabing natulungan kami ni Dr.Richard, naging eksperimento kami sa loob


ng laboratoryo, nakakilala ng mga iba pang kagaya naming na naging eksperimento
rin. Mas lumawak ang kakayahan namin ni ate, at mas nakontrol ito kaysa noon.

Pero mas naging mapanganib ang buhay naming magkapatid.

"Hindi na tayo babalik sa lab ni Dr.Richard kahit kailan."

"Bakit ate?"

"It's a big mistake that he helped us. Nadiskubre ang mga kagaya natin. Hinahanap
tayo, George, at hinding-hindi tayo pwedeng sumama sa kanila."

"Sino ang naghahanap sa'tin ate?"

"Malalaman mo rin, George, pero hindi muna ngayon, kapag lumaki ka na maiintindihan
mo ako."

Hindi rin pala ganun kaganda ang pagkakaroon ng ganito. Akala ko magiging maayos na
ang lahat noong tinutulungan kami ni Dr.Richard, pero hindi pala. May mga gustong
kumuha sa'min. May mga gustong gamitin kung ano ang mayroon kami. Pero mahigpit na
binilin ni Dr. Richard na kahit anong mangyari ay hindi kami sasama ni ate.
Habambuhay na kaming magtatago at tatakbo ni ate.

"George." Isang araw ay parang nag-iba ang ihip ng hangin. "George. Sasama na 'ko
sa kanila."

Gulat na gulat ako sa sinabi ni ate.

"Baliw ka ba ate?!"

"Kailangan kong gawin 'to." At ang mas malala pa, magpapakasal si ate sa isa sa
kanila at habambuhay nang itatali sa lugar na pilit naming tinatakasan, para
sa'kin, para sa kapakanan ko kaya ginawa ni ate 'yon.

Hiniling ko tuloy na sana... Na sana hindi kami pinanganak ng ganito. Na sana wala
kaming ganito. Na sana hindi kami iba.

"Kailangan kong gawin 'to para lubayan na nila ang pamilya ko. Pati ikaw." Hindi ko
matanggap na sa hinabahaba ng panahon na tumatakas kami ay mahuhulog lang din si
ate sa mga kamay nila. Magmula noon ay naging malayo ang loob ko kay ate Georgina.

"Gusto kong dito mo tapusin ang senior mo." Dinala ako noon ni ate sa isang
eskwelahan. Hindi ito basta-basta, at hindi alam ng publiko ang tunkol dito.
Pagtapak ko pa lamang sa loob nito ay alam ko na kung ano ang mayroon dito.

"Ayoko, ate."

"Mas magiging maayos ka rito, George." Umismid ako sa sinabi niya.

"Maayos? Maayos ba na makasalamuha ko ang mga kagaya natin? Ate, alam kong mga
katulad din natin ang mga nag-aaral dito, pero ayoko. Ayoko pumasok sa paaralan ng
mga abnormal na tao."

Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko.

"Anong tinawag mo sa mga kagaya natin? Abnormal?! Hindi mo ba alam na sa sinabi


mong yan ay insulto sa buong angkan natin?! Ha! George!"

"Gusto kong mabuhay at makisalamuha sa mga normal na tao, ate. Ito na lang siguro
ang kapalit ng desisyong ginawa mong pagsama sa kanila."

Lumipas muli ang panahon at hindi nagbago ang malamig na pakikitungo ko kay ate at
kinukumbinsi niya ko na lumipat pero hanggang ngayon ay hindi ako pumayag.

"TAMA na ang flashbacks." Pumikit si ate Georgina, dahilan para mahinto ang mga
nakikita kong pangyayari sa kanyang mga mata. Nakangiti si ate, may halo iyong
pait. Maya-maya ay dumilat at tumayo siya.

"Good night little brother." Sa huling pagkakataon ay bigo na naman siyang lalabas
ng silid ko. Pipihitin na ni ate ang sendura...

"Ate Georgina..." tumayo ako, lumapit sa kanya at saka siya lumingon.

Niyakap ko si ate. She hugged me back.

"I'm sorry. Sorry kung hindi ako naging mabuting kapatid."

"Wala kang dapat ihingi ng sorry. Ako yun, sa mga pagkukulang ko."

"No ate, hindi ka nagkulang kahit kailan." We're hugging each other like there's no
more tomorrow.

"Academy of Peculiars could help you. George, I wanted you to be there. Para kahit
wala na 'ko sa tabi mo, alam kong maayos ka."
"Ate, just give me more time. May kailangan muna kong gawin. I promise I'll go
there." I just need to go with her, with Jill.

"I will miss you." Naramdaman ko na nabasa na yung balikat ko, she's crying hard
already.

"I will miss you more, ikaw lang ate ko eh, wala ng magluluto ng baon ko."

Mas lumakas yung pag-iyak niya, at hindi ko na rin napigilan yung luha ko na kanina
pa nagbabadya,

"Mag-iingat ka roon ate ha."

"I'll be fine, ako pa."

"I'll kick their butts kapag sinaktan ka ng mga Memoire."

Memoire, an association of people who were using Peculiars to conquer the universe.

<///3

[yey! thank you ulet! sana bukas mapost ko na yung kasunod. at dahil may pasok na
ulit, baka tuwing friday at saturday ang ud. salamat ulit ng marami <3]

/22/ Favor
/22/ Favor

-MORRIS-

The sun was gradually overcoming the dark sky, and my jacket was enough to keep me
warm from the cold breeze of the wind. I'm leaning over the wall while waiting for
someone. Halos kakabukas pa nga lang ng White Knights nang dumating ako kanina
lang.

I'm sure na ilang sandali na lang ay darating din yung hinihintay ko. At tama nga
ako dahil maya-maya'y natanaw ko na sa malayo ang bulto niya.

Nang makalapit ay huminto si miss Karen dahil nakita niya na 'ko. Alam niya siguro
na kanina ko pa siya hinihintay.

"Good morning." I greeted her.

She answered a nod, then she passed by and I automatically followed her. We went to
the school garden, at umupo sa isang bench doon. Talagang malamig yung hangin lalo
na't umagang-umaga.

"I bet ngayon mo na hihingin ang pabor na gusto mo, Morris."

Tama siya.

"May pabor din akong hihingin sa'yo."

"What?"

"Don't tell it to Jill."

I smirked, "Yeah sure." Tinutukoy niya yung mga nakita ko sa mga mata niya noon sa
counseling session.

~"S-stop." she closed her eyes, tears flowing down in her cheeks. I won.

Hindi ko rin inaasahan ang mga luha na 'yon, sa pagpikit nya nawala tuloy bigla
yung mga nakikita ko. Hindi ko naman sinasadya, wala akong intensyong masama.

She wiped her tears and she took a deep breath. Maybe it reflected through her
eyes, or bounced back, kaya siguro nalaman niya yung mga nakikita ko. Kaya siguro
pumikit siya.
"How dare you, Morris." she's not mad. Miss Karen remained composed and prim,
still, her eyes were closed. I'm an intruder to her memories... to her secrets...~

"Jill, doesn't know about this, about our kind."

I smirked.

"Why? Para madala mo siya sa asosasyon nyo?"

"It's not about that---"

"You're part of them. You're a Memoire."

"You don't know everything, Morris." Madiing sabi niya, "Hindi sapat lahat nang
nakita mo sa mga mata ko at hindi mo alam ang dahilan sa lukuran ng lahat nang
nasilip mo. Wag kang magsalita na para bang alam mo na ang lahat."

Hindi ako sumagot.

"Yes, I'm one of them, and I can't ever deny it to you. I'm part of that
association, but it doesn't mean na katulad ko sila."

"Kung ganon, bakit ka sumama sa kanila?"

Naramdaman kong tumitig si miss sa'kin "Isang malaking katangahan." Ngumiti siya,
ang emosyon niya ay hindi blangko, may halong pait

Napatingin din ako sa kanya, pakiramdam ko ibang miss Italia ang kaharap ko ngayon,
siguro ito siya noon, "maniniwala ka ba na iyon ang dahilan ng pagsama ko sa
asosasyon ng mga Memoire?"

Kinukutuban ako na pareho sila ni ate Georgina ng sitwasyon. Pareho sila ng dahilan
kung bakit mas piniling sumama roon.

Hindi ko pa rin makuhang magsalita, mahahalata sa sa itsura ko ang pagkabigla at


pagtataka. Akala ko nakita ko na ang lahat ng nakaraan sa mga mata niya. Hindi pa
pala. May limitasyon nga rin pala ang lahat.

"Maybe hindi kapani-paniwala. Pero dahil sa postcogniton mo madali mo lang


malalaman 'yon kahit hindi ko na sabihin pa." dagdag niya.

Postcogniton, it is my ability to visually perceice information about past events


of a particular object, person, or anything in between without any guessing based
on deductive reasoning and current knowledge. Ito ang biyayang natanggap ko mula
nang ipinanganak ako. Ito ang lahi ng pamilya namin ni ate Georgina.

"So, I hope you'll do my favor and I'll do yours" tumayo siya mula sa pagkakaupo,
"see you later in class, mr.Morris." at bago tuluyang maglakad paalis si miss
Italia, may sinabi siya, "And... I am giving you my permission to use your postcog
ability in my class, as well as peeking to mine."

Then she walked away.


*****

Masyado pang maaga ang seven am para sa first subject. Nakakainip ding tumambay sa
school garden kaya naisipan ko na lang maglakad-lakad sa grounds. Wala pa ring
masyadong ibang students na nagkalat.

Napadaan ako sa parking lot sa may bandang gilid ng right wing building. Nakuha ng
atensyon ko yung isang pulang motorbike na nakaparada, alam ko kung kanino yon.
Nakarinig ako ng mga boses at sinundan ko ang pinanggagalingan nito.

"T-t-tamaki, pwede pa namang pag-usapan 'to eh." Sa isang eskinita papuntang


likuran ng right wing building, nakita ko ang isang lalaking estudyante na halos
nakaluhod na sa harapan ng may-ari ng pulang motorbike na nakita ko, si Senji pero
mas kilala siya sa tawag na Tamaki, isa sa mga kaklase ko.

"Pag-usapan?" humithit si Tamaki sa sigarilyo at bumuga ng usok, "Niloloko mo ba


'ko? Sinabi ng kailangan ko ng pera at sinabi mong ngayon mo ibibigay tapos hindi
ka susunod sa usapan? HA?!" sinipa nito yung estudyante.

"W-w-wala na talaga kong pera na mabibigay sa ngayon Tamaki, nagmamakaawa ko


sa'yo."

He chose this. Tamaki chose to be like this, a delinquent.

Kinuwelyuhan ito ni Tamaki at hahatawin sana ng hawak nitong tubo, pero nakita ko
nung estudyante.

"Tulong!"

Napatingin tuloy sa kinaroroonan ko si Tamaki. Binitawan niya sa pagkakakwelyo yung


estudyante at tumakbo palayo ito. Hinagis naman niya yung tubo hawak sa isang tabi
at tinapon din ang sigarilyong hawak, nilagay ang dalawang kamay sa bulsa at
naglakad papunta sa kinatatayuan ko.

"Oh, buhay ka pa pala Morris."

"Iyan din sana ang sasabihin ko sa'yo, Tamaki."

Tumawa siya.

"Tingnan mo nga naman, wala ka pa ring pagbabago ha Morris. Alam mo ba na sa tuwing


nakikita ko kayo ni Ireneo gusto kong basagin ang mukha niyong dalawa." His eyes
are full of resentment. A postcog like me can tell why.

"Well, alam naman ng lahat ang dahilan kung bakit. Diba? Pati yung pagiging ganyan
mo ngayon." Huminto siya sa paglalakad, ramdam kong mas nanggigil siya lalo.

"I bet, if she's alive, she won't want to see you like this." I'm talking about
our classmate who died long time ago. Tamaki loves her so much. Hindi niya
matanggap hanggang ngayon na patay na si Lucille.

Namalayan ko na lang nakasalampak ako sa lupa, sinapo ko yung labi ko na nagdudugo.

"Anong karapatan mong sabihin sa'kin yan?! HA! G*G*!" bumangon ako at susuntok ulit
si Tamaki, nakailag ako, pero dahil sadyang talamak siya sa basag ulo, nahagip na
naman ako ng kamao niya.

Lumaban ako kay Tamaki, binibigay ko rin ang binibigay niyang mga suntok. Ganito
kami sa tuwing magtatagpo ang mga landas namin. Hindi na bago yung ganito. Kung
anu-anong masasakit na salita ang binabato ni Tamaki pero hindi ako sumasagot.

Napahiga ako sa lupa, tatayo ako pero tinapakan ni Tamaki yung kamay ko. Hindi ko
napansin na napulot na pala nya yung tubo na hinagis niya kanina. Hindi ako
makabangon. Handa na niyang ihataw sa'kin yung tubo. Bahala na kung ano ang susunod
na mangyayari.

"Senji!"

"Wag kang mangialam dito Roman." Dumating bigla si Tadeo, inagaw kay Tamaki yung
tubo.

"Senji men, alam kong tarantado at siraulo ka, pero ang alam ko hindi ka mamamatay
tao, chill men! Papatayin mo ba si Morris?" inawat niya 'to, at tinulungan akong
makatayo, "ayos ka lang ba Morris men? Awtsu, may mantsa na ng dugo yang jacket
mo." Pinagpag pa ni Tadeo yung damit ko at tinapik sa balikat, "Ang tindi nyong
dalawa." Tumawa ito.

Umalis na si Tamaki at naiwan na lang kaming dalawa ni Tadeo.

"Hay buhay, walang pinagbago yang si Senji, mas lumalala pa ata bawat araw ang
topak nyan sa ulo. Ako na nga lang ata sa klase natin ang kumakausap sa kanya eh.
Buti na lang dumating ako, kung hindi siguro nasa kabaong ka na ngayon. "

"Paano kaya... kung hindi namatay si Lucille?"

Natahimik saglit si Tadeo, matagal bago sumagot, "Ewan. Baka siguro hindi ganyan
yang si Senji ngayon. Alam mo naman mahal na mahal nya yun eh..." huminga siya ng
malalim,

"tsaka... siguro... hindi ganito ang buong klase natin."

Tinapik ulit ako ni Tadeo at umalis na rin.

*****

"Jill! Tingin ka rito! Say hi to the camera!" naririnig ko yung boses ni Mariah sa
may gilid ko, sinulyapan ko sila. May hawak na camera si Mariah at pilit na
kinukuhanan ng litrato si Jill. Alam kong laging kinukulit ni Mariah si Jill, pero
iba ngayon, Jill is laughing habang pilit na nagtatago sa camera. Kasama rin sa
pwesto nila sila Cris, Stephen at Penelope.

"Aya! Will you stop that!" sabi niya.

"Eeeeh! Dali na Morie, isang wacky lang! Pleaaaase!"

Kailan pa sila nabuong magkakasama? Matagal na panahon ko ring hindi nakita si Jill
na ganyan... Gusto kong malaman kung anong nangyari..

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa si miss Karen, dahilan para umayos na ang
lahat. Matapos siyang batiin ng buong klase, nagsimula siya.

"I would like to inform you na sa this coming friday ay magkakaroon kayo ng
recollection, dahil seniors na kayo."

Nagkaroon ng different reactions ang klase. May iba na ayaw, may iba na excited.

"Gaganapin iyon sa labas ng school, so, I'll distribute this waivers para i-inform
ang parents nyo at bukas dapat ibalik sa'kin."

Habang pinapamigay ang mga papel, nagkatinginan kami ni miss. Tumango siya. At alam
ko na ang ibig sabihin. Sa biyernes niya gagawin ang pabor ko.

[Thank you ulit. Doumo Arigato gozaimasu minna!~ :*]

/23/ To change of hearts

/23/ To change of hearts

-MORRIS-
Welcome to Villa Barbara.

Sumalubong sa pagdating namin ang magandang tanawin, mga puno, halaman, at bundok.
Naglalarawan ng peace and harmony.

"Takte, ang lamig naman lalo rito sa labas." Reklamo ni Tadeo pagkababa namin ng
bus. Miss Karen instructed us to put our things first sa lobby bago pumunta sa
common room, yung mga facilitators na raw bahala magdala nun sa magiging kwarto
namin.

We're going to stay here for one week. Recollection is not bad at all. Pero hindi
ganoon kaexcited at ka-interesado ang mga kaklase ko.

Recollection.

From the word 'recollect', it is the act of recalling something from memory.

Memories that we left behind.

We will remember the events and feelings that we shared in the past. The painful
past that keeps hunting our present lives. but sometimes... Remembering hurts too
much.

It could be easy for a postcog like me, a postcog who can peek someone's past
through the eyes.

Pero hindi pa rin ako exception para masaktan,

Alam ko hindi lang ako nag-iisa, alam ko na hindi lang ako ang nag-iisang
nababagabag sa mga mangyayari sa loob ng isang lingo. Alam ko hindi lang ako nag-
iisa na natatakot na masaktan. Alam ko na lahat ng mga kasama ko ay mga kanya-
kanyang kinikimkim. Alam ko.

I'm just hoping na walang mangyaring masama. Jill already destroyed the caste, but
it is still there. Ireneo never changed, but he can't touch Jill, he's under
provision because of Jill's suicide act. But if he do touch her, mananagot na siya
sa'kin.

Sa loob ng common room nagdiscuss lang yung facilitators ng mga rules, at reminders
para sa safe na pag-istay naming ng isang linggo. Binigyan na rin kami ng
designated rooms na nakalocate sa second floor ng main house.

Halos tahimik ang lahat, habang naka-upo at naghihintay na magsimula yung unang
activity.
"Sana maging masaya yung buong week na 'to." I heard Mariah's voice, nasa may
bandang unahan ko sila nakapwesto.

"Sana nga, hindi maganda kutob ko rito eh." Pabulong na sagot ni Cris, na katabi
lang din niya.

"I can feel it... I can feel the pressure." Penelope said.

"It's getting closer now? Kanta yan ah!"

"Mariah, it's not time to joke."

"Sorry naman Penpen, hindi ko matake yung ganitong atmosphere eh. Tingnan mo naman
yung mga pagmumuka ng mga kaklase natin."

"Umm... Yue?"

"B-bakit, Jill?"

"Pwede mo na bang sabihin sa'kin?"

"Na ano naman yun, Morie?" Mariah cut in.

"Kung sino yung blogger. Sabi ni Yue, natrack niya na yung address."

"Whaaat? Yue, omg, sabihin mo na kung sino?"

"Sssssh!!! Aya,wag kang maingay ano ba."

"Sorry Baldo, excited lang."

And there's a long silence, they're waiting for Stephen's answer. Pero isang
malalim na buntong hininga ang sinagot nito sa kanila.

"S-sorry guys, pero pwede after na lang ng recollection natin?"

"Pero---"

Bago pa sila makaangal, biglang dumating yung facilitator kasama si miss Karen at
isang lalaking nakasuot ng polong puti.

Nagkaroon ng introductions, umalis yung facilitator, umupo sa isang tabi si miss


Karen, naiwan yung lalaki sa gitna. Nagpakilala siya, siya si Rommel Romulo, isang
seminarista. Bago ang lahat, nagpambungad na panalangin muna.

"Bakit nga ba kayo narito?" pagkatapos ng opening prayer, inumpisahan ni sir Romulo
ang tanong na yan. It's a rhetorical question, we don't need to answer.

"Narito kayo upang magbalik tanaw, magkaroon ng katahimikan at kapayapaan sa inyong


kalooban, tatahakin ang landas patungo sa ating Panginoon." Sabi niya, "Kung
mapapansin nyo, nakaharap kayo sa salamin." Sa harapan namin nakapwesto ang isang
malaking salamin, kitang-kita namin yung mga sarili naming doon. "Pero hindi nyo
alam, na ang lahat ng pader sa silid na ito ay salamin." Lumakad si sir Romulo
patungo sa isang bahagi ng dingding, tsaka lang namin napansin na natatabunan iyon
ng makapal na kurtina, may tali siyang niladlad at sabay sabay na humawi ang mga
kurtina at bumungad ang walang katapusang repleksyon. Lahat nga ng dingding ay yari
sa salamin.

"Nangangahulugan na kahit saan kayo tumingin, wala kayong ibang makikita kundi ang
mga sarili. The purpose of this recollection is to reflect yourselves, in order to
change your hearts."

Change of hearts.

Ang mga sumunod na pangyayari ay nagpabagot lang sa aming lahat. I mean, everything
was dull. More on lectures ang mga ginawa ng seminarista.

Nang magbigay ng thirty minutes break, kaagad akong lumabas. Hinanap ko si miss. At
nakita ko naman siya sa entrance ng lobby. Hinawakan ko siya sa braso pero hinawi
niya iyon.

"Woa, Morris, easy." Sabi niya."

"You said you're going to do my favor."

"You're too impatient, mahaba ang limang araw, dear."

"Anong gagawin mo? Hindi ikaw ang in charge sa activities."

"Rommel is my acquaintance. And I have plans."

"Wag mong sabihinh parte siya ng Memoire."

"No, he's not."

"Please miss, sabihin mo sa'kin kung ano man yang balak mo." I'm starting to lose
my temper. Hindi ko alam kung bakit pero tama siya, maybe naiiinip ako dahil sa
slow pacing na nangyayari.

"I'm not going to tell anything."

"Why?"

"This is your favor. If you really want this to succeed, then just let me do it."
We stared for seconds, "Just trust me, Morris." Then she left.

Babalik n asana 'ko sa loob, pero pagpihit ko, nakatayo sa gilid ng malaking paso
si Mariah. Bago ako makapasok, hinarang niya 'ko.

"Anong meron sa inyo ni miss?" she suspiciously asked, "Nakikita ko na kayo dati pa
sa garden."

"Wala."

"Eh sa inyo ni Lily?" Mariah Martinez, everyone called her Aya, the nickname who
gave her was Lucille. "Girlfriend mo siya diba?"

"Oo."

"Then bakit mo pa hinahabol si Morie?"


"Kasi mahal ko siya."

Hindi lahat nang nakikita sa labas ay totoo. Everything is different inside and
outside. I know her, Mariah; I know who really she is.

"Ang gago mo, Morris."

"Alam ko."

Umurong na siya, bumalik na sa loob. Napangisi na lang ako. Tsaka sumunod din sa
loob. Bumalik ako sa pwesto ko, kung saan naghihintay si Lily, ang sinasabi nilang
girlfriend ko.

"Saan ka galing?" tanong niya.

"Sa labas."

"Anong ginawa mo?"

"Nothing." Di na siya sumagot. Lily is my girlfriend. But I've never been a


boyfriend to her. There's a reason for everything, and there's a reason for this.
She won't let me go, but someday she will.

Bumalik na ulit si sir Romulo, pinaayos kaming lahat atsaka ulit siya nagsimula.
Muling nagkaroon ng discussions si sir Romulo, more on spiritual activities, at may
pinapanood na kung anu-anong inspirational clips or videos. But none of them
touches everyone's heart.

Kahit saan ako tumingin, nakikita ko ang mga repleksyon nila, walang pagbabago,
walang progress. Kaya naiiinip ako sa mga mangyayari.

'Just trust me, Morris'

Ang tanging pabor ko lang naman kay miss ay baguhin ang puso ng bawat isa. She made
the theme "to change everyone's hearts". Iyon lang naman ang gusto ko. Ito yung
ipinakiusap ko kay miss Karen.

It could help Jill, and also us, to move on from the painful past.

*****

Second day.

Pagkatapos ng breakfast sa dining hall, pinapunta kami kaagad sa common room para
sa magiging activities na naman ngayong araw. Pagdating namin doon, nakabilog na
yung mga upuan, nakahawi ulit yung kurtina dahilan para makita na naman ang walang
katapusang repleksyon ng silid na yon.
Makalipas ang kalahating oras. Walang facilitator na dumating. Wala rin si sir
Romulo. Namatay yung mga ilaw maliban sa pinakagitna, kaya dumilim. Sumulpot si
miss Karen sa gitna.

"Good morning everyone, Because of urgent meetings, bumalik si Rommel sa seminary,


matatagalan bago makapagpadala ng bagong kapalit. At ako na nga pala ang magiging
temporary in-charge sa recollection nyo."

Nagreact silang lahat.

I think this is part of her plan, sumulyap sa'kin si miss, isang senyas iyon.

"Let's skip the introductions, alam kong kahapon pa sa inyo naidiscuss ang purpose
ng lahat ng ito: to change your hearts. And, bakit hindi natin lagyan ng twist ang
lahat? I mean, bakit hindi natin gawing memorable ang huling recollection niyo."
She sounds creepy. Natatakot na sa kanya yung mga katabi ko, even Lily, kumapit
siya sa'kin, pero hindi ko ito pinansin.

"Our first activity for this morning, we're going to play, Wink Murder."

<///3

[sorry matagal. thank you ulit. sisipagin ko mamaya, haha, next na yung mga
revelationss.]

/24/ Murder the Past: Tamaki

/24/ Murder the Past: Tamaki

-MORRIS-
"...We're going to play the game called... Wink Murder..." sabi ni miss, dahilan
para lumikha ng ingay ang bawat violent reactions ng isa.

"What's that?"

"Cool! Parang mas may thrill kung si miss yung in-charge!"

"Napanuod ko na 'to! Death bell ang peg mga men!"

"I want to go home na!"

"This sucks."

"Everyone, shut your mouth!" natahimik sila when Ireneo yelled.

Lumibot si miss sa pabilog na arrangement ng upuan, isa-isa niya kaming pinabunot


ng baraha na nanggaling sa isang lalagyan. Pagdating sa'kin, bumunot ako ng isang
baraha.

Then she winked at me.

Pasimple kong sinilid sa bulsa ng jacket ko yung baraha na nakuha ko mula sa kanya,
at sa kabilang bulsa ng jacket ko hinugot ng dahan-dahan ang isa pang baraha.

Baraha na binigay niya sa'kin kagabi pa.

Nang magkaroon ng pagkakataon na makapag-usap kami ng wala ng ibang tao.

"Para saan 'to?" I asked after she handed me a card, ace of hearts.

"You'll use that tomorrow. Ikaw ang magiging taya sa laro, Morris."

"Anong laro?"

"Malalaman mo bukas. You'll have your chance to peek at everyone's past."

"Para saan naman?"

"We're just in the first step. I want all of you to remember the past by staring.
And... be ready for this."
Nagbalik ako sa kasalukuyan at saka sinilip ko ang baraha na nakatago sa'king
palad. Nagpapaliwanag na ngayon si miss Karen tungkol sa mechanics ng laro.

"Madali lang naman ang first activity natin, you'll just stare at each other, but
there will be 'murderer'. Now, nakita nyo na kung anong baraha ang meron kayo, just
make sure na walang ibang makakakita. There's only one who got an Ace of hearts
card na magiging 'murderer', and the six people who got the Ace of spades will be
the detectives, and the rest will be the civillians. The objective of the murderer
is to murder by winking at the civillians without getting caught. Once that you've
been winked, automatic na kayong out at lalabas ng kwartong ito. The detective's
role is to catch the murderer, pero kapag siya ang nakindatan ng murderer, the game
is over dahil nahuli na nya kung sino. The civillians can accuse who the murderer
is, but once na mali ang accusations niya, tanggal na rin siya sa laro, same rule
rin for detectives."

Inutusan niya kami na ilagay ng pataob ang baraha naming lahat sa desk.

"I hope na handa na kayong lahat. Hindi matatapos ang laro hangga't hindi nahuhuli
kung sino ang murderer."

Sa larong ito kung saan ako ang taya. Nakadepende sa'kin kung paano ko ito
mapapaikot. Ang kailangan kong gawin, patagalin ang larong 'to ng hindi nahuhuli.
Ngayon na magsisimula ang hinahangad kong pagbabago. Matagal ko nang hinihintay
yung ganitong pagkakataon...

"The game... starts... now."

And then there's a long silence, no one's talking. Ang lahat ay tumitingin sa bawat
isa. Tumingin ako kay miss na ngayon ay nasa labas nan g circle. She mouthed 'What
now?'

Ano na, Morris? Anon a ang susunod mong gagawin? Sa isang iglap tatlo agad ang
'napatay' ko. They automatically raised their cards up at kusang umalis sa kwarto,
fortunately ay mga civilians sila at walang nakahuli sa'kin. But someone raised a
hand.

"I think I knew who the killer is."

"Who?" miss asked.

Then he pointed at Lily who's sitting beside me. Pero umiling si Lily at sinasabing
hindi siya ang nakakuha ng ace of hearts. Natanggal na sa laro yung kaklase kong
nakawrong accuse.

What's next? Thirty six out of forty students left.

Bumalik ulit sa katahimikan ang lahat.

Pero mukang mas mahihirapan ako ngayon dahil marami ng nakabantay na mga mata
sa'kin, at isa sa kanila si Tamaki. Magkatapat ang pwesto namin kaya naman kitang-
kita ko sya mula sa pwesto ko, kitang-kita ko ang mga mata ni Tamaki.

Matuturing na isang himala na nakasama siya sa recollection na 'to, at abang


palalim nan g palalim ang kanyang mga mata ay unti-unti akong hinihigop nito at
dinadala sa nakaraan.
"Senji Tamaki." Huminto siya nang makita si miss Karen na nasa harapan niya.
Kumunot ang noo ni Tamaki, nagtataka kung paano siya nahanap ni miss sa club na
lagi niyang tinatambayan. Maingay ang club, mausok at madilim.

"Anong ginagawa mo rito? Dadalhin mo ko sa school para bigyan ng detention?" sabay


ismid at hinugot mula sa bulsa ang isang pakete ng sigarilyo at lighter.

"Give me that." Utos ni miss. Hindi ito pinansin ni Tamaki pero biglang inagaw ni
miss iyon at hindi siya nakaangal.

"Ano bang problema mo?" galit na sigaw niya. Natawa si miss Karen, humugot ng
sigarilyo at sinindihan iyon. Napanganga si Tamaki sa ginawa nito, napailing.

"Sasama ka sa recollection bukas." Turan ni miss.

"Hindi ako pupunta sa mga walang kakwenta-kwentang bagay."

"Sasama ka sa ayaw at sa gusto mo, Tamaki."

"Ibang klase, pwede kitang ireport sa school sa ginagawa mo."

"Teachers are human too, we can smoke. Anyway, kailangan mong sumama."

"Bakit ba pinipilit mo kong sumama ha? Hindi ba't mas mabuti yon para wala ka ng
panggulo sa outing nyo, ha."

"Lucille asked me to."

Nanigas na parang bato si Tamaki, nautal, nanginig. Bago magsalita, sinalinan ng


alak ang kopita at diretsong ininom iyon.

"N-niloloko mo ba ko? Patay na si Lucille." May poot ang tinig niya.

"Alam ko. She's one of my former students." Blangkong sagot ni miss.

"P-paano? B-bakit?"

"Kung pupunta ka, malalaman mo kung paano at malalaman mo ang buong katotohanan."

Malakas na sinuntok ni Tamaki ang mesa at galit na galit na hinarap si miss, "Sa
oras na malaman ko na kalokohan ang mga pinagsasasabi mo, kahit babae ka, mananagot
ka sa'kin."

Nagsukatan sila ng tinginat hindi kailan nagpakita ng anumang takot o pagkabahala


na emosyon si miss Karen.

"I considered that as your agreement. Aasahan kita bukas." At bago siya umalis,
hinulog niya ang sigarilyo niya sa kopita ng alak ni Tamaki.

Pinutol ko saglit ang pagtanaw sa nakaraan ni Tamaki. Iyon pala ang nangyari kung
bakit sumama si Tamaki sa recollection. Ano naman kaya ang gagawin ni miss para
ilabas ang sinasabi niyang sagot at katotohanan? Lalo na't patungkol ito kay
Lucille.

Ipinagpatuloy ko ang pagtanaw sa mga mata ni Yamaki, at dahil nakokontorl ko ang


oras sa mga mata niya ay dinala ako nito sa mas matagal na panahon.

Two years ago....

"Morris, yoh!" malakas na tapik ni Tamaki sa likod ko, isang normal na pagbati
niya 'yon tuwing umaga. Hindi lang sa'kin pati na rin sa iba pa naming mga kaklase.

"Yoh, mga men, good morning!" lagi niyang kasunod sa pagpasok si Roman Tadeo at
Cris Baldemor, silang tatlo ang mood maker ng klase naming, kahit mga maiingay ay
nakakasundo pa rin naman nila ang lahat.

"Mr. Tamaki! Get out of my class! Now!" normal na rin na mapagalitan at mapalabas
siya lagi sa klase dahil sa dami ng kalokohan na ginagawa niya. Wala siyang pake sa
kung ano ang tingin sa kanya ng ibang tao. Hangga't alam nasa tama siya,
ipaglalaban niya ito.

"Senji, may meeting ang group natin mamaya, sana makicooperate ka." It was Lucille.

Halos lahat ng kaklase naming ay walang tiwala kay Senji, walang tiwala na may
magagawa siyang matino sa buhay. Except Lucille.

"Aasahan ko na pupunta ka." she believed in him, always.

Kung minsan, si Lucille pa ang nag-aalok kay Tamaki na tumulong sa kanya sa pag-
aaral. It's like she's an angel and he's a devil. Kahit na langit at impyerno ang
katangian nilang dalawa, still, Tamaki fall for her.

"Morris." Masiglang nakipag fist bump si Tamaki sa'kin, isang hapon sa roof top
kuing saan parehas naming laging tinatambayan sa tuwing gusto naming magmuni muni.
Tatanawin ko lang yung langit habang siya naman ay Gawain nang maglabas ng
sigarilyo at hihithit.

Tamaki was once my best pal.

"Oh? Bakit?"
"Usapang lalaki nga tayo. May tanong ako."

"Ano naman?"

"May gusto ka ba kay Lucille?"

"Bakit mo naman natanong?"

"Wala. Bukod sa magkalapit ang mga upuan nyo at malapit din yung loob niyo."

"Bestfriend ko si Lucille, Senj."

"Pero sabi mo may gusto ko sa bestfriend mo?"

"May isa pa 'kong bestfriend, Senj, si Jill."

"Ahh... Mga taktika mo talaga ano, Morris, bespren bespren pang kuno. Mabuti naman
at si Jill ang tinutukoy mo."

"Sus, halata namang patay na patay ka kay Lucille. Akala mo hindi ko nakikita na
kapag nandyan siya tumitiklop ka. Kala mo napakasiga mo." Tinawanan ko siya ng
malakas.

"Anong sabi mo, gusto mong gulpihin kita ngayon?"

"Alam kong magpapalakad ka lang sa'kin, pero wag na lang, may paa ka naman.
Hahaha."

"Lul mo, wag kang pilosopo, bubugbugin kita."

We used to have those good bud moments. I trust him, I know he could protect
someone he cherished.

Nagpatuloy ang pagkakamabutihan nila ni Lucille, halos araw-araw tuwing after class
magkasama sila sa library para mag-aral.

Lucille was the reason why he's trying to change his miserable life.

She's his light.

But that light faded.

"L-lucille. M-mahal kita." It's one afternoon at the library when he confessed his
love to her.

She just smiled at him, she held his hand.

"Alam ko."
"H-hindi mo rin ba ko gusto?"

"I like you, Tamaki." His heartbeat was fast. "But I'm sorry. We can't be
together."

"B-bakit?"

"I'm pregnant."

And every part of him shattered.

"Totoo ba, Morris?" it was dark and ominous day. Hindi ako makapagsalita noong mga
oras na 'yon, "Sumagot ka!" halos mapunit na yung kwelyo ko sa sobrang higpit ng
pagkakahawak ni Tamaki. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kay Tamaki.

"Senj, tama na." umaawat si Tadeo.

"Wag kang mangingialam Roman." Nagtatagis ang mga bagang at nanlilisik ang mga mata
niya, "Ikaw. Ikaw ang ama." Umaagos ang luha mula sa mga mata niya. "Ikaw ang ama
ng dinadala ni Lucille."

Hindi. Hindi yon totoo. Gusto kong sabihin yon kay Tamaki pero wala ni isang salita
ang lumabas sa bibig ko. Wala akong nagawa kundi maluha rin dahil hindi ko kayang
sabihin kay Tamaki yung totoo, hindi ko sinasalubong ang mga tingin nya.

"Hayop ka."

Tinanggap ko ang lahat ng suntok at tadyak mula sa kanya. Sinalo ko 'yon ng walang
salag. Wala namang magawa si Tadeo at Baldo kundi manuod lang.

At mas masakit na hanggang ngayon hindi alam ni Tamaki ang katotohanan. At hindi
niya maaaring malaman.

Unti-unting nilamon ng demonyo si Tamaki, unti-unti nawala ang liwanag na


tumatanglaw sa kanya. Kasabay ng unti-unting pagbabago ng buong klase namin, unti-
unti rin siyang namuwi sa mundo, at sa akin.

Hindi na pumapasok si Lucille sa school, walang nakakaalam kung ano ba talaga ang
nangyayari sa kanya. Maliban sa'kin na nakakaalam ng mga totoong nangyayari. Pero
mas pinili kong maging pipi, dahilan para mabulag ang lahat.

Three months later, Lucille died.


"Kasalanan nyo ni JILL kung bakit siya namatay. Kasalanan nyo!" nagwala siya sa
classroom. Jill was dumbfounded when the issue was exposed at our whole class.
Everyone was shocked. Walang makakontrol kay Tamaki, nilalamon siya ng poot at
galit.

Ang komosyon na yon ang dahilan para masuspend siya, kung hindi lang nagmakaawa
ang mga magulang nya sa school, expel na siya.

Then, everything changed.

Jill changed.

Tamaki changed.

Everyone.

Lahat, naapektuhan.

Tumigil ako sa pagsilip sa nakaraan ni Tamaki, matalim pa rin ang titig niya
sa'kin, at kinindatan ko siya sa isang iglap. Padabog siyang tumayo at lumabas ng
kwarto, napatingin lahat sa kanya.

"Gosh, he's out."

"I thought siya yung killer."

"Buti naman."

Mahirap ilabas ang katotohanan sapagkat may mga bagay na mahirap ipaliwanag. Mga
bagay na mahirap ipalinawag, katulad ng mga uri ko.

Katulad ng mga uri namin ni Lucille, at ni miss Karen.

We're peculiars who exist in this planet.

This is a curse.

"Morris, I'm going to die soon." Ako lang ang nakakaalam tungkol sa sakit ni
Lucille, "Malapit na kong mawala sa mundo, Morris, nararamdaman ko, malapit na."

Pinatawag niya ko noong araw na yon sa ospital, yung mga panahong walang nakakaalam
kung nasaan ba siya.

"Wag kang magsalita ng ganyan."

"Nananaginip pa rin ako. Hindi tumitigil ang mga nakikita ko."

"Morris, I have a huge favor to you, at asahan mong tatanawin kong isang
napakalaking utang na loob hanggang sa hukay ang lahat ng to. Hindi mo alam kung
gaano kalaki at kapuro ang tiwala ko sa'yo."

"Ano yon?"

"I want to protect Jill, she's my very best friend, alam mo yan, the three of us
were so happy. I want Jill to be happy."

"Hindi kita maintindihan Lucille."

Imbis na sumagot ay inabot niya sa'kin ang isang sketch pad.

"I can see the future through dreams, Morris. At lahat ng nakikita ko, ginuguhit
ko." Hindi ako makapaniwala sa mga nakaguhit doon, lalo na't tungkol lahat kay
Jill.

"Gusto kong lumayo ka kay Jill, it's one of the best thing that you could do,
because someday in future, you and her can't be together, you'll just ended up
hurting both of yourselves."

I was completely devastated.

"May isa pa kong bagay na sasabihin sa'yo." Nanatili lang akong nakatitig sa
sketchpad, as I scanned the pages, parang pinuputol ang bawat hininga ko,

"I'm pregnant, Morris. The father of my child is one of the Memoire."


I closed my eyes, I can't stop the memories flashing in my eyes. Agad din akong
dumilat, wala na si Tamaki sa harapan ko.

"O-ok ka lang?" nag-aalalang tanong ni Lily.

"Oo." inayos ko ang sarili ko.

Hindi pa tapos. Marami pang mga mata sa paligid ko. Sa sulok ng mga mata ko, nakita
ko ang nakaabang na mga mata.

Mga mata ni Lord Ireneo.

<////3

[uwaaa malapit na christmas, at bakasyon, I SMELL MONEY. HAHAHA. CHOS thank you
ulit <333]

/25/ Murder the Past: Ireneo

[nahirapan sa paghahanap ng portrayer, suportahan natin ang love team na ginawa ni


clairvoyance, hahaha. malapit na pasko :>]

/25/ Murder the Past: Ireneo


"There are things that have to be forgotten if you want to go on living."

-MORRIS-

Dalawampu na lang ang natitira.

Sa loob ng kalahating oras, marami na akong nakita, dahilan para sumakit yung ulo
ko. Malakas makahigop ng enerhiya kapag ginagamit ko ng husto ang mga mata ko. Pero
hindi ako pwedeng tumigil, marami pa 'kong dapat makita.

Alam ko kung sinu-sino yung nakabunot ng ace of spades, nagagawa ko namang


makapuslit ng kindat ng hindi nila nakikita.

At isa sa kanila...

Si Lord Ireneo III

Ang may pinakamataas na ranggo sa caste system ng klase. Ang sinasabi nilang ang
nagpasimula ng caste. Ang sinasabi nilang kumokontrol sa aming lahat. Ang sinasabi
nilang pinakamakapangyarihan sa klase. Pero walang nakakaalam kung sino nga ba si
Ireneo. At kung bakit at paano niya nakontrol ang lahat.

Nararamdaman ko na pinagsususpetyahan niya na ang mga kilos ko kaya naman kapag


nagkakaroon ng pagkakatoon ay mabilis kong tinataya ang iba. At saka ulit siya
babalik ng tingin sa'kin.

Kagaya ni Tamaki, kakaiba rin ang mababasa sa mga mata ni Ireneo. Sa likod ng
makapal na lente ng salamin, makikita ang mga mata na may kung anong nababalot na
misteryo. Hindi. Hindi namin siya kauri, hindi siya Peculiar.

Ngumisi si Ireneo sa'kin, na para bang sinasabi niya na mahuhulog din ako sa bitag
niya, na para bang pinapamuka niya na kahit sino ay kayang-kaya niyang ibagsak. At
walang ibang makapangyarihan kundi siya.

Hinigop ng kanyang mga mata ang aking diwa at dinala sa ibayo ng nakalipas.

"G-good morning. M-my name is L-lord James Ireneo III. I-it's nice t-to meet you
all." Halos nakayuko at mahinang pagkakasabi niya noong first meeting ng unang taon
sa junior high. Wala kang ibang mapapansin sa kanya bukod sa salamin sa mata at
buhok na halos matakpan ang kalahati ng kanyang mukha.

Mahiyain at tahimik na tao, iyan ang mailalarawan mo kay Ireneo o mas kilala bilang
James noong mga panahon na 'yon. Walang ibang nakakapansin sa presensya niya
maliban na lamang tuwing nagkakaroon ng class participation, isa siya sa mga
nangunguna.

He's an achiever, natural na siguro 'yon dahil anak siya ng president ng Parent-
Teacher Association ng White Knights Academy. His mom, a perfectionist, wanted
everything perfect for her children. At dahil doon he always aimed for the best.

But as they said, you can't always get what you want.

He never reached the first rank. For some reasons, marami rin kasi siyang
kakumpitensiya.

"Second place ka lang sa ranking. Nag-aaral ka ba talagang mabuti, James?" hindi pa


man niya sabihin alam na kaagad ng nanay niya kung ano ang resulta ng standings.
Ganoon nga siguro kapag nanay mo ang president ng PTA, kilala at may impluwensya sa
loob ng eskwelahan.

"S-sorry po, ma."

"My goodness, James! Tingnan mo ang kuya mo! Malayo ang mararating ng kuya mo sa
pag-aabogado at never siyang naging pangalawa!"

The most painful thing for him is that his mother can't accept his imperfections,
lagi siyang kinukumpara sa kuya niya na di hamak na mas dobleng mas magaling kaysa
sa kanya. Kaya naman, lahat ng makakaya niya ginagawa niya.

"B-bawi po ako next time, ma, I'm sorry."

He couldn't do anything but just to follow his mother's commands. He's a puppet for
the whole time in his life.

"Dapat lang! I-eenroll kita ulit sa pinakamaganda't pinakamahal na cram school.


Alalahanin mo James, ako ang presidente ng PTA, at anak kita."

Pero hindi niya natutupad ang pangakong yon. Dahil sa pressure na kinikimkim niyang
mag-isa, isang factor na rin yung wala siyang malapit na kaibigan. Unti-unti siyang
bumababa sa rankings. Third, Fourth, Fifth, Sixth, Seventh... until nawala siya ng
tuluyan sa best ten. Mas nagalit ang nanay niya. Nawalan siya ng interes sa pag-
aaral at may mga pagkakataong hindi na siya pumapasok sa eskwelahan.

Hanggang sa dumating ang isang pagkakataon na makilala ang isang kaibigan.

"Wow, naglalaro ka pala ng Pokémon, James."

It's Stephen.

Stephen Yue, ang kasalukuyang rank forty ng klase.


Yeah, they've been friends. For real. Believe it or not.

Napabalikwas siya nang dumating si Stephen, mag-isa lang kasi siyang naglalaro ng
portable game player sa student plaza. Hindi siya makapagsalita dahil iyon nga
siguro ang unang pagkakataon na may lumapit sa kanyang kaklase para makipag-usap.

"Ah... Oo."

"Gusto mong mag trade tayo." Magiliw na sabi ni Stephen at nilabas din ang game
player niya. Doon nagsimula ang masasabi mong pagkakaibigan nilang dalawa, dahil sa
Pokémon trading.

Mula noon, lagi silang magkasama tuwing vacant para maglaro at magtrade ng pokemon.
Stephen somehow helped him to change a little. Nakakausap na rin niya ang iba
naming mga classmates, because of Stephen he learned how to trust others.

Bumalik na rin kahit papaano yung interes niya sa school. But he still remained
second sa class standing. He doesn't mind anymore if kinukumpara at pinapagalitan
ulit siya ng nanay niya, nasanay na siya.

Dahil na rin sa nakakausap niya na ang lahat, doon nagsimula na maging leader siya
ng bawat group activities. Magaling na leader si Ireneo, mahusay siya at alam niya
kung paano magpagalaw ng mga tao. Doon lumabas ang galing ni Ireneo, "everything he
touches turns to gold", analytical thinker.

Hindi na nakapagtataka kung ang grupo lagi na kinabibilangan niya ay nagiging


outstanding o nakakakuha ng pinakamataas na marka. Kaya naman kapag nagkakaroon ng
intern competitions, siya na ang namumuno sa aming lahat.

Isa roon ang cheering competition. We won for the very first time at isa 'yon sa
memories ng klase namin. Section 1-B.

"Hi James." Nagulat siya nang may umupo sa kaharap niya, "pwedeng makishare ng
table?" tumango lang siya, hindi makapaniwala. Hindi niya kasama ng mga oras na yon
si Stephen dahil nag-aaral siyang mag-isa sa library.

"Congrats nga pala." Lucille cheerfully said as she pulled out her book from her
bag. The reason why he remained in rank two was because of her.

"Ah... wala yon."

Lucille Marin was the class representative and the rank one in our class standing.
Lagi lang siyang pumapangalawa rito. Dahil siguro sadyang mas masipag at mas
matalino si Lucille kaya she always made it to the top.

Ang hindi alam ng lahat, ang lihim na pagtingin niya rito. Unbelievable, pero iyon
ang totoo. Ireneo liked her very much. But he didn't have the chance to be that
close to her. Oo nakakapag-usap sila pero tungkol lang sa academics, sa mga
subjects, pero hindi katulad ng closeness na mayroon sila Lucille at Tamaki.
"Senji, may meeting ang group natin mamaya, sana makicooperate ka." Itinuturing
niya na pinakamahigpit na karibal si Tamaki. Pero mas naniniwala siya na mas angat
pa rin siya kay Tamaki.

"Aasahan kita."

He was there, he was always behind Lucille's back. He was always watching her from
afar. Every day, he anonymously sends letters and small gifts to Lucille's locker.
He even secretly took her pictures anywhere.

Hindi niya namamalayan ang obsession niya kay Lucille.

Pero walang nakakaalam.

Hanggang sa...

Ginabi ang klase namin mula sa pagrereview for special exams...

"Bye Jill, bye guys!" nandoon na naman siya sa malayo, tinatanaw si Lucille
hanggang sa makalabas ito ng school gate. Sumunod siya, nagtatago sa dilim, 'gang
sa pagsakay ng tren, sa pagbaba ni Lucille sa station ten, andoon pa rin siya,
sumusunod. Wala siyang intensyong masama rito, gusto lang naman niyang
maprotektahan ito bilang mahalaga. Wala siyang intensyong masama, kumukuha lang
siya ng tamang pagkakataon para magkaroon ng tyansa na makausap ito,
makipagkaibigan

Pero hindi noong gabing 'yon.

Napansin na ni Lucille na may taong sumusunod sa kanya, hindi nga lang alam ni
Ireneo na noon pa napapansin nito ang pagsunod niya. Hindi naman siya nakikilala
dahil sa suot niyang hood.

Noong gabing 'yon... Hindi sinasadyang nalaglag ang libro ni Lucille, pinulot niya
yon para ihabol, pero nakumpirma ni Lucille na sumusunod siya, tumakbo ito at
hinabol niya.

"Bata, sinong hahabulin mo?" hindi siya nakatakbo dahil may biglang humarang sa
dadaanan niya. Nagulat si Ireneo nang harangin siya ng kung sinong mga lalaki na
nakatambay. Pinalibutan siya ng limang kalalakihan, mga estudyante rin ito sa
kapitbahay nilang public school, pero mas malalaki sa kanya at mga mukang adik.

"May pera ka ba dyan bata? Bigay mo naman samen!"

"Nag-aaral ka sa white knights! Rich kid to mga tol!"

Hindi na makatakbo si Ireneo, hawak na siya sa magkabilang braso. Sinabi niyang


wala siyang mailalabas na pera. Pero hindi siya nito tinigilan.
"Teka," tiningnan nung isa yung ID niya. "Kaklase mo si Tamaki ano?"

Hindi siya sumagot.

"Oo, kaklase ni Tamaki to! HAHA! Mga tol! Alam nyo na!"

"Dahil di kami nakaganti sa kaklase mong ulupong, ikaw na lang ang pagbubuntunan
namin, ha, malaki atraso samin ni Tamaki!"

Walang nagawa si Ireneo. Hinila siya nito sa kung saan at doon sa unang pagkakataon
ng buhay niya nakatikim siya ng bugbog. Hindi siya makalaban dahil lima sila. Hindi
rin siya makatakbo dahil wala siyang matatakbuhan.

Kahit hilo at masakit ang katawan, may naaninag siyang nagtatago sa likod ng
malalaking tumpok ng basurahan.

"S-stephen." Tawag niya.

Nakita niya si Stephen doon, may bakas din ng takot sa muka. Alam niyang narinig
nito ang tawag niya.

Pero bigla itong kumaripas tumakbo palayo.

Tumatak ang nangyari kay Ireneo, hindi ang nabugbog siya, kundi ang hindi
pagsaklolo ni Stephen sa kanya. Tumatak sa isip niya na iniwan siya nito. Dumilim
ang isang bahagi ng puso niya.

Biglaan ang mga nangyari. Hindi sila nag-uusap ni Stephen sa classroom. Parang
hindi na sila magkakilala.

Mas pinagbuti ni Ireneo ang pamumuno. Nagbago siya. Tila naging diktador. Pero
wala, wala siyang pakialam. Para sa kanya, ang buhay ay isang malaking laro at
kailangan mong manalo. Ang mahalaga na lang sa kanya, ang manalo sa lahat ng bagay.

Nagkaroon siya ng mataas na reputasyon hindi lang sa klase namin maging sa buong
white knights.

"L-lucille. M-mahal kita." He was there. Sa library isang hapon, ang pagtatapat ni
Tamaki kay Lucille.

He saw that Lucille smiled she held Tamaki's hand.

"Alam ko." She said


"H-hindi mo rin ba ko gusto?"

"I like you, Tamaki." Nasaktan siya.

"But I'm sorry. We can't be together." Pero biglang nabuhayan ng kaunti ng loob.

"B-bakit?"

Pero hindi niya alam na mas masasaktan siya sa susunod na sinabi ni Lucille kay
Tamaki.

"I'm pregnant."

Hindi niya alam kung bakit pero sinundan niya si Tamaki noong araw na 'yon. Tapos
na ang klase. Pumunta ito sa roof top, kung nasaan ako. Huminto lang siya sa may
pinto, pinakinggan ang mga sumunod na nangyari.

"Totoo ba, Morris?"

"Sumagot ka!"

"Senj, tama na."

"Wag kang mangingialam Roman",

"Ikaw. Ikaw ang ama. Ikaw ang ama ng dinadala ni Lucille."

"Hayop ka."

Wala siyang marinig kundi mga hiyaw at sigaw ni Tamaki, mga tunog ng tadyak,
suntok. Sipa.

Dumating yung panahong hindi na pumapasok si Lucille, ginawa ni Ireneo ang lahat
para hagilapin ito at makausap, pero nabigo siya. Hindi siya nagtagumoay na mahanap
ito at sabihin ang lahat ng nararamdaman niya. Kahit na alam niyang huli naman na
ang lahat. Huli na nga talaga ang lahat.

Makalipas ang ilang buwan, dumating ang karumal dumal na balita sa klase nila.

"Hindi na makakabalik pa kahit kailan si Lucille. I'm sorry class, but she died."
The homeroom adviser said.
He remained calm and emotionless. Hindi tulad ng iba niyang mga kaklase na sobrang
nagulat, nalungkot, umiyak. But deep inside him was deeply hurt. Gusto niyang
umiyak din pero walang lumalabas na luha sa mga mata niya.

Nang sumapit ang uwian, nagpaiwan siya. Nadiskubre niya rin kasi na hindi naman
pala nakikita ni Lucille ang lahat ng binibigay niya rito. Ang mga letters, gifts,
hindi pa rin nabubuksan. Naipon lang sa loob ng locker. Sa sama ng loob dahil sa
mga nangyari, tinapon niya lahat ng yon sa basurahan.

Aalis na sana siya sa classroom pero bago umalis ay umupo siya sa pwesto ni
Lucille. Nagmumuni muni. Kinapa niya yung ilalim ng desk, may nakapa siyang mga
papel. Pinatong niya iyon sa desk at tiningnan isa-isa. Mga quiz sa math at ibang
scratch papers iyon. Pero may isang stationary letter siyang nakita. May petsa na
nakasulat sa sobre, three months ago.

Kumabog ng malakas ang dibdib ni Ireneo. Pinagpawisan. Tiningnan niya kung muna
kung may tao pa bang paparating. Atsaka nanginginig na binuksan ang liham. Binasa
ito. Pagkatapos ay itinago sa bag.

"'It was Jill's and George fault. They cheated on me... That's why I need to do
this... Good bye.' Binasa ni Ireneo ng malakas ang liham ni Lucille sa buong klase.
Nagkaroon ng malaking komosyon pagkatapos niyang basahin ang liham na yon. Lahat ay
nagulat. Di makapaniwala sa mga huling salita na binitiwan ni Lucille sa liham.

"Kasalanan nyo ni JILL kung bakit siya namatay. Kasalanan nyo!"

Nagwala si Tamaki. Lahat ng klase napatingin sa aming dalawa ni Jill. May dalawang
guard na pumasok sa loob para awatin si Tamaki. Umiiyak si Jill. Walang nagsasalita
sa amin ni isa.

"Jill." Lalapitan ko si Jill para magpaliwanag. Pero umiling siya at tumakbo


palabas, walang humabol sa kanya.

"Listen everyone." Nagsalita si Ireneo. Iba ang tono. May awtoridad. At may kung
anong bahid ng kapangyarihan para mapasunod niya ang lahat, at maniwala sa lahat ng
sasabihin niya, "Gusto kong hindi na makalabas ng apat na sulok ng class room na
'to ang mga nangyari at mga alam niyo."

The letter of Lucille was the source of his power.

"From now on, I want everyone to listen....And to follow my orders..."

That letter was the root of the caste.


But what if they learn that the letter.... was just a hoax.

Will Ireneo lose his power?

Because the truth is ...That there is someone in this class who just put that
letter under Lucille's desk.

<////3

[maraming salamat ulit sa pagbabasa <3 Comments are highly appreciated <3]

-demiot

/26/ Caught

/26/ Caught
-MORRIS-

Malamig, lalo na noong hinawakan ko yung dalawang bakal na rehas. Bumitaw ako at
bumalik sa kalawanging upuan. Sinulyapan ko yung pagkaing nakahain sa katabing
lamesa na inuupuan ko, nakalagay sa isang tray ang isang tinapay at isang baso ng
tubig, iyon ang magiging tanghalian ko.

Well, ang nangyari ay nangyari na nga sabi nila. Kinuha ko yung tinapay at
sinimulang kainin.

I was caught as a 'murderer' and this is my punishment.

Mariah caught me.

Hindi ko maiwasang mailing at mangiti kapag inaalala ko yung mga nangyari kanina...

Naglaho ang ngisi sa labi ni Ireneo nang gantihan ko siya ng matipid na ngiti.

"Morris." Nang biglang may tumawag sa pangalan ko.

Si Mariah.

"Na sa'yo ang ace of hearts." Turo pa niya. "Ikaw yung killer."

She caught me.

Tumitig ako sa mga mata niya.

"Para saan 'to?"

"You'll use that tomorrow. Ikaw ang magiging taya sa laro, Morris."

"Anong laro?"

She was there. She was watching and she heard it all.

"Malalaman mo bukas. You'll have your chance to peek at everyone's past."

"Para saan naman?"

"We're just in the first step. I want all of you to remember the past by staring.
And... be ready for this."

Nakita niya kami ni miss na nag-usap kagabi, nagtatago siya habang nakikinig sa
usapan namin. Just as I thought, ibang klase ang panghihinala sa amin ni Mariah,
she's curious like a cat after all.
Pero ang ipinagtataka ko lang... Kung narinig lahat ni Mariah ng pinag-usapan
namin, bakit hindi niya kaagad ako hinuli? At bakit hindi niya sinabi ang alam niya
in the first place pa lang?

I had this feeling... I haven't seen her eyes... And I can feel that there is
something with her. There is something odd with Mariah... You can see her outside,
a gullible jolly care free girl... But there is really something hidden in her
eyes.

"Morris, will you show us your card?" utos ni miss kahit na alam din naman niya na
nasa akin nga ang ace of hearts. Titingnan ko pa sana ang mga mata ni Mariah pero
naabala ako nito.

I flipped the card and raised it. I lose.

"Very well, Mariah." She praised.

Tumingin ako kay miss, at para bang sinasabi ng mukha niya na 'You failed'. Huminga
ako ng malalim. Nasira ang pinakamagandang pagkakataon para tingnan ang bawat
nakaraan ng bawat isa.

Tiningnan ko si Jill. She's not fine, she's shaking, nasa tabi niya si Penelope at
bumubulong ito ng pag-aalala sa kanya. I'm sorry Jill, alam kong mahirap ang larong
'to para sa'yo, kaya tama na sigurong ihinto na 'to.

Pagkatapos maanunsyo na tapos na ang laro, pinabalik sa loob ang mga nasa labas.
Katabi ko pa rin si Lily, may mga sinasabi siya sa'kin pero hindi ko siya
pinapansin, huminto lang siya nang magsalita na si miss Karen na nasa gitna ulit ng
bilog.

Nang biglang magtaas ng kamay si Ireneo. Tumayo ito.

"I don't get it." Sabi niya, "This game doesn't make sense at all."

"You think?" sagot ni miss tumaas ang isang kilay.

"Yes, I mean, para saan ba 'to? At anong klaseng activity 'tong wink murder? It's
senseless." May punto si Ireneo. Sumang ayon sa kanya ang ilan at nagkaroon ng
kanya-kanyang violent reactions ang bawat isa.

"Nagmumuka lang kaming tanga na nagtitigan kanina rito to find out who that
freaking killer is." Inemphasize niya ang salitang 'freaking' at sumulyap sa'kin.
"I'd rather listen to boring discussions than doing these childish activities."

"Oo nga."

"Ang ewan lang."

"Yun na ba yun?"

"Anyare sa recollection natin?"

"Is that so." Tanging nasabi ni miss.

Hindi ko alam kung ano ang naglalaro sa isip ni miss Karen. At kung paano niya
gagawin ang pabor ko, may plano siya, nararamdaman ko, pero hindi ko mapredikta
kung ano ang mga susunod niyang gagawin.

"Can I ask you something, Ireneo?"


Natigilan si Ireneo tsaka sumagot, "Yes."

Dahan dahang lumapit si miss sa kinaroroonan niya habang nagsasalita, "Ano ang nasa
isip mo habang tinitingnan ang bawat isa sa kanila?"

Marahang natawa si Ireneo, nakatutok ang mata naming lahat sa kanilang dalawa ni
miss Karen, tila may nabubuong tensyon.

"Ano ang nasa isip ko habang tumitingin sa kanila?" umismid siya, "Iniisip ko kung
sino sa kanila yung murderer ng game, at kung paano siya mahuhuli." Sumulyap na
naman siya sa'kin.

"Tama ka. Marahil iyan ang nasa isip niyong lahat, kunsino nga ba ang murderer...
Pero... Sa pagtingin niyo sa bawat isa... Ireneo, ano naman ang naramdaman mo?"

Hindi nagsalita si Ireneo, nakakunot lang ang noo niya.

"Magkaiba ang gamit ng puso sa utak. Magkaiba ang nasa isip at nasa damdamin."
Hindi pa rin makasagot si Ireneo, "Ano ang... nararamdaman niyo habang tinitingnan
ang bawat isa... Wala bang sumasagi sa isip nyo kahit ni isa tungkol sa taong
iyon..." bumalik sa gitna si miss, pagkatapos naglakad sa loob ng bilog, nakalagay
ang dalawang kamay sa likuran, "Alam kong habang tinitingnan nyo ang bawat isa...
may mga tanong na pumapasok sa isip nyo...If can you still recognize them... If can
you still remember them.... Or... If do you really know them... If do you really
know what's inside them..."

Naupo na si Ireneo at hindi na nagsalita pa. Tahimik na ang lahat, walang nagsalita
pa sa amin matapos sabihin ni miss Karen yon.

"Wink murder is not just all about finding who the killer is... It's all about
remembering too."

Doon nagtapos ang laro. So... that's the purpose of this game... Remembering... I
hope everyone feels the same thing...

Miss Karen faced me, "Morris, you lost in this game and you must take the
consequences from your actions."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"There's a punishment for you."

At... Iyon na nga ang mga nangyari bago ako dalhin dito. Kinulong nila ko sa isang
lugar na medyo malayo sa main house, on the way here is like a tunnel pero hindi
siya underground, the tunnel was made from rocks at sa dulo nito ay matatagpuan ang
parang lumang bodega, may mga cargos kasi at mga lumang gamit, may isang silid na
may rehas na gates, kaya nagmuka tuloy kulungan. Dito nila ko kinulong. I'll stay
here until three pm, at kasama sa parusa ko ang pagkain. Two hours na lang ang
hihintayin bago nila ako pakawalan.
Mahirap sabihing mababaw ang dahilan ng lahat, nang dahil lang sa sulat kaya
nakuhang utuin at kontrolin ni Ireneo ang buong klase. Tingin ko hindi ganoon yon
basta. Iba kasi ang impact nang pagkawala ni Lucille.

Lucille was everyone's friend. Siguro naging mahalaga siyang parte ng bawat isa sa
amin, lalong lalo na kay Jill.

Nang nawala siya, Ireneo thought of replacing her... in a different way. Hindi ko
masabi kung paano nga ba nagsimula ang caste, bigla na lang nagbago noong unang
taon sa senior high.

Lalo na ngayong huling taon sa senior high, nagkaroon ng kanya-kanyang personal


reasons kung bakit nagpupursige ang lahat para sa top priority nila kung ano ang
gagawin pagkatapos ng graduation.

Doon na tila nakalimutan at natabunan ang lahat ng nakaraan...

Nabaon na sa limot ang kahapon, at kumikilos ang lahat na parang walang nangyari at
walang nawala

Mas lalo kasing nag-iba nang dumating si Karen Italia.

She and Ireneo have the same sentiments.

"In this country, out of fifty people, only three will be happy."

Ewan ko kung paano naging kumpetisyon ang buhay. At ewan ko rin kung bakit sa bawat
limampung tao ay tatlo lang ang magiging masaya. Iyon daw ang buhay sabi ni miss
Italia.

Para sa mga katulad ko, sa katulad kong 'iba' o Peculiar, hindi ganoon kadaling
maging masaya. Sa sitwasyon ko, na halos buong buhay namin ni ate Georgina na
pagtakas, pagtakas sa malupit na realidad. Siguro nga sang-ayon na rin ako sa
sentimiento ni miss. Na ganoon ang buhay.

Pero matagal na rin akong nahihiwagaan kung bakit nga ba niya nasabi ang lahat ng
yon. Kung bakit iyon ang gusto niyang ipaimpluwensya sa aming lahat.

Pumikit ako at pinilit kong maidlip...

Pero kahit sa panaginip nakikita ko pa rin ang mga nakita ko kanina sa mga mata
nila. Ito ang mahirap sa kapangyarihan ko. Hindi ako pinatatakas kahit sa pagtulog.
Nagdudugtong dugtong ang mga pangyayari sa isip ko. Parang puzzle na kulang-
kulang... na sa panaginip ko ay para itong pirapiraso na unti-unting nabubuo...
Pero may mga piraso pa ring kulang... Piraso na kailangan kong mahanap.

Nagising ako sa mga yabag na paparating. Umeecho kasi sa loob ang kahit na anong
gawin mong ingay. Kinusot ko ang mga mata ko bago luminaw sa paningin ko ang bulto
ng isang tao na nakatayo sa harapan ng 'selda'

"Alas tres na."

"Mariah."

"Alam mo, ikaw na lang ang tumatawag sa'kin sa buo kong pangalan, Morris." Sabi
niya habang binubuksan ang lock ng rehas, "Hay. Bakit kasi ako pa yung nautusan ni
miss Karen na sumundo sa'yo. Mas malamig pala rito! Tss..." she's acting like
nothing happened. Pinanood ko lang siya sa ginagawa niya, "Oh, labas na. Kawawa ka
naman dito eh. Wooo... Ang lamig nung bakal!"

"You knew it."

Napahinto siya.

"Ha?"

"Wag ka ng magmaang-maangan, Mariah. Nakita mo kagabi hindi ba?"

Umismid siya, "Hindi ko alam ang sinasabi mo, Morris. Ang weird mo talaga forever.
Alam mo lumabas ka na lang ano, o baka gusto mo hilahin pa kita, kajirits ka ha,
naistress na ang ganda ko"

Naiinis ako. Naglakad ako papalapit sa kanya.

"Ayan, good, madali ka naman palang kausap eh. Halika na kanina pa sila naghihintay
sa--- H-HOY!" bigla ko siyang hinigit sa braso at pinasok sa loob ng selda.

"A-anong trip mo ha! Bitawan mo nga 'ko!" hinawakan ko siya sa magkabilang balikat
at nilapit ko ang muka ko sa kanya, "H-hoy!"

"Shut up!" sigaw ko sa kanya na kinatahimik niya. Wala akong balak na masama sa
kanya,gusto ko lang makita kung ano ang nakatago sa mga mata ni Mariah.

I concentrated until her eyes absorbed me to travel the past.

"Hahahahahahahahahahahahahaha." Mga tawa ang bumungad sa'kin.It was dark..

She was blindfolded

"Hey, may alam akong magandang hairstyle, try natin sa'yo." They cut her hair.

"Buhos nyo na lahat!" They soaked her.

"Boom! Three points!"

"Mariah is a certified loser."

They were faceless monsters around her. She couldn't do anything but to cry. Sabi
ko na nga ba at tama ang hinala ko tungkol sa nakaraan ni Mariah.

She was an outcast. She doesn't have any friends at school.

And she was a victim... of...


"Tama na..."

"Wag..."

Wala akong ibang marinig kundi hikbi... Pagmakakaawa. Bakit dito pa ako dinala ng
nakaraan!

H-hindi ko na kayang makita ang mga mata niya. Hindi ko inaakala na ganito ang
makikita ko...

"WAG!!!" tinulak niya ako dahilan para mawala ang lahat ng nakikita ko sa mga mata
niya. We're both breathing heavily. Tiningnan ko si Mariah, yakap niya ang
sarili...

"A-Ano bang problema mo Morris?!"

Gulat na gulat pa rin ako hanggang ngayon... At the same time... Ang lakas ng tibok
ng puso ko dahil sa takot. Nanlalamig ang buo kong katawan pero pumapatak ang pawis
ko.

"I..." hindi ko alam kung ano ang sasabihin... "I'm sorry..." hindi ako makatingin
sa kanya... "H-hindi ko sinasadya..." nanginginig na rin ang boses ko.

"...you must take the consequences from your actions." Biglang nag-echo sa isip ko
ang boses ni miss. Hindi ako naging handa sa mga outcome...

I can feel Mariah's pain... Hindi ko alam ang gagawin. Pero pakiramdam ko tama pa
rin ang hinala ko. "Hindi kita maintindihan!" huminga siya ng malalim. "Bumalik na
tayo." Lumabas na siya at sumunod ako.

"Ikaw 'yon diba."

Hindi niya ako nilingon, "Pwede Morris wag mo muna 'kong kausapin."

"Ikaw 'yung naglagay ng sulat sa ilalim ng desk ni Lucille!" Si Mariah ang suspect
ko noon at hanggang ngayon.

Huminto siya at nilingon na 'ko sa pagkakataong ito, "Anong pinagsasabi mo?!


Nababaliw ka na ba talaga Morris?!"

"Sabihin mo! Sabihin mo yung totoo!"

"Tama na, Morris!" parehas kaming napatingin sa pinanggalingan ng sumigaw.

"Jill..."

"Morie!" mabilis na tumakbo si Mariah sa kanya.

"How dare you to say her name!" bakas na bakas ang galit sa mga mata niya. "Mariah
had nothing to do with her! Kaya tumigil ka na!"

"You're just running away, Jill." Lumapit ako sa kanya.

"No, I'm not!"


"Then face me! Look at me!"

"Morris ano ba!"

Desperado na kung desperado. Unti-unti akong nilalamon ng sarili ko. Nang may
dumapo na isang malakas na sampal sa pisngi ko. It wasn't Jill... or Mariah...

"Come back to your senses, fool."

"M-miss!" Mariah blurted.

"Jill and Mariah, bumalik na kayo sa main house, I'll just deal with this fella."
Mabilis na umalis sila Jill. Naiwan kaming dalawa.

"What now?" sabi ko.

"You're going crazy, Morris. Hindi mo na alam kung ano ang ginagawa mo."

"Fine. Tawagin nyo na kong baliw kung baliw."

"If you continue yourself like this walang mangyayari sa'yo. You will be eaten
completely by the past and you cannot escape from it forever."

Naisip ko yung sinabi niya. Nawawala na ko sa sarili ko. Tama siya.

"Remember, this is the last chance of what you have been wishing and a single wrong
move could ruin it. Think carefully."

"Sorry... I feel sorry for Mariah... Hindi ko naman alam na..."

"Bumalik ka na rin doon."

I silently followed her.Fine... I'll leave everything to you miss.

Napahinto ako sa paglalakad nang matanaw ko silang nakakumpol sa labas ng main


house. Nasa likuran ko si miss at pinauna ko siyang maglakad.

"Ano ng ipagagawa mo?" mahinang pagkakasabi ko habang nakabuntot sa likuran niya.

"Later."

Nang makarating kami roon umayos na sila at naghihintay sa susunod na ipagagawa ni


miss.

"Dahil ako na ang in-charge sa inyo... Napagpasyahan kong gawing laro ang buong
recollection niyo."

Laro? Hindi pa ba laro ang ginawa naming kanina?

"What kind of game this time?" tanong ni Ireneo.

"A survival game."

"Survival?!" the class almost chorused.


<///3

[2014 goal: matapos ang nasimulan kong kwento. Happy new year guys <3]

/27/ Exam

/27/ Exam

-MORRIS-

Tuluyan nang nilamon ng dilim ang liwanag. Nasa labas pa rin kaming lahat ng main
house, naghihintay sa kung anong susunod na mangyayari. Halos tatlong oras na ang
nasasayang sa paghihintay. Naiinip na sila, nabubugnot. Abala sila sa kanya-kanya
nilang ginagawa.

Tumingin ako kay Jill na naroon di kalayuan, alam kong nagalit siya sa ginawa ko
kanina pero wala akong magagawa roon, kahit na gustung gusto ko ng sabihin sa kanya
lahat, hindi pwede dahil sa isang dahilan: nangako ako kay Lucille. Saktong
napatingin din siya sa'kin pero agad din siyang umiwas ng tingin.

Hindi maipinta ang mga mukha nila kanina matapos sabihin ni miss Karen ang susunod
niyang ipagagawa. Bigla siyang nagpaalam saglit at pagkatapos ay hanggang ngayon ay
hindi pa rin siya nakakabalik.

"Men." May tumapik sa balikat ko. Si Tadeo.

"Kinakabahan ako, men." Sabi niya sa'kin at muka nga siyang kinakabahan dahil sa
galaw niya.
"Bakit?"tanong ko.

"Ewan ko ba, men. Feeling ko nasasapian na ng kung anong masamang espiritu si miss.
Kung anu-ano ang ipinagagawa. Akala ko pa naman makakapagrelax ako rito."
Dismayadong sabi niya. Hinawakan ko siya sa balikat para naman mapirmi yung katawan
niya sa iisang lugar, ang likot niya kasi.

"She's unpredictable."

"Naman! Tss. Siguro nagseset up na ng mga bitag 'yung si miss. Nako, napanood ko na
to sa pelikula eh, ano nga ba 'yon." Nag-iisip siya habang kumakamot sa ulo, "Ah!
Ayun! Death Bell na 'to, men. Takte uwi na ko!"

"Ang paranoid mo, Roman."

"Tsaka, Battle Royale! MEN! OO NGA! Pano nga kung ganon yung ipagagawa ni mam Karen
HA?! Magpapatayan tayo rito sa isolated na lugar tapos WAAAH."

"Adik." Sabi ko, natatawa sa mga sinasabi niyang kalokohan. Napapatingin tuloy
sa'min yung iba pa naming kaklase, narinig nila yung mga pinagsasasabi ni Tadeo at
napapaisip na rin kung baka tama siya.

"Tingnan mo, nahawa tuloy sila ng ka-paranoid-an mo, Tado." Biglang may sumulpot sa
gilid namin, si Cris o mas kilala nila ngayon na 'Baldo'. Nakipag fist bump siya
kay Tadeo, at pagdating sa'kin medyo nag-alangan ako, ngayon lang ulit namin 'to
ginawa. Matapos kasi ang mga insidente noon, nagkalayu-layo kami sa hindi
maipaliwanag na dahilan. Dahil pa rin siguro sa pagkawala ni Lucille? Naapektuhan
si Tamaki? Ang lahat? Ewan.

"Oh natakot ka naman Baldy.Haha! Baldy! Baldy!"

"Ulul mo, ikaw yon.Wag mo kong tawaging Baldy hayup ka, TADO ka talaga."

Nagsakalan sila bilang biruan, gaya ng dating gawi.

"Si Senji na lang kulang, kumpleto na sana tayong F4."

"Kadiri ka Tado, f4 mo muka mo."

"Hahaha! Baho mo pa rin Baldy!"

Sana ganito na lang, yung parang walang nangyari noon.

"Morris, ang tahimik mo pa rin kumag ka." Puna niya.

"Kamusta, Cris."

"Woaaa, solid Cris pa rin tawag mo sa'kin haha! Tsaka kung makakamusta ka parang
hindi tayo nagkikita." Tumawa sila ni Tadeo. Napangiti lang ako habang nakatingin
sa mga mata niya ay saglit akong nilamon ng nakaraan nito.

"Lexi."

"Tsk, don't call me Lexi."


"S-sorry. Hehe." It was him with Alexi, isang araw sa student plaza.Palagi siyang
naikukwento sa'min ni Cris, magkababata sila dahil magkapitbahay lang sila at
pareho sila ng eskwelahan noong elementary. Noong pagdating ng highschool, nalaman
niya na sa White Knights mag-aaral si Alexi. Kahit gago si Cris, nag-aral siya ng
mabuti para sa scholarship. Gusto niya raw kasi bantayan yung kababata niya.

"May ibibigay sana ako sa'yo." Binigay niya ito ng angel keychain, alam niya kasi
na paborito ni Alexi ang mga angels noong mga bata pa sila. "A-alam mo naman,
simula palang noong mga bata pa tayo, gusto na kita." Pero wala siyang lakas na
loob na ipaglaban kung ano ang nararamdaman niya rito.

"Baldo, pwede bang tigilan mo na ko. At please lang wag mo nang ungkatin yung
pagiging magkababata natin, tapos na yon!"

"B-bakit? Dahil ba hindi ako mayaman?"

"Oo! Ang mga babaeng katulad ko ay hindi ipinanganak para maghirap!"

Nakakapanghinayang dahil noong mga panahong nangyari 'to, hindi na kami nakakapag-
usap na apat, dahil nga sa epekto nang nangyari sa pagitan namin ni Tamaki.

Nasaktan si Cris sa mga nangyari, sa katotohanang malaki ang pagbabago ng


kababata niyang si Sabina, naging mapagpanggap ito, sa katotohanang hindi siya nito
gusto.

"Tingnan mo." Inilapag niya sa mesa ang isang envelope, noong araw na 'yon nadapuli
niya sa coffee shop ang boyfriend ni Alexi, nakipagharapan siya rito, "tingnan mo
kung ano ang ginagawa ni Lexi para lang sa'yo."

Binuksan nung lalaki yung envelope at kinuha ang mga larawan na kinuha niya noong
makita niya si Lexi na lumabas sa isang club. Matagal na niyang alam ang tungkol sa
trabaho nito at ito ang naisip niyang dahilan para itigil iyon.

Pero ngumiti lang ang kausap niya at isinilid sa bulsa nito ang mga larawan,
"Pwedeng magtanong?"

"Sige."

"Ano ka ba ni Alexi?"

Sa tanong na 'yon hindi nakasagot si Cris. Tsaka siya iniwanan ng kausap.

"Masisisi mo ba ko kung sobra ko siyang pinahahalagahan? Diba ganun naman talaga


kapag nagmamahal ka? Lumalagpas ka na sa boundaries mo kahit alam mong trespassing
ka, tuluy-tuloy ka pa rin kahit na alam mong hindi ka nya mahal. Hindi siguro
pangingialam ang tawag dun, pagpapahalaga, pag-aalala. Yun nga lang, hindi naging
maganda yung naidulot ng pagpapahalaga ko. Nagkamali ako. Nagkamali akong ibigay sa
hayup na lalaking yon yung picture, hindi sana maikakalat yon dito sa school. Akala
ko hindi nya alam yung ginagawang sakripisyo ni Alexi. Akala alam ko na lahat ng
ikabubuti nya. Akala ko lang pala. Kaya nga, tama ka sa sinabi mo sa'kin eh. Wala
akong karapatang magmahal."
"Oy Morris, natulala ka na." Pinutol ko na ang mga nakikita ko sa mga mata niya.

"Naninibago lang ako." Sabi ko, umiling.

"Sus, nanibago ka pa sa muka ng kumag na yan!" si Tadeo.

Napatingin ako sa kanan, napatingin din yung dalawa kong kasama sa direksyon ng
tingin ko. Naroon si Tamaki, nakatingin siya sa'min habang mag-isang nakasandal sa
isang puno, mga dalawampung metro ang layo. Natahimik sila Cris at Tadeo.

"Senji men." Bulong ni Tadeo.

Lalapit sana sila rito pero biglang nagsitunugan ang lahat ng ringtone ng mga
cellphone namin. Iba't ibang ringtone kaya maingay, agad kong kinuha yung phone ko
sa bulsa.

*1 new message*

I opened it.

"Go to common room. Bring your pens."

-K.I.

"Ano 'to?"

"Mga men, mukang lahat tayo naka-receive nito."

"Galing kay miss?"

Everyone was clueless, maging ako, so lahat kami pumasok ulit sa loob at nagpunta
sa common room. Weird. Hinanap ng mga mata ko ang mga facilitators ng villa na 'to,
but they're nowhere to be found. Iyon pa lang ang kakaibang napapansin ko.

Inaasahan naming lahat na matatagpuan namin si miss sa common room pero wala kaming
nadatnan doon. Maliban sa isang laptop na nakapatong sa mesa sa harapan.

Kaagad kong nilapitan iyon at ginalaw ang mouse pad para mawala ang screen saver.

Biglang nagliwanag yung projector. At lumitaw sa malaking screen si miss.

"Good evening."

"Tangina, Morris, kinakabahan ako, eto na nga ba ang sinasabi ko." bulong ni Tadeo
na katabi ko.

"Nasabi ko na nga sa inyo kanina kung ano ang magiging activity niyo ngayon. But
before I explained the further details about it, I'll be taking your phones."
"HA?"

Kung anu-ano ang inireact nila sa sinabi ni miss. Mas nagulat sila nang may biglang
pumasok na nakaitim na lalaki na may itim na maskara.

"S-sino yan?!" Kinuha nito ang mga cellphone at inilagay sa bitbit niya na itim na
bag. Nang lumapit ito sa kinaroroonan namin ni Tadeo, tinitigan ko ang mga mata ng
lalaki sa butas ng maskara.

"I'll be counting on you, Rommel."

Si Rommel Romulo ang taong 'to? Hindi siya totoong seminarista? At kinasabwat lang
siya ni miss para... para rito?

"Oo na, palagi naman,Karen."

"Salamat."

"Malaki ang utang na loob ko sa inyo ni Cairo."

"Alam ko."

Sino si Cairo?

"Ssshh..." pagkuwa'y inilagay nito ang isang daliri sa bibig at sinasabing wag
akong maingay sa kung anong nalalaman ko. Kahit tuliro, iniabot ko yung cellphone
ko sa kanya, ganoon din ang ginawa ni Tadeo.

Hindi pa umalis ang lalaki na nagtatago as maskara.

"So...You may take your seat." nagsalita muli si miss... Napatingin kaming lahat
sa malaking screen. Kung nasaan siya ngayon, hindi ko alam. Hindi ko nakikita ang
kaibuturan ng mga mata niya. Utos niya, at sumunod naman kaming lahat, di makabasag
pinggan ang lahat, at maingat na umupo sa kanya-kanyang upuan. "The rule of this
game is simple, kailangan nyo lang sumunod sa lahat ng instructions ko and you'll
be fine. But as I've said, 'out of fifty people, only three will be happy', tatlong
tao lang ang makakatanggap ng special reward as winners." Wala pa ring nagsasalita.
"Uumpisahan natin ang lahat... sa isang exam."

Mararamdaman ang matinding lamig na bumabalot sa silid, lahat kinakabahan. Alam ko,
nararamdaman ko na may kutob ang bawat isa na hindi basta-basta ang mga susunod na
pangyayari.

"Para ma-determine natin ulit kung sino ang nasa rankings... ng caste. At ang caste
ang magiging base natin sa buong laro. He will distribute the test papers and you
only have twenty minutes to answer."

Ipinamigay ang mga test papers at mas mabilis pa sa kidlat nagsimula silang
magsagot ng kanya-kanya. Rumehistro ang timer sa screen. Hindi ako kaagad
nakapagsimula dahil nakatingin ako sa mga kasama ko. Nakita ko si Jill, hindi rin
niya ginagalaw yung test paper niya at nagtama ang mga mata naming dalawa.

"Jill! Sandali lang."

"Bitawan mo ko, Morris."

"Magpapaliwanag ako."

"Wag. Ayoko. Tama na."

"Jill. Please! Nangako ka na maniniwala ka sa'kin whatever it takes!"

"Shut up!"

Siya ang unang umiwas sa tingin. Nagsagot na siya ng test. Napahinga ako ng
malalim, nagsimula na rin akong magsagot.

"Time is up. Exchange your papers."

<///3

[busy *sadpeys. maraming salamat pa rin!]

/28/ Nine
/28/ Nine

-Morris-

"Time is up. Exchange your papers." Muling lumitaw sa screen ang bulto ni miss
Karen at walang pinagbago ang ekspersyon ng mukha niya, blangko. Kaagad kaming
sumunod sa utos niya at pagkatapos ay idinikta ni miss ang mga tamang sagot.

Maya-maya lang ay natapos na ito at nagtanong si miss.

"Who got the highest score?"

Ireneo raised his hand, "I got nineteen points." Isa lang ang mali niya, ano pa nga
ba ang aasahan mo. Wala nang umimik pa, senyales na si Ireneo na nga ang may
pinakamataas na nakuhang score.

"Very well."

Namayani na naman ang katahimikan. Pumunta sa harapan si Ireneo habang


nakahalukipkip at taas noong humarap sa aming lahat. He was looking down at us all
the time, thinking that no one can block his way, funny, dahil walang nakakaalam ng
lihim niyang obsession kay Lucille.

"Who ranked last?" tanong ni miss. Napamaang ang iba dahil ang inaakala nilang
itatanong ni miss ay kung sino ang sumunod na mataas kay Ireneo.

Nagtinginan ang bawat isa at binaling ang tingin sa isang direksyon. Sa direksyon
ni Stephen Yue. Nasa may harapan siya kaya kita ko yung mga kalabit sa kanya ng mga
malapit sa kanya.

"Hoy Stephen, tsk. Pumunta ka na sa harapan."

Nakayuko siya habang dahan-dahang tumayo sa kinauupuan. Nakakadalawang hakbang pa


lang siya pasulong nang tumayo rin si Jill. May kutob ako.

"Yue, umupo ka. Hindi mo kailangang pumunta sa harapan."

"H-ha? Jill?"

"Sumunod ka na lang." sumunod na nga si Stephen sa kanya, umupo ulit siya habang
ang iba'y naguguluhan sa ginawa ni Morie. Pumunta si Jill sa harapan, katabi ni
Ireneo, atsaka ipinakita ang papel sa buong klase, blangko iyon, walang sagot.

She did it on purpose... again.

"I got zero." Sabi niya. Sabi na nga ba, tama ang hinala ko. Napangisi si Ireneo at
marahang pumalakpak katulad ng nangyari noon.
"Tingnan mo nga naman, déjàvu ba 'to?" he said to her, but Jill replied a smirk.
Pumihit patalikod si Ireneo para harapin si miss. "Then? What now?" halatang
naiinip na si Ireneo, kaya naman medyo napakurba ang labi ni miss.

"Well, congratulations sa inyong dalawa, Ireneo and Morie," hindi talaga mababasa
sa mukha niya kung ano ang nasa isip niya, o kung ano ang susunod niyang gagawin,
"because you will do nothing in the first game."

"What do you mean? Hindi kami magpaparticipate?" Ireneo asked. "Is that a perks?"

Wala rin akong maisip na ideya na kahit ano, kung paano niya gagawin ang pabor ko.
"This is your favor. If you really want this to succeed then just let me do it.
Just trust me, Morris." Nag-echo sa isip ko yung mga sinabi ni miss noong unang
araw dito sa villa.

"Since the name of this first game is rescue competition. The two of you will be
prisoners. The remaining students will choose who they want to save."

"Woa. Cool." sabi ni Ireneo, he's expecting something, I can feel it.

"Those who want to save Jill Morie, please stand up."

Walang pag-aalinlangang tumayo sila Mariah, Cris, Stephen at Penelope.

"Mga kaibigan kami ni Jill, kaya siya ang ililigtas namin." Sabi ni Cris.

"Jill is way better than him." For the first time, Penelope said a courageous
thing. Napamaang ang iba sa sinabi niya, lalo na si Ireneo.

"Kung hindi dahil kay Jill..." nagsimulang magsalita si Stephen, pero nakayuko
siya, "wala na sana 'ko ngayon. Nang dahil sa kanya, nawala yung takot ko."

Nagsimulang magbulung-bulungan ang ilan, ang iba iniisip na walang kwenta ang mga
pinagsasabi nila, ang iba naman nalilito sa magiging desisyon, pero sa huli, alam
kong si Ireneo pa rin ang pipiliin nila.

"Apat lang sila."

"Alam na kung sino ang mananalo rito."

"Tama si Penelope."

"Tss. Ang dadrama."

"Sssh!!! Marinig ka."

Tumayo ako. Napatingin silang lahat sa'kin.

I'll save her. I'll save Jill.

"Yosh! Ako rin!" tumayo si Tadeo, "Susuportahan kita men!" tinapik niya ko sa
balikat. Tumingin ako kay Jill, may gusto rin akong sabihin pero pinigilan ko lang
yung sarili ko. Dinako ko naman yung tingin ko sa screen, kung nasaan si miss,
malaki ang tiwala ko sa kanya kaya kung ano man ang ipagagawa niya sa larong 'to
alam kong hindi ako magsisisi.

"M-morris, men! Tingnan mo." May tinuro si Tadeo, tumayo rin pala si Tamaki. "SENJI
MEN!"
"Tsk." Tanging sagot niya kay Tadeo.

Alam kong hindi niya gugustuhing pumunta sa panig ni Ireneo, kaya walang ibang
choice si Tamaki kundi kay Jill.

"Alam mo ba na sa tuwing makikita ko kayo ni Ireneo gusto kong basagin ang mukha
niyong dalawa."

Mas matimbang ang galit niya sa'kin pero bakit kay Jill?

"Teka, wag mong sabihing ikaw din, Sabina?" sabi ni Mariah, tiningnan ko yung
reaksyon ni Cris at bakas din sa itsura nito ang pagkagulat.

Tumingin si Sabina kay Jill, "Alam kong social climber ako. Pero hindi ako pokpok
katulad ng iniisip niyong lahat."

Nagulat silang lahat sa sinabi nito.

"Tama siya," tinuro pa ni Sabina si Penelope, "Mas mabuting piliin si Jill kaysa
kay James."

Hindi makapaniwala ang ilan na natawag niya sa unang pangalan si Ireneo dahil wala
ng sinuman ang tumatawag ng 'James' sa kanya magmula noon.

"Kung hindi niya pinasimulan yung caste, hindi magiging ganito ang lahat, hindi ako
magiging ganito."

"Bakit? Ako ang sinisisi mo?" natawa si Ireneo

"Naging ganon akong klase ng babae dahil natakot akong matulad kay Stephen!"

Katahimikan...

"Are you done?" miss cut in.

"So, walo kayong lahat---"

"Make it nine." Tumayo bigla si Lily, hindi mawari ang ekspresyon ng mukha.

Tiningnan ko kaagad ang reaksyon ni Jill. And as I expected, hindi siya


makapaniwala na sumama si Lily. Tumingin ulit ako kay Lily at saktong tumingin din
siya sa'kin. Was it because of me?

"Well, that's good, miss Cortez. Kayo ang magiging team number two, will you please
gather at the right side, team number one at the left side."

"Wait! Wait! Miss! Ang unfair nito! Siyam lang kami laban sa Twenty nine?! May
dalawampung diperesnya, paano kami mananalo laban sa kanila?!" malakas na
pagkakasabi ni Mariah nang maglapit-lapit yung grupo namin, pero nanatiling blangko
si miss Karen nang tumingin ito sa kanya.

Bigla na lang may pumasok mula sa pintuan, dalawa sila at nakatago rin sila sa
maskara katulad ni mr.Rommel. Nilapitan nilang dalawa si Jill at Ireneo at akmang
ilalabas ng silid nang tumayo at magsalita si Mariah.

"Saan sila dadalhin?! Miss?!"

"Aya! Kumalma ka nga!" hinawakan siya ni Cris sa balikat para pakalmahin.


"It'll be fine, Aya." Jill calmly guaranteed. "Pero bago ang lahat, can I ask
something, Miss Karen?"

"Go ahead, Morie."

"Para saan ang lahat ng 'to? Bakit mo pinagagawa sa'min yung mga ganitong bagay?
Ano ang dahilan?"

Ilang segundo na hindi sumagot si miss.

"In order to change your hearts." She answered without blinking,

Morie didn't answer, hanggang sa mailbas na sila ng silid at tuluyang naglaho sa


aming mga paningin, naiwan kaming lahat, tuliro.

"Ilalagay na sila kung saan niyo sila dapat mahanap. You just need to find four
clues na nakatago lang around this villa, that clues will lead you where they were
locked. Ang unang makabalik ng magkakasama ay mananalo at matutuloy sa pangalawang
laro. Now--- "

"Paano yung mahuhuli?" tanong ko.

"Well, they lose."

"And so?"

"There's a punishment."

"Anong parusa? Ikukulong ng tatlong oras? Hindi bibigyan ng pagkain?" may


pagkasarkastikong pagkakasabi ko.

"Don't get too excited, Morris." Pero parang sinasabi ng mga mata niya na 'sa
tingin mo hindi ko pinaghandaan 'to? I'm glad that sometimes I can see
transparently what Miss Karen is thinking, siguro dahil nasilip ko ang nakaraan
niya, at nakita ko ang dating siya.

"Just trust me, Morris."

"I'm sorry. Please continue."

"We'll begin the first game. And this is the first clue, listen very careful."
Huminto siya saglit, "You can swallow it, but it can also swallow you." at biglang
nawala sa screen si miss.

Nagkatitigan kami ng mga kasama ko. Walang nagsasalita. Twenty nine versus nine,
mas marami sila, mas maraming utak na mag-iisip, mas malakas ang man power, ang
kailangan lang naming gawin... Unahan sila.

"Sumunod kayo sa'kin."

"Saan?" tanong pa ni Mariah.

"Mamaya ka na magtanong." Nauna na kong tumakbo sa labas, hindi kaagad sila


sumunod, kaya naman huminto ako sa pintuan, "Team two!" sigaw ko.

Para naman silang naalerto at sumunod na rin. Nakatingin lang sa'min yung iba
naming kaklase, nagtataka at nangmamaliit ang mga tingin.
Lumabas ako ng main house at tumakbo papuntang likuran nito, pwede na siguro rito,
walang makakarinig na iba. Madilim na talaga at tanglaw ng buwan ang nagsisilbing
ilaw. Hingal na hingal kaming lahat nang huminto kami.

"Ah! Alam ko na kung bakit tayo lumabas! Men! Ang galing mo! Para hindi nila tayo
masundan!" sabi ni Tadeo sa pagitan ng hininga. "Pero! Ang saya ko lang! Senji,
sumama ka sa'min! I kenat belib it! WAAAAH!"

"Wag kang maingay Tadeo!" saway ni Cris sa kanya. Umismid lang si Tamaki

"Naisip ko na yung sagot." Si Lily

"Seryoso, Lily, kasama ka rito?! Hindi ba't magkasabwat kayo ng kupal na si


Ireneo?"

"Mariah, isa ka pa!" si Cris

"Ano yung naisip mo?" tanong ko.

"Pride."

"Pride?! Sige, saang lupalop natin mahahanap yang lugar na pride?" si Mariah.

"Tama yung sagot na pride, pero may mas sagot pa, lugar ang hinahanap natin." Sabi
ko.

"Aha! Oras?!" pumitik pa sa hangin si Tadeo.

"Bugok! Oras?! Sige hanapin mo oras!"

"Sinong tinawag mong bugok ha Martinez?!"

"TUMIGIL KAYONG DALAWA!" sigaw ni Cris.

"Hindi kaya orasan?" idea ni Sabina, "baka may orasan sa loob ng main house. Baka
nandoon yung susunod na clue."

Nagtinginan na naman kaming lahat tsaka sabay-sabay na pabalik pero naiwan si


Tamaki. Mukang hindi na niya gustong makisama sa larong 'to. Magakakasama kaming
bumalik sa loob ng main house. Wala na rin yung team one sa loob, kaya mabilis
kaming naghalughog sa loob ng main house. Pero wala akong makita kahit na isang
orasan.

"Guys! Dito sa taas!" galing ang sigaw ni Cris mula sa ikalawang palapag kaya
sinundan namin iyon. "Dito." Itinuro niya sa'min ang daan papunta sa isang silid.

"Lumang orasan?" malaki at antique na orasan ang bumungad sa'min. Kaya di kami nag-
aksaya ng oras para maghanap.

Pero kalahating oras na ang nakalilipas at wala pa rin kaming nahahanap.

"Wala! Wala tayong mararating dito! Hindi orasan!"

Lumabas kami ulit at bumalik sa likod ng main house, kung saan kampanteng
nakasandal sa pader si Tamaki habang nakatingin sa buwan.

"Sabi ko na nga ba, babalik kayo." Sabi niya.

"Hindi ka naman nakakatulong! Ang yabang mo!" si Mariah.


Ngumiti si Tamaki.

"Naunahan na nila tayo, nasa swimming pool na sila."

"Ano?!"

"Tubig."

"Ha?"

"Tubig ang sagot."

Pagkatapos ay tumakbo si Tamaki papunta sa kinaroroonan ng pool.

<///3

[Uy nakadedicate sa kanya regalo ko raw eh, haha, belated happy birthday!!! uyy
maraming thank you kasi binabasa mo pa rin 'to tsaka sinusuportahan, kahit ang ewan
na, tapos ang bagal ko pang mag ud. pasensya na. haha. thank you talaga :)) huggs]

/29/Hello?

/29/ Hello?

-Morris-

Pare-pareho naming hindi alam kung nasaan ang swimming pool na sinasabi ni Tamaki,
kaya hinayaan na lang naming ang mga sarili naming na sundan siya na nangunguna sa
pagtakbo. Mga nag-aagaw buhay na poste ng ilaw ang naggagabay sa pag takbo namin
sa pababa na daan, masukal at nagkalat ang mga tuyong dahon at mga kahoy. Lahat
kami ay habol ang hininga nang huminto na si Tamaki.

"N-nandito na ba tayo?" hingal na tanong ni Cris. Bumungad sa'min ang arko papasok
ng swimming pool area. Pero pagdating namin sa loob, wala na kaming nadatnan kahit
isa na mula sa team one.

"Naunahan na nila tayo." Sabi ni Tamaki, sabay-sabay kaming napatingin sa kanya,


mula sa bulsa kinuha niya ang isang sigarilyo at sinindihan iyon .

"Wow, thank you sa tulong, Tamaki. At nakuha mo pa talagang mag yosi ha." Sabi
naman ni Mariah matapos makabawi sa pagkahinga.

"Nasa pangalawang clue na sila, wala na ata tayong pag-asa." Napatingin naman ako
sa sumunod na nagsalita, si Stephen, na kaagad namang sinundan ni Penelope.

"Wag ka ngang magsalita ng ganyan, Yue."

Katahimikan.

Parang ngayon lang nagsink-in sa mga utak naming lahat ang mga nangyayari, una:
kailangan naming iligtas si Jill, pangalawa: magkakasama kaming siyam ngayon. Sa di
maipaliwanag na dahilan kung bakit tumayo si Tamaki, si Lily, si Tadeo at si
Sabina. Nagpaliwanag sila Mariah bilang kaibigan ni Morie, at ako... iisa lang ang
nasa isip ko, na gusto kong iligtas si Jill, iligtas siya sa bangungot ng nakaraan
at maghilom ang mga sugat ng kahapon.

"Ano? Tutunga na lang tayo rito forever?! Kulelat na tayo!" si Mariah na ang
nagbasag ng sandaling katahimikan,kahit na may bagabag na kinikimkim sa dibdib, at
alam ko kung ano yon.

"Hindi kaya nasa ilalim ng tubig yung clue?" naisip ni Cris, na halata rin sa
itsura ang pagkailang at pinipilit na umakto ng normal kahit na nahihirapan, ganun
katindi ang epekto ng pagsama ni Sabina rito ngayon.

"Palagay ko nga." Nagsalita na si Lily, ang sinasabi nilang girlfriend ko,


dinadalangin ko lang na sana hindi lang ng dahil sa'kin kung bakit siya rito
sumama, kahit na alam kong hindi sila magkasundo ni Jill gaya ng mga naikukwento
niya sa'kin noon, "pero mukang hindi pa rin sila nanggagaling dito, hindi basa yung
sahig tsaka walang bakas ng mga basang paa."

Natahimik ulit sila.

"Oo nga! Malay nyo mas nauna pala talaga tayo rito." Sabi ni Roman na nakahawak pa
rin sa dalawang tuhod.

Hinanap namin sa ilang parte ng area kung mayroong clue na nakatago, pero hindi
kami nagtagumpay. Tama nga si Lily na walang kahit anong bakas na nanggaling sila
rito, o baka katulad namin hindi rin nila nahanap dito yung clue.

Wala ring kahit anong kakaiba na makikita sa pool, malinaw iyon at walang bakas ng
clue.

"Bukod sa swimming pool wala na bang ibang area na may tubig dito?" tanong ni
Sabina, pero wala kaagad nakasagot sa kanya. Hindi rin ako sigurado, malaki ang
villa, malawak ang kakahuyan at walang gaanong tao, lalo na ngayong kinasabwat ni
miss Karen ang iilang facilitators na narito.

"Tingin ko kailangan nating bumalik ng main house." Sabi ko pero napamaang sila.

"Adik lang, Morris? Ano naman ang gagawin natin don?" angal ni Mariah.

"We need to find a map first. Hindi ba't mahihirapan tayong maghanap ng mga lugar
na tinuturo ng mga clues kung hindi naman natin kabisado 'tong villa? Ito lang ba
yung may water area, paano kung hindi?"

Hindi na sila nagsalita pa at sumang-ayon na lang sa sinabi ko, bumalik na lang


ulit kami ng main house. Halatang dismayado ang mga itsura nila, pero sa di ko alam
na dahilan kung bakit nga ba nila napili si Jill na iligtas.

Pagdating doon, matiyaga naming hinanap kung saan posibleng nakatago ang mapa ng
lugar na 'to, pero wala na naman kaming nahanap. Nagtipun-tipon ulit ang grupo
namin sa lobby, maliban kay Stephen na hindi pa rin bumabalik, walang nagsasalita
at lahat ay nag-iisip.

"Hanapin ulit natin..." sabi ni Sabina, pero umentra si Cris.

"Bakit ka ba nandito?" sawakas, naitanong na rin niya ang kanina pa niya gustong
itanong kay Sabina.

Napa-ismid si Sabina bilang sagot, tahimik lang kaming nakatingin at nakikinig sa


usapan nilang dalawa, "Magiging issue pa ba ngayon 'yan, Baldo? Si Jill Morie ang
dahilan kung bakit ako sumama rito, hindi dahil sa'yo. Kaya pwede ba?"

Nag-iwas ng tingin si Cris sa kanya, "A-alam ko, nagulat lang ako kasi pinili mo si
Morie. Bakit?"

Matagal bago sumagot si Sabina, maging kaming lahat ay hinihintay ang anumang
isasagot niya kay Cris. Huminga muna siya ng malalim at diretsong tingin na hinarap
si Cris.

"Naiintindihan ni Jill ang nararamdaman ko. Nagising ako sa mga sinabi niya sa'kin
noong matagpuan niya kong umiiyak sa library. Masakit pero hinihintay ko lang na
may magsabi sa'kin ng ganun."

Sasagot pa sana si Cris sa kanya pero naabala ito nang biglang dumating si Stephen,
may dalang papel.

"Oh, san ka galing?" tanong ni Tadeo na lumapit sa kanya para usisain ang dala
niyang papel. "Mapa 'to ah? Wow, men! Saan mo nahanap 'to?"

"Sa laptop sa common room, naisip ko kasi baka merong file doon ng location natin.
At buti na lang meron. Kinopya ko yung trails."

"Ayos to men!"

"Morris." Inabot sakin ni Stephen yung papel, lumapit din sila para tumingin.
"Nakakagulat lang, kasi ang lawak pala ng villa na 'to. Kaya parang ang hirap
hulaan kung saan tinago sila Jill."

"Teka! Teka! Puro trails?!" hinablot sa'kin ni Mariah yung papel at tiningnan
mabuti yung mapa, "May waterfalls dito?!"

Kinuha ni Tamaki kay Mariah yung papel at nauna na naman 'tong tumakbo.
"Hoy Tamaki!" sigaw nila.

"Tsk." Wala na rin akong nagawa kundi tumakbo at sumunod kay Tamaki. Hindi ko alam
kung ano ang iniisip niya. Siguro para mapadali at mapabilis ang paghahanap namin,
si Tamaki alam kong may sapat na dahilan kung bakit namin siya kasama ngayon.

Biglang napahinto yung mga kasama ko nang malaman nila na papasok kami sa looban ng
kakahuyan, maliban kay Tamaki na nauuna pa rin patakbo na sa matarik na daan.

"Wag kayong kabahan." Sabi ko kahit na hinihingal, "Hindi ipalalaro 'to ni miss
kung mapapahamak tayo." She'll be responsible for this anyway, "Kumapit na lang
kayo sa isa't isa para hindi tayo magkahiwahiwalay." Tumango sila. Narinig ko pa na
umusal si Penelope ng panalangin para mailayo kami sa kapahamakan.

Kahit na madilim, masukal, at nakakatakot ang paligid, hindi namin iyon ininda.
Natatanaw pa rin namin si Tamaki kaya walang problema at hindi kami naliligaw dahil
siya yung nagsisilbing guide sa grupo. Sana lang hindi siya sumpungin dahil baka
hindi namin mahanap si Jill.

"Ahh!" napahinto na naman kami sa pagtakbo sa sigaw ni Sabina, napatid siya at


napasalampak sa lupa, tinulungan siyang makatayo ni Penelope pero nahihirapan
siyang maglakad dahil nagkasugat ito sa binti.

"Sakay." Umupo si Cris para pasakayin 'to sa likod nito pero tumanggi si Sabina,

"Ok lang ako."

"Hay nako Sabina! Tsaka ka na mag-inarte!" si Mariah na ang tumulak dito para
pasakayin sa likod ni Cris.

"Ang bagal niyo." naghihintay na pala si Tamaki.

"Sorry ha!" si Mariah.

"Men, slow down lang kasi." Si Tadeo naman.

"Sandali lang." sumenyas si Tamaki na wag muna kaming tumakbo,may sinisilip ito sa
mga nakatagong puno at halaman pero wala naman kaming ibang nakita roon. Kaya
nagpatuloy na ulit kami sa pagtakbo. Pataas yung daan kaya medyo nahirapan kami,
nang marating namin ang itaas bumigay na yung mga kasama ko.

"Time first!" sigaw ni Tadeo na napahiga na sa lupa,

"Tumayo ka nga dyan Tado! Hindi pa tayo nakakarating para sa pangalawang clue
bumibigay ka na!" hingal ding sabi ni Cris kahit na pasan pasan si Sabina.

"Wait nga lang kasi, pwede magpahinga muna tayo?"

"Hindi tayo pwedeng magpahinga!" sigaw ko.

"Gusto mo ba kaming mamatay ha!" sigaw ni Mariah sa'kin.

"Ssshh!" natahimik kami

"Bakit, Tamaki?" tanong ni Penelope.

"May kanina pa sumusunod sa'tin." Mahinang sagot nito.

"Ha?"
"Iyon nga din ang pakiramdam ko pero di ko lang masabi, simula nang manggaling tayo
sa main house." Gatong naman ni Stephen sa pahayag niya.

"Dalawampu't siyam sila, kaya posibleng naghiwa-hiwalay sila para maghanap ng clue.
Anim silang nakasunod sa'tin." Si Tamaki

"Oh? Pano yan?"

"Ano ng gagawin natin?"

"Tatalon tayo."

"Tatalon tayo?" ulit na tanong ni Mariah.

Tsaka lang namin napagtanto na malapit na kami sa bangin nasa ibaba na yung sapang
pinagbabagsakan ng tubig ng talon. Sumilip pa si Tadeo sa bangin pero kaagad din
itong tumayo dahil sa pagkalula. Sumilip din ako, hindi naman ganon katas yung
bangin pababa.

"A-ayoko pang mamatay!" sigaw nito

"Kung hindi tayo tatalon masusundan at malalaman nila kung nasaan tayo."
Kalmadong sabi ni Tamaki.

"Muka namang safe kung tatalon tayo rito." Sabi ni Penelope.

"Sige penpen, mauna ka!" inis na hinarap ni Mariah si Tamaki, "Tsaka sure ka bang
nasa baba yung clue?!"

"Bakit hindi mo kasi subukang tumalon? Babaeng manok." natatawang sagot ni Tadeo.

"Ah ganon, sige, ikaw na mauna Tadeo! Patunayan mo ngang lalaki ka sige!" hinampas
hampas pa ito ni Mariah sa braso at panay salag at tawa lang si Tadeo.

"O-oy Aya!"

Kahit kami ay nabigla, sa kakaatras ni Tadeo hindi nila namalayan ni Mariah na


malapit na sila sa bangin kaya pagka-out of balance ni Tadeo nahila rin si Mariah
kaya pareho silang nahulog. Maririnig tuloy sa buong paligid yung sigaw nilang
dalawa.

"Aya! Tadeo!"

Kinabahan kami pare-pareho kaya sumilip kami sa baba.

"MGA MEN! BUHAY PA KO! MEEEEN! ANG LAMEEEEEEG!" unang lumitaw mula sa tubig si
Tadeo, at sinundan ni Mariah na nagtatalak na naman at hinampas hampas ulit si
Tadeo sa ulo.

"OH AYAN! SAFE NGA! BUHAY PA KAMI DIBA?! OH ANO TALON NA!" sigaw din ni Mariah.

"Pagbilang ko ng tatlo, tatalon tayo. Sabay-sabay. Isa... Dalawa..."

Wala nang umangal.

"Tatlo!" sabay-sabay kaming tumalon at sabay-sabay din kaming bumagsak sa malamig


na tubig ng talon. Sa kabutihang palad wala namang napahamak. Nag-aaway pa rin si
Mariah at Tadeo. Samantalang si Cris ay panay tawa.
"Hindi na nila siguro tayo masusundan diba?" tanong ni Penelope sa pagitan ng
nanginginig na boses.

Tumingala ako at nakita ko ngang may anim na tao ang nakadukwang, tama si Tamaki.
Siguradong hindi rin nila gugustuhing tumalon at alam na namin na sumusunod sila.

"Hindi nila alam na yung papunta rito mula sa baba, kaya hindi na." sagot ni Tamaki
at naunang umahon.

Sumunod kami ni Lily sa kanya.

"Ok ka lang?" tanong k okay Lily.

"Oo. Salamat." Tumango na lang ako.

"Ano? Nasaan ang clue dito?! Pinaglalaruan lang talaga tayo ni miss Karen!" maktol
ni Tadeo na nakaahon na, pati sila Mariah, Stephen, Cris at Sabina.

"Nahanap ko na!" narinig na lang namin na sumigaw si Penelope, nakita namin siya sa
may bato-batong parte ng talon at may hawak-hawak na bote. Mabilis kaming lumapit
sa kanya para tingnan 'yon. May nakalabel na 'Team Two' yung bote, binuksan ni
Penelope yung bote at kinuha sa loob yung papel na nakatupi.

'I am weight less, but you can see me. Put me in a bucket, and I'll make it
lighter. What am I?'

Nag-isip kami ng posibleng sagot. Lumilipas na ang limang minute pero wala kaming
maisip na sagot sa pangalawang riddle.

"Put me... in a bucket... and I'll make it... lighter..." mahinang bumubulong si
Penelope, paulit-ulit, "put me... in a bucket... and I'll make it lighter..."

"Ilagay mo ko sa timba.... Pagagaanin ko ito."

"Tinagalog mo lang,Tadeo, tss."

"Ilagay mo ko sa timba... Pagagaanin ko ito?" inulit ni Penelope yung sinabi ni


Tadeo.

"Tubig?"

"Shunga! Sige ilagay mo yung tubig tapos gagaan?!" si Mariah.

"Tingin ko nakuha ko na yung sagot."

"Ano?" tanong ni Sabina.

"Put me in a bucket and I'll make it lighter. Ilagay mo ko sa timba pagagaanin ko


ito. Tubig... Hindi iyon ang sagot. Kapag may laman ang timba, ano ang nagpapagaan
dito? Ang tanong, bakit gumagaan yung timba?" tanong ni Penelope

"Gagaan 'yon kapag may tagas yung bucket." Sagot ni Lily.

"Exactly. Ang sagot is hole."

"Hole? Butas? Yung mapa, pahiram nga." Inabot naman ni Tamaki yung basang papel,
maingat na binuklat 'yon ni Mariah para di mapunit, tsaka tinignan ang trail map,
"Okay na sana kaso guys, nasaan dito yung hole or butas?"
"Hindi naman kaya hindi literal na butas yung hinahanap dito? Bawat clues na
binibigay sa'tin hindi naman literal, kundi mga lugar. Hindi kaya yung butas o
hole, lugar lang din yan na matatagpuan dito?" sabi ni Cris.

"Ang tanong nga kasi, saan naman natin mahahanap yung hole na yun." Si Sabina.

"Edi sa ilalim ng lupa?" hula ni Tadeo.

"Lugar sa ilalim ng lupa? Meron ba nun?" tanong ni Mariah.

"Meron." Sagot ni Lily. "Underground."

"Posible bang may underground dito sa villa? Sa laki ng kagubatan na 'to? Nasaan
yung underground?" sunud-sunod na tanong ni Mariah.

"Posible." Sagot ko. Tinuro ko sa mapa yung lugar pinagkulungan nila sa'kin dati.
"Sa tunnel na pinagkulungan niyo sa'kin kanina."

"Sigurado ka ba, Morris?"

"Oo." Pero ang totoo hindi ako sigurado, basta ang natatandaan ko lang may
nadiskubre akong pintuan sa lupa pero hindi ko lang pinansin 'yon. Bahala na pero
may nag-uudyok sa loob ko na nandoon nga yung pangatlong clue.

Sa pamamagitan ng mapa namin, hindi na kami nahirapan sa direksyon, basta si Tamaki


lang ang sinusundan namin dahil siya ang may hawak ng trail map. Iniinda lang namin
ang matinding lamig dahil pare-pareho kaming basa ng mga kasama ko.

Nang marating namin 'yon ay lumakas ang loob ko ng may nakita kaming dalawang sulo
na nakasindi papasok sa tunnel, kinuha iyon nila Tadeo at Cris, pumasok kami sa
loob ng bodega na pinagkulungan sa'kin kanina. Para kasi 'yong kweba kaya malakas
ang kutob ko na merong underground tunnel na nakatago rito. Hinanap ko yung nakita
kong pintuan sa lupa at nakita ko naman 'yon.

"Ito na ba 'yon?" tanong nila.

Tumango ako pero kinakabahan ako na baka hindi naman pala talaga 'yon manhole
papuntang underground. Tinulungan ako nila Tadeo sa pag-angat nung pinto dahil may
kabigatan iyon. At nakahinga ako ng maluwag ng makita naming butas nga 'yon.

"Actually hindi siya underground tunnel, it's an adit." Sabi ni Penelope.

"Anong adit?"

"Horizontal passage siya driven from the Earth's surface into the side of a ridge
or mountain. Feeling ko maliit lang siya kaya parang gagapang tayo."

Nauna ulit si Tamaki na lumusot at isa-isa rin kaming tumawid sa ilalim ng lupa.
Pabilog yung horizontal tunnel at hindi naman siya ganon kasikip, iniwan nila Tadeo
yung sulo sa taas dahil hindi naman nila pwede yon dalhin sa adit dahil hindi kami
makakahinga sa usok nito, kaya pinagtyagaan na lang naming gumapang kahit madilim.

Hindi ko alam kung gaano kahaba yung ginapang namin, mabuti na lang at nakalabas
kami kaagad sa tunnel. Nasa labas na kami ng bodega, sa likurang bahagi nito,
natagpuan kaagad namin yung naghihintay na pangalawang bote para papunta sa
pangatlong clue.

"Yes! Whoo! Ang galing natin!" wika ni Tadeo na huling nakalabas. Kagaya sa unang
bote may label din na 'team two' yung bote.

"Nauuna pa rin pala tayo kaysa sa kanila. Ayos." Wika naman ni Cris.

Si Lily naman yung nagbukas nung bote. At malakas na binasa yung nakasulat sa
papel.

'What has a ring but no finger?'

Bago ko inisip kung ano yung sagot, napansin ko nga na nandoon pa rin yung bote na
para sa team one, hindi pa rin ito nagagalaw. Posible nga kayang mas nauuna kami
kaysa sa kanila? Ayoko sanang mag-isip ng kung ano pero hindi ko maiwasan.
Pakiramdam ko talaga may mali sa mga nangyayari.

"Morris, men, huy!" nagbalik ako sa sarili nang yugyugin ako ni Tadeo, "Natulala ka
na dyan. Alam mo yung sagot?"

"Tadeo, tagalugin mo nga ulit yung riddle." Utos sa kanya ni Penelope.

"Ano raw yung may singsing pero walang daliri?"

Lumipas ang sampung minuto pero wala kaming malinaw na kasagutan.

"Teka, hindi kaya hindi naman 'singsing' yung ring? Ano pa ba yung ibang pwedeng
kahulugan ng ring?" tanong ulit ni Penelope.

"Ring. Ring. Ring. Ring. Ring." Paulit-ulit na sinasabi ni Tadeo. Napabalikwas si


Mariah, may biglang naisip.

"Ring! Ring! Ring! May utak ka rin pala Tadeo! Haha!" si Mariah.

"Ano? Ang weird mo ha."

"TELEPHONE!"

"Saan naman tayo makakahanap ng telepono?" tanong ni Stephen.

"Hay nako Yue! Edi sa MAIN HOUSE! Oh ano guys, takbo na tayo pabalik!" hindi kaila
ang pagod, gutom at lamig sa'ming siyam. At ako, nanatiling may tanong sa utak ko
kung nasaan na yung team one. Kung ano na yung nangyayari sa kanila. Hindi kaya...

"Morris! Ang bagal mo men!"

"Morris? Ok ka lang?" si Lily na lang pala yung huminto para hintayin ako, tinanong
niya rin ako ng tinanong ko sa kanya kanina.

"Ok lang ako."

Nakarating din kami sa mainhouse at naghanap ng telepono, sa ikalawang palapag


malapit sa antique na orasan na nakita namin kanina doon namin natagpuan ang
telepono.

Si Sabina ang humawak at nakita nyang may nakaipit pa lang papel doon, mga numero
iyon at nagdial siya.

"I-loudspeaker mo Sab." Utos ni Penelope.


Nagsimulang magring yung kabilang linya. Natahimik kami at naghihintay sa kung sino
mang sasagot. Maya-maya lang ay may sumagot.

"Hello?"

Nagkatinginan kaming siyam.

Boses niya 'yon.

Boses ni Jill Morie.

<///3

[Sorry sa mabagal na UD. Maraming salamat pa rin sa pagbabasa <3]

/30/ Commemoration
/30/ Commemoration

-Morris-

"Hello?"

It was Jill's voice.

"Morie!"

Hindi kaagad siya sumagot sa kabilang linya. Lahat kami ay nakatutok at naghihintay
sa mga susunod niyang sasabihin.

"Ok ka lang ba dyan, Morie?" nag-aalalang tanong ni Penelope.

"Don't worry, ok lang ako rito."

"Nasaan ka ba? Pupuntahan ka namin!" sabi ni Cris

"I-" biglang naputol ang linya niya.

"Ba't nawala!?" bulalas ni Mariah na nasa kanan ko.

Pero maya-maya bigla ulit nagring ang telepono, hindi nagdalawang isip na pinindot
ni Sabina ang answer button, at niloud speaker para marinig naming lahat.

Nasa pang-apat na clue kami at kutob kong sa telepono ibibigay ang direksyon
papunta sa kinalalagyan ni Jill. Pero sa kabilang banda, may masamang kutob ako
tungkol sa team one. Kahina-hinala ang mga nangyayari at para bang hindi
nararamdaman ng mga kasama ko na may mali.

"Team number two." Finally the speaker from the other line spoke. Si Karen Italia.

Pare-pareho rin kaming hindi nakaimik nang siya na ang magsalita. Mukang tama nga
ko na rito na niya ibibigay ang panghuling clue.

"Sasabihin ko na ngayon sa inyo kung ano ang pinakahuling clue. Pero bago ang
lahat, will you press the record button." Utos niya na agad naman naming sinunod,
si Sabina ulit yung nagpress. Nagbeep yung phone at naging kulay pula yung bilog,
tanda na nagrerecord na yung mga sinasabi ni miss.

Hinihintay naming magsalita si para ibigay yung riddle para sa susunod na clue pero
mga tunog ng beep sounds lang ang lumabas na tunog mula sa speaker. "Here. Come.
Dots" iyon lamang ang salitang sinabi ni miss at napamaang kaming lahat nang bigla
na lang ulit naputol yung linya ng tawag.

"Ano yun?!" si Mariah na nawiwindang sa mga pangyayari ay napahampas sa katabing si


Tadeo at hindi malaman ang gagawin.

"Hindi ko alam kung ginagago lang tayo ng teacher na yun." Sawakas nagsalita rin si
Tamaki, at unti-unti nang sinusumpong.

"May dahilan kung bakit niya pinarecord yun!"sabi ni Sabina at pinindot ng paulit-
ulit yung replay button nung telephone recorder.

"Lexie tigilan mo na nga yan!"

"Wag mo nga kong hawakan Baldo!" tinabig niya si Cris dahil sa pagpigil nito sa
braso niya.

"Anong ibig niyang sabihin sa 'Here come dots'?" tanong ni Lily

"I'm thinking... Pero walang pumapasok na idea sa isip ko. "

Here come dots... Pamilyar to, narinig ko na 'to noon. Pero parang sadyang
mapaglaro ang kapalaran, hindi ko maalala kung kanino at kailan ko narinig ang
tungkol sa mga salitang 'to. Hindi ako sigurado.

"Hindi kaya secret code yung mga sound?" napatingin kami kay Tadeo, na ngayon ay
tila naging seryoso. Secret code? Oo, tama, naalala ko na kung ano ang ibig sabihin
ng 'here come dots'

It's an anagram.

Hindi ko muna sinabi sa kanila kung ano ang nasa isip ko, isa-isa kong binubuksan
yung mga drawer ng cabinet.

"Morris,anong hinahanap mo men?"

"Panulat" tinulungan akong maghanap ni Tadeo at sa kabutihanf palad nakahanap kami


ng upod at maliit na lapis. Kinuha ko kay Sabina yung papel, nagtataka at nakakunot
ang mga itsura nila habang tinitingnan kung ano yung sinusulat ko.
H E R E C O M E D O T S

T H E M O R S E C O D E

"The Morse Code?" basa ni Mariah, bakas sa boses ang pagkagulat at makikita sa
kanyang itsura na may naalala. Pinigilan kong ngumisi dahil alam kong naaalala niya
na rin kung ano tinatagong kahulugan ng

'Here Come Dots' Alam kong alam niya rin ito noon. Lalo na't kilalang kilala kung
sino ang nagturo sa'min nito.

"Anagram ang tawag dito", sabi ko, "Kaya tama si Tadeo na isang secret code ang
sounds na sinend ni miss. At ang tawag sa ganung codes ay Morse Codes."

"Then how can we know the hidden message by those sounds?" tanong ni Lily.

"Marunong ka bang magbasa ng morse codes, Morris?" sinundan iyon ng tanong ni


Penelope.

"Hindi," Tumingin ako kay Mariah, nagbabakasakali ako na magsalita siya, magsalita
siya sa kung ano man ang nalalaman niya sa pagbabasa ng Morse code. Pero nasa mukha
niya ang pagdadalawang isip. Bubuka n asana yung bibig niya nang unahan siya ni
Stephen.

"Medyo naaalala ko yung napag-aralan ko dati. Ang alam ko lang ay yung idistinguish
kung ano yung dots at dash." Sabi niya, "susubukan ko."

Tumingin ulit ako kay Mariah, hindi pa rin panatag ang itsura niya. Hindi iyon
napapansin ng mga kasama ko dahil ang atensyon nilang lahat ay nasa ginagawa ni
Stephen. Paulit-ulit na pinindot ang play button, pinakikinggang mabuti yung mga
tunog habang may sinusulat sa papel. Makalipas ang papel, ipinakita ni Stephen
sa'min yung papel.

H E R E C O M E D O T S

T H E M O R S E C O D E

.-.. .. --. .... - .... --- ..- ... .

"Ano yan?"

"Sabi ko sa inyo ang alam ko lang ay yung pagdistinguish ng tunog kung ano yung
dots at dash. Hindi ko na matandaan yung katumbas na letters." Napakamot si Stephen
sa ulo, sila naman ay nadismaya sa nalaman.

Mariah, alam ko sa mga oras na 'to pinag-iisipan mong mabuti, pero kailangan nating
manalo, kailangan nating mahanap si Jill.

Ilang saglit lang ay inagaw na ni Mariah kay Stephen yung papel at lapis.

"Oh, Aya, wag mong sabihing..."

Wala pang isang minuto nang ipakita niya sa'min yung papel at nakasulat na

H E R E C O M E D O T S

T H E M O R S E C O D E

.-.. .. --. .... - .... --- ..- ... .


.-.. l

.. i

--. g

.... h

- t

.... h

--- o

..- u

... s

. e

l i g h t h o u s e

"Are you sure? Marunong kang magbasa ng morse code?" si Lily na ang nagtanong.

Tango ang sagot niya.

"Paano?" ang tanong ni Penelope ang ayaw niyang marinig.

"Hay nako! Kung magtsitsikahan lang tayo rito walang mangyayari sa'tin!" iyon ang
sinagot niya at mukang napasang-ayon niya naman sila. Good. Nakatakas ka.

"Tamaki, ikaw na lang ulit mag-lead ng daan papuntang lighthouse." Sabi ni Sabina
na halatang nahihirapang kumilos dahil sa sugat.

"Kung maiwan ka na lang kaya rito? Hindi mo na kayang maglakad, Lexie." May pag-
aalala sa tinig ni Cris pero isinawalambahala lang ito ni Sabina.

"Hindi pwede. Ang rules ni miss, magkakasama tayong lahat na hahanapin si Jill
Morie at magkakasama ring babalik dito."

Wala na kaming inaksaya pang oras at dali-dali kaming pumunta sa kinaroroonan ng


lighthouse, medyo may kalayuan kumpara sa mga nauna naming nadaanan, ayon sa trail
map na meron kami. Papalabas na kami sa may lobby nang huminto ako . Automatic ding
silang napatigil kahit medyo naiwanan na 'ko.

"Morris! Ano ba!"

"Ba't ka huminto?!"

Tama. May mali sa mga nangyayari na hindi talaga nila napapansin. Hindi ko sila
sinagot bagkus ay pinuntahan ko yung likuran ng malaking at doon ko natagpuan na
nagkukubli ang isa kong kaklaseng lalake na bahagi ng team one. Hinila ko ang
manggas niya, wala akong pake kung makaladkad ko siya. Kinuwelyohan ko siya at
diretsong tinitigan sa mata.

Sa mga mata niya nakumpirma ko na tama ang mga hinala ko kanina pa. Nakita ko roon
ang mga plano nila. Plano nila na magtago at sundan lang ang mga ginagawa namin!
Atsaka uunahan sa pinakafinal na lugar. Inakala namin kanina na naunahan na nila
kami pero hindi pala, nagkubli lang sila habang sinusubaybayan ang pagdiskubre
namin sa mga clues, kaya hindi na nakapagtatakang hindi nila nagagalaw yung mga
bote.

"Morris! Pwede namang pag-usapan 'to, bitawan mo na ko. hehe." Mas lalo kong
hinigpitan yung pagkakakwelyo ko sa kanya. Nasa tabi ko na pala si Tadeo.

"Men, tara na!"

"Sabihin mo sa kanila na kanina pa tayo ineespiya ng team one. Ngayong alam na rin
nila yung last clue uunahan nila tayo. Tumakbo na kayo." Utos ko. "Ako muna ang
bahala rito."

"S-sige men!" kumaripas ng takbo si Tadeo pabalik sa mga kasama.

Binalik ko ulit yung atensyon sa taong 'to.

"L-laro lang naman to Morris, wag kang masyadong seryoso!"

"Wala kang alam sa mga sinasabi mo."

"Tsk. Tingin mo talagang mananalo kayo rito? Twenty nine kami at siyam lang kayo,
mas mauuna pa rin kami, napalibutan namin kayo ng di nyo nalalaman. Ano naman
kasing mapapala nyo ha kung mahanap niyo si Morie?"

Wala namang saysay ang pakikipag-usap sa taong 'to kaya patulak ko siyang binitawan
pero bago ko siya iwanan, may mga pangungusap akong binitawan ko sa kanya.

"Ano naman din ang mapapala nyo kapag si Ireneo ang pinili nyo? Habang buhay lang
kayong nagpapakontrol sa taong inaakala niyong santo."

Hindi na siguro mahalaga na manalo dahil mukang malabo na, ang importante mahanap
na si Jill at bumalik ng magkakasama.

-Jill Morie-

Dalawang oras at kalahati na kaming nakakulong dito.

Oo, kami.

Kasama ko si Ireneo. Kahit na sampung metro ang layo namin sa isa't isa at
parehong nakagapos sa upuan, ramdam ko ang kakaibang tensyon na namamagitan sa'ming
dalawa.

Kanina pa rin kami hindi nagkikibuan. Ramdam ko ang mga matatalim niyang tingin
sa'kin pero hindi ko iyon pinapansin. Maririnig lang sa paligid yung mga hampas ng
alon sa dagat. Hindi ko alam kung gaano kalayo ang lugar na 'to sa main house.
Hindi ko rin alam kung paano nila matutunton ang mataas na lugar na 'to.

Kaaalis lang nung lalaking nakamaskara na nagbabantay sa'min kanina, si mr. Romulo.
Kita ang mga mata niya sa maskara kaya madali kong nakilala kung kanino iyon. Noong
una pa lang naramdaman ko na may mangyayaring kakaiba sa recollection namin, base
sa mga mata na nakita ko noong pinaglaro kami ni miss Italia ng 'wink murder', pero
hindi malinaw ang future na nakita ko dahil halu-halong mga mata at sumakit lang
ang ulo ko. Kaya nga sinadya ko ulit hindi sagutan yung exam kanina dahil nakita ko
na mayroong mangyayaring ganito. Pero ngayon... Hindi ko na alam ang kasunod.

Honestly... Staring at them made me nostalgic. It made me feel sad and happy, I
want to go back in time. Yung time na masaya kaming lahat, masaya ako. Those
moments that I felt being a human, a normal one, with a lot of emotions, colors.

Pero alam ko hindi na iyon maibabalik pa.

I was really surprised when Lily stood up. Bakit nga ba pinili niya ko over Ireneo?
We hate each other, alam niya yan, pero bakit ako? Morris. Maybe it's because of
him. That guy.

Napahinga na lang ako ng malalim. Tinanong ko si miss Karen kung bakit niya
pinapagawa 'to, hindi ko pa rin maintindihan ang sagot niyang 'in order to change
your hearts'. How can she do that? How can she change our hearts that we've been
thrown somewhere?

"Tsk." I glanced at him, the founder of the stupid caste in our class. Hindi ko
mapigilang mangiti.

"What are you laughing at?"

"Wala lang," Sagot ko, "nakakatawa kasi wala lang."

Hindi na nagsalita si Ireneo. Weird, talagang wala siya sa mood na pagsalitaan ako
ng kung anu-ano. Pero kanina kung anu-ano ang mga sinasabi niya. Perhaps
kinakabahan siya?

"Say what, James." Napangisi ulit ako, naalala ko kasi si Alexi Sabina, she called
him 'James', the name that we've all forgotten. Alam kong naiinis siya kapag
tinatawag sa pangalan yan. "All this time... I've been wondering... kung saan at
paano mo nakuha yung sulat niya."

Hindi man ako nakaharap sa kanya, alam kong napatingin siya sa direksyon ko. Kahit
na hindi ko na i-ellaborate kung ano yung tinutukoy ko, alam kong naiintindihan
niyang mabuti ang tanong ko.

Sulat niya.

"Hindi ko alam kung paano mo naatim gamitin ang sulat ni Lucille para lang
mapasunod ang lahat."

Walang sagot.

"She died because of you and Morris."

Nagkuyom ang palad ko. Oo. Maraming beses ng naipamukha na kasalanan namin ni
Morris kung bakit siya namatay, kasalanan ng pagmamahal namin ni Morris sa isa't
isa. Masakit. Ang dalawang pinakapinagkakatiwalaan ko ang siyang mananakit sa puso
ko.

"She killed herself because of you."

Dalawang taon na ang nakakalipas pero hinding hindi ko malilimutan ang araw na
'yon. Ang araw na malaman ng lahat, ang araw na binasa niya ang sulat ni Lucille,
ang araw na nagdilim ang buhay ko, ang araw ng aksidente ko.

"More than you, I knew Lucille." Pinipilit kong hindi pumiyok.

"I knew her too."

May kutob ako sa sinabi niya.


"Pero ang galing no, after that day everything had changed."

Lalong lalo na ako.

"'It was Jill's and George fault. They cheated on me... That's why I need to do
this... Good bye." After he had read that last paragraph to the whole class, I was
frozen. Parang wala akong naririnig, tanging paulit-ulit na boses ni Ireneo ang
umaalingawngaw sa isip ko noong mga oras na 'yon. Kasabay ng pagtulo ng luha ko.
Para akong babagsak sa sahig, pero walang makakasalo. Lumapit si Morris sa'kin pero
tumakbo ako.

"Jill! Sandali lang."

"Bitawan mo ko, Morris."

"Magpapaliwanag ako."

"Wag. Ayoko. Tama na."

"Jill. Please! Nangako ka na maniniwala ka sa'kin whatever it takes!"

"Shut up!"

Parang namamanhid ang buo kong pagkatao ng mga oras na 'yon. Hindi ko muna kayang
humarap ng kahit na sino. One of the most important people in my life died...
because of me. Hindi ako makapaniwala. I called Albert to pick me up pero instead
of him, ibang driver ang sumundo sa'kin. But on the way home mabilis ang mga
pangyayari, there's a girl who quickly crossed the road, the driver turned and
another car bumped against, and everything went blank.

Naisip ko nga na baka karma ko ang biglaang pagkakaroon ng kapangyarihan,


kapangyarihan na hindi ko alam kung saan nanggaling simula nang magising ako sa
ospital, two years ago.

"Do you think you'll win against me?" he asked. "The caste I built will never
break. It is the commemoration of her existence, nakukuha mo ba? That caste is the
commemoration of Lucille."

"What---"

They rushed to him, nandito na yung mga magliligtas sa kanya. Alam ko naman na mas
mauuna talaga sila rito, marami sila eh. Napakawalan na nila si Ireneo.

"You deserve to suffer, Jillianne."

Siguro nga.

Nakaalis na sila. Pumikit ako. Hanggang anong oras kaya akong ikukulong dito? Do I
deserve this?

Biglang may yumakap sa'kin. Ayokong dumilat. Kilala ko kung sino 'to.

"Jill.", the voice that I'll never forget.

Morris.

"Let's get out of here."

<////3
[thank you <3. dedicated to ate nanashi as in super touch and kileg ako sa mga
comment nya T^T hart hart. maraming salamat ulit. mabuhay. God bless]

/31/ Caesar Box

/31/ Caesar Box

-Morie-

"Mga madadaya!" hindi na napigilan si Tadeo nang sumigaw siya bigla pagkapasok
namin sa loob ng common room, "Ang dadaya nyo!" dinuro-duro pa nito yung mga iba
kong kaklase na kanina pa naroon at nakaupo.

"Roman," subalit hinawakan siya ni Morris sa balikat para awatin, "tama na yan."

"Men, hindi!" inalis nito yung kamay ni Morris sa balikat at hinarap na naman sila,
sila na nakatingin sa'ming sampu habang may kanya-kanyang sinasabi ang mukha,
"Pinaghirapan natin yung mga clues na yon tapos sila lang yung makikinabang?! Ang
duga!"

Tiningnan ko si Ireneo, nakahalukipkip, umiiling-iling habang nakangisi, tiyak na


nagbubunyi na naman siya sa tagumpay na natamasa niya ngayon. The truth is... I
don't really care about winning in this game... But when I'm looking at them...
silang siyam... silang siyam na naglakas loob na tumayo kanina para sa'kin... On
the way here, I wanted to ask them why?

"Here." Morris handed me his jacket but I refused.

Pero parang biglang nawalan din ako ng lakas ng magtanong nang makita ko ang mga
itsura nila... they looked so tired... and restless... As we moved forward, no one
dared to speak, not until we came here, Tadeo blustered.

"Ano'ng nakakatawa?!" bigla-bigla sumugod si Senji at hinila patayo yung kaklase


kong tumawa kanina.

"Tamaki!"

"Talaga bang umaasa kayo na mananalo rito? Eh di hamak na siyam lang naman kayo,"
Nakangising sabi ni Ayton kahit na kinuwelyohan na siya ni Senji, "at isa pa, wala
namang mga pinagbawal na rules si miss. Ang sabi lang niya bumalik dito. Marunong
naman siguro kayong umintindi ano?"

"M-may punto siya Tamaki..."

"Tumahimik ka, Stephen." Nakikita ko mula rito ang pagtiim-bagang niya.

"Hindi ka pa rin nagbabago hanggang ngayon." Binitawan niya na si Ayton, at hinarap


si Ireneo, "Talunan ka pa rin, Senji. Noon. At hanggang ngayon." What a conceited
beast. Kahit hindi sa'kin sinabi ni Ireneo yon biglang nagkuyom ang dalawa kong
palad, gusto ko ring magalit sa mga sinabi niya sa'kin kanina pero hindi ko
magawa... dahil kasalanan ko. kasalanan ko kung bakit namatay si Lucille.

Nakita ko na lang na bumagsak sa sahig si Ireneo, sa isang iglap nagkakagulo ang


lahat, may mga sumisigaw, may mga umaawat, pero natuod ako sa kinatatayuan ko, at
para bang wala akong naririnig... Natulala lang ako sa mga nangyayari. Walang mga
salita na gustong lumabas sa bibig ko. Bakit? Bakit nangyayari 'to...

"Good evening." Huminto silang lahat at nagsi-ayos . Maging ako ay napatingin sa


malaking screen, naroon na siya, nakatingin sa'ming lahat, kalmado, walang emosyon
ang mukha. Parte rin ba 'to ng laro mo, miss Karen? Bakit? Bakit mo kami
pinaglalaruan?

"First of all, I want to congratulate ---"

"Miss! Nagpapatayan na kaming lahat dito wala ka man lang gagawin?!" sumigaw si Aya
but she ignored her.

"I want to congratulate team one for returning here earlier, I was amazed by what I
saw, your strategy is impressive."

"P-pero miss Karen, that's not fair!" Penelope said.

"Ayton was right, wala sa rules ang ginawa nila." She said blankly. "And so... The
winner of this game...is

team two."

"W-wait, do we heard it right?"

"Miss, team one po kami."

Kanya-kanya silang nagsasalita habang ang grupo namin, tahimik lang at naguguluhan
din sa sinabi niya. Sumulyap ako sa kanya, kay Morris, nakakunot ang noo niya at
para bang mahihibang. Aya told me that he and miss have secret correlation, gusto
kong malaman kung ano 'yon at kung may kinalaman ba 'yon sa mga nangyayari ngayon.

"Remember what I told you before? 'Ang unang makabalik ng magkakasama ay mananalo
at matutuloy sa pangalawang laro'"

"Exactly! Nauna kaming nakarating dito!"

"Yes, I know, pero hindi kayo kumpleto, some of your members were missing. I
clearly told you na bumalik kayong magkakasama. Due to your violation, team two
won." Team one was already in despair. Samantala yung mga kagrupo ko hindi pa rin
ata nada-digest yung mga sinasabi ni miss Karen.

"I-ibig bang s-sabihin?" Baldo was stuttered.


"Panalo tayo."

Tuloy pa rin sa pagsasalita ang team one kay miss, but she never answered back.
Instead, tumingin siya sa'min.

"Dahil panalo kayo sa larong ito, team two, including you Morie, your hard work
shall be compensated, a sumptuous feast is waiting at the dining hall, pagkatapos
niyong kumain bumalik kaagad kayo rito." tumingin naman siya sa kanila, "And team
one shall face the consequence of their defeat. Team one are not allowed to eat."

Tuwang-tuwa sila Aya, nagtalunan at nagyakapan sa sobrang galak. Samantalang


nanatili pa rin akong nakatingin sa screen kung saan bigla na namang naglaho si
miss.

"Jill! Tara na, excited na kong kumain!" Naramdaman ko na lang na hinila ko ni Aya
at Penelope palabas ng common room para pumunta sa komedor. Bago kami makalabas
sinulyapan ko yung mga iba naming kaklase, nakatingin sila sa'kin at bakas sa mukha
ang panglaw. Pagdating sa dining hall, naghihintay nga sa mahabang mesa ang
masaganang pagkain na nakahain, umuusok pa yung kanin at malalanghap ang mabagong
aroma ng mga putahe. Walang pag-aatubili na umupo sila, hinila lang ulit ako ni Aya
at magkatabi kami sa mesa.

Nakaamba na sa pagkain sila Baldo pero inawat sila ni Penelope, "Wait, magdasal
muna tayo bago kumain, I'll lead the prayer---" but she was interrupted by the
growling sound of stomach.

"Haha, hoy Tadeo grabe gutom ka na talaga no." sabi ni Aya.

"Hoy, di ako yon!"

"Sus nahiya pa."

"Hindi nga ako yon, ang kulit mo, Martinez. Baka ikaw Baldy?"

"Hah, asa ka, Tado. Baka si Tamaki, di nagsasalita eh, hahaha. Joke lang tol."

"S-sorry." Sabi ko. "Ako 'yon." I slightly smiled. Yeah, gutom na gutom na talaga
ko kanina pa, I can't help it, tao lang din naman ako, nagugutom, nanghihina. They
just giggle, pero ang awkward dahil katapat ko si Lily, tapos si Sabina nasa tabi
ko.

Penelope lead the prayer at pagkatapos ay parang bibitayin kung kumain sila. Walang
pakundangang nagkamay sa hapag kainan ang iba sa kanila, punum puno ang mga bibig
nila dahilan para di makausal ng kahit anong salita. Naalala ko ang mga mukha
nilang mga naiwan sa silid, nagugutom din sila, miss Karen is too much. Hindi naman
namin naubos lahat ng pagkain na nakahain, siguro dahil nakaestima ito para sa
apatnapung tao.

"Guys..." nagsalita si Penelope, parang nahihiya, "hindi ba masyadong malupit yung


parusa na binigay sa kanila ni miss? Ah... ang ibig kong sabihin, ano... hindi
naman natin naubos yung pagkain eh..."

"So gusto mo rin silang makakain ganon?" sabi ni Sabina, bakas ang di pagsang-ayon
sa idea ni Penelope.

"Penelope, dinaya na nga nila tayo tapos gusto mo pa silang bigyan ng pagkain? Hah,
magutom sila." Si Tadeo rin.
"P-panalo pa rin naman tayo eh, tsaka laro lang naman 'to diba."

Walang umimik. Naunang tumayo si Senji na sinundan nila Baldo, wala namang magawa
si Penelope, akala ko ako lang ang nag-iisip ng ganito, tinanguan ko si Penelope at
ginantihan lang niya ko ng ngiti. Tumayo na rin kami para sumunod sa kanila.
Bumalik na nga kami sa common room kagaya ng inutos ni miss Karen, laman pa rin ng
isip ko yung mga sinabi ni Penelope. Naroon pa rin ang team one.

"Welcome back." She appeared again. "I hope team two is ready for the next game."

"Miss Karen." I stepped forward.

"Yes?"

"May pabor ako."

"What is it?"

"Please allow them to eat."

"Morie."

"And why are you requesting that?"

They don't deserve to starve.

"Jill, hindi mo ba narinig yung mga sinabi ni miss Karen kanina? Parusa nila to
bilang pagkatalo!" hinarap ako ni Sabina pero iniwas ko ulit tumitig sa mga mata
niya, hindi ko siya sinagot.

"Atsaka sa tingin mo ba kung sila yung nanalo iisipin din nila yang mga sinsabi mo?
Diba hindi!" sabi naman ni Tadeo sa'kin.

Hindi ko sila masisisi, minsan kasi kapag nadadala ka ng emosyon mo wala kang ibang
gustong makita kundi ang paghihirap ng iba ng sa gayon ay maging komportable ka.
Minsan wala kang ibang iniisip kundi ang sarili mo lang. We, humans, are naturally
selfish, because we want to survive in this cruel word, sometimes even an act of
unselfishness are selfish, katulad ng pagbibigay sa mga nangangailangan, hindi ba't
tayong mga tao ay nagbibigay dahil deep inside sa'tin ay alam nating babalik ang
kabutihang yon?

"Then... I'll punish you too for defying my orders." Sabi ni miss.

"Miss! Wag namang ganun!" kumontra si Aya, "Morie diba binabawi mo na yung sinabi
mo? Diba!?" niyuyugyog ako ni Aya pero di ako nagsasalita, "Miss! Hindi niya na
itutuloy yung favor niya! Magproceed na po tayo sa second game!"

"Morie, please, tapusin na muna natin lahat ng 'to bago ka makiusap kay miss
Karen." Malapit na pala sa'kin si Morris at nakahawak din siya sa braso ko na
kaagad kong binawi.

"Oo nga, Morie. Baka mamaya kung saan ka na naman ikulong niyan ni miss, pagod na
kami sa taguan." Si Baldo.

Huminga ako ng malalim, "Ok." Wala na nga siguro akong magagawa kaya hindi ko na
pinagpilitan pa lalo na't tutol ang iba kong kasama. I have to understand them.
Hindi ko rin maintindihan yung sarili ko, kung bakit ko nga ba ginagawa 'to, kung
para saan nga ba talaga.
"Let's settle this later." Morris said.

"I hope nagkakaintindihan na tayo team two. Now, go outside. The second part of
this game is waiting."

---

"A-ano to?" we were surprised on what we saw. Pagkarating namin sa labas ng main
house bumungad sa'min ang mga sala-salabat na tali, parang sapot na magkakaikot,
gulu-gulo na nakatali sa apat na posteng itinayo.

"Wag kang lumapit Baldo! Look." Lily pointed somewhere, "Makukuryente ka!."
Tiningnan namin 'yon ng mabuti, at hindi nga basta-bastang ordinaryong tali 'yon.
Biglang kumabog yung dibdib ko... Miss Karen won't do this... she won't kill us
right? Gusto kong sumilip sa mga mata nila, para makita ko kung ano ang mga
mangyayari... pero hindi... wag ... mas delikado ang kapangyarihan mo Jill... Hindi
mo pwedeng gamitin to...

"Damn it." Narinig ko yung pabulong na mura ni Morris.

"Listen team two." Mula sa kung saan narinig namin ang boses ni miss, tsaka lang
namin narealize na may mga speakers din pala na nasa labas, "The second game is---"

"Are you trying to kill us?! Wala 'to sa usapan!" sa sinigaw ni Morris, napakunot
ang noo ko. Usapan? May kinalaman ba 'to sa mga sinabi sa'kin ni Aya?

"Ano'ng usapan Morris?" nagtanong si Aya, "wag mong sabihing may alam ka sa mga
nangyayari ngayon!"

"Shut up, Mariah!"

"Anong usapan yung tinutukoy mo! Sumagot ka!"

"Hey, hey, chill, men! Martinez, mamaya na kayo mag talo, makinig na lang tayo kay
miss nang matapos na lahat to, okay?" pumagitna si Tadeo sa kanilang dalawa, gusto
ko sanang mangialam pero tama si Tadeo, we need to finish this freaking game first.
Kapag natapos na ang lahat-lahat ng 'to, malalaman ko na rin kung sino yung natrack
ni Yue, yung blogger, he told me to wait until this recollection end.

"Team two." Nagsalita na ulit si miss Karen, na para bang walang narinig sa mga
sinigaw nila Morris at Aya, "This time, I want you to choose your partner." Aya
automatically held my hand, hindi naman ako tumanggi. "Mamimili kayo kung sino sa
inyo ng partner niyo ang pipiringan, while the other one na walang piring ang
magkocommand kung paano tatawid sa gitna ng wires yung nakablind fold."

We're really doing this? Seriously? No, Jill, you can't look at their eyes...
Ayokong makita, hindi pwede.

"Ako na lang yung nakapiring." Sabi ko.

"H-ha? Jill... Sure ka?"

"May tiwala ako sa'yo, Aya."Nabigla siya sa sinabi ko... na para bang gulat na
gulat at may kung anong himala sa narinig niya.

"Sandali nga, p-pwede naman sigurong hindi natin to gawin diba?" Sabina said,
"pwede naman tayong tumanggi at umayaw kung gugustuhin natin diba?"

"Tingin ko..." nagsalita na sawakas si Senji, "may mabigat na dahilan kung bakit
niya pinagagawa lahat ng 'to. Sa totoo lang, wala dapat ako rito ngayon, pero
pinilit niya ko," ang tinutukoy niya bang pumilit sa kanya... ay si miss? " Pero
sinabi niya, na malalaman ko ang lahat-lahat kapag pumunta ko."

"Malalaman lahat-lahat? Kinausap ka ni miss Karen? Bakit?" sunud-sunod na tanong ni


Baldo.

"Inutos daw ni Lucille sa kanya." What?

"But she's dead." Lily emphasized the word 'dead'.

"Kaya nga gusto kong tapusin yung laro para pare-pareho nating malaman! Yang Karen
Italia na yan ay konektado kay Lucille!"

"Senji men, kumalma ka na rin men, walang mangyayari sa'tin sa kakaganito."

Anong ibig sabihin ni Tamaki na konektado si Lucille kay miss Karen? Paano? Damn.
This is so frustrating. Morris. Lucille. Bakit ba hindi ako makatakas-takas sa
nakaraan na hanggang ngayon nagiging palaisipan sa kasalukuyan ko. Right, we need
to finish this... pagkatapos... pagkatapos maaayos na lahat... pagkatapos malalaman
ko na lahat...

The masked guys handed us the blind folds. Aya helped me to put this thing on.
Nagdilim na yung paningin ko, wala na akong makita kundi kadiliman at si Aya lang
ang tanging nakaalalay sa'kin. But hell, sanay na ko sa ganito, walking into
darkness without knowing where's the right path, this is my life, I'm walking in
darkness , alone.

"Mukhang handa na kayong lahat. Pumunta sa kabilang dulo ng spider web yung mga
hindi nakapiring. Simple lang yung laro, yung mga nakapiring ang tatawid habang ang
mga may mata ang mag-iinstruct kung paano lalakad at iiwasan yung mga wires.
Hangga't hindi nakakatawid ang lahat ng nakapiring, hindi matatapos ang laro. Don't
worry, grounded ang mga tali pero hindi nakamamatay, nakasalalay sa partner niyo
ang lahat. Just endure the pain. Well, good luck."

Nagsimula na nga yung second game pero hindi pa rin ako nakakapasok sa loob ng
'spider web', I can't clearly hear what Aya is saying, kaya hindi ako gumagalaw,
puro sigawan at malalakas na daing ng sakit ang naririnig ko,

"Morie! Umabante ka! Abante ng tatlo!" I followed her, "Taposkldklaklfjasjf

Hindi ko na maintindihan yung mga sumunod dahil nagsasabay ang boses nila ng iba. I
dared to move by my own pero nagkamali ako dahil nasanggi ko yung isang wire at
naground ako. Hindi ko pala kaya mag-isa, hindi ko talaga maintindihan yung mga
instructions na binibigay ni Aya.

"TEKA! TUMAHIMIK KAYONG LAHAT! MAGSITAHIMIK KAYO! TANG*N* TUMAHIMIK KAYO!"


That was Senji's voice. Nagsitahimikan nga sila, nawala yung ibang nagsisigawan.

" Kung sabay-sabay tayong lahat na magsisigawan at magsasalita, walang mangyayari


sa'tin dito, hindi tayo matatapos, masasaktan at masasaktan lang sila ng paulit-
ulit dahil sa hindi natin pagkakaintindihan! Magkakampi tayong lahat dito, hindi
'to paunahan, kailangan lang nila makatawid para matapos na lahat ng kagaguhang
'to!"

I can't believe that he could say such things.

"Hindi tayo magkakalaban dito, tutulungan natin ang isa't isa! Naiintindihan nyo
ba?!"

They did what Tamaki exactly said, isa-isa nilang binigyan ng instructions kaming
mga nakapiring, ako ang inuna nilang binigyan ng malinaw ob as, this time
magkakatulong na silang magbigay ng instructions. When I reached the other side,
tinanggal ko yung piring ko then Aya hugged me tight. Tinulungan ko na rin sila.
Kaya naman natapos din naming lahat yung laro.

Lahat hingal na hingal.

"PAKSYEEEEEEET!!!" sumigaw si Tadeo, nakahandusay sa damuhan habang lumuluha, hindi


ko alam kung ano yung rason ng pag-iyak niya.

"Good job team two." Her voice appeared again, wala man lang bakas ng kahit anong
pag-aalala, kasiyahan o kahit kalungkutan man lang. "Bumalik na ulit kayo sa loob
ng common room."

Hindi kami kaagad nagsikilos. Sila Penelope ay tulala pa rin sa mga nangyayari.

"Guys, tara na..." yaya ni Morris.

"Hindi ob a nakikita Morris, hindi na namin kaya." Sabi ni Sabina.

"Please guys, tara na."

"Ano ba kasing meron, Morris." Nagmamakaawang tanong ni Penelope.

"Narinig mo yung sinabi ni Tamaki kanina. Tara na. Kaya niyo pa."

Bumalik na kaming lahat doon, napapanuod din pala kami ng team one dahil sa mga
nakaset up na camera. Hindi mo mawawari kung ano yung tingin nila sa'min, kung
naaawa ba o ano. Tila nawala lahat ng kinain naming pagkain kanina... Kaunti na
lang, bibigay na yung mga kasama ko. Kaunti na lang... Hindi pa rin ba matatapos
'to?

"Only two from you will proceed to the third game. At dahil si Jill Morie ang
naunang nakatawid kanina, silang dalawa ni Mariah ang magpapatuloy sa third game.
Mas madali ang third game," then she showed a paper na may mga letra...

G T Y O R J O T E O U I A B G T

"What does this message say?"


Hell, I don't have an idea. I glanced at Aya, she looked so serious, and I've never
seen her like that before. Mukhang alam niya yung sagot. Kaya hinawakan ko yung
kamay niya, "Go. Tell her."

"H-ha?"

"Kung alam mo yung sagot, sabihin mo sa kanya."

Tumango na lang siya... Then she raised her hand. "Umm... Miss... Alam ko po kung
ano yung meaning."

"What? Aya, alam mo?" di makapaniwalang sabi ni Baldo.

"Great. Job. You. Got. It."

"That's correct."

Lahat ng tao sa silid na yon ay napanganga kay Aya, wow, hindi ko alam na may alam
siya sa mga ganitong klase ng puzzle. How can I know?

"This is suspicious." Napatingin kami kay Lily. What? Suspiccious? "Kanina you know
how to read morse code... then..."

"Mariah, will you please show us your solution?" sabi ni miss Karen kaya naputol
tuloy yung sinasabi ni Lily. Nagpunta kaagad si Aya sa white board at doon sinulat

G T Y O
R J O T
E O U I
A B G T

"Kapag binasa niyo ng pavertical at by column, makikita niyo yung hidden message...
Ito yung tinatawag nilang Caesar Box..."

Tiningnan ko yung mga kasama ko, hindi mawari kung ano yung mga expression nila,
nagtataka, naguguluhan na namamangha. Ano naman ang nakapagtataka kung alam ni Aya
magbasa ng morse code at magdecipher ng ganitong puzzle?

"H-hindi ba masyadong nakapagtataka?" narinig kong bumulong si Yue kay Penelope.

"Y-yeah, coincidence lang ba na alam ni Aya yung mga puzzle at codes na binibigay
ni miss Karen? Kanina ko pa tinatanong si Aya but ayaw niya kong sagutin..."

"Hindi coincidence 'to." Sumingit si Morris sa usapan nilang dalawa.

"Sinadya lahat ni miss lahat ng 'to. She knew."

"Anong ibig mong sabihin, Morris?" hindi nila namalayan na nakalapit na ko sa


kanila. Tumingin siya sa'kin, direkta sa mga mata ko. Bubuka na yung bibig niya
para sagutin ang tanong ko nang mabulabog kami sa pumasok na nakamaskarang lalaki.

"Sumama ka sa kanya Mariah, because you won in this game, you'll have to see your
prize." Miss Karen said. Hindi maganda ang dating nito sa'kin. Mas hindi maganda
ang kutob ko. Tumingin ulit ako kay Morris na seryosong nakatingin kay Aya.

"Morris..." tawag ko pero hindi siya tumitingin sa'kin.


"Malalaman na nating lahat..." sagot niya...

<///3

[Muli, maraming salamat sa pagbabasa. Thank you po. Pasensya na lang sa mga errors,
grammars, etc. Any concerns, questions, bashing (hahaha) please pm na lang po.
Thank you ulit *hugs* At dahil dyan magrereview na ko para sa finals ko next week.
tapos bakasyon na!! hoo! so, babye ulit! ciao!]

[yung multimedia, yung mga characters, nakumpleto ko rin sila haha. Jill, Morris,
Lily, Aya, Baldo, Sabina, Yue, Penelope, Tadeo, Tamaki, Ireneo, miss Karen]

/32/Truth or Die?

/32/Truth or Die?

-Morie-

"Penelope."

"Bakit Jill?"

"Umm... Anong oras na?"

She glanced at her wristwatch, "8:50. Thank goodness gumagana pa yung relo ko after
nating magsplash kanina sa falls."

"Buti na lang. Sige, thanks." Bumalik ulit ako sa kinuupuan ko. Kalahating oras na
ang nakalilipas pero hindi pa rin nakakabalik si Aya rito. Kaya naman kanya-kanya
lang sila ng ginagawa rito sa common room, pinapatay ang oras while waiting for
miss Karen's next orders. Kanina ko pa nahahalata yung dalawa kong kaklase na para
bang hindi mapakali at gustong lumapit sa'kin, I can feel their gazes beside me.

"Jill." Si Baldo, umupo siya sa tabi ko.

"Oh?"

"Kanina pa yung dalawa na yun oh, si Celine at Trinie." Tinuro niya yung dalawa,
"hindi rin ako mapakali sa kanila eh, ako lalapit dyan." Tatayo siya at akmang
lalapit doon pero hinila ko sya pabalik sa upuan.

"Wag, hayaan mo sila, lalapit din yan mamaya." Sabi ko.

Tumango lang si Baldo, "Sige, punta lang ako kila Morris at Tadeo." Paalam niya
tsaka umalis sa tabi ko. At tama nga ko dahil pagkaalis ni Baldo ay lumapit na
silang dalawa sa harapan ko.

"Umm... Morie." Celine said, "Thank you nga pala."

"Para saan?"

"Kanina, sa sinabi mo kay miss Karen."

Ah. Yung sa dinner.

"Tsaka gusto naming magsorry." Sabi naman nung Trinie.

"Magsorry?"

"Mas pinili pa rin namin si Ireneo kaysa sa'yo."

"Sorry talaga."

I can feel their sincerity that made me speechless. Pero... hindi ko alam kung
paano magrereact sa sinabi nilang dalawa sa'kin. Hindi ko alam kung ano ang dapat
kong maramdaman sa mga oras na 'to. Hindi ko naman ginawa 'yon para magsorry sila.

"Wala 'yon." Tanging lumabas sa bibig ko at binaling ang tingin sa ibaba. Umalis na
silang dalawa sa harapan ko pero hindi lang pala sila yung may gustong lumapit
sa'kin. Nagulat ako nang makita sila at marinig na nagpasalamat at humingi ng
sorry. Mas lalo akong naging speechless sa mga nangyayari.

"Jill." This time si Alexi Sabina naman ang nasa tabi ko, tumingin ako sa gawi niya
pero siya naman ay nakatingin lang ng diretso sa unahan. Ok lang, nang hindi ko
makita ang mga mata niya na minsan ko nang nakita noon.

"Hmm?" tumingin din ako sa harapan kagaya niya.

"Alam mo kung gano ko nabully after lumabas yung photos sa freedom board."

"Alam ko."

"Mas pinili kita kaysa kay Ireneo dahil gusto kong magpasalamat. Sa mga sinabi mo
sa'kin noon... Nawala lahat ng mga tinuturing kong kaibigan. Walang tumayo para
sa'kin..."

"Mali ka."
Napahinto siya, "Sa kabila ng lahat, may isang tao pa rin ang laging nandyan para
sa'yo. Si Baldo." Ramdam ko na tumingin siya sa'kin, ,"ginagawa niya ang lahat
para sa'yo, pero masyado ka kasing naging bulag. Kaya wag ka sa'king magpasalamat,
kundi sa kanya."

"Hoy, narinig ko yung pangalan ko." biglang sumulpot si Baldo mula sa kung saan,
nagulat siya nang makita na katabi ko si Sabina, "Lexi..."

"Oh, pano, Baldo, ikaw na bahala dyan," tumayo ako tapos siya yung pinaupo ko sa
pwesto ko.

"A-ano Jill?"

Tinapik ko siya sa balikayt tsaka ko ngumiti at umalis sa pwesto nila, silang


dalawa ang dapat na may pag-usapan. Pupunta sana ko sa pwesto nila Penelope pero
bigla siyang humarang sa dadaanan ko.

"Masaya ka ba?"

Matangkad si Ireneo kaya hindi ko siya tiningala, pero mukhang ayaw niya kong
palampasin dahil sa mga nangyari kanina. Narinig at nakita naman siguro niya kanina
yung mga pinagsasabi sa'kin ng mga iba naming kaklase sa'kin.

"Baka nakakalimutan mo yung mga nangyari noon, Morie."

"Tumigil ka na, James." May pumagitna sa'ming dalawa, napatingala na 'ko, si


Morris.

"Woa, look who's here." Ireneo laughed, "Hey, Tamaki! Your best pal is here, the
best pal who betray---

"SHUT UP! WALA KANG ALAM JAMES!" pumuno ang sigaw ni Morris sa loob ng buong silid,
lahat nakatingin sa'ming tatlo. Alam ko na patutunguhan ng usapan na 'to kaya
hinawakan ko sa braso si Morris para awatin siya

"Morris, please."

"Men, wag mo na patulan yung kabaliwan niyan." Lumapit na rin pala si Tadeo para
awatin si Morris, "tara na men." Hinila niya na palayo si Morris habang naiwan
kaming dalawa ni Ireneo, magkaharap sa isa't isa. Hindi niya na suot yung salamin
niya, tumilapon ata matapos siyang sugurin ni Tamaki kanina.

"Bakit hindi ka makatingin ng diretso sa mata ko, Morie." Nang-aasar na sabi niya
nang maiwan kaming dalawa na magkaharap.

"Wag mong sukatin ang pasensya ko, James."

"Now, you're calling me James." He started to walk around me, "Baka nakakalimutan
niyo yung nangyari that this girl made her best friend to suicide." Tiningnan ko
sila, natahimik at nakayuko. Mas lalong humihigpit ang pagkuyom ng dalawa kong
palad. Haharapin at sasagutin ko na sana siya nang bigla ulit lumiwanag ang screen
at ipinakita si miss Karen. Nabaling tuloy ang lahat ng atensyon sa screen dahil
kapansin-pansin ang kakaibang ngiti niya sa'min.

"We're finally at the last part of this game, but before we begin, let's have a
recap." Para siyang nagho-host ng isang tv show, or let's say para talagang tv show
dahil biglang nagflash sa screen yung mga nangyari kanina, at katulad nga ng mga
nasa tv program, nagnanarrate siya habang ipinapakita yung mga video clips, "Six
pm, when we started the game, all of you took the exam and Ireneo got the highest
score while Morie got the lowest. Namili ang buong klase sa pagitan nilang dalawa
kung sino ang ililigtas, team one have twenty nine members while team two have only
nine. In the end, team one got here first but due to their defiance over the rule,
team two won. Team two continued the game by crossing over the 'spider-web',
fortunately, Mariah and Morie was the first pair to complete the task. The fourth
round between Morie and Mariah was a puzzle question, the latter correctly answered
and she finally came here for the final round of this survival game."

Nawala yung video clips ng recap at muli siyang lumitaw sa screen, nakangiti siya
pero hindi ang mga mata. Naririnig ko na yung mga bulung-bulungan sa paligid ko,
punumpuno ng pagtataka at katulirohan, kung ano ang mga mangyayari. Parang walang
komosyon na nangyari kanina lang.

"Now, I want to present to you the survivor finalist, Mariah Elise Martinez." Then
the camera cut in another shot.

What the hell...

"Aya!"

Pare-pareho kaming nagulat sa nakita nang sumindi ang isang liwanag sa kinaroroonan
nila miss, sa isang upuan nakaupo si Aya at walang anumang bakas ng kasiyahan sa
kanyang mukha.

"Umm... Miss Karen, akala ko po ba makikita ko rito yung prize ko?"

"I'm sorry Mariah, pero wala rito ang premyo mo," Umupo si miss Karen sa upuan na
kaharap ni Mariah, there are camera all over, the view is changing whoever it
focused on.

"P-po?"

"Nasa common room ang regalo mo."

"Eh... Ano pong ginagawa natin dito, miss?"

"To play the last game. I am your last opponent."

Naramdaman kong humawak sa braso ko ang malamig na kamay ni Penelope. Nasa tabi ko
na rin sila Yue at Baldo, hindi sila nagsasalita pero alam kong nakukutuban din
nila kagaya ko na may hindi na naman tama sa mga mangyayari. Tahimik lang na
nanunuod yung iba but deep inside they're hoping na matapos na ang lahat ng laro
ni miss Karen. Gusto ko na rin matapos ang lahat ng to para mabunyag na ang lahat
ng misteryo sa kabila ng lahat.

"Napakadali lang naman ng laro Mariah, mas madali kumpara sa mga nauna. You just
have to draw a card, kapag nahulaan ko, I won, kapag hindi, you won. But of course,
we have to face the consequences whatever might happen." Pagkatapos ay inilagay
niya sa ibabaw ng mesa ang isang deck ng playing cards, she spread it using her
right hand. Kampanteng kampante ang mukha ni miss Karen, na para bang sinasabi ng
mukha niya na kayang kaya niyang hulaan yung barahang mabubunot ni Aya.

"A-ano yung magiging consequence miss?" Aya's voice is shaking, as if she's going
to die... Mas humigpit yung hawak sa'kin ni Penelope, whispering Aya's name, I hold
her cold hands to make her at ease.

"Don't worry, Penelope, she'll be fine. Just trust her." She nodded,
Binalik ko ulit yung tingin sa screen, this time may kinuha si miss Karen mula sa
bulsa niya, parang isang maliit na remote na may isang button, she smiled
devilishly before she answer, "Truth or Die." Right after na pagkasabi niya ng mga
salitang 'yon ay halos mapasigaw sa gulat ang buong klase namin.

"Men! Sabi sa inyo, death bell 'to! Death bell!"

"Tadeo, wag kang magpanic, m-malay mo n-nagbibiro lang si m-miss K-karen!" Penelope
cried out.

"Hindi siya nagbibiro Penpen, kilala mo si miss." Sabi ni Yue.

Halos manlaki ang mga mata ni Aya sa sinabi ni miss, she can't normally breath, but
she chose to be brave in this moment, halatang nilalaban niya yung takot, "A-anong
ibig mong sabihin sa die... miss Karen?" galit na tanong niya.

"You see this?" ipinakita ni miss yung remote na inilabas niya kanina, "One press
everything's going to be mess."

"H-ha?"

"The present of yours in the common room...... is a bomb."

After telling the word 'bomb' everyone began to manic panic. Bigla silang lahat
pumunta sa pintuan para lumabas pero hindi nila iyon mabuksan, the room was filled
with shouts and cries, but I remained calm. Miss Karen, why do you need to go far?
Why are you doing this?

"Everyone! Don't panic! We're not going to die! Naiintindihan niyo?!" Ireneo
yelled, mabuti na lang at sumunod naman sila, kahit na napuno ng takot ang mga
saloobin ay tumahimik sila at muling humarap sa screen.

"If I guessed the card correct, it means that you have to choose, Mariah, you have
to choose either 'truth' or 'die'. If you didn't choose to tell the truth, I'm
going to press this button... and... kaboom!"

Parang nawalan na ng tuluyan ng hininga si Aya nang sabihin iyon ni miss. I get it,
the bomb thing... ginamit lang yun ni miss para mapilit si Aya na piliin ang
'Truth'. Pero... paano kung... paano kung hindi piliin 'yon ni Aya? Paano kung
hindi kaya ni Aya na sabihin ang totoo? Then she'll press the button? I don't think
that miss Karen could really do this... I mean... she won't kill her students. I
remember her first day in teaching, she taught about 'life'. Kahit na ipinamukha
niya sa'min noon na may kumpitensya sa buhay at puno ng hindi pagkakapantay-pantay,
I think she value the 'life' in this world... There's no way she could kill...

"Baldo, tulungan niyo ko." sabi ko.

"Na ano?" kinakabahan na rin yung boses niya, probably dahil sa nangyayari ngayon,
sinong hindi kakabahan?

"Na hanapin yung bomba." We searched all over the room habang pinakikinggan yung
mga nangyayari, tumulong sa paghahanap yung iba naming mga kaklase.

"I-ito ata." They found a shoe-box sized box na nakatago sa likuran ng isang trash
can. Nanginginig na binuksan nila yung takip at tumambad sa'min ang isang time
bomb. Muntik na naman silang magpanic nang makita ito pero sinabi ko sa kanila na
wag silang mag-alala masyado, nothing will be resolved by panicking.

"You have to tell me everything!" then I faced Morris, na nasa tabi ko kanina pa,
"Bakit siya?! Bakit si Aya?!"

"Yoh, Jill, sinabi mong kumalma kami tapos ngayon ikaw 'tong hindi kalmado. Chill!
Wag kang masyadong magalit kay Morris, men." Tadeo stood between us.

"Mariah, please pick a card." Bumalik lahat ng atensyon namin sa screen, pumipili
na ng baraha si Aya... Then she picked..... Nanginginig ang mga kamay niya....
"Very well... Then..."

"You picked... the... Queen of clubs." Aya was shocked. Kung ganon tama si miss
Karen? Paano? "Am I right? Queen of clubs, right? Please show me your card,
Mariah."

Binitawan ni Aya yung baraha sa mesa at himalang tama nga ang hula ni miss Karen.
Everyone in the class was shocked too, they can't believe that she got it
correctly. No, hindi 'to himala. It's either may pandarayang ginawa si miss or...
she's not normal... Ang ibig kong sabihin... hindi kaya... katulad ko siya? Which I
suspect from the very moment na nakipag-usap siya sa'kin sa counseling room.
Konektado ba 'yon sa kung bakit wala akong nakikita na kahit anong hinaharap sa mga
mata niya?

"So, paano na yan, Mariah, I won." She said, smiling, "You have to face the
consequences now... Marami akong itatanong sa'yo, then you have to choose: 'truth
or die'? When you failed to answer the truth, as I've said earlier: 'One press
everything's going to be mess'. Hindi ko na patatagalin pa ang mga tanong, they're
waiting you know," itinuro pa ni miss ang direksyon namin sa camera. "I know that
they're really excited."

"She won't choose die." Sabi ni Penelope. "She won't."

"Alam mo bang sinadya ko lahat ng puzzles na 'yon, especially for you. First
question Mariah, t paano mo natutunan ang lahat ng puzzles na ibinigay ko. Truth or
Die?"

She's cruel... Making her student to choose between the truth and death, this is so
cruel. But we need to know the truth... Hindi ko talaga maintindihan bakit sa
dinami rami namin sa klase si Aya pa.

"Mariah, I repeat truth... or die?" she raised the remote, "kapag hindi ka sumagot
within five seconds, automatically..."

"Truth! Ok, truth"

"Very well... "

"Natutunan ko lahat ng 'yan noong huling taon ng junior high, two years ago. Si...
Lucille.... Siya ang nagturo sa'kin lahat ng puzzles na 'yan."

What? Si Lucille? Wala akong naalala na naging malapit sila sa isa't isa. Lucille
is my very best friend, lagi siyang nag-oopen sa'kin pero sigurado akong wala
siyang binanggit sa'kin na kahit anong tungkol kay Aya.

"Jill." Si Morris, "I promise I'll explain... pagkatapos lahat ng 'to,


magpapaliwanag ako sa'yo... Whatever youl see, ipapaliwanag ko sa'yo pagkatapos."
He held my hand then he closed his eyes. Hindi ko siya maintindihan at first, then
images flashed in my mind. A-ano 'tong nakikita ko?

***"Hi Aya."***
***"Aya?"***

***"Mas bagay na tawagin kang Aya than Mariah, mas bagay sa'yo kasi you're so
cute."***

***"Wow, dapat ako rin may nickname sa'yo, Lucille, umm... aha! Lucy!"***

Pinilit kong bumitaw kay Morris pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya
sa'kin, he opened his eyes tapos nawala lahat ng visions sa isip ko. What the hell
was that?

"Don't tell me..."

"It's the past."

"Paano?"

"Sabi ko, I promise I'll explain pagkatapos ng lahat ng 'to." Nakita ko ang
pagmamakaawa sa mga mata niya, kaya napahinga na lang ako ng malalim. Ever since na
kapag tumitingin ako sa mga mata ni Morris, wala akong ibang makita kundi nakaraan,
matagal ko ng iniisip kung... kung pareho ba kami... Kung...

"That's correct. "

Medyo naging maayos na yung mood ng iba naming mga kaklase kahit papaano naman ay
kumalma na sila at nakatutok sa screen. Planado ang lahat ng 'to. Planado kung
bakit siya ang naroon ngayon. And there's definitely a significant reason behind
this.

"Now... Sinabi mo na si Lucille ang nagturo sa'yo ng mga codes at puzzles na 'yon,
I bet that they're all uth oconfused kung paano kayo nagkaroon ng relasyon sa isa't
isa ni Lucille. How did you meet each other? Truth or die?"

Hindi kaagad nakapagsalita si Aya, punumpuno ng takot? Pagkabigla? Ang mga mata
niya na nakatingin kay miss Karen, nanginginig at para bang ayaw niyang ibuka ang
bibig.

"Truth?... Or Die?" ulit ni miss.

"Bakit... Bakit mo tinatanong sa'kin lahat ng 'to? Ano'ng gusto mong mangyari?" her
voice are trembling, she's about to cry pero pinipilit niyang huwag iyon tumulo.
Bakit nga ba? Bakit si Aya?

"You are not allowed to ask a question when I'm asking you, or else I'll press this
button..." she warned her in a cold manner, "tell me the truth."

Aya smirked, "Pinlano niyo 'to no? Pinlano niyong dalawa ni Morris na iset up ako
rito?"

"Don't test me, Mariah." she was about to press the button but Aya cut her.

"Nakilala ko siya noong mga panahong puno ng kadiliman ang buhay ko. Ang hindi niyo
alam," yumuko siya habang nagsasalita, "nakaranas ako ng matinding pambubully mula
sa mga kaklase ko dati. Walang nagtakang tumulong kahit na isa,walang saklolong
dumating na para sa'kin."

***"Hahahahahahahahahahahahahaha." ***

*** "Hey, may alam akong magandang hairstyle, try natin sa'yo." ***
*** "Buhos nyo na lahat!" ***

*** "Boom! Three points!" ***

*** "Mariah is a certified loser." ***

Mas hinawakan ni Morris nang taimtim ang braso ko at tila nagpadala iyon ng mga
imahe sa aking isip at nakita ang mga larawang gumagalaw na nagpapakita ng
eksaktong pangyayari na isinasalaysay ni Aya.

No. I want this to stop but I can't, as long as hawak ako ni Morris hindi nawawala
sa utak ko yung mga imaheng gumagalaw... Then the scene changed into a gloomy rainy
afternoon.

"Umuulan. Palakad-lakad ako sa grounds nang maramdaman kong may sumilong pala
sa'kin. Nakita ko siya. Ang tanging tao na nagbigay liwanag sa madilim kong
mundo....Sikat pala siya sa white knights, kaya pinangarap kong maging kaibigan
siya balang araw, kahit na malayo ang pagitan naming dalawa, mas pinagbutihan ko
ang pag-aaral para makapagtransfer. Pero kahit na nakasama na ko sa block niya,
hindi ko pa rin siya malapitan."

Huminto si Aya at dahan-dahan dumiretso na ng tingin, luhaan ang mga mata, basag
ang tinig at nanginginig ang boses.

"Dahil kahit kailan hindi niya ko makikita, hindi magiging ako si Jill Morie. Hindi
ako magiging katulad niya kahit kailan.."

I gaped.

"Naiinggit ako sa kanila ni Morris dahil ang lapit nila sa isa't isa" mapakla
siyang tumawa, hindi ko alam na nanginginig na rin pala ang dalawang binti ko at
para bang ibang iba na Aya yung napapanuod ko ngayon, hindi, hindi si Aya 'to,
gusto kong isipin na hindi siya 'to, "Walang nakakapansin sa'kin kahit isa."

"So it's you. You're the one who put that letter under her desk."

"Oo. Ako." Nag-iba ang kanyang tinig, naging matigas, mapait. Kumurba ang isang
mapait na ngiti sa labi, maya-maya'y naging maasik, parang halimaw na may kumawala
sa kalooban, hindi, hindi si Aya 'to, hindi ito ang kilala kong Aya.

****"Morieee, good morniiiiing! Kumain ka na baaaa? Sabay tayong maglunch,


pleaaaase. Say hi to the camera! Kyaaaaah, Morieeee****

"Ako ang naglagay ng pekeng sulat sa ilalim ng desk niya."

Hindi ako, kaming lahat, lalo na si Ireneo, gulat na gulat sa sinabi niya. Hindi
maaari, bakit Aya? Bakit?!

"Ginawa ko yun para gumanti sa dalawang taong kinaiinggitan ko ng lubos!" tumayo


siya pagkahampas ng dalawang kamay sa mesa, luhaan, "Yung dalawang tao na
pinagkakatiwalaan niya at tinuturing na matalik na kaibigan, na hindi tumayo noong
nasa oras siya ng kagipitan."

"Ano bang pinagsasabi ni Aya, Jill!" sigaw ni Penelope, humihikbi. "Baldo! Yue!"

"Hindi ko alam Penpen..."

"Jill!" niyuyugyog niya na ko pero parang nawala na rin ako sa sarili ko. Mga
pagtawag lang ni Penelope ang maririnig sa buong silid, lahat ay natigagal, si
Ireneo napaupo sa nalaman at natulala. Muli kong binalik ang atensyon sa screen,
nahihirapan akong makitang ganyan si Aya, nahihirapan ako para sa kanya.Wala pa rin
bahid ng kahit anong emosyon si miss Karen matapos sabihin lahat ng 'yon ni Aya.

"Ano ang ikinamatay ni Lucille, Mariah?" she insensitively asked as if wala lang
ang kamatayan para sa kanya.

"Nagpakamatay siya."

"It's a lie." Hindi nakapagsalita si Aya, kaagad na tumayo si miss Karen sa


kinauupuan niya, "At dahil sa napag-usapan natin... na tanging katotohanan lamang
ang dapat na marinig, hindi mo nasunod ang rules."

"A-anong ibig mong sabihin, m-miss Karen, n-nagsasabi ako ng totoo." Nagmamakaawang
sabi ni Aya.

"I'm sorry." Then she pressed the button. Halos mapasigaw na naman sila, nanlaki
ang dalawa kong mata, parang bumigay na yung buong sistema ko, nanatili lang akong
nakatayo habang nagkakagulo na sila. Tumunog yung time bomb, hudyat na naactivate
na ito.

Magulo

10

Maingay.

Wala kong maintindihan.

5
4

Nagblack out.

<///3

To be continued...

[dito ko muna puputulin, hehe. pasensya na sa ud, sabaw. maraming salamat pa rin
sa pagbabasa, pagsuporta, mas lalo na sa mga nag-eeffort magvote at magcomment,
naapreciate ko ng sobra. GOD BLESS :)]

/33/ Resolution

/33/ Resolution
***"Mas bagay na tawagin kang Aya than Mariah, mas bagay sa'yo kasi you're so
cute."***

***"Wow, dapat ako rin may nickname sa'yo, Lucille, umm... aha! Lucy!"***

Tila biglang bumagal ang paggalaw ng buong paligid. Bumitaw siya sa pagkakahawak sa
braso ko. Para akong naging bingi, na walang ibang marinig kundi ang tunog ng oras
na unti-unti nang nauubos. Nagkakagulo silang lahat sa di maipaliwanag na dahilan,
sa takot na sasabog nga ang bomba sa kahon na iyon.

"A-anong ibig mong sabihin, m-miss Karen, n-nagsasabi ako ng totoo.".

"I'm sorry."

Hindi ko inaasahan na aabot sa ganitong punto ang lahat. Hindi ko inaakala ang
lahat ng mga sinabi ni Aya. Mga palaisipang nanatili pa ring palaisipan.
Katotohanang ikinubli ng kasinungalingan. May mga sumisigaw ng pangalan ko, pero
natuod lang ako sa kinatatayuan ko. Katotohanan o kamatayan? Kalokohan.

...

Everthing went black... Sa isang iglap natahimik sila, tumigil din sila sa
paggalaw. Nakakabingi ang katahimikan. Napapikit ako kasabay nang pagbalik ng mga
alaala sa isip ko, mga pangyayari sa nakalipas, masasaya, masasalimuot. Hindi ko
alam kung masyado lang akong madrama, pero ganito ba talaga kapag malapit na ang
katapusan mo? Hindi ako sigurado. Tiyak kong wala akong mararamdaman... Pero...

"Jill!"

Ang boses na 'yon...

"Jillianne!"

Napadilat ako.

"Tingin ka rito, say hi!"

Hindi lang ako, maging sila, nakatutok sa screen na muli na namang lumiwanag... at
nakaplay ang isang video... mula sa nakalipas. Pare-pareho naming hindi alam kung
paano, bakit, kailan... Napawi ang takot sa aming mga dibdib, napalitan ng
pagtataka, pagkabigla... Sabagay, sa simula pa lang marami ng mga tanong na may
naghihintay na kasagutan.

"Cille, bumalik ka na sa formation!"

"Later! Mag-hi ka muna!" Di ko inaakalang may nag-eexist pa palang ganitong


memorabilia. Si Lucille ang may hawak ng video cam, pilit niyang kinoclose-up
sa'kin yung cam habang nagpapractice ang block namin sa cheering competition,
maririnig pa sa background yung ingay ng mga nagpapractice pero nangingibabaw pa
rin yung boses niya, "That's Jill, she's my best friend, ang ganda niya no? Cool
pa." nagsasalita siya na para bang kinakausap kaming lahat, "What I really like
about her is that she has free-will personality, like who cares? On the outside she
looks so serious, pero inside she's really cute talaga." Inilipat niya sa ibang
direksyon yung cam, "and here is my second best friend, Morris, hindi niya gustong
tinatawag siya sa first name niya, ang baho kasi," she giggled, "but I still want
to call him in his first name, hoy, George! George!"

"Tigil mo nga 'yan, magpractice ka rito."

"Napipikon na siya, haha." Inilipat na naman niya yung view, "And there's... James!
I always thought that his eye glasses is pretty cool, wala akong masabi sa kanya,
he's a great leader. Yoh leader, keep up the good work!" kitang-kita sa camera ang
pag ngiti ni Ireneo. Nagring ang bell sa background... "Yey! Break time! Look
papalapit na sila rito para kumain, buti na lang tinulungan ako ni Penelope mag-
ayos ng merienda, hi Pen!" pero tinakpan ni Penelope yung mukha niya, "Don't be
shy, Pen! Ayan na sila oh. Hey guys! Kamusta practice?"

"Madaya ka hindi ka nagpapractice." Si Morris, pilit na inaagaw yung camera sa


kanya.

"Hey! Wag kang epal, George. Hi guys! Say hi!"

"Hi!" they all waved cheerfully...

"So, this is our class block B first year in junior high, so far everything's
great, ang daming mga moments na masasaya in our class. Tingnan niyo, the duo, si
Cris at Roman," the camera began to wobble, pinag-aagawan kasi ni Baldo at Tadeo
yung screen

"Yoh, yoh, ako nga pala si Roman Tadeo ang pinakagwapong nilalang sa---"

"Kupal ka, Tado, sige lagot ka kay Senji"

"Joke lang men, 'Cille, Senji oh." She zoomed the camera to his face, si Tamaki,
"Men! Mag hi ka naman!" pero kinamot niya lang yung ulo niya, "Pagpasensyahan mo na
yang si Senji, alam mo na, mahina yan sa'yo eh-aray! Baldy, sakit ng siko mo ha!"

"Marinig ka ni Senji, lagot ka."

"Bakit, Cris?"

"Wala! Wala! Sibat na kami ni Tadeo haaa,"

We're stunned. Halu-halong emosyon ang nararamdaman ko. Lungkot. Saya. Takot...
Sobrang daming tanong pa rin ang nananaig sa isip ko. Bakit? Bakit nangyayari
'to... Para saan? Gusto kong makausap si Lucille... kung buhay lang siya... o kahit
sa panaginip o guni-guni, pwede ko ba siyang makausap? Bakit iniwan niya kong
ganito? Bakit iniwan niya kaming lahat ng ganito?

Inagaw ni Morris yung video cam sa kanya atsaka siya kinunan, we can now see her
angelic face, the face that we'll surely never forget, "Hey, it's me, Lucille,
sobrang saya ko na kasama ko kayo, two years to go na lang for graduation, I hope
we'll stick together until the end, I will surely miss you all, bye bye!" She
waved then the video ended. Bumukas yung mga ilaw sa common room, napatingin ako sa
kanila, hindi rin sila agad nakabawi dahil sa napanood, maging ako, hindi ko alam
kung ano ang dapat ikilos na para bang naging awkward ang lahat dahil sa mga sunud-
sunod na kaabnormalan na nangyayari. Pero hindi pa pala roon nagtatapos ang lahat,
sa kisame, bumukas ang isang kwadradong lagusan at mula roon nagsibagsakan ang mga
papel-mali... mga photographs na nagmistulang confetti na bumabagsak sa sahig...
Pumulot ako ng isa, at hindi nga ako nagkamali, picture iyon, picture naming lahat
noon. Nakita ko sila na may kanya-kanya ring hawak na larawan sa kamay, yung iba
nakayukod na sa sahig habang tinitingnan yung mga pictures.

"Those photographs belong to her." Lahat kami napatingin sa pinanggalingan ng


boses, this time hindi na namin siya sa screen nakikita, narito siya ngayon, buhay
na nakatayo sa may pintuan, hindi na siya nakangiti at kagaya ng palagi niyang suot
na ekspresyon, blangko at malamig ang tinig ng kanyang boses. Nagsasalita siya
ngayon sa harap naming lahat na para bang walang nangyari kanina, "Sad to say, mali
ang isinagot ni Mariah kanina. That's why I need to press this." Yumukod din siya
para kumuha ng isang larawan na nakakalat sa sahig at kaagad ding tumayo,
"Surprised? I did those to remind the things that you have long been forgotten"
tumingin siya sa larawan na hawak niya at nagpatuloy sa pagsasalita, "I knew your
secrets. Alam ko ang buong katotohanan, pero hindi dapat ako ang magsabi sa inyo ng
lahat. In life, we have so many questions to ask, and we, humans, are living to
find the answers in those questions. May mga misteryo na habambuhay ng hindi
nabibigyan ng kasagutan, pero may mga kanya-kanyang susi sa bawat tanong, hindi mo
nga lang alam kung kailan at saan mo ito mahahanap. There will be always a
purpose." She turned back, akala namin aalis siya pero nagkamali kami, humakbang
siya ng ilan at may hinila mula sa labas, si Aya. "Nagsisimula pa lang tayong
lahat, to get all things clear, we'll finish what we've started. Go back to your
seat." Para kaming mga robot na sumunod sa kanya, kaagad kaming bumalik sa kanya-
kanya naming mga pwesto na parang walang nangyari kanina, maliban sa kanilang
dalawa ni Aya, hawak pa rin siya ni miss sa braso hanggang sa makarating sila sa
harapan. "We're-"

"Kasalanan mo 'to eh." Naputol yung pagsasalita ni miss nang nagsalita si Aya
habang nakayuko, pinilit niyang bumitaw sa pagkakahawak sa kanya ni miss Karen. Sa
totoo lang, nag-aalala ako sa kalagayan niya, imbis na mangibabaw ang galit sa
dibdib ko, naaawa ako sa kanya, kahit na kung matatawag bang 'tinraydor' niya ako
bilang kaibigan. "Kasalanan mo!" nagulat kaming lahat nang tutukan niya ng cutter
si miss Karen. Napatayo ako sa kinauupuan ko maging sila Baldo.

"Aya!" sigaw nila Penelope pero hindi siya natinag. Hindi nagpakita ng kahit anong
takot si miss Karen habang nakatingin siya kay Aya.

"Hindi naman sana mangyayari lahat ng 'to kundi lang dahil sa'yo." Nanginginig ang
mga kamay ni Aya kasabay ng pag-agos ng luha sa kanyang mga mata, hindi ko siya
kayang tingnan ng ganyan, she look so helpless... depressed... "Kahit kayo hindi
niyo rin naman ako maiintindihan!" bigla niyang tinututok sa sarili yung patalim.

"Aya, please, bitawan mo yan." Sabi ko sa pinakamahinahon na paraan. Pero mukhang


walang epekto, mahigpit pa rin niyang hawak yung cutter, sigurado akong hindi na
ito ang unang beses na tinangka niyang magpakamatay. Knowing her past... a painful
past... I'm sorry Aya, hindi ko alam kung ano ang mga pinagdaanan mo.

"Hayaan niyo siya," nagsalita si miss, "kung iyan ang gusto mo, Mariah, then go
ahead. Iyan ba ang gusto mong ipakita sa kanilang lahat? Hindi pa ba sapat yung
dalawang taon para ipagkait ang totoo, Mariah? Sa tingin mo ba kapag namatay ka
mapapatawad ka nila? Bakit ba mas nabubuhay ng matagal sa mundo ang mga taong may
kasalanan?" unti-unti siyang humahakbang papalapit kay Aya, ",hindi ba para
mapagbayaran nila yung mga nagawa nila?" atsaka niya kinuha mula sa palad ni Aya
ang cutter at tinapon ito sa sahig. "nabubuhay sila sa mundo para itama yung mga
pagkakamali noon. Binibigay ko na sa'yo yung pagkakataon na 'to hindi para itama
ang mali, kundi para sa ikabubuti niyong lahat."

"Aya," hindi ko alam ang dapat kong sabihin, ",handa kaming makinig. Please." I
wish it will work. She let out a sigh, nakayuko pa rin siya at dahan-dahang nag-
angat ng tingin..

"Jill. Sorry." Sorrow. I can feel her. Hinarap niya na kaming lahat, with all her
strength kahit na kaunti na lang, pinilit niya "Lahat ng sinabi ko kanina... totoo.
Nakikita niyo ko araw-araw... palaging masaya, palaging nakatawa...makulit...
parang walang pinoproblema sa buhay... pero hindi niyo alam kung ilang ganito ang
meron sa braso ko," she raised her wrist, hindi makikita sa malayo pero kapag
tinitigang mabuti may makikita kang mga pilat na naghilom, "ilang beses ko ng
tinangkang magpakamatay pero heto buhay pa rin ako." Pinilit niyang ngumiti pero
makikita mo pa rin yung pait sa itsura niya, "sa dinamirami ng kalupitang
naranasan ko, sa school, sa mga kaklase ko dati, kahit sa sarili kong tatay-tatayan
, inabuso nila ko, lahat 'yon hanggang ngayon nakatatak pa rin dito," tinuro niya
yung puso niya, "sorry kung hindi ko maiwasang mainggit ako noon sa inyo ni Morris,
Jill. Oo, tama ka Morris, ako yung gumawa ng pekeng sulat at naglagay sa ilalim ng
desk niya, ginawa ko 'yon bilang ganti sa inyong dalawa ni Jill pero hindi dahil sa
naiinggit ako sa inyo."

"Yung dalawang tao na pinagkakatiwalaan niya at tinuturing na matalik na kaibigan,


na hindi tumayo noong nasa oras siya ng kagipitan." Nagbalik sa isip ko yung sinabi
niya kanina...

"...nasaan kayong dalawa noong nasa mahirap na sitwasyon si Lucille? Alam niyo ba
kung gano kahirap para sa kanya na sarilinin lahat ng problema niya? Wala kayo sa
tabi niya noong mga oras na kailangan niya kayo. Katulad ko naranasan din siyang
maabuso, pero hindi niya sinabi sa'kin lahat, nabuntis siya at hindi niya alam kung
anong gagawin niya. Iyon yung naging pagkakataon para maging kaibigan niya ko.
Pagkatapos bigla na lang siyang nawala... Hanggang sa mabalitaan ko na lang na
patay na siya. Kaya naisip ko... na isisi sa inyong dalawa ni Morris ang lahat,
naisip kong iyon ang dapat na maging hustisya sa nangyari kay Lucille." Hustisya?
Nasaan ang hustisya roon? Kung ganon ito ba dapat ang maging kabayaran ng lahat ng
naging pagkukulang ko noon bilang kaibigan ni Lucille? Ito ba yung kabayaran? Yung
kamiserablehan na nararanasan ko ngayon? Gusto kong isigaw lahat yan kay Aya pero
parang nawalan na rin ako ng lakas ng loob. May mali pa rin naman ako eh, hindi ko
alam kung ano yung mga pinagdaanan ni Lucille noon, tama siya, wala ako sa mga oras
na kailangan niya ko.

"Cille, may problem ka ba? Ang tamlay mo 'ata ngayon?" naalala kong tinanong ko
siya noon... Pero bakit hindi niya sinabi sa'kin ang totoo niyang kalagayan?
Naalala ko pa na isang ngiti lang ang isinagot niya sa'kin at sinabing, "Wala 'to
Jill, ok lang ako." Atsaka siya tumalikod at umalis, nagsisisi ako dahil hindi ko
siya hinabol, hindi ko nakita yung luhang tumulo sa mga mata niya noong tumalikod
siya sa'kin.

"M-may tanong ako, Aya," pinipilit kong iayos yung kundisyon ng boses ko pero
mukhang anumang sandal ay bibigay din ako, ",bakit? Bakit mo pa rin ako kinaibigan
sa kabila ng galit na naramdaman mo? Bakit Aya?" sa parteng ito ako naguguluhan,
kung sa simula't sapul ba ay naging totoo siya sa'kin, kung totoo ba talaga kaming
naging magkaibigan.

Saglit siyang natahimik at pilit na namang ngumiti, "gusto kong maging siya, yung
tipo ng tao na masayahin, pero alam ko kahit anong pilit ko hindi ako magiging
siya, maniniwala ka ba na sa kabila ng lahat sinisisi ko na ang sarili ko kung
bakit ganito yung nangyari, na sana naging kaibigan ko na lang kayo agad noong una
palang, na sana hindi ako nagpadaig sa emosyon ko noon, na sana hindi ko na lang
'yon sinulat. Sana hindi na tayong lahat ganito. Gusto kong humingi ng sorry sa
inyong lahat." Yumuko siya at patuloy pa rin sa paghikbi.

Walang kumibo. Siguro dahil sa dinamirami ng surpresa at mga hindi inaasahang mga
pangyayari parang nadisable na silang magsalita, sana pagbalik namin sa school
makapagsalita't makapag-isip pa kami ng maayos dahil sa dami ng mga kakaibang
pangyayari. Bubuka pa lang sana ang bibig ko para magsalita pero inunahan niya ko.

"Mas mabigat ang pagkakamali ko." automatic na napatingin kami sa gawi niya, tama
ang pagkakarinig ko,"I am the one who got that letter under her desk, you're not
the only one who suffered, Martinez. Being the son of the PTA president, being
special and being better than others, do you know how hard it is? I need to be
perfect in everyone's eyes! I can't make any mistakes!" ito nga ata ang unang
pagkakataon na nakita kong ganyan si Ireneo, hindi na katulad noon na kapag
nagsasalita siya ay para bang tinitingala niya ang sarili niya, at ito rin ata ang
una't huling pagkakataon na maririnig ko ang sentimiento niya, "I had no friends. I
was just worried about how to get along with everyone... Pero siya... si
Lucille... nagawa niya 'yon. When I heard that she died, I know it's too late for
me to tell my feelings for her... pero hindi ko siya makalimutan... I am too
selfish...

"The caste I built will never break. It is the commemoration of her existence,
nakukuha mo ba? That caste is the commemoration of Lucille."

... I'm sorry."

Muli na namang namayani ang katahimikan sa apat na sulok ng silid na ito. Naglakad
ako papunta sa harapan, ramdam ko ang pagsunod ng mga tingin nila sa'kin, pinulot
ko yung cutter na tinapon ni miss Karen kanina sa sahig, mabilis akong humakbang
papunta sa kinaroroonan niya habang binubuksan ang cutter.

"J-jill... Anong gagawin mo?" hinarang ako ni Tadeo pero hinawi ko lang siya at
tuluy-tuloy ako sa pwesto niya, maging siya ay hindi rin kaagad nakagalaw ng nasa
mismong harapan niya na 'ko. Kahit na mas matangkad siya, pasabunot kong hinatak
pataas ang buhok niya. Maya-maya'y nagkalat sa sahig ang hibla ng mga buhok na
pinutol ko.

"Mas bagay sa'yo, kapag wala kang bangs." Sabi ko sabay talikod sa kanya, papunta
naman ako ngayon ulit sa harapan, kay Aya, nakayuko lang siya at di malaman ang
gagawin habang nakatayo ako sa harapan niya, akala niya siguro sasaktan ko siya.
Isa si Aya sa dahilan kung bakit ko tinupad ang hiling ni Haneul sa'kin, isa siya
sa nagbigay ng rason sa'kin kung bakit kailangan ko ulit ngumiti. Sa dinami-rami ng
mga nangyari sa'kin... masasakit man o masasaya, tiyak kong hindi ako magiging
ganito ngayon. Kapalaran. Na minsan hindi rin nakikita ng sarili nating mga mata.

Niyakap ko siya.

"Gaga ka talaga." I whispered.She hugged me back and started crying like a baby.

Everything happens for a reason.

Siguro nga.

Kumawala ako sa pagkakayakap sa kanya. "Kaibigan pa rin kita kahit anong mangyari.
Ayoko ng maulit yung mga nangyari noon, wala rin namang mangyayaring maganda kung
magpapadaig lang ako sa emosyon." Ito ang napili kong paraan para maayos ang lahat.
Kahit sobrang sakit ng pagsampal ng katotohanan, ito na yung tama para sa
nakakabuti ng nakararami.

"M-may gusto rin akong sabihin." Tumingin kami sa nagsalita, si Stephen, "James."
Humarap siya kay Ireneo, "Gusto kong magsorry kung iniwan kita noon. Sorry kung...
hindi kita tinulungan noong binubugbog ka ng mga lalaking yun. Sorry kung tumakbo
ako palayo dahil natakot ako. Ang duwag ko. Hindi kita pinagtanggol. Nahihiya ako
kay Lucille... dahil noong araw na 'yon binilin niya sa'kin na sundan kita, sinabi
niya...na mapapahamak ka... Totoo nga... pero tumakbo lang ako. Sorry. Kung hindi
kita iniwanan sa ere noon, sana magkaibigan pa rin tayo hanggang ngayon. Sorry,
James."

"Morie." Tinawag ako ni Tamaki, "Sa inyong dalawa ni Morris... Sorry din."

Hindi lang si Tamaki, Stephen, sumunod din ang iba, marami rin silang sinabi
sa'ming dalawa ni Morris, hindi... hindi lang pala para sa'ming dalawa... kundi sa
para isa't isa. Sa kapwa kaklase. Kung kanina halos hindi sila nagsasalita ngayon
naman ay napupuno ng salitang 'sorry' ang silid. Parang walang katapusan. Weird.
Parang domino effect. To change your hearts... Ito na ba yung sinasabi ni miss
Karen? Kung ganon nagtagumpay siya sa misyon niya. Hindi pa man malinaw ang lahat
pero naiintindihan ko na, ang mga tanong ng kahapon ay nabigyan na ng susi,
nabigyan na ng kasagutan. At isa lang ang sigurado ako ngayon, wala na... wala na
ang caste. Hindi man bumalik katulad noon ang lahat, pero tiyak kong maayos na ulit
ang klase namin. Nabigyan na ng sapat na closure ang kamatayan niya. Lumapit sila
Baldo, Stephen at Penelope sa'min ni Aya, at sinabi rin yung katulad ng mga sinabi
ko kay Aya.

Pero teka...

"Nagpakamatay siya."

"It's a lie."

Hinarap ko si miss Karen pero napansin kong papalabas na siya ng common room
hinabol ko siya hanggang sa labas, "Miss Karen," tawag ko, huminto siya at
lumingon, ",sinabi mo kanina na mali yung huling sagot ni Aya, kung ganon... ano
ang totoong ikinamatay ni Lucille?"

"Namatay siya dahil sa isang karamdaman."

"A-anong sakit?" tanong ko.

"I can't answer that."

"Bakit mo ginawa ng lahat ng 'to?"

"I just did his favor." Hindi na siya nakatingin sa'kin kundi sa likuran ko,
napalingon tuloy ako at nakita si Morris na sumunod din pala sa labas.

"Favor?" kunot noong tanong ko at nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa


ni Morris.

"Ako ang humingi ng pabor kay Miss, Jill. Ako ang humiling sa kanya na ayusin ang
klase natin." Sabi ni Morris. "Kaya pinagsususpetiyahan kami ni Mariah dahil sa
nakikita niya kami dati na nag-uusap."

"Hindi ko 'to ginawa para lang sa'yo, ang lahat ng ito'y para sa ikabubuti ninyong
lahat, kagaya ng hiniling ni Lucille sa'kin noon." Sabi naman ni miss.
"Teka." Awat ko, "Nalilito ako, miss. Ano ba talaga ang ugnayan niyo ni Lucille?
Bakit mo siya kilala? Bakit mo alam ang lahat ng tungkol sa klase namin?" Nakita ko
na nagkatinginan sila miss at Morris. Nararamdaman kong may hindi pa ako alam na
dapat kong malaman. Nagtanguan sila sa isa't isa bago tumingin ulit sa'kin si miss
Karen at sinabing...

"Oras na para malaman mo."

<///3

[Thank you and God Bless :) Happy Summer!]

/34/ Back to Reality

/34/ Back to Reality

"You're a Peculiar, Jill."

"Peculiar?"

"That's how we call our kind."

"Pwede ba kitang makausap?" naputol ang pagbabalik alaala ko nang gambalain niya
ang pag-iisa ko rito sa malawak na bakuran ng Villa Barbara. Hindi ko alam kung
paano niya ako nahanap dito gayong napakaaga pa. Tumango lang ako bilang pagtugon
at muli kong ibinalik ang tingin sa magandang tanawin. Ineexpect kong uupo siya sa
tabi ko o pupunta siya sa harapan ko na palagi niyang ginagawa pero nanatili lang
siyang nakatayo sa may gilid.
"Hindi porket ayos na ang buong klase natin, okay na rin tayong dalawa, Jill."
Umpisa niya. Ano pa nga bang aasahan ko sa'yo Lily? "Iyon lang naman ang gusto kong
sabihin sa'yo, gusto ko lang ipaalala." Bago siya tuluyang maakalis ay nagsalita
ako,

"Salamat." Alam kong napahinto siya sa sinabi ko at napatingin ulit sa'kin, kitang-
kita sa sulok ng mata ko.

"P-para saan naman?" mataray niyang tanong.

"Dahil mas pinili mo akong iligtas noon." Noong gabing pinili niya ako kaysa kay
Ireneo. Hindi ko na sigguro kailangan pang malaman ang dahilan kung bakit niya
ginawa yon, kahit na gusto kong itanong. Umismid lang siya at natulala saglit.

"I-isipin mo na lang na ginawa ko lang ang papel ko bilang half-sister mo." Hindi
ko alam kung anong gusto niyang iparating, "Nakakairita ka sa totoo lang."
napangiti ako sa sinabi niya, music to my ears kumbaga, "Masyado ka kasing
espesyal, Jill." Espesyal nga kung maituturing... espesyal... naiiba sa nakararami.
Umalis na si Lily, naglaho na rin yung ngiti sa labi ko. Noong gabing sinabi nila
na isa akong Peculiar, hindi ako makapaniwala na may tawag pala sa kakaibang tao
katulad ko... Peculiar...

"Isa rin akong Peculiar, Jill. Katulad mo may mga nakikita rin ako sa mga mata ng
ibang tao, pero hindi hinaharap kundi mga nakaraan nila. Sana naiintindihan mo
ako." Hindi ako ganon katanga para hindi maintindihan ang sinabi ni Morris sa'kin.
Kung ganon... Kaya pala noong hinawakan niya ako napanuod ko sa isip ko yung mga
nangyari noon kay Aya... at kaya pala sa tuwing tumitingin ako sa mga mata niya...
wala akong ibang makita kundi ang nakaraan.

"Paano mo nalaman na nakikita ko ang---"

"Matagal ko ng alam, Jill. Kahit si Lucille alam niya rin..."

"She's a Peculiar too." Sabi ni miss na ikinabigla ko.

"Si Lucille?" sobrang naguguluhan ako sa mga nalalaman ko, "Teka! Hindi ko pa rin
kayo maintindihan!"

"Jill---" pero pinigilan ni miss Karen si Morris sa kung anong gusto nitong
sabihin, tumingin sa'kin si miss Karen ng hindi nagbabago ang ekspresyon, walang
bahid ng kahit anong emosyon, blangko.

"Hindi mo talaga maiintindihan kapag hindi mo inintinding mabuti, Jill. Peculiar


ang tawag sa mga kagaya mo na may kakaibang tinataglay na kakayahan na hindi kayang
gawin ng ibang normal na tao. You, including Morris and Lucille are Peculiars." She
explained. Pero hindi kayang idigest ng sistema ko yung mga naririnig ko, parang
hindi sapat ang dictionary para ibigay ang katuturan ng salitang 'Peculiar'.
Masyadong malalim. Masyadong kumplikado. O sadyang hindi lang talaga kaya tanggapin
ng sistema ko o baka masyado akong nabigla sa nalaman ko na hindi lang pala ako
nag-iisa... hindi lang pala ako nag-iisang ganito... na kakaiba sa nakararami.
Ewan. Tiningnan ko lang silang dalawa, huminga ng malalim si miss Karen, "I guess
you need to take your time, Morie. We'll discuss this matter after this
recollection, sa ngayon kailangan mo na siguro munang magpahinga.You must be
bemused due to too much revelations. Just rest first."

Doon nagtapos angpag-uusap namin noong gabing 'yon. Leaving me so confused and
puzzled, pero tama nga siguro si miss, kailangan ko ngang magpahinga muna dahil
masyadong maraming nangyari. Marami akong nalaman, masakit man, pero sa huli naging
maayos din ang lahat. Somehow I'm glad that Morris asked that favor to miss...
Concern siya para sa'kin pero miss Karen did those things for everyone's sake.
After that 'survival game' na naging turning point pa ng buong klase
namin,kinabukasan ay para bang walang nangyaring kakaiba noong nagdaang gabi, pero
andoon na yung fact ng pagbabago, pagbabago ng mga puso ng bawat isa. 'To change
your hearts' palagay kong hindi namin makakalimutan ang phrase na 'yan, natalima
na rito sa puso't isipan.

"Jill! Pinapatawag na tayo! Kakain na ng breakfast!" napalingon ako at nakita ang


sumigaw na si Aya na nasa entrance ng garden, kasama niya si Penelope at Stephen,
ngumiti ako sa kanila tsaka tumayo at naglakad.

Tama nga yung sinasabi nila na kapag masyado kang nalilibang ay hindi mo
namamalayan yung ikot ng oras, bumibilis daw ito kapag masaya ka. Huling araw na
naming lahat dito sa villa Barbara, ibig sabihin ito na yung huling araw ng
recollection namin. Pagkatapos, back to reality ika nga. Babalik na kami sa
realidad, sa mga kanya-kanya naming buhay kapag umalis na kami rito. Pagkatapos ng
almusal ay kaagad kaming pinabalik ng facilitators, na naging kasabwat ni miss
noon, sa common room para sa huli naming activity.

"Grabe, ang dami ng nakaattach na memories sa kwartong 'to no." sabi ni Baldo,
kinailangan pa niyang lakasan yung boses niya, maingay at masayang nag-uusap usap
kasi silang lahat habang hinihintay namin si miss Karen.

"Wow, men, kelan ka pa naging sentimental ha. Ultra gay!" biglang sumulpot si
Tadeo, binatukan tuloy siya ni Baldo at tumawa sila pareho, "hahahaha, nababakla ka
lang men! Aray!" malungkot kung iisiping hindi namin nakasama si Tadeo rito, kahit
na lagi silang nag-aaway ni Aya.

"Oo, sa sobrang sentimental parang gusto ko ng magpadala sa mental hospital."


Speaking of Aya, she's fine now, though minsan may mga awkward moments siya dahil
nahihiya siya sa'ming lahat, mabuti na lang at nandyan sila para icheer up siya.

"Whew, akala ko nga tuluyan ka ng nabaliw babaeng manok, kasalanan mo to iiih!"


ginaya pa ni Tadeo yung ginawa ni Aya noon, natawa kaming lahat sa ginawa niya.

"KUPAL KANG TADEO KA! NAKAKAASARKA NA!" pinaghahampas naman siya ni Aya.

"Hoy, tama na nga yan. Dadating na si miss." Napatingin ako sa sumaway, mas natawa
ako lalo sa itsura ni Ireneo, hindi pantay yung bangs niya dahil sa ginawa ko, ang
gara tuloy ng itsura niya, mukang alien at mukang ok na rin siya kagaya ni Aya.
Well, ok naman na kaming lahat. Hopefully and grateful.

"Andyan na si ice doll." Bulong ni Aya, nagsiayusan silang lahat ng upo at


natahimik ng nasa harapan na si miss Karen, cold as usual.

"Ice doll?" tanong ko.

"Iyon yung code name na ginawa nila for miss." Bulong naman ni Penelope na nasa
kanan ko. Pinigilan kong mangiti. Seriously, ngayon lang nila nabigyan ng code name
ang adviser namin. Ice Doll? Well it suits her.

"Good morning." She greeted in a lifeless way, sumagot kami pabalik ng pagbati.
Napansin kong may dala siyang paper bag, mukhang marami ang laman, nilagay niya
iyon sa mesa at may kinuha mula sa loob, mga papel, "I hope you brought your pen."
Sabi niya habang inaayos 'yon.

"Miss, wag mong sabihing may exam na naman po?" biro ni Tadeo na naglikha ng ingay
dahil sa tawa ng mga kaklase ko. Tumingin si miss Karen sa'ming lahat na para bang
sinasabi na 'what are you laughing at?' dahilan para matihimik sila. Ganyan,
malakas masyado ang dating ng titig niya, tingin pa lang, pamatay na. Tumikhim si
Tadeo, "Sorry po." At pinigilang matawa. Pinamigay na ni miss yung papel. Katulad
ng emosyon ni miss, blangko rin yung papel, kulay peach ito at makapal. Hindi naman
siguro exam 'to katulad ng sinabi ni Tadeo.

"That is your last activity; I want you to write your own letter to yourselves ten
years from now." Letter? Para sa sarili ko? Ten years from now? "I'll give you one
hour to think about it, any questions?" no one raised, "I'll collect the papers
later."

Hindi ko alam kung ako lang ang hindi excited tungkol sa 'letter to myself ten
years from now' pero parang pagdating sa salitang 'future' nanghihina ako. Walang
pumapasok sa isip ko na kahit ano na pwedeng isulat... I can see their future, I
can see someone's future, I can tell what might happen to them, and I can see their
unborn fates.... But why I can't tell what's mine? Why can't I see my own future?
Samantalang sila, pinagmamasdan ko sila ngayon, ang saya-saya nilang sumusulat
para sa sarili nila. Bakit ba hindi ko rin kayang maging masaya para sa sarili ko?
Katulad nila na puno ng pag-asa ang mga puso para sa kinabukasang hindi nila
nakikita.

Mabilis ding tumakbo ang oras kapag masyado kang nag-iisip. Lumipas ang isang oras
at hindi man lang nabahiran ng tinta ang papel ko. Tinupi ko ito sa gitna at
ipinasa... ng walang laman. Tiningnan ko yung papel ng iba, halos mapuno ang isang
papel, may mga emoticons at drowing pa yung iba. Nakakatuwang isipin na ganun sila
kaecstatic sa aspect na 'future', nakakainggit.

Nang makolekta na lahat ni miss yung mga papel ay nilapag niya iyon sa mesa at may
kinuha na naman mula sa loob ng paper bag na dala niya kanina. Hindi lang ako kahit
silang lahat ay na-eexcite din sa kung anong kinukuha ni miss. Tsaka kami pare-
pareho nasurpresa sa nilabas niya. Papel ulit. Yung kulay itim. Yung itim na papel
na pinagsulatan namin noong ng mga future paths plans namin sa buhay.

"Remember these black papers?" tanong niya at nagpakita ng isang kopya ng itim na
papel, may pangalan iyon sa itaas na bahagi ng papel. "I know that you all of you
thought that I'm crazy because I told you to write down your future paths in these
papers." Well, matagal ko ng gustong isipin na baliw ka nga miss Karen. "Do you
have any idea why I commanded you to write down your future paths in black papers?"
walang sumasagot, "Sige, iibahin ko yung tanong... If you draw a picture using a
red pen in a red paper, what would you get? Same concept in if you write your
future using a black pen in a black paper, what would you see?"

Wala kang makikita.

"Of course, you wouldn't get anything, you wouldn't see anything." Huminto siya
saglit habang tinitingnan kaming lahat, para bang inaalala ang itsura ng bawat isa,
"You can't see anything but you knew that there is definitely a picture there. And
why I am telling you this?" tumingin na naman siya sa'min, she's seeking for an
answer I guess, pero walang may gustong sumagot sa dahilang nakikinig silang lahat
mabuti sa bawat salitang minumutawi ni miss... "...A picture that you can't see but
it's there is what you called the future... Your future is not predetermined yet.
Your future is completely blank. No one can see that future not until when you get
there." May kinuha siyang isang itim na papel "well, except for this fella." We
laughed when she showed the paper to us 'MAGIGING GWAPONG CEO' gamit ang correction
fluid bilang panulat.

"M-miss naman! Kailangang ibandera yung papel ko?!" , walang duda na si Tadeo ang
nagmamay-ari ng papel.
"Kapal! Gwapong CEO daw! AHAHAHAHAHA"

"Mr.Tadeo just destroyed the concept of the black paper, but this paper really
reflected his character." Napahinto sila sapagtawa, "It shows that he doesn't
easily give up on his dreams, that he'll do anything for it. You impressed me,
mr.Tadeo." sa sinabi ni miss umugong ang malakas na hiyawan sa buong kwarto at puro
kantyaw.

"Pag-ibig na ituuu!" sigaw ni Baldo.

"Ayieee! Nagblush si Roman!"

"Ganyan pala mga type ni miss! AHAHAHA!"

"Nako! Miss! Crush ka ni Roman noon pang first day! HAHAHAHA"

"Wooo! Karen and Roman is hart hart."

At kung anu-ano pang kalokohan ang sinisigaw nila.

"TUMIGIL NGA KAYO! BAKA MAGSELOS SI AYA!" sigaw ni Tadeo

"KAPAL MO. UNGGOY!" si Aya.

Nawala na yung alalahaning dinidibdib ko kanina, I laughed along. Pero... yung


concept ni miss Karen ng 'black paper future'... naging speechless ako. Hindi ko
naisip na ganun pala yung gusto niyang iparating sa pinagawa niya. Napahanga ako sa
konseptong sinabi niya... at the same time... nakakainspired... pero... ayan na
naman tayo sa 'pero', hindi ganon kasimple ang lahat. Kung normal lang ako kagaya
ng mga kaklase ko maiintindihan ko siya ng lubos. Para sa kagaya ko na nakikita ang
'future' nakakainsultong marinig na 'you can't see the future' though nakikita ko
ito? Anong gusto niyang ipahiwatig?

Binigay na ni miss yung oras for the rest of the day sa'min, mabilis ding tumakbo
ang oras habang nag-sasaya kaming lahat sa loob ng villa Barbara, nagyaya silang
magswimming doon sa hidden falls na natagpuan daw nila Baldo noong hinahanap nila
ko, at kung anu-ano pa ang niyaya nila.Konting oras na lang at babalik na kami sa
totoong mundo.

Sumapit ang hapon, malapit ng lumubog ang araw nang dumating ang bus na susundo
sa'min. Oras na para lumisan. Tapos na ang recollection namin. Napahinga ako ng
malalim. Nag-aalala ako para sa mga bagay na kailangan ko ulit harapin. Pinauna ko
na sila Aya na bumaba dahil nahuli akong mag-ayos ng gamit, nang maisara ko ang
pinto ng silid namin, pagharap ko ay nakita ko si miss, lumapit siya sa'kin.

"You're disobedient as always, Morie." Sabi niya at ipinakita sa'kin yung blangkong
papel.

"Funny, nakikita ko kung anong mangyayari sa ibang tao pero hindi ko nakikita kung
ano ang sa akin. Isang malaking paradox." Bahagya akong natawa, "Well, except sa'yo
miss, dahil hindi ko nakikita ang future mo sa di ko malaman na dahilan."

"Lahat tayo may kakayahang makakita ng hinaharap,Morie. You can see your own future
if you just look within it." Sabi niya at inabot sa'kin yung papel, "I'll give you
more time to think about it, kapag tapos ka na, you can pass it to me anytime."
Tumalikod na siya,akala ko aalis na siya pero, "About that..." lumingon siya... at
ngumiti... "...You'll know... soon." Tapos umalis na siya ng tuluyan.
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ko sa buong byahe, siguro dahil sa pagod. Wala
akong ibang gustong gawin kundi matulog, pagdating ko sa loob ng apartment ko
nadatnan kong malinis 'yon at may nakahaing pagkain sa kusina, alam siguro ni
manang Fe nan ngayon yung uwi ko, katabi ng pagkain ay isang itim na envelope.
Kinain ko yung pagkain, hindi ko pinansin yung envelope dahil baka invitation lang
yon mula sa magaling kong ama, nagpalit na ko ng damit. Kama ang una kong hinanap
sa loob ng kwarto at sumalampak. Seven o'clock na ng gabi... Sigurado akong
paggising ko kinabukasan muli kong haharapin yung mga bagay na hindi ko pwedeng
takasan...

"Jill... Morie..." nagising ako bigla dahil narinig ko na naman yung mga boses na
malalim na tumatawag sa'kin noon... O baka panaginip? Bakit? Bakit ko na naman sila
naririnig? Sumulyap ako sa orasan, ala una ng madaling araw... Medyo nakahinga ako
ng maluwag dahil hindi ako nagising ng alas tres pasado tulad noon... devil's
hour...

Naisipan ko na lang kuhanin sa bag yung papel na binigay ulit sa'kin ni miss Karen
kanina... Baka makatulog ulit ako sa pag-iisip ng pwedeng isulat sa sarili ko ten
years from now... Pero bago 'yon... may naalala ako... Kaagad kong binuksan yung
laptop ko at pinuntahan sa web... yung blog... yung pesteng issue tungkol sa blog
na kailangan kong ayusin.

Walang nadagdag na kahit ano sa blog... Ganun pa rin... Kinuha ko yung cell phone
ko at tinawagan yung taong nakakaalam kung sino ang may kagagawan ng blog na
'yon...

*Ringing*

"H-hello?" buti na lang at sinagot niya.

"Yue."

"J-jill... Bakit gising ka pa?"

"Ikaw, bakit gising ka pa?" balik tanong ko sa kanya.

"Hindi kasi ako makatulog."

"Ah. Ako rin. Yue---"

"Hindi ako makatulog sa kakaisp dahil sa natrack ko, Jill... Sorry kung hindi ko
kaagad nasabi sa'yo... Hindi ko alam kung paano ko sasabihin... Jill... Hindi ko
rin alam kung bakit pero..." takot na takot yung boses niya...

"Yue---"

"Jill, address mo ang natrack ko."

Bigla kong nabitawan yung cell phone ko... A-anong ibig niyang sabihin?

"Jill?---*toot*"

Napaupo ako sa sahig, baka nagkakamali lang si Yue, o baka nananaginip lang ako
ngayon. Imposible. Napatingala ako... Naglibot ako ng tingin... Hanggang sa makita
ko ang isang maliit na bagay na nakatago sa ibabaw ng cabinet... ang direksyon ng
bagay na yon ay nakatutok sa kinalalagyan ko... Camera?
Lumabas ako ng kwarto at hinanap ko yung itim na envelope na nakita ko kanina...
Hindi ko alam pero parang may nag-uudyok sa'kin na tingnan ko kung ano yung laman
nito... Nanginginig yung mga kamay ko pero pinilit ko iyong buksan.

At mas lalo akong nagimbal sa nakita. Mga larawan na kapag pinagsunud-sunod ay may
sequence, sa ibabang bahagi ay may oras.... Sa pagitan ng alas una hanggang
alastres... pinagsunud-sunod ko yung mga larawan... Mula sa natutulog ako,
pagbangon ko ng kama, bubuksan ko yung laptop, at magtatagal ng kalahating oras,
atsaka babalik sa pagtulog...

"Ano to?" bulong ko... ang lakas ng tibok ng puso ko...

Sa nalaman ko ngayong gabi... ibig sabihin... Ako... Ako yung may gawa ng blog.
Nang hindi ko nalalaman. Sleep walking? Multiple Identity Disorder? Hindi ko
alam... Nababaliw na talaga ata ako.... Pero... Kanino galing tong mga larawan na
'to? Kanino?

May naalala ako bigla.

"Hindi mo pa ba 'ko titigilan?!"

"Oo, nalagay ko na nga sabi yung cameras. Masaya ka na?" cameras? "Nasunod ko na
yung gusto mo so please tigilan mo na 'ko." May halo ng pagmamakaawang mababakas
sa tinig ni Lily. I wonder kung tungkol saan ang pinag-uusapan nila.

"We have a deal! Nagawa ko na yung pinagagawa mo, so I hope you'll be fair enough."

"Bakit para kang nakakita ng multo?" pang-aasar ko. "Sino naman ang kausap mo?"
hindi naman nya ko matingnan ng diretso kaya ako yung nag-eenjoy na tumingin sa
muka nyang parang naflush.

"W-wala! It's none of your business. Excuse me."

Lily.

Kapag nalaman kong may kinalaman ka sa mga kalokohang nangyayari sa'kin, mananagot
ka.

Ikaw ang magpapatunay na hindi pa ko nababaliw. Lily Cortez Morie.

<///3
[again and again, maraming salamat po sa lahat ng nagtatyagang maghintay ng update
sa mga patuloy na nagbabasa, sa mga bumoboto at nagkocomment, mahal ko na kayo,
haha, kayo ang inspirasyon ko sa pagpapatuloy nitong kwento. YES! Naraos ko na yung
recollection part, ngayon, back to reality na tayo sa ibang major major issues and
conflicts ni Morie, hindi ba kayo makatulog? HAHA. Well, you'll know when you get
there sabi nga ni miss K. Marami pang conflicts na mabibigyang kasagutan, soon. So.
Ayun. Salamat din sa mga kanta ng Paramore, One ok Rock, Mojofly, ng ga ost ng
korean dramas, ni Hunter Hayes sa pagbibigay inspirasyon habang nagsusulat. LOL.
tama na A/N mabash pa ko. yun lamang, GOD BLESS. ps. MAY PASOK AKO BUKAS <////3]

/35/ Abducted

/35/ Abducted

"Jill! Tara lunch na tayo!" kanina pa nagring yung bell, umalis na yung teacher
namin, ako na lang yata yung hindi pa nakakapag-ayos ng gamit. "Jill Morie!" tsaka
lang ako tumingin sa kanila na kanina pa naghihintay sa pintuan, tumayo ako at
nagpunta roon.

"Namumutla ka, okay ka lang?" tanong ni Penelope, iniwas ko yung tingin ko sa


kanila, nanlalamig pa rin yung pakiramdam ko.

"Teka, absent si Stephen? Lunes na lunes ah." Puna naman ni Baldo, sana pala hindi
na rin muna ako pumasok. Napahinga na lang ako ng malalim.,

"Masama raw pakiramdam kaya umabsent muna. Tara na, nagugutom na ko guys." Si Aya.

"Ah. Ano..." napahinto silang tatlo at napatingin sa'kin, "hindi muna 'ko sasabay
sa inyo. Mauna na 'ko." sabi ko at tuluy-tuloy na lumabas nang hindi pinapansin ang
kahit na anong pagtawag mula sa kanila. Wala akong ibang gustong gawin kundi
tumakas. Tumakas sa katotohanang kinatatakutan ko. Pero saan naman ako pupunta?
Paano ko matatakasan yung mundong 'to?

Tila naglalakad ako sa kalawakang walang patutunguhan. Hindi ko alam kung saan na
ba ako dinadala ng mga paa ko. Hanggang sa namalayan ko na lang na nasa roof top na
ako ng building ng school. Medyo malakas yung ihip ng hangin kaya pumikit ako para
damhin 'yon. Ngunit napamulat din ako kaagad nang maalala ko yung mga nangyari
kagabi. Ang mga sinabi ni Yue, ang mga larawan. Akala ko magiging maayos na ang
lahat pagkatapos ng recollection... Hindi pala.

Kailangan ko ng tulong. Dahil hindi ko na alam kung ano na ang nangyayari sa sarili
ko. Pero sino? Sino ang mahihingan ko ng tulong sa napakakumplikado kong sitwasyon?
Ayokong idamay sila Aya sa problema ko dahil hindi nila maiintindihan kung ano ba
talaga ako.

Sinabi ni miss Karen na may susi sa bawat katanungan pero hindi mo nga lang alam
kung kailan at saan mo ito mahahanap. Sumampa ako sa maliit na bakod at tumayo mula
roon, tanaw na tanaw ko yung buong grounds ng White Knights. Maraming mga
estudyante ang nagkalat pero wala kahit isa sa kanila ang nakakapansin sa presensya
ko rito, hindi man lang nila nakikita na may nakatayo rito.

"Oy!" siguro dahil sa gulat namali ako ng tapak paatras kaya mabilis akong hinihila
ng gravity pababa, akala ko tuluyan na akong mahuhulog pero nahagip ako ng mga
braso ng kung sino mang pahamak na sumigaw. Pareho kaming bumagsak sa semento,
ramdam ko pa rin yung malakas na pagbayo ng dibdib ko, akala ko talaga mahuhulog na
'ko. Pero sino---

"Aray..." tiningnan ko siya habang bumabangon, matagal-tagal din kaming hindi


nagkita ulit, "Jillianne Morie, are you out of your mind?" oo. Baliw na siguro ako,
"paano kung hindi ako dumating dito? Edi headline ka na siguro sa dyaro?" aaminin
ko, namiss ko ang presensya mo, Cloud Enriquez.

"Ano, natuod ka na dyan? Nagagwapuhan ka na namin ba sa'kin? Tss. Namiss mo 'ko?"


hindi ko alam kung sadyang nakakasilaw yung sikat ng araw gayong nakatingala ako sa
kanya at kitang-kita ko ang lapad ng kanyang ngiti, nagulat na lang ako ng ilahad
niya yung kamay niya, "Namiss din kita, Jill." Tinanggap ko yon at bumangon ako sa
tulong niya. Ngayon kitang-kita ko na yung maaliwalas niyang mukha. "Masama to,
Jill, napipi ka na rin ba? Talaga bang nakakaspeechless 'tong kagwapuhan ko?"

"Baliw." Tumawa siya.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong naman niya, napansin kong wala ata siyang dalang
gitara, ngayon ko lang ata siyang nakita na hindi dala 'yon.

"Siguro ako dapat yung magtanong niyan, kung hindi mo ko ginulat hindi ako mamamali
ng tapak." Sabi ko naman at tumalikod sa kanya.

"Woa woa, sorry na okay, nagulat din ako, akala ko tatalon ka. Hey, saan ka
pupunta?"

"Wala ka na ron." Sabi ko.

"Wait wait." Hinarangan niya yung daanan ko, "May atraso ka pa sa'kin remember?"
Wala akong maalalang atraso sa kanya, "You owe me a lunch, Jill, at dahil dyan
magsasabay tayong maglunch, walang aangal!" bago pa 'ko makapagsalita ay mabilis
niyang hinawakan ang braso ko at hinila sa kung saan man niya ako balak dalhin.
Hinayaan ko na lang siya, siguro sa dahilang masyadong napre-occupied yung isip ko
sa mga bagay-bagay, siguro pagbibigyan ko na lang si Enriquez ngayon, well... he's
harmless, I think.

"Bakit tayo lalabas?" nakapagsalita lang ako nang mapansin ko na papalabas kami ng
lobby. Kanina pa kami pinagtitinginan ng ibang mga students at staffs sa hallway,
kasabay ng mga bulungan nila at iba-ibang haka-haka kung bakit kami magkasama at
hawak niya ang braso ko. Tss. Mukang balewala lang kay Enriquez yon at para bang
nasisiyahan pa siya na pinagpipiyestahan kami ng mga tao, may iba pa nga na
kumukuha ng litrato, tsk. Para kaming celebrities, mali, sikat nga pala si Enriquez
sa campus... at ako... ang binansagan nilang 'Cold Heart Breaker' "Saan ba tayo
pupunta? Doon yung daan papuntan cafeteria." Hindi niya pa rin ako binibitawan.

"Nakakasawa na sa lugar na 'to. We'll find another good place." Sabi niya ng hindi
lumilingon.

"Hindi ako sasama sa'yo hangga't hindi mo sinasabi." Pinipilit kong tanggalin yung
kamay niya sa braso ko, "Enriquez!" bigla siyang tumigil sa paglalakad, nasa
entrance na kami ng lobby. "Saan tayo pupunta?" tanong ko.
Dahan-dahan siyang lumingon, andyan na naman yung mata niyang chinito na sa
sobrang singkit ay hindi na niya maidilat lalo pa't kay abot-tainga yung ngiti
niya, "Sa langit."

"Biro lang!" sabi niya at nagpeace sign pa, malakas ang power trip ng taong to, mas
lalong umugong yung usapan sa paligid, "Tara na, Jill, easy ka lang, hindi kita
lalapain, okay." I let out a sigh, sige, bahala na. Kung saan man niya ako
itatakas, bahala na, wala na akong pakialam.

Nagpunta kami sa parking lot, inabutan niya 'ko ng helmet, "Here." Sabi niya,
tinanggap ko yun at isinuot. Hindi ko alam na nagmomotor siya papasok ng school,
kaya siguro cool na cool siya sa paningin ng ibang estudyante. "Angkas na Jill,"
utos niya, nakasuot na rin siya ng helmet. Pinayagan kaming makalabas ng campus,
ganon ba talaga kalakas yung impluwensiya ni Enriquez sa school na 'to?

'Di ko naman inaasahan na dadalhin ako ni Enriquez sa isang resto-bar, medyo malayo
siya sa school pero mukhang pamilyar na pamilyar na siya sa establishment na 'to.
Tama nga ang hinala ko nang pumasok kami sa loob, the staffs greeted him, yung iba
inaddress siyang 'boss'

"Tara, libre kita wag kang mag-alala." He cheerfully said as he held my hand, hindi
ako umangal, pumunta kami sa isang table. Siya yung umorder para sa pagkain namin
dalawa, tahimik lang ako habang kumakain samantalang siya yung daldal ng daldal.
Ang ganda ng ambiance ng lugar na 'to, tahimik lang, sakto lang yung dami ng tao,
yun nga lang mahal yata kasi yung mga pagkain nila rito.

Maya-maya pa'y may lumapit na isang employee sa mesa namin, nirerequest na kumanta
naman si Enriquez kahit isa lang, kilala nga siya rito, pero bakit naman 'boss' pa
yung tawag sa kanya? Di kaya, sa kanila 'tong resto bar na 'to? Just wow. Hindi
nakatanggi si Enriquez at pumayag din.

"Diyan ka lang Jill, panuorin mo ko ha." Sabi niya at tumayo na para pumunta sa
mini stage na tanaw mula rito.

"This song is dedicated to a special girl, I'm lucky that she's with me right now,
hey Jill! Sana wag kang mainis sa kantang idededicate ko sa'yo" He winked. Psh.

Adik Sa'yo
Awit sa akin
Nilang sawa na sa
Aking mga kuwentong marathon

His voice is amazing, a voice that could make anyone fall. Siguro kung normal lang
ako, kung normal lang ang mga nangyayari sa buhay ko... I can give him a chance.
Pero hindi, everything's complicated, hindi pwede.

Tungkol sa 'yo
At sa ligaya
Na iyong hatid sa aking buhay
Tuloy ang bida sa isipan ko'y ikaw

Sa umaga't sa gabi
Sa bawa't minutong lumilipas
Hinahanap-hanap kita
Hinahanap-hanap kita
Sa isip at panaginip
Bawat pagpihit ng tadhana
Hinahanap-hanap kita

Isang masigabong palakpakan ang sumalubong matapos niyang tumugtog, nagpasalamat


siya sa madla tsaka tumayo para bumalik dito sa pwesto ko.

"Nagustuhan mo ba?" isang matipid na ngiti at tango ang tinugon ko. Wala na namang
pasabi na hinila niya ko. Hindi ko alam kung anong klaseng mahika ang meron tong
tao na to at para bang napapasunod niya ako sa kung ano mang gusto niya. Bumalik na
kami ng White Knights, at kagaya ng inaasahan, naging tampukan na naman kaming
dalawa ng atensyon, bahala sila sa kung ano mang gusto nilang isipin.

"Basta, Jill, kapag may kailangan ka, wag kang maghesitate na tawagan ako, nandito
lang ako palagi." he tapped my head, "See you later." Masayang wika niya atsaka
nauna nang umalis kaagad kaya hindi ako nakapagpasalamat. Dahil sa kanya
panandalian kong nakalimutan yung mga bumabagabag sa dibdib ko, ngayong wala na
ulit siya kailangan ko 'tong harapin ulit ng mag-isa.

Hapon. Isang subject na lang at uwian na. Kanina pa 'ko nabuburyo, gusto ko ng
umuwi. Mukang kalat na sa buong campus yung issue na magkasama kami ni Enriquez
kanina, kahit dito sa klase namin ay alam pero walang nagtatangkang lumapit at
magtanong tungkol don. Kahit sila Aya.

"Ikaw na kumausap."

"Anong ako? Ikaw na!"

"Dali na, badtrip ata si Jill eh, dali na Mariah."

"Tse, Baldo, ano ba, ikaw na, lalaki ka naman eh"

Kanina pa sila nagbubulungan sa likuran ko, nagtuturuan kung sino yung lalapit
sa'kin, ganun pa katindi yung bad aura na binibigay ko?

"Oh, Baldy men, Mariahtots, anong problema nyo?"

"Wag kang magulo Tadeo."

"Baldo, ikaw na kasi magsabi kay Jill."

"Ang laki ng problema nyong dalawa, parang kakausapin lang si Jill. JILL! MEN!
WATZUUP!"

"Hay nako! Kupal kang Tadeo ka!"

Pero hindi ko sila nililingon, tumayo ako at lumabas ng class room, wala pa naman
yung teacher namin. Gusto kong mapag-isa. Pagkalabas ko, napahinto ako nang matanaw
ko siyang masayang nakikipagtawanan sa mga kaibigan niya. Nagkuyom yung dalawa kong
palad. Matapos niyang makipag-usap ay masaya siyang pabalik ng class room, hinanda
ko yung sarili ko, sinalubong ko siya at sinadyang bungguin.

"Ano bang problema mo? Jill!" medyo nakahatak kami ng ilang atensyon mula sa ibang
estudyanteng nasa hall way din. Hinablot ko yung braso niya at akmang hihilahin
pero tinanggal niya yon at nanggigigil na tumingin sa'kin, "Ano ba!" lumabas yung
iba naming kaklase na nasa loob ng room dahil sa sigaw ni Lily.

"Sumama ka sa'kin dahil may pag-uusapan tayong dalawa." Sabi ko sa pinakamahinahon


at pinakamaayos na paraan at akmang hihilahin siya ulit pero sadyang matigas ang
ulo niya at talaga atang gustong kumuha ng atensyon at gumawa ng iskandalo.

"Ha? Wala tayong dapat pag-usapan!"

"Anong nangyayari?"

"Nag-aaway ba sila?"

"Si Jill at Lily oh."

Ito ang pinakaayaw ko, ang gumagawa ng eksena at pinalilibutan kayo ng mga
usisero't usisera. "Wag kang magmaangan na para bang wala kang ginagawang masama,
Lily."

"Wala naman talaga kong ginagawang masama!" hinablot ko siya palapit at binulungan
sa tainga.

"Wag mong sabihing wala kang kinalaman sa mga camera na nakatago sa kwarto ko?
Nahuli kita noon sa roof top na may kinakausap tungkol sa camera." Siguradong-
sigurado ako na nagulat siya sa sinabi ko kaya mukang malakas ang kutob ko na tama
ang hinala ko. Pero unti-unting nagbago ang reaksyon ni Lily, mula sa pagkakabigla
ay natawa siya na para bang nakarinig ng isang korning joke, so nagmukang joke lang
yung binulong ko?

"Nababaliw ka Jill." Natatawa niyang sinabi, "walang duda, kaya siguro pinagtabuyan
ka na ng tuluyan ni daddy." Napantig ang tainga ko sa sinabi niya kaya isang
malakas na sampal ang pinadapo ko sa pisngi niya, kasabay ng malakas ng tibok ng
puso ko, at mga samut'saring reaksyon ng mga taong nanunuod sa'min.

Maya-maya'y naramdaman ko na may humawak sa braso ko, "Jill!" oh, ang magaling
niyang boyfriend.

"Morris, okay lang ako." At nag-inarte na 'tong si Lily na para bang aping-api
siya sa mga nangyari. Binawi ko yung braso ko mula sa pagkakahawak niya. Maya-maya
ay biglang nagsihawian yung mga estudyante, si miss Karen.

"What's going on here?" seryosong tanong niya, "Go to your respective rooms,now."
Utos niya at sumunod sila, "Wala bang may balak sumagot kung anong nangyayari
rito?" tiningnan ko muna sila ng masama atsaka ko tumalikod para umalis, "Jill
Morie. Come with me."

"No, I'm tired of your mind games, miss." Sabi ko atsaka naglakad papalayo sa
kanila.

The hell I care.

Parang wala ring nagbago, nandito ulit ako ngayon sa lagi kong pinagtatambayan, ang
geographic section ng library, pinapatay ang oras. Himalang kinamusta ako ni Mrs.
Stefi nang dumaan ako sa desk nya. Nandito na naman ako. Nag-iisa.
6:00 pm

Hindi ko namalayan yung oras, nakatulog lang ako rito, mabuti na lang at walang
nakahuli sa'kin dahil mabibigyan ako ng parusa na dapat magservice ka sa library
for 168 hours, dahil nga tago 'tong lugar na 'to walang nakakita sa mahimbing kong
pagtulog. Sinulyapan ko yung cellphone ko at nakita ko na sangkatutak na missed
calls ang nanggaling kila Aya, Baldo at Penelope. Napahinga ako ng malalim, alam
kong nag-aalala sila, and I feel sorry...... Alam kong ang gaspang ng ugaling
pinakita ko sa kanila kanina... Parang bigla akong natauhan sa mga nangyari ngayong
araw.

"Guys, I'm sorry." I texted them. Let's call it a day, umalis na ko sa library para
umuwi pero naisipan ko munang dumaan sa class room. Umaasa ako na madadatnan ko
sila roon pero nabigo ako, wala ng tao kahit isa. Tahimik na ang campus, nadaanan
ko yung freedom board at nakapaskil na roon yung pictures namin ni Enriquez kanina,
wala kaming picture ni Lily pero may isang bond paper na naglalaman ng balita
tungkol don, mga tao talaga.

Pumunta ako sa ground floor. Sa faculty room. Kumatok ako binuksan yung pinto.

"Oh, miss Morie, anong maitutulong ko sa'yo?"yung PE teacher ko yung bumungad


sa'kin, sinilip ko yung loob at napansin niya naman na may hinahanap ako, "Ah, sino
bang hinahanap mo?"

"Nandyan pa po ba si miss Italia?" tanong ko. Malaki pala yung loob ng faculty
room, may ilan-ilang teachers na lang yung nandoonpero hindi ko siya makita.

"Ah, si miss Italia?" kailangan ulitin? "Nako, hija, kakaalis lang niya halos,
hindi ba kayo nagkasalubong sa labas? Ano bang kailangan mo sa kanya?"

Umiling ako, "Wala naman po, thank you sir." Sabi ko at umalis na. Weird, kung
kaaalis lang niya dapat nga makakasalubong ko sya, o talagang nagkasalisihan kami.
Okay, wala si miss, uuwi na lang talaga ko. Gusto ko sana sila kausapin... Pero
nabigo akong mahanap sila.

Pag labas ko ng lobby, di kalayuan natanaw ko siyang naglalakad papuntang main gate
para lumabas. Walang duda. Si miss yon. Balak ko sana siyang habulin at kausapin
pero nagbago yung isip ko. Hindi ko alam kung anong hangin ang bumulong sa'kin na
sundan ko lang siya. Silly me.

Mabilis siyang maglakad kaya as much as possible medyo malayo yung distansya ko sa
kanya. Mysterious. Kung idedescribe ang adviser namin, isang word lang siguro ang
pumapasok sa isip ko, misteryosa. Masyadong siyang nababalot ng misteryo. Hindi ko
alam kung may mapapala ako sa pagsunod sa kanya, to stress out, sige, para medyo
makalimutan ko muna na ako pala yung may kagagawan ng blog na yun, then susubukan
kong humingi ng tulong sa kanya, tama, Jill, ganun nga muna gagawin ko.

Nakarating kami ng stop light, saktong naka-go sign kaya nakatawid kami pareho,
still, nasa likuran lang niya ko at hindi naman niya nahahalata na may sumusunod sa
kanya. Wala ba siyang balak sumakay ng vehicle? O talagang balak niyang maglakad
hanggang sa bahay niya? Ano kayang itsura ng bahay nya? Saan kaya siya nakatira?
Curiosity is killing me.

Makalipas ang ilang oras, nakatawid na kami lahat-lahat sa may tulay nadaanan na
namin yung palengke, mga iba't ibang establishment ng Bayan, marami na kong
nadaanang distrito, may nag-aalok na sa'kin ng kung anu-ano, mga dvd, damit,
sapatos etcetera. Saan ba kasi sya pupunta?! Nakakapagod.
"Jill?" napahinto ako sa paglalakad ng may tumawag sa'kin, "Anong ginagawa mo
rito?" napansin ko na nasa 'censored' district na pala ko, kung saan hilehilera
yung mga clubs, host clubs, bars, beer house. Si Alexi Sabina, nakauniporme siya na
pang-waitress.

"Ah..." wala akong maisagot, "Wala, pauwi na ko."

"Naglalakad ka lang pala. Sandali lang." pumasok siya sa loob, hindi ko alam kung
ba't hinihintay ko pa siya, tinatanaw ko si miss Karen baka mawala siya sa paningin
ko, "eto o." nagulat ako nang abutan nya ko ng isang bote, juice yon. "Sige na,
bye." Bumalik na siya sa loob. Wow.

So, bumalik ako sa pagsunod kay miss, hindi pa rin kami nakakalabas ng district na
to, ang dami kasing mga establishments, napahinto ako nang makita siyang pumasok sa
loob ng isang club.

Wait. Ano to? Part time siyang nagtatrabaho roon tuwing gabi? Teacher sa umaga?....
Tapos... Bigla siyang lumabas kaagad doon sa club, may kausap siya pero hindi ko
makita tapos naglakad na siya paalis, hindi naman siguro talaga siya nagtatrabaho
ron. Medyo nakahinga ko ng maluwag.

Hanggang sa makalabas na kami ng district na yon, feeling ko more than one


kilometre na yung nilalakad namin. The heck with this woman.

"Saan siya nagpunta?" bigla siyang nawala na parang bula. Hindi ko na siya makita.
Damn. Nasayang lang yung lahat ng nilakad ko from school. May cab na huminto sa
harapan ko at sumakay naman ako.

"Manong, sa station six." Sabi ko at tumango naman si manong na nakashades. Weird,


pasado seven na ng gabi at nakashades pa rin siya? Where is the sun kuya? Gusto ko
sanang itanong pero wala akong ganang makipagpower trip sa kahit na sino. Hindi ko
napansin na napaidlip ako. Siguro dahil sa pagod.

"Jill Morie. Come. With. Us." Napamulat ako bigla dahil sa mga boses na naman na
tumatawag sa'kin. Damn hanggang dito ba naman! Tsaka ko napansin na iba yung lugar
na tinatahak namin, hindi ko alam kung saan ako dinadala ni manong.

"Saan ho tayo pupunta? Hindi naman ho rito yung daan papuntang station six!" sigaw
ko sa driver pero parang tuod lang si manong na nagdadrive. "MANONG!" palihim
akong nagdadial sa cellphone ko, wala na kong oras para pumili ng tatawagan.

May tumunog mula sa speaker niya at nagsalita yung driver, "Dala ko na boss."
Kinakabahan na talaga ko. Binuksan ko yung pinto at lumabas kahit na umaandar yung
kotse, do or die. Naramdaman ko yung sakit at kirot habang pagulong-gulong ako sa
kalsada. Hindi ko alam kung nasaan na ko, madilim.

Akala ko tuluyan na kong nakatakas pero may itim na sasakyan ang huminto sa harapan
ko. May mga lumabas na lalaki, mga nakapormal na suot at nakashades. Hindi na ko
nakatayo dahil kaagad silang may iniispray.

Parang umiikot yung buong mundo..

***calling C.E.***

"...tulong..."
Nagising ako sa isang hindi pamilyar na lugar. Nakidnap ako. Isang malaking fact
'yan. Pero hindi ganitong lugar ang inaasahan ko. Madilim, mabaho, makalat, parang
abandonadong junk shop, mga nagsusugal na kidnapers, amoy alak, malademonyong tawa,
yan yung ineexpect kong bubungad sa'kin paggising ko, pero hindi, nasa isang
tahimik na silid ako. Nakapagtatakang hindi ako nakagapos. Nasa sahig lang ako.
Bumangon ako kahit na masakit pa yung mga nagasgas kong binti at braso. Dahan-
dahang pumunta sa pintuan pero nakarinig ako ng boses.

"Wag kang mag-alala boss, nandito lang siya, mahimbing na natutulog, matagal pa
naman talab nung inispray sa kanya.... Ah, sige, sige boss." Kinakabahan pa rin
ako. Kailangan kong makaalis dito. Nakarinig ako ng mga yabag galing sa labas kaya
napahinto ako. Akala ko papasok sila.

"Pinapatawag tayo sa baba nila boss."

Nawala na sila sa labas pero nakalock yung pinto. Hindi ako makakalabas. Isip Jill,
isip. Hindi pwedeng maabutan ako rito nung boss nila. At sino namang magpapakidnap
sakin? Naglibot ako sa silid. Parang bedroom na naging lumang bodega, may malaking
lumang kama, mga tokador, mga cabinet at kung anu-ano pa. Pinagbubuksan ko yung
cabinet nagbabakasakali ako na may makita ako na bagay na makakatulong sa'kin sa
pagtakas. May bintana, lubid, kailangan ko ng lubid.

May natabig akong maliit na kahon at naglikha iyon ng ingay, pinulot ko yon at
nakita sa loob ang isang susi. Sinubukan ko kagad yon sa pintuan pero nabigo ako.
Tsaka ko naalala na may isang cabinet akong hindi mabuksan, baka iyon yung susi
para ron. Sinubukan ko at bumukas nga. Walang lubid, pero naagaw nito ang atensyon
ko, may isang makapal na envelope. Mas kumabog yung dibdib ko dahil... Yung stamp
ng envelope na ito at envelope na pinadala sa'kin... Magkapareho. Isang black
diamond na may puting letter 'M' sa gitna. Binuksan ko yon at hinalungkat ang
laman. Iba't ibang papeles na hindi ko maintindihan.

Memoire

Iyon yung seal nung bawat papeles. Memoire?

"Ano 'to..." isang lumang larawan. Larawan ng isang babae. At kilalang kilala ko
kung sino yon. Kahit na kupas na ito at nakangiti siya sa larawan..... Miss Karen,
sino ka ba talaga?

<///3

[THANK YOU ULIT. Pakiclick yung external link kung gusto nyong mapanuod yung
hinahanap hanap kita ni Cloud este Migz Haleco pala <3 <3 ]
/36/ The Newcomer

/36/ The Newcomer

Memoire.

Hindi ko alam kung anong klaseng asosasyon sila. Parang unti-unti nang
nagdudugtong-dugtong sa isip ko ang bawat piraso ng mga misteryo dahil sa mga
natutuklasan ko. Hawak ko pa rin yung kupas na larawan ni miss Karen, ibig
sabihin... kabilang siya sa asosasyong 'to? Kabilang siya sa nagpadakip sa'kin?
Hindi kaya siya rin yung unknown caller na tumatawag sa'kin noon? Biglang nagbalik
aalala sa isp ko yung pangyayaring nakita namin siya nila Baldo sa class room, yung
panahong tumawag yung caller. Ibig sabihin ba... siya ang may kagagawan ng lahat ng
'to? Pero... kitang-kita sa mga larawan na pinadala sa'kin na ako mismo yung may
kagagawan ng blog. Anong purpose ng lahat ng yon? Para saan? Nakakalito.
Nakakabaliw isipin.

Kailangan ko munang makatakas dito. Ibinalik ko ulit sa envelope lahat ng mga


hinalungkat kong papeles, kinuha ko yon at isinilid sa bag ko, hindi ko alam kung
anong sumanib sa'kin para iuwi yon, malakas kasi yung kutob ko na makakatulong
sa'kin yung mga archives na yon sa'kin... sa pag-iimbestiga ko. Sa ngayon,
kailangan kong makaalis hangga't maaga. Nabigo akong makahanap ng lubid... Wala
akong ibang choice kundi gamitin yung kumot at bed sheet ng kama, kinuha ko yon at
pinagdugtong. Mahaba na siguro to para makababa ako. Nakalock yung bintana kaya
wala akong ibang choice kundi basagin 'to. Pinagdasal ko na sana wag nilang marinig
yung ingay, kaya buong lakas kong binasag yung bintana gamit ang isang bangko.
Tinanggal ko muna yung mga natirang basag na salamin sa gilid-gilid dahil baka
masugatan ako. Hindi na ko nag-aksaya ng oras at ginamit ko yung mga tela para
makababa.

Nasa kalagitnaan pa lang ako nang bumigay na yung pinagkakapitan ng tela, bumagsak
ako sa lupa at ramdam ko yung matinding kirot sa katawan ko. Ang mahalaga, nakaalis
na 'ko sa silid na 'yon bago pa man makarating kung sino man yung boss nila.
Bumangon ako, tsaka ko lang nakita kung saan nila ko dinala, isa 'tong di
pangkaraniwang mansion, gothic ang tema ng exterior, nakakatakot, gloomy. Hindi ko
rin alam kung saang lugar 'to, parang nasa kalagitnaan ng kagubatan na hindi mo
mawari, dahil sa dami ng mga punongkahoy at iba't ibang nagsisitaasang halaman,
masasabi kong parang vampire's haven ang lugar na 'to.

Takbo. Iyan ang ginawa ko matapos magsink-in sa utak ko lahat-lahat. Pero sa


kinamalas-malasan nga naman, nakita nila ko at hinahabol. Hindi ako lumilingon at
patuloy lang ako sa pagtakbo, pero hindi ko alam kung saan ako pupunta! Saan ako
makakalabas?! Paulit-ulit akong napapabulong ng mura dahil kahit di ako lumilingon
alam kong marami sila. Sht. Natanaw ko yung gate, nabuhayan ako ng loob. Pero
papasara na yon! Mas binilisan ko yung takbo, binigay ko na lahat-lahat ng bilis at
bago pa man yon tuluyang sumara ay nakalabas na ko.

Hindi pa ko tuluyang nakakatakas dahil andyan lang sila at kayang-kaya pa rin akong
maabutan, kaya kahit hindi ko alam kung saan yung daan pauwi ay tumakbo lang ako
sa gitna ng kalsada. Napatigil ako nang may humintong motorsiklo sa harapan ko.

"Jill, sakay!"

"E-enriquez? Paano---"

"Sumakay ka na lang!" hindi na ko umimik at umangkas. Mabilis niyang pinaharurot


yung motor at automatic naman akong napayakap sa kanya dahil sa bilis, kasabay ng
paghingal ko at pagkabog ng malakas ng aking dibdib. Later... I found myself crying
on his shoulder. Hindi dapat ako umiiyak pero hinayaan ko na lang yung sarili ko.
Kung hindi siya dumating hindi ko alam kung ano na yung nangyari sa'kin... but he
came.

"Here," namalayan ko na lang na nasa isang coffee shop na pala kami, "okay ka na
ba?"

Tumango ako at tinaggap yung binigay niyang inumin. Actually, kanina pa ko okay,
siguro nashocked lang ako sa mga mabibilis na pangyayari. Ni hindi ko lubos maisip
na makikidnap ako ngayon at heto buhay na buhay pa rin ako. Kung nakita ko lang
yung future... Mali... Hindi ko dapat isipin yon.

"Thank you nga pala." Sabi ko tsaka humigop. Pasado alas nueve na ng gabi at
mangilan-ilan na lang yung tao rito sa coffee shop.

"Wala yon. Buti na nga lang nasagot ko yung tawag mo, hindi ka sumasagot kaya nag-
alala ko. Naisip kong itrack ka, buti na lang at pinuntahan kaagad kita." Sabi
niya, "delikado na talaga ang panahon ngayon." Naging seryoso yung boses nya at
nakatingin sa labas. Ito ang unang pagkakataon na nakita kong seryoso si Enriquez.
Sa totoo lang, hindi maganda ang aura niya kapag seryoso, parang naging misteryoso,
at nakakatakot. "Pero ang mahalaga, ligtas ka na." biglang nag-iba yung mood niya,
mula sa seryoso ay naging masaya. Ewan ko pero may kakaiba akong naramdaman sa
mabilis na pagswitch nya ng mood.

"Oh, bakit natulala ka na naman sa awesome face ko?" kaagad ko namang iniwas yung
tingin ko. Jill, you can't look at his eyes or else... "I know, nagiging gwapo pa
ba ko lalo sa paningin mo?"

"Enriquez." Napansin naman nya na seryoso ako kaya kaagad din siyang tumino.

"Yes babe?"

"Babe mo yung muka mo."

"Kidding." He laughed, then coughed "Yes, why?"

"May alam ka ba tungkol sa Memoire?" nakita ko na napahinto siya saglit at dinako


na naman yung tingin sa labas. Kitang-kita ko sa repleksyon ng salamin yung mga
mata niya, seryoso, walang buhay.

"Memoire?" nakapangalumbaba siya habang tumitingin sa labas, "Bakit mo naman


natanong?"

"Sila ata yung nagpakidnap sa'kin." Sagot ko habang nakatingin sa kanya. "Gusto
kong malaman kung sino sila at kung ano ang kailangan nila sa'kin."
"Kaunti lang yung mga naririnig ko tungkol sa kanila. Isa yata silang malaking
organisasyon na nagpapatakbo ng iba't ibang kumpanya," may tinuro sa labas si
Enriquez at napatingin naman ako kaagad doon, "nakita mo yung building na 'yon?
Yung Black Diamond Tower, ang sabi nila under din daw yun ng Memoire."
Pagpapaliwanag niya. Weird, pero paano naman niya nalaman yung tungkol doon?
"Marami rin kasing kilala sa business world si dad kaya minsan nakukwento niya
sa'min ni mom."

Napaisip ako. Kung ganon pala hindi basta-basta yung organisasyon na 'yon?
Siguradong sigurado ako na hindi nila ko basta na lang kinidnap ng dahil lang sa
mababaw na dahilan, galing ako sa prominenteng pamilya pero hindi naman siguro
dahil lang sa pera, kung gusto nila akong ipapatay bakit hindi pa nila kaagad
ginawa? At anong dahilan? They want something.... Something special... from me.
Hindi kaya...

"Jill?" I snap out, "Are you sure okay ka lang?" nag-aalalang tanong niya habang
nakahawak na pala sa kamay ko. Binawi ko yon at iniwas na tumama ang tingin sa mga
mata niya.

"Yeah." Tumango ako at huminga ng malalim, hindi pa rin ako tumitingin sa kanya,
"Naisip ko lang... Ang hirap piliin ng mga taong dapat mong pagkatiwalaan. Sa dami
ng mga kakaibang nangyayari sa'kin ngayon pakiramdam ko lahat ng tao sa paligid ko
hindi na katiwatiwala." Ewan ko ba kung saang banda ko hinugot ang loob para masabi
yan kay Enriquez. First time kong mag-open ng isang topic tungkol sa mga bagay-
bagay sa kanya, at sa dinami-rami ng pwedeng buksan, tungkol pa sa 'tiwala'.

"Bakit mo naman nasabi yan?" mukhang interesado siya sa topic na binuksan ko. "Ibig
bang sabihin wala kang tiwala sa'kin kahit na magkasama tayo ngayon?"

"Siguro. Mahirap magtiwala pero mas mahirap tukuyin kung sino yung dapat mong
pagkatiwalaan." Sagot ko, "Ginagawa ko naman ang lahat para buksan yung puso ko
para sa lahat ng tao na nasa paligid ko, pero masyadong nakakadala kapag nasasaktan
ka, yung tiwala na matagal mong binuo basta-basta na lang nasira." hindi ko alam
kung bakit ba namin pinag-uusapan ni Enriquez to, pero may parte sa loob ko na
gustung gusto kumawala, yung bagay na gusto kong masabi sa kahit na sino.

"Kung sasabihin kong sinungaling ako, maniniwala ka ba?" liar paradox, may
contradiction at hindi ko basta-basta masasagot ang tanong niya. Paano kung
nagsisinungaling pala siya sa sinabi nyang 'sinungalin siya'? Paano kung totoo yung
sinabi niya, ibig sabihin nagsasabi siya ng totoo. Ang kumplikado. "Never mind that
question. Pero alam mo Jill, minsan kahit sabihin mong hindi ka nagtitiwala sa mga
tao sa paligid mo hindi ka aware na may tiwala ka pala sa kanila. For example,
sumakay ka sa jeep, hindi ka aware pero may tiwala ka pala kay manong driver na
hindi niya ipapahamak yung mga pasahero nya, kasi kung hindi edi sana hindi ka na
sumasakay sa lahat ng jeep kasi wala kang tiwala sa kanila."

"I don't get it." Sabi ko, nakakunot ang noo. Tumawa naman siya at nagkibit ng
balikat.

"Well, ang point ko lang naman is you don't know na sa daily life mo pala eh
nagtitiwala ka mostly sa strangers pa." sabi niya, "Natatakot ka kasi.... baka kung
sino pa yung taong malalapit sa'yo eh sila pa yung sisira sa binavalue mong
'trust'" He just hit me there.

"Gusto ko ng umuwi."

"Sure, hatid na kita." Hindi na ko tumanggi pa at pumayag. I didn't even think na


masasabi niya lahat ng yon kanina, baka iyon yung ibang sides ni Enriquez na hindi
ko pa nakikita. Somehow that talk with him made me comfortable. Kahit na magulo pa
rin yung isip ko tungkol sa pagtitiwala, lalo na sa mga taong malalapit sa'kin.

"Salamat sa hatid. Salamat din sa lahat, Enriquez." Sincere kong sabi sa kanya.

"No problem, ikaw pa Jill." Tumalikod na ko pero pinigilan nya yung braso ko, "One
way to see if you can really trust someone is to trust them. Good night Jill."

"Good night." I just smiled. Binitawan niya na ko at ako naman ay dumiretso na sa


loob ng building. Pagkarating ko sa apartment ko ay napahinga na lang ako ng
malalim. Paano kung balikan nila ko? Paano kung balikan ako ng Memoire. Anong
kailangan nila sa'kin? Hindi kaya.... Ang kapangyarihan ko? Alam kaya nila na may
kakaibang tinataglay ang mga mata ko?

I'm Jillianne Morie.... And I can see the future

"You're a Peculiar, Jill."

Pinuntahan ko yung mesa kung saan nagkalat pa rin yung mga larawan na pinadala
sa'kin. Binuksan ko yung bag ko at kinuha yung envelope na nakuha ko kanina.
Magkaparehong-magkapareho yung seal nila. Black Diamond.

First thing to find out... Kung ano nga ba ang Memoire. Kung sino sila at kung ano
ang kailangan nila sa'kin. Second... kung ako nga ba talaga yung may gawa ng blog o
isang malaking set up lang 'to? Dahil sa seal... malaki ang posibilidad na may
kinalaman ang Memoire sa 'blog' at sa kakaibang nangyayari sa sarili ko.Third thing
to uncover... kung sino ba talaga si miss Karen, kung bakit may larawan siya rito,
kung espiya ba siya na pinadala ng Memoire, at kung dapat ko ba siya pagkatiwalaan.
And last... kailangan kong makahanap ng iba pang Peculiar.

I can't easily give up. Hindi ako papayag na basta-basta na lang matatapos ang
lahat. Aalamin ko ang katotohanan. Ako na mismo ang hahanap sa mga kasagutang
matagal ko ng hinahanap.

*****

"Good morning." Napahinto silang lahat nang pumasok ako sa loob ng class room.
Nakatingin silang lahat sa'kin at para bang naninibago sa ginawa ko. Well... Hindi
ko naman kasi ugaling bumati kapag pumapasok sa loob. Atsaka alam nila yung
nangyaring alitan sa'min ni Lily kahapon, kaya pala medyo awkward yung tingin nila
sa'kin. Kasalanan ko naman din, nagpatalo ako sa emosyon, nadala ako masyado sa mga
sinabi ni Lily kaya hindi ko napigilan yung sarili ko.

"Hi Jill!"

"Good morning morie!"

"Ohayo!"

Medyo nagbuff siguro sila pero binalik din naman nila agad yung pagbati ko. Ngayon
ko lang napansin na para ngang talagang bumalik sa dati yung klase namin, yung
dating masigla at hindi lang puro academics ang inaatupag. Ngayon ko lang din
narealize kung gano kalaki yung pinagbago nilang lahat. Matapos ko kasing malaman
yung tungkol sa blog hindi ko na sila nabigyan ng pansin, kahit yung mga kaibigan
ko.
Absent pa rin si Stephen? Nakapagtataka dahil lagi naman siyang maagang pumapasok
pero wala pa rin siya. Hindi maganda ang kutob ko...

"MORIE! KYAAAH!" may biglang yumakap sa likod ko kaya pareho kaming muntik matumba
sa sahig, and guess who, "WALA KA NA BANG TOYO MORIE? OKAY KA NA? WAAAAH ANONG
NANGYARI SA LEGS MO!?" I'm glad that Aya returned to her old self, yung maingay,
clumsy, at bubbly. Yumukod pa siya at sinipat yung binti ko, medyo makirot pa kaya
napadaing ako. "Sorry, sorry. Ano bang nangyari sa'yo?" pumunta na kami sa pwesto
namin at umupo roon.

"It's a long story." Pinag-iisipan ko pa kung dapat ba nilang malaman na nakidnap


lang naman ako kagabi at ako lang din naman ang may gawa ng blog na sumisira ng
sarili ko. Great! Fantastic!

"Eeehh, nako Jill Morie, kilala kita, part time stunt woman ka at malakas ang
feeling ko na may hindi magandang nangyari sa'yo kagabi." Natawa ko sa sinabi niya,
stunt woman? For real. Hindi ko rin lubos maisip na magagawa kong lumabas ng kotse
habang umaandar, tumalon sa bintana, at makipaghabulan sa mga kidnapers.

"Jill---" sasabat sana si Morris na halatang di nakatiis sa'min ni Aya pero naagaw
ang atensyon naming lahat ng bumulagta halos sa sahig sila Tadeo at Baldo galing sa
labas.

"Anong nangyari?" si Ireneo yung nagtanong, siya pa rin yung tinuturing naming
leader, well, siya lang naman ang may kapasidad na gumawa nun, except sa pagrurule
ulit ng caste.

"Andyan na..." sa sobrang hingal ni Baldo hindi niya magawang makapagsalita ng


diretso.

"ANDYAN NA YUNG PRINCIPAL!" Sigaw ni Tadeo at automatic na nagsiayusan ang buong


klase sa kanya-kanya nilang pwesto. Mabilis pa sa kidlat, tumahimik silang lahat at
hinintay bumukas ang pinto. Wait. Principal? Tiningnan ko yung relo ko at wala pang
eight am. Baka may importante lang na iaannounce... err... na para lang sa klase
namin?

"Jill... pst." Bulong ni Aya.

"Oh?"

"Absent pa rin si Stephen?"

Natahimik kami bigla nang pumasok sa loob si mr. Melencio, ang principal ng White
Knights Academy. Wala namang pinagbago sa itsura niya pero parang may mali sa
ikinikilos niya, uhh... ako lang ba ang nakakapansin? O sadyang gut feeling lang?
Diretsong diretso kasi yung tingin ni mr.Melencio at nakatindig, kaya mas nagmuka
tuloy lalo siyang nakakatakot.

"Umm... Sir." Nagsalita si Ireneo, "Nasaan po si miss Italia?"

Hindi sumagot si mr. Melencio bagkus ay parang robot kung gumalaw na humarap sa
pinto at sinabing, "Please come in." Umugong ang bulungan dahil sa kuryosidad, at
maya-maya pa'y mas lumakas ito nang pumasok sa loob ng class room ang isang
lalakeng estranghero. Pumunta siya sa tabi ni mr. Melencio at humarap sa'ming
lahat, matangkad siya, at halos kasing kulay ng bondpaper ang balat niya,
natatakpan ng itim na bilog na salamin ang mga mata niya. "Listen class, simula
ngayon siya na ang bago niyong home room adviser." Napanganga kaming lahat sa
inanunsyo ni mr. Melencio na diretsong-diretso pa ring nakatindig at nakatingin sa
kawalan. "Please, introduce yourself." Mas napanganga kami lalo na yung mga kaklase
kong babae nang tanggalin niya yung salamin sa mata.

"Ang gwapo!"

"Shocks!"

"Crush ko na sya!"

"Siya na adviser? Pano si miss K?!"

May mali. Sigurado akong may mali. Tumingin ako kay Aya pero mukhang maging siya ay
parang nabighani o sabihin na nating... nahypnotize ng lalaking nasa harapan naming
lahat.

"Good morning. My name is Caleb Perez, you can call me sir Caleb. At kagaya nga ng
sinabi ni mr. Melencio, ako na ang magiging home room teacher niyo until your
graduation. I'm looking forward to your class. Please take care of me." Kalahati ng
klase namin ang nagpalakpakan, mostly girls, pero yung iba, kasama ako, hindi
kumikibo. There is definitely wrong here. Palipat-lipat yung tingin ko kay mr.
Melencio ay kay... Caleb Perez. Ako lang ba talaga ang nakakapansin? Tatayo sana ko
para magtanong pero naunahan ako ni Morris.

"Paano po si miss Italia?" nang itanong nya yan ay natahimik ang buong klase at
tila napag-isip-isip din yung mga biglaang pangyayari. Tumingin si Caleb Perez kay
mr. Melencio, na para bang ipinapasa sa isip nito kung ano ang dapat isagot sa'min.

"She's fir---"

Biglang bumukas ang pinto, at saktong alas otso, kagaya ng oras na lagi niyang
pagdating, naroon siya sa pintuan.

"Miss Karen my labs!" sigaw ni Tadeo at sabay-sabay silang napatingin sa dumating.


Sabi ko na nga ba. May mali sa mga nangyayari. Nabitawan ni miss yung dala niyang
paper bag nang makita na nakatayo sa harapan si Caleb Perez, kung dati'y blangko
ang kanyang ekspresyon... makikita mo ngayon ang matinding pagkagulat, pamumutla na
tila nakakita ng patay na muling nabuhay, sa kanyang mukha na walang kabuhay-buhay.

May mali.

May mali sa mga nangyayari.

<////3
[Walang katapusang pasasalamat sa mga nagbabasa, kung sino ka man, maraming
salamat. Lalo na sa mga nagbibigay ng feed backs maganda man o hindi maganda,
thankyou pa rin super. Kung hindi dahil sa inyo hindi ako madedevelop ng ganito
ngayon. Salamat! Picture ni miss K at Caleb Perez sa multimedia. '

At itutuloy....]

/37/ The Enemy is Near

/37/ The Enemy is Near

"So, who would like to read the first paragraph?"

"Sir! Ako, sir!"

"Sir Caleb! Ako po, please!"

I rolled my eyes as they all wiggled in their seats. Seriously? Twenty minutes ago
since he arrived, then nagkakaganito na agad yung buong klase namin especially
girls sa kanya? Parang may kung anong hypnotism siyang ginawa sa kanila na hindi mo
matanto or sadyang malakas lang yung charm looks niya. Pero kagaya nga ng hinala
ko, may mali sa mga nangyayari. Sumulyap ako kay miss Karen na nasa isang tabi lang
at sakto namang napatingin din siya sa'kin, my eyes met her cold eyes, I clearly
heard a while ago na 'she's fired' yung sasabihin ni mr. Melencio but when she came
biglang nagbago yung sasabihin ni principal, she became an 'assistant homeroom
teacher'. Funny, ako lang ba ang nakakapansin na may kakaibang mga nangyayari?

Ako na yung unang umiwas ng tingin kay miss Karen... Is it possible na alam niya
kung ano yung iniisip ko? But... I can't just trust her. Parte siya ng Memoire
sigurado ako. I need to find things out first. Napatingin ako sa kaliwa ko.
Halatang hindi rin mapalagay si Morris sa kinauupuan nya habang nakatingin kay
Caleb Perez.

"Morris." Pabulong kong tawag.

"Bakit?" sagot nya habang nakatingin pa rin ng diretso.

"May favor ako." I cleared my throat and I made sure na walang ibang makakarinig ng
sasabihin ko, "You can see the past, right? I can feel your uneasiness, I'm not
sure if we're thinking the same thing but... That guy is suspicious."
"I know." Yun lang? Yun lang ang isinagot nya.

I sighed, "Would you look at his eyes? I mean... would you look at his past?"

"I'm trying." Mukang iritable na yung boses niya, "But his eyes were covered with
those freaking glasses."

"What?" Sabi ko at tumingin sa suot na round eye glasses ni sir Caleb. "Was that a
transition glasses? Iyon ba yung nagbablock kung bakit hindi mo makita yung past?"
Kaya pala kanina akala ko nakashades sya nang pumasok dito, maliwanag kasi rito sa
loob.

"Sort of." Sabi niya at hindi na 'ko nagsalita pa.

"Mr. Morris, right?" My heart almost jumped when he showed up in our front, hindi
ko namalayan na nakatayo na pala si sir Caleb sa pagitan namin ni Morris. "Please
read the second paragraph." He said while smiling. Nakatingin lang ako sa kanilang
dalawa ni Morris na tumayo na pero mukang desidido syang makita yung mga mata ni
sir Caleb at nanatili lang syang nakatitig dito, "Mr.Morris." pero mukang bigo pa
rin siya. He followed him and after reading the paragraph, nagulat ako nang
tumingin sa'kin bigla si sir Caleb at ngumiti. I never wished to see someone's
future, pero right now, tulad ni Morris, kung kailan kailangan ko hindi ko naman
magamit, his eyes were protected.

Lumipas ang oras at natapos na rin ang klase namin sa kanya. Miss Karen remained
silent, para bang naging display lang siya sa classroom dahil hindi naman siya
nagturo, why the hell did they made her an assistant adviser? But before sir Caleb
leave, he asked us, "Any questions?"

Without hesitations I raised my hand, "Yes?" he glimpsed at the seating arrangement


plan "
Ms. Jillianne Morie?" psh kailangan talagang complete name?

"Who are you? And why are you here?" Natahimik sila at napatingin sa'kin. Saglit na
natigilan si sir Caleb pero ngumiti lang siya ng ubod ng lapad.

"I am Caleb Perez, your new homeroom teacher; I'm here because I need to teach
literature." Hindi pa rin maalis yung ngiti sa labi niya, "See you tomorrow then."
Umalis na siya pati si miss Karen at bumalik na sa normal na kundsiyon yung buong
klase.

"Kyaaaah, ang swerte ko ata na nandito ako sa section na 'to." Sabi ni Aya na hindi
pa rin nakamove on sa presensiya ni Caleb Perez, hindi ko napansin na nakalapit na
sa pwesto namin sila Baldo at Tadeo.

"Umandar na naman ang kalandian mo, babaeng manok."

"Manahimik ka nga kupal. Imagine, sa maraming taong pag-aaral ko rito sa White


Knights ngayon lang ako nagkaroon ng teacher na ganun kagwapoooo."

"Aish, ikaw nga yung manahimik ang tinis-tinis ng boses mo nakakairita ka." Bumelat
lang si Aya at papatulan pa sana sya ni Tadeo nang humarang sa pagitan nila si
Baldo.

"Pag-uuntugin ko kayong dalawa kapag hindi kayo tumigil pareho." Humarap sa'kin si
Baldo, seryoso ang mukha, "Hey Jill, alam ko may naaamoy ka ring kakaiba kay sir
Caleb, ako rin, hindi maganda yung aura na nakikita ko sa kanya."

"Aura?" I'm relieved na hindi lang kami ni Morris yung nakakaramdam, buti na lang,
"Teka, anong ibig mong sabihin sa nakikita mong aura sa kanya?" parang nagulat si
Baldo sa tanong ko, hindi niya siguro inaasahan. Well that Aura thing... mukang
interesting.

"Ah... Ano... Hindi ba kayo familiar sa tinatawag nilang human aura?" naiilang na
sabi ni Baldo at halatang nahihiya siya sa sinasabi niya. Kaagad tumino sila Aya at
Tadeo nang marinig yung sinabi ni Baldo. "Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag
ng mabuti pero baka magmukha lang akong baliw kapag sinabi ko sa inyo." Hindi
kaya... Peculiar din si Baldo?

"Baldy men, sa amin ka pa ba mahihiya? Alam na alam namin kung gaano ka kakupal,
kaya sabihin mo kung ano yung dapat mong sabihin. Mas lalo kang nagmumukang tsonggo
kapag seryoso, men!"

"Baka hindi niyo maintindihan---"

"Maiintindihan kita, Baldo." I assured him. Huminga ng malalim si Baldo at bumulong


sa sarili.

"Tsk, si Caleb Perez ang subject natin dito tapos napunta sa'kin? Nabuking pa ko ng
wala sa oras." Napakamot siya sa batok tsaka kami hinarap, "Sige sige, dahil tropa
ko naman kayo matatanggap niyo naman siguro ako kahit na ano ako diba. Pero wag
dito, doon tayo sa roof top, may mga iba pa tayong dapat pag-usapan na tayo-tayo
lang." we all agreed to him. Napag-usapan namin na mamayang lunch break kami
pupunta. Nasulyapan ko sa pintuan na lumabas si Morris. Saan kaya siya pupunta? At
isa lang ang naisip ko.

Susundan ko sana siya pero dumating na yung next subject teacher namin.

What are you up to, Morris?

[Morris]

I skipped class.

Kailangan ko siyang makausap ngayon na. Ngayon ko lang ulit naramdaman 'to. Takot.
Parehong pareho nang naramdaman ko noong mga panahong tumatakas kami ni ate
Georgina sa mga taong gustong gumamit sa'min. Alam na ni Jill ang tungkol sa
Memoire pero hindi niya alam kun gaano sila kapanganib at kung gaano kalawak ang
impluwensiya nila. Kilala ko si Jill, gagawa at gagawa siya ng paraan at hindi siya
titigil hangga't hindi niya nalalaman ang isang bagay. Lalo na ngayong dumating
bigla si Caleb Perez, nakita ko na siya noon.

"Oh, Morris, wala ka bang klase? Anong ginagawa mo rito?" tanong ng isang teacher
na kakalabas lang ng faculty room, "Oo nga pala, si mr. Perez na yung nagtake over
ng klase niyo? Biglaan yung pag announce ni mr.Melencio, maging kami ay nagulat.
Oh, pano mauna na 'ko hijo." Tumango na lang ako at nagpaalam kay mam. Pagpihit ko
patalikod nakita ko siya na kakalabas lang din ng faculty room, walang mababakas na
kahit anong emosyon sa mukha pero alam kong kagaya ko may takot ding namamayani sa
kanyang dibdib. Nagpakita ang taong naging piraso ng kanyang nakaraan, alam kong
mahirap para sa kanya 'to.

"Sumunod ka sa'kin." I followed her lead. Pumunta kami sa school garden, walang
ibang tao dahil lahat ay nasa kanikaniya nilang klase.

"Are you alright?" I asked her first, though alam ko namang hindi naman talaga siya
okay. Huminga muna siya ng malalim bago sumagot.

"Yes."sagot niya, "Hindi ko lang maiwasang magulat sa nangyari kanina. Imposible.


Matagal na siyang patay. Nakita ng dalawang mata ko Morris, he died. Nangyayari na
yung kinatatakutan ko." napuno ng takot at pangamba ang kanyang tinig.

"Anong ibig mong sabihin? Nasa panganib ba tayo nila Jill?" nakita ko, nakita ko na
noon sa mga mata ni miss Karen si Caleb Perez.

Umiling siya "Ako ang pakay niya. Pero sigurado ako na may iba pa siyang motibo sa
pagpunta rito."

"Paano si Jill?"

"Hindi niya pwedeng malaman ang tungkol kay Jill, Morris. Kahit anong mangyari
hindi niya pwedeng malaman, naiintindihan mo ba? Bukod kay Lucille at sa'kin, ikaw
lang ang iba pang nakakaalam ng tungkol sa kung anong mayroon si Jill. Morris,
hindi siya pwede makuha ng mga Memoire. Hindi." May nakita akong kung ano sa mga
mata niya habang sinasabi 'yon. Magkatulad sila ni ate Georgina.

"Paano kung malaman niya na Peculiar si Jill?"

"Hindi ko hahayaang mangyari 'yon, Morris. Kung kinakailangang sumama na kaagad ako
sa kanya, gagawin ko. Wag lang si Jill. Kailangan mong maintindihan yon, Morris."

"S-sasama ka sa kanila?"

"Well... I'm part of them anyway. That's why Caleb Perez is here, to bring me
back."

"Kung hindi lang nawala yung sketchpad ni Lucille, hindi sana tayo mahihirapan."
Yung sketchpad ni Lucille na naglalaman ng mga larawan na nagpapakita ng hinaharap,
hinaharap na nakita niya sa mga panaginip niya gabi-gabi.

"Hindi nawala ang sketchpad, Morris. Someone took it when she died."

"Hawak na kaya ng Memoire yung sketchpad?"

"I don't think so. Kung nasa kanila 'yon, dapat matagal na nilang alam ang tungkol
kay Jill at matagal nang gumawa ng hakbang para kuhanin siya." She's right.
"Listen, Morris. We have to protect Jill." Sana nandito si Jill para marinig niya
yung mga sinabi ni miss Karen, para malaman niya na may mga taong katulad namin na
handing gawin ang lahat para protektahan siya. Kung pwede lang ipaalam sa kanya.

"What should we do now?"

"Kailangang paalalahanan mo yung mga classmate s mo na mag-ingat sila. Tutal ikaw


ang pinakamalapit kay Jill, sa'yo ko pinagkakatiwala ang pagpoprotekta sa kanya.
Kapag may nangyaring hindi maganda sa inyo, baka hindi ko mapatawad ang sarili ko."

"'Wag kang magsalita ng ganyan, miss. Walang mangyayaring masama. Gagawin ko ang
lahat ng makakaya ko para protektahan sila... at si Jill."

Pinabalik na ako ni miss Karen sa klase matapos ng pag-uusap naming dalawa.


Pinipilit kong iwaksi ang kaba sa dibdib ko habang naglalakad sa corridor. Kung ano
yung iba pang motibo ni Caleb Perez sa klase namin, hindi namin alam ni miss Karen.
"That was so dramatic." Napahinto ako at nagulat nang bigla siyang humarang sa
dadaanan ko. Too bad, kami lang ang tao sa corridor. I can't runaway from him. Ito
na siguro yung oras para harapin ko siya. "The two of you are that close? I'm
jealous." Tumawa siya habang nakapamulsa habang ako naman ay kinuyom ko ang
dalawang palad, hinahanda ko lang yung sarili ko.

"Alam ko kung sino ka at kung ano ang tunay mong pagkatao." He laughed again as if
he heard the funniest joke in this planet. "You're not Caleb Perez."

"I thought you would never figure out, but I guess I'm wrong." He removed his
glasses, "Nakita mo na sigurado ako sa mga mata ni Karen."

"H-how did you---"

"There's a power that runs in your bloodline. Morris clan, a family of postcognists
who could see someone's past." His grin widened as I tremble with fear. "It's very
unfortunate na kayong dalawa na lang ni Georgina ang natrace namin sa angkan . Oh,
speaking of Georgina, have you heard that she's already married to my cousin? Let's
call it Peculiar breeding."

"Fvck off!" susuntukin ko siya pero naiwasan niya 'yon dahilan para masubsob ako sa
sahig. Napalitan ng galit ang takot. Hindi ko siya mapapatawad sa mga sinabi niya.

"You have to be grateful to us, Morris. We'll save your clan and your dear sister
Georgina protected you. Hindi mo alam kung gaano kalaki ang naitulong ng Memoire sa
pamilya mo. Why don't you join us instead? We can enhance your power so that you
could use it well. Anong sa tingin mo?"

"Stop messing with me! Hindi ako sasama sa inyo!"

"Well, I completely understand why you're so upset. Anyway, hindi naman talaga ikaw
ang pakay ko rito, so I'm not that bothered."

"What do you want?" tumayo ako.

"I assume that you already knew the reason. I need to brick back my sweet Karen to
the association, they demand her power badly. They crave for the future...But...
this school is fun, kaya pala parang nag-eenjoy magtago rito si Karen, I'm kinda
bored, so I want to play around. Your stupid class is very lucky."

"Subukan mo lang na gumawa ng masama or else---"

"Or else what? Your power is useless, in other word... powerless. You can't fight
me. Naisip kong sa klase niyo gawin ang eksperimento."

"Eksperimento? Hindi kami hayop para pag eksperimentuhan!"

"Humans are animals; they are classified in the Mammalia class. We're just too
lucky since we were born uniquely, or in a peculiar way, we may be categorized as
super humans. Peculiar people like us are beyond ordinary. Isn't that amazing?"

"Shut up. I'll do everything to stop you."

"How pathetic." Lumapit siya sa'kin at bumulong, "Ano ng gagawin mo ngayon Morris?
Ngayong alam mo na kung ano ang misyon ko rito. Sasabihin mo sa kanilang lahat ang
nalalaman mo para iligtas sila? Go ahead. Let's just see kung maniniwala sila
sa'yo. In this world, our kind does not exist; ordinary humans are too ignorant to
know the truth about this universe." He strangled me, I tried to escape but it's
too late when his eyes..."You underestimated my power."

...turned to blue.

[Morie]

"Hindi ko pa rin alam kung paano ko ipapaliwanag ng mabuti sa inyo kung ano yung
human aura." Tapos na kaming kumain ng lunch at inuubos na lang naming apat yung
oras dito sa roof deck, kakamot-kamot pa rin si Baldo nang pilitin siya ni Tadeo
sabihin sa'min yung sasabihin niya kanina.

"Alam namin yon, yun yung parang bumabalot na kulay sa tao diba? Tapos nalalaman mo
yung mood nung tao?" sabi naman ni Aya na interesado rin sa subject na pinag-
uusapan namin.

"Oo, ganun nga. Hindi lahat ng tao kayang makakita ng kulay na bumabalot sa kapwa
niya tao. Sa kaso ko, hindi ko na maalala kung kailan pa ko nagsimulang makakita ng
aura pero parang normal na lang sa'kin yon ngayon."

"Hindi naman kaya may psychic powers ka, men?"

"Adik, wala akong psychic powers, ang alam ko lang parang bahagi lang 'to ng
tinatawag nilang sixth sense ng isang tao. Kumbaga lahat naman tayo psychic, pero
hindi lang lahat ganun kabukas. Pero naniniwala pa rin ako na lahat may kanya-
kanyang tinatagong kakayahang hindi normal."

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" umasim lang yung muka ni Baldo nang tumawa sila Aya at
Tadeo dahil sa mga sinabi niya. Napangiti lang ako, open minded si Baldo sa mga
ganitong usapan, kung sakali kayang malaman niya yung tungkol sa mga mata ko,
maniniwala kaya siya?

"Oy! Pinagtatawanan niyo sa mga sinasabi ko! Mga kupal! Ayoko na!" magwowalk out
siya pero humarang si Tadeo na tawa pa rin ng tawa.

"Joke lang men! Eto naman! Nakakatawa lang kasi ang seryoso mo pa habang sinasabi
yon."

"Kaya nga Baldo! Muka ka talagang tsonggo! HAHAHAHA." Nag-apir pa sila ni Tadeo at
first time atang nagkasundo sa isang bagay. "Joke lang. Mwahaha. Ano naman yung
tungkol kay papa Caleb?"

"Hindi ko gusto yung aura niya." Sumeryoso na naman yung itsura ni Baldo at
inaalala yung kung ano mang klase yung nakita nyang aura kay Caleb Perez,
"Kadalasan mababasa mo ang isang tao kapag nakita mo ang kulay ng aura niya, pero
yung sa Caleb Perez na yun kasi... ang labo eh."

"Malabo?"

"Paiba-iba siya ng aura. Dilaw na magiging pula na magiging violet na magiging itim
tapos magiging puti. Ang gulo diba!" How cool was that?

"Which means... na masama yun? Ganon?"


"Oo. Tsaka isa pa... Diba nakita niyo kami ni Tadeo kanina na nagkakandapa-dapa sa
pagpasok sa loob ng room? May nakita kasi kami."

"Ano? Multo?"

"Baliw, babaeng manok! Lemme explain this men. Gumagala-gala pa kasi kami ni Baldy
sa campus dahil hindi pa naman time. Malapit kami dun sa tapat ng principal's
office, natanaw namin ni Baldy na parang nag-aargumento si Caleb Perez tsaka si
Melencio men. Pagkatapos, ibinaba ni Perez yung salamin niya at nagtitigan lang
sila ni Melencio! Ayun! Voila! Parang zombie na naglalakad si principal papunta sa
room natin." Paliwanag ni Tadeo at kaagad dumugtong sa pagkukwento si Baldo, "Ang
totoong dahilan kung bakit kami napatakbo ni Tadeo..." nagkatinginan pa silang
dalawa bago humarap samin ni Aya, "Nung binaba kasi ni Caleb Perez yung salamin
niya, may kumislap sa mga mata niya."

Mga five seconds na natahimik kaming apat. Nakanganga lang si Aya at ako naman ay
nanatili lang na di nagsasalita, "Baka naman nakacontact lense?" sabi ni Aya.

"Baliw! Nakasalamin na nga nakacontacts pa? Yang utak mo gamitin mo nga!"

"Aray Baldo ha! Aray!"

"Hep! Hep! I therefore conclude that! Gumamit ng hypnotism powers si Caleb Perez
para kontrolin si principal. Diba!"

"Ang abnormal mo Tadeo . Sinong maniniwala sa conclusion mo? Hypnotism? I therefore


conclude na mongoloid ka!"

"Guys, hey, stop that." Inawat ko muna sila at nakuha ko naman yung attention dahil
kanina pa ko tahimik dito, "I know It's hard to believe na hypnotism nga yung
ginawa ni Caleb Perez." Peculiar siya, katulad ko siya na may ibang klaseng
kakayahan, naniniwala ako sa conclusion ni Tadeo, pero hindi iyon kaagad
maiintindihan ng iba. Lalabas lang na absurdity ang lahat. "Baldo, sigurado ba
talaga kayo sa nakita niyo?"

"Oo naman, Jill. Cross my heart."

Nakahinga ako ng maluwag, at least unti-unti nang nakukumpirma ang mga hinala ko,
"The moment pa lang na pumasok sila sa loob ng classroom, alam kong may mali na sa
mga nangyayari. I am glad na hindi lang ako yung nakapansin ng mali, even Morris,
at kayo Baldo. Kung totoo man ang conclusion ni Tadeo, wala tayong pruweba, wala
tayong laban kay Caleb Perez."

"Teka, teka, teka, Jill." Awat ni Aya, "Sabihin na lang natin na tama nga ang
assumptions niyo, eh ano naman yung dahilan kung bakit siya nandito sa school
natin?"

Iyon nga rin ang iniisip ko, kung ano ang kailangan niya, kung parte nga ba talaga
siya ng Memoire at ako ang hinahanap niya? Pero hindi ko naman pwedeng sabihin na
lang sa kanila ang tungkol doon. Hindi nila maiintindihan.

"Iyon ang kailangan nating malaman bago pa may mangyaring masama." Sabi ko.
"Kailangan nating mag-ingat para sigurado. Para mas ligtas, hindi dapat tayo
tumitig ng diretso sa mga mata niya."

"Kung hindi magiging zombie rin tayo men!"

"Baliw kang kupal ka! Mga conclusion mo!"


"Hindi ba nating pwedeng sabihin sa iba?"

Umiling ako, "Hindi Baldo, baka isipin lang nila na nasisiraan lang tayo ng ulo. Sa
ngayon, sa ating apat lang muna."

"Kung humingi kaya tayo ng tulong kay miss Karen?" hindi ko gusto yung suggestion
ni Baldo, "Baka may maitulong siya, nakita niyo rin naman kanina yung reaction niya
kay Caleb Perez."

"I'm sorry Baldo... Pero, hindi ganon kalaki ang tiwala ko sa kanya." Sabi ko na
ikinagulat nilang tatlo.

"Hah? Bakit Jill? Mas tumibay nga yung tiwala ko sa kanya matapos ng lahat ng mga
nangyari sa recollection eh." React ni Tadeo na sinundan pa ni Aya.

"Oo nga, kahit na muntik muntikan niya na kong mapatay sa sobrang kaba! May
nangyari ba Jill?"

"Wala naman... Hangga't nanatiling misteryoso ang pagkatao niya, hindi ko muna siya
pagkakatiwalaan. Baka hindi natin alam, kasabwat pala siya ni Caleb Perez." Palusot
ko at napatango na lang sila

"Ibig bang sabihin nito... mag-iimbestiga na tayo?" excited na tanong ni Tadeo.

"Yes. Pero hindi lang sa kanilang dalawa."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Si Stephen pa."

Saktong pagkasabi ko ng pangalan na yan ay biglang dumating si Penelope, hingal na


hingal at halatang galing sa pagtakbo.

"Penpen!"

"M-may hindi magandang balita..." hinihingal na sabi niya. Napatayo kaming apat sa
pagkakaupo. "Si Stephen kasi... Magdadrop na ng school."

Pareparehas kaming nagulat. Bakit?

*****

"Tao po?!" nakailang sigaw na kami sa harapan ng bahay nila Yue pero wala pa ring
sumasagot o sumisilip man lang mula sa loob. Nang malaman namin ang balita kay
Penelope hindi kami nagdalawang isip na pumunta rito matapos ang klase.

"Tsk, sasakalin ko yang si Yue kapag nalaman kong nanloloko yan." Sabi ni Baldo na
inip na inip na, mag-iisang oras na ata kaming nakatayo rito sa harapan pero wala
pa rin.

"Hindi siya nagbibiro Baldo, nagtext siya mismo sa'kin." Nag-aalalang wika ni
Penelope.

"Yung totoo mga men, akala ko magiging okay na ang lahat pagkatapos ng putapeteng
recollection kung ano-ano na namang kabaliwan yung nangyayari sa'tin." Akala ko rin
Tadeo. Akala ko tapos na ang mga problema pagkatapos, pero mas lumalala pa ata yung
mga kinahaharap ko ngayon. Hindi na nagpakita si Stephen magmula ng matapos ang
recollection, at nakakagulat na marinig ang balitang magdadrop na siya ng White
Knights. Sa anong dahilan?

Nabuhayan kami ng loob ng lumabas ang isang babae na mas matanda sa'min ng mga
pitong taon, ate siguro ni Stephen. Lumabas siya ng gate at hinarap kami.

"Kayo ba yung mga kaibigan ni Stephen?"

"Opo."

"Pasensya na kayo. Pero... Pinapasabi ni Stephen na... wag na raw kayong babalik
dito kahit kailan. Nasa mahirap na sitwasyon ngayon ang pamilya namin, lalo na ang
kapatid ko... kaya pakiusap..."

"Teka lang po." Hindi na namin siya nahabol dahil kaagad din siyang pumasok sa
loob.

"Hoy Stephen! Lumabas ka dyan!" sigaw ni Baldo at sa sobrang inis ay sinipa na


lang yung basurahan.

Nabigo kami sa pagtawag sa kanya at wala kaming ibang nagawa kundi umuwi na lang.
Hindi ako makapaniwala. Tahimik kami habang naglalakad, kanya-kanya kami ng
iniisip. Walang kumikibo. Napahinto ako sa paglalakad nang tumunog ang cellphone
ko, dahil siguro sa kalutangan nila hindi nila napansin na naiwanan nila ko sa
paglalakad.

*calling...Stephen*

Kaagad ko yong sinagot.

"Stephen!"

"Jill. Sorry. Wala na kong ibang magagawa. Ayokong madamay kayo. Ayokong madamay
ang pamilya ko. Takot na takot ako sa kanila, Jill. Gusto ko kayong protektahan
lahat. Mag-iingat kayo."

"Teka Stephen, sino? Sino sila?"

"M-memoire...*toooooot*"

Nabitawan ko... yung cellphone ko


<///3

*tugtog ending themesong*

charot! Feeling anime/jdrama? XD lol lakas kong mangarap tehehehee

pakiplay yung youtube kung mabilis ang net, kunwari yan yung ending themesong.
hahaha. la lang, share ko lang yung music na pinakikinggan ko kapag nagsusulat ako.
hehe. i really love jpop T.T

Minasan! Hontoni Arigato! lol trying hard magnihon. Mga kapatid, maraming salamat
po ulit sa pagbabasa gaano man katagal ang pagaupdate, sa lahat, maraming salamat
po. 100k + reads na ang TPT? Seriously? Men! Thank you! Haha. Inosente sa reads.
Maging si Morie sa multimedia ay nagpapasalamat. chos. XD

Gusto ko ulit idedicate kay ate nanashi kasi mahal na mahal ko sya! HAHAHA <3 Hi
ate! Thank you palagi! <3

Oo nga pala, yung external link! Pakiclick kung gusto makita mga nakuha kong
fictional characters, haha naiinggit ako sa iba na may FC ako rin. HAHAHA. charot
lang. Sa susunod ulit. Salamat!

God bless!

-D

Part Three

Sta. Helena Orphanage


1998
"Kanina pa naghihintay ang mga bata, Dr.Richard. Sumunod na lang po kayo sa'kin."
"Kamusta naman sila rito, sister Emilia?"
"Mabuti naman ang kalagayan nila pero hindi ko maiwasang hindi mag-alala para sa
kabutihan din ng iba pang mga bata. Narito na tayo"
Sa isang munting silid bumungad sa kanila ang anim na bata na nasa edad na sampu
hanggang labing dalawang taong gulang, Sa unang kita pa lang ni Richard sa kanila,
alam na niyang espesyal ang mga batang ito.
"Isasama kayo ni Dr. Richard sa laboratoryo niya, magpapakabait kayo roon ha."
"Magandang umaga, ako si Dr. Richard, pero gusto ko tawagin niyo 'kong tito
Richard. Anong pangalan niyo?" tanong niya ngunit walang sumagot sa kanya, marahil
ay nahihiya o natatakot ang mga batang ito.
"Pagpasensyahan mo na, mahiyain talaga sila sa umpisa. Ito nga pala si Beatrice, si
Jinnie, si Rommel, ang kambal na sila Pacifico at Cairo, at ito naman si Sylvia."
"Mamimili po ba kayo ng aampunin sa'min tito Richard?" biglang tanong ang batang
may buhok na lagpas bewang na nagngangalang Jinnie. Ngumiti lamang si Richard.
Research Center of the Paranormal Abilities
1999
"Very good, Bea, naperfect mo lahat. Nahulaan mo ng tama yung mga baraha."
Lumipas ang isang taon at patuloy pa rin niyang pinag-aaralan ang mga bata sa
kanyang laboratoryo. Isang taon ang lumipas at mas lalong napaunlad ang mga
natatagong kapangyarihan ng mga anim na batang kinuha niya mula sa ampunan. Unti-
unti nang lumalabas ang tinataglay nilang kakayahan, kakaiba sa mga normal na
nilalang.
Binalasa ulit ni Richard ang mga Zener cards, bumunot siya ng isa at humarap sa
kambal.
"Pacifico, anong hugis ang nasa baraha?"
"Star po."
"Very good!"
"Ako naman po yung next tito!"
"Sige, Jinnie."
"Dr.Richard, excuse me lang po, hinhintay po kayo ni mam Julia sa labas."
"Sandali lang ha, babalik ako." Lumabas siya at sumalubong sa kanya ang asawa na
kanina pa naghihintay, isang ngiti ang sumilay sa kanyang bibig tsaka napansin na
may hawak na bata si Julia.
"Galing ako ng Sta.Helena, Richard. Hindi kita maabala sa research mo kaya ako yung
nag-asikaso sa mga papeles." Yumukod si Richard at may galak at sabik na hinawakan
ang batang nakahawak kay Julia. Kay tagal nilang minimithi na magkaroon ng anak.
"Kapatid siya nung batang sinama mo sa research mo, kapatid niya si Beatrice."
"Anong pangalan mo?" masayang tanong niya pero hindi nagsalita ang batang babae na
nasa apat na taong gulang.
"Ako na ang nagbigay ng bagong pangalan niya, Richard. Her name is... Jillianne."

/38/ Brainwashed

/38/ Brainwashed

"Stop following me." Singhal bigla sakin ni Morris, pareho kaming napatigil sa
paglalakad kasabay nang pag-ugong ng malakas na bulungan mula sa mga tao sa paligid
namin. Great. Kaunti na lang at mauubos na talaga ang pasensya ko sa kanya. There
is definitely something wrong with him. Simula nang dumating siya sa class room
kahapon matapos niyang hindi pumasok ng klase. Sasalubungin ko sana siya pero
naunahan ako ni Lily. He looked well except his eyes...

"Hindi naman kita susundan kung hindi ka lang parating naglalakad paalis kapag
kakausapin kita. Ano bang problema mo?" kinokontrol ko yung boses ko dahil may mga
tao lang na nanunuod sa paligid namin, nakarating lang naman kami ng cafeteria
dahil sa kaartehan ng lalaking to. I approached him a while ago at heto bigla-bigla
na lang siyang umiwas at naglakad palayo. What the hell.

"Wala akong problema. Ikaw, ano bang problema mo?" nainis ako sa pagbalik tanong
niya sakin ng tanong ko. Napapikit ako saglit at huminga ng malalim, hindi pa naman
sagad ang pasensya ko pero malapit na. Hindi na lang ako nagsalita, hinablot ko
yung braso niya at hinila siya sa papalayo ng cafeteria dahil mas mauubos ang
pasensya ko sa naririnig ko sa mga taong nakapaligid sa'min.

"Hey, diba mag-on sila dati?" "Yeah, that was two years ago. Pero nagbreak kaagad
sila." "Alam mo ba after nilang magbreak dun naging cold heartbreaker yang si
Morie." "Anong issue ngayon sa kanila? Diba may girlfriend na yung guy?" "What's
new? Malandi yang heartbreaker na yan. Remember how he broke Matthew's and Errol's
heart?"

"Get off!" mas malakas siya kaya napabitaw kagad ako sa braso niya at akma na
naman siyang aalis pero hinarangan ko siya.

"Alam naman natin yung issue ngayon diba?! Ano bang nangyayari sa'yo?!" niyuyugyog
ko na siya pero tinabig niya lang yung dalawang braso ko. Sinisigawan ko na siya
dahil sa sobrang inis, mabuti na lang at dito ko siya sa labas ng building nahila
at walang ibang tao ang nakakakita sa'min, huminga ulit ako ng malalim at pinilit
pakalmahin ang sarili, walang matutulong ang init ng ulo sa ganitong sitwasyon,
"Tungkol kay Caleb Perez, Morris. Alam kong alam mo na hindi siya pangkaraniwang
tao, katulad natin siya diba? Kailangan ko ng tulong mo." Pagsususumamo ko sa
kanya, saglit lang niya kong tiningnan, walang ka-emoemosyon ang itsura niya, tsaka
siya nag-iwas ng tingin.

"Jill, you're being paranoid." Tinapik niya ko at akma na namang aalis pero
hinawakan ko siya sa kamay niya, nakatalikod pa rin siya sa'kin. Naisip ko bigla...
Kung hindi ba... kung hindi ba nakuha ni Ireneo yung sulat noon... kami pa rin ba
hanggang ngayon? Kung hindi ba nangyari 'yon noon... hawak ko pa rin ba yung kamay
niya ngayon? Oo, hawak ko nga yung kamay niya ngayon, pero hindi niya naman ako
magawang hawakan pabalik. "Please, wag mo na kong guluhin." Sa sinabi niya,
binitiwan ko yung kamay niya. Tinitigan ko yung mga mata niya. Wala. Wala akong
makita. Wala akong makitang nakaraan. Nasaan na? Nasaan na lahat ng sinabi niya
sa'kin noon?

Morris. You. Stupid.

*****

Pabalik na ko ng home room dahil malapit ng matapos yung break. Ubos na halos yung
mga students sa pasilyo. Napadaan ako malapit sa comfort room at nakita kong
lumabas mula sa ladies room yung limang kaklase kong babae, wala namang problema
kaso nakita ko yung mga mata nila, blangko, katulad ng kay Morris, pero nakangisi
sila.

"Wait, Trinie---" napatigil ako nang may humawak na basang kamay sa balikat ko,
bigla akong kinilabutan. Paglingon ko nakita ko siya na basa. My mind quickly
jumped to conclusions. "Miss Karen, anong nangyari sa'yo?" I asked her though ang
nasa isip ko kaagad ay yung limang kaklase ko yung may gawa nito sa kanya. She's
soaked to the skin for heaven's sake. Are they bullying her now? Wait. No. "Si
Caleb Perez ba ang may gawa nito?" I want her to answer yes, but if she did... ano
namang magagawa ko?

Hindi niya sinagot ang sinabi ko bagkus ay sinabing, "Bumalik ka na sa classroom,


five minutes left before time." Naglakad siya paalis but I stopped her.

"May itinatago pa rin kayo sa'kin ni Morris. How can I even trust you kung hindi ko
man alam kung sino ka ba talaga."

She faced me, "You're not obliged to trust me, Jillianne." Then she leaved me
forever astounded.

This is so frustrating.

*****

Nang sumunod na umaga ay mas may naging kakaiba. Malayo pa lang ako sa pintuan ng
home room wala pa rin akong naririnig na ingay mula sa loob. This is odd, sa loob
loob ko, baka late na ko at nagsisimula na sila ng klase. Bubuksan ko pa lang yung
sliding door ng may mapansin akong maliit na puting note na nakadikit doon.

'Act normally. Don't smell the paper.' Walang nakalagay kung kanino galing yung
wirdong note na 'to, binulsa ko yon at pagbukas ko ng pinto, nagkaklase na nga
sila. Ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin ng mga kaklase ko.

"Sorry I'm late." Sabi ko.

"Please, sit down." Sabi ni Caleb Perez na ubod ng lapad ang ngiti at itinuro ang
pwesto ko. Tahimik akong naglakad papunta sa pwesto ko. Magtataka ka sa mga itsura
nila, diretsong diretso na nakaupo at hindi kumukurap na nakatingin sa harapan.
Pagkaupo ko ay humarap ako kay Aya at pasimpleng tinawag siya, pero parang wala
siyang naririnig at seryoso. Tsaka ko lang napansin na may papel na nakalagay sa
desk ko. Naalala ko yung note. 'Act normally. Don't smell the paper.' Hindi ko
hinawakan yung papel. Luminga linga ako at baka sakaling may isang tao na pwedeng
magpaliwanag sa'kin sa mga nangyayari. Pero wala. Wala kahit isa sa kanila. Kahit
si Baldo at Tadeo. Pati na rin si Ireneo. At si Morris.

Hindi kaya may kung anong nakalagay sa papel na 'to na kapag naamoy ay... mawawala
sa sarili... makokontrol at...

"Okay class, I'm sorry but I need to go early, pinapatawag ako ni mr.Melencio sa
principal's office. For now, miss Italia will continue the lesson." Paalam bigla ni
Caleb Perez at mabilis na naglaho sa paningin namin. Alam ko hindi pa rin ako nag-
iisang nasa wisyo, si miss ang naglagay ng note. She looked at me and mouthed
'don't' dahil kung hindi mapapasailalim na rin ako ng kapangyarihan ng kung ano
mang drogang amoy ang nasa papel na 'to.

"Please, open your page on---"

"Why should we follow you?" "We will not obey a person like you." "Wala kang
kwenta" "Hindi ka dapat narito" "Umalis ka na" Sabay-sabay silang nagsalita na
parang robot, mga masasakit na salita ang mga ibinabato sa kanya, hindi ako
makapaniwala sa mga nangyayari, sa mga sinasabi nila, they're under control...
"Lumayas ka na." "Wala kang kwenta" "Lu-ma-yas" "Lu-ma-yas" "Lu-ma-yas" "Lu-ma-yas"
"Lu-ma-yas" "Lu-ma-yas" Paulit-ulit na sinabayan pa ng palakpak. Nakakabingi.
Pakiramdam ko umiikot yung buong paligid. Ang nangyari kahapon, may purpose iyon.
Ibig bang sabihin si miss ang tinatarget ni Caleb Perez? Bakit?

Hindi ako nakatiis at tumayo ako para pahintuin sila, "Ano ba!" pero wala akong
nagawa. Tiningnan ko si miss na walang kareareaksyon at nakatingin lang din siya sa
mga estudyante niyang nasa ilalim ng kung anong orasyon. Niyugyog ko si Aya pero
tuloy lang siya sa ginagawa niya. Insane. They're all completely under Caleb Perez'
spell, then I had no more choice. Tumitig ako sa mga mata ni Aya... Pero...
Everythin is... distorted! Hindi ko makita ang future sa mga mata niya. What the
hell with this stupid power! Paano ko sila matutulungan?! Tumingin ulit ako kay
miss Karen, umiling siya sa'kin na para bang sinasabi na wala akong magagawa. Maya-
maya ay lumabas siya ng silid at sabay-sabay na huminto yung mga kaklase ko. Gusto
kong ihagis yung table ko.

'Act Normally. Don't smell the paper'

Wala akong magawa kundi mapaupo na lang. At hintaying matapos ang araw na 'to.

*****

Eleven hours passed since I'm with these 'brain dead' buddies. Sa loob ng labing
isang oras tiniis ko ang nakamamatay at nakabibinging katahimikan. Para silang mga
living corpses na nagkaklase and I am definitely sick of it. Anong dapat kong
gawin? Uwian na wala pa rin akong naiisip na paraan kung ano ang dapat na gawin,
paulit-ulit na kong napapamura sa isip dahil sa frustration. Nakaupo pa rin sila sa
kanya-kanyang upuan, lulubog na ang araw ng hindi man lang kumukurap ang mga mata
nila, hindi ko alam kung hanggang kailan sila magkakaganito. Kailangang may gawin
ako para iligtas silang lahat. Pero paano?

Tumayo ako at lumabas. Naghanap ako ng iba pang mga tao pero wala na kong makitang
mga estudyante. Kahit mga staffs hindi ko rin mahanap. Mas nakakabingi ang
katahimikan sa labas, wala akong ibang marinig kundi yung mga yabag ko na
umaalingawngaw sa pasilyo. Papunta ako ng principal's office nang marinig ko ang
malalakas na yabag mula sa likuran ko. Lumingon ako at laking gulat na makita si
Mr.Melencio kasama ang mga school staffs at teachers. Napaatras ako nang makita ang
mga mata nila... ominous eyes. Pati rin sila... Tuluyan nang napasailalim sa
balaghan.

"Miss Morie, ano'ng ginagawa mo rito sa labas?" mabagal, malalim at nakakatakot na


pagkakasabi ni mr.Melencio habang humahakbang sila papalapit sa'kin. At katulad ng
sinabi ni Tadeo para silang mga zombie na may kumokontrol sa kani-kanilang utak.
Inilabas ni mr. Melencio ang isang bulaklak at kaagad kong tinakpan ang ilong
dahil baka maamoy ko yon at mapasailalim din ako sa mahika katulad nila. Tumakbo
ako papalayo sa kanila pero pagbaba ko ng lobby, naroon ang iba pang mga estudyante
na nasa ilalim din ng kapangyarihan ng hipnotismo. Tatakbo ulit sana ako sa itaas
pero naroon na ang iba pa. Napapalibutan nila ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Papalapit na sila sa'kin. Panaginip lang 'to. Panaginip.

May nagtakip na kamay sa mga mata ko. Pamilyar. Pamilyar ang amoy.

"Sshh..."

Wala akong ibang marinig kundi ang malakas na tibok ng puso ko. Hanggang sa unti-
unti... nawala... nagdilim... naglaho...
[Karen Italia]

"Itigil mo na ang lahat ng 'to, Cairo."

"What a surprise, my sweet Karen."

"You're supposed to be dead. I saw it!"

Ngumiti siya at dahan-dahang lumapit sa kinaroroonan ko, "Hindi lahat ng nakikita


ng mga mata ay katotohanan, mahal ko. I didn't die... but my spare."

"Imposible---"

"Your eyes deceived you. My dear brother Pacifico died; the other half of me was
the one who died, Karen."

"No."

"Yes." Huminto siya ng halos magkalapit na kami, "Hindi ka ba masaya na buhay pa


rin ako? Hindi mo na ba ko mahal?"

"Hindi ako nagmamahal ng halimaw, Cairo." Tinitigan ko siya, pero hindi ko na


makita ang dating mga mata na mayroon siya, dating mga mata na minsang pumukaw sa
puso ko, mga matang nagpaibig, nanlinlang. "Pero nandito ako ngayon para sumama
ulit sa'yo, sa asosasyon. Pero nakikiusap ako na ibalik mo sila sa normal."
Tinalikuran niya ko at kinuha sa mesa ang isang puting bulaklak na parang rosas.

"Alam mo bang epektibo ang gamot na nagmumula sa mahiwagang bulaklak na 'to?


Natuklasan sa siyensiya na kahit sinong makalanghap ng aroma ng bulaklak ay
makokontrol at mahihipnotismo. Naisipan ko lang pag-eksperimentohan ang mga tao sa
paaralang 'to kung gano kalakas o katagal ang talab ng gamot. Babalik din sila sa
normal 'wag kang mag-alala."

"That ruthless and gluttonous association made that evil's drug. Hindi kayo
makatao." Memoire.

"Hindi naman talaga tayo tao, Karen." Hinarap niya ulit ako at hawak-hawak pa rin
yung bulaklak, "We're Peculiars. The Memoire aimed to conquer the universe,
remember? Salamat kay Dr.Richard dahil nadevelop niya ng husto ang kapangyarihan
natin noong mga bata pa lang tayo. More than mind reading, may kakayahan na rin
akong gumamit ng mind control, pero sa isang tao lang at the same time. Nasample-an
ko lang naman ang nagpapakabayani mong estudyante na si George Morris the
postcognist."

"Enough, Cairo. I am already here, alam kong ako yung pakay mo rito, take me to
that association now."

"I can read people's mind, Karen. I am afraid that you're not aware that you're not
an exception. Kahit anong gawin mo, mababasa't mababasa ko pa rin 'yon. And the
good news is... hindi na kita kailangan pa." Sinikap kong huwag magpakita ng kahit
anong bahid ng takot pero nabigo ako, "Wala ka ng kapangyarihan, Karen. Wala na
sa'yo ang mga makapangyarihang mata mo. At higit sa lahat... dahil sa dahilang
pinoprotektahan mo ang anak ni Dr. Richard Morie."

<///3

[Note: Alam ko na naguguluhan na kayo sa mga nangyayari. Kaya nag-aalangan akong


magUD kasi hindi ko alam kung dapat ko pa bang ipush 'to haha. Lol. Hindi ko kasi
alam kung ano yung iniisip ng mga nagbabasa, kung hindi ba niya naiintindihan,
ganun. Gusto ko lang naman mag-isip din yung magbabasa, kasi sa kwento na 'to (TPT)
everything's connected, kumbaga simula prologue up to latest chapter magkakaugnay,
lahat ng nilalabas kong idea o pangyayari ay may koneksyon sa past, present at
future ng timeline ng story. Yung POV ni Karen, sinadya kong hindi detailed hehe.So
ayun, haha. Balak ko magpost ng clarifications, yung parang kung ano na yung status
nung story, para maintindihan nyo. Hehe. Yun lang. Thank you ulit sa pagbabasa!
Kahit sobrang nakakaloka. Sinisugurado ko namang may kahulugan at kasagutan ang
lahat ng binitawan kong mystery. Promise. Hehe. God bless.]

ps.dedicated to mah men, robbie, thank you men, for everything.

/39/ Dream?

/39/ Dream?

Nasaan ako?

Ang huli kong natatandaan , napapaligiran ako ng mga taong wala sa sarili na
nagmistulang buhay na patay, ang unti-unti nilang pagkuyog sa kinaroroonan ko.
At.... Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga nang mapagtanto ko kung ano ang
nangyari sa'kin na pakiwari ko'y kanina lang talaga nangyari. Nasaan ako? Hindi
kaya... Nakuha na naman ako ng mga Memoire? Madilim na sa labas at liwanag ng buwan
ang tumatanglaw mula sa bintana. Lumibot ang paningin ko sa buong silid... Biglang
humupa yung kaba na nararamdaman ko nang makita ko na nandito ako sa kwarto ko...
Sa loob mismo ng pamamahay ni dad.

Paano ako napunta rito?

Bumaba ako sa kama at dirediretso kong tinungo ang pintuan para lumabas at umalis
dito. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa'kin si tita Elinor, ang asawa ni dad, ang
mommy ni Lily. Nasurpresa siya nang makita niya ako. "Jill, hija, gising ka na
pala."

"Nasaan si dad?" tanong ko sa kanya, hindi pa rin nagbabago ang itsura ni tita
Elinor, parang hindi siya tumatanda at kitang kita ang pagkakahawig nila ng anak
niya.

"Umalis kanina lang si Richard, ibinilin ka niya sa'kin kapag nagising ka na."

"Anong nangyari? Bakit nandito ako? Paano ako napunta sa kwarto ko? Nasa school ako
kanina tapos---" napahinto ako nang makita ko na nakasuot ako ng pantulog, "si
manang Fe ba ang nagpalit ng damit sa'kin? Tita Elinor."

Huminga siya ng malalim at hinawakan ako sa braso, "Jillianne, kailangan kong


sundin ang bilin ng daddy mo. May kailangan tayong puntahan." Malumanay na sabi
niya at para bang ingat na ingat na baka hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.
"I hope you understand..." sabi ko na nga.

"Naiintindihan kita tita Elinor, hindi naman ako bingi para hindi kita marinig at
hindi maintindihan. Pero I still don't get it. Saan naman tayo pupunta and why
should I go with you?"

"Jill, please." Pakiusap niya. Siguro natatakot lang siyang hindi masunod ang
pinagagawa sa kanya ni dad kaya ganyan siya. Wala akong nagawa kundi umoo na lang
at sumunod sa kanya. Hindi ko nakita si Lily sa loob ng mansyon.

"Where's Lily?" nag-aalangang tanong ko dahil sa pagkakatanda ko kasama siya kanina


sa mga nabiktima ng hypnotism ni Perez.

"She's asleep." Napatango na lang ako sa sagot niya. Ibig sabihin bumalik din sila
sa normal? Nasa labas na kami at papasakay na sa kotse nang maalala ko na
nakalimutan ko yung bag ko sa kwarto.

"Tita, I forgot my things, kukunin ko lang po sandali sa kwarto." Sabi ko at


tumango lang siya. Bumalik ako sa loob at umakyat sa ikalawang palapag, pumunta ako
sa kwarto ko at kinuha yung bag ko na nakapatong sa couch. Hindi maiwasang bumalik
sa alaala ko yung mga panahong dito pa ako nakatira, yung mga panahong buhay pa si
mommy Julia, magkakasama kaming tatlo na masayang nakatira sa malaking bahay na
'to. Sa isang iglap nawala lahat ng maliligayang araw na yon, sa isang iglap
naglaho, nagbago. Napalitan ng bagong alaala ang mga luma, mga bagong yugto ng
buhay ko, mga malalaking pagbabago, masalimuot, mapapait, malulungkot.

Palabas na sana ko ng dati kong kwarto, na mukhang palagi pa rin nilang nililinis
araw-araw, nang makita ko yung picture frame sa side table katabi ng kama, kinuha
ko yon at pinagmasdan, ang nag-iisang family picture naming tatlo, musmos pa lang
ako nito, hindi man lang ako nakita ni mommy na maging teen ager. Isinilid ko yung
frame sa bag ko at lumabas na.

Hindi ako kaagad bumaba at dumiretso ako sa kwarto ni Lily, sumilip ako at nakita
ngang mahimbing siyang natutulog. Lily, may kinalaman ka sa mga nangyayari, sa
camera, sa blog, sa lahat. Sooner or later, malalaman ko rin ang lahat. Pati na rin
ang dahilan kung bakit ikaw ang pinili niya, ni Morris.

"Let's go." Sabi ko nang makabalik ako sa baba. "Nasaan si Albert?" napansin ko
kasi na iba yung driver na nagbukas ng pinto ng kotse.

"He's with your dad." Sagot naman ni tita Elinor at pumasok na kami pareho sa loob.
Mas okay sana kung si Albert yung magdadrive para sa'min, matagal ko na siyang
hindi nakikita since na pumunta ako rito para sa party. Pasado seven na ng gabi at
wala akong idea kung saan kami pupunta ni tita Elinor, may tiwala naman ako kay dad
kaya hinayaan ko na lang yung sarili ko na sumama sa kanya. Tahimik sa loob ng
sasakyan, malaki ang agwat ng pwesto namin ni tita Elinor, nasa tabi ako ng bintana
habang nakatanaw sa labas.

Kinutuban ako ng hindi maganda nang makaibis na kami ng sasakyan, sa harapan ng


isang malaking gusali. Nagsibalikan na naman sa isip ko yung mga alaala, aksidente,
isang batang babae, ang sarili ko.

Sentral Hospital

*****

Dr. C. Hideo

"Miss Morie?" nakatitig lang ako sa kanya, sa doktor na kaharap ko ngayon. Mahaba
at kulot ang buhok niya, lagpas balikat iyon, nakasuot siya ng bilog na salamin na
kulay blue, balbas sarado, kulang na lang ng sombrero at masasabi kong saktong
sakto ang itsura niya para sa description ni Simoun ng El Filibusterismo.

"Anong ibig sabihin ng C?" bigla ko na lang natanong sa kanya, naalala ko lang ang
pangalan ni Caleb Perez na nagsisimula sa letter C. Ngumiti si Dr.Hideo sa'kin.
Kanina pa kami rito sa tanggapan ng clinic niya at ngayon lang ako nagsalita.
"Ano'ng pangalan mo?"

"Crisostomo. My name is Crisostomo." Automatic din akong napangiti sa sagot niya,


Crisostomo Ibarra? Na mukhang Simoun. "My mother was a huge fan of Rizal.
Ipinangalan niya sa'kin ang bidang tauhan ng paborito niyang libro." I see.

"Then, where's Maria Clara?" tanong ko, umuusisa. "Don't tell me nasa kumbento
siya?"

Ngumiti siya, "Somewhere I can't reach her. But I'll do something in order to get
her." Kagaya ng kwento ni Rizal sa nobela niya, katulad din kaya ni Dr.Hideo si
Ibarra? Isang binata na may magandang adhikain at bukal na kalooban na nakaranas ng
matinding paghihinagpis na di kalauna'y nagising ang isang katauhang may puno ng
poot at paghihiganti.

"But she'll die anyway." Naglaho ang ngiti niya sa sinabi ko na tila prediksyon
para sa kapalaran kung sino man ang Maria Clara ng buhay niya. Katulad ng nasa
libro, bago pa man maligtas ni Simoun si Maria Clara ay huli na ang lahat, namatay
na ito sa kumbento.

Tumikhim si Dr. Hideo, senyales na kailangan na naming mag-usap tungkol sa dapat


naming pag-usapan, kung bakit nga ba talaga ako nandito. "Miss Morie. I am here, to
help you. I'm a sleep specialist."

"You're a psychiatrist. Nababaliw na 'ko, hindi ba?" iniikot ikot ko sa pagitan ng


mga daliri ko yung ballpen na nasa lamesita habang nagsasalita.

"Yes I'm a psychiatrist. No, you're not. Hindi porket dinala ka sa psychiatrist ay
nababaliw ka na. Just relax. Meron lang kaunting abnormalities sa sleeping
behaviour mo at nandito ako para kausapin ka, kung ano yung mga nangyayari sa'yo."
"Kaunting abnormalities?" gusto kong tumawa, hindi alam ng taong 'to kung anong
klase ng kaabnormalan ang mga nangyayari sa buhay ko. I am Peculiar, for heaven's
sake. "You don't know what I've been through, doc. Atsaka hindi lang naman tungkol
sa sleeping disorder ko ang kaso rito diba? I'm a freaking psychopath." Without
knowing na ako pala yung gumawa ng sariling blog na sumisira sa sarili ko?

"I know, miss Morie. Kaya nga nandito ako para tulungan ka." Gasgas na linya ng mga
psychiatrist.

"Wait, paano nalaman ng dad ko ang tungkol dito? Tungkol sa sleep walking ko?
Paano?!"

"Calm down, miss Morie." Pakiusap ni Dr.Hideo sa'kin. How can I calm down in this
kind of complicated situation? Wala man lang kahit na sino ang makatulong sa'kin
noong una palang, I'm really getting tired of these shits in my life, "Can you tell
me what you remember bago ka magising?"

"You would not believe."

"Naniniwala ako sa'yo, miss Morie. I need you to tell me so that I could help you."
Help? Baka pagalingin kamo. Kahit na alam kong hindi pa rin naman niya ko
matutulungan ikinuwento ko pa rin sa kanya ang lahat-lahat ng mga bizarre na
pangyayari sa school, yung mga taong nahypnotized na nakapalibot sa'kin at handa
akong sunggaban, at pagkatapos nagising na lang ako bigla sa kwarto ko. After that,
he just quietly stared at me wala man lang siyang kinomento sa mga kinuwento sa
kanya, I told him the truth, now, paano niya ako matutulungan. He asked more
questions about me, parang oral interview o personality assessment ang nangyari.
Naisawalat ko na ata lahat ng tungkol sa buhay ko, well... except sa pagiging
Peculiar ko.

"Yung nangyari sa'yo kanina miss Morie... Ay isang panaginip lang."

"Panaginip?!" What? No! Imposible. Hindi ako naniniwalang panaginip lang yon.
"Totoo ang mga nangyari, I am alive and awake during that time, paanong magiging
panaginip yon?"

"It was just another of your sleepwalk episodes, miss Morie."

"Kaya ba napadpad ako sa bahay namin ng di ko nalalaman?"

"Yes."

"P-paano? Paano nangyari yon, doc? Paano rin nangyari na ako yung may kagagawan ng
blog ng hindi ko nalalaman?"

"May iba't ibang klase ng sleep walking. At iba ang kaso mo, miss Morie. During
your sleepwaking episode, may mga bagay na nagagawa ka na hindi mo naalala kapag
nagising ka na. You just need some proper medications to avoid those. Buti na lang
at sa ngayon ay wala ka pang nagagawang mas malala compare sa blog site na ikaw
pala mismo ang may gawa. Anyway, naaupdate pa ba ang blog na 'yon?"

"No, hindi na. Simula nang malaman ko."

"Then, sabi mo nakakaranas ka ng iba pang panaginip, right? Your mind might
manifests different perceptions kaya siguro nakakagawa ka ng iba't ibang mental
pictures and sounds. Dreams are close to reality, kung minsan may mga nangyayari na
akala mo nangyari pero ang totoo ay parte lang iyon ng naging panaginip mo. "You
don't have to worry, miss Morie. You'll be alright."
How I wish.

Pero hindi ko pa rin matanggap na sinabi niyang panaginip lang ang mga nangyari.

*****

"Good Morning, Jill!" masayang pagbati sa'kin ni Aya kinabukasan. "Oh? Bakit
parang nakakita ka ng multo? Namumutla ka ah." Hindi ko magawang magsalita,
natatakot ako na makumpirmang panaginip lang yung nangyari sa'kin kahapon. Hindi pa
dumadating si Morris.

"Yoh mga men! Morning!" lumapit sa'min si Baldo at Tadeo. "Yoh! Jill!"

"Absent pa rin si Yue?" Kinabahan ako sa mga kinikilos nila,na parang walang
nangyari. O ako lang talaga ang nakaalam kasi panaginip lang ang lahat?

"Oo, absent pa rin. Talaga bang magdadrop na siya?"

"Guys. May gusto akong itanong."

"Ano yun, Jill?" tanong ni Aya.

"Anong nangyari kay Caleb Perez?"

"Huh?" hindi ko pinahalatang nagulat ako sa reaksyon nilang tatlo, "Sinong Caleb
Perez?" parang sumikip yung dibdib ko. Ibig sabihin totoo yung sinabi ni Dr.Hideo
na panaginip lang ang lahat?

"Bagong manliligaw mo ba yun Jill?"

"Ngayon ko lang ata narinig yung pangalan na yun."

"Uy Jill, natuod ka na!"

Nanginginig yung mga kamay ko. Hindi. Imposible. Totoong nangyari yon. Hindi yon
panaginip. Malinaw na malinaw sa alala ko yung mga nangyari kahapon. Yung brasong
sumunggab sa'kin, hindi ko pa nalilimutan yung amoy ng taong yun, yung mga mata
nila, yung mga sinabi nila kay miss Karen. Naalala ko lahat.

"Dreams are close to reality, kung minsan may mga nangyayari na akala mo nangyari
pero ang totoo ay parte lang iyon ng naging panaginip mo."

"Uy,andyan na si miss Karen, balik na kami sa pwesto namin ha."


Nagsimula ang klase at normal na normal na ang kilos ng lahat, malayong malayo sa
nangyari kahapon. Nakatingin ako kay miss Karen, nagbabakasakaling mabasa niya ang
iniisip ko at tumingin siya sa'kin, pero hindi, hindi nangyari. Natapos ang klase
niya at lumabas na siya ng home room.

Nasaan ka na ba Morris? Kailangang kailangan kita ngayon.

*****

Walang nakaalala sa mga nangyari kahapon. Walang nakakakilala kay Caleb Perez.
Patunay ba 'yon na tama ang sinabi ni Dr.Hideo, na panaginip lang ang lahat, o
isang malagim bangungot? Tumambad sa'kin si manang Fe sa kwarto ko na naglilinis,
ngayon ko lang ulit siya nakita at kagaya ng dati hindi ko siya pinansin at tumungo
ako sa kusina para uminom ng tubig.

"Jillianne," nasa likuran ko na pala si manang, "ibinilin sa'kin ng papa mo na


ipainom sa'yo lahat ng gamot mo." Ibinilin. Ibinilin. Lagi na lang ibinilin. Talaga
bang wala na siyang oras para sa'kin? O wala na siyang pakialam sa'kin. Dahil may
bago na siyang pamilya ngayon? "Jillianne."

"Iinumin ko, bago ako matulog." Malamig kong sagot sa kanya. Maya-maya nakarinig
ako ng mga yabag, lumabas na siya ng apartment. Nakaayos na mesa yung mga gamot na
kailangan kong inumin, kinuha ko muna sa cabinet yung vitamins ko na palagi kong
iniinom.

Nostaxil Purpprhopen

Plastnox Spaxxaxilth

Neurophilloxhen

Anong klaseng mga gamot 'tong pinapainom ni Dr.Hideo

Sabay-sabay ko sanang lalagukin lahat ng tabletas nang mapansin kong may


nakahulmang letrang 'A' sa mga gamot na binigay ni Dr.Hideo, may nakahulma ring
ganung letter sa vitamins ko. Magkaiba sila ng itsura pero magkaparehong may
letrang nakaukit.

Tinignan kong mabuti yung vitamins. Tsaka ko lang narealize, Hindi ganito yung
vitamins ko.

*****
Kahit gabi na, pumunta ako ng Sentral Hospital, kahit na hindi ko alam kung saan
ako hihingi ng tulong doon. Sakto at dumaan siya, wala na akong ibang choice kundi
sa kanya humingi ng tulong kahit hindi kami magkakilala.

"Nurse Carol." Tawag ko at napalingon naman siya.

"Oh, miss Morie." Nakahinga ako ng maluwag nang matandaan niya pa kung sino ako.
Nang minsang maconfine ulit ako rito at siya yung umasikaso sa'kin.

"May hihingin sana akong pabor sa'yo. Masyado kasing kumplikado yung mga
nangyayari."

"Ah... Ano bang maitutulong ko?"

"Heto," inabot ko sa kanya yung vitamins ko na nakalagay sa isang maliit na


plastic, "Gusto kong malaman kung anong klaseng gamot yan. Wala naman din akong
ibang kakilala rito. Hangga't maaari sana wag mong ipaalam sa iba kahit na kay head
nurse Rosalia."

Tumango siya, "Naiintindihan ko, miss Morie."

"Salamat, malaking utang na loo bang tatanawin ko sa'yo."

"Walang anuman, nararamdaman ko kasing sobrang mahalaga sa'yo ng impormasyong


kailangan mo."

Ibinigay ko sa kanya yung number ko para in case na malaman nya na ay macontact


niya kaagad ako. Nagpasalamat ulit ako sa kanya atsaka umalis, mahirap na, baka
makita pa ko ni Dr. Hideo rito.

*****

Sinusubukan naming tawagan si Stephen, pero parepareho kaming bigo dahil hindi
talaga siya sumasagot. Isang tipikal na araw, nakatambay kami nila Baldo, Aya,
Tadeo at Penelope sa rooftop, nagkataon namang nakatambay din si Tamaki rito.
Tinatakot ng Memoire ang pamilya ni Yue... Hindi ko naman pwedeng basta sabihin sa
kanila dahil baka madamay sila.

Hindi ko na binanggit sa kanila si Caleb Perez.

"During your sleepwaking episode, may mga bagay na nagagawa ka na hindi mo naalala
kapag nagising ka na."

Sa sinabi ni Dr.Hideo, nabigyan ako ng clue sa mga nangyari. Noong araw na


nahipnotismo silang lahat, ako lang ang di nakalanghap ng drug kaya malinaw pa sa
alaala ko yung mga nangyari. Nasa ilalim sila ng droga ng mga panahon na yon at
nakokontrol sila ni Perez. Katulad ng nangyayari sa'kin noon, tuwing gabi, hindi ko
alam na ako na pala yung gumawa ng blog na sa palagay ko ay impluwensya rin ng
droga, kaya nga humingi ako ng tulong kay nurse Carol para alamin kung ano yung
pinalit sa vitamins ko.

"Jill!" lahat kami napatingin sa humahangos na dumating.

Kahapon ko pa siya hinihintay. Tumayo ako at sasalubungin siya.

"Morris men!"

Tumakbo si Morris papunta sa'kin, at niyakap ako ng mahigpit.

"Jill." Kung may isang tao na nakakaala at nakakakita ng nakaraan, narito na siya
ngayon, "Okay ka lang ba? Sinaktan ka ba ni Caleb Perez?"

Tumango ako. "Okay lang ako." Mas okay ngayong nasa bisig mo ko.

"Sorry."

Kumawala ako sa kanya.

"Sabihin mo sa'kin, Morris. Hindi 'yon panaginip diba?"

"Hindi, Jill. Hindi 'yon panaginip."

<///3

[Note: Thank you ulit sa pagbabasa! Thank you nga pala kay ate joy hey zelle, sa
inedit nya na nasa multimedia! Salamat! Naaperciate ko hehehe. Nga pala, kapag may
mga tanong kayo o gustong sabihin, wag mahiya, haha. Salamat ulit. God bless]

*extra*
*extra*

Note: wala namang spoilers dito. Kaunting guide lang para masundan ng maayos yung
flow ng story. Baka makatulong para sa mga clues.

The Peculiars: Sila pa lang yung nababanggit na Peculiar sa story


>Jill- can see the future, sabi niya nakuha niya raw yung powers two years ago
matapos niyang maaksidente

>Morris- can see the past, genetic ang pagkakuha nya ng power na yon dahil nasa
dugo nila ang pagiging postcognist.

>Georgina- ate ni Morris. Postcognist din. Sumuko na at sumama na lang sa Memoire.

>Miss Karen- unidentified pa. Sa lahat ng mata yung kanya lang ang walang makita si
Jill. Pero si Morris nakita niya yung past ni Karen, pakiaalala yung counselling
scene nila. Nalaman ni Caleb Perez na wala na siyang powers. In short, ex-Peculiar
siya at hindi pa narereveal kung ano yung power na tinataglay niya.

>Caleb Perez- can read minds at sinabi niyang nadevelop niya yung power ng mind
control. Obviously, siya yung kumuntrol sa principal kaya siya nakapasok ng White
Knights Academy , siya rin yung kumuntrol kay Morris nang magkomprontahan sila sa
hallway. Siya rin yung may pakana ng drug hypnotism na nainvolve lahat ng tao sa
school nila.

>Lucille- She had prophetic dreams, ibig sabihin nakikita niya yung Future through
dreams. Kung natatandaan pa (sa II.Retrocognitio part) sinabi niya na nakita niya
na lahat ng mangyayari kay Jill, dinrowing niya lahat sa sketch pad (na nawawala sa
present) Aware sila ni Morris na peculiar sila at hindi nila ipinaalam kay Jill.
Connected ba siya kay Karen? Yes. Nabanggit na ni Karen na former student niya si
Lucille.

>The six orphan children: Sa III.Aide-Memoire nireveal yung mga anim na batang
Peculiar na unang pinag-aralan ni Dr.Richard. Lol di sila inampon lahat ni doc
Richard.

*Jinnie, Sylvia, Rommel- unknown pa yung whereabouts nila sa story.

*Cairo & Pacifico- the twins. Si Caleb Perez at Cairo ay iisa, na


akala ni Karen ay matagal nang patay. Pero sinabi ni Cairo na yung kambal niya yung
namatay years ago.

*Beatrice- hindi pa rin nababanggit kung nasaan siya ngayon. Kung


naaalala pa, sinabi ni Julia, asawa ni Richard, na inampon nila yung kapatid ni
Beatrice.

>Baldo- he can see human auras.

--

Current Conflicts:

>The Blog- Nalaman ni Jill from Yue na yung address niya yung natrack. Lumalabas na
si Jill pala yung may gawa ng blog. Sa chapter 39 nalaman niya na dahil sa sleeping
disorder niya kaya siya nagigising tuwing 'devil's hour'.

>Yue's disappearance- After ng recollection, at after niyang masabi kay Jill yung
tungkol sa blog, hindi na siya pumasok. Tinanong siya ni Jill kung sino yung
kinatatakutan niya at sinagot niya na 'Memoire'
>Memoire- heto na nga't umaariba na sila. May kinalaman sila sa sleep walking ni
Jill, remember the envelope na may lamang pictures? Yung seal. Yung pagkidnap kay
Jill. Yung pananakot kay Stephen. Yung drug experimentation nila. Isa silang
malaking asosasyon na gumagamit ng mga Peculiars para iconquer daw yung universe.
At ngayon, they're after Karen pero nalaman nga ni Caleb/Cairo na wala ng power si
Karen, at definitely they want Jill Morie now.

>The drugs- something's fishy sa mga medications ni Jill lalo na yung vitamins niya
kaya nagpatulong siya kay nurse Carol.

>Panaginip?- Nung nagising si Jill dinala siya sa psychiatrist, kay dr.Crisostomo


Hideo, at sinabi sa kanya na panaginip lang yung nangyari. But nung nagkita si
Morris and Morie, inassure na ni Morris na totoo yung nangyari, haler, Morris can
see the past.

Bakit walang maalala yung mga kaklase niya sa nangyari? Naerase yung memory.
Because of the drugs.

>Peculiar breeding- ang tsoga lang ng term, nabanggit to ni Caleb/Cairo, yung


tungkol sa ate ni Morris, si Georgina, nakasal na siya sa isang member ng Memoire
so part na rin siya ng association.

>Karen's Identity- nirereveal ko pa. lol. Kapag may nakahula. Nako talaga. Ang hint
pa lang , ex-lover niya si Caleb/Cairo.

>The blackmailer- yung nambablack mail kay Lily, Stephen, yung unknown caller.
Tingin nyo iisa lang sila? Di ko pa nirereveal eh. LOL. Ang gusto ko lang naman
ipoint, naniniwala ba talaga kayo na si Jill yung gumawa ng blog? Asdfghjkl baka
masabi ko lol.

--

Okay, di ko alam kung yan lang ba lahat ng naiisip nyong conflict, kung may gusto
pang itanong, tanong lang kung san naguguluhan. Wag nga lang yung mga
pangrevelation na tanong XD lol siyempre di ko masasagot yon.

Maguluhan sana utak niyo, joke lang. Pasensya na ulit at salamat! Hoho. God bless!

ps.yung gif "Di ko magets"-Tadeo. lol. kyotie.

/40/ Now

/40/ Now

"Anong nararamdaman mo ngayon, miss Morie?" tanong ni Dr. Crisostomo Hideo sa'kin.
Narito ulit kami sa opisina niya, sa dahilang may pangako siya na tutulungan niya
kong 'gumaling'.

"Wala naman." Sai ko at nakatingin lang sa asul na lenteng tumatakip sa mga mata
niya, "I think... I'm feeling better now."

"Good. Tine-take mo naman ng mabuti yung mga medications mo?" Hindi ako kaagad
nakasagot sa tanong niya.

"Hello?"

"Hello? Sino 'to?"

"Miss Morie. Si Carol 'to."

"Nurse Carol?"

"Ako nga. Pwede ba tayong magkita ngayong araw?"

Nagkita kaming dalawa sa isang coffee shop malapit sa ospital. Halatang halata sa
itsura ni Nurse Carol ang pagkabalisa at pag-aalala. Hindi siya mapalagay sa
kinauupuan niya samantalang ako naman ay kinakabahan sa anumang sasabihin niya.

"Miss Morie," simula niya, ,mahina ang boses at parang natatakot na baka marinig ng
ibang tao yung sasabihin niya, "nagpatulong lang ako sa isa kong kaibigan na taga
Department of Pharmacy. Natuklasan namin ng kaibigan ko na masyadong confidential
yung tungkol sa drug na binigay mo, hindi kasi siya nirerelease ng basta-basta.
pero nagawa pa rin niyang makakuha ng mga impormasyon tungkol sa drug na 'to."
Nilabas niya mula sa bag yung gamot na binigay ko sa kanya, nakalagay pa rin 'yon
sa maliit na plastic, nilabas din niya yung papel na naglalaman ng impormasyon,
"ang totoo niyan Miss Morie, kinakabahan ako. Hinack lang nung kaibigan ko yung
computer system ng Department nila para maprint yung confidential information. Mas
lalo akong kinabahan nang mabasa ko yung content nung drug."

Helexia.

>is a sedative, also called a hypnotic. It affects chemicals in your brain that may
become unbalanced and cause sleep problems

>Symptoms:

· getting out of bed while not being fully awake and doing an activity that
you do not know you are doing.

· abnormal thoughts and behavior. Symptoms include more outgoing or


aggressive behavior than normal, confusion, agitation, hallucinations, worsening of
depression, and suicidalthoughts or actions.

· memory loss

· anxiety

· severe allergic reactions.


At kung anu-ano pang mga salitang hindi ko naman na maintindihan ang nakalagay sa
papel. Sa dulo ng papel may tatak na "RESTRICTED" at tatak ng isang pamilyar na
emblem: black diamond na may putting letrang 'M' sa gitna. Memoire. Walang duda.

"Yes."

Saglit siyang natigilan bago magsalita, "I hope you're not lying to me, miss
Morie."

"Bakit mo naman nasabi na nagsisinungaling ako sa'yo, dok?"

"Jillianne!" sumalubong sa'kin pag-uwi ko ang natatarantang si manang Fe. Ngayon ko


lang siya nakitang ganyan, at katulad ng dati hindi ko siya pinansin at tuluy-tuloy
lang akong pumasok sa loob ng bahay. Sinundan niya 'ko hanggang sa kwarto,
"Jillianne!" ulit niya. Hindi ko siya sinagot. "Bakit nasa basurahan lahat ng gamot
mo?" hindi naman siya galit pero bakas ang kaistriktohan sa kanyang boses.

"Siguro tinapon ko, manang?"

"Jillianne!" pangatlong beses niya nang tinatawag yung pangalan ko, "Hindi mo
iniinom 'tong mga gamot mo? Magagalit ang papa mo kapag nalaman niyang---"

"Magagalit si dad kapag nalaman niyang pinapalitan mo na pala matagal na yung


vitamins ko." natigilan si manang sa sinabi ko, umiwas na siya ng tingin at
nakaawang ang bibig, may sasabihin siya na hindi niya masabi. "Alam ko manang,
pinalitan mo yung vitamins ko ng ibang gamot."

"Masamang magbintang, Jillianne." Utal-utal niyang sabi.

"Manang," nadismaya ako, akala ko pa naman iba si manang, akala ko totoong may
malasakit siya sa'kin, akala ko katulad din siya ni Albert, akala ko lang pala.
"Tayong dalawa lang naman ang laging nandito sa apartment ko, manang. Bakit mo
nagawa 'to sa'kin?"

"H-hindi ko alam yung sinasabi mo." Kinuha ko mula sa drawer ko yung mga larawang
pinaprint ko noong isang araw gamit yung memory card ng mga camera na nilagay ni
Lily sa bahay. Simula kasi nung madiskubre kong iba yung itsura ng vitamins na
iniinom ko, wala na kong ibang pinaghinalaan na gagawa nun kundi si manang. Inabot
ko 'yon kay manang at hindi na siya nakalusot pa.

"Hindi nagsisinungaling ang camera, manang. Hindi ko alam kung magkasabwat kayo
rito ni Lily dahil siya yung naglagay ng mga hidden camera sa apartment. Hindi ko
rin alam kung iisang tao lang yung nag-utos nito sa inyong dalawa, pero malakas ang
hinala ko na iisa nga lang." Hindi ako galit, kalmado lang akong nagsasalita at
nakatingin sa kanya. "Sabihin mo sa'kin manang, kung sino yung nag-utos sa'yo na
gawin sa'kin 'to. Ikaw din ba yung kumuha ng mga litrato na tinapon ko sa basurahan
noon?" yung mga larawang tinapon ko na biglang sumulpot sa blog. "Manang, please."
Umiiyak na si manang sa harapan ko, hahawakan ko sana siya pero kaagad siyang
lumabas ng silid at umalis ng apartment. Katulad din ni Stephen at Lily...
binablackmail din siguro si manang ng taong 'yun.

"Nothing. Lying is bad, miss Morie. You're forbidden to lie to your doctor, they
said."

"I know. Paano naman ako gagaling kung hindi ko sasabihin sa'yo ang totoo?"
katahimikan ang sumunod. Hindi pa rin ako nagtagumpay na silipin ang mga mata niya
na natatakpan ng asul na salamin. Maya-maya'y tumayo na ako at maayos na nagpaalam.
Pagkalabas ko ng silid ay napahinga ako ng maluwag.

Hindi naman siguro niya nahalata na nagsinungaling ako.

*****

"Hindi, Jill. Hindi 'yon panaginip."

Nakahinga ako ng maluwag nang sabihin niya sa'kin yon. At least, napatunayan ko sa
sarili ko na hindi 'yon panaginip, na totoong nangyari 'yon. Everone was drugged
except me, that's why I can clearly remember what happened, Morris was drugged too
but due to his powers he can still recall it... My classmates can't remember but
their memories were not altered, that's why Morris can still see the past in their
eyes. Bukod sa'min ni Morris, tiyak kong naalala rin ni Miss Karen yung mga
nangyari, pero hindi ko pa siya nakakausap simula ng mangyari ang insidenteng
'yon.

"Si Miss Karen ba yung pakay ni Caleb Perez?" inalala ko yung pag-uusap namin ni
Morris habang sabay kaming naglalakad pauwi noong araw na dumating siya bigla sa
rooftop.

"Oo, Jill."

"Pero isa ring miyembro ng Memoire si Miss Karen." Natigilan siya at halatang
nagulat sa sinabi ko.

"Paano mo nalaman ang tungkol sa Memoire?" gulat niyang tanong.

"So, may alam ka rin tungkol sa kanila? At sigurado akong alam mo rin ang tungkol
sa totoong pagkatao ni Karen Italia." Parehas na kaming napahinto sa may gilid ng
kalsada nang mapunta roon ang usapan. Hindi niya magawang makatingin sa'kin ng
diretso. "Sabihin mo sa'kin, Morris."

"Hindi mo sinagot yung tanong ko, saan mo nalaman ang tungkol doon?"

"Hindi na mahalaga kung paano ko nalaman. Sabihin mo sa'kin yung totoo."


"I... I can't."

"Bakit hindi? Sinabi niyo sa'kin dati na oras na para malaman ko pero ano na? Bakit
ang dami niyo pa ring tinatago sa'kin? Bakit ba ayaw niyong sabihin sa'kin ang
totoo? Morris!"

"Jill." Hinawakan niya ko sa magkabilang balikat, "Isipin mo na para lahat 'to


sa'yo. Para protektahan ka."

"Protektahan?" hinawi ko yung dalawang kamay niya. "Hindi kita maintindihan. Wag
mong sabihing parte ka rin ng Memoire, Morris? Sineset up niyo ba 'ko ni Miss
Karen?"

"Jill! Ano ba! Wag kang mag-isip ng kung anu-ano. Hindi mo alam kung ano yung
pinagdaanan namin sa kamay ng Memoire. Please. Stay out of this. Don't get involve
with Memoire." Pagkatapos naglakad siya palayo. Pero sinigawan ko siya dahilan para
huminto siya.

"Don't get involve?! Those freaking guys kidnapped me! Hahayaan ko lang ba yung
sarili ko na mapahamak dahil sa kanila ng wala mang lang any idea kung sino sila at
kung ano yung pakay nila sa'kin?"

"What? Are you kidding me?"

"You heard me right, Morris. Now, tell me, please." Pero matigas siya. Aalis na
siya nang...

"Bakit siya?!" lumingon ulit siyang nagtataka, "Bakit mas pinili mo siya kaysa
sa'kin? Ipagkakait mo rin ba sa'kin yung katotohanan tungkol dito, Morris? Bakit si
Lily pa rin ang nasa tabi mo ngayon?" Nagsukatan lang kami ng tingin. Umiling siya
at tuluyan na siyang naglakad palayo hanggang sa maglaho siya sa paningin ko. Kahit
na tungkol sa bagay na 'yon ayaw nya pa ring sabihin? Bakit?

Napahinto ako sa entrance ng school namin, natigil yung pagbabalik tanaw ko sa


nangyaring pag-uusap namin ni Morris. May pinagkakaguluhan yung mga estudyante sa
labas. Kita yung mga estudyante sa bawat palapag na sumisilip sa ground. Agaw
eksena lang naman kasi yung nakaparadang sasakyan ng pulis sa harapan ng building.
Ito 'ata ang unang pagkakataon na may pumuntang officers dito sa White Knights. I
wonder what happened. Hindi kaya...

Papasok pa lang ako sa loob ng academy nang lumabas na yung mga officers, hindi ko
inaasahan na makikita ko siya bigla rito, si Uncle Julius, nakababatang kapatid ni
mommy Julia. Matagal na panahon din kaming hindi nagkita, maliit pa ko noong huli
ko siyang nakita, nag-aaral pa siya noon at kitang-kita nga na tumanda yung itsura
ni Uncle. Napahinto rin siya nang makita ako.

"Jillianne?"

"It's good to see you, Uncle Julius." Sabi ko. Alam kong may kinikimkim siyang sama
ng loob kay dad, hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko may kinalaman 'yon sa
pagkamatay bigla ni mom, simula noon, hindi na siya pumupunta para dalawin kami. Sa
pananamit pa lang ni Uncle masasabi mo ng pulis siya, nakasuot ng trench coat at
naka-Fedora hat.

"Hindi ko alam na dito ka pala nag-aaral. Ang laki mo na." ngumiti lang ako sa
sinabi niya, kumuha siya ng sigarilyo at sinindihan yon "Narinig ko nga... na hindi
ka na nakatira sa mansyon ng tatay mo. Mabuti naman. Kung ako lang din naman ang
nasa posisyon mo hindi ko rin masisikmurang makita na may ibang pamilyang
kinakasama ang tatay ko."

"Ang laki pa rin ng galit mo kay dad, Uncle." Sabi ko. Hindi siya sumagot, tinapik
niya lang ako sa balikat.

"Mag-iingat ka palagi, Jillianne. Tawagan mo na lang ako kapag may kailangan ka."
May inabot siyang card, iyon yung huli niyang sinabi at naglakad na siya palabas,
sumakay sa sasakyan at umalis. Nawala sa loob ko na itanong kung ano yung dahilan
kung bakit sila pumunta rito. Napakibitbalikat na lang ako tsaka pumunta sa
homeroom namin. Pagbukas ko ng pinto ng classroom namin, sumalubong sa'kin ang
hindi magandang aura, tahimik lang silang lahat at parang pinagsakluban. Ano na
naman kayang nangyari? Nasa harapan si Ireneo at katatapos lang 'ata niyang
magspeech.

"Anong nangyari?" tanong ko sa kanya.

"Nakita mo naman siguro yung mga pulis kanina?"

"Oo. Bakit?"

"They came here because---"

"Hinahanap nila si Tadeo."

"Ha? Si Tadeo?" nagulat ako sa sinabi ni Tamaki. "Ireneo, anong nangyari?"

"Kasama ako sa pinatawag kanina sa office, bilang representative ng klase, nang


magtanong sila kung nasaan si Tadeo. Nagkaroon kasi ng raid kagabi sa isang
warehouse, wala silang ibang nakitang ebidensya ng mga illegal drug dealers maliban
sa isang ID at... ang nag-mamay-ari ng ID na 'yon ay si Roman Tadeo."

"What? Paano nangyari 'yon? Imposibleng masangkot sa isang illegal na bagay na si


Tadeo. Sigurado ba silang ID niya 'yon?"

"Oo, Jill. Hawak nila 'yung ID."

"Nasaan si Tadeo?" tumingin ako sa kanila pero nabigo akong makakuha ng sagot.

"Hindi pa siya dumadating, Jill. Pero... sa tingin naming lahat baka hindi talaga
siya makapasok ngayon."

"So sinasabi mo na talagang guilty siya sa nangyari?"

"Hindi sa ganon---"

"Hindi naman namin sinabi na naniniwala kaming kasangkot siya." Nagsalita bigla si
Morris, "Nag-aalala rin kaming lahat kay Tadeo. It's just that wala kaming magawa
para ipagtanggol siya dahil malakas yung hawak na evidence ng mga pulis."

"Kanina pa namin siya tinatawagan pero hindi rin siya sumasagot." Sabi naman ni
Baldo.

"Kung hindi naman siya guilty dapat pumasok pa rin siya ngayon, diba?" someone said
then may ibang nag-agree.

"Anong sabi mo?" tila napantig ata yung tainga ni Tamaki sa narinig niya.

"May point siya, paano naman kasi mapupunta yung ID niya sa mismong venue ng
illegal dealing?"

Nagsimulang magkaroon ng argumento sa bawat isa, if totoo ngang kasangkot doon si


Tadeo or not, if not dapat nga nandito siya ngayon at ipagtanggol yung sarili niya.
Hanggang sa parang nagkakalabuan na naman yung buong klase namin.

"Manahimik kayong lahat!" saway ni Ireneo sa kanila.

"Jill, anong gagawin natin?" nababahalang tanong ni Aya. "Uy, Ireneo,


representative ka namin, wala ka bang naiisip na paraan para rito?" Hindi sumagot
si Ireneo. Kahit ako hindi ko rin alam kung ano ang gagawin para maresolba ang
panibagong problemang kinahaharap namin.

"There must be a reason behind this. Hindi ako naniniwalang kasangkot si Tadeo sa
mga nangyari." Sabi ko. Tahimik at kalmado na ulit sila.

"J-jill?" dahan-dahang nagtaas ng kamay si Penelope.

"Bakit?"

"Paano si Stephen?"

"Jill. Sorry. Wala na kong ibang magagawa. Ayokong madamay kayo. Ayokong madamay
ang pamilya ko. Takot na takot ako sa kanila, Jill. Gusto ko kayong protektahan
lahat. Mag-iingat kayo."

"Teka Stephen, sino? Sino sila?"

"M-memoire..."

"Jill?"

"Sorry, Penelope." Sabi ko, "Sa totoo lang hindi ko na alam yung gagawin ko." hindi
ko alam kung ano yung uunahin ko. Naghahalu-halo na sa utak ko yung mga
pinoproblema ko. My life is in danger... Pero sa sinabi ni Stephen... posible nga
sigurong madamay pa yung ibang tao nang dahil sa'kin.

"Paano kung magkakonekta yung pagkawala ni Stephen at Tadeo?"

"What do you mean by that, Penelope?" si Ireneo yung nagtanong. Tumayo si Penelope
at lumapit sa kinaroroonan namin ni Ireneo, sa harapan.

"Katulad ni Stephen, nawala rin bigla si Tadeo, hindi rin natin siya macontact.
Jill..." huminto siya saglit at nag-isip, "alam kong parang imposible na
magkakonekta yung nangyari sa kanila pero 'di ko maiwasang mag-isip ng ganun." No
Penelope, posible nga na magkakonekta yung pagkawala nila. Paano ko ba sasabihin sa
kanila... hindi ko alam. "Pareho silang mabuting tao, hindi sila gagawa ng kahit
anong mali, Jill, anong gagawin natin?"

"I---"

"Hahanapin natin sila." Sabat ni Tamaki.

"No, hindi kayo gagawa ng kahit ano." Napatingin kaming lahat sa may pintuan nang
bumukas ito at nang may nagsalita. Si Miss Karen. Naglakad siya papasok sa loob.
Bumalik kaming tatlo sa mga pwesto namin, tumayo ang lahat para sa pagbati. "Hindi
kayo makikialam sa mga nangyayari. Naiintindihan niyo?" malamig na pagkakasabi
niya.

"Pero bakit Miss?" angal ni Aya. "Wala man lang din bang gagawin para hanapin sila?
Tao ka ba talaga, yung totoo?"

"Everyone take your sit. We'll start the class."

"Hahanapin namin sila, sa ayaw at sa gusto mo." Sabi ni Tamaki at nagsukatan sila
ng tingin ni Miss Karen. Pagkatapos naglakad si Tamaki papuntang pintuan, "Baldo,
halika na. At sa mga may malasakit, sumunod kayo kung gusto niyo." Hindi na nag-
atubili si Baldo at sumunod siya kay Tamaki.

Nagpakiramdaman sila kung anong gagawin. Maya-maya'y kumilos na rin si Morris,


papunta pa lang siya sa pintuan nang pigilan siya ni Lily, pero desidido na siya
kaya walang nagawa si Lily. Huminga ako ng malalim. Sumunod ako sa kanilang
tatlo.Nang nasa labas na kami ng room, sumilip kaming apat sa loob pero wala na
yatang iba pang susunod kaya sinabi ni Tamaki na umalis na kami Hindi ko alam. May
nag-uudyok sa'kin na sumama sa kanila. Walang nagsasalita sa'ming apat, marahil
parepareho kaming nag-iisip ng kung anu-ano.

Narating na namin yung lobby, natigil kami sa pagtakbo ng may tumawag sa'ming apat.
Pag tingin namin sa itaas, nandoon sila at nagkukumahog pababa ng hagdan, pero
hindi pa rin kumpleto.

"Miss Karen let us go."

*****

Six pm.

Naghanap kami buong araw, sa lahat ng pwede at posibleng pagtaguanni Tadeo ay


napuntahan namin, nahalughog na 'ata namin yung buong siyudad pero hindi namin siya
natagpuan. Pakiramdam ko tuloy nasayang lang yung buong araw na ginugol namin para
lang mahanap siya. Parepareho kaming bigo at lupaypay, kaya napagdesisyunan na lang
namin na sumuko para sa araw na 'to. Ako, si Tamaki, si Baldo, si Morris, si
Ireneo, si Penelope, si Aya at si Sabina yung natirang magkakasama habang
naglalakad sa kalye, maghihiwa-hiwalay din kami pagdating sa stop light. May
nagtext bigla

"Yoyoyoyoh mga meeen, balita ko hinahanap niyo raw ako. Huhuhu T.T sorry mga
meeen. Nasa school ako ngayon. piling GM lang >Bhosxs Tadeo< #27"

"Natanggap niyo ba yung text?" tanong ko sa kanila, sabay-sabay nilang tiningnan


yung mga cell phone nila at kanya-kanya silang reaksyon. Napamura si Tamaki, natawa
si Baldo, si Morris nainis, si Penelope nag-aalala, si Aya nanggigil, si Sabina
nakakunot lang, si Ireneo tinawag na 'stupid' si Tadeo.

"Hayop 'tong Tadeo na 'to nagGM pa, bubugbugin ko 'to pag nakita ko 'to." Bulong ni
Tamaki, sumunod lang kami sa kanya, bumalik nga ulit kami ng school. Sarado na pero
nagawa pa rin naming makapasok dahil sa 'secret' passage na alam ni Tamaki. Sa home
room kami nagpunta, pagbukas ng ilaw naroon nga si Tadeo, sinugod siya nila Tamaki
at Baldo at pinagsusuntok.

"Tama na mga meeen, sorry na huhuhuhu." Sabi niya habang panay ang salag niya sa
mga suntok nila.
"Walangya kang kupal ka! Pinagod mo kami, pinagcutting mo pa kami ng isang araw!
Kupal ka! Kupaaal!" nakisali si Aya sa 'pagbugbog' kay Tadeo. Nanahimik lang kami
nila Penelope habang hinihintay silang huminahon,

"Boss Tadeo #27 pala ha. Anong katarantaduhan ang ginawa mo magpaliwanag ka
sa'min!"

"Okay, okay! Kumalma muna kayo mga men! Kalma! Inhale! Exhale! Magpapaliwanag akong
mabuti." Pinakawalan naman siya nila Tamaki, "Una sa lahat gusto kong magsorry kung
pinag-alala ko kayo at inabala ko kayo sa paghahanap sa'kin, ang totoo niyan
natutulog lang ako sa janitor's deck hehehe."

"Anong sabi mo?!"aambahan na naman siya ni Tamaki.

"Hephephep! Patapusin nyo muna ko mga men, okay! Okay. Pangalawa, gusto kong
magpasalamat dahil sa effort niyo at concern na hanapin ako, I am really really
touched mga men." Pagkatapos sumeryoso yung itsura niya, "Pangatlo. Alam kong alam
niyo na yung nangyari. Pumunta yung mga parak kanina sa bahay at hinahanap ako,
pati rito sa school hinahanap nila 'ko. Ang totoo niyan... Noong gabing 'yon,
napadaan lang ako sa isang eskinita papunta sa warehouse na 'yon, may mga lalaking
parang men in black akong nakita, at... kasama nila si Stephen. Kaya ko sila
sinundan. Pagdating doon sa warehouse hindi ko na nakita si Stephen, at hindi ko
rin naman alam na may magaganap na illegal dealing sa lugar na 'yon. Nahuli nila ko
sa pinagtataguan ko at binugbog nila ko." kaya pala may mga pasa at band aid siya
sa mukha, "Nakatakas naman ako sa lugar na 'yon kasi paparating na yung mga parak,
mahirap na baka mapagbintangan pa 'ko, hindi ko alam na natanggal pala sa lace ko
yung ID ko. Ayun ako tuloy yung wanted ngayon. Bigti na ko mga men."

"Paano ka na? Paano mo malilinis ang pangalan mo?" tanong ni Penelope, "Tsaka si
Stephen, bakit sinama siya ng mga taong 'yun?"

"Hindi kasama si Stephen sa negosasyon sa droga nila. Pero isinakay siya nung mga
lalaki sa van at naunang umalis. Narinig ko kung saan sila papunta. Kaya may balak
ako mga men."

"Wag mong sabihing..." Hawak ng Memoire si Stephen.

"Ililigtas natin siya. Pupuntahan natin yung lugar na 'yon."

Nagkatinginan. Nagpakiramdaman.

"Ngayon na?"

"Ngayon na."

<///3
[Thank you again for reading. Feel free to express your thoughts. lol. God bless
everyone]

ps.parak means pulis po. haha

to be continued...

/41/ Encounter

/41/ Encounter

"Sentral police headquarters? This is-HEY!"

"Baliw ka ba?! Bakit mo sasabihin sa mga pulis na kasama natin si Tadeo?!" sumigaw
si Tamaki matapos niyang agawin yung cell phone ni Ireneo. Nawawala na naman yata
sa katinuan 'tong si Ireneo, paniguradong mahuhuli si Tadeo kapag nalaman ng mga
pulis na narito siya ngayon sa school.

"Sooner or later malalaman din nila kung nasaan siya! At masasangkot din tayo dahil
baka akalain nilang pinagtatakpan natin siya!"

"Anong sabi mo?!" kinuwelyohan ni Tamaki si Ireneo, kaagad na umaawat si Baldo pero
mukang nag-init na talaga yung dugo ni Tamaki.

"Sinasabi mo bang talagang kriminal si Tadeo, Ireneo?" sabi ni Sabina.

"Bitawan mo nga 'ko!" pilit na inalis niya yung mga kamay ni Tamaki sa kwelyo niya,
"Sa tingin niyo ba maniniwala yung mga pulis sa'tin?! Sa kanya?!" turo pa niya

"Nasaan na naman ba yang utak mo ha Ireneo?! Inosente si Tadeo!" Sabi naman ni Aya.
Nakatingin lang ako sa kanila na nagtatalo-talo na ngayon. Hindi ako nagsasalita...
kasi... iniisip ko yung mga pwedeng mangyari. Medyo naiintindihan ko si Ireneo,
nagpapakapraktikal lang siya at iniisip lang niya yung mga posibleng mangyari.
Hindi basta-bastang kaso ang kinasangkutan ni Tadeo. Nasa alanganin din si
Stephen. At may kinalaman ang Memoire sa lahat ng nangyayari.

"Jill?" nagsalita yung katabi ko, hindi rin siya nakikigulo sa pagtatalo, si
Penelope. "May naiisip ka bang paraan kung anong gagawin natin? Hindi ba't mas
mabuting ibigay na lang natin sa pulis yung problemang 'to? Pwede namang sabihin ni
Tadeo na hindi siya talaga kasangkot sa illegal na gawaing 'yon."

"Hindi naman kasi basta-basta yung sitwasyon, Penelope. Pero sa gustong gawin ni
Tadeo, hindi naman din ganon kadali gawin yon." Hindi naman 'to parang laro sa
video game at hindi rin 'to action movie. Paano kung malagay lang sa panganib yung
mga buhay namin. Paano kung maulit na naman yung mga abnormal na insidente katulad
nang dumating si Caleb Perez. Wala kaming kalaban-laban sa kanila.

"Tama na! 'Wag kayong magkagulo!" nahinto sila sa pagsigaw ni Tadeo. Maswerte kami
dahil walang guard na rumoronda sa campus dahil sa lakas ng ingay na nililikha
nila. "Sige Ireneo! Sabihin mo sa mga pulis na kasama niyo ko ngayon! Pero bago mo
pa magawa 'yon pupuntahan kong mag-isa si Stephen! Bahala na kung ayaw niyong
sumama. Hindi ako babalik hangga't hindi ko nababalik si Stephen at hangga't hindi
ko malilinis yung pangalan ko!" akma siyang aalis pero pinigilan ko siya.

"Hindi ka pupunta ron ng mag-isa, Tadeo." Oras na siguro para harapin ko rin sila,
harapin yung mga taong nasa likuran lahat ng 'to. "Hindi sa nagpapakabayani ako...
hindi naman din nating pwedeng iwanan ng basta si Stephen. Hindi rin malilinis ni
Tadeo ang pangalan niya kapag hindi tayo kumilos. Pero..." minsan na silang
nakontrol ni Caleb Perez. Hindi ko lubos na maisip kung anong pwedeng mangyari sa
kanila. Paano ko magagamit yung kapangyarihan ng mga mata ko sa ganitong sitwasyon?
Ito lang yung kapangyarihan ko na pwedeng makatulong... Natatakot akong tumingin sa
mga mata nila, pagkatapos ay makakita ng masasaklap na pangyayari, at paano kung
iyon nga talaga ang nakatakda at walang paraan para iligtas sila. "...masyadong
mapanganib. Wala tayong laban."

Hindi sila umimik sa sinabi ko. Siguro'y napagtanto nila na hindi ganoon kadaling
puntahan at iligtas si Stephen, wala silang kaalam-alam sa kung anong sitwasyon ba
talaga ang hinaharap ni Stephen.

"Pupunta 'ko kahit anong mangyari." Pagmamatigas ni Tadeo. Papalabas na siya ng


silid nang makarinig kami ng mga sirena mula sa labas.

"Sht!" napatingin kami kay Baldo na nakasilip sa bintana, "M-mga pulis!"

"Ano?!" lahat kami nagsilapitan sa bintana at palihim na sumilip, may kotse nga na
nakahinto sa labas ng gate at may dalawang bumaba mula roon.

"P-paano nila nalaman?!" sinugod ni Aya si Ireneo at niyugyog si Ireneo sa pag-


aakala sigurong ito yung may gawa kung paano nakapunta yung mga pulis dito.
"Ireneo! Kupal ka talaga!"

"B-bitawan mo nga 'ko! Argh!" tinabig ni Ireneo si Aya pero si Baldo naman yung
humigit sa kanya, "Bitawan mo ko!" malakas niyang tinulak si Baldo dahilan para
mapa-upo ito sa sahig, kaagad namang dumalo rito si Sabina. "He freaking get my
phone! Tapos ako yung pagbibintangan niyo ko?! The Hell!" bulyaw ni Ireneo.

"A-ano ng gagawin natin?!" Lahat sila nagpapanic na maliban sa'ming dalawa ni


Morris na napako lang ang tingin sa isa't isa.

"Umalis na tayo!" sabi ni Tadeo "Sumunod kayo sa'kin!"

Wala kaming ibang nagawa kundi sumunod kay Tadeo na nauna nang tumakbo palabas,
kinalimutan namin yung aalahanin kung paano ang nangyari at narito ngayon sa school
yung mga pulis. Siguro dahil sa wala rin kaming maisip na ibang paraan sinundan na
lang namin si Tadeo. Tumakbo lang kami nang tumakbo hanggang sa marating na namin
yung likuran ng building, kung saan kami nakapasok kanina doon din kami nakalabas.
Hindi pa rin kami humihinto sa pagtakbo sa gitna ng madilim na kalsada. Kung saan
kami pupunta? Hindi ko alam. Tiningnan ko yung mga kasama ko, mukhang katulad ko
ito lang din yung naiisip nilang paraan, ang tumakbo, at tumakas. Malayo-layo na
rin yung natakbo namin at mukha namang hindi kami napansin ng mga pulis kanina.
Hingal na hingal kaming lahat nang huminto kami sa pagtakbo.

"Hindi na siguro nila tayo makikita." Sabi ni Aya sa pagitan ng paghinga. Lumiko
kasi si Tadeo sa isang madilim na ekinita kaya rito kami ngayon napadpad, walang
mga dumadaang sasakyan at wala ring mga tao.

"Hoy, Tadeo." Si Tamaki. "Sigurado ka bang alam mo kung saan dinala si Stephen?"

"Oo nga! Bakit ba ayaw niyong maniwala sa'kin?"

"Saan?" seryosong tanong ni Morris. "Sabihin mo kung saan." Utos 'yon.

"Sumunod na lang kasi kayo sa'kin."

"Sabihin mo kung bakit kailangan naming sumunod sa'yo." tanong ulit ni Morris na
ikinagulat naming lahat.

"Morris! Ano ba namang klaseng tanong 'yan."

"Nasaan si Stephen? Magsalita ka." Maging ako naguguluhan sa inaasta ni Morris.


Lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa balikat, "Jill. Ang taong 'to..." kahit
mahina narinig ko kung ano yung sinabi niya.

"Now what? We'll risk our lives para hanapin si Yue? What are those guys anyway?"
tanong ni Ireneo tungkol naman sa mga taong kumuha kay Stephen, "Sabi ko sa inyo
ibigay na lang natin sa authority yung problema na 'to, what if they're syndicates
or whatever dangerous people, obviously we can't do anything about it."

"Hindi ko kayo pinipilit." Sabi ni Tadeo , "Tamaki." Pero umiwas ng tingin si


Tamaki na napagtanto rin yung mga pwedeng mangyari dail sa sinabi ni Ireneo.

"May punto si Ireneo,Tadeo. 'Wag tayong magpadalus-dalos dahil baka mapahamak


tayo." Katahimikan. Kahit si Aya hindi na umimik pa. Pero si Morris, ang sama pa
rin ng titig niya kay Tadeo, parang tigreng nang-aangil ang tingin.

"Jill! Paano na si Stephen?! Wala ka rin bang gagawin para iligtas siya?! Jill!"
humarang si Morris nang akmang lalapitan ako ni Tadeo, "Jill! Hawak si Stephen ng
Memoire, kailangan natin siyang iligtas! Kailangan mo siyang iligtas! Jill!"

"Tadeo umawat ka na!" hinawakan na siya nila Baldo at Tamaki sa magkabilang braso
pero nagpupumilit pa rin siyang kumawala.

"Ano ba Tadeo! Para ka ng baliw eh!"

"Tinatakot mo si Jill sa itsura mo!"

"Teka!" sigaw ko dahilan para tumahimik sila.

Tama ba 'ko ng pagkakarinig?

"Paano mo nalaman... Paano mo nalaman ang tungkol sa Memoire?" hindi... hindi


kaya... "Sino ka?! Nasaan si Tadeo?!" binitawan na nila Baldo si Tadeo, nagulat sa
sinabi ko. Pero... tumawa lang yung Tadeo na nasa harapan ko.

"Jill naman, ano bang sinasabi mo. Ako 'to."


Napatingin ako sa kanila, kila Penelope, na nakatingin din sa'kin at di
maintindihan ang itsura, nawiwirdohan sila sa sinabi ko. Paano nila maiintindihan
yung mga ganitong sitwasyon? Tumingin ulit ako kay Tadeo. Magsasalita pa lang ako
ng unahan na ko ni Morris.

"Hindi nagsusuot ng itim na hikaw si Tadeo." Sabi niya. Tsaka lang namin napansin
na may hikaw siya sa kanang tainga, at... hugis diyamante iyon. Paano nangyari...
Imposible... "Nasaan si Tadeo?"

"Morris! Hindi ako natutuwa sa mga biro niyo ni Jill."

"Hindi rin ako natutuwa sa'yo."

"A-ano." Si Penelope, "Jill, Morris, anong ibig niyong sabihin? Anong hindi siya si
Tadeo?" Napatingin ako kay Morris, nag-uusap yung mga mata namin, ano'ng dapat
naming gawin? Kung magpapatuloy pa yung usapan na 'to... baka malaman nila...
malaman nila kung ano talaga kami...

Tumawa lang nang tumawa si 'Tadeo' sa harapan naming lahat. Sigurado kami ni Morris
na hindi nga si Tadeo yung kasama namin ngayon. Nahuli na siya mismo sa sarili
niyang bibig. Si Morris kanina pa siya naghihinala mula nang makita namin siya sa
class room, pero katulad ko iniisip din niya siguro yung mga bagay na dapat
isaalang-alang kaya ngayon lang siya nagsalita.

"Anong problema, Jill? Bakit ayaw mong iligtas si Stephen? Hindi ba't ikaw din
naman ang may kasalanan kung bakit siya tinutugis ng mga taong 'yon?" nag-iba yung
tono ng pananalita niya. Kahit sila Baldo at Tamaki ay napaatras na dahil sa
kakaibang pagbabago nito. "Ha? Jill Morie." Tumawa ulit siya, sa pagkakataong 'to
parang nakumbinsi rin yung mga kasama ko na hindi nga si Tadeo yung kasama namin
ngayon, lahat kami napaatras.

"H-hindi ko naiintindihan yung mga nangyayari pero... parang hindi nga siya si
Tadeo." Bulong ni Sabina, natatakot.

"Y-yung aura niya Jill..." si Baldo, "hindi maganda." Katulad din siguro nang
nakita niya noon kay Caleb Perez, sasabihin ko sana kaso hindi na nga pala niya
'yon naalala.

"Wag kayong matakot..."

"Pagbilang ko hanggang tatlo... tatakbo tayo." Kahit hindi nila naiintindihan


sumang-ayon na lang sila kay Morris "Isa---"

"Hindi kayo makakatakas." Parepareho kaming gulat nagimbal sa mga sumunod na


pangyayari. Sa isang iglap unti-unting nagbago yung buong paligid. May mga pader na
pumalibot sa'ming lahat.

"S-sabihin niyo sa'kin panaginip lang 'to!" sigaw ni Aya. Nagdikit-dikit kaming
walo dahil sa takot. Kung panaganip nga 'to, gusto ko ng magising. Nawala yung
pekeng Tadeo pero naririnig pa rin namin yung boses niya na umaalingawngaw sa buong
paligid.

"Tutal nalaman niyo na talaga na hindi ako si Tadeo, bakit hindi muna tayo maglaro?
Tingnan natin kung kaya niyong makalabas dito."

Umuga bigla yung kinatatayuan namin, kusa kaming pinaghihiwa-hiwalay. Wala akong
ibang marinig kundi mga sigaw at panaghoy nila, gusto ko ring sumigaw pero hindi ko
magawa... Dahil... dahil... sa takot? Sa kaba? Hindi ko alam. Anong klaseng
nilalang ang kalaban namin ngayon? Isang Peculiar?

"Jill!" tatakbo ko papunta sa kinaroroonan nila pero sumulpot bigla sa pagitan


namin ang isang pader hanggang sa tuluyan na kaming nagkahiwahiwalay. "Jill!
Morris! Tamaki! Aya!Sabina! Penelope! Ireneo! Nasaan na kayo?!" may mga sumagot,
naririnig ko pa rin yung mga boses nila.

Huminto yung pag-uga ng lupa. Hinawakan ko yung pader, totoo 'yon, konkreto.

"N-naririnig niyo ba ko?" malakas na tanong ko.

"Oo!" sagot nila na.

"Tingin ko... Natrap tayo sa maze!" si Ireneo.

"Maze?! Anong kagaguhan 'to?!"si Tamaki

"Anong nangyari sa tang**nang Tadeo na 'yon?!" si Baldo.

"Mamaya na natin problemahin 'yon! Pwede hanapin muna natin yung isa't isa?!
Natatakot na ko!" si Sabina.

Kahit na hindi ko sila nakikita, ramdam na ramdam ko yung takot nila.

"Paano?!"

"This is simple-"

"Simple?!"

"Patapusin mo muna ko Martinez! We'll use the 'wall follower' method, ilalagay lang
natin yung isa nating kamay sa pader, maglalakad at susundan ang path nito. Kanang
kamay yung gagamitin natin, copy?!"

"Copy!"

Sa mga ganitong pagkakataon, hindi ka na pwedeng magtanong, hindi ka rin pwedeng


umangal, ang importante, hindi ka nawawalan ng lakas ng loob. Kasi wala ka ng ibang
pagpipilian kundi ang maging matapang. Anong klaseng Peculiar ang taong 'yon?
Paano namin siya matatalo? Paano kami makakaalis dito? Ako ba yung kailangan niya?
Bakit kailangan pang madamay yung mga kaibigan ko?

Nagpapakiramdaman kaming lahat. Kahit na mukhang walang katapusan yung nilalakad


ko, sinunod ko lang yung technique na sinabi ni Ireneo, nakahawak yung kanang kamay
ko sa pader habang naglalakad, binilisan ko yung paglalakad. Narating ko na yung
dulo pero wala pa ring pumapasok sa isip ko na paraan kung anong gagawin. Kaming
dalawa lang ni Morris ang Peculiar dito, may magagawa ba kami?

"Jill! Gusto ko nang umuweeee!" sinalubong ako ni Aya na nangangatog at umiiyak.


Nagkatagpu-tagpo rin kaming lahat sa pinakadulo, lahat sila halos tulala at hindi
na makapagsalita. Si Penelope na napaupo sa sahig, si Sabina nakatulala lang at
nanginginig katabi niya si Baldo na umaalo, si Tamaki na walang ginawa kundi
pagsusuntukin at pagtatadyakan yung pader, si Ireneo, Morris at ako lang 'ata ang
nasa kahinahunan. Walang nagsasalita... Hanggang sa...

"Illusion." Biglang umusal si Ireneo, "Maybe this is an illusion."

"Illusion?"
Kung pamamasdang mabuti si Ireneo ngayon, kahit sino siguro aakalaing nawawala na
siya sa katinuan, pero katulad namin ni Morris, maiintindihan namin siya.

"Makakatulong ba yang pagsasabi mo, Ireneo? Eh ano naman kung ilusyon nga lang 'to?
Paano tayo tatakas sa ilusyon na 'to?" si Tamaki na huminto sa pagsuntok at sipa sa
pader, kita na yung umaagos na dugo mula sa kamao niya, patunay sa sarili niya na
hindi siya nananaginip.

"Jill, may alam ka ba rito?" tanong ni Baldo. "Sinabi niyo kanina ni Morris na
hindi si Tadeo ang kasama natin. May alam kayo sa mga nangyayari."

Hindi kami sumagot ni Morris. Hindi dahil sa hindi namin alam ang sagot, dahil sa
hindi namin alam kung paano nila maiintindihan.

"Wow, masyado sigurong madali yung maze na ginawa ko para sa inyo," naagaw ulit
yung atensyon naming lahat nang magsalita na naman yung pekeng Tadeo, hindi pa rin
siya nagpapakita, "bakit di natin mas hirapan?" nagdikit-dikit na naman kaming walo
nang magbago ulit yung itsura ng buong paligid, napalitan ng salamin ang kaninang
pader, wala nang makikita kundi katapusang repleksyon.

"Maghawak-hawak tayo!" huli na, nang umuga na naman ang kinatatayuan namin at pilit
kaming pinaghiwahiwalay. Biglang tumahimik. Hindi ko na sila nakita. Hindi ko na
sila marinig. Wala akong ibang marinig kundi yung malakas na pagbayo ng dibdib ko.
Wala akong makita kundi yung sarili kong repleksyon, walang katapusan... Parang
imposibleng makatakas ako sa mirror maze na 'to.

"Jill Morie... Come. With. Us." Marami. Marami sila. Papalapit ng papalapit yung
mga boses nila. Katulad ng sa panaginip ko. Napaluhod ako, tinakpan ko yung mga
tainga ko. Paulit-ulit. Malalim. Nakakatakot.

"Tama na." usal ko, umaasang magigising ako at isa lang 'tong bangungot, "Tama na!"
hindi ko alam kung sadyang malakas yung sigaw ko para umalingawngaw ito sa buong
paligid, narinig ko yung pagbitak ng mga salamin at sabay-sabay 'yong nabasag.
Niyakap ko yung sarili ko, inaasahan kong masasaktan ako sa mga basag na salamin
pero wala akong naramdaman. Nang humupa ang tunog ng pagbasag, dahan-dahan akong
tumayo. Hindi pa rin nawawala yung takot sa dibdib ko.

Nasa kalawakan ako ng kadiliman, wala akong makita kundi itim. Nawala yung maze.

"Jillianne Morie." Lumitaw siya sa harapan ko, si Tadeo pa rin ang ginagamit niyang
anyo.

"I-isa kang Peculiar?"

Ngumiti siya, hanggang sa unti-unting nag-iba yung anyo niya, isang lalaki...
nakamaskara, nakasuot ng itm. Ito siguro yung tunay niyang anyo "Hayaan mong
ipakilala ko ang sarili ko, ako nga pala si Magnus. So, alam mo na pala ang tungkol
sa mga uri natin, Jill Morie. Tama ka, isa 'kong Peculiar. Kaya mo bang hulaan kung
anong kapangyarihan ang meron ako?"

Tama si Ireneo. Ilusyon lang ang lahat ng 'to. Ikinulong niya kaming lahat sa
ilusyon.

"Nasaan sila?!"

"Uh-oh, hindi ko alam, maybe nasa somewhere in dreamland sila at nag-eenjoy sa


munting paraiso na ginawa ko para sa kanila. Sawakas nakapagsolo rin tayong dalawa,
Jill Morie." Dahan-dahan siyang lumalapit sa'kin kaya sa bawat hakbang niya
napaatras ako.
"Ano bang gusto ng Memoire sa'kin?! Ano bang kailangan niyo sa'kin? Bakit ba
gustung-gusto niyo kong kuhain!"

"Wow, so alam mo na rin pala yung tungkol sa Memoire, kamanghamangha, Jill Morie.
Narito ako ngayon para imbitahin ka, para sumapi sa organisasyon, matutulungan ka
namin Jill Morie. Masasagot namin ang mga tanong mo kung sino ka ba talaga... at
kung ano ang espesyal sa'yo na hindi mo alam."

"M-masasagot niyo?"

"Oo." Iniunat niya yung braso niya, nang-aaya. "Ito ang kapalaran na nakatadhana
para sa'yo, Jill Morie."

Ito nga ba ang kapalaran ko? Kung patuloy lang akong tatakas sa kanila, mas marami
pang pagkakataon na madamay ang ibang tao ng dahil sa'kin... Si Stephen... Si
Tadeo...

"Hindi."

"Hindi?"

"Hindi ito ang kapalaran ko. Wala kang karapatang sabihing ito na ang nakaguhit sa
tadhana ko. Hindi ako sasama sa inyo."

"Well then... You leave me no choice, Jill Morie. Tutal mga mata mo lang naman ang
kailangan namin,." Mabilis siyang nakalapit sa'kin, tatakbo sana ko pero pagpihit
ko patalikod ay naroon siya. Hinawakan nya yung mukha ko, at... "kukuhanin ko na
lang iyon sa'yo..." naramdaman ko yung mga kamay niya na dinukot ang mga mata ko.
Napasigaw ako.

Napabalikwas ako, nakita ko si Magnus na nakatayo lang sa harapan ko. Kinapa ko


yung mukha ko, nandito pa rin... nandito pa rin yung mga mata ko. Pero naramdaman
ko kanina!

"Na-enjoy mo ba yung illusion?" tuwang-tuwa siyang nakikita akong takot na takot sa


ginawa niyang ilusyon. "Sa totoo lang pwedeng pwede kong dukutin yung mga mata mo
ng isang daang beses na katumbas ng isang daang beses na kirot. Ang saya hindi ba?"

Hindi ako pwedeng sumuko, kahit na hindi ko alam kung anong paraan para labanan
siya.

"Bakit di natin ulitin ulit? Hanggang sasumuko ka na at sumama na lang sa'kin."


Papalapit na naman siya sa'kin, pumikit ako. Humihiling na sana...
"Jill?"

Dahan-dahan akong dumilat.

Ineexpect ko na si Magnus pa rin yung nasa harapan ko pero... Nanlalabo pa rin


yung paningin ko. Nasa maliwanag akong lugar, maliwanag, hindi ako nakaamoy ng
antiseptics kaya alam kong hindi 'to ospital.

"Gising na kaya siya?" may mga di pamilyar na tinig. Maliban kay Morris na panay
tawag sa pangalan ko.

"Ilusyon lang din ang pangontra sa ilusyon, buti na lang nakarating kami kaagad."

"Salamat po sa inyo."

Sino sila? Mga Peculiar na naglitas sa'min? Nasaan sila Aya?

Sa pagod... Sa takot... mas pinili kong ipikit na lang yung mga mata ko...

*****

Umaga. Isang normal na araw ng pagpasok sa eskwela.

"Good morning Jill!" bati sa'kin ni Aya pagkaupo ko sa pwesto ko, tiningnan ko
siya, tiningnan ko sila. Parang walang nangyari noong nagdaang gabi. Ang maze. Ang
ilusyon. Si Magnus. "Alam mo ba, ang weird weird ng panaginip ko kagabi!
Magkakasama raw kasi nating hinahanap si Tadeo kups tapos... parang natrap tayo sa
maze? Ang gulo talaga, kakalerki." So naging panaginip lang para kay Aya yung mga
nangyari?

"Pareho tayo, Aya." Sumulpot bigla si Baldo, "Ganun din yung panaginip ko. Ang
gara." Nagpatuloy sila sa pagdidiskusyon ng parehong panaginip nila,samantala
sumenyas sa'kin si Morris na mag-usap kami.

Sa labas, pinaliwanag sa'kin ni Morris yung mga nangyari. May mga Peculiar na
nagligtas sa'min kahapon, wala siyang ibang pinaghihinalaan na nagpadala ng tulong
kundi si miss Karen, hindi ako naniniwala nung una pero... Nang maalala ko yung
nakita ko kagabi, nakumbinsi ko rin yung sarili ko. Isa sa mga tumulong sa'min ay
may kakayahang gawing isang panaginip ang isang parte ng pangyayari sa buhay ng
isang tao kaya hindi maalala nila Aya na totoo yung mga nangyari.

"Bakit nila ginawang panaginip 'yon?" tanong ko kay Morris.

"Hindi pwedeng malaman ng mga normal na tao katulad nila na may Peculiar. Isa pa...
ako na yung mismong nakiusap na gawin 'yon."

"Bakit?"

"Hindi nila maiintindihan."

"Paano nalaman ni miss Karen?"

"Dahil lagi ka niyang binabantayan."

Naguluhan ako, "Bakit?"


Tumitig sa'kin si Morris.

"Jill."

Bubuka pa lang yung bibig niya para magsalita... Nang...

"MEEEEEEN!" sumulpot sa likuran ni Morris si Tadeo. "I MISSED YOU MEEEEN! YOH
JILL! NAMISS KITA!" yumakap siya kay Morris.

"I-ikaw na ba 'yan, Tadeo?" medyo napaatras ako dahil nadala na ko sa nangyari


kahapon. Napansin ko na wala yung hikaw sa kanang tainga niya kaya nakampante na ko
na si Tadeo na talaga yung kasama ko.

"OO NAMAN JILL! THIS IS MEEEH." Pumasok siya sa loob ng classroom, sumunod kaming
dalawa ni Morris, "GUUUUUUYS I MISSED YOU!" nagulat sila kay Tadeo.

"Tadeo! Anong nangyari sa'yo bakit ka absent kahapon?" tanong ni Baldo, talagang
wala rin siyang naalala sa nangyari. "Diba wanted ka sa mga pulis?!"

"Easy lang may men! Ok na, absuwelto na ko hahaha! Kaya ko absent kahapon,
inasikaso ko yun. Salamat sa mahusay na pag-iimbestiga ng mga parak! Wohoo! I am
innocent! Sa pogi kong to mukha ba kong drug pusher?"

"Alam mo bang nagcutting kami buong araw para hanapin ka?! Kupal ka!" katulad ng
eksena kagabi, pabirong binugbog nila Tamaki, Baldo at Aya si Tadeo.

"Tama na mga men, sorry na huhuhu."

Yung Tadeo na kasama namin kahapon, isang ilusyon, yung pagdating ng pulis, parte
rin ng ilusyon ni Magnus. Ewan ko, kagabi lang ulit ako nakaramdam ng ganon, ang
maging helpless. Ang makaengkwentro ng ganung klase ng Peculiar, isa na sa
pinakanakakatakot na pangyayari sa buong buhay ko.

"Teka, mga men!" kumawala si Tadeo sa kanila, "May kasama 'ko ngayon," lumabas
siya, "Bigyan natin ng masigabong palakpakan ang pagbabalik ni---" may hinila siya
papasok, "STEPHEN! WHOOO!"

<////3

[Sorry sobrang tagal. huhu. Anyway, do you have any thoughts or questions just feel
free to express. Yun lang thanks again for reading :)) *HaruHaruDance]

/42/ Déjà vu

/42/ Déjà vu

"Guys, kumpleto na ba tayong lahat?" Sino'ng wala pa rito? Let me know para sa
attendance." Anunsyo ni Ireneo sa harapan habang abala pa rin ang buong klase namin
sa kanya-kanya nilan daldalan at harutan, dito sa music room, pasado alas kwatro na
ng hapon, matapos ang klase pinapunta kami rito ni Ireneo. "Hey guys! Malapit nang
dumating yung teacher natin sa music so please makicooperate. Sino'ng wala pa?"
tanong niya ulit.

"Nasa homeroom pa yata sila Stephen at Baldo, cleaners kasi sila." Sagot ni
Penelope at biglang bumukas ang pinto.

"Yoh! Ireneo kups mah men sorry kung late kami ni Stephen men." Akbay-akbay niya si
Yue.

Dalawang araw na ang nakalilipas magmula nang makabalik siya. Natutuwa ako dahil
ligtas siya at walang nangyaring masama sa pamilya niya. Pero... narito pa rin yung
kaba sa dibdib ko. Pinagmamasdan ko lang sila mula rito sa kinatatayuan ko,
masiglang nakikipag-usap kila Baldo at Penelope si Yue. Katulad ng sinapit nila
Aya, nabura rin yung alaala ni Yue. Wala siyang maalala sa mga nangyari.

Noong araw din na bumalik siya ay masinsinan namin siyang kinausap ni Morris.
Marami akong tinanong sa kanya pero ni isa sa mga 'yon ay hindi niya alam at wala
siyang maalala sa mga isinalaysay kong pangyayari, yung blog at ang tungkol sa
Memoire. Wala. Burado nga lahat. Naisip namin ni Morris na kagagawan iyon ng
Memoire. Sinadya nilang ibalik si Stephen pero burado naman ang ilang bahagi ng
alaala nito.

"Stephen, please." Pagsusumao ko pero nakayuko lang si Stephen, panay ang iling at
paghingi ng sorry dahil wala talaga siyang alam sa kahit anong tinatanong ko, mas
hinigpitan ko yung pagkakahawak ko sa kamay niya, bilang pakiusap, "Stephen---"

"Jill." Humawak si Morris sa balikat ko, tumingin ako sa kanya at umiling lang
siya, binititawan ko na yung kamay ni Stephen na sobrang higpit pala ng
pagkakahawak ko.

"I'm sorry."
Sinadya nila 'to para mas lalo akong mahirapan, kung kailan malapit na ko sa mga
sagot sa napakaraming katanungan, sa napakaraming hiwaga na bumabalot sa mundo at
pagkatao ko. Hindi ko na alam kung saan ako magsisimula, kung ano na ang gagawin
ko, kung ano nga ba talaga ang nakaguhit sa kapalaran ko.

"Sorry din, Jill." Paghingi rin ni Stephen ng sorry sa'kin, "Sorry kung hindi kita
matuttulungan. Wala talaga 'kong alam sa mga tanong mo. Nagkasakit ako pagkatapos
ng recollection natin kaya hindi ako nakapasok. Sorry ulit kung pinag-alala ko
kayo." Iyon ang huli niyang sinabi at umalis na siya.

"Morieee." Sumulpot bigla sa tabi ko si Aya, "Ang lalim 'ata ng iniisip mo ah. May
problema ka ba? Baka makatulong ako? Hihi."

"Ah. Wala naman. Hindi ka na nasanay. Ganito naman ako palagi." Palaging hindi
tumititig ng matagal sa mga mata niyo.

Tumawa si Aya, "Bumabalik ka na naman sa pagiging loner mo ah, ice doll the second
ka rin eh no. In fairness Jill ha, ang laki ng inimprove ng emotions mo simula nang
pumayag kang sumabay sa'min maglunch noon sa roof top."

Matipid na ngiti lang ang sinagot ko. Naalala ko yung ginawa kong desisyon noon, na
tuparin yung hiling ni Haneul sa'kin na ibalik ang ngiti sa labi ko. Dahil doon,
naging malapit ako sa kanila. Pero minsan parang gusto kong pagsisihan 'yon, hindi
dahil sa ayoko silang maging kaibigan dahil sa dahilang posibleng madamay sila
ngayon. Hindi ko kayang makitang masasaktan at mapapahamak ang mga taong naging
malapit na sa'kin.

Tumingin sa bintana siya sa bintana, kitang kita yung pagsayaw ng mga sanga ng puno
dahil sa hangin. "Pero masaya 'ko." kahit hindi ko nakikita yung ekspresyon ng
mukha niya, alam kong nakangiti si Aya, "Kasi, nagkaroon ulit ng pagkakataon na
maging maayos tayong lahat. At... nakalaya na ko sa nakaraang pilit kong
tinatakasan noon."Aya... "Jill... Salamat ha."

"So, kumpleto na tayong lahat. Habang hindi pa dumadating si Miss Karen, inutusan
niya 'kong ipaliwanag sa inyo kung bakit tayo nandito ngayon sa music room."
Narinig ko na lang na nangingibabaw yung boses ni Ireneo. Hindi ko na nagawang
makasagot kay Aya dahil biglang tumahimik at nakinig na ang buong klase.

Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa mga taong malalapit sa'kin.

"Bale sa Lunes ipupull out tayo ng isang araw dahil ang klase natin ang napili ng
school para maging representative sa pagdedeliver sa charity ng mga donations na
nakalap ng school natin. Aside sa task natin ng pagbovolunteer work naisipan ng
officers ng klase natin na magdedicate ng kanta para sa mga orphan children. Kaya
nandito tayo ngayon para magpractice." May iniabot siyang mga papel, "Kumuha na
lang kayo ng isang kopya at pakipasa. Si miss Marcel ang magtuturo sa'tin at siya
na rin yung tutugtog ng piano."

Wings to Fly, iyan yung title ng piyesa.

Nagsimula na ang practice nang dumating ang music teacher namin.

*****
Binaba kami ng school bus sa entrada at kailangan pa naming maglakad papunta sa
mismong looban, bitbit yung mga kahon na naglalaman ng mga donations. Payapa ang
buong paligid, malayo sa magulong siyudad na pinanggalingan namin, maraming mga
puno, sariwa ang hangin, walang polusyon. Kahit na ilang dipa na lang ang layo sa
ampunan, naririnig na namin yung mga boses ng mga batang naglalaro.

Nasa harapan na kami ng mismong gate nang mapahinto ako sa kinatatayuan ko.
Kinakalawang na yung gate, tanda ng napaglipasan na ng matagal na panahon

Sta. Helena Orphanage

Di ko napansin na binuksan na nung guard yung gate para papasukin kami, ako na lang
pala yung hindi pumapasok.

"Jill, gora na, natulala ka na dyan." Si Aya, na may dala-dalang dalawang


malalaking bag sa magkabilang braso. Tumango ako at sumunod sa kanila. Malawak ang
loob katulad ng inaasahan ko. May mga batang naglalaro sa malawak na damuhan at
palaruan. Luma ang istilo ng bahay ampunan, yari iyon sa kahoy at nakakabilib
isipin na tumagal ito hanggang kasalukuyan.

Pinatuloy kami sa lobby at malugod na sumalubong ang dalawang madre na nagpakilala


bilang sister Gina at sister Edna. Kanina lang habang nasa bumabyahe kami ay
nagbago ang plano nila Ireneo, may naisip nilang gumawa na lang kami ng program
para sa mga bata, nag-assign si Ireneo kung sino yung committee para sa palaro, sa
magbibigay ng pagkain at iba pa, pero gagawin pa rin namin sa dulo ng program yung
napractice namin na kanta.

Nainform na nila Tadeo yung staffs ng orphanage yung tungkol sa program namin, kaya
naman kailangan na naming mag-ayos.

"Oy Tadeo memake-up-an na namin kayo ni Aya."

"OMG Morieee, isang araw lang naman 'to, para sa mga cute na bata gagawin ko 'to.
Aja!" sabi ni Aya na nasa tabi ko, sumunod na siya dun sa mga kaklase kong mag-
aayos sa kanya.

"Meeeen!" samantala si Tadeo naman ay pilit pang kinaladkad ng mga kaklase naming
boys para maayusan. Silang dalawa kasi ni Aya yung napagbotohang gagawing clown
para sa isang part ng program. Si Sabina yung ginawang emcee, kesyo raw nagtrabaho
dati si Sabina sa mga bars at sanay sa paghohost, hindi naman offensive yung
pagkakasabi ni Ireneo pero kailangan ba talagang sabihin na dahil dun? Well,
insensitive jerk pa rin si Ireneo.

"Tulungan na kita." Nakita ko si Morris na tinutulungan si Lily sa pagbubuhat nung


mga dala namin. Kitang-kita sa itsura ni Lily ang tuwa nang tulungan siya nito.
Dumampot ako ng isang kahon at lumapit sa kanila.

"Ito pa oh." Abot ko kay Lily, biglang sumama yung itsura niya nang makita ko. Wala
lang, pang-inis lang.

"Ako na." pero ako pa ata ang nainis nang kinuha ni Morris yung iniaabot ko kay
Lily.

"Di, ako na lang, sa'kin niya binibigay eh." Nag-iinarteng sabi ni Lily, kunwa'y
nagpaawa ang boses. Iniwan ko silang dalawa, magsama sila sa kaartehan nila.

"Selos siya." Narinig kong sabi ni Baldo na may nang-aasar na tinig.


"Tss."

"Ok lang yan Jill. Kilala ko yang si Morris, hindi ka niyan ipagpapalit basta-
basta. Solid Jill Morie kaya nasa puso niyan." Nangiti na lang ako sa sinabi niya.
Mabuti at medyo malayo yung iba naming classmate at busy kaya hindi nila naririnig
yung pinagsasabi nitong si Baldo. "Oh diba napasmile ka. Dahil diyan penge piso."

"Baliw." Tumawa lang siya.

"Guys, one hour lang ang preparation natin kaya stop slacking." Si Ireneo. Kumilos
na kami ni Baldo dahil baka makita pa kami ni Ireneo na walang ginagawa. Tumulong
ako dun sa pag-aayos ng venue, sa maliit na covered gym, nagdidikit sila ng mga
makukulay na papel, naglalagay ng mga lobo sa upuan.

"Jill, pwede pakibigay to kay sister Edna? Ako muna gagawa niyang ginugupit mong
crepe paper." inabot sa'kin nung classmate ko yung yellow paper na naglalaman ng
program. Tumango ako at umalis doon. Nakalabas na ko doon pero hindi ko naman alam
kung saan ko hahanapin si sister Edna. Tamihimik na yung paligid, siguro nasa loob
na yung mga bata.

May nakita akong matandang ale na nagwawalis malapit sa palaruan, lumapit ako sa
kanya para magtanong.

"Pwede pong magtanong?" napahinto naman yung ale sa ginagawa niya, "Nakita niyo po
ba kung nasaan si sister Edna?"

"Ang ganda naman ng mga mata mo ineng." Nailang ako sa sinabi niya. Napayuko ako
bigla.

"S-salamat po." Ito ata ang unang pagkakataon na may nagsabi sa'kin na maganda ang
mga mata ko.

"Ah, nakita kong nagpunta sa loob si sister."

"Sige, salamat po ulit."

Pumasok ako sa loob pero nabigo akong hanapin si sister Edna kaya lumabas ulit ako,
wala na yung matandang aleng nagwawalis. May nakita akong batang babae na nakaupo
mag-isa sa swing, hindi ko alam kung bakit pero pinuntahan ko yung kinaroroonan
niya. Umupo ako sa bakanteng swing na katabi niya, tumingin lang siya sa'kin pero
hindi nagsasalita.

Pinagmasdan ko yung paligid. Pagkakita ko palang ng gate kanina... may kakaiba


'kong naramdaman. Yung pakiramdam na nakita ko na yung lugar na 'to noon. Yung
pakiramdam na kabisado ko yung bawat pasikut-sikot, ang palaruan, ang kulay pula na
swing na 'to... Samantalang hindi pa naman ako nakakapunta ng kahit anong bahay
ampunan noon. Pakiramdam ko... nakapunta na ko rito... noon pa.

Tiningnan ko yung batang katabi ko, hindi pa rin siya umiimik. Hindi ko naman
gustong isipin na multo siya, nakikita kong may panglaw sa mga mata niya...
nakikita ko ang sarili ko sa kanya... nakaupong mag-isa sa swing... nag-iisa.

"Sino ka?" napatingin ako sa nagsalita, isa ring batang babae na tingin ko ay mas
matanda ng ilang taon kaysa sa katabi kong bata, "Ella." Lumapit siya sa
kinaroroonan ng batang si Ella. "Kilala mo ba siya?" tanong niya, umiling si Ella.

"Hi." Bati ko.


"Sino ka? Anong pangalan mo?" tanong nito, nababasa ko sa mga mata niya ang
pagiging maingat at protective, kapatid niya siguro si Ella.

"Jill. Jill Morie." Sagot ko, "Ikaw, anong pangalan mo?" sa tanong ko umamo ng
kaunti ang mukha niya.

"Rina."

Ngumiti ako. Ngumiti rin si Rina. Nagsimula siyang magkwento at magtanong ng kung
anu-ano. Katulad ng mga batang punumpuno ng kuryosidad sa realidad. Malungkot
siguro. Kung ako yung nasa kalagayan nila, lumaki na kumakain sa mga stainless
plates, pinipilit ang sarili na ngumiti, para tanggapin ng mga tao... Parang mga
tuta sa pet shop na panay ang kawag ng buntot sa bawat taong makita. Umaasa na
balang araw mayroong tatanggap sa kanila... ng buong puso at pagmamahal. Hinayaan
ko lang ang sarili ko na sagutin ang mga tanong sa musmos na isipan ni Rina. Dahil
pakiramdam ko... katulad ko rin sila.

"Kailangan ko ng bumalik."paalam ko, "hinihintay na nila ko." Nalungkot si Rina sa


sinabi ko. Yumukod ako, tinapik ko siya sa ulo, at tinitigan sa mata. "Wag kang
malungkot." Nakita ko na sa mga mata niya. "Tiisin mo lang ang lahat ng sakit." ang
tadhana, "Magiging maayos din ang lahat. Merong magandang kapalaran ang naghihintay
sa'yo sa hinaharap" Pinutol ko ang nakikita ko, at muling nagmulat "Hindi man
ngayon pero balang araw. Wag mong kalilimutan."

*****

"...At! Mga bata! Bibilang tayo hanggang sampu dahil lalabas ang dalawa nating
kaibigan na makikipaglaro sa'tin ngayon. Handa na ba kayo?" masiglang sabi ni
Sabina sa harapan, kitang-kita sa mukha niya ang sinseridad na saya.

"Opo!"

"Sabay-sabay tayong lahat! Isa!..."

Sumabay sa bilang ang mga bata, bakas din ang galak sa kanikanilang mga mukha.

"Sampu! Andito na sila Pipo at Pipa! Tsaran!" Lumabas sila Aya at Tadeo, nakasuot
ng pangclown at masiglang bumati sa mga bata. This kind of happiness is priceless.
"Manuod kayo mga bata dahil kakain ng apoy si Pipo!"

"O-oi S-sabina, wala sa script to!" tinawanan nila si Tadeo.

Dumating na ang pinakahuling parte ng program, nag-assemble na kaming lahat sa


harapan. Sinimulan na ni Miss Marcel ang pagtugtog.

If now, I could grant my wish

I'd wish to have those wings

Those wings just like the birds

That fly up in the air


Sa malayo nakita ko si Miss Karen na marahang kumukumpas habang nanonood, sumasabay
din 'ata siya sa pagkanta namin. Nakita rin siguro 'yon ng mga kaklase ko kaya
hindi ko alam kung nadistract sila kasi medyo nawala sa tono, dahil naiiyak sila.

So high up in the air

With feathers bright and fair

No wealth nor power can make

My heart filled with such joy

Masaya kaming lahat na makita silang masaya. Napawi ang pagod sa bawat ngiti na
kanilang binibigay. Kunsabagay, minsan lang naman o isang beses lang mangyayari ang
ganitong pagkakataon sa buhay namin. Lalo na't magkakasama pa kaming lahat.

Want to spread my wings and fly

Away into the sky

How I dream to be so free

No more sadness no more pain

No more anger no more hate

How I dream to have those wings and fly into the sky

Natapos ang kanta at sumalubong masigabong palakpakan. Masayang masaya sila sister
Edna at sister Gina. Mas lalong masaya yung mga katabi ko.

"Yehey!" sigaw nila at nagyakapan pa.

"Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak." Si Penelope na natural ng iyakin kaya panay
punas sa luha niya.

"Ano ka Penelope! Nakakahawa ka naman eh!" si Aya na kukusot kusot ang mata.

"Hahaha! Parang tanga tong si babaeng manok, umiiyak! HAHAHA!"

"Tse! Ikaw din oh nangingilid luha mo oh!"

"Wag ka nga!"

"Asus nahihiya ka pa!"

"Kasalanan ni Miss Karen 'to eh!"

"Feeling ko graduation na nung kumakanta tayo."


Graduation huh.

Magkakahiwa-hiwalay din nga pala kaming lahat.

*****

Papalubog na ang araw nang matapos kaming makapagligpit. Oras na para umuwi. Tapos
na kaming kausapin nila sister Edna at sister Gina, lubos silang nagpapasalamat sa
pagdalo at pagtulong ng school at ng buong klase namin. Nasa gate na kaming lahat
nang tawagin ako ni Miss Marcel.

"Morie, pwedeng pakitawag na si Miss Italia sa loob?" sa dinamirami ng pwedeng


utusan ako pa yung nakita nitong music teacher ko. "Aalis na kamo tayo."

"Sige po." Hindi na ko nakatanggi at bumalik ulit ako sa loob. Nakita ko si sister
Gina na papasok sa loob kaagad akong lumapit sa kanya at nagtanong kung nakita si
Miss Karen. Sabi niya kausap daw ni Miss Karen yung director ng orphanage kaya
maghintay daw muna ko saglit. Pinatuloy niya muna 'ko sa loob ng tanggapan nila.

"Matagal na po pala yung Sta.Helena." bigla ko na lang nasabi habang tinitingnan


yung mga larawan na nasa photo album, mga luma iyon at iba't ibang batch ng class
picture. Ipinakita sa'kin ni sister habang naghihintay. Sumang-ayon si sister Gina
at nagkwento pa ng pahapyaw na history ng Sta.Helena, kung paano ito nagsimula at
mga unos na pinagdaanan nito. Naagaw ng atensyon ko yung lumang larawan na naiiba
sa iba pang larawan, kung sa iba ay maramihan at buong klase, sa larawang 'to, anim
lang yung mga bata na may kasamang isang lalaki at isang madre, sa kalumaan ay
hindi malinaw yung mga mukha nila. "Bakit po konti lang yung batch nila?" tanong
ko.

"Ah... Iyan ang isa sa mga hiwaga ng ampunang 'to."

"Hiwaga?"

"Walang ibang nakakaalam maliban kay sister Emilia na hindi pa director ng ampunang
'to noong mga panahon na 'yan. Ang alam ko lang, espesyal daw ang anim na batang
'yan."

"Paano pong espesyal?"

"Hindi pinaliwanag mabuti ni sister Emilia pero sadyang natatangi raw at hindi sila
pangkaraniwan. Mahiwaga dahil bigla na lang silang nawala sa ampunan matapos silang
pag-aralan ng lalaking doktor na nasa larawan."

Mahiwaga. Espesyal. Hindi pangkaraniwan. Pinag-aralan.

Hindi kaya...

Dahan-dahan kong kinuha ang larawan, binaligtad ito.

1998

Research Center for Paranormal Abilities class (first batch)


Jinnie, Beatrice, Cairo, Pacifico, Sylvia, Rommel

Nakumpirma ang hinala ko.

Mga Peculiar ang batang 'to.

Nakarinig ako ng mga yabag at tinig.

"Napakalaki mo na talaga, natutuwa akong makita ka ulit."

"Masaya rin akong makabalik ulit dito, sister Emilia."

"O paano, mag-iingat kayo sa biyahe. Ikamusta mo na lang ako sa asawa mo."

Asawa?

Nakita nila kong dalawa, napatayo ako sa kinauupuan ko habang hawak pa rin yung
album.

"M-miss, aalis na raw po tayo." Bigla akong nailang.

"Sige na, Beatrice. Sa uulitin."

Hindi ko alam kung bakit tinawag niyang Beatrice si Miss Karen.

<///3

[Salamat ulit sa pagbabasa. May tinapos pa ko kaya matagal. haha. gomen nasai,
sorry, patawad kung matagal. Hanggang sa muli! God bless

ps. Yung nasa multimedia yung kinanta nila, Tsubasa wo Kudasai pero yung kinuha
kong lyrics yung english version na ang title ay Wings to Fly na kinanta ni Susan
Boyle, that song is very beautiful]
/43/ One Night Carnival

/43/ One Night Carnival

"Jill gising." May yumuyugyog sa balikat ko, ginigising pala 'ko ni Aya na katabi
ko, nasa Sentral City na ba kami? "Jill, uyy, Jill." Dinilat ko yung mga mata ko,
pero base sa nakikita ko sa labas ng bintana mukhang hindi pa kami nakakarating ng
siyudad, at tuluyan ng nakain ng dilim ang liwanag.

"Bakit nakahinto yung bus?" tanong ko.

"Nagkaroon ng problema eh, inaayos pa nung manong yung bus, nagtawag din ata ng
tulong." Kung sinuswerte nga naman, nasira ang private bus ng school namin? "Medyo
matatagalan pa ata bago maayos ulit." Great. So maghihintay kami buong magdamag
dito? How I wish na i-exempt nila kami bukas sa klase dahil sa late na uwi.

"Anong oras na, Aya?"

"Ahh, magseseven na."

Pumikit ako para matulog pero hindi ko na magawa, "Nasaan na raw ba tayo?"

"Nasa San Isidro na, malapit na tayo sa Sentral kaunting kembot na lang, kung hindi
lang talaga nasira 'tong bulok na bus ng White Knights kanina pa sana tayo
nakauwi." Halata namang gustong makipagdaldalan ni Aya pero mas gusto kong matulog
kaso nga lang nawala na talaga yung antok ko, "Sulit naman yung pagod ngayong araw,
ang saya kayang tumulong sa mga kyoti na bata, nakakaawa nga lang sila."

"Yeah." Iyon lang nasagot ko, hindi ko alam kung pagod ako o sadyang tinatamad lang
ako makipag-usap sa kanya.

"Oo nga pala, Jill, may tanong ako sa'yo." humarap siya sa'kin habang nakasandal sa
upuan, "Kanina ang tagal mong bumalik nung inutusan ka ni Miss M na tawagin si Miss
Karen, anong nangyari?" siguro para lang makapag-isip ng topic iyan yung tinanong
niya.

"Wala naman, kinausap kasi siya nung Director nung ampunan kaya natagalan."

"Ahhh." Tatangu-tango siya at parang may gusto pang marinig na iba, "Akala ko kung
ano na namang kawirdohan yung nangyari sa'yo." Tumawa siya, parang normal na lang
sa kanya na may mangyaring kakaiba sa'kin. Immune ba ang tawag don?

"Sssh! Ingay-ingay natutulog yung tao rito!" si Tadeo.

"Woow, tao ka pala."

"Heh, babaeng manok."


Come to think of it, Director Emilia called Miss Karen 'Beatrice' for some reasons,
and the most intriguing part, yung sinabi nung director na ikamusta na lang siya sa
asawa ni Miss, like what the hell was that? Kailangan ko bang sabihin kila Aya yung
nalaman ko? Should I keep this to myself? O hayaan ko na lang dahil parang kahit
saan 'ata ako magpunta hindi ako lulubayan ng mga ganitong palaisipan.

Sa totoo lang, pagod na ko sa pag-iisip ng kung anu-ano, wala pa rin akong


nahahanap na mga sagot hanggang ngayon. Yung blog, yung Memoire, everything's so
messed up. Si Stephen na kaisa-isang taong magbibigay sana ng sagot, nawala pa yung
alaala niya. This is so frustrating.

"Guys," narinig namin yung boses ni Ireneo sa speakers, nasa harapan pala siya, may
iaannounce siguro, "we need to wait two and a half hours bago maayos ulit yung bus
so I suggest that everyone should stay relax-"

"Relax?! Ang boring na rito!" may mga sumang-ayon, siguro nga kanina pa nakatirik
'tong bus kaya inip na inip na sila.

"Mag-adventure kaya tayo?" may nagsuggest na nanggaling sa likurang bahagi ng bus,


sa grupo ng mga boys.

"Adventure? I don't think na papayag-"

"Tingnan nyo yon!" kaagad din akong napatingin sa labas nang may sumigaw,
hinahanap ko kung anong meron sa labas pero parang wala namang espesyal doon.
"Perya!" Tumingin ulit ako, kung titingnan sa mula rito ay parang isang malaking
kumpol ng ilaw iyon pero kung titingnang mabuti ang liwanag na kumpol sa gitna ng
kapatagan ay parang isang maliit na baryo.

Dahil sa pamimilit ng mga kaklase ko, napilitang bumaba si Ireneo ng bus para
magpaalam sa dalawang teachers na kasama namin. Maya-maya bumalik si Ireneo, "They
forbid it." Dismayado sila, napahinga ng malalim si Ireneo at bumaba ulit, medyo
natagalan siya bago makabalik, nakapagdiskusyunan pa yata and knowing Ireneo alam
kong magaling siya pagdating sa persuasion. Nang makabalik siya, "Pumayag na sila,
but isang oras lang ang binigay nila," natuwa sila lalo na yung katabi kong si Aya
na hinampas hampas pa 'ko sa balikat, sabi na nga ba at magaling si Ireneo sa
pakikipag-usap, hindi ko maimagine kung paano niya napapayag si Miss Karen, "Stay
close and stay safe, alam niyo na siguro yan."

"Yes sir yes!"

So, bumaba kaming lahat ng bus na 'yon at nagsimulang maglakad papunta roon sa
perya na nasa gitna pa 'ata ng palayan, hindi naman sobrang layo at nakarating din
kagad kami. And to my amazement, isang masiglang komunidad ang sumalubong sa aming
lahat, ito ang unang pagkakataon na nakapunta ko ng ganitong lugar, I mean wala
naman kasing perya sa siyudad, di tulad noon.

Wow this is really cool.

Hindi lang naman ako yung namangha pati na rin yung mga kasama ko. Unang sumalubong
ang Carousel , hindi ko maiwasang ilibot yung tingin ko sa paligid, makukulay na
banderitas, may mga lanterns pa na iba-ibang kulay, mga sulo na nagsisilbing
pinakaliwanag sa bawat parte nito, may mga boots at tents. Hindi na nasunod yung
'stay close' rule ni Ireneo dahil naglisawan na yung mga kaklase ko, dahil na rin
sa excitement siguro.

"Okay, okay mga men ang saya neto! Saan tayo?!" excited na tanong ni Tadeo akbay si
Baldo, nasa tabi nila si Penelope at Stephen, tapos si Aya naman nakakawit sa braso
ko . "Color game! Darts! Saan?! Saan?! Tara naaa!" sumama sa grupo namin si Sabina
at Tamaki. Hindi ko tuloy napigilang hanapin si Morris, siguro kasama siya ni Lily
ngayon.

Nagpumilit si Aya na sumakay sa Carousel at sumakay na lang din kami sa trip na


gusto niya, next yung roller coaster sana kaso sabi ko sa kanila baka madali yung
buhay namin dahil mukang kakalas yung mga bakal, nagpunta na lang kami sa mga
magkakahilerang boot. Nanalo si Tamaki sa color game ng dalawang daang piso, hindi
na ko nagtataka kung bakit magaling siya sa sugal. Si Baldo naman naglaro nung
target shooting at nakakuha siya ng malaking teddy bear pagkatapos binigay niya kay
Sabina, okay that was so cliché, ayun tinukso sila nila Tadeo, cheesy daw eh.

Naglakad-lakad kami hanggang sa makakita kami ng maliit na entablado na may


nakalagay na "The Carnies' show", maraming nanunuod kaya huminto kami para manuod
din. Sinimulan na yung palabas, may lalaking naka coat and tie sa gitna, kulay pula
yung buhok nya at may kulay pula na linyang marka sa pisngi. Naghihintay kaming
audience kung anong gagawin niya, maya-maya ay naglabas siya ng tungkod mula sa
kung saan, nagliyab yung tungkod pero hawak-hawak pa rin niya, nagpalak-pakan yung
mga manonood, nawala yung apoy, nilahad niya yung kanang kamay niya at mula sa
palad nito ay may sumiklab na apoy, mas namangha ang mga manonood, kumalat ang apoy
sa buong braso niya, pero hindi man lang natinag ang lalaki at nakangiti pa rin,
nawala ang apoy at nakakamanghang hindi nasunog yung damit at balat niya.

"Palakpakan po natin mga kaibigan si Finnix!" sabi ng host. So Finnix ang stage
name niya?

Hindi pa roon nagtatapos ang performance ni Finnix, lahat 'ata ng fire stunts
ginawa niya, bumuga ng apoy, kumain ng apoy, kung anu-ano pa, pero ang
pinakamatindi sigurong ginawa niya ay nagliyab yung buo niyang katawan at bigla
siyang naglaho, dun nagtapos yung performance ni Finnix, lumitaw ulit siya galing
sa backstage at nagbow sa audience.

Nalibang kaming lahat dito sa sideshow at pinanuod pa yung mga sumunod na


magpeperform, naghihintay daw sila Tadeo ng taong sirena, like what the hell lang,
hindi na bumebenta ang freak shows these days. Sinundan si Finnix ng isang lalaking
nakamaskara na pangclown, kaya niyang bumali ng bakal, nagpakita pa siya ng iba't
ibang stunts na nagpapakita na sobrang lakas niya. Aliw na aliw naman lahat ng
manunuod kahit na mukhang anti-social tong Clown, at... bakit nga ba nakamaskara pa
siya ng pangclown? Weird.

"Palakpakan din naman po natin si Otis! Susunod naman po sa entablado na


magtatanghal ay si Pascal!"

Lumabas ang isang lalaking nakasalamin at may suot na Beaver hat, naalarma ang mga
manunuod nang sumunod sa kanya ang isang tigre, nagsimula si Pascal sa
pagtatanghal, pinapalusot niya sa malaking hoop ang tigre, at kung anu-ano pang
animal show stunts, kahit na medyo kinakabahan yung audience, that Pascal guy
looked so calm, na para bang kontroladong kontrolado niya yung tigre.

"At mga kaibigan! Ang pinakahuling magtatanghal ngayong gabi sa The Carnies' Show
ay walang iba kundi ang pinakamagaling at pinakamagandang magician ng San Isidro,
si Jing Rosca!" naghiyawan pa yung audience, mukang matagal at kilala na 'tong mga
performers nila. Namatay saglit yung ilaw sa entablado at kaagad ding lumitaw sa
gitna nito ang isang matangkad na babae na nakasuot ng pulang magarang bestida,
so... Ito ang gimik ngayon ng mga female magicians? Nagsimulang magperform si Jing
Rosca at hindi ko itatangging mahusay nga siyang magician, kaya niyang palutangin
yung mga bagay tulad ng mesa, upuan, alam kong lumang trick na yung mga ginagawa
niya pero parang may kakaiba, she's too confident at parang natural na natural lang
yung ginagawa niya, she has a charm na hindi mereresist ng crowd. She's great,
pwede siyang mafeature sa tv . At the end of the show, nagsama-sama sa entablado
yung lahat ng nagperform kanina. Dahan-dahang itinataas ni Jing Rosca ang braso
niya, at napanganga kaming lahat nang sabay-sabay silang lumulutang sa ere.
Nagpakawala ng apoy si Finnix mula sa kamay niya at pumalibot iyon sa kanilang
apat. Sa isang iglap, namatay ang ilaw, namatay din ang apoy, nang bumukas muli ang
ilaw, naglaho silang apat.

Malakas na nagpalakpakan ang mga manonood. Lumabas ang isang batang babae na may
hawak na basket, lumibot siya para kolektahin yung mga tip na binigay ng mga tao na
natuwa sa palabas. Well, it's more fun in perya.

Umalis na kami roon para makapaglibot pa.

May nadaanan kaming isang game stand na pinagkakaguluhan ng mga tao, lalo na ng mga
matatanda. Huminto kaming lahat sa paglalakad nang tumigil si Tamaki para
makiusyoso, walang duda, another gambling game na naman.

"Oi, Tamaki, ang hilig mo talaga sa sugal ano? Tara na, di ka pa ba nagsawa?" hindi
niya pinansin si Aya. Wala kaming nagawa kundi lumapit na rin at makiusyoso. Dice
game pala yung pinagkakaguluhan nila, maraming tumataya kaya malaki yung premyo,
simple lang yung mechanics, pupusta ka ng numero, may tatlong dice na iroroll at
kapag yung total nito ay pareho ng pusta mo, panalo ka. Maliit ang possibility na
manalo, kaya pala lumaki ng ganun yung premyo kasi wala pang nakakatsamba.
Nakipusta si Tamaki. Walang nanalo sa halos dalawampung tao na nagpusta.

"Tamaki, nagsasayang ka lang ng pera, ang labo ng tsansa na manalo dyan sa larong
yan." Inaawat nila Baldo si Tamaki pero ayaw paawat nito, nanalo kasi kanina sa
color game kaya ang lakas ng loob pumusta.

"Sayang oras, mas marami pa tayong mapupuntahang boots."

"Iwan niyo na lang ako rito."

Naglabas ako ng pera, inihagis ko sa mesa, nagulat yung mga kasama ko.

"Woaaa, Jill?!" they chorused

May gusto lang akong subukan. Sinulat ko na sa papel yung number na pusta ko.
Eleven. Hinagis na sa gitna nung game master yung mga dice. At lumabas ang mga
numbers: One, Four, at Six. Eleven kung itototal.

"P-panalo si Jill!" naglingunan sa'kin yung mga tao at laking gulat nila na eleven
nga yung sinulat ko sa papel. "Ang galing! Paano?!" Well, I cheated. Tiningnan ko
kanina yung mga mata nung game master para makita kung ano yung resulta, hindi
dahil sa mukha akong pera, wala lang, gusto ko lang subukan. May gamit din pala
'tong mga mata ko, well, in a negative way... Kung tutuusin kahit na hindi na pala
ko magtrabaho at tumambay lang ako sa casino forever mabubuhay ako, I can win in
every gambling game, because I can see the future.

"Madaya!" may sumigaw, sinundan pa iyon ng iba, mga pumupusta kanina pa na hindi
matanggap ang walang katapusang pagkatalo dahil normal lang sila.

"Oo nga, nandaya yan!"

"Jill, umalis na kaya tayo rito, mga nag-aalsahan na yung mga tao oh." Sabi ni
Penelope. Tumayo ako at hinila nila ko paalis doon dahil nagsisimula ng ruckus yung
mga tao.

Hindi na lang nila binanggit ulit yung nangyari kanina para hindi na mapag-usapan.
Napayuko ako habang naglalakad, oo, inaamin ko na nagiguilty ako sa ginawa ko
kanina, dahil sa reaksyon ng mga tao kanina, totoo, nandaya nga ko. Ito ba talaga
ang purpose ng kapangyarihang 'to? Ang mandaya? Mandaya ng kapalaran? Ilang beses
ko na bang nadaya ang mga bagay na nakatadhana na? Ilang beses ko na bang nadaya
ang ilang buhay ng mga tao?

"Unnie!" Bakit? Bakit kita bigla kong naalala 'yon? Hindi ko nadaya ang kapalaran
ni Haneul, pero pakiramdam ko ako pa rin ang natalo.

"Ito ang kapalaran na nakatadhana para sa'yo, Jill Morie."

Ito ba yung kapangyarihang gusto ng Memoire sa'kin? Ang mandaya?

"Ang galing mo kanina Jill." Napatingin ako sa nagsalita, si Stephen. "Ikaw lang
yung nakahula ng number." Base sa tinig, mukhang manghang mangha siya sa nangyari
kanina.

"Ah, nakatsamba lang ako." Sagot ko.

"Sana may ganyan din akong kakayahan."

"Ha? Anong sabi-"

"Waaaaa, dito tayo!" nadistract kami sa sigaw ni Aya, nasa harapan na pala kami
nung horror house. "Tara pasok tayo sa loob!" may sasabihin pa sana ko kay Stephen
kaso nahila na naman ako nitong ni Aya, kumapit silang dalawa sakin ni Penelope
kaya hindi na 'ko nakakawala.

"Tsss... Ang korni korni naman dyan eh, wag na dyan!"

"Naduduwag ka lang." si Sabina.

"Wow! For the first time and forever nagkalinya ka na Sabina! Kayo na ba ni Baldo?"

"Tumigil ka nga Tadeo, babangasan kita! Nasaan na ba si Tamaki?" tanong ni Baldo,


nilihis yung topic, nahihiya sa tanong.

"Naiwan dun sa sugalan ano pa ba?"

Nang makabili na kami ng ticket, pinapasok na kaagad kami sa loob. Hindi pa rin
bumibitaw sa'kin si Aya at Penelope na nangangatal na pareho sa takot.

"Tss. Ano ba naman 'to, napakacheap ng effects." Si Tadeo. Magkakadikit kaming


naglakad sa makipot na daanan, puro display lang na nakakatakot tsaka sound effects
lang yung meron.

"Ano ba Tadeo! Yung t-shirt ko mapupunit!" si Baldo, "Kay Aya ka kumapit!"

"M-M-May kumalabit sa paa ko men!"

"Hahahaha, hay nako Tadeo kups nakakatawa ka."

Maya-maya nagsisigawan na yung mga kasama ko nang magsulputan yung mga nakacostume
na nananakot dito sa loob ng horror house. Si Aya at Penelope nakayakap sa
magkabilang braso ko, sila Baldo na nasa likuran ko nakakapit sa'kin. Idagdag pa
yung sigawan nung ibang mga tao na kasabay namin.

"Sunog! May sunog!" galing sa kung saan yung boses at sa isang iglap biglang
nagkagulo yung mga tao sa loob, nagkabitaw-bitaw kaming lahat, paano ba naman
kanya-kanyang takbuhan at labasan yung mga tao. Sa ingay, hindi ko na malaman kung
nasaan yung mga kasama ko. Basta natangay ako hanggang sa makalabas ako ng horror
house na 'yon.

"Kumalma po tayo, wala pong sunog! May loko-loko lang na nagbiro!" dismayado akong
umalis doon at hinanap yung mga kasama ko, pero hindi ko sila makita. Wala akong
choice kundi bumalik na lang mag-isa sa bus at baka sakaling doon din sila pumunta.

'Gusto mo bang malaman ang kapalaran mo?'napahinto ako nang mabasa ko yung sign
board sa isang tent, Fortune Telling House, parang may tumulak sa'kin napumasok sa
loob. Hinawi ko yung nakaladlad na kurtina at bumungad ang isang mesa, may bolang
Kristal sa gitna nito, at isang babae na nakaupo.

"Kanina pa kita hinihintay, maupo ka." Inilahad nito ang upuan na katapat niya.
Anong ibig niyang sabihin sa kanina pa siya naghihintay? Siguro walang pumupuntang
customer dito kaya sinabi nya yon. Naupo ako roon at tumingin sa Kristal, wala
akong makitang kakaiba dahil transparent 'yon, di katulad ng mga napapanood ko sa
tv na umiilaw at naglalabas ng larawan.

Hindi siya yung tipikal na manghuhula na may nakaget up ng magara, o yung may
bandana, bling bling o kung ano pa mang gimik sa katawan. Simple lang yung suot
niya, jacket, bonet-Teka,

"Miss gusto mong magpahula?"

"Miss, singkwenta lang. Gusto mo bang malaman ang kapalaran mo?"

"Aish, miss, kwarenta na lang para sa'yo. Ayaw mo bang malaman ang kapalaran mo?
Wag kang mag-alala, hindi ako fake. Proven and tested ata to!"

"Miss naman! Trenta na lang! Dali na, bagsak presyo na yan, uyy! Papayag na yan,
ayee."

"MAKA-ALE KA NAMAN MISS! Feel ko magkasing edad lang tayo eh. Waah Magpapahula ka
na?! Hahaha, sabi na eh, papayag ka rin eh! Dali humarap ka na sa'kin, miss."

Siya yung babaeng lumapit sa'kin noon! Yung babaeng kumulit sa'kin. Yung
manghuhula. Dito siya nagtatrabaho sa perya?

"Ehh? Parang pamilyar ka sa'kin." Sabi niya at nag-isip, pilit na minumukaan ako,
"Nagkita na ba tayo dati?"

Ano bang dapat kong isagot? Hindi ko alam kung anong dapat isagot sa tanong niya.
Oo? Hindi? Naalala ko na tinigilan niya lang ako sa pangungulit kapag nakita niya
yung mga mata ko. Naalala ko pa yung reaksyon niya matapos niya 'yong makita.
Gulat.

"Ahh! Naalala ko na! Ikaw yung-Oy! Saan ka pupunta?! Jill Morie!"

Hindi ko na pinansin yung pagtawag niya kahit na nakapagtatakang alam niya kung
anong pangalan ko. Sa bilis ng pagtakbo ko may nakabunggo ako at muntik ng matumba
yung ale, pero nasagi niya yung sulo at mabilis na kumalat ang apoy sa damuhan. Sa
pagkakataong 'to, nagkagulo bigla yung mga tao dahil sa pagkalat ng sunog. Ang
kaninang masigla at masayang kapaligiran ay napalitan ng silakbo at takot.

Natuod ako sa kinatatayuan ko, nakatulala sa mga taong nagtatakbuhan, nagsisigawan.


K-kasalanan ko 'to.

Napatingala ako, isang billboard ng isang tent ang babagsak sa'kin. Gusto kong
igalaw yung mga paa ko para makatakbo pero hindi ko 'yon maramdaman. Bakit? Bakit
nangyayari 'to? Wala akong ibang magawa kundi pumikit.

Biglang tumahimik ang paligid.

Nagmulat ako, at dahan-dahang tumingala at nakitang... nakalutang sa ere yung


billboard. P-paano? Luminga linga ako at laking gulat ko nang makitang nakahinto
yung mga tao. T-tumigil ba ang oras? Tumingala ako at nakita kong gumalaw yung
billboard, papunta sa isang gilid at dahan-dahang lumapag sa lupa. A-ano ba
talagang nangyayari?! Lumingon ako at nakita ang isang tao, nakalahad ang kamay, sa
direksyon ng billboard na nasa lupa. T-totoo ba ito? Hindi magic yung ginawa niya
kanina.

"Jing... Jing Rosca."

May narinig akong parang malakas na ihip ng hangin, napatingin ako sa direksyon
niyon at nakita kong hinihigop ng kamay ni Finnix ang apoy na kumalat sa perya. Mas
lalo akong nagulat ng lumapit sa'kin yung manghuhula kanina.

"Okay ka lang ba?" tanong nung babaeng manghuhula, napaatras ako ng magtangka
siyang hawakan ako. How come na nakakagalaw silang tatlo samantalang yung mga tao?
Yung paligid nakahinto? "Sorry kanina."

Namalayan ko na lang na nakapalibot sila sa'kin, si Jing Rosca, si Finnix, ang


babaeng manghuhula, pagkatapos dumating si Pascal at Otis.

A-anong nangyayari?!

"S-sino kayo? A-anong klaseng tao---"

"Hindi kami tao." Sumagot si Jing Rosca, "Ang ibig kong sabihin, hindi kami
ordinaryong tao...katulad mo."

Peculiar ang mga taong kaharap ko ngayon. Walang duda, hindi lang pala basta trick
yung ginawa nila kanina sa sideshow. Totoo ang mga kapangyarihan nila. Hindi ko
maintindihan, bakit natagpo ko ang mga landas nila? Bakit? At bakit kilala 'ko ng
babaeng manghuhula?

"K-kung mga Peculiar kayo, p-paano niyo napahinto yung... yung oras?"

"Ako ang naghinto ng oras." May isa pang bagong boses na dumating. "Tanging mga
Peculiar lang ang nakakagalaw sa ganitong pagkakataon." Isang batang babae ang
lumitaw sa harapan ko, teka! Yung batang babae kanina na nangolekta ng tip, siya
yung nagpahinto ng oras?

"Oh, Seraphina, nandito ka pala." Sabi ni Pascal.

"Tingnan mo nga naman ang pagkakataon, niligtas na naman namin ang buhay mo sa
ikalawang pagkakataon, Jill Morie."

"Anong ibig mong sabihing niligtas sa ikalawang pagkakataon?"

"Hindi mo naalala? Noong nakulong ka sa ilusyon ng isang Memoire."

"Kami ang nagligtas sa'yo." Si Jing Rosca.

S-sila? Sila yung nagligtas sa'kin mula kay Magnus? Sila yung hiningan ng tulong ni
Miss Karen?
"Alam kong may dapat tayong pag-usapan, pero sa ngayon kailangan ayusin muna natin
itong mahal kong Perya. Kaming bahala, ibabalik ko ang oras." Sabi nung batang
babae.

. The fortune teller girl. Otis the clown who have marvellous strength.That little
girl who talks like an adult can manipulate time. Pascal can manipulate animals.
Finnix can manipulatefire. Jing Rosca can manipulate objects. They're the Carnies,
pero ang totoo... mga Peculiar sila.

"Jill!" biglang dumating si Morris.

Muntik ko ng makalimutan, Peculiar din pala 'tong lalaking 'to.

<///3

**Carny (plural:Carnies)- Someone who works at a carnival

[Dedicated to you, kung sino ka mang nagbabasa pa rin ng TPT hanggang ngayong
chapter 43, congrats, lol, maraming salamat sa pagbabasa kahit na isang buwang
update. Tinatamad na kong mag-explain kung bakit matagal. Lol, yun lang, ingat kayo
palagi. God bless!]

/44/ The Carnies

/44/ The Carnies


Unbelievable.

Ano mang nangyayari ngayon ay hindi kapanipaniwala. Nakahinto pa rin ang oras,
nakahinto pa rin ang paggalaw ng tao, mga namumukod tanging nilalang lamang ang mga
nakakagalaw sa ngayon, mga Peculiar, katulad ko, katulad nila. Ito ang unang
pagkakataon na nakakilala ko ng iba pang mga kauri ko., mga bukod kay Morris. Mas
nakamamangha ang tinataglay nilang kaibahan sa mga normal na tao.

"Sa ngayon kailangan muna nating maghintay ng ilang sandali bago ulit bumalik ang
takbo ng oras." Sabi nung batang babae na kayang kumuntrol ng oras, Seraphina ang
pangalan niya. "Bakit hindi muna kayo sumama sa'min saglit?" paanyaya nito at wala
naman kaming ibang choice ni Morris kundi sumunod lang sa kanila.

Namalayan ko na lang na nasa loob na kami ng isang tent, nakaupo kami sa monoblock
chairs, umiilaw ilaw pa yung lanterns na nakadisensyo rito sa loob. Awkward. Nasa
harapan ko si Jing Rosca, nakadekwatro at nakahalukipkip, suot pa rin ang magara
niyang kamiseta, katabi niya si Seraphina, hindi abot yung paa niya sa sahig habang
nakaupo, siguro nasa walo o siyam na taong gulang siya. Nagtataka pa rin ako kung
bakit nakamaskara na pangpayaso si Otis. Yung babaeng manghuhula na hindi ko pa
rin alam ang pangalan, hawak-hawak niya pa rin yung bolang kristal. Si Pascal naman
abala sa paghimas sa alaga niyang tigre. At si Finnix na nakapangalumbaba at
nakatingin sa'kin, napansin ko na kulay brown yung buhok niya ngayon hindi katulad
kanina na kulay pula, siguro kapag ginagamit niya yung kapangyarihan niya nagbabago
'yon.

"So, Jill Morie," binasag ni Seraphina ang katahimikan.

Nagulat ako sa way ng pagsasalita ng batang 'to, tinawag niya kong Jill Morie?
Napansin 'ata ni Finnix yung pagkagulat ko, tumawa siya at sinabing,

"Ajumma! Mukhang kailangan mo munang ipaliwanag kay Jill Morie ang sitwasyon mo."
Ajumma?

"Sinabi ko na sa'yo na tigil-tigilan mo ang pagtawag sa'kin ng 'ajumma' Finnix! Mga


natutunan mong banyagang salita!" saway si Seraphina at tumahimik siya, "Hmm...
Dahil hindi ganoon kaayos ang naging una nating pagkikita noon, kailangan muna pala
malaman niyo kung sino kami. Siya, si Cecilia," tinuro niya yung babaeng manghuhula
na Cecilia pala ang pangalan, "Ang pinakabata sa'ming lahat---"

"Pinakabata?" hindi ko mapigilang magreact dahil sa sinabi niya. Nagkatinginan kami


ni Morris dahil pareho kaming nalilito.

"Patapusin mo muna siya, Jill Morie." Napatingin ako sa nagsalita, si Jing Rosca,
matalim na nakatingin sa'kin, parang may kahulugan ang tingin na 'yon, hindi ko
lang maipaliwanag yung pakiramdam. Siguro ito yung tinatawag nilang 'hate at first
sight'? No, hindi as in hate na galit, yung pakiramdam na hindi mo siya gusto sa
una niyong pagkikita. That's what I felt about Jing Rosca, kahit na niligtas niya
ko kanina, hindi ko gusto yung presensya niya, at tingin ko hindi rin naman siya
ganon kafriendly sa'kin. The feeling is mutual, sabi nga.

Tumikhim si Seraphina dahil mukhang nararamdaman niya yung tensyon sa pagitan namin
ng kaharap ko, "Si Cecilia ang pinakabagong narecruit dito, pagala-gala lang kasi
siya sa Sentral, namamalimos o di kaya'y manghuhula kapalit ang ilang halaga---"

"G-grabe naman yung namamalimos! Kahit na napagkamalan akong pulubi ni Jill Morie!"
So noong mga panahong 'yon na nagkita kami hindi pa siya parte ng grupong 'to.
"Napulot siya ni Jing at natuklasan na isa rin siyang Peculiar kagaya namin. Ang
kapangyarihan niya ay ang ikaanim na pandama o tinatawag na extrasensory perception
ng isang tao. Pamilyar ka naman siguro sa ESP diba? Malawak ang sakop ng
kapangyarihan ni Cecilia."

"Kaya rin niyang makita ang hinaharap?" tanong ko.

"Oo, pero hindi katulad ng iyo." Natigilan ako. Kung ganon, ibang level yung sakop
ng hinaharap na kaya kong makita?

Nagpatuloy si Seraphina sa pagsasalita, "Ang sumunod naman, si Pascal," tinuro niya


'to, tumango sa'min si Pascal at nagpatuloy sa paghimas niya sa tigre, "Kung
napanood mo kanina ang pagtatanghal, hindi lang tigre ang kaya niyang kontrolin,
kaya niyang kumontrol ng iba't ibang hayop. Simula pa lang ng bata siya, madalas
siyang makitang nakikipag-usap sa mga hayop. Malaking adbentahe ang Peculiarity
niya sa perya." Tiningnan ko ulit si Pascal, mukang may sariling mundo ito at
nasisiyahan sa sarili niyang kawirdohan, "Si Otis ang payaso, may tinataglay siyang
kakaibang lakas sa katawan at kaya niyang buhatin, baliin, ang kahit anong bagay na
mabigat. Wag kang mag-alala, Jill Morie, hindi lang ikaw ang nagtataka kung bakit
palagi siyang nakasuot ng maskara ng payaso. Simula ng makasama namin siya hindi pa
namin nakikita na hinubad niya yung maskara na yan." Ibig sabihin kahit sila hindi
alam kung ano ang itsura sa likod ng maskara na yon? Wth.

"Si Finnix, likas ng kulay kape yang buhok nya pero nagiging pula kapag ginagamit
niya yung kapangyarihan niya at tattoo yang pulang guhit na nasa pisngi niya, kaya
niyang kumontrol ng apoy o maglabas ng apoy galing sa katawan niya ng hindi
nasasaktan." Nilabas bigla ni Finnix ang palad niya at naglabas ng maliit na bolang
apoy, "tigilan mo na yang pagpapakitang gilas kay Jill Morie." Tinigil nito ang
ginagawa at ngumiti sa'kin, "Ang katabi ko naman, si Jing Rosca, isang telekinetic.
Kaya niyang magmanipula ng kahit anong bagay gamit ang isip," inemphasized niya
yung 'kahit ano'. Wow, as in everything under the sun kaya niyang imanipulate?, "sa
madaling salita, kung mamimili ka ng kakalabanin sa'ming anim, si Jing ang hindi mo
gugustuhing makalaban." Marahan na tumango lang ako sa sinabi niya at sumulyap sa
katabi niya na masama pa ring nakatingin sa'kin, "Wag kang mag-eexpect na magiging
mabait siya sa'yo, sadyang ganyan si Jing, sanay na kami sa ugali niya." Tumawa si
Seraphina, hagikgik ng isang musmos na bata. "At bago ko makalimutan, Jill Morie,
alam mo na siguro ang pangalan ko, ako si Seraphina, marahil ay kanina ka pa
nagtataka pero ang totoo niyan, ako ang pinakamatanda sa'ming anim."

"H-huh?" sabay pa kami ni Morris.

"Hindi kayo nagkamali ng pagkakarinig. Kaya kong manipulahin ang oras, kaya kong
patigilin, pabalikin, pabilisin," huminto siya saglit, sumeryoso, nilabas niya mula
sa bulsa ang isang kalawanging pocket watch, "nagtataka ka kung bakit ganito ang
anyo ko hindi ba? Well, ganito ang pagkaPeculiar ko. Ito ang kapalit ng lahat ng
paggamit ng kapangyarihan ko. Sa bawat pagmanipula ko sa oras, nababawasan din ang
oras ko." Naintindihan ko na "Dahil sa sobrang paggamit ko ng oras, tuluyan akong
napunta sa ganitong katawan at malabong makabalik sa totoo kong anyo." Kahit pala
labis na malakas ang kapangyarihan ng isang Peculiar, naisip ko na may kanya-kanya
pa rin silang default sa sarili nila. Hindi na ko nagdududa na katulad ko rin sila.
Hindi man naipahayag ni Seraphina ang buong detalye ng pinanggalingan ng bawat isa
sa kanila, natitiyak ko na may kanya-kanya silang kwento sa likod ng kanilang mga
mukha, masalimuot, mapait, masaya, matamis man. Kung ano man 'yon, hindi ko muna
siguro dapat malaman 'yon ngayon.

"Sinabi niyo sa'kin na kayo ang nagligtas sa'kin sa mga kamay ni Magnus, sino yung
humingi ng tulong sa inyo?" tanong ko.
"Jill, si Miss Karen." Si Morris yung sumagot.

"Tama siya." Sinundan 'yon ni Jing Rosca. "Si Karen."

"Kilala mo na ba sila noon pa, Morris?" tanong ko sa kanya pero hindi sumagot,
"Kilala niyo si Miss Karen, kung ganon alam niyo talaga kung sino siya. Sino si
Miss Karen?" nagbabakasakali ako na masasagot nila yung tanong ko pero mukhang
Malabo dahil naramdaman ko na wala silang balak sumagot.

"Jill Morie, hindi namin masasagot ang tanong na yan." Sabi ni Seraphina, umiiling,
"Kung ano man ang gusto mong malaman tungkol sa kanya, ikaw dapat ang umalam."
Kahit sila ipinagkakait ang katotohanan sa'kin, hindi ko maisip kung bakit
kailangang itago pa nila. Ibinilin kaya iyon sa kanila? Kahit si Morris, may lihim
silang ugnayan, sa kapangyarihan ng mga mata ni Morris, alam kong alam niya kung
ano ang nakaraan nito.

Bakit hindi ko pwedeng malaman ngayon?

"Naiintindihan ko." wala akong magawa kundi tanggapin ang opinyon nila, "Alam niyo
naman siguro kung ano ang Memoire. Gusto kong itanong kung bakit gusto nila ko
sumama sa kanila, dahil ba sa kapangyarihan ko?"

"Malaki ang posibilidad na iyon ang gusto nila mula sa'yo, pero hindi ko alam kung
para saan nila gagamitin ang kapangyarihan ng mga mata mo." Sagot ni Seraphina.

"Naguguluhan ako, kung marami pang ibang Peculiar sa mundo, tulad niyo, na mas
malakas, na mas maganda ang kapangyarihan bakit ako lang ang hinahabol nila?"

"Ang ibig mo bang sabihin, kung bakit hindi kami hinahabol ng Memoire katulad mo?"
tumayo mula sa kinauupuan si Jing Rosca at nagtaas ng isang kila. "Nagkakamali ka
kung inaakala mong hindi namin naranasan ang maghirap at magdusa sa pagtakas sa mga
kamay nila. Hindi lang isang beses kundi maraming pagkakataon nilang sinubukan na
kuhanin kami, hindi ba, George Morris? Naranasan niyo rin ni Georgina ang ganoong
sitwasyon?" tumingin ako sa katabi ko, hinihintay kung anong magiging reaksyon niya
sa sinabi ni Jing Rosca.

"Opo."

"Kasalanan 'to ng isang tao, ang taong 'yon ang may kasalanan ng lahat, kung hindi
niya nadiskubre ang mga ganitong uri ng nilalang, hindi mangyayari 'to-"

"Jing!" saway ni Seraphina at tila pinigil si Jing Rosca sa susunod na sasabihin


nito. "Pasensya na Jill Morie."

Base sa pagsasalita kanina ni Jing Rosca, parang sa'kin niya binubuhos lahat ng
kinikimkim niyang sama ng loob sa mundo, hindi ko alam kung sinasadya ba 'yon o may
totoong dahilan kung bakit siya ganon. Medyo humupa na yung nabubuong tensyon
kanina, umupo na ulit si Jing Rosca. Namayani na naman ang katahimikan.

"Pasensya na rin kung hindi niyo nagustuhan yung tanong ko kanina. Sa kalagayan ko
ngayon, wala akong ibang maaasahan kundi sarili ko lang. Kahit na nakikita ko ang
hinaharap ng ibang tao, hindi ko alam kung anong kahihitnatnan ko." may humawak sa
kamay ko.

"Naiintindihan namin, Jill Morie. Sana maintindihan mo na hindi rin namin kayang
ibigay lahat ng sagot sa'yo." Sabi ni Cecilia.

"Pare-pareho lang naman tayo rito na nakaranas ng pagdurusa, Jing," nagsalita na


rin si Finnix, "wag kang masyadong mainit kay Jill Morie."
"Isa lang ang sinisiguro ko sa'yo Jill Morie... kakampi mo kami." Sa sinabi ni
Seraphina hindi kaagad ako nakapagsalita, lahat ng mga mata nila nakatutok sa'kin,
naiilang ako. Pero parang nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya, at least ngayon
alam ko na hindi ako nag-iisa... na may mga aasahan na kong mga tao mula ngayon.

"Bakit?" iyan ang kusang lumabas sa bibig ko.

"Sabihin na lang nating... isang tulong para sa isang kaibigan." Sagot ni


Seraphina. Si Miss Karen na naman ba ang tinutukoy niya? "Kung nangangailangan ka,
pwede mo kaming hanapin." Lumapit sa'kin ang batang anyong Seraphina at inabot ang
isang card. Kinuha ko yon at tinago.

"Salamat."

"Masyado pang maaga para magpasalamat Jill Morie." Tiningnan ko sila, si Jing Rosca
na masama pa rin yung tingin sa'kin, kabaligtaran naman niya sila Finnix at Cecilia
na nakangiti sa'kin, si Otis naman hindi ko alam kung anong ekspresyon niya dahil
sa maskara, si Pascal na may sarili pa ring mundo. "It was nice meeting you, Jill
Morie." Inabot ni Seraphina ang maliit niyang kamay, nagdalawang isip pa ko kung
tatanggapin ko yon, dahil hawak pa rin ni Morris yung kamay ko pinilit kong bumitiw
doon at tinanggap ang pakikipagkamay ni Seraphina. May tumunog mula sa kung saan,
"Oras na pala!" iyon palang pocket watch niya yung tumunog, "Tapos na, bumalik na
yung takbo ng oras." Maingay na sa labas, patunay na umaandar na muli ang oras.
Lumabas kaming lahat sa tent at tumambad muli ang masigla at masayang perya.

"Hindi pa naman ito ang huli nating pagkikita. Oh paano, hanggang sa muli." Paalam
ni Seraphina.

"Mag-iingat kayong dalawa! Thank you nga pala sa fifty pesos, Jill Morie." Si
Cecilia. Kumaway sila sa'kin maliban lang kay Jing Rosca na nakahalukipkip lang at
matamang nakatingin sa'min ni Morris. Hindi ko na lang iyon pinansin. Tumango na
lang kami at naglakad palayo roon.

"Hey."

"Yes?"

"Tiningnan mo yung mga mata nila, tiningnan mo yung past nila 'diba?"

"Oo."

"Kaya hinawakan mo yung kamay ko?"

Hindi siya sumagot.

"Never mind." Sabi ko. "Sa tingin mo... bakit ganon si Jing Rosca? Nakita mo siguro
yung nakaraan niya, kaya malamang maiintindihan mo kung bakit siya ganon."

"Siguro nga... ito yung purpose ng kapangyarihan ko, ang unawain ang bawat tao."
Parang ang layo naman ng sagot niya sa tanong ko. "Sabi nga nila, kung ano tayo
ngayon ay siyang naging bunga ng nakaraan."

Magsasalita pa sana ko nang makita ko si Aya na sasalubong sa'min ni Morris,


kasunod niya sila Baldo, yung mga kasama ko kanina

"Jill! Saan ka ba galing? Ba't bigla kang nawala? Tara punta tayo sa horror house!"
muntik ko ng makalimutan na inayos nga pala ni Seraphina yung oras. "Wait! Wait!
Anong meron ba't magkasama kayon ni Georgy?"
"Don't call me Georgy."

"Let's go back." Sabi ko, "Malapit ng matapos yung curfew natin, guys."

"Ehh! Last na yung horror house!"

"Hay nako, Aya, tumigil ka na nga, bumalik na tayo baka iwan pa tayo ng bus!"

"Heh! Porke kanina ka pa nakakapoints kay Sabina ha Baldo, ano kotang kota ka na
landi mo!"

"Hoy pinagsasabe mo!"

"Naiinggit lang yan si babaeng manok men, hahaha, nandito naman ako bebe."

"Yak! Kadiri ka Tadeo kupal!"

"Asa! Naniwala ka naman babaeng manok! Luh!"

"Nasaan si Stephen?" tanong ko, tumigil sila sa pagkukulitan nila, napansin ko


kasi na nawala si Stephen, kanina bago kami pumunta ng horror house kasama namin si
Stephen, binalik ni Seraphina ang oras, dapat kasama pa rin nila si Stephen.

"Huh? Kanina lang din kasama namin siya, nung nawala ka, nawala rin si Stephen." Sa
sinagot ni Penelope nagkatinginan kami ni Morris.

Magkakasama kaming bumalik sa bus, halos kumpleto na lahat, nakita namin si Stephen
na naghihintay sa labas ng bus, mabuti naman at walang nangyaring masama sa kanya.
Ilang sandali lamang ay nakumpleto na rin ang klase namin at isa-isang pinasakay sa
bus para masigurong walang maiwan. Ako yung huling huli na aakyat, pero bago ako
sumampa sa loob, hinarap ko si Miss Karen.

"Salamat."

<///3

/45/ Artifice
/45/ Artifice

"Anong pangalan mo?"

"Ako na ang nagbigay ng bagong pangalan niya. Her name is---"

"Jillianne Morie!"

Nagising ako bigla dahil sa lakas ng isang galabog na hampas sa mesa. Bumangon ako
sa pagkakasubsob sa mesa at nakita ko sa harapan ang Math teacher namin na tila
umuusok ang ilong at tenga dahil sag alit. Wrong timing. Mas lalo pa ata siyang
nainis nang maghikab ako. Katulad ng inaasahan, nakatingin silang lahat sa'kin,
siguro nag-aalala kasi dahil ipapahiya ako ng teacher namin o siguro wala rin
silang pakialam. Late na kami nakauwi kagabi galing San Isidro kaya pareparehong
kulang ang mga tulog namin. To think na mas naconsume yung energy ko nung hininto
ni Seraphina yung oras.

"Answer this on the board!"

Tumayo ako at naglakad papunta sa harapan, kagaya ng gusto niya sinagutan ko yung
problem na nasa board. Wala na lang siyang nasabi matapos makitang tama ang
solution at sagot ko. Bumalik ako sa upuan ko, tsaka ko naalala yung panaginip ko
kanina.

Hindi ko na masyadong matandaan pero yung pinakahuling eksena na naalala ko pa, may
isang lalaki yung kumakausap sa'kin, tinatanong kung anong pangalan ko, may babaeng
nagsalita na nagsabing siya raw ang nagbigay ng bagong pangalan ko. Weird.

Finally, sumapit din ang uwian, ang pinakahihintay ng lahat. Unfortunately, isa ako
sa cleaners ngayong hapon kaya wala rin akong nagawa kundi magstay para maglinis.

"Jill, sabay na tayong maglakad pauwi." Napatingin ako sa nagsalita, si Stephen,


magkasama kami sa grupo ng cleaners ngayong araw, sila Aya nauna ng umuwi. Tumango
lang ako atsaka inayos yung mga gamit.

Tahimik lang kami pareho ni Stephen habang naglalakad, hindi ko maiwasang maalala
yung mga nangyari kagabi, aminado ako na kinabahan ako nang mawala siya habang
huminto ang oras, kinabahan ako dahil minsan na siyang biniktima ng Memoire, binura
nila yung ilang alaala niya na siyang naging hadlang sa pagtukoy ko sa katotohanan.

"Yue," ako na yung unang nagsalita para mabasag ang katahimikan, "Okay ka na ba?"

"Huh? Oo naman, ano bang klaseng tanong yan, Jill."

"Wala lang. Binura kasi nila yung alaala mo kaya wala kang matandaan na kahit isa
sa mga tinanong ko sa'yo noon."

"Oo nga eh." Huminto rin ako sa paglalakad nang huminto si Stephen, nasa tapat kami
ng Mirku's. "Nagutom ako bigla." Sabi niya nakatingin pa rin sa store, "Gusto mo
bang kumain, Jill?" yaya niya.

"Sige lang." pumasok kami sa loob ng store at umupo sa pangdalawang bakanteng


pwesto. Umorder kami pareho ng Milk shake at club sandwich. Habang iniintay namin
yung pagkain nagsimulang magkwento si Stephen ng kung anu-ano, tahimik akong
nakikinig sa kanya at pangiti-ngiti lang.

Napansin niya ata na hindi ako nagsasalita kaya tumigil na rin siya sawakas sa
pagkukwento, "Bakit ang tahimik mo naman 'ata Jill? May iniisip ka ba?" tanong
niya.

"Hmm... Nothing really." It's just that I found this bizarre, gusto ko sanang
sabihin pero pinigil ko yung bibig ko, "Ang daldal mo, I found it cute." Namula
yung pisngi niya sa sinabi ko, ngumiti lang ako. "Nasaan na yung salamin mo? Hindi
mo na kasi sinusuot since na bumalik ka."

"Nasira, kaya nagkocontact lense na lang ako. Hindi ba bagay?"

"Nah, I don't mean that, muka kang nerd cool pag suot mo yung eye glasses mo pero
mas cool ka kapag walang salamin."

"Really? Thank you. It's unusual to hear compliments from you, Jill."

"Sinasabi ko lang kung ano yung mga nakikita ko. Besides, this is the first time na
nag-open ka ng maraming bagay sa'kin, thanks."

"No problem. I'm grateful kasama kita ngayon."

Dumating na yung inorder namin at kumain. Akala ko hindi na siya magkukwento ulit
pero akala ko lang pala yon, habang kumakain patuloy lang siya sa pagbabahagi ng
maraming ideas etc, at ako nakikinig lang ulit, mas gusto kong ienjoy ang pagkain
kaya thirty percent lang ang naiintindihan ko sa mga kinukwento niya. Pagkatapos,
maglalabas sana ko ng pera sa wallet ko pero pinigilan ako ni Yue.

"Ako na lang yung magbabayad, libre ko." Hindi na 'ko nag-inarte, hindi ko
tatanggihan ang panlilibre niya kahit mayaman naman ako,I mean mayaman naman yung
nagbibigay ng allowance sa'kin, binalik ko yung pera sa wallet ko. Nakita kong
naglabas siya ng card at iyon ang ibinigay na pambayad.

Sabay ulit kaming naglakad papunta sa kanto ng crossing, bago kami maghiwalay ng
landas nagpasalamat ako sa kanya at gayon din siya sa'kin. Kinawayan pa niya ko
bago siya tumalikod at umalis. Kasabay non ay nag green ang traffic light sa
pedestrian, tumawid ako at dumiretso papuntang Bayan. Balak kong pumunta roon sa
distrito kung saan nakita ko si miss Karen, yung 'censored' district na tinatawag
ko. Nilakad ko ulit hanggang makarating doon, medyo marami-rami na yung mga tao na
gigimik dahil gabi na.

C'est La Vie

Nagkamali ako ng akala, bar pala 'to hindi club katulad nung iba na narito. C'est
La Vieang pangalan ng bar, hindi naman siguro pupunta rito si Miss Karen ng walang
dahilan diba? Pumasok ako sa loob, bumungad sa'kin ang makukulay na ilaw,
palakpakan at hiyawan. Tsaka ko nakita na may isang magician na nagtatanghal sa
harapan. Mukhang tama yung kutob ko kung bakit pumunta rito si Miss Karen, dito
siguro siya nakikipagkita sa The Carnies. Tumingin-tingin ako sa paligid pero
nabigo akong makita sila.

"Ah miss, yung bill." Parang pamilyar yung boses na yun.


"Sige po sir." Medyo naglakad ako sa bandang kanan para tingnan yung nagsalita,

Crap. Si Uncle Julius. Bigla kong tumalikod dahil baka makita niya ko na nandito
ako, at isa pa nakauniform ako. Naghanap ako ng pwesto na hindi niya ko makikita,
maliit lang 'tong bar kaya may possibility na makita pa rin niya ko pag tumayo siya
sa pwesto niya. Hindi ko naman alam na nandito si Uncle, at mukang regular siyang
customer dito, kailangan ko ng mag-isip kung anong idadahilan ko kung sakaling
mahuli niya ko rito. Tsk.

Pinantakip ko sa mukha yung menu, lumilinga-linga si Uncle, may hinahanap, baka


nakita niya ko, wala pa kong naiisip na sasabihin!

"Wala pa ba siya?" tanong niya run sa waiter. May hinahanap siya? Bakit sa waiter
siya nagtanong? May kakilala siyang staff dito?

"Maya-maya pa po yung dating niya eh."

"Ganun ba, kailangan ko na kasing umalis, pwedeng pakibigay na lang sa kanya to?"
binigay niya dun sa waiter yung... flowers? Wait. So may nililigawan si uncle
Julius, kunsabagay magtithirty years old pa lang naman si Uncle, wala pang sariling
pamilya.

Nakahinga ako ng maluwag nang tuluyan na siyang umalis. Umorder ako ng pagkain,
dito na lang ako maghahapunan. Tuluy-tuloy lang yung pagtatanghal nung magician na
nasa maliit na entablado. Makalipas ang ilang oras, natapos ko ng makain yung
dinner, hindi ko pa rin nakikita yung hinahanap ko, baka mali lang ako ng hinala na
sila yung pinuntahan ni Miss Karen dito, to think na nasa San Isidro yung perya
nila.

Aalis na sana ko pero nabuhayan ako ng loob nang magsalita yung emcee.

"Good evening ladies and gentlemen! Let's give her a round of applause... the
amazing and beautiful magician... Jing Rosca!"

Kaagad akong napaupo ng mamatay saglit ang ilaw sa entablado, bumukas ulit yon at
lumitaw si Jing Rosca, nagpalakpakan na may kasamang hiyawan ang mga tao. Hindi
siya nakamagarang bestida ngayon, simpleng peasant blouse, ruffled skirt at boots
lang ang get up niya ngayong gabi. Mukhang wala rito yung iba niyang mga kasama,
sila Seraphina, Finnix, Cecilia, Pascal at Otis. Pero at least tama yung iniisip ko
kung bakit dito pumunta si Miss Karen noon, totoong may ugnayan siya sa The
Carnies.

As expected from a telekinetic magician, napahanga na naman niya yung mga manunuod,
pero this time mas modern na yung magics na ginagawa niya at gumamit siya ng mga
baraha. Again, the audience didn't resist her charisma.

"sa madaling salita, kung mamimili ka ng kakalabanin sa'ming anim, si Jing ang
hindi mo gugustuhing makalaban."

When she finished her performance, may mga pinuntahan siyang ilang table para
batiin yung mga regular customers na naroon. She's popular as a magician, pero I
can sense na hindi rin naman siya masaya about that. Alam ko na she's too powerful,
she can manipulate anything. At mukhang kontrolado naman niya yung kapangyarihan
niya di tulad ko, pero bakit parang ang lalim ng sugat na kinikimkim niya.

"Kasalanan 'to ng isang tao, ang taong 'yon ang may kasalanan ng lahat, kung hindi
niya nadiskubre ang mga ganitong uri ng nilalang, hindi mangyayari 'to-"
"Miss Jing, pinabibigay po sa inyo." The waitress earlier handed her the flowers.
Wait. Yung flowers na galing kay Uncle Julius? For all of people bakit si Jing
Rosca pa yung nakukursunadahan ni Uncle. What a small world sabi nga. It's just
that I can't imagine na magiging aunt ko siya kung sakali, no way. Isa pa,
detective si Uncle Julius, what if malaman niyang may kakaibang pagkatao si Jing
Rosca, baka maexpose pa sa public yung mga Peculiars.

"Kanino galing?" Tumigil na ko sa pag-iisip ng possibilities, I overthink things.

"Galing po ulit dun sa lalaking nagpapabigay sa inyo nyan, laging umaalis ng maaga
kaya hindi nyo na naaabutan." Hindi na siya sumagot, tinanggap lang yung bulaklak.
Geez,akala ko siya yung tipo ng tao na hindi tumatanggap ng mga sweet things. "Ah,
Miss Jing aalis na po kagad kayo?"

"Masama ang pakiramdam ko, pakisabi na lang sa manager."

"Ingat po."

Lalabas na siya ng bar, pero kailangan ko siyang makausap, kaya nga ko nangpunta
rito para makausap sila, wala akong choice, wala rito si Seraphina kaya kahit hindi
namin gusto ang isa't isa.

"Sandali lang." mabuti at narinig niya ko, humarap siya sa'kin at hindi man lang
nagulat nang makita ako. "Jing Rosca."

"Jill Morie." As usual, tumaas ang isang kilay niya. "Anong kailangan mo?" hindi ba
pwedeng tanungin muna niya kung ano ang ginagawa ko rito? What an annoying
straightforward woman.

Akala ko hindi niya ko kakausapin pero heto at nakaupo kami pareho, magkaharapan,
nakadekwatro siya habang sinashuffle yung cards.

Hindi na 'ko magpapaliguy-ligoy pa, kaya ko pumunta rito para hanapin ang Carnies,
at para humingi ng tulong sa kanila, "I need your help."

"Help?" hindi ba niya narinig yung sinabi ko? "Sa tingin mo kasama 'ko sa pwede
mong hingian ng tulong kagaya ng sinabi ni Seraphina?"

I gave her a cold smile and answered, "Yes."

"Heeh..."how annoying, "What made you think na willing akong tulungan ka?"

"Dahil... isa akong... Morie." That answer popped immediately for no reason.

"Yes, yes, tama ka, dahil isa kang Morie." She leaned over the table, "Alam mo Jill
Morie, in order to live in this merciless world, money is essential. Tutulungan
kita kung ano man ang gusto mong mangyari, but in return... you need to pay my
rate."

"What do you mean by that?"

"Let's just imagine that you offered me a job, and as I accept your proposal you
need to pay off my skills."

So iyon yung ibig sabihin kung bakit tutulungan niya ko dahil isa akong 'Morie',
dahil mayaman ang pamilya na pinanggalingan ko, kailangan ko ng tulong niya,
kailangan niya ng pera.
I slyly smiled at her, "I understand. I'll pay your rate."

"Good. Shall we discuss your plan?"

*****

"Omooo, excited na ko mwahahaha." Napakahyper ni Aya. Kakatapos lang pag-usapan ng


klase namin, na pinamunuan ni Ireneo, kung anong gagawin namin sa school festival
ngayong vacant time. Halos buong tao 'ata sa White Knights ay enthusiastic na
inaanticipate yung event na gaganapin next next week. Kinukulit na naman ako ni
Miss M, yung teacher namin sa music, na magparticipate sa concert ng school's night
out.

Balita ko nga isa sa magpaparticipate yung banda ni Cloud Enriquez kaya marami
talagang pupunta sa gabing 'yon, and speaking of that guy, hindi na naman siya
nagpaparamdam recently, huli naming pagkikita yung nilibre nya ko sa mamahaling
resto. Well, I guess masyado siyang busy sa pagpapractice para sa concert.

"At... ang maswerteng nabunot ng klase natin na gagawin sa cultural week ay..."
hinihintay naming lahat yung sasabihin ni Ireneo, "Stage Play?"

What? Ang daming trabaho nun.

"Kyaaah! Morie I'm so loving it! Excited na talaga ko!" hinampashampas pa ko ni Aya
sa braso dahil sa tuwa. Actually, kanina pa siya ganyan, kanina pa siya nagwawala
sa upuan.

Kalahati ng klase ang natuwa sa nalaman na stage play ang gagawin namin, kalahati
ang nadismaya, mas gusto nila nung haunted house booth o kung anu anong game
booths at cooking booths.

"Kailangan muna nating maghanap ng piyesa na gagamitin para sa play,kailangan


niyong magpasa ng ideas by tomorrow para makapagdecide tayo kung ano yung
gagamitin. We'll divide our class into three groups. We only have two weeks para
magprepare. Siguro we'll discuss the further details kapag may piyesa na tayo.
Maghahati-hati muna tayo ng grupo ngayon."

Naging busy ang klase namin nang mga sumunod na araw, nakapili na ata si Ireneo ng
piyesa at nasa process pa lang sila ng pagsusulat ng script, inuna namin yung
paggawa ng props, paghahanap ng costumes, at pag-aasikaso sa iba pang
technicalities ng play. Tuwing uwian may assembly, gawa rito, gawa roon. Naalala ko
na n rin kami dati, I'm glad na after two years nabalik yung ganito sa klase namin.
Despite of having so many conflicts in life, may mga pagkakataon pa rin na hindi
dapat palagpasin, yun yung pagkakataon para sumaya saglit.

Isang hapon abala kami sa pag-aasikaso para sa props, buhat-buhat ko yung kahon na
naglalaman ng ilang lata ng pintura, nang bigla akong tulungan ni Stephen sa
dinadala ko, hinayaan ko lang dahil siya naman yung nagprisinta. Matapos niya kong
ilibre sa Mirku's hindi pa roon nagtapos ang 'act of goodness' kung iyon nga ba ang
tawag doon, ni Stephen.

I don't really mind at all, pero hindi maiwasang magbigay ng kahulugan ng mga tao
sa paligid ko, minsan narinig ko yung dalawang classmates ko na nag-uusap tungkol
sa bagay na yon. Well, ang hinihiling ko lang ay ihinto nila yung pagkakalat ng
kakaibang kwento. Mabuti na lang at hindi ganon sila Aya, we considered our group
as a circle of friends kaya wala lang yon sa kanila.

"Ano, Stephen, pwedeng pumunta ka ng stockroom, manghiram ka sa janitor ng mop?"

"Sige." Sinundan ko siya nang makalabas siya ng classroom, "Bakit Jill?"

"I'll go with you."

He didn't say anything, basta pareho kaming pumunta ng stockroom at nanghiram ng


dalawang mop. On our way back, sinimulan kong magsalita.

"You know what; I wish I can regain your memories." Sabi ko, "Back then, I thought
you're my only hope. I thought I can finally answer all those mysteries around me.
I depended too much on you."

"Huh?" tumigil siya sa paglalakad, kalmado lang, walang bakas ng pagtataka ang
mukha ni Stephen.

"Listen," I looked into his eyes, "I trust you." Ngumiti ako sa kanya, "I trust you
because you're my friend." Inabot ko sa kanya ang isang papel na nakatupi sa gitna,
"Let's meet later, puntahan mo yung lugar na nakalagay sa papel na yan."

"Why? Hindi kita--"

"As I said, I trust you. There' something I want to tell you."

*****

"Hey." He's here, Stephen's here, "I'm glad you came, akala ko hindi mo
seseryosohin yung sinabi ko kanina." Lumapit siya sa kinalalagyan ko, tumabi siya
sa gilid ko may ilang dangkal ang distansya, pareho kaming tumingin sa malawak na
siyudad na nagliliwanag. Nasa rooftop kami ng White Knights, gabi, walang ibang
tao.

"Bakit hindi ko naman seseryosohin? It's not usual and how could I miss this
chance?"

"Look at the sky, how beautiful," tumingala ako, "Minsan gusto kong lumipad, kahit
na alam kong babagsak pa rin ako sa lupa. Feeling ko magkapareho lang kami ni
Superman.I wish that I could cry, fall upon my knees find a way to lie, 'bout a
home I'll never see." I faced him, "I can see what other humans can't see. I can
see the future. And it's not easy to be me." Nakatingin lang siya sa'kin, walang
sinabi, hinawakan lang yung kamay ko.

"What a lovely scene!" nagulat kami pareho ni Stephen sa dumating "Pasensya na kung
naistorbo ko ang napakagandang moment niyong dalawa."

"A-anong ginagawa mo rito? Jing Rosca!" gulat kong sabi.

Imbis na sumagot, tumawa lang siya at dahan-dahang naglakad papunta sa'min. "Jill
Morie dear, I'm sorry dahil hindi ko matanggihan ang offer ng bago kong kliyente,
ikaw ba naman ang bigyan ng kalahating milyon para lang patayin ka."

Napaatras ako sa sinabi niya, nakabitaw na sakin si Stephen.

"Adios."

"Wait-J-jing..." she lifted me using her powers , sinasakal niya ko sa ere


"Arghhhhkkkk.. S-stephen..."

Naramdaman ko na lang na bumagsak yung katawan ko sa lupa, hindi ko ginagalaw yung


katawan ko, hinayaan ko lang yung sarili kong nakasalampak sa lupa. Nakikiramdam.
Nakikinig.

"Die. Jill Morie."

"You can't kill her!" Narinig ko yung boses ni Stephen, "You...Bitch! Papatayin
kita!"

"CUT!" biglang lumiwanag ang paligid, someone helped me to stand up. "Bravo! Bravo!
Ang gagaling niyong umarte!" tanging palakpak mula sa maliit niyang mga kamay ang
maririnig sa buong paligid. "Jing, masyado kang nadala sa emosyon. Jill, mas
maganda sana kung mas nagmakaawa ka pa kay Jing na buhayin ka nya."

"Thanks Finnix." Sabi ko dun sa taong umalalay sakin sa pagtayo.

"Anong nangyayari?" gulung-gulo ang itsura ni Stephen, hindi maintindihan yung mga
nangyayari. "Jill..."

"Tama na ang pagpapanggap. Now, show us your true form."

"Hindi kita maintindihan, ano bang sinasabi mo? Kanina lang sabi mo may tiwala ka
sakin?!"

"Yes, may tiwala ako sa'yo."

"W-what?"

"Fvck off that stupidity. You cannot fool me anymore."

"Jill paano mo naman nasasabi ---"

"So gusto mong isa-isahin ko sa'yo. Fine. Una, mahirap ang pamilya ni Stephen,kaya
wala siyang kakayahan na manlibre ng ganong kalaking halaga, at hindi niya kayang
bumili ng contact lenses. Pangalawa, matagal ng may gusto si Stephen kay Penelope
that's why flirting with me is really nasty. Pangatlo, may kasabihan na 'ang isda,
sa sarili nyang bibig nahuhuli'...

'Ang galing mo kanina Jill. Ikaw lang yung nakahula ng number. Sana may ganyan din
akong kakayahan.'

...Pang-apat, at marami pang iba na maliliit na bagay na hindi gawain ni Stephen.


The real Stephen is shy, introverted, and he doesn't really talk a lot. At
panglima, kanina lang, if si Stephen talaga ang kasama ko, magpapanic siya sa mga
sinabi ko, lalo na nung dumating si Jing Rosca, napakakalmado mo, you hesitated at
that moment right? Nag-aalangan kang kalabanin siya dahil makikita ko, kaya noong
akala mong pinatay niya na ko nagalit ka sa kanya.Well, that's all. Again, I'm
really really glad that I trusted you, hindi ako nagkamali na nagtiwala ako sa'yo
na ikaw si Magnus."

Katahimikan.

Ihip lang ng hangin ang maririnig, maya-maya'y napaluhod siya sa sahig, sapo ang
tiyan at.. "HAHAHAHAHHAHAHAHAHA!" tumawa siya na parang tuluyan nang nabaliw.
Nakatingin lang kami sa kanya.

I should thank Jing Rosca later, kundi dahil sa kanya hindi masasagawa ang plano na
'to, and to thCarnies also. That's right, right after na maconfirm ang suspicions
ko kay Stephen,hinahap ko sila para humingi ng tulong, to set a pitfall for the
fake Stephen.

"Where is he?" tanong ko kay Magnus, "Where is the real Stephen?!"

"Who knows." Sagot niya, "Napahanga mo talaga ko Jill Morie." Humarap siya sa The
Carnies, "We meet again, my fellow Peculiars." Kaagad siyang bumalik sa tunay
niyang anyo, mabilis na naglabas ng apoy si Finnix mula sa mga kamay niya at
pinalibutan nito si Magnus, naging kulay lila ang paligid dahil hininto ni
Seraphina ang oras, hindi makagalaw si Magnus dahil kontrolado siya ni Jing Rosca.
By the help of this powerful Carnies, kayang-kaya nila si Magnus. Hindi na siya
makakatakas. This is the end for him.

Biglang may kung anong matining na tunog ang pumasok sa ulo ko, parang feedback
audio, napatakip ako ng tenga, parang... parang... may pumapasok sa utak ko...
Masakit. Tila binibiyak yung utak ko.

"I know you can hear me." S-sino ang...

"Ahh!" nakita kong katulad ko sapo rin nila Jing Rosca, Finnix, at Seraphina ang
mga ulo nila. Nakakawala si Magnus, hinang-hina, at naglaho.

"Jill Morie. Come with us."

Nawala yung tunog. Nawala yung boses. Nawala si Magnus.

"Jill Morie," si Seraphina, hawak pa rin ang sentido niya, bumalik na yung balik ng
oras dahil nawala yung kulay lila na bumabalot sa paligid, "Okay ka lang ba?"

"A-ano yung biglang tunog na 'yon? Parang sinisira yung ulo ko." si Finnix, iniinda
pa rin yung sakit.

"I am sure... na isang mind manipulator ang may kagagawan." Sabi ni Jing Rosca

"Mind manipulator?" ibig sabihin panibagong Memoire. "May narinig ba kayong boses
kanina?" umiling sila, ibig sabihin ako lang yung nakarinig he said the same
line... katulad nung mga nasa panaginip ko noon. Malakas ang kutob ko this time na
ang taong yon ang nasa likod ng blog, ng drugs, and everything about this Memoire
shit.

"Yes. I can say that it's a powerful one."


<///3

[note: Uulitin ko po, maraming salamat po sa lahat ng nagbabasa ng kwentong to


hanggang ngayong chapter 45! Sa mga naglagay sa rl, nagboto, nagfollow, nagcomment,
at nagmemessage. I deeply apologize kung palaging mabagal ang update. Thank you po
talaga. God bless!]

Random Question: Kung magiging Peculiar ka, anong Peculiarity (powers etc) ang
gusto mo, bakit?

/46/ Journal

/46/ Journal

"Stephen!" I ran as fast as I could, "Stephen! Sandali!", Pero kahit anong bilis na
gawin ko, hindi ko siya mahabol. They said I can control things here, pero bakit
ganon? Gusto kong malaman kung anong nangyari kay Stephen, pero ano 'to? I can't
manifest the things I wanted to see. This place is narrow, cold and dark, ni hindi
ko nga alam kung anong lugar ba 'to.

Sawakas huminto siya sa pagtakbo, dahilan para mapatigil din ako, habol ang
hininga. Dahan-dahan siyang pumihit paharap sa'kin, pero hindi ko maaninag ang
mukha niya. Kahit na natatakpan iyon ng dilim, alam kong si Stephen 'yon.

"Jill. Sorry." Hindi bumubuka yung bibig niya pero narinig ko yung boses niya,
"Wala na kong ibang magagawa..."

"Nasaan ka? Stephen!"

"...ayokong madamay kayo. Ayokong madamay ang pamilya ko.


"Nasaan ka? Sabihin mo." hindi siya gumagalaw sa kinatatayuan niya, umaalingawngaw
sa buong paligid yung boses niya. Yung huling mga salita na narinig ko sa kanya
noong tumawag siya.

"...Takot na takot ako sa kanila, Jill. Gusto ko kayong protektahan lahat. Mag-
iingat kayo."

Kasalanan ko 'to. Ako ang may kasalanan kung bakit nawawala siya ngayon, kung hindi
niya lang ginawa 'yon para malaman kung sino yung may gawa ng blog, hindi
mangyayari 'to sa kanya. Dahil sa'kin... dahil sa sumpang mayroon ako... Itong
sumpang kapangyarihan na hindi ko alam kung saan nagmula.

Humakbang ako papalapit sa kanya pero wala akong natapakang lupa kaya bigla akong
nahulog sa malalim na kadiliman. Akala ko walang katapusan 'yon dahil bigla na lang
akong bumagsak sa lupa ng hindi nasasaktan. Tumayo ako.

"Jill Morie." Napalingon ako at nakita ko si Stephen, nakatayo lang siya pero hindi
ko pa rin maaninag yung mukha niya, "Come with us." Napasinghap ako sa sinabi niya
sabay pag-abot niya pa ng kamay.

"Jill Morie. Come with us." Paulit-ulit na umuulyaw sa buong paligid, parami ng
parami yung mga boses kada ulit, at sa bawat pagkurap ng mga mata ko, dumadami yung
mga tao sa na nakapaligid sa'kin, kahit saan ako humarap nakikita ko sila, katulad
ng mga nasa panaginip ko noon. Hindi pa roon natapos 'yon, dahan-dahan silang
humahakbang papunta sa'kin. Nag-iikot yung paningin ko... Hindi ako makahinga.

Bumalikwas ako. I can still feel the heavy pounding in my chest, and I realized...
that was just a dream.

"Okay ka lang ba, Jill Morie?" tanong ni Seraphina na nakaupo sa clinic bed katabi
ng kinahihigaan ko. Nandito pa rin kami sa White Knights, sumulyap ako sa wall
clock ng infirmary, isa't kalahating oras na pala ang nakalilipas magmula nang
mangyari ang komprontahan sa roof top. Iling ang sinagot ko sa kanya.

"Akala ko ba... akala ko ba makokontrol ko yung panaginip ko?" tanong ko kay


Cecilia na nasa kabilang gilid ng kama, hawak-hawak yung bolang Kristal, kung saan
nakikita rin niya kung ano yung napapanaginipan ko.

"Uhm... Ano... Kasi... Jill Morie, hindi naman kasi lucid dreaming yung ginawa mo."
Ito yung paraan na sinabi nila kung paano ko mahahanap si Stephen, ayon kay Cecilia
gamit ang Lucid dreaming I can consciously control my dream and by that imamanifest
ko sa panaginip yung location kung nasaan si Stephen, pero hindi ko yon nagawa
kanina, hindi ko alam kung bakit.

"You were just having a bad dream." Sumabat sa usapan si Jing Rosca na nakaupo sa
swivel chair, "Base sa sinasalaysay ni Cecilia habang nananaginip ka, para ka lang
binabangungot."

Tumayo si Jing Rosca sa kinauupuan niya, "Let's call it a night, we've been here
for freaking one and a half hours. Hindi mo naman kaagad mamamaster ang lucid
dreaming ng isang subok lang, Jill Morie. Just give yourself and us a break."
Pagkatapos walang lingun-lingon siyang lumabas ng silid.

"Tama si Jing, kailangan mo ng magpahinga. Naiintindihan ko yung sitwasyon,


Jillianne. Pero sa ngayon mas mabuting magnilay ka muna." Tinapik ako ni Seraphina
sa balikat, wala rin siguro siyang maisip na paraan kung paano ako matutulungan.
Humakbang siya para makababa at sumunod kay Jing Rosca, bago siya lumabas ng pinto,
"Ihahatid ka na namin sa inyo, naghihintay sila Otis sa sasakyan." Tsaka siya sa
lumabas, naiwan kami ni Cecilia sa loob.

Bumangon ako sa kama, "Jill." Nang humarang bigla si Cecilia, "Pasensya ka na kung
iyon yung iminungkahi namin sa'yo. Ang totoo niyan... kaya kong humanap ng mga
bagay na nawawala." Napakunot yung noo ko sa sinabi niya.

"Bakit ngayon mo lang sinabi 'yan?" tanong ko.

"Nawawalang bagay hindi tao." Hindi ko maiwasang tumingin sa hawak-hawak niyang


bolang Kristal, naisip ko kung totoo nga kayang may nakikita siya roon, "Remote
viewing, Jill." O-k. Kanina lucid dreaming, ngayon remote viewing naman, ano na
namang kakatwa 'to, gusto ko sanang sabihin.

"Alam ko nawiwirdohan ka na-"

"Sanay na ko sa mga kawirdohan. Ang mahalaga makakatulong yan sa paghahanap sa


kaibigan ko."

"Hindi ako sigurado kasi hindi ko pa nasusubukan gamitin 'yon sa may nawawalang
tao."

"So... Ano naman ang meron sa remote viewing na sinasabi mo?" tanong ko ulit.

"Remote viewing, ito yung kakayahan na pagpoproject ng sense of awareness sa mga


lugar, at kayang idetalye iyon kahit na hindi pa napupuntahan." Naintindihan ko
naman yung paliwanag nya, pero naguluhan lang ako ng kaunti, paano niya magagawa
'yon? Mukhang mas magandang ideya yon kaysa sa lucid dreaming, "Kumpara sa lucid
dreaming, hindi lahat ng tao may kakayahang gumamit ng remote viewing."

"You know your powers well." Puri ko sa kanya. Naisip ko tuloy kung kailan niya
nalaman na Peculiar siya, kung bakit naging palabuy-laboy siya sa daan noon, at
kung ano yung tunay na kwento ng pagkatao niya.

"Sa totoo lang... ngayon ko lang gagawin 'to." Pagkatapos ay pumikit siya, at
huminga ng malalim. Tinitingnan ko lang siya sa ginagawa niya, maya-maya napahawak
siya sa sentido niya, mukhang nahihirapan siya sa ginagawa niya, aawatin ko na sana
si Cecilia nang bigla siyang nagsalita, "Madilim..." Madilim? "Ang dami nila."
Hindi ko maintindihan. Dumilat siya bigla at umiling, "Nahihirapan akong mahanap
kung nasaan siya, Jill. Pero yung nakita ko kapareho lang din ng nasa panaginip
mo, yung madilim na lugar at maraming mga tao na hindi ko naman maaninag yung
mata."

Nagkibit balikat ako, "Tara na.",wala rin naman akong magagawa, hindi ko naman kaya
yung ginagawa niya, at ayoko mang aminin... Jing Rosca was right after all, I need
to give myself a break, but how can I? I'm the one responsible for Stephen's
disappearance.

Habang naglalakad kami sa hallway tinitingnan ko lang si Cecilia, hindi siya


mapalagay habang palinga-linga sa paligid, maybe having that kind of power is hard
for her too... Lahat naman yata ng katulad ko hindi madali yung pinagdadaanan,
kumbaga kanya-kanyang pagdadala lang.

"Can you see a ghost?" halatang nagulat siya sa tanong ko, nang makabawi siya sa
pagkabigla, ngumiti lang siya tsaka tumango, inaasahan niya na matatakot ako or
what pero hindi, hindi naman kasi ako naniniwala noon sa multo, funny, hindi ako
naniniwala sa multo pero nakikita ko ang future, kung sasabihin mo sa normal na tao
yon, mas kapanipaniwala naman yung multo. "So... May nakikita ka ngayon?" casual
kong tanong, hindi naman dahil sa ang insensitive ko, curious lang.
Ngumiti lang ulit si Cecilia, dumiretso na ng tingin, hindi niya siguro gustong
sabihin na may batang sumusunod sa'min o may babaeng nakatayo lang sa dulo ng
hallway, "Wala akong naging kaibigan noong bata pa lang ako." sabi niya, "Walang
gustong makipagkaibigan sa'kin kasi natatakot sila. Sabi ng mga matatanda, hindi
raw ako normal na bata." So she already have that ability since she was child,
"Hindi naman kasi nila naiintindihan na mahirap makakita ng mga bagay na hindi mo
naman dapat makita." Pagkatapos niyang sabihin yan hindi na ulit siya nagsalita,
hindi na rin siya tumitingin-tingin sa paligid.

When we finally reached the gate, we saw an old rusty Volkswagen van, ito siguro
yung sasakyan na tinutukoy nila Seraphina. Pero wala namang tao sa loob pagkalapit
namin, "Cecil, sabi ni Seraphina nandito-" pagtingin ko sa tabi ko wala na si
Cecilia. Sobrang tahimik ng paligid, at ni bakas ng anino nila wala. Gusto kong
isipin na they're just making fun of me, I'm expecting that they'll come out and
Seraphina will do a peekaboo in my face, pero wala. This is not a good joke.

"Jill Morie." I slowly turned around and to my surprise nakita ko si Stephen,


nakasuot siya nung uniform namin pero hindi ko makita niya yung mukha niya. I don't
know why pero automatic akong napaatras. This is the same scenario earlier in my
dream.

"Come with us." It happened again. Every blink of my eyes dumadami yung nakapalibot
sa'kin, palakas ng palakas yung boses nila, paulit-ulit. Wait... Nananaginip pa
rin ba 'ko? Pero nagising na 'ko kanina, paano nangyayari 'to?

"Come. With. Us." I'm already surrounded, hindi na 'ko makakatakbo kung hindi man
panaginip 'to. I want to shout but I can't. I closed my eyes.

Tsaka ako dumilat.

"Okay ka lang ba, Jill Morie?" si Seraphina, nakaupo sa clinic bed na katabi ko.
Ramdam ko pa rin yung malakas ng tibok ng puso ko. Nangyari na 'to kanina.

"A-anong nangyari?"

"Uhm... Ano... Kasi... Jill Morie, hindi naman kasi lucid dreaming yung ginawa mo."
Iyon din yung sinabi ni Cecilia kanina.

After that hindi na 'ko makapagsalita, nakatingin lang silang tatlo sa'kin,

"You were just having a bad dream Base sa sinasalaysay ni Cecilia habang
nananaginip ka, para ka lang binabangungot."

Katulad ng inaasahan tumayo si Jing Rosca sa kinauupuan niya, "Let's call it a


night, we've been here for freaking one and a half hours. Hindi mo naman kaagad
mamamaster ang lucid dreaming ng isang subok lang, Jill Morie. Just give yourself
and us a break."

"Tama si Jing, kailangan mo ng magpahinga. Naiintindihan ko yung sitwasyon,


Jillianne. Pero sa ngayon mas mabuting magnilay ka muna. Ihahatid ka na namin sa
inyo, naghihintay sila Otis sa sasakyan"

Naiwan kaming dalawa ni Cecilia sa loob.

"Jill. Pasensya ka na kung iyon yung iminungkahi namin sa'yo. Ang totoo niyan...
kaya kong humanap ng mga bagay na nawawala."
Hindi ako umiimik, siguro dahil alam ko na yung mga mangyayari, hindi pa rin ako
umaalis sa kama, nakatayo lang si Cecilia sa gilid ko. At dahil alam ko na yung mga
susunod niyang sasabihin, hinihintay ko 'yon, pero nanatili lang siyang nakayuko.

"Hey." Hindi pa rin siya kumikibo. What's wrong with her now? She's supposed to say
about the remote viewing thing, "Cecilia." She didn't response. Hahawakan ko siya
nang bigla niya kong sinakal, I... I can't breathe. Shit. Huli na para mapagtanto
ko na panaginip na naman 'to, ang lakas niya, hindi ako makapalag, nauubusan na 'ko
ng hangin.

Pumikit ulit ako. Anumang oras pakiramdam ko malalagutan na ko ng hininga, hindi pa


rin ako makahinga ng maayos. Maya-maya, dahan-dahan kong iminulat yung mata ko,
blurred, wala akong makitang matino, hindi na ko sinasakal pero nahihirapan pa rin
akong huminga, pagkatapos... narinig ko na naman yung mga pagtawag nila sa pangalan
ko. Gusto kong gumalaw, pero hindi ko magawa, gusto kong pumiglas, pero tila
paralisado yung buo kong katawan. Then I realized something, I stopped struggling
and I followed the flow.

Unti-unting bumalik yung normal na paghinga ko. Nagdadalawang isip akong buksan
yung mga mata ko.

"Jillianne, Jillianne!" naramdaman ko na lang na may tumatapik sa pisngi ko at


yumuyugyog sa balikat ko. This time, binuksan ko na ng tuluyan yung mga mata ko.
"Ok ka lang ba-"

"No, I am not fine." Pinutol ko yung sasabihin ni Seraphina at bumangon ako sa


kama, sinundan lang ako ni Seraphina ng tingin, nagsimulang magsalita si Jing
Rosca, "You were just having a bad dream. Base sa sinasalaysay ni Cecilia habang
nananaginip ka, para ka lang binabangungot."

Hindi niya namalayan na nakalapit ako sa kanya "Let's call it a night; we've been
here for freaking one and a half hours. Hindi mo naman kaagad mamamaster ang lucid
dreaming ng isang subok lang, Jill Morie. Just give yourself and-"

"Will you slap me?" natigilan si Jing Rosca sa sinabi ko, she gave me a 'what-the-
hell' look.

"Huh? Ano?"

"Slap me. Please." it's an order.

"O-k." sinampal niya ko, pero malamya lang.

"Sampal na ba 'yon?" Inulit niya ulit pero hindi ako kuntento sa sampal niya. I
need to make sure na nasa realidad na talaga ko. "Is that the best you can do?
Bitch." Maririnig sa buong silid ang tunog ng lutong ng sampal ni Jing Rosca
sa'kin. I didn't mean to call her 'bitch', gusto ko lang siyang maprovoke mainis at
sampalin ako ng malakas, hindi naman ako nabigo dahil namalayan ko na lang na
nakasapo ako sa pisngi ko.

"Thank you." For making me feel the reality.


---

"Pang-ilang ulit na ba tayo sa scene na 'to? Lagi na lang kayong nagkakamali,


malapit na yung festival wala pa rin kayong progress!" kanina pa ko naiirita sa
boses ni Ireneo, kanina pa sinesermunan yung mga kaklase ko na gaganap na mga
actors sa play, paulit-ulit sila sa eksena na 'yon.

Dalawang araw na ang nakalilipas magmula ng madiskubre ko na peke ang Stephen na


kasama namin, dahil abala ang buong klase para sa nalalapit na festival hindi pa
nila napapansin na wala si Stephen, maging si Morris clueless sa mga nangyari,
hindi naman kasi niya alam yung nangyaring komprontahan sa roof top, he can see the
past so hinihintay ko lang siya na ang magsabi sa'kin pero wala, ayun nakikita ko
lang silang dalawa ni Lily na nag-uusap na parang normal lang ang lahat.

"Oh, Jill, saan ka pupunta?" nakasalubong ko si Baldo na maraming dala-dala,

"Magpapahangin," Tuluy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makalabas ako ng


classroom. Akala ko makakahanap ako ng peace of mind sa labas pero nagkamali ako,
ang daming mga students na naglisawan sa corridor dahil busy din sila sa
preparations. Sa White Knights, every once in a while lang magkaroon ng
recreational activity at isa na roon ang cultural festival, kaya a week before nito
ay walang klase para makapaghanda yung mga students. Ineencourage kasi ng school na
gawing maganda ang festival dahil open ito sa lahat ng outsiders, mga taga iba't
ibang school, mga taga ministry of education at kung sinu-sino pa.

"Miss Morie!" pamilyar yung boses kaya mabilis akong naglakad, "Miss Morie, sandali
lang!" pero naabutan pa rin ako ni Miss Marcel, the music teacher, "Have you made
up your mind? Papayag ka na bang magparticipate sa night out concert?" excited
niyang tanong.

"Yes I made up my mind," mas lumiwanag yung itsura niya, "I'm not participating."
Performing in front of the crowd is not my thing. At isa pa may mga bagay na mas
dapat kong pagtuunan ng pansin, like Yue's disappearance, the Memoire shit, the
blog, and everything.

Pero mukhang hindi nadown yung music teacher ko, "Mister Enriquez will talk to you,
baka mas malakas ang persuading powers niya kaysa sa'kin." She winked then she
walked away. Alam ko yung ibig niyang sabihin dun. I rolled my eyes.

Sa library sana ako magpapalipas pero maraming tao roon for some reasons, umalis na
lang ako. I decided to wander around the campus, ang sigla-sigla ng kapaligiran,
kaya walang nakakapansin sa mapanglaw na presensya ko.

Napadaan ako sa kwarto ng Art Club, naisip kong sumilip sa loob nito, hindi katulad
sa labas tahimik lang sa loob, abala sa kanya-kanyang ginagawa yung mga members.
Nakita ko si Miss Karen na naglalakad-lakad, nakalagay ang dalawang kamay sa
likuran, muntik ko ng makalimutan na siya pala yung adviser ng club na 'to.

I stood here for a moment.


Karen Italia, the most enigmatic person I've ever known. I remembered her grim
message to us, 'out of fifty people only three will be happy'. I should've asked
why, but I'm sure that she won't give the answers right away. Kagaya nga ng sinabi
niya, there are keys to unlock every mysteries wala nga alam kung kailan at saan mo
ito mahahanap. And so I believe that I can find all the answers in the conundrums
of my life.

Umalis ako roon, pumunta ako ng infirmary, kinausap ko yung school nurse kung pwede
ba 'kong magpahinga dahil masama yung pakiramdam ko kahit hindi naman talaga,
pumayag naman yung school nurse. Bago ako mahiga sa kama huminga ako ng malalim, I
will make sure that I can do it this time.

"Maniwala ka lang na kaya mo, iyon lang ang sikreto sa lucid dreaming." Tila nag-
eecho pa sa pandinig ko yung boses ni Cecilia. "Alalahanin mo na ikaw ang may
kapangyarihang kumuntrol ng panaginip mo, Jill Morie."

---

Natagpuan ko na lang yung sarili ko na nakatayo sa harapan ng bahay nila Stephen.


Ito kasi yung lugar na iniisip ko kaya dito ako dinala ng panaginip ko. I passed
through the gate, hindi ko inaasahan 'yon, it feels like I'm a weightless spirit.
Nakapasok ako sa loob, walang tao, umakyat ako sa ikalawang palapag ng bahay,
nahanap ko naman yung kwarto ni Stephen, wala rin siya rito. Malinis naman yung
kwarto niya pwera lang sa study table niya na maraming papel at libro na nakakalat.
I sorted it, hanggang sa makakita ako ng journal. Agad-agad kong binuksan 'yon at
binasa. Napakunot ako nang makita na bawat entry maiikli lang yung nakasulat.

"Being rank forty is miserable."

"I want to die."

"Miss Karen saved me. Jill said she didn't do this for me, and then she jumped on
the train, is she crazy?"

"I finally made friends, thanks to Jill."

"We went to school to get Penelope's notebook. Jill confessed. The blog. I
volunteered to help her. I tracked it."

"We will have a recollection tomorrow. I'm very anxious."

"Our class got back together."

"They threatened me, they said I must tell Jill that I tracked her address
instead." Napatigil ako sa pagbabasa. Sinong sila? Memoire? So tama talaga ko na
hindi ako yung gumawa ng blog, it's true na they just drugged me kaya ako nag-
isleep walk at para palabasin na ako mismo yung gumawa ng blog.

"He said he must make that book came true because it contained the future..." Hindi
ko maintindihan yung entry na 'to. He?

"Jill is just like them. They're not human." Nagulat ako sa entry na 'to, ibig
sabihin alam na ni Stephen ang tungkol sa mga katulad ko? Sinabi ng Memoire sa
kanya? Why?

"They offered something to me. I'm dropping out." Totoo yung pagdadrop out, what
Memoire did offer him?

"I need to protect them."

"Adios." Iyon ang huling entry at wala ng mga sumunod pa.

Sinara ko yung journal niya, kinalkal ko ulit yung mga papel sa desk niya, umaasa
ako na may mahahanap pa kong ibang bagay na makakatulong. Nahanap ko yung isang
itim na envelope at mayseal ng Memoire, katulad ng natanggap ko noon, ang kaibahan
nga lang invitation 'to, tiningnan ko yung loob pero wala namang laman.

Saglit akong natulala, hindi pa rin nasagot yung tanong ko, nasaan si Stephen?
Sumama na siya sa Memoire? Bakit? Dahil sa offer?

There are still a lot of riddles remained unsolved.

---

I woke up. For the first time I did lucid dreaming successfully, hindi ako
nakaranas ng paralysis, but I failed to find Stephen.

"Ang cute mo pag natutulog." The voice is familiar. Tumingin ako sa kanan at nakita
kong naka-upo siya habang nakatingin sa'kin. "So... how was your sleep?

What a surprise. Cloud Enriquez.

<///3

[Note: First, gusto kong magpasalamat sa lahat ng nagbabasa at sumusuporta, hindi


niyo alam kung gaano ako kagrateful at kasaya, sa lahat ng nagbibigay ng comments
at boto, salamat, sa mga silent reader, salamat! Haha! Basta salamat! Hindi ko
maipupush ang istorya na 'to kung wala kayo! Kay Karen na nagpakalat ng epidemya
(lol) salamat men! I'm eternally grateful, naks! Sobrang thank you dun sa mga
readers na sa simula hanggang ngayon nagbabasa pa rin, saludo ako sa inyo!
Pangalawa, sorry kung matagal, hindi ko na ieexplain kung bakit, haha. Yun lang.
God bless!]
[Question: Nakaranas ka na bang maglucid dream? (lucid dreaming, aware kang
nananaginip ka at kaya mong kontrolin ang panaginip mo, for example, lumilipad ka
dahil gusto mo) Kung oo, naranasan mo na rin ba yung sleep paralysis? Yung tipong
hindi ka makahinga at hindi mo magalaw yung katawan mo?]

/47/ Begonia

/47/ Begonia

"So... How was your sleep?"

It took a while for me to realize it. Anong ginagawa ni Enriquez dito? Dali-dali
akong napabangon sa clinic bed at hinarap siya, "What the hell are you doing here?"
I'm not mad at him, nagulat lang ako sa bigla niyang paglitaw sa tabi ko, it's
creepy. He just smiled and raised his injured index finger.

"Did I interrupt your dream? I'm sorry hindi ko mapigilang mapatitig sa nahihimbing
mong angelic face, you're so cute and fluffy." Akma niyang pipisilin yung pisngi ko
pero hinawi ko kagad yung kamay niya.

"What do you mean by that?" I suspiciously asked. Did I clearly hear him?

"Nothing. Siguro you're dreaming about me, namimiss mo na ko no?" This time akma
niya namang yayakapin ako pero tinulak ko siya

"Back off." Geez, this guy is really annoying. Bigla kong naalala yung paniginip
ko, hindi ko pwedeng kalimutan na nawawala pa rin si Stephen, I must find him as
soon as possible.

Tumalikod at aalis na sana 'ko para umalis ng may maisip ako, sinara ko bigla yung
curtains na nagsisilbing divider sa clinic beds, halatang nasurpresa siya nang
harapin ko ulit siya, "Enriquez."

"Whoa, what a sudden change of heart. Bakit?" excited niyang tanong.

"May pabor ako." Biglang naglaho yung malapad niyang ngiti.

"That sounds serious."


Kailan ba ko hindi nagseryoso? Gusto ko sanang sabihin.

"Yes. I am serious, Enriquez."

"Okay." Hindi ngumingiting sabi niya, "Ano yon?"

Hindi ko alam kung nagtatampo ba siya, nag-iinarte or what, mukha kasing nag-iba
yung mood niya matapos kong sabihin na may pabor ako. Siguro dahil tinetake
advantage ko yung feelings niya para lang sa gusto kong mangyari, I hope hindi 'yon
ang dahilan kung bakit siya ganito ngayon. Hindi lang ako sanay na ganito si
Enriquez sakin, o baka ito yung bahagi niya na hindi ko pa nakikita. Ewan ko.

"Anong favor, Jill?" parang biglang naumid yung dila ko. Hindi kaagad ako
nakapagsalita. "Jill?"

"Naalala mo pa yung lugar kung saan ako dinala noong makidnap ako?" I paused for a
while to see his reaction, tumango lang siya without any expression, "I want you to
accompany me to that place." I'm expecting him to say 'what?' at hinihintay ko
siyang magulat, pero hindi, he just stared and said nothing. Kumunot yung noo ko.

"Hindi mo ba ko nari-"

"Jill, I get it." He said while raising his hands, "But you see, I'm busy, busy sa
pagpapractice with my band at sa pag-aasikaso para sa night out program. I know you
have your reasons kung bakit gusto mong pumunta ron, pero I'm sorry whatever that
reason is I think it's unreasonable. I don't have a time to play around." Tatalikod
sana siya pero pinigilan ko siya.

"What? Play around? Anong tingin mo sa'kin? Bata na naglalaru-laro lang?" I tried
to lower my voice dahil baka marinig kami nung nurse sa kabila.

"Hey, chill." Tinanggal niya yung kamay ko sa braso niya, "Okay, I'm sorry. Wag ka
ng magalit."

"Hindi ako galit." Paglilinaw ko. Ako pa ba ang may karapatang magalit gayong ako
'tong may kailangan sa kanya? "Ikaw lang ang makakatulong sa'kin, Enriquez. I badly
need your help." I sincerely said.

Mukhang nakumbinsi yung itsura niya, kinuha niya sa bulsa niya yung phone niya at
nagdial, tumalikod siya at lumayo ng konti habang may kinakausap sa kabilang linya,
ilang saglit lang binaba niya yon at lumapit ulit siya sa'kin, "I understand.
Papayag ako sa gusto mo pero sa isang kundisyon."

"Anong kundisyon?"

"Magpaparticipate ka sa Night Out concert." Ngumiti ulit siya ng pagkalapad-


lapad.Huminga ako ng malalim, wala na akong oras para mag-isip.

"Okay.Fine" As if I have a choice. "Magkita na lang tayo mamayang four pm."

"Yeah sure. Oo nga pala, Jill, siyempre kailangan mo ring magpractice, mamayang
tanghali puntahan mo 'ko sa club room namin. Miss Marcel would be very happy pag
nalaman niyang magpaparticipate ka na." nakangiti pa ring saad niya, parang kanina
lang nabadtrip siya nung humingi ako ng pabor, nah, I don't really get him.

Tinanguan ko na lang si Enriquez, hinawi ko yung kurtinang nagsisilbing divider at


sabay kaming lumabas doon, tiningnan kami ng makahulugan ng nurse nang mapansin na
sabay kaming nanggaling mula sa clinic bed area, nagpaalam ako sa nurse at
nagpasalamat, ganon din yung ginawa ni Enriquez.

Pipihitin ko na yung sendura ng pinto nang bumukas ito bigla at bumulaga ang hingal
na hingal na si Morris, parang bumagal ang ikot ng oras, pawis na pawis siya at may
bakas ng dugo yung puting polo niya.

"Nurse!" pareho kaming nagulat at napaatras ni Enriquez, hinawi kami ni Morris at


dali-daling pumunta sa nurse desk, "Please call an ambulance!"

"Anong nangyari?" tanong ko kay Morris na hingal na hingal pa rin, tiningnan niya
lang kami ni Enriquez at imbis na sumagot tumakbo lang siya paalis kasunod yung
nurse at wala kaming ibang nagawa ni Enriquez kundi tumakbo para sumunod din.

What the hell happened?

Halos lahat ng mga estudyante ay nagkalat na sa hallway, kinailangan pa naming


hawiin yung mga nakaharang, napalitan ng bulung-bulungan, pag-aalala at pagtataka
ang kaninang masaya at masiglang kapaligiran. Napatingin ako sa sahig na may bakas
ng patak ng dugo.

Sa pagliko namin sa dulo ng hallway nakasabay namin si Miss Karen na tumatakbo,


kasunod niya sila Aya at Tadeo, seryoso at may bakas ng matinding pag-aalala sa
mukha. Sabay-sabay kaming huminto nang marating namin yung staircase papuntang roof
top.

Natahimik at humawi yung mga estudyante na nakikiusyoso nang makita si Miss Karen,
pagkaraa'y nakita namin ang isang estudateng babae na nakahandusay sa sahig, walang
malay, nagkalat yung dugo. Tiningnan ko 'yong mabuti kung nililinlang ba ko ng mga
mata ko o hindi, pero isa lang ang sigurado ko, ang pamilyar na wristwatch na suot
nito.

Biglang nanikip yung dibdib ko.

"P-penelope." Inalalayan ako ni Enriquez sa likod, muntik na kong matumba.


Hinihiling ko na sana panaginip lang din ito, na hindi 'to totoo.

"Penelope!" tsaka sumigaw si Aya nang mapagtanto rin kung sino yung nakahandusay,
dadaluhan niya sana ito pero inawat siya ni Tadeo.

"M-men, anong nangyari?" nanginginig na tanong ni Tadeo, habang pigil-pigil si Aya


sa braso, tumingin lang si Morris sa kanya, umiling na may bakas ng takot.

"Go back to your respective class, now!" maawtoridad na utos ni Miss Karen sa mga
estudyante, kaagad naman nilang sinunod si miss, maliban sa'min na nanatili lang
nakatayo marahil sa gulat. Maya-maya maririnig ang sirena ng albulansya mula sa
labas,

"Bumalik na rin kayo sa homeroom, I'll talk to your class later." Miss Karen, the
only one who's composed and expressionless at this time. Sumang-ayon yung nurse at
pilit kaming pinaaalis doon pati na rin si Morris, nandito rin pala si Lily dahil
siya yung humila kay Morris paalis. Wala na kaming ibang nagawa kundi sumunod.
Walang nagsasalita sa'min habang naglalakad hanggang sa marating na namin yung
tapat ng class room, hindi ko namalayan na nasa tabi ko pa rin pala si Enriquez.

"Hey." Hinawakan niya ko sa balikat, "I'm sorry for what happened." Hindi ko alam
kung para saan at bakit siya nagsosorry, "It's okay kung hindi ka makakapunta
mamaya."

"No, pupunta ako sa practice.Bumalik ka na sa club room niyo. Thanks." Sabi ko at


pumasok na ko sa loob ng homeroom.

Sobrang tahimik nilang lahat, marahil ay alam na nila kung ano yung nangyari kay
Penelope. I silently sat on my chair. Wala pa ring bumabasag ng katahimikan, lahat
sila nakatulala at hindi makapaniwala sa mga nangyari, maging si Ireneo ay halatang
hindi makapag-isip ng maayos.

Maya-maya bumukas ang pinto at namalayan na lang namin na nasa harapan si Miss
Karen.

"Penelope was taken to the hospital; I already told her parents what happened.
Gusto kong itanong sa inyo kung anong ginagawa ng klase niyo bago mangyari ang
insidente?"

"We're practicing for the play, miss. Then yung mga nakaassign sa props busy din sa
paggawa ng tasks nila, lumabas si Penelope ng room para kunin yung mga tinabi
naming paints at brushes sa storage room sa roof top."

Miss Karen just stared at us, hinihintay na may dumagdag pa, pero wala ng ibang
nagsalita. Tumango lang siya, "For now, let's just pray for Penelope's recovery,
walang may gusto ng nangyari-"

"Miss Italia, nandyan na yung parents ni Miss Cruz."

"Susunod na 'ko." she faced us, "I'll leave the class to you Ireneo." Then lumabas
na siya ng classroom.

Namayani na naman ang katahimikan, tumayo si Ireneo at naglakad papunta sa


harapan, bago siya magsalita tumikhim muna siya, "I didn't see this coming," me
too, "tama si Miss, walang may gusto ng nangyari, accidents do happen, I wanted
everyone to cheer up a little," cheer up? "Penelope will be fine." Hindi ko alam
kung nakakatulong ba yung mga sinasabi ni Ireneo pero maging siya mismo wala rin sa
sistema para magsalita, "Itutuloy natin yung practice, itutuloy natin yung play,
malapit na yung festival. We will finish what we have started."

No one speak. No one oppose his decision.

*****

Katulad ng napag-usapan namin ni Enriquez, umattend ako sa practice ng banda nila


kaninang tanghali. Hanggang sa sumapit ang uwian, usap-usapan pa rin sa buong
campus yung aksidenteng nangyari.

"Are you sure about this?" tanong ni Enriquez sa'kin pagkaabot ng helmet, "Hey
Jill, paano kaya kung wag ka na lang pumunta ron?"

Tiningnan ko lang siya, sinuot ko yung helmet. "Nag-usap na tayo, Enriquez."

"Jill, naaksidente yung classmate mo,"

"I know."
"Hindi ka ba nag-aalala?"

"Tumigil ka na sa pagsasalita, sinasayang mo yung oras." Sinong hindi mag-aalala sa


mga ganitong pangyayari? I must find Stephen first dahil walang kaalam-alam yung
mga kasama ko kung ano yung totoong nangyayari sa kanya, kagaya nga ng paulit-ulit
na sinasabi ko sarili ko, I am responsible for his disappearance. Tapos naaksidente
pa si Penelope.

"Do you really think na naaksidente siya?"

"What?"

Napatigil siya.

"What do you mean by that?" tanong ko ulit pero hindi siya sumagot, "Are you trying
to say na may tumulak kay Penelope or sinadya siyang mahulog sa hagdan? Who would
do that to an innocent girl?"

"I'm just stating a possibility. Nevermind." Sumakay na siya sa motor at binuhay


ang makina nito, "Sakay na."

*****

"We're here."

Papalubog pa lang yung araw, nasa harapan kami ng malaking gate, bumaba kami ni
Enriquez sa motor niya, hinubad ko yung helmet. Natatanaw ko na yung malaking
gothic mansion kung saan ako dinala noon. Narinig ko yung mahinang pagtawa ni
Enriquez.

"Anong nakakatawa?"

"Wala lang," he said while chuckling, "you see, I just found it amusing, ikaw lang
yung taong nakilala ko na binabalikan yung lugar kung saan siya nakidnap. It's like
binibigay mo ulit yung sarili mo sa mga kidnapers."

Hindi ko na lang pinansin yung sinabi niya, binalik ko yung tingin sa melancholic
gothic mansion.

"What now? Tititignan mo na lang yung bahay na yan hanggang sa gumuho? O magdodoor
bell ka, dingdong, Jill Morie here, ihostage niyo na ulit ako."

"Shut up."

"I can't believe na pumayag talaga ko na dalhin ka rito, this is ridi-Hey! You're
trespassing!"

Hindi ko siya pinansin at tuluy-tuloy lang ako sa paglalakad, hindi naman nakalock
yung gate, maya-maya nasa tabi ko na si Enriquez at pilit akong hinihila pabalik sa
labas.
"Ano ba, Enriquez, hindi 'to horror movie kaya bitiwan mo nga 'ko." Nakalapit na
kami sa main entrance nung bahay, at katulad nga ng hinala ko kanina pa. Walang
tao. "Dun ka na lang sa labas kung ayaw mong sumama."

"Alangan namang iwanan kita rito? No way. Kargo de kunsensya pa kita kung may
masamang nangyari sa'yo. "

"Then just keep quiet." Surprisingly, the main door opened, pero walang ibang
tumambad sa'min ni Enriquez.

This place is abandoned.

*****

It's unusual to rain during the second week of December. Sa lobby maririnig mo na
yung abalang ingay ng mga tao sa loob ospital, nakikipagsabayan sa ingay ng ulan sa
labas. Agaw pansin din sa gitna ng lobby yung malaking Christmas tree na punum puno
ng dekorasyon, kasabay ng mga nagkikislapang palamuti at kumukutikutitap na mga
parol na nakasabit.

After finding out na abandonado yung gothic mansion, nagpahatid ako kay Enriquez
dito, napag-usapan kasi ng klase namin kanina na dadalaw kami kay Penelope ng six
pm. Habang naglalakad ako papunta sa room 421, hindi ko na namang maiwasang maalala
yung mga nangyari noon.

Natanaw ko na sa hallway yung mga kaklase ko, tahimik lang silang nakatayo, ang iba
nakaupo sa mga upuan. Nang makalapit ako, tumingin lang sila sa'kin at
nagpaparamdaman kung sino yung magsasalita.

"Baldo." Hindi niya ko pinansin, tinalikuran niya lang ako at naglakad papunta kila
Tamaki. Naghanap ako ng ibang tao na pwedeng magpaliwanag sa'kin, sinubukan kong
lapitan si Aya pero mukhang wala rin siya sa sarili, hindi ko alam kung ba hindi ko
siya magawang malapitan. Nakita ko si Morris, nakaupo at nakayuko, katabi si Lily
na nakaalalay sa kanya.

May humawak sa balikat ko, nakita ko si Ireneo at sumenyas na doon kami sa medyo
malayo sa kanila mag-usap, naramdaman niya ata na nagdedemand ako ng paliwanag
kahit hindi ko sinasabi.

According to him, Penelope's parents was flabbergasted, they keep on demanding an


investigation, but the academy wanted to keep silent, they didn't want the media
and police to interfere inside the school kaya ang ginawa nilang solusyon, ang mga
teachers ang nagconduct ng investigation, sinabing aksidenteng nahulog sa hagdan si
Penelope at para sa ikatatahimik ng lahat, sinagot ng White Knights ang
pagpapagamot sa ospital.

"Okay na ba si Penelope?" tanong ko, matagal bago sumagot si Ireneo, inayos yung
salamin at nagbuntong hininga.

"She's in coma."
*****

"Oy, balita ko kasali raw si Jill Morie sa Night Out?"

"Oo nga, nakita ko kahapon kasama siya sa practice nila Cloud!"

"Anubeyen, sana ako na lang kinuha nila, maganda naman boses ko!"

Mabilis na nakalimutan ng mga tao sa White Knights ang insidenteng nangyari


kahapon, at heto balik ulit sila sa normal nilang gawi araw-araw, kung minamalas ka
nga naman ako ulit ang nakita nila. Itong mga pangit na palagi kong nakakasabay
maglocker. Haharapin ko ulit sana sila kaso naisip ko na ayokong aksayahin yung
energy ko para lang sa kanila.

Binuksan ko yung locker ko at napakunot ako nang makita ko na may maliit na paso na
may Begonia. Wala akong maisip kung sinong maglalagay nito dito.

Babalewalain ko na lang sana 'yon, itatapon ko sana sa trashcan nang mapansin kong
may nakatuping papel na nakaipit doon. Pinatong ko muna yung paso sa locker para
makita kung ano yung nakalagay sa loob.

'Keep your eyes open. Smell a rat 12-16'

Then I just realized the real meaning of this flower.

Begonia.

Beware.

*****

Tapos na yung practice namin sa club room nila Enriquez. Pabalik ako ngayon sa
homeroom para naman makatulong sa pag-aasikaso ng props. Hindi pa rin nawawala sa
isip ko yung bulaklak, yung note nito at kung sino yung nagpadala. Keep your eyes
open Smell a rat 12-16. I clearly understand kung bakit iyon yung nakalagay dahil
binibigyan ako ng warning ng sender nung bulaklak, ang hindi ko lang
maintindihan... yung 12-16.

Twelve and Sixteen? Hindi kaya...

December Sixteen?

Napatigil ako sa paglalakad nang madaanan ko yung bulletin board, kung saan
nakadikit yung mga events, announcements. May isang malaking poster na nakadikit
doon para sa School Festival. At nakita ko...December Sixteen... Iyon yung date
kung kailan magaganap yung Night Out.

Someone's trying to warn me... and reminding to keep my eyes open, because
something's going to happen on that day. Smell a rat, it means to suspect something
wrong. Wait. Smell?

"Jill."

Muntik na kong mapatalon sa gulat, "Baldo." Bigla ba naman siyang sumulpot sa tabi
ko, tinago ko yung note sa bulsa ko, "Bakit?" Hindi ko inaasahan na makikita ko
siya rito, ang alam ko kasi lahat sila nasa homeroom at busy.

"Pwede ba kitang makausap?"

Medyo awkward na napatango ako, naglakad siya at sumunod lang ako. Namalayan ko na
lang na nakarating kami sa botanical garden. Tahimik lang si Baldo. Seryoso.
Katulad kahapon.

"Anong gusto mong pag-usapan?"

"Jill." Kahit wala pa siyang sinasabi kinukutuban na 'ko, "Nasaan si Stephen?"

Sana hindi napansin ni Baldo na napaatras ako ng kaunti sa tinanong niya.Anong


sasabihin ko sa kanya? Alam kaya ni Baldo na matagal na talagang nawawala si
Stephen? Sasabihin ko na ba sa kanya yung totoo?

"May alam ka ba?" pumikit ako saglit, "Umaabsent na naman siya, di kaya totoo ng
nagdrop si Stephen?"

"Baldo." Sana hindi rin niya nahahalata na nanginginig ako, "Bakit sakin mo
tinatanong kung nasaan siya?"

"Kasi may alam ka."

"Alam?"

"Nakita ko kayong magkasama bago ulit siya umabsent, narinig ko kayo na magkikita
kayo sa rooftop."

Naalala ko ulit yung araw na yon, yung araw na sabuwatan namin nila Jing Rosca para
mahuli yung nagpapanggap na Stephen. Hinihiling ko na sana hindi yon nakita ni
Baldo.

"Oo nga, pero hindi na natuloy yung pagkikita namin sa rooftop, pagkatapos hindi na
nga siya ulit pumasok sa school. Hindi ko alam kung bakit." Maniwala ka please.

"Ahh. Mokong yun, pinag-aalala na naman tayo. Hindi niya pa alam kung anong
nangyari kay Penelope. Alam mo naman kasi diba, gusto nya si Penpen. Nalulungkot
lang talaga ko sa mga nangyayari."

Medyo napahinga ko ng maluwag.

"Wag kang mag-alala, magiging okay din ang lahat." Sana. Sana mahanap ko si
Stephen. Sana magising na si Penelope. Sana maging maayos na ang lahat.

Aalis na sana ko pero hindi pa 'ko pinaalis ni Baldo.

"Jill, sa'yo ko lang sana gusto sabihin. Pinatawag ako kanina sa office ng
principal, at binigay 'tong invitation." May inabot siya sa'kin. "Scholarship."

Muntik ko ng mabitawan yung binigay niya.

This familiar seal. Black Diamond. White Letter 'M'

Memoire.

<///3

[Note: Guys, alam ko nakakasawa na pero THANK YOU TALAGA. THANK YOU PO TALAGA.
Maraming salamat sa pagbabasa. Hinding hindi ako magsasawa magthank you sa inyo.
Kahit na sobrang bagal ko haha! Thank you din dun sa mga sumasagot sa random
questions at sa mga nagshare ng kanilang experiences about lucid dreaming and sleep
paralysis.

Nga pala, magrerevise po ulit ako ng mga naunang chapters kasi noong mga panahong
sinisimulan ko to parang wala pang malinaw na direksyon na pupuntahan yung kwento.
Kaya ayun ieedit ko, pero di naman makakaapekto sa current flow ng story, gusto ko
lang ayusin. Di ko pa alam kung kelan ko mapopost. Yun lang. God bless.]

[Random Question: If you were Jill Morie, and you can see the future, anong sa
tingin mong gagawin mo ngayong nagkakandalecheleche na buhay mo? LOL]

/48/ Last Time

/48/ Last Time

"Miss Morie, gusto kong malaman mo na I am very proud na naging bahagi ka ng White
Knights Academy."

"You are?" hindi ko alam kung niloloko niya lang ba 'ko or what, pinatawag ako rito
sa headmaster's office para lang malaman 'yon? Masiglang tumayo si Mr.Melencio sa
kinauupuan niya at pinaupo ako sa sofa sa office's lounge, umupo rin siya kaharap
ko.

"Of course we are!" hindi talaga ko komportable, ito yung unang pagkakataon na
nakapunta ako rito sa opisina niya at umupo na parang bisita. "May magandang balita
ako sa'yo Miss Morie, I am very sure na magiging proud ang parents mo kapag nalaman
nila 'to. Four students from our Academy have been invited to study in one of the
prestigious and elite school that you can't easily find out there. And you are one
of them. Congratulations!" inabot niya yung kamay niya para sa pakikipagkamay,
nagdadalawang isip akong tanggapin 'yon. Dahil siguro sa excitement, hindi niya na
lang pinansin na hindi ko inabot yung kamay ko, may kinuha siya mula sa lamesita na
namamagitan sa sofa'ng magkaharapan, pagkatapos inabot niya 'yon sa'kin.

Gusto kong ibalik sa kanya yung envelope at umalis dito. Ganitong ganito yung sobre
na pinakita sa'kin ni Baldo kahapon. May seal din na kapareho nito. Black diamond
na may puting letrang 'M' sa gitna.

"Why don't you open it?"

Wala akong ibang magagawa kundi buksan 'yon, dahan-dahan at nanginginig yung kamay
ko, magandang senyales para kay Mr.Melencio dahil siguro akala niya natetense ako
dahil din sa excitement, pwes nagkakamali siya. Isang glossy trifold brochure ang
una kong nakuha, sa cover nito ay larawan ng mga estudyanteng nakangiti,nakasuot ng
uniporme na sa itsura pa lang ay alam mo ng hindi basta-basta, habang nasa
background ang isang magarbong building. Sa itaas ng brochure ay may magarang font
text na 'Mnemosyne Institute' at sa ilalim nito ang tila motto ng school na 'yon
'Conquering the Universe since 1999'

May isa pang papel sa loob ng sobre, isang liham.

'...you have been accepted to our school...'

"Pero hindi po ako nag-aapply sa school na 'to, how can they say na I have been
accepted? Bakit ako?"

"Mnemosyne Institute is a very prestigious boarding school, Miss Morie. Hindi lahat
nabibigyang oportunidad makapag-aral dito, tanging mga piling estudyante lamang ang
kinukuha nila personally bawat taon, I believe that you're chosen because you're
special. And those who attended were guaranteed a full scholarship including dorm,
books, uniform, and so on. Isn't that amazing?"

Literal na wala akong masabi, hindi ko na magawang sumagot dahil sa pagkabigla,


hindi dahil sa namamangha ako sa scholarship na 'yon. Ang tanga ko pa para itanong
kung bakit isa 'ko sa mga napili. He's right, I was chosen because I am special.

"I know you're surprised, Miss Morie." Not really. Kahapon pa 'ko nagulat nang
ipakita sa'kin ni Baldo yung ganitong envelope.

"I don't really know what to say, sir."

"Heh, don't worry hindi lang ikaw ang hindi makapaniwala. I understand na this is
too sudden, ni hindi pa nga nagsisimula yung mga entrance exams sa mga
universities, pero heto pasok ka na sa scholarship ng hindi na kailangan pang
dumaan at maghirap sa exams," Tuluy-tuloy siya sa pagsasalita, "Listen, Miss Morie,
this is the first time na kumuha ang Mnemosyne Institute ng delegates dito sa
academy natin, and this is a once in a lifetime offer. Aside from your scholarship,
makakatanggap din ng benepisyo ang ating paaralan at higit sa lahat mabibigyan ng
magandang reputation ang White Knights!" now I understand why he's so enthusiastic
about this.

"Paano po kung hindi ko tinanggap yung offer?" unti-unting naglaho yung malapad na
ngiti ni Mr.Melencio at halatang-halata na hindi sang-ayon sa posibilidad na hindi
ko tanggapin 'yon. "After all sabi niyo po apat kaming napili. Ibig sabihin po ba
okay lang kahit na hindi ako pumayag?"

"Miss Morie, I can't believe that you're saying that," bakas na bakas sa boses niya
yung disappointment, "how could you pass this great opportunity? There are other
students there na handang handa isuko ang lahat para lang sa ganitong bagay? Look
at Mnemosyne Institute's dictum- 'Conquering the Universe'-don't you want to be a
part of it?" No.

Mr.Melencio wouldn't understand that this is just another Memoire's trap! Smart
move. Ginagamit naman nila ngayon ang school.

"I appreciate your concern, sir." Kahit na reputation talaga ng academy yung
pinakainiisip mo kaya nagpupumilit ka, "I need some time to think about it sir."

"What? But Miss Morie this is-"

"And I hope you could respect my decision." Huminga siya ng malalim at hindi na
kumontra pa.

"Well then, the board will contact your parents to extend the offer. You can go
now. Have a nice day, Miss Morie. I hope you could make up your mind sooner."

"Thank you, sir." Dali-dali akong umalis sa lugar na 'yon, hawak ko pa rin yung
envelope. I still can't believe it. Now the White Knights is involved, pakiramdam
ko talagang desperado na sila sa gusto nila sa'kin. Pakiramdam ko rin palapit na
sila ng palapit. Saan ako pupunta? Hindi ko alam.

*****

"Excuse me?" pagpasok ko sa loob tumambad sa'kin yung mga upuan na nakapatong pa sa
mesa, ibig sabihin hindi pa bukas yung resto bar. Pagkatapos ng practice namin nila
Enriquez kaninang tanghali, hindi na ako nag-atubili at agad akong pumunta sa C'est
La Vie.

"Ay naku miss, mamayang gabi pa bukas namin." Sabi nung lalaking dumating mula sa
staff room, tsaka ko lang napansin na si Finnix 'yon, "Jill Morie? Ikaw ba yan?"
gulu-gulo yung kulay kapeng buhok niya, nakasuot siya ng uniporme at naka-apron,
"Pasensya ka na, hindi kagad kita nakilala." Kakamut-kamot at nakangisi niyang
sabi, "Maupo ka, Jill." Binuhat at binababa nya yung upuan na nakataob sa mesa
atsaka ko umupo.

"Salamat."

"May maitutulong ba 'ko sa'yo?" Tinanggal niya yung apron na suot niya

"Gusto ko sanang makausap si Seraphina tsaka kayo. Mukang naabala pa ata kita."

"Hindi, ayos lang naman. Wala pa kasi si Seraphina eh. Tungkol saan ba yung gusto
mong pag-usapan?" hindi ko maiwasang mapatitig dun sa pulang linyang tattoo na nasa
pisngi niya, ngayon ko lang naisip kung bakit nga ba meron siyang ganon sa pisngi.

"Kay Seraphina ko kasi sana gustong sabihin muna. Masyado kasing kumplikado." Sabi
ko, "Nasaan sila Cecilia? Tsaka yung iba?" tanong ko.

"Si Jing, tulog pa yon panigurado, langung-lango na naman siya kagabi eh," sa boses
pa lang ni Finnix bakas na bakas yung pagkakunsumisyon, "Si Otis naman nasa San
Isidro, inaayos yung perya kasama si Pascal. Si Cecilia nasa palengke doon siya sa
pwesto ng mga nagbebenta ng kapalaran ng tao. Si Madam Seraphina naman nasa
eskwelahan."

"Eskwelahan?"

"Oo," halatang nag-aalangan siya sa sasabihin niya, "nag-aaral kasi si Seraphina


eh."

*****
"Nagulat ka ba?"

"Hindi naman."

Magkasama kami ngayong naglalakad ni Seraphina galing sa isang pampublikong


elementarya malapit lang din sa Bayan, malalakad mula sa C'est La Vie bar. Nakasuot
din siya nung kupas na unipormeng amoy lapis, puting blusa at asul na palda.
Sinundo ko siya roon matapos ituro sa'kin ni Finnix kung nasaan siya.

Tumawa si Seraphina.

"Hindi mo ba tatanungin kung bakit ako nag-aaral?" hindi na niya ko hinintay


magsalita, "May mga taga child welfare kasi na kumukuha sa'kin, kesyo raw
pinapabayaan lang ako nila Jing, kaya ayun para tigilan na nila kami nag-aaral ako
para matanggal din yung suspetya nila na 'child labor' daw." Natawa na naman siya,
yung tawa na akala mo kinikiliting bata. "Hay nako, alam mo ba Jillianne,
pinapatawag na naman ang 'magulang' ko sa school kasi inaway ko yung kaklase ko,
nakakaasar kasi napakaisip bata." Muntik ko ng makalimutan na hindi naman talaga
bata si Seraphina, isa siyang nilalang na nakulong sa katawan ng bata, kaya
aakalain ng iba na matabil ang pananalita niya. Kung alam lang nila.

Napansin niya ata na hindi ako umiimik. "May problema ka ba, Jillianne?"

"Wala naman."

"Base sa nakikita ko sa itsura mo parang ang bigat-bigat ng dinadala mo."

"Seraphina."

"Hmm?"

"Diba... Diba kaya mong kontrolin yung oras? Pwede mo bang ibalik yung oras? Yung
oras na hindi ko pa nakukuha 'tong kapangyarihan ng mga mata ko."

"Oo, kaya kong kontrolin ang oras. Pero hindi ko na pwedeng gawin yang hiling mo. I
was given a power to stop, play, rewind and flash-forward the time, maraming beses
ko ng ginawa yang hiling mo noon, hindi ko alam naobssess ako sa oras, kada isang
pagkakamali binabalik ko yung nakaraan para itama ang lahat, pero napagtanto ko na
hindi pala solusyon yon, hindi pala solusyon na porque nabalik ang kahapon at
naitama ang pagkakamali magiging maayos na ang kinabukasan." Tumingin siya sa'kin,
"Nababagabag ka dahil sa kapangyarihan mo no? Iniisip mo na sana ginamit mo yang
kapangyarihan mo para hindi nangyari yon o kung ano pang dahilan. Wag kang mag-
alala, ilang beses ko ring naranasan 'yan."

"Duwag ba 'kong matatawag kung ayokong tingnan ang bawat mata ng isa para malaman
kung may mangyayaring masama sa kanila?"

Umiling siya.

"Jillianne katulad ng sinabi ko kanina, nakikita mo man ang mga mangyayari sa


hinaharap, kung mababago mo man ang kapalaran ng bawat isa, hindi ibig sabihin
noon ay magiging maayos na ang kinabukasan."

Hindi namin na namalayan na nakabalik na kami ng C'est La Vie bar, pagpasok namin
doon ay tumambad si Jing Rosca.

"Look who's here." Sabi niya in a very unwelcome tone, "Jill Mor-oy Seraphina!"

"Jing!" sumugod si Seraphina kay Jing Rosca, kumapit sa paanan nito. "Pinapatawag
na naman ang magulang ko sa eskwelahan, Jing! Please last na 'to!"

"Na naman?!" dumagundong yung boses nito, "Pang-ilang beses na ba 'to?


Napakapasaway mong bata ka!"

"Hindi ko naman kasalanan, nakakabwisit kasi yung kaklase ko eh!"

"Baliw ka?! Siyempre bata yon! Eh ikaw? Ang tanda-tanda mo na pumapatol ka pa sa


bata!"

Nakatayo lang ako rito at tinitigan silang dalawa. Amusing.

"Sige na naman Jing, magpapanggap ka lang naman na ulit na nanay ko eh!"

"Sawang sawa na ko magpanggap na nanay mo! Leche ka!"

"Sige na, mommy!"

"Kinikilabutan ako sa'yo! Wag mo kong matawag-tawag na 'mami' e di hamak na mas


matanda ka pa saken! Ha!"

"Jing. Seraphina." May nagsalita dahilan para tumigil sila sa pagsisigawan. Maya-
maya'y sumulpot sa harapan namin si Pascal, kakagaling sa labas kasama si Otis,
tinuro ako ni Otis. Humalukipkip lang si Jing Rosca.

Tumikhim at sumeryoso si Seraphina, "Pasensya ka na hija. Tutal andito na sila


Otis. Doon tayo sa loob ng staff room." Sumunod kaming lahat sa kanya. Hindi pa
dumadating si Cecilia, tapos si Finnix hindi ko alam kung nasaan na.

Gusto ko sanang tanungin kung kay Seraphina kung siya rin ba yung may-ari ng bar na
'to. Hindi ko na natanong kasi ayan na naman si Jing Rosca, lukut na lukot yung
muka pagdating sa'kin.

"Alam kong sobra-sobrang abala yung dinudulot ko sa inyo pero kayo lang ang
maasahan ko, wala akong ibang pwedeng hingan ng tulong kundi kayo lang."

"Jillianne, hindi ba't sinabi ko na sa'yo noon pa. Kakampi mo kami. At handa ka
naming tulungan."

"Someone sent this to me." Inabot ko sa kanya yung note na natanggap ko kahapon.
'Keep your eyes open. Smell a rat 12-16' "May kasamang Begonia flower yung note na
yan. I know na hindi naman 'to basta prank lang. May isang tao na nagbibigay babala
sa'kin na may mangyayari sa 12-16 which is December Sixteen. Kinukutuban ako ng
hindi maganda kaya gusto ko sanang nandoon kayo sa araw na 'yon.".

"Naiintindihan ko, Jillianne. Walang problema." Naniniwala ako sa kapangyarhan


nila.

"Maraming salamat." Binalik niya sa'kin yung note. Gusto kong magpasalamat kasi
hindi kumontra at hindi sumabat kanina si Jing Rosca.

Akala ko lang pala, "Kagaya nga ng sinasabi ko, maaga pa para magpasalamat. Jill
Morie."
*****

"Una sa lahat gusto kong icongratulate yung buong section natin," nagsasalita si
Ireneo sa harapan katabi si Celine ang class secretary, isang hapon matapos ang
huling rehearsal dito sa loob ng theatre room. Finally natapos na rin namin yung
paghahanda para sa stage play na ipapalabas sa unang araw ng cultural festival
which is the day after tomorrow na. "I hope maging successful yung performance
natin at maging sulit lahat ng hardships na pinagdaanan natin." Walang umiimik,
tahimik lang kaming nakikinig sa kanya, "Though may hindi magandang nangyari, we
still managed to finished the play. I want you to give your best guys."

After Ireneo, Celine moved forward, "Guys, I asked Ireneo about this at pumayag
naman siya, gusto niyo bang mag celebrate after ng performance natin sa play? I
mean, para siyang party, Christmas party actually. You know guys... we never done
it before diba? Gusto ko sana kahit man lang sa huling year natin sa senior high
maranasan natin yung ganon, for the whole time ata ng highschool natin wala tayong
ibang ginawa kundi mag-aral, mag-away, and so on. I want at least this year may
maiwang memory sa'ting lahat like spending time together aside from school
activities. So... sino'ng sang-ayon?"

I raised my hand.

"Morie?"

"Celine's right."

"Pero Morie, paano si Penelope?"

"Wala namang may ginusto na maaksidente siya." hindi sila sumagot, "Hindi niyo ba
narinig yung mga sinabi ni Celine? She wants the party for our sake as well; there
are too much worst memory and we already suffered losing someone important" I'm
pertaining to Lucille, my best friend who died, "Don't you think it's fine?"

"I-" nagulat ako nang tumayo rin bigla si Lily, "I also agree." Hindi lang siya
makatingin ng diretso, "I think Penelope would be happy for us."

Domino effect, parang magic. The others agreed as well.

*****

"I'm sorry." Hindi ko alam kung bakit ako nagsosorry, pero pakiramdam ko ang laki
ng kasalanang nagawa ko sa kanya, "I'm sorry, Penelope. Sorry sa inyo ni Stephen."
Nakaupo ako katabi ng kama niya habang tinitingnan ko ang mapayapa at nahihimbing
niyang mukha, "I don't know why I feel sorry for you but... I think I'm responsible
for this," katulad ng kay Stephen. "Kung nakita ko lang sa mga mata mo 'yon, sana
nailigtas kita. Naririnig mo kaya ako?"

Maya-maya'y lumabas na 'ko ng silid, nakita kong nakaabang si Mrs.Cruz, ang nanay
ni Penelope. Nilapitan niya ako, "Hija, maupo tayo saglit." Wala akong maisip na
dahilan kung bakit ako gustong kausapin ni Mrs.Cruz, basta umupo na lang kami
pareho sa bench sa may hallway.

"Bakit po?"

Imbis na sumagot ay may inabot sa'kin si Mrs.Cruz, cell phone ni Penelope, "Hija,"
hinawakan niya bigla yung isang kamay ko, "naniniwala ako na hindi nahulog lang
basta sa hagdan ang anak ko." nangingilid ang luha ng ginang.

"Ano pong ibig niyong sabihin?"

"Hindi nahulog ang anak ko sa hagdan, hija, may tumulak sa kanya."

"P-po?" hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Bigla kong naalala yung sinabi ni
Enriquez noong isang araw.

"Do you really think na naaksidente siya?"

"Tignan mo, hija," pinabukas niya sa'kin yung cell phone, at tinuro ang message
box, may isang draft message na hindi na-send. "Ikaw si Jill hindi ba? Yung oras na
nakalagay, yung oras bago siya mahulog sa hagdan."

Muntik ko ng mabitawan yung phone nang mabasa ko yung

"Draft message: Jill, kailangn mng pmnta r2, kailangn mng mlamn, ung blg, c llpy t
mpers nhuudap sla 2nkl sq blphg mp, c mpssr ssnkl nay q, c mopsd myg wa ngb bkqg
mp"

Jill, kailangan mong pumunta rito, kailangan mong malaman, yung blog... Pagkatapos
hindi ko na maintindihan yung mga sumunod na nakalagay. What the hell is this?

Penelope saw or heard something... Na tungkol sa blog. Pagkatapos... Tinulak siya


sa hagdan to keep her mouth shut.

"Do you really think na naaksidente siya?"

Enriquez knew something.

Pero magkasama kami bago mangyari yon.

*****

The curtain was pulled down, then hinila ulit iyon pataas at makikita ang mga
actors na magkakasama at magkakahawak kamay, they all bowed at sinundan yon ng
masiglang palakpakan mula sa mga manonood.

The children cheered, siguro mga sixty percent ng audience namin ay mga elementary
pupils at middle school students, pero hindi na rin masama, successful ang play.
Binati kami at pinuri ng mga teachers pagkatapos, and I think hindi naman nasayang
lahat ng efforts ng bawat isa dahil naging maganda yung kinalabasan.

First day of cultural festival, the opening was superb, and you can't imagine how
the dull White Knights Academy turned into a lively place. Wala ng poproblemahin
yung klase namin dahil tapos na kaming magparticipate, after ng Night Out Christmas
vacation na and I can really feel their excitement about that.

Nagkanya-kanya ng gala sa bawat boots yung mga kaklase ko, mamayang hapon pa
magsisimula yung Christmas party na inihanda nila katulad ng napag-usapan noong
isang araw. I already bought a gift sana magustuhan 'to ng sinumang makakabunot sa
exchange gift, aside from that wala na akong ibang alam na plano nila Ireneo para
sa party.

"Jill! Gala tayo dun sa boots ng mga juniors!" pag-aaya sa'kin ni Aya na hyper na
hyper, ni hindi pa nga siya nakakapagpalit ng costume eh, nasa likuran niya sila
Baldo at Tadeo.

"Sorry Aya, may practice kami nila Enriquez." Sabi ko, nalungkot si Aya at buti na
lang nakaramdam si Tadeo.

"Ehh! Jill naman, please!"

"Aya babes, busy si Morie men, tayong tatlo nalang nila Baldy men ang gumala."

"Aya babes mo muka mo, gusto kong makasama si Jill!" mas humigpit yung kapit sa'kin
ni Aya, parang batang nagta-tantrums. "Nalulungkot ako! Hindi na nga pumapasok si
Stephen, tapos si Penpen naaksidente! Ito na nga yung last na cultural festival na
mararanasan natin, kulang-kulang pa tayo!" she's about to burst crying pero
pinigilan ko siya.

"Okay, okay, wag ka ng iiyak, Aya, pero I can't go with you guys for whole day, may
practice talaga kaming nakaset mamaya.Tsaka magkikita pa tayo mamayang hapon para
sa party, right?"

"Yehey!" para talagang bata si Aya, pagkatapos tumakbo siya habang hila-hila ko,
"Oy, Tadeo kups at Baldy! Mahuli may tae sa pwet!"

Nag-ikut-ikot kami sa loob ng campus, pinasok namin ang bawat classroom na may
kanya-kanyang gimik. Sana nga kasama rin namin ngayon sila Stephen at Penelope.
Hindi ko alam kung makakaya ko bang ipaliwanag kila Aya ang totoong sitwasyon na
kinalalagyan nila. Someone's pulling the strings behind, and I can't let him or her
anymore to hurt Aya and the others.

It was fun and yet tiring, hindi pa man namin nalilibot lahat ng floors at mga
tents na nasa ground, kailangan ko na munang magpaalam sa kanila. Nag-aaway na
naman parang aso't pusa si Aya at Tadeo.

"Kapag kayo hindi tumigil sa pag-aaway dadalhin ko kayo Marriage booth!" pananakot
ni Baldo, na ngayon lang 'ata nagsalita dahil kanina pa siya tahimik.

"Yuck! Baldo! Magtigil ka nga!"

"Men! Wag kang ganyan kinikilabutan ako, kunwari ka pa eh gusto mo lang naman na
kayo ni Lexi mo ang magpunta ron, haha!"

"Guys," sumingit ako, "I need to go now. Magkita-kita na lang tayo ulit mamayang
four pm." Paalam ko. Tumango na lang sila, nakahinga ko ng maluwag ng hindi na
umangal at nangulit si Aya. "See you later."

Papasok ulit ako ng building nang mapansin ko na nakaupo siyang mag-isa sa isang
bench, mukhang hindi siya okay dahil naka-ukot siya habang hawak ang sentido.
Lumapit ako.

"Morris?"

Tumingala siya at nakita ko.

"Jill."

"Anong nangyari sa'yo?"

"Wala. Masakit lang yung ulo ko."

"Gusto mo bang samahan kita sa clinic?" ugh, pwede ko bang i-undo yung sinabi ko?

"Sige." I'm not expecting that, usually when you offered someone to take them to
the clinic they'll say no. Tumayo na siya. Mukhang hindi nga talaga siya okay.

"Jill!"

Shit. May practice pa nga pala kami ni Enriquez.

"Jill! Where have you been? Kanina pa nagstart yung practice." Di ko namalayan na
nakalapit na pala si Enriquez sa'ming dalawa.

"Papunta na talaga ko, sorry kasi kinulit ako ng kaibigan ko na sumama saglit sa
pagggala."

"I see." Nakatingin siya sa'ming dalawa ni Morris. "Let's go."

"But-" tumingin ako kay Morris, nakatingin lang siya kay Enriquez.

"Kanina pa kami naghihintay sa'yo. Tara na." hindi ako nakaangal ng hilahin niya
'ko bigla papalayo roon, papalayo sa kinaroroonan ni Morris, na nakatitingin lang
hanggang sa mawala kami sa paningin niya.

*****

Sa roof top nila naisipang ganapin yung Christmas party. Bilib din ako sa
cooperation ng mga kaklase ko, within two days nagawa nilang i-manage na magkaroon
ng ganitong party? I mean, look, everything's prepared, the food, arrangement,
gifts and so on. Tapos himalang napapayag nila yung school na gamitin 'tong roof
top para sa party until eight pm. Amazing.
They want Miss Karen to attend the party too, narinig ko kanina na pinuntahan siya
ng mga kaklase ko sa Art room para imbitahin pero they were rejected. Hindi sila
sumuko, they thought a plan, kunwari may mag-aaway sa roof top, tapos pipilitin
nilang papuntahin si Miss Karen, pretty cool huh, hindi ko alam kung kakagatin ni
Miss yung patibong nila.

"Okay, Tamaki kayang-kaya mo naman sigurong bugbugin si Tadeo diba?"

"Hoy, seryoso? Bubugbugin talaga ko ni Senji men? Akala ko ba palabas lang?!"

"Tadeo, mas convincing pag may dugo at pasa effect."

"Mga pakyu kayo, gusto niyo bang mabasag handsome face ko?!"

"Kapal mo boy! Oy, game na! Bababa na sila Celine, mag-suntukan na kayo!"

"Hoy Senji men, palabas lang 'to wag mong seryoso-"

"Tamang-tama ang tagal ng hindi nakakatikim ng sapak tong kamao ko."

"Meeeen! Wag!"

Nakaupo lang ako at pinanonood sila sa 'act' nila, kunwari nagkakagulo-gulo sila,
yung iba tawa lang ng tawa, tapos si Ireneo akala siguro totoong nagbabanatan sila
Tamaki at Tadeo kaya ang OA kung umawat. Maya-maya dumating bigla si Miss, poker
face pa rin siya kahit may 'nagpapatayan' na,

"Anong nangyayari?"

"HI MISS KAREN! SURPRISE! JOKE LANG PO 'TO HAHAHA."

Sa huli wala na siyang nagawa dahil hindi na siya pinaalis ng mga kaklase ko.

Bago magsimula ang party, naglead ng prayer yung isa kong kaklase. Hindi naman
ganoon kabongga yung party na inihanda nila Celine, simple lang tapos may kaunting
pakulo na games. Pinipilit nila kong sumali pero pilit akong tumatanggi, wala lang,
hindi naman sa KJ ako pero... mas nag-eenjoy akong panuorin sila. Nakikita ko lang
na masaya sila, masaya na rin ako, the feeling is weird tho, I want to reach them
pero siguro mas magiging okay ako sa ganito.

Magdidilim na nang buksan nila yung mga ilaw sa roof top. Nakaready na rin yung
boodle fight na kanina pa nila inihanda, bilib na talaga ko sa organizers ng party
na 'to. Nagdasal ulit bago kumain, then kanya-kanyang banat na sila sa pagkain, we
washed our hands before siyempre. Doble doble ang kahyper-an ni Aya, nalimutan ata
na hindi namin kasama si Stephen at Penelope.

Basta maingay, magulo, pero masaya. Like what Celine said, this is the first time
that we did this together and... definitely the last time.

Nakatitig lang si Miss Karen sa mga estudyante niya, nakaupo sa isang tabi at
walang emosyon sa mukha. Maya-maya nilapitan siya ng mga kaklase kong babae,
inabutan ng plato na may laman na pagkain, akala namin hindi niya 'yon tatanggapin
at hindi lang ako ang nasurpresa nang kumain siya. Kung talagang wala siyang
pakialam, dapat kanina pa siya umalis, pero magdadalawang oras na kasama pa rin
namin siya. Narinig ko pa na sinimulan na siyang kulitin ng mga kaklase ko, na
hindi naman karaniwang nangyayari noon.

"Miss, nagkaboyfriend ka na po?"


"Ano pong favourite niyong kulay?"

"Saan po kayo nagcollege? Dean lister po siguro kayo" and you can imagine every
curious teenager's question. Kahit na hindi siya sumasagot, she's just listening to
her students which is sapat na.

As usual, nag-aaway na naman si Aya at Tadeo, pumapagitna sa kanila si Baldo na


katabi si Alexi na nakapatong ang isang kamay sa balikat nito. Himalang
nakikipagbiruan si Ireneo sa iba kong mga kaklase, si Ayton, bully pa rin. Si Lily,
well, ayun katabi si Morris.

Last part ng program yung bigayan ng gifts, bago magsimula yung party nagbunutan
na. Sabay-sabay naming binuksan yung regalo, nakatanggap ako ng music box, walang
pangalan kung galing kanino at hindi ko na inalam kung kanino galing.

"Thank you," natahimik kami ng may nagsalita, "thank you for inviting me to your
party." Nakatingin lang kami kay Miss Karen, hindi makapaniwala kasi ngayon lang
siya nagsalita ulit. "I enjoyed spending time with you. I'm sorry kung wala akong
naibigay na regalo."

"Can I... Can I have a request?" may isang kaklase ako na nagtaas ng kamay, "You
can consider this as a gift to us sana. Can you please smile to us? I mean... we
just want you to see smile."

Lahat kami naghihitay, nakatingin lang si Miss sa'min, walang nakakaalam kung anong
tumatakbo sa isipan niya pero... Nakita namin na pumikit siya saglit at dumilat.

"I see." Sabi niya. Unti-unting sumilay sa labi niya ang isang ngiti, ngiti niya na
hindi pa namin nakikita noon. A sincere smile.

Biglang may nagflash galing sa isang camera.

"Ayos men napicturan ko hahaha!"

They all cheered.

"Okay, okay, bago ma-expired yung ngiti ni Miss Karen, mag groupie na tayo guys!"
kasing bilis ng kidlat pumunta sila sa kinaroroonan ni Miss para magpicture. Inayos
nung isa kong kaklase yung tripod at sinet yung timer nung camera.

"Jill enebe di ka masasama sa pic!" hinila lang ako ni Aya papunta roon,

"Three, two, one, cheese!"

Sunud-sunod na nagflash yung camera.

"Merry Christmas guys!"

Why? Bakit ganito yung nararamdaman ko? I'm happy but... Parang... parang ito na
yung huling pagkakataon na makakasama ko sila.
<///3

[GUYS. HI! 79 days na langg Christmas na! So, ayun, pasensya na ulit kung matagal
ud haha! Again and again, THANK YOU PO ULET, agang pamasko naman nito! Haha!
SAlamat talaga! Sa mga nagbabasa, nagkocomment until now! Mabuhay kayo! Haha

So, binibigyan ko na kayo ng warning na ang mga sumusunod na chapter ay.....


secret! LOL. Basta pakihanda na ang sarili. Nararamdaman niyo naman siguro kung
bakit 'last time' yung title neto, last time na magsasaya sila, LOL.

[Eto na ang random question for this chapter (thank you pala dun sa mga sumagot
last time, hihi: Naramdaman niyo na ba yung sobrang saya niyo pero hindi niyo
maexpress kasi masaya kayo at the same time nalulungkot kasi parang hindi na ulit
mangyayari yon?]

God bless you guys. Finals na, I wished you all good luck! :D

pps. naedit ko na po yung chapter one at prologue.pacheck na lang para sa may mga
pake XD

/49/ Huling Sayaw

Ang nakaraan sa The Peculiars' Tale, kabanata apatnapung walo:

Nakatanggap din ng scholarship galing sa Mnemosyne Institute si Jill Morie, katulad


nang ipinakita sa kanya ni Baldo. May isang nilalang na nagpadala ng babala kay
Jill para sa darating na Ikalabing anim ng Disyembre, kaya naman hindi na siya nag-
atubili na pumunta at humingi muli ng tulong sa Carnies.

Dinalaw niya ang kaibigang si Penelope sa ospital at napag-alaman mula sa ina nito
ang tungkol sa hindi maintindihang draft message at sa paniniwalang hindi
naaksidente ang anak.

Nagsimula na rin sawakas ang school festival at naging matagumpay ang dula nila,
matapos nito ay pinagdiwang nila ang Christmas party sa roof top, ngumiti na rin
sawakas si Karen Italia bilang isang regalo. Masayang nagtapos ang kabanata ngunit
nangangamba pa rin ang ating pangunahing tauhan.
/49/ Huling Sayaw

"Are you ready people of White Knights?!"

Hiyawan ang maririnig na sagot mula sa mga tao. Kakasimula pa lang halos ng Night
Out, pasado ala sais at madilim na ang buong kalangitan. Sa tantiya ko puno na at
marami ng tao ang nandoon, minsanan lang naman kasi yung ganitong pagkakataon sa
White Knights lalo pa't bukas ang event kahit taga-labas. Mas lumakas ang hiyawan
nang tumugtog yung banda.

They told him don't you ever come around here

Don't wanna see your face, you better disappear

The fire's in their eyes and their words are really clear

So beat it, just beat it

Rinig na rinig sa buong school yung ingay na nagmumula sa central ground, lalo na
ang ugong ng mikropono at tunog ng banda na nasa entablado samahan pa ng matinding
hiyawan ng mga estudyante na animo'y nakawala sa selda, well, dahil bakasyon na
kinabukasan at wala ng iintindihing exams. Huling araw din ng pagpasok sa school,
yeah, hello Christmas vacation. Iisipin ko na naman ngayon kung anong gagawin ko sa
bakasyon, mabuburyo na naman ako mag-isa nito sa apartment panigurado, habang si
manang Fe-ah wala na nga pala si manang Fe, ang ibig kong sabihin, hindi na siya
nagpakita sa'kin matapos ko siyang komprontahin tungkol sa mga gamot ko.

...No one wants to be defeated

Showin' how funky and strong is your fight

It doesn't matter who's wrong or right

Just beat it, beat it...

"Kyaaaaah!"

"Hoy Mariah, ano ba namang kyaah na yan, nakakairita! Akala mo cute ka na nyan!"
"Tse, Baldo!" humarap siya sa'kin pagkatapos, "Oh my gosh, Jill! Kakanta ka na
talaga mamaya?! Oh my gosh as in O-M-G talaga! Akala ko ba tinanggihan mo si Miss
M? Shems! Kailangan kitang mapanuod at mavideohan mamaya! OMG. OMG." As usual na
mataas ang energy ni Aya, lalo na nang nalaman niya na magpaparticipate ako. Hawak-
hawak niya pa yung videocam na hiniram niya kanina sa kaklase ko kahit na
naglalakad kami, kasama sila Tadeo at Baldo, papunta sa homeroom, galing kami ng
theatre room, nag-aayos kasi kami kanina ng pinagkalatan namin noong play.

"Ano namang nakain mo at nagbago yung isip mo, Jill? Diba hindi ka naman mahilig
sa exposure?" pangungulit ni Aya sa'kin at tinapat pa yung video cam sa mukha ko.
"Dali, kunwari interview, hahaha tapos ako yung press."

"Adik mo babaeng manok." Akma pang babatukan ni Tadeo si Aya.

"Wala naman." Sabi ko. Kung alam lang nila na napapayag talaga ko dahil sa
kundisyon ni Enriquez, pero kung tutuusin, parang nalugi ako dahil wala naman
kaming napala noong pinuntahan namin yung lumang mansion. Speaking of Enriquez,
pinapupunta niya na ko ngayon sa backstage para mag-ayos, kanina pa niya ko
tinatadtad ng tawag at text messages.

"Ahh." Tatangu-tangong sabi ni Aya, halatang hindi kumbinsido.

"Talaga bang manunuod kayo mamaya?" ang lame lang ng tanong ko.. Na sa akin pa rin
yung note ng Begonia flower: 'Keep your eyes open. Smell a rat 12-16' It clearly
stated a warning dahil may mangyayari o-hindi magandang mangyayari. At ngayon yung
araw na 'yon, December Sixteen.

"Oo naman, Jill men, bakit hindi?"

"Haler! Jill! Siyempre ever supportive friends kami kaya pupunta ang buong klase,
gagawan ka namin ng banner na 'WE HEART YOU JILL'."

"Pahiram nga saglit, gagawa ako ng music video, bwahaha." Inagaw ni Tadeo mula sa
kamay ni Aya yung video cam.

"Akin na yan! Ako naunang nanghiram nyan eh!" tumakbo si Tadeo, hinabol naman siya
ni Aya hanggang sa mawala silang dalawa sa paningin ko. Naiwan kaming dalawa ni
Baldo. Tahimik lang kami pareho kaya nangingibabaw na yung ingay na nagmumula sa
central ground.

... beat it, beat it

No one wants to be defeated

Showin' how funky and strong is your fight

It doesn't matter who's wrong or right...

"Baldo."

"Jill."
Nakakatawa dahil halos sabay naming tinawag yung isa't isa.

"Sige, ikaw muna." Sabi niya sa'kin.

"Tungkol sa scholarship." Sabi ko sa kanya habang naglalakad kami, "Pinatawag din


ako noong isang araw, katulad nung iyo, binigyan din ako ng imbitasyon na mag-aral
sa Mnemosyne Institute. Tinanggap mo?"

"Bakit naman hindi?"

"Baldo, hindi mo-"

"Hindi ganon kayaman ang pamilya namin, Jill. Medyo maswerte lang ako dahil
nakapag-aral ako rito sa White Knights. Bakit tatanggi pa ko sa biyaya na binibigay
na sa'kin?"

"Alam mo ba ang dahilan kung bakit binigyan ka nila ng scholarship?" hindi siya
kaagad nakasagot, hinihintay ko kung anong sasabihin niya pero ngumiti at umiling
lang si Baldo.

"Dapat pala kong magpasalamat dahil ganito ako, kung hindi siguro, hindi ako
bibigyan ng pagkakataon na makapag-aral doon."

... beat it, beat it, beat it

No one wants to be defeated

Showin' how funky and strong is your fight

It doesn't matter who's wrong or right...

Sasagot pa sana ko nang tumunog bigla yung cellphone na nasa bulsa ko,
nagdadalawang isip pa 'ko na sagutin yon dahil unregistered number, naalala ko lang
bigla yung unknown caller na tumatawag sa'kin noon, sa huli napindot ko pa rin
yung answer button.

"Si Jing 'to, nandito kami sa tapat ng main building kasama ko sila Otis at Finnix.
Magkasama sila Pascal Cecilia at Seraphina. Wala pa kaming napapansing kakaiba,
pinapasabi ni Seraphina." Iyon lang at bigla niyang binaba yung tawag. What the
heck.

"Magandang gabi White Knights! Thank you!" The first song ended and it quickly
followed by another introduction. "Guys, kung alam niyo yung kakantahin namin
please makisabay kayo, thank you!"

Haharapin ko ulit si Baldo kaso bigla siyang nawala. Iniwan na lang niya ko rito
basta? Naglakad na lang ako mag-isa papunta sa homeroom namin. Malinaw mula sa
sinabi ni Baldo, aware siya na hindi siya pangkarinawan katulad ng ibang tao, may
alam siya tungkol sa mga Peculiar, at alam niya na... isa ko roon.
"...hindi maganda yung aura na nakikita ko sa kanya....Hindi lahat ng tao kayang
makakita ng kulay na bumabalot sa kapwa niya tao...Sa kaso ko, hindi ko na maalala
kung kailan pa ko nagsimulang makakita ng aura pero parang normal na lang sa'kin
yon ngayon"

Napahinto ako bigla sa paglalakad nang maalala ko yung insidente sa perya, noong
hininto ni Seraphina ang oras, "Tanging mga Peculiar lang ang nakakagalaw sa
ganitong pagkakataon."

That time, nakakagalaw din si Baldo at may dalawang posibilidad na nangyari;


narinig niya yung pinag-usapan namin sa tent, at maaari rin na nagkita sila ni
Magnus na nagpanggap na Stephen. Alin man sa dalawang yan ang nangyari nga, bakit
hindi nagsalita si Baldo? Bakit hindi niya sinabi sa'kin? Bakit?

Nagmadali na 'ko sa paglalakad hanggang sa marating ko yung homeroom. Pagbukas ko


ng pinto wala ng tumambad sa'kin doon maliban sa kanya, maliban kay Morris.

Nagtatanong

Bakit mahirap

Sumabay sa agos

Ng iyong mundo...

"Nasaan sila?" tanong ko.

"Nauna na sila kanina pa sa grounds." Sagot niya habang nakaupo lang sa pwesto
niya.

"Ah. Sige." Tumango ako at akmang aalis.

Nagtataka

Simple lang naman sana

Ang buhay

"Jill." Nang tawagin niya ang pangalan ko, lumingon ako sa kanya. Tumayo siya sa
kinauupuan niya at dahan-dahang lumapit sa'kin. Hindi ko alam pero bigla akong
napaatras nang mamalayan ko na nasa harapan ko na siya. Ipinakita niya sa'kin yung
hawak niya, yung imbitasyon mula sa Mnemosyne Institute, sinasabi ko na nga ba at
isa rin siya sa apat na napili. "Alam ko nakatanggap ka rin ng ganito."
Kung ika'y matino

"Oo."

Sabihin sa akin lahat ng lihim mo, Iingatan ko

"I can feel them, they're here already."

"Ikaw ba yung nagpadala nung note?"

"No matter what happen-"

"Hindi ako sasama sa kanila, Morris."

"Alam ko."

Hindi ko alam kung saan papunta yung usapan naming dalawa, bakit ba siya nandito
anyway? Sinadya ba niyang magpaiwan dahil alam niyang darating ako o-hindi?

"Gusto kitang protektahan, Jill."

Ibaling sa akin ang problema mo

"Salamat."

Kakayanin ko

"Pero hindi ko alam kung paano ka mapoprotektahan."

"Tell me everything."

"What?"

"Kung gusto mo kong protektahan, then tell me, tell me everything you know, ngayon
na."

"Jill-"

Pikit mata
Kong iaalay

Ang buwan at araw

Pati pa sapatos kong suot

"Marami akong hindi alam, Morris, minsan hindi ko na alam kung sinong kakampi sa
hindi. Minsan hindi ko alam kung ano ang totoo."

"Pinagdududahan mo na ba 'ko ngayon?"

"Oo. Matagal na."

"Mahal kita Jill."

Nagtatanong

Simple lang naman sana

Ang buhay

Kung ika'y lumayo

Gusto kong tumawa sa sinabi niya pero nakakunot lang yung noo ko, "Naririnig mo ba
yang sinasabi mo?" what's the point of telling that?

Sabihin sa akin lahat ng lihim mo

Iingatan ko

"Mahal pa rin kita hanggang ngayon, Jill. Natatawa ka dahil dalawang taon na yung
lumilipas, pero seryoso ako. Ngayon ko lang nasabi sa'yo dahil-"

"Dahil? Morris, ano man ang dahilan, sa tingin mo magiging maayos ang lahat ngayon
dahil sa pagmamahal mo? Hindi."

Ibaling sa akin ang problema mo

Kakayanin ko

"Gusto mo bang malaman?" binitawan niya na 'ko, "Gusto mo ba talagang malaman yung
totoo?"

"Oo, matagal ko ng gustong malaman kung ano man yang katotohanan na yan."

"Lucille said!" bigla naman niya kong hinawakan ng mahigpit sa magkabilang balikat,
"Lucille said we can't be together-"

"George!" bigla siyang dumating mula sa kung saan at pilit kaming pinaghiwalay,
tumingin sa'kin si Lily, "Jill!"

Inaasahan ko na magiging histerikal si Lily sa nakita't narinig niya kanina lang,


pilit niyang hinihila palayo si Morris, inaasahan ko na rin yung mga salitang
ibabato niya sa'kin, pero wala. Ang tanging sinasabi niya lang na paulit-ulit.

Sabihin sa akin lahat ng lihim mo

Iingatan ko

"Umalis ka na Jill." Sabi ni Lily, "umalis ka na!" Kahit na sagabal ang lakas ng
musika sa paligid, malinaw sa pandinig ko na may bahid ng pangamba at pag-aalala
ang utos niya.

Ibaling sa akin ang problema mo

Kakayanin ko

Sinunod ko na lang yung sinabi niya, lumabas ako ng homeroom at naglakad palayo
roon, wala na kong ibang narinig mula roon, nangibabaw na naman ang ingay na
nililikha ng musika. Bigla na namang tumunog yung cellphone ko at kaagad ko 'yong
sinagot.

"Hello? Jill? Umalis ka na dyan." si Enriquez.

"Sorry, papunta na nga ko dyan."

"Nasaan ka na? Kanina pa kita tinatawagan, pumunta ka na rito ngayon na. Malapit na
tayo."

"Oo. Eto na." naputol na yung tawag. Gusto kong isipin na walang nangyari kanina.
Pababa pa lang ako ng hagdan nang tumunog na naman yung cellphone ko.

"Jill Morie, si Jing 'to, nasaan ka?!" halos mabingi ako sa lakas ng boses niya na
nakikipagsabayan sa lakas ng ingay.

"Pababa pa lang ako."

"Nasa building ka pa rin? Umalis ka na dyan!" What the hell? Bakit lahat sila
pinapaalis kaagad ako rito?

"Bakit ba lahat kayo pinapaalis ako kagad dito?" iritadong tanong ko.

"Just shut up and follow me, umalis ka na kagad diyan and meet us in the garden."
She hung up and I have no choice kundi sumunod sa kanya, tumakbo na ko para mas
mabilis. Wala na palang ibang tao sa building dahil lahat nagsasaya na sa central
ground.

Nagring na naman yung phone ko, sinagot ko kagad, "Jill, ano ba, tayo na yung
susunod, na saan ka na?" di mo mawari kung nag-aalala o naiiritang sabi ni Enriquez
sa kabilang linya, naririnig ko pa na nag-uusap usap yung iba pang miyembro ng
banda niya sa background at yung coordinator na natataranta dahil wala pa 'ko.
"Baka kung ano ng nangyari sa'yo, pupuntahan kita diyan."

"No, I'm fine, on the way na ko."

"Are you sure?"

"Yes." Pinutol ko na yung tawag. Kung pupunta pa 'ko sa garden hindi na ko


makakaabot kila Enriquez. Nagring na naman yung cellphone ko for heaven's sake
naiirita na ko sa kakatawag nila,

"Jill Morie nasaa-"

"I'll meet you guys later, wag kayong mag-alala okay pa 'ko, I need to finish some
business first."

"What?! You need to-"

Binabaan ko na kagad siya. Dumiretso ako sa backstage at sumalubong sa'kin si


Enriquez.

"Ok ka lang ba?" tanong niya.

"Oo." Na lang ang sagot ko para hindi na siya magtanong pa.

"Good." Parang nakahinga siya ng maluwag.

"Okay next na yung Blue Rose, tapos kayo na Cloud, pagkatapos ng isang kanta tsaka
ka na eentra Miss Morie." Narinig kong sinabi nung coordinator, napakunot akong
tumingin kay Enriquez.

"What?"

"Don't 'what' me, akala ko ba tayo na yung susunod na isasalang sa stage?"

"Sorry." Nagpeace sign siya, pero hindi ako natutuwa. "Gusto lang kasi kita makita,
Jill."

"Pinagmadali mo ako Enriquez tapos hindi naman pala-"

"Okay sorry na, sorry na, alam kong nainis ka dahil ang kulit ko. It's just that...
I... I want to make sure na okay ka lang talaga."

"What? Hindi kita maintindihan."

Hindi na siya makatingin sa'kin ng diretso pagkatapos, magsasalita pa sana ko pero


tumatawag na naman si Jing Rosca.

"Jill Morie, kailangan mong pumunta rito. Ngayon. Na."

"Sorry, papunta na talaga ko." hinarap ko si Enriquez, "Babalik din kaagad ako."
Paalam ko sa kanya.

*****
"People of White Knights! We're gonna rock tonight, so keep your spirits high!"
banda na nila Enriquez yung nasa stage. Mas malakas na hiyawan ang sumunod kung
ikukumpara sa mga naunang tumugtog. "We all have that special someone that we
cherished, even though na hindi nila 'yon naaapreciate o nararamdaman, nandito pa
rin tayo sa tabi nila. This song is dedicated for all those who we value, Pasan ng
Callalily."

Naglalakbay sa gitna ng dalampasigan

Minamasdan ang alon

Na humahampas sa nakaraan

"Sawakas, dumating ka na rin." Hindi ko pinansin yung pambungad ni Jing Rosca at


lumapit ako kay Seraphina na nakaupo sa swing dito sa may garden.

"Bakit niyo 'ko pinatawag?" tanong ko.

"Mukhang tama na isang babala ang note na binigay sa'yo, Jillianne." Sagot ni
Seraphina, "At mukhang tama rin ang kutob mo na may hindi pangkaraniwang mangyayari
ngayong gabi. Sa madaling salita, ang babala na 'yon ay para lamang sa'yo."

"Mukha nga."

"Jillianne, narito na sila."

"Ang Memoire." Sumingit bigla si Jing Rosca, "Nandito lang sila at nagkalat lang
kung saan. At walang duda na ikaw ang pakay nila ngayong gabi."

Hindi ako nakapagsalita kaagad, marami kaagad sumulpot na ideya sa isip ko na


posibleng mangyari, na pwedeng madamay ang ibang tao sa kung ano mang mangyayari,
at kung anu-ano pa.

Umihip ang hangin

Sa langit ako'y napatingin

Ulap ay sadyang kaydilim

Tila yata may bagyong parating

"Jillianne." Tumayo si Seraphina sa kinauupuan niya at nilabas mula sa bulsa ang


kalawanging pocket watch, "May naiisip kaming plano. Cecilia, ipaliwanag mo sa
kanya."

Lumapit si Cecilia na may hawak-hawak na bolang kristal, "Ihihinto ni madam


Seraphina yung oras para tukuyin kung sino yung iba pang gumagalaw na Peculiar-"

"Ibig sabihin ba mga Peculiar din ang Memoire?"

"Hindi lahat, pero misyon nila ngayong gabi na kuhanin ka kung kaya't paniguradong
magpapadala sila ng mga taong may kapasidad para makasiguro," sabi ni Finnix.

"At malakas ang pakiramdam namin na alam nila na tinutulungan ka namin." Si


Cecilia.

"Tama si Cecilia, sa ilang beses na pakikipaglaban namin kay Magnus alam na nila na
may dumedepensa sa'yo." Sabi ni Jing Rosca, inangat mula sa lupa ang maliit na bato
at pinaikut-ikot sa ere. "Pero sa pagkakataong ito, hindi lang si Magnus ang
makakaharap namin ngayong gabi."

"Jillianne, wala kang dapat ibang gawin kundi magtiwala sa'min."

Bakit ka lumuluha?

Bakit nagtataka?

Akala mo ba, ika'y iniwan na?

"Wala akong ibang dapat gawin?" ulit ko sa sinabi niya, with disbelief. I just
can't accept the fact that she told me na wala akong dapat ibang gawin kundi
magtiwala o mas pagkakaintindi ko na wala akong dapat ibang gawin kundi umasa,
maging pasanin, at maghintay na magiging maayos din ang lahat. "I can't do that."

"Ano?"

"Ano bang ibang magagawa mo, Jill Morie?" tanong ni Jing Rosca, "Kung kaya mong
protektahan yung sarili mo hindi na pala kami dapat nandito," tumalikod siya at
akmang aalis.

Hindi, pasan kita

Hindi mo ba nakikita

Hindi ka na, sa akin ay luluha pa...

"Jing!" saway sa kanya ni Seraphina, humarap ulit sa'kin si Seraphina,


"Naiintindihan ko kung anong nararamdaman mo, ipagpapaumanhin mo Jillianne, pero sa
tingin ko iyon nga lang ang maaari mong gawin sa ngayon, ipaubaya mo sa'min ang
pakikipagharap sa kanila."

"Anong pwede kong gawin?"

"Magtago."
"Saan?"

May lumutang na pitong bato sa harapan ko mula sa kung saan, lumapit si Jing Rosca
sa gilid ko habang kinukuntrol ang mga bato, pumorma ng pabilog ang anim na bato at
nasa loob nito ang isa pa, "Iyan ang plano mamaya, sa oras na binigay ni Seraphina
yung senyas kailangan mong makapunta sa loob ng bilog na formation namin Jill
Morie."

"Pero... ang ipinagtataka ko lang..." sawakas nagsalita na rin si Pascal, "...bakit


ngayon nila naisipan-sabihin na natin na dudukutin nila si Jill Morie ngayon, kung
kailan maraming tao? Hindi ba kayo nagtataka kung bakit? Na kung tutuusin pwedeng
pwede nilang kuhanin si Jillianne sa mas tahimik at mas masikretong pagkakataon."

Nasaan na ang tapang

At lakas ng 'yong loob

Ngayo'y karuwagan na lang ba

Ang iyong sagot

"May punto ka, Pascal. Pero...Hindi naman siguro dahil lang alam nila na kaya kong
ihinto ang oras."

"Hindi." Napatingin sila sa'kin, "Uulitin nila yung ginawa nila noon."

"Ha?" si Jing Rosca, nakakunot at pumanewang.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Pascal.

'Act normally don't smell a paper' 'Keep your eyes open. Smell a rat 12-16'

"They'll drug everyone...again." Tumingin ako sa kanila, "Hindi lang ako ang pakay
nila ngayon, they'll also control everyone, as in lahat ng tao na nasa central
grounds, lahat ng nandito ngayon. They did it before, only me, Miss Karen, and that
anonymous person ang hindi nakontrol."

"Paanong kukuntrolin? Droga?"

Umihip ang hangin

Sa langit ako'y napatingin

Ulap ay sadyang kaydilim

Tila yata may bagyong parating

"I don't exactly know about the drugs. May isang taga Memoire na nagpunta rito sa
White Knights, he can control minds, and siya rin yung may pakana that's why
everyone was drugged and controlled, that Caleb Perez-"
"Wait," pinutol ako ni Jing Rosca sa pagsasalita nang marinig ang pangalang
binanggit ko, "Caleb Perez?"

"Bakit Jing?"

"I know him."

"What? You know him?" di ako makapaniwala.

Bakit ka lumuluha?

Bakit nagtataka?

Akala mo ba, ika'y iniwan na?

"Hindi niya totoong pangalan ang Caleb Perez, his real name is Cairo." We're
waiting for her to explain more, "But it doesn't matter right now, sa madaling
salita nandito rin ngayon si Cairo sa White Knights, and I'm telling you, he's
powerful, so leave him to me."

Hindi, pasan kita

Hindi mo ba nakikita

Hindi ka na, sa akin ay luluha pa...

"Bumalik tayo sa usapan, paano nagawa ng taong 'yon na maipasailalim ng droga ang
mga tao?"

"Hindi ko rin talaga alam Seraphina, pero base sa note na ibinigay sa'kin ni Miss
Karen, may kinalaman sa pag-langhap kung paano napapasailalim sa droga."

"Kailangan maihinto ko yung oras bago nila magawa 'yon at doon din kailangan
makapasok ka sa loob ng formation, Jillianne."

Hindi ko naman hangad

Ang anumang bagay sa mundo

Ang tanging hinihiling ko lamang

Ay yakapin mo

Walang nagsalita pagkatapos. Tumingin lang ako sa kanila, at gayon din sila sa'kin.
Wala rin naman akong ibang magagawa, tumango na lang ako at nagpaalam. Bago ako
umalis pinaalalahanan nila na tatawagan nila 'ko kapag kailangan ko ng pumunta sa
formation. Sinuot ko yung wireless earphone ko.
At ngayon, pasan kita

Ngayon mo na makikita

Hindi ka na, sa akin ay luluha pa

Tumutugtog pa rin yung banda nila Enriquez, hindi magkamayaw ang mga tao, pilit
akong nakikisiksik kahit na nabubunggo ako para lang mahanap sila Aya, nabigo akong
mahanap sila kaya pumunta na ako sa backstage.

At ngayon, pasan kita

Ngayon mo na makikita

Hindi ka na, sa akin ay luluha pa

Natapos na yung kanta at sumisigaw pa yung mga tao ng isa pa dahil sa tinataglay na
kasikatan nitong banda ni Enriquez. Pinapunta na 'ko nung coordinator sa stage,
nag-dim yung lights, tumingin sa'kin si Enriquez,ngumiti siya at sumenyas sa mga
kasama, nasa gitna na 'ko ng stage at nang magsimula ang tugtog, unti-unting
lumiwanag yung stage lights.

Halatang nagulat yung mga tao nang maaninag nila yung mukha ko. Anong ginagawa ni
Jill Morie sa harapan, totoo nga na ang participation ni Jill Morie sa Night Out,
yan ang mga reaksyon na mababasa sa mga mukha nila.

"One..Two...One.Two.Three."

Kasabay ng paghataw ng musika nagsiliwanagan yung mga stage lights.

"Ito na ang ating huling sandali

Hindi na tayo magkakamali"

Hindi pa rin nakakabawi sa gulat yung reaksyon nila, nanatili lang silang nakatayo
habang nanunuod, pero maya-maya unti-unti ulit sumigla yung paligid at maririnig na
nakikisabay sila sa kinakanta namin
"Kase wala ng bukas

Sulitin natin ito na ang wakas

Kailangan na yata nating umuwi"

"Hawakan mo aking kamay

Bago tayo mag hiwalay

Lahat lahat ibibigay, lahat lahat"

"WE HEART YOU JILL!" rinig na rinig sa gitna ng crowd yung cheer ni Aya, natanaw ko
na sila kahit medyo natatabunan sila ng iba pang tao, kasama niya yung iba pa
naming mga kaklase.

"Paalam sating huling sayaw

May dulo pala ang langit

Kaya't sabay tayong bibitaw

Sa ating huling sayaw"

Hinahanap ng mga mata ko sila Jing Rosca pero hindi ko sila makita. Tinitingnan ko
sa madla kung may kakaiba bang mga tao o bagay-bagay, wala akong nakita.

"Di namalayan na malalim na ang gabi

Pero ayoko sanang mag madali"

Naramdaman ko yung pagvibrate ng cellphone ko sa bulsa, pinindot ko yung answer


button sa earphone ko. "Jill, si Jing to, nasa central grounds kami. Makinig ka
Jill Morie..."

"Kay tamis, kay sarap


Ngunit ito na ang huli

Kailangan na yata nating umuwi"

"Nandito ako sa Hilaga banda sa stage, basta, pumunta ka lang sa gitna ng grounds
kapag huminto yung oras."

"Hawakan mo aking kamay

Bago tayo mag hiwalay

Lahat lahat ibibigay, lahat lahat"

"Nakita na ni Cecilia yung isa, nasa grounds na rin sila. Kaya kita pinapaalis sa
building kanina, papunta sila roon."

"Paalam sating huling sayaw

May dulo pala ang langit

Kaya't sabay tayong bibitaw

Sa ating huling sayaw"

Parang biglang bumagal yung ikot ng oras nang mahagip ng paningin ko... si Magnus
na nasa gitna ng maraming tao. Mas naririnig ko yung lakas ng pintig ng puso ko
kaysa sa ingay ng nasa paligid ko. Hindi ko namalayan na tapos na yung kanta namin
at hiyawan ng mga tao ang maririnig.

"Thank you White Knights!"

Tumingin ako kay Enriquez. Parang slowmotion ang nangyari, sa di maipaliwanag na


dahilan naglabas ng maraming usok ang fog machine sapat na para matakpan ang buong
stage, walang makikita, naramdaman ko ang mabilis na paghigit ni Enriquez sa braso
ko, tinakpan nya yung bibig at ilong ko, hindi ko siya makita.

"Jill Morie! Nakahinto na yung oras! Pumunta ka na sa gitna ng formation!" bumalik


yung tamang ikot ng oras ko nang marinig ko yung sigaw ni Jing Rosca sa kabilang
linya, mausok pa rin, hawak-hawak pa rin ako ni Enriquez.

"Hold your breath!" sabi niya, habang tumatakbo kami papunta sa kung saan, punum
puno ng usok yung paligid, wala akong halos makita

Tsaka ko nakuha ang mga pangyayari. Naihinto na ni Seraphina yung oras nang lumabas
yung mga usok mula sa fog machine, iyon ang unang atake, unang atake ng Memoire,
ang usok na naglalaman ng droga para makontrol ang lahat ng tao.

"Jill Morie?! Nasaan ka na?!" biglang naputol yung linya ni Jing Rosca.
Nakahinto na ang oras.

"Tanging mga Peculiar lang ang nakakagalaw sa ganitong pagkakataon."

Pero tumatakbo ako kasama siya. Kasama si Cloud Enriquez. Sa madaling salita. Ang
taong 'to ay-

"Good job, Cloud." Napahinto kaming dalawa sa pagtakbo nang humarang ang isang
matangkad na babae na nakasuot ng itim na bestida, "Hindi ko inaasahan na magiging
mabilis 'to, they're waiting."

"Umalis ka sa dadaanan, Gidget." Matigas na sabi niya, seryoso. Mahigpit pa rin


niyang hawak ang braso ko.

"What are you thinking, Cloud? Wag mong kalilimutan na may misyo-" hindi niya
natuloy yung sasabihin niya nang napayukod sa lupa ang babae habang sapo ang ulo,
nahihirapan siya, nasasaktan. Anong ginawa ni Enriquez sa kanya?

Halos makaladkad ako sa hawak niya, nilagpasan namin yung babae pero nagsalita pa
rin ito kahit na nasasaktan, "H-hindi mo alam ang g-ginagawa mo, Cloud! Arghh!"

Sa may parking lot, buong lakas akong kumawala sa pagkakahawak sa kanya, "Sabihin
mo sa'kin. Sabihin mo sa'kin, Peculiar ka rin ba, Enriquez?"

Hindi siya makatingin ng diretso, hindi siya sumagot, "Memoire. Isa ka rin sa
kanila, hindi ba?"

Hindi pa rin siya sumasagot.

"Sumagot ka!"

"Oo." Nag-angat siya ng tingin, "Tama lahat ng sinabi mo. I'm one of them."

Panaginip lang ba ang lahat ng 'to?

"Hindi 'to panaginip, Jill Morie."

Anong sabi niya? Paano...

"I'm Peculiar. Katulad mo." Hinawakan niya 'ko sa braso, "Listen. Kailangan nating
umalis dito. I don't have much time to explain. Wala kang dapat ibang pagkatiwalaan
kundi ako, Jill, you need to trust me. Runaway with me."

Hinigit ko yung braso ko para makakawala sa kanya, "Trust you? Runaway with you?
Enriquez sa tingin mo maloloko mo 'ko? You're one of them, taga Memoire ka! Isa ka
rin sa mga taong gustong dumukot sa'kin noon at ngayon."

"Jill-"

"Jill!" napalingon kami pareho ni Enriquez at nakita namin na paparating si Cecilia


at Otis. Nakakuha ako ng pagkakataon para makatakbo palayo, nang makasalubong ko
sila, "Nasaan sila Jing Rosca?"

"Nasa central grounds pa rin sila, pumunta ka kay Jing, bago ulit magpatuloy yung
oras!"

"Ha?"

"May balaghang kumukontra sa paghinto ng oras ni madam Seraphina! Kaya muling


babalik ang takbo ng oras, kami muna ang bahala sa lalaking yon" tinutukoy niya si
Enriquez.

I'm so tired of being here, suppressed by all my childish fears

And if you have to leave, I wish that you would just leave

Your presence still lingers here and it won't leave me alone

Tumango ako at mabilis na tumakbo pabalik sa central ground, tama nga si Cecilia
dahil bigla ulit umingay at may tumutugtog ulit na banda, dahil nagpatuloy ang
oras. Wala na yung usok kaya ligtas na yung mga tao mula sa droga. Bigla 'kong may
nabunggo habang tumatakbo, pagtingin ko sa taong 'yon

These wounds won't seem to heal, this pain is just too real

There's just too much that time cannot erase

"Baldo."

"Jill!" nag-aalala at hingal na hingal siya.

"Bakit Baldo?"

When you cried, I'd wipe away all of your tears

When you'd scream, I'd fight away all of your fears

"Sa rooftop... Sa rooftop."

"Anong meron sa rooftop?"

"Sila Aya..." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Ito na nga ba yung sinasabi
ko, na baka may nangyaring hindi maganda sa kanila.

And I held your hand through all of these years

But you still have all of me..

Sabay naming tinahak yung building papuntang rooftop, para kaming nag-uunahan ni
Baldo sa hagdanan. Pagdating namin doon, narinig ko yung boses ni Aya sa storage
room, dali-dali akong pumasok sa loob. Pero walang ibang tao. Hingal na hingal kong
hinarap si Baldo na nakatayo lang sa may pintuan.

You used to captivate me by your resonating light


Now, I'm bound by the life you left behind

"Nasaan... Nasaan sila Aya?" Hindi sumagot si Baldo. Narinig ko yung boses ni Aya
rito.

Your face it haunts my once pleasant dreams

Your voice it chased away all the sanity in me

"Jill."

Hindi.

These wounds won't seem to heal, this pain is just too real

There's just too much that time cannot erase

Tinuro niya yung lumang mesa, napatingin ako roon at nakita ang isang voice
recorder.

"Baldo." Parang hindi ako makahinga. "Bakit?" Naramdaman ko na umiinit na yung


magkabilang sulok ng mga mata ko.

"Alam ko kung ano ka talaga. Kung hindi rin naman dahil sa'yo, hindi mawawala si
Stephen, hindi maaaksidente si Penelope. Sa tingin ko mas magiging maayos ang
lahat. Mas mabuti na lang... Na ibigay ka sa kanila. Paalam. Jill."

"Baldo!"

Lumabas siya at sinara yung pinto. Binubuksan ko yon pero hindi ko mabuksan. Kahit
anong kalampag at pagtawag ko sa kanya, hindi siya sumasagot.

"Nandito po siya sa storage room sa roof top... Opo... Opo... Pabalik na po ako."

When you cried, I'd wipe away all of your tears

When you'd scream, I'd fight away all of your fears

Sinubukan kong tumawag kay Jing Rosca pero nabigo ako dahil walang signal. Napaupo
na lang ako sa isang sulok at niyakap ang sarili ko. Even though I hated this. I
hate this kind of feeling... helpless. At... tinraydor ng mga taong malalapit
sa'kin. Baldo betrayed me because he thought this is the best thing to do. Dapat
ngang isisi sa'kin lahat, ang pagkawala ni Stephen, ang aksidente ni Penelope.

Bakit? Bakit nangyayari 'to?

"Ano bang ibang magagawa mo, Jill Morie?" tama si Jing Rosca, wala akong ibang
magagawa. Ito na ata talaga ang kapalaran ko.

And I held your hand through all of these years

But you still half all of me

Narinig kong may sumisira ng lock sa kabilang pinto, napasiksik ako lalo rito sa
sulok, andyan na sila, ang Memoire. Pinipigil ko yung luha ko na kanina pa gustong
bumagsak, hindi ako pwedeng magpakita ng takot sa kanila kahit na talo na ako kung
matatawag bang laro 'to, laro ng kapalaran.

Dahan-dahang bumukas yung pinto, tumayo ako para ihanda ang sarili ko sa pagkatalo.

"Jillianne." Nag-aalala, natatakot.

"Miss Karen."

I've tried so hard to tell myself that you're gone

But though you're still with me, I've been alone all along

Kahit nanginginig, kusang gumalaw ang mga paa ko papunta sa kanya. Papunta sa
naghihintay niyang bisig. This time I didn't hold back.

When you cried, I'd wipe away all of your tears

When you'd scream, I'd fight away all of your fears


Naramdaman ko agos ng luha, luha na nagmumula sa aking pisngi.

And I held your hand through all of these years

But you still half all of me, me, me

"I'm glad... I'm glad... You're safe." Paulit-ulit niyang sinasabi. Naramdaman ko
rin yung pagpatak ng luha galing sa mga mata niyang wala akong makitang hinaharap.

<///3

[Thank you po ulit sa pagbabasa ng The Peculiars' Tale, maraming salamat! God bless
po. Happy Sembreak! Gusto ko rin pasalamatan yung mga kaibigan kong tumulong
magbigay ng ideya, kalokohan man o hindi, para mabuo ang kabanata na ito, sa mga
nagsuggest ng kanta, maraming salamat, alam niyo na kung sinu-sino kayo, mahal ko
kayo, hihi. 400 k na waah. "Pakatatag tayo ha" sabi ni Marcelo Santos III LOL]

[Q: Wala akong maisip na random question. Lol. Hingin ko na lang thoughts niyo sa
chapter na ito. Makalat ba? Lol haha. Feel free. Maraming salamat ulit! :)]

Mga kantang ginamit sa chapter na ito:

Beat It- Fall Out Boys

Akap- Imago

Pasan- Callalily

Huling Sayaw- Kamikazee

My Immortal- Evanescence
Part Four
Mnemosyne Institute
"I already found her."
"As expected, Cairo."
"These past two years she's been hiding at the city, currently working at White
Knights Academy."
"HGP number Twenty One. Karen Italia, your consort, right?"
"Yes."
"Nasaan ang mga mata?"
"She doesn't have it."
"What?"
"She gave it to someone."
"Really. Who is it?"
"The test subject of the Helexia drug. HGP number Seventy Three"
"So it's Richard's daughter, Jillianne Morie."
"Coincidently, she's the long lost sister of HGP number Twenty one."
"Bring her here."

/50/ Beatrice
This chapter is dedicated to MMM, the 'real life' fictional character of Karen
Italia, 'till we meet in the future missy!

/50/ Beatrice

[Karen Italia]

"Karen, nagsimula na yung program sa central grounds hindi ka pa ba mag-aayos?"


sumulyap ako sa kanya, naglalagay siya ng kulurete sa mukha. Kaming dalawa na lang
ni Marcel yung nandito sa faculty room at rinig na yung ingay na nagmumula sa
labas, patunay na nagsimula na ang Night Out, ang huling program ng White Knights
Academy para sa taong ito, "By the way nga pala, si Jillianne Morie, she's from
your class right?" napahinto ako sa pagbabasa at saglit na tumingin sa kanya.
"Yes." bumalik ulit ako sa ginagawa ko.

"Magpaparticipate siya mamaya, natuwa talaga ko nung malaman ko na pumayag siya,


alam mo kasi may potential yung batang 'yon, masyado lang aloof sa tao," She
chuckled ",parang ikaw." She thought hindi ko yon narinig kaya nung nakita niya na
napatingin ako sa kanya she quickly whispered, "Sorry."

I thought she's leaving already pero nagtaka ko nang makita ko siyang nakatitig
sa'kin, then she leaned forward, magkatapat lang kasi yung table naming dalawa,
"What?" tanong ko.

"Nothing." Nakatingin pa rin siya sa'kin at nakapangalumbaba, maya-maya may kinuha


siya sa bag niya at ipinakita sa'kin yung cellphone niya, "This made me surprised.
Your class really looks happy here," she showed me a photo posted on a social media
site, yung group picture during the Christmas party, "and you as well."

Sumandal na siya sa upuan niya matapos niyang ibalik yung phone niya sa bag "Hmm...
Akala ko talaga hindi ka marunong ngumiti." pagkatapos sumeryoso siya "it's weird
though." Tumingin ako sa kanya at sakto namang nakatingin din siya sa'kin, "You've
been working here for almost two years but we still barely know you." Binalik ko
ulit yung atensyon ko sa ginagawa ko, "Who are you, really?" Hinihintay niya kong
sumagot pero mas pinili kong tumahimik. Then she chuckled again, "Sorry,sorry, kung
anu-anong sinasabi ko. Forget it, ang gusto ko lang naman sabihin, you should smile
often, Karen." Tapos tumayo na siya, "Mauna na 'ko ha, see you later." I just nod
then she leaves.

Tumingil ako sa pagbabasa at sumandal ako sa upuan, napapikit saglit at inalala


yung tanong niya . 'Who are you, really?' I'd like to ask that question to myself.
Who am I? They said I'm cold as ice, firm as rock, lifeless as broken bough.
Tumingin ako sa bintana, tanaw ang mga nagsasayawang ilaw na may iba't ibang ilaw
na nagmumula sa central grounds, kitang-kita rin ang sarili kong repleksyon.

The truth is... I don't even know myself anymore.

Gusto kong ngumiti pero hindi ko magawa, gusto kong tumawa pero hindi ko kaya,
gusto kong umiyak nang umiyak pero naubos na ata yung luha ko. Gusto kong
maramdaman na kahit kaunti may natitira pa ring pagkatao rito sa loob ko.

Kumuha ako ng papel at panulat, susubukan kong isulat ang tungkol sa sarili ko,
bago pa tuluyang maglaho sa memorya ko ang lahat-lahat.

I actually don't know where to start, but I'm trying to write about myself, kung
sino man ang makakabasa nito, ipinagkakatiwala ko sa'yo ang mga natitirang piraso
ng pagkatao ko. Before I've completely lost it, at least there's someone who will
remember.

I have many names-I'm not god, devil or whatsoever. Literal na marami akong naging
pangalan noon, because they believe that choosing an entirely new name is a way to
welcome a child into a family, yes-I am an orphan, and being one is really hard.
Unlike any other kid, hindi ako pangkaranwian. I was born peculiarly, that's why I
had so many names. Pabalik-balik ako noon sa ampunan dahil kakaiba akong bata,
those who adopted me were so scared because I can see the future. It's hard to
believe, but yes, I can see their not too distant future through eyes.
The orphanage knew that I am not normal, that's why nilayo nila ko sa iba pang mga
bata at maging sa kapatid ko, I have a little sister, sanggol pa lang siya nang
mapadpad kami sa ampunan.

"Bakit niyo inilalayo kay Beatrice si Atria? Magkapatid sila at may karapatan din
naman ang mga bata-"

"Sister, alam mo na hindi pangkaraniwang bata si Beatrice, iniiwasan lang natin na


may mangyaring hindi magdudulot ng maganda sa kanya, at sa iba pang bata. Hindi
pwedeng malaman ng ibang tao ang tungkol sa kakaibang tinataglay ng batang 'yon."

Naririnig ko na madalas pagtalunan nila sister ang tungkol sa pagiging 'iba' ko.
Wala ng may gustong umampon sa'kin kapag nalalaman nila na palagi akong binabalik.
Wala akong naging kaibigan, kahit mga matatanda naging ilag sa akin, pakiramdam ko
tuloy isa akong halimaw. Hanggang sa napagdesisyunan nila na ilipat ako sa ibang
institusyon. Hindi ako umiyak, hindi ako kumibo nang sabihin nila ang tungkol doon,
nakita ko naman na sa mga mata nila sister na mangyayari 'yon.

"Kami na ang bahala kay Atria, Beatrice. Tandaan mo na kailangan naming gawin 'to
para rin sa'yo, para may pamilyang umampon sa'yo balang araw. Sa bago mong
lilipatan walang makaalam ng tungkol sa mga mata mo."

Inilipat nila 'ko sa Sta.Helena Orphanage. And there I met Sister Emilia, who
believes that every child is very special and she nurtured each and every one of
them. I'm not still at ease dahil nawalay ako kay Atria. Hanggang sa hindi ko
inasahan na makakatagpo ako ng mga katulad ko. Tandang-tanda ko pa kung paano ko
nakilala si Jinnie, mag-isa lang akong nakaupo noon sa swing nang bigla akong
hinila ng isang batang babae na kapareho ko ng edad, mahaba ang buhok niyang
maalon-alon at kasing itim ng gabi.

"Saan tayo pupunta?"

"May papakita ako sa'yo." Huminto kaming dalawa nang mapadpad kami sa likuran ng
bahay ampunan, walang tao roon, umupo si Jinnie, "Tingnan mo 'to." Biglang lumutang
yung maliit na dahon sa harapan ko.

"Ang galing! Parang magic. Kaya mong mag magic?" tumango siya at ngumiti kami sa
isa't isa. Iyon ang unang pagkakataon na naramdaman ko na hindi lang pala ako ang
nag-iisang ganito, hindi lang pala ako ang nag-iisang naiiba sa mundo.

Jinnie and I became best of friends, dahil sa kanya nabigyan ako ng rason para
maging masaya kahit isa kaming ulila. We kept her powers secret, sinabi ko rin sa
kanya kung ano ang mayroon ako na wala sa iba. Hindi nagtagal may mga dumating na
iba pang bata sa Sta.Helena na katulad namin ni Jinnie. I believe it was fate that
brought us together. Dumating pa yung punto na hiniling ko na sana magkakasama na
lang kaming anim hanggang sa pagtanda, we were so young and we are nothing but
orphans and Peculiars. We thought we could keep our secret forever not until I saw
the future.

"Anong sinabi mo, Beatrice?" mahinahon at hindi makapaniwalang tanong ni Sister


Emilia sa akin.

"Masusunog po yung ampunan, sister."

Of course she didn't believe me. Who would actually? Hindi ako pinagalitan ni
sister at pinabalik niya lang ako sa silid namin. That night, nangyari nga ang
nakita ko. Thanks to Jinnie's powers, hindi lumala ang sunog at hindi nagkatotoo
yung nakita ko na masusunog ang buong ampunan. That's when Sister Emilia confronted
me but my friends stood up for me, hindi ko na maalala kung paano pero umamin si
Sylvia kung anong meron kaming anim.

Several days later, a man named Richard Morie came.

"Isasama kayo ni Dr. Richard sa laboratoryo niya, magpapakabait kayo roon ha."

"Magandang umaga, ako si Dr. Richard, pero gusto ko tawagin niyo 'kong tito
Richard. Anong pangalan niyo?"

"Pagpasensyahan mo na, mahiyain talaga sila sa umpisa. Ito nga pala si Beatrice, si
Jinnie, si Rommel, ang kambal na sila Pacifico at Cairo, at ito naman si Sylvia."

Dinala niya kami sa Research Center of the Paranormal Activities at doon tinuklas
niya ang kakayahang mayroon kami. Sister Emilia was the one who called him, matapos
niyang malaman ang tungkol sa aming anim, naisip niyang baka matulungan kami ni Dr.
Richard. Rommel is the only one who opposed about it but Cairo said he read the
doctor's mind at wala naman itong intensyong masama, Jinnie wanted to participate
the experiment badly, she believed that if she did her best baka sakaling ampunin
siya ni Richard Morie.

Hanggang sa isang taon na ang lumipas, dalawang beses sa loob ng isang linggo
kaming bumibisita sa RCPA, naging mabait sa amin si Dr. Richard and he became a
father figure to us. Naturally, our power became stronger and we can control it
than before. I developed how to control my eyes, nakukuntrol ko kung kailan ko
gustong makita ang hinaharap sa mata ng isang tao. Ganon din sila Jinnie-na siyang
pinakamahusay sa aming anim. She never failed to impress the doctor's eyes through
her 'magic'. Jinnie was so determined and I couldn't stop her, I already saw na
hindi magkakatotoo yung hinihiling niya.

"I am so grateful that I met you, kids." That day, pinatawag niya kaming lahat sa
lab to bid farewell, "You don't know how much you helped me with my research. But I
can't use you kids forever, and I want you to know that this is the last time na
pupunta kayo rito."

"Bakit po?"

"I'll find other kids like you so that I can help them too." I can't say if really
helped, he didn't know how much power we gained after he studied us. "If I keep you
here, hindi ko masasabi kung kaya ko kayong protektahan. Besides, you have to live
your own life. There are other families out there na naghihintay sa inyo."

Hindi na kami bumalik roon matapos ang araw na 'yon, we heard na may inampong bata
si Dr.Richard. Bumalik sa normal ang buhay namin sa Sta.Helena, sa tuwing may
bibisita para kaming mga tuta sa isang pet shop, at di nagtagal isa-isa kaming
inampon ng iba't ibang pamilya, Jinnie became rebellious kaya siya yung natira
roon, at hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanya ng maayos. I decided to start a
new life nang kinupkop ako ng mag-asawang Italia. They told me to forget who I am,
because I must live as 'Karen', their daughter.

Sooner I discovered that they have a daughter named Karen before, but she died at
such young age. Napagtanto ko kung anong ibig nilang sabihin sa I must live as
'Karen'. To make them happy and in order to show my gratitude, I fulfilled all
their frustrated expectations for their late daughter. Lumipas ang maraming taon at
nabuhay ako bilang si Karen; masunurin, matalino, masayahin. I chose teaching
because that was also Karen's dream.

Wala na akong naging balita kila Jinnie at sa iba ko pang mga naging kaibigan sa
ampunan, ang alam ko lang may kanya-kanya na silang pamilya. I tried to find my
sister, Atria, pero nung pumunta ko sa ampunan na 'yon, sinabi nila na matagal ng
naampon ang kapatid ko, hindi nila sinabi kung sino yung umampon kay Atria dahil
ayaw daw itong ipaalam nung kumupkop sa kanya. Sumuko ako sa pag-asang magkikita
kami ulit ng kapatid ko.

Dumating yung araw na natupad yung pangarap ni 'Karen' na maging isang guro. Marami
akong hinaharap na tao araw-araw, minsan hindi ko napipigilang silipin yung
hinaharap sa mga mata nila. Despite those hardships I still managed myself to
smile. Napapahinto ako minsan kung bakit nga ba nagpapatuloy pa rin ako kahit na
mahirap. Dahil ba pangarap din 'to ni Karen? I gave all my best and thought it's
all worth it, before my foster mother died she told me that she's happy because
Karen fulfilled her dreams, hindi ko man gustong isipin pero naisip ko na proxy
lang talaga ko ng dating anak nila.

"Miss Karen, may gusto po akong sabihin."

"Yes? Ano 'yon?"

"Napanaginipan ko po kayo."

"Really?"

"It wasn't just an ordinary dream."

"What do you mean?"

"It's about the future-your future.".

It was one afternoon, a student came to me; her name is Lucille Marin. Lucille told
me her powers; she can see the future too, but through dreams. Hindi ako
makapaniwala na makakatagpo ulit ako ng taong ko na katulad ko, katulad ko na iba
sa nakararami. Madalas kaming magkita tuwing uwian, pero minsan hindi siya
nakakapasok dahil ang alam ko may sakit siya. Lucille didn't told me what she saw,
basta palagi niya lang akong napapanaginipan tuwing gabi at sinabi niya na
pagmamahal ang magdudulot ng pagpapasakit sa'kin, na hindi ko naintindihan noong
mga panahon na 'yon.

Lumipat ng ibang eskwelahan si Lucille, dahil sa sakit niya at kinakailangan niyang


magpagamot sa mas magaling na ospital sa Sentral. Pakiramdam ko naiwan na naman
akong mag-isa. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana, that one fateful rainy night at
the waiting shed came.

"Beatrice?" my heart skipped a beat when I heard his voice, nagulat ako dahil may
nakakaalala pa pala kung sino ako, "Beatrice, ikaw ba 'yan?"

"Hindi na Beatrice ang pangalan ko, I'm Karen now." Nakangiti kong saad sa kanya,
"I'm not sure kung sino ka, may kambal ka kasi."

"Si Cairo 'to." Meeting him again was unexpected. He was far from the skinny boy I
knew before, he grew taller and his chiselled features are enough to make anyone
fall.

"I'm sorry, hindi ko pa rin kabisado kung sino kayo sa inyong dalawa."

"Wala ka bang payong? Gusto mo ihatid na kita? Saan ka ba?"

"Ha? Hindi na, ok lang-"


"No, I insist." And I didn't think that I wasn't an exception.

Naaalala ko pa kung gaano ako kasaya noong gabing 'yon, masaya ako dahil tinawag
niya 'kong 'Beatrice' at masaya ko dahil... nagkita ulit kami. Naniwala ako na
tadhana ang gumawa ng paraan para magkita kaming dalawa. Hindi lang iyon ang naging
huli naming pagkikita. When I'm with him pakiramdam ko nagiging totoo ako sa sarili
ko, hindi si Karen pero si Beatrice.

"Magmula noong hindi na tayo pumupunta kay Tito Richard, hindi na 'ko nakakabasa ng
isip ng tao."

Hindi ko tinanong kung paano nangyari 'yon, paanong nawala yung kakayahan nyang
magbasa ng isip ng tao samantalang ako nakikita pa rin ang hinaharap kung
gugustuhin ko.

"Ikaw ba, Karen? Wala na rin kasi akong balita sa iba nating kababata." Sinabi ko
sa kanya na nawala rin yung kapangyarihan ko sa dahilang natakot ako na baka lumayo
at matakot siya sa'kin kapag nalaman niya. I thought it would be fair kung hindi ko
sisilipin ang hinaharap sa mga mata niya dahil inisip ko na iyon ang paraan para
mabuhay ako ng normal.

Everything happened so fast, but there's one thing that I am sure of-I loved him
more than anyone else. When we got married, I thought that finally I already have
my own place, and I promised to myself I'll look after him, protect him. Naniwala
ako sa pangako niya, I believed his words and forever kasi mahal ko siya. I gave
birth to our first child, and I named her 'Wyndell', wala akong naramdaman kundi
kasiyahan at wala akong ibang gusto kundi maging isang mabuting ina sa kanya. Pero
nagising na lang ako isang araw na wala na siya sa tabi ko.

"Wyndell gave her best to live."

They said my daughter died, and I couldn't do anything but to cry. I'll never see
her smile, her first word, her first walk, everything I anticipated, it's all gone.
Hindi ko alam na mas magiging masakit pa pala yung mga susunod na mangyayari sa
buhay ko. Life is so ironic. I was given a power to see each people's not too
distant future, pero hindi ko nakita kung anong mangyayari sa'kin. I thought it's
unfair.

Dinala ako ni Cairo sa isang lugar na hindi ko alam makalipas ang isang buwan. The
place was called 'Institute for Peculiars'. That was the time I started to doubt
Cairo. Sinubukan kong tingnan ang mga mata niya, doon ko napagtanto na hindi
totoong nawala ang kapangyarihan niya. He stopped me when he read my mind, he
blocked my visions. Even though kaunti lang yung nakita ko, it hurts me so much.
Everything was planned. And he brought me to this institution because that was his
mission. Paulit-ulit ko siyang tinatanong kung bakit niya 'yon ginawa sa'kin. Sa
sobrang hina ko ng mga panahong 'yon hindi ko na nagawang lumaban. It's too late to
fight anyway.

An organization called 'Memoire' founded the Institute for Peculiars, their


objective is simple, they aim to conquer the universe by using Peculiars, the term
they use for describing those human beings who are different from normal ones,
that's why I am here. Pero hindi lang pala ako ang dinala rito para pag-aralan,
marami kami, and they call us 'HGP' or Human Guinea Pig. Nagulat ako nang malaman
ko na kasama ko rin sila Pacifico, Rommel, at Sylvia, katulad ko, sapilitan silang
dinala.

"HGP number twenty one's case is special; she can see the future by staring, she
can obtain individual's data through eyes na nagpapakita ng future! But what she
can obtain is only limited information."
Thousands of stabs, shots, needles and the torturous operation weren't enough to
define what my pain was. The agony inside my heart kills me, gusto ko siyang
makita, gusto kong malaman kung bakit nagawa niya sa'kin 'yon, gusto kong tanungin
si Cairo kung minahal niya ba talaga ako. Sa sobrang dami ng sakit wala ng
mapaglagyan. Sa loob ng isang taon, hindi ko inakalang magagawa ko pang mabuhay.

Then they finally perfected my eyes. They forced me to look on some HGP's eyes to
test its newly developed power, it was unstoppable and I can't control my eyes
anymore, nakita ko lahat-lahat ng mangyayari sa taong 'yon hanggang sa kamatayan.
It became so evilly powerful.

"Karen, alam kong naririnig mo ako. Si Pacifico 'to. Makinig ka sa'kin. Mamayang
gabi, pupuntahan ka nila Sylvia at Rommel sa selda mo. Tatakas tayong lahat."

Pacifico, the twin brother of Cairo, conveyed a message through his mind, sinabi
niya na lahat ng HGP ay tatakas sa gabing 'yon at dadating sila Sylvia at Rommel
para itakas ako...

"Nasaan si Sylvia?" tanong ko matapos kong salubungin ng yakap si Rommel.

"Magkikita-kita tayo sa labas nila Pacifico. Alam kong magugulat ka, Beatrice...
Inililigtas ni Sylvia ang anak mo," hindi ako makapaniwala sa sinabi niya, "buhay
ang anak niyo ni Cairo, nandito rin siya sa institusyon, mamaya makakasama mo na
siya, umalis na tayo ngayon dito."

...but the escape plan didn't go smoothly. Hindi pala lahat ng Peculiar na kinuha
nila ay mga HGP, some of them were their men, kabilang doon si Cairo, at hinabol
nila kami. Nang marating namin ang labas ng gusali, hindi namin nadatnan si Sylvia
at Pacifico, nasira na yung malaking gate kaya malayang-malaya na kami makakalabas.

"Bea, kailangan na nating umalis!"

"Si Sylvia at Pacifico pa Rommel!"

"Wala na tayong oras, paparating na sila!"

"Rommel, sumakay na kayo rito!" sapilitan akong isinakay ni Rommel sa sasakyan na


kinuha ng iba pang HGP at tumakas sa lugar na 'yon. Hindi nakinig sa'kin si Rommel
kahit anong pilit ko sa kanya na balikan si Sylvia, Pacifico at ang anak ko...

Devastated. I was completely devastated and it felt like every part of me was
shattered into pieces. Naghalu-halo na lahat ng sakit sa dibdib ko. Sa huli
naramdaman ko na lang na namanhid na lang ang buong pagkatao ko. Humarap ako
salamin para tingnan ang sarili ko pero walang emosyon ang bumakas. I felt nothing
because I am empty and lonely. That's when I remembered what Lucille told me. Kaya
hinanap ko siya sa Sentral, kung saan napadpad kami matapos ang pagtakas, nagpunta
ako sa ospital and there we met again.

Lucille cried when she saw me. Gusto kong magalit sa kanya pero naisip ko na hindi
'yon tama, hindi tamang isisi ko sa kanya ang lahat ng nangyari sa'kin. I saw her
future in her eyes, she's getting weaker each day and she already knew na malapit
na siyang mamatay. We talked and she was so sorry for me, sinabi niya na
napanaginipan niya yung araw na magkikita ulit kami. Nagulat ako sa mga sumunod na
sinabi niya.

"Your sister is my best friend."

"A-anong sabi mo?"


The mischievous fate did it again. Sinabi ni Lucille na this time ang kapatid ko
naman ang napapanaginipan niya, I became nervous yet excited when I asked her about
my sister, but she told me to calm down dahil magkikita kami sa ospital sa mismong
araw na 'yon. And it happened.

"Beatrice?"

"Tito Richard."

That day, sinabi ni Tito Richard sa akin na siya ang umampon kay Atria.

"Nasaan siya? Gusto ko siyang makita."

But he said, she got in accident and she needs eyes to bring her sight back.
Without hesitations I told him, 'I'll give mine'. Then

"Miss Karen."

Napatigil ako sa pagsusulat at napatingin sa biglang pumasok.

"Who are you?"

"I'm Cloud Enriquez." Hingal na hingal niyang sabi, "Your... your sister...
Jillianne is in danger."

Napatayo kaagad ako sa kinauupuan ko at lumapit sa kanya.

"Nasaan siya?"

"Follow me."

Sinundan ko nga siya at habang naglalakad hindi ko pa rin maiwasang maalala ang
araw na 'yon, ang araw na 'yon sa ospital.

"Miss Karen,"Hinawakan ni Lucille ang kamay ko, "Nakita ko sa panaginip ko... I


know this is too much to ask but... will you look after to our class when I died?
Will you look after to my friends? Kapag binigay mo kay Jill ang mga mata mo, you
can have mine when I died."

"Memoire's here and they'll get her now." Narinig kong sabi ni Cloud Enriquez
habang nauuna siyang maglakad. Sa sinabi niya nakaramdam ako ng takot... at
pagsisisi. When I gave my eyes to her nakita ko kung paano nagbago ang buhay niya,
nakita ko kung gaano siya naghirap matapos makuha ang mga sinumpang mata ko. I am
selfish. I thought I did it to protect my sister pero hindi pala talaga yon ang
nasa puso ko, deep inside gusto ko lang tumakas sa realidad , na kapag wala na
sa'kin ang mga matang 'yon makakatakas na ako tuluyan. Pero hindi pala. I realized
it too late, na si Atria na lang pala ang mayroon ko, and the only thing I need to
do is to be her sister.

"How do you feel right now?" I always knew that she's not really fine.

"I'm fine."

"Minsan talaga hindi naaayon ang nilalabas ng bibig sa nararamdaman natin."

"Who are you?" I am your sister, I want to answer her that.

"Who am I? I'm the one who supposed to ask that, Morie...who are you?"

"I'm Jillian Morie... and I can see the future."

"I can see what other humans can't see I can see everyone's past."

"So... you're also a Peculiar."

"Help me to fix our class back together, in that way we could help Jill"

Hindi ko inaasahan na magkakaroon ulit ako ng estudyanteng Peculiar bukod kay


Lucille, si George Morris, ang nakaalam ng sikreto at nakaraan ko. I agreed to meet
him that afternoon para mapag-usapan yung tungkol sa pabor niya. Pero noong hapon
na 'yon nagulat ako nang madatnan ko sila sa classroom.

"Miss Italia."

"M-miss! Muntik na kaming atakihin sa puso, akala namin multo!"

"What are you doing here?"

"M-may nakalimutan lang po kami."

"Ako ang dapat magtanong niyan, Miss Karen. Anong ginagawa mo rito?"

"I also forgot something."

"Mauna na po kami."

"Wala na ba sila?" biglang siyang sumulpot nang makaalis sila.

"Umalis na sila. Why are you hiding here anyway?"

"Nothing really."
Nagawa kong maayos ulit ang klase nila, sinabi sa'kin lahat ni Morris ng sikreto ng
bawat sikreto nila dahil sa kapangyarihan niya. He was right, nakatulong kay Jill
ang pagkakaayos ng klase nila. Nakahinga ko ng maluwag at nagpasalamat dahil walang
nangyaring masama.

"Cloud!" napatigil kami sa paglalakad, "Nasaan na si Jill Morie?"

"Miss Karen, mauna ka na sa taas, ako ng bahala sa kanya. Nasa loob siya ng storage
room." Sabi niya sa'kin, tumango ako at dali-dali akong umakyat papuntang roof top.
Bawat hakbang lumalakas ang kabog ng dibdib ko. Humanap ako ng bagay na pwedeng
gamitin ipangsira sa lock.

Binuksan ko yung pinto nang masira ko yon. Hinanap kaagad ng mga mata ko si Jill
Morie. At heto siya, naglalakad papunta sa direksyon ko. Nang makalapit siya,
kaagad ko siyang niyakap. Hindi na napigilan ng mga mata kong lumuha, kasalanan ko
kung bakit ka nahihirapan ngayon.

I'm sorry. I'm sorry Atria.

<///3

[Again, thank you po ulit sa pagbabasa ng TPT hanggang ngayong chapter fifty!
Maraming salamat po talaga, 4oo k na? Salamat talaga. Haha. Try niyo pakinggan yung
kanta sa multimedia, mood setter lang. Yun lang, God bless, ingat kayo palagi!]

/51/ Atrium
/51/ Atrium
Ang nakaraan sa The Peculiars' Tale kabanata ika-apatnapu't siyam at ika-limampu:

Isang lihim na pag-atake ng Memoire ang naganap, patunay na isang babala ang
bulaklak na pinadala kay Jill Morie. Ngunit higit pa pala sa isang babala ang mga
nangyari; nagtapat ng nararamdaman si George Morris, nakakagalaw sa balghan ng oras
si Cloud Enriquez at ang hindi inaasahang pagtraydor ng isang kaibigan. Matapos
mahulog sa mapanlinlang na patibong ni Baldo si Jill Morie, kung kailan tinanggap
na niya ang pagkatalo mula sa mga kalaban atsaka dumating si Karen Italia.

Samantala ilang oras ang nakalilipas bago ang lahat, sa pagsisimula ng Night Out,
naiwan si Karen Italia sa silid habang inaalala ang tanong sa kanya ni Marcel.
Kasabay nito ang pag-alala sa kanyang madilim na nakaraan, kumuha siya ng panulat
at papel at itinala ito. Siya'y naabala nang dumating si Cloud Enriquez at sinabing
nasa panganib si Jill Morie. Hindi siya nagdalawang isip na puntahan ang matagal ng
nawalay na kapatid.

Sa kanilang pagkikita sa kasalukuyan, sa isang yakap nagtapos ang parehong


kabanata.

[Jill Morie]

"We need to go." Aniya matapos kong bumitiw.

"Saan tayo pupunta?" parang batang tanong ko sa kanya, parang batang naliligaw at
hindi alam kung saan pupunta. Naisip ko kung tama ba yung tanong ko, mayroon pa nga
ba akong pupuntahan sa mga oras na 'to?

"I don't know." Umiiling niyang sabi, pagkatapos ay napatigil siya, huminga ng
malalim at napapikit saglit. Maging siya rin pala hindi rin alam kung saan maaaring
pumunta. Gusto ko ulit magtanong, kung bakit nandito siya ngayon at kung paano niya
ko nahanap. Sa totoo lang I have tons of questions to ask but knowing her hindi rin
naman niya ibibigay ang sagot. Hinawakan niya bigla yung kanang braso ko, "Basta,
kailangan na nating umalis dito." Natin? Hindi niya na ko hinintay makasagot at
hinila paalis sa madilim na lugar na ito.

Mahigpit ang pagkakahawak niya sa'kin na para bang takut na takot maagawan, ramdam
na ramdam ko rin yung kamay niyang kasing lamig ng yelo. Umaalingawngaw sa buong
paligid yung tunog ng bawat nagmamadaling hakbang namin mababakas ang pagnanais na
makatakas. Nang marating namin yung ground floor, tsaka lang namin napansin ni Miss
na wala ng ingay na nagmumula sa central grounds. Posibleng huminto na naman ang
oras. Nasaan na nga kaya sila Jing Rosca?

"Where is he?" kahit mahina narinig ko yung sinabi niya. Luminga-linga siya sa
paligid, may hinahanap pero kaagad ding nabigo. Sino'ng hinahanap niya? Alam ba
talaga ni Miss kung anong nangyayari ngayon?
Naglakad ulit siya, habang hawak-hawak pa rin ako sa braso. Para lang talaga kong
bata kung hawakan niya. Biglang nagbalik alaala sa isip ko ang nangyari kanina
lang, ang ginawa ni Baldo sa'kin, parang may tumusok na kung ano sa puso ko,
bumalik ulit bigla yung sakit. Pinilit kong makabitaw sa pagkakahawak ni Miss
sa'kin, dinidikta ng utak ko na tumakbo palayo sa kanya pero hindi ko magawa. Paano
kung isa na namang patibong 'to? Paano kung kasama siya sa plano nila?

"Isa ka rin sa kanila, hindi ba?" hindi ko alam kung saan ko nakuha yung lakas ng
loob na magtanong, basta bigla na lang lumabas sa bibig ko, "Miss Karen, isa ka rin
sa Memoire at hindi rin totoo ang pangalan mo." The archives, the director from
that orphanage called her 'Beatrice', hindi ko pa 'yon nakakalimutan, pati na rin
yung araw na naabutan namin siya sa homeroom noong tumatawag sa'kin yung unknown
caller, may alam siya tungkol kay Lucille, and most of all I can't see the future
in her eyes. Morris told me that she's protecting me, but why? Anong mabigat na
rason kung bakit niya ginagawa yon?

"Yes." Diretsong sagot niya. "But it doesn't mean na katulad ko sila. Listen, Jill,
hindi muna ito ang oras para magpaliwanag, we need to go."

Ganyang ganyan din yung sinabi sa'kin ni Enriquez kanina, na he don't have time to
explain now and we need to escape as soon as possible. 'Wala kang dapat ibang
pagkatiwalaan kundi ako, Jill, you need to trust me. Runaway with me' Napailing
lang ako, hindi ko na alam. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko, nagugulumihanan
na 'ko sa lahat ng bagay. O sadyang tama lang talaga na wala akong ibang dapat na
pagkatiwalaan kundi sarili ko lang?

Naramdaman ko na lang na sinunod na ng katawan ko yung dinidikta kanina pa ng utak


ko, unti-unti akong umatras papalayo hanggang sa namalayan ko na lang ang sarili ko
na tumatakbo papalayo sa kanya at tila naging bingi, parang walang naririnig na
pagtawag mula sa kanya. Paano kung tama si Baldo na mas mabuti kung sumuko na lang
ako at sumama sa kanila? 'Mas mabuti na lang... Na ibigay ka sa kanila. Paalam.
Jill.' Bakit nga ba kailangan kong tumakas mula sa kanila? Bukod sa isang
maambisyong adhikain na sakupin ang sansinukob, ano pa ba ang gusto nilang
mangyari? Anong gustong gawin ng Memoire sa mga mata ko? Anong gusto nilang gawin
sa'kin?

Lumabas ako ng school building, habang tumatakbo sinusubukan kong tawagan si Jing
Rosca pero hindi siya sumasagot. Sa central grounds ako dinala ng mga paa ko, wala
na 'kong pakialam sa mga pwedeng mangyari. Nakahinto nga yung oras dahil nakatigil
din sa paggalaw yung mga tao, nasaan si Seraphina? Luminga-linga ako pero wala ni
anino nila.

Napagpasyahan ko na pumunta ng main entrance. Malayo pa lang mula sa building,


napahinto ako. Kahit malayo ay natanaw ko ang nakatayong anim na tao, nakasuot sila
ng itim na balabal na para bang si Kamatayan, mabagal silang naglalakad papunta sa
direksyon ko. 'Jill Morie. Come.With.Us.' biglang umulyaw sa buong paligid ang
pagtawag nila, paulit-ulit, katulad ng nasa panaginip ko noon. Kasabay ng mga ulyaw
ang malakas na pagkabog ng puso ko, unti-unting namayani ang takot.

Tatakbo ulit ako palayo pero pagpihit ko patalikod ay nasa harapan ko na sila.
Napaatras ako at huli na para malaman na nakapalibot na sila sa'kin. Para silang
mga kultong nanghuhuli ng magiging alay sa kanilang panginoon, at ako 'yon. Sa
bawat pagkurap ng mga mata ko, dumadami sila sa paligid, kahit saan ako tumingin,
at lumingon nakapaligid lang sila. 'Jill Morie. Come.With.Us.' nangyari 'to katulad
ng sa paglu-lucid dreaming ko. Ilusyon lang 'to. Hindi dapat ako matakot. Pumikit
ako. Nawala yung mga boses na umaalingawngaw.

"Hello, Jill Morie." Minulat ko yung mga mata ko, nakita ko siya nakatayo di
kalayuan, si Magnus, "It's been a while."
Tama nga 'ko, ilusyon lang 'yung kanina. Nagsimula siyang maglakad papunta sa
kinatatayuan ko. "We need your cooperation, sumama ka lang sa'min at wala na tayong
magiging problema." Sabi niya habang naglalakad. "Mabuti pa ang kaibigan mo,
madaling kausap, Jill," sigurado ako na si Baldo yung tinutukoy niya, "Isang
paliwanag lang sa kanya, naiintindihan niya na kaagad, kaya nga nakita mo naman,
hindi siya nagdalawang isip na ibigay ka sa'min." wala akong ibang magawa kundi
magkuyom ng palad, "Ayaw niya lang madamay yung ibang tao, naiintindihan niya na
mas magiging maayos ang lahat kung sasama ka sa'min. Bakit ba hindi mo 'yon
maintindihan?" Hindi ko rin alam, "Sinabi ko na sa'yo noon, Jill Morie, ito na ang
kapalaran mo,"

"Ano ba talagang kailangan niyo sa'kin?"

"Ikaw at ang mga mata mo." Tumigil siya sa paglalakad, dalawang metro halos ang
layo niya sa'kin. "We need your eyes, and your power. Come with us." Inilahad niya
yung kamay niya na tila inaalok na abutin 'yon. "You're different like us," mula sa
kung saan lumitaw ang iba pang kasama niya, walang duda na iba pang miyembro ng
Memoire, tiningnan ko sila isa-isa, parang pangkaraniwang tao lang ngunit
nakakagalaw sila sa balaghang ito, "Hindi ka matatanggap ng mga normal na tao,
hindi ka matatanggap ng sosyedad sa kung ano ka, tayo. But if you come with us,
matutulungan ka namin. Jill Morie." Lumabas din mula sa anino si Baldo, malamig
lang siyang nakatingin sa'kin.

Kahit wala na 'kong pakialam sa mga mangyayari, hindi ko maiwasang mag-isip kung
anong dapat kong gawin ngayon, wala na 'kong kawala sa kanila ngayon, pinapasuko na
lang ako ni Magnus sa kanila dahil siguro alam niya na wala akong laban. Wala sa
paligid sila Seraphina kahit na nakahinto ang oras.

"Kailangan ko munang malaman kung nasaan si Stephen." Sabi ko, "May kinalaman kayo
sa pagkawala niya, nasaan siya?"

"Kung gusto mong malaman, sumama ka sa'min at makikita mo siya." Sagot niya. "Jill
Morie. Come with us." Naririndi na yung tenga ko sa 'come with us', pangilang beses
ko na bang narinig ang mga salitang yan? Paulit-ulit. Nakakasawa. Hindi ko na
talaga alam kung anong gagawin ko, "You should go where you belong and you belong
with us," nagsimula na naman siyang maglakad papalapit sa'kin, "Huwag kang
matakot." Nang halos ilang dangkal na lang ang layo namin sa isa't isa, mula sa
kung saan isang rumaragasang apoy ang paparating, ang apoy ay nag-anyong tao, sa
isang kurap ay nakita ko na lang siya habang sakal-sakal sa sahig si Magnus.

"Finnix." Kahit madilim, kitang-kita ang pag-glow kulay pula na buhok niya. Hindi
ko alam kung saan siya nanggaling, basta bigla na lang siyang sumulpot, at ngayon
ko lang nakita ang pag-aanyong apoy ni Finnix.

"Jill, tumakas ka na." narinig kong nahihirapan na sabi ni Finnix.

Hindi ko namalayan yung paglapit ng iba pang Memoire, nakita kong papalapit din
yung babae kanina na humarang sa'min ni Enriquez, yung babaeng tinawag niyang
Gidget. Pero may agila na bumagwis sa kanila, pagtingin ko sa likuran ko ay
nakatayo si Pascal habang hawak-hawak ang baston.

"Nasaan sila Jing?" tanong ko sa kanya pero hindi siya sumagot, nasa tabi lang pala
niya si Otis na nakasuot pa rin ng payasong maskara, hinila niya ko papunta sa
likuran nila, tinatago mula sa kalaban. Nakawala si Magnus mula kay Finnix, umatras
ito pabalik sa mga kasama.

"Masyado mo namang tintotoo, Finnix, masakit 'yon." Tatawa-tawang sabi ni Magnus


habang sapo ang leeg, hindi sumagot si Finnix, naglabas siya ng apoy mula sa kamay
at ibinato ang tila bolang baga sa kalaban, pero may sumalo nito at hinigop ng
kamay ang apoy ni Finnix.

"Pilar," tawag ni Magnus dun sa babaeng sumalo ng apoy ni Finnix, "Ikaw ang bahala
sa kanya," tinuro niya si Finnix, tumango yung Pilar at naglabas din ng apoy mula
sa kamay, magkapareho sila ng kapangyarihan? Atsaka ko napansin na mayroon din
siyang pulang guhit sa pisngi katulad ng kay Finnix.

"Jill, nasa loob ng building si Jing, si madam Seraphina nagtatago dahil kontrolado
niya yung paghinto ng oras, pinoprotektahan siya ni Cecilia, hanapin mo sila,
kaming tatlo na ang bahala rito, hangga't maaari hindi namin sila hahayaang
makapasok sa loob." Kalmadong sabi ni Pascal. Natuod pa 'ko sa kinatatayuan ko,
babalik na naman ako sa loob? "Dali na!" kung hindi sumigaw si Finnix hindi ako
matatauhan. Tumakbo ako pabalik sa loob ng hindi lumilingon sa kanila, basta
narinig ko na lang na nagsimula ang paglusob ng kalaban, may tiwala ako sa sinabi
ni Finnix, hindi nila hahayaang masundan ako ng Memoire sa loob.

Hindi ko alam kung saan sila mahahanap, hindi ko alam kung saan ako pupunta, sa
right wing o left wing ng building, kaya dumiretso na lang ako papaloob ng main
building. Si Miss Karen, kailangan kong balikan si Miss Karen, pero sinundan niya
'ko kanina kaya siguradong wala na siya ron. Namalayan ko na lang yung sarili ko na
nakatayo sa Atrium. Tumatagos ang sikat ng buwan sa loob na nagsisilbing liwanag.
Tahimik. Nakikiramdam lang ako sa paligid. Maya-maya isang yabag ang paparating.

"Good evening, Miss Jillianne Morie." Another trap again? The voice is familiar but
I barely remember kung kanino 'yon. Nang matanaw ko siya tsaka ko na naalala,
"Kumusta na? Matagal ka ng hindi nagpapakonsulta." Dr. Crisostomo Hideo, wearing
his usual 'Simoun' look, kitang kita ko yung bilog na asul niyang salamin. He's the
one who gave me those medications, the Helexia drug, ang dahilan kung bakit may
sleep walking episodes ako na palabas nila para isipin ko na ako yung gumawa ng
blog. "Kaya hindi ka gumagaling, hindi mo 'ko-"

"Stop!"

"You're a very good liar, Miss Morie, nang sinabi mo na tinetake mo yung
medications alam ko kung ano ang nasa isip mo, you threw it, right?"

"And so? That freaking drug almost made me to believe that I am crazy."

"Miss Morie, I want you to calm down. I am here again to help you" Malumanay
niyang sabi, "Calm down... because this is just your dream. Panaginip lamang ang
lahat ng ito naiintindihan mo ba? A nightmare to be exact, and it's time to wake
up. "

"Liar! Hindi mo na 'ko maloloko."

Ngumiti lang siya.

"Show your true self, Caleb Perez or should I say-Cairo."

Mabagal siyang pumalakpak na dinig na dinig sa buong paligid, "Very well."


Pagkasabi'y inalis niya ang bilog na asul na salamin sa mata, sinunod ang mahaba at
kulot niyang peluka, at ang pekeng balbas, tinapon niya 'yon sa sahig. "Happy?"
nakangiti niyang sabi. Hindi ako nagkamali sa hinala ko na iisa lang sila. "So, ano
ng gagawin mo ngayon, Miss Morie? That was impressive though, alam mo na hindi 'to
panaginip and you do even know my real name. Sinong nagsabi sa'yo? Si Beatrice ba?"
nakita niya yung pagkunot ng noo ko sa sinabi niya, "I mean... si Karen ba?"
Nahalata niya na hindi ko alam kung anong isasagot ko kaya "Don't bother to speak,
alam ko naman kung anong tumatakbo sa isip mo, Miss Morie." Bigla akong kinilabutan
sa sinabi niya, this man can read minds and... he can manipulate people as well,
naalala ko yung ginawa niya kay Morris at Mr. Melencio noon, pati na rin sa buong
tao sa White Knights, dahil siya yung may pasimuno ng droga na 'yon, "Yes, yes,
tama ka, I can read minds and I can manipulate a person," isa lang? "Yes again,
one at a time lang, sa tingin mo kung may nag-eexist ng kapangyarihan na kayang
magmanipulate ng maraming tao kailangan pa bang imbentohin ang Helexia?"

Tumingin siya sa wristwatch niya at tumingin ulit sa'kin, "Pero hindi ako nandito
para makipagdiskusyunan sa'yo ng mga bagay-bagay, Miss Morie. Memoire's here for
the experimentation of the Helexia, but unfortunately hindi iyon naging
matagumpay," they're here for the experimentation? Pero ang akala ko ba, "And we're
here also to convince you." Convince? "You heard it right, nandito kami para
kumbinsihin ka, Miss Morie, kung ano ba ang tama, kung sino ba ang dapat
pagkatiwalaan, this is just a big reality show after all, you decide."

"Hindi kita maintindihan. What do you mean by 'big reality show'?"

"Hmm... I can't answer that. Oo nga pala, may gusto akong ipakita sa'yo," sumenyas
siya sa likuran at mula sa madilim na pasilyo ay naglakad siya papunta sa tabi
niya, "Say hi to her."

"Hi."

"Morris!" walang buhay na sabi niya, nakatingin lang sa kawalan ang mga mata at
parang robot ang tindig. Ano na namang ginawa niya sa kanya? Kinokontrol na naman
ba niya si Morris? No.

"Wala akong ginagawang masama sa kanya," he defensively said. "Gusto ko lang makita
mo siya, Miss Morie, he's part of the game after all."

"Shut up!" I'm so fed up with lies and shits.

"This boy knew everything and yet hindi niya sinabi sa'yo hindi ba? Sa tingin mo,
anong dahilan niya? Sa tingin mo Miss Morie, bakit? Kung talagang gusto ka niyang
protektahan, bakit hindi niya magawang sabihin sa'yo?"

"Hindi ko alam!"

"Kung hindi ka naniniwala, gusto mo bang tanungin ko siya?" he faced him, "Tell
her, kung kanino galing ang mga mata niya." Kanino galing? Does he mean?

Biglang kumabog ng malakas yung dibdib ko ng unti-unting bumuka yung bibig ni


Morris para magsalita, "Kay..."

"Cairo!" naagaw yung atensyon namin sa sumigaw, napatingin kami pareho roon at
nakita si Jing Rosca.

"Jinnie!" nakatawang sabi ni Cairo, "Long time no see."

"Wag mo kong tawaging 'Jinnie'!" pabulusok sa kinaroroonan ni Cairo ang isang


balaraw, ang akala ko masasaksak ito pero huminto ang balaraw sa ere at bumagsak sa
sahig.

"Thank you for stopping the dagger, Gidget." Gidget? Pero nasa labas sila!

Hinila ko ni Jing Rosca sa tabi niya, tsaka ko lang nakita na kasama na ni Cairo
sila Magnus, at ang iba pang Memoire kanina. Paano? Nasaan sila Finnix? Anong
nangyari sa kanila?
"Dear Jinnie, ngayon na nga lang tayo ulit nagkita pagtatangkain mo pa 'kong
patayin?" nagtatagis bagang na sabi ni Cairo, "Hindi ko lubos akalaing bibigyan mo
'ko ng ideya, Jinnie-"

"Huwag mo sabi akong tawagin sa pangalan na 'yan!"

"I'll give you what you want. Kill her." Utos ni Cairo sa mga kasama. Nagsimula
itong pumorma para labanan si Jing

Tinulak ako palayo ni Jing Rosca sa kanya, "Dyan ka lang, Jill Morie." Nanginig
yung mga binti ko dahil ko kayang manuod lang. Pumalibot sila sa kanya,
nagpapakiramdaman kung anong gagawin, kung sino ang unang aatake.

Biglang umingay yung paligid, nagbalik yung ingay na nagmumula sa central ground
maririnig na naman yung ingay ng banda at ingay ng mga tao, bumalik na ulit yung
takbo ng oras, nasaan na sila Seraphina at Cecilia?

Day by day, we have lost our edge

Don't you know? Forgotten is the life we led

Now it seems, you don't care what the risk is

The peaceful times have made us blind

Unang umatake yung babae na kapareho ni Finnix ng kapangyarihan, na tinawag na


Pilar ni Magnus kanina, naglabas siya ng apoy mula sa kamay at inihagis kay Jing.
Pero kapangyarihan ni Jing Rosca na kumuntrol ng kahit anong bagay kaya naman hindi
siya tinablan ng apoy.

Can't look back, they will not come back

Can't be afraid, it's time after time

Once again, I'm hiding in my room

The peaceful times have made us blind

Maya-maya naman ay unti-unting nababalot ng hamog ang paligid, isa sa mga kalaban
ni Jing ang may kagagawan nito kaya lumalabo yung nakikita ko. Hanggang sa halos
matakpan na't wala ng makita, sabay-sabay lumusob kay Jing yung kalaban. Mabilis
yung mga pangyayari, kahit wala akong nakikita sa mga nangyayari, naramdaman ko na
may apoy na paparagasa sa kinaroroonan ko.

So you can't fly if you never try

You told me...Oh, Long ago

But you left the wall

Outside the gate

So more than ever, it's real


Naramdaman ko yung init ng apoy pero hindi ako nasaktan dahil namalayan ko na lang
na may yumakap bilang lukob mula sa apoy.

"Ayos ka lang ba?" si Finnix, ako dapat ang magtanong niyan sa kanya dahil sa
itsura niya mukhang hindi siya maayos, tumango ako, puro galos yung mukha niya,
bumitiw siya sa'kin. Nawala na yung hamog, may malaking paso sa braso si Jing
Rosca, first degree burn, nasa tabi niya na si Pascal at Otis.

It was like a nightmare, it's painful for me

Because nobody wants to die too fast

Remember the day of grief, now it's strange for me

I could see your face; I could hear your voice

I could see your face

I could hear your voice

Aatake pa sana ulit yung kalaban nang biglang tumunog nang malakas yung Fire Alarm
System ng White Knights, may mga parte kasi na nadamay ng apoy kanina at medyo
kumalat. At dahil nga tuluy-tuloy na yung pagdaloy ng oras siguradong may mga tao
ng nakapansin nito mula sa labas, makikita nila yung usok na nagmumula sa Atrium at
maya-maya lang papunta na yung facilitators rito.

Remember the day we met

It's painful for me

Because nobody wants to die too fast

Remember a day we dreamt

It's painful for me

"Jing!" dumating si Seraphina, pasan-pasan siya ni Cecilia, hinang-hina. Naabot na


siguro yung limitasyon niya sa paghinto ng oras. Nagitla rin yung mga kalaban,
alam din nila yung sitwasyon ngayon, at wala na silang dapat aksayahing oras para
kuhanin ako.

"Jill, nasa fire exit ng ground floor si Karen, puntahan mo na siya," narinig kong
sabi ni Jing, alam kong nasasaktan siya dahil sa sugat niya, "Kami na ang bahala
ang umayos nito." Kailangan ko na namang tumakas, wala naman akong ibang magagawa,
nakataya yung buhay nila para lang sa'kin? Kaya hindi ko rin sila dapat biguin.
Tumango ako at muling tumakbo nang hindi ulit lumilingon. Ito... Ito na ba ang
kapalaran ko? Habambuhay na pagtakbo at pagtakas? Nararamdaman ng katawan ko yung
pagod, pero hindi yon tinatanggap ng utak ko, hindi ako pwedeng mapagod.

"Miss Karen." Bumungad kagad siya sa'kin pagkalabas ko ng fire exit, nakaupo siya
sa sahig dahil inaalo si Cloud Enriquez, "Anong nangyari sa kanya?" he's weak at
parang hindi makahinga ng maayos.

"J-jill." Pinilit niyang magsalita kahit na alam niyang nanghihina siya.


"Anong nangyari sa'yo?" napaupo rin ako para daluhan siya, "Enriquez."

'...nandito kami para kumbinsihin ka, Miss Morie, kung ano ba ang tama, kung sino
ba ang dapat pagkatiwalaan, this is just a big reality show after all, you decide'

Ano ang totoo? Ano ang hindi? Sino ang kalaban? Sino ang kakampi?

"Umalis na kayo." Sabi niya.

"Paano ka?"

"Don't mind me. Go." Tumayo na si Miss Karen at hinihila rin ako patayo, "Go! Alis
na!"

"Jill." Nahila na 'ko ng tuluyan ni Miss. Nagmamadaling umalis sa lugar na 'yon,


pero hindi ko maiwasang lingunin ang naiwan na si Enriquez na nakaupo't nakasandal,
nag-iisa, nanghihina.

*****

"I'm sorry." Sabi ko sa kanya habang nasa loob kami ng taxi, tumingin siya sa'kin,
"I'm sorry kung tumakbo ako palayo." Hindi ko na lang dapat pala siya iniwan
kanina, pero nadala ako ng pagkalito at takot. Akala ko kaya ko yung sarili ko pero
hindi, akala ko wala na 'kong pakialam sa mga mangyayari pero natatakot ako.

"You don't have to be sorry." Sabi niya, "Ang importante ngayon you're safe. We
need to escape from this place, I know hindi ko alam kung saan pero isang lugar
lang yung naisip kong pwedeng puntahan," she paused, "Sa Sta.Helena." yung lugar
kung nasaan yung ampunan? "It's the place where I grew up, alam kong malayo rito
pero for the meantime doon muna tayo magtatago." Tumango na lang ako.

Nagpahintay kami sa driver dahil kumuha ko ng ilang gamit sa apartment ko, bukod sa
mga importanteng bagay,sinama ko yung archives, invitation ng Mnemosyne at family
picture sa bag ko. Dinanaan din namin yung apartment ni Miss para makakuha rin siya
ng gamit. Pagkatapos, nagpahatid kami sa 'Ang Daambakal', ang pampublikong istasyon
ng tren papunta sa mga malalayong probinsya mula rito sa Sentral siyudad.

"Kanina pa po umalis yung huling biyahe ng tren papuntang Sta. Helena." Narinig
kong sabi nung kaherang babae kay Miss. "Mamayang alas kwatro ng madaling araw pa
po ulit darating yung unang biyahe"

"Thank you." She bought the tickets for the first trip, pero mamayang four am pa.
Wala kaming ibang nagawa kundi magstay muna sa isang traveler's inn di kalayuan sa
Ang Daambakal. Nagring yung phone ko at sinagot 'yon.

"Jing?"

"Jill, nasaan kayo?"

"Anong nangyari sa inyo?"


"Tumakas sila, hindi naman kumalat yung sunog. Okay lang ba kayo ni Karen?"

"Oo."

"Nasaan kayo?"

"Sa inn malapit sa daambakal."

"Sige, mag-iingat kayo, call me kung may kailangan kayo."

"Okay." Magpapasalamat sana ko kaso naisip ko nab aka sabihin niya na naman maaga
pa para magpasalamat.

*****

Tahimik lang kami pareho habang nakahiga sa kama. Hindi ko magawang ipikit yung mga
mata ko. Humarap ako sa gitna, nakaharap din pala yung pwesto ni Miss at hindi rin
natutulog.

"I can't sleep." Sabi ko. "Bakit hindi ka pa natutulog, Miss Karen?"

"Kasi hindi ka pa natutulog." Sabi niya.

Natawa ko, "What? Para naman akong bata."

"You are ten years younger than me.Kaya bata ka pa."

"Whatever." Natawa kami pareho. Hindi ko alam kung anong nakakatawa sa pinag-
uusapan namin pero pareho kaming nakangiti, "Alam ko na, let's play."

"What? Game?"

"Magtatanong ako ng magtatanong hanggang sa makatulog ako. Palagi kong ginagawa


'yon kay mommy para makatulog ako noong bata ako."

"Sige. You start."

"Sabi mo out of fifty tatlo lang ang magiging masaya 'diba?"

"Yes."

"I don't think so... sa tingin ko... lahat ng tao pwedeng maging masaya, in their
own different ways kahit ano pa yung problema na pinagdadaanan nila. Kasi... lahat
ng tao may karapatang maging maligaya." Hindi siya sumagot, "Pero bakit, bakit may
mga tao na kahit gustuhin nilang maging masaya hindi nila makuhang maging maligaya?
Nevermind. I'll change the question."

"Anong nauna? Chicken or egg?"

"Chicken."

"Why?"
"Kasi 'yon yung una mong sinabi?"

"When is your birthday?"

"June 30, 1987."

"Anong favourite color mo?"

"Green."

"Who is your bestfriend?"

"Si Jinnie."

"What is love?"

"Love is commitment."

"Who's your first love?"

"Si C."

"Where and when did you meet?"

"Fifteen years ago at the orphanage."

"Naniniwala ka sa forever?"

"Constant ang forever, forever may magbabago, kahit pagmamahal."

"Your name is Beatrice? Diba?"

"Yes."

"And you're married?"

"Yes."

"Why are you protecting me?"

Kanina pa mabigat yung talukap ng mata ko, ang tagal niyang sumagot, unti-unti na
siyang lumalabo sa paningin ko, ito na yung paghila ng antok sa'kin.

"Good night Atria. I'm so sorry." I don't know why she called me Atria. "Promise,
I'll tell you everything tomorrow."

*****

Naalimpungatan ako. Sabay kami ni Miss napadilat dahil naramdaman din niya pala na
may ibang tao sa kwarto.

"Sshhh." Mabilis kaming napabalikwas nang makita namin na nakatayo sa paanan ng


kama si Cairo. Lumapit siya at umupo sa gilid. "Karen." Napakapit ako kay Miss, at
siya naman ay mahigpit na nakahawak sa kamay ko habang tinatago ako sa likod niya.
"I won't harm you, unless you hand her over to me."

"Hindi ko siya ibibigay sa'yo."

"Karen, listen. Trust me, kailangan mong ibigay sa'kin si Jill Morie."

"Trust you? Ang kapal naman ng mukha mo para hingin mo ang tiwala ko."

"Alam ko kung gaano kasakit ang pinagdaanan mo-"

"No, hindi mo alam, Cairo, hindi mo alam."

"Karen."

"Wag mo kong hawakan!" nararamdaman ko yung panginginig at panlalamig ng kamay ni


Miss.

"Kung hindi mo siya ibibigay sa'kin ngayon, mapipilitan ako." Tumayo siya, at
nilabas mula sa bulsa ang isang baril, pareho kaming nagulat, "Mapipilitan akong
patayin ka." Tinutok niya ito kay Miss.

Namayani ang katahimikan at kuliglig mula sa labas. Tumayo si Miss Karen at


inilapit ang sarili sa baril, "Hindi ko siya ibibigay sa'yo Cairo. Poprotektahan ko
siya, kahit buhay ko ang kapalit." Hindi ko namalayan na tumulo yung luha ko, hindi
ko alam kung bakit ako umiiyak, dahil sa takot? "Kailangan ko munang mamatay bago
mo siya makuha. Kailangan mo muna kong patayin, naiintindihan mo?"

Hindi kumibo si Cairo, "Shoot." Utos ni Miss, pero hindi 'to kumilos, "Sabi ko
barilin mo ko! Bakit hindi mo magawa?!" kahit hindi ko nakikita yung itsura niya
alam kong umiiyak na rin siya, "Gustung gusto kong tanungin sa'yo noon pa, minahal
mo ba talaga ko? Sumagot ka, please." Nakita ko na dahan-dahang binaba ni Cairo
yung braso niya, hindi niya kayang barilin si Miss Karen.

"Kung hindi mo 'ko kayang patayin ngayon, hayaan mo kaming makatakas ng kapatid
ko."

Kapatid? Tinawag akong kapatid ni Miss Karen?

<///3
Weird note:

Una gusto ko ulit magpasalamat sa mga sumusubaybay, lalo na sa mga nakarating at


naghihintay ngayong chapter fifty one. No need to explain why mabagal at matagal
ang update (konyo) coz i don't think it's necessary. Haha. Basta thankyou guys,
mahal ko kayo.

Pangalawa, lately, weird things do happen and I want to share it... na... medyo
nagkakatotoo yung ilang parts ng sinusulat ko. LOL. I don't know why but I'm
starting meet one by one the characters in real life (tinatawag ko silang 'real
life' fictional character.

Pangatlo, hindi ko alam kung kailan matatapos ang lahat ng kalokohang ito. Pero
feel ko malapit na. haha.

Pang-apat, basta super duper thank you. Lalo na sa mga readerrs na nagkocomment
silent man o hindi. Tibay nyo!

AT PANGLIMA, thank you sa mga tropa kong tumutulong sa brainstorming, sorry


inisstress ko rin kayo. mahal ko kayo mga men.

Yun lang. GOD BLESS po.

/52/ Midnight Train

Ang nakaraan sa The Peculiars' Tale kabanata ika-limampu't isa:

Muling nakaharap ni Jill Morie si Magnus na nagbigay na naman ng paanyaya mula sa


Memoire ngunit biglang dumating sila Pascal, Finnix at Otis. Natagpuan na lamang ni
Jill Morie ang sarili sa atrium at doon biglang dumating si Dr.Crisostomo Hideo,
ang kanyang doktor, na sinasabing panaginip lamang ang lahat, ngunit hindi
nagpalinlang ang ating pangunahing tauhan at ibinunyag ang tunay na katauhan nito
na si Crisostomo-si Caleb Perez-Cairo ay iisa lamang. Dumating si Morris na tila
wala sa sarili. Sa atrium naganap ang labanan sa pagitan ni Jing Rosca at ng
Memoire, kaagad ding dumating sila Finnix para sumaklolo. Nang biglang nagpatuloy
bigla ang oras dahil sa limitasyon ng kapangyarihan ni Seraphina, nagkaroon ng
sunog dahilan para maalarma ang mga tao sa labas. Sinamantala nila ang pagkakataon,
pinapunta ni Jing Rosca si Jill Morie kung nasaan si Karen Italia.

Nadatnan ni Jill Morie sila Karen Italia at Cloud Enriquez. Kahit na hindi maganda
ang kundisyon ni Enriquez ay kaagad niya silang pinatakas. Balak ni Karen Italia na
pumunta ng Sta.Helena ngunit madaling araw pa darating ang unang biyahe sa Ang
Daambakal kung kaya't nagpasya nilang maghanap ng pansamantalang matutuluyan.

Sa kalagitnaan ng gabi, pareho silang naalimpungatan, isang lalaki ang nakatayo sa


gilid at umupo ito sa kanilang tabi, si Cairo. Inutusan ni Karen ang tanging lalaki
na minahal niya na barilin siya. Sa pagtatapos ng kabanata narinig ni Jill Morie
ang katotohanan na matagal na ikinubli sa kanya, siya ang nawawalang kapatid ni
Karen Italia.
/52/ Midnight Train

[Jill Morie]

Nakita ko kung paano niya ibinaba ang kamay na may hawak-hawak na pistol, nakita ko
rin kung paano siya nagtagis, nakakuyom ang isang palad habang ang mga mata'y
nananatiling blangko. Sa sobrang tahimik ng paligid, tunog ng mga kuliglig,hinagpis
ng mga damdamin, at tila nasa hangin pa rin ang mga salitang binitiwan ni Miss
Karen.

Kasing linaw ng buwan ang pagkakasabi niya, at dahil doon naliwanagan ako sa isang
bagay, si Cairo ang asawa niya at tinutukoy niyang unang pag-ibig. Pero naguguluhan
ako sa pinakahuli niyang sinabi, '...hayaan mo kaming makatakas ng kapatid ko'.
Kapatid? Sino? Ako? Ako ba ang tinutukoy niya? Iyon ba ang dahilan kung bakit niya
'ko pinoprotektahan? Pero bakit? Bakit sa ganitong tagpuan ko kinakailangang
malaman? Kung totoo man ang sinasabi ni Miss Karen... paano?

Nang mapansin niya na binaba ni Cairo ang baril, humarap siya sa'kin at hinila ako.
Hindi pinalagpas ang pagkakataon, kaagad naming kinuha sa loob ng tokador ang mga
bagahe naming dalawa. Ngunit bago kami makalabas sa silid na 'yon narinig namin ang
pagtawag niya.

"Karen." Dahil hawak-hawak ako ni Miss sa braso pareho kaming napahinto at dahan-
dahang lumingon sa kinatatayuan niya. Tiningnan ko silang dalawa, limang segundo na
nagtitigan, walang inusal na mga salita, senyales na ba 'yon na hahayaan niya na
kaming makatakas? Nang naputol ang titig, naramdaman kong humigpit yung hawak niya
sa braso ko, hinila niya 'ko paalis, at bago ko tuluyang matapak ang mga paa sa
labas, nasulyapan ko si Cairo sa loob, at hindi nakatakas sa'king paningin ang
kumislap na tubig na umagos pababa sa kanyang pisngi.

Halos tumatakbo na kami ni Miss papunta sa istayon ng Daambakal na di kalayuan sa


tinuluyan namin kanina. Inaasahan ko na may mga nakaabang na Memoire sa labas pero
wala ni isa, kahit anino nila wala akong nakita. Hingal na hingal kami pareho ni
Miss Karen nang marating namin yung istasyon, nasulyapan ko yung malaking orasan na
nakasabit sa entrada ng istasyon, mag-aalaskwatro na ng umaga. Marami-rami na rin
yung mga taong naghihintay, maraming papauwi sa kanya-kanya nilang probinsya.

Iniwan ko muna si Miss Karen sa waiting area para tawagan si Jing Rosca. Kinuha ko
yung phone ko, naka-ilang beses akong tawag sa kanya ngunit hindi 'ko magawang
makakonekta dahil nagluluko yung network line ko sa di malaman na dahilan. Wala
akong ibang choice kundi tumawag sa payphone.

Idinial ko yung number ni Jing at himalang nasagot niya kaagad yung tawag ko.

"Hello? Si Jill 'to."

"Anong nangyari? Nasaan kayo?"

Hindi ko masyadong ipinaliwanag yung mga nangyari pero sinabi niya na pupuntahan
niya kaagad kami rito ngayon. Pagkaputol ng tawag ko sa kanya, hindi kaagad ako
umalis, sinubukan ko siyang tawagan, pero hindi siya sumasagot, hindi sinasagot ni
Enriquez ang tawag ko. Sa dami ng iniisip ko, ngayon ko lang naalala yung kalagayan
niya nang iwanan namin siya roon sa labas ng fire exit. Hindi lang siya, naalala ko
rin bigla yung mga taong naiwan sa White Knights, sila Aya. Napag isip-isip kaya ni
Baldo yung ginawa niya sa'kin? Ano na kayang nangyari kay Morris. Si Lily na may
alam sa mga nangyayari. Hindi pa rin ako nilulubayan ng mga tanong kung nasaan na
nga kaya si Stephen at kung kailan magigising si Penelope.

Sa di malaman-laman na dahilan, ngayon ko lang naramdaman 'to, yung pakiramdam na


gusto ko silang tawagan lahat, gusto ko silang makausap kahit isang minuto lang.
Binaba ko yung telepono.

"Jillianne." Narinig kong tinawag ni Miss Karen ang buo kong pangalan, lumingon ako
at nakita siya, "The train is here. Let's go." Maririnig na yung malakas na busina
ng tren at ingay ng mga tao na mas dumami ang bilang ngayon. Bago ako sumunod sa
kanya ay luminga-linga muna ako sa paligid, hindi pa dumadating si Jing Rosca.

Hindi na magkandaugaga yung mga tao nang huminto at bumukas ang pinto ng tren. Wala
na akong nagawa kundi pumasok sa loob. Tahimik kami pareho ni Miss Karen nang
makaupo kami magkaharapan, nakapatong yung mga bag namin sa bakanteng upuan katabi
ko. Sumilip ako sa binatana sa pagbabakasakaling makita ko si Jing pero nabigo ako,
umandar na yung makina ng tren at unti-unti iyong umusad, pabilis nang pabilis,
hanggang sa tuluyan ng mawala sa paningin ko yung istasyon na may karatulang 'El
Sentral Ciudad'

What now? Gusto ko sanang sabihin sa kanya pero nanatili lang kaming tahimik.
Siguro katulad ko nag-iisip din siya ng pwedeng sabihin sa'kin. Sa kabila ng
lahat, sa dinamirami ng mga nangyari, mas nangingibabaw pa rin ang misteryo ng mga
sinabi niya kanina '...hayaan mo kaming makatakas ng kapatid ko'.

Marami pa 'kong gustong malaman. Whatever the reason, kung kapatid ko siya o hindi,
kung bakit kailangan ngayon ko lang nalaman, na all my life was a lie. Mixed
emotions made me number, ganon din kaya yung nangyari sa kanya? Matagal ko ng
naramdaman na we have something in common; we have that strange invisible
connection and ties for a long time ago.

Binuksan ko yung bag ko na nasa tabi, binuksan ko 'yon at kinuha yung makapal na
itim na envelope at mula sa loob nito inilabas ko yung isang larawan.

"This is you, right?" Ipinakita ko sa kanya yung portrait photo kung saan ay masaya
siyang nakangiti, "Ikaw to noon, 'diba?" what a lame question though, sa ganitong
paraan ko naisip kung paano simulan ang usapan. Dahan-dahan niya itong kinuha
sa'kin, pagkatapos ay tiningnan ng matagal.

Tumango lang siya bilang sagot, pagkatapos binalik sa'kin ang larawan.

Binalik ko sa loob yung envelope at kinuha ko naman yung lumang family picture
namin at pinakita ko yon sa kanya, "Did you know him?" tinuro ko si dad sa picture,
tiningnan ko siya kung anong isasagot pero nakatingin lang siya. "He's my father,
Richard Morie."

But she just stared at the photo; parang may inaalala, pero sigurado ako na kilala
niya si dad. Bakit hindi siya sumasagot?

Namayani ulit yung katahimikan, ibinalik ko yung mga larawan sa loob ng bag. Sa
totoo lang hindi ko alam kung anong sense kung bakit pinakita ko yung mga laarrawn
sa kanya, hindi ko talaga alam kung paano siya tatanungin tungkol sa bagay na 'yon,
na sinabi niya na kapatid niya 'ko. I badly wanted to demand an explanation; I
deserve an explanation I guess, after all of the trails I've been through, I'm so
fed up with mysteries and puzzles, siguro oras na para malaman ko kung ano yung
totoo. Napahinga ako ng malalim.
"You know what..." sabi ko, "I want to hate you." Hindi ko na alam kung anong
lumalabas na salita sa bibig ko,

"It's fine," sawakas nagsalita na siya, "Hate me if you want." Kasunod no'n ay ang
sunud-sunod na pagbagsak ng luha mula sa mga mata niya. "I'm sorry." This time ako
naman 'ata ang hindi magawang makapagsalita, I didn't mean to tell her that. Para
sa'kin ang mga salitang 'yon, I want to hate myself because I felt helpless, hindi
ko na talaga alam kung paano ko matutulungan ang sarili ko.

"This is my entire fault. Kasalanan ko kung bakit lahat nangyayari 'to." she
covered her mouth as she sob, yung iyak na pinipigilang may lumabas na ingay mula
sa lalaluman, painful, I can't stand seeing her emotional breakdown, ngayon ko lang
siya nakita na ganito. Wala akong ibang magawa kundi hawakan yung kamay niya. "I'm
sorry." Hindi ko alam kung paano siya papakalmahin, tuluy-tuloy lang siya sa pag-
iyak. Bumitaw ako sa kanya, lumipat ako sa tabi niya, niyakap ko siya, hinayaan ko
lang siyang umiyak sa balikat ko.

Cry. Go on. I thought.

Maya-maya naramdaman ko na lang na huminto siya sa pag-iyak, tiningnan ko siya at


nakitang nakapikit ang dalawang mata, dala ng pagod, pisikal o emosyonal, siguro.

"Miss Karen?" Ewan ko kung bakit bigla akong nailang na tawagin siya sa ganyan.
"A..." may salitang gustong kumawala sa bibig ko, para kong isang taong gulang na
bata na tinuturuan ang sarili na bumigkas ng tama, paano nga ba ang tama? "Ate?" I
can't believe myself, because of an urge, I can't believe that I'm calling her like
that. She's asleep and probably didn't hear what I said.

Pinikit ko rin yung mga mata ko. Everything's going to be fine soon I guess. 'May
mga misteryo na habambuhay ng hindi mabibigyan ng kasagutan, pero may kanya-kanyang
susi sa bawat tanong, hindi mo nga lang alam kung kailan at saan mo ito mahahanap'.
I can't believe that all of the answers I'm seeking were already here.

*****

"Jill Morie. Come with us." Parang may bumulong sa tainga ko kaya agad akong
napadilat, nakasandal pa rin si Miss Karen sa'kin na nahihimbing sa pagtulog. May
naramdaman akong mali sa paligid, dahan-dahan akong tumayo para hindi magising si
Miss.

"Jill. Psst." Hinanap ko kaagad yung sumitsit. Naglakad ako at tiningnan isa-isa
yung mga nakaupo, natutulog ang karamihan, ang ilan naman ay napapatingin sa'kin
kung kaya't agad akong umiiwas ng tingin, hangga't maaari iniiwasan kong tumitig.
Nang may mabangga akong bulto dahilan para muntikan na 'kong matumba.

"Jill Morie. Ssshh." nagulat ako nang makita ko si Jing Rosca, nakatakip ang isang
daliri sa bibig, nakasuot siya ng itim na Poncho. Nagtaka ko kung paano siya
nandito ngayon gayong kanina hindi ko siya nakita kanina. Bigla niya kong hinila
papunta sa lugar kung saan walang masyadong tao, doon sa malapit sa may banyo.
"Paano ka-"

"We will get off in the next station." Maotoridad niyang sabi.

"Ano? Bakit?" Base sa tono ng pagkakasabi niya wala akong ibang dapat gawin kundi
sumunod sa kanya. Sa Sta.Helena kami papunta na nasa pangalawa sa huli na istasyon,
sa tantiya ko'y nasa San Isidro pa lang kami, malapit pa rin kami sa Sentral.

"Basta. Sumunod ka na lang." naramdaman namin na papabagal na yung andar ng tren,


tumingin ako sa labas ng bintana, nasa istasyon na kami ng San Isidro. Hinawakan
ako ni Jing sa braso pero bumitaw ako.

"Sandali, kasama ko si Miss Karen, pupuntahan ko lang siya." Pero hindi niya ko
pinayagang makadaan, pinigilan niya ko at hinawakan sa magkabilang balikat.

"Jill Morie, kailangan na nating bumaba. Ngayon. Na." Hindi ko siya maintindihan
pero sigurado akong may dahilan siya kung bakit. Hinawi ko siya at mabilis akong
bumalik sa pwesto namin, kaso biglang tumayo sa upuan ang isang lalaki dahilan para
magkabungguan kami.

"Sorry miss, okay ka lang?" sabi nung lalaki at tinulungan akong tumayo, pag-angat
ko ng tingin hindi ko inaasahan ang pagsalubong ng mga mata ko ang mga mata niya.
At sa isang iglap, wala pang sampung segundo ay nakita ko ang hinaharap. Isang
pangyayari sa hinaharap na hindi ko dapat nakita. Pero dahil nananadya na naman ang
kapalaran, ibinigay niya na naman sa mga kamay ko ang pagpapasya ng tadhana ng
lahat.

Biglang lumakas yung tibok ng puso ko. Nilagpasan ko yung lalaki at dali-daling
nakipagsiksikan sa mga bagong sakay na sumasalubong papasok. Naabutan ko ng gising
si Miss,

"Jill, I need to tell you-" kaso bigla siyang nagtaka nang makita ang itsura ko,
punum puno ng takot at pangamba, "Jill?"

"I saw the future."

"What happened?"

"I saw the future." Ulit ako. Pakiramdam ko nanginginig yung dalawang tuhod ko.
Hindi pa sumasara yung pintuan ng tren.

"Anong mangyayari?" Bumuka yung bibig ko pero walang lumabas na mga salita. "Anong
mangyayari, Jill?"

"Aksidente." Halos bulong na pagkakasabi ko. Nang marinig niya 'yon ay nakakunot
lang ang noo niya, "Maaksidente ang tren na 'to. Everyone will die." namilog ang
mga mata ni Miss Karen, nabigla. Nakita ko sa mga mata ng lalaki kanina ang mga
mangyayari mamaya lang, pagkatapos ng susunod na istasyon, masisira ang tulay,
mahuhulog ang tren sa ilog at mamatay ang lahat ng mga pasahero, lulubog,
malulunod.

"A-ano?"

"Pagdating sa Ilog-"

"Jill Morie!" Biglang sumulpot si Jing Rosca, tumingin siya kay Miss Karen at
pareho silang nagulat nang makita ang isa't isa, "Beatrice."
"Jinnie?" gulat na gulat na sabi ni Miss, napakunot ako, parang ngayon lang ulit
sila nagkita.

Bumalik ulit sa'kin yung tingin ni Jing Rosca, "Kailangan na nating bumaba," kaya
ba gusto niyang bumaba dahil alam niya na may mangyayaring masama? Paano?

"No, hindi tayo bababa." Ayoko na, ayoko ng maulit yung nangyari noon.

"Jill Morie for heaven's sake!" hinigit niya yung kamay ko pero nanlaban ako sa
lakas niya, narinig ko yung bulungan ng mga tao malapit sa'min dahil kay Jing
Rosca.

"Kailangan kong iligtas yung mga tao, Jing,-"

"Jill, " Naramdaman ko yung paghawak ni Miss Karen sa balikat ko.Umiling ako. Hindi
pwede, hindi pwedeng maulit yung noon. Why are You doing this to me? Sa ikalawang
pagkakataon inilagay mo na naman sa mga kamay ko ang kapalaran ng mga inosenteng
tao.

Sumarado na yung pinto at umandar na muli yung tren, may isang istasyon pa bago
marating yung tulay, kailangan kong makagawa ng paraan. Hindi ko na hahayaang
maulit ang nangyari noon, ang bus,ang aksidente.

Umupo kaharap namin si Jing Rosca, "Next station, bababa tayo, naiintindihan mo?
Kung kinakailangan kitang kaladkarin, Jill Morie, gagawin ko."

"Ano? Hahayaan ko na lang ba yung ibang tao na maiiwan na mamatay?"

"Sige nga, sabihin mo! Anong magagawa mo para iligtas sila?"

Hindi ako nakasagot.

"Sasabihin mo sa mga tao?" umismid si Jing, "Hala sige, tingnan na lang natin kung
hindi ka magmukang katawa-tawa at baliw, hindi sila maniniwala sa'yo, Jill." Tama
siya. Walang maniniwala sa'kin kapag sinabi ko kung ano'ng mga mangyayari. Pumikit
ako. May sampung minuto pa bago ang kasunod na istasyon.

"Jinnie." Narinig kong nagsalita si Miss Karen.

"Huwag mo 'kong tawaging 'Jinnie'." I wonder why she hated her name so much.

"Anong nangyari sa'yo?"

Umismid ulit si Jing Rosca, "Hindi ito ang oras para sa reunion, Karen. Tulungan mo
'kong kumbinsihin ang kapatid mo na bumaba sa susunod na istasyon." Alam ni Jing?
Bakit alam ni Jing? Shit. Hindi ko na alam kung anong uunahin isipin.

"Jinnie!"

"Hah. Hindi pa ba niya alam?" tumingin siya sa'kin, "Ang buong akala ko pa naman
nagawa mo ng sabihin kanina sa kanya ang totoo." Bigla na lang nagkuyom yung dalawa
kong palad, hindi ako handa sa mga sinasabi niya pero gusto ko ng marinig yung
totoo "Kapatid mo ang taong 'to, Jill Morie." Humarap siya sa'kin, "At sa kanya
galing ang mga mata mo. Ang mga matang hinahabol ng Memoire ngayon ay na sa'yo."

Tumingin ako kay Miss Karen pero hindi niya magawang makatingin sa'kin ng diretso.
Hinihintay ko siyang magsalita at magpaliwanag, pero hindi niya 'yon ginawa.
Namayani ang katahimikan sa pagitan naming tatlo. It feels like I really want to
hate her now, pero hindi ko magawa, nagagalit din ako sa sarili ko, she's my
sister, hindi ko pa alam ang buong kwento, it made me glad at the same time furious
as well.

"I..." inaasahan niya na magagalit ako, "I am really confused right now. Promise me
you'll tell me everything after this." Sa ngayon, kailangan ko munang makaisip ng
paraan kung paano maliligtas ang mga tao rito. "So for the meantime, dapat na ba
kitang tawaging 'ate' ngayon?" she shed a tear when I said that. Sunud-sunod
siyang tumango, ngumiti.

"Grabe, nakakatouch." Jing said, sarcastically. I just glared at her.

Hindi namin namalayan na nasa San Pablo station na kami, pagkatapos nito ay tatawid
na ng tulay yung tren. Kung bababa kami ngayon, siguradong mamamatay silang lahat,
walang maliligtas kahit isa, pero kung hindi kami bababa, hindi sigurado kung
maliligtas namin sila at kung hindi pati kami ay mamamatay.

"Nandito na tayo. Jill Morie, utang na loob, kailangan na nating bumaba.". Sabi
niya sa mahinahon na paraan. "Kung ikaw, Karen, ang nasa sitwasyon ngayon ng
kapatid mo, anong dapat mong gawin? Sa tingin mo may magagawa ka rin?"

"Wala." Sagot ni Miss-Ate Karen. "Pero ikaw. Meron." Napatingin ako sa kanya nang
sabihin nya yon,

"Are you telling me to-"

"We need your help, Jinnie. You could stop the train before it crossed the bridge."

Natawa si Jing Rosca, "This is ridiculuous."

"Naniniwala ako na kaya mo, Jinnie."

"I said stop calling me 'Jinnie'!" she yelled, "Kung ayaw niyong bumaba ng tren,
pwes, ako ang bababa, kung gusto niyong iligtas yung ibang tao rito, go ahead!"
tumayo siya at naglakad paalis.

"Sandali lang," Tama si ate, si Jing ang makakagawa ng paraan. "Jing!" tumayo ako
para habulin siya, pero nakalabas na siya ng tren.

"Jinnie!" nasa likuran ko pala si Ate Karen, nakatayo kami sa may pintuan, "Hindi
ka pa rin nagbabago," biglang huminto si Jing Rosca pero hindi lumilingon, "What?
Running away again? Katulad noon? Nang hindi ka inampon ni Tito Richard anong
ginawa mo? Tumakas ka."

"Shut up."

"I know, we're powerless, but unlike you, we're not afraid of what may happen, even
if it cost our lives there is certainly a way, giving up is not an option. At least
we're not running away from this fate."

Pero hindi pa rin siya lumilingon. Sumarado na yung pinto at unti-unting umandar
yung tren. I'm starting to lose hope.

"Jill. Don't lose hope." Narinig kong sabi niya. "She's my bestfriend. And I always
believe in her."

Hindi pa nakakalabas ng istasyon ang tren ay sapilitang bumukas ang pinto, at


nabuhayan kami ng loob nang makita namin ni ate si Jing, tumatakbo at humahabol,
naalarma yung ibang tao dahil akala nila nagloko yung pinto. Dumungaw ako at
humawak sa gilid ng pintuan, inabot ko yung kamay ko para makakapit si Jing. Bago
magwakas ang dulo ng platform, nakakapit si Jing sa braso ko, tumalon siya at
nakapasok sa loob ng tren. Sumarado ang pinto, gulat na gulat naman yung mga
pasaherong nakasaksi sa mga pangyayari. Natutuwa ako na nagbago ang isip niya.

Niyakap ni ate Karen si Jing pero kaagad ding bumitaw. Walang mga salitang inusal,
tumakbo si Jing Rosca dirediretso papuntang driver's cabin, bago kami sumunod ni
ate sa kanya ay binalikan at kinuha muna namin sa pwesto namin yung mga bagahe.

Pagdating namin doon, naabutan naming sinisira ni Jing Rosca yung pinto.

"Anong ginagawa mo, Jing?" tanong ko.

"Obviously, sinisira ko yung pinto para makapasok."

"Alam ko. Anong gagawin mo?"

Hindi siya sumagot, nang masipa niya ng malakas at tuluyang bumukas ang pinto nito,
pagpasok namin sa loob kagaya ng inaasahan walang tao o driver. Kung ganon, it was
all planned. Planado na maaaksidente ang tren. At walang duda, Memoire ang may
kagagawan nito. Para iset up ako. Kung lumabas kami kaninaa ay tiyak kong nandoon
sila at nakaabang sa'kin. Ang ipinagtataka ko lang, si Jing Rosca, paano niya
nalaman?

Nabalik ako sa kasalukuyan ng marinig ko yung tawag nila. Nakita ko sila na


kinakalikot yung driver's control console, tumulong ako pero wala ring nangyari.
Parang nakaprogram yung tren at hindi na mapipigilan pa. Lumakas yung tibok ng puso
ko nang matanaw ko yung tulay malayo pa lang ay kita na yung sira nito sa gitna,
parang kamatayang kanina pa naghihintay na mahulog ang tren sa bitag.

"Jinnie, hindi gumagana yung mga control, you need to do something now." Sabi ni
Ate, kahit na composed ang itsura niya sa labas, alam kong kinakabahan na rin siya
sa loob. Tumigil nga si Jing Rosca sa pagkakalikot ng mga buttons at tumayo siya ng
matuwid.

"Karen, pakisabihan ng warning yung mga tao." Kaagad sumunod si ate, kinuha ang
communication cord at nagsalita.

"To all passengers, maaari pong kumapit po tayong mabuti sa ating kinuupuan dahil
magkakaroon ng kaunting aberya-" gumalabog bigla dahilan para pareho kaming ma-out
of balance at mapaupo sa sahig, tumayo kami ni ate at nakita mula sa labas ang mga
punong nagliliparan papunta sa tren, "Jinnie, anong ginagawa mo?!"

"I'm trying to stop the train!" sabi niya habang minamanipula yung mga puno,
kasunod nito'y galabog na naman, sinusubukan niyang gamiting pangblock yung mga
puno sa ilalim ng tren para huminto iyon sa pagtakbo, pero wala pa ring nangyari,
tuluy-tuloy lang yung pag-andar. Hindi pa rin huminto si Jing Rosca, may mga troso
pa na dumagdag, nagmula sa gubat na dinadaanan namin, rinig na rinig na namin yung
sigawan ng mga pasahero sa loob, palapit na nang palapit yung tulay pero hindi pa
rin natitinag yung tren. "Shit."

Magkakapit kami sa isa't isa ni ate Karen, wala kaming magawa kundi tingnan lang si
Jing na nahihirapan. Maririnig yung matinis na tunog ng bakal, nararamdaman namin
yung friction na pumipigil sa tren sa pag-andar, dahil sa pagkakataong 'to, yung
tren na yung kinukontrol ni Jing, sinusubukan niyang patigilin sa pag-andar. Nakita
ko na halos bumaon na yung dalawang kamay niya sa ibabaw ng console, umaagos yung
dugo mula sa kanyang ilong.

Kaunti na lang, bumabagal na yung andar nung tren. Mas kumabog yung dibdib ko dahil
ilang segundo na lang... andyan na yung tulay.
"Jinnie!"

Kung kailan sa pag-aakalang tuluyan na niyang nahinto ang tren, tsaka bumigay si
Jing Rosca, bumagsak ang katawan niya sa sahig, nadiskaril ang tren, at tuluy-tuloy
na bumulusok pababa ng ilog. Sigawan, iyakan, silakbot, takot, panaghoy. Niyakap
ako ni ate Karen, pinikit ko yung mga mata ko.

Inaasahan kong dadampi sa'min ang hampas ng tubig. Pero Wala. Dumilat ako.

Nakahinto ang pagglaw ng tren. Nakahinto ang oras. Ngunit bago ko pa makausap si
Ate, bigla akong may naamoy na kung ano, bigla akong nahilo at pilit na pinikit ang
mga mata...

*****

"Jillianne." Napabalikwas ako. Panaginip? Hindi. Nakita ko yung mga galos ko sa


braso, totoong nangyari yung kanina. Nasaan ako? Anong ginagawa ko rito sa loob ng
sasakyan? "Jillianne." Napatingin ako sa gilid. "Seraphina?"

"Mabuti't nagising ka na, hija." Nakita ko sila Pascal, Finnix, Otis, at Cecilia sa
labas, nasa gilid kami ng kalsada. "Kumusta?" Sila ang nagligtas sa'kin? Pero...

"Anong nangyari sa tren? Sa mga tao?"

"I'm sorry but..." No...

"Nasaan si ate Karen?"

"Jillianne..." She paused, "Cairo got her."

(itutuloy...)

<///3

Note: Hi guys, four days na lang Christmas na. So ayun, Merry Christmas sa inyong
lahat! 2014 is almost over, sinimulan ko tong TPT nitong 2013, at di ko inaakalang
aabot sa ganito! Haha! Maraming maraming maraming maraming maraming maraming
salamat po sa pagbabasa hanggang ngayon! God bless!

ps. At eto ang Nevereverland by Nano para sa ending theme song ng chapter na ito.
LOL.

[Curious question: Aside from the main character, sino yung paborito niyo? Lol. ]

/53/ Hey Jill


Ang nakaraan sa The Peculiars' Tale kabanata limampu't dalawa:

Madaling araw, sa kalagitnaan ng biyahe papuntang Sta.Helena, ang lugar kung saan
binalak nilang magtago mula sa Memoire, ay naalimpungatan si Jill Morie at nagkita
sila ni Jing Rosca. Gusto ni Jing na bumaba na sila kaagad sa susunod na istasyon,
biglaan ang mga nangyari, nakita ni Jill ang hinaharap mula sa mata ng isang
pasahero na nakabangga niya, nakita niya ang malagim na askidente, mahuhulog ang
tren sa ilog at mamamatay ang lahat ng pasahero.

Sa pagnanais ni Jill na iligtas ang mga tao, kinumbinsi nila ni Karen si Jing na
tulungan silang ihinto ang tren bago makarating sa tulay na palagay ni Jill ay
sinira ng Memoire. Kung kailan inaakala na nilang naihinto na ni Jing ang pagtakbo
ng tren ay atsaka ito bumigay, sa sobrang gamit ng kapangyarihan ay nawalan ng
malay si Jing at tuluy-tuloy na bumulok sa pababa ang tren. Subalit biglang huminto
ang oras, nawalan ng malay si Jill.

Pagmulat ng mga mata ni Jill ay tumambad si Seraphina. At hindi magandang balita


ang bumungad sa kanya, nakuha ni Cairo si Karen.

/53/ Hey Jill

"Si Jing?" iling ang sinagot ni Seraphina, at base sa ekspresyon ng mukha niya,
alam ko na kung anong ibig sabihin, may hindi ring magandang nangyari kay Jing.

"Jillianne."

"Sandali lang." Pinigil ko si Seraphina sa pagsasalita, tama na muna yung mga


sinabi niya kanina lang.Gusto kong sabihin sa kanya na gusto kong huminga―ang ibig
kong sabihin, gusto ko muna ng katahimikan, gusto ko muna ng kapayapaan, kung
maaari lang sana. Sa pagkakataong 'to wala akong ibang maramdaman―wala, hindi,
hindi ko pala alam.

Bumaba ako sa van, tsaka ko lang nakita na nakaparada ito sa gilid ng isang hindi
pamilyar na kalsada, hindi ko alam kung anong lugar 'to, parang nasa gitna ng
kawalan, tahimik ang buong paligid, walang ibang sasakyang dumadaan, maraming mga
puno, at kitang-kita sa guhit-tanaw ang unti-unting paglitaw ng haring araw.
Sumalubong sila Cecilia, pero hindi ko sila pinansin ni Finnix at naglakad ako
dirediretso, malayo sa kanila, malayo sa van. Naupo ako sa isang malaking bato na
nakatabi sa mga puno, damang-dama ko yung preskong hangin na nagmumula sa
kalikasan. Katahimikan. Pumikit ako at niyakap ang sarili.

Nangyari na naman yung katulad noon. Sa ikalawang pagkakataon, ng dahil sa


kapangyarihang mayroon ako, hindi ko nagawang iligtas ang mga taong 'yon. Pero iyon
na ang nakatadhana base sa nakita ng mga mata ko, sa huli kahit pala may gawin ako
para pigilan ang tadhana hindi pa rin pala ako mananalo.

Everything has changed. Funny, I realized it too late that my life is a complete
mess now. What an irony though, it seems like yesterday... I was complaining
because my life is dreadfully boring, I remembered myself seeking thrills and
excitement. Parang kahapon lang, si Lily lang ang kinaiinisan ko, parang kahapon
lang, dinadaldal ako ni Aya ng walang humpay. Parang kahapon lang nga naman.

Ang buong akala ko talaga magiging maayos na ang lahat noong pagkatapos ng
recollection, nagkaayos nga ang buong klase namin matapos ang dalawang taon. I
didn't expect na mas magiging malala pa pala ang mga mangyayari pagkatapos nito:
Nalaman ko mula kay Morris ang tungkol sa mga uri namin; Ang buong akala ko na ako
ang may kagagawan ng blog ay dahil pala sa droga na pinapalit ni Manang Fe sa
vitamins ko; Ang pagkawala ni Stephen; Nang dumating sa White Knights si Caleb
Perez at pinasailalim sa droga ang lahat ng tao sa academy; Ang unang atake ni
Magnus; Nakilala ko ang Carnies; Tinuruan ako nila Jing ng Lucid dreaming; Ang
aksidente ni Penelope; Ang Night Out; Si Cloud Enriquez ay isang Peculiar; Ang
Memoire; At higit sa lahat, the cold and expressionless homeroom teacher ay kapatid
ko pala.

Mali pala, hindi pala simula nang matapos ang recollection nagbago ang lahat. Noon
pa man, simula pa lang na makuha ko 'tong mga mata ko―every part of me has changed.
Magmula ng matuklasan kong may kakaiba sa nakikita kong mga mata ng iba, magmula
nang makuha ko 'tong mga sinumpang mata. Lumayo ako sa mga tao, kinamuwian kong
mabuhay, ilang beses kong sinisi ang sarili ko dahil sa mga hinaharap na hindi ko
napigilan. Kung kailan kailangang kailangan ko ng kalinga ng pamilya't kaibigan
noong mga oras na 'yon, walang sumaklolo sa'kin.

I hold my chest as if I can't breathe. It's just that...this is too much. Really.
Too much. Wala rin namang mangyayari kung uupo lang ako rito at panuorin lang
sumikat hanggang sa lumubog ang araw. Reality sucks. I nearly wished that I should
die two years ago. Yeah, na sana hindi ako ganito kamiserable ngayon. But hey,
wishing to die is selfish, there's still humanity left on me.

Kinapa ko yung bulsa ko, nandito pa yung phone ko at himalang buo pa. Fifteen
missed calls from unknown number. Tiningnan ko yung oras, ngayun-ngayon lang
tumawag yung caller. Bigla ulit rumehistro sa screen yung number. Sinagot ko 'yon
kahit hindi ako sigurado kung sino yung tatawag sa ganitong oras.

"Hello." Hinang-hina kong sabi.

"Morie?" unfamiliar, boses ng babae "Is this Jillianne Morie?" medyo garalgal yung
boses sa kabilang linya, tumayo ako para makahanap ng mas magandang signal, "Hello?
Is this Jillianne Morie?" medyo luminaw na yung boses niya.

"Yes."

"Thank goodness sinagot mo na." Parang siyang nakahinga ng maluwag, "Si Marcel 'to,
Morie." Si Miss Marcel? Bakit? Bakit siya tumatawag? At base sa boses niya parang
kinakabahan siya na hindi maintindihan na nagmamadali.

"Po? Bakit po Miss?" nagdasal ako na sana wala namang masamang nangyari sa White
Knites at sa mga kaklase ko ron, wala naman akong ibang maisip na dahilan kung
bakit siya tumawag.

"W-where are you now?" at bakit naman niya tinatanong ngayon kung nasaan ako? Hindi
ko maiwasang magduda lalo na ngayon.

"Bakit niyo po tinatanong?"

"You should go here now." Tahimik na tahimik yung paligid niya sa kabilang linya,
"I-I'm sorry, Morie, alam kong biglaan pero... kailangan mong pumunta rito. Nandito
ako ngayon sa faculty. After the fire incident yesterday, nandito lang ako
magdamag..."

I don't get her point. Pero parang kinakabahan na rin ako sa mga sinasabi ni Miss
Marcel. Narinig kong huminga siya ng malalim, humuhugot ng kung anong lakas para
magsalita. At teka, magdamag siyang nasa faculty lang? Posibleng may nakita siya...
o nalaman. Hindi kaya...

"Miss Marcel, hindi kita maintindihan, atsaka-" hindi ko alam kung paano sasabihin
sa kanya na hindi ko alam kung nasaan ako ngayon, "malayo po ako sa Sentral."

"Ganon ba..." pero hindi pa rin siya mapalagay, "Morie, kailangan talaga nating
magkita, may importante akong ipapakita sa'yo." Nawala yung pagdududa ko sa kanya
sa sinabi niya. Ipapakita? Importante?

"Miss Marcel I-"

"Morie. Saan tayo pwedeng magkita?" nakapagdesisyon na siya, mukhang kahit ano
atang mangyari gusto niyang makipagkita, mukang importante talaga yung sasabihin
niya. "I promise hindi 'to mababaw or what...I...I just can't tell here."

"Alright," nag-isip ko saglit kung saan kami pwedeng magkita, "Magkita po tayo sa
Sta.Helena Orphanage."

"S-sa Sta.Helena?" medyo nagulat niyang sabi, inaasahan kong aangal siya at
magtatanong kung bakit doon pa, "Sige." Pero akala ko lang pala yon. Alam kong
malayo ang White Knights sa Sta.Helena pero roon ko gustong makipagkita sa kanya,
ewan ko, dahil siguro doon talaga namin balak pumunta ni Miss-Ate Karen, "I'll
drive. See you later." Binaba niya na yung tawag.

Bumalik ako sa van, nasa labas silang lahat, naghihintay. Si Seraphina, Cecilia,
Finnix, Otis, Pascal at-wala nga pala si Jing. Hindi ko man matanggap pero gusto
kong paniwalaan na buhay pa siya. I know she's not dead yet, that's what my
intuition feels, buhay pa si Jing.

"Seraphina." Sabi ko nang makalapit ako sa kanila, "I have a favor."

"Ano 'yon, Jillianne? Okay ka na ba?" Hindi ako okay, pero tumango lang ako sa
kanya bilang sagot.
"I caused trouble lately to you guys. I'm sorry." Nakayuko kong sabi, naalala ko
lang ulit bigla si Jing. "You've been through a lot because of me."

"It's fine, Jillianne, compared to you, alam kong mas marami kang pinagdaanan." ,
hinawakan ng maliliit nyang kamay ang kamay ko. "We're here to help you." Hindi ko
na alam kung ilang beses na niyang sinabi yon. "Let's go."

Sumakay kaming lahat sa van. Si Otis yung nasa driver's seat katabi niya sa unahan
si Seraphina. Nasa tabi ako ng bintana, may malaking espasyo na namamagitan sa'min
ni Finnix, nasa likuran sila Cecilia at Pascal. Sinabi ko sa kanila na kailangan
kong pumunta ng Sta.Helena Orphanage. Hindi sila nagtanong kung bakit at kung para
saan, basta tumango na lang si Otis at pinaandar ang sasakyan. May nakita akong
sign board at nalaman ko na nasa San Isidro highway kami, 7 km to Sta.Helena.

Tahimik lang kami buong byahe, walang kumikibo. Kanina ko pa napapansin na parang
may gusto silang sabihin sa'kin pero parang mas pinili na lang nilang tumahimik at
hindi kumibo, kanina ko pa rin kasi nahahalata yung mga tingin ni Finnix sa'kin, si
Otis na sumusulyap sa rearview mirror, at yung bulungan nila Cecilia at Pascal sa
likuran. Pakiramdam ko iisa lang sila ng iniisip, at tungkol 'yon sa'kin. Inignora
ko na lang 'yon at tumingin ako sa labas ng bintana.

Maya-maya'y nagsaksak ng cassette tape sa player si Otis, hindi rin niya siguro
nakayanan yung sobrang katahimikan na halos magkakalahating oras na.

Nang marinig ko yung umpisa ng kanta, kaagad akong napatingin sa harapan at saktong
nakatingin din si Otis sa rearview mirror, though hindi ko naman nakikita kung
anong ekspresyon niya dahil nakasuot siya ng pangpayasong maskara, alam kong may
sinasabi siya sa isip.

When I find myself in times of trouble


Mother Mary comes to me
speaking words of wisdom, let it be

And in my hour of darkness


she is standing right in front of me
speaking words of wisdom, let it be

Ah. Naintindihan ko na. Through song, he expressed his sympathy. This is the way he
comforted me. Sympathy? Huh. But the song feels great, parang kumalma kahit papano
yung kalooban ko habang pinakikinggan yung kanta.

Let it be, let it be


let it be, let it be

Whisper words of wisdom


Let it be

Tila yung kanta yung naging payo ni Otis, let it be,huh. Sana ganon nga lang kadali
'yon, sana ganon lang kadali hayaan na lang kung anong magiging agos ng mga
pangyayari. Hanggang sa matapos yung kanta sinundan 'yon kaagad ng isa pang kanta,
album 'ata ng The Beatles yung sinaksak na cassette ni Otis.

Hey Jude, don't make it bad


Take a sad song and make it better
Remember to let her into your heart
then you can start to make it better
"Hey Jill, don't be afraid" napatingin ako sa gilid ko, si Finnix ba yung kumanta?
At malinaw sa pandinig ko na pinalitan niya ng pangalan ko yung lyrics. Pero
nakatingin si Finnix sa labas ng bintana.

You were made to go out and get her


the minute you let her under your skin
then you begin to make it better

"And anytime you feel the pain, hey Jill, refrain don't carry the world upon your
shoulders." Nagulat ako nang boses naman ni Pascal yung marinig ko kaya napalingon
ako sa kanila ni Cecilia, "For well you know that it's a fool who plays it cool by
making his world a little colder" kumakanta nga siya. "Nah nah nah nah nah nah nah
nah nah"

"Hey Jill, don't let me down"si Cecilia naman. Katulad ni Finnix nakatingin silang
dalawa sa labas ng bintana, kunwa'y patay malisya.

You have found her, now go and get her


Remember to let her into your heart
then you can start to make it better

"So let it out and let it in, hey Jill, begin you're waiting for someone to perform
with and don't you know that it's just you, hey Jill, you'll do the movement you
need is on your shoulder" boses naman ng isang bata ang narinig kong kumanta, si
Seraphina. "Nah nah nah nah nah nah nah nah nah yeah"

"Hey Jill, don't make it bad, take a sad song and make it better" hindi ako
sigurado pero si Otis ata yung sumunod na kumanta dahil ngayon ko lang narinig yung
boses

Remember to let her under your skin


then you'll begin to make it...

"Better better better better better better, oh!" sabay-sabay silang lahat hanggang
sa tumingin sila sa'kin "Nah nah nah nah nah nah, nah nah nah, hey Jill"
pumapalakpak habang kumakanta, si Cecilia at Otis, nakadukwang na at malapit
sa'kin, "Nah nah nah nah nah nah, nah nah nah, hey Jill" Si Finnix nakatingin na
rin siya sa'kin "Nah nah nah nah nah nah, nah nah nah, hey Jill" hindi ko namalayan
kanina pa 'ko nakangiti, "Nah nah nah nah nah nah, nah nah nah, hey Jill" bakit?
Bakit nila ginagawa 'to sakin? "Nah nah nah nah nah nah, nah nah nah, hey Jill"
inaanyayaan ako ni Cecilia na makisabay sa kanila, "Nah nah nah nah nah nah, nah
nah nah, hey Jill"

Really. Thank you.

*****
Sta. Helena Orphanage

Nandito na kami sa tapat ng gate ng ampunan, bumaba ako ng van, may nakita kong
nakaparada ring sasakyan sa labas ng gate, baka kay Miss Marcel 'to, mukang kanina
pa siya nandito, "Ako na lang yung papasok sa loob, hintayin niyo na lang ako
rito." Sabi ko kay Seraphina na nakasilip sa bintana. Tumango lang siya at sinabing
maghihitay sila. Pumasok ako sa loob, hindi naman nakalock yung gate.

Bumungad yung mga batang naglalaro sa malawak na hardin, napatingin sila sa'kin
nang makita ako, dirediretso ako sa paglalakad pero may napansin ako sa playground,
sa swing nakaupo mag-isa, si Miss Marcel ba 'yon? Nilapitan ko para makumpirma.

"Morie." Nagulat siya sa bigla kong pagsulpot sa harapan niya, "upo ka," yaya niya,
umupo ako sa swing katabi niya.

"Miss Marcel, ano po bang gusto niyong sabihin sa'kin?" tanong ko. Huminga muna
siya ng malalim, napansin kong may hawak siyang papel.

"Ano..." nahihirapan siya kung pano sisimulan, "Pasensya ka na ha. Nabigla lang din
talaga ko. Tungkol 'to kay Karen Italia." Natigilan ako sa sinabi niya, "Ah..
Sorry, Morie. Hindi na 'ko magpapaliguy-ligoy pa." Sabi niya na para bang
nakapaghagis siya ng granada, "Bago kasi magsimula yung Night Out naiwan kami ni
Karen sa faculty, nag-uusap kaming dalawa hanggang sa hindi ko naman sinasadyang
biruin siya at natanong ko nga kung sino ba talaga siya." Nakatingin siya sa lupa
habang nagkukwento, "Hindi naman siya kumibo kaya iniwan ko siya. Pagkatapos, nung
nangyari yung muntikang sunog sa White Knights, hinanap ko siya dahil nga para
humingi ng tulong sa pagcontact ng mga magulang ng mga bata, pero pagdating ko sa
faculty, nakita ko 'to sa desk niya." Ipinakita niya sa'kin yung papel na kanina pa
niya hawak, para 'yong papel ng pangtest paper, "At... nabasa ko nga yung sinulat
niya." Inabot niya sa'kin, "Tungkol sa totoo niyang pagkatao." Kinuha ko yung sulat
sa kanya .

'I actually don't know where to start, but I'm trying to write about myself, kung
sino man ang makakabasa nito, ipinagkakatiwala ko sa'yo ang mga natitirang piraso
ng pagkatao ko. Before I've completely lost it, at least there's someone who will
remember.' Sabi niya sa umpisa ng sulat. Pero bago ko ituloy yung pagbabasa,
tumingin ako kay Miss Marcel.

"Can I ask kung bakit niyo po sa'kin pinapakita 'to?" tanong ko.

"Base sa mga nabasa ko... It seems like you're related to her." Kinutuban na 'ko sa
sagot niya kaya agad kong binasa yung nasa papel. At nang matapos ko 'yon, wala
akong ibang nagawa kundi magkuyom ng palad at tumingin sa kawalan. So... that's how
it is. Ang matagal ko ng hinala ay tama pala, na inampon lang ako ni dad. Ang totoo
kong pangalan ay Atria.

Naiintindihan ko na rin ngayon kung bakit para bang hindi makapaniwala si Miss
Marcel, ibinunyag sa sulat ang tungkol sa mga Peculiars, ang hirap na pinagdaanan
ni Beatrice na si Karen Italia pala. I can't believe it. I can't believe that she
even lost her child. Those heartless Memoire, sila ang may kagagawan kung bakit
naging miserable ang buhay ni Karen Italia. Pero... pero kung hindi dumating sa
ampunan na 'to si dad noon, si Dr. Richard Morie, hindi sila madidiskubre ng
Memoire.

'...she got in accident and she needs eyes to bring her sight back. Without
hesitations I told him, 'I'll give mine'. Then' Dito naputol yung sulat.
Two years ago. Magmula noong maaksidente ako, kaya pala... kaya pala pagmulat ng
mga mata ko, may hindi normal na nangyari. She gave her eyes to me. Ang mga matang
nilikha ng Memoire, ang mga matang hinahabol nila ngayon sa'kin. May mga malinaw na
sa'kin ngayon, pero may hindi pa rin ako maintindihan. Bakit? Kung pinuprotektahan
ako ng kapatid ko, bakit noong una pa lang binigay niya na yung mga mata sa'kin?
Kung alam na niya kung anong klaseng kapangyarihan ang mayroon 'yon bakit niya pa
srin binigay? Kaya ba siya humihingi ng tawad sa'kin at nagsisisi?

"Morie." Muntik ko ng makalimutan na nandito pala si Miss Marcel, marami na siyang


nalaman na hindi niya dapat malaman at hindi ko na siya pwedeng idamay pa, dahil
siguradong magiging alangin ang buhay niya kapag mas marami pa siyang nalaman,
"maging ako hindi makapaniwala noong una ko yang nabasa, gusto kong isipin sana na
baliw si Karen pero hindi, kahit na hindi ko siya ganon kakilala, alam kong hindi
siya magsusulat ng ganyan ng basta-basta." Does she mean na naniniwala siya sa mga
nabasa niya. "Kahapon ko pa hinahanap kung nasaan si Karen pero hindi ko siya ma-
contact, kaya ikaw yung tinawagan ko para sabihin 'to."

"Tama ka, Miss M. We're related. Karen Italia is my long-lost sister." Sabi ko na
hindi na niya masyadong ikinagulat, na para bang tumama rin ang hinala niya, "Miss
M. Pwede mo bang ipangako sa'kin na hindi mo sasabihin sa kahit na sino ang tungkol
dito?" Hindi siya nakasagot kaagad, "I know it's unbelievable. Pero ako na ang
magsasabi, Peculiars are real, they exist." Huminga ulit ng malalim si Miss M
atsaka tumango. "Unfortunately, we're one of them." Sabi ko, "And there are bad
guys who are hunting us. They took my sister away." Narinig kong napasinghap si
Miss M sa nalaman, "Kaya Miss M, hangga't maaari ayokong madamay yung ibang tao,
kaya ang pabor ko lang sana... you will keep quiet about this... and... please look
after our class for a while."

Doon nagtapos ang usapan namin ni Miss M. Ibinigay niya na sa'kin yung sulat,
nangako siya na hindi niya sasabihin sa kahit na sino yung tungkol dito. Pumunta
kami sa loob ng mismong ampunan para kausapin si Sister Emila, ang director ng
Sta.Helena orphanage, pero walang katau-tao kahit sa lobby. Nawala yung mga bata sa
hardin.

Nakailang katok na kami sa opisina ni Sister Emilia pero mukhang walang tao sa
loob.

"Nanggaling ako rito kanina lang, nakausap ko pa si sister." Nagtatakang sabi ni


Miss M at kumatok ulit. Pero wala talaga. "Teka, dito ka lang." sabi niya sa'kin at
naglakad paalis. Parang may umihip na masamang hangin kaya bigla akong kinutuban ng
masama. Hahabulin ko palang si Miss M nang marinig ko na yung sigaw niya sa
hallway, napatakbo ako roon.

"Miss M!" Napatigil ako sa nakita ko.

"Ssshhh." Biglang kumabog ng malakas yung dibdib ko.

Si Magnus. Nakita kong hawak-hawak si Miss M na nawalan ng malay ng dalawang


lalaking naka-itim. Kaagad akong tumakbo para humingi ng tulong kila Seraphina.
Nabuhayan ako ng loob ng makita ko sila sa may gate. Pero kaagad din akong nawalan
ng pag-asa nang makita ko na kasama nila si...

"Cairo." Hindi ako makapaniwala. Hindi.

"Get her." Sabi nito at papalapit na sakin ngayon yung dalawa niyang tauhan na
kasama niya noong Night Out. "I can't believe that Jinnie betrayed us just because
of you."

"Anong ginawa niyo kay Jing?" ibig niyang sabihin... sa umpisa pa lang...
magkakaalyansa na sila? Hindi ako sinagot ni Cairo.

Wala na kong ibang matatakbuhan. Hindi ako pumalag ng hawakan nila 'ko. Tumingin
ako kila Seraphina, inaasahan ko na hindi sila nakatingin sa'kin pero hindi.
Nakatingin sila. Blangko. Expressionless. Para 'kong sinaksak sa mga nangyari. Mas
masakit. Katulad ng kay Baldo. Bakit?Paanong nangyari?' Parang nagmuka akong tanga
sa mga nangyayari. Kanina lang kakampi ko sila, nangako sila na tutulungan nila ko
pero anong nangyari? Na kasinungalingan lang ang lahat?

Parang biglang tumugtog sa isipan ko yung kanta nila kanina

'Nah nah nah nah nah nah, nah nah nah, hey Jill'

Gusto ko silang tawagin isa-isa pero parang nawalan ako ng lakas. Hindi ako
makapaniwala.

'Nah nah nah nah nah nah, nah nah nah, hey Jill'

Paulit-ulit.

Paulit-ulit din yung sakit.

"Lord Cairo, ano pong gagawin natin sa kanya?" narinig kong tanong nung isang
lalaki, napatingin ako ron, si Miss M.

"Marami na rin siyang alam. We will take her."

"Yes sir."

Ilang beses pa? Ilang beses pa 'kong tatraydurin ng mga taong tinuturing kong
kakampi?

"We will take them to Mnemosyne Institute."

(....itutuloy)

Note: Happy New Year guys! #2k15 na! Maraming salamat ulit sa mga nagbabasa,
nagkocomment at bumoboto! God bless!
/54/ New Home
Ang nakaraan sa The Peculiars' Tale Kabanata limampu't tatlo:

Sa tulong ng The Carnies, nakipagkita si Jill Morie kay Marcel, ang music teacher
nila, sa Sta.Helena Orphanage. Ayon kay Marcel may gusto siyang ipakita kay Jill,
at iyon pala ay ang sulat na ginawa ni Karen Italia. Matapos mabasa ang
katotohanang nakapaloob sa sulat, halu-halo ang naramdaman ng pangunahing tauhan.

Subalit nang papaalis na sila ni Marcel, magpapaalam sana sila bago umalis kay
Sister Emilia, nang biglang dumating ang Memoire. Hihingi ng saklolo si Jill sa The
Carnies ngunit nalaman niya na isa sila sa kanila. Hindi inaasahan na naging
patibong ang pagpunta niya sa ampunan, isang bitag lang ang lahat. Hindi siya
makapaniwala na muli siyang tinraydor ng mga tinuring na kakampi at kaibigan.

Nagtapos ang nakaraang kabanata ng sabihin ni Cairo na dadalhin siya sa Mnemosyne


Institute.

/54/ New Home

I lose.

Tapos na ang laro, tapos na ang laban, nanalo ang Memoire, natalo ako. Iyan ang
paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko habang nakaupo rito, nakapiring, nakaposas.
Hindi ko alam kung gaano kalayo na yung tinakbo ng sasakyang lulan ko mula sa
Sta.Helena Orphanage, hindi ko rin alam kung anong lugar na ba 'to.

Tahimik.

Ang tahimik ng paligid ko, pakiramdam ko nasa isang kahon lang ako. Pero isa lang
ang siguradong alam ko ngayon: papunta kami sa Mnemosyne Institute.

Hindi ko pa rin makalimutan yung nangyari kanina lang. I have been betrayed,
again. It was all an act, noong umpisa pa lang, they intended to trick me para
makuha ng buo ang tiwala ko... Kaya pala... Kaya pala 'yon sinabi ni Cairo noong
magkita kami sa atrium.

"....nandito kami para kumbinsihin ka, Miss Morie, kung ano ba ang tama, kung sino
ba ang dapat pagkatiwalaan, this is just a big reality show after all, you decide."
Palabas lang ang nangyari noong Night Out, ang kunwaring naging labanan nila para
mas maging matibay yung tiwala ko kila Seraphina. The clues was just there, pero
mas pinili kong maging bulag at hindi 'yon pinansin sa dahilang natakot akong
lumaban ng mag-isa. Gusto kong isipin na nabiktima lang sila ng drogang balaghan na
ginawa noon ni Cairo sa White Knights, pero hindi. Gusto ko mang takasan ang
katotohanan na nag-iisa na lang talaga ako ngayon, walang ibang maaasahan kundi ang
sarili ko lang din.

Naintindihan ko na rin yung nangyari sa tren. Planado nila yung akisdente para
mapilit ako ni Jing na bumaba, atsaka sila nakaabang sa labas para kuhanin ako.
Pero dahil sa pagpupumilit ko na iligtas yung mga tao, "I can't believe that Jinnie
betrayed us just because of you." tinulungan kami ni Jing. If she just switched her
side, nasaan na siya ngayon? Anong ginawa nila sa kanya? Totoo nga kayang tumaliwag
na siya sa kanila para lang sa'kin? Bakit?

Can I still escape now? And if I did, saan naman ako pupunta? May mga lugar pa ba
'kong babalikan? Ewan ko at bigla kong naalala si dad. Kahit na alam ko na ngayon
na hindi naman talaga niya 'ko totoong anak, gusto ko siyang makita para makausap,
para malaman kung anong kinalaman niya sa lahat ng nangyayari sa'kin ngayon. He
discovered the six orphan children sixteen years ago, dahilan kung bakit sa'kin
binubunton ni Jing Rosca yung galit niya noon, malaki ang posibilidad na
nagtatrabaho siya sa Memoire ngayon.

Nakalimutan kong nakaposas nga pala 'ko nang subukan kong galawin yung mga kamay
ko. Mukang nakikinikinita ko na yung mangyayari sa'kin pagdating doon. I'm starting
to imagine myself, being locked up in a cell, nakasuot ng plain white gown, tied up
in a white room habang nakapalibot ang mga doktor pinag-aaralan at hinihimay ang
bawat piraso ng mga mata ko. Or maybe, dahil nga sa patay na patay sila sa
kapangyarihan ng mga mata ko, they will sell me overseas para gawing military
weapon or whatsoever, baka ipadala nila ko sa ibang planeta o ibroadcast sa buong
universe kung anong klaseng teknolohiya ang naimbento nila. That sounds like I'm
not human anymore. I can't help it but to imagine things up to the worst scenario.
I suddenly remembered Miss Karen, my sister, what she suffered in Memoire's hands,
kung paano niya dinetalye sa sulat ang pinagdaanan niya.

This is it Jill. Ito na yung thrill na hinahanap mo sa buhay, doing the same thing
every day sucks huh, starting this time, everything's going to be different, once
na makarating ako sa Mnemosyne Institute, whatever's waiting for me there then... I
shall prevail. Trust no one.

*****

Naramdaman ko na lang na may humila sa'kin at pilit akong pinababa, kahit na


masakit yung mga binti ko dahil sa tagal kong nakaupo, akala ko tatanggalin na niya
yung piring sa mga mata ko pero hindi pa pala. Habang naglalakad may dalawang kamay
ang nakahawak sa magkabilang balikat ko na para bang sinisiguro nila na hindi ako
makakatakas, wow, makakatakbo pa ba ko sa ganitong alagay?

Malamig. Naririnig ko lang yung ingay ng bawat hakbang, umaalingawngaw, nag-eecho.


Maya-maya huminto sila at dahil nga nakahawak sila sa balikat ko, napahinto rin
ako. Narinig ko yung tunog ng intercom.

Enter password

......

Access granted

Narinig ko lang na may kung anong bumukas, tunog makina, tunog ng makabagong
teknolohiya walang duda. Nagpatuloy kami sa paglalakad. Takot? Kaba? Pangamba? Sa
totoo lang wala dyan yung nararamdaman ko ngayon. Nagugutom na 'ko. Magmula noong
gabi ng Night Out, hindi pa 'ko kumakain ng kahit katiting na pagkain.

Pagkasabi ko non sa isip ay narinig ko ang bahagyang pagtawa niya. Muntik ko ng


makalimutan na kapangyarihan pala niyang makabasa ng iniisip ng isang tao, "Don't
worry, Miss Morie, hindi ka magugutom dito sa M.I." pagkaraa'y sabi ni Cairo. At
talagang kasama pa rin siya kung saan man ako dadalhin ngayon. "I assure you, this
institute will give their best service to you." His voice actually made me sick,
"Nakita mo naman sa pamphlet na ibinigay sa'yo ng principal niyo 'diba? This
'prestigious boarding school' aims to conquer the universe, and now you are
actually part of it. Congratulations." Parang nang-aasar niyang sabi.

"Where's my sister?" matigas kong tanong.

"Woa, woa, you already called her sister, huh. That's nice."

"Yeah. At hindi man lang ako na-inform na brother-in-law pala kita. I nearly cried
because of the shock." He quickly got the sarcasm kaya tumawa siya, mas masigla
kumpara kanina. "I'm asking you, nasaan siya?"

"Don't worry my little sister―"

"Don't call me that."

"Heh." I bet he grinned, "Why would I tell you, magkikita rin naman kayo anytime
here."

"Everything's planned, right? You actually gave me a hint noon sa atrium, when you
said 'big reality show'."

"Yes." Tama nga ako. "Everything's planned, from the beginning. I was assigned to
take Karen-no, hindi lang pala siya, pati na rin yung iba ko pang kababata sa
Sta.Helena, the orphan children na unang pinag-aralan ni Dr. Richard Morie. They
innovate our powers, gave us outstanding reputation in the industry. Then that
night, Karen escaped, she holds the newly developed technology and weapon, that's
why we searched for her. Finally, after two years, natagpuan ko siya sa Sentral
city, working as a normal teacher at the White Knights Academy. But to my surprise,
she doesn't have it anymore." Tinutukoy niya ba... yung mga mata ko? "Yes, she
doesn't have the eyes anymore. We investigated at nalaman nga namin na binigay niya
ito sa 'anak' ng isa sa mga accomplice namin." Accomplice? "At ikaw 'yon. Bakit?
Bakit nya binigay sa'yo?" Dahil kapatid niya 'ko. "Wrong. Morie. Wrong. You really
thought that she gave it to you just because she wants to? Or because you're her
sister?" ayokong marinig yung susunod niyang sasabihin, "The truth is-"

"Then why?" pinutol ko yung sasabihin niya para hindi marinig 'yon, "Bakit mo pa
rin siya kinuha ngayon kung wala na rin pala sa kanya yung mga matang hinahabol
niyo?"

Hindi kaagad siya nakasagot.

"Because... Karen is mine."

Ako naman 'ata ang hindi makasagot sa sinabi niya. Really. My sister fell in love
with this psychotic jerk?

"It's psychotic handsome jerk." Just die. Tumawa siya.

"Ang lalakas niyong mag-usap, nag-eecho sa buong underground hallway." May


dumating, bagong boses.

"You're just in time, Magnus."

"Well, I had a fun time with Finnix and the gang." Nang marinig ko yung pangalan ni
Finnix muli na namang bumalik yung alaala ng ginawa nila sa'kin. "Oh, hi Jill.
Finally, nandito ka na rin sa M.I. they are looking forward to meet you. Oo nga
pala, sana hindi masama yung loob mo kila Finnix, they just did their job you
know." I want to punch him right now, kung wala lang akong piring at posas ngayon.

"Stop it already, it looks like she's still dwelling the pain inside her heart
so..."

"Ahhahh. Fine. Fine."

"By the way, na-contact mo na ba yung headmistress niyo?"

"Uhh... Hindi pa."

"Right, go and tell Michele na maghanda siya, the bearer of the Culomus is here."

"Copy. Lord Cairo."

Culomus?

"We're here." Huminto kami sa paglalakad. Biglang tinanggal yung piring sa mga
mata ko at yung handcuffs sa kamay ko. Nakita ko na lang na may pinipindot ulit si
Cairo na security key system, biglang bumukas yung pabilog na pinto, nahati tuloy
yung letrang M na nasa gitna nito. Kaagad akong nasilaw nang tuluyan itong bumukas.

Pumasok kami sa loob, muntik na 'kong mapanganga sa pagkamangha sa nakita ko.


"Welcome to Mnemosyne Institute's underground research center, the Beehive." No
wonder they called this place 'The Beehive', the interior and structure design is
inspired by Beehive, the ceiling, walls, floor have hexagonal designs. I can't
believe that this kind of place really exists? Wow. I mean look-this is not an
ordinary science laboratory. Futuristic apparatuses, multiple built-in computers,
large touch-in LCDs with words, numbers, chemical reactions and photos that I don't
even understand, microscopes, weird tubes and glassware, etc. Maraming divisions na
palagay ko'y may kanya-kanyang specialization. This place is nearly crowded with
busy doctors or scientists I guess, lahat sila nakasuot ng lab coat, yung iba naka-
safety goggles na hugis hexagon din, halu-halo sila, may babae, lalake, bata (mga
nasa 20s), matatanda, meron ding mga foreigners. Like woa, really?

Hindi maiwasang makuha namin yung atensyon nila, sa bawat madaanan namin
napapahinto sila at napapatingin sa'min―err sa'kin pala. Huminto kami nang marating
namin yung 'RCPA department', I wonder what it stands for.

"Research Center of Paranormal Activities." Sagot ni Cairo na nasa tabi ko. Pumasok
kami sa loob, may sumalubong sa'min na isang weird looking guy na nakasuot din ng
labcoat at safety goggles, parang namamagnify yung mata niya at mukha siyang weirdo
dahil sa hairstyle niya na gulu-gulo. "Where's Dr. Irvin?"

"Papunta pa lang si Dr. Irvin galing US kaya, he just cancelled all his
appointments because of your sudden notice." Sabi nito, "Where's Karen? It's been
two years huh."

"Karen is not the bearer anymore." nakatanga lang ako sa kanila habang nag-uusap
sila. Paano kaya kung magmental break down ako rito, ipaghahagis ko yung mga
apparatus nila, basagin yung mga monitors at hugutin yung plugs. Nah. Nevermind.
Gutom na talaga ko, I wonder kung anong pakakainin nila sa'kin dito. Wag naman
sanang sodium chloride.

"She's Jillianne Morie. HGP #73"

"Wait. HGP #73? Morie? Anak siya ni―" HGP #73? Isa rin akong HGP? Noon pa?
"For the meantime kayo muna ang bahala sa kanya habang wala pa si Dr. Irvin. May
mga instruction na ba siyang binigay sa inyo?"

"Yes."

"Good. I'll leave her to you." What, iiwanan ako rito? Ididisect na ba ko ng buhay?
Papaalis na si Cairo ng pigilan ko siya.

"Sandali."

"What?"

"Nasaan yung pagkain?" tumawa na naman si Cairo, kanina pa siya amuse na amuse,
hell, I'm serious, I need food. I freaking need to eat.

"Sila ng bahala sa'yo." Pagkatapos umalis na sila nung dalawang kasama niya. Naiwan
ako at yung weird looking guy na 'to, nagtawag siya ng dalawang babae at inanyayaan
nila ko sa kung saan. Walang salisalita dinala nila ko sa kung saan. What's going
on? I really don't have an idea. Hell, I wish I could eat now.

"For the meantime kailangan muna natin siyang ipageneral test, yun yung sabi ni
Dr. Irvin. Mahigpit na binilin na wag munang gagalawin yung Culomus." Narinig kong
sabi nung isa. Tatanungin ko sana kung ano yung Culomus pero ang bilis nilang
maglakad. Feeling ko, Culomus yung tawag sa device o kung ano man nasa mata ko,
dahil mukhang yung Dr. Irvin na sinasabi nila ang siya lang na nakakaalam tungkol
dito.

Pinagpalit nila ko ng puting white gown. Pagkatapos pumunta kami sa isang section
kung saan ay may, kung hindi ako nagkakamali ay MRI (Magnetic Resonance Imaging).
Pinahiga nila 'ko dun sa movable table examination at sinalang. After million
years, hindi lang yon yung ginawa nila, aside sa physical tests, they also
conducted a mental status examination, baka nga naman nasisiraan na ko ng ulo dahil
sa dami ng stress.

Finally, pinakain nila 'ko ng maraming maraming maraming pagkain. Ito na ba yung
sinasabi nila na parang bibitayin kung kumain? Kung literal mang mangyayari 'yon,
ididisect na siguro nila 'ko maya-maya kaya binubusog nila ko ngayon.

After I drank the last drop of the water, tumingin ako kay weird looking guy na
hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang pangalan, bigla kasi siyang sumulpot sa
harapan ko. Parang manghang mangha siya na naubos ko yung hinandang pagkain nila.

He cleared his throat before he spoke. "I guess you need a little walk first before
you take your medications." Medications? May sakit ba silang natagpuan sa katawan
ko kanina? "How about a short-time tour?" I just nod, tumayo ako at sumunod sa
kanya.

"Can I ask something?"

"Yes, pero hanggang tatlong tanong lang."

"Huh? Hanggang tatlo? Bakit?"

"Hmm... For safety purposes."

"Safety purposes? Delikado bang magtanong?"

"Hmm... Yes."
Huminga ako ng malalim, pinipigilan kong mainis, "Do you know where my father is? I
mean si Dr. Richard Morie."

"I'm sorry I can't answer because you already asked three questions."

"Wha-"

"Una, tinanong mo kung pwede magtanong, pangalawa bakit hanggang tatlo, at pangatlo
tinanong mo kung delikado bang magtanong."

What the heck. Hindi na ulit ako nagsalita. We walked around the Beehive, this
place is really huge, ang daming kawirdohan, may iba't iba pang departments.
Seriously aside from the Helexia drug and Peculiars, what is Memoire's up to? To
conquer the universe huh? Gumagawa rin ba sila ng massive weaponry na mas malakas
pa sa atomic bomb? O kaya naman Zombie virus? Robots? Humanoids? Flying cars?
Potions? I can't exactly tell kung ano yung ginagawa ng mga kanya-kanyang
department. Pero may biglang pumukaw ng atensyon ko. Dahil nauuna sa paglalakad si
weird looking guy hindi niya napansin na lumiko ako para puntahan yung napansin ko.

"What the hell is this..." bulong ko habang pinagmamasdan 'tong parang higanteng
tube―hindi, parang tank, na may kulay berdeng tubig, at ang pinakanakakakilabot,
may tao sa loob nito. Babae, nakapamaluktot, walang saplot at nakayakap sa sarili.
She's alive, she's breathing, she's wearing like a helmet na parang nagsisilbing
gas mask. What on earth are they creating in order to conquer this universe?

Before I could touch it, narinig ko na yung malakas na pagtawag ni weird looking
guy sa pangalan ko, "Jillianne Morie!" dali-dali niya 'kong hinila papalayo roon.

Nang makabalik kami sa department nila, hindi naman niya 'ko pinagalitan, hindi rin
ako nagtanong o nagsalita tungkol sa bagay na 'yon, simply because... Natatakot
ako. Natatakot ako sa dahilang...

"Here, inumin mo na 'to." Nilapag niya sa mesa yung gamot.

"Ano 'yan?"

"Just take it."

I admit, simula noong makita ko yun kanina, natakot ako, natakot ako sa posibilidad
na gawin din nila 'yon sa'kin, natakot din ako sa kapangyarihang mayroon ang
Memoire, sa adhikain nila na sakupin ang sansinukob. What if they use me as their
weapon... a weapon could destroy this universe.

Ininom ko yung gamot na binigay niya. Bahala na.

Maya-maya naramdaman kong bumibigat yung mga mata ko, pilit na bumabagsak.

*****

'Thousands of stabs, shots, needles and the torturous operation weren't enough to
define what my pain was.'

Bigla akong nagmulat, bumalikwas ako. I have a dream, yung sinulat ni ate Karen,
yung saktong pagkakadetalye niya. Hingal na hingal ako, dahil pakiramdam ko sa'kin
nangyari 'yon, naalala ko ulit yung babae sa...

"Good morning." Mas nagulat ako nang may magsalita sa gilid ko, napatingin ako ron
at nakita ang isang babae. What? Umaga na? "Miss Jillianne Morie, it's nice to meet
you, finally." Her voice is cold, but strict and with a sign of authority. Tsaka ko
lang napagtanto kung nasaan ako, parang nasa isang kwarto ako, an elegant bedroom
actually, kulay maroon yung interior pati yung bed sheets. Teka, who the hell is
she? "Let me introduce myself. I am Michele Margaux, the headmistress of Mnemosyne
Institute for Peculiars." What? Headmistress? Naka-tendril hair bun, rectangular
shape-faced, she's wearing a black turtleneck dress and... she's also wearing black
round glasses? Seriously? Black shades? Above all, she's scary. She resembles the
strict antagonist old-maid principal in a cartoon I watched before, Miss Minchin?
But she's the fab version; I mean she's prettier than the actual Miss Minchin in
the cartoon. Para siyang naggoglow sa puti niya.

Ilang beses akong napalunok dahil sa maitim niyang aura, I don't know but I'm
starting to feel... Wait... Ano 'tong nasa leeg ko? Necklace? Pero parang hindi
pangkaraniwan, sinubukan kong tanggalin pero hindi ko magawa.

"It's useless." Sabi niya. "Stop it." Sinunod ko siya. What the hell is this? "For
now please prepare, take a bath, and change your clothes." Tinuro niya kung nasaan
yung banyo at yung walk-in closet. "I'll be waiting outside, Jillianne. Twenty
minutes is enough." Tumayo siya at umalis. Ako naman, dali-daling bumangon, pumasok
ako sa banyo at humarap sa salamin, kinapa ko yung sarili ko, wala pa naman silang
ginawa sa'kin diba? Wala naman silang ininject na kung ano sa katawan ko. Wait,
maliligo ako ng nakasuot 'tong collar? Tsaka ko lang napagmasdan kung ano 'to,
parang collar, hindi naman ako nasasaktan, pero... parang wala namang kung ano
rito. Kinalimutan ko muna yung idea na yon at dali-dali akong kumilos, twenty
minutes lang yung binigay ni Miss Michele sa'kin.

*****

"Very well, Jillianne. You are three minutes late." Salubong niya nang lumabas ako.
Tuwid na tuwid siyang nakatayo, habang nakalagay ang mga kamay sa likuran.

"I'm sorry." Wow, did I really said that?

"Apology accepted. Now, follow me." Para lang akong aso na sumunod sa kanya nang
tumalikod siya at naglakad. I guess she's too young to be the headmistress...
Wait... Ano ba talaga 'tong lugar na 'to? Kahapon lang nasa The Beehive ako, ang
underground science laboratory, akala ko 'yon na mismo yung paglalagyan ko pero ano
'to? Naglalakad kami sa mahabang hallway, parang mansion 'to dahil sa taas ng
ceiling at gothic features, nakasarado ang mga kurtina at tanging ilaw sa bawat
kanto ang nagtatanglaw sa paglalakad namin.

If she's the headmistress then... This is... a school? For real? Woa, dapat pala I
must feel special dahil ang headmistress pa ang gumising at nagsundo sa'kin. Heh.

Muntik ko na siyang mabunggo nang bigla ba naman siyang huminto sa paglalakad.


Dahan-dahan siyang humarap sa'kin.
"Listen, Jillianne. I want you to know that starting today this is your new home."
New home? "Mnemosyne Institute is your new home, dito makakasalamuha mo ang mga
katulad mo, the Peculiars, mag-aaral, matututo, and so on. Whatever you have in the
past, you must leave it behind, you must forget those things and you will start a
new life here. Naiintindihan mo ba?" I just remained silent on what she told, "I
said naiintindihan mo ba?" Tumango ako kahit hindi ako sigurado. "Good." Naglakad
siya papunta sa isang bintana na natatakpan ng makapal na kurtina, bigla niya 'yong
hinawi at nagmistula akong bampira dahil sa sobrang pagkasilaw. "Come here."
Inutusan nya kong lumapit sa kanya, "Look." Tumingin ako sa labas, muntik na kong
mapanganga sa pagkamangha, this mansion is actually located on a top of a hill kaya
tanaw ko halos lahat, masasabi kong triple ang laki ng school na 'to kumpara sa
White Knights. Ngayon ko lang ulit nakita yung labas, napaliligiran ang Mnemosyne
Institute ng mga bundok, mga puno, sigurado akong malayo sa kabihasnan ang lugar na
'to. "This is your new home, Jillianne."

Ayon kay Miss Michele, maswerte raw ako dahil kaagad akong napabilang sa mga
'elites' o cream of the crop, dahil ang mga tanging nakatira lang sa mansion na 'to
ay yung mga best of bests daw, kabilang yung mga alumni na achiever. Maybe because
nasa akin yung Columus, at kaya kong makakita ng hinaharap ng isang tao. Bumaba
kami, dahil naghihintay daw ang elites para mag-almusal.

Honestly, I don't like this idea at all. Being with the elites, or living in this
extravagant mansion. I want to go back. Sa Sentral. Sa White Knights.

"We're here." We finally reached the dining room, which is, as expected huge and
unique, gothic. "Ipakikilala kita sa mga elites na kabatch mo, Jillianne." May mga
lumapit sa'min at pamilyar na yung itsura nila sa'kin. "This is Jillianne Morie,
from now on she's our family." Tinuro niya sila isa-isa para magpakilala.

"My name's Gidget." I met her. Sa Night Out. Kasama siya nila Cairo noon. Masamang
nakatingin sa'kin si Gidget at hindi halatang masaya ang pagtanggap sa'kin. I don't
know what her power is.

"H-hi, ako naman si...si...Pilar." Pilar, the girl who can manipulate fire like
Finnix, she's shy.

"Yoh, Sydney here." Isang matangkad na lalaki na may buhok hanggang balikat, bigla
siyang nawala sa hangin, tapos sumulpot siya sa pinakaharapan ko, "Nice to meet
you." Bigla niyang hinawakan at hinagkan yung kamay ko. Tapos nawala ulit siya at
bumalik sa dating pwesto. He can teleport?

"I'm Igor." Sabi nung katabi ni Sydney.

"Unfortunately, Cloud is not here because of some issues. But I think you already
met him." Sabi ni Miss Michele. Si Cloud Enriquez ba yung tinutukoy niya? He's...
he's actually one them... "And the last one, tulad mo Jillianne, bago lang din siya
rito. Please introduce yourself mister."

Napatingin ako sa bagong dating. At laking gulat sa nakita ko.

"Hello, I'm Sio. Nice to meet you." No.

Paano siya nakarating dito? Hindi ako makapaniwala...

"Morris!"

Anong ginagawa niya rito? Bakit?


(...itutuloy)

Mahabang Note (Kung ayaw basahin wag na lang. haha):

*Una sa lahat, gusto ko ulit kayong pasalamatan! Alam ko paulit-ulit na lang, kahit
replies ko sa comments niyo puro thank you, ganun talaga, hindi ako magsasawang
magpasalamat. Salamat sa pagbabasa at pagkocomment, pagppm dahil malaking bagay yon
sa'kin. Thank you up to until now kahit na matagal akong mag-update (isang beses sa
dalawang linggo) eh nagbabasa pa rin kayo. Ayun. Salamat po. :)

*Pangalawa, maglalagay ako ng spin-offs (alam nyo naman yun diba) yung scenes na
walang kinalaman sa flow ng story peros sila yung character. May nagsabi kasi sakin
na namimiss na nila yung chilling days ni Jill, yung light lang yung nangyayari,
kaya gagawa sana ko ng spin-offs kaso di ko alam kung kelan ko ilalagay, habang
tumatakbo ba yung kwento o pag natapos na. kayo ba? lol

*Pangatlo, tungkol sa dedication, I actually have a list of wattpad readers na


pagdededicate-an kaso nawala. Dahil nga napaflood yung notifs, yung ibang matagal
ng reader nagpapalit ng username, hindi ko na alam tuloy, honestly, yung mga
nanghihingi ng dedics na di ko binibigyan kagad kasi nga binabase ko kung gano na
sila katagal tsaka kung nagkocomment ba sila. Yup, sa comment na ko nagbabase ng
bibigyan ko ng dedic, wala eh, nawala talaga yung listahan *iyak

*Pang-apat, nasa chapter 54 na tayo marami ng nareveal (tho yung iba na matagal ng
question ay di pa nasasagot), kung may naiwan pa kayong tanong o di kalinawan, feel
free to ask. Sasagutin ko sa abot ng aking makakaya.

*Humihingi ako ng paumanhin sa mga maling grammar, at paggamit ng mga punctuation


marks, etc. Haha!

*Last. Random question: Kung napifeel mo ng malapit ng matapos ang TPT, ano ba yung
ineexpect mong mangyayari sa dulo? I mean, ano bang inaanticipate mong ending o
mangyayari?

YUN LANG PO. GOD BLESS! SALAMAT ULIT.

ps.2:05 na pala. ingat kayo, may pasok na naman tayong lahat. *crie
/55/ Day Two
Ang nakaraan sa The Peculiars Tale kabanata limampu't apat:

Tinanggap na ni Jill Morie ang pagkatalo, inihanda niya ang kanyang sarili sa kung
ano mang mangyayari sa kanya mula sa mga kamay ng Memoire. Dinala siya ni Cairo sa
lugar na 'The Beehive' isang underground laboratory sa Mnemosyne Institute.
Sumailalim siya sa maraming tests, at pagkatapos ay pinainom ng pampatulog.

Paggising ni Jill ay tumambad sa kanya si Michele Margaux, ang sinasabing


headmistress ng MIP. Ayon kay Michele Margaux, kabilang si Jill sa 'elites' at
kailangang kalimutan niya na ang dating pagkatao upang makapagsimula ng panibagong
buhay sa MIP. Pinakilala siya sa ilang elites na Peculiar katulad niya at hindi
niya inaasahang makikita si Morris―subalit nagpakilala ito bilang si Sio.

/55/ Day Two

[Morris]

"What are you doing here?"

"Can't you see? Nagbabasa ako." Naaninag ko siya nang makalapit ako. Nakita ko siya
sa study-table, nakaharap siya sa laptop. Nandito na naman siya, kailangan ko
siyang paalisin.

Nang malapitan ko siya tsaka ko lang nakita kung ano yung binabasa niya.

White Knights Academy's

Heartless Heartbreaker

Jillianne Morie

"What the hell is that?" I heard him laugh.

"A blog, about your ex-girlfriend's blog actually."

"Get out."

"I'm still updating it―" Dali-dali kong sinara yung laptop, tinuro ko yung pinto
para umalis siya, "Get out." Ulit ko. Tumayo siya sa kinauupuan, akala ko aalis na
siya pero humiga pa siya sa kama ko at mula kung saan may hawak siyang libro―no,
hindi 'yon basta libro.

"Bakit na sa'yo yang sketchpad ni Lucille?!" sigaw ko sa kanya. Sinubukan kong


agawin yung sketchpad, yung sketchpad na pinagdrowingan ni Lucille, mga mangyayari
sa hinaharap, mga mangyayari kay Jill Morie. I heard him laugh again, hindi ko 'yon
nakuha dahil kaagad siyang bumangon at pumunta sa sulok ng silid.

"Too bad, ngayon mo lang nalaman na nasa akin?" he laugh again, "Poor me."

"Ibigay mo sakin yan!" pero hindi man lang siya natakot.

"I'm doing this for you, for us..."

"Shut up!"

"...kapag na sa kanila na si Jill Morie, ibabalik nila sa'tin si ate Georgina,


hindi mo ba gusto 'yon? Kailangan magpasalamat ka sa'kin dahil malapit ng mangyari
'yon, at lahat ng nakaguhit dito ay unti-unti ng nagkakatotoo. Salamat din sa
cooperation mo noon sa recollection at natupad na magkaayos yung klase niyo base sa
kung anong nakaguhit dito―"

"You threatened me! At sabi mo sa'kin magiging maayos na ang lahat kapag nagkaayos
yung klase namin!" that's the reason why I urgently asked that favor to Miss Karen,
sabi niya magiging okay na si Jill kapag nangyari 'yon but that was a lie.

"Kailangan ko rin palang magpasalamat kay Lily dahil sa laki ng tulong niya, though
ikaw ang nagsasuffer, nakulong ka sa relasyong hindi mo naman talaga gusto, well
kaysa naman ipagkalat niya kung ano talagang meron si Jill Morie diba? Kaya pumayag
ka sa gusto niya kahit na-blackmail ka niya." I can't contain my anger right now.
"Wait, ang ironic lang, she blackmailed you," he pointed at me, "Then I blackmailed
her as well to put those cameras, actually you-"

"Utang na loob Sio, umalis ka na sa harap ko." kanina pa ko nagpipigil, gusto ko ng


sumabog sa galit.

"Hah. That's impossible." Naglakad siya papalapit sa'kin, "Don't worry, Georgy,
pupunta rin tayo roon, the principal gave you the scholarship too right? Magkikita
rin kayo ni Jill or should I say magkikita rin kami."

[Jill Morie]

"Lady Morie." I looked at the servant beside who just called me err-Lady Morie?
Nakayuko siya at tinuro yung pagkain ko sa hapag na kanina ko pa hindi ginagalaw.

"Miss Jillianne, masamang pinaghihintay ang pagkain." Gumalaw lang ako nang marinig
kong nagsalita yung headmistress, si Michele Margaux, I guess I should call her
Lady Margaux dahil iyon yung tawag sa kanya ng iba ko pang kasama rito. I don't
know why but I really found her scary, parang lahat ng sasabihin niya hindi ko
magagawang tanggihan.
I tried to grab the fork pero tinulungan ako nung servant na hanggang ngayon hindi
pa rin umaalis sa gilid ko, inabot nya yon sa'kin, I thanked her then she took a
step backward. So, ganito ka-espesyal ang treatment sa mga 'elites'.

Sa totoo lang wala akong ganang kumain. Naiilang din ako dahil kaharap ko si
Morris-no-si Sio pala. Nang magpakilala siya kanina tinanong ko kaagad siya kung
anong ginagawa niya rito, and to my surprise sinabi niya sa'kin na hindi siya si
Morris, hindi siya si George Morris, siya si Sio, at sinabi niya rin na iyon ang
unang pagkakataon na nagkita kaming dalawa.

How could that happen? Hindi ako nililinlang ng mga mata ko, magkamukang magkamuka
silang dalawa! Well except sa ayos ng buhok, nakataas ang buhok ni Sio at unat na
unat ito, while Morris have a messy hair, palaging nakababa at halos matakpan na
yung mga mata. Is it possible na kambal sila? I never heard before na meron siyang
kakambal. Atsaka this guy... This Sio, kung titingnan siyang mabuti mahahalata mo
kaagad yung pagkakaiba nila ni Morris, he has that different aura, dark... at
parang confident na confident siya sa sarili niya, unlike Morris who is timid,
quiet, and serious.

Nagsimula na rin akong kumain kahit napipilitan lang talaga ako. Where are the
other elites anyway? Bakit kami-kami lang yung nandito? Narinig kong tapos na
silang kumain, tumayo sila at nagpaalam kay Lady Margaux atsaka umalis ng dining
hall, samantalang ako naiwan pa ring nakaupo.

"Miss Morie, as of today ay kailangan ko muna kayong ilibot ni Mister Sio sa buong
Institute para bigyan ng introduction at malaman ang iba't ibang rules and
regulations." Narinig kong sabi ni Lady Margaux na kakatayo lang din. What? Kasama
si Sio? "I'll give you ten more minutes para ubusin ang pagkain mo, we'll be
waiting outside." Pagkatapos ay umalis silang pareho.

"...whatever you have in the past, you must leave it behind, you must forget those
things and you will start a new life here..."

Nagtataka rin ako sa sarili ko kung bakit nananatili lang akong kalmado hanggang
ngayon. Start a new life here huh?

*****

Sumakay kami sa isang magarang itim na kotse, nasa gitna namin ni Sio si Lady
Margaux, mula sa The Sanctus, ang tawag nila sa lugar na para sa elites, ay
narating namin yung ibaba ng burol na tinitirikan nito.

Isang malaking gate ang bumungad, kulay itim at may nakaengrave na letter 'M' sa
loob ng isang diamond, matataas ang bakod, at maraming nagbabantay na mga guards,
I don't know kung mga guards lang ba talaga sila dahil nakasuot sila ng black suit
at shades, katulad ng mga taong kumidnap sa'kin noon sa Sentral, I'm sure that they
have guns , at isa pang kapansin-pansin ay katulad ko mayroon din silang kung anong
bagay sa leeg, pero iba ang itsura, choker na kulay gray yon at may kung anong
maliit na device na nakakabit, samantalang yung akin-yung sa'ming elites, collar na
kulay itim at may maliit ding device.
Bumukas ang malaking gate at nakapasok ang kotseng lulan namin, It's like I'm
about to enter the gates of hell. Katulad nga ng nakita ko mula sa bintana ng Tha
Sanctus kanina lang, malawak at malaki yung pinakaloob. Huminto ang sasakyan sa
harapan ng isang malaking gusali. May nagbukas para sa'kin ng pinto at umibis kami
ng sasakyan.

"This is the main building," Nagsimulang magsalita si Lady Margaux, nauuna siyang
maglakad habang kaming dalawa ni Sio ay tahimik lang na nakabuntot sa kanya. ", the
learning ground for Mnemosyne Institute's students, I welcome the two of you." So,
it is real that there are other fellows like me na nakuha nila. "Since the two of
you were already part of the elite wala na kayong magiging problema."

"What do you mean?" gusto kong pumalakpak dahil nagawang magtanong ni Sio, because
sabi ko nga parang may kung anong charm ang headmistress dahilan para maumid ka.
Naglalakad kami ngayon sa isang hallway, marami na kaming nalagpasang mga silid
pero hindi ko naman makita kung anong nasa loob dahil puro tilted yung mga bintana.

"From the word 'elite', I think you already knew why you're part of it, Mister Sio.
Elites are the bests among the group that is why they have the privileges." Sagot
niya, "And by the way, if you don't know yet, we call our kind 'Peculiars'," Wait.
Ibig bang sabihin Peculiar din siya? She just said 'our kind' ", we are beyond
normal, and we are capable of doing something unusually great that normal human
beings don't have."

Nagpatuloy kami sa paglalakad, at kung saan-saan kami nilibot ni Lady Margaux, this
place is seems endless, walang katapusan sa sobrang dami ng pasikut-sikot. Katulad
ng ibang normal na eskwelahan ay mayroon itong iba't ibang facilities, may library,
student hall, at kung anu-ano pa.Wala namang kung anong kakaiba, everything seems
normal, I thought this place for Peculiars have cages with eccentric entities.

"This is a prestigious school for Peculiars, you're not here because you're chosen,
and you're here because you're special. Mnemosyne Institute's goal is to segregate
the Peculiars from normal human beings in order to utilize their exceptional
powers. It is understandable why there are only few Peculiars here, they are rare,
they are hard to find. There is an assured bright future for every Peculiars. Dito
mas marami silang natututunan na hindi katulad ng tinuturo sa mga normal na
paaralan, dito masisigurong mahahasa ang kanilang kapasidad sa iba't ibang aspeto,
they will live and learn here until they finished, then the Mnemosyne Institute
will provide them the support in the industry." Marami pang sinabi si Lady Margaux,
pero tungkol lang sa learning system, wala siyang binanggit kung bakit nakasuot
kami-siya-yung staffs ng collar sa leeg.Nanatili lang akong tahimik hanggang sa
marating namin yung tapat ng isang malaking pinto na may nakasulat sa itaas na
'Lazaro Hall'.

She's about to open the door when I speak, "Does the government know..." hindi ko
alam kung saan ako nakahugot ng lakas para magtanong, dahan-dahan siyang humaharap,
I really don't get it why she needs to wear that round black glasses during broad
daylight, "...about us? About Peculiars."

"No." sabi niya nang makaharap sa'kin, "Of course they don't need to know...only
when we already conquered the universe."

By what she said I figured out one thing: they are scheming something.

*****
Pumasok kami sa loob ng Lazaro Hall at hindi ko inaasahan ang bumungad sa'min.
Tumingin silang lahat sa'min, nauna ulit sa paglalakad si Lady Margaux, sumunod
lang ulit kami ni Sio sa kanya, silang lahat ba yung mga Peculiar na nakuha nila?
Hindi ko inaasahan na ganito sila kadami. What surprised me the most was that―there
are children, they are too young to be here! Habang naglalakad pa rin kami ni Sio
kasunod ni Lady Margaux, sinusundan nila kami ng tingin hanggang sa inanyayaan kami
na umakyat sa entablado, sa harapan nilang lahat.

"Ladies and gentlemen let's give a warm welcome to our new family..." Nagpalakpakan
silang lahat. Ipinakilala nila kaming dalawa, hindi ko alam kung bakit, kung para
saan. Welcome party? Nilibot ko yung tingin ko, tiningnan sila isa-isa, ang mga
mata nila―hindi ko masabi kung anong iniisip nila o kung anong nararamdaman nila.
As expected, they're wearing the same thing, the collars, at ngayon ko lang
napansin, even Cairo and Magnus, na nasa stage din, ay may suot-suot na collar.

Matapos kaming maipakilala ni Sio, Cario, who is unexpectedly the deputy headmaster
(kaya pala 'Lord Cairo' yung tawag sa kanya ni Magnus), gave an opening remark. He
was followed by Lady Margaux, the headmistress of course, nagbigay din ng speech.

Tahimik at taimtim silang nakikinig, kahit yung mga bata, seryoso at nakatayo ng
matuwid. I really wonder kung anong tumatakbo sa isip nila ngayon. Kung katulad ko
iniisip din ba nila kung bakit ba talaga ko dinala rito. But I somehow felt uneasy,
being surrounded by Peculiars-isn't a good thing at all. They're all threat. Paano
kung... Katulad ni Cairo, may nakakabasa rin ng iniisip ko ngayon? Speaking of
Cairo, mukang hindi naman niya napapansin kung ano mang tumatakbo sa isip ko, maybe
because maraming tao? I don't know. If I plan to escape malalaman kaya niya?
Useless thought, I know I can't escape anymore.

Then the ceremony ended, pinabalik lahat ng Peculiars sa respective places nila,
while me and Sio remained where we are. Nilapitan kami ni Lady Margaux at sinabing
we should wander around, a give-away off dahil first day pa lang namin. Akala ko
hahayaan niya na kaming makaalis pero hindi pala, may binigay siya sa'min ni Sio,
isang maliit na kahon ang sa'kin.

"A golden watch?" narinig kong sabi ni Sio, at nakita ko nga na suot-suot niya na
'yon, "Cool."

Binuksan ko rin yung sa'kin at nakita... isang pares ng hikaw―krus na hikaw.


Tiningnan ko si Lady Margaux at tinanong,"Para saan 'to?"

"It's a welcome gift from us." Hindi ko siya maintindihan, regalo? I really don't
understand. They should be dissecting me now right? Ano na naman bang patibong ang
ginagawa nila?

"Don't misinterpret." May nagsalita, sumulpot bigla sa tabi ni Lady Margaux si


Cairo, "It's just a gift, Jillianne. Everyone receive theirs when they came here."
Hindi ko siya pinansin at tinitigan ko lang yung bagay na hawak ko, itim na ang
kulay ng hikaw, two centimeters ang haba at may maliit na dyamante sa gitna. "Wear
it." Utos niya at wala akong ibang magawa kundi sumunod. "Very good." Happy now?
For sure he's reading my mind.

"The both of you may go." Naunang maglakad paalis si Sio, natuwa masyado sa
regalong natanggap niya. "Miss Morie," tawag ni Lady Margaux, hindi pa rin kasi ako
umaalis.
"Can I ask something?"

"What?" pareho silang naghihintay ni Cairo sa tanong ko.

"What's the purpose of this?" tinuro ko yung collar na nasa leeg ko, sinubukan kong
tanggalin kanina pero mukhang imposible. "Why are we wearing this?" they didn't
answer, instead they just smiled devilishly that gave me creeps.

"Be good, Jill Morie."

"Be good."

*****

It was a long day, I guess. Finally malapit nang lumubog ang araw, pagala-gala lang
ako kanina pa sa malawak na grounds. Hindi ko na nakita si Sio after ng opening
ceremony, kanina pa rin ako nag-iisa rito, tinatanaw mula sa malayo yung mga batang
Peculiar na naglalaro sa malawak na damuhan, I want to come near them but something
inside me is holding back. Jill, you've been betrayed many times, don't let your
guard down.

Papaalis na 'ko pero gumulong sa harapan ko yung bola na pinaglalaruan ng mga bata.
Nakita ko yung grupo nila na kumakaway sa'kin, wala akong ibang nagawa kundi
pulutin yon at lumapit sa kanila.

"Here." Abot ko sa isang bata na sa palagay ko'y nasa labing-isang taong gulang,
yung collar sa munti niyang leeg ang una kong napansin.

"Salamat po." Narinig kong sabi nila, kaagad akong umalis papalayo roon. Gusto ko
silang kausapin but I have nothing to do with them. Pumasok ulit ako sa loob ng
campus, wandering without any thinking kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.

"Sshhh... Tahan na wag ka nang umiyak, baka dumating bigla si Lady Margaux, tahan
na Klein..."

"Mama! Mama! Dusto ko ng umuwi, dusto ko na makita si mama!" napahinto ako sa


paglalakad, hindi ko na alam kung saan ako nakarating, isang batang lalaki at
inaalo siya ng isang babae, dinig na dinig sa buong hallway yung palahaw nung bata,
nagmamakaawa na umuwi, "Mama! Uwi na ko sa bahay!" I can't help it but to feel
sorry for him, he's too young... too innocent to be here... Wala namang ibang
nagawa yung babae kundi yakapin at aluhin yung bata, pero nanlaki yung mga mata
niya nang marinig yung tunog ng mga hakbang na papalapit.

"Klein, please wag ka ng umiyak. Kapag nakita ka―"

"Georgina." Agad na napatayo yung babae, tinakpan yung bata pero hawak-hawak pa rin
ito sa balikat. "Anong ingay ang naririnig ko?"

The kid won't stop crying, kahit nandyan na si Lady Margaux. I saw fear in
Georgina's eyes when the headmistress in black walk towards them.

"Klein..."

"Georgina, please move aside."


"Lady Margaux, I―"

"Move aside."

"Nakikiusap ako this time, hindi na mauulit, I'll take care of―"

"He's causing a trouble; your responsible as a teacher is to maintain the order


inside the institute right?"

"But―"

"Are you going to disobey me now?"

"No, Lady Margaux."

"Now, move. I'll handle him." Walang ibang nagawa si Georgina kundi tumabi, leaving
the poor Klein. Napalunok ako nang makalapit si Lady Margaux sa bata, anong gagawin
niya?

"Klein, you're not going to see your mom anymore, I believe ilang beses ko ng
sinabi yan sa'yo, we are your new family now."

"Hindi! Uuwi na ko! Sa bahay namin! Mama!" Kinabahan ako ng hawakan niya yung bata
sa braso, mas lalong lumakas yung iyak nung bata, may kinukuha siya sa bulsa niya
at ilalabas pa lang nya yon ng sumigaw ako.

"Stop!" napatingin sila sa'kin. "What are you doing to him?" shit, bakit, bakit ko
sinabi 'yon. Wala na, Jill. I can't help it! May nag-udyok sa'kin na magsalita
kanina, it feels like that headmistress is going to do something bad to that child.

"Why Jill Morie." She looked surprised, she let go the child, and "May I ask as
well, what are you doing here?"

"I'm wandering around because you told me so."

"Oh, I see." Yun lang yung sinabi niya, "Georgina, take care of that brat. And you
Miss Jillianne, the car will be waiting at the front gate, we're going back at the
Sanctus." At pagkatapos ay umalis na siya.

"Thank you." The lady whose name is Georgina said, "Thank you." She's teary eyed.

"Are you okay?" tanong ko.

"Yes, sorry." Pinunasan niya yung mata niya, "Come here, Klein." Lumapit sa kanya
yung bata na sawakas ay tumahan na, "I think you should go, ayaw ni Lady Margaux na
pinaghihintay siya." She said softly, paalis na sila ng magtanong ako.

"Anong gagawin niya sa kanya kung sakaling hindi ako dumating."

It took seconds before she shook head and muttered, "Nothing."

*****
Nang sumapit ang gabi bumalik kami sa The Sanctus, kumain ng hapunan at pinapanhik
sa kanya-kanya naming silid. Oh, kasabay nga pala naming kumain kanina sila Finnix,
Cecilia, Pascal, at Magnus. Dead Air. Hindi ko na sila pinag-aksayan ng oras para
tapunan ng tingin, umalis kaagad ako nang matapos ko yung kinakain ko.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko, nakahiga sa malaking kama, pinipilit ipikit ang
mga mata, pilit na kinakalimutan ang kahapon katulad ng sinabi ni Lady Margaux,
pero hindi ko magawa. Hindi ko magawang makatulog, hindi ko kayang kalimutan lang
ang lahat ng nangyari noon.

Ito lang ba yung bunga ng lahat? After Stephen's disappearance, Penelope's


accident, the betrayals of my friends... ano ba talaga yung dahilan kung bakit ako
dinala rito?

"Jill."

"Sino ka?"

"Si Cecilia 'to."

"Anong ginagawa mo rito?" napabangon ako sa kinahihigaan ko.

"Panaginip lang 'to wag kang mag-alala." She's standing at the end of the bed but I
can't clearly see her face. Napakunot ako. She said what? Panaginip?

"Lucid dreaming?"

"Hmm... You can call it that."

"How?" I'm conscious and aware now, paano? Hindi naman ako yung naglucid dreaming.

"You see... Hindi ko naman talaga naipaliwanag sa'yo kung ano yung powers ko... Ang
alam mo lang fortune teller ako... Pero hindi... I can manipulate dreams; I can
butt in someone's dream too, like now." So. Kaya pala siya yung nagturo sa'kin ng
lucid dreaming noon.

"Then why? Why are you here?"

"Jill... Alam kong galit ka sa'min nila Finnix." Sabi niya, sobrang nagsisisi ang
boses, "Kaya naman... Gusto kitang kausapin... They won't allow me kung sa personal
kita kakausapin atsaka... wala akong mukhang maipapakita sa'yo." Kaya ba sa
panaginip na 'to hindi ko makita yung mukha niya? "Alam kong niloko ka namin, alam
kong tinraydor ka namin. Kaya naman... alam ko rin na hindi mo kami mapapatawad."

Why is she telling me this? "Pero Jill... Kaya ako nandito para sabihin sa'yo yung
mga dapat mong malaman." Lumapit siya sa'kin at tumama ang liwanag sa mukha niyang
blangko, parang multo, "Naalala mo pa ba noong una tayong magkita sa mall noon?"
Oo, yung araw na nilapitan niya kong nag-iisa sa mall, "I was sent there in order
to confirm na na sa'yo yung Culomus, tinitigan kita noon sa mata at tama nga na
ikaw 'yon."

"Planado lang ang lahat, Jill, noong unang beses ka naming iniligtas kay Magnus.
Ako nga pala yung nag-alter ng reality ng mga kaibigan mo, kaya akala nila
panaginip lang yung nangyari sa kanila noong gabing 'yon. Pati yung sa perya, hindi
naman talaga kami nagtatrabaho ron," gusto ko siyang pahintuin, patigilin sa
pagsasalita, tama na, "...basta Jill, lahat yon... Planado. Yung grupo namin yung
naatasan para... para kuhanin yung tiwala mo. Pero Jill... Totoong tinuring ka
naming kaibigan," gusto kong matawa sa sinabi niya, kaibigan? "Sorry. Sorry kung
nagawa namin sa'yo yon. Hindi kami naging kasing lakas ni Jing para tumiwalag."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Noong gabing tumakas kayo ni Karen Italia, siya yung tumawag sa'yo para alamin
kung nasaan kayo. Kailangan niya kayong pababain sa tren para sumama sa'min, pero
nagbago yung isip niya, mas pinili niyang tulungan ka kahit may sama siya ng loob
sa tatay mo."

"Nasaan na si Jing?"

"Hindi ko alam. Pero siguradong nandito rin siya sa Mnemosyne Institute ngayon.
Alam kong pinaparusahan siya sa ginawa niya."

"Sandali lang. Sino... Sino ang may pakana ng lahat ng to?"

"Hindi ko pwedeng sabihin. Jill... Mag-iingat ka. Patawad."

"Sandali! Cecilia!"

"Patawad."

******

Parang hindi panaginip yung nangyari kagabi. Everything happened seems so real,
hanggang ngayon naaalala ko pa rin yung mga sinabi ni Cecilia. Hindi ko siya nakita
sa The Sanctus kanina, pati na rin sila Finnix. Papunta ako ngayon sa classroom
kung saan ang unang klase ko. Kasama ko yung mga elites, si Gidget na kanina pa ko
iniirap irapan, si Pilar katabi niya, si Sydney na kanina pa ko kinukulit pero
hindi ko pinapansin, si Igor na tahimik lang at si Sio.

Pumasok kami sa classroom. Akala mo normal na klase lang pero hindi. Lahat sila
Peculiars. Lahat may kanya-kanyang kapangyarihan. Dito? Dito ba ang lugar kung saan
ako nararapat. Kasama ng mga kauri ko na naiiba sa nakararami. Dapat ba kong
matuwa? O hindi. Umupo kami sa pinakalikuran, may nakareserba na para bang sa
espesyal lang.

Naalala ko yung klase namin. Naalala ko si Cloud Enriquez. Si Morris. At si...

"Jill, nandyan na yung instructor." Bulong ng makulit kong katabi, si Sydney.

"Bakit ba kailangan mong sabihin sa kanya, may mga mata naman yan."

"Woa, Gidget."

Pumasok sa pintuan...
Si Karen Italia.

Nandito... siya?

"Miss Jillianne Morie." Tawag niya sa'kin, kaagad akong napatayo. Katulad ng dati,
blangko yung ekspresyon ng mukha niya, walang emosyon, yung boses niya, pero...

"A-ate Karen."

"I beg your pardon. But my name is Beatrice Hideo." What? "Pinapatawag ka ni Lady
Margaux, she's waiting at the office. You may go."

Hindi ako kaagad nakagalaw sa kinatatayuan ko. What the hell happened to her?

"Miss Jillianne, the class will start soon, naghihintay sila."

Wala akong ibang nagawa... kundi sumunod... Nang madaanan ko siya, tiningnan ko
yung mga mata niya pero... wala akong nakitang hinaharap. Bakit? Anong nangyari?

*****

"Kanina ka pa namin hinihintay, Jillianne. They're―" Si Lady Margaux yung bumungad


sa'kin pagpasok ko sa loob ng headmistress' office. Nakita kong nakatayo si Cairo
sa gilid.

"You," Inunahan ako ng galit. "What the hell did you do to my sister!" sinugod ko
siya. Pero dalawang lalaking nakasuot ng lab coat ang umawat sa'kin. "Anong ginawa
mo sa kanya?!"

"Calm down, Miss Jillianne." But I just can't. She can't remember me, my sister
can't recognize me. This man... is really unforgivable. I'll kill him.

"Really? You want to kill me?" he said while smirking. Mas lalo akong pumapalag,
ang higpit ng hawak nila sa'kin. Naramdaman kong may itinusok sa braso ko, dahilan
para...

*****

"Glad you're awake."

"Nasaan ako."

"We're at The Beehive."

"What?"

"I am Dr. Irvin, I made the Culomus, nice to meet you, Jillianne Morie."
(...itutuloy)

Note: Maraming salamat ulit sa matyagang paghihintay ng update. The following weeks
will be rough also, magtatapos na naman kasi ulit yung sem. So, good luck sa'ting
lahat! Binabati ko na yung mga fourth year highschool dyan ng congrats college na
kayo! haha! Yun lang, any concerns, o gustong sabihin, comment lang o pm. Salamat.
God bless!

Pakibasa

This is not an update, sorry, pero may gusto lang akong ipaalam sa inyong lahat.
Kahapon lang, nabura ang wattpad account ko---nawala yung TPT at yung iba ko pang
gawa. User not found ang lumabas ng ipasearch ko, at natuklasan ko nga sa email ko
na wattpad forced to close my account because of "Harrasment"

Devasted and scared, ang akala ko tuluyan ng nabura yung TPT---yes yung TPT agad
yung naisip ko nung nabura yung account ko, yung feeling na lahat ng pinaghirapan
ko nawala, yung lahat ng pinagpuyatan, pinag-isipan, pinagnilayan sa isang iglap
nawala. Masakit pala yung ganun. Masakit palang mawala lahat ng pinaghirapan mo, it
feels like I've been betrayed katulad ni Jill, all my dreams were shattered (ganyan
yung feeling haha)

Someone reported me---no I'm not sure kung isa lang ba o madami sila. Hindi ko alam
kung bakit. I have no idea, tinanong ako nung wattpad ambassador na hiningan ko ng
tulong kung may nakaaway daw ba ko o hindi magandang comment na sinabi, as far as I
can remember naging mabuting mamamayan ako sa wattpad, never akong nagreply ng rude
sa reader kaya talagang wala akong idea kung bakit nangyari yun. Harrasment? Natawa
talaga ko.
Okay naman na ngayon, nabalik na yung account ko (salamat sa tulong ni Miss Kim,
hulog siya ng langit) at nabalik na rin yung TPT. Pero hindi ko makakalimutan 'tong
nangyari, ang maakusan sa isang "krimen" o kasalanan na hindi mo naman nagawa na
dumating sa punto na sapilitang binura yung account ko na wala akong kalaban-laban
o kamalay-malay. May nagsabi sa'kin na isa kong kaibigan na ganyan daw talaga pag
mainit sa mata at unti-unting umaangat. I never considered fame as a goal here in
wattpad, ang goal ko lang naman dito ay makagawa ng kwentong iba sa nakararami,
natakot ako sa sinabi ng kaibigan ko na "ganyan talaga pag sumisikat" as in wow di
nga?

Whoever reported me, (inaalam pa sa wattpad HQ kung sino at bakit) thank you, thank
you dahil mas binigyan mo ko ng reason para hindi bitawan ang kwentong to. Gusto
kong malaman mo na hindi ako titigil sa pagsusulat, mas binigyan mo rin ako ng
lakas para magpatuloy sa isang bagay na sinimulan ko.

At guys... sa readers ng kwentong ito... Maraming salamat sa inyo. Salamat sa


patuloy na pagsuporta at pagbabasa. Para sa inyo, pipilitin kong tapusin ang TPT.
Wala na kong ibang mauutal kundi pasasalamat dahil 60% na dahilan kung bakit
patuloy akong nag-uupdate ay dahil sa inyo.

Yun lamang. Maraming salamat! Mabuhay kayo at pagpalain pa ng Panginoon.

/56/ Behind the Scenes


Babala: Ang kabanatang ito ay naglalaman ng iba't ibang punto de vista (Point of
view) ng mga tauhan. Iminumungkahi ko ang pagbabalik-basa ng mga nakaraang kabanata
kung sakaling kayo'y maguluhan sa mga pangyayari. Yun lamang, maraming salamat!

****

Ang Nakaraan sa The Peculiars' Tale Kabanata Limampu't lima:

Ikalawang araw ng pananatili ni Jill Morie sa Mnemosyne Institute, nakatanggap siya


ng regalo mula kila Margaux at Cairo, isang hikaw na krus, kulay itim at may maliit
na diyamante sa gitna. Parang normal lang ang lahat para kay Jill, ngunit hindi pa
rin niya magawang kalimutan ang nakaraan kagaya ng gusto ni Margaux. Kinagabihan
dinalaw siya ni Cecilia sa kanyang panaginip, binulgar ang tunay nitong
kapangyarihan, nagpaliwanag rin ito at humingi ng patawad.
Kinabukasan, unang araw ng klase ni Jill ay hindi inaasahang makikita niya ang
nawalay na nakatatandang kapatid, si Karen Italia, ngunit hindi siya nito maalala.
Nagpakilala si Karen bilang si 'Beatrice Hideo'. Nang makita niya si Cairo sa
headmistress' office ay sinugod niya ito sa dahil sa galit, may pumigil sa kanya at
may tinurok ang mga 'to upang mawalan siya ng malay.

Paggising ay tumambad sa kanya si Dr. Irvin at sinabi na siya ang may gawa ng
Culomus―ang mga mata ni Jill Morie.

/56/ Behind the Scenes

[Cloud Enriquez]

"Listen. Kailangan nating umalis dito. I don't have much time to explain. Wala kang
dapat ibang pagkatiwalaan kundi ako, Jill, you need to trust me. Runaway with me."

"Trust you? Runaway with you? Enriquez sa tingin mo maloloko mo 'ko? You're one of
them, taga Memoire ka! Isa ka rin sa mga taong gustong dumukot sa'kin noon at
ngayon."

"Jill-"

Bigla siyang tumakbo papalayo, hindi ko na siya napigilan, hahabulin ko pa sana


siya pero hinarangan nila 'kong dalawa, sila Otis at Cecilia. Matagal-tagal na
panahon ko ring silang hindi nakita, magmula noong pinayagan akong makaalis sa
Mnemosyne Institute―na isang kahilingan.

"Cloud. Ikaw yung nagpadala ng bulaklak kay Jill Morie 'diba? Ikaw yung nagbigay sa
kanya ng Begonia." Ang unang sabi sa'kin ni Cecil, may himig ng pang-aakusa.

"So what?" napakunot ako.

"C-cloud, alam mo naman siguro yung sitwasyon ngayon 'diba? Kailangan nilang makuha
si Jill Morie, kailangan siyang maidala sa Mnemosyne, kapag nalaman nila Lord Cairo
yung ginawa mo malalagot ka."

"Alam ko 'yon. Pero bakit kailangan niyo 'tong gawin sa kanya? Bakit kailangan niyo
pa siyang lokohin? Alam mo Cecil na masasaktan si Jill kapag nalaman niya na kayo
na tinuturing niyang kakampi ay tatraydor din pala sa kanya sa dulo."

"Ito yung misyon na naatas sa'min―"

"I need to protect her, I'm not afraid of them anymore. Magmula nang ipinanganak
ako sa institusyong 'yon wala akong ibang ginawa kundi sumunod sa kanila, hindi ko
gugustuhing maging manika lang nila si Jill." They didn't respond, nakatitig lang
sila sa'kin kaya naman wala akong inaksayang oras, tumakbo ako para hanapin si
Jill.

I tried to locate her through my mind. Paakyat siya ng roof top, she's with her
friend, that friend who will betray her. I began to run again but then I stopped
when I heard someone's thoughts. Ito yung isa sa problema ng kapangyarihan ko,
being a mind-reader, I can't help it but to unintentionally hear thoughts because
of powerful emotion.

"Thousands of stabs, shots, needles and the torturous operation weren't enough to
define what my pain was. The agony inside my heart kills me, gusto ko siyang
makita, gusto kong malaman kung bakit nagawa niya sa'kin 'yon, gusto kong tanungin
si Cairo kung minahal niya ba talaga ako."

Palakas ng palakas yung signal na nanggagaling sa thoughts senyales na malapit na


ito sa kinaroroonan ko. I knew who it was. It's from Karen Italia, who is also
coincidently connected to Jill Morie. Sawakas narating ko yung harapan ng faculty,
binuksan ko kaagad yung pinto at nakita ko siyang nagsusulat sa table niya. Her
emotions are too powerful kaya tuloy narinig ko ng hindi sinasadya ang nasa isip
niya.

"Miss Karen." Ni hindi man lang siya nagulat nang makita ako, huminto siya sa
ginagawa niya.

"Who are you?"

"I'm Cloud Enriquez." I said between my breath, "Your... your sister... Jillianne
is in danger." After hearing what I've said she quickly stood up and walk towards
me. Hindi ko dapat sinabi 'yon, I'm expecting her to ask kung paano ko nalaman pero
mukhang mas importante sa kanya ang buhay ni Jill.

"Nasaan siya?" napalitan ang blangkong emosyon niya ng pag-aalala, she's really her
sister.

"Follow me." Lumabas kami pareho ng Faculty room at habang naglalakad hindi ko pa
rin maiwasang marinig at mabasa kung anong nasa isip niya.

"Miss Karen, Nakita ko sa panaginip ko... I know this is too much to ask but...
will you look after to our class when I died? Will you look after to my friends?
Kapag binigay mo kay Jill ang mga mata mo, you can have mine when I died." I see,
she's reminiscing.

"Memoire's here and they'll get her now." Sa sinabi ko mas lumakas lang yung
emosyon na dinudulot niya, mas lumakas yung naririnig ko na nasa isip niya, she's
full of regrets and anxieties, hindi ko maiwasang mapabilib sa katatagang meron
siya, yung katatagang bumubuhay sa kanya hanggang ngayon.

"Cloud!" bigla kaming napatigil, naglalakad si Gidget papunta sa'min, she's with
the other kids, sila Igor, Sydney, at Pilar "Nasaan na si Jill Morie?"

"Miss Karen, mauna ka na sa taas, ako ng bahala sa kanya. Nasa loob siya ng storage
room." She just nod then she run away.

"Hindi niyo siya makukuha." Sabi ko nang harapin ko sila.

"Don't be stupid, Cloud. Alam mo na-"

"How's my little buddy?" napahinto si Gidget sa pagsasalita nang dumating bigla si


Lord Cairo. "Mukhang masyado ka ng nag-eenjoy sa bakasyon mo, Cloud. And what's
with this thing na hindi mo hahayaang makuha namin si Jill Morie?" naglakad siya
palapit sa'kin "Why? Because you love her?"

Hindi na 'ko magtataka kung alam niya kung anong nasa isip ko. My master laughed,
yes, he's my mentor since I was a little child, dahil nga magkapareho kami ng
kapangyarihan, siya na yung nagturo sa'kin kung paano 'yon gamitin.

"And if I do?"

"What a stupid boy." Sabi niya sa'kin umiiling, "Sasama ka na rin sa'min sa
pagbalik sa Mnemosyne Institute-"

"We're just the same. We're both stupid."

"What are you talking about?" This time ako naman yung natawa, naglaho yung ngiti
sa labi niya.

"You fell in love with her too right?" biglang sumama yung tingin niya sa sinabi
ko, "Hindi ba't habang nasa kalagitnaan ka rin ng misyon mo minahal mo siya-minahal
mo si Karen Italia." I always knew, noon pa, nababasa ko lagi ang nasa isip ng
mentor ko, walang araw na hindi niya iniisip ang babaeng mahal niya.

"Alam mo kung anong kaibahan natin, sir?" I can clearly see his rage now, pero
itutuloy ko pa rin kung anong gusto kong sabihin, "Mahal ko si Jill pero hindi ako
natatakot sa kanila, hindi ako natatakot sa Memoire. Mahal mo si Karen Italia pero
takot ka, kaya hinayaan mo lang na mahirapan siya, you didn't save her just because
of your fear of losing what you have. Pero hindi mo alam na mas malaking kawalan
pala siya sa buhay mo, kaya ngayon nagsisisi ka na hinayaan mong mangyari sa kanya
'yon, nagsisisi ka na nawala yung anak niyo. And now you will get her back no
matter what kasi hanggang ngayon mahal mo pa rin siya."

I'm expecting him to punch me or punish me through mind pain pero hindi niya
ginawa. He just leered at me while gritting his teeth. Few seconds later he
composed himself again and said, "Fight me."

Pumayag ako, kahit alam ko na mas tripleng mas malakas siya kaysa sa'kin. Pain
inducement, isa sa mga skills na tinuro niya sa'kin noon, where we can create
mental illusion of pain inside a mind through telepathy.

Wala pang isang oras bumagsak ako sa sahig, I can't believe I lose quickly.
Pinipilit kong tumayo pero hindi ko magawa, damn it! Pumipilipit sa sa'kit yung ulo
ko, parang hinahati, parang pinupukpok. Kaagad itong humupa nang tuluyan akong
hindi makatayo.

"Let's go, we will finish our business here. Maya-maya may kukuha sa'yo rito Cloud,
we will go back to Mnemosyne." Umalis sila, at naiwan akong nakasalampak sa sahig.
I need to recover fast para mapigilan ko sila, pero mukang imposible.

I am serious. I love her. I love Jill. I'll do anything, anything just to save her.
I know that people think that Cloud Enriquez is just goofing and playing
around...but I'm actually not. Hindi ko na matandaan kung paano at kailan ko
naramdaman na gusto ko si Jill, more than that gusto ko siyang protektahan,, simula
nang malaman ko na na sa kanya na pala yung hinahanap nila Lord Cairo.

"Hey. Are you alright?" maya-maya naramdaman ko na lang na may tumatapik sa pisngi
ko. Nagmulat ako at nakita siya, si Karen Italia. "Anong nangyari?"

"W-where's Jill?" nanghihina pa rin ako.


"She ran away, she just can't trust me."

"Let's find her."

"Kaya mo bang tumayo?"

"Yeah," tinulungan niya 'kong makatayo at inalalayan habang naglalakad, "I can feel
them, five hundred meters away, let's go outside." Nakita namin yung fire exit at
lumabas kami roon, pero bigla akong bumagsak dahil hindi ko pa rin talaga kaya.
Nararamdaman kong may iba pang Peculiar dito malapit sa'min, I can sense it but I
can't read it's mind, maya-maya bigla 'yong nawala, probably one of the Memoire.

"Find her." Sabi ko kay Miss Karen.

"I just can't leave you here, you look awful, sinong may gawa nito sa'yo?" I didn't
answer, she's too kind and altruistic, hindi na 'ko magtataka kung bakit nagkagusto
sa kanya si Lord Cairo, "At... gusto kong malaman, kung paano mo nalamang
magkapatid kami ni Jillianne. You're also a Peculiar, the time was frozen,
nakakagalaw ka pa rin, it means..."

"Yes. I'm also a Peculiar. Katulad mo, Miss Karen."

"Miss Karen," naputol yung pag-uusap namin nang biglang may dumating. Si Jill!
"Anong nangyari sa kanya?"

"J-jill."

"Anong nangyari sa'yo, Enriquez?"

"Umalis na kayo."

"Paano ka?"

"Don't mind me. Go. Go! Alis na!"

Pinikit ko yung mga mata ko, hoping that they'll be fine. Kasalanan ko ba kung
mahal ko siya? Alam ko mamaya lang dadating sila para kuhanin ako, ibabalik na nila
'ko ron, at dahil nga may ginawa akong kasalanan at pagsuway sa utos, sigurado
akong may naghihintay na parusa.

[Jing Rosca]

"Jing?"

"Jill, nasaan kayo?"

"Anong nangyari sa inyo?"

"Tumakas sila, hindi naman kumalat yung sunog," They didn't actually escaped, at
wala naman talagang sunog na kumalat sa White Knights, iyon lang yung naisip kong
alibi, the truth is after they ran away kaagad din kaming umalis doon, hinang hina
si Seraphina dahil sa sobrang paggamit ng kapangyarihan, humingi ng sorry sa'kin
yung batang si Pilar kanina dahil nasugatan ako ng apoy niya. "Okay lang ba kayo
ni Karen?"

"Oo.

"Nasaan kayo?"

"Sa inn malapit sa Daambakal." So talagang sigurado talaga na aalis sila ng city.
Bilib din ako sa accuracy ng predictions nitong ni Cairo ha, alam na nila kung
anong susunod na move ng target, and now they want Jill Morie to take by leaving
her no choice-sa pamamagitan ng isang plano―isang dilemma.

"Sige, mag-iingat kayo, call me kung may kailangan kayo."

"Okay."

Binaba ko yung tawag, at humarap sa kanila, "Malapit sila Daambakal, nasa isang
inn."

"Good."

"Don't you ever call me again in my first name, Cairo." Dinuro ko pa siya.

"Sure, sure, sorry na Jing, pinipikon lang naman kita kanina during the 'play' sa
atrium, nasugatan ka pa tuloy ng apoy."

"Shut up. So, ano ng susunod?" sa totoo lang naiinip na 'ko.

"Pupuntahan ko sila."

"Ikaw lang mag-isa?"

"Nah, I'm just going to scare them off, para pumunta kaagad sila sa train station."

"How stupid, bakit hindi na lang kasi natin kaagad sila kuhanin doon sa inn para
matapos na 'tong lintik na misyon na 'to." Sabi ko. "Kanina sa White Knights
pwedeng pwede naman na nating kuhanin si Jill Morie bakit ba pinapatagal pa?"

"Patience, Jing. Remember, kung anong misyon niyo, misyon niyo lang na kuhanin ang
tiwala ni Jill Morie."

"Alam ko, alam ko, ang hindi ko maintindihan bakit ba kailangan pa silang pasakayin
sa tren at gawin 'tong train dilemma plan mo, Cairo, madadamay pa yung ibang normal
na tao kung sakali!" hindi ko lang masabi sa kanya na tutol ako sa plano but the
hell lang alam ko namang nababasa niya kung anong nasa utak ko! They are going too
far, hindi naman na kailangan pang madamay yung mga walang kamalay-malay para lang
sa lintik na Jill Morie-abduction mission na 'to!

"We need to follow this manual." Manual? Pinakita niya sa'kin yung isang
libro,punumpuno yun ng drawings at sketches.

"What the hell is that?"

"Sketchbook."

"Alam ko, ano bang akala mo sa'kin tanga? Ang ibig kong sabihin ano naman ang
purpose ng sketchbook na 'yan?"
"That sketchbook contained the future of Jill Morie." May iba pang nagsalita,
nakita ko siyang paparating, oh, the psychotic mode of this kid again.

"Good timing, Sio. Say hi to Jing."

"Hi, Jing." I rolled my eyes.

"Mga baliw. Oh, ano naman ngayon kung 'yan yung mga hinaharap na mangyayari kay
Jill Morie, kailagan ba talaga ifulfill at gawing makatotohanan lahat ng
nakadrawing dyan?"

"Yes." Sagot nitong ni Sio.

"We'll be moving now, Jing kailangan niyong makababa ng train before Sta.Helena
station, or else parepareho kayong malulunod kapag dumaan kayo sa sirang tulay."

"How about her?"

"What?" tanong ni Cairo, hindi kagad nakuha kung sino yung tinutukoy ko.

"Si Karen." Kunwari pang patay malisya 'tong lalaking to.

"Of course, kailangan mo rin siyang mapababa. Wag kang magkakamali Jing" aba at
pinagbantaan pa 'ko ng walangyang to. Tsk.

And so, pumunta ako ng Daambakal para abangan sila, makalipas ang kalahating oras
ay nakita ko silang dumating, mula rito sa pinagtataguan ko kitang-kita ko sila,
kitang-kita ko si Karen-si Beatrice, ang kababata ko at nag-iisang matalik na
kaibigan.

Dumating na yung tren para sa unang byahe, nakita ko si Jill Morie na lumilinga
linga at siguradong hinahanap niya 'ko, pero hinila na siya ni Karen at sumakay sa
loob, sumakay na rin ako ng hindi nila nakikita.

Hindi ko rin maintindihan yung sarili ko kung bakit ako pumayag sa misyon na 'to in
the first place. Masama ang loob ko kay Tito Richard, alam kong walang kasalanan si
Jill Morie para ibunton lahat sa kanya ng kinikimkim ko. Ngayon pa lang naaawa na
'ko sa sasasapitin ng batang 'yon, paano kapag nalaman niya na isa kaming traydor
at pawang ang lahat ay kasinungalingan lang. Magiging katulad ko rin siya,
mamumuhay ng may galit at poot sa dibdib. Wala akong magagawa. Hawak nila kami sa
leeg, hawak kami ng Memoire, literal sa leeg.

"Jill Morie. Ssshh."

"Paano ka-"

"We will get off in the next station."

"Ano? Bakit?"

"Basta. Sumunod ka na lang."

"Sandali, kasama ko si Miss Karen, pupuntahan ko lang siya."

"Jill Morie, kailangan na nating bumaba. Ngayon. Na." pero matigas ang ulo ng
batang 'to, mabilis siyang nakaalis at kaagad ko naman siyang sinundan.

"Jill Morie!" tawag ko sa kanya ng maabutan ko siya pero kaagad din akong natigilan
nang makita siya, "Beatrice."

"Jinnie?" oh great, ngayon lang pala ulit kami nagkita at ang alam nitong ni Jill
si Karen yung humingi ng tulong sa'min sa Carnies, shit I'm tired of playing this
games!

"Kailangan na nating bumaba,"

Hinigit ko na siya sa kamay pero matigas talaga si Jill Morie, talagang desidido
siyang iligtas yung iba pang mga tao. Damn! Imposible yon!

"Nandito na tayo. Jill Morie, utang na loob, kailangan na nating bumaba. Kung ikaw,
Karen, ang nasa sitwasyon ngayon ng kapatid mo, anong dapat mong gawin? Sa tingin
mo may magagawa ka rin?" sabi ko sa huling pagkakataon at sa mahinahon na paraan.

"Wala. Pero ikaw. Meron."

"Are you telling me to-"

"We need your help, Jinnie. You could stop the train before it crossed the bridge."

"This is ridiculuous." This time hindi ko mapigilang matawa, she's asking me to


save those people, those strangers, I just simply wanted a normal life, a normal
life with riches, and now she's asking me to become the hero this time?

"Naniniwala ako na kaya mo, Jinnie."

"I said stop calling me 'Jinnie'! Kung ayaw niyong bumaba ng tren, pwes, ako ang
bababa, kung gusto niyong iligtas yung ibang tao rito, go ahead!"

"Sandali lang, Jing!" bumaba ako sa sumunod na istasyon ng hindi lumilingon sa


kanila, ayaw nilang bumaba, wala akong magagawa, iyon ang sasabihin ko kay Cairo
then I'll quit in this freaking mission.

"Jinnie! Hindi ka pa rin nagbabago. What? Running away again? Katulad noon? Nang
hindi ka inampon ni Tito Richard anong ginawa mo? Tumakas ka." Hah, this bitch,
wala kang alam sa nararamdaman ko, Karen! Wala kang alam! Palibhasa lagi na lang
ikaw ang bida, lagi na lang ikaw!

"Shut up."

"I know, we're powerless, but unlike you, we're not afraid of what may happen, even
if it cost our lives there is certainly a way, giving up is not an option. At least
we're not running away from this fate."

Huminga ako ng malalim, narinig ko na sumara na yung tren at unti-unting umandar.


Sinong tumatakas? Ako? Memoire will surely kill me kapag tinulungan ko sila.
Gulung gulo na 'ko mga letse sila. I want to shout out loud fuck you all people!
Bakit sa dinami-rami pa ng tao sa mundo ako pa yung pinanganak ng ganito? Tangina
lang.

Memoire already set this up, nasira na nila yung tulay at dalawa lang ang
pagpipilian, it's either we all die or they will die.Kasalanan 'to ng Memoire eh,
bakit kailangan pa nilang idamay yung ibang tao at bakit ba kailangan nilang
kuhanin ang batang 'yon? She's just seventeen for heaven's sake! Hindi ko lubos
maisip kung anong kapalarang sasapitin niya sa mga kamay ng Memoire kapag nakuha
siya. Karen already had enough! They did terrible things to her at ngayon kapatid
naman niya yung gugutayin nila na parang guinea pig?! Hindi makatarungan, hindi
makatao! Oo tao pa rin kaming mga Peculiar at hindi hayop na pinag-aaralan!
Hinabol ko yung tren at pilit kong binuksan ang pinto nito, nagulat yung mga tao sa
loob, tinulungan ako ni Jill Morie makasampa bago umabot sa pinakadulo ng platform.
Istupida ka talaga Jinnie. Gaga, gaga , gaga.

Wala na 'kong pake kung papatayin ako ng Memoire, tutal wala naman ding kakwenta-
kwenta 'tong buhay ko, wala namang nagmamahal sa'kin at wala rin naman akong ibang
mahal kundi pera, uubusin ko na lang yung natitirang oras ko para gumawa ng
kaunting kabutihan bago ako mawala sa mundo.

Matapos akong yakapin nitong ni Karen dali-dali akong pumunta sa driver's cabin
para pahintuin yung tren. Ginawa ko lahat ng makakaya ko para pahintuin 'yon pero
nawawalan na 'ko ng pag-asa nang matanaw kong papalapit na yung tren namin sa
tulay. Naghihintay na ang kamatayan. Pero hindi pa rin ako sumuko.

Hindi ko inaasahan ang mga sumunod na pangyayari, dirediretsong bumulusok ang tren
pababa, dinig na dinig ko yung sigawan ng mga tao.

So in the end mamamatay din pala kaming lahat?

*****

Nagising na lang ako bigla, nakagapos ang dalawang kamay ko, nakapiring, at
naramdaman kong may nakasakal sa leeg ko, shit, yung collar.

"I'm very disappointed, Jinnie." Narinig ko yung boses ni Cairo. Hindi ko alam kung
nasaan ako, hindi ko rin alam kung nasaan na sila Jill at Karen.

Sinubukan kong gamitin yung kapangyarihan pero nabigo ako, bigla akong nakuryente
at wala akong ibang nagawa kundi mangisay sa sakit. Shit, I'm wearing again this
evil collar.

"Tama nga ang nakaguhit sa sketchbook na 'to, in the end you will choose to save
them."

"So, kaya ba ako yung pinadala niyo para pababain kuno sila?"

"Probably."

"Just kill me."

"No, dear, no, hindi pwede, you're the most powerful telekinetic in Mnemosyne
Institute, they can't afford to lose you. Kailangan ka lang disiplinahin ulit." At
bolta-boltaheng kuryente na naman yung dumaloy sa katawan ko, "We will go home, we
will go back at MIP. You and Cloud Enriquez will face a serious detention."

[Karen Italia]
"Don't. Come. Near. Me." I warned him as he moved closer.

The last time na natatandaan ko bumubulusok pababa yung train na sinasakyan namin,
biglang huminto ang oras at naging blangko ang buong paligid. Pakiramdam ko ang
tagal kong nawalan ng malay, napanaginipan ko lahat ng nangyari noon, lahat ng
nakaraan ko. Then the next thing I knew nagising na lang ako sa isang silid at alam
kong sa Mnemosyne Institute 'to.

"Huwag mo 'kong hawakan!" tinanggal ko yung kamay niya sa braso ko pero hinawakan
niya yung kabila ng mas mahigpit dahilan para hindi ako makapalag. Wala na 'kong
maaatrasan.

The moment I saw desire in his eyes, my heart began to beat fast, he caress my face
like he used to. Unti-unti niyang nilalapit ang sarili niya sa'kin, wala akong
ibang nagawa kundi pumikit. Maya-maya naramdaman ko na lang na bumitaw si Cairo at
lumabas siya ng silid.

Tormented by this feeling, napaupo na lang ako sa sahig. I just realized the drops
of tears that flowing down my cheeks.

*****

"Hey."

Nag-angat ako ng tingin, nakita ko siya na nakatayo sa harapan ko. So... it wasn't
a dream. Totoo lahat ng nangyari, they got Jill and they got me as well and-I
almost give in myself earlier. Nandito ulit ako sa lugar na kinamumuwian
ko―Mnemosyne Institute. I really don't know why Cairo also took me, hindi ko alam
kung ano pa bang magiging silbi ko sa kanila gayong wala naman na sa'kin yung
Culomus at wala na 'kong kapangyarihan.

"You're still a Peculiar," I almost forgot that he could read my mind, ",that's why
you're here."

"Why don't they just let me go?"

"I can't just let you go." Naguluhan ako sa sinabi niya, naglakad siya ulit
papalapit sa kinaroroonan ko, umupo siya kaharap ko habang hindi napuputol ang
titig namin sa isa't isa, "We'll be living here, forever."

"What? Hindi kita maintindihan,"

He then held my hand and leaned forward and whispered "Let's start over."

Pagkasabing pagkasabi niya ay sinampal ko siya ng malakas, finally, matapos lahat


ng sakit na dinulot niya sa'kin ngayon ko lang nagawa 'yon sa kanya.

"Nagpapatawa ka ba? Are you asking me to forgive you just like that?"

"Yes."
This time hindi ko na mapigilan, natawa ako at the same time naiiyak. "You know how
much I hated you, but I hate myself more for loving you all this time." I want to
assume that he's asking me to be with him again because he still love me, pero
dahil sa kanya sirang-sira na 'ko ngayon, he caused too much pain more than what
Memoire did to me at hindi ko alam kung kakayanin ko pang makasama ulit siya. My
mind says no but my heart still beats for him. Ang tanga ko lang para mahalin pa
rin siya hanggang ngayon.

"Alam kong hindi ka papayag sa gusto ko, pero kapag alam kong nalaman mo 'to
magbabago ang isip mo."

Natigilan ako, "Ang alin?"

"I know where Sylvia is." Si Sylvia? "I know where she hid our daughter."

"Where? Gusto ko siyang makita. Nasaan si Wyndell?!"

"Calm down." Hinawakan niya 'ko sa magkabilang braso, "If you want to see her
badly, there is one condition."

"Ano?"

"Be my Beatrice."

[George Morris]

"Lord Sio, pinapatawag po kayo sa dining hall. Lord Sio." Nakarinig ako ng mga
katok at pagtawag mula sa labas. Nakita ko si Sio na nakatayo sa harapan ko,
nakangisi.

"Surprised?" sabi niya.

"What the hell is this place?! Where am I?!"

"Lord Sio?"

"Sshh. Baka marinig ka nila, Georgy, you're too loud."

"Shut up!"

"Nasa Mnemosyne Institute na tayo, nagkita na nga pala kami ni Jill Morie, damn,
she was so surprised when she saw me."

Pinagpawisan ako ng malamig, pakiramdam ko binubuhusan ako ng tubig na may yelo sa


buong katawan. Hindi ako pwedeng magpatalo sa kanya, hindi ko pwedeng isuko ang
sarili ko, hindi.

"Georgy, makikita na rin natin sawakas si ate Georgina, she's also here at
Mnemosyne. You did promise her before na kapag nadala mo na si Jill dito tsaka ka
susunod. Hindi ka ba masaya?"

"Hindi! Kailan mo ba 'ko lulubayan?!"

"Woa, woa, we are living in the same vessel, alam kong alam mo yan, and I am much
stronger than you now, kaya wag kang magtataka na one day I'll completely take over
your system."

"Damn you!"

"Lord Sio?" biglang pumasok ang isang lalaki, kasama ang isang babae, hindi ko sila
kilala, kailangan kong makaalis dito, kailangan kong mahanap si Jill. "Ano pong
problema? Bakit hindi niyo binubuksan ang pinto?" lumapit sila sa kinaroroonan ko,
pero kaagad ko silang tinulak at tumakbo ako palabas.

Shit, anong klaseng lugar 'to? Tumakbo ako sa hallway without thinking kung saan
ako pwedeng pumunta, basta kailangan ko lang makatakas. Nahanap ko yung hagdanan
pababa, paglingon ko marami silang humahabol. Sa pagmamadali hindi ko sinasadyang
mamali ng tapak dahilan para magpagulung-gulong ako pababa sa hagdan.

Naramdaman kong umaagos yung dugo mula sa ulo ko, nang pinilit kong makatayo isang
babae ang tumambad sa harapan ko. Nakasuot siya ng itim na salamin, may mga kasama
siya sa likuran niya, mga kasing edad ko rin,

"Mister Sio."

"Sio is not my name!"

"I see, ito yung sinasabi ni Cairo sa'kin. You are truly a bizarre case. Welcome to
Mnemosyne Institute, George."

(...itutuloy)

Note: Again, maraming salamat sa pagbabasa at paghihintay. Maraming salamat din sa


mga nagpatibay ng loob nitong nakaraang post ko, nakakataba ng puso. :)

/57/ Culomus
/57/ Culomus

[Jill Morie]

The clock is ticking and I don't know what's in his head.

Si Dr. Raphael Irvin, ang sinasabi nilang may gawa ng Culomus, ay nakatayo sa
harapan, walang inuusal na mga salita. Gusto ko na sanang tumayo at umalis dito
dahil kalahating oras na siyang walang sinasabi at nakatuon lang ang atensyon sa
laptop. Tatayo na sana 'ko para magsalita, nang bigla niya 'yong sinara, tsaka
kinuha ang marker at nagsimulang sumulat sa white board.

Pagkatapos niyang magsulat ay tsaka siya pumihit paharap sa'kin, kinuha ang
microphone, tumikhim muna bago nagsalita. "Before I explain the further details
about the Culomus, let me have this short introduction. Would you read what's
written on the board?" We're at the conference room of the Beehive and seriously
para akong nasa isang university at one on one na nakikipagklase sa isang
professor.

"Free will versus determinism."

"Very well then. Miss Morie, alam mo naman siguro kung anong ibig sabihin ng free
will hindi ba?" Tumango lang ako bilang pagsagot, gusto ko na sanang magtanong kung
para saan 'tong lecture na 'to at sigurado ba talaga siya na siya yung gumawa ng
Culomus, "Free will shows that humans have control over our decisions, we have the
free will determining the course of our action, we are free to move, free to decide
about everything, tayo ang namimili sa gusto nating gawin dahil tayong mga nilalang
ay malayang makapagdesisyon sa kung ano mang mangyayari." I won't deny, he already
caught my interest over the topic "But!" the sound of microphone screeched,
"Determinism defies this." Hininaan niya yung boses niya, halos bumubulong, "Is
there anything you couldn't predict? The biggest threat to freewill is the physical
laws. Determinism means that the future is already determined, that we humans do
not have any power to influence the future."

Mula sa bulsa ng white coat niya ay naglabas siya ng barya at ipinakita sa'kin,
"Head or tail?" inihilig niya ng bahagya yung ulo nang hindi ako kaagad nakasagot
sa kanya.

"Tail." bigla niya iyong pinitik upang umikot-ikot sa ere, atsaka niya ipinakita
sa'kin na tama ang hula ko.

"Right. Correct." Tatangu-tango niyang sabi, "What just happened is not random,
people often say that things like this happened because of uncertain
possibilities, sometimes they tend to decide using toss coin because of the so
called randomness. Wrong, there is no such thing as randomness, if we use the
physical laws and we compute the amount of force, distance etc, we can actually
predict the outcome, and we can actually know if it is head or tail." nagpalakad-
lakad sa harapan si Dr. Irvin, hindi mapakali pero makikitang ganadong-ganado
siyang magsalita na animo'y nagkukwento ng isang hindi kapani-paniwalang istorya.

"Same concept in dice, billiards, and dominos; it went all that way because of
physical laws. Particle paths are predictable. Information has certain patterns,
DNA, words, codes, and so on and so forth, they are not random, they are
determined. There are twelve fundamental particles of universe and imagine if we
were able to determine the positions of every single one of these particles, we
could predict anything!"

"And so?"

"And so! It is very unfortunate that we are almost living in a deterministic world,
everything that happened follows ineluctably from natural or divine laws. There is
one possible future―"

"Are you trying to say that we do not have any freewill?"

"Partly yes, partly no."

"What?"

"Until now controversial pa rin ang argument tungkol sa bagay na 'yan, if we really
do have freewill or not. Alam mo naman ang mga tao, masyadong nahuhumaling sa
konsepto ng diyos, tadhana, kapalaran―" ang ibig ba sabihin nito hindi siya
naniniwala sa kahit anong diyos, "But I do believe that everything's already
determined, that all the past and history, the present and future are all stated-"

"I know someone who can travel back and forth in time, so what if she changed the
past because of her will? Hindi ba't free will na matatawag 'yon?"

"Are you talking about Seraphina? We already extracted the detail of her power.
She can't really travel backward or onward, but if she did, it will cost her own
life, actually she did it several times that's why her body was deformed but the
future and past remained the same, ipinapakitang walang makakapagpabago ng mga
mangyayari ng kasaysayan at hinaharap."

Napakunot noo ako sa sinabi niya "No one can change―"

"No one can change it not until we developed the Culomus." Mula sa kung saan ay
kinuha niya ang isang maliit na remote, he pressed the button then the light from
projector above appeared. Ipinakita sa screen ang salitang 'Culomus' "The etymology
of Culomus, from the Latin word 'Oculos' which means eyes," lumabas ang larawan ng
isang mata "and from the famous astrologer, Nostradamus, who they said is a prophet
or a seer." At pinakita ang lumang larawan ni Nostradamus. Naglakad siya malapit sa
kinaroroonan ko at naupo sa isang swivel chair malapit sa'kin, "Memoire wanted to
produce a unique weapon and so when they showed me the list of Peculiars that we
can use as an experiment for their project, Karen Italia was the first one to
caught my interest." He pressed the button again at pinakita sa screen ang larawan
ng kapatid ko, yung katulad ng larawan na nasa archives. Hindi ko alam kung
magagalit ba 'ko ngayon dahil sa pinapaliwanag ni Dr. Irvin.Naalala ko yung
nangyari kanina lang bago ako mawalan ng malay at dalhin sa Beehive. Karen, my
sister can't remember me because I know Cairo did something to her.

"She's not an ordinary prophet. She can't predict the future but she can actually
see the future. Her eyes are very exceptional and peculiarly amazing. Karen's power
is simply mesmerizing that's why Memoire chose her for the experiment." Hinayaan ko
siyang magpatuloy magkwento na para bang normal na normal lang ang lahat habang
pilit kong kinukontrol ang sarili ko, gusto ko sanang tumayo at sakalin siya
hanggang sa mawalan siya ng hininga, ang taong 'to pala talaga ang dahilan kung
bakit naging miserable ang mga inosenteng mata na 'to.

"We calculated her powers, at nalaman nga namin na she can see the future through
direct eye contact with another person. When she contacted her eyes with another
being, it will obtain the patterns of information of that person, the projection is
fast as light, and then it's converted into images and tadah! She already saw the
future of that person―but! The information that she can gather is limited." Muli
siyang tumayo at bumalik sa unahan, naglakad pabalik-balik habang nakalagay ang
dalawang kamay sa likuran.

"She can see what will happen for the next twenty four hours. Kaya naman naisipan
naming mga bioengineers na mas idevelop pa ang kapangyarihang ito. Imagine, what if
that eyes can obtain information endlessly? What if she can see the whole future of
that human being? Isn't that amazing?" isa lang ang sigurado ko sa ngayon,
nakakuyom ang palad ko at kanina pa gustung-gustong kumawala. Dahil saan? Dahil sa
galit? Disbelief? Kung normal lang akong tao papalakpakan ko 'tong si Doctor Irvin
dahil sa galing niyang mag-imbento ng kwento, pero hindi, totoo lahat ng 'to, totoo
ang mga mata 'ko.

"Due to high technology and advance science, isang taon lang ang tumagal bago namin
naperpekto ang mga mata nito, then we called it the Culomus, the eyes of the god."

"Eyes of the god?" nang-uuyam kong sabi.

"Yes, Miss Jillianne. Whoever holds it can be considered as god―"

"You're mad."

"Nope. I am not a mad scientist!" bigla siyang naglakad mabilis papalapit ulit
sa'kin, pagkatapos naglakad ulit pabalik sa gitna at hindi pa rin mapakali, "Hindi
mo ba naiisip? Everything's determined, lahat ng bagay nakatadhana na noon pa mang
simula but only the possessor of Culomus can see what lies ahead and that person is
the only one who can change the fate of the universe and mankind."

What the hell is he saying? I know that I am far from being a normal human but now
someone's calling me a god? Seriously?! Naghalu-halo yung emosyon ko, pero kahit
may galit hindi ko na napigilang matawa. Tumawa rin si Dr.Irvin, napuno ang silid
ng halakhak naming dalawa at nang mapagtanto ko na baka nababaliw na 'ko ay tumigil
ako bigla.

This crazy bastard is surely an insane genius huh. Tumigil na rin sa pagtawa si Dr.
Irvin nang mapansin na seryoso yung mukha ko, tumikhim ulit siya at inayos ang
salamin sa mata.

"At ngayon, naiintindihan mo na siguro kung bakit patay na patay ang Memoire na
kuhanin ka. Because Jill Morie, you are the only free will because you are the only
one who can change the future."

Napatingin ako sa ibaba, napaisip, natameme. Free will? Me? Really?

"It's interesting though, I thought they're going to execute you kapag nakuha ka
na nila, but I was wrong. I'm curious, why Memoire still keeps you? And from what I
heard they already promoted your rank as elite inside the institution." Umupo ulit
siya at nangalumbaba, nakatingin sa'kin at iniisip ang dahilan kung bakit nga ba
binuhay pa rin ako ng Memoire. Maging ako ay napaisip din, bakit nga ba? Kung
talagang yung Culomus lang ang habol nila, hindi ba pwede namang kuhanin na nila
'yon sa'kin at hayaan akong mabulag habambuhay? Hindi ba't mas magiging mapayapa at
maayos ang lahat kung matitigil na sila sa pananakit sa mga taong malalapit sa'kin?
What does it really mean to conquer the universe? Gamit ang Culomus? Paano nila
masasakop ang buong sanlibutan?

"Anyway." Bigla ulit siyang tumayo mula sa kinauupuan, "Habang wala kang malay
kanina, forgive me if may kinuha ako sa mga mata mo." Hindi ko mapigilang magulat
at maging mabalasik sa sinabi niya, "Don't worry, don't worry it won't affect your
health or whatever."

"What the hell is that?" kinilabutan ako dahil pakiramdam ko unti-unti na niya
'kong dina-dissect.

"It's just a tiny chip, parang memory card. Kumbaga sa files, dito naka-save lahat
ng data at information na nakuha ng mga mata mo, in other words dito mo makikita na
parang videoclips ang mga hinaharap na nakita mo noon." Binuksan niya na yung
laptop, "Medyo ini-scan ko kanina, at ayon sa naobserbahan ko, at first, it seems
like you just let things happen according to their flow." It was two years ago
when I started to see things that will happen. It's true, marami akong hinayaan
noon, marami akong hinayaang buhay na mawala, mga aksidenteng hindi pinigilan,
dahil na rin sa paniniwala ko sa determinismo, na ang lahat ng bagay ay natadhana
na.

"Pero mukang nag-iba rin ang ihip ng hangin, hindi katagalan you decided to
interfere and to change the unwanted future."

"Paano mo nasabi?" nagsimulang magbago ang pananaw ko noong namatay si Hanneul,


matapos niyang hilingin sa'kin na ibalik ko yung dati kong ngiti.

"The data, Miss Jillianne, the data. For example, this case, yung isang kaklase mo
na dapat magpapakamatay, yung isa mo ring kaklase na dapat madadamay sa robbery
incident malapit sa isang coffee shop, napigilan mo kung anong nakatadhana sa
kanila." Tandang-tanda ko pa rin yung mga araw na 'yon, yung araw na nabunggo ko
si Penelope at hindi sinasadyang makita sa mga mata niya ang mangyayari sa kanya
kung paano ko siya pinigilang pumunta ng Mirku's, ang pagtalon ni Stephen sa riles
pero sinagip siya ni Ate Karen.

"What you did is really amazing, you just defy the determined fate of your
classmates. Pero, alam mo ba talaga kung anong ginawa mo?" nag-iba na naman yung
tono ng pananalita niya, malalim, tila nananakot. "Yes, it is very heroic to save
their lives but you didn't know that you actually created a chaos."

"Chaos?"

"Butterfly effect!"

"Butterfly effect?"

"In chaos theory, butterfly effect is the term used to describe the sensitivity of
the tiny changes in initial conditions that could drastically produce a different
outcome." Muli siyang lumapit, "Imagine if you didn't saw the future at hindi mo
'yon iniba o pinigilan, dapat patay na silang dalawa ngayon." Bigla akong nanlamig,
parang binuhusan ng tubig na yelo ang buong katawan ko. At para bang umaalingawngaw
ang huli niyang sinabi. 'Dapat patay na silang dawala ngayon'

"They're supposed to be dead by now." Ulit pa niya, "At sa tingin mo ba kung


namatay na sila noon makakausap kaya kita ngayon?" This time nanginginig yung
dalawang tuhod ko, hindi ko alam kung bakit, hindi ko kayang ipaliwanag kung anong
nararamdaman ko ngayon, "I think not. You just destroyed the flow, Miss Jillianne.
And every single change in the system could ruin everything." Hindi ako
makapagsalita at nanatili lang yung tingin ko sa ibaba, "You see how powerful your
eyes are? By this time, siguro naman naiintindihan mo na ng lubusan kung ano ang
nasa mga mata mo, hija."

Yeah. Naiintinidihan ko na kung gaano ako kalaking threat sa Memoire. Ako ang
tanging freewill sabi ni Dr. Irvin at hindi ko pa rin kayang tanggapin na iyon ang
katotohanan. Hindi ko ring maiwasang mapapikit at alalahanin lahat ng nangyari
noon, may gawin man ako o wala para baguhin ang 'tadhana' inuusig pa rin ako ng
kunsensya, kung iyon ba talaga ang tama o hindi ko na lang dapat binago pa ang
dapat na mangyayari.

Pero may punto yung tanong ni Dr. Irvin kanina, kung ako ang freewill o magiging
hadlang sa plano ng Memoire, bakit hindi pa nila ko patayin at kuhanin ang mga mata
'ko? Bakit pa nila ko tinuturing na para bang may dugong bughaw kung alam nila na
malaki ang posibilidad na sirain ko ang mga plano nila dahil nakikita ko kung ano
ang mangyayari sa hinaharap.

Magsasalita pa lang sana ako nang bumukas bigla ang pinto at niluwa roon yung taong
kinasusuklaman ko, si Cairo.

"You detest me that much?" At lagi ko na lang nalilimutan na nababas niya ang nasa
isip ko, and I really hate it, "Hello, doc."

"Oh, Cairo, it's good to see you."

"So, how's the test?" Test?

"She's good." Hindi kaagad sumagot si Cairo, nakangiti lang at para bang may
hinihintay, tiningnan ko si Dr. Irvin na nakangiti lang din at walang kahit anong
bakas ng pangamba sa mukha.

"Your mind is really freaking scary, doc, it's full of calculations, derivations,
and theories―"

"Of course, the universe is inside my head." Then the old man laughed.

Nakita kong sumeryoso yung mukha ni Cairo atsaka binaling yung tingin sa'kin, "We
need to go." At tumingin ulit siya kay Dr. Irvin, "Dr. Irvin, the board of
directors wants you to report regarding the Culomus, at gusto ka rin nilang
makausap ng personal kapag nakarating sila rito the day after tomorrow."

"Copy."

"Let's go." Utos sa'kin ni Cairo, wala naman akong ibang nagawa kundi sumunod sa
kanya kahit muwing-muwi ako.

Dumaan kami sa isang secret base papuntang Mnemosyne Institute, at habang nasa
elevator hindi ko maiwasang mag-isip ng kung anu-anong masama sa taong 'to. Wala
siyang ibang ginawa kundi umiling, at ngumiti na parang baliw.

"Will you please stop killing me inside your head?"

"Shut up." Heto na naman kami sa annoying walking-conversation naming dalawa.

"I told you, magkikita rin naman kayong dalawa, hindi ba?"

"And she can't freaking remember me, wais ka rin."

"So? Does it really matter kung maalala ka niya? And besides, ginusto ni Karen
'yon, pumayag siya sa kundisyon ko."

"Kundisyon?"

Hindi na siya sumagot, biglang bumukas yung pintuan at dirediretso siyang naglakad.
Tsaka ko napagtanto na lumabas kami sa headmistress' office pero wala si Lady
Margaux. Hahabulin ko sana si Cairo pero mabilis siyang naglakad nang makalabas
kami ng opisina, nagmamadali na para bang may napakaimportanteng lakad.

*****

"Miss Jillianne?"

Napatingin ako sa gumambala ng pag-iisa ko rito sa field, actually, natutulog ako


at bigla akong nagising sa pagtawag niya. Yung babae kahapon, sa pagkakatanda ko
ang pangalan niya ay Georgina. Kaagad kumunot yung noo ko, anong kailangan niya? At
bakit nag-aalala yung itsura niya?

"I need your help." Iyon ang isa sa pinakaayaw kong linya. "Wala akong ibang
pwedeng hingian ng tulong kundi ikaw lang, Miss Jillianne." Pagmakakaawa niya.

"Sandali lang po. What? Help?"

Hinawakan niya yung dalawa kong palad nang umupo siya sa tabi ko, "Si Klein."
Nagsimulang mangilid yung luha niya, "Si Lady Margaux." Kumunot ulit yung noo ko,
magsasalita pa lang ako nang unahan niya ako ng iyak. How can I help her kung iiyak
lang siya?

"Miss, calm down, okay." Sabi ko, "What happened?" I tried to show care para hindi
naman sumama yung loob niya, pero sa totoo lang ayoko na sana pang dumagdag siya
sa iniisip at pinuproblema ko ngayon. Bakit sa dinami-rami ng tao na pwedeng
hingian niya ng tulong dito, ako pa yung napili niya.

"Lady Margaux gave him a detention at hindi ko alam kung anong ginawa sa kanya,
gusto kong humingi ng tulong na ma-check man lang yung kalagayan ni Klein." She's
still weeping and I don't understand bakit ganito katindi yung pag-alala niya?
"That child is really precious to me." Sagot niya na para bang nabasa rin kung ano
ang nasa isip ko, "So please."

Napahinga ako ng malalim, una sa lahat, ang bigyan ng parusa ang isang bata? That's
heartless. Pangalawa, naba-bother ako sa pag-alala ni Miss Georgina, may alam siya
at malakas ang kutob niya na may hindi magandang mangyayari kay Klein. Pangatlo,
ano ang relasyon nilang dalawa sa isa't isa at ganito katindi ang pag-alala niya.

"Okay." Wala akong ibang nagawa, "So, anong gagawin ko?"

"Gusto kong tingnan mo yung kalagayan niya sa custody suite."

"Yun lang?"

"Yes."

"Then, bakit ako pa yung kailangang magcheck sa kanya? Why don't you see him
yourself kung talagang nag-aalala ka sa kanya?"
"It will be hard for me to sneak in. Ipapatawag ang buong staffs para sa general
meeting mamayang gabi."

"Bakit hindi na lang bukas?"

"No! Hindi pwede." Nang mapagtanto niya na nagtaas siya ng boses kaagad siyang
humingi ng paumanhin.

"Why?"

"Basta, I need you to check him if he's fine. Yun lang, Jill" medyo naa-awkward-an
ako dahil bigla niya kong tinawag na Jill, "Pagkatapos pwede mo na ulit siyang
iwanan."

"Okay."

Pagkasabi ko no'y bigla niya 'kong niyakap ng mahigpit na para bang ang tagal-tagal
na naming magkaibigan. Sobrang nailang ako at hindi ko napigilang ilayo yung sarili
sa kanya, kumawala siya sa yakap at walang katapusang nagpasalamat sa'kin.

Noong hapong ding 'yon itinuro sa'kin ni Georgina kung paano ako makakapunta sa
sinasabi niyang custody suite na pinaglalagyan ni Klein. Hindi ko alam kung bakit
kung kailan binigay niya yung ID niya ay tsaka ako inatake ng kaba. Pero wala na
'kong magagawa, she's helpless and so do I, hindi ko na pwedeng urungan 'to. Basta
ang mahalaga malaman ko lang na walang nangyaring masama kay Klein, pwede na 'kong
umalis.

Five pm dumadating na yung sundo naming elites para dalhin kami sa Sanctus, sapat
na siguro yung kalahating oras para hanapin si Klein, hindi naman siguro magiging
kaduda-duda na nawala ako ng ganon katagal, may maidadahilan pa ko kung sakali.
Five pm din magsisimula yung staff meeting.

Quarter to five nagsimula na 'kong maglakad papunta sa southern building, yun yung
lugar na hindi sa'min masyadong pinalibot ni Lady Margaux, siniguro kong walang
ibang nakakakita sa'kin. Sa ground floor at pinakadulo ng hallway may matatagpuang
pintuan papasok sa loob ng custody suite, dahil binigay ni Georgina sa'kin yung ID
niya nakapasok ako roon nang itapat ko sa security system.

Hindi ko ineexpect na hagdan pababa ang makikita ko pagbukas ng sliding door, may
katamtamang liwanag ang nasa loob ng parang tunnel papunta sa underground, sobrang
lamig sa loob kumpara sa lamig sa taas. Hanapin ko lang daw yung pinakaunang kwarto
sabi ni Georgina.

Naguluhan ako nang makita ko na 'EXP RM' yung nakasulat sa itaas ng pinto. At sa
salamin nito, dahan-dahan akong sumilip.

"Klein?" napasinghap ako sa nakita. Sa isang operating chair, nakaupo at nakatali


ang bata at kitang kita ko ang palahaw nito, may babae sa loob at may hawak-hawak
'yong syringe. Ito ba yung kinatatakutan ni Georgina? Biglang kumabog nang malakas
yung dibdib ko. Mabilis akong nag-isip ng paraan. Gamit ang ID ni Georgina, walang
kahirap-hirap kong ulit nabuksan yung pinto. Nagulat yung babae nang pumasok ako
bigla, nakasuot siya nang katulad ng uniform ng mga tao sa Beehive.

Nang maalarama at mapagtanto niyang hindi ako staff, susunggaban niya yung telepono
sa pader nang harangin ko siya at buong lakas na tinulak sa pader. Nanlalaban pa
rin siya habang hawak-hawak yung syringe, napansin kong pilit niyang isasaksak
sa'kin 'yon atsaka ko buong pwersa na iturok 'yon sa sarili niya. Pagkatapos,
nawalan ng mala yang babae. Kaagad kong pinuntahan si Klein at tinanggal ang
pagkakagapos sa operating chair.
Puro injections, at kung anu-anong aparato ang nasa gilid. Pero ang pinakanakatawag
ng pansin ko ang isang maliit na bote na may label na 'HELEXIA'

"Klein, klein, listen," pilit kong pinapatahan yung bata, "You're going to be fine,
okay? Aalis na tayo rito, we will see your mom." Nang marinig 'yon ng bata ay
mukhang nahimasmasan naman ito. He's not safe here, at tama nga ang takot at
pangamba ni Georgina na may hindi magandang mangyayari sa bata. Pinasan ko siya sa
likod at patakbo akong lumabas ng silid na 'yon, pabalik ako sa entrance nang
marinig ko na bumukas yung pinto. Shit.

Wala akong ibang pagpipilian kundi tumakbo sa hallway at maghanap ngpagtataguan.


Wala ng ibang kwarto o EXP RM na sumunod, tanging sa pinakadulo ng hallway may
pintuan at hindi ko alam kung anong meron don. Tumakbo ako papunta roon ng buong
bilis dahil alam kong maya-maya lang makikita nila yung doktora na walang malay at
tiyak kong wala na kaming kawala. Shit.

Gamit ulit yung ID ni Georgina nakapasok kami sa HGPs RM. Medyo madilim sa loob.
Narinig ko na papalapit na yung mga hakbang dahil sigurado akong alam na nilang may
intruder sa loob. Shit lang ulit. Pagpihit ko paharap sa loob, muntik na 'kong
matumba sa nakita. Kahit na kabadong kabado na 'ko pinilit kong maglakad para
maghanap ng matataguan.

A-anong klaseng lugar 'to?

A prison cell?

Nagsimulang pumalahaw si Klein dahil sa takot sa dilim. Pinilit ko siyang patahanin


pero hindi ko nagawa.

"Jill?!"

Pakiramdam ko nanigas yung buong katawan ko, pamilyar yung boses na 'yon.

"S-stephen?!" nakita ko siya sa isang selda, nakahawak sa dalawang rehas, kaagad


ko siyang dinaluhan. Maya-maya nakarinig ako ng mga ungol, ungol ng panaghoy, tsaka
ko nakita na may mga tao sa selda na humihingi ng tulong, pero ungol lang ang
maririnig sa kanila. Yung ilan nakakapagsalita at humihingi ng tulong.

"Jill!" iyak siya ng iyak ng malapitan ko siya. "Jill!"

Hindi ko na napigilan yung sarili ko at naiyak na rin ako dahil sa laki ng


pinagbago ng itsura niya, ibinaba ko muna si Klein pero hawak-hawak ko pa rin yung
bata sa kamay.

Sa sobrang dami ng gusto kong itanong parang naumid yung dila ko. Kasabay ng takot
dahil sa dami ng humihingi ng tulong.

"Jill." Puro ngawa lang yung naririnig ko kay Stephen at wala siyang ibang
bukambibig kundi pangalan ko. Tsaka ko lang napagtanto kung bakit puro ungol ang
naririnig ko sa ibang bilanggo, putol ang mga dila nila.

"Jill!" may isa pang pamilyar na boses akong narinig, katabi lang ng selda ni
Stephen, si Miss Marcel! "Salamat sa Diyos buhay ka!" lumuluha niyang sambit,
"Kailangan mong makatakas dito,Jill. Tulungan mo kaming makatakas dito, Jill,
masasama sila, ginagawa nila kaming hayop―"

Biglang lumiwanag ang buong paligid. Bumukas ang pinto at niluwa nito si Lady
Margaux kasama ang napakaraming tauhan sa likuran niya, mga staffs at mga
tagaBeehive. May pinindot silang kung anong buton sa pader dahilan para sumara at
matakpan ang lahat ng selda hanggang sa maglaho sila sa aking paningin pati ang
kanilang mga panaghoy at paghingi ng tulong.

"Miss Jillianne Morie." Mula sa bulsa ay nilabas niya ang maliit na remote, "I am
so disappointed." At pagkapindot nito'y biglang may kung anong pumitik na kuryente
sa buong katawan ko na dumaloy mula sa kwintas na suot ko.

Parang bumagal ang pagglaw ng buong paligid, bumagsak ako sa sahig. Hindi pa
nakuntento si Lady Margaux at naramdamn ko ang sunud-sunod na pagpitik ng kuryente
sa katawan ko.

Ito pala, ito pala ang gamit ng kwintas na 'to.

Hindi lang Peculiars ang meron ang Memoire, meron din silang mga normal na tao na
dinakip at dinala rito para pag-eksperimentuhan at pag-aralan. What does it really
mean to conquer the universe? At anong klaseng freewill ako para pigilan sila?

(...itutuloy)

PAKIBASA ANG NOTE:

First, sa April na siguro ako makakapag-update, DAHIL, marami po talaga akong


ginagawa ngayong March lalo na't finals week na. Pasensya na talaga huhu. sana pag
natapos ko ng maaga yung mga gagawin ko, makapag-ud ako kasi siningit ko lang to sa
sched ko. Yun lang salamat sa malawak na pang-unawa, mahal ko kayo.

Second,sana naintindihan niyo yung part na inexplain yung kung ano ba talaga yung
powers ni Jill, sana hindi kayo nawindang sa pinagsasabi ni Dr. Irvin, scifi lamang
po ito at ito ang bunga ng aking mabusising pagriresearch ukol sa principles ng
powers ni Jill.

Pangatlo, interested ba kayong sumali sa isang private group na gagawin ko sana sa


fb, parang purpose niya siguro is parang forum at stats ng update, bwahaha, kung
may interesado lang sana. sabihan lang ako. haha

Pang-apat, maraming salamat po sa walang sawang pagsuporta sa TPT, kahit na mabagal


ang UD. HAHA.

YUN LAMANG PO. THANK YOU ULIT. SEE YOU NEXT UD!
PS. GOOD LUCK SA LAHAT NG MAY FINALS AT CONGRATS SA MGA GAGRADUATE. CHEERS.
FIGHTING!

/58/ Azotea
Ang Nakaraan sa The Peculiars' Tale kabanata limampu't pito:

Nalaman na ni Jill Morie ang tunay na gamit ng kanyang mga mata, kung ano, paano,
bakit at kailan ito nilikha. Tinagurian ni Dr. Raphael Irvin na diyos ang sinumang
nag mamay-ari ng Culomus, ang tawag sa mga matang nilikha mula kay Karen Italia.

Kinahapunan ay biglang humingi ng saklolo si Georgina, hindi mapalagay at sobrang


nababagabag ang dalaga sa kalagayan ni Klein kung kaya't hiningi niya ang tulong
ni Jill upang tingnan ang kalagayan ng bata. Sa huli'y hindi nakatanggi si Jill at
noong hapong din yon ay pinuntahan niya ang lugar na sinasabi ni Georgina, gamit
ang ID nito ay madali lang nakapasok si Jill sa mga security system.

Ngunit higit pa sa inaasahan ang nadatnan niya roon. Iniligtas niya mula sa
kapahamakan si Klein, sinubukan nilang magtago as tinatawag na HGPs RM. Pagpasok
nila sa loob ay nagimbal si Jill sa natuklasan sapagkat ang HGPs RM pala'y isang
selda ng mga normal na nilalang at ang ilan sa kanila'y pinutulan ng dila. At ang
pinakalubos na hindi inaasahan ni Jill ay ang pagkikita nila ng matagal ng
nawawalang kaibigan na si Stephen Yue at kanyang guro na si Marcel.

Sa kasamaang palad ay biglang dumating si Margaux kasama ang iba pang kawani ng
MIP. Nagtapos ang kabanata nang bumagsak sa konkretong sahig ang ating pangunahing
tauhan, kasabay ng realisasyon kung ano ang tunay na dahilan kung bakit sila
nakasuot ng collar.

/58/ Azotea

[Jill Morie]

For the first time I thought I was going to die.

Pinipilit kong igalaw ang buo kong katawan pero nabigo ako, the pain is still here
and it made my whole body numb, hindi ko alam kung paano iyon iindahin. Nakita ko
si Klein na sapilitang binuhat ng isa sa kanila, rinig na rinig ko yung palahaw
niya pero maya-maya bigla yong nawala sa hindi ko malamang dahilan.

Hindi ako nililinlang ng mga mata ko sa nasaksihan ko kanina, Stephen and Miss
Marcel is here, this place, HGPs RM is a prison cell―no―it's not just an ordinary
prison cell. I don't know how to call it pero isa lang ang sigurado ako, there are
normal human beings here and they are not safe.
"Margaux, what happened?" narinig ko yung boses ni Cairo na kakarating lang. Kahit
anong pilit kong galaw sa katawan ko na bumangon hindi ko magawa, ganon kalakas
yung epekto ng kuryente na dumaloy sa buong katawan ko, paralisado pero gumagana pa
rin lahat ng senses ko.

Cairo confronted the headmistress and beside him is my sister, Karen, who is
emotionless, staring down at me, it feels like the pain grew stronger because of
her gaze, I almost forget that she can barely recognize me at all and it's Cairo's
fault.

"That young lady did something terribly against the rules."

"Margaux." Kahit na pabulong at humina ang boses ni Cairo, rinig na rinig pa rin
'yon, "They ordered us not to harm her at any cost, are you trying to defy the
board?"

"I know, Cairo, hindi mo kailangang ipaalala. Jill Morie's action is inappropriate
that's why I need to press this." Bumuntong hininga ni Cairo, inagaw ang remote na
hawak ng headmistress. Maya-maya nakita kong papalapit siya sa kinaroroonan ko.
Medyo lumapit siya sa'kin at pinindot ang buton ng remote na 'yon, maya-maya'y
nagagalaw ko na yung katawan ko. Then he stared as if he's reading my mind, I can't
clearly see his face because of the lights.

"Dalhin siya sa EXP―"

"No, take her to the Sanctus."

"I am the headmistress."

"Yes, you're just the headmistress, Margaux. Don't forget the orders." Saglit
silang natahimik pareho, nagsusukatan ng tingin.

"Fine. Take her to the Sanctus. We will discuss this matter later, Cairo." May
dalawang babae ang umalalay sa'kin sa pagtayo, pinaupo nila 'ko sa isang wheel
chair, lupaypay pa rin ang buo kong katawan at wala akong ibang magawa kundi
magkuyom ng palad.

Damn it. Bakit? Bakit wala akong magawa? Bakit palagi na lang ganito? Bakit sa huli
nagiging helpless lang ako. I seriously wanted to stand up right now and to do
something. But how? How can I fight them? How can I save Stephen? Them?

"...because Jill Morie, you are the freewill."

*****

"Lady Morie? Hindi niyo pa nauubos yung pagkain niyo."

"Busog na 'ko, gusto ko ng magpahinga." Sabi ko, tumungo lang siya at lumapit para
itulak ang wheel chair na kinauupuan ko. Madilim na sa labas, nakapagtatakang wala
pa yung ibang elites, hindi pa rin dumadating sila Lady Margaux mula sa general
meeting.

Bumukas yung elevator at iniluwa siya mula roon. Sa ganitong pagkakataon na hindi
ko munang gustong kumausap ng kahit na sino. Sio.

"Miss, ako na ang magdadala sa kanya sa taas." Nakangiti niyang sabi.


"Pero Lord Sio―"

"I insist."

Walang nagawa yung babae kundi hayaan akong ibigay kay Sio. Sa loob ng elevator
namayani ang katahimikan. Kitang kita ko yung repleksyon naming dalawa sa pintuan,
hanggang sa bumukas iyon, pero lumipas ang ilang segundo ay nanatili lang kami sa
kinatitirikan naming dalawa. Maya-maya'y biglang pinindot ni Sio yung pinakaitaas
na floor button. I still remained composed by what he did; just now, this guy is up
to something.

"You're pretty cool huh." Sabi niya nang muling bumukas ang pintuan, sa
pagkakataong 'to nasa sixth floor kami ng mansion, muli niya akong itinulak papunta
sa direksyong hindi ko alam. Makalipas ang ilang sandali namalayan ko na lang na
lumabas kami at nasa azotea ng Sanctus. "I heard the news earlier, you trespassed
the restricted building, at dahil do'n pinarusahan ka ni Michele Margaux sa
pamamagitan ng collar na 'to."

Mas tanaw na tanaw mula rito ang kabuuan ng Mnemosyne Institute kumpara sa
ikalawang palapag, dito ko lang din nakita na napapaligiran ang lugar ng anyong
tubig bukod sa mga bundok. A breath-taking view indeed, malulula na kahit na sino
lalo na kung acrophobic.

"What now? Ihuhulog at itutulak mo 'ko mula rito?"

Mula sa likuran ko ay narinig ko ang marahang pagtawa ni Sio.

"Anong kailangan mo sa'kin? Morris."

"What? I told you hindi ako si Morris, ako si Sio."

"Alam ko." gamit ang dalawang gulong ng wheel chair, iniikot ko yung sarili ko para
makaharap sa kanya. "Alam kong si Sio at Morris ay iisa lang."

"Heh." He dramatically longed that expression, acting innocently, "Hindi kita


maintindihan. Jill. Morie."

"Stop it, please. Tama na ang pagpapanggap, I've had enough."

"Okay, fine." He raised his hands as if he surrendered. "Kailan? Kailan mo pa


nalaman?"

"Ngayon lang. Kanina sa elevator." Nakita kong kumunot yung noo niya at bahagyang
napangisi pero nagtataka. "Isang malaking katangahan na napaniwala mo ako noong una
nating pagkikita na hindi ikaw si Morris. Pero kanina lang nakita ko ang repleksyon
mo, ang mga mata mo Sio, at ni Morris..."

"Ano?"

"Ay iisa lang." Tumaas yung isa niyang kilay, naghihintay ng paliwanag para mas
makumbinsi siya na alam ko na kung ano ang totoo, "Alam mo, Sio, dalawang klase ng
mga mata lang ang namumukod tanging nakita ko, una, ang mga mata ni Karen Italia,
at ang mga mata ni George Morris."

"Great." Dahan-dahan siyang pumalakpak, "Ang buong akala ko magagawa kong maitago
hanggang sa huli, nagkamali ako, Jill Morie."

"Nawala na tayo sa usapan, anong kailangan mo sa'kin? Bakit mo 'ko dinala rito?
Hindi ko alam kung anong motibo mo, Morris, kung bakit kinailangan mo pang
magpanggap na ibang tao, isa ka rin pala sa tumraydor, isa ka rin pala sa kanila."
Hindi ko maitago yung hinanakit sa tinig ko. I remember he said that he wanted to
protect me badly, pero in the end ganito lang din yung gagawin niya sa'kin?

"I told you hindi ako si Morris." Bakas ang pagkabugnot sa boses niya, "Akala ko pa
naman alam mo na talaga, Jill Morie."

"Ang alin? Ano bang pinagsasabi mo Morris?"

"I'm not Morris. I'm Sio. The situation is like this, we have different minds
inside this body. Okay?"

Kumunot lang ako sa sinabi niya. Different minds inside one body? What the hell is
he saying?

"I guess you wouldn't easily understand." Humakbang siya ng isa papalapit, mas
natanaw ko yung mukha niya nang tanglawan ito ng liwanag mula sa buwan, "I just
thought that this is the right time to tell you everything, Jill Morie. I bet your
heart won't be able to take this." Ngumisi na naman siya.

"Tell me everything you know."

"It was all your father's fault, si Dr. Richard Morie ang pinakasinisisi ko kung
bakit nasira ng ganito ang buhay ko."

I want to tell him that he's not my real father but that's not necessary.
Tintitigan ko lang siya, hinihintay ang karugtong ng sasabihin niya.

"It's been a decade since he helped me and my dear sister. Kinupkop at tinulungan
niya kami, inalala na parang sariling kadugo, but then he have an ulterior motive.
Pinag-aralan niya kami ni Ate Georgina para sa research niya, at ang tinutuluyan
pala naming inaakalang tahanan ay isang laboratoryo para sa katulad namin ni Ate
Georgina na may tinataglay na kapangyarihan. He helped us to control and improved
our powers, until that time came. Memoire took over his research, at magmula noon
ay nagsimula kaming magtago mula sa kanila dahil kabilin-bilinan ni Dr. Richard na
huwag kaming sasama kahit anong mangyari. Dumating yung araw na sumuko si Ate
Georgina, sumama siya sa Memoire, kapalit ang kapakanan ko."

Hindi ako makapaniwala sa naririnig kong kwento ngayon mula sa kanya, bakit ngayon
ko lang nalaman ang tungkol dito? Why did my father... he's...he's one of them...
Memoire.

"Pero that doesn't end there, I want to get my revenge. At dahil ikaw ang nag-iisa
niyang anak, sa'yo ko lahat binunton ang galit ko," hindi ko alam pero dahan-dahan
akong umiiling, gusto kong magtakip ng tainga, ayokong marinig yung mg susunod
niyang sabihin dahil alam kong mas masasaktan lang ako lalo sa bawat salitang
bibitiwan niya. "I made that blog. Ako yung anonymous blogger na sumisira sa'yo,
Jill Morie."

Tama na.

"Thanks to Lily, she helped me a lot, siya yung nagset up ng cameras, sa mga
pictures na pinadala niya sa'yo at kay Stephen Yue, he really caused trouble, pero
mabuti na lang naagapan ko kaagad."

"Anong ibig mong sabihin?" pinipilit kong pakalmahin yung sarili ko, sa mga
sinasabi niya wala akong ibang magawa kundi magkuyom ng palad.
"It was a perfect timing, that time, habang nasa ilalim ka ng experimentation
nila―"

"Experimentation?"

"Oh, I'm sorry, I thought alam mo na isa ka ring HGP."

"HGP?"

"Human Guinea Pig." I almost gaped when he said that, HGP RMs, it means... "HGP
number seventy three, Jillianne Morie. Isa ka sa ginamit para sa Project Helexia."

"Hindi ko―"

"What was I saying? Ayun nga, it was a perfect timing that time na pinapainom ka
nila secretly ng Helexia," yung gamot na pinapalit ni Manang Fe sa vitamins ko,
"The side-effects includes sleepwalking and auditory hallucinations, kaya naman
binalak ko na palabasin na ikaw yung gumagawa ng sarili mong blog. Stephen
confronted me after the recollection pero malakas ang back-up ko kaya naman nagawa
ko siyang mapatahimik, instead telling you the truth, sinabi niya na address mo
yung natrack niya at ang kapalit non?," he stopped waiting for me to respond
furiously, "A luxurious life here in MIP."

"So in the first place sumama ka na agad sa Memoire."

"Inalok ko lang naman sa kanila ang tulong ko, at kapalit non ay ang muling
pagkikita namin ng ate ko, at isa pa, tinulungan nila 'kong totohanin ang nasa loob
nito." Mula sa kung saan ay nilabas niya ang isang itim na sketchbook.

"What the hell was that?"

"Naalala niyo pa yung bestfriend niyo ni Morris?"

"Lucille."

"Yeah, Lucille. Bago siya mamatay binigay niya ang sketchbook na 'to kay Morris sa
ospital, at alam mo ba kung ano ang nasa loob nito?" binuklat niya 'yon at iniisa
isa ang bawat pahina, tumawa siya at maya-maya'y tumigil din atsaka tumingin ulit
sakin.

"Ang buong kapalaran mo, Jill Morie."

"W-what―"

"Lucille could see the future through dreams, at lahat ng mangyayari sa hinaharap,
sa pamamagitan ng panaginip, nakita niya ang iyo. Iginuhit na ang kapalaran mo Jill
Morie, at ako ang gumawa ng paraan para magkatotoo ang bawat pangyayari sa pahina
nito."

"Tama na―"

"Katulad na lang ng pagtraydor sa'yo ng mga mahal mong kaibigan. Si Stephen, Si


Cris, Si Finnix, Si―"

"Tama na!"

"It was really amusing and ridiculous, I even blackmailed Morris to help me out,
siya yung humingi ng pabor kay Karen Italia para sa recollection dahil sabi ko
magiging okay na ang lahat kapag nangyari yon, sinabi ko rin sa kanya na humingi
siya ng tulong sa Carnies para tulungan ka pero ang totoo alam ko na planado lang
ang lahat. Ang ironic lang hindi ba? Ah, muntik ko ng makalimutan si Lily. Siya ang
kauna-unahang tao na nakadiskubre kung ano ang pagkatao na meron si Morris, kaya
naman in order to shut her up, sinabi ko sa kanya ang tungkol sa kapangyarihan mo,
kaya ginawa niya yong panakot kay Morris na ipagkakalat nya ang tungkol sa'yo kung
hindi magiging sila." Natawa na naman si Sio na para bang isang malaking joke lang
ang lahat ng sinabi niya, sana nga, biro lang ang lahat, dahil hindi na nakakatawa.

"Stop laughing."

Huminto siya sa pagtawa at muling sumeryoso ang mukha.

"Even that kidnapping incident of yours, pinlano yon para iligtas ka ni Cloud
Enriquez, para mapunta sa kanya lahat ng hinala mo. Thanks to Memoire's help
because they fulfilled my desire to complete each this sketchbook's page. And
soon... wag kang mag-alala, magwawakas din ang lahat."

"Bakit ngayon mo lang sinasabi ang lahat ng 'to?"

Dahan-dahan siyang lumapit sa'kin atsaka inilapit ang mukha niya sa'kin, sabay
bumulong, "Because... It's too late for you to know." Muli siyang tumayo ng matuwid
at humakbang palayo, biglang lumingon, "Wala ka ng ibang magagawa Jill Morie, soon,
you will reach your biggest downfall."

"Hindi ako naniniwala."

"Heh?"

"Hindi ako naniniwala na iginuhit na ang kapalaran ko." buong lakas, pinilit kong
makatayo mula sa pagkakaupo, binabalanse ang sarili habang hindi pinuputol ang
titig kasabay ng pagbalik ng mga alaala na nakikita ko sa mga mata niya, mga
alaalang nilimot, masaya, malungkot. I want Morris back, and this guy is definitely
not him, hindi siya yung taong minsang minahal ko, "Because, Sio, I am the
freewill."

"Don't make me laugh, Jill Morie. Lahat ng nasa sketchbook na 'to? Magkakatotoo.
Gusto mo bang malaman kung ano ang susunod na mangyayari sa'yo? You will be confine
at the EXP RM, in order to shut you up, they will inject the Helexia, at lahat ng
iuutos nila, susundin mo." Tumalikod si Sio, naputol ang mga alaalang nakikita ko
sa mga mata niya.

Hindi kaagad ako umalis, nanatili ako saglit para tanawin ang maliwanag na buwan.
Pumikit ako at huminga ng malalim. Everything he said a while ago just destroyed
me; it's almost over. There's no more choice except to be brave , kahit na iniisip
ko kung paano at saan ako nakakakuha ng lakas ng loob hanggang ngayon. Binuksan ko
yung mga mata ko at muling tumingin sa buwan. Morris, alam kong hindi ka susuko,
alam kong babalik ka. And Sio, I'm not going to lose, hindi ako susuko sa inyong
lahat.

Please, give me strength.

"I like your spirit."

May bagong tinig na nagsalita mula sa likuran ko, pumihit ako para harapin siya. Si
Cairo.

"Hindi ka man lang ba magagalit o magtatanong tungkol sa kalagayan ni Morris?"

"Anong gusto mong gawin ko? Magwala rito tapos tumalon?"


"Nah. Tutal sinabi na sa'yo ni Sio lahat, may gusto lang akong idagdag na hindi
niya sinabi. It was really your father's fault kung bakit siya nagkaganon, Jill
Morie." Sabi niya habang nakapamulsa at sumandal sa pader, "Two years ago, noong
itransfer sa'yo ang Culomus from Karen, that time contributor ng project Helexia si
Dr.Richard, to avoid suspicions from the Memoire, he volunteered his own daughter
to participate in the experiment, that's why isa ka ring HGP, HGP number seventy
three," I see, kaya pala noong sinabi k okay dad na gusto kong bumukod pumayag lang
siya, "Katulad ng sinabi ni Sio, ang side-effects sayo ng experimentation ng
Helexia ay sleepwalking at auditory hallucinations."

"And so?"

"Isa ring HGP si Morris, HGP number sixty seven. Two years ago din magmula nang
sumama si Georgina―"

"Georgina?" naalala ko yung babaeng humingi ng tulong sakin kanina.

"Yes, si Georgina, siya nga yung nasa isip mo." What, kapatid yon ni Morris?
"Sumama si Georgina in order to protect his brother, pero pinipilit na rin niya na
sumama sa MIP yung kapatid niya pero ayaw ni Morris. At that time, dahil nga nag-
iisa na lang siya, without him knowing, ginamit din siya para sa experimentation ng
project Helexia. The side-effect? Si Sio."

"What?"

"Nagkaroon siya ng MID, or multiple identity disorder, at si Sio ang pangalawang


persona na nilikha niya, due to Helexia and due to her sister's absence. Noong una
kaming nagkita ni Morris sa White Knights Academy, galit na galit siya sa'kin, pero
habang sinusuyod ko kung anong nasa isip niya nakita ko na may kakaiba roon, he
have two minds, and that another mind is Sio. Using my power, napalabas ko si Sio
at nagkausap kaming dalawa, he told me everything about his plans and he offered
his help to get you, at ang kapalit din non ay ang pagtulong namin sa mga gusto
niyang mangyari." Huminga rin siya ng malalim bago magpatuloy sa pagsasalita, "Poor
kid. Two minds inside a body, the one who really loves you and the one who really
hates you at the same time." Narinig ko ang marahan niyang pagtawa.

"Tapos ka na?"

"Hindi pa." Umupo siya sa bench malapit sa mini fountain. "Alam kong nagtataka ka
kung anong nangyari kay Karen."

"You brainwashed her."

"How I wish I could change her mind and I know I can't actually do that to her."

"Kung ganon anong ginawa niyo?"

"We injected the Helexia. At ganon din ang mangyayari sa inyo bukas. Ikaw, si Jing
Rosca at Cloud Enriquez. Due to your strong and rebellious character, we decided
that you will be also injected. Nang sa gayon maging masunurin kayo kapag dumating
ang board of directors sa mga susunod na araw."

Si Jing at Cloud?!

"Be ready for tomorrow Jill Morie. The show is just starting."
Abangan: Ang pagkikita muli nila Jill, Jing at Cloud. Handa na kaya silang harapin
ang naghihintay na Helexia at tuluyan kaya silang mapapasailalim sa droga na ito?

[Maraming salamat ulit! Happy 800 k!!!]

/59/ Rebel
/59/ Rebel

"Jill."

"Jill!"

"Huh?"

"Earth to Jill! Hello! Anong nangyari natulala ka?"

"A-aya?"

"Oh? Bakit parang gulat na gulat ka? Huy!" winagayway ni Aya yung dalawang palad,
"Kuuu, kung saan-saan lumilipad yang utak mo."

"S-saan tayo pupunta?"nilibot ko yung paningin ko.What...am I doing here? And...Why


is she...

"Basta." She held my hand and then she smiled at me like she used to. I can feel
her hand's warmth; I can look directly at her eyes without any future. "Kanina pa
sila naghihintay sa taas."

"Sino?"

"Makikita mo." Tumakbo kami paakyat ng hagdan, at sa pinakahuling palapag, binuksan


ni Aya yung pintuan. Liwanag ang bumungad, I can' see anything. "Nandito na sila.
Jill."

We took a step forward while Aya's still holding my hand. Tsaka ko lang napansin na
nasa rooftop kami ng White Knights, ang lugar kung saan tinatanaw ko ang langit sa
tuwing nag-iisa. The blue sky and breeze is still the same, this place... feels
like home.

"Yoh! Jill men!" sumaludo si Tadeo habang kaakbay niya si Tamaki, pareho silang
nakangiti. At katulad ng nakagawian, pagkatapos niya 'kong batiin ay nag-inisan na
kaagad sila ni Aya na parang aso't pusa, nagbatuhan kaagad ng asar sa isa't isa. Si
Tamaki naman, mukhang nabawasan na yung benda at band-aid niya sa katawan, hindi na
siya amoy sigarilyo at hindi na yata siya nagbubulakbol katulad ng dati, maybe
because of Lucille who's living inside his memory, the girl who believe in him.
Tamaki continued to live for her.
Nakabitaw na ko mula sa pagkakahawak ni Aya tiningnan ko siya habang nakikipag-
asaran kay Tadeo. Aya, no matter how painful the past she has, she keeps moving
forward, ngumingiti kaahit iniinda ang sakit, hindi siya sumuko para sa'kin. It's
all thanks to her that I was able to smile gradually before.

"It's been awhile Jill," ang sumunod na nakita ko ay si Ireneo, he's also smiling.
Beside him is Sabina who nods then gave her best smile, both of them extends their
hands, hindi ko alam kung bakit pero bigla ko na lang 'yon tinanggap. Sabina, I
realized that I'm grateful that I was bored before-no, I just hate to admit before
that it wasn't just because I'm bored, way back then hindi ko maintindihan kung
bakit kailangan niya pang magpanggap, pero ngayon alam kong tinatama niya na yung
mga pagkakamali mo noon.

"Oy." May tumapik sa balika ko, lumingon ako pero nakasundot yung hintuturo sa
pisngi ko, "Belat."

"Baldo." You bastard, akala mo hindi ko pa nakakalimutan yung ginawa mo, dito mismo
sa rooftop tinraydor mo ko.

"I'm sorry, Jill." Sabi niya at biglang yumuko.

"Stupid." Nangiti ako dahil parang iiyak na siya. Baldo. Alam kong ginawa mo 'yon
para sa mas nakararami, sinabi mong mas mabuti kung nasa Memoire ako kung hindi pa
sila madadamay, I understand, Baldo. I am too selfish. Maraming nadamay ng dahil
sa'kin, if I were in your position, I would even consider Memoire's offer. It was a
hard decision for you, pero dahil iniisip mo yung kapakanan ng mga kaibigan natin.
You're kind.

"Oh, Baldy bakit ka umiiyak?"

"Gago, hindi ako umiiyak."

"Haha, umiiyak si Baldy!"

"Yikes Baldo! Ultra gay!"

"Letse kayo Mariah, Tadeo, pag-untugin ko kayo eh!"

"Jill?" Lumingon ako at nakita si

"P-penelope." Parang naumid yung dila ko, I don't know what to say, my heart began
to beat fast, my knees are trembling because... because I'm happy, "Penelope."

"Hmm?"

"You're back." Hindi ko na napigilan yung sarili ko na yumakap sa kanya, narinig


ko yung mahinhin niyang pagtawa, alam kong nakangiti siya habang hinahagod ang
likod ko, "Penelope." Kaagad din akong bumitaw sa kanya, "I'm glad... you're here."
I didn't made a wrong decision to save you from that incident before, Penelope,
wala akong pakialam kung nasira ko man yung flow na sinasabi ni Dr. Irvin, ang
importante...ang importante... you're still...here.

"Eh? Jill, okay ka lang? Namumutla ka, kumakain ka ba?" bakas sa boses niya ang
pag-aalala, the usual Penelope.

"I guess."

"J-jill." Sa likod ni Penelope nakita ko siya na nakatungo habang naglalakad


papunta sa kinaroroonan ko.
"Stephen." I still remembered the day that he almost gave up his life; I can still
recall what I told him, that I did stop him not because to save him, but to break
the caste. I am glad... that Stephen is not giving up yet.

"So, andito na si Jill, kumpleto na tayo." Narinig kong sabi ni Baldo. Hindi ko pa
rin maintindihan kung bakit nandito silang lahat at kung bakit nandito ako.
Nakatingin silang lahat sa'kin at masayang nakangiti. All this time I've been
thinking, paano kaya kung hindi ko binago yung sinasabing flow ni Dr.Irvin... These
guys... magiging parte pa rin ba kaya sila ng buhay ko.

And then I realized...this is not real, even though I felt their warmth. Everything
is surreal but I can feel them. Hindi ko man gustong maniwala na panaginip lang
'to, pero ayoko munang magising, kahit saglit lang.

"Jill?" Si Penelope, nagtataka at nag-aalala, "Bakit ka... umiiyak?"

At hindi ko nga namalayan ang pagpatak ng mga luha ko, if this is a dream bakit
totoong totoo yung nararamdaman ko, ang init ng luha na dumadaloy sa pisngi ko.

"Kasi..." naghihintay sila sa sagot ko, "kasi masaya 'ko... na nandito kayo." Hindi
sila sumagot, they just smiled and nod their heads. I really don't
understand...this bizarre feeling.

Parepareho kaming nagulat nang tumunog ng malakas yung bell ng White Knights, it
means that the class has begun, na para bang mas binigyan ako ng pag-asa na hindi
'to panaginip.

"Tara na, malelate na tayo!" nakita ko sila na nagkukumahog papunta sa pintuan,


wala akong ibang nagawa kundi sumunod sa kanila.

Parang nagslow motion ang takbo ng oras, umaalingawngaw sa buong paligid ang
masasayang tinig nila pati na rin ang mga yabag na nag-uunahan. Hinahawi ang bawat
estudyante sa hallway, nadaanan namin yung Gryffinclaws, may teacher na pumito,
lumiko sa kaliwa, pagbukas ng pintuan ng homeroom, alam namin na naghihintay siya,
naghihintay si Miss Karen.

Pero nang humakbang ako papasok sa loob, bigla akong nahulog sa walang katapusang
kadiliman.

Everything is just a dream and it's time to wake up.

This is my painful reality.

"Lady Morie?" sunud-sunod na pagkatakot at pagtawag mula sa pintuan, hindi ko 'yon


pinansin. Bumangon ako at humarap sa salamin ng malaking tokador.

Tsaka ko lang napagmasdang mabuti ang sarili ko, hindi ko na namalayan na hanggang
balikat na pala yung haba ng buhok ko. At katulad nga ng sinabi ni Penelope sa
panaginip, ang putla ko, well...I am really pale in the first place, pero iba
ngayon, dahil sa putla ng balat ko mas nangibabaw yung kulay ng mga mata ko. It's
all because of these eyes, Culomus. Memoire wanted this power badly, that's why
they did everything to take me here.

"Be ready for tomorrow Jill Morie. The show is just starting." Today is the day
huh.

Inaasahan kong bubungad silang lahat sa dining area pero wala akong nadatnang tao
kahit isa. Sumulyap ako sa grandfather's clock, masyado pang maaga para pumunta sa
MIP. Kagabi ko pa sila hindi nakikita, hindi dahil sa namimiss ko sila o ano pa
man, nagtataka lang ako kung bakit

"They already assembled there earlier." Lumingon ako sa kinaroroonan ni Cairo,


nakasandal siya malapit sa hagdanan habang nakatingin sa orasan. "Good morning."

"Assemble?"

"For the upcoming special event."

"I don't get it."

"Let's just say na may pinaghahandaan ang buong MIP staffs and students-"

"Staffs and students?" nang-uuyam kong sabi, "Baka lab rats."

"-para sa isang espesyal na okasyon." Medyo nainis ako ng hindi niya pinansin yung
sinabi ko. "Don't feel bad na hindi ka kaagad ginising ng maaga para sumama sa
preparation, consider yourself lucky dahil exception ka little sister." Little
sister your damn face.

"At ano namang okasyon?"

"Hmm..." nag-isip pa siya kunwari ng matagal, pasimple at painosente, "For


Christmas."

"Christmas?"

"Yes."

"Niloloko mo ba 'ko-"

"Cairo." Naputol yung pagsasalita ko nang bigla siyang dumating. "The car is
waiting outside. It's time to go." Miss Karen. I won't call her sister not until
she remembers me.

"Bea. Come here." Walang alinlangang sumunod naman sa utos niya ito. "This is Jill
Morie. She's-"

"Stop it!" Damn you Cairo, hanggang kailan mo kami pahihirapan ng ganito. Hindi ka
pa ba kuntento na nakikita ko kung paano mo pinasusunod sa'yo ang kapatid ko ng
walang kalaban-laban? You don't deserve my sister's love, pagkatapos ka niyang
mahalin noon ganito pa rin ang gagawin mo sa kanya? You are the lowest human being-
no, hindi ka nga pala tao, you are a heartless monster.

Alam kong nababasa niya kung anong iniisip ko ngayon, alam kong damang-dama niya
yung poot sa dibdib ko. Hindi niya na tinuloy kung ano man yung sasabihin niya,
hindi siya tumawa o ngumisi katulad ng parati niyang ginaganti sa'kin, natameme
lang siya at bumulong sa hangin.

Kahit na mabilis hindi nakaligtas sa paningin ko yung pagbuka ng kanyang bibig. Did
he just said... sorry?

Heh, sorry? Baka namamalikmata lang ako.

"Let's go, Jill Morie, may importante kang appointment ngayong araw, baka
nakakalimutan mo." Sabi niya, nauna silang naglakad habang ako tahimik lang na
sumunod sa kanila.
The worst scenario that I would ever imagine, ang magkakatabi kaming tatlo sa
kotse, pinapagitnaan nila 'kong dalawa. This is so suffocating. Kahit na nasa tabi
ko lang si Miss Karen, pero hindi naman niya 'ko kilala, wala rin akong magagawa.
I... I need to save her. No. I need to save them, sila Stephen.

"Don't think of unnecessary things." Nagsalita si Cairo na nasa kaliwa ko. "Kung
susunod ka lang kay Margaux, hindi mo na kinakailangan pang sumailalim sa Helexia.
May natitirang oras ka pa para magbago ng isip, Jill Morie."

Are you kidding me?

"Kung magiging masunuring bata ka sa MIP katulad ng iba pang elites na kasama mo,
hindi na kinakailangan pang lagyan ka ng Helexia, naiintindihan mo ba?"

"And why should follow the headmistress, and this institution is nothing but full
of evil deeds." Hindi ko rin maintindihan kung paanong naaatim ng mga ibang
estudyante rito katulad ng mga elites na magtagal sa lugar na 'to, sa lugar kung
saan wala namang ibang gagawin sa kanila kundi gamitin sila sa kung anu-anong hindi
makataong bagay.

"You don't quite understand, do you?" bakas sa tinig ni Cairo ang pagkadismaya,
"This institution...is the only place for them, they only belong here, dito lang
sila tanggap sa kung sino sila. Naiintindihan mo ba? You don't know what they've
been through outside these walls, society is too ignorant to accept Peculiar
people, instead sila yung mga sinusumpa at tinatawag na sa salot sa lipunan,
halimaw, malas. Ang Mnemosyne Institute lang ang tanging lugar para sa mga uri
natin."

"Pero para ano? Para gamitin sila sa hindi tama-"

"We have no choice." Putol niya sa sinasabi ko, "We have no choice but to follow.
That's the only way, because we are chained here forever."

Hindi na 'ko kumibo sa sinabi niya, hindi na rin siya nagsalita hanggang sa
makarating kami mismo sa Mnemosyne Institute. Nang makaibis kami ng sasakyan ay
sumunod lang ako sa kanila, at mukhang tama nga ang hinala ko na dadalhin nila 'ko
sa EXP RM, kung saan tuturukan na nila ko ng Helexia.

Maya-maya'y nakita kong papasalubong sa'min si Georgina, pero nang magkasalubong


kaming dalawa ni hindi man lang niya 'ko tinapunan ng tingin. Anong nangyari sa
kanya? Nalaman kaya ni Margaux na siya yung humingi ng tulong sa'kin para tingnan
si Klein?

"Yes." Biglang sumagot 'tong si Cairo na naglalakad sa unahan ko, katabi niya si
Miss Karen.

Hindi ko siya pinansin hanggang sa makarating kami sa harapan ng EXP RM.

"Pumasok ka na sa loob. Margaux will take over later." Sabi ni Cairo, "Don't think
of unnecessary things, Jill Morie. There's no way for you to escape. And, incase na
magbabago ang isip mo, pwedeng pwede mo pang kausapin si Margaux mamaya, just beg
for forgiveness and she'll give you another chance."

Beg for forgiveness para hindi ako turukan ng Helexia? Great.

"Then, we'll go ahead." Umalis silang dalawa ni Miss Karen nang bumukas ang sliding
door ng EXP RM, bumungad sa'kin ang isang babae na naka-uniform katulad ng mga
scientist sa Beehive, nakasuot ng lab mask at lab gown.
Pinaupo niya 'ko sa isang operating chair, atsaka ko lang napansin na hindi lang
ako ang nasa silid na 'to...

"Jing!" mga limang metro ang layo ko mula sa kanya, naka-upo rin siya sa operating
chair, hindi siya nakakagalaw dahil nakalock sa arm rest ang dalawa niyang braso,
ganon din ang binti niya, at may busal sa bibig. Sa tabi niya, sampung metro ang
layo, si "C-cloud!" magkapareho sila ni Jing, at malamang sa malamang ay igagapos
din nila ko sa operating chair na 'to.

Kitang kita ko sa mga mata ni Cloud ang pag-aalala nang makita ako, gusto niyang
magsalita pero hindi niya magawa dahil sa takip sa bibig. Nakatingin din sa'kin si
Jing at may gusto ring sabihin.

May pinindot yung babae para malock yung braso ko sa arm rest, ganon din sa mga
binti ko, lalagyan niya na ng takip yung bibig ko nang magsalita ako.

"The deputy headmaster told me that I could still talk to the headmistress."

"Yes, tatanggalin din naman mamaya kapag dumating na si Miss Margaux, for now, they
ordered us to do this para raw maiwasan ang unnecessary communication." The lady
coldly said.

Wala akong ibang nagawa, natakpan na yung bibig ko at hindi ko sila makakausap
dahil parepareho kaming nakagapos.

Cloud... Cloud! I know you could hear my thoughts! Cloud. We need to escape here
now. Kailangan nating makagawa ng paraan.

"Jill!" C-cloud? "Jill, listen. Do you hear me?"

"Y-yes." Sagot ko sa isip ko. Nakatingin lang kami sa isa't isa ni Cloud.

"Don't look at me, mahahalata nila na nag-uusap tayo through telepathy." Sinunod ko
siya, tumingin ako sa kaliwa para hindi makita ng tatlong scientist na kasama
namin.

"Pero...paano tayo nakakapag-usap? I'm not a telepath like you. I can't read
minds!"

"Don't worry about that, okay? My mentor didn't know about this kind of specialty
in my powers. I can transmit my thoughts through telepathy kaya tayo nakakapag-
usap, on the other hand hindi ko naman pwedeng maitransmitt yung thoughts niyo ni
Jing sa isa't isa kaya tayong dalawa lang yung nakakapagpalitan ng thoughts, pero
nakakausap ko rin siya ngayon."

"Okay, naintindihan ko na. Kailangan nating magplano."

"Yan din yung pinag-uusapan namin ni Jing kanina pa."

"What are we going to do? Kapag dumating na yung headmistress wala na tayong
kawala."

"I... I know. This is difficult pero may naisip ako."

"Ano?"

"I'll talk to her. I'll talk to my mother."


"Mother? Who?"

"The headmistress."

"W-what? Pero paano nangyaring nanay mo-"

"Listen Jill! We don't have much time! Tsaka ko na lang ipapaliwanag. Ang mahalaga
mapagplanuhan muna natin okay?"

"O-okay." Nakakunot yung noo nung babae sa gilid ko dahil nakita niya na gulat na
gulat yung facial expression ko, nag-iwas ako ng tingin.

"This is the plan, mamaya kapag dumating siya, tatanggalin tong takip sa bibig
natin para makausap siya, I'll buy time to talk to her while Jing will control the
syringe para iinject mismo dito sa mga scientists so that the both of you can
escape from the chair, that time makikita niya na kayo kaya siguradong ilalabas
niya yung remote na nagkocontrol sa electric shock ng collars sa leeg natin but
Jing will stop her. Kapag nakuha natin yung remote makakatakas na tayo."

Medyo nag-alangan ako sa plano nila, "Are you sure about that, sa tingin mo
malilibang mo si Lady Margaux para makakuha ng chance si Jing na kontrolin yung
syringe?"

"Duda rin ako sa plano na 'to pero wala tayong ibang pagpipilian. It's a 'do or
die', once na mapasailalim tayo sa Helexia na 'yon, our freewill is totally gone."

"I guess... we don't really have a choice. Let's do this." Tumingin ako sa kanya.

"I... missed you Jill."

Sa sinabi niya iniwas ko ulit yung tingin ko sa kanya. Naramdaman ko biglang may
bumayo sa dibdib ko.

"I'm scared... Ang buong akala ko hindi na kita makikita ulit." Nagsalita ulit
siya.

"Hey, stop it. We need to get out of here first."

"I know. Hinihintay ko lang naman yung I missed you too mo eh." At nagawa pa niyang
tumawa sa ganitong sitwasyon.

"For heaven's sake Cloud."

"What?"

"I missed you too." Tumingin ako sa kanya. "Cloud-"

"She's here!" parepareho kaming napatingin sa pintuan, bumukas nga 'yon at pumasok
si Lady Margaux, kasama ang dalawang lalaki na para bang body guard. Hindi pa rin
ako makapaniwala sa nalaman ko kanina, she's Cloud's mother?

"Any last words?" Tinanggal nila yung mga takip sa bibig natin.

"Wow, akala mo naman mamamatay na kami." Sumagot si Jing, umismid lang si Lady
Margaux atsaka humarap sa'kin.

"Miss Morie, I know it wasn't really your fault kung bakit ka napunta sa HGPs RM,
Georgina told me everything and I gave her the punishment she deserves, kaya naman
it is considerable na hindi ka lagyan ng Helexia, however, you need to promise me
that you will be a good girl inside the campus."

"I'd rather die than to follow you."

Ngumiti siya, "Then I have really no choice." Sinenyasan niya yung dalawang
scientist na iinject na sa'min ni Jing yung Helexia. Nakita kong nilabas nila yung
manipis pero mahaba na color silver na syringe.

"Ma." Narinig kong nagsalita si Cloud, "I'm sorry."

"Cloud, dear."

"Ma, please..."

"Can you really promise me that you will never do that again?"

Ituturok na sa braso ko yung syringe, bakit hindi pa rin 'to kinokontrol ni Jing?

"Simula nang ipinanganak ako, wala akong ibang ginawa kundi sumunod sa gusto ng
institution na 'to, ma, I am really happy na sa'kin nila binigay yung mission na
imonitor ang kalagayan ni Jill, kasi finally makakalabas na 'ko sa kulungan na 'to.
I always wanted to see the world outside, ma." Naramdaman ko na yung tulis ng dulo
ng syringe pipikit na sana ko dahil akala ko tuluyan na itong ibabaon sa braso ko,
pero... Nakita kong nanginginig yung kamay nung babae, tumingin ako sa kanya,
nagtataka yung itsura niya dahil hindi niya magawang itusok sa braso ko yung
injection. Si Jing! Nasilip ko na pinipindot na nung scientist yung lock ng
operating chair niya. "Sorry ulit, ma, kung hindi ko kayang sumunod pa sa inyo."

Kinukontrol na ni Jing yung kamay nung babae, biglang itinusok sa sariling braso
yung syringe. Sinenyasan ako ni Jing na wag magpapahalata at kumalma lang, inginuso
niya yung scientist sa tabi ko.

"Tanggalin mo yung lock sa braso at binti ko." mahinang utos ko at sumunod kaagad
'tong babae. Sa kamalas-malasan nga naman ay biglang sumigaw yung isa pang
scientist na mag-iinject kay Cloud, nakita niyang nakakawala na kami ni Jing sa
operating chair, nadistract sila Cloud at Lady Margaux kaya lumingon siya
sa'min¸mabilis si Jing, gamit ang kapangyarihan niya naiturok sa sarili nung
scientist na sumigaw sa sarili yung Helexia. Sinugod ng dalawang body guard si Jing
pero kaagad niya 'yong napatumba.

Tumakbo ako sa kinaroroonan ni Cloud para pakawalan siya, nakita kong nilabas na ni
Lady Margaux yung remote, "Jing!" nakuha 'yon ni Jing, napakawalan ko na si Cloud.
Tumakbo kami papunta sa pintuan.

"I'm sorry ulit, ma." Sabi ni Enriquez at bumukas na yung pinto.

Tumatakbo kami ngayong tatlo, hindi alam kung saan pupunta.

"We did it!" sigaw ni Cloud.

"It's not over yet, ano na? Saan tayo pupunta?" tanong ko.

"Tangina ang epic ng plano, what now ha, magrered alarm sila, hahaha habulin nila
tayo putragis!" napansin kong may hawak-hawak na baril si Jing,

"Saan mo nakuha yan?" tanong ko sa kanya. Nagulat ako kasi bigla niya sa'king
binigay.

"Dun sa kalbong bouncer kanina."


"Bakit mo binigay sa'kin?"

"I can protect myself." Sabi niya. Ito yung unang pagkakataon na nakahawak ako ng
baril, and the worst thing... parang she's asking me to kill if necessary.

Nakalabas na kami sa mula sa underground tsaka ko lang naalala na nasa baba pa yung
mga HGP, sila Stephen at Miss Marcel.

"We need to go back." Sabi ko.

"What?! Bakit?!" si Jing, naghihisterikal dahil nagsisitunugan na yung mga alarm na


akala mo may sunog.

"Kailangan natin silang iligtas, yung mga HGP."

"Dios mio, Jill Morie, kapag bumalik na tayo sa baba hindi na tayo makakatakas!"
hinihila niya na 'ko at wala akong nagawa kundi tumakbo na rin.

Shit. How can I save them? Kung bumalik man kami paano naman namin sila
maililigtas?

"Wala tayong magagawa for now, Jill, we'll figure out kapag nakatakas na tayo." Sa
sinabi ni Cloud mas nawalan ako lalo ng pag-asa na maligtas sila.

Buong MIP yata nag-aalarm yung red alert system, at ngayon paano naman kami
makakatakas sa lugar na 'to? Shit lang ulit. Nakita kong hinahabol kami ng mga
guards na nakasuit and tie. Lumiko kami papunta sa malawak na grounds.

"Stupid! Bakit tayo dumaan dito?!" nagsisising sabi ni Jing. Maaari nga naman
kaming mapalibutan dito, pero wala na, unconsciously kaming dinala ng mga paa namin
sa lugar na 'to. Pag tingin ko sa itaas may bumubulusok na apoy, just what the
hell! "I'll cover you! Dumiretso lang kayo ng tingin!" si Jing yung sumasalag sa
apoy. May mga Peculiar sa building na pinaggagalingan ng apoy, marami sila, at puro
katulad ni Finnix ang kapangyarihan nito, "Just how many fire benders are there?!"

"Pfft... Fire benders? They are pyrokinetics." Si Cloud na natatawa pa. "And too
bad, that building is the elemental department." Hindi namin magets ni Jing yung
sinabi ni Cloud, maya-maya'y umuuga naman yung lupa, parang lumilindol. Okay,
elemental department, kung saan kaya nilang kumuntrol ng four elements, water,
earth, fire and wind. Cool.

"Fire bender, Earth bender, pyrokinetic, wala akong pake!" sabi ni Jing. Nang
marating namin yung dulo ng grounds, nasa loob na ulit kami ng hallway, tumigil na
yung mga apoy at pag-uga ng lupa.

"Alam ko na kung paano tayo makakatakas." Si Cloud, "Sa rooftop, merong helicopter
don, I know how to drive it." Tumango lang kami ni Jing at pinauna namin siya sa
pagtakbo. Sa pinakamain building ng MIP kami napadpad, paparami na ng paparami yung
tumutugis sa likuran namin at kung sinu-sinong Peculiar na yung pumipigil sa'min,
pero buti na lang kayang-kaya ni Jing 'yon, she can control almost everything.

Nang marating namin yung hagdanan papunta sa itaas, huminto si Jing, "Mauna na kayo
sa taas, ako na muna bahala rito."

"What? No, hindi ka namin pwedeng iwanan!"

"Masyado silang marami, patutumbahin ko lang yung ilan sa kanila, dalian niyo na!
Kaya ko ang sarili ko!" the usual Jing, bossy and hot-headed. Nagpatuloy kami ni
Cloud sa pagtakbo papunta sa itaas, hinawakan niya yung kamay ko para masiguradong
hindi ako maiiwanan.

Narating namin ni Cloud yung roof top, bumitaw ako sa pagkakahawak sa kanya, nakita
namin yung helicopter, patakbo pa lang kaming lalapitan ito nang bigla 'yong
umandar at unti-unting umangat sa sahig hanggang sa tuluyang lumipad pataas. Anong
nangyayari?

Nakarinig kami ng dahan-dahang palakpak, pareho kaming napalingon ni Cloud sa


kinaroroonan nito.

"Good job." Si Cairo kasama na naman niya si Miss Karen. "As expected, Jill Morie
and my boy."

We... we lose.

"Ilang beses ko bang dapat sabihin sa'yo, Jill Morie? You can't escape from this
place anymore." Tumingin siya kay Cloud, at maya-maya nakita ko na lang na
nakasalampak na siya sa sahig, namimilipit sa sakit habang nakahawak sa ulo.

"Hindi ka na nagtanda, Cloud." Nakita kong nag-iba yung kulay ng mga mata ni Cairo.

"J-jill." Narinig ko sa isip yung boses ni Cloud, nahihirapan na siya.

"Stop it." Sabi ko, kinasa ko yung baril at itinutok sa kay Cairo. Tumigil siya sa
ginagawa niya kay Cloud, atsaka dahan-dahang tumingin sa'kin. "Or else I'll shoot."
Nangiti lang siya sa sinabi ko, kitang kita niya siguro na nanginginig yung kamay
ko.

Pero naglaho yung ngiti niya nang itutok ko sa sarili ko yung baril, itinutok ko
mismo yung lagusan ng bala sa kanang mata ko.

"Put it down." Utos niya.

"No. I won't." sabi ko, "Itong mga matang 'to ang kailangan niyo diba?"

"I'm warning you, Jill Morie. Put the gun down."

"No, hindi ko-" b-bakit ganon? Unti-unting binaba ng kamay ko yung baril? P-paano?
Pag tingin ko sa likuran ni Cairo nandoon si Jing, sa isang iglap napunta sa mga
kamay niya yung baril. Anong nangyari kay Jing? Hindi kaya...

"You caused a lot of trouble today, Miss Morie." At sumunod na umeksena si Lady
Margaux, kasunod ang mga iba pang Peculiar. "You have nowhere to go. Napapalibutan
ka na namin."

"Bakit hindi niyo na lang ako patayin?"

"Kung pwede lang matagal na sana naming ginawa, dear. But the board ordered not to
harm you at any cost, that's why..." may lumapit na dalawang scientist sa'kin,
hindi ako makagalaw dahil kay Jing, napasailalim na siya ng Helexia. Hindi
maaari...

Naramdaman ko yung tumusok sa balat ko at likidong dumaloy sa loob ng ugat. Wala


akong ibang nagawa kundi magkuyom ng palad at yumuko.

"Now, you need to follow and obey me and this institution's-"

"No."
"What the-"

"I won't follow you."

Nag-angat ako ng tingin.

"What happened to her?" tanong niya dun sa nag-inject ng Helexia.

"I-I don't know, mabilis na kakalat kaagad sa katawan niya yung Helexia pero
mukhang..."

"Mukhang ano?!"

"... her cells... denies the Helexia."

Ngumisi ako. A miracle indeed. Wala namang nagbago sa sistema ko matapos akong
turukan ng Helexia. I don't know how pero siguradong sigurado ako na nakukontrol ko
pa yung isip ko.

"I am the freewill. That's why... Hinding-hindi niyo 'ko makukontrol."

Kitang kita ko ang galit sa ugat ni Lady Margaux, namumutok at parang sasabog kahit
anong oras. Nakita ko si Cairo na nakakunot lang ang ulo at... si Miss Karen... Na
nag-aalala at parang... Teka... Kung napasailalim siya ng Helexia bakit―

"I have no choice." Naglabas ng baril si Lady Margaux, at tinutok sa'kin. "Mga mata
lang naman ang kailangan namin sa'yo."

"Margaux!" sumingit si Cairo at pilit na inagaw ang baril, "Are you out of your
mind?! You can't kill her!" because of the board's order, minsan naguguluhan ako
kay Cairo, hindi ko alam kung dapat ba kong magpasalamat sa kanya dahil minsan
pinipigil niya yung mga desisyon ng headmistress.

"How I wish I could change her mind and I know I can't actually do that to her."
Sinabi ni Cairo yun kagabi. Paano kaya kung hindi naman talaga niya pinasailalim sa
Helexia yung ate ko...

"The other order of the board, Margaux, we will extract the Culomus from her para
ibalik ulit kay Karen. But they clearly said we can't kill her."

Walang ibang nagawa si Lady Margaux kundi tumalikod at umalis, hinagis ang baril sa
sahig.

"I have no choice but to bring you to the Bastille." Sabi ni Cairo sa'kin

"Bastille?"

"Underground prison cell for troublesome Peculiars... like you."


abangan: muli ng kukuhanin mula kay Jill Moire ang Culomus para ibalik kay Karen
Italia. At posible nga kayang hindi naman talaga nilagyan ng Helexia ang kapatid
niya? Sinu-sino ang mga makikilala sa Bastille, isang underground na kulungan para
sa mga Peculiars.

--

author's note:

Hi, magandang araw sa'yo, kung sino ka mang nagbabasa ngayong chapter 59, maraming
salamat! Dalawang taon ko na sinusulat yung TPT, nagsimula 'to noong March 2013
kaya naman ang balak ko eh tapusin 'to bago magpasukan (June 2015) Yep, the end is
near. Sana lang mabilisan ko yung update kasi mahirap ding mag-isip. haha. Patayin
niyo ko pag di ko natapos to ng June.

Ayun, thank you ulit! Grabe.

see you next chapt!

May question ako para sa entry na ito: Kung mabibigyan ka ng pagkakataon na


makausap ang isa sa mga tauhan ng TPT, sino, bakit at ano angsasabihin mo sa kanya?

/60/ The Chain Gang

/60/ The Chain Gang


[Jill Morie]

Naunang naglakad si Cairo nang bumukas ang malaking pintuan ng elevator. Nasa
underground level C kami, ang pinakailalim na parte ng Mnemosyne Institute, ito
yung lugar na tinatawag nilang 'Bastille' isang underground prison cell para sa mga
Peculiars na kagaya kong... kagaya kong sumusuway sa sistema nila. Unlike HGPs RM
na mga seldang bakal ang pinaglalagyan, the Bastille's cells are closed, may
mahigpit na security system at guards na nagbabantay. Kung ikukumpara ang
temperature sa itaas, di hamak na sobrang lamig dito, parang nasa loob ng
refrigerator na halos maaabot na ang freezing point.

C-3

Cell number three. Dito kami huminto, may pinindot siyang mga numero at dahan-
dahang bumukas ang pinto. Hindi ko alam kung dapat ba 'kong magpasalamat sa kanya
dahil sa ginawa niya kanina, kung hindi niya pinigilan kanina si Lady Margaux,
patay na siguro ako ngayon. He insisted that this is the board's order, kaya hindi
ko rin alam kung may utang na loob ba dapat akong tanawin sa kanya.

"You don't need to thank me."

"Hobby mo na talagang mang-intrude ng iniisip ng ibang tao ano?"

"Ididischarge ka rin tomorrow, para iextract sa'yo yung Culomus."

"May gusto sana akong itanong."

"Go ahead."

"Anong gagawin nila sa'kin... kung makuha na nila yung Culomus."

"You're not a Peculiar anymore by that time and you are not allowed to go back
anymore. Ang patakaran dito, walang sinumang normal na tao ang maaaring makalabas
na may dala-dalang impormasyon. Marami ka ng masyadong alam, Jill Morie, I am
afraid that they'll 'dispose' you afterwards."

"I see." Katahimikan ang sumunod na namayani sa pagitan naming dalawa. Huminga ako
ng malalim. Sa mga oras na 'to, alam kong alam ni Cairo kung anong iniisip ko, alam
niya siguro na nawalan na 'ko ng pag-asa, that this time I completely accepted my
defeat.

I'm hopeless.

"Hey."

"What?"

"Please take care of her." Alam kong nabigla siya sa sinabi ko, hindi siya kaagad
nakapagsalita, "Hindi ko man kayang basahin ang isip mo pero alam ko...alam kong
mahal mo ang kapatid ko. Kaya naman... kung papatayin nila 'ko pagkatapos nilang
makuha yung Culomus... Ikaw na ang bahala kay Ate Karen."

Cairo just smirked, "What are you saying." Humakbang ako papasok sa loob ng selda.
Lumingon ako sa kanya bago sumara ang pinto, walang bahid ng kahit anong emosyon
ang mukha, "Don't worry, I'll take care of her." Ngumiti ako nang sumara na 'yon,
at least sa huling pagkakataon ng pag-uusap naming dalawa nagkasundo kami.

Pitch Black.

Wala akong makita na kahit ano, sobrang dilim, sobrang lamig, wala akong ibang
magawa kundi yumakap sa sarili habang dahan-dahang napaupo sa konkretong sahig.
Well, the day after tomorrow, I'll finally reach my end. What I am supposed to feel
now? I don't know. Basta alam ko sa sarili ko tapos na talaga ang laban. Ilang
beses na rin ba kong muling tumayo at lumaban? Ilang beses na ba nila 'kong
napatumba? Nakalimutan ko na.

Hindi ko alam na aalingawngaw sa buong paligid ang pagpatak ng luha sa sahig.


Sunud-sunod. Walang tigil. Pakiramdam ko nanginginig ang buong pagkatao ko, mula sa
loob ng kalamnan, buto't balat.

Starting to lose myself, I hate to admit that I am really scared right now...
scared that I'll die alone in this cold place. Gusto kong sumigaw at humingi ng
tulong pero alam kong walang sasaklolo sa'kin. Mababaliw na 'ata ako sa sobrang
katahimikan.

At bago pa man ako tuluyang kainin ng kabaliwan, napatigil ako nang makarinig ako
ng tunog ng bakal.

Chains.

Tunog ng kadena na nakakaladkad sa sahig ang umaalingawngaw sa buong paligid. May


mga yabag papunta sa kinaroroonan ko. Mas napapitlag ako nang may humawak sa braso
ko.

It's warm.

"Sshhh."

"S-sino ka?"

"Huwag kang matakot." Boses ng isang babae, siya yung nakahawak sa braso ko, maya-
maya'y namalayan ko na lang yung sarili ko na nakayakap sa kanya. I don't know what
just happened... I can't feel the pain inside of me. The fear and anxieties are
gone, napalitan ng mas magaang pakiramdam na hindi ko alam kung saan nagmumula.
"Dahan-dahan mong ipikit ang mga mata mo." Parang may kung anong hipnotismo at
sinunod ko siya.

"Thank you." I whispered before I shut my eyes and feel better than ever.

[Cloud Enriquez]

"Why...ma... bakit hindi niyo 'ko nilagyan ng Helexia?" tanong ko sa kanya, habang
nakaupo siya sa gilid ng kama, habang ako naman ay nakahiga lang, nanghihina pa rin
dahil sa nangyari kanina.

"Dahil anak kita." I've never see her eyes dahil natatakpan 'yon lagi ng itim na
salamin. I always wished to see how beautiful my mother's eyes at kung kailan ko
kaya mararanasan magkaroon ng kumpletong pamilya, like the normal ones.

"Wow."
"Rest, Cloud."

"Cloud is not the name you gave me, right?"

"Tomorrow, I hope wala ng ganitong insidenteng mangyari." Then she just left,
pinatuyan niya na mas importante pa ring sumunod sa kanila kaysa intindihin ang
sarili niyang anak. Pity me.

I wonder what will happen tomorrow. Hindi ko na makausap through telepathy si Jing
dahil wala na siya sa sarili, and... si Jill... hindi ko na siya mahanap... hindi
ko na siya mareach. Kung nakarating lang kami kaagad sana sa rooftop, sana
nakatakas kaming tatlo. Kahit na imposibleng makatas... atleast...we tried.

What should I do now? Bumalik sa dating gawi? Maging sunud-sunuran dito? I promised
that I'll do everything to save Jill pero gusto kong magalit sa sarili ko ngayon
dahil alam kong wala ng ibang paraan, my mentor, Cairo, would definitely laugh at
me.

I stayed for an hour then bumangon ako at lumabas ng kwarto. Nasa Sanctus ako, at
kung susubukan ko mang lumabas maraming mga sentinels ang nakabantay, kung hindi
lang nalason ng Helexia si Jing...

Naglalakad ako sa hallway nang matanaw ko siya na papasalubong. Si George Morris.


So he's already here at mukhang naovertake na ng other persona niya ang buong
pagkatao niya. Matagal ko ng alam pero mas pinili kong itago. I can read his dual
mind.

"Hey."

"Hey."

"I just heard what happened earlier." Sabi niya.

"So?"

Ngumiti siya, "Well, Jill Morie will gonna reach her downfall, finally." Alam kong
hindi mismo si Morris ang kausap ko ngayon, walang iba kundi yung pangalawang
persona niya. Nilagpasan niya na 'ko pero nagsalita pa rin ako.

"Alam mo ba kung bakit hindi ko sinabi sa kanya noong ang tungkol sa totoong
pagkatao na meron ka?" napahinto siya at muling lumingon. "Kasi... Mahal ka niya."

Ngumisi lang siya at umiling tsaka nagpatuloy sa paglalakad, pero hinabol ko siya
atsaka sinuntok, bumagsak siya sa sahig at galit na bumaling, pero kinuwelyuhan ko
siya. "Pero sana pala, kung alam kong mangyayari 'to sinabi ko na agad sa kanya
yung totoo." Nanginginig yung mga kamay ko sa galit, binitawan ko siya at umalis.

I really hate myself now.

[Cairo]

"Anong gagawin nila sa kanya, Cairo?"

"Nag-usap na tayo Beatrice, pinili mo si ang anak natin kaysa kay Jill Morie, kaya
hindi ka na dapat magtanong tungkol sa kanya."
"Damn you, she's still my sister! Sinusunod ko lahat ng gusto mo pero bakit
kailangan niyo siyang patayin?!" she's still herself, but we had a deal. Hindi ko
siya kayang harapin ngayon lalo na't umiiyak siya.

"They will transfer the Culomus to you, Beatrice, kaya ikaw ulit ang magiging
bearer―"

"I'd rather die." Sabi niya, "Patayin mo na lang din ako para hindi ako nahihirapan
ng ganito." God I can't look at her directly.

No. "You can't die. Our daughter is waiting for us―"

"Matagal ko ng inisip na wala na 'kong anak Cairo, matagal ko ng insip na hindi ko


na makikita si Wyndell. What if niloloko mo lang ako na nahanap mo na siya para
lang sumunod ako sa mga gusto mo?"

"Totoo, Bea, she's alive―"

"You are viscious... heartless...paano ako maniniwala sa mga sinasabi mo." I tried
to reach her arms but she flinched.

"I hate you."

I hate myself too. And hearing those words from her really hurts like hell.

[Jill Morie]

"Hindi pa ba siya gising?"

"Hindi pa 'ata."

"Mukhang napasarap masyado ang paggamot mo sa kanya, Palm."

Nakakarinig ako ng mga boses na nag-uusap. Binuksan ko yung mga mata ko, may
kaunting liwanag akong naaninag sa kisame, hindi katulad kanina na halos wala akong
makita. Gumaan yung pakiramdam ko, atsaka ko naalala, kanina...

"Gising na siya."

Using my arms I tried to get myself up, then I saw them boring their gazes down on
me. The first thing I noticed was the chains in their hands and feet, bukod sa
nakasuot din sila ng collar ng katulad sa'kin, the chains are long and tied down,
nakakalakad at nakakagalaw pa rin sila pero para pa rin silang mga aso na nakatali
sa kulungan.

"Hi." The girl who hugged me earlier said, tsaka ko lang napansin na nakabraid yung
buhok na hanggang bewang niya "Kamusta? Bumuti naman ba ang pakiramdam mo?, she's
smiling while looking at the other direction. She's blind.

Tumango lang ako kahit na alam kong hindi niya naman ako nakikita. When she
touched my arm earlier, I quickly felt the tenderness and warmth. She healed me not
just physically but also emotionally, kumalma ang kalooban ko bukod sa sakit na
nararamdaman ko.

"Mabuti naman kung ganon. Ako nga pala si Palm." Sabi niya habang sinusubukang
maglakad sa kinaroroonan ko, pero pinigilan siya ng isang lalaki na taas-taas ang
buhok at maraming piercings sa mukha.

"Ano ka ba naman Palm." Sabi nito. "Lakad ka ng lakad ng basta-basta."

"Kaya ko ang sarili ko, Dean."

Hindi ko inaasahan na may mga kasama ako sa selda na 'to, mga Peculiar din sila
katulad ko at ang tanging kaibahan nga lang ay wala akong kadena katulad ng suot-
suot nila.

"Ahaaaah... Nakakainggit ka naman, wala kang ganito." May isa pang lalaki na
sumulpot, bagsak na bagsak ang buhok na kulay kape. He's probably talking about the
chains. "Wow, akalain mo't magkakaroon pa tayo ng bagong inmate, after six years
ngayon lang ulit ako nakakita ng ibang tao bukod sa mga kupal na guards dito at sa
inyo guys." At tumawa ito na umalingawngaw sa apat na sulok ng selda.

Six years? I can't imagine how hard it is.

"Magpakilala kayo sa kanya." Utos nung Palm sa dalawang lalaki. Tumayo ako at nag-
aalinlangang lumapit sa kanila.

"Kailangan pa ba talaga 'yon?" yamot na tanong nung lalaking bagsak ang buhok,
"Tss.. Yoh, ako nga pala si Vicente."

"Ako naman si Dean."

Tumango lang ako sa kanilang dalawa.

"Patay tayo dyan Palm, napipe na ata siya." biro nung Vicente habang napakamot sa
ulo.

"Hindi lang siya makapaniwala na may kasama siya ngayon dito." Nagulat kaming apat
nang may magsalita hindi kalayuan, doon sa bandang madilim na sulok ng selda, "Sa
wakas nakita ka na rin namin. Jillianne Morie."

"Eliza!" Lumabas mula sa madilim na sulok ang isang matangkad na babae, lagpas
bewang yung buhok nito, napansin ko na kamukang kamuka niya si Vicente at kulay
kape rin ang buhok nito. Identical twins?

Nabigla ako sa kung paano niya nalaman ang pangalan ko at ano ang ibig niyang
sabihin sa sinabi niya? Paano nila 'ko nakilala kung matagal na silang nakakulong
dito.

"Katulad ng inaasahan, nagtataka ka kung paano ko nalaman ang pangalan mo. Well,
I've been hearing your name lately, sikat na sikat ka sa itaas―I mean sa buong
Mnemosyne Institute." Mas naaninag ko yung mga mata niya, magkaiba 'yon ng kulay,
isang kulay itim at kulay usok. This is the first time I saw a one. Heterochromia.

"What do you mean by 'hearing'?"

"Well, my peculiarity...I have enhanced senses."

"Si Eliza ang nagsisilbing mata at tenga namin dito, kung anong nangyayari sa itaas
ay nalalaman din namin kaagad." Sabi ni Palm. "Kahit mga lihim at sikreto, alam ni
Eliza." That's pretty cool and...creepy. So, kaya ba niya nasabing sikat na sikat
ako ngayon dahil sa gulo na ginawa ko at usapan ako sa buong MIP.Umupo silang apat
sa sahig at pumorma ng pabilog, niyaya nila 'kong umupo rin kaya naman sumunod lang
ako.

"Cairo said that this place is for those troublesome Peculiars. Ano naman ang
ginawa niyo kung bakit...kung bakit kayo dinala rito?" tanong ko sa kanila.
"Narinig ko nga kanina na... anim na taon na kayong nakakulong dito."

"Ahh, tandang-tanda ko pa,halos kasing edad ka lang namin noong una kaming mapadpad
dito." Sabi ni Vicente habang pinaglalaruan yung kadena sa paa.

Biglang hinawakan ni Palm, na katabi ko, yung kamay ko at sinabing, "Purgatoryo


kung tawagin namin ang lugar na 'to at masasabi kong maswerte ka dahil nandito ka."

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Malinis pa ang kaluluwa mo kung napadpad ka rito sa Bastille." Sabi naman ni Dean
na hindi ko maintindihan "Sa tingin ko hindi mo pa talaga alam kung ano ang kalaban
mo ngayon Morie." Si Dean, tumingin siya kay Eliza at sumenyas. "Ilahad mo lahat sa
kanya. Lahat-lahat tungkol sa Mnemosyne institute at tungkol sa Memoire."

Huminga ng malalim si Eliza at nagsimulang magsalita "Memoire is a secret


organization, kung saan ang mga tao sa likod nito ay nag mamay-ari ng malalaking
iba't ibang kumpanya, kung sinu-sino at anu-ano ang mga kompanyang 'yon, walang
masyadong nakakaalam. Ilan sa pagmamay-ari ng Memoire ay ang Sentral City Hospital
at Sentral University. Eleven years ago isang propesor na doktor ang nakadiskubre
sa mga Peculiars, si―"

"Dr.Richard Morie." Ako ang kumumpleto sa sasabihin niya.

"Yes. His findings gave a good impression in his reputation at the hospital and
university he works. Memoire discovered his research, kaya naman naghanap pa sila
ng mga Peculiars. Mnemosyne Institute was established almost fifty years ago, ito
kasi yung pinakabase ng mga Memoire pagdating sa research at experiments nila. Dito
dinala lahat ng mga Peculiar na nakuha nila at nagsimulang pag-aralan. Alam mo
naman siguro na Memoire's aim is to conquer the universe, that's why using the
Peculiars naniniwala silang mas mapapabilis ang pagtupad sa layuning iyon."
nagpatuloy siya, "Hindi naging madali sa Memoire ang paghahanap ng mga Peculiars
kaya naman ginawa nila lahat para mahanap ang mga ito, they even build home
institutions for orphan children pero ang totoo naghahanap lang sila ng mga
Peculiars dahil sa isang ampunan lang din natagpuan ni Dr.Morie yung mga batang
'yon, the six orphan children of Sta.Helena orphanage." Kung saan kabilang sila Ate
Karen, Jing, at Cairo. "Halos dalawampu lang yung nahanap nilang Peculiars at hindi
pa rin iyon naging sapat para sa kanila, they wanted more dahil nga sa
extraordinary things na maaaring gawin ng isang Peculiar."

"Kung ganon paano nila napadami ng ganito karami ngayon yung population ng mga
Peculiars?" natatandaan ko pa noon sa Lazaro Hall, lagpas isang daan ang mga
Peculiars na nakita ko at iba-iba pa sila ng edad at nasyonalidad.

"The first method is very traditional."

"Traditional method?" sabi ko, naguguluhan.

"Peculiar breeding."

Tumawa si Vicente pero sinaway siya ni Palm na seryoso, pati si Dean tumikhim at
tumahimik naman ito pagkatapos.
"Peculiar what?" gulat kong sabi, "Breeding?" what the hell is that.

"Through sexual intercour―"

"Okay, okay, naintindihan ko na."

"Sabihin na lang natin na nag-aarrange marriage sila ng mga Peculiars."

"Arrange marriage huh." Nakakunot noo kong sabi dahil ang wirdo lang ng unang
method na naisip nila.

"Then they need to bear a Peculiar children na sa MIP rin palalakihin. But
sometimes hindi nagiging effective, may mga offsprings na walang signs of
Peculiarity kaya ang ginagawa sa mga batang hindi Peculiar ay pinapadala sa mga
orphanage o di naman kaya'y binebenta sila overseas para sa organ―"

"Eliza!"

"Kailangan malaman ng batang 'to ang totoo, Palm." Si Dean, "Sige, Eliza, ituloy
mo."

"The second method they used is genetic modification. Using the genes of those
Peculiars gumagawa sila ng mga test tube babies. Vicente and I are among of those
successful test tube babies, dahil ang ilan ay hindi nakasurvive dahil sa
abnormalities ng genes ng mga Peculiars na kinukuhanan nila."

"So... hindi talaga kayo magkapatid na kambal?"

"They just modified our genes kaya naging magkamukha kaming dalawa ni Vicente, but
still, we're sharing the same surname dahil parehas kami ng pinagkuhanan ng
Peculiar genes." Nagpatuloy siya sa pagsasalita habang tahimik lang sila Palm, Dean
at Vicente, "Bukod sa paggawa ng test tube babies na Peculiar, pinag-initan din
nilang imodify ang DNA ng mga normal na tao, hanggang ngayon wala pang nagiging
successful na experiment sa pagkoconvert nila ng isang tao para maging Peculiar."

"Pero bakit may mga HGP?"

"Hindi pa kuntento ang Memoire sa narating nila sa larangan ng siyensya, kaya naman
hindi lang sila sa Peculiars nagfocus kundi sa iba't ibang bagay na hindi pa
natutuklasan ng siyensya. Human Guinea Pigs or they called it HGP, bukod sa mga lab
animals na ginagamit nila, sinubukan na rin nilang gumamit ng mga tao para gawing
test subjects."

"Hindi ba't illegal yon?"

"Legal iyon kung mayroong one hundred percent na approval ng mismong tao, voluntary
at may consent. Memoire will always find a way to get what they want, kaya hindi mo
maiimagine kung paano silang nakakolekta ng ganong karaming HGP, let's say for
example, nagbigay sila ng offer na malaking halaga and so on."

"Kung ganon... bakit yung mga nakita kong HGP mga putol ang dila at gustung gusto
nilang tumakas sa lugar na 'to."

"Sa oras na makita mo na kung ano ang ginagawa sa kapwa mo tao, tsaka ka lang
matatakot kahit milyon pa ang perang binigay sa'yo. May mga pinuputol ang dila
dahil sila yung mga nagtangkang tumakas at gumawa ng gulo, tulad ng ginawa mo."
Pakiramdam ko bumaligtad yung sikmura ko nang inisip ko kung paano nila nagawang
putulin yung dila ng mga taong 'yon, "May mga HGP na ilegal na kinuha ng Memoire,
sila yung mga nakaalam ng mga hindi dapat malaman, mga nagtangkang magsumbong sa
awtoridad, kinidnap sila at dinala sa lugar na 'to para gawing HGP instead na
patayin, karamihan sa kanila ay detectives, journalists at doktor." Katulad ni Miss
Marcel na nadamay sa gulo na 'to. "Sinabi nila Palm at Dean kanina, consider
yourself lucky to be here dahil pag dinala ka rito ibig sabihin may natitira pang
moralidad sa pagkatao mo."

"Why do you say so?"

"Any Peculiar who graduated from this institution will be officially one of the
Memoire." Inilabas ni Eliza ang kanang braso at ipinakita ang isang maliit na
tattoo, "This tattoo is the emblem of the Memoire, tanda na sumumpa ka na
paglilingkuran mo ang mga pinuno sa likod nito." Isang black diamond na may letrang
M na kulay puti sa gitna, katulad ng mga logo at seal na nakita ko sa Memoire,
"Once na makalabas ka sa MIP, bibigyan ka nila ng magandang reputation sa kahit
anong industriya na ibigay nila sa'yo, in politics, beaurocracy, business, media,
military, academe, law firm, medicine and so on. At kahit anong iutos ng mga nasa
itaas ay kailangan mong sundin regardless what's morally wrong and right, what's
important to them is to take a step forward into their goals at walang sinuman ang
maaaring makaharang sa kanila."

"Naiintindihan mo ba ang mga sinasabi ni Eliza, Morie?" tanong ni Dean.

"Oo."

"Kapag sinabi ng Memoire na pumatay ka, wala kang ibang magagawa kundi pumatay."
Nagsalita si Vicente na naging seryoso.

"Kaya halos lahat ng nasa itaas ay―"

"Makasalanan." Si Eliza ang nagtuloy ng sasabihin ni Palm.

"They'll try to buy you first, sisilawin ka nila sa marangyang pamumuhay, masasarap
na pagkain, magagarang damit, at marami pang iba." Sabi ni Dean at sinundan kaagad
siya ni Vicente.

"Pagkatapos, unti-unti ka nilang ibe-brainwash hanggang sa hindi mo namamalayan na


sumusunod ka na lang sa kanila."

"Pero hindi lahat nakukuha nilang mapaikot sa mga palad nila. Kaya nga ginawa ang
lugar na 'to para sa mga nagrebeldeng Peculiar." Si Palm

"Morie, ikaw pa lang ang nakagawa ng gulo katulad kanina." Sabi naman ni Dean. "At
mukhang nagalit mo ng husto si Michele at pinagtangkaan ka niyang patayin."

"Michele?" Napakunot yung noo ko. Si Miss Margaux ba yung tinutukoy niya?

"Si Michele Margaux. Michele Enriquez, ang totoo niyang pangalan. Alam mo kasi
Morie, dito sa MIP, kapag pinapadala ka na nila sa iba't ibang misyon kailangan
mong kumubli sa ibang pangalan."

Kung Michele Enriquez ang totoong pangalan ni Lady Margaux, ibig sabihin anak niya
talaga si Cloud... Hindi pa rin ako makapaniwala. At kung ang bawat Peculiar ay
binibigyan ng bagong pangalan ibig sabihin hindi Cloud ang totoo niyang pangalan,
pati na rin sila Seraphina, Jing, Otis, Finnix, Cecilia at Pascal.

"Memoire wanted your power badly." Nagsalita ulit si Eliza.

"I know..." sabi ko naman, napayuko, "but... it's not really mine."
"Alam mo na ba talaga kung anong balak nila sa Culomus?" tanong niya. Umiling ako
bilang pagsagot. "They will use it to see the universe's future, kung magtatagumpay
ba ang Memoire."

"What? Paano nila magagawa 'yon?"

"I don't exactly know how, basta ang alam ko they have that some sort of program
para makita lahat ng individual's future in order to see the whole universe's
predicted pattern."

"Predicted pattern?"

"Kung nakatadhana na hindi magiging matagumpay ang Memoire, they will destroy the
flow, they will do something para magtagumpay sila And you know what that means."

"What?"

"Dystopia."

Hindi ko alam kung bakit biglang tumahimik, kaya naman huminga ako ng malalim
"Thank you for telling me about them."sabi ko sa kanila. "But tomorrow... they'll
extract the Culomus from me at pagkatapos... papatayin na nila 'ko."

Nakita kong nagtinginan silang apat bago ulit magsalita si Eliza, "You know what
Morie, I can really sense that you're truly a Peculiar."

"But without the Culomus hindi ako katulad―"

"Narinig ko na hindi tumalab sa'yo yung Helexia, the drug they made in order to
control someone,"

"And so?"

"Hindi ka man lang ba nagtataka kung bakit?"

"Because I am a test subject of Helexia before?"

"No, I don't think it's because of that." Nangalumbaba si Eliza, "Bakit hindi ka pa
hinayaang pinapatay ng deputy headmaster na si Cairo? It's possible that he―they
knew that there's still something special inside you. At kanina lang nila nalaman
kung ano ang Peculiarity mo."

"Peculiarty? Ko?"

"You are the freewill."

"You know what I don't get you, Eliza, what are you trying to say―"

"Matagal kaming naghintay." Nagsalita na si Dean na sinundan ni Vicente.

"Anim na taon, Morie, anim na taon kaming binulok ng MIP dito."

"At sawakas dumating ka Morie." Si Palm na nangingislap ang mga mata.

Anong gusto nilang mangyari...

"Tatakas tayo sa lugar na 'to at ikaw lang ang may kakayahang gumawa ng bagay na
'yon."
"No, wala akong magagawa, everything's so messed up at wala ng ibang paraan para
makatakas sa lugar na 'to." Tumayo ako at tumayo rin sila. Hindi ako sang-ayon sa
gusto nila.

"So, sumusuko ka na Morie?" nanghahamong tanong ni Dean na nasa kaliwa ko, katabi
niya si Vicente na nakahalukipkip at sa kanan ko si Palm, katapat ko si Eliza.

"Hindi niyo naiintindihan, kahit ilang beses ko pang tangkaing lumaban matatalo't
matatalo pa rin nila―"

"Makinig ka." hinawakan ako ni Eliza sa magkabilang braso at halos yugyugin niya
'ko pero kalmado pa rin siya. "Papayag ka bang magwakas ang lahat ng ganun-ganon
lang? Kung kailan ngayon pa lang nagsisimula ang laban niyo ng Memoire susuko ka
na? You've already come so far, nandito ka na sa pinakailalim na parte ng MIP, and
do you know what that means?" binitawan niya na 'ko at tumingin lang ako sa kanya,
"Hindi ka pa rin nag-iisa Morie. You are not alone because we are here; we are your
new comrades."

Comrades? Biglang pumasok sa isip ko sila Seraphina, nangako sila sa'kin na


tutulungan nila 'ko pero anong nangyari? Tinraydor lang din nila 'ko sa huli. How
can I possibly trust new comrades again? I am so scared to face them alone, and I
am scared to be betrayed again and again.

"I'm sorry but... I think this is my fate."

"Hoy Morie!" sumigaw si Vicente, "Hindi mo naiintindihan na anim na taon na kaming


nabubulok sa kulungan na 'to kaya―"

"Shut up!" I can't control my anger now, "There's no way for me to save all of you!
There's no way to escape this place! Just like what you've said, Memoire is very
powerful and they will get rid of those threats. This fucking eyes is what they
need so I'll give it to them! Mas mabuti na lang din siguro na patayin nila 'ko
pagkatapos dahil wala rin namang saysay kung mabubuhay ako, no one needs me―"

Naramdaman ko na lang na may dumapong palad sa pisngi ko, masakit, malutong na


sampal mula kay Eliza ang natanggap ko.

"Eliza, bakit mo siya sinampal." Si Palm na hahawakan ako pero tinabig siya nito.

"Para kumalma siya." Sagot ni Eliza "This little girl surrendered." Iiling-iling
niyang sabi, "I expected so much from you Jillianne Morie the freewill, hearing
those kinds of words from you is irritating." Mahinahong pagkakasabi niya, "Are you
underestimating us? We're also elites way back then, and do you think na hahayaan
lang namin na ikaw ang gumawa ng paraan? Sa loob ng anim na taon, sa tingin mo
hindi namin naisip kung paano tumakas dito? I'm asking you to be part of this team,
you are the way in order for us to escape dahil ikaw lang hindi nakachained at
hindi nakasuot ng collar."

Hinawakan ako ni Eliza sa balikat at sinabing "There are still people out there who
need you, don't forget that."

Hindi ko napigilan ang sunud-sunod na pagpatak ng luha sa mga mata ko kasabay ng


pag-alala sa mga taong nangangailangan ng tulong ko, sa mga taong naghihintay
sa'kin pag-uwi, ang mga kaibigan na mayroon ako, si Jing, si Cloud, si Ate Karen...
at pati na rin si Morris.

They need me... That's why... I musn't lose.

I just can't die yet.


"What's the plan?" tanong ko sa kanila at nakita kong sumilay ang ngiti sa kanilang
mga labi.

abangan: matutuloy nga kaya ang execution kay Jill Morie pagkatapos makuha sa kanya
ang Culomus? Ano ang planong bubuuin nila Eliza para makatakas?

Author's note:

Hi guys! Maraming salamat ulit at nakarating kayo rito sa chapter 60! Any thoughts
about sa progress ng story? Katulad ng nabasa niyo, ibang level na ng crisis ang
kinahaharap ni Morie, hindi ko rin maimagine kung paano humantong sa ganitong punto
ang kwento niya. Haha. Kaya naman lubos akong nagpapasalamat sa pagtatyagang
pagbabasa at paghihintay ng update.

Naapreciate ko yung comments at subukan kong mareply-an ulit isa-isa. Salamat din
sa mga umeffort sumagot sa random question ko last chapter. Napansin ko na halos si
Cairo yung gusto niyong kausapin at tanungin ng kung anu-ano. Natuwa rin ako kasi
yung iba gustong kausapin si Jill, si Cloud, Morris, speaking of, ano ba team
Morris o team Cloud? Haha shemay may romance thingy pa pala tong istorya na to
kahit kaunti. Ayun balik tayo sa mga sagot niyo, meron si Margaux, si Baldo at ang
matindi may gustong kumausap kay Dr.Richard! Finally may nakapansin pa sa dad ni
Jill!

Ayun nga, salamat ulit. Meron ulit akong tanong na sana masagot niyo, ano ba yung
weakest point ni Morie para sa inyo? From the beginning of the story ba weak na
yung character niya? (this is a brave question though, kasi pinapacriticize ko na
yung main character ko, ahh!!)

ayun sorry haba ng A/N, salamat ulit! See you next chap! Happy summer!

Part Five

"Dad."
"Yes?" mula sa pintuan na kanina pa nag-aabang, ay nag-aalangan siyang pumasok sa
loob ng opisina ng ama. "Lily? Come here, bakit kanina ka pa dyan?"
"I-it's been a month since na magpunta ka sa ibang bansa, dad." Hindi niya alam
kung paano sisimulang sambihin dito ang nangyari.
"Oo nga pala, Lily, ipakuha mo na lang kay Alfred yung mga binili ko para sa inyo―"
"Dad may―"
"And by the way how's Jillianne? Christmas break niyo na right? Kamusta ang
school―"
"Dad." Napatigil si Richard nang makitang seryoso ang anak, ngayon lang niya nakita
rito kaya napakunot noo siya.
"What? May problema ba? Nag-away na naman ba kayo ni Jill?"
"No. Hindi po." Napayuko si Lily, hindi alam kung paano sasabihin,
"She's...she's..."
"She's what?" kinutuban na ng masama si Richard, pinagdasal niya bigla na sana
walang nangyaring masama sa anak niya. Isang buwan siyang nawala sa dahilang may
mahalaga siyang inasikaso sa University of Adelaide bilang guest professor,
nagwithdraw siya sa pagpresent ng research sa tungkol sa anomalous conditions ng
isang tao o Peculiarities. At pagbalik ni Richard, balak niyang putulin lahat ng
koneksyon sa kanila―sa Memoire.
"Anong nangyari kay Jillianne, Lily?"
"Nasa...kamay na po siya... ng Memoire."
Hindi nakapagsalita si Richard, pero kaagad ding nakabawi, "P-paano mo nalaman ang
tungkol―"
"Matagal ko na pong alam dad, tungkol sa kapangyarihan ni Jill, at tungkol sa
Memoire."
"Paano?"
"Morris blackmailed me, no, hindi siya, yung other persona niya, si Sio, sinabi
niya lahat sa'kin dad―"
"I need to go." Hindi muna inisip yon ni Richard, ang importante sa kanya ngayon ay
si Jillianne. Dali-dali siyang lumabas ng silid at kinuha ang cellphone mula sa
bulsa, "Alfred, pakihanda yung chopper, pupunta tayo sa MIP, ngayon na."
Kung alam lang niya na magdadala ng kapahamakan sa anak niya ang mga mata ni
Beatrice, sana hindi niya na hinayaang ibigay yon kay Jill―hindi―walang kasalanan
si Beatrice, wala siyang ibang dapat sisihin kundi ang sarili dahil siya ang may
kasalanan ng lahat ng 'to.

Sentral City Hospital


Halos magtakbuhan sa hallway sila Aya, Tadeo, Sabina, Ireneo at Tamaki at kung
hindi pa sila sitahin ng nurse ay hindi sila matitinag. Hingal na hingal silang
lima nang huminto sa harapan ng isang silid, inayos muna ang sarili at mga dala-
dalang prutas at bulaklak. Biglang bumukas ang pinto at lumabas si Mrs.Cruz, mas
masigla kumpara sa huli nila itong nakita.
"G-good afternoon po." Sabay-sabay nilang sabi kahit na hinihingal pa.
"Kayo ba yung mga kaibigan ng anak ko?"
"Opo!"
"Pasensya na kayo kung ngayon lang kayo sinabihan na pwedeng dumalaw, dalawang araw
na ang nakalipas simula nang magising siya." Isang malaking balita ang bumungad sa
kanila kaninang umaga―nagkamalay na si Penelope at mabuti na ang kundisyon nito.
Kaya naman wala na silang inaksayang panahon at kaagad silang pumunta para
dumalaw.
"O-okay lang po tita." Wika ni Aya habang pinagpapawisan kahit na malamig naman sa
hallway.
"Sige, kayo munang bahala at dito lang muna ako sa labas."
"Thank you po." Pumasok silang lima at maluha-luha namang tumambad sa kanila si
Penelope nasa kama at nakasandal ang likod nito sa headboard.
"Penpen!" si Aya ang kaagad nanguna, sinundan ito nila Tadeo sa pagbati. Matapos
ang ilang pangungumusta ay naglibot ng tingin si Penelope, may hinahanap.
"N-nasaan sila Baldo? Si Stephen...tsaka...si Jill?" nagtinginan silang lima sa
sinabi ni Penelope, hindi alam ang isasagot.
"Ano kasi Penelope, ano, ah, kasi, ano ahh." Si Tadeo na hindi mahanap ang tamang
salita para sabihin dito.
"Matagal na namin silang hindi nakocontact simula nang matapos yung night out." Si
Ireneo ang nagtuloy sa sasabihin nito. Natahimik silang lahat pagkatapos, hindi man
nila sinasabi sa isa't isa alam nilang may nangyayaring kakaiba.
"Guys... May sasabihin ako sa inyo." Si Penelope na nanginginig ang boses, "Hindi
talaga ako nahulog sa hagdan."
Napakunot noo sila, nagtataka, lumapit pa lalo para makinig ng mabuti kay Penelope.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Sabina.
"M-may tumulak sa'kin."
"H-ha?!"
"Si...si...Morris."
Pareparehong namilog ang mga mata nilang lima sa sinabi ni Penelope na biglang
umiyak.
"Seryoso ka ba? Si Morris?" si Tamaki na umaasang biro lang ang sinabi ng kaklase.
"Oo." Sabi ni Penelope habang pinipigilan ang luha sa mga mata, "Nakita ko sila ni
Lily, narinig ko yung usapan nila." At inilahad niya kung paano niya nalaman noong
araw na 'yon, nang marinig niya ang pagtatalo ni Lily at Morris, nagtago siya at
narinig ang usapan nito na hindi niya lubusang maintindihan hanggang sa mahuli siya
ni Morris. "Parang hindi siya si Morris kasi ibang-iba siya kumilos at
magsalita..." at kung paano siya dapat tatakas at itetext si Jill pero nahablot
siya nito at malakas na itinulak sa hagdan.
Hindi makapaniwala sila Aya sa nalaman kaya naman hindi sila kaagad nakapagsalita.
"Malinaw sa mga nalaman ko... Jill can see the future, may mga taong gustong kumuha
sa kanya. Kabilang si Baldo sa mga magpeframe up sa kanya. Si Stephen...si
Stephen...katulad ni Baldo―"
"Guys." Pinutol bigla ni Aya si Penelope, "May gusto rin akong ipaalam sa inyo."
"A-ano?"
Inilabas ni Aya mula sa bag ang isang videocam at ipinakita sa grupo ang ipinlay
niyang clip, "May kakaibang nangyari noong Night out.Basta ang alam ko nagbivideo
lang ako noong nagrarakrakan, matapos kumanta nila Jill, naisipan kong puntahan
siya sa backstage kaso...." Sabi ni Aya habang pinapanood ng mga kasama video clip,
"Hindi ko alam kung anong kawirdohang nangyayari pero masama yung kutob ko na may
kinalaman din to kila Jill." At kitang kita sa video na huminto ang oras, huminto
ang paggalaw ng mga tao, pero may mga ibang tao na nakakagalaw, at nakita nila sa
madilim na kuha ng video, si Baldo at Jill na tumatakbo papunta sa loob ng
building.
"Paanong nangyari 'to?"
Nagkatinginan lang sila habang binabalot ng kaba.Kung anong misteryo ang
nangyayrari, hindi nila alam.
"Kailangan nating pumunta sa school." Sabi ni Ireneo.
"Para saan?" tanong ni Sabina.
"Para malaman natin kung anong nangyari noong gabing yon."
"Ha?"
"CCTV cameras."

TPT current timeline: (para maintindihan ng lahat)


Dec.16- Night out program at White Knights Academy
Dec.17-Train Dilemma, Karen was kidnapped
Dec.18-Jill was betrayed by the Carnies and her first day at MIP
Dec.19-Day two at MIP
Dec.20- Meeting Dr.Irvin, she saved Klein and discovered the HGPs RM
Dec.21-Jill, Jing and Cloud tried to escape. Jill met the chain gang.

/61/ Reluctant Hero


/61/ Reluctant Hero

[Karen Italia]

"Pumapayag na ako." Napahinto siya sa ginagawa niya nang makita ako,isang oras ang
nakalilipas magmula nang magtalo kami, nandito ako ngayon sa opisina niya sa MIP.
Hindi ko rin sukat akalaing mapapapayag niya ako noong una na magpanggap na
napasailalim ng Helexia, ang pagpapanggap na sumusunod sa lahat ng gusto niya
bilang kapalit sa muling pagkikita namin ng anak ko.

"Pumapayag saan?" Cairo took off his glasses, still avoiding my gaze, those words I
uttered earlier hurt him for sure. I don't know what to feel and what to believe
anymore.

"Na itransfer sa'kin ulit ang Culomus."

"Good."

"But you need to promise me one thing, Cairo."

"What?"

"Don't let her die."

He didn't answer; he just shrugged his shoulder and turned his chair around. Bakit
hindi niya ko makuhang harapin ngayon?

"Somehow, it's your fault."

"Anong sinabi mo?" nakatalikod pa rin siya habang nakaupo sa swindle chair. "Hindi
kita maintindihan."

"Kung kailan huli na ang lahat, now you're asking me to save your sister's life?
Kung hindi mo ibinigay sa kanya yung mga mata mo in the first place sa tingin mo
mangyayari lahat ng 'to sa kanya?" he turned around to face me, I saw the emptiness
in his eyes, we stared for seconds.

"I gave it to her because-"

"It's because you're selfish, Karen." Napatigil ako sa sinabi niya, "You gave your
eyes to her not because as a loving sister pero para matakasan ang realidad mo,
right?"

"Stop saying nonsense-"

"I know the truth because I am a freaking telepath! And also, you gave it to her
para mahanap ang anak natin, you tried to search her on your own pero nabigo ka. Sa
umpisa pa lang mas pinili mo na si Wyndell kaysa sa kapatid mo."

"Cairo-"

"Wala ka ng magagawa pa-"

"Tama na," I can feel my heart pounding. Totoong binigay ko yung mga mata ko sa
kanya para takasan ang sarili kong realidad, pero pinagsisihan ko na lahat ng yon.
Matapos kong makita ang malaking pagbabago niya doon ko lang napagtanto ang
pagkakamali ko.

Fate. Maybe.

Tandang-tanda ko pa rin ang sinabi sa'kin ni Lucille noon, 'Your eyes will save
her...' At ito ang pinanghawakan ko na hindi isang pagkakamali na ibigay kay Jill
ang mga mata na 'to. Pero mukang isang pagkakamali nga ito.

'...for she will help humanity.'


[Jill Morie]

Nakabibingi ang katahimikan. Mabuti na lang at binigyan ako ni Palm ng kumot dahil
sobrang lamig sa bakal na higaan. Kaharap ko yung pader, sinubukan kong ipikit yung
mga mata ko para makatulog pero hindi ko magawa. Sinabi ni Eliza na kinailangan
naming magpahinga ng maaga para bukas. Kakatapos lang naming pag-usapan yung plano
pero hindi pa rin talaga ko dinadalaw ng antok.

Earlier, they briefly introduced themselves and described their powers or


peculiarity pati na rin kung paano sila nakulong sa Bastille for six years.

Eliza Macaraig has enhanced senses like sight, hear, touch, taste and smell. Parang
mga pinagsama-samang matatalas na senses ng mga hayop. No wonder why she's updated
on what's going on kahit na matagal ng nakakulong dito. Six years ago, kasama rin
daw siya sa elite Peculiars. Due to her superior intelligence quotient (IQ), at the
age of seventeen nakagraduate siya sa MIP at naging staff ng Beehive and later on
naging leader ng alumni association ng Peculiars, muntikan ng makagawa ng movement
due to Margaux's iniquity and wicked authority. Not only the Beehive scientists but
the whole MIP was afraid of her intellectual abilities and to avoid those feared
circumstances they locked her up in the Bastille.

Vicente Macaraig, the twin brother of Eliza, is a multi-shape shifter; he can take
form of more than one being at once. Isang buwang nauna si Eliza bago dalhin sa
Bastille si Vicente, his case is quite

funny

dahil ginaya niya si Margaux at gumawa ng maraming clone nito, what he did next is
unimaginable, he ridiculed the image of headmistress sa buong MIP bilang ganti sa
ginawa nito sa kapatid niyang si Eliza and as a sign of rebellion. He said that
he's more willing to be jailed than to follow them kaya naman sa sobrang galit ni
Margaux, kinulong siya kasama ng kakambal.

Dean Enclona, who is three years ahead than Eliza and Vicente, has a supernatural
speed, the ability to move at extraordinary physical speed. To test his loyalty, he
was assigned in his mission to rob a bank using his powers. Due to his high morally
principles, Dean couldn't do such thing and started to rebel.

And Palmera Dinoy, same age as Dean, has a healing power, she can restore biotic
organisms to their optimal health, she's also an empathic healer, healing the
emotional pain of others. Kaya pala noong niyakap niya ako biglang gumaan yung
pakiramdam ko. Katulad ko, she accidentally stumbled at the HGPs RM at natuklasan
ang madilim na lihim ng MIP, she cured the injured and unhealthy HGPs at nalaman
iyon nila Margaux kaya daglian siyang pinarusahan kaya siya nabulag. Palm still
made an outstanding appeal pero sa huli ay kinulong siya sa Bastille.

I can't imagine how they endured the painful six years of being imprisoned here.
Kaya nga natauhan ako kanina nang sampalin ako ni Eliza, may dapat ba kong ireklamo
sa tulong na inaalok nila? For six years they never lose hope, at willing pa rin
silang lumaban ngayon dahil nagsilbi akong pag-asa para sa kanila. Iisa lang sila
ng paniniwala, mali ang ginagawa ng Memoire at kailangan silang pigilan. The
idealism they have is the only thing left for them.

Tomorrow is the real beginning of the battle, I wonder kung may katapusan ang bawat
simula and this is it panibagong simula na naman.

"Ikaw ang huling pag-asa namin, Morie." Tila naririnig ko pa ang boses nilang apat.

Ipinikit kong maigi ang mga mata ko hanggang sa dinadala ko ng kamalayan sa


kabilang ibayo.

*****

"Morie." Napamulagat ako nang may tumapik sa balikat ko. Nakita ko si Eliza at
kaagad akong napabangon, "Nandito na sila."

"Sino?"

"The Sentinels," tumingila siya sa itaas na animoy tinuturo ang pinanggagalingan ng


mga tunog na naririnig niya, nagbalik siya ng tingin "Narinig ko na sila na papunta
rito, dadalhin ka na nila sa Beehive para kuhanin ang Culomus." Sabi niya. Nakita
kong nakaupo si Palm sa kama niya, si Dean na nakasandal sa pader malapit dito, at
si Vicente na nakahiga sa itaas ng double deck pero nakatingin sa gawi namin.

"Alam mo ba kung anong oras na?" tanong ko. Hindi ko namalayan kagabi na nakatulog
na 'ko.

"Alas tres pasado ng umaga." Medyo nagulat ako dahil sobrang aga pa. Inanyayaan
niya kami na bumilog sa sahig, mabuti na lang at mukang naging sapat naman yung
tulog ko.

"Ngayon na nila kukuhanin yung Culomus?"

"Oo. Mamayang alas otso ng umaga darating yung board of directors ng MIP, mga
Memoire executives, kaya naman ngayon pa lang pinaghahandaan na nila ng maaga" sabi
ni Eliza "Mukang lahat ng Peculiars ay nasa Sanctus."

"Woa, as in lahat ng Peculiars?" tanong ni Vicente. "Parang bihira lang ata


mangyari na lahat ng Peculiars at staff nasa Sanctus mansion."

"It seems like may orientation na nagaganap." Si Eliza na hinawi ang mahabang
buhok.

"Orientation?" si Dean.

"Hindi ko pa masyadong pinakikinggan pero mukhang mahalaga. Magfocus muna tayo sa


plano natin. We'll discuss it again, may thirty minutes pa bago dumating yung mga
Sentinels."

Sentinels, ang tawag sa mga guards o security men ng MIP, they are specially
trained and extremely loyal to Memoire, I guess sila rin yung nagtangkang kumidnap
sa'kin noon sa Sentral city. To my surprise, si Cairo, the deputy headmaster, ang
siyang officer in charge sa buong Sentinels, siya ang nagsisilbing boss ng mga 'to,
according pa kila Eliza si Cairo lamang ang may hawak ng remote control ng mga
collars ng Sentinels.

"Isang malaking advantage sa'tin na nasa Sanctus lahat ng Peculiars, dahil once na
makalabas tayo sa itaas, mga Sentinels lang ang kalaban nating lahat, too bad for
us if they have those super weapons."

"Super weapons?"

"I don't know, pero malay natin kung anong klaseng modern technology weapon ang
meron sila ngayon."

We know that we can't fight them all, sa dami at lakas ng pwersa nila, Eliza said
we should limit our goals at unang una na nga ay ang makatakas muna sa lugar na
'to.
"Dalawa lang ang exit na maaari nating puntahan, sa North at sa South. Malapit sa
Southern gate ang Sanctus. Kailangan nating tandaan na sa Northern gate nakalocate
ang mismong towers ng Sentinels and there are hundreds of them there dahil dito
dumadaan ang mga visitors at kung sinu-sino pa."

"At alam mo ba kung bakit mas mahigpit sa Northern gate, Jill?" si Dean, waiting me
to ask why.

"Bakit?"

"Two years ago, naganap ang kauna-unahang jailbreak sa MIP."

"Jailbreak? You mean once na nakatakas na ang ilang Peculiars at HGP dito?" sabi ko
naman. "No, wait, once na kayong nakatakas?"

"Oo." Sabi ni Dean na tatangu-tango pero bakas sa muka ang pagkadismaya, "May mga
Peculiars na nakatakas may ilan namang minalas at nahuli ulit-katulad naming apat."
Tiningnan niya yung mga kasama at nagtanguan ito. "Dahil sa pesteng collar na 'to."

"Si Sir Pacifico ang nanguna sa jailbreak, pero hindi naging ganon katagumpay yung
plano niya." Dagdag pa ni Palm. Pacifico? Parang pamilyar yung pangalan pero hindi
ko matandaan.

"Kung hindi mo pa alam, si Sir Pacifico naging instructor namin siya rito sa MIP at
siya yung kakambal ng deputy headmaster, si Cairo." Sa sinabi ni Dean tsaka ko lang
naalala na nabasa ko yung pangalan niya sa sulat ni Ate Karen. Tumango na lang ako
sa sinabi niya. "Dahil sa insidenteng 'yon, mas hinigpitan ng MIP ang security
systems nila, at siniguro nilang wala ng makakatakas sa Northern gate."

"I see."

"Pero bago tayo makarating sa level na 'yon, ang unang-una nating goal ay makalaya
rito sa Bastille. Since Morie ikaw lang ang makakalabas dahil sa appointment mo sa
Beehive, sa'yo nakasalalay lahat. Once na hindi mo maaccomplished ang first goal,
kapag nakuha nila ang Culomus sa'yo, game over."

"Naiintindihan ko." kagabi pa namin napag-usapan kung paano ko sila mapapakawalan.


Natahimik kaming lima. Kay Eliza na mismo nanggaling na 0.1% ang success rate ng
first goal, pero at least meron pa ring chance kaya gagawin ko lahat ng makakaya ko
para mapakawalan sila.

"Morie." Tawag ni Eliza sa pangalan ko, kaagad akong napatingin sa kanya. Kitang
kita ko yung pagkakaiba ng kulay ng mga mata niya at nakakatuksong titigan ang
kaibuturan niyon pero alam kong ang naghihintay na kapalaran niya ang makikita ko,
paano kung silipin ko 'yon? Kung magtatagumpay ba kami. Pero hindi pwede. Hindi ako
pwedeng mandaya, hindi ko pwedeng dayain ang tadhana, dahil mas magiging malupit
ang kapalit nito, karma ika nga. "You won't peek in the future in our eyes, right?"
nagulat ako dahil parang nabasa niya kung anong nasa isip ko.

"Paano mo nalaman?" tanong ko.

"I guess... you're that kind of person." Hindi ko maintindihan ang sagot niya,

"Morie, you have to conceal your fears." Napatingin ako kay Palm, "Hindi ko
sinasabing mahina ka, I now you are a very brave... because... that's the only
thing left for you to be. Hindi ka makakarating dito sa Bastille kung hindi ka
naging matapang."
"We are counting on you, Morie." At nakita kong nakatutok ang mata nilang apat
sa'kin.

"Wag mong kalimutan na hindi ka nag-iisa sa laban na 'to. Nandito kami."

"Sabihin mo na sa kanya, Eliza." Sabi ni Palm, napatingin ako sa kanya, sabihin ang
alin?

"Your other comrades are here also." Sabi nito, napakunot noo lang ako. Other
comrades? "Kakatransfer lang nila sa Bastille two days ago, lima sila." Lima? Hindi
kaya-the Carnies? "They are the unit number two."

"Paano sila napunta rito?"

"Well, ayon sa pagkakarinig ko, kinalaban nilang lima si Margaux, pero in the end
natalo rin sila dahil nga sa collars na 'to."

Bakit... Bakit parang hindi ako makapaniwala.

"Isa lang ang ibig sabihin non, Morie." Nagsalita si Vicente, "Nagising na rin
siguro sila sa realidad. Kinain ng mga kunsensya at pinili ka nila sa huli."

"At may isa pa pala, nag-iisa sa cell number five, isang lalaki na kasing edad mo,
sa pagkakarinig ko, Cris Baldemor ang pangalan niya. Sigurado akong kilala mo
siya."

S-si Baldo?

"Kita mo, Morie? Sabi naman sa'yo, hindi ka mag-iisa." Sabi ni Vicente habang
tinatapik tapik ang semento gamit ang kamay.

Comrades. Friends. Loved-ones. They are the only one who's left for me. They are
the reason why I am fighting and living.

Magsasalita pa sana ako nang biglang may tumunog na kung anong alarm at nakita kong
umiiksi ang kadena nila Eliza at hinihila sila nito papunta sa pader.

"Anong nangyayari?" tanong ko.

"Relax ka lang, Morie. Ganito talaga kapag bubukas na yung pintuan," sagot ni
Vicente hanggang sa masandal silang apat sa pader, magkakalayo at magkakahiwalay,
hindi rin sila makagalaw dahil parang nakalock na sa pader yung kadena nang maabot
ang pinakadulo nito.

Biglang bumukas yung pinto at mula roon ay lumabas ang dalawang Sentinel, nilagyan
nila ko ng posas sa kamay, bago kami tuluyang lumabas sa selda, nakatingin silang
apat sa'kin at alam ko kung anong nasa isip nila.

'Some men are born great, some achieve greatness, and some have greatness thrust
upon them.' I remember what Shakespeare wrote. And I guess it's my fate that
greatness thrust upon me.

[Morris]

"Lord Sio?" heto na naman sila at walang humpay na kumakatok. "Pinapatawag na po


kayo ni Lady Margaux."

"Leave me alone!" narinig ko ang pagtawa niya, maya-maya'y nawala yung mga
nangungulit na servants at muli ko na namang narinig yung boses niya.
"What now, bro?"

"We're not brothers."

"Ahh...sorry, nasa iisang isip nga lang pala tayo." Gusto kong pukpukin ng matigas
na bagay yung ulo ko para umalis na siya sa isip ko,gusto kong saktan yung sarili
ko para mawala siya, "Come on, Georgy, stop being a wimp."

Hindi na yata kakayanin ng isip ko, tumayo ako at humarap sa salamin. Pero nagimbal
ako sa nakita ko, hindi ko makita ang sarili ko, ibang tao ang nasa harapan ko at
nagsalita 'yon.

"Hanggang kailan ka magkukulong dito, Georgy, let's go outside para makita na natin
si Ate Georgina. Ito ang purpose kung bakit nandito tayo ngayon."

"Shut up."

"Forget her,kalimutan mo na si Jill Morie dahil hindi mo na siya makikita pa."

"What?"

"She'll be dead by the morning."

"No."

"George-"

"No!" sinuntok ko ng malakas yung salamin at ang kasunod ay naramdaman ko ang sakit
at pagdaloy ng dugo sa kamay ko. Nanginginig, ibinaba ko ang braso ko at
pinagmasdan ang sarili sa bitak-bitak na salamin. What the hell...happened to me...
It feels like I'm going to lose myself completely...and Sio will take over
everything.

Si Jill... Kailangang may gawin ako para mailigtas siya. Hindi ako pwedeng
magpatalo kay Sio, this body and memories only belongs with me.

Gusto ko ring makita si Ate Georgina pero hindi pa ito yung tamang panahon,
kasalanan ko kung bakit napunta sa ganong sitwasyon si Jill at nasa panganib na
yung buhay niya.

Lumabas ako ng silid, pero napahinto ako sa paglalakad nang matanaw ko siya na
papasalubong sa'kin, yung babaeng tinatawag nilang headmistress. Kaya naman dali-
dali akong tumalikod pero nakita kong papalapit si Caleb Perez-hindi, Cairo ang
totoo niyang pangalan.

"Sio, kanina ka pa hinihintay sa amphitheatre para sa orientation." Napatingin ako


sa babaeng nagsalita, hindi ko makita ang mga mata niya dahil natatakpan iyon ng
itim na salamin, kaya naman hindi ko masisilip ang nakaraan niya.

"Hindi Sio ang pangalan ko."

"Oh, I see." Sabi nito at napatango, "Why don't you join us, Morris?"

"Join in what?"

"We're planning something for Christmas."casual na pagkakasabi niya pero hindi


maganda ang hinala ko.
"Is it true..." napatingin siya sa kamay kong may sugat, "...na papatayin niyo si
Morie?"

"Well, well, saan mo naman nalaman ang impormasyon na 'yan?"

"Kay Sio." Tinawanan niya ko pagkasagot ko. Nagkuyom yung dalawang palad ko.

"Your sister, Georgina, is waiting for you there at alam kong matutuwa si Sio."
Tumalikod siya at umalis. Muntikan ko ng makalimutan na nasa likuran ko lang si
Cairo. "I'll leave him to you, Cairo."

"I told you, you're powerless, kid." Sabi niya na mas kinainis ko, "Just give up
already." Kinuwelyuhan ko siya pero biglang nag-iba ang kulay ng mga mata niya.

Damn...he's doing it again... Pinapalabas niya si Sio... No..I... can't... let him
empowered me.

"Sio, will surely fit here." The last words I heard from him and everything turned
dark.

[Jill Morie]

"First goal, kailangan mo kaming mapakawalan sa Bastille."

"Paano?"

"That's for you to decide, Morie the freewill."

Hindi ko alam kung sinasadya ni Eliza na hindi ako bigyan ng plano kung paano ko
sila mapapakawalan o sadyang hindi rin niya alam at wala siyang maisip na paraan.
To think na sa first goal nakasalalay ang pinakasuccess ng pagtakas, how could they
put their one hundred percent trust on me, hanggang ngayon iniisip ko pa rin.

Nakasakay kami ngayon sa elevator papuntang level B, kung saan nakalocate ang
Beehive, kasama ko yung dalawang Sentinels at hindi naman nila ko sinaktan kanina
or what.

Bumungad sa'kin pagkabukas ng elevator ang abalang komunidad ng Beehive, katulad


noong una kong pagpunta rito. Para nga silang mga bubuyog na walang ibang ginawa
kundi magtrabaho, natutulog pa ba sila?

Dinala ko ng Sentinels sa isang silid sa isang department ako ipinasok, may


bumungad na isang babae, pamilyar yung itsura niya, isa siya sa naglagay ng Helexia
sa'kin kahapon sa rooftop. Inanyayaan niya 'kong umupo sa operating chair.
Honestly, I was expecting of more massive equipment, operating table, and so on,
pero parang katulad lang 'to sa EXP RM, o baka naman atat lang ako.

And damn, wala pa kong naiisip na paraan kung paano ang gagawin ko.

"Are you going to extract the Culomus now?" tanong ko. Umiling yung babae, na
nakafacemask at nakasuot ng lab glass at lab gown.

"Hihintayin pang dumating si HGP number twenty one," si Ate Karen ba yung tintukoy
niya, "At si Dr.Irvin, pagkatapos dadalhin kayo sa kabilang EXP RM,"

"Okay." Think Morie, anong pwede kong gawin.

Tsaka pumasok sa isip ko, yung Helexia.


"May I ask something?" hindi naman sigurong masamang magtanong, sana hindi siya
katulad ni weird looking guy na ayaw sumagot sa mga tanong.

Tumingin siya sa'kin at mukhang senyales 'yon, "I'm just curious kung bakit hindi
tumalab sa'kin yung Helexia." Pero hindi siya sumagot, "I guess you might know the
answer because you're a Beehive scientist, and as a scientist you should take a
look kung bakit nagkaerror sa experiment niyo." Come on, sumagot ka.

"You're right." Nabuhayan ako nang magsalita siya, "Bago iregister as a


confidential drug ang Helexia, dumaan ito sa maraming proseso at trials, almost
perfect ang naging resulta nito pero bakit hindi tumalab sa'yo?" Gotcha. I caught
her curiosity. "Hindi naman kaya kulang yung amount na nilagay sa'yo? Pero yung
telekinetic na babae, nung nilagyan namin siya one hundred percent namang tumalab
pero sa'yo-"

"Then why don't you try it again?" sabi ko. I concealed my emotions at masasabi
kong blangko ang mababasa sa mukha ko. I tried to act casually na parang wala lang
mangyayari,at mukhang nakumbinsi ko naman siya base sa paggalaw ng mga mata niya,
pinag-iisipan niya. "I am dying to know kung bakit hindi tumalab sa'kin." I bet
she's dying to know too. Scientists are usually like that, they intend to know
everything at tila nagiging sampal sa ego nila ang hindi pagprove sa mga hypothesis
nila.

Hindi siya nagsalita bagkus ay lumabas ng silid. I don't know if it will work, this
is the only chance I have, kapag dumating na si Dr.Irvin wala na 'kong magagawa
pa.Maya-maya'y bumalik ulit siya na may dalang suitcase at bag. Nagbukas siya ng
laptop sa mesa malapit sa kinauupuan ko, hindi ko alam kung anong tawag don sa iba
pa nyang dalang aparato. Tumayo siya at lumapit sa'kin, nagmamadali, hinahabol din
niya yung oras para madiskubre kung nasaan ang error, for self creditation at
promotion of rank nga naman kung nagkataong masresolba niya ang problema. Lihim
akong napangisi habang may kinakabit siya sa braso ko, napakagatlabi ako nang may
tinusok siyang maliit na karayom na kumukunekta sa aparatong dala niya.

Sa suitcase, inilabas niya yung isang kwadradong maliit na case, pinatong sa mesa
na katabi ng kinauupuan kong operating chair. At mula sa maliit na case ay nilabas
niya yung syringe.

Helexia.

Dahan-dahang itinurok niya 'yon sa braso ko, pagkatapos bumalik siya sa harapan ng
laptop niya at doon nag-obserba.Wala pa rin namang pinagbago yung pakiramdam
ko.Wala pa ring nangyari. Tiningnan ko siya, nakakunot ang noo.

"So? How was it?" inartehan ko yung boses ko, medyo garalgal, para masabing may
kaunting pagbabago na nangyayari sa'kin.

"Imposible."sabi niya.

"Why?" may isa pang syringe sa case, at isang maliliit na bote ng Helexia. Narinig
ko siyang sumagot pero nakatuon ang atensyon sa laptop, hindi ako nag-aksaya ng
panahon, kahit nakaposas, kinuha ko yung bote at syringe, muntik ko ng mahulog yung
bote habang nilalagyan ko yung syringe ng Helexia. Wala pang dalawang segundo,
binalik ko yung bote sa mesa katabi ko. Hindi man lang napansin ng babaeng 'to yung
ginawa ko.

Tumayo ako at dahan-dahang lumapit sa kanya, hindi pa rin napapansin ang presensya
ko, itinurok ko bigla sa braso niya yung syringe at huli na para makasigaw siya.

I didn't expect that I could trick her easily. For the second time, hindi tumalab
sa'kin yung Helexia at maging siya hindi rin malaman kung bakit. Nang mapansin kong
nasa state of trance na siya, natulala sa kawalan.

"You will follow my instructions." Tumango ito at tumingin sa'kin, wala na sa


sarili, "Pumunta ka sa Bastille's control room," 'yon yung tawag sa lugar kung saan
nakalocate yung control system ng Bastille, "Release all the convicted Peculiars."
Tumango lang ito ulit at dali-daling umalis.

Biglang kumabog ng malakas yung dibdib ko nang mawala siya sa paningin ko. Dapat
mapakawalan niya kaagad sila Eliza bago dumating si Dr.Irvin kung hindi... mahuhuli
sila ng dating.

Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto at tumambad ang iba pang Beehive
scientists, "Miss Morie, pinapatransfer ka na sa operating room, naghihintay na ron
sila Dr.Irvin." Shit.

Wala akong ibang nagawa kundi sumama sa kanila, at sa kabilang silid na pinagdalhan
nila sa'kin, mas malaki at mas maraming aparato, katulad ng inaasahan ko. May
dalawang operating machines at malaking ilaw sa kisame, may mga LCD screens sa
pader at built in computers, ang daming tao, hindi lalagpas sa dalawampu, mga
Scientists at si Dr.Irvin.

Di kalayuan nakita ko si Ate Karen, nakatingin sa'kin, kagaya ko, may posas din
siya sa kamay at binabantayan ng dalawang Sentinels, nakita ko sa mukha niya na
gusto niyang magsalita pero hindi niya magawa, tama nga ata ang hinala ko na hindi
naman talaga siya nilagyan ni Cairo ng Helexia.

Ang tanging tumatakbo sa isip ko ngayon, huli na ba? Huli na ba ang lahat? Mukhang
hindi na makakaabot sila Eliza. Unti-unti na kong binabalot ng takot.

"Wag mong kalimutan na hindi ka nag-iisa sa laban na 'to. Nandito kami."

Hindi ko na maipaliwanag ang sumunod na pangyayari. Una nila kong sinalang sa isang
operating machine na hindi ko alam ang tawag. Nanginginig yung pakiramdam ko.

Did I failed again?

Pinikit ko yung mga mata ko, hinihintay ang mga susunod na mangyayari. Narinig ko
yung boses ni Dr.Irvin, hindi ko maintindihan yung mga sinasabi niya pero isa lang
ang ibig sabihin kukuhanin na nila yung Culomus.

Mukang ito na talaga ang kapalaran ko.

"Hindi ka pa rin nag-iisa Morie. You are not alone because we are here;

I'm sorry.

I'm sorry kung wala na naman akong nagawa.

Ilang saglit pa naramdaman kong namatay yung mga makina. Napadilat ako, madilim

"What happened?" boses ni Dr.Irvin, "Bakit namatay yung kuryente?!"

Tsaka biglang nag-echo sa memorya ko ang tinig ni Eliza,

"After completing the first goal. The second goal: We will shut down the Beehive's
power system."

"...we are your new comrades."


(Abangan: Nakakawala na kaya mula sa Bastille sila Eliza? Makukuha na ba ang
Culomus kay Jill? At magagawa kaya nilang makatakas mula sa kamay ng Memoire?)

Author's Note:

Hi guys. Muli maraming salamat at nakarating kayo rito sa chapter 61! Gusto ko ring
magpasalamat sa mga sincere na sumagot sa huli kong tanong. Grabe, malaking tulong
po iyon para sa magiging improvement ng character ni Jill. Thank you!

Maaari niyo nga pala akong kausapin sa twitter: @peculiarrrrr

Hehe

See you next chapter.

God bless!

/62/ Believe me, I'm lying

/62/ Believe me, I'm lying

I snapped back to reality.

Twenty minutes passed since the electricity went out, a Beehive staff came in
earlier to tell that the emergency power was used. The operation continues then
leaving me shivered.

Nasaan na sila Eliza? Hindi ko alam.

Matapos nila akong isalang sa isang operating machine na hindi ko alam ang tawag,
after scanning my body, pinagsuot nila ako ng hospital pajama. Ang buong akala ko
rito na gaganapin yung extraction ng Culomus pero hindi pa pala, may isa pang silid
sa loob nito, doon ako dinala at pinahiga sa operating table. Atsaka ko lang nakita
sa ikalawang palapag, may malaking glass window at naroon yung mga Beehive
scientist kanina at handa ng manood.

There are two staffs, na sa palagay ko ay nurses na abala sa paglalagay ng kung


anu-ano sa katawan ko. I can't move my arms anymore because of the safety straps. A
woman approached me; she's also wearing the scrub clothes like the other staffs,
narinig ko pang tinanong niya sa isang nurse yung condition at vitals ko.

"It's time for you to sleep." This woman is the anaesthetist, nasa uluhan ko siya
at nakatingin sa'kin, Nakita ko na hawak-hawak na niya yung syringe ng anaesthesia
at handa ng iinject iyon sa'kin.

"Don't..." Right now wala akong ibang hinihiling kundi ang pagdating nila Eliza at
magkaroon ng himala.

Napapikit ako habang hinihintay ko na lang na mawalan ako bigla ng malay pero ilang
segundo ang lumipas ay wala akong naramdamang pagkamanhid. Dumilat ako atsaka
nakita yung anaesthetist na nakahinto sa pagglaw, tiningnan ko yung mga staffs,
yung mga doktor na nanunuod sa itaas, lahat sila ay nagmistulang estatwa na hindi
gumagalaw.

Then I just realized-it's them. They're here. Seraphina is the one who controlled
the time for sure.

"Morie." I am so relieved when I heard Eliza's voice. She released me from the
straps, tinanggal din niya yung mga nakakabit sa braso ko. "Sorry for making you
wait." Bumangon ako at may inabot siya na mga damit: plain shirt, rugged jeans at
isang itim na Parka coat. "Wear it. We only have five minutes before their
existence time will resume." She's still wearing under her coat the army green
prison jumpsuit, itatanong ko pa sana kung saan niya nakuha yung mga coat pero that
would be a waste of time.

Kaagad ko siyang sinunod kahit na hindi ko gaanong naunawaan kung bakit mayroon
lang kaming limang minuto, "Where are the others?" tanong ko matapos kong
makapagpalit ng damit.

Hindi niya 'ko sinagot at lumabas siya ng silid na 'to, sumunod lang ako sa kanya.

"Jill." Nagulat ako nang makita ko si Ate Karen, nilapitan niya 'ko, "I'm glad
you're safe."

"She's far from being safe." Napatingin kami sa kanya, "As long as we're here, Jill
Morie is not safe." Nakita kong napakunot si Ate Karen sa tinuran ni Eliza.

"You're right." Sabi ni Ate.

"Naghihintay na sila." Sumunod lang kami ulit sa kanya. Nagkatinginan lang kami ni
Ate, alam kong may mga bagay siyang gustong sabihin pero mas pinili niya munang
isantabi 'yon. At least one thing's for sure, she wasn't drugged. She held my hand
as if I'm going to run away from her.

Sa pinakasentro ng RCPA department nakita namin sila Seraphina, Cecilia, at Palm.

"Jill!" react ni Cecilia nang matanaw pa lang kaming papalapit sa kanila. Pasan-
pasan niya sa likuran si Seraphina na tila nanghihina.

"Anong nangyari sa kanya?" tanong ko kaagad, tumingin ako kay Seraphina, nakatingin
din siya sa'kin pero parang kulang na kulang yung lakas niya kaya kahit pagsasalita
hindi niya magawa.

"Hindi pa rin siya nakakarecover dahil sa electric shocks ng collar na 'to." Dahil
nga pala sa ginawa nilang paglaban kay Margaux.

"Jill." Napalingon ako sa tumawag na boses.

"Baldo?" at nakita ko siyang naglalakad papunta sa kinaroroonan ko,ang laki ng


ipinayat niya, lumalim ang pisngi at lumalam ang mga mata. Malayung-malayo sa Baldo
na kilala ko noon.

"Jill." Nabigla ako nang yumakap siya sa'kin, umiiyak at paulit-ulit na humihingi
ng tawad, katulad ng nasa panaginip ko.

"Hey." Sabi ko, tinatapik-tapik ang likod niya, hindi ko alam kung paano sasabihin
sa kanya na hindi muna oras ng ganito.

"Tama na yan." Si Eliza, "We can't just waste our time here." Mabuti na lang at
natauhan kaagad si Baldo, tumangu-tango lang siya, kinusot ang mata, huminga ng
malalim at muling tumindig. "Hangga't maaari, pigilan niyo muna yung emosyon niyo.
We need to escape here first."

Tumango kaming lahat.


"Nasaan na sila Vicente?" tanong ko.

"Hinahanap pa ni Vicente yung department kung saan ginawa 'tong collar na 'to."
Right, isa sa mga goal dito sa Beehive ay mahanap ang solusyon kung paano
matatanggal yung mga collars namin. Hangga't nakakabit sa'min 'to wala kaming
tsansa manalo against Margaux and her army of Peculiars.

"But as you said, Eliza we can't just waste our time here. Paano kaya kung may
mauna na sa HGP RM?" suggestion ko kay Eliza, she's obviously the mastermind of
this escape.

"I know. But we need to wait for them para matanggal 'tong collars. We don't know
if may mga Sentinels na nagbabantay don." Sabi niya, "And besides, Seraphina can't
use her power there dahil itatakas natin yung mga HGP."

"Nauubos na yung limang minuto, what are we going to do if the time resumes?"
tanong ni Ate Karen.

"We have to face the consequences." Seryosong sagot ni Eliza.

"Seraphina, hindi mo ba kayang mas habaan pa yung oras?" tanong ko naman at lumapit
ako sa kanila ni Cecilia. Mahihirapan kaming depensahan yung mga sarili namin kung
nagkataon.

"Hindi na, Jill, kapag mas ginamit pa lalo ni Seraphina yung kapangyarihan niya
manganganib yung buhay niya." Si Cecilia ang sumagot.

"Palm, bakit hindi mo siya gamutin?"

Sasagot si Palm sa'kin pero inunahan siya ni Eliza "It will consume a lot of energy
from Palm, siya naman ang manghihina, Morie. She will just healed physically pero
hindi rin mareregain ni Palm yung power niya, it will consume more time."

"So we're just waiting here hanggang sa bumalik sila Vicente rito?"

"Yes."

"You know that we can't just do that, Eliza. How can we protect ourselves kung
magpatuloy bigla yung oras?"

"I already put my faith on them, Morie." kalmadong kalmado na pagkakasabi ni Eliza.
"They will come back as soon as possible." Tumahimik na lang ako, tumingin ako kay
Ate Karen, tumango lang siya sa'kin at sang-ayon sa sinabi ni Eliza. Ganon din sila
Cecilia, at Palm.

"Eliza!" parepareho kaming napatingin sa boses ng bagong dating, si Dean na sa


sobrang bilis ay hindi namin namalayan na nasa harapan na naming lahat. Hindi man
lang siya hinihingal, ngiting ngiti at senyales na may dalang magandang balita.

"Nahanap ko na. Nahanap ko na!" hindi nito mapigilang mapasigaw sa sobrang galak.

"Calm down first, Dean." Utos ni Eliza at kumalma naman ito.

"Ito yung remote na kaparehong-kapareho ng na kay Margaux." Ipinakita niya samin


yung kulay itim na kwadradong remote, kapareho nga nung laging bitbit ng
headmistress. Makakalaya na sila sa collar. Pinindot iyon ni Dean at wala pang
isang segundo na sabay-sabay natanggal yung collar sa leeg nila. Hindi maiwasang
maluha ni Palm dahil sa tuwa, ang collar na 'to yung dahilan kung bakit nawala yung
paningin niya, ito ang dahilan ng mga paghihirap nila.

"Nasaan yung collar mo, Jill?" tanong ni Cecilia sa'kin. Tumingin ako kay Ate Karen
at mukhang alam niya yung sagot. It was Cairo who removed it, bago ako itransfer sa
Bastille nakapagtatakang tinanggal niya 'yon.

Maya-maya'y dumating na sila Vicente, kasama niya sila Otis, Finnix, at Pascal.
Gaya namin, wala na rin silang mga collar sa leeg.

"Vicente, nasira niyo ba lahat ng security camera at systems nila?" tanong ni Dean
sa kanilang mga bagong dating.

"Oo." Hindi pwedeng makarating sa itaas ang balitang nagkaroon ng prison break kaya
kailangang masira lahat ng security systems nila na magpapadala sa itaas ng
impormasyon kung anong nangyayari sa Beehive. At dahil nga malaking advantage na
may malaking selebrasyon na magaganap sa Sanctus, abala ang mga Sentinels sa
pagronda sa MIP at sila Margaux naman ay may mahalaga ring iniintindi.

"Kailangan na nating makapunta ng HGP RM, we will locked them here para hindi sila
makalabas. Na-set up na namin kanina pa sa power room yung interference signal kaya
hindi rin sila makakacontact using wireless networks or phones." humahangos na
kaming lahat ngayon papuntang exit.

Biglang may alarm na tumunog at isa lang ang ibig sabihin nito-nagpatuloy na yung
oras. Intruder alert ang paulit-ulit na maririnig sa buong Beehive, lahat ng LCD
screens ay napalitan ng warning at naging mapula ang paligid dahil sa alarm.
Nagpatuloy kami sa pagtakbo kahit na may mga scientist na humaharang sa'min,
sinasangga sila ni Otis, ang front man, na may malabakal na lakas.

Pero biglang nahuli si Palm at Dean ng net gun dahilan para mapahinto kaming lahat.
May mga Beehive staffs na tumutugis sa'min at pumapalibot. Natamaan din ng net gun
si Eliza. Kaagad namin silang dadaluhan pero sumigaw ito.

"Go! Tumakbo na kayo!"

"We can't leave you here!" tumakbo ako papalapit sa kinaroroonan nila para tulungan
silang makakawala.

Otis, Finnix, Vicente and Pascal covered us. Si Otis na kung anu-anong malalaking
bagay na madampot ang hinahagis sa mga kalaban, si Finnix naman ay nagbato ng mga
bolang apoy, si Pascal na tinawag lahat ng lab rats para pestehin yung mga iba pang
Beehive scientist na sasalakay at si Vicente na nagclone ng marami para sugurin
yung mga Sentinels. Tinulungan ako nila Ate Karen sa pagpapakawala kila Palm.

"Thank you, Morie." Sabi ni Palm nang mapakawalan namin sila.

"Stay close." I said, so we circled up, "Let's-" we're just about to run when we
heard a popped sounds, isa-isang nagsiputukan na parang lobo yung mga clone ni
Vicente. Then we just realized na napapalibutan na kaming lahat.

"I didn't expect na ganito karami yung Sentinels dito sa Beehive." Narinig kong
nagsalita si Ate Karen.

Napansin namin na may hawak-hawak silang mga baril, hindi basta-bastang baril-

"Syringe gun." Napatingin kami kay Eliza at nakumpirma nga namin 'yon ng paulanin
nila kami ng syringe at naglalaman iyon panigurado ng Helexia, mabilis si Otis at
nakahanap ng malaking bagay na makakasangga sa mga bala, buhat-buhat ng isang kamay
ang mahabang lamesa habang sinasangga ang mga bala. Alam ko sa sarili ko na hindi
tumatalab sa'kin yung Helexia pero paano yung mga kasama ko.

"Shit,kung patutumbahin ko sila isa-isa hindi ko rin kakayanin dahil sa dami nila."
Sabi ni Dean at mukang ganon din ang nasa isip ni Vicente.

"Dean, right?" nabigla si Dean ng kausapin siya ni Ate Karen, ", as quick as
possible, go out there and find a sleeping gas."

"H-ha?" na-stutter pa 'to at gusto kong matawa sa reaksyon niya. Well, my sister is
undeniably attractive.

"Hoy Dean!" natauhan lang siya nang hampasin siya bigla ni Vicente, "Sundin mo na
yung utos niya!"

"Oo na!" mabilis pa sa kidlat nawala ito.

"Finnix!" tawag ko, "Use your fire to cover us." Tumango ito at naglabas ng apoy
mula sa kamay, pinalibutan kami ng malalaking apoy at wala kahit isa sa kanila ang
mga makalapit sa'min. Huminto na si Otis, nagdikit-dikit kaming lahat.

"Sis, anong gagawin ko?" narinig kong tanong ni Vicente sa kakambal. "Susugod ba ko
sa labas? O tutulungan ko si Dean?"

"Just stay here that would be a waste of energy, hihintayin natin si Dean."
Pagkasabi ni Eliza ay biglang sumulpot sa harapan namin si Dean may dala-dalang
tatlong malalaking putting sling bag na may logo ng Memoire, hinagis niya yung isa
kay Baldo at yung isa naman ay kay Vicente.

"Ano 'to, Dean?"

"Yan lang lahat ng nakuha ko, na makakatulong sa'tin bukod sa sleeping gas." Hindi
ko alam kung namamalikmata lang ako, he winked at my sister after telling that, the
nerve of this guy nakuha pang magpacute sa ate ko.

"I'll throw the fire, pagkatapos, tatakbo na tayo papuntang exit, pagbilang ko ng
tatlo." Naghanda kami sa sinabi ni Finnix, "Isa, dalawa...tatlo!" like what he just
said, Finnix throwed the circle of fire around us, dahilan para tumalsik lahat ng
mga nakapalibot sa'min.

Pinasan ni Dean si Palm para hindi ito mahirapan, samantala nakahawak sa braso ko
si Ate Karen. Nabuhayan kami ng loob nang matanaw na namin yung exit, pero inatake
ng kaba nang makita na papasara iyon habang nagkacount down yung voice system
simula sampu.

Ten.

Nine.

Eight.

"Dumiretso lang kayo ng tingin!" we heard Eliza's shout, "Dean! Nasaan na yung
sleeping gas?"

"Ah, nasa bag na 'yon! Hoy bata! Anak ng―ano nga bang pangalan mo-Bartolome?!"

"Baldemor!"

"Ah! Ewan! Nasa bag na yan yung sleeping gas bomb! Kunin mo!" tumingin ako sa kanan
ko at nakita si Baldo na pawis na pawis habang hinahalukay yung laman ng bag na
nakasukbit sa kanya.

"E-eto po ba?" naglabas si Baldo ng isang maliit na bagay pero binulyawan lang siya
ni Dean dahil granada pala 'yon. Naghanap ulit si Baldo katulad ng inilarawan ni
Dean, nilabas niya maya-maya yung kulay itim na parang bola ng billiard.

Six.

Five.

Nakalabas na sila Eliza na nauuna sa pagtakbo, kami nila Ate Karen, Baldo, Dean at
Palm ang nahuhuli.

"Baldo! Kapag nakalabas na tayong lahat, bago sumara yung pinto ihagis mo yung
sleeping gas sa loob." Tumango lang si Baldo, alam kong kabadong kabado rin siya
pero wala siyang ibang choice.

Three.

Papasara na yung pinto.

Two.

At hindi ko sukat akalaing makakaabot kaming apat.

One.

"Ngayon na, Bartolome!"

"Baldemor sabi eh!" atsaka hinagis ni Baldo yung sleeping gas. Pakiramdam namin
nagslow motion ang pagkakahagis ni Baldo ng sleeping gas, muntikan ng tumalon yung
puso naming lahat ng saktong lumusot sa loob 'yon bago tuluyang sumara ang
pintuan.

Kahit si Dean hiningal na sa nangyari. Pare-pareho kaming habul-habol ang hinignga.


Sumilip si Cecilia sa window glass ng pinto at kinumpirma nga niyang kumalat yung
sleeping gas dahil nagsisibagsakan sa sahig yung Beehive staffs.

"First level, mission sccomplished." Sabi ni Eliza at nagtanguan kami sa isa't isa.

The rampage doesn't end here yet.

"Thank you, Jill." Nagulat ako dahil sa sinabi ni Eliza, namalayan ko na lang nasa
harapan ko siya.

"F-for what?"

"For not giving up." Ngumiti si Eliza na ngayon ko lang nakita "And for trusting
us."

"Kahit na minsan ka na naming tinraydor noon." Napatingin naman ako kay Finnix na
sumunod na nagsalita, "Gusto kong malaman mo na lubos naming pinagsisihan yung
ginawa namin, Morie."

"Sabi ko naman sa'yo, Jill." Si Cecilia, "N-napagdesisyunan namin na umalis sa


kanila pero―"

"They will never let go of us." Si Pascal ang nagtuloy ng sasabihin niya.
Tumingin naman ako kay Ate Karen at Baldo, tsaka ko lang napagtanto na nakatutok
lahat ng paningin nila sa'kin.

"We're a team now." Eliza spoke again, "And the game isn't over yet." She put her
hand forward; she looked at us as if she's saying 'can we stack hands on this?'

"Seriously, sis." Si Vicente ang naunang magpatong ng kamay kay Eliza. Sinundan
iyon nila Finnix. Hanggang sa ako na lang yung hinihintay nila. Do we really need
to do this? Biglang hinila ni Baldo yung kamay ko at pilit na ipinatong iyon sa mga
kamay nila, atsaka niya inalagay sa ibabaw ng kamay ko yung kamay niya. .

"Team Morie." After Eliza whispered, we looked in each other with determined eyes
and rays of hope. I don't know what to say. But one thing's for sure, we can't go
back now and we need to finish this. We're huddling in a circle and 'stacking
hands', it simply implies that we're a team and that we're all in it―together.
"Let's go."

SECOND LEVEL: The HGP RM.

It's our advantage due to the interference signal, the Sentinels can't send their
radio signals at their base and because of that we easily knocked them off. Bago
pindutin ni Eliza yung release button ng mga prison cell ng HGP, naghati-hati na
kami ng grupo. Ang una, ang mag-eescort sa mga HGP papunta sa safety exit ng
mismong floor level na 'to at ang pangalawa ay yung mga aakyat sa MIP at
makakaharap ng mga Sentinels. The second group is the one who will cover the first
group para hindi nila malaman na itatakas ang mga HGP.

Napakawalan na nila Eliza yung HGP at kinakausap ito ngayon nila Miss Karen at ng
iba pang nasa group one. Nasa isang sulok kami ngayon kasama si Eliza at binibigyan
ng instructions kung anong gagawin kapag nasa itaas na kaming second group.

"Cecilia, Palm, Baldemor, Seraphina, Karen, Dean and including me, ang first group,
we're going to accompany these HGPs sa safety exit." According to her, may mga
heavy duty vehicles doon at sila na yung bahala na maglabas sa mga HGP, sa totoo
lang I don't know exactly what Eliza's plan is, hindi ko alam kung anong tumatakbo
sa isip niya ngayon.Hindi naman sa pag mamaliit, bakit sinama niya sa group two o
team namin yung mga aggressive Peculiars o yung may mga malalakas na power katulad
ng kay Finnix.

"Then, you Morie and the rest, ang pupunta sa itaas."

"Are you sure, Eliza? " tanong ko.

"Yes. Besides, estimated na nasa fifty to sixty ang mga HGP na nandito. We can
handle it." Kampanteng kampante namang sagot nito. Pero mukang hindi lang ako yung
hindi mapalagay, pati na rin sila Finnix.

"Paano kayo? Paano kung may mga Sentinels na dumating?" si Finnix.

"Wag kayong mag-alala sa'min, okay? We have Dean." pero mukang hindi matitinag si
Eliza, "As for you, second group, once na maencounter niyo na yung mga Sentinels sa
itaas, Vicente, my dear brother, will make a thousands of clones―"

"Thousands?!" tila hindi makapaniwalang react ni Finnix.

"Yeah, thousands of clones of you guys,para lituhin ang mga Sentinels kung saan
kayo pupunta. The real objective here is to trick them."

"Trick them?"
Tumango si Eliza, "Kailangan mapalabas niyo na sa South kayo pupunta, pero ang
totoo sa North ang target exit niyo."

"Ano? Sa North?" hindi makapaniwalang saad ni Vicente, "Alam mong mahihirapan―"


kakasabi lang nila kanina na mahigpit ang seguridad sa Northern gate pero bakit
doon mas pinili ni Eliza? Maybe...she's scheming something...

"Kaya nga lilituhin niyo sila diba?"

Hindi na nakaangal si Vicente, his loyalty to Eliza and trusting her intellectual
abilities are more important, "Okay."

"Good." I'm wondering kung anong tumatakbo sa isip ni Eliza ngayon, "Kung may
mangyari mang masama, tumingin lang kayo sa main building ng MIP," napamaang kami
sa sinabi ni Eliza, hindi namin siya maintindihan, "At siya nga pala, nasa itaas na
si Cairo at hinihintay niya na kayo Jill." Mas nagulat kaming lahat sa sinabi ni
Eliza.

"What the hell, Eliza! Bakit ngayon mo lang sinabi yan!" galit na turan ni Finnix.
Naiintindihan ko kung bakit siya nagalit, si Cairo lang naman ang officer in charge
ng mga Sentinels pero kahit na nag-iisa lang siyang Peculiar malaki pa rin yung
tsansa na matalo kami, kahit gaano pa kalakas sila Finnix.

Pero hindi pinansin ni Eliza si Finnix at tumingin sa'kin, kalmado pa rin siya,
"Morie, you know the deputy headmaster well."

"Not really." Sabi ko.

"I mean... his power." Right, Cairo reads my mind for every single freaking time
and I really despise him for that, "Sa'yo nakataya ang laro, Morie. And I need you
to remember this... 'deceive the heavens to cross the ocean'" stunned for what she
said. What was that?

"Why?" nakakunot kong tanong, "Why did you gave me a riddle?"

"Hindi sa lahat ng pagkakataon ibibigay sa'yo ang sagot, Morie." Ngumiti na naman
siya, "Believe me, I'm lying."

Ano bang gusto niyang sabihin?

"Dear brother, Finnix, Otis and Pascal, I want you to give your best to support
her. Okay? Pupuntahan ko na sila at magsisimula na kaming mag-evacuate sa safety
exit" iyon ang huling pahayag ni Eliza at tumalikod na ito, gusto ko siyang pigilan
para ipaliwanag lahat ng sinabi niya but for the second time she leave all things
alone to me again... and I have no choice but to do it.

Narinig kong napabuga ng hangin si Vicente, halatang tensionado, "Tara na."

"Baldo!" tawag ko bago kami tuluyang umalis, lumingon ito at dagliang lumapit sa
kinaroroonan ko.

"Bakit Jill?"

"Ikaw na ang bahala kay Ate Karen...Atsaka...kay Stephen at Miss Marcel, hindi ko
na sila mahaharap, kailangan na naming umalis."

"Makakaasa ka, Jill." Iyon lamang at muli siyang bumalik sa grupo niya.
Huminga ako ng malalim at sabay-sabay kaming humakbang nila Finnix papunta sa
pintuan.

*****

Umaalingawngaw pa rin sa isip ko yung mga sinabi ni Eliza, mga palaisipang


binitawan niya. There must be a reason kung bakit kailangan niyang sabihin iyon.
And behind that riddle is the answer...of something...that I don't know yet.

"Jill." Narinig ko si Finnix na nasa tabi ko, namalayan ko na lang na papaakyat na


kami ng hagdan papunta sa pinakafirst floor ng building na 'to. Naalala ko tuloy
yung una kong pagpunta rito, noong hiningan ako ng pabor ni Georgina na iligtas si
Klein.

Hanggang sa tuluyan na naming narating yung taas at nakalabas mula sa underground.


Walang katau-tao, pero may mga nakasinding ilaw, nasulyapan ko yung orasan sa lobby
ng building na 'to, alas kwatro ng madaling araw. Tanging mga yabag lang namin ang
maririnig.

"Sisimulan ko na bang gumawa ng clone?" bulong na tanong ni Vicente.

"Wag muna." Sabi ko. Parang normal na normal lang ang paligid, walang bakas ng
anumang panganib. Sumipol-sipol si Finnix pero wala pa ring Sentinel na lumalabas.
Nakarating na kami sa malawak na grounds ng MIP.

"Sshh." Napaatras ako dahilan para mabunggo si Vicente na nasa likuran ko. Kasabay
umilaw ang buong poste na nakaplibot sa grounds, at tumambad sa paningin namin ang
tila isang batalyon ng Sentinel, nakalinya diretso at nakaharang sa dadaanan namin.
Kahit isang daang metro ang layo namin sa kanila, kitang kita ko sa pinakagitna ng
posisyon nila-si Cairo.

"Do you even think na makakatakas kayo, Jill Morie?"

"Vicente, may smoke bomb ba dyan sa bag na binigay ni Dean?" tanong ko.
Nakikipagsukatan lang ng tingin si Cairo sa'min, hinihintay na kami ang gumawa ng
first move.

"Meron." Sagot nito.

"We'll use that. Then you'll clone yourself, katulad ng mga itsura namin, as many
as possible clones. We'll run...papuntang South." Ang bilis ng tibok ng puso ko. At
sigurado ako na parepareho kami ng iniisip ng mga kasama ko. Hindi nila pwedeng
malaman na papunta sila Eliza sa safety exit ng HGP RM. Kailangan namin silang
malito, sa Southern gate kami papunta pero sa North ang totoong target.

"Bibilang ako hanggang tatlo. Isa."

Ako, si Vicente, si Pascal, si Finnix at si Otis. First, bakit kaming apat lang
yung nandito sa itaas ng MIP? Bakit kami lang yung ginawang pain?

"Kailangan mapalabas niyo na sa South kayo pupunta, pero ang totoo sa North ang
target exit niyo."

"Dalawa."

'Deceive the heavens to cross the ocean'


"Tatlo!"

Believe me, I'm lying.

(itutuloy...)

Author's Note:

Again and again maraming maraming salamat sa pagbabasa ng TPT.

Here's the question, do you have any idea kung anong nasa isip ni Eliza? I mean
nagets mo ba yung plano niya against Cairo and the battalion of Sentinels?
Originally ang plan nila ay i-trick sila Cairo na sa South sila pupunta pero ang
totoo sa North talaga pero what does she mean by 'Deceive the heavens to cross the
ocean' at sa 'Believe me, I'm lying?' curious lang ako kung may makakauha :)

salamat ulit.

God bless!

/63/ Against all odds


First, gusto kong magpasalamat sa mga nagcomment sa nakaraang chapter, and...the
answer is here na! Read it na lang para makita kung tama yung mga conclusions niyo.

ps. walang pipikit sa update na to. lol. ENJOY!

/63/ Against all odds


"Tatlo!" in a blink of an eye, Vicente threw the multiple smoke bombs in his hand.
The white smoke covered us, and we can't almost see anything from it. Nanatili lang
kaming nakatayo sa kinaroroonan namin, nakikiramdam sa paligid-kahit kaluskos mula
sa kalaban ay wala kaming naramdaman. We're expecting them to attack after our
first move.

"Poor souls." Pare-pareho kaming napapitlag nang marinig namin yung boses ni Cairo,
ang akala namin nasa likuran o harapan na namin siya pero sinenyasan ko sila
Vicente na huwag munang gumalaw, his voice is just roaming inside our heads.
"First, I'd like to congratulate all of you for making up to this point. Again...
we underestimated you my little sister, Jillianne." Despite of my little debt of
gratitude to him, for saving me from Margaux and for removing the collar, I can't
erase the fact that I still despise this man. "But I must say... hanggang dito na
lang kayo, you're not allowed to leave this place." He changed the tone of his
voice from mockery to authoritative. "You only have two choices..." nagkatinginan
kaming lima, "You will surrender or... all of you will die."

"Napapalibutan na nila tayo." Narinig naming nagsalita si Pascal, napatingin kaming


lahat sa kanya, "Nararamdaman ko." kahit natatakpan ng usok yung buong paligid,
malakas ang kutob naming lima na tama yung sinabi ni Pascal.

"I need your answer now. Susuko kayo ng mapayapa o mamamatay kayong lahat?" I saw
Finnix gritted his teeth, Vicente's hand gripped, while Otis and Pascal remained in
their usual composure state.

"Vicente-"

"Just, Vince, please." I frowned at him. Seriously, he still got time to give
himself a nickname?

"Prepare your clones."

"Copy."

"Kailangan natin silang labanan." Si Pascal ulit, napamaang si Finnix.

"Ang plano natin lilituhin sila, kaya nga nandito si Vicente-"

"It's Vince."

"Tsk! Pascal, lima lang tayo, hindi natin alam yung eksaktong bilang nila,
mahihirapan tayo." Finnix got a point, there's too many of them, kahit na sabihin
na kasama namin si Vince, may limitations din yung powers niya, he can surely copy
our looks and voices but he can't copy our abilities, that's why nakadepende rin sa
combat skills ang kayang gawin ng clones niya.

"Alam ko, Finnix, pero paano tayo makakapunta sa North kung ganito sila karami?
Kakailanganin pa rin natin silang harapin lahat." Pero mas may punto si Pascal sa
iniisip niya.

"Finnix." Hinawakan ko siya sa balikat, "He's right. We just can't run away from
them." Running away and escaping won't work this time, they have weapons, and they
are ready to kill us, "Eliza entrusted this mission to us." We can't fail her―no-we
can't fail them.

"Naiintindihan ko, Jill." We nod at each other then we positioned ourselves,


preparing to fight for our lives.
"Then, you leave me no choice." Narinig ulit namin yung boses ni Cairo, "Adieu." At
pagkatapos ay muling namayani ang katahimikan sa buong paligid.

"Guys-"

"Dapa!" it was Finnix's shout, lahat kami biglang napasubsob sa lupa at sunud-sunod
na narinig ang paputok ng mga baril, nang mawala iyon ay kaagad kaming tumayo.

"Jill! Sa likod ka lang namin!" they circled up at pinilit akong papuntahin sa


gitna nito, "Kahit anong mangyari, Jill dyan ka lang!" si Finnix, kasabay nilabas
ang mga apoy sa kamay. Nakita ko si Vince na lumilikha ng maraming clone, isa na
nahati sa dalawa, hanggang sa hindi ko na mabilang sa daliri.

"I gotta go, guys. Akong bahala manglito sa kanila." Paalam ni Vince at nagsimulang
magscatter yung mga clones na ginawa niya, nawala siya sa paningin ko. Nakita ko si
Pascal na tumingala sa langit at pumito, the next thing I saw was a flock of birds
flying around us, inatake ng mga 'to yung mga Sentinels na sumusugod sa pwesto
naming apat. Otis began to fight by brawling, nakita kong pinaghahagis niya yung
mga Sentinels. Samantalang ako, nakatayo lang sa likuran ni Finnix, habang
pinapanood sila na nakikipaglaban.

Shit. I hate to think that I'm useless here, may dahilan si Eliza kung bakit
isinama niya 'ko sa grupo na 'to. She leave riddles na ako lang 'ata ang
nakapansin, Finnix and the others won't mind because they trust Eliza's plan,
pero...hindi sa sinasabi ko na wala akong tiwala kay Eliza, it's just that...

"Jill!" naramdaman ko na lang ang malakas na pagtulak ni Finnix, kasabay ng


pagkasalampak ko sa damuhan nakita kong natamaan siya ng bala.

"Finnix!" then he threw fire to the Sentinels behind us, "Finnix your arm-"

"I'm fine! Daplis lang 'to!" pagkatapos ay tinulungan niya 'kong tumayo at
binilinan na huwag aalis sa likuran niya kahit anong mangyari.

Damn, I can't just stand behind his back, kailangang may gawin din ako para
makatulong sa kanila...at iyon nga ay hanapin ang mga sagot sa mga palaisipang
binitiwan ni Eliza.

"Hindi sa lahat ng pagkakataon ibibigay sa'yo ang sagot, Morie." Right. My purpose
here is to decipher the real plan. Tatakbo na ko palayo sa kanila nang tawagin ako
ni Finnix.

"Saan ka pupunta, Jill?!"

"Finnix." Huminga ako ng malalim, "I need to do something. I can protect myself,
don't worry." I don't know where it comes from, ayoko lang naman na masyado silang
nag-aalala para sa buhay ko, kaya ko ring protektahan ang sarili ko at pati na rin
sila.

"Jill! Masyadong mapanganib pag humiwalay ka sa'min ngayon. Ano bang iniisip mo?!"
sabi niya habang patuloy sa pakikipaglaban, "Nahihibang ka na ba? Paano mo
mapoprotektahan ang sarili mo?!"

"Fuck shit! May ammo sila!" si Vince, tumatakbo sa direksyon namin, nagulat ako
nang bigla 'yong pumutok na parang bula, isa lang pala sa clones niya.

"Finnix." Buo na yung desisyon ko, "I'm sorry. I just need to figure things out."
Pagkasabi ko'y hindi ko na pinakinggan yung sunud-sunod na pagtawag nila ni Pascal
sa pangalan ko. Dirediretso lang akong tumakbo, hinahawi ang puting usok na unti-
unti nang humuhupa at numinipis.

Ngayon lang ako tumakbo ng ganito kabilis sa tanang ng buhay ko, my legs
automatically leads me somewhere and I can feel my entire system.... The gunshots
are everywhere and it's dreadful-it's too late to be scared anyway. Running in the
middle of ceasefires is not really cool at all, one shot and you're good as dead
meat.

Tumigil ako sa pagtakbo nang makita ko ten meters away ang isang Sentinel, may
hawak-hawak itong revolver at nakatutok iyon sa'kin. I just stared at him, as I
deepen my gaze; I suddenly remember some incident way back at my homeroom.
Napangisi ako nang naalala ko na minsan kong matitigan ng ilang segundo ang mga
mata ng isa sa mga nambully sa'kin noong panahong napunta ako sa rank forty. Binato
ako noon ni Ayton ng bola habang nakatalikod pero naiwasan ko yon.

And this is pretty much the same this time.

He pulled the trigger and it feels like everything slows up. I saw the few seconds
of the future in his eyes, the speed, time, velocity and acceleration of the
bullet; I predicted it already that's why I easily avoided it. Halos malaglag sa
sahig yung panga niya nang makitang naiwasan ko 'yon, pero hindi pa nagtatapos
doon, nakita ko rin sa mga mata niya may susunggab mula sa likuran ko. Ang mga
sumunod na pangyayari ay lubos kong hindi inaasahan, bago ako masunggaban ng isa
pang Sentinels ay kaagad akong pumaikot para maiwasan ito, nakarinig ulit ako ng
putok ng baril papunta sa direksyon ko kaya kaagad kong ipinantabla yung Sentinel
na sumubok na sumunggab sa'kin.

T-this is what I saw in future a while ago. At katulad nang nakita ko, dinampot ko
yung baril nitong Sentinel na hawak ko na wala ng buhay, atsaka pinaputok ang bala
papunta sa kalaban, bumagsak ito sa lupa at hindi ako nag-aksaya ng oras, tumakbo
ako muli hanggang sa marating ko yung building ng elemental department.

Dirediretso akong umakyat sa hagdanan at humanap ng silid. Pagkapasok ko sa loob ng


isang lab room, biglang nanlambot yung dalawang binti ko. Napaupo ako sa sahig
atsaka ko lang napagtanto kung anong ginawa ko...

I...I just...I just killed....

Hindi ako makapaniwala na nagawa ko 'yon...Pero iyon yung nakita ko sa mga mata
nung Sentinel, without realizing mabilis na gumalaw yung katawan ko. This is the
first time...that...that I murdered someone. Kung hindi ko 'yon nagawa...ako ang
namatay. But still... I already dirtied my hands.

Nanginginig yung buo kong katawan at parang nahihirapan akong makahinga. If I


continue like this, walang mangyayari, Finnix and the others will die out there. I
need to get myself together.

"We are counting on you, Morie."

Pumunta ko rito para makapagisip ng mabuti tungkol sa mga sinabi ni Eliza. Pinilit
kong huminga ng maayos at ibalik sa kundisyon ang bilis ng tibok ng puso ko. Come
on Jill, I can't let fear conquer me again.

"Kailangan mapalabas niyo na sa South kayo pupunta, pero ang totoo sa North ang
target exit niyo."

We all know na ang pinakamahigpit na gate security ay nasa North. Sinabi lang ni
Eliza na lilituhin namin sila through the use of Vince's clones para makalusot kami
papuntang Northern gate. Honestly, noong narinig ko yon, I found it lame. Una sa
lahat, Eliza has enhanced senses that's why I assumed na alam niya na maraming
Sentinels ang nag-aabang sa amin sa itaas, pangalawa, alam niya rin kaagad na si
Cairo-wait-si Cairo...

"Morie, you know the deputy headmaster well...his power...sa'yo nakataya ang laro,
Morie. And I need you to remember this...'deceive the heavens to cross the ocean'"

Oh my god.

How oblivious we were! Gusto kong pukpokin yung ulo ko dahil ngayon ko lang
narealize. Nakuha ko na. Nakuha ko na lahat ng punto niya. Cairo is a telepath;
basically he can read everyone's minds. The moment that we step at the grounds, I
am one hundred percent sure that he already read what's going on inside our heads,
he already knew that we're going to trick them, and that truth that we're going to
North instead of South. It's pointless to fight out there because they won't let us
advance towards the main gate.

At hindi lang nagtatapos ang lahat diyan. In order to deceive Cairo, Eliza needed
to trick us first. Ang totoong objective namin ay sa South! If Cairo had already
known na sa North kami papunta, lahat ng forces ng tauhan niya ay nandoon, kaya
naman malaki ang chances namin sa South dahil walang masyadong defense na
manggagaling doon if ever na malaman man ni Cairo na sa South talaga ang target
namin it will be too late for him to attack us.

"Believe me...I'm lying."

Eliza's one of a hell badass genius.

She put a lot of pressure upon us para hindi kami makakontra sa sinabi niyang plano
at para hindi ganon makapagconcentrate sa pag-iisip sila Finnix. How could she put
this much trust upon me? I can't imagine. Again, isinaalalay niya na naman sa mga
kamay ko ang mga buhay nila.

Teka. May isa pa siyang sinabi kanina.

"Kung may mangyari mang masama, tumingin lang kayo sa main building ng MIP..."

What does she mean by 'mangyaring masama'? Is she referring to what happening now?
Anong meron sa main building ng MIP?

Hindi kaya...nandoon siya? Pero... she's with Ate Karen and with the HGPs.

"Jill!" nagulat ako nang makita ko yung sarili ko sa pintuan. Muntikan ko ng


makalimutan na gawa lang din yon ni Vicente. Kamukang kamuka ko yung clone at
kaboses. "Anong ginagawa mo dyan?!" Kaagad akong tumayo nang lumapit siya sa
kinaroroonan ko, "Mabuti na lang at pinasundan ka sa'kin nila Finnix, mamataymatay
sila sa pag-aalala sa'yo!"

"Kailangan kong pumunta sa main building ng MIP."

"What?! Hindi mo ba alam kung gaano kadelikado pag lumabas ka na naman sa grounds
at magtatakbo sa gitna?!"

"Vince-"

"I am your clone, don't call me Vince."

"Whatever, si Vince pa rin ang kumukuntrol sa inyo." Nagpatuloy ako kahit na di ko


maiwasan na parang nananalamin lang ako, "Alam ko na yung totoo."

"Yung totoo?"

"Baligtad yung plano. Sa South tayo papunta."

"A-anong―"

"Kailangan masabihan na natin sila Finnix, wala silang mapapala kapag dumiretso
sila papuntang North, mas malaking pwersa ang naghihintay don."

"Teka, Jill!" kaagad kaming lumabas ng silid na yon at tumatakbo.

"You, ikaw na ang magsabi sa kanila dahil kailangan kong pumunta ng main building,
paikot lang naman tong building around the grounds, I'll find a way here papuntang
main."

"Sige!"

Sabay kaming tumakbo sa hallway, nasa second floor na kami nang biglang pumutok na
parang bula yung clone ko,napalingon ako at nakita ang dalawang Sentinels. Shit.
Wala akong ibang choice kundi harapin na naman sila.

Pero mabilis akong tumakbo sa hallway, hinahabol nila 'kong dalawa, lumiko ako sa
kanan at huminto. Saktong may fire extinguisher, kinuha ko 'yon at inabangan sila.
Nang dumaa'y mabilis kong inihampas sa isa yung hawak ko, bumagsak ito sa sahig.
Humugot nang baril yung isa pero mabilis kong nasipa yung kamay niya kaya tumalsik
yung hawak niyang baril. Nagulat ako sa ginawa ko, parang natural lang na
nagrereact yung katawan ko sa nangyayari.

I didn't realize that I raised my fists, like a boxer who's insisting a fight. The
Sentinel smirked and copied me, it's like he accepted my challenge of brawling.
Just what the hell I am doing, I'm supposed to be running away because hell I don't
even know how to fight! Tsamba lang yung kanina. It's too late to run now.

He swung a punch but I bent backwards and felt his knuckles swish past my nose. He
attacked again but I found myself dodging and for some unknown reasons, hindi ko
alam kung paano ko nagagawa 'to. Nawala ako sa konsentrasyon kaya natamaan ako ng
suntok dahilan para mapaupo ako sa sahig. Hindi kaagad ako nakabawi nang itinayo
niya ko at hinampas sa pader. I grunted because of the pain, he then wrapped his
hands around my throat but I struggled, sinusubukan kong magpumiglas hanggang sa
sinipa ko siya, he loosened his hands on my neck and without pausing I managed to
kick him again in his chest dahilan para mapaatras siya, I grabbed his shoulder
then I elbowed him in his face. I saw blood dripping down in his nose.

The strength...where is it all coming?

And before he attack again, I threw a round-kick at his head. Bumagsak ito sa
sahig, wala ng malay. I let out a sigh. Tiningnan ko yung dalawang kamay ko,
iniisip ko kung anong nangyayari sa sistema ko.

Naramdaman kong may gumagapang at nakita kong inaabot nung Sentinel na hinampas ko
ng fire extinguisher yung baril na tumalsik kanina. Tinapakan ko yung kamay niya at
pinulot ko yung baril na kukuhanin niya.

"Ayun!" napalingon ako sa mga boses na narinig ko, at nakita kong papatakbo sa
kinaroroonan ko ang mas marami pang Sentinels na hindi ko alam kung saan
nanggaling. Kaagad akong tumakbo papuntang hagdanan at bumaba ako sa first floor.
Kailangan kong makapunta ng main building kahit anong mangyari.
Pero mas maraming Sentinel ang nadatnan ko ron, hindi ko na sila makakayanang
makalaban isa-isa katulad nang ginawa ko kanina.

"Hoy!" napatingin ako sa entrance at nakita ang sangkatutak ng clones ko. Lumapit
yung isa sa'kin at sinabing, "Kaming bahala, lilituhin namin sila, pumunta ka na sa
dapat mong puntahan." Sabi nito. Hindi na ko nagtanong at walang pasubali'y kaagad
akong tumakbo, kumilos din yung Sentinels kasabay nito ang pagkilos ng mga clones,
naghiwa-hiwalay ng direksyon kaya naman nahati sa maraming grupo yung Sentinels.
Tumakbo ako pabalik sa grounds ng walang nakakapansin, isang malaking pasasalamat
sa mga clones ni Vince. Bumalik ako sa pwesto nila Finnix, hanggang ngayon pala
hindi pa rin sila nakaka-advance dahil sa dami ng umaatake sa kanila.

"Jill! Saan ka galing?!" galit na tanong ni Finnix.

"Vince?" nakita ko si Vince na nakaluhod habang may iniindang sakit, "Anong


nangyari sa'yo?" nakita kong may dugo yung damit niya kaya nagsimula akong mabahala
para sakanya.

"Wala to, konting tama lang." nakuha pa niyang mag-ok sign.

"Are you sure?"

"Yeah." Tumayo siya at muling pinuwesto ang sarili.

"Alam mo ba kung nasaan si Cairo?" tanong ko.

"Hindi na siya nakita ng mga clones ko kahit saan." Right, posibleng nasa North na
siya at doon nag-aabang, mukhang tama nga ang conclusion ko tungkol sa plano.

"Guys. I want you to know about the real plan."

"Real plan?"

"We're going to South."

"South?! But my sister said―"

"Please! We don't have much time, kaya hindi ko muna mapapaliwanag. It's part of
Eliza's plan too, ito yung totoo, sa South tayo pupunta. Okay?!" sabi ko sa kanila
habang tuloy lang sila sa ginagawa nila, "Vince, use your clones to advance towards
North para hindi nila mahalata na papunta tayong South. Guys, kailangan niyo ng
magretreat papuntang South. Pupunta lang ako sa main building."

"Pero―"

"No more buts and questions!" sabi ko atsaka tumakbo ako ulit papunta sa katapat ng
elemental department, hindi ko alam kung anong tawag sa building na 'to pero alam
kong may daan dito papuntang main.

Napalingon ako at nakitang sumusunod sa'kin yung mga clones ko. Bumulong ako ng
pasasalamat para kay Vince dahil hindi niya pa rin nakalimutan na wag akong
pabayaang mag-isa.

"Hi, Jill. My name's Jill." Sabi nung isang clone ko habang tumatakbo kasabay ko.
Ngumiti lang ako at napailing, tsk, Vince, hinahawaan niya pa rin ng kalokohan yung
mga clones niya.

May makakasalubong na naman kaming grupo ng Sentinels, "Alam mo na, Jill." Sabi
nung isa pang clone sa'kin. Naghiwa-hiwalay kami ng direksyon para lituhin ulit
sila, at muka namang nagtagumpay kami dahil nakalusot akong mag-isa nang walang
humahabol sa'kin.

Nakarinig ako ng ilang paputok ng mga baril pero nagpatuloy lang ako sa pagtakbo,
kapag naubos sila tiyak kong malalaman nila na naisahan ko sila.

Nakalabas na 'ko ng building na 'yon, at natatanaw ko na yung pinaka main building


ng MIP. Biglang may tunog ng pagsabog na mula sa kung saan, lumingon ako at inalala
sila Finnix na naiwan, sana kaagad na silang kumilos papuntang South. Sana.

Nang makapasok ako sa lobby, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi man malinaw
sa sarili ko ang rason kung bakit ako pumunta rito...pero malakas ang pakiramdam ko
na tama ang naging desisyon ko. Pumunta ako sa kanang bahagi at nadaanan ko yung
mga portraits ng mga naging chairman ng MIP, mula sa pinakakauna-unahan hanggang
ngayon sa kasalukuyan.

Vittorio Hermoso IV, the current chairman of Mnemosyne Institute. The distinct aura
of his might, power and wealth as I stared at his portrait was felt. I don't know
why but hate is the sure thing I do have for him right now. Malaki ang pananagutan
niya sa lahat ng 'to at malaki rin ang dapat niyang pagbayaran.

Nagpatuloy ako hanggang sa mamalayan ko na lang yung sarili ko na nasa harapan ng


headmistress office. Subconsciously akong dinala ng mga paa ko rito...hanggang sa
bigla kong naalala, nang minsang nanggaling ako sa pakikipag-usap kay Dr.Irvin,
sinundo ako ni Cairo at dumaan kami sa shortcut ng Beehive papunta rito. Right, may
underground elevator sa office of the headmistress.

Walang pasubaling pumasok ako sa loob nito at tumambad sa'kin si Eliza na nakaupo
sa swivel chair ni Margaux.

"You're just in time." Sabi nito at pagkatapos ay mabagal na pumalakpak, "I knew
you could made it."

"Eliza." Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman ngayon, "How could you?"

"There's no other way. I am glad that you're here now." Sabi niya atsaka tumayo.
"Let's go." Sabay kaming lumabas ng office na 'yon kahit na naguguluhan pa rin ako.

"Nasaan na sila? Narating niyo ba yung safety exit?" nag-uusap kami habang
naglalakad kahit na hindi ko alam kung saan kami papunta, sinusundan ko lang si
Eliza.

"No."

"What?"

"Hindi kami sa safety exit pumunta. Alam mo na nabasa na ng deputy headmaster na


doon kami papunta." Right, if Cairo knew it in the first place ipapadala niya
kaagad yung mga tauhan niya, "Sa underground sewer kami dumaan."

"You mean, sanitary sewer?" hindi ko makapaniwalang sabi,

"Yes, from underground sewer to sea shore." Mukang kabisadong kabisado nga ni Eliza
yung MIP kahit na nakulong siya ng anim na taon sa Bastille.

"Sea shore?" kung saan binabagsak lahat ng wastes, storm water at kung anu ano pa.
Ibig sabihin nasa pinakalabas na ng matataas na pader yung mga HGP kasama sila
Baldo?
"Mabuti naman silang lahat don. Heavy duty vehicles are needed there so that we can
escape from here."

"And where can we find it?"

"Sa South." Medyo napanatag ako ng kaunti, "My, my, Morie, nakalimutan mo na ata
ang pinakahuli nating goal." Tsaka ko lang naalala matapos niyang sabihin yon.
Irerescue namin si Jing, Cloud...at Morris. "Dyan pa lang sa mission na yan
mahahalata mo na kaagad na sa South talaga ang objective natin, I can't blame the
others dahil masyadong occupied ang isip nila. But certainly you, Morie, alam kong
mapapaisip ka sa mga sinabi ko."

"Honestly, I don't know if I'm going to hate you or not for making me do such
things." She just chuckled.

"It's fine to hate me." Sumulyap siya sa'kin, "I'm used to it." Magsasalita pa sana
ko pero inunahan niya ko, "Anyway, yung narinig mong pagsabog kanina galing yon sa
safety exit, nagset-up kami ng ilang patibong para sa mga Sentinels na ipapadala ni
Cairo doon." Awed by what she said, gusto ko sanang sabihin na she's a badass
genius.

Naglalakad kami palabas ng lobby nang magsalita ulit si Eliza, "Fifteen meters."

"Huh?" maang kong tanong.

"Fifteen meters, it's the deputy headmaster."

Lumabas kami ng lobby, sa pinakaentrance ng main building ng MIP, natanaw namin si


Cairo na naglalakad papalapit sa amin, huminto kami ni Eliza, natanaw din namin ang
ilang Sentinels na nasa likuran niya.

"Bravo." Sabi nito, pero hindi katulad ng kanina, may bakas ng inis ang kalmadong
tinig, "I can't believe that you deceived me."

He's going to read our minds! Napatingin ako kay Eliza, magtatanong ng susunod na
gagawin, pero walang anu-ano ay bigla niya kong niyakap.

"What, Eliza―"

"Kumapit kang mabuti sa'kin." Bago pa ko makapagsalita nakaramdam ako ng mabilis na


parang kidlat, sa isang kisap, bumitaw si Eliza, bumagsak ako sa lupa, dina-digest
ang mga nangyari.

"Okay ka lang?" nag-angat ako ng tingin at nakita siya.

"Dean!" so it was him, kaya ako niyakap ni Eliza kasi...

"How's the trip? Nahilo ba kayo?" tanong nito.

"Oo." Si Eliza nakita kong sapo ang sentido. Pakiramdam ko parang bumaligtad yung
sikmura ko, para kong maduduwal, nadaig pa yung roller coaster rides sa mga
amusement park. Kaagad akong tumayo atsaka napansin kung nasaang lugar kami.

"Where are we?"

"Nasa likuran tayo ng Sanctus." Sagot ni Eliza.

"Pero si Cairo-"
"Don't worry, I assure you, bago pa man niya mabasa yung isip natin naagapan ni
Dean." Pero hindi ko na napigilan at naduwal ako sa damuhan.

"Yikes." Gusto kong suntukin si Dean kung di lang dahil sa magandang dulot ng
ginawa niya.

Pagkatapos kong sumuka, nakita ko sila Finnix, Pascal, Otis at Vince na


nakasalampak din sa damuhan, at kagaya ko mukhang dumuwal din sila.

"Pati sila?"

"Oo, sabi ni Eliza eh. Ang bagal kasi nila kaya isa-isa ko silang dinala rito."
Sagot ni Dean.

"Wow, kasalanan pa namin na mabagal kami, ikaw kaya makipagbakbakan don?" si Vince
na napipikon.

"Sorry, sorry na." natatawang sabi ni Dean.

"Hindi ko nasabi sa'yo kanina, Morie, kasama ko si Dean na umakyat dito, pati pala
yung kapatid mo." Pagkasabi ni Eliza'y umakbay sa'kin si Dean at bumulong.

"Sorry kung nayakap ko rin yung ate mo." He said while grinning, tsaka ko siya
siniko sa sikmura, napaluhod si Dean at tinawanan siya nila Vince. Pagkatapos
hinanap ng mga mata ko si Ate Karen, nakita ko siya di kalayuan, pagkakita niya
sa'kin ay kaagad siyang lumapit tsaka yumakap.

"Are you hurt?" tanong niya, umiling ako.

"Ako dapat yung tanungin mo kung nasaktan ako sa ginawa ng kapatid mo." I glared at
Dean.

"Now." Napatingin kaming lahat kay Eliza, "No more time to waste. Nandito na tayo
sa Sanctus. Cairo knew na nandito na tayo sa South, so magpapadala na siya ng
reinforcements dito as soon as possible to catch us, the good news is, hindi niya
alam na sa shore na yung mga HGPs outside these walls."

Eliza discussed the next plan. Dean was assigned to take a large vehicle from the
parking space near Sanctus para dalhin sa shore kung nasaan ang mga HGP. Otis,
Vince, Pascal, will take down the Southern gate's security, sisirain din nila using
Otis' strength yung gate. While me, my sister, Eliza and Finnix will go inside para
sa misyong itakas sila Jing.

Forty minutes is the estimated time limit. Bago pa makarating sila Cairo dito
kailangang makaalis na kami or else...kailangan naming iwanan sila Cloud kung
sakaling hindi namin kakayaning humabol sa oras o pare-pareho kaming mahuhuli.

Kumilos na sila Dean at nawala na sila sa paningin namin. May alam na secret door
si Eliza sa likuran ng Sanctus kaya kami nandito, kinakapa niya yung batong pader
hanggang sa maramdaman niya ng bumukas ang lihim na pinto. Matagumpay kaming
nakapasok doon at natuklasang isang lumang chamber ito. Mayroong gamot na nakuha si
Eliza sa bag ni Dean na naggaling kanina sa Beehive, isang anti-dote sa Helexia. At
kailangan naming maturukan si Jing para makabalik siya sa sarili.

Kasalukuyang nagkakaroon ng meeting lahat ng Peculiar student at staffs sa


pangunguna ni Margaux sa amphitheatre kaya ang inisip na plano ni Eliza...

"Finnix will start a fire."


"Ano?" nagulat kami pare-pareho, nag-iba ang timpla ng mukha ni Finnix, hindi
gulat, kundi takot.

"We don't have any other choice, marami sila at iba't ibang klase ng mga Peculiars,
we cannot fight them all."

"But that's too dangerous." Sabi naman ng ate ko, kontra sa iniisip na plano ni
Eliza. "Maaaring mapahamak ang mga inosente at walang kinalaman dito."

"They're all Margaux's pets anyway, they already dirtied their hands-"

"No. They're just a victim, just like us. We can't just stake their lives here,
they're also human beings."

"H-h-hindi ko kayang gawin yon." Nagsalita si Finnix, parang maiiyak. "H-hindi


ko...kaya." Sa tingin ko merong masamang alaala si Finnix. He can't commit arson
because of some painful past, I can clearly feel and see it in his eyes...

Eliza's plan is rational; spreading a fire is the only way para madistract silang
lahat at makapagfocus kami sa misyong iligtas sila Cloud, Jing at Morris. But my
sister, Karen, is right, wala na rin kaming pagkakaiba kila Margaux kung gagawin
namin yung plano na sunugin ang Sanctus.

"I-"

"Hanggang dito na lang kayo." Naputol ang sasabihin ko nang may boses na dumating.
Sabay-sabay kaming napatingin doon at nakita si Magnus. "I got a call from Lord
Cairo, and he ordered me to stop you at any cost..." He grinned devilishly and he
begin to cast his spell...

His power of illusion.

(...itutuloy)
Author's note:

And....tsaran! Thank you ulit sa mga sumagot sa tanong last update! *clapclapclap
para sa inyo, ang galing! :D

Ngayon...The question is... about Eliza's current plan: Ang sunugin ang Sanctus, do
you think okay lang talaga yon para maaccomplish yung plano nila? But Miss Karen
said na they're human too at maaaring mamatay sila. What do you think? (pero bago
yon, kailangan muna nilang harapin si Magnus babes)

Ayan, THANK YOU ULIT SA PAGBABASA NG TPT, AT SA PAGKOCOMMENT. MABUHAY KAYONG LAHAT.

GOD BLESS!

ps. Kindly check the multimedia, the OST I got is so epic, ininspire ako ng BGM na
yan sa chapter na to, esp sa action scenes ni Morie. Pwew! And...the picture! The
Macaraig twins, Eliza and Vicente's FC, Emma and Alex Watson :))

/64/ We are Peculiars


/64/ We are Peculiars

Sa pagmulat ko ng mga mata, namalayan ko yung sarili ko na nakatayo sa loob ng


isang itim na silid. Nasaan ako? Ang unang tanong na rumehistro sa isip ko.
Sinubukan kong maglakad para tukuyin kung anong klaseng lugar 'to, sa sobrang
tahimik ng paligid ay tanging mga yabag ko lang ang maririnig.
"Jill!" napaigtad ako sa narinig ko, isang boses at pagkatapos ay biglang dumami,
"Jill!" boses ng mga humihingi ng tulong. Sa pagkakataong 'to ay na 'ko upang
hanapin ang pinanggalingan ng boses, "Jill!" ngunit tila walang katapusan ang
kadilimang tinatahak ko, palakas ng palakas ang alingawngaw ng mga boses. Bumilis
bigla ang tibok ng puso ko at tumatagaktak ang pawis sa noo.
Napahinto ako at natulala bigla, parang nanigas ang buong katawan, pakiramdam ko
binuhusan ako ng malamig na tubig. May mga poste...at bawat poste ay may mga taong
nakagapos. S-sila Aya... ang mga kaibigan ko. Nakapiring ang mga mata nila habang
humihingi ng saklolo sa'kin. Kailangan ko silang iligtas. Ang una kong naisip.
Pero kikilos pa lang ako para lumapit sa kanila nang may mga kadena na pumulupot sa
mga binti ko na naggaling sa sahig. Kahit anong piglas ko ay hindi ako makawala.
Maya-maya'y may lumabas na isang tao na nakaitim na balabal. Nagimbal ako sa
sumunod nitong gumawa, humugot ng baril, ikinasa. Tila sinandya pa nito na tumingin
sa direksyon ko habang naririnig ko ang palahaw ng mga kaibigan ko. Isa-isa nitong
pinagbabaril sa puso ang mga nakagapos,, walang awang sunud-sunod nitong kinitil
ang buhay nila. Gusto kong sumigaw dahil sa sakit pero walang lumalabas na tinig
mula sa lalamunan ko.
Kasabay ng pag-agos ng luha sa mga pisngi ko ang pag-agos ng mga sariwang dugo sa
sahig, papunta sa direksyon ko, hanggang sa natatapakan ko na ang tila lawa ng
dugo. Nagpupumiglas ako pero sa huli'y napasalampak ako sa sahig, kaagad akong
lumuhod at tiningnan ang mga kamay kong punum puno ng dugo.
Kagimbal-gimbal, damang-dama ko ang kalaputan nito at malansang amoy. Nanginginig,
nanlalamig, parang mauubusan ako ng hininga. Haharapin ko pa lang muli ang taong
itim na balabal nang bumukas ang sahig at mula roo'y umahon ang pa ang apat na mga
poste at may nakagapos mula roon. S-sila Ate Karen, si Cloud, si Jing at Morris.
Mga nakabusal at walang malay. Nanlaki yung mga mata ko nang maglabas ng isang
mahabang espada ang taong nakabalabal, mas lalong naghuhumiyaw ang puso ko nang
mapagtanto ko kung anong gagawin niya nang pumwesto siya sa gilid ng mga 'to at
itinaas sa ere ang espada na biglang humaba, pagkabagsak ng mga braso'y sabay-sabay
gumulong sa sahig ang mga ulo nila.
Katulad ng pagsigaw ay kahit pagpikit ay hindi ko magawa, tumigil ang daloy ng mga
luha sa pisngi ko at nanginginig sa takot ang buo kong katawan. Punum puno ng takot
at walang ibang magawa.
Namalayan ko na lang na nasa harapan ko na ang taong nakabalabal, ni wala man lang
bakas ng dugo ang damit, dahan-dahan niyang tinanggal ang balabal na nasa ulo at
nakita...ang sarili ko, nakangisi na parang isang demonyo.
Sinalubong ko ng tingin ang sarili ko.
"Nakita mo hindi ba?" nagsalita ito nang hindi bumubuka ang bibig, umaalingawngaw
sa buong paligid "Lahat ng taong malalapit sa'yo-mamamatay."
Napagtanto ko bigla na... I am even scared in myself.
"Dahil sa'yo...mamamatay silang lahat."
"Hindi!" I gather all my strength to stand-up,buong lakas kumawala ako sa mga
kadenang nakapulupot sa mga binti ko. "H-hindi totoo ang lahat ng 'to." Tama.
Hindi 'to totoo. Ilusyon lamang ang lahat ng nangyayari, kailangan kong magising.
In order to do that...kailangan harapin ko ang sarili ko. Kailangan kong harapin
lahat ng takot, mga posibilidad na ikapapahamak ng iba para lang sa kapakanan ko.
I'm so tired of being afraid...and hopelessly losing.
At ngayon, kaharap ko ang sarili ko, ang mismong nagpapahirap sa'kin sa loob ng
mahabang panahon. This illusion...I have to break from it...but how?
'Ilusyon lang din ang pangontra sa ilusyon.' At parang bumulong sa tainga ko ang
minsang sinabi ni Cecilia.
Lucidity.
Pinikit ko ang mga mata ko at nagkonsentra, inisip ko na may lumabas na sandata sa
mga kamay ko...at pagmulat ko nakita ko na lang ang espada na hawak-hawak ng kamay
ko. Kitang-kita ko yung repleksyon ko sa espada.
Hinawakan ko yon ng dalawang kamay atsaka itinarak ang esapada-sa sarili ko.

"P-paanong?!" reality hits me, nakita ko si Magnus na hindi makapaniwala dahil sa


di umano'y nagawa kong pagtakas sa nakamamatay niyang ilusyon. Tsaka ko naalala ang
baril na inipit ko sa pagitan ng bewang at pantalon ko, hinugot ko yon atsaka
binaril si Magnus. Napa-upo siya sa sahig habang hindi pa rin maipinta ang mukha.
"Itigil mo na ang kahibangan na 'to, Magnus. Padaanin mo kami kung ayaw mong ibaon
ko lahat sa'yo ng bala na natitira rito." Heartlessly, tinutok ko sa kanya yung
baril at napakunot ang noo ko nang bigla siyang tumawa.
"I can't believe it; you managed to escape from my nightmare." Sabi nito, "Pwede ka
ng mauna, Jill Morie, iwanan mo na sila." Tsaka ako tumingin sa mga kasama ko, si
Eliza na nakatayo lang habang nakatulala sa kawalan, wala sa sarili, si Finnix na
nakahandusay habang nakatakip ang braso sa ulo na parang takut na takot, at si Ate
Karen na napaupo sa sahig habang tulala lang din. Lahat sila nasa ilalim pa rin ng
bangungot na ilusyon ni Magnus. "Anong gagawin mo ngayon, hah!"
"Let them go!" itinutok ko ulit sa kanya yung baril na hawak ko, "Bibilang ako
hanggang tatlo at hindi ako magdadalawang isip-"
"Patayin mo ko!" tumawa ulit si Magnus na mas lalong ikinagalit ko, "Nang mahulog
sila sa habambuhay na bangungot! Ha!-" pinatamaan ko ulit siya ng bala, at sa
pagkakataong to tuluyan siyang bumulagta sa sahig, naririnig ko pa rin na
nagsasalita siya, buhay pa siya.
"Eliza!" kaagad kong tinapik-tapik si Eliza, pero hindi siya natitinag. Dinaluhan
ko si Ate at niyugyog ang balikat niya, pero katulad ni Eliza wala rin siyang
reaksyon.
"S-sabi ko...naman...sa'yo..J-jill Morie." Napatingin ulit ako sa kinaroroonan ni
Magnus, pilit na bumabangon, "k-kahit patayin mo k-ko...hindi na sila m-magigising
pa..."
"Why don't you just let us go?!" sigaw ko sa kanya, umaasa na matatauhan siya at
hahayaan kaming makatakas at magpatuloy sa mga plano namin.
"I...I...dedicated my l-life...serving...in this institution." Pero mukhang
imposible dahil kahit 'ata sa hanggang sa huling hininga niya ay hindi siya susuway
sa Memoire. "K-kaya asa ka, Jill," nakuha pa nitong tumawa, "Asa ka na hahayaan ko
kayong makatakas. L-lord Cairo will be here soon."
Damn. I have no choice, kailangan ko silang matulungan or else maaabutan kami ni
Cairo. Pero paano ko sila matutulungan? I am sure that they're also dwelling in
their inner fears, kaya ako nakatakas sa ilusyon ni Magnus kanina ay dahil
nalabanan ko yung takot sa sarili ko. Hindi sila bibitawan ni Magnus hangga't hindi
dumadating si Cairo. Hindi ko rin naman sila pwedeng iwanan dito.
Isang bagay lang ang pumasok sa isip ko na maaaring makatulong sa kanila...Katulad
nang ginawa ko kanina. Because of lucidity, I am able to think clearly and became
aware of the illusion, that's why...I am going to do lucid dreaming. Hindi ako
literal na matutulog, I just need to focus and meditate para makatalon ako sa mga
bangungot nila, I must wake them up.
Umupo rin ako sa sahig. Pumikit ako pagkatapos huminga ng malalim. I don't know how
exactly to do this but it might work.
"Ano ng balak mo, Jill. Haha."
"Shut up."
"Concentrating huh."
"I said, shut up!"
Binalewala ko yung mga sinasabi ni Magnus, I let out a sigh and focused harder. I
imagined myself, waking up inside their dreams. Naramdaman ko na lang na parang
lumulutang yung katawan ko, wala akong marinig hanggang sa dinilat ko yung mga mata
ko. Nasusunog ang buong paligid, may mga bahay na unti-unti natutupok, mga
humihingi at sumisigaw ng saklolo.
This is Finnix's nightmare.
Nakita ko siya nakahiga sa damuhan habang tinatakpan ang mukha, nanginginig. Kaagad
ko siyang dinaluhan.
"Finnix," tawag ko, "Finnix!" pero hindi siya natitinag, nanginginig lang siya sa
takot.
"K-kasalanan ko...K-kasalanan ko..." paulit-ulit niyang sambit.
Kinuwelyuhan ko siya at pilit na binangon, nagulat nang bigla akong makita.
"Listen, we don't have much time for this shit, Finnix, overcome this fear because
this is just a dream! Wake up!" biglang naging blangko ang paligid. That was fast,
dahil bigla akong napunta sa kabilang panaginip. Nakita ko si Eliza, nakatayo lang
at nakatulala. Hindi ko alam kung anong lugar 'to pero may malawak na dagat, nasa
dalampasigan kami, lumapit ako sa kanya.
"Eliza." Tawag ko sa kanya. Tumingin naman siya sa'kin, catatonic. I don't know
what's this, hindi 'to bangungot, everything's in peace unlike mine and Finnix's.
"Morie?" bakas ang surpresa sa tinig, "What are you doing here?"
"This is nightmare, Eliza. You need to wake up."
"I can't."
"Why?"
"I don't know, the sea...is hypnotizing me."
"Where's your brain, Eliza? You need to wake up." Mukang hindi pa rin siya
kumbinsido, "Naghihintay sila Vicente," after hearing that name her face lightened
na nagbigay pag-asa sa'kin.
"V-vicente?"
"Yes, your brother. Pati na rin sila Palm at Dean, naghihintay sila.", sabi ko,
"Tatatakas tayo ng Mnemosyne Institute, we need you, Eliza, we can't go on without
you."
"What should I do?" she innocently asked.
Muka talagang nasa ilalim siya ng panaginip, it's barely real for her, "You must
wake up." Inemphasize ko yung salitang wake up para maintindihan niya.
"Wake up? How?"
Huminga muna ng malalim bago magsalita, "Think of it, this is bizarre, surreal.
Just...just think, for heaven's sake, wake up!" bigla ulit nagdilim katulad kanina.
I don't know if this is working, ang mahalaga nagagawa kong makapasok sa mga
panaginip nila even though I don't know how exactly I done it-meditating to lucid
dreaming.
The next thing I saw, sa isang picnic grove. Si Ate Karen tinatanaw di kalayuan ang
mag-ama, si Cairo at ang anak nila na masayang naglalaro. Bakas din sa mukha niya
ang kuntentong kaligayahan. Kaagad ko siyang nilapitan, "Ate-"
"Jill." Not even surprised, she offered me to sit down and relax. This is bad,
mahihirapan akong gisingin siya. This is not a nightmare; this is what my sister's
utmost desire, to be with her family. Magnus surely knew how to put a death trap
well.
"Ate, you need to wake up. This is not real, this is-"
"Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon, Jill." It felt like...my heart's
broken. I hate to see her the way like this...desperately clinging into an
illusion... This way she's happy, kahit na hindi totoo, she knew inside her heart
but eventually denied and believed that this is real, refused to accept the reality
that she won't see her daughter ever.
Ang sakit. Ang sakit-sakit para sa kalagayan niya.
"Hindi ko maiintindihan kung gaano kasakit pero...hindi totoo ang lahat ng 'to.
Alam kong alam mo, Ate Karen." Sabi ko, nakatingin ng diretso sa mga mata niya.
"Wake up."
"No!" she scowled, "I'm staying."
"You know you can't stay. Wala kang ibang choice, kundi gumising." Sabi ko, "All of
us hated waking up in reality, because it sucks, right?" Hinawakan ko siya sa
kamay, "Let's go back." She shed a tear, sign na natatauhan na siya, "No matter how
cruel life is, we must live." It went all blank again.

"Hindi!" boses ni Magnus ang nagpabalik sa sarili ko. Nakita ko siya,


nanggagalaiti, hindi makapaniwala? "P-paano mo n-nagawa?!" tumingin ako sa mga
kasama ko, si Finnix nakatayo na ulit siya, ganon din si Ate Karen, si Eliza,
nagbalik na sila sa realidad. "I-imposible!"
"Posible." Sabi ko. "Nakita mo, hindi ba?" he's trying to cast his power again pero
masyado na siyang nanghihina dahil nauubusan na siya ng dugo, "Just give up already
for Christ's sake, Magnus."
Pero matigas siya, ginagalaw pa rin niya yung kamay niya at pilit na bumabangon,
"Tara, let's tie him." Sabi ko.
"Thank you, Jill." Si Finnix, better than earlier. Sinundan iyon ng pasasalamat
nila Eliza at Ate. Hindi ko na muna sila pinansin, hindi ko pa rin alam kung paano
'yon nagawa. I just tried.
Humanap kami ng tali, at iginapos si Magnus na unti-unti ng nauubusan ng dugo.
"Let's go." Sabi ni Eliza, naglakad na kami palayo nang huminto at lumingon ako,
we'll leaving him, alone and dying. "Morie." Naghihintay na sila, at wala akong
ibang magagawa, sumunod ako sa kanila. Maybe...this is his fate-no...this is the
consequences.

*****

"Paano mo nagawa 'yon kanina?" finally, my sister asked. Nasa library kami ng
Sanctus, nagtatago, it was easy to sneak in dahil wala namang nagbabantay masyado
bukod sa mga servants.
"Lucid dreaming." Tumango lang siya sa sagot ko, marahil ay pinag-iisipan ang mga
nangyari sa loob ng ilusyon niya.
"I almost...gave in." halos pabulong niyang pagkakasabi, "I honestly do not want to
wake up." She gave a soft forced laugh.
"That was close though." Si Eliza, "I just want to end this, kaya siguro gusto kong
tumakas sa katotohanan ng realidad."
Natahimik kaming apat, "What are we going to do now?" tanong ko.
"Magpoproceed tayo sa plano, Finnix will start the fire." Sagot ni Eliza na siyang
ikinabigla ko. Ang buong akala ko pa naman magbabago yung isip niya matapos ang mga
nangyari, "Wala tayong ibang choice, Finnix." Tumingin kami kay Finnix, nakita ko
na nagkuyom yung dalawa niyang palad.
"Do you have any plan kung paano ieevacuate yung mga Peculiars?"
"Evacuate?" natatawa pang sabi ni Eliza kay Ate. "We don't have to dahil hindi 'yon
ang pakay natin dito." So wala talagang balak si Eliza na iconsider ang buhay ng
iba? How could she...
"I'm sorry." Napatingin kami sa nagsalitang si Finnix, "Pero hindi ko talaga kayang
gawin 'yon." Humarap sakin si Finnix, "Nakita mo naman siguro kanina, Jill." Yung
panaginip ba niya yung tinutukoy niya, "Hindi ko hahayaang maulit ulit ang ginawa
ko noon."
Kahit na hindi na niya ipaliwanag pa, naintindihan ko na kung anong ibig niyang
sabihin. Probably in the past, Memoire ordered him to commit arson. Yung nakita ko
sa loob ng ilusyon sa isip ni Finnix ang nakaraan na kinatatakutan niya.
No one speak, and then I broke the silence, "We'll think of another way."
"Kailangan muna nating alamin kung nasaan sila Jinnie," sabi ng kapatid ko,
"Pagkatapos doon tayo mag-isip ng paraan. Anong sa tingin mo, Eliza?" naghihintay
kaming tatlo sa isasagot niya. Napaisip ako...bakit nga ba kailangan namin ng
approval niya? Hell, tatlo kami, isa lang siya and she can't always decide for us.
"We're going, with or without your consent." Sabi ko.
Ngumisi si Eliza, "Since hindi ko pa nakikita sa personal silang tatlo, I can't
trace them base on scent." Kahit papaano nakahinga ako ng maluwag dahil mukang
hindi na niya ipagpipilitan yung plano niya, "That's why pupunta tayo sa
surveillance room." Tumango kaming tatlo.

Isang malaking advantage ang kapangyarihan ni Eliza, hindi kami nahuhuli dahil
malakas yung pakiramdam niya, naiwasan namin yung mga ruta na may mga cameras,
kabisado kasi ni Finnix kung saan 'yon nakalagay.
Nasa tapat na kami ng surveillance room na nakalocate sa first floor ng Sanctus,
sinenyasan kami ni Eliza na huwag maingay dahil may isang nagbabantay sa loob nito.
Sumenyas ako kay Finnix na siya yung bahala sa bantay pag pinasok namin yung loob.
Mahina akong bumilang bago buong lakas na sinipa ang pinto, nagulat yung
nagbabantay pero kaagad itong napatumba ng mga bolang apoy ni Finnix, nawalan ito
ng malay.
Umupo si Eliza sa swivel chair, tiningnan namin yung mga monitor at napagtantong
halos lahat ng Peculiar ay nasa amphitheatre.
"Paano natin sila mahahanap dito?" tanong ko, dahil ang dami nila at ang hirap
matukoy kung nasaan sila Jing. May pinindot si Eliza na mga buton para mapunta
lahat ng bawat anggulo ng amphitheatre sa mga monitor.
"Well, this is your idea, kayo ang humanap sa kanila." Sagot niya. Hindi ko alam
kung nang-aasar lang ba siya or what dahil hindi kami pumayag sa gusto niya. Wala
kaming nagawa, hinanap namin sila sa mga monitor. "What are they doing?" tanong ko,
dahil sa stage may isang babaeng nagpapiano. Nasa stage din sila Margaux katabi ang
ilang head staffs na may kanya-kanyang position sa MIP.
"It's like a tradition." Sagot ni Eliza na sinundan ni Finnix.
"Sa tuwing bibisita ang chairman, naghahanda sila ng kung anu-anong presentation
para magpaimpress." Napakunot yung noo ko. Naalala ko yung portrait ng chairman ng
MIP sa main building. Si Vittorio Hermoso IV. "Nagbibigay din ng mahabang speech
ang headmistress... kumbaga..."
"She's ordering them to behave." Si Eliza ulit, "Parang mga batang paulit-ulit na
pinagsasabihan na tumahimik lang kapag may bisita."
"At parang mga hayop sa circus na pinagtatanghal sa entablado para mang-aliw." Si
Finnix. "Ganon lang ang buhay ng ibang Peculiar dito."
Pakiramdam ko mas lalo akong namuwi sa institusyon na 'to...sa Memoire. Huminga 'ko
ng malalim at nagpatuloy sa paghahanap sa mga monitor.
"Pwede mo bang izoom doon?" turo ni Ate sa isang monitor, sumunod si Eliza, may
pinindot siya at nang magzoom yung
camera
. "Si Jinnie!" napatingin kaming lahat doon, nakita ko si Jing na nasa nakaupo
malapit sa harapan ng stage. Hindi namin nakita sila Cloud at Morris.
Maya-maya napansin kong may isang batang Peculiar na nasa likuran ni Jing na
nakatingin sa direksyon namin-sa camera.
"Yung bata, napansin ng bata na..." kinabahan ako lalo nang tumingin yung katabi
nung bata sa camera. "Shit, napansin nila t-"
"Someone's coming!" biglang napatayo si Eliza, nagulat kaming tatlo, sabay-sabay na
napaharap sa pinto. Naglabas ng apoy si Finnix sa kamay, napahawak ako sa baril na
nakaipit sa pagitan ng bewang at pantalon ko.
Malakas na bumukas ang pinto, inilabas ko yung baril at tinutok sa kung sino man
ang dumating.
"Hey!" nagulat kami pare-pareho nang makita kung sino 'yon, "My goodness! Jill! Put
that down!"
"Cloud?" hindi ko makapaniwalang sabi, "H-how?"
"Fifteen minutes ago, nasense kita." Nakangiti niyang sabi, hindi ko namalayan na
nasa harapan ko na siya, itinago ko ulit yung baril, "Saan mo nakuha yan?"
"Too long to explain." Sabi ko, "Kailangan nating makatakas, kasama sila Jing at
Morris. Can you help us na hanapin si Morris?"
"Si Morris, nandon lang siya sa second floor, nakakulong sa kwarto niya." Napamaang
ako, "Jill, they injected the Helexia to him para mapalabas yung other persona
niya, si Sio, ganon din ginagawa nila kay Jing, dahil may limit yung pagtalab ng
gamot sa katawan."
"Ano ng gagawin natin?"tanong ni Finnix.
"I'll go and get Morris." Si Ate.
"Hindi pwedeng mag-isa ka lang." sabi ko. "Finnix will go with you."
"I have an idea." Napatingin kami kay Eliza, "We have this." Inilabas niya ang
isang itim na remote, yung remote na nakuha ni Dean kanina! Yung remote na
makakapagtanggal sa mga collars!
"Eliza! Bakit ngayon mo lang sinabi na nasa'yo pala yan." Sabi ko, medyo naiinis.
"Well, I actually thought na when Finnix start the fire, I'll release them."
Pinanlakihan siya ng mata ni Finnix, "Pero don't worry, hindi na niya kailangang
gawin 'yon. By this, we can control them all."
After that, napagpasyahan namin na si Ate Karen at Finnix yung pupunta kay Morris,
then the rest of us ang pupunta sa amphitheatre. Pagkalabas na pagkalabas namin sa
surveillance room, bumulaga sa'min yung dalawa sa apat na elites, sila Gidget, at
Pilar. Kaagad nakuha ng atensyon ko na wala silang mga suot na collars! What?!
"Guys, alam na nila na nandito tayo." Narinig kong bulong ni Finnix. Possible na
may nakabasa ng mga plano namin kaya wala silang collar na suot-suot ngayon.
"My mother...she already knew." Napatingin ako kay Cloud na nasa tabi ko, "kaya
pala hinayaan niya kong umalis." May ilang butil ng pawis na tumulo sa noo niya,
hindi niya rin siguro sukat akalain na mangyayari 'to.
"Cloud, come back with us. Alam mo kung anong mangyayari sa inyo kapag hindi kayo
sumuko sa'min." nagsalita si Gidget.
"No, Gidget." Habang nakikipagnegosasyon si Cloud, bumulong si Eliza na silang
dalawa na ni Ate Karen yung pupunta kay Morris dahil may alam siyang shortcut,
binigay niya na sa'kin yung remote "...wala na kayong magagawa para pigilan kami.
So, please, I don't want to hurt you."
Hindi pinakinggan ni Gidget yung mga sinabi ni Cloud. Nang makita nila na papaalis
sila Eliza ay kaagad umatake si Pilar pero naharangan iyon ni Finnix. Nakaalis na
sila Ate, naiwan kaming tatlo kaharap silang dalawa.
"Mukang magiging fair ang laban, telepath laban sa telepath, at pyrokinetic laban
sa pyrokinetic." Nakangising saad ni Gidget, "And...a hopeless, pathetic, seer who
couldn't even predict her own future." Nang-aasar nitong sabi.
Kailangang makapunta ko sa amphitheatre, kailangan kong gawin to kahit mag-isa lang
ako.
"Go ahead, pumunta ka don." Sabi ni Gidget, nabasa ang isip ko, "In fact, kanina ka
pa hinihintay ni Lady Margaux."
"Jill, dito ka lang sa likod namin, hindi ka aalis!" si Cloud, bakas na bakas ang
pagtutol sa gusto ko.
Pero wala akong ibang magagawa, "Cloud." Kailangan ko pa rin kumilos, "I can do
this." Narinig kong tumawa si Gidget, iniisip siguro niya na nahihibang ako dahil
imposibleng harapin ko sila.
"Jill! You don't know how dangerous-"
"I'm sorry."
Tumakbo ako palayo sa kanila, alam kong hindi basta-basta papayagan nila Gidget na
habulin ako ni Cloud. Kailangan muna nilang matalo yung dalawang elite na yon. Alam
ko rin na hindi basta-basta yung gagawin ko, una sa lahat mag-isa lang ako.
May naiisip akong pwedeng gawin.
'Pupuntahan ka namin pag natapos namin 'to ni Finnix.' Cloud? 'You're so stubborn,
lady...good luck...and... be careful.'
I will.

*****

Moonlight Sonata is on the background habang nakatayo ako sa harapan ng malaking


pintuan papasok sa loob ng amphitheatre. Like what Gidget said, naghihintay na si
Margaux, I can't hide anymore, kaya naman ito na yung pagkakataon para magkaharap
kaming muli.
Pumasok ako sa loob, at sabay-sabay na nagsitinginan silang lahat. Dire-diretso
akong naglakad hanggang sa marating ko yung gitna. Tumigil yung nagpapiano at
umalis sa entablado. Tahimik na tahimik ang paligid. Nakita kong tumayo si Margaux
sa kinauupuan niya at humakbang papalapit sa unahan. Napahinto siya nang tutukan ko
siya ng baril.
"No." awat niya sa mga kasama sa stage na dapat susugod. Humarap ulit siya sa'kin,
"Well done, Miss Jillianne Morie. Just as I thought, you're really an extraordinary
being. Parang kahapon lang nasa pinakailalim kang parte ng Mnemosyne Institute at
ngayon nandito ka na sa harapan naming lahat." Dahan-dahan siyang pumalakpak na
umaalingawngaw sa buong paligid, "And, oh," she pointed the gun, "That's very
dangerous, dear, I appreciate if you'll put that thing down."
Sinunod ko siya, ibinaba ko yung braso ko.
"Very good."
Sa isang kamay inilabas ko yung itim na remote na katulad na mayroon siya.
"If you're not going to hand her over to me," tinuro ko si Jing, "I'll press these
freaking buttons, at ewan ko na lang kung hindi mangisay hanggang sa mamatay 'tong
mga Peculiars dito!" I heard their gasps as I raised the remote.
Pero tumawa lang si Margaux, "What a stupid girl. Dapat pala pinatay na kita kaagad
kahapon para hindi ka na gumagawa ng ganitong kalaking abala." Humalukipkip siya,
"If you deceived Cairo, ibahin mo ako. I know, Jillianne Morie, you can't do that."
Nanginginig yung kamay ko hindi dahil sa takot, dahil sa galit, at sa katotohanan
na sinabi niya. Hindi ko sila kayang patayin ng ganito lang. "What now?"
I ignored her, I took a deep breath then humarap ako sa kanila.
"Listen." Nilakasan ko yung boses ko, "Society is still not aware of our existence.
I know, all of you had been through a lot because of being different; you were
neglected, humiliated, degraded... Trust me, I understand what pain and suffering
feels like." Nilibot ko yung tingin ko sa kanila habang nakatitig sila sa'kin,
"That's why all of you deserve to live in a way you want because you exist. We are
Peculiars and yes...we do exist in this cruel world. We are no one's property; we
are not weapons or entertainers. We are still humans. Don't allow yourself to be
controlled and used by this evil institution." May pinindot akong buton at hindi
iyon inaasahan ni Margaux, sabay-sabay na nagsitanggalan lahat ng collars ng mga
Peculiars na nandito. I just pressed the release button. Margaux was surprised,
naguluhan sa ginawa ko.
"Allow yourself to live freely."
Wala ni isa ang nagsalita sa kanila, walang kumibo.
"Tapos ka na ba?" napatingin ako kay Margaux, ngumit siya na ikinagalit ko, "Wala
ng ibang lugar para sa kanila kundi ang institusyon na 'to lamang. Nice try, kung
inaakala mong may saysay ang ginawa mong pagtanggal sa mga collar nila, pwes
nagkakamali ka, hija." Sabi niya at sumenyas, "Good bye, Jillianne." Tumalikod si
Margaux at nakita ko si Jing na naglakad papunta sa kinaroroonan ko, bigla nitong
itinaas ang kamay dahilan para unti-unti akong umangat sa sahig habang nasasakal.
"J-jing." Nabitawan ko yung hawak kong baril at remote. Hindi ako makahinga. Hindi
rin ako makapumiglas. "J-jing.." tinignan ko siya, walang-wala na siya sa sarili
niya dahil sa Helexia. Kapag hindi ako nakakawala, mamamatay ako, mapapatay ako ni
Jing.
Naiiyak na ko sa sakit, nawawalan na ko ng pag-asa hanggang sa maramdaman kong
lumuluwag yung sakal sa'kin sa ere, nakita ko may tumayo na isang lalaki, habang
nakataas ang kanang braso, pinipigilan ang mahika ni Jing. Hindi ako
makapaniwala...nagawa kong mabago ang isip ng lalaking yon. Gusto kong maiyak sa
tuwa.
Pero dahil mas malakas si Jing, nangingibabaw pa rin yung sakit. Nakita kong may
pumupulupot na mga vines sa paa niya, at kagagawana pala ng isa pang Peculiar na
tumayo rin para pigilan siya, dahil don unti-unti akong nakakawala. Hanggang sa may
ilan pang tumulong para mapigilan si Jing dahilan para tuluyan niya kong mabitawan.
Nagulat si Margaux nang humarap.
"What are you doing?!" sigaw niya nang makita kung anong nangyari.
"We are Peculiars, but we're still humans." Sumagot yung isa.
Nawala sa loob ni Margaux na natanggal na yung mga collars dahil nilabas niya yung
remote niya, pagkaraa'y hinagis 'yon sa galit. "You will pay for this! Traitors
must be executed!" pagkasigaw na pagkasigaw ni Margaux, biglang nagkagulo ang lahat
ng Peculiars. Nahati sa dalawang panig, ang mga sumang-ayon sa'kin at mga hindi.
Pagkapulot ko sa remote at baril ay umalis ako sa kinalalagyan ko dahil nagkanya-
kanya silang labanan.
Lumapit ako sa stage kung saan nakatayo pa rin si Margaux. Unconsciously, tinutok
ko sa kanya yung baril na hawak ko, di ko alam kung bakit pero may nag-uudyok
sa'kin na patayin siya. Kahit mali. Napaatras si Margaux.
"Put that down, or else..." may pamilyar na boses, agad akong napatingin sa
direksyon nito, "I'll kill her." Nakita ko si Cairo, nasa tabi niya si Jing na may
hawak na baril habang nakatutok sa ulo.
Damn.
"I said put that down!" nagbabantang sigaw ni Cairo, "Kung ayaw mong!..." isang
malakas na putok ng baril ang kumawala. Nanlaki ang mga mata ko habang nakitang
nakabulagta...si Cairo.
Napatingin ako sa taong bumaril sa kanya...at nakita...ang taong walang ibang
minahal kundi siya.
Si Karen Italia.

Author's Note:
Muli, maraming salamat sa pagbabasa ng The Peculiars' Tale. Sa pagsagot sa mga
tanong ko, at pati na rin sa pagkocomment. Thank you!

/65/ Meet the Dawn


/65/ Meet the Dawn

Astounded for a moment, I can't believe on what just happened. Binaril ni Ate Karen
si Cairo, kung paano at saan niya nakuha ang baril...pati ang lakas ng loob-hindi
ko alam.

"W-what the..." I don't know if it's good thing that he's not dead yet, "K-karen?"
maging siya ay hindi makapaniwala, he didn't see this coming too. Unconsciously
lying next to him is Jing, and then I saw Eliza beside her, may syringe na itinurok
sa braso nito. I guess it's the anti-dote she mentioned earlier.

Muntik ko nang makalimutan si Margaux na nasa stage, tinutukan ko ulit siya ng


baril pero hindi siya nagpakita ng kahit anong takot bagkus ay humalukipkip lang at
tumingin sa kinaroroonan ko.

"Look what have you done, Jillianne." Itinuro niya ang paligid, tuluyan na ngang
nagkakagulo sa loob ng amphitheatre, sa pagitan ng mga nagrebelde at mga loyalista
sa Mnemosyne Institute.

Some of them were really moved on what I told them, but some still chose to believe
on this institute's ideals. "Tuluyan mo nang inubos ang pasensya ko." dahan-dahan
inalis niya ang bilog na itim na salamin. Gulat na may halong kaba ang naramdaman
ko nang makita ko ang mga mata niya, her right eye's sclera is black and the color
of its iris is red. So...ito ang dahilan kung bakit palaging natatakpan ng itim na
lente ang mga niya.

"This is the end of you." Saad ni Margaux, napaatras ako nang makita ko ang tila
pulang enerhiya na namumuo galing sa kanang mata niya. Tsaka ko lang napagtanto
kung ano yon. I thought it's too late to run when she blasted the energy from her
eyes towards me, napapikit lang ako pero nang wala akong maramdaman ay tsaka ako
dumilat to found out na may parang invincible force shield kaya hindi ako natamaan
nito.

No, hindi 'yon invincible force shield or what. Tumingin ako sa direksyon nila then
I saw Jing! Nakatayo na siya, siya yung kumuntrol sa energy na nanggaling sa mga
mata ni Margaux. Kahit na hindi pa lubos na nauunawaan ang nangyayari she still
saved me.

"Jing!" tawag ko.

"What the fuck is going on here?!" sigaw niya, walang kaalam-alam at tulirong-
tuliro. Well, welcome back to reality, Jing. Hindi ko alam kung paano ieexpress ang
kasiyahan na nagbalik na siya sa sarili niya. "At sino ka naman?!" tanong niya pa
sa katabing si Eliza. Naramdaman kong hinila 'ko ni Ate Karen pabalik sa
kinaroroonan nila ni Eliza. Nagulat din si Jing nang makita si Cairo sa sahig na
nakahandusay habang nahihirapan at naglalawa sa dugo.

Nasa stage pa rin si Margaux, this time, humarap siya sa pwesto namin.

"You." Duro ni Jing dito, "Bitch! Matapos mo kong turukan ng Helexia! Ha?! Ano tong
pinasuot mo saking basahan?!" tinuro pa ni Jing ang suot niyang itim na bestida na
may puting balabal, "Muka akong black lady!"

"Jinnie, this is not the time for some stupid arguments." Saway ni Ate, pero
inismiran lang siya ni Jing.

"Nasaan si Morris?" tanong ko sa kanila ni Eliza.

"Hindi namin siya nahanap don." Sagot nito. "That's why we immediately came here
dahil sa mga narinig ko." Tumingin ako kay Ate Karen, may sasabihin sana ko sa
kanya pero naputol 'yon nang magsalita si Margaux.

"Hinding-hindi ko kayo hahayaang makatakas ng Mnemosyne Institute!" sigaw niya. Her


eyes terrifies me. Kasing bilis ng kurap ay may enerhiya na namang nanggaling sa
mga mata niya ang papunta sa'min, pero mabilis si Jing dahil sa kapangyarihan niya
ay buong pwersa niya 'yong ibinabalik kay Margaux. Habang nagpapalakasan silang
dalawa, kinausap kami ni Eliza.

"We need to get out of here." Seryosong pahayag niya, "Malapit nang makarating dito
lahat ng forces ng Sentinels from the North. Narinig ko na sila Dean sa entrance ng
Sanctus, naghihintay na sila, nasakay na rin nila Otis yung mga HGPs sa cargo
truck."

"Pero we can't leave without Cloud, Finnix and Morris." Sabi ko naman at pagkatapos
ay nag-aalangang tumingin sa kinaroroonan niya-ni Cairo. Nakita ko sa peripheral
vision ko ang panginginig ng kamay ng ate ko, alam ko sa kaloob-looban niya na
kinailangan niyang gawin 'yon para iligtas si Jing.

"Nasesense ko na sila Cloud and Finnix na papunta rito, mukhang natalo nila yung
dalawang babae kanina." Saad ni Eliza, "But that Morris guy, I don't know where to
find him."

"You will go without me." Gulat akong napatingin sa katabi ko, "I'm staying here."
Gustong magpaiwan ng ate ko?

"What?! No! Hindi ka namin pwedeng iwanan dito!" galit kong sabi.

We're interrupted by a loud explosion, napatingin kami kila Jing at Margaux, the
ceiling was damaged, probably because of the blasts from Margaux's eye. Nakita
namin kung paano umangat sa ere si Margaux habang nasasakal, Jing's telekinetic won
over Margaux's power.

The other Peculiars are uncontrollable, the children are really afraid and crying
while being evacuated by the staffs. Everything's completely a mess right now. I
didn't even imagine this could happen. Tiningnan ko sila, nagsasakitan, nag-aaway-
hindi ito yung ginusto ko.

"No!" napatingin kami nila Eliza sa bagong dating, si Cloud, nasa likuran niya si
Finnix, parehong hingal na hingal. "Don't kill her!"

"Stop trying to get inside my head!" sigaw naman ni Jing. Pero bigla niyang
binitiwan si Margaux, bumagsak sa sahig halos maubusan ng hininga, galit niyang
hinarap si Cloud, "You!" pinigilan ko si Jing na susugod kay Cloud, umiling ako sa
kanya, alam ko na alam niya na nanay pa rin ni Cloud si Margaux.

"Guys, kailangan na nating makaalis, ngayon na." nagsalita ulit si Eliza. "I'm
serious, kapag hindi pa tayo umalis dito ngayon, tuluyan na nila tayong
mapapaligiran at hindi na tayo makakaalis ng Mnemosyne Institute ever." Diniinan pa
niyang mabuti yung huli niyang sinabi.

"Jill. Umalis na kayo."

"Why?" Sabi ko, "Why for all of people ikaw pa ang naging kapatid ko."

"I'm sorry." Nabigla ako nang niyakap ako ni Ate Karen, at habang hindi pa siya
kumakalas sa pagkakayakap ay bumulong siya, "We missed a lot of years, Jill. I'm so
sorry sa lahat."

"Just promise me one thing-we'll see each other again."

"Got it." Bumitaw siya sa pagkakayakap, "Morris is still my student too, I feel
responsible for him kaya hindi ako babalik ng White Knights hangga't hindi siya
kasama." Alam ko na mas may malalim pang dahilan kung bakit gusto niyang magpaiwan,
"Go, umalis na kayo." And as a sister I must understand her-even though it sounds
irrational.

"Are you really sure?" Eliza doubtfully asked.

"Yes."

Tumango na lang si Eliza bilang pagtugon, sinenyasan niya kami ni Jing na sumunod
sa kanya, pero bago kami umalis, nagulat din ako nang niyakap din ni Jing ang
kapatid ko.

"Isa kang malaking gaga," Jing said but my sister just smiled. "Tara na." patakbo
kaming umalis doon, sumabay na sa'min sila Cloud na katulad ko ay napalingon din sa
kinaroroonan ng mga naiwang mahal sa buhay. This time wala akong magagawa kundi
magtiwala sa naging desisyon ng kapatid ko, at pati na rin sa ma ipinangako niya.
Soon I will see her and Morris again. Maybe.

Nasa lobby na kami nang matanaw namin sa labas ang dalawang Jeep Wrangler open-
top, isang kulay asul at kulay pula, mukhang kanina pa naghihintay. Si Dean ang
driver ng kulay asul na Jeep, habang si Vince naman yung sa isa.

"Sakay na!" sigaw ni Dean nang makita kami. Sumakay si Cloud sa front seat, kami ni
Jing sa likuran, sila Eliza at Finnix naman ay sa Jeep ni Vince lumulan. Mabilis
pinaandar ni Dean yung sasakyan dahilan para mapakapit ako sa gilid.

"Teka, hindi ko yata nakita yung kapatid mo, si Karen?!" kinailangang sumigaw ni
Dean dahil sa lakas ng tunog ng pagharurot ng Jeep.

"Nagpaiwan-"

"Nagpaiwan?! Bakit?! Bakit mo hinayaang magpaiwan?! Alam mo, Morie, na hinding


hindi na siya makakalabas ng buhay dito!" galit na galit nitong sabi, hindi ko
maiwasang mainis sa kanya dahil kailangan pa ba niyang ipamukha 'yon sakin?

"Alam ko!" sigaw ko rin sa kanya, "Alam ko pero ginusto niya 'yon, hindi mo
naiintin-"

"Sa lahat 'ata ng kapatid ikaw 'ata ang pinakatanga!" bigla niyang niliko yung
manibela, dahil sa lakas ng impact humampas kami ni Jing sa gilid, "Babalikan natin
siya!"

"Dean, stop it!" mula sa isang intercom na nakakabit sa Jeep narinig namin yung
boses ni Eliza, "Kapag bumalik kayo, maabutan na kayo ng mga Sentinels!"

"Hoy!" nakita ko si Jing na galit na, "Tangina ka, kung magalit ka akala mo ikaw
ang kapatid eh! Sino ka ba?!" hinawakan ko si Jing sa braso, inawat ko siya.

"Dean, irespeto mo ang naging desisyon ni, Karen, okay?" iyon ang huling sinabi ni
Eliza at nawala na ang boses nito . Mukhang natauhan naman si Dean, huminga ng
malalim at ibinalik sa tamang direksyon ang pagmamaneho. Nauuna na yung sasakyan
nila Vince.

"Sorry, Dean." Sabi ko sa mahinahon na paraan, "It's a sister thing that you won't
understand. Alam ko yung possibility na hindi na siya makakaalis dito. Pero kagaya
nga ng sinabi 'ko, iyon yung gusto niya." To spend her lifetime with her loved
ones, iyon yung nakita kong greatest desire sa puso niya. Yeah, we missed a lot of
years, pero she still chose to be with him until the end, she loves him more than
anyone else-even though I am her real family.

Nanahimik na si Dean, hindi na siya sumagot. Habang si Jing, iiling-iling na


umismid.

'Jill...' si Cloud, 'That's really brave.'

'It's nothing.' I wonder kung anong iniisip niya ngayon. Ineexpect kong magrereply
siya sa sinabi ko pero hindi na siya nagsalita sa isip ko.

We finally passed through the Southern gate na parang dinaanan ng malakas na


lindol, the tower and the huge gate were torn down. Hindi ko maiwasang mapahanga
dahil nagawa nila Otis. Pero hindi pa rito nagtatapos ang lahats, nakita ko na may
mga itim na sasakyan ang mabilis na sumusunod sa'min.

"Shit! Nasa likuran na natin sila!" sabi ni Cloud. Halos ilang metro ang layo ng
mga humahabol sa'min. Mga pwersa na nanggaling pang Hilaga.

"Kumapit kayong mabuti!" saad ni Dean, patadyak na tinapakan ang accelerator.


Ramdam na ramdam ko yung bilis lalo na't pababa ng bundok at pazig-zag na daan ang
tinatahak namin.

"Whoooohoooo!" narinig pa namin si Vince na tuwang-tuwa pa sa mga nangyayari.


Mabuti na lang at two-way yung daanan, balak 'ata ni Dean mag-over take. Maya-
maya'y muling tumunog yung intercom.

"Dean, wag 'kang makipag-unahan, please lang." si Eliza, "This is not a racing
game, mag-ingat ka." Yeah, kailangan talagang mag-ingat ni Dean dahil kaunting
pagkakamali lang niya pwede kaming bumulusok pababa ng cliff na nasa gilid lang
namin, may mga poste ng ilaw ang nagsisilbing liwanag dahil medyo madilim pa.

"Alam ko, alam ko." naiinip na sabi ni Dean.

"Pantayan mo lang yung bilis ni Vince."

"The hell, ang kupad-kupad naman niyang magmaneho."

"Hoy, Dean, 'wag ka ngang magpadala sa init ng ulo."

Tumingin ako sa kanila, kapantay na namin yung sasakyan nila.

"Finnix and I will distract them." Sabi ni Jing at pagkatapos ay nagsenyasan sila.
She lifted her hands at mula sa gilid ng bundok ay pinagulong ni Jing yung mga
malalaking bato roon. "Finnix!" pagkatawag na pagkatawag ay siniklaban ni Finnix ng
apoy yung mga bato.

May isang kotse na natamaan at nahulog sa bangin, pero hindi namin inaasahan na
ganon karami pa pala yung mga sumusunod sa'min. Inulit nila Jing yung ginawa nila,
ngunit hindi parin iyon naging sapat para matinag sila.

This time, gumanti ang kalaban, may mga sumungaw mula sa mga bintana ng kotse at
nakita kong naglabas sila ng machine gun.

"Shit!" inulan nila kami ng mga bala kaya nagpagewang-gewang yung pagtakbo namin,
nabangga pa namin yung sasakyan nila Vince dahil katabi lang namin sila. Nang
diretso na ulit yung pagmamaneho ni Dean, tumayo na si Jing, at nang nagpaulan na
naman ng bala ang mga kalaban-kinontrol 'yon lahat ni Jing. Huminto sa ere ang mga
bala at maya-maya'y buong pwersa na pinaulan ito sa mga kalaban.

Because of Jing and Finnix nagagawa naming maiwasan lahat ng bala nila, they even
launch a missile but due to Jing's power sa ere niya pinapunta 'yon. Malapit na na
kaming makarating sa paanan ng patag na parte ng bundok, sa ibaba nito ay ang
buhanginan-dalampasigan. Naghihintay doon yung cargo truck kung saan nila isinakay
yung mga HGP. Pero bakit? Bakit sila nakahinto?

"Si Pascal 'to." Tumunog ulit galing sa intercom, "Jill, Eliza, sinara na nila yung
gate ng Hermoso bridge."

"Hermoso bridge?" hindi ko alam na may tulay pa pala kaming dapat tawirin, tsaka ko
lang naalala na napapalibutan nga pala ng dagat ang bundok na kinatitirikan ng MIP.

"Iyon lang ang daan na pwede nating daanan para makapunta sa kabilang
dalampasigan."

"Shit. Shit. Shit." Si Dean na tila nauubusan na ng pasensya at pag-asa.


"May iba pa bang paraan para makaalis tayo?" kalmado pero nag-aalalang tanong ko.

"Dalawa lang ang paraan, tatawid gamit 'tong mga sasakyan natin sa tulay o sasakay
sa pandagat na sasakyan."

"Well, obviously, ito lang ang sasakyan na meron tayo." Sabi ni Cloud. Hanggang sa
maabutan na namin sila, huminto kami sa gilid ng cargo truck. Natanaw na namin yung
Hermoso bridge, sarado at bantay sarado ng maraming armadong Sentinels.

"Paano kung sirain natin yung gates?" tanong ni Dean. "Katulad ng ginawa natin sa
Southern gate. Tapos makakatawid na tayo."

"That's not possible." Sabi ni Cloud, "Kahit na sirain niyo yung gates at
malagpasan sila...hindi pa rin tayo makakatawid."

"Bakit?" tanong ni Eliza sa kabilang linya.

"These past six years, they developed that bridge-it's foldable."

"Foldable?" sabay-sabay na sabi nila, with disbelief.

"Paanong natutupi?" si Vince na tatawa-tawa at pagtingin ko sa kanila'y nakasandal


yung noo niya sa manibela.

"It's a top secret security of Mnemosyne Institute. Nahahati sa gitna yung daanan
nito para hindi ka makarating sa kabilang side ng basta-basta." Paliwanag ni Cloud,
"Kaya naman even if we managed to knocked those guards, hindi pa rin tayo
makakarating sa kabila."

"Ano ng dapat nating gawin?" narinig ko si Cecilia sa kabilang linya.

"May plano ka ba, Eliza?" tanong ni Dean pero tumingin ako kila Eliza pero tahimik
lang siyang nakatingin sa malayo, nag-iisip, pero hindi alam kung anong sasabihin.
Dapat na ba kaming mawalan ng pag-asa dahil naubusan na ng plano si Eliza? O dahil
kahit isa sa'min walang maisip na paraan.

Natahimik kami pare-pareho. We managed to come all this way, tapos dito lang
magtatapos ang lahat? Dalawang minuto na ang nakalilipas pero wala pa rin kaming
naiisip na paraan. Ilang sandali na lang, kapag hindi pa kami kumilos, maaabutan na
kami ng mga humahabol sa'min at tuluyan na kaming makocorner dito.

"May paraan pa." napatingin ako kay Jing na nagsalita, ngumiti siya, "Hindi lang
ako sigurado na lahat kayo sasang-ayon sa plano ko."

"Kahit ano, kahit anong paraan basta makaalis lang tayo rito." Sabi ni Vince.

"Pupunta tayo sa baba." Tinuro ni Jing yung dalampasigan, "And there, we'll cross
the sea-literally."

Saglit na katahimikan hanggang sa binasag 'yon ng tawa ni Dean at Vince.

"Jing, seryoso ka ba sa sinasabi mo?" tanong ko naman.

"Seryoso." Tiningnan ko siya at nakita ko ngang hindi naman nagbibiro yung itsura
niya, "Kung kinakailangan kong hatiin ang dagat para lang makatawid tayo, gagawin
ko." huminto sila Dean at Vince sa pagtawa, narealize na seryoso nga talaga si Jing
sa plano niya.
"But the sea...Jing, it's too dangerous, besides, can you really do it?" si Cloud.
"Kaya mo bang hatiin ang dagat? That sounds absurd."

"Are you underestimating me, Cloud?"

"No, pero hindi ka rin naman namin pwedeng i-overestimate. The sea is too big, you
know that, paano kung nasa gitna tayo at hindi mo kinaya? Pare-parehas tayong
mamamatay." Pahayag ni Cloud.

"Alam ko."

Pero wala ng ibang paraan.

"Pero wala ng ibang paraan." She exactly said what's inside my head. "It's either
mahuhuli nila tayo or we'll die." Nakita ko na nakakuyom yung mga palad niya, hindi
dahil galit siya, pero pinipilit niyang maging malakas, "Hindi ko kayo pinipilit.
All I'm asking is... your faith-kung meron mang natitira." Sinadya niya atang
tumingin sa'kin nang banggitin niya yung 'faith', "Pero kung ako lang, mas pipiliin
kong malunod sa dagat kaysa mabulok sa MIP habambuhay."

"Let's go." Sabi ko, "She's right. This is the only way." Hinihintay ko sila
sumagot mula sa intercom. Tiningnan ko sila Eliza, nakatingin sila sa'min, si
Pascal na nakadungaw sa bintana ng truck.

"Alright." Si Cloud. Pinaandar ni Dean yung sasakyan, at kagaya ng naisip ni Jing,


dumiretso kami sa dalampasigan, sumunod sila Vince at ang cargo truck nila Pascal.
Mukang desperado na rin sila kaya pumayag sa plano ni Jing. Kahit hindi ko man
nababasa ang mga nasa isip nila, alam kong kinakabahan at natatakot din sila.

"Jing." Tawag ko, tumingin siya sa'kin, "Do it." She smirked then she tapped my
head, tumayo siya.

"Pascal, naririnig niyo ba 'ko?" sabi niya.

"Oo."

Itinuro ni Jing yung formation, mauuna sila Vince, nasa gitna ang cargo truck
habang kami ang nasa likuran.

"Ihanda niyo ang mga sarili niyo," sabi ni Jing atsaka bumwelo, "...dahil
makakakita kayo ng himala." She devilishly smiled, atsaka itinaas sa harapan ang
mga braso. Pumikit siya at huminga ng malalim.

Napalingon kami nila Cloud nang marinig ang tunog ng mga sirena, malapit na kaming
maabutan ng mga Sentinels.

"Jing, nandito na sila." Si Cloud.

"Be quiet." Saway nito, nakapikit pa rin.

Nang dumilat si Jing, dahan-dahan niyang ibinubuka ang mga braso niya, naramdaman
namin na parang umuuga yung paligid.

"What the..." at pare-pareho naming nasaksihan, ang unti-unting paghawi ng tubig


kasabay ng paghawi ng mga braso ni Jing. Halos malula kami ng tuluyan iyong nahawi
dahilan para magbigay ng daan. Mabilis na umandar ang sasakyan nila Vince na
sinundan nila Otis at pagkatapos ay ni Dean.

"Holy shit..." si Dean.


"Dean, calm down." Sabi ko.

Jing fully spread her arms; she chinned-up to the sky as if asking some powers in
heavens. The sea continued to divide, kasing taas ng buildings na nasa magkabilang
gilid, we can even see the creatures in it, para kaming nasa loob ng aquarium park.
I know I'm not the only one who's amazed and at the same time afraid right now.
We're literally crossing the sea. Just. Wow.

Pero may sunud-sunod na pagputok ng barik ang umalingawngaw galing sa likuran


namin.The Sentinels! Nahabol na nila kami at ilang metro na lang uli ang layo nila.
At hindi lang 'yon, may spotlight na umilaw sa'min at sa himpapawid may tatlong
chopper ang tumutugis din samin.

Damn. Tiningnan ko si Jing at parang nasa trance state siya, yung consciousness
niya ay masyadong naabsorb ng kapangyarihan niya. She can't protect us again, dahil
kapag nawala siya sa concentration pare-pareho kaming mamamatay.

"Cloud, press the intercom." Utos ko na kaagad niyang sinunod, "Finnix, can you
handle those choppers?"

"Akong bahala, paano yung mga sumusunod sa likuran?"

"Gagawan ko ng paraan." Iyon yung sinabi ko kahit na ang totoo hindi ko alam kung
paano ko sila mapoprotektahan. Maya-maya'y nakita namin sa ere ang sunud-sunod na
bolang apoy ni Finnix dahilan para mag-crash yung isang chopper.

"I can help, I'm going to get inside their heads." Sabi ni Cloud. Mukha namang
nagawa niya dahil sa di maipaliwanag na dahilan biglang lumiko yung isang humahabol
na sasakyan para magkabangga sila ng katabi nila, pero marami pang itim na kotse
ang sumusunod sa'min.

Kinuha ko yung baril ko at pinagbabaril sila-pero naubusan na 'ko ng bala.

"Cloud!" tawag ko para humingi ng saklolo.

"There are too many of them, Jill!"

Napalingon ulit ako at nakita sila na sabay-sabay nagpaputok ng bala sa direksyon


namin. Hindi pumipikit, automatic kong itinaas ang isa kong kamay na para pigilan
sila kahit na alam ko namang walang silbi.

Pero may kung anong himala na naman ang nangyari. Ilang segundong huminto sa ere
ang mga bala hanggang sa bumalik iyon sa kanila.

'H-how did she...' narinig ko na naman yung boses ni Cloud. Tumingin ako kay Jing
pero nasa matinding concentration pa rin siya. Posible kayang-

"Malapit na tayo!" sigaw ni Dean parang umiiyak na 'ata. Tumingala ulit ako kay
Jing at nakita ko ang namumuong butil-butil ng pawis sa noo niya, katulad noong
nasa dilemma kami ng tren, dumadaloy na yung dugo mula sa ilong niya.

Malapit na. Hindi pwedeng bumigay siya ngayon. Napatingala ako nang makita ang
pagsabog ng dalawang chopper na humahabol sa'min-Finnix made it. Hanggang sa unti-
unti kaming umaahon mula sa kalaliman ng dagat-until we reached the shore.

That's when Jing came back, kasabay ng pagbagsak ng mga braso niya ay malakas na
bumagsak din ang tubig ng dagat-wiping out all those cars, Sentinels.
We made it.

******

We're all standing in the cliff near the shore, ako, si Jing, Cloud, Eliza, Vince,
Dean, Palm, Otis, si Cecilia na pasan pa rin si Seraphina, Otis, Pascal at Finnix.
Malakas ang hangin at rinig na rinig ang malakas na hampas ng alon sa bangin na
kinatatayuan namin at mula rito ay tanaw na tanaw namin ang Mnemosyne Institute,
narinig ko yung bulong ni Eliza.

"We finally met the dawn." At nakita namin ang unti-unting pag-sibol ng araw na
nagbigay sa'ming lahat ng pag-asa.

Pero alam naming lahat na hindi pa rito nagtatapos ang lahat.

(itutuloy...)

Author's Note:

Again, I want to thank you, my dear readers, sa pagbabasa ng The Peculiars' Tale
kahit na matagal ang update. Malapit na mag-June, so, nararamdaman ko na rin na
dapat ko na talagang tapusin 'to, bilang writer o creator ng istoryang 'to, mahirap
para sa'kin i-let go silang lahat-pero kailangan.

Kaya naman nagpapasalamat ulit ako dahil lagi kayong sumusuporta (sa mga
nagpapadala ng mga heartful messages, comments, etc) Salamat sa pagsama sa laban ni
Jill and I hope hanggang sa huli kasama pa rin niya kayo.

Salamat ng marami. Mabuhay kayo.

Ps. Yung drawing ko sa multimedia, pasensya na, sketch ko sa notebook ko nang


ginawa ni Jing. Haha. I'd love to share also the music of glory para sa chapter na
to.lol

/66/ The Aftermath

/66/ The Aftermath

"Where exactly are we?" tanong ko sa kanila habang bumabyahe, mag-dadalawang oras
na rin siguro ang nakalilipas magmula nang makatakas kami sa Mnemosyne Institute.
Until now, medyo hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa naming makatakas.
The view is really breath-taking, kakalagpas lang namin sa isang tulay at ngayon
nama'y napapalibutan kami ng bundok at mga matatayog na puno. Sure thing na
malayung-malayo ang lugar na 'to ng kabihasnan, the Sentral city, everything's
about nature at walang ibang dumadaan sa kalsadang hindi pa platada kundi kami
lang.

"At...saan talaga tayo pupunta?" halos dalawang oras na ring walang nagsasalita
sa'min, kahit boses ni Eliza sa intercom-wala. Ngayong matagumpay kaming nakatakas
ng MIP, what now?

Tiningnan ko si Jing na nakasandal sa upuan ng driver's seat, tulog, na-drain 'ata


masyado yung energy sa ginawa niyang 'himala' kanina-oh, she just moved the sea. Si
Cloud wala ring imik, kahit sa isip hindi 'ko binubulabog, I wonder why. Maya-
maya'y narinig ko ang pagbuntong hininga ni Dean.

"Morie." Nagsalita siya, nainip na rin siguro. "Gusto ko sanang humingi ng sorry sa
mga sinabi ko kanina."

"Wala 'yon." Nagkibit balikat kong sagot.

"Over acting lang siguro ako. Atsaka hindi kasi ako makapaniwala na ikaw mismo,
hinayaang mangyari 'yon." Sabi niya pa, "Ang ibig kong sabihin, hindi ba kapatid mo
siya? Bakit hinayaan mo lang siyang gawin yung gusto niya kahit na alam mo kung
anong pwedeng mangyari sa kanya."

Gusto ba talaga niyang malaman yung dahilan ko? O sadyang concern lang siya para
kay Ate Karen? "It's complicated." Honestly, I don't want to talk about it, ayokong
isipin na dapat ba kong magsisi, manghinayang at malungkot.

"Okay." At pagkatapos ay itinuon ulit niya yung atensyon sa pagmamaneho, dismayado


ata. Hindi pa rin nasasagot yung dalawang tanong ko kanina sa kanila, kung nasaan
kami at kung saan kami pupunta. Ipapasuyo ko pa lang kay Dean na pindutin yung
intercom nang tumunog 'yon.

"Guys, kamusta kayo?" boses ni Vince.

"Ahh...mabuti naman." Sagot ni Dean.

"Ako, nagugutom na." saad nito, "Seryoso. Iyon pa naman ineexpect kong isasagot mo,
Dean. Hindi ba kayo nagugutom?"

"Vicente, ano ba namang klaseng tanong 'yan."

"Dean, ang aga-aga nating nagising! Walang almusal-almusal, nakipagbakbakan tayo ng


madaling araw. Tao lang din naman tayo 'diba, nagugutom. Tanungin mo si 'Moses'
kung nagugutom siya."

"Sinong Moses?"

"Si Moses, yung humati ng dagat!"

Medyo natawa ko sa sinabi ni Vince, buti na lang at tulog 'tong si Jing dahil kung
hindi lalamunin siya ng katarayan nito.

"Dean? Morie?" si Eliza na yung narinig naming nagsalita. Nauuna pa rin yung jeep
nila, kasunod yung cargo truck habang nahuhuli kami.

"Yes, Eliza?" thank goodness dahil natigil na rin sa pangungulit si Vince. Now, I
don't know what to say.
"Sawakas, Eliza, kanina pa kita hinihintay magsalita. Mukang gutum na gutom na yung
kambal mo ah. Pusta, gutom ka rin ano?" parang nang-aasar pa na sabi ni Dean.

"Sorry kung ngayon lang ako nagsalita, nakatulog kasi ako." Wow, nagawa niya ring
makatulog? Bakit ako hindi? Kahit anong pikit ko kanina hindi ko magawang maidlip
sa kabila ng mga pangyayari. "And yeah, nakakagutom nga. Dalawang oras na tayong
bumabyahe."

"Eliza, alam mo ba kung nasaan na tayo?" tanong ko.

"Region one, near the Western ocean," nagulat naman ako nang si Cloud ang sumagot,
nagsalita na rin siya. "Palacos province." What? Hell. No way. "Hindi tayo pwedeng
dumaan ng expressway dahil posibleng may koneksyon ang Memoire doon kaya naman
diretso lang tayo rito sa main road."

"Saan tayo papunta? Sa Sentral?"

"Uh, that's the problem." Sabi ni Eliza, "Sentral city is eight hundred and ninety
five kilometres away."

"Alam ko kung gaano kalayo 'yon, Eliza, we can't travel that long without anything,
like...food." Narealize ko rin na nagugutom na rin ako katulad ni Vince, hindi,
kaming lahat nagugutom na panigurado.

"I know that too, Morie. We need a place to stay for a while. And besides... may
mga HGP tayong kasama-"

"They're not HGPs anymore." Maging ako ay nagulat sa ginawa kong pagputol sa
pagsasalita ni Eliza, "I'm sorry to cut you, but I think we shouldn't address them
like that. Ngayong wala na tayo sa MIP, they're no longer HGPs."

Napasipol si Dean at sinabing, "Tama ka, bata."

"Okay. I understand." At nagpatuloy si Eliza, "Hindi naman natin basta-bastang


pwedeng dalhin sa Sentral city yung mga evacuees, I suggest na kailangan muna natin
sila mai-evacuate sa isang lugar."

"May alam ka bang pwede nating puntahan?"

"I'm afraid na hindi namin kabisado ang pasikut-sikot around here. Perhaps, Finnix
and his friends might know some place dahil agents sila ng MIP."

"Oh Eliza, we were agents too, diba nagtrabaho ka rin sa Beehive?" sumingit sa
usapan si Vince.

"I know that. What I mean is, sila yung mga frequent na nakakalabas pasok sa MIP,
while us, nakulong ng anim na taon sa Bastille."

"May alam akong lugar." Si Finnix, nagsalita na rin sa wakas. "Sa San Carlos."

"Sigurado ka, Finnix?" napatingin ako sa kanya, kanina pa ba siya gising? "Sigurado
kang gusto mong bumalik doon?" hindi ko maunawan yung sinabi ni Jing.

"What? Anong meron?" tanong ko.

"San Carlos, ang lugar na pinaggalingan ko."sagot ni Finnix mula sa intercom,


"At...ang lugar na muntikan ko ng gawing abo."
*****

Isang oras pa ang muling lumipas bago namin tuluyang marating ang San Carlos. Vince
constantly complained his hunger, while we just remained silent after Finnix taught
the direction. Hindi ko na namang maiwasang mamangha sa lugar dahil napapalibutan
pa rin ng bundok at mga puno ang daanan, almost mystical.

Sumalubong ang isang arko na may lumang karatula ng San Carlos sa itaas. This place
is literally hidden, ni hindi ko nga alam na nag-eexist pala sa mapa ang lugar na
'to, the village is like in the middle of the forest that no one could easily find.

Somehow, I feel safe.

Huminto ang mga sasakyan namin sa isang gilid, bumaba kaming apat ng jeep. Nakita
ko na bumaba rin sila Eliza, pero sila Otis na nasa truck hindi muna sila bumaba.

Sumipol si Dean at nang napagmasdan kong mabuti yung lugar, it feels like we're in
different era. The houses, establishments are medieval, may mga carriages pa na
dumadaan. Amazing, what kind of place is this? Heck, pwede itong maging tourist
attraction!

"So this is Finnix's hometown." sabi ko, namamangha pa rin.

"Mukha lang out-dated yung lugar pero updated pa rin naman siguro yung sibilisasyon
ng mga tao rito." Sabi naman ni Jing, sagot ata sa sinabi ko.

"Sino kayo?!" sabay-sabay kaming napatingin sa sumigaw at nakita ang grupo ng mga
armadong kalalakihan, tinutukan kami ng mga baril nila. Automatic na napataas kami
ng kamay to show that we mean no harm. Lahat na pala ng atensyon ng mga tao na sa
amin, at mas malala, napapalibutan nila kami.

"We're from Mnemosyne Institute-"

"Eliza!" pero huli na para matakpan ni Dean yung sinabi niya. Nagsikasahan ng mga
baril yung mga armadong lalaki at handa ng ipaputok yung mga bala.

"Paano kayo nakarating dito?!" galit na sigaw ng nagsisilbing leader nito.


Magpapaliwanag pa lang kami pero biglang lumutang sa ere yung mga hawak nilang
baril, gulat na gulat sila, pati kami.

"Jing!" tumingin ako sa kanya at nakitang siya nga ang may kagagawan nito.

"Pwede bang pakinggan niyo muna yung paliwanag namin?!" sigaw ni Jing, "Wala kaming
intensyong masama!"

"H-halimaw." May bakas ng takot na sabi ng isa, umugong ang bulungan ng mga tao.

"Hindi kami mga halimaw." Sabi ko, medyo nasaktan sa sinabi ng isa sa kanila.
"Nandito kami para humingi ng tulong."

"Anong kaguluhan ito?" isang malalim at malaking boses mula sa kung saan, humawi
yung mga armadong lalaki at nagbigay daan sa isang matandang lalaki, balbas sarado
at sa suot pa lang alam mo ng may magandang reputasyon at may bakas ng awtoridad.

"Kap," tawag nung isang lalaki sa matandang dumating "Nanggaling sila sa Mnemosyne
Institute." Dahan-dahang lumapag ang mga baril sa lupa, binaba na ni Jing "At mga
hindi sila pangkaraniwang nilalang."

"Anong kailangan niyo at bakit kayo nandito?" sabi nung matanda at maya-maya'y
napahinto, nakita kong nakatingin siya kay Finnix, "Aguil?" Augil who? Si Finnix?

"Ninong." Sabi ni Finnix na ikinabigla naman namin, "Tumakas ho kami ng Mnemosyne


Institute. Kailangang-kailangan ho namin ng tulong."

*****

Matapos naming maipaliwanag ng mabuti kay Don Miguel, o mas kilala bilang 'Kap' o
Kapitan sa lugar na 'to kung ano ang mga pinagdaanan namin sa MIP, maluwalhati niya
kaming pinatuloy sa mansyon niya na nagsisilbi ring headquarters ng San Carlos.

Ang mga taong nilikas namin, o mga HGP noon, ay nasa isang malaking hall ng mansion
para gamutin ni Palm at ng iba pang mga doktor at nurse na naka-assign sa San
Carlos. Tama nga si Jing, yung itsura lang ng mga lugar, bahay, at establishments
ang out-dated pero makabago na rin ang kultura ng mga tao pero sa simpleng paraan
lang.

Nang sumapit ang tanghalian, kasalo namin sa mahabang hapag si Kap, kasama yung
dalawang anak. Hindi namin naiwasang hindi magkamayaw sa pagkain, kung may patay
gutom sa mga oras na 'to-kami siguro 'yon. Sinulyapan ko si Cloud na matamlay pa
rin habang tahimik lang na kumakain, hindi ko maiwasang mag-alala para sa kanya.

Habang kumakain kami, nagkukwento rin si Kap tungkol sa kasaysayan ng San Carlos,
pati na rin kung bakit tago ito at maraming mga sundalong nagbabantay. He never
mentioned anything related to Finnix, napansin ko na iniiwasan niyang mapunta roon
ang usapan. Kay Finnix na mismo nanggaling kanina na minsan na niyang muntikang
gawing abo ang San Carlos, perhaps ito yung biggest regret na nakita ko sa
panaginip niya, Jing and the others knew about it.

Matapos ang tanghalian, binigyan kami ni Kap ng kanya-kanyang silid para


makapagpahinga. Wala kaming masabi sa kabaitan nito, at masasabi kong hulog ng
langit ang lugar na 'to, Don Miguel is willing to help us in any way he could, but
we can't stay here forever.

Three o'clock in the afternoon, nasa opisina kami nila Eliza, Jing, Dean, Pascal
at Finnix ni Don Miguel para pag-usapan yung tulong na kailangan namin. Sa totoo
lang wala pa kong naiisip na plano kung papaano ang gagawin namin ngayon. Too bad,
mukang nakasalalay na naman ang lahat sa mga kamay ni Eliza, pero tinitingnan ko
siya kanina pa, usually hindi na siya magpapaliguy-ligoy at sasabihin na agad kung
anong nasa isip niya. Tahimik lang din siyang nakikinig.

*****

Malapit ng dumilim nang matapos yung pag-uusap namin sa opisina ni Don Miguel. Nang
mapagpasyahan kong dumalaw sa hall kung saan ginagamot ang mga tinakas naming mga
tao sa MIP.

"Palm." I called her, "Kamusta sila?"

"Morie, ikaw pala." Nakaupo siya sa isang tabi, nagpapahinga. "Mas mabuti naman na
yung kalagayan nila."

"Hay, kung alam mo lang ang pinagdaanan namin sa loob ng truck." Biglang lumitaw si
Cecilia sa tabi namin. "Mabuti na lang at okay na ngayon." No, hindi pa okay ang
lahat, gusto ko sanang sabihin sa kanya.

"Nasaan si Seraphina? Kamusta na siya?" tanong ko, tumingin sa direksyon na yon,


nagmistulang ward yung hall dahil sa dami ng mga kama at mga pasyente na nakahiga
rito.

"Natutulog. Pero okay na okay na siya, nakakapagsalita na." masayang sabi ni


Cecila, "Kaso...yung iba sa kanila...hindi na makakapagsalita kahit kailan."
Biglang lumungkot ang tono niya. Tsaka ko lang naalala ulit na ang ilan sa kanila
ay pinutulan ng dila sa MIP, may iba pa nga na mga binulag para manahimik sila
habambuhay.

"Pero alam ko na masaya sila na nagawa nating makatakas sa MIP. Hindi ko man
nakikita, nararamdaman ko." si Palm, pinapanatiling positibo ang sarili.

Nagpaalam ako sa kanilang dalawa para hanapin sila Stephen. Itinuro naman ni
Cecilia kung nasaan sila. Pagdating ko, nakita ko rin si Baldo, nakaupo sila pareho
sa sahig, nakasandal.

"Jill." Sabay pa sila ni Stephen, tumayo at sinalubong ko silang dalawa ng yakap,


hindi ko alam kung gaano katagal o kung gaano kahigpit. I don't know what to say,
hindi ko alam kung paano ko maipapaliwanag sa kanila lahat, they knew everything
now, kung ano talaga ako and the worst part is nadamay na sila sa gulong
kinasasangkutan ko ngayon.

"Guys..." kumawala ako sa yakap ko sa kanila atsaka sila hinarap, "Everything's


going to be fine." Without assurance by me, sinabi ko yon sa kanila. I don't know
if we can go back to our normal lives after all these happenings. "Sorry, kung
nangyari sa inyo 'to."

"Wala kang dapat ihingi ng sorry." Sabi ni Baldo.

"May kasalanan din kami, Jill." Si Stephen, "Kung sinabi ko lang kaagad sa'yo yung
totoo tungkol sa blog noon pa man, hindi na aabot sa ganito yung mga mangyayari.
Kung hindi lang ako pumayag noon sa offer nila sa MIP..." pinigil ko siya sa
pagsasalita, umiling ako.

"We should stop blaming ourselves, wala namang may ginusto na mangyari 'to sa'tin."
Sabi ko.

"Nasaan nga pala si Miss Karen, Jill? Pati si...Morris?" tanong ni Baldo.

"Naiwan sila." Hindi sila nakaimik, sinubukan kong i-cheer up yung sarili ko,
"They'll be back soon." Para paniwalaan yung bagay na malabong mangyari.

Ilang saglit na namayani ang katahimikan sa pagitan naming tatlo,


nagpapakiramdaman. Napabuntong hininga si Baldo, hindi rin siya makapaniwala
hanggang ngayon.
"Malapit na magpasko." Sabi niya, hinugot lang kung saan. "Ano kayang ginagawa nila
Aya ngayon, siguro nag-aaway lang sila ni Tadeo. Okay na kaya si Penelope?"

Hindi ko alam, Baldo. Hindi ko alam.

"Gusto ko ng umuwi." Si Stephen. "Namimiss ko na yung bahay namin."

"Sino bang hindi diba?" sagot ni Baldo rito.

"Guys. Listen." Tumingin sila sa'kin, "Kanina lang napag-usapan namin kung anong
susunod na gagawin. By the help of Don Miguel, nagpatawag siya ng reinforcements sa
military, tomorrow may mga susundo sa inyo rito para tulungan kayong makabalik kung
saan kayo nanggaling."

"Paano kayo?"tanong ni Baldo.

"Well, I don't know yet, pero ang alam ko kailangan din naming makabalik sa Sentral
city bukas."

"Hey, Jill." Tawag ni Stephen, "Kapag tapos na ang lahat ng 'to, magkikita-kita
tayo nila Aya, ha?"

Ngumiti ako atsaka tumango, "Yeah, right."

Sana.

*****

Kinagabihan. Magna-nine pa lang pero mukhang tulog na ang buong San Carlos. Hindi
ako makatulog, lumabas ako ng kwarto at kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta.
Gusto kong magpahangin. Papunta 'ko sa balkonahe ng mansyon, madilim na madilim at
tanging liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw.

"Can't sleep?" muntik na kong mapatalon sa gulat nang marinig ko yung boses niya,
napalingon ako at nakita siyang nakapamulsa.

"Cloud."

"Yoh."

"Okay ka lang ba?" sabay kaming naglakad papunta sa balkonahe di kalayuan. "Kanina
ka pa tahimik."

"Sus, namiss mo naman kaagad kakulitan ko." base sa tono niya mukang bumalik na
ulit yung sigla niya.

"Hey, seryoso, okay ka na ba?"

"Bakit?" Hindi ba niya alam na nag-aalala 'ko para sa kanya?

"Do I have to answer? Kung alam mo naman kung anong nasa isip ko?"

"Ouch, ganon ba talaga tingin mo sa'kin?" nag-inarte pa siya na nasaktan ng todo sa


sinabi ko.
"Ewan ko sa'yo." Narinig ko yung mahinang pagtawa niya.

"You don't have to worry about me, Jill. I'm fine, promise."

"Oh, akala ko ba hindi mo alam-"

"I know you're worried. Kanina ka pa kaya tingin ng tingin sa'kin, kala mo di ko
nakikita?"

"Bahala ka." Binilisan ko yung lakad ko.

"Wait lang. Eto naman oh." Mukang okay na siya ngayon dahil bumalik na yung
pagkahyper niya.

"Oh, mukhang pare-pareho tayong di makatulog ah."napahinto kami ni Cloud nang


marating namin yung entrada papuntang balkonahe. Nakita namin sila na nakatambay
doon, nakatingin din sila sa'min ni Cloud.

"Sino ba naman kasing makakatulog sa ganitong sitwasyon?" sabi ni Cecilia, pero


hindi niya kasama si Seraphina, katabi niya sila Finnix, Otis, Pascal. Sa isang
mahabang kahoy na upuan naman nandoon si Eliza at Palm. Sa poste di kalayuan,
nakasandal si Jing. Nandoon din sila Dean at Vicente.

"Great, bakit hindi kaya tayo magmeeting ngayon?" suggestion ni Vince na nilalaru-
laro yung halaman na katabi niya, sinaway siya ni Dean na katabi lang din niya.

"So, what now?" tanong ko, umupo sa isang bakanteng silya, ganon din si Cloud.

"Any plans? Eliza?" si Dean.

"Wait lang ha." Biglang sumingit si Jing, "Kailan pa siya naging leader dito?"
tanong niya at tinuro si Eliza, pagkatapos ay pumanewang naman, "At kailan pa
nagkaroon ng ganitong grupo?" hindi naman siya galit, parang lang.

"Kaninang madaling araw lang actually." Si Pascal ang sumagot, "Mahabang kwento."

"Yeah, and we call our group, Team Morie." Sabi naman ni Vince.

"Team Morie?" nakakunot noong sabi ni Jing atsaka siya tumawa. "Ayos ah, ang
korni."

"So, ano na nga ang balak natin?" tanong ko ulit para maputol yung kalokohang
pinagsasasabi nitong ni Jing. "Nasabi ko na kila Baldo na bukas may mga susundo sa
kanila para ibalik sila sa kanya-kanya nilang hometown, paano tayo?"

"Sigurado bang magiging okay sila kung iiwanan lang natin sila rito?" tanong ni
Finnix.

"What? Sino bang may sabi na iiwanan natin sila rito?" si Dean.

"I was thinking," si Eliza, nagsalita na rin, "We have no choice but to go at
Sentral city." Yun nga rin yung pinag-usapan namin kanina pero hindi pa malinaw.

"Para saan, Eliza?" tanong naman ni Palm.

"I hate to say this...we might suffer the consequences" medyo naguluhan kami sa
sinabi niya pero mukhang alam ko na ang ibig nitong sabihin.
"She's right." Nagsalita si Cloud, "They won't stop tracking us down."

"Well, mukhang alam niyo naman siguro kung ano talaga ang mangyayari pagkatapos
nating makatakas diba?" sabi ni Jing habang nakahalukipkip.

"And so? Ano ang dahilan kung bakit sa Sentral tayo pupunta, the fact na nandoon
halos lahat ng connections nila." Si Finnix.

"It's either we fight or we hide."sabi ni Eliza. "At alam niyong lahat na hindi
natin kayang magtago habambuhay."

"Nakukuha ko na yung punto mo." Sabi ko, "But how can we fight them?"

"We'll expose them." Napatingin ako kay Cloud dahil siya yung sumagot, "There are
no other way to fight them."

"Exactly." Si Eliza,

"I-eexpose natin ang Memoire? Paano natin gagawin 'yon?" tanong naman ni Jing.

"May naisip ako." Sabi ko sa kanila, "Why don't we make a video? Parang
documentary, iinterview-hin natin yung mga naging HGP na nakuha nila, kumbaga sila
yung magsisilbing witness. Pati tayo."

"Are you nuts?" kontra ni Dean sa idea ko, "Para mo na ring sinasabi na ieexpose
natin yung mga uri natin, mga Peculiars."

"Well, we need to think about it first, Morie." Sabi ni Eliza, "Pero I consider
that idea. May naisip na kong paraan. Dean, Vince, yung mga bag na nakuha niyo sa
Beehive na sa inyo pa diba?"

"Oo, nasa jeep."

"Good. We'll expose them by the Helexia. At kapag nalaman ng government ang tungkol
don, baka makagawa sila ng countermeasures."

Tumango yung mga kasama ko. Right.

"Kinabukasan ng tanghali dadating yung mga tinawag na tulong ni Kap. Pero may
mauuna na papunta sa Sentral city." Wika ni Eliza.

"Why? Bakit kailangang may mauna?" tanong ko. "Hindi ba pwedeng sabay-sabay tayong
umalis dito?"

"Let's just say na parang chess ang lahat ng 'to, and you're the King piece, once
na makuha ka ng kalaban, game over."

"Me? King piece?"

"You're the most valuable piece here. They need you in their latest project." Sabi
ni Dean.

"Tama siya, Jill Morie," si Jing, "Ikaw ang pinakakailangan nila rito, hindi kami o
ang mga HGP na 'yon. Malaki ang chances na matatrack nila kung nasaan ka kaya
hangga't maaari kailangan mong umalis dito dahil kung hindi madadamay ang San
Carlos."

Sumang-ayon kaming lahat sa naging plano ni Eliza at bumuo ng dalawang grupo. Ang
unang grupo, ang mga mauuna sa Sentral city para ipahatid sa kinauukulan ang
tungkol sa Memoire, kasama ako, si Cloud, Jing, Eliza at Vicente. Ang isang grupo
naman ay sila Dean, Palm, Cecilia, Seraphina, Pascal, Otis at Finnix, sila yung
mag-eescort sa mga evacuees.

Matapos ang pag-uusap, pare-pareho na kaming hindi makatulog hanggang sa abutin na


kami ng madaling araw.

We're not sure if this plan is going to work.

Faith, it is.

*****

It's December 23. Hindi pa gaanong sumisikat ang araw, pare-paerho kaming kulang sa
tulog. Napupuno pa ng hamog ang daanan, sobrang lamig. Mabuti na lang at nasobrahan
sa kagandahang loob si Don Miguel dahil pinahiram niya kami ng mga damit. Sinabi na
rin namin sa kanya yung plano naming magdadalawang grupo at wala namang problema sa
kanya. Binigyan din kami ni Kap ng ilang supplies para sa byahe namin, pera,
pagkain, damit, at isang cellphone.

Pinuntahan ko si Baldo at may ibinilin ako sa kanya. Kinausap ko si Miss Marcel at


sa kanya ipinakiusap na gumawa ng interview video sa mga evacuees, pumayag naman
siya, hindi alam nila Eliza na pinagawa ko yon. Pagkatapos nagpaalam na 'ko sa
kanila, kay Baldo, Miss M at Stephen, sinabi ko sa kanila na kailangan ko ng mauna
sa Sentral.

Nasa tapat kami ng mansyon, inaayos na ni Jing yung jeep na sasakyan namin.

"Mag-iingat kayo, Morie." Sabi ni Palm. Tumango lang kami, matapos magpaalamanan
sumakay kami, umandar ang sasakyan at tinatanaw sila papalayo habang papalabas kami
ng San Carlos.

Si Jing yung nagmamaneho, si Cloud yung nasa tabi niya, nasa likod kaming tatlo.
Nang tuluyan na kaming makalabas ng San Carlos biglang may nilabas si Vince.

"Saan mo nakuha yan?" tanong ko, may hawak-hawak siyang malaking radyo.

"Haha, hiniram ko kay Kap. Vintage boom box. Boring ang byahe kapag walang music.
Kaya rak na ito!" may pinindot sya atsaka tumugtog yon.

Narinig kong natawa si Jing "Haha, gago 'tong batang 'to, the final countdown
talaga pinatugtog."

We're leaving together, but still its farewell.

And maybe we'll come back, to earth, who can tell?

I guess there is no one to blame

We're leaving ground

Will things ever be the same again?

It's the final countdown.


"The final countdown!" Jing, Cloud, and Vince chorused.

Oh, hell.

Author's note:

Yay, thank you ulit. June na pala. Haha. Kitakits ulit sa next UD. Konting push na
lang. hoo,

/67/ On the Way

/67/ On the Way

"I don't know if this is the right thing..." out of the blue bigla kong sinabi.
Hininaan ni Vince yung volume ng boom box, napatingin sila sa'kin ng kambal niyang
si Eliza.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Jing na diretso lang ang tingin habang
nagmamaneho. Malapit ng magtanghalian, pero wala pa rin kaming mahintuang lugar na
pwedeng tigilan.

"Tama lang ba na iwanan natin sila?" tanong ko sa kanila.

"Jill, by this time siguro paparating na ron yung tinawag ni Don Miguel na susundo
sa kanila," sabi naman ni Cloud na nasa tabi ni Jing, salitan silang nagmamaneho
kada isang oras. Nakaka-apat na oras na kami sa byahe, ilang milya na rin ang layo
na tinakbo ng sasakyan namin.

"Kaya nga, relax ka lang and enjoy the view." Sabi ni Vince, prenteng-prente na
nakaupo, tsaka ko lang napansin nakasuot siya Hawaiian shirt at khaki shorts na
tinernuhan ng sombrero at shades, while summer dress yung kay Eliza. Wait, what?

"Vince, saan mo naman nakuha yan?" tanong ko sa kanya habang tinuro yung suot
niyang salamin, "And, ikaw din Eliza, terno talaga kayo?" na-aamuse kong sabi sa
kanila, sila 'ata ang pinakawirdong kambal na nakilala ko, at pinaka-fashionista.

"Ah, kanino pa ba, nakita ko lang dun sa wardrobe." Ngingiti-ngiti niyang sabi
habang nakakunot ako. Sumilip ako sa rearview mirror at side-view mirror,
nakashades din si Jing at Cloud. Seriously, ako lang ang hindi nakaporma rito?
Great. "I got one for you." Sabay abot ni Vince ng isa pang shade sa'kin. Sinamaan
ko siya ng tingin, "What? I thought gusto mo?"

Pahablot kong kinuha sa kanya yung shades at sinuot. "Nah, ang weird mo."

"Ako pa ngayon ang weird? Can you believe this, Eliza?" sabi niya pa na parang
nagsusumbong sa kambal niya.

"Presumably tatawag naman sila sa'tin kapag okay na sila." Sabi ni Eliza, binalik
ang usapan. "I still can sense na wala namang nangyayaring masama ngayon."

"So, you can still sense it? That far?" tanong ko with disbelief, umiling siya
atsaka sinabing,

"Instinct." Cool. Let's just leave it by her instinct, ano pa bang magagawa ko.

We're heading at Sentral City. So far, kasing smooth ng pagtakbo ng sasakyan yung
kasalukuyang sitwasyon namin. Kahit na mas mapapalayo pag sa main road dumaan, wala
kaming ibang choice dahil sa maaaring koneksyon ng Memoire sa management ng
expressway.

"Nandoon naman sila Finnix, kaya kampante ako." Sabi naman ni Jing at base sa tono
niya mukha ngang malaki ang iniwan niyang tiwala sa mga kasamahan. "Tsaka sabi ko
naman sa'yo, Jill Morie, ikaw ang pinakatarget nila, kaya nasa atin ang 99.9%
chance na mapahamak. Gets mo?"

"Alam ko." sabi ko, medyo naiinis.

"Very good." I rolled my eyes. Ang sarcastic kasi ng pagkakasabi niya ng 'very
good'. "Isipin na lang natin na hinahabol tayo ni kamatayan, 'kay?" napahinto sa
pagkanta si Vince, si Eliza tumaas yung kilay at ako naman ay napakunot. Bakit
parang ang dali lang niyang sabihin yung bagay na 'yon? "But as long as I'm here,
they will never lay even a single finger on you." And then it leaves me awed.
Nangibabaw yung 90's rock music na tumutugtog sa boom box dahil walang nagsalita
sa'min.

'...and I pray, oh my god do I pray I pray every single day for a revolution...'

Bubuka pa lang yung bibig ko para sabihing salamat pero naalala ko yung lagi niyang
sinasagot sa tuwing magpapasalamat ako, 'masyado pang maaga para magpasalamat'.
Nangiti na lang ako. Even though she's often grumpy, hostile and sometimes peevish,
but she still has a heart anyway.

'...And so I cry sometimes when I'm lying in bed just to get it all out what's in
my head...'

"And I, I am feeling a little peculiar." Kumanta na lang ulit si Vince kahit na


masakit sa tenga yung boses niya, "And so I wake in the morning and I step outside
and I take a deep breath and I get real high and I scream from the top of my
lungs." At sumabay na naman si Jing at Cloud, for heaven's sake kumakanta na naman
sila after a short break, kanina pa sila nagkakantahan since The Final Count Down!
"What's going on?"

"And I say, hey hey hey hey" Gusto kong magtakip ng tenga, hindi kumakanta si Jing,
sumisigaw ata. Si Eliza may hawak na libro at tahimik lang na nagbabasa, "I said
hey, what's going on?"

Ugh. Napaface palm na lang ako. Inulit pa ulit nila yung chorus at pagkatapos
malapit nang matapos yung kanta, hindi ko alam kung matutuwa ba 'ko dahil tapos na
silang kumanta o maiinis dahil bumabagal yung takbo ng sasakyan hanggang sa tumirik
kami sa gitna ng kalsada.

"So, anong nangyari?" tanong ko sa kanila. Sinubukan ni Jing buhayin yung makina
pero kahit anong pilit niya ayaw nang umandar ng jeep.

"It looks like we're out of gas."

"Come on, Cloud, hindi magandang biro yan." Sabi ko kahit na alam na hindi naman
siya nagjo-joke.

"We have supplies." Parang nakahinga ako ng maluwag nang sinabi 'yon ni Eliza, "My
dear brother, ikaw yung naglagay nung fuel can dito sa jeep diba?"

"Uhhh." Kakamut-kamot na sabi ni Vince, "Uhh...Nakalimutan ko 'atang ilagay dito."

"Ano?!" naunahan akong magreact ni Jing, kung kanina good mode pa siyang kumakanta
ngayon nag-init na yung ulo niya, "Putragis naman, bakit sa dinamirami ng pwedeng
maiwanan yung gas pa!"

"Hehe, kinuha ko pa kasi 'tong boom box."

"Inuna mo pa pala yang lintek na radyo na yan! Hay nako!" sinubsob niya yung mukha
niya sa manibela habang nanggagalaiti.

"Well, kailangan nating maghanap ng nearest gasoline station para makapagrefill."


Kalmadong sabi ni Cloud, I bet he's wearing his usual smile.

"Nearest gasoline station in the middle of nowhere?!" dumadagundong na sabi ni


Jing, feeling ko nag-echo pa nga sa paligid yung boses niya tanda nga na talagang
nasa kalagitnaan kami ng kawalan. Bumaba kaming lima ng jeep, naghihysterical pa
rin si Jing. "Nako, Eliza, ilayo mo sa'kin 'yang kakambal mo, mapapatay ko 'yan."

"Hey, will you just calm down." Sabi ko naman, tinanggal ko yung shades. Wala
naman kasing mangyayari kung mag-iinit lang din yung ulo ko at magalit kay Vince.
Pero naiintindihan ko kung bakit nagagalit si Jing, we can't waste time dahil
hinahabol nila kami at buhay namin parepareho ang nakataya.

"Calm down? I am freaking calm!" geez, bakit ba may anger management issues 'tong
Peculiar na 'to. Pumanewang siya atsaka tumalikod, pinapakalma 'ata yung sarili.

"Okay, so, wala tayong ibang choice kundi magtulak hanggang sa makahanap ng
gasolinahan." Sabi ni Cloud, nagkatinginan kami at nakangiti lang siya.

'Iniisip mo pa rin kaya yung naiwan mong ate at si Morris?' suddenly bigla kong
narinig yung boses ni Cloud. Is he trying to communicate with me through mind? But
that's irrelevant anyway, pwede naman kaming mag-usap 'diba?

"H-ha?"

"What? May dumi ba sa mukha ko?" tanong niya, nagtataka. Hi ndi siya aware...na
nababasa ko yung isip niya? Actually nung isang araw pang ganito eh, bigla-bigla ko
na lang maririnig yung thoughts niya, pwede ba namang trip niya lang i-transmit
yung thoughts niya sa'kin?

May biglang nag-vibrate, yung old-school flip phone with antenna na pinabaon ni
Kap. Kinuha yon ni Jing sa ibabaw ng dashboard, sinagot niya yung tawag.

"Hello, Finnix."

"Na-delay yung pagdating nung mga susundo sa'ming officials, pero sabi ni Kap on
the way na raw sila. Kayo, kamusta?"

"Oh great 'eto naubusan ng gasolina."

"Naku, malaking problema 'yan."

"Malaking problema nga, ito magtutulak kami ng jeep hanggang sa makahanap ng


pinakamalapit na gasolinahan."

"Sige, tawagan na lang namin kayo ulit maya-maya."

"Sige."

******

"Wala bang pahinga?" sumukong sabi ni Vince at tumigil sa pagtulak, siguro mag-
iisang oras na kaming nagtutulak pero yung sinasabing 'nearest gasoline station' ni
Cloud hindi pa rin namin nararating. Yeah, we're really stuck in the middle of
nowhere katulad ng sinabi ni Jing.

"Wag kang magreklamo dahil kung hindi mo lang nakalimutan yung gas hindi ka
magtutulak ngayon."sabi ni Jing while alongside the driver's seat, nagtutulak din.

"Bakit kasi hindi mo na-full tank yung gas, ikaw yung nag-aayos ng jeep kanina
'diba, kasalanan mo rin." Sumagot pa si Vince.

"Aba at ako pa ang sinisisi mo?"

"That's enough." Saway ko sa kanilang dalawa. "Jing, we need a break."

"I think she's right," segunda ni Cloud, "We're tired."

Huminto si Jing, pumanewang na naman at humarap sa'ming apat. Akala namin


pagagalitan niya na naman kami dahil kanina pa siya nagdadaldal na parang nanay
namin to think na siya naman talaga ang pinakamatanda sa'ming lima.

"Fine. Pero isang oras lang."


"Yehey!" sabi ni Vince, para kaming mga bata na pinayagang bilhan ng ice cream. So,
ipinarada namin yung jeep sa gilid ng kalsada. Kinuha namin yung isang bag na
naglalaman ng ilang pagkain, tapos pumunta kami sa seashore na tabi lang din ng
kalsada. Medyo mababa naman yung cliff pababa ng shore, tapos may mga puno naman na
pwedeng silungan.

"Pinapaalala ko lang, hindi tayo mga turista o bakasyonista." Sabi ni Jing habang
nilalantakan namin yung mga tinapay. "Yung Memoire-"

"Aish, paulit-ulit ka na lang, kanina mo pa sinasabi sa'min yan eh." Putol ni


Vince.

"Kaya nga, ang sinasabi ko lang naman-"

"I have something to tell." This time ako naman yung pumutol sa pagsasalita niya.

"Ano 'yon?" tanong ni Cloud.

Huminga muna ko ng malalim, lahat ng atensyon nila na sa'kin. I think I should tell
them. "There's something wrong with me."

"Something's wrong?" si Eliza.

"No, I mean, may kakaibang nangyayari sa sarili ko magmula pa noong nasa MIP pa
tayo." Sabi ko, "Actually, since na tinurukan ulit ako ng Helexia ng pangalawang
beses. I don't how to explain atsaka maging ako hindi rin makapaniwala na nagawa ko
'yon."

"Ha? Dalawang beses kang naturukan ng Helexia and then anong nangyari?" tanong ni
Jing.

"Yeah, and as usual, hindi 'yon tumalab sa'kin."

"And then?"

"And then I just killed." Napahinto sila at parang hindi naniniwala sa sinabi ko,
"I didn't mean to, kusang nagreact yung katawan ko na depensahan yung sarili ko ng
mga oras na 'yon. Bigla akong rumunong makipaglaban, physically."

"So you became a fighting machine? Ganon?" si Jing.

"Ayokong isipin na ganyan. At hindi lang 'yon." Nakaabang sila sa susunod kong
sasabihin, "Habang hinahati ni Jing yung dagat, may mga humahabol sa'tin diba?"
tumango sila, "Pinaulanan nila tayo ng bala, I couldn't believe it myself...I
deflected all those bullets."

"Through what?" si Eliza.

"Through mind? Hindi ko alam."

"So you're saying that you used telekinesis?" sabi naman ni Cloud, hindi rin
makapaniwala. Si Jing biglang natameme at parang may inisip.

"Jing?" tawag ko, "Tell me, ikaw yung nagdeflect ng bullets, hindi ba?" umaasa ako
na oo ang isasagot niya.

Tumingin siya sa'kin, tinanggal yung suot na shades. Umiling at sinabing, "Hindi."
Napahinga ulit ako ng malalim, "At hindi lang 'yon. Cloud," tumingin ako sa kanya,
katabi ko lang siya actually, "I think I could hear your thoughts."

"You're kidding, right?"

"Unfortunately, I'm not." It leaves his mouth slightly open.

"There are two possible conclusions, Morie." Eliza said, tinanggal din muna yung
suot niyang shades, "First, maaaring iyan talaga yung Peculiarity mo or powers.
Second, maaaring iyan ang side-effects sa'yo ng Helexia, instead na macontrol ang
brain system mo may nabuksang ilang 'special' system para maging telepath at
telekinetic ka at the same time."

"I don't know, Eliza." Napatingin na lang ako sa buhangin sa ibaba. "I don't know."

"In that case, mukang kailangan na talaga nating makarating ng Sentral city."
Napatingin ulit ako kay Jing, "You need to talk to your father, Dr. Richard Morie."

"Why him?" and besides she despise my father so much.

"Siya lang ang may alam tungkol sa katotohanan kung ano talaga ang meron ka."
Iniwas ko yung tingin ko, I haven't seen my father since the last time we met.
"Tinulungan niya kami noon nila Cairo noong mga bata pa lang kami kung paano
kontrolin kung anong meron kami. It's possible that hcan answer your questions."

Nagkibit-balikat na lang ako bilang sagot.

"Pano kaya kung subukan mo ngayon, Morie." Si Vince na nakapangalumbaba, tumingin


kami sa kanya, "Subukan mo ulit gawin yung mga ginawa mo kanina."

"Tama siya." Si Jing, for the first time nagkasundo rin sila ni Vince. "Tingnan
natin kung paano mo nagawa 'yon."

"Hey, what do you mean?" tanong ko.

Imbis na sumagot, tumayo si Jing, pumanewang.

*****

"Tama na, hindi ko na kaya." I give up. I can't do this anymore.

"Magfocus ka pa." sabi ni Jing na nagmistulang coach ko, "Concentrate harder,


isipin mo magagalaw mo yung bato." Heck, feeling ko ilang oras na 'kong nakatitig
sa maliit na bato na nasa ibabaw ng mas malaking bato, sabi ni Jing subukan ko raw
i-lift o galawin pero hanggang ngayon ni galaw wala namang nangyayari. "Sa maliit
na bato lang din ako nagsimula noon. Think, think, imagine magagalaw mo yung bato
without touching it." Sinubukan ko ulit pero hindi ko talaga magalaw.
Nakakafrustrate lang.

"I think you should stop forcing her." Nagsalita si Cloud, nakaupo di kalayuan sa
isang bato, "Nahihirapan si Jill."

Jing let out a sigh, "Fine. Pero paano kaya kung subukan natin 'to." Sabi niya,
kumunot lang yung noo ko.

"What?"

"Katulad ng ginawa mo sa pagdeflect ng mga bala. Babatuhin kita ng mga bato, baka
pang-emergency o adrenaline rush lang pala gumagana yang powers mo." Then I saw she
lift some rocks through telekinesis, hindi ako handa nang ibato niya 'yon ng sabay-
sabay sa'kin, automatic na nagcross yung dalawang braso ko at tumama sa'kin yung
mga bato. Masakit.

"See? Wala talaga." Sabi ko. "You know what, let's stop this, I'm hopeless." Parang
nagsisisi ako na sinabi ko sa kanila yung tungkol dito.

"She's right. Marami na tayong naaksayang oras." Sinundan ako ni Eliza, "The
important thing right now is makarating tayo ng Sentral city-ng buhay." Napatingin
ako sa kanya dahil hindi ko nagustuhan yung sinabi niya, "Maybe Morie needs a long
process before she could achieve the higher level of those powers we mentioned. We
really need to go now."

Walang nagawa si Jing kundi itaas lang ang kamay sa ere bilang pagsuko. We packed
our things then bumalik kami sa pinaradahan namin ng jeep at nagsimula ulit
magtulak. Medyo nagkaenergy na ulit kami kaya mga twenty minutes kaming nagtutulak
nang huminto si Eliza.

"Bakit, Eliza?" tanong ni Vince sa kakambal.

"May naaamoy ako." Sabi niya, nakatingin kami sa kanya, hinihintay yung sasabihin
niya, "Few meters away, may gasoline station." Natural na natuwa kami sa ibinalita
niya kaya mas lalo naming binilisan hanggang sa sawakas ay narating na namin yung
'nearest gasoline station' na sinabi ni Cloud kanina, not literally near pero sa
haba ng nilakad namin aarte pa ba kami ngayon?

Nuni Star's gasoline station. May isang maliit na convenience store malapit dito at
katabi nito ang isang traveler's inn. Pero paglapit namin, wala kaming nakita kahit
isang tao.

"Uhh... Hindi ko alam kung matutuwa ba tayo dahil malilibre tayo ng gasolina." sabi
ni Vince, nagtataka rin. Bukas naman yung stores pero walang tao, gumagana rin yung
fuel dispenser, walang inaksayang oras si Jing dahil ginasolinahan niya yung jeep,
full-tank.

But this is bizarre. Bakit walang katau-tao rito?

"Let's check the place out, baka may tao." Sa boses ni Jing hindi maitatagong
kinakabahan. The atmosphere changed into disturbing. "Dito ka lang, Jill Morie."
Napamaang ako dahil bakit kailangang maiwan lang ako rito.

Umalis silang apat at naiwan nga 'ko. Maya-maya wala pang sampung minuto ay bumalik
si Jing, Cloud at Vince.

"Wala, walang tao." Sabi ni Cloud.

"Pinuntahan ko yung likuran ng bawat establishments. Wala rin." Si Jing.

"Pumasok ako sa loob ng tindahan," may hawak pang lollipop si Vince, "Gusto niyo ng
candy? Walang nagbabantay eh."

"Where's Eliza?" Pagkatanong ko palang sa kanila ay nakita ko na si Eliza na


humahangos papunta sa'min. And unusual, her face...is so scared. "Hey, okay ka
lang?" tanong ko sa kanya pagdating niya.

"Kailangan na nating umalis!" nagkatinginan kami pare-pareho, "This is a trap!


They're coming!"

Sa isang iglap sumakay kaming lahat ng sasakyan at kaagad inatras abante ni Jing
yung jeep. Biglang nagvibrate ulit yung telepono at si Cloud yung sumagot,

"Hello?"

"Jing!" Boses yon ni Pascal at kapansin-pansing may kakiba sa background ng tunog


sa kabilang linya.

"Bakit?!"

"Ang...San Carlos...Nilulusob kami ng Memoire!" katahimikan sa pagitan naming lima


ang namayani, naging malinaw ang mga tunog sa background, nilulusob ang bayan ng
San Carlos ng Memoire. "Jing, kahit anong mangyari-" biglang naputol yung tawag.

"Tangina." Narinig kong napabulong ng mura si Jing. "Kailangan nating bumalik."

"No! Hindi pwede!" sigaw ni Eliza.

"Wala kang karapatang utusan ako, nasa panganib lahat ng buhay nila at kailangan
natin silang tulung-" The next thing we knew...it's too late.

Papalabas pa lang kami ng gasolinahan nang mapalibutan kami ng mga itim na


sasakyan, there are too many of them. Umibis mula rito ang mga Sentinels at
tinutukan kami ng mga baril.

"Damn it."

/68/ I See Fire


/68/ I See Fire
"There are seventy of them." Estimate ni Eliza sa bilang ng dami ng Sentinels na
nakapaligid sa'min, "There are no signs of any Peculiar. I think you can easily
knock them all." Sabi niya kay Jing.
"Alam ko." mataray na sagot ni Jing atsaka tumayo, nakipagpalit kay Cloud ng
pwesto, "Nahati ko nga yung dagat kahapon eh, ito pa kayang pitumpung tao."
Pagkapalit nila ng pwesto ni Cloud kaagad nagpaulan ng bala ang mga kalaban.
Predictable na yung mga sumunod na pangyayari, Jing easily deflected the bullets.
Bago pa ulit sila makaatake, by Jing's powers hinawi niya na parang papel yung mga
sasakyan para magbigay ng daanan, then Cloud quickly drift the jeep. Nagawa naming
makalabas mula sa pagkapalibot nila but the struggle is not over yet. Nakasunod
sila sa'ming lahat, kataka-taka na bigla na lang silang sumulpot mula sa kung saan
at...bakit? Bakit ngayon pa sila biglang nagpakita?
Si Jing ang pumuprotekta sa'min habang hinahabol nila kami. Bigla ulit tumunog yung
telepono, inabot 'yon sa'kin ni Cloud at sinagot ko ang tawag na mula sa San
Carlos.
"Jing!" si Pascal ang nagsalita. "Naririnig niyo ba 'ko?"
"Pascal, ano ng nangyayari?" hindi ko maiwasang kabahan sa mga nangyayari lalo na
ngayon. Sabi ko na nga ba... May mangyayari't mangyayari na hindi maganda.
"K-kailangan niyong bumalik dito, kailangan namin ng tulong niyo." Sabi nito,
"Pakiusap, bumalik kayo." Medyo humihina yung signal kaya hindi ko na maintindihan
yung mga sumunod niyang sinasabi.
"Pascal?" at katulad kanina biglang naputol yung tawag. Then we heard a boisterous
sound, at nakita ko na umiikut-ikot sa ere yung isang kotse na humahabol sa'min,
pagkatapos ay bumagsak iyon sa isa pang kotse kaya nagkasunud-sunod silang
nagbanggaan until they all explode. We're pretty far from them but we can still
feel the heat and impact, pinreno ni Cloud yung jeep at muntik na kaming mapasubsob
nila Eliza sa harapan.
I could hear our gasps, akala ko hihimatayin si Jing katulad ng nangyari noon,
shortly after niyang ibuhos lahat ng kapangyarihan niya sa paghati niya ng dagat,
pero hindi, she's breathing heavily.
"W-what the hell?" narinig kong sabi ni Vince, nashock din sa mga nangyari.
Nakatingin kaming lima sa likuran, ang nagliliyab na eksena at makapal na itim na
usok nito papuntang langit.
"Paano nila nalaman..."
"Hindi na dapat tayo magtaka kung makorner nila tayo kahit saan. They're Memoire."
Sagot ni Eliza sa'kin. "Unless..."
"Unless?" pero hindi na niya dinugtungan yung sasabihin niya, ayaw magbitaw ng mga
salitang hindi sigurado.
"Kailangan na nating bumalik ng San Carlos." Napatingin kami kay Jing na nagsalita,
"Cloud, bilisan mo."
Bubuhayin pa lang ni Cloud yung makina ng jeep nang umapila si Eliza, "We're not
going back. Ang goal natin ay makarating sa Sentral city as soon as possible."
"Shut up," pero seryoso na talaga si Jing, for real, "Sabi ko nga kanina wala kang
karapatan na bigyan ako ng utos." But being serious like this makes her mad like
shit, and I don't like the atmosphere, ang tensyon na namumuo sa pagitan ni Jing at
Eliza "Babalik tayo sa ayaw at gusto mo."
Mukhang natakot si Cloud dahil binuhay niya na yung makina ng jeep at niliko iyon
pabalik. Pero hindi pa rin natinag si Eliza, ni hindi man lang natakot kay Jing.
"It'll take four and a half hours bago tayo makabalik ng San Carlos, we do not know
kung anong nangyayari doon and it might-"
"Wala akong pake. Kaya nga tayo babalik 'diba?" Naiintindihan ko si Jing, may mga
naiwan kaming kasamahan sa San Carlos na nanganganib ang buhay, and they need our
help, or mas tamang sabihing kailangan doon si Jing nila Finnix. While Eliza is
being logical as usual, mas priority niya yung goal naming makarating kaagad ng
Sentral city sa lalong madaling panahon. Both sides are reasonable yet I don't know
where to take stand. But as an important 'piece' in this 'game', I need to decide.
Hindi na kumibo si Eliza at isa lang ang ibig sabihin non, talo siya kay Jing at
mukang alam niya na iyon din ang nasa isip namin nila Cloud, kailangan naming
bumalik dahil kailangan kami. Hindi ko na alam, may isang panig sa isip ko na
sumisigaw na wag, at sa kabila nama'y dapat.
Ito na yata ang pinakamahabang biyahe na naranasan ko sa buong buhay.
*****
Palubog na ang araw. Ilang metro na lang ang layo namin mula sa entrada ng San
Carlos. Malayo pa lang ay kitang-kita na namin ang maitim at makapal na usok,
naging mapula ang paligid. Halos paliparin ni Cloud yung jeep.
"Itigil mo na rito." Sabi ni Jing, hindi pa kami nakakaabot sa pinakaentrada dahil
kitang-kita ng dalawang mata ko ang kalunus-lunos na sitwasyon ng San Carlos.
Bumaba kami ng jeep.
It was dreadful; I could hear screams and shouts of help. The peaceful village
turned into a living hell. Nasusunog halos lahat nang makita mo sa paligid. Bigla
akong nanghina.
"Hey." May umalalay sa likuran ko dahil parang matutumba ko sa lupa, "Are you
alright?"Umiling ako kay Cloud, alam naman niya siguro na hindi okay ang lahat,
hindi maayos ang lahat. How dare him para itanong 'yon sa'kin?
Patakbo kaming pumunta sa loob nito, hindi ko alam kung anong uunahing gawin. I
could feel my chest pounding. Sa dami ng emosyon, takot, lungkot, pagsisisi, galit
sa sarili, hindi ko alam kung ano ang nangingibabaw. Sa mga oras na 'to pakiramdam
ko kasalanan ko na naman ang lahat, kasalanan ko na namang may mga inosenteng
nadamay ng dahil sa'kin.
"Guys!" biglang sumulpot sa harapan namin si Dean, may pasan-pasan siyang bata na
injured, "Hindi ko alam kung dapat bang nandito kayo pero ginagawa ko ang lahat
para tulungan yung iba pang mga residente rito." Hingal na hingal siya atsaka
binaling yung tingin sakin, umiiling na mas lalo kong ikinabahala. Pagkahinga niya
ng malalim kaagad siyang nawala kasing bilis ng kidlat.
"Let's go." Sabi ni Jing at umusad kami, hindi alam kung saan magsisimula, sa
bandang huli nagkahiwa-hiwalay kaming lima.
Sa buong buhay ko ngayon ko lang naranasan yung ganito, yung ganitong aktwal na
parang impyerno na nasa lupa, mga dagat ng apoy na umaalun-alon, at yung silakbo
katulad nang nakita ko noon sa panaginip ni Finnix, but this time everything's
freaking real.
Naghanap ako ng mga tao na pwede kong tulungan, naririnig ko yung mga boses nila
pero hindi ko sila mahanap. Nakakalanghap na ko ng usok, pero hindi ako natinag
kahit na nauubo at masakit sa mata. Maya-maya tila umulan, naramdaman ko na may
bumuhos na tubig mula sa itaas, pagkabagsak sa lupa'y unti-unting namatay yung mga
apoy. Nakita ko si Jing sa di kalayuan, siya yung pumatay ng apoy.
Naging malinaw na yung paligid dahil nawala yung mga usok at apoy. Nakita ko sa
malapit sa isang poste, may nakahandusay na katawan, hindi ko alam kung bakit
parang may nag-udyok sa'kin na lapitan 'yon.
"C-cecilia." Tuluyan nang nanghina ang dalawang tuhod ko, kaagad ko siyang
dinaluhan. "A-anong nangyari?" sinubukan ko siyang tulungan ibangon pero nakita ko
na may malala siyang burn injury sa balikat.
"J-jill..." nagawa pa niyang makapagsalita nang makita ako, "A...ako...na ang
humihingi ng tawad..."
"Sandali lang, Cecilia, tatawag ako ng tulong, kailangan kang magamot ni Palm."
Sabi ko at akmang tatayo pero hinawakan niya 'ko sa braso, naramdaman ko sobrang
init nito. "Tatawag lang ako ng tulong."
"Jill." Hindi ko alam kung gaano kalakas yung tibok ng puso ko, pero ayaw niya
'kong bitawan, "Sa ikalawang pagkakataon...patawad."
"Cecilia." hindi ko rin gaanong maunawaan kung anong ibig niyang sabihin, kung
bakit siya humihingi ng tawad...sa ikalawang pagkakataon? Hindi na siya sumasagot.
"Morie?!" napalingon ako at nakita si Vince papunta sa kinaroroonan namin.
"Vince! Tulungan mo ko!" binilisan niyang maglakad. Maging siya ay nagulat nang
makita ang kalagayan ni Cecilia, "Nasaan si Palm? Kailangan ko si Palm ngayon na!"
Tumayo ako at niyugyog ko yung balikat niya dahil natulala lang siya.
"Pero Morie...hindi na siya..."
"Hahanapin ko si Palm! Dito ka lang, wag mo siyang iiwan." Sabi ko sa kanya at
kaagad akong umalis.
"Morie, sandali!" tawag niya pero hindi ko siya nililingon, tumakbo ako para
hanapin kung nasaan man si Palm. Kailangan niyang magamot si Cecilia. Wala na kong
pake kung gaano na kalayo yung narating ko at nasaan ako napadapad, hindi ko pa rin
nakita si Palm at kahit isigaw ko yung pangalan niya, walang sumasagot.
Hanggang sa nakita ko sila Pascal, Otis, Finnix at Jing na nakatayo malapit sa
isang puno ng Balete. Hindi nila kaagad napansin yung presesnya ko, "Hey." Tawag ko
sa kanila at sabay-sabay silang lumingon, si Pascal pa nga ay parang pusang nagulat
nang makita 'ko, yung payasong maskara ni Otis nalusaw ng kaunti yung kanang parte,
si Finnix na walang emosyon ang mukha at si Jing na naalerto.
"Nasaan si Palm?" tanong ko sa kanila, "Si Cecilia-"
"Ilayo niyo siya rito." Kahit mahina yung pagkakasabi ni Jing narinig ko pa rin
'yon. Bakit? Bakit kailangan nila 'kong ilayo? Hinawakan ako sa magkabilang braso
ni Otis at Pascal at nagsimulang kaladkarin palayo roon pero nagpumiglas ako.
"Bakit? Bakit niyo 'ko ilalayo?" tanong ko sa kanilang dalawa pero hindi sila
sumasagot, "Pascal, si Cecilia, kapag hindi siya kaagad binigyan ng tulong-"
"Wala na tayong magagawa." Pero iyon ang sinabi niya kahit hindi pa tapos yung
sasabihin ko.
"Bitawan niyo 'ko!" sabi ko at pilit na kumakawala sa kanilang dalawa, malakas si
Otis pero nagawa ko silang matulak ni Pascal. Nagkatinginan silang dalawa nang
mapaatras sila. Kaagad akong tumakbo papunta sa kinaroroonan ni Jing, nang makita
niya 'ko ay mabilis niya 'kong hinarangan.
"Ano ba, Jing! Ano bang itinatago niyo?!" pero nagawa ko rin siyang mahawi at
makahabang paused ng ilang hakbang, tsaka ko biglang napatigil nang makita ang
eksena nila.
"Mabuhay ka... Mabuhay ka..."
"Palm, utang na loob tama na."
"Wag mo kong awatin, Dean."
"Palm!"
"Lumayas ka! Hindi ka naman nakakatulong!"
"Patay na sila Palm! Hindi mo na sila mabubuhay!" pilit na itinatayo ni Dean si
Palm pero sa huli'y pareho silang sumalampak sa lupa, sumunod na narinig ay ang
impit ng pag-iyak nito, walang ibang nagawa si Dean kundi yakapin siya, habang
katabi nila ang tumpok ng mga tao...na walang buhay.
Nanginginig ang buong pagkatao ko. Humakbang ako ng dalawa, dahan-dahan. Napatingin
silang dalawa nang makita ako.
"Morie..." umiiyak na sabi ni Palm. Tsaka ko lang nakita kung sino yung tao na
pilit niyang binubuhay.
"B-baldo?" nakita ko si Baldo katabi lang halos nila Palm na nakaluhod lang at
tahimik na umiiyak, natulala.
"Huli na kayong dumating. Halos lahat ng tao sa San Carlos..." napatingin ako kay
Finnix na nagsalita, "...patay na. Kabilang yung mga HGP...at kaibigan mo."
Tinutukoy ba niya si Stephen...at si Miss M?
Sunud-sunod na pumatak yung luha ko sa sinabi niya. Bakit? Bakit sobra-sobra yung
sakit? Umiling ako kay Finnix, hinihiling na sabihin niya na hindi 'yon totoo kahit
na nakita ko na kung anong totoo sa paligid ko.
Nakita ko paparating si Vince, pasan-pasan si Cecilia, pagkarating niya ay hindi
niya magawang makatingin ng diretso sa'kin.
"I'm sorry, Morie. Pero..." pagkasabi niya' umiling na lang siya at inihiga sa
damuhan ang wala ng buhay na si Cecilia, kaagad itong dinaluhan ni Jing.
"Cecil? Cecil?!" kahit anong tawag niya hindi na 'yon gumagalaw o dumidilat. "Bakit
niyo hinayaang mangyari 'to?" lumingon siya kila Finnix, "Ha?! Bakit?!" pero hindi
sila kumibo o ano pa man.
"Hindi pa huli ang lahat." Pare-pareho kaming napatingin sa pinanggalingan ng
boses. Si Seraphina! Nakapasan siya kay Cloud at kasunod nila si Eliza. "May paraan
pa para maayos ang lahat ng 'to."
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko ng medyo nakalapit na sila.
"S-seraphina." Si Finnix, "Mabuti na lang, buhay ka pa." hindi makapaniwalang sabi
nito.
Bumaba si Seraphina sa pagkakapasan, katulad ni Cecilia may matindi rin siyang tama
sa balikat pero nagagawa pa rin niyang makagalaw.
"Anong paraan Seraphina?" tanong ko ulit.
"I can restore this place back... and their lives as well."
"Sandali lang!" tumayo si Jing, "Sinasabi mo bang-"
"Oo, Jing. Ibabalik ko ang oras nila, kapalit ang buhay ko. Ako lang ang tanging
Peculiar na makakagawa nito, alam mo yan."
"Seraphina hindi mo pwedeng gawin 'yan!" sigaw ni Finnix, "Hindi ka pwedeng
mamamatay!"
"Ito ang tama, Finnix, hindi mo na 'ko mapipigilan ngayon." Tumingin siya sa'kin
pagkatapos, "Pero bago ako mawala, gusto kong sabihin, Morie, patawad sa ikalawang
pagkakataon." Nabigla ako dahil iyon din yung sinabi ni Cecilia, "Mag-iingat ka."
Inilabas niya sa mumunti niyang palad ang isang pocket watch, yung lagi niyang
dala.
Magic. Ang sumunod na pangyayari ay lubhang kamangha-mangha. Gumalaw ang mga bagay
sa paligid, parang umiikot. Dahil mga Peculiar kami, hindi kami naapektuhan sa
time restoration na ginagawa ni Seraphina. Animo'y isang pelikula na nagpeplay
pabalik.
"Paano si Cecilia?" tanong ko sa katabi kong si Jing, iling lang ang sinagot niya,
nangangahulugang hindi na siya mabubuhay, dahil Peculiar siya.
"Magbabayad ang may gawa nito." Bulong ni Jing, damang dama ko yung hinanakit niya.
Pakiramdam ko tuloy dapat akong humingi ng sorry sa kanya dahil sa nangyari.
Nagtapos sa isang pagsabog ng liwanag ang mahika ni Seraphina. Kitang-kita ko kung
paano siya kumaway bago unti-unting naglaho na parang abo. She sacrificed herself
for the sake of others, dahil iyon lang ang paraan, dalawang buhay ang kapalit para
sa mas maraming buhay.
Dapat magbayad ang may gawa nito, katulad ng sinabi ni Jing.
Cecilia...Seraphina... We just lost...them. Hanggang sa huli lumaban sila...hindi
lang para sa kapakanan ko. Naramdaman ko yung luha na umaagos sa pisngi ko, at
panginginig ng dalawang tuhod ko. Pero kung tutuusin may kasalanan din ako, kahit
na sabihin nilang wala.
"Live well. Jill Morie." At tila may bumulong sa hangin bago nang mawala ang
liwanag.
*****
Seraphina restored everything, nabalik sa dati ang San Carlos, yung mga nasira ay
muling nabuo, yung mga namatay ay muling nabuhay. Funny, dahil noong ikinuwento
namin lahat kay Don Miguel ang nangyari, hindi siya makapaniwala, wala siyang ibang
maalala kundi yung mga nangyari bago magkaroon ng atake.s
Kahit na inikot ni Seraphina yung oras nila, hindi nabago yung oras sa totoong
mundo. Magdidilim na. Nakatayo kaming sampu sa harapan ng puntod. Binigyan namin
ng makatarungang libing si Cecilia. Si Seraphina na bigla na lang naglaho sa
hangin. Nag-alay kami ng dasal at bulaklak sa kanila. Umiiyak si Finnix, katabi
sila Otis at Pascal. Samantalang si Jing ay ni hindi ko man lang nakitang pumatak
ang luha kahit butil.
Naramdaman kong may pumisil sa kamay ko, nasa tabi ko siya, "Jill."
"Hmm?"
"Hindi kita iiwan." Hinawakan ko rin ng mahigpit yung kamay ni Cloud. Mahigpit.
Parang ayaw naming bumitiw sa isa't isa, somehow sa ganitong paraan nararamdaman ko
na dapat pa rin akong magpakatatag, as long as there's someone...who's willing to
hold your hand even though it quivers.
"Promise."
*****
Bumabyahe na ulit kami gamit ang old minibus na ipinahiram ni Kap, kapalit ang pag-
iwan namin sa Wrangler Jeepney, hindi na kasi kami magkakasya dahil kasama na namin
sila Dean, Palm, Otis, Pascal at Finnix. Naiwan pa rin sa San Carlos ang mga dating
HGP, kasama si Baldo, personal na maghahatid sa kanila yung staffs ni Kap at
nangako ito na walang mangyayaring masama sa kanila. Pumayag kami, dahil according
to Eliza, tinatarget kami ng Memoire kaya posibleng kung mananatili pa yung isa
sa'min doon ay maulit yung nangyari, magulong paliwanag.
Si Otis yung nagmamaneho. Tahimik kaming lahat, kahit na si Vince natanggal ang
kulit. May sari-sarili kaming mga mundo sa loob ng isipan hanggang sa...
"Maglaro naman tayo," Biglang nagsalita si Cloud, binasag ang nakakariniding
katahimikan. Lahat kami napatingin sa kanya, napamaang.
"Sounds fun." Sabi ni Vince. "Anong laro?"
"Hulaan ng traydor."
"Ano bang sinasabi mo, Cloud?" tanong ko, sinamaan siya ng tingin. Hindi ko gusto
'yung sinabi niya.
"There's a traitor among us." Suddenly, the atmosphere changed, mararamdaman na
nag-iba ang timpla ng hangin sa loob ng sasakyan.
"Traydor?" si Dean, natatawa. Cloud could read minds, kung sa sinasabi niyang may
traydor kaming kasama...dapat akong maniwala sa kanya...
"Sino?" tanong ko, pero ngumiti lang siya ng nakakaloko, but behind that smile
there's something.
"I don't want to spoil everyone. Guess who." Bigla siyang kinuwelyohan ni Jing
dahil galit ito.
"Wala akong oras para sa mga kagaguhan mo, Cloud." Sabi ni Jing, "Sino?!"
"Why don't you figure it out yourself?" biglang sumabat si Eliza, nakadekwatro at
nakahalukipkip, parang nang-iinis. Binitawan ni Jing si Cloud at nilapitan si
Eliza. May alam si Eliza, hindi siya magsasalita ng ganun kung wala siyang alam.
"Siguro, ikaw yung traydor." Duro ni Jing sa kanya, "Una sa lahat ikaw yung
nagplano na maghiwalay hindi ba?! Sinet up mo kaming lahat dahil may koneksyon ka
sa Memoire-" isang matunog na sampal ang iginawad ni Eliza, tumahimik bigla.
Gumanti si Jing. "Hah! Sabi ko na nga ba!" tumayo si Dean para awatin si Jing, pero
hindi siya tumitigil sa pagdakdak. Si Eliza nakangisi lang, ganon din si Cloud.
"Stop it, Jing." Saway ko, huminto naman siya, "I think...alam ko kung sino." This
time napatingin silang lahat sa'kin.

Author's Note:

Gusto kong magthank you kay kapriel kaya naman dedicated sa kanya yung chapter na
'to, hindi ko kaagad mapapansin 'yon kaya naman naedit ko na yung chapter na 'to.
Haha, thanks ulit for being keen. May iba rin kayang nakapansin sa "defect" ng
chapter na to? haha. Naayos ko na siya.
Anyway, salamat ulit sa inyo. :)
God bless!

/69/ Conspiracy Woods

/69/ Conspiracy Woods

I know that I can't take back what I've said. Lahat sila nakatutok ang tingin
sa'kin pagkasabi kong alam ko kung sino ang traydor na kasama namin ngayon. It was
an instinct, sounds irrational pero may nag-udyok sa'kin na sabihin na alam ko
kahit na sa totoo lang ayokong isipin na mayroong traydor-na naman.
"Morie?" tawag ni Dean sa pangalan ko nang mapansing nakatulala lang ako sa
kawalan. "Alam mo kung sino?" kakasabi ko lang, Dean. It was easy. Kung tutuusin
madali lang hulaan ang tanong sa laro ni Cloud. Nakita kong lumapit si Jing sa
kinaroroonan ko, this time mahinahon na siya at blangko ang ekspresyon ng mukha.
"Sino?" tanong niya, tila pagud na pagod na sa mga nangyayari, wag kang mag-alala,
Jing, hindi ka nag-iisa "Sino, Jill Morie?"
"Ikaw." Sumunod na namayani ang katahimikan. Ilang segundo kaming nagtitigan, I'm
expecting that she'll burst into madness or what pero nanatili lang siyang blangko.
"Yung totoo, Jill Morie, anong kaputahan ang sinasabi mo?" kalmado, hindi galit,
naguguluhan siya alam ko. Sorry Jing, ikaw muna ang traydor ngayon. Sinilip ko si
Eliza at Cloud, nakatingin lang sila sa'min katulad ng iba.
"Are you serious, Morie?" tanong ni Vince, "This old hag?" turo niya pa.
"Old hag?" hinarap ni Jing si Vince, tila mas napikon pa sa sinabi nito kaysa sa
sinabi ko, "Bawiin mo yung sinabi mo kung ayaw mong hatiin ko yang bungo mo."
Natakot naman si Vince dahil sumiksik siya sa kakambal.
"Wag ka na magmaang-maangan, Jing." Sabi ko at dinuro siya, "Ikaw ang traydor."
Hinawi niya yung kamay ko at mahigpit na hinawakan 'yon.
"Tangina na naman, anong ako?!" mukang napatid na yung pisi ng pasensya niya dahil
nagsimula na siyang magalit, "Ako? Traydor?! Putangina na naman!"
"Nasasaktan ako, Jing." Dahil sa higpit ng pagkakahawak niya, tumayo si Pascal at
tinulungang tanggalin ang kamay ni Jing sa pagkakahawak sa kamay ko.
"Tama na yan." saway pa ni Finnix. "Hindi makakatulong kung magagalit ka, Jing."
"Hindi makakatulong?! Eh ginagago niyo 'kong lahat eh!" sigaw niya, sa tindi ng
impact ng emosyon ni Jing naramdaman namin na umuga yung mga bintana ng minibus,
parang mababasag anumang oras.
"Jing... bakit mo nagawa 'yon." Nagsalita na si Palm, bakas ang hinanakit sa tinig,
but Jing just rolled her eyes at halatang bwisit na bwisit na sa'ming lahat.
"Dean, find a rope." Utos ko na kaagad naman niyang sinunod. "We need to tie her,
hindi natin siya pwedeng hayaang makatakas." Maya-maya pa'y matapos niyang
halughugin yung likuran ay bumalik siya at may dalang packaging tape.
"Walang lubid, Morie, ito lang ang nakita kong pwede."
"Pwede na yan." Sabi ko, at sa isang iglap, wala pang halos isang segundo ay
nagawang ikutan ni Dean si Jing, ngayon hindi na niya magagalaw yung dalawa niyang
kamay dahil inubos ata ni Dean yung makapal na tape.
"Just...Just what the fuck! Alam niyo na kayang-kaya kong kumawala sa packaging
tape na 'to!"
"If that's so you're a traitor then." Natahimik siya sa sinabi ko, hindi na
pumalag. "Finnix, Pascal, guard her." Utos ko at kaagad na sumunod yung dalawa,
hinila nila si Jing at pinaupo atsaka nila magkabilang tinabihan. Nakita ko si Otis
sa unahan, nakatingin sa rear-view mirror, dahil nga medyo nasira yung maskara niya
nasilip ko yung mata niya, it feels weird though dahil never ko pa siyang narinig
magsalita at never ko pang nakita ang itsura niya behind that mask, well everybody
never did. Tumingin naman ako sa iba ko pang mga kasama na tahimik lang na nakaupo
sa mga pwesto nila. Si Cloud na nakapangalumbaba habang tinatanaw ang labas, si
Eliza na nakadekwatro habang nakasandal sa kanya yung kakambal, si Palm na
tinabihan na ni Dean para maalalayan. Pumunta ko sa pinakadulo at doon pumwesto.
I face-palmed and sighed, we just lost two comrades and then now there's a traitor.
Tiningnan ko yung labas, tuluyan nang nilamon ng dilim ang liwanag kaya hindi ko na
alam kung anong lugar na 'yung tinatahak namin. I already anticipated this, na
hindi pa rin magwawakas ang lahat kahit na nakatakas kami ng Mnemosyne Institute.
Again I asked myself...what now? Where are we really going? What are exactly we
fighting for? Iisa lang ba talaga kami ng pinaglalaban? O hindi?
"I suggest na magstopover muna tayo for a while." Sabi ko sa kanila, malayu-layo na
rin yung natakbo namin mula San Carlos.
"Stopover? Bakit?" tanong ni Finnix.
"The enemies are tracking us down." Tumingin ako sa kinaroroonan ni Jing, "If we go
beyond further malaki ang possibilities na ma-corner nila ulit tayo katulad ng
nangyari sa gasoline station. We don't know when and where they will attack."
"Iyon nga, Jill, paano kung umatake sila habang nakahinto tayo sa isang lugar?"
tanong naman ni Dean.
"It's simple; we'll face them right away. Besides, iyon naman talaga ang 'dead-end'
natin, wala tayong choice kundi harapin sila." I had a plan. Right now hindi muna
ko pwedeng umasa kay Eliza. The 'king piece' needs to make a move this time,
especially if it's already checkmate.
The enemy is nearer than I thought.
"Seryoso k a ba, Morie?" tanong ni Vince atsaka bumaling sa kakambal na si Eliza,
"Hey, what do you think?"
"Kung iyon ang desisyon ni Morie." Sabi nito sabay halukipkip, "I'm not the leader
anyway." Dagdag pa ni Eliza at sinadyang tumingin kay Jing. Does she imply na ako
ang leader dito?
Then they all agreed, walang kumontra, kahit si Jing. Sumilip ako sa bintana at
nalaman ko na nasa loob na kami ng kakahuyan, niliko kasi kanina ni Otis yung
sasakyan, we got off from the main road. Ipinarada yung sasakyan sa isang gilid
atsaka kami bumaba lahat bitbit yung mga supplies. Sila Finnix and Pascal pa rin
yung naggagwardya kay Jing.
We're in the middle of the woods, a perfect place to hide, pero sa sitwasyon ngayon
mukhang imposible ang pagtatago. Gumawa si Dean ng apoy, at pumalibot kami roon.
Iginapos si Jing sa isang puno di kalayuan gamit ang mga baging na kinuha nila.
"Come on, hanggang kailan niyo ko tatratuhin na parang preso?" Narinig namin si
Jing habang kumakain kaming lahat. Hindi namin siya pinansin. "Nakikisakay na lang
ako sa trip niyo kaya hindi ako pumapalag dito. Ano ba!"
"Tumahimik ka nga, ale." sabi ni Vince na parang nang-aasar habang nilalantakan
yung pork and beans na de lata. .
"Gusto mo bang hatiin ko talaga yang bungo mo?!"
"Jing, just shut up." Utos ko.
"So, ano na Morie? Hihintayin nating sumulpot dito yung Memoire?" tanong ni Dean,
nagsimula ng diskusyon. "Dalawang araw na ang nakalilipas magmula nang makatakas
tayo sa MIP, hindi ba't crucial na yung sitwasyon natin ngayon?"
"Kung tutuusin, utang na loob kay Seraphina ang pagligtas sa San Carlos, kung hindi
dahil sa kanya siguradong burado na sa mapa ang bayan na 'yon." Si Palm.
"Well, pwede pang maulit ang pangyayaring 'yon, kahit saan, kahit kailan." Sabi
naman ni Eliza, "Pero kung mauulit man ang ganong pangyayari, hindi na natin
magagawa pang ibalik ulit ang oras." Dahil nga wala na si Seraphina, "As long as
we're all standing, hindi sila titigil."
"Ano ng dapat nating gawin?" tanong ni Pascal, "Sa totoo lang nalulungkot pa rin
ako sa nangyari kanina."
"Saan na tayo pupunta sa susunod? Sa Sentral city?" si Finnix, "Alam niyo
nararamdaman ko na hindi magandang idea na pumunta pa ron."
"Why do you think so?"
"Mas maraming Memoire ang nagkukubli sa siyudad, Jill." Simpleng sagot ni Finnix sa
tanong ko.
Sa huli wala rin kaming matinong napag-usapan at natulala lang sa apoy na
nagliliyab sa gitna. Yung tunog na tinutupok na apoy, kasabay ng mga kuliglig lang
ang naririnig sa buong paligid. Maya-maya'y narinig naming humuhuni ng isang himig
si Palm, hindi ko maiwasang antukin nang marinig ko yung himig niya pero parang
gumagaan yung kalooban ko. Ah, I almost forgot that she's an empathic healer too.
"Thanks, Palm." Narinig ko pang bulong ni Vince hanggang sa makatulog siya sa lap
ng kakambal. Napipikit-pikit na 'ko nang marinig ko yung sigaw ni Pascal.
"Si Jing!" lahat kami nagbalik sa sarili at nakita na nakakawala si Jing sa punong
pinaggapusan niya, "Nakatakas!" hindi namin siya makita kahit saan, napatayo kami
sa mga kinauupuan namin at lumapit sa punong 'yon. Sabi ko nga, kayang-kaya naman
talaga ni Jing kumawala sa pagkakagapos, saan naman kaya siya pumunta?
"Kailangan natin siyang mahanap kaagad." Sabi ni Finnix. "Pano na, Jill?"
"Tama ka, Finnix. We have to find her. Let's split." May narinig kaming tunog ng
pagaspas ng mga dahon ng puno di kalayuan, nakuha 'yon ng atensyon naming lahat.
"Finnix, Dean, Palm, sumama kayo sa'kin. Kayo naman, puntahan niyo yung direksyon
na pinanggalingan ng tunog na 'yon." Wala kaming inaksayang oras at kaagad kaming
kumilos.
Sa pangunguna ko, sumusunod lang sa likuran ko sila Finnix. Nakatingin ako sa lupa
habang naglalakad, habang sinusundan ang bawat trace ng punit na tape. Nang
masiguro kong malayo na kami mula sa pinanggalingan namin kanina, tumigil ako sa
paglalakad.
"She's here." Sabi ko. Ubos na kasi yung sinusundan kong traces kaya sigurado ako
na nandito lang siya. "Jing! Lumabas ka na!" pero walang sumagot.
"Mukhang wala rito si Jing mabuti pa puntahan na lang natin sila Otis." Sabi ni
Finnix.
"Dean."
"Bakit, Morie?" nagtatakang tanong ni Dean habang pasan-pasan sa likod si Palm.
"Hindi ka ba nagtataka..."
"Nagtatakang?"
"Nagtataka kung bakit ikaw ang pinagawa ko ng apoy?" humarap ako sa kanilang tatlo,
"Hindi ka ba nagtataka kung bakit kayo yung pinasunod ko sa'kin?" Mukhang napaisip
si Dean dahil hindi na siya sumagot.
"Bakit mo nagawa 'yon?" sa pagkakataong 'to humarap ako sa kanya, "Finnix."
"Nagawa ang alin?" tanong niya, kitang-kita na naguguluhan siya sa sinabi ko.
"Tama na ang pagpapanggap, Finnix. Alam mo at alam ko na ikaw, kayo nila Otis at
Pascal ang totoong traydor." Nakita ko na napaatras si Dean.
Marahang natawa si Finnix at halatang hindi nagustuhan 'yong sinabi ko, "Ano bang
sinasabi mo, Jill, kanina lang si Jing ang tinuro mo, ngayon kami naman? Hindi mo
ba nakita't narinig kanina, inatake kami ng Memoire-"
"Enough." Putol ko sa sinasabi niya, "Hindi pa ba sapat sa'yo na wala na si
Cecilia at Seraphina?"
"At paano mo nasabi na ako o kami ang traydor ngayon ha, Jill! Baka nakakalimutan
mo na nagsakripisyo rin kami para makatakas lang sa MIP, at ang San Carlos, alam mo
na iyon ang bayan na pinanggalingan ko, ang bayan na-"
"Muntik mo ng gawing abo." Ako ang nagtuloy sa sasabihin niya, "That's the point
Finnix. Akala ko noong nakita ko yung inner fear mo sa illusion na ginawa ni Magnus
nagsisisi ka na ginawa mo 'yon sa San Carlos but it's not. In the first place gusto
mo na talagang gawing abo ang lugar na pinagmulan mo, right?" natameme siya,
"Seraphina and Cecilia gave me a hint. They were sorry for the second time...for
the second time na kasama sila sa pagtatraydor sa'kin."
"At base sa ikinilos mo noong ibabalik ni Seraphina ang oras, pinigilan mo siya
hindi dahil sa ayaw mo siyang mamatay, dahil ayaw mong mabalik sa dati ang San
Carlos. You actually tried to kill Seraphina kaya nasurpresa ka nang makita siya.
Pero si Cecilia...nagawa mo siyang mapatay."
"So." Nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya, naging blangko, "Talagang alam mo na
kung ano ang totoo." Sabi niya. "Wala na kong maitatanggi. Tama ka."
"When I realized those things, napaisip naman ako kung bakit, bakit niyo nagawa
'yon, bakit sa ikalawang pagkakataon muli niyong sinira ang tiwala ko. But one
thing's I'm sure of, you're not under Margaux's command, ibang tao ang may utos sa
inyo."
"Tama ka. Si Lord Cairo." Casual niyang sabi na animo'y okay na okay kaming nag-
uusap, "Hanggang sa dulo magiging matapat kami sa paglilingkod sa kanya. Pinadala
niya kami sa Bastille noong araw na 'yon para tulungan kayong makatakas."
"At pagkatapos?"
"At pagkatapos magagawa ko ng masira ng tuluyan ang San Carlos. Isang malaking
katangahan ang pagtakas sa MIP, Jill. Kahit ang henyo na si Eliza, alam niya 'yon,
alam niya ang katotohanan na hinding hindi kayo makakatakas. Kahit saan, kahit
kailan hindi sila titigil."
"Wag mong ibahin ang usapan, Finnix, anong punto ng lahat ng 'to? Anong punto ng
pakikipaglokohan niyo sa'min?"
Hindi siya nakasagot sa mga tanong na ibinato ko sa kanya. Iyon ang gusto kong
malaman mula sa kanya, ano ang gusto nilang mangyari bukod sa ilang beses na
pagsira ng tiwala na binibigay ko sa mga tao sa paligid ko. Na hindi pala lahat ng
taong tumuturing sa'yong kaibigan na handa kang tulungan ay totoong
makakapagkatiwalaan.
"Nag-aaksaya ka na lang ng oras dyan, Jill Morie." Mula sa kung saan ay sumulpot si
Jing. "Simple lang naman ang sagot, loyalista sila dahil si Cairo ang tumulong sa
kanila na dalhin sila sa MIP noon."
"Jing." Kaya ko nasabing siya yung traydor kanina dahil sa oras na binuking ko
kaagad kung ano ang totoo malaki ang tsansa na ipahamak kaming lahat nila Finnix,
lalo pa't si Otis ang nagmamaneho. Isa rin sa plano ko na magstop-over muna para sa
komprontahan katulad ng nangyayari ngayon. Mabuti na lang dahil marunong sumakay si
Jing, noon pa lang nasa sasakyan kami alam kong naisip na niya kung ano ang
sinsasabi ni Cloud.
"Isa ka rin sa'min noon, Jing!" sigaw ni Finnix sa kanya, "Bakit ba mas pinipili
mo ang taong 'to kaysa sa paglilingkod sa institusyon na tumanggap at kumupkop
sa'yo!"
"Maaaring para sa'yo, ang Mnemosyne Institute ang lugar na kinbibilangan mo. Pero
para sa'kin...isang lugar lang ang kinabibilangan ko-ang ampunan sa Sta. Helena."
Nagulat din ako sa sinabi niya.
The next I knew, Finnix attacked. Pero mabilis si Jing, she dodged the fire,
kinontrol niya yung mga vines sa puno at itinali siya. Dean helped, after niyang
ibaba si Palm at ipinaalalay sa'kin. Nang hindi na makagalaw si Finnix, tumigil
silang dalawa.
"Jing, kailangan nating balikan sila Cloud."may kutob kasi ako na katulad ng
nangyari ngayon, nakompronta na nila Eliza sila Otis at Pascal. Ito naman talaga
ang purpose kung bakit naisip kong mag stopover kaming lahat. Nakita ko na unti-
unting nasusunog yung mga bangin na nakapulupot kay Finnix kaya nagmamadali kaming
umalis para hanapin sila Cloud.
"Dean, mauna na kayo ni Palm sa sasakyan." Utos ko pero umangal silang dalawa.
"Pero, Morie."
"Palm, Dean, please." Wala silang nagawa pareho kundi sumunod, sa isang iglap
nawala silang dalawa sa paningin namin. Kaming dalawa na lang ni Jing yung
tumatakbo. Maya-maya nakarinig kami ng malakas na impact mula sa kinaroroonan ni
Finnix, nakakawala na siya. Mas binilisan namin ni Jing yung pagtakbo.
"Don't look back!" sigaw ni Jing nang tangkain kong lumingon, "Just don't!" pero
dahil hindi ko napigilan, paglingon ko nakita ko yung rumaragasang tila ipu-ipo ng
apoy. Tinulak ako ni Jing kaya siya yung nakasalo ng apoy na 'yon.
"Jing!" nagpagulung-gulong siya sa lupa pero kaagad din siyang nakatayo para
umatake sa apoy na si Finnix pala. Kitang kita ng dalawang mata ko kung paano sila
nagsagupaan, Finnix's hand is like a fire thrower na hindi na makontrol pa, on the
other hand, Jing defend herself using her telekinesis. In the end si Jing pa rin
ang naging dominant sa kanilang dalawa. Sa isang iglap nakita ko na lang na hindi
na nakasayad sa lupa ang mga paa ni Finnix, sinasakal siya ni Jing sa ere, hindi
sya makapalag.
"Itigil mo yan, Jing!" napatingin kami sa boses na bagong dating. Sila Pascal.
"Bitawan mo si Finnix kung ayaw mong patayin namin silang tatlo." Banta niya. Sila
Cloud, Eliza at Vince, may mga nakapulupot na ahas sa katawan nila na siguradong
kontrolado ni P. Hindi nakasagot si Jing, pero hindi pa rin niya binibitawan si
Finnix.
"Huwag, Jing." Kalmadong sabi ni Eliza kahit na may ahas na lumilingkis sa leeg
niya.
"She's right, wag mong bibitawan si Finnix, these guys are traitor." Sinundan iyon
ni Cloud.
"Hey, hey, we're a team right? Team Morie? Can we just stop this?" sabi naman ni
Vince.
"Walang team Morie." Sagot ni Pascal, "Bibilang ako ng tatlo, Jing, kapag hindi mo
siya binitawan, sabay-sabay silang makakatikim ng kamandag ng mga ahas."
"Ano ba talagang gusto niyo?" tanong ko sa kanila. Pagud na pagod na ko sa mga
nangyayari, hindi ko na yata kaya, nakakasawang masaktan ng paulit-ulit.
"Ginagawa lang namin kung anong iniutos sa'min, Jill Morie." Sagot ni Pascal,
"Lahat ng 'to parte lang ng trabaho namin sa Mnemosyne Institute."
"Alam ko 'yon, pero tinatanong ko kung ano ba talaga yung gusto niyong mangyari,
Pascal? Sabihin niyo hindi 'yong pinaglololoko niyo kami."
"Hindi mo maiintindihan, Jill Morie." Sagot ni Pascal, humarap siya sa'kin.
"Paano ko maiintindihan kung hindi niyo sasabihin?!" ang bigat-bigat, pakiramdam ko
sasabog na 'ko anumang oras. Maya-maya'y nakita namin na ibinaba na ni Jing si
Finnix sa lupa.
"Whatever the reason is Pascal..." sabi ni Jing, nakayuko siya, dahan-dahang nag-
angat ng tingin, "Tanungin niyo yung sarili niyo...kung sapat bang dahilan 'yon
para patayin sila Seraphina at Cecilia." Hindi ako nililinlang ng paningin ko dahil
nagbabadyang may pumatak na luha sa mata ni Jing, "Pero kung tutuusin, kahit ano
pang dahilan 'yon...hinding hindi 'yon matutumbasan ng buhay nila."
"Jing..." sunud-sunod na pumatak yung luha sa pisngi niya.
"Gustuhin ko mang patayin kayong tatlo ngayong gabi," umiling si Jing atsaka
mapaklang ngumiti, "Hindi pa rin naman maibabalik ang dati diba?" Muli, namayani
ang katahimikan at kuliglig. Pare-pareho kaming natahimik dahil kay Jing.
Gumalaw yung mga ahas sa katawan nila, unti-unting umalis mula sa pagkakalingkis sa
kanila. 'Di ko mabasa kung ano yung nasa isip nila Pascal at Otis, nakatingin lang
sila kay Jing, si Finnix na nakasalampak sa lupa.
Kaagad na dumalo sa'kin si Cloud nang makakawala siya mula sa mga ahas, hinawakan
niya nang mahigpit yung kamay ko, hinawakan ko rin 'yon pabalik, mas mahigpit.
"Umalis na kayo." Si Finnix. "Umalis na kayo, ngayon."
We didn't move.
"Mas mabuti nga siguro kung aalis kayo." Ngayon pinapaalis na lang nila kami basta-
basta? Bakit ba hindi nila sabihin yung dahilan nila? Kung si Finnix gustong sirain
ng tuluyan ang San Carlos, kung nagawa akong traydurin noon ni Jing dahil kay dad,
ano ang dahilan ni Pascal at Otis?
"It's useless to stay here. They lost." Bumulong si Eliza na nasa tabi ko na rin
pala. "Let's go." Nauna na sila ni Vince umalis, naiwan kami ni Cloud at Jing. Pero
pagkaraa'y nagsimula nang maglakad si Jing paalis, nilagpasan niya kami ni Cloud
kasunod sila Eliza. Naiwan pa rin sa ganong ayos sila Finnix, nakatingin sa
kawalan.
"Jill." Nagulat ako nang tawagin ako ni Finnix noong papaalis na kami ni Cloud,
"You won't ever forgive us, right?" for a moment hindi ako nakapagsalita dahil sa
hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya. I don't know if I could actually
forgive him. Maybe I could, pero hindi ngayon, hindi ko alam kung kailan. Pero
paano si Jing?
"Tara na, Jill." Hinila na 'ko ni Cloud kaya wala na kong magawa kundi tuluyan
silang iwanan.
*****
'Please don't see just a boy caught up in dreams and fantasies, please see me
reaching out for someone I can't see, take my hand let's see where we wake up
tomorrow'
We're back on track. This time, ako, si Cloud na nagdadrive, katabi niya na nasa
passenger's seat si Jing, ang kambal na sila Eliza at Vince, sila Palm at Dean,
ang natitirang magkakasama.
'Best laid plans sometimes are just a one night stand, I'd be damned Cupid's
demanding back his arrow'
On the go na ulit yung boombox ni Vince, but this time malumanay na kanta yung
hinanap niya sa radyo, almost melodramatic, sakto lang sa mood naming lahat.
'So let's get drunk on our tears and God, tell us the reason youth is wasted on the
young, It's hunting season and the lambs are on the run, searching for meaning'
Again, I asked myself... ano ba talagang ipinaglalaban namin? And is it really
worth dying for?
'But are we all lost stars, trying to light up the dark?'
Nanatili lang kaming tahimik, hanggang sa matapos ang kanta, kung dati'y sumasabay
pa sa paghimig sila Vince, Cloud at Jing, ngayon hindi na. Sinubukan kong ipikit
ang mga mata ko, baka sakaling sa pagkakataong 'to magawa kong makatulog...kahit na
hindi mahimbing.
Kaso biglang tumunog ng malakas yung radyo ni Vince dahil hindi sinasadyang nalipat
niya 'yon sa AM station pero kaagad niyang ibinalik sa FM.
"Vince, ilipat mo nga don sa isang station." Narinig ko yung boses ni Eliza.
"What? Bakit?"
"Naririnig mo ba yung sumisingit na signal sa station na 'yon?"
"No, hindi, wala akong super hearing like yours."
"Come on sundin mo na yung inuutos ko." narinig ko na nilipat-lipat ni Vince yung
radio station pero hindi nahanap ni Eliza yung hinahanap niya, "Wala rito. I think
nasa Amplitude Modulation yung narinig ko." ibinalik ni Vince sa AM station at
inisa-isa nila yung bawat istasyon.
"May problema ba?" tanong ni Dean.
"Wala akong idea, Dean, ask my genius sister instead." Sagot ni Vince.
"Anong meron?" tanong ni Jing sumilip sa'min, basa pa yung pisngi, nakalimutan pa
atang punasan.
"Wait." Pigil ni Eliza kay Vince, "Yan na ata 'yon." Lahat ng atensyon namin nasa
radyo. "Pakinggan niyong mabuti. Lakasan mo yung volume." Low quality yung tunog
pero nang marinig namin yung musical score alam naming news report iyon.
'As of eight thirty five pm, hindi pa rin po nahahanap ang nawawalang estudyante ng
White Knights Academy...' natigilan ako sa narinig ko, '...Ang sinasabing
estudyante ng paaralan ay anak ng isang propesor at doktor sa Sentral University,
walang iba kundi si Jillianne Morie.'
"What the..." pare-pareho kaming nagulat.
'Ayon sa report mula sa IADC o Inter-Agency Defense Command agents na sina Diana
Trevor at Julius Fajardo...' si uncle Julius? '...walong araw nang nawawala si
Jillianne Morie magmula noong Night Out sa White Knights Academy, at sa kanilang
pag-iimbestiga ay walang traces kung saan napunta ang bata.'
"So, hinahanap ka na pala sa buong Sentral city ngayon, Morie."
"Be quiet, Dean."
"Sorry, Eliza."
'Ngunit kani-kanina lamang ay nakatangap ang IADC ng special information tungkol
sa kaso!' Bigla akong kinabahan sa sinasabi nitong news anchor. 'Sinasabi n report
na naakidnap ang batang si Jillianne Morie ng apat na vigilante.' Apat? Vigilante?
'Nakumpirmado ang apat na vigilante na sina Jing Rosca, Elizabeth Macaraig, Vicente
Macaraig, Dean Enclona at Palmera Dinoy'
"What?! Kinidnap natin si Jill?!" sigaw ni Vince, hindi makapaniwala.
"Pero bakit wala si Cloud?" tanong ni Palm.
"They're still protecting him, that's why."
'At ngayon po mga kabayan ay kasalukuyang tinutugis ng IADC pati na rin ng otoridad
ang mga nasabing vigilante at para na rin mailigtas ang anak ni Dr.Richard Morie.'
Pinatay ni Vince yung radyo. Saglit kaming natulala.
"How? Paano nangyari 'yon? Paano napalabas na kinidnap niyo 'ko?" sabi ko sa
kanila.
"Ibang klase ang kapangyarihan at koneksyon na meron ang Memoire, Morie." Si Dean.
Oo nga pala, muntikan ko ng makalimutan ang katotohanan na 'yon.
"Damn it. Dahil don mahihirapan tayo sa plano natin na i-expose sila." Saad naman
ni Cloud.
"Tama si Cloud. Alam na nila kung anong susunod nating gagawin kaya nakipagugnayan
na sila sa authorities." Saad ni Jing.
"That's not the problem, because this time we should expect na hindi lang Memoire
ang makakasagupaan natin." Si Eliza.
"Ano ng dapat nating gawin? Tutuloy pa ba tayo sa Sentral?" tanong ni Palm.
"Oo." Sabi ko, "Tutuloy pa rin tayo kahit anong mangyari."
We can't go back now.

Announcement: (Pakibasa ang author's note na ito)


Malapit na matapos yung June pero mukang hindi ko pa kayang tapusin ang TPT ngayong
buwan na ito. Actually may rough draft na ko sa mga mangyayari hanggang ending pero
hindi pa rin siya final hanggang ngayon. Bakit? Kasi minamadali ko kaya feeling ko
tuloy hindi siya maganda.
Kaya naman gusto ko lang po sabihin na inaalis ko na sa mind set ko yung deadline
na June para tapusin ang TPT, (maniwala kayo sakin, kahit ako gustung gusto ko na
siyang matapos pero hindi ko siya matapos kaagad kasi ayoko siyang madaliin) gets
niyo? Ganito kasi ako mag-update everychap: nagninilay mabuti, pinag-iisipan kong
mabuti, nagbabasa-basa para pandagdag kaalaman, mahaba siyang proseso, hindi kasi
ako yung katulad ng iba na 'out of boredom' kaya nakakapag-update araw-araw, iba
kasi 'to, inaalayan ng quality time at masusing pag-aaral. OA ba? Pero seryoso yon.
In short, ayokong magmadali, wala akong hinahabol, wala namang karera. Hahaha. Baka
pag nagmadali ako bigla ko na lang patayin si Jill pag naburyo na ko XD joke.
Kaya naman sorry kung hindi ko siya magagawang matapos ngayong June, ayokong maging
pangit ang ending kaya ayun, pinaglalaban ko rito? Wala! HAHAHA, basta! Stand by
lang, every weekend lang ako makakapagtipa ng keyboard para mag-update (madami po
akong plates), sanay naman ata kayong matagal maghintay sakin joke, haha.
Ayun sana nagets niyo kaya abut-abot pasasalamat ko kasi walang masyado
nagrereklamo sakin namabagal ako mag-update, tsaka kahit mabagal ako mag-update may
nagbabasa parin. HAHA THANK YOU TALAGA.
ps. Kung gusto niyo ko bulabugin sa ibang social net. site -> @peculiarrrrr sa
twitter, haha.
Yun lang. God bless! Hihi.

/70/ Jing Rosca

/70/ Jing Rosca


I opened my eyes and started to feel sore, ang sakit ng ulo ko sa hindi
maipaliwanag na dahilan. The next thing I knew is nakahilig pala ako sa balikat
niya, umayos ako ng upo para matingnan ang nahihimbing niyang mukha-tila nagbabalat
kayong anghel na anyo ni Cloud, kailan pa siya tumabi sa'kin? Kanina pa siguro
natapos yung shift niya sa pagmamaneho dahil himbing na himbing siya sa pagtulog.
Nakita ko nga sa unahan na si Dean naman yung nagmamaneho, at katulad ko kakagising
lang ni Jing. Si Eliza na nakatingin sa kawalan, I don't know if she slept too, sa
kanan niya nakasandal si Vicente na humihilik pa habang natutulog at sa kaliwa niya
naman nakasandal si Palm.
I found ourselves back on track again, still running away and nowhere to go. Alam
ko papunta kami ng Sentral city ngayon para tapusin ang lahat, pero pagkatapos? Ano
nga ba ang kasunod? Saan ba talaga kami pupunta?
"Hoy." Jing called, tumingin ako sa kanya, nakahalukipkip habang nakasandal sa
upuan, "Siguro naman handa kang depensahan ang katotohanan na hindi ka naman namin
kinidnap-kung sakaling dumating tayo sa punto na 'yon." Noong una hindi ko
naintindihan kung anong ibig niyang sabihin, then I just remembered the news a
while ago. Hinahabol na kami hindi lang ng Memoire pati ng mga otoridad ng Sentral
city, at kabilang sa agents si Uncle Julius ang kapatid ng foster mom ko.
"What kind of question is that, Jing." Sagot ko sa kanya with disbelief.
"Alam ko, ang istupida ng tanong ko diba?" pag-aadmit naman niya sa sinabi ko,
inuntug-untog niya pa yung ulo niyang nakasandal sa upuan habang nakatingala sa
kisame ng minibus, pagkatapos hindi na siya umimik pa.
"Nasaan na tayo, Dean?" tanong ko.
"Kakalagpas lang natin ng pinakadulo ng istasyon ng Daambakal, yung Sta.Maria." Oh,
ibig sabihin lagpas limang oras na kaming bumabyahe, at malapit-lapit na kami ng
kaunti sa Sentral, kasunod na istasyon ang Sta.Helena.
I stood up carefully para hindi maabala sa pagtulog si Cloud, lumipat ako sa upuan
di kalayuan kay Jing, tumabi ako sa bintana at sumilip sa labas. Outside the window
I could see the flickering and sparkling lantern lights hanging in trees and houses
and then I almost forgot-it's two days before Christmas.
Naalala ko tuloy bigla yung Christmas party ng klase namin noon sa roof top ng
White Knights Academy, I never thought that would be the last time. Meanwhile in
Sentral City, I've been missing for eight days since the Night Out, at walang
kaalam-alam ang mga kaibigan ko roon kung ano ba talagang nangyayari sa'kin
including Baldo and Stephen. At si dad... mas lalong wala siyang kaalam-alam sa
nangyayari sa 'anak' niya ngayon. Imagining that they'll celebrate Christmas
without me hurts, for the second time na wala ako sa bahay sa darating na okasyon.
"Guys." Hindi rin ako naging handa sa sarili ko nang tawagin ko sila, but it's too
late, nagising na sila Vince, si Palm at si Cloud, sila Eliza at Jing na nakatingin
sa'kin.
"Bakit? May problema ba, Jill?" tanong ni Cloud, nakakunot ang noo marahil ay
nagtataka kung bakit bigla akong nawala sa tabi niya.
"There's a place that I want to go." With all honesty sinabi ko sa kanila kung ano
talaga ang nasa isip ko. Jing looked at me with a grimace in her face, halatang
halata na hindi nagustuhan kung anong sinabi ko.
"Saan at Bakit?" tanong ni Eliza, as usual with her cool state, minsan naisip ko na
para siyang si Miss-Ate Karen, wala kang mababasa na emosyon sa mukha.
"Gusto kong pumunta sa rest house namin." Or mas tamang sabihin na rest house na
pagmamay-ari ni dad. Namayani ang katahimikan pagkasalita ko, wala kaagad nagreact.
"Rest house?" si Palm ang unang bumasag ng katahimikan.
"Alam mo, Jill Morie, hindi tayo mga bakasyonista." Si Jing, tutol nga talaga sa
sinabi ko. "We're being after by not just only Memoire but also the police."
"Bakit, Morie?" tanong ni Cloud.
"I..." I took a deep sigh first bago ko tinuloy yung sasabihin ko, "I just want to
go there. That's all."
"Saan ba yung rest house niyo?" tanong ni Dean na sumulyap pa sa rear-view mirror.
"Coincidently, dito lang sa Sta. Helena." Nagkatinginan sila, hindi alam ang
isasagot. Hanggmo rin ba ang sa tumikhim si Cloud.
"Then...tara?" sabi niya, tsaka ngumiti. Napasampal sa noo si Jing, sila Eliza
naman ay walang reaksyon.
"Ako. Okay lang sa'kin." Nagsalita si Vince sabay halukipkip, tumingin sa mga
katabi, "Wala naman sigurong problema ron diba, kambal? Palm?"
Hindi sumagot si Eliza pero tumango si Palm, "Ah... sabagay." Ang tanging nasabi
ni Dean. Si Jing na lang yung hindi nagsasalita kaya lahat kami hinihintay kung
anong sasabihin niya.
Kung tutuusin I don't see any valid and rational reason para pumunta kami sa rest
house namin dito sa Sta. Helena, Jing's right, hindi kami bakasyonita and not just
because I want to go there, it's meaningless...pointless...careless.
"Nah, nevermind, forget it." Sabi ko, "Keep going, Dean."
"Sinabi mo na eh, babawiin mo pa." nagulat ako sa sinabi ni Jing kaya napatingin
kaming lahat sa kanya. What is she trying to imply? Medyo magulo. Sumasang-ayon na
ba siya samantalang kanina lang kontra siya sa sinabi ko. "Saan yung rest house,
ituro mo kay Dean yung direksyon."
"Seryoso ka ba, Jing?" hindi ko maitago yung tawa ko dahil sa lakas ng mood swing
niya, pero inirapan lang niya 'ko. I just shook my head, sinabi ko kay Dean kung
saan yung lugar. Wala pang isang oras ay binabaybay na namin ang isang liblib na
lugar, literal kasing nasa gitna ng kakahuyan yung rest house, hindi ko alam kung
sinadya 'yon ni dad na ipatayo sa ganitong katagong lugar which is somehow naging
advantage para sa'min ngayon dahil nagtatago kaming pito.
"Siguro, ito na 'yon, ano? Wala namang ibang bahay dito kundi ito lang?" tanong ni
Dean matapos ihinto yung minibus. Umibis kaming lahat at tumambad sa'min ang isang
two-storey wooden rest house, walang katau-tao at halatang nilampasan na ng
panahon.
"Ito nga." Pagkumpirma ko sa kanila. It's been ages since I last went here, siguro
thirteen or fourteen years old ako noon, thank goodness my memory's clear enough to
remember kung nasaan ito. Wala ka halos maririnig kundi mga kuliglig, ang malamig
na malamig na paligid, at tanging mapanglaw na ilaw ng iilang poste ang umiilaw sa
paligid. I can say it's almost peaceful.
As usual, using Jing's powers nagawa naming makapasok sa loob ng walang problema,
si Cloud yung nag-on ng switch ng kuryente, while si Dean ulit yung gumawa ng apoy
sa fireplace, Eliza assisted Palm, habang kami ni Jing kinuha yung ilang natirang
supplies sa minibus.
"I guess we should stay here overnight." Sabi ni Cloud habang nakapamulsa, nasa
porch kaming pito dahil hinihintay namin si Eliza na matapos sa sensing process
niya.
"Duh, Cloud, ano ka ba, hindi naman tayo nagcheck-in dito para sa isang oras lang
diba?" sarcastic na sabi ni Jing habang umiiling.
"Sorry na, chill ka lang." sagot naman nito atsaka bumaling sa'kin, "Jill, may mga
blankets ba kayo rito? Ang lamig kasi eh." Niyakap niya yung sarili niya, "Okay
lang kung wala, yakap mo na lang pwede pa." akma niya kong yayakapin pero tinulak
ko siya.
"Tumigil ka nga," sabi ko, "Maraming blankets na nakatabi sa mga kwarto, Dean,
ikuha mo nga 'tong lalaking to."
"Copy." Wala pang ten seconds nakabalik si Dean na may dalang blanket, kinuha ko
yon at hinagis sa mukha ni Cloud.
"Grabe ka, Jill." Pag-iinarte pa nito na parang batang inagawan ng kendi.
"Hoy, hoy, kayong dalawa, wag na nga muna kayong maglandian dito pwede ba?"
sumingit bigla si Jing, nakapamewang pa. Urgh, what an annoying woman.
"Excuse me, hindi kami naglalandian." Sabi ko.
"Sus, wag mo na i-deny." Pang-aasar pa ni Cloud.
"Bitter lang yang si tandang Jing." Sumingit na rin sa usapan si Vince.
"Bitter?! At anong tandang Jing?! Ikaw gusto mo talagang mahati yang bungo mo?"
pagkatapos sinabunutan ni Jing si Vince.
"Guys, wag kayong maingay, hindi makapagconcentrate si Eliza." Natahimik kami ng
mang-saway si Palm na katabi si Eliza.
"Ang tagal naman, Eliza, naninigas na kami sa lamig." Reklamo ni Dean. Maya-maya
humarap na sa'min si Eliza, tapos na siya sa 'orasyon' niya.
"For now, we're safe, wala naman akong nasense na kahit anong kakaiba o threat
galing sa malayo, makakatulog tayo ng mahimbing tonight but we must still be
guarded." Sabi ni Eliza at pagkatapos ay pumasok na kami sa loob. Pinatay din namin
yung mga ilaw sa poste sa labas, tapos sinarado naming mabuti lahat ng mga pintuan
at bintana ng rest house, to make sure na walang makahalata sa labas na may tao sa
loob.
After eating some stuffs that we have, natagpuan namin ang mga sarili namin sa
common room, kanya-kanyang pwesto habang pinagmamasdan ang nagbabagang apoy na
nagbibigay galamgam.
Suddenly, Jing ached, we became worried when we noticed her back, kanina pa pala
niya iniinda yung injury na tinamo mula sa labanan nila ni Finnix sa gubat. Of
course, Palm quickly stood up, inalalayan siya ni Dean na pumunta sa tabi ni Jing.
Pinahubad ni Palm yung army green na coat na suot ni Jing, bale nakaitim na sando
siya. Naexpose tuloy yung balikat niya na may bruises at hindi ganon kalalang
thermal injury.
Palm touched her skin and we can clearly see that it glows, unti-unting naghihilom
ang mga sugat ni Jing. Habang ginagamot, hindi ko maiwasang mapansin yung tattoo sa
kanang balikat niya, pangalan 'yon, cursive ang font, 'Rosel'. Napaisip tuloy ako.
Jing Rosca. First name niya ay Jinnie kaya Jing, so second name niya yung Rosel
kaya Rosca?
"Anong problema niyo?" maataray niyang sabi sa'min, nahuli niya kasi kaming
nakatingin sa balikat niya. Si Cloud na katapat ko ay biglang natawa, ano naman
kayang nabasa nitong mind reader na 'to.
"Ahh... nice tats." Sabi ni Vince, parehas nga kaming napansin yung tattoo niya,
"And nice name, though hindi bagay sa'yo." Di mo mawari kung nang-aasar ba pero
halatang assumption niya lang yon.
"Hindi ko 'yan pangalan." Himalang hindi siya nainis sa sinabi ni Vince.
"Huh? Kung ganon, sino si Rosel?" nice move Dean, we're dying to know too.
Nanahimik bigla si Jing, nag-iwas ng tingin.
"Uyy, ayaw sabihin." si Vince, sinundan ng mahinang pagtudyo, "Maybe it's her
boyfriend's name."
"Boyfriend? Ang feminine nga ng pangalan tapos boyfriend?" kontra ni Dean kay
Vince. Nakita ko si Cloud na parang sasabog na pagpipigil ng tawa, I glared at him
to drop it pero mukhang di natinag.
"Kung hindi boyfriend edi baka girlfriend, ganon lang kasimple yon Dean." Sabay-
sabay kaming napatingin kay Eliza na parang nagbitiw ng mga bombang salita.
Natameme kaming lahat. Pagkatapos narinig ko yung halakhak ni Cloud.
"Ang cute niyo." Sabi niya at nagpupunas pa ng luha. Siya lang yung natatawa dahil
wala namang nakakatawa.
"Cloud." Saway ko sa kanya at napatakip lang siya ng bibig.
"Weh? Seryoso, may girlfriend ka Jing?" An insensitive approach by Vince ano pa
nga ba.
"Bakit, may problema ba 'ron?" casual na sagot ni Jing, hindi galit, hindi
naiinis, parang wala nga lang sa kanya.
"Wala." Mahinang sagot ni Vince, tapos tumiklop na.
"So, you mean, you're not straight, you're a gay?" come on Dean, isa ka pang
insensitive jerk and lack of inner monologue, ako yung nahihiya para sa mga
tinatanong mo. Seriously.
"You, people, don't have any clue kung sino talaga ako." Nang matapos siyang
gamutin ni Palm isinuot niya ulit yung coat, pagkatapos ay sumandal,dumekwatro at
humalukipkip.
"Who would? We just met you for two days." Prangkang sagot ni Eliza, "Well, maliban
sa kanila." At ininguso niya kami ni Cloud.
"I don't really have an idea." Sawakas nagsalita rin ako, "I thought you, Jing, and
my uncle Julius had an affair." Naalala ko kasi noong minsang pinuntahan ko si Jing
sa isang bar sa Sentral city, nakita ko si uncle na nagpaabot ng flowers para sa
kanya.
"What? Tiyuhin mo yung lalaking 'yon? Si Julius Fajardo?" I just nod then she
grinned for some reasons.
"Yes." Pagkatapos nanahimik ulit kaming lahat, awkward. Gusto ko pa sanang
magtanong tungkol sa kanya dahil bigla akong nacurious.
Narinig namin na napasipol si Dean, "That was unexpected, Jing, hindi naman kasi
halata sa itsura mo na...na...lesbian ka kasi maganda ka naman pero mas maganda si
Karen siyempre, haha ano bang pinagsasabi ko." parang ewan tong si Dean.
"Napaka-judgmental niyo." Saad ni Jing. Judgmental? Hinuhusgahan ba namin siya?
"Wala kayong alam."
"Bakit kasi hindi mo ikwento?" suggestion ni Cloud, seryoso na yung itsura niya.
"Oo nga, handa naman kaming makinig eh." Sinundan iyon ni Palm. I don't know if
getting to know Jing is a good idea, pero nakucrurious ako.
Himala kung himala dahil napakwento namin ng wala sa oras si Jing, kahit noong una
pinipilit niyang wala naman na raw saysay ang nakaraan kaya bakit pa niya
ikukwento, pinilit lang siya nila Dean, Cloud at Vince kaya sa huli namalayan na
lang namin na nakikinig kami sa kanya.
Sinimulan niya ang kwento sa ampunan, kung paano niya nakilala si Ate Karen, Cairo
at iba pang mga kababata niya, katulad ng nasa sulat ni ate noon, sa bakuran ng
ampunan ipinamalas ni Jing sa unang pagkakataon na palutangin ang bato. Hanggang sa
nakilala niya ang daddy ko, si Dr. Richard Morie, sa pagnanais na magkaroon ng
pamilya, nagpakitang gilas siya sa bawat eksperimento, unti-unting natuto at
nakontrol ang mumunting kapangyarihan. Ngunit sa huli nalaman niya na ang kapatid
ni Karen ang inampon nito, walang iba kundi ako. Sa kabiguang magkaroon ng pamilya
na kukupkop sa kanya, naglayas si Jing sa Sta.Helena orphanage at kahit kailan
hindi na siya muling nakita pa.
"Anong nangyari sa'yo nung lumayas ka sa ampunan?" tanong ni Palm pagkatapos nitong
ihinto ang kwento.
Jing continued her story. She's retelling her past without any traces of emotions
in her face, but still we could see through her. The pain is still there. May mga
nakaraan kasi na kahit tapos na, pero sa tuwing aalalahanin mo hindi mo pa rin
maiiwasang masaktan.
After running away, nagpalabuy-laboy daw siya sa daan, kung saan-saan napadpad, but
she never used her powers anymore dahil nag-papaalala raw 'yon sa kanya kung paano
siya ginamit ni dad sa research nito, kaya pinilit niyang kinalimutan na 'espesyal'
siya, pero akala lang niya 'yon. Years passed, when Jinnie was a teenager, she was
recruited by an old woman-recruited as a prostitute. Of course, gulat na gulat
kaming lahat pagkatapos niyang sabihin 'yon. Sabi niya pa pwede namin siyang
tawaging whore o prosti pero hindi siya pokpok dahil magkaiba raw ang depinisyon ng
dalawang 'yon.
Wala namang umimik sa'min dahil parepareho kaming nabigla sa mga kinukwento niya.
She still continued, kahit na gusto na namin siyang pahintuin, hindi na pwede, wala
nang makakapigil sa kanya.
Uncle Julius came into the picture, nang minsang pumunta ang grupo nito sa bar
nila para magkasiyahan; Jing said that he was the only guy who treated her with
great respect, and she appreciates it, pero hindi niya binigyan ng malisya yung
nangyari sa kanila dahil para sakanya trabaho lang 'yon. Hindi ko lang masabi na
hanggang ngayon may gusto pa rin sa kanya si uncle, ang irony nga naman ng buhay.
That time, gusto na niyang umalis sa trabaho niya, pero ayaw siyang bitiwan ng amo
niya kaya hindi sinasadya, napatay niya ito. She was covered up by a woman named,
Rosel, and because of fear on what lies ahead, they both runaway together.
It became more than friends, Jing said. Naging sandigan nila ang isa't isa, at
natagpuan ang mga sarili na nagmamahal. She can't remember kung kailan at paano
naging, basta naging masaya siya kahit papano. An unseen tragedy came, due to
terminal illness, Rosel died. Later on, Jing found herself alone in darkness again.
She gained her powers back when someone tried to assault her, atsaka niya
napagtanto, after all those years, she's powerful than expected.
Taon na naman ang lumipas hanggang sa matagpuan siya ng dating kababata, walang iba
kundi si Cairo. Direkta siyang niyaya nito na sumama siya sa Mnemosyne Institute,
at dahil nga wala na siyang ibang mapupuntahan ng mga oras na 'yon, kaagad siyang
pumayag without knowing kung anong meron sa lugar na 'yon at kung ano ang Memoire.
At MIP, she met 'The Carnies', sila Seraphina, Finnix, Otis, at Pascal, sila yung
first batch na narecruit ni Cairo including his twin brother, Pacifico and Sylvia
na isa pa niyang kababata. Biglang pinutol ni Jing yung kwento nang magtanong siya
sa'min.
"Hindi niyo man lang ba itatanong kung bakit 'Rosca' ang napili kong bagong
pangalan sa MIP?" hindi niya na kami hinintay sumagot, "Sa buong buhay ko,
dalawang tao lang ang minahal ko." sinadya niyang bitinin para mapatanong kami
kung sino 'yon, "Si Rosel...at Cairo."
Feeling ko nasa roller coaster of emotions kaming lahat, at katulad ulit kanina,
nagulat na naman kaming lahat, though kami ni Eliza hindi ganon kaexpressive sa
tuwing nagugulat unlike Vince na laging nagrereact. Teka, si Cairo? Seriously?
Anong meron sa lalaking yon at nagkagusto sa kanya si Jing at ang kapatid ko? Wala
akong makitang valid reason para mahalin yung ganong klase ng tao, pero wala eh,
pag-ibig.
She didn't explained the revelation she told, na kaya pala may 'Ca' sa 'Rosca'
dahil si Cairo yon.
The last part of the story, her life at MIP, regardless of what's wrong or right,
sunud lang ng sunod si Jing under ng Memoire. Nalaman nga niya yung tungkol kay Ate
Karen, na dinala ito ni Cairo sa MIP para sa isang malaking experiment. She never
showed herself to my sister simply because dahil galit siya sa uganyan na meron ito
at si Cairo, sino ba namang hindi magagalit na kapag nalaman mo na yung taong gusto
mo ay hindi na magiging iyo diba? At inamin niya nga samin na isa siya sa mga
kampon ng Memoire na pumigil sa jailbreak na idinaos ni Pacifico three years ago,
hindi naman nagalit sila Dean.
At ang huling misyon niya nga sa MIP ay kuhanin ang tiwala ko para makuha nila ko.
At doon nagtapos ang kwento ni Jing, hindi na niya ipinaliwanag kung bakit at heto
kasama at kakampi na namin siya ngayon. And...maybe that's enough.
"Magpapahangin lang ako." Paalam niya matapos ang ilang minuto, tumayo siya at
umalis ng common room. Naiwan kaming anim habang sinusundan siya ng tingin hanggang
sa tuluyan siyang makaalis.
"Honestly, nag-iba yung tingin ko sa kanya pagkatapos niyang ikwento yung buhay
niya." Nakapangalumbaba, sabi ni Vince, hindi mo mawari kung naaawa o nalulungkot.
Wala nang nagsalita pagkatapos.
Well, Vince is not the only one who thought that way. Hindi ko rin naman sukat
akalain na ibang klase ang pinagdaanan niya. But one thing's I'm sure of, we
finally understand the pain inside her, kung bakit siya ganito ngayon, kung bakit
ganon siya magsalita, kumilos. She was shaped cruelly by life, her heart was filled
with loneliness, and I must be thankful somehow na hindi tulad niya na nakain ng
tuluyan ng kadiliman ang puso ko.
At...dapat nga bang sisihin si dad sa nangyari sa kanya? Dahil si Dr. Richard Morie
ang pinakaugat ng galit na dinadala niya hanggang ngayong kasalukuyan.
*****
Madaling araw. Wala pang natutulog sa'ming pito, hindi pa rin bumabalik si Jing,
naglalaro sila Cloud ng Games of the General sa common room, kaya hindi na nila
napansin na umalis ako at pumunta sa second floor. Pinuntahan ko yung office ni dad
to be exact. May gusto lang akong hanapin na journal ni dad.
Sa office table niya hindi ko maiwasang tingnan yung lumang family picture namin,
pero isinantabi ko muna 'yon at kinalkal ko sa shelves niya yung mga libro,
papeles, documents, etc. Hangga'ng sa matagpuan ko ang lumang leather brown
notebook, 1998 ang naka-imprenta sa cover nito kaya feeling ko ito nga yung
hinahanap ko.
Pagkabukas ko ng journal, may nalaglag na kinakalawang na susi, 'attic' ang
nakalagay sa tag nito. Iniscan ko muna yung nasa loob ng journal, may mga lumang
larawan ding nakadikit. Ito nga yung hinahanap ko. Dahil researcher si dad, alam
kong gumagawa siya ng mga ganitong journal. May larawan na nakaipit, yung larawan
na nakita ko noon sa Sta. Helena orphanage, yung litrato ng anim na bata.
At bawat isang bata ay may profile,
Jinnie Gregorio
Binasa ko yung mga nakasulat. Napangiti ako. Jing should see this. Hindi para
macompensate yung feelings niya, dahil kailangan niyang malaman kung anong mga
nakasulat dito. She deserve to know that after all these years, my father is
always proud for her.
Hinanap ko siya at natagpuan ko siya sa balcony, nagyoyosi. Hindi niya kagad
napansin na nakalapit ako sa kanya.Walang Sali-salita inabot ko sa kanya yung
journal.
"Ano 'to?" tanong niya?
"See it yourself." Sabi ko atsaka ko siya iniwanan.
Babalik na sana ako ng common room pero naalala ko yung susi ng attic na nasa kamay
ko. Curiousity strikes again. Bakit nakaipit ang susi na 'to sa journal na 'yon in
the first place? Coincidence? Or sinadya 'yon ni dad? Well, wala namang masama kung
ichecheck ko hindi ba?
Natagpuan ko na lang yung sarili ko na umakyat sa attic habang may dalang
flashlight, hinanap ko yung switch ng ilaw. At pagkabukas ko tumambad sa'kin ang
malinis na attic, may lamesa at mga upuan, inaasahan ko kasi na tambakan 'to ng mga
lumang gamit pero hindi. Maliban sa isang kahon na nakapatong sa lamesa.
Bababa na sana ko kung hindi ko lang napansin na nakasulat sa kahon, 'Jill's
secret'
/71/ Beyond the Perimeter

/71/ Beyond the Perimeter

Ilang sandali akong nanatili sa kinatatayuan ko. Pero dahil unti-unti na naman
akong kinakain ng kuryosidad, naramdaman ko na lang yung sarili ko na lumalapit sa
lamesa kung saan nakalagay sa ibabaw nito ang isang kahon.
'Jill's Secret' ang nakasulat sa isang puting papel na nakadikit sa harapan ng
kahon. What an irony, I do have a secret but I do not even know what it is.
Open me, tila ang sinasabi ng kahon. I remember Alice, who found a curious bottle
telling her to drink it, and now, feeling ko ako ngayon si Alice-pero wala nga lang
ako sa Wonderland. After all these years ngayon ko lang natagpuan ang kahon na ito
na naglalaman daw ng lihim ko, lihim na inilihim sa'kin sa matagal na panahon.
And so, para sa ikatatahimik ng aking kalooban binuksan ko ang kahon ng walang pag-
aalinlangan. Hindi pa ko nakuntento dahil itinaob ko yung kahon at itinaktak lahat
ng laman nito kaya nagkalat tuloy sa lamesa kung ano man yung nasa loob nito. Unang
una kong napansin ang isang lumang vinyl o plaka, may nakaimprentang 'Que Sera
Sera', familiar dahil alam ko isa 'yong kanta.
Pangalawang tumawag ng atensyon ko ang isang lumang photo album, binuksan ko 'yon
at nakita ang mga larawan ng isang batang babae. Kung hindi ko pa nakita sa
pinakaibaba ang nakasulat na pangalan kung sino 'yon hindi ko maiisip na ako pala
ang bata na nasa mga larawan. Tiningnan ko ang mga larawan at nagtataka ako...
Nagtataka ako dahil wala akong maalala ni isa sa mga pangyayaring ito.
From infancy up to childhood, I tried to find an old memory from this photos pero
wala talaga. We went to the zoo, to amusement parks, and so on. Ako ba talaga ang
batang 'to? Bakit ngayon ko lang naisip na wala akong maalala na kahit ano tungkol
sa kabataan ko. Pakiramdam ko tuloy kalahati ng buhay ko ang nawawala dahil wala
akong maalala, meron man ngunit iilan lang.
May isang maliit na kahon, binuksan ko yun to found out na mga baraha ang laman
nito, puro shapes at guhit yung nasa baraha, paulit-ulit lang at hindi ko alam kung
anong klaseng playing card ba 'to.
Nag-eexpect ako ng journal or any written documents na siyang magbubunyag ng
sinasabing lihim ko, pero wala kahit isang kapiranggot na papel-wala. Pero alin
dito? Alin dito ang sinasabing sikreto ko? Si dad ba ang may pakana ng lahat ng
'to?
Akala ko wala ng laman yung kahon nang makita ko ang pinakahuling bagay na nasa
mesa-isang flashdrive.
*****
It feels like the key is in my hands and now I had to open the so called 'secret'.
Bumalik ako sa common room but to found out na tulog silang lima, sila Cloud, Dean,
Eliza, Vicente at Palm, kanya-kanya silang pwesto at nakatulugan 'ata ang paglalaro
ng kung anu-anong board games. Hindi ko na sila iistorbohin pa kaya binalikan ko si
Jing sa balcony.
Papalapit pa lang ako sa kinaroroonan ni Jing nang makita ko siyang nakaupo habang
yakap-yakap ang sarili, namamaluktot, at mukhang kailangan niya munang mapag-isa
matapos niyang ikwento sa'min ang tungkol sa nakaraan at pagkatao niya, hawak pa
rin ni Jing yung journal na pinabasa ko sa kanya. That's it, she needs space.
Weird pero mukhang sinasadya na kailangan kong alamin mag-isa kung ano ang
nakapaloob sa USB na 'to. Wala akong ibang magagawa. Pumunta ulit ako sa office ni
dad dahil luckily meron doong personal computer. Umupo ako sa swindle chair at
binuksan ang power ng computer na halatang matagal ng nilipasan ng panahon dahil sa
luma nitong unit.
I carefully inserted the flashdrive, may nagpop-up sa screen at pinindot ko ang
open files. Puro video clips yung nakita ko. Bigla akong nag-alangan na buksan ang
isa roon...pero wala na, kailangan kong malaman kung anong sikreto ba 'to. Pinindot
ko yung pinakaunang clip at sinimulang panuorin yung mga videos. Sa umpisa, katulad
ng mga alaala na nakita ko sa photo albums, ang kabataan ko na hindi ko na maalala.
Pero habang pinapanood ko 'to, somehow nareregain yung memory na matagal na nawala
sa utak ko. I don't like this feeling though.
Nagbago ang eksena ng mapalitan yung clip. Napunta sa isang pamilyar na bakuran, sa
bakuran ng manor namin to be exact. Tumutugtog sa background ang isang pamilyar na
kanta, 'When I was just a little girl, I ask my mother what will I be?' Que Sera
Sera. Naroon sa isang duyan ang isang batang babae, katabi ang isang babae. Walang
iba kundi ako at si mommy Julia.
'Will I be pretty? Will I be rich? Here's what she said to me' at parang may
sumundot ulit sa utak ko at para bang sinasabing ito ang paboritong kanta ko noon.
'Que Sera Sera, whatever will be, will be. The future's not ours to see. Que Sera
Sera.' I paused the clip and closed my eyes for a while. May naalala rin ako sa
kantang yan...two years ago after kong makuha angk matang 'to... Ang aksidente.
Biglang pinaalala ng kantang yan sa'kin lahat-lahat ng nakaraan, mga hinaharap na
hindi napigilan. I don't know why...Memories began to flash even though I closed my
eyes... hIndi ko alam kung bakit.
Inilipat ko sa next clip, I can't stand it...because...
"Jill. It's your turn." Sa sumunod na clip, nakasteady lang yung camera dahil
nakapatong ito sa table, kita yung isang grupo ng mga bata na nakapalibot sa isang
mesa, hindi ko nakita kung sino yung nagsalita. Pero sa video na 'to nakita ko ang
sarili ko among the children... na Peculiar? "Huhulaan mo kung anong shape ng card
na hawak ko? Okay?"
"Yes, dad."
"Okay, here's the first one. Anong shape ang hawak ko?"
"Circle!"
"Very good!" Nagpalakpakan yung mga bata nang sabihing tama yung sagot ko.
"Ang galing naman po ni Jill, kanina pa siya nakakaperfect!" Pero teka... Ito ba
yung dating research facility ni dad? Yung facility na para sa mga Peculiar na
pinag-aralan niya? Bakit ako kasama? At bakit nakaperfect ako sa 'test' na 'yon?
Does that mean...na Peculiar ako?
"Kids, listen, may pupuntahan lang ako sa kabilang department, magbehave kayo ha,
sandali lang ako."
"Okay po, Tito Richard." Chorus na sagot ng mga bata. Rinig sa background na
naglakad palabas si dad hanggang sa maiwan yung mga bata kabilang ako sa kwarto na
'yon. Maya-maya nagsimulang lumikha ng komosyon ang isang bata ng palutangin niya
sa ere yung mga baraha na ginamit kanina.
"Kaya niyo yan?" mayabang na saad ng batang lalaki na nagpalutang sa mga baraha.
Namangha ang ilan maliban sa'kin na tahimik lang na nagmamantyag sa ginagawa ng
bata. "Ikaw Jill, kaya mo ba 'to?"
The little Jill didn't answer, but seconds later bigla na lang din lumutang sa ere
yung baraha na nasa harapan niya katulad ng ginawa ng batang lalaki na nagyayabang.
"Jill! Paano mo nagawa yan?" mas umingay ang mga bata sa ginawa ng batang si Jill
pero tahimik lang siya habang nakatingin sa isang baraha.
"Eto, di 'to kaya ni Jill." May isa pang batang lalaki ang nagpakitang gilas, mula
sa munting palad nito ay lumabas ang apoy, kapangyarihan na katulad ng kay Finnix,
Pyrokinesis. But again, little Jill didn't answer, but she glared at the cards and
fire suddenly appeared. The next thing happened, nagkagulo ang mga bata at biglang
natapos yung clip.
What the hell did I just watched? Pinangangahulugan ba ng video na 'yon na isa
talaga kong Peculiar? I can move things and I can start fire? I can even read
minds! But how? In my entire life wala akong naalalang nagawa ko yon. Maliban
nitong kasalukuyan na nagawa ko ang ilang Peculiar na kakayahan... Tama talaga si
Eliza, I am Peculiar even without my sister's eyes, the Culomus.
I brushed off my hair out of confusion. Ito na ba yon? Ito na ba yung sinasabing
sikreto? Tiningnan ko yung screen at nakitang may nag-iisa na lang akong clip na
hindi nabubuksan. I took a deep breath first bago ko yon i-double click.
Sa umpisa black screen at nagulat ako nang makita ko na lang si dad na kaharap ko
sa monitor. Nakatingin siya sa camera as if na nakikita niya talaga ko.
Then...nagsimula siyang magsalita.
"Sa totoo lang..." My. Ang tagal ko na ring hindi naririnig ang boses niya, "...I
don't know where to begin." He shyly smiled at the camera na siyang kinailang ko,
matagal ko na rin kasing hindi nakikita na nakangiti si dad. "Merry Christmas,
Jill." Napahinto ako nang sabihin niya yon, how? Then he chuckled, "I know it's
crazy, hindi ko alam kung anong panahon mo dyan kung pinapanood mo 'to. Isang taon
ka na naming hindi nakakasama sa Pasko, my daughter. At alam ko masama pa rin ang
loob mo tungkol sa step mom mo at kay Lily." So ibig sabihin a year after kong
maglayas kinuhanan yung video na 'to?
"I am not even sure kung kailan mo 'to mapapanood pero if that day comes alam kong
you've been through a lot...because of me. I know I'm not a good father, Jill...
Marami akong pagkukulang at pagkakamali na ginawa sa'yo." Nagsimulang manginig ang
ilang parte ng kalooban ko sa hindi maipaliwanag na dahilan, "Nakita mo ba sa box
yung vinyl? Que Sera Sera, I'll never forget that song dahil paborito 'yan ng mommy
mo...at paborito mo rin, the both of you would always sing that together whenever
the song played. Nakita mo rin ba yung photographs sa album? Ang dami nating
pinuntahan na lugar noon, parks, zoo, picnic grove... And I know... you can't
remember it at all..."
"I am sorry for taking all those memories away from you, Jill. I have to do it in
order to conceal your powers." Guilt was all over his face and I can't help it but
to grip my hands, "You are a very special child, Jill. You're too powerful, to
think na you can adopt any forms of powers from the Peculiars surrounds you. As a
father, nang malaman ko na katulad ka ng mga batang pinag-aaralan ko, natakot ako
kaya ko ginawa 'yon. Pero sadyang mabilis umikot ang balik ng universe, Jill.
Today, you're suffering because of your eyes. At sa takot ko ulit na kuhanin ka ng
Memoire, nagvolunteer ako na isali ka sa research ng Helexia para hindi nila
mapaghinalaan na nasa'yo ang kayamanan na hinahanap nila."
"I am coward to face you now, Jill and I am so sorry." tears flowed down from his
eyes, "I am even sorrier dahil mukhang malabo mong mapanood 'to at malaman kung ano
ang mga isinikreto ko sa'yo. After losing your mom, natakot ako na mawala ka rin. I
want you to know, I never stop loving your mother, Jill. I also want you to
understand that I did those terrible things just to protect you. Even if you'd hate
me, it's fine...as long as I can protect you." It's too late to realize that I'm
sobbing the same as him, "I love you."
The video ended but I can't stop crying.
*****
Hindi ko namalayan na nakatulugan ko na yung pag-iyak, nagising ako at nandito pa
rin ako sa office ni dad. Nasulyapan ko yung wall clock at nakitang mag-aalasotso
na ng umaga. Wait, may usapan kami na maagang maaga kaming gigising, bakit walang
gumising sa'kin?
Dali-dali akong tumayo at lumabas ng opisina ni dad, ramdam ko pa rin yung
namumugto kong mata dahil sa pag-iyak kaninang madaling araw, medyo mabigat pa yung
ulo ko. Papunta pa lang ako ng common room nang mapansin ko ang biglang kakaibang
aura na bumabalot sa paligid. Sa sobrang tahimik tanging mga huni ng ibon ang
maririnig mula sa labas.
"Cloud?" di ko maiwasang tumawag upang makasiguro at nag-aalangan ako sa
katahimikan. Pero walang sumasagot, "Eliza?"
Malapit na ko sa pintuan papuntang common room. Biglang kumabog nang malakas yung
dibdib ko nang may humawak sa braso ko at higitin bigla iyon.
"Uncle Julius?" gulat na gulat kong sabi nang makita siya.
"Sshhh... Wag kang mag-aalala, ililigtas ka namin." Mahinang sabi niya habang may
hawak-hawak siyang baril. Tuluyan nang nilamon ang dibdib ko ng kaba, anong
ginagawa ni uncle dito? Isa siyang agent ng IADC at hindi maganda ang kutob ko.
"Pero uncle-"
"Hawak ko na siya, she's fine." Pero nakatuon yung atensyo niya sa Bluetooth
headset niya. "Na-capture na namin yung lima sa kanila, pero may hindi pa kami
nahuhuli na isa." Nacapture? No!
"S-sinong nahuli niyo, uncle?" tanong ko. Hindi siya sumagot at pumasok siya sa
loob ng common room, sumunod ako sa kanya at nakita ko roon sila Eliza, Vicente,
Dean, Palm at Cloud, being held as captives. May lima ring agent na nagbabantay
bawat isa sa kanila. How? Paano nangyari? Tiningnan ko sila as if naghihintay ako
ng paliwanag pero walang kumibo.
"Ilabas niyo na silang lima." Utos ni Uncle.
"Yes sir."
"Uncle, please, hindi mo naiintindihan ang mga nangyayari-"
"Come on, Jillianne." Putol niya sa'kin, "Go, ilabas niyo na sila." Papunta pa lang
sila sa pintuan nang sumara 'yon bigla.
"Buksan niyo yung pinto." Utos ni Uncle pero kahit anong gawin nilang bukas sa
pinto ay hindi ito bumubukas.
"Ayaw po, sir."
"Drop your weapons, or else." Lahat kami napatingin sa pinanggalingan ng boses,
nakatingala kaming lahat sa kanya dahil nasa second floor siya ng common room,
nakatingin sa'min sa ibaba. Tinutukan siya ng baril ni uncle pati ng agents nito.
"Aba at matigas ang ulo niyo." Walang kahirap hirap na nawala sa mga kamay nila
yung mga baril. "Follow my instructions kung ayaw niyong iputok ko sa inyo yang mga
baril."
Itinali sila ni Dean, sinira ni Jing yung mga baril nila atsaka namin sila iniwan
sa common room. Sa labas, tsaka kami nag-usap lahat.
"What the hell happened?" tanong ko kila Cloud at katulad ko isinagot nila na
nahuli sila ng gising kaya hindi nila namalayan ang pagdating ng mga pulis. Eliza
said they were gassed kaya napahimbing lalo yung tulog nila, I can't believe it,
hindi niya naramdaman na may mga paparating dahil sa lalim ng tulog niya? I can't
blame her dahil alam kong pagod din siya. But shit, this is shit, muntik na kaming
macorner.
Sinabi ko kay Dean na ihanda ang sasakyan at kailangan na naming makatakas as soon
as possible. Pero...
"It's too late, Jill." Sabi ni Eliza. "We're being surrounded by the police." This
time kitang kita ko ang distress at pag-aalala sa mukha niya.
Lumapit ako sa bintana at dahan-dahang sumilip doon at nakita ang tila isang
batalyon ng mga pulis na nakapalibot at nakatutok ang mga baril. Napapalibutan nila
kaming lahat.
/72/ Que Sera Sera

/72/ Que Sera Sera

Isinira ko ulit yung blinds ng bintana at bumalik sa kinaroroonan nila. Damn, it's
real, napapalibutan nga talaga kami ng police squads, ng IADC agents, meron ding
mass media na nasa labas, at lahat sila nakaantabay. Isa lang ang ibig sabihin ito-
we're doomed.
"Hindi ako makapaniwala," Jing said with completely disbelief in her face, "How
come Eliza?" napatingin tuloy kaming lahat kay Eliza na bumalik na sa usual niyang
itsura, kalmado, pero nakatingin siya sa kawalan, parang lutang "How come na hindi
mo naramdaman na paparating silang lahat?!" hindi galit ang makikita kay Jing
bagkus ay takot, takot na rito na masasayang ang lahat ng pinagdaanan namin.
"Jing, huminahon ka lang." pag-papakalma ni Palm dito na pumapagitna sa kanilang
dalawa.
"It's my fault." Sabi ko, "Walang kasalanan si Eliza, ako ang dapat sisihin dito."
Kung hindi ko sinabi kagabi na gusto kong pumunta sa rest house na 'to hindi sana
kami maiipit sa ganitong sitwasyon ngayon. Kasalanan ko.
"Hey, Jill, it's not your fault either." Biglang sumingit sa usapan si Cloud,
kinokontra ang sinabi ko, "We all agreed to go here kaya lahat tayo may
pananagutan."
"Okay, look, tama na ang sisihan. Memoire ang tiyak na may pakana nito, sinadya
nila na hindi natin sila mararamdaman pero sa pagkakataon na 'to ipapaubaya muna
nila sa otoridad ang paghuli sa'tin." Saad ni Dean, sapo ang noo, "Ang dapat nating
isipin ngayon kung paano natin lulusutan ang gusot na 'to." Pero makikita pa rin na
hindi siya nawawalan ng pag-asa.
"Dean, do you have any idea kung paano tayo makakalusot ngayon?" tanong ni Vince
kay Dean, hindi maitago ang pagkabahala dahil sa mood ng kakambal niya. "Ha?"
"Come on guys, ano ba naman kayo, maning mani na lang to kumpara sa mga pinagdaanan
natin noon sa MIP."
"No, nagkakamali ka, Dean. It's not what you think." Sabi ni Eliza, "Hindi ito
katulad ng mga ginawa natin noon. This is a different thing now dahil involve ang
mga non-Peculiar beings." She's right. We can't show off our Peculiarities dahil
una sa lahat hindi pa aware ang mundo na may mga tao na nag-eexist katulad namin.
"Ano? Pero kanina lang ginamit ni Jing yung kapangyarihan niya! Ano pa bang
kaibahan nito para iligtas natin yung mga sarili natin?"
"Hindi mo naiintindihan, Dean."
"Hindi ko maintindihan ang alin?!"
"Tama na." awat ko sa kanila. Huminga ako ng malalim, natigil sila, walang umuusal
ng kahit ano. We underestimated the enemy, hindi ko sukat akalain na handa silang
paabutin sa ganitong sitwasyon ang lahat-makuha lang ako. This time, we can't fight
those people, palagay ko pareho kami ng iniisip ni Eliza, pero alam kong may
options pa siya na ibibigay sa'min. "Say it, kung ano mang naiisip mong plano."
utos ko sa kanya.
"There are only two choices na pwede nating gawin." Sabi niya, "It's either we
surrender or we kill them."
"B-bakit kasama sa pagpipilian na patayin sila?" nag-aalalang tanong ni Palm.
"Human instincts, Palm. Once na labanan natin sila natural na magiging threat tayo
sa kanila kaya hindi sila mag-aatubiling patayin tayo, and on the other hand hindi
rin naman natin gugustuhing patayin nila tayo, hindi ba?" tama si Eliza, "It means
that only victors will live."
"Wow, salamat sa options." Sarkastikong sabi ni Jing at pagkatapos ay humalukipkip
siya, nag-iisip.
Kung susuriing mabuti ang mga pagpipiliang tila sugal na binigay ni Eliza, alinman
sa dalawa ang piliin namin pareho pa rin kaming talo, pareho pa ring lugi. Papasok
ulit ang mga tanong... ano ba talaga ang pinaglalaban namin dito? Parepareho ba
kami ng pinaglalaban? Bakit kami lumalaban hanggang ngayon? Kung may pipiliin
kaming isa sa mga options ni Eliza mapupunan ba nito ang halaga kung anong
pinaglalaban namin ngayon?
Pero napaisip din ako, bakit hanggang dalawa lang ang binigay niya? Alam ko...
meron pa kaming pwedeng gawin para makalusot dito.
"May isa pa tayong pagpipilian." Sabi ko sa kanila at sabay-sabay silang napatingin
sa'kin, hinihintay ang sasabihin ko, naiinip, nababahala, para bang unti-unti nang
nauubos ang mga oras namin.
"Ano 'yon?" tanong ni Cloud.
"We're not going to fight," napakunot sila Dean nang sabihin ko 'yon, "And we're
not going to surrender either."
"Kung ganon, Morie, anong gagawin natin?" si Vince.
"Lalabas tayong lahat, kakausapin ko sila para mapatunayang mga inosente kayo."
"Pagkatapos?" si Jing, "Pagkatapos ano? Huhulihin nila tayo? Para na rin tayong
sumuko sa iniisip mo."
"Hindi, Jing. We're not giving up yet." Sabi ko habang nakakuyom ang palad, "We're
at least trying to prove them wrong." I believe there's still hope for us. We've
come this far para lang protektahan ako and it's my time to protect them too.
"Any minute now, they're going to break in, I can hear their voices." Sabi ni
Cloud. "Whatever the plan is, as long as we believe, let's do it."
"Sigurado ka bang gagana yang iniisip mong plano, Morie?" nag-aalangang tanong ni
Dean.
"Hindi natin malalaman hangga't hindi natin sinusubukan, Dean."
"Sang-ayon ako sa plano ni Morie, kahit mayroon lang tayong Twenty percent success
rate." Wika ni Eliza na sinang-ayunan ni Vince.
"Kung 'yung sa Bastille escape natin my 0.1 percent success nagawa natin, ito pa
kaya na twenty percent?!" pagpapalakas loob ni Vince sa'mig lahat, "Alright, Morie,
what's the plan?" kitang kita na yung enthusiasm sa mukha niya kaya napatango at
medyo lumakas ang loob ko.
"Lalabas tayong lahat, ipapakita natin sa kanila na hindi kayo threat at okay lang
ako. Pagkatapos makikipag-usap ako sa kanila." Ang simple ng plano ko pero sa totoo
lang hindi lang 'ata twenty percent ang success rate nito, mas mababa pa kumpara sa
porsyento noon sa ginawa naming pagtakas Bastille.
"Anong gagawin namin?" tanong ni Jing.
"Wala kayong ibang gagawin. You can't use your powers dahil once na makita nila
'yon, it's over, hindi na natin mababago yung isip nila." Sagot ko sa kanya, "All
you need to do is to be sincere, that's all. Akong bahala makipag-usap sa kanila."
Hindi na sila sumagot o kumibo pa. Nagpalitan ng tingin, nagtanguan, walang ibang
nagawa kundi magtiwala at huwag mabahala sa kung anong naghihintay sa'min. Naisip
ko ulit, pwede kong gamitin ang mga mata ko upang malaman kung anong susunod na
mangyayari sa hinaharap pero naisip ko-hindi pa rin iyon magiging solusyon sa kung
ano man ang problema namin ngayong kasalukuyan. I can't use this power just
because I am the freewill, I just can't make another chaos that could ruin the
natural flow. Every single change in the system could ruin everything. Whatever
will be, will be. Malalagpasan namin 'to by doing our best and it's only this time.
"Let's go." Sabi ko sa kanila at nagsimula kaming humakbang papuntang pintuan.
Pipihitin ko palang yung door knob nang marinig ko sila-kung anong nasa isip nila.
'Morie. Kaya natin 'to, tiwala lang.' Palm
'Sana...matapos na lahat ng 'to.' Dean
'Well, this is better than the cell.' Vince
'I wonder if she can make it this time.' Eliza
'Kayang kaya ko silang patumbahin lahat. Pero hindi pwede.' Jing
'Jill, kahit anong mangyari hindi kita iiwan.' Cloud
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto, dahan-dahan ding sumungaw ang liwanag na
nakakasilaw. Nang humupa ang silaw, tumambad sa paningin namin ang mga pulis na
nakaabang. Nang magsimula kaming humakbang ay tila naalarma sila. Pero nagpatuloy
kami, bumaba kami mula sa porch, at pumunta sa pinasentro. Nakataas ang kamay nila
Jing, tanda na wala silang intensyong masama, habang kami ni Cloud ang nasa gitna.
Umugong ang bulungan, pero rinig na rinig ko kung anong sinasabi nila, marahil ay
nahahawa ako sa kapangyarihan ni Eliza.
'Si Jillianne Morie! Ligtas siya!'
'Hindi tayo gagalaw hangga't wala silang ginagawang masama.'
"Guys," bumulong ako sa kanila, "Don't do anything, understand?" tumango lang sila.
"We're ordering you to surrender." May sumigaw isa sa kanila. Hindi na ko nag-aksya
ng oras, I took a step forward and fearlessly faced them.
"Please, put your weapons down." Sabi ko sa kanila na siyang ikinabahala nila lalo,
"This is just a misunderstanding. Hindi nila ko dinakip, kinidnap or what, they're
all innocent and no criminals. In fact, we're all victims..." dapat ko bang sabihin
sa kanila yung tungkol sa Memoire? "And we need your help."
Pero wala silang kareareaksyon sa sinabi ko, hindi kumbinsido kahit buong puso ang
pagkakasabi ko, parang hangin na napadaan, binalewala.
"Uulitin namin, sumuko na kayo, Jing Rosca, Eliza Macaraig, Vicente Macaraig,
Palmera Dinoy, at Dean Enclona. Jillianne Morie at Cloud Enriquez 'wag kayong
gagalaw sa kinatatayuan niyo hangga't hindi sila sumusuko."
"Hindi niyo ba narinig yung sinabi ko? Inosente sila at wala silang ginagawa
sa'ming masama." Bakit hindi sila naniniwala kahit ako na yung mismong nagsasabi?
Bakit? "They're protecting me all this time from an enemy, and I'm begging you to
stop this."
"M-morie, anong ginagawa mo?" gulat na gulat na tanong ni Dean nang makita niya 'ko
na dahan-dahang lumuluhod sa lupa, hindi ko siya pinansin.
"Jill," si Cloud.
"Pakiusap." Maging ang mga tao ay hindi makapaniwala sa ginagawa ko ngayon,
nakikiusap na tumigil sila. Nabigyan ako ng pag-asa na nabago yung isip nila nang
makita ko na ibinaba ng isa sa kanila yung baril. At sinundan pa 'yon ng iba.
"Mga halimaw!" sabay-sabay kaming nabigla, nagulat, napatingin sa direksyon ng rest
house, yung isang grupo kabilang si Uncle Julius na iginapos nila sa common room
nakatayo sa porch, nakatutok sa'min ang kanikanilang baril. Mabilis ang pangyayari,
sa takot nila sa nangyari kanina sabay-sabay silang nagpaputok ng baril na siyang
mali kung sa trabaho nila, huli na nang pigilin sila ni Uncle.
Pabulusok sa direksyon namin yung mga bala nang huminto iyon sa ere.
"Jing!" napatayo ako mula sa pagkakaluhod nang makita ko kung anong ginawa niya.
Saksi ang mga tao, nakita nila kung paano itinaas ni Jing ang kamay niya para
pahintuin ang mga bala sa ere. At katulad ng inaasahan naalarma silang lahat,
natakot, nangamba.
Nawala si Dean sa paningin namin dahil mabilis sa kidlat, nakarinig kami ulit ng
isang putok ng baril, nakita namin si Dean na hawak-hawak ang braso nang isang
agent dahil ito yung nagpaputok ng bala. Niligtas niya si Jing. Sa isang iglap bago
pa makabalik siya makabalik sa pwesto namin, bumulagta siya sa lupa, nagkalat ang
dugo.
"Dean!" kahit hindi nakakakita, alam ni Palm ang mga pangyayari, huli na nang
awatin siya ni Eliza na tumakbo sa direksyon ng walang kasiguraduhan, nais iligtas
si Dean.
Bang! Umalingawngaw ang isa na namang pagputok.
"Palm!" nanigas kaming lima sa kinatatayuan namin. I can feel the loud pounding in
my chest, the trembling fists, and shaking knees. No. They're not dead yet. They
can still move. Nakita naming lahat kung paano gumagapang si Dean para lang abutin
si Palm, tumingin muna siya sa'min at sumenyas ng okay, at pinapatakas na kami ni
Dean dahil alam niya sablay na yung plano ko.
Hindi maiwasang mangilid ng luha 'ko, pinipigilan kong tumulo 'yon. Hindi ako
pwedeng umiyak. Kailangan kong maging malakas.
"We're so fucked up." Narinig kong bulong ni Jing, kontrolado pa rin ang bala sa
ere. Nakatutok ulit sa'min yung mga sandata nila at sa pagkakataon na 'to alam ko
na sarado ang isip nila, hindi na sila makikinig sa kahit anong sasabihin ko.
"Anong gagawin natin? Si Palm, si Dean." Sabi ni Vince.
Hindi ako makapagsalita, parang naparalisado ang buong sistema ko dahil sa bilis
ng mga pangyayari.
"Bibilang ako ng tatlo. Pagkatapos tatakbo tayo pabalik ng rest house. Vicente,
gamitin mo yang kapangyarihan mo, gumawa ka ng clone para tulungang dalhin sila
Palm at Dean."
"Pero Jing, may mga-"
"Akong bahala! I'll distract them first." Nagsimulang umihip ng malakas ang hangin
na gawa ni Jing, nagpaikut-ikot sa ere ang mga patay na dahon, malakas na paghampas
ng mga halaman at puno, naramdaman kong hinawakan ako ng mahigpit ni Cloud sa
kamay. "Isa...Dalawa...Tatlo!" pagkatapos ng tatlo, ibinagsak ni Jing sa lupa ang
mga bala, tuluyan nang naalarma ang mga tao, tumakbo kami pabalik ng rest house,
hinawi ng parang papel ni Jing yung mga agents na nasa porch, kasama si Uncle,
tumilapon sila sa lupa. Nagawang tulungan ni Vince sila Palm nang gumawa ito ng
maraming clone.
Hingal na hingal kaming lahat pagpasok
"Pupuntahan ko si uncle, maiintindihan niya ko-"
"Jill!" bigla akong natauhan sa pagyugyog ni Cloud sa'kin, umiling siya, "That
won't work anymore." Wala akong ibang nagawa kundi matigilan. Hindi ko na alam
kung anong gagawin.
"Morie." Sa hindi maipaliwanag, nakangiti pa si Vince sa ganitong sitwasyon,
"Huwag kang mag-alala, may natitira pang paraan." Inalalayan ng mga clone niya sila
Palm at Dean na maupo sa upuan.
"A-anong plano?"
"Morie." Si Eliza, hinawakan ako sa balikat, "Hindi sa lahat ng pagkakataon
kailangan mo ng plano." Hindi ko rin alam kung bakit kinilabutan ako ng bahagya
syang ngumiti at tila umamo ang mukha, "You just have to close your eyes, breathe,
and let go."
Pinalis ko ang kamay niya sa balikat ko,
"Once you let it go, open your eyes and you'll see what happen." Gusto ko siyang
pahintuin sa mga sinasabi niya, "The truth is... Morie... The future is not ours to
see."
"What irrational things are you saying, Eliza?" galit kong sabi sa kanya, humarap
ako sa kakambal niya "Katulad ng sinabi mo Vince, may natitira pang paraan."
Tumango siya sa sinabi ko, "We still have you, ibig sabihin makakagawa ka pa ng
clones nating lahat." This time sa kanila naman ako humarap "Makakatakas pa tayo,
guys. Gagawa si Vince ng imitations natin, katulad ng ginawa noon sa MIP.
Mahihirapan silang maidentify kung sino ang totoo kaya it'll buy time for us na
makatakbo sa kagubatan." I am determined not to lose, kung nauubusan na ng
reasonable options si Eliza, pwes ako hindi, I'll do anything even though it'll
sound irrational.
"Okay, nakuha namin." Si Jing, "Kaya niyo pa bang tumakbo, Dean? Palm?"
"Kaya namin," dahil eventually nagamot na siya ni Palm, "pero hindi ko magagawang
tumakbo ng kasing bilis ng kidlat." Sagot ni Dean.
"Prepare your clones, Vince." Utos ko. "Eliza, ilang oras bago sila papasok dito?"
"Twenty seconds. They're about to break in."
"Vince."
"Copy." Mabilis niyang nagawa yung utos ko, wala pang ten seconds nang mapuno niya
halos yung sala ng clones naming lahat. I can't almost identify kung sino sa'min
ang totoo sa hindi. Great, ewan ko lang kung hindi pa mawindang yung IADC, police,
at media kapag nakita nila 'to.
"In ten seconds magdidisperse tayong lahat kapag nakapasok na sila. Narinig niyo
ba?"
"Yes mam!" urgh, sabay-sabay sumagot yung clones ni Vince.
Nagbilang kami ng sari-sarili hanggang sampu. Pinakiramdaman namin ang buong
paligid hanggang sa sabay-sabay na bumukas ang mga pintuan, nabasag ang mga bintana
at narito na sila. Katulad ng binigay kong instructions sabay-sabay din kaming
nagdisperse at halatang nasurpresa ang mga awtoridad. Palatandaan upang hindi kami
magkahiwahiwalay, sa backdoor kami lumabas at dirediretsong tumakbo papuntang
kagubatan.
Nagawa naming mapasok ang masukal na kakahuyan pero may ilang taga-IADC ang
nakamataan sa'min kaya naman may mga kaunting humahabol sa'min sa likuran.
"Mauna na kayo," napahinto kami nang huminto si Jing.
"Ano? Bakit?" maang na tanong ni Vince habang pasan-pasan si Palm.
"I'll seal this way para hindi na sila makasunod sa'tin. Kaya mauna na kayo, si
Eliza at Cloud na ang bahalang humanap sa'kin."
"Naloloko ka ba? Anong bahalang humanap sa'yo?" tanong ko sa kanya.
"Ahrg, Jill Morie, sumunod na lang kayo at madaming nasasayang na oras! Kayang-kaya
ko mahanap ng dalawang yan! Alis na! Alis!" pagtataboy niya sa'min.
"Tara na, Jill. She can do it, trust her." Hinila na ko ni Cloud at nagsimula na
kaming tumakbo palayo sa kinaroroonan niya. Nilingon ko si Jing, sinisimulan na
niyang lagyan ng malalaking kahoy yung bawat pagitan ng puno nagsisilbing daanan.
Inalis ko yung kaba sa dibdib, dumiretso ulit ako ng tingin sa dinadaanan namin,
hindi namin alam kung saan kami papunta.
Whatever will be, will be.
[Jing Rosca]
Kaunti pa. Kaunti na lang hindi na talaga sila makakadaan sa ginawa kong
paghaharang sa daanan. Bawat puwang ng mga magkakatabing puno inilagay ko yung mga
pinagsama-samang mga bato at ilang kahoy, mga dahon, sanga, baging.
Okay na 'to. Hindi na makakadaan yung mga hinayupak na parak na 'yon. Inilagay ko
ang pinakamalaking bato na nakita ko sa natitirang puwang, medyo umuga yung lupa
nang ibagsak ko 'yon. In fairness, nahati ko nga yung dagat ito pa kayang mga puno?
Pero iba yung lakas na pinaghuhugutan ko ngayon. Salamat sa batang 'yon.
Tumakbo na ko palayo para tuntunin sila Jill Morie. Kailangan ko na palang gumawa
ng signal para malaman nila Eliza at Cloud na hinahanap ko sila. Napahinto ako,
parang may kumaluskos kung saan. Pinakaramdaman ko yung paligid, puro huni ng ibon
ang maririnig.
"Sino yan?!" sigaw ko. Malakas ang kutob ko na may iba pang tao. O di kaya-
Isang bumubulusok na apoy ang papunta sa kinaroroonan ko, kaagad akong nakaiwas at
nagpagulung-gulong sa lupa, muntikan na kong matamaan! Punyeta! Sino yon?!
Tumayo ako "Lumabas kang hayop ka harapin mo 'ko!"
"Well." Mula sa matatayog na halaman sumulpot ang isang gaga na tinubuan ng tao-si
Margaux. Hindi niya suot yung bilog niyang shades kaya kitang kita ko yung isang
itim na sclera at pulang mata niya, sa kanya nanggaling yung kanina. "Long time no
see."
"Alam mo bakit nga ba hindi kita pinatay non sa MIP." parang nagsisisi tuloy ako na
hindi ko siya tinuluyang lagutan ng hininga, kung hindi lang nakiusap si Cloud,
bakit sa dinamirami ng pwede niyang maging nanay eto pang demonyita na 'to.
Ngumiti lang siya ng nakakaloko at mula rin sa likuran ng matatayog na damo lumabas
siya.
"Hi, Jinnie."
"Buhay ka pa pala," ewan ko, biglang kumabog yung dibdib ko, "Cairo."
"You know it's not too late, Jinnie. Pwede ka pa ring bumalik sa'min." inalok niya
yung kamay niya.
"Tigilan mo na ko sa style mong bulok, Cairo!" hindi ako makapaniwala na pareho
kaming nainlove ni Karen sa animal na 'to, pero hindi na ngayon! Manigas siya!
"Nasaan na ang mga kasama mo?" tanong ni Margaux.
"Hah! Asa kang sasabihin ko sa'yo." Pero alam kong pa-inosenteng tanong lang niya
'yon. Napaatras ako nang humakbang sila papalapit sa'kin. At sa likuran nila
sumulpot ang apat pa na Peculiar galing MIP. Isa lang ang ibig sabihin nito.
Inihanda ko yung sarili ko.
Hindi ko hahayaang makalapit sila kay Jill Morie. Gagawin ko ang lahat.
Author's Note:

Una sa lahat, ito na naman ang walang kamatayan kong PASASALAMAT sa inyo sa
pagbabasa at pagsuporta sa The Peculiars' Tale, kahit na alam naman natin na
matagal akong mag-update. Maraming maraming salamat po!
Pangalawa, gusto ko pong sabihin na OO NA ANG LAPIT NA TALAGA MATAPOS. PERO WALA
PANG EXACT DATE. (all caps para intense) Wag niyo na ko kulitin kung kelan update,
atsaka kung ilang chapters at kung kelan matatapos, gusto ko surprise. De, gusto ko
lang nakita kayong naiinis. Joke. hahaha.
Pangatlo, since malapit na siyang matapos, hindi na ko makalook back kung sino ang
mga bibigyan ng dedication, every chap, yung pinakamagugustuhan ko na lang na
comment. kaya pasensya na sa mga nagrerquestt through msg.
Pang-apat, nagpaplano pa lang ako ng prequel. Pero matagal pa. hahaha. Lakas eh no,
ang tagal-tagal kong magupdate tapos gusto ko pa gumawa ng prequel?! hahaha. Wala,
matagal pa to.
Ayun salamat ulit. pasensya na kung mahaba ang author's note. *peace

/73/ Baffling Hearts

"Jinnie."
"Oh, Cairo?"
"You should change you name."
"Palitan ang pangalan ko? Bakit?"
"Well, it's part of the rules here na magkaroon ng bagong pangalan na gagamitin
outside this institution. For example, ang pangalan ko sa labas ay Caleb Perez."
"Hmm... Kung ganon ako na si Jing..."
"Jing what?"
"Jing...Jing Rosel-hindi. Jing Rosca..."
"Jinnie."
Bigla akong nagbalik sa kasalukuyan. Hindi ko alam kung bakit bigla kong naalala
ang memorya na 'yon, ang memorya nang minsang mag-usap kami ni Cairo tungkol sa
pagpapalit ng pangalan ko-Jinnie. Ewan ko ba kung bakit lubos ko iyong
kinamumuwian, marahil maraming alaala ng nakaraan ang nakapaloob sa pangalan na
yan, mga alaalang pinipilit kong kalimutan pero hindi ko magawa.
"Jinnie."
"Tangina naman Cairo, paulit-ulit?!" paasik kong sabi sa kanya. Di kalayuan
nakatayo siya kasama ang ipokritang si Margaux, sa likuran nila ang apat na
alipores mula sa Mnemosyne Institute, namumukaan ko silang apat pero hindi ko na
maalala kung sinu-sino sila basta ang alam ko mga puppet sila ni Margaux.
"You're reminiscing." Naramdaman ko na lang na nag-init yung pisngi ko sa sinabi
niya, leche. Nakakabasa nga pala ng kung anong nasa isip 'tong hinayupak na
lalaking to. "You still have feelings for me?" at nang-aasar pa siya. Bwisit.
Napaismid ako sa huling sinabi niya, "Ang kapal din naman ng epidermis mo para
sabihin 'yan." At oo malamang sa malamang ay nalaman niya noon na nagkagusto ako sa
kanya at para kong masusuka sa tuwing maalala ko 'yon.
Magsasalita pa lang sana siya nang muling umeksena si Margaux, nananadya na hindi
isuot ang itim na salamin para manakot. Nagpi-feeling na mag-lady gaga, at akala
naman niya madadaan niya ko sa mga mata niya.
"Alam ko kung nasaan sila Jillianne Morie at ang anak ko ngayon, Jing."
"Oh, alam mo naman pala bakit nagtatanong ka pa?" sagot ko sa kanya atsaka ko
pumanewang "Alam niyo, yung totoo, bakit hindi na lang tayo magderetsahan dito para
matapos na 'to?" dahil sa totoo lang naiiinip na rin ako...at nagsisimulang
mabahala. Anong binabalak ng mga 'to? Hah, Jing, ano ba namang tanong sa sarili
yan, alangan namang makipaglaro lang sila sa'kin ng Patintero 'diba?
"Patintero." Si Cairo. "That sounds fun." Masama ko siyang tinignan dahil
nangingimasok na naman siya ng isip ng ko.
"Huwag kang mag-alala, Jing, dahil higit pa sa Patintero ang gagawin natin."
Nakapalibot sa'kin yung apat na alipores ni Margaux habang silang dalawa ay
nakatayo lang sa kinaroroonan nila. Kung Patintero ang laro na 'to, sila ang taya,
at hindi ko sila pwedeng mapalagpas sa linyang 'to.
Ang sumunod ko na lang na namalayan, mula sa mga mata ni Margaux nabuo ang isang
malaking liwanag atsaka iyon bumulusok papunta sa kinaroroonan ko. Madali ko 'yong
naiwasan pero kaagad umatake yung apat na alipores niya-sabay-sabay. Apoy. Tubig.
Lupa. Hangin. So, galing sila sa elemental department, isang sektor sa MIP kung
saan lahat ng klase ng kinetic abilities na may kinalaman sa mga elemento.
Gamit din ang kalikasan nagawa ko iyong ipangsangga sa mga ibinato nila sa'kin.
Hah! Sino ba sila! Ako si Jing Rosca ang pinakamakapangyarihang telekinetic sa MIP!
Nagawa ko nang hatiin ang dagat! Walang sinuman ang makakapigil sa'kin kahit na
isang batalyon pa sila!
Nakita ko si Cairo na nakatayo lang kung nasaan siya, nakatingin sa'kin at hindi ko
mabasa sa itsura niya kung anong iniisip niya. Papanoorin niya lang ba kami rito?
Umariba na ang mga alipores ni Margaux, walang awat, sunud-sunod, hindi ako
makaalis sa pwesto ko dahil pinapalibutan nila ko.
Nang lahat sila ay sabay-sabay na bumanat ng pwersa sa'kin, dumagdag pa ang blaster
na nanggagaling sa mga mata ni Margaux, wala akong ibang nagawa kundi kontrahin ang
pwersa na 'yon pabalik sa kanila.

[Jill Morie]
We keep on running without looking back, but still nasa isip ko pa rin ang naiwan
na si Jing. Nakahawak pa rin sa'kin si Cloud, mahigpit, parang takot na mabitawan.
Hindi maiwasang magkuyom ng isang malayang palad ko, sa mga ganitong sitwasyon
gusto ko rin silang maprotektahan. Lalo pa't ngayong nalaman ko na kung anong lihim
ko na inilihim sa'kin ni dad sa mahabang panahon.
I am a real Peculiar after all; even I don't have my sister's eyes, the Culomus, I
can adapt any form of Peculiarities na...I don't know how...pero base sa napanood
ko sa files ni dad, I can adapt any form of Peculiarities basta may present na
ibang Peculiar sa paligid ko. And now I don't even know how to use this power dahil
first and foremost my dad forced to seal it a long time ago.
You still got the Culomus, Jill-an inner thought came. How can I use these eyes
too? The future in my hands is volatile and changeable according from Dr. Irvin,
pero once na ginalaw o sinira ko ang natural flow ng fatalism, the belief that what
will happen has already been decided and cannot be changed, ay maaaring magkaroon
ng butterfly effect o chaos, ang sinasabing malaking pagbabago o sisira sa daloy ng
mga nakatadhana na.
Tumatakbo kaming lahat papunta sa walang kasiguraduhang lugar. Tumatakas pero hindi
alam kung saan pupunta. Habang tinatahak namin ang masukal na kagubatan bigla akong
nakaramdam ng kakaiba, napatigil ako sa pagtakbo dahilan para mapatigil din silang
lahat, lumingon sila sa'kin, nagtataka.
"Bakit, Jill?" nag-aalalang tanong ni Cloud.
"H-hindi niyo ba nararamdaman 'yon?" tanong ko sa kanila, bigla akong nanginig,
tiningnan ko siya, "Eliza..." tawag ko sa kanya.
"Bakit, Morie?" balik tanong niya sa'kin, pinakaramdaman niya yung paligid, atsaka
nag-iba ang ekspresyon ng mukha, "We need to go back."
"Sandali lang ,Eliza, hindi namin naiintindihan." Si Dean. For some reasons bigla
akong kinutuban ng masama, hindi ko alam kung dahil sa intuition ko pero nakumpirma
ang kutob ko base sa reaksyon ni Eliza. May hindi magandang nangyayari.
"She badly needs us, let's go."
Without any hesitations tumakbo kami pabalik, even the rational thinker, Eliza,
didn't even hesitate to go back.

[Jing Rosca]
Habol ko ang aking hininga at anumang saglit pakiramdam ko bibigay na yung dalawang
binti ko. Kakabagsak lang sa gilid ko ng isa sa mga alipores ni Margaux. Patay na
sila-patay na silang apat. Gamit ang buong lakas ko, sinakal ko sila sa ere, sabay-
sabay. Nakatayo pa rin di-kalayuan sa'kin sila Margaux at Cairo, nakatingin sa'kin.
Nginisian ko silang dalawa kahit na walang anumang bakas ng pangamba ang itsura
nila. Hah, akala nilang dalawa maiisahan nila ko sa ganitong plano nila? Manigas
sila pareho. Kahit na iika-ika ako, dahil medyo nahirapan din akong isa-isahing
patumbahin 'tong mga alagad ni Margaux, lumapit ako sa kanilang dalawa.
"Tama na ang laro, Margaux, Cairo." Sabi ko sa kanila. "Nagkamali kayo ng
kinalaban." Hindi sila kumibo pareho. Itinaas ko ang braso ko at unti-unting
sinakal sa ere si Margaux. Buong pwersa, at sa pagkakataong 'to hinding hindi na ko
mag-aalinlangan na patayin siya.
Nagpupumiglas pa niya sa ere pero hindi ko siya pinakikinggan, katulad ng ginawa ko
kanina sa mga alipores niya, siya naman ang susunod na mawawalan ng hininga. Normal
na sa'kin ang pagpatay noon pa man habang naninilbihan ako sa MIP, ilang beses ba
'kong sumunod sa mga pinagawa nila sa'kin? Hindi ko na alam. Basta ito na ang
kabayaran sa lahat ng 'yon. Ito na ang katapusan ni Margaux.
"Jinnie." At muntikan ko ng makalimutan na nandito pa rin si Cairo, nakatingin lang
siya sa ginagawa ko, pero hindi siya kumikilos. Aaminin ko na may isang parte rito
sa loob ko na ayoko siyang patayin, hindi dahil sa minsan akong nagkaroon ng
pagtingin sa kanya, dahil sa dahilang magkakasama kaming lumaki noon nila Karen sa
ampunan, may itinatangi pa rin akong alaala ng kabataan namin noon na ayokong
bitawan. At ang katotohanang hindi ko pa rin matanggap kung anong nangyayari
ngayon.
Hindi ko pa rin pala kayang sabihin na kaya ko talagang mag-isa.
"Tama na." ang sumunod niyang sinabi habang patuloy kong pinuputulan ng hininga si
Margaux sa ere.
"Paano ako titigil gayong sirang-sira na 'ko, Cairo." Sabi ko sa kanya. "Ngayon pa
ba ko titigil kung kelan walang-wala na 'kong mababalikan?"
"Makinig ka sa'kin, Jinnie." Heto na naman siya sa pangsa-psycho niya, palibhasa
doktor ang 'papel' na binigay sa kanya sa labas ng MIP, habang ako ay isang di-
hamak na mahikera sa perya, "Kung sasama ka sa'kin ulit ngayon pwede ka ulit
makapagsimula ng bago." Ano bang pinagsasasabi niya? Hindi ko maintindihan, ayokong
intindihin. Nakita ko na inaalok niyang tanggapin ko yung kamay na inaabot niya,
"Mnemosyne Institute lang ang lugar na para sa mga tulad natin, Jinnie, bumalik ka
na sa'min."
Tama na ang isang pagkakataon na isuko ko ng buo ang sarili ko sa kanya bilang
isang tao. Mnemosyne Institute lang ba ang lugar na para sa mga 'salot' na katulad
namin? Hindi ba't nilikha ang mundo na 'to para sa lahat? Pero bakit pinipilit
itong ipagdamot sa'ming mga 'naiiba'? Bakit kailangan pa naming magtago?
"Kahit ano pang sabihin mo, Cairo, hindi mo na ko maloloko pa ulit." Pero sarado
na ang utak ko para tanggapin ang anumang sasabihin niya.
"All I'm asking you is sumama ka na ulit sa amin, Jinnie, huwag mong sayangin ang
opportunity na 'to."
"Manahimik ka!"
"Enough, Jinnie." Pumitik ang daliri niya, pagkaraan ng tunog nakita kong wala na
sa ere si Margaux. Napalingun-lingon ako para hanapin siya pero nabigo ako, pati
yung mga katawan ng apat niyang alipores. Saan sila napunta?! Humarap ulit kay
Cairo, naghihintay ng paliwanag niya pero nanatili lang siyang nang-aalok ng kamay,
hinihintay na sumama ko sa kanya. Atsaka ko napansin na nasa likuran ni Cairo
si...Magnus? Kumaway siya sa'kin at ngumiti. Ilusyon lang yung nangyaring labanan
kanina? H-hindi pwede.
"P-paanong-" isang tarak galing sa likuran, sa ilalim ng puso, damang-dama ko ang
pagtagos ng isang matulis na bagay rito. Lumawa. Dugo. Sumuka. Dugo.
"Jinnie?!" hindi ko maintindihan, maging si Cairo ay nagulat. "Margaux!" napalingon
ako at nakita si Margaux sa likuran ko, nakahawak pa rin sa tabak na itinarak niya
sa ilalim ng puso ko. Nakuha ko na kung bakit ganon ang reaksyon niya-wala to sa
plano nila, hindi ito kasama sa pinag-usapan nila.
Galing sikmura papuntang bunganga, puro dugo ang umaapaw. Masakit? Oo? Masakit na
ang tanga ko para hindi malaman kaagad na sa simula't sapul pinaglalaruan na ko ng
ilusyon ni Magnus. Pero wala ng mas sasakit pa sa literal na pagtagos ng tabak sa
ilalim ng puso ko. Tangina, Margaux mamatay ka na.
Gamit ang kapangyarihan ko, hinugot ko pabalik yung tabak, buong pwersa dahilan
para mabitawan 'yon ni Margaux. Dahan-dahan akong humarap sa kanya habang
nakalutang sa ere ang tabak, ibabalik ko sa kanya yung ginawa niya sa'kin
pero...tumumba ako sa lupa.
"She's good as dead."
"Damn it! Margaux!" hindi ko man nakikita alam kong parang halimaw na nagwawalang
anyo na si Cairo. "Bakit mo nagawa 'yon?!"
"We're just wasting our time over her, can't you see, Cairo? Hinding hindi na siya
babalik sa MIP."
"You..."
"Lord Cairo," si Magnus, "Ito ang inutos ng board."
"Without informing me, Margaux?"
Hindi ko na mapakinggan mabuti kung ano yung pinag-uusapan nila, basta ang nakikita
ko lang-ang langit. Nakaawang ang bibig ko sa-di malamang dahilan may gusto akong
imutawi. Pumikit ako.
"Jinnie?" may tumatawag sa pangalan ko. "Jinnie?" pamilyar na boses kaya muli akong
nagmulat.
"Beatrice?" nakita ko ang batang si Karen, nakatingin sa'kin habang halos dumuwang
sa pagmumuka ko. Ngumiti siya dahilan para mapangiti rin ako.
"Jinnie!" may mga yabag na dumating at kasunod niya nakita ko ang batang si Cairo
kasama ang kakambal na si Pacifico, si Sylvia pati si Rommel. Tinulungan nila 'kong
tumayo, nakita ko lumiit ang mga palad ko, bumalik ako sa pagkabata?
"Maglalaro tayo ng taguan, ikaw ang taya, Jinnie!" sabay-sabay silang nagsitakbuhan
palayo sa'kin, at katulad noon pakiramdam ko dinaya na naman nila 'ko dahil ako
palagi yung pinagtutulungan nila para maging taya.
Muli, nagmulat ako. Nakita ko pa rin ang asul na langit. Wala na kong marinig na
boses na nagtatalo, wala na sila Margaux marahil. Iniwan nila ko rito sa gitna ng
kagubatan.
"Jing?!"
Sa pagkakataong 'to, totoo na 'tong naririnig kong boses galing malayo.
"Jing?!" napaawang ulit yung bibig ko, gusto kong sumagot sa tawag nila.
Na nandito ako.
Nag-aagaw buhay.
Tangina.
[Jill Morie]
"Jing?!" lahat kami sumisigaw na para lang mahanap si Jing, pero walang sumasagot.
"Jing?!" Tumatakbo kami nang biglang huminto si Eliza sabay napaluhod sa masukal na
daanan.
"Eliza?" si Dean. "Okay ka lang?" akala namin natisod lang siya o ano man, pero
hindi. Natulala siya. Dahil...dahil may naramdaman siya.
"Eliza?" lumuhod sa tabi niya si Vince para umalalay at magbigay ng suporta. Hindi
ko muna siya binigyang pansin, basta nagpatuloy ako sa pagtakbo, tinawag ako ni
Cloud, medyo naiwan sila.
Dirediretso lang ako ng takbo hanggang sa mahawi ko ang isang mataas na halaman, sa
gitna ng tila sinadyang sininagan ng liwanag nakita ko ang nakahandusay niyang
katawan. Napahinto ako saglit, sinisigurong siya 'yon-na sana hindi si Jing 'yon.
"J-jing?" nanginginig, nauutal, nanlalamig, pinilit kong ihakbang ang isang paa
para makapunta sa kinaroroonan niya.
"Jill nasaan si-" si Cloud, nasa tabi ko na, "S-si J-jing?"
"J-jing." Nang matauhan kaagad ko siyang dinaluhan. "Jing!" nakapikit siya pero
kaagad niyang minulat yung mga mata niya nang makita ako.
"H-hoy." Nakangiti siya sa'kin, na mas lalong hindi kinaya ng puso ko, "J-jill...
M-morie." At nagawa pa niya kong taasan ng kilay.
"Anong nangyari sa'yo?! Bakit hinayaan mong magkaganito ka?!" kinagat ko yung labi
ko dahil sunud-sunod nang pumatak yung luha ko, "Akala ko ba ikaw ang pinakamalakas
na Peculiar?! Ano 'to?! Bakit may tama ka?!"
Natawa pa siya sa sinabi ko, "That sounds like me." Bulong niya.
"Jing naman. Pupunta pa tayo ng Sentral. Sabi mo...sabi mo...ikaw bahala." Tumingin
ako kay Cloud na natuod lang sa kinatatayuan niya, "Cloud!" sigaw ko sa kanya,
"Halika rito Cloud!" lumapit siya sa'min, umupo sa gilid at inalalayan ng bisig
niya si Jing, pero hindi siya kumikibo.
"J-jill." Tawag ni Jing sa'kin. Pinilit ulit niyang ngumiti kahit na nasasaktan,
"Cry...As long as...you feel human...Cry." Nanghihinang sabi niya, "Sa totoo
lang..."
"Wag ka ng magsalita please." Si Cloud, nakayuko siya pero nakita kong may
pumapatak na luha galing sa pisngi niya.
"Sa totoo lang..." pero matigas ang ulo ni Jing, "...Natutuwa ako...na umiiyak
kayong dalawa... At least..."
"Jing!" si Cloud.
"At least... alam ko... may nalulungkot...para sa'kin..."
"Si Palm!" Tumayo ako. "Bantayan mo siya, Cloud, tatawagin ko si Palm!" at akmang
aalis
"J-jill Morie." Pero napahinto ako, nakatalikod, "Live..."
Hindi na ko nakakilos pagkasabi niya non. Naramdaman ko na may kung anong tumusok
sa puso ko, dahilan para mapaluhod na lang din ako sa lupa...ng hindi nakatingin sa
direksyon nila.
"A-anong nangyari kay Jing?" dumating sila Vince, Eliza, Palm at Dean. "Morie?
Bakit siya nakaganyan?" tanong ni Vince, di kalayuan. hinarap niya si Palm, "Palm!
Palm! Gamutin mo si Jing, healer ka 'di ba?! Dali! Gamutin mo si Jing!" halos
yugyogin niya si Palm sa balikat.
"Vicente." Umiling si Dean, inawat siya.
"Bakit? Bakit ayaw mo?!"
"Stop it, brother." Si Eliza, "She's gone."
"Ha?! Kanina lang...ang lakas-lakas niya pa 'di ba? 'Di ba?!" si Eliza naman yung
niyuyugyog niya, "Kanina lang...kanina lang naglolokohan kaming dalawa eh... Kanina
lang... buhay pa siya eh." He broke down. Niyakap ni Eliza yung kapatid niya.
"Patawad..." si Palm, kahit na walang kasalanan humihingi ng tawad, nagsisisi kahit
wala naman siyang ginawang mali.
Humarap ako kay Jing na nasa bisig ni Cloud-wala ng buhay.
Ang sakit.
Ang sakit-sakit.
"Walang gagalaw! Itaas niyo yung mga kamay niyo!" may sumigaw, naalarma kaming
lahat, mula sa kung saan sumulpot sila. Ang IADC, ang otoridad. Ilang segundo lang
ang lumipas napapalibutan nila kaming lahat.
Nakita ko si Cloud hinihila na siya ng isa sa kanila, pati sila Eliza, Vince, Dean
at Palm. At yung katawan ni Jing, kinuha rin nila.
"Saan niyo sila dadalhin?!" may humawak sa'king dalawang officer pero
nagpupumiglas ako, "Bitawan niyo ko!" pero wala akong nagawa kahit anong sigaw at
pagwawala ko. Nakita ko silang kinayag palayo sa'kin habang ako nagpupumilit
kumawala.
Kung laro lang lahat ng 'to, pakiramdam ko sobra-sobra akong dinaya.

Author's Note:

Gusto ko ulit i-express ang walang hanggang pasasalamat ko sa inyo, sa pagbabasa ng


TPT until now. Though minsan ko na kayong binigo sa ipinangako kong due date ng
kwentong ito. Wag kayong mag-alala. Malapit na tayo don. :)
ps. Nagpapaalam na nga pala si Jing sa inyo. Maraming salamat sa mga nagmahal sa
kanya.

/74/ The Jaded Girl

/74/ TheJaded Girl

Sentral City, December 24


10:30 am
Namalayan ko na lang si Uncle Julius na nasa harapan ko. Kanina pa 'ko rito nakaupo
sa sofa ng office lounge ng IADC. Isa't kalahating oras na ang nakalilipas matapos
nila 'kong dalhin sa lugar na 'to.
"Jillianne." Hindi ko pinansin si Uncle, nakatingin lang ako sa kawalan, hanggang
sa maramdaman ko na umupo siya sa tabi ko. "Ihahatid na kita sa inyo." Naisip ko
kung tama bang magalit ako kay Uncle ngunit isa lang din naman siya sa piyesa na
ginamit sa 'laro' na 'to. Memoire controlled the authorities, at panigurado
napagtakpan nila kaagad kung ano mang 'milagro' ang nasaksihan nila kanina, madali
lang sa kanila na literal na burahin sa isip nila ang tungkol sa mga Peculiars.
"Nasaan sila?" mahinang tanong ko, halos pabulong, walang lakas, parang nanghihina.
Alam kong nakatitig lang sa'kin si Uncle, hinahanap ang mga salitang pwedeng isagot
sa'kin, nakita ko sa gilid ng mata ko na dahan-dahan siyang umiling, alam ko na,
hindi niya pwedeng sabihin o sadyang hindi niya rin alam. Tumayo ako, at gayon din
siya, "Tara na, uncle." Walang ganang yaya ko sa kanya. Tumango lang siya at
naunang naglakad, sumunod lang ako sa kanya.
Hindi ko sukat akalaing maraming media ang nag-aabang sa lobby ng building, kaagad
akong hinarangan ni Uncle para hindi nila makita. Biglang nagsikislapan ang mga
camera nila, akala mo mga paparazzi at isa kong celebrity . Ang dami kaagad nilang
tanong na mga ibinato, sunud-sunod, walang preno, muntik ko ng makalimutan na anak
nga pala ko ng isa sa mga prominenteng tao sa Sentral city, ang doktor at propesor
na si Richard Morie. Maagap ang mga staffs ng IADC kaya hindi nila nahayaang
malapitan ako. Sa likuran ng gusali kami dumaan ni Uncle, at pagkarating namin ng
paradahan doon ay hinarang naman nila kami-ang Sentinels, gaano kaya sila karami at
saan sila nakukuha dahil parang hindi sila nauubos?
Biglang naglabas ng baril si Uncle dahil mukhang hindi siya na-abisuhan tungkol
dito.
"Put that gun down." Mula sa kung saan ay sumulpot siya, ang deputy headmaster ng
Mnemosyne Institute, na siya ring tumatayong Chief ng mga Sentinels na 'to. Si
Cairo. "We're from the higher-ups." Higher-ups? "Kami ang in-charge sa batang
'yan."
"Wala akong order na natanggap tungkol dyan, ako ang maghahatid sa kanya dahil iyon
ang iniutos sa'kin." Mukhang naamoy na ni Uncle na masasama ang budhi ng mga nilala
na 'to, oh well, it's a detective thing.
"Julius Fajardo, right?" sabi ni Cairo, poker faced. "You're wasting our time, alam
mo ba 'yon?"
"Uncle," sumabat na 'ko, "It's fine, sasama ako sa kanila, they're indeed from the
higher-ups." Sabi ko.
"Pero-"
"Then shall we go?" Si Cairo. Wala nang nagawa pa si Uncle kundi pabayaan akong
sumama kila Cairo. Wala naman na talaga siyang magagawa dahil iisa lang siya at
hindi niya alam kung anong klase ng tao 'tong si Cairo pati ang mga kasama niya. Sa
totoo lang, I don't have that kind of strength anymore to fight them this time, ano
pa bang ipaglalaban ko?
Checkmate.Wala na. Tapos na. And the fact that I am all alone now is inevitable. I
am freaking all by myself.
May dumating na Black Limousine, pinauna ako ni Cairo pumasok doon at umupo siya
kaharap ko. Nakatingin lang ako sa kawalan habang nakahalukipkip, siya naman ay
nagsalin ng wine sa isang kopita, he offered me something to drink but good thing I
still have my manners to politely refuse. Huli kong nakita si Cairo noon sa
Mnemosyne Institute kung saan binaril siya ni Ate Karen. I thought he's dead, pero
heto siya ngayon buhay na buhay at parang wala bang nangyari.
"Where are we going?" tanong ko sa kanya.
"Black Diamond Tower." Sagot niya atsaka humigop ng alak. "The chairman personally
wanted to see you."
"Nasaan sila?" napatingin siya sa'kin at alam niya na siguro kung sinu-sino ang mga
tinutukoy kong 'sila', and more than that, alam kong alam niya na may kinalaman
silang Memoire sa insidente sa Sta.Helena, sa pakana na pagiging wanted nila Eliza
sa mga otoridad. "Saan niyo sila dinala?"
"The four cons from Bastille are being held somewhere, while Cloud Enriquez is with
his mother." Sagot niya, "If I were you, huwag mo na sila hanapin pa ngayon." Gusto
kong itanong kung bakit pero may biglang sumagi sa isip ko na mas dapat kong
itanong sa kanya.
"Pinatay niyo siya, hindi ba?" nakita ko kung paano siya natigilan nang sabihin ko
'yon. "Pinatay niyo si Jing Rosca." tumingin si Cairo sa'kin pero walang inutal na
salita na mas lalong ikinaalpas ng puso ko. Kahit na alam kong oo ang sagot
hinihintay ko pa rin siyang sumagot, but Cairo remained silent, inabala niya yung
sarili niya sa pag-inom at nilabas ang smart phone, he just ignored what I've said.
Nanahimik kami pareho hanggang sa ilang minuto ang lumipas huminto sa isang
malaking gusali yung sasakyan, pinagbuksan kami ng pinto at umibis kami ni Cairo
mula roon. Sa lobby o entrada ng Black Diamond Tower nakaabang ang maraming
Sentinels, nakahilera ng dalawa at dumaan kami ni Cairo sa gitna nito, para kaming
mga executives na binibigyan ng grand entrance, wow.
"This way." I silently followed him, sumakay kami sa elevator at pinindot niya ang
pinakahuling floor. I wonder kung anong mangyayari sa'kin after, anong klaseng
halimaw kaya ang naghihintay sa'kin sa 101st floor. Kitang kita ko yung sarili
namin sa repleksyon sa pinto, it was like an apparition. Sa sobrang nakabibingi ng
katahimikan, hindi ko na namalayan na bumukas na ang pinto ng elevator, nauna ulit
si Cairo at sumunod lang ako sa kanya. Maya-maya huminto kami sa harapan ng isang
malaking pintuan, the aura gave me shivers pero isinawalang bahala ko lang yon.
Cairo faced me this time and coldly said, "The chairman is waiting inside." He
gives way for me at siya ang nagbukas ng pinto.
The moment I took step inside the room, I saw a tall man near the glass window.
Nakalagay ang dalawang kamay sa likuran habang nakatanaw sa labas. Nang maramdaman
niya ang presensya ko, dahan-dahan siyang lumingon at nakita ako. Nagflashback
bigla sa'kin yung painting na nakita ko noon sa MIP, siya nga si Vittorio Hermoso
IV, ang kasalukuyang chairman ng Mnemosyne Institute, isang Memoire. This man is
cunning, clever and manipulative, ngunit hindi ako nagpakita ng kahit anong takot
sa kanya. To think that he's an oligarch, it must be a privilege for me to meet him
personally, dahil nag-appoint pa siya ng one on one meeting sa'kin, which means
he's losing his patience already.
"Finally we met, Jillianne Morie."nakangiti niyang saad ngunit sa ngiting iyon ay
may itinatagong kadiliman. Naglakad siya papunta sa isang sofa at umupo rito, "Have
a seat." Alok niya atsaka itinuro yung kaharap na magarang sofa . Sumunod lang ako
sa kanya at nang makaupo ako kaagad nagsimula siyang magsalita.
"Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa, Jillianne." Simula niya tsaka dumikwatro, his
looks is definitely intimidating and anyone would probably feel inferior, pero
hindi ako sa pagkakataong 'to. "You caused too much trouble lately. So far, ang
jailbreak na ginawa niyo ang pinakamalala na nangyari sa kasaysayan ng Mnemosyne
Institute. I am surprised by the way, na isa ka rin pala sa ginawang HGPs by your
father, Richard Morie, hindi ko sukat akalaing magagawa nitong mapagtakpan na
nasa'yo ang Culomus."
"Will you please state your business already? I thought you're not going to be
wordy." Naiinip kong sabi sa kanya. Marahan siyang napatawa na ikinakunot ng noo ko
dahil wala namang nakakatawa sa sinabi ko, "Simple lang naman ang gusto ko,
Jillianne-magparticipate ka sa extended experiment ng Culomus, we need you, we need
your eyes."
"And what is that 'extended-experiment-Culomus' anyway?"
"I think, Dr. Raphael Irvin already explained it to you. As you know, Jillianne,
the Culomus could only see patterns of information of the future of a certain
individual, but we developed another program, the extended experiment of Culomus is
all about not only an individual's future but the society's future."
"Society?"
"We aimed to conquer the universe and this is just a step forward." Biglang
sumeryoso yung mukha niya, "It's over, Jillianne, the game is over, you're here and
it means that you have to come with us."
"What if I don't want to participate?"
"Ahh, I already anticipated that you'd be stubborn until the end." Humalukipkip
siya bago nagsalita, "Let me ask first, hija, talaga bang masama ang tingin mo sa
Memoire?" Medyo napaismid ako sa tinanong niya, what kind of question was that?
Hindi niya alam kung gaano ko sila kinasusuklaman.
"I guess you already know kung anong isasagot ko sa tanong na 'yan, Mr.Hermoso."
"Well, hindi rin kita masisisi kung bakit ka muhing-muhi kapag naririnig mo pa lang
ang salitang 'Memoire'. But you see, my dear Jillianne, everything in this world is
all about business. And in business we tend to use our heart less, to achieve a
successful economic growth we have to use principles as well."
"And so?" I got his point. Using your heart less to achieve whatever you want.
Madali lang kung tutuusin pero maraming kapalit, kahit na mali ang isang bagay pero
kung iyon ang magiging paraan para makuha ang gusto mo, bakit hindi?
"One of the principles is 'trade can make everyone better off', let's be
professionals and talk about business this time, Jillianne. If you're not going to
participate in the experiment-"
"What?" nanghahamong bakas sa tinig ko.
"Your Achilles Heel-your loved ones." Ineexpect niya siguro na magugulat ako,
matatakot, mangangamba pero nanatili lang akong kalmado, walang bakas ng kahit
anong emosyon na hindi niya siguro inaasahan.
"And if I participate, lulubayan niyo na ang lahat ng tao na may kinalaman sa'kin."
Sinabi ko kung anong gusto kong mangyari. "You'll certainly use me but make sure
you'll give me my personal space."
"Why, yes." Tumangu-tango pa siya, "Kung iyon lang ba ang gusto mo, Jillianne.
Mukhang magkakasundo naman tayo sa ganitong paraan."
"It doesn't mean na pumapayag na 'ko, Mr. Hermoso, I still have the right to
refuse." Sabi ko.
"What else do you want, Jillianne." It feels like he's losing his temper but he
remained his composure, yeah, I really caused a huge ruckus and damage and I should
be grateful dahil dinadaan niya lang ako sa ganitong usapan.
"Just...just give me some time...to think." I don't know, I just wanted to go away
even though I had nowhere to go. Hindi ko na rin alam pa kung anong tamang gagawin.
I just...just...wanted to vanish...sa hangin, parang abo, parang bula.
"I see. Ipapahatid kita sa inyo, rest. Three hours is enough to think, Jillianne,
susunduin ka ulit ng mga tauhan ko para ihatid dito at gusto kong makuha kaagad ang
sagot mo." Marahan akong tumango sa sinabi niya atsaka ako tumayo at umalis. Sa
labas naghihintay pa rin si Cairo, alam na niya kaagad kung anong dapat na susunod
na gawin.

11:16 am

I am here, lying wide awake. Pakiramdam ko kakagising ko lang mula sa isang


mahabang panaginip and unfortunately, it wasn't a dream, lahat ng nangyari nitong
walong nakalipas na araw-totoo. It's been hours ago since they caught us and since
she died and then I am here, recumbently living, but her words were engraved down
in my heart.
"As long as you feel human, cry...Jill Morie...live."
How I am supposed to live? What does it mean to live now anyway? Kinapa ko yung
puso ko kung may natitira pa ba talaga sa loob nito, metaphorically, wala na 'ata.
I once used my heart less-no, hindi lang isa pero maraming beses, in that way hindi
ako nasasaktan, in that way madali lang sa'kin protektahan ang sarili ko mula sa
mga mapapanakit na sitwasyon. Pero pinilit kong baguhin 'yon-ginamit ko ulit ang
puso ko because of the hope that I could live normally. I started to smile and to
trust again, I used my feelings in judgments and decisions, I believed again in the
capacity of my heart, but in the end I am here, all alone, broken, shattered into
pieces.
The use of this heart is bullshit.
Bumangon ako sa pagkakahiga, nag-ayos ng sarili. May ilang oras pa kong natitira.
The chairman warned me to not do any such thing dahil may mga mata raw siya sa
buong Sentral City, I assured him that I won't get away anymore dahil the chances
are zero. Namalayan ko na lang yung sarili ko na nasa labas, naglalakad papunta
istasyon ng tren-Station Six. It's still the same, maraming tao, siksikan, unahan,
but it feels like home. Sometimes, home is not really a place but rather a feeling.
Sumunod akong dinala ng mga paa ko sa lugar na napakapamilyar, isa sa mga lugar na
kinalakihan ko sa lugar na 'to. White Knights Academy. The school is closed, pero
nagawa ko pa ring makapuslit nang subukan kong dumaan sa back entrance kung saan
kayang akyatin ang hindi kataasang pader.
What I am doing here? I don't know. Dire-diretso lang akong naglalakad papasok sa
loob ng building, pinapakiramdaman ang paligid, dinadama ang malamig na hangin,
iniisip ko na kunwari isa lang 'tong normal na araw sa eskwela, maraming
estudyante, nagbubulungan sa tuwing dadaan ako o kaya sasalubong si Aya para
kulitin ako.
Reality began to distort. My vision's swirling, I couldn't do something about it.
May ibang sistema na yata ang kumukuntrol sa sarili ko kung kaya't kusang gumagalaw
ang mga binti ko papuntang roof top.
And there you go, nandito na nga ko sa mismong lugar na lagi kong pinupuntahan sa
White Knights sa tuwing gusto kong mapag-isa. You're all alone now, Jill. Sa huli
mapapagtanto mo talaga na ikaw na lang palang mag-isa, walang aalalay, walang
kasama, ikaw na lang ang lalaban para sa sarili mo-na nakakapagod, nakakasawa, lalo
pa't kung paulit-ulit kang sinasaktan ng mundo, paulit-ulit tinitibag ang pundasyon
ng bawat sulok ng pagkatao mo.
Tama na.
Lumapit ako sa railings at humakbang sa kabilang side, nakakapit pa rin ako sa
rehas at tinanaw ko ang bawat gusali ng Sentral, sumilip ako sa ibaba at kita ang
kalawakan ng White Knights. Well. Ilang beses na ba 'kong tumayo sa lugar na 'to,
ang kaibahan nga lang ngayon nasa labas ako ng rehas at...handang tumalon, lumipad,
lumagapak, mawasak.
Handang handa na yung sarili ko sa pagtalon, walang alinlangan, walang pasubali.
Sarado na ang isip.
"Jill!" Pamilyar ang boses pero hindi ako lumingon. Ganitong ganito ang tagpuan
noon, ang ironic nga naman ng buhay. "Anong ginagawa mo dyan?! Magpapakamatay ka?!"
At hindi ko maiwasang mapangisi dahil iyon na iyon din ang sinabi niya-sinabi ni
Lily.
"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa ng isang tao na nakatayo rito?" para mas masaya,
iyong sinagot ko sa kanya noon ang sinabi ko ulit ngayon.
"J-jill." Hindi ko man siya nililingon, alam kong dahan-dahan siyang humahakbang
papalapit sa kinaroroonan ko, alam ni Lily na seryoso ako na 'ko sa gagwain ko. Why
is she here anyway? Ang galing naman ng pagkakataon. "Please...W-wag kang tatalon."
Why Lily? Bakit ikaw ang nandito?
"Ayaw mo ba, Lily? Kapag nawala na 'ko, wala ng peste sa buhay mo, masosolo mo na
talaga lahat ng bagay na nasa'yo ngayon.".
"Jill ano ba! Bakit ba nagkakaganyan ka?! Bakit kailangan mong magpakamatay?!"
Lumingon na 'ko sa kanya at galit ngunit malumanay na sinabing, "Wala kang alam,
Lily. Wala kang alam sa nangyayari sa'kin, at lalong wala kang pakialam kung-"
"Meron! Meron akong pakialam!" naghihisterikal na sigaw niya. "Nakakainis ka alam
mo 'yon?! Nakakainis ka kasi palagi na lang ikaw! Palagi na lang ikaw yung dapat
alalahanin, palagi na lang ikaw dapat yung protektahan! Pero ano? Wala kang
pakialam, ni hindi mo man lang pinapahalagahan 'yon!" nagpantig yung tainga ko sa
huling sinabi niya.
"What are you saying, Lily? You don't care about me at-"
"I do care for you, Jill." Napakunot na 'ko sa mga pinagsasasabi niya. "I do care
for you kahit step-sister mo lang ako."
"Hindi kita maintindihan-"
"Mas wala kang alam kung tutuusin, Jill." Kumalma na siya, "Hindi mo alam na may
mga taong pumuprotekta sa'yo kahit hindi mo hilingin. Tapos ano? Tapos ngayon
magpapakamatay ka lang? Matapos lahat ng ginawa nilang sakripisyo para sa'yo?
Mapupunta lang sa wala yung mga ginawa nila para lang sa'yo? Ang selfish selfish
mo!"
Napahinga 'ko ng malalim, bigla tuloy nawala ako sa lagay ng loob dahil sa mga
pinagsasabi nitong ni Lily, agaw-eksena, panira ng pagkakataon. Bumalik na 'ko sa
kabilang side at hinarap siya ng walang kahit anong bahid ng emosyon.
"Tapos ka na ba?" tanong ko sa kanya at natigilan naman siya nang makita ako, bigla
siyang hindi nakapagsalita. "Hindi ko alam kung anong klaseng laro ang gusto mong
gawin ngayon, Lily, please, stay out of this."
"Seryoso ako, Jill."sabi niya nangungusap ang itsura, "Totoo lahat ng mga sinasabi
ko. At alam ko lahat ng tungkol sa'yo, tungkol sa kapangyarihan mo, tungkol sa
Memoire na gustong kumuha sa'yo, alam ko 'yon lahat."
Naguluhan ako sa sinabi niya, "H-how did you..."
"I heard everything." Medyo napangiti siya pero bakas pa rin ang pait sa mukha,
"Noong nag-uusap si Lucille at Morris sa ospital, pati na rin noong araw na
itatransplant sa'yo yung mga mata ni Miss Karen, nag-uusap si dad at si Albert. No
one told me, but I guess it's fate na marinig ko lahat ng katotohanan tungkol
sa'yo." I almost gape, ibig sabihin noong una't sapul pa lang alam na talaga ni
Lily kung ano ang meron ako pero she remained quiet all this time.
"Nadiskubre ko rin kung ano talaga ang totoong pagkatao ni Morris, na meron siyang
pangalawang persona na gustong sumira sa'yo, si Sio. That's why I blackmailed
Morris, na kung hindi magiging kaming dalawa ipagkakalat ko kung ano ka talaga.
Ofcourse, dahil mahal ka ni Morris pumayag siya sa kung anong gusto ko, but still
there are times na sinasaktan ako ni Sio."
She continued, "Si dad... alam mo bang palagi ka niyang kinakamusta sa'kin sa
tuwing uuwi ako? Walang araw na hindi ka niya iniisip, Jill, kasi ang totoo, ikaw
at ang mommy mo pa rin talaga ang mahal niya hanggang ngayon." biglang tumulo yung
luha ni Lily, "Kahit na nandito kami ni mommy, he never replaced his heart for us,
alam mo ba 'yon? Pumunta siya kaagad sa Mnemosyne Institute para iligtas ka nang
malaman niya na nakuha ka nila."
"Why are you telling me that this time?"
"Kaya nagagalit ako sa'yo." Hindi niya sinagot yung tanong ko, "Naiinggit ako sa'yo
kasi na sa'yo lahat. Lahat-lahat ng pagmamahal na gusto ko. Pero kahit na ganon,
hindi ako papayag na magpapakamatay ka lang." huminto na siya sa pagsasalita, hindi
ko alam kung anong dapat kong sabihin sa kanya. Kanina lang gusto kong tapusin ang
buhay ko pero heto kaharap ko si Lily ngayon. Tama siya, napakamakasarili ko.
"Go home, Lily."
"Jill-"
"Stop."tinaas ko yung kamay ko bilang senyales na tumigil siya sa paglapit sa'kin,
"You even followed me here para lang pigilin ako. And I've heard enough, tama na."
Ano bang inaasahan niya na magiging reaksyon ko? Maiiyak? Mata-touch sa mga
pinagsasabi niya? But no, I'm already jaded.
"Saan ka pupunta, Jill?" tuluy-tuloy akong naglakad palayo sa kanya pero hindi ko
siya nilingon at sinagot.

2:14 pm

"So?"
"I've decided to participate." Kaharap ko ulit si Chairman Hermoso. Matapos ang
ilang oras bumalik ako ulit sa Black Diamond Tower para ipaalam sa kanya ang
desisyon ko. "Pero gusto ko ng formal agreement, chairman."
"No problem, hija, I'll bring the papers here soon. For now wala na tayong dapat
aksayahing oras, Dr.Irvin is waiting at the lab, shall we?" Tumango lang ako at
sumunod sa kanya.
Ito ang tamang desisyon, kung sa una pa lang hindi ko ginamit ang puso ko sana
walang nasasaktan ngayon-katulad ko.

9:03 pm

"Do you think it worked?"


"We'll see when she opened her eyes."
Naramdaman ko na dahan-dahang tinatanggal sa'kin yung nakapulupot na benda.
Honestly, hindi ko alam kung anong ginawa nila sa'kin matapos akong patulugin bago
magproceed sa experiment, hindi ko alam kung pinalitan ba nila yung mata ko or
what, basta ang alam ko may program silang dinevelop na inilagay sa mga mata ko. To
see the society's future huh.
"Open your eyes, Jillianne." Dahan-dahan iminulat ko ang mga mata ko at sumalubong
sa'kin ang tingin ni Dr. Irvin, tinitigan ko yung mga mata niya pero wala akong
nakitang kahit ano mula roon-hindi ko makita ang kahit anong hinaharap nito, anong
nangyari sa mga mata ko?
"Doc, her condition was stabilized naman." Napatingin ako sa nagsalita, isang babae
di kalayuan nakatayo at nakatingin sa hawak niyang tablet, naka-uniform ng katulad
sa Beehive.
"Good." Pinagmasdan ko yung paligid, my sight is quite fuzzy but still I can
familiarize the surroundings. There are montiors, LCD screens, weird stuffs and
machines na parang katulad din ng nakita ko noon sa Beehive. Parang normal lang ang
lahat...pero hindi... "Ed, monitor one." Pagtingin ko sa tinutukoy ni Dr. Irvin na
monitor one, nakita ko ang isang malaking screen kung saan pinapakita nito...kung
anong nakikita ko.
So, they're already recording kung ano mang masasagap ng mga mata ko. But how can I
use this to see the society's future? I'm waiting for this sick bastard's
explanation regarding my powers pero pinagche-check lang niya yung kung anu-anong
stats sa monitors.

9:31 pm

Cairo is taking me somewhere, nasa Black Diamond Tower pa rin kami at tulak-tulak
niya ang wheel chair na kinauupuan ko, oo, ayaw akong paglakarin ni Dr. Irvin dahil
sa pag-alalang may mangyaring masama sa mga mata ko. Hindi nagsasalita si Cairo at
isang himala na hindi kami nagtatalo katulad noon. Habang dinadala niya ko sa kung
saan nakatanaw ako sa malaking glass windows sa gilid ko at kitang-kita ko halos
ang buong Sentral city, kung gaano ito kakulay at tila hindi natutulog ang siyudad
lalo pa't ito ang araw bago ang Pasko.
Sa isang silid huminto kaming dalawa, automatic na nagbukas yung pinto at pumasok
kami roon. Ngayon ko lang naisipang magtanong, "What are we doing here?" pero hindi
ako nakakuha kaagad ng sagot. Huminto kami sa bandang gitna ng malaking silid na
parang sala.
"Anak." and then I saw him, papalapit sa'kin, si dad. Kaagad niya 'kong sinalubong
ng yakap. Hindi ko alam kung anong irereact ko, nakatitig lang ako sa kanya nang
kumawala siya sa yakap. Bahagyang nakaawang bibig ko, may gustong sabihin pero
hindi masabi. Napansin 'yon ni dad at kaagad niyang naitindihan, tumayo at lumayo
siya.
Sumunod kong nakita na ngayon ay nasa tabi na ni dad, si Miss Karen, ang siya
palang nakatatandang kapatid ko. Walang inusal si ate, dirediretso lang siyang
pumunta sa'kin para yumakap. Gusto kong ibalik ang yakap pero hindi magawa ng
katawan ko, hindi nagreresponse ang sistema ko. Bumulong siya, "Patawad." Atsaka
siya bumitiw.
"Jill." Sumunod kong nakita,si Morris. It seems like they're being held here for
some time matapos ang insidente sa Mnemosyne Institute, silang mga iniwan ang
dinala rito para gawing pain sa'kin. Hindi kumilos si Morris sa kinatatayuan niya,
ni hindi rin niya magawang makatingin sa'kin ng diretso.
"My, my, what a touching scene." At umentra na sa eksena si Chairman Hermoso mula
sa kung saan, "Jillianne, hija, dahil sa kasunduan natin, heto na ang tatlong tao
na mahalaga sa buhay mo. I'll be giving you ten minutes." Ten minutes?
Walang inaksayang oras si dad at kaagad ulit siyang lumapit sa'kin.
"Jill, I-I..."
"Napanood ko na yung files, dad. Alam ko na lahat."
"How?"
"It's a long story, we've been at Sta.Helena, sa resthouse natin." Napayuko si dad
atsaka huminga ng malalim.
"Take care of Lily, dad." Naubusan na ng sasabihin si dad kaya naman binigyan niya
ng daan si ate para kumausap sa'kin.
"After the Christmas break make sure that you'll go in class." Sabi ni ate, "We
still have to keep it secret though-that we're sisters. The school will definitely
sue me." Bahagya siyang natawa habang pinipigilan ang sarili, ang emosyon.
"Yes." I slightly smiled, "Please take care of our class..." tumango siya,
"And...I'm sorry...kung hinayaan kong mamatay si Jing."
"W-what?" Tumingin siya kay Cairo na nasa gilid ko, naghahanap ng paliwanag pero
wala siyang nakuha. "Jing's dead?" she said with disbelief and this time hindi na
niya napigilan ang sarili, she shed a tear. Sumunod na namayani ang katahimikan. At
maya-maya nang bubuka na ang bibig ni Morris para magsalita tsaka pumasok ang mga
Sentinels.
"Time is up." Sabi ulit ni Chairman habang nakatingin sa gintong wrist watch niya,
"Take them away."
"Saan niyo siya dadalhin?" sinubukan kong tumayo pero pinigilan ako ni Cairo.
"My, dear Jillianne, parte ito ng kasunduan natin remember? You'll come with us and
you'll stay with us...forever." Wala na kong nagawa kundi hindi manlaban habang
tinitingnan silang tatlo na nilalayo sa'kin.
"You're one of us now, Jillianne Morie."

10:04 pm

Tomorrow they'll conduct the first trial of Culomus. As of now ibinalik nila yung
piring sa mga mata ko para raw hindi ma-stress, I'm trying to sleep pero hindi ko
magawa. Medyo nararamdaman ko pa rin yung kirot dahil sa tattoo na nilagay nila
sa'kin kanina, yes, the black diamond tattoo that symbolizes na parte ka ng
Memoire.
Tinanggal ko yung piring na nagtatakip sa mga mata ko, tumayo ako sa kama at
lumapit sa glass window at muling pinagmasdan ang ganda ng siyudad na buhay na
buhay pa rin. Christmas Eve it is. Gusto kong lumabas dito. Gusto kong lumabas at
makita ang mundo sa huling pagkakataon.
Lumabas ako ng silid kahit na hindi ko alam kung paano ako makakalabas sa gusali na
'to, kahit na alam kong imposible. Nakita ko si Cairo na paparating, a mind reader
freak like him would easily found out kung anong balak ko. At ngayon nga siya ang
umaaktong personal guardian ko.
"Do you even think na hahayaan kitang makalabas dito?" salubong niya sa'kin.
"No."
"Then go back to your room, at bakit tinanggal mo yung blindfold?"
"Shut up, hindi kita nanay." Unti-unti na siyang nauubusan ng pasensya kaya naman
hinawakan niya ko ng mahigpit sa braso atsaka kinaladkad.
'I'll make sure that I'll see her.'
"Who? My sister?" nang-uuyam kong sabi, biglang natigilan si Cairo at tumingin
sa'kin, gulat na gulat. "Hanggang ngayon pa rin ba nagnanasa ka pa rin sa kapatid
ko?"
'H-how did she?'
"Akala mo ikaw lang ang pwedeng mang-intrude ng isip ng isang tao?"
"Y-you..." binitawan niya ko at bahagya siyang napaatras.
"Anong feeling, Cairo? Nakakaasar diba?" dahan-dahan akong lumalapit sa kanya
"Stop, Jill Morie, I'm warning you, get out of my head!" umalingawngaw sa hallway
yung sigaw niya, he can't accept the fact that I can also read his mind, nababaliw
siya sa pag-iisip kung paano ko nagawa 'yon dahil walang alam ang Memoire tungkol
sa totoong Peculiarity ko.
"What? You're trying to read my mind kung paano ko ginagawa 'to? Too bad, Cairo."
Yes, I'm blocking his mind from invading mine, sana pala matagal ko nang nadiskubre
na kaya kong gumaya ng kapangyarihan ng iba.
"Don't you dare, Jill Morie or else-"
"Or else? Paparusahan mo 'ko?" gustung gusto ko yung nangyayari ngayon dahil damang
dama ko na natatakot siya sa'kin ngayon, lalo pa't walang kaemo-emosyon ko siyang
kaharap ngayon. "Naaalala mo pa 'ba noong dumating ka sa White Knights Academy?"
he's gritting his teeth already dahil wala siyang magawa, "Naalala mo pa ba kung
anong ginawa mo noon sa mga kaklase ko?" hindi pa rin siya sumagot, "You
mercilessly controlled them at parang puppet na kinontrol. Naalala mo pa? Ha?"
nakasandal na siya sa glass window at wala ng maaatrasan pa, "You will taste my
retaliation."

10:59 pm

"Ihinto mo rito yung sasakyan." Utos ko na kaagad niyang sinunod. "Wala kang ibang
gagawin kundi maghintay dito." Sabi ko at tumango lang si Cairo. Nagawa kong
makalabas ng Black Diamond Tower dahil sa ginawa kong pagkontrol kay Cairo, I used
his powers against him para lang dito.
Cathedral de Sentral. Dito ko naisipang pumunta sa 'di malaman na dahilan. Huling
araw ng simbang gabi bilang selebrasyon ng kapanganakan ng tagapagligtas. Maraming
tao, at hindi kapansin-pansin ang presensya ko sa paligid, hanggang entrada lang
ako dahil maraming tao sa loob. Kitang kita ko ang malaking krus sa altar, mga
nagniningning na ilaw at mga nag-aawitang anghel sa loob nito.
Nagbalik alaala sa paningin ko lahat ng pinagdaanan ko, higit pa sa nangyari nitong
nakalipas na walong araw, ang sakit na paulit-ulit. Bakit mo ako pinabayaan?
Hindi tumigil ang pagbabalik alaala. Hanggang sa dumaan ang maraming tao dahil
tapos na ang misa, sa gitna ng pagdasa ng mga tao narito ako. Pero maya-maya may
maling nangyayari sa mga mata ko, bawat mata ng mga taong dumadaan ay tila
hinihigop ng mga mata ko. Ano 'to? Paano ko 'to kokontrolin? Hindi ko magawang
pumikit dahil tuluy-tuloy, kumukonekta sa isa't isa na parang sapot, walang
katapusan.
To see the society's future. Maybe ito na 'yon. And to see this from afar is
unexpectedly worst. Finally, I shut my eyes. Pero hindi ko na mababawi kung ano
yung mga nakita ko na mangyayari kinabukasan sa Sentral-isang malupit na trahedya.

Author's Note:

Maraming maraming salamat ulit sa pagbabasa ng The Peculiars' Tale, sa mga bumoto,
nagcomment, nag-add sa reading list, nagfan, nagpm, grabe, salamat, alam niyo na
kung sino kayo <3

/75/ To Die is To Gain

/75/ To Die is to Gain

"Magandang magandang umaga sa inyo mga ka-KKK, kapamilya, kapuso, kapatid! Nandito
tayo ngayon sa Plaza Complex at kitang-kita ang dagsa ng maraming tao upang dumalo
sa misa sa Sentral de Cathedral. At! Muntik ko na kayong batiin mga ka-KKK ng isang
maligayang-maligayang Pasko! Mamaya mga ka-KKK magaganap ang isang bonggang opening
sale sa Centro Town Center kung saan mag-"
Kakalabas ko lang ng walk-in closet at pinatay ko yung power ng TV gamit yung
remote. Naupo ako sa sofa at pinagmasdan ang passport at plane ticket na nakapatong
sa lamesita. May flight ako mamayang tanghali papuntang Washington. They've been
decided since yesterday na ipadala ako ng ibang bansa para sa kauna-unahang testing
ng Culomus 2.0, hindi lang 'yon dahil sooner or later iibahin na nila ang pangalan
ko, ang citizenship ko, religion-ang buong pagkatao ko. I am their property now and
it feels like I'm not a human anymore, para akong gamit na gusto nilang gamitin
kahit kailan nila gusto. Pero hindi nila alam, wala silang alam kung anong nangyari
kagabi.
I erased his memories, kaya walang naalala si Cairo tungkol sa kahit anong nangyari
noong nagdaang gabi. At hindi alam ng Memoire na nagamit ko na sa kauna-unahang
pagkakataon ang bagong kapangyarihan ng mga mata ko, nakita ko ang hinaharap, ang
hinaharap na naghihintay sa mga tao ngayong araw ng Pasko.
Memoire will take a step forward in conquering the universe at uumpisahan nila 'yon
sa lugar na 'to, sa Sentral city. They will perform the first massive testing of
Helexia, the drug that can control anyone, and they will do it today-sa araw kung
saan walang kamalay-malay ang mga nagkakasiyahang mga tao. Memoire will rob their
will at walang ibang nakakaalam na mangyayari ang karumal-dumal na krimen na 'yon
kundi ako lang. Twelve o'clock sa Centro Town Center.
"Miss Morie." May kumatok atsaka pumasok ang isang babae na nakacorporate attire,
isa rin siyang Peculiar at katulad ni Cairo, isang Memoire, wala halos pinagkaiba
ang paninilbihan nila rito. "Get ready within ten minutes, pupunta na tayo sa
airport." Iyon lang ang sinabi niya atsaka siya umalis. Oo nga pala, sila ang
magsisilbing escort ko hanggang Washington.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at pumunta sa bintana para muling pagmasdan ang halos
kabuuan ng siyudad, I always admire the city's view. Pero nakita ko ang repleksyon
ng sarili ko, nakatingin sa'kin at tila may sinasabi, nangungusap. Parang kahapon
lang gusto mong wakasan ang buhay mo, pero heto ka pa rin ngayon, nakatayo sa
harapan ng sarili mo. Jill. Ano na ang gagawin mo?

*****

Hindi ko inaasahan na wala kaming kasamang Sentinels dito sa airport, tanging si


Cairo, at yung babae kanina na hindi ko alam ang pangalan lang ang kasama ko. Nasa
escalator kaming tatlo at paakyat kami ng second floor.
"Nanghihinayang ako na hindi tayo makakapunta sa selebrasyon mamaya." Narinig kong
sabi nung babae kay Cairo na hindi sumagot kaagad. Nasa likuran ko lang silang
dalawa at kahit mahina ang pagkakasabi hindi pa rin nakaligtas sa pandinig ko, "I'm
too excited for that project pero in the end hindi ko rin pala makikita ang first
output nito." Hindi maiintindihan ng kahit na sino kung anong pinatutungkulan niya
pero alam ko. "I guess I should be grateful this way-"
"Shut up." Natahimik yung babae, maging ako ay nagulat sa reaksyon ni Cairo, parang
galit na naiinis. Nang makatapak na kami sa second floor bigla akong hinigit ni
Cairo paharap sa kanila.
"What?" naiinis kong sabi sa kanya atsaka ko pilit na pumiglas sa pagkakahawak
niya.
"What are you trying to do?" nanlilisik niyang sabi, medyo hindi ko maintindihan,
hindi kaya "Bakit hindi ko mabasa kung anong nasa isip mo?!" so ayun pala, he's
trying to read my mind again at mukhang na-immune ako sa kapangyarihan niya dahil
sa nangyari kagabi kaya hindi niya na magawang mapasok kung anong nasa isip ko. I
am busted.
"What the hell are you talking about?" napakunot kong sabi, kunwari hindi ko
maintindihan kung anong sinasabi niya.
"Huwag ka nang magmaang-maangan Jillianne Morie. You are blocking my mind. Paano mo
nagagawa 'yon? Tell me. Mila," baling niya sa babaeng kasama, "Tumawag ka sa
headquarters, ireport mo 'tong nangyayari ngayon."
"Y-yes, Cairo." Naaaligagang sabi nung Mila habang kinukuha sa handbag yung phone,
pero inisip ko na hindi niya magagalaw yung katawan niya and so it did. "I-I can't
move." Gulat na may halong pangamba na napatingin silang dalawa sa'kin, at sigurado
sila na ako ang may gawa non.
"Jill Morie-" gagalaw din si Cario pero hindi na niya magawa. I guess Mila is the
telekinetic at sa kanya ko nakukuha yung ganitong ability. I looked around at
walang nakakapansin sa'ming tatlo dahil sa abala ang mga tao sa kanya-kanya nilang
lakad. It's no good na nadiskubre na ni Cairo kung ano ang kaya kong gawin but I
can erase their memories again and again.
Suddenly, Cairo grabbed his radio transceiver at nagawang makapag-order sa mga
Sentinel, I thought walang mga Sentinel pero ang totoo nasa paligid lang din pala
sila. Nakakakilos na sila, I can't simulate well two powers at the same time kaya
nakagalaw na sila, hindi ko pa rin naman talaga kabisado kung paano ba gamitin
'tong kapangyarihan ko.
"Hindi ko alam kung anong klaseng kapangyarihan ang meron ka, Jill Morie. And you
already saw what will happen today huh." Sabi ni Cairo. Something snapped inside
my mind, parang may barrier na nasira kaya naramdaman ko siya na nanghimasok sa
isip ko. Shit. Then, seconds later nakita kong paparating na yung mga Sentinel na
nakiki-blend in lang pala among the crowd. Alright, I'm damned. Parang naparalyze
yung kapangyarihan ko, I still have my limits due to dad's obstruction in my powers
years ago.
'Run.' Someone told me inside my mind. 'Run'. Whatever or whoever it is, kaagad
kong sinunod kung ano ang dinikta ng boses na 'yon. Bago pa ako tuluyang
mapalibutan ng mga Sentinel nakatakbo ako kaagad pababa. They're all chasing me,
including Cairo with his accomplice, saan ako pupunta? Saan?
'This way, lumiko ka sa kanan at makikita mo yung isang exit.' Again, narinig ko na
naman yung boses na 'yon, I don't have the time to doubt kaya sinunod ko siya.
Nagawa 'kong makalabas pero that doesn't guarantee na tuluyan na 'kong nakatakas sa
kanila. 'Just run, Morie.' What? Nagulat ako kaya bumagal yung takbo ko, 'Wag kang
tumigil sa pagtakbo!' H-how? Alam niya yung pangalan ko? Cloud? Cloud ikaw ba 'yan?
Malayu-layo na yung natakbo ko pagkalabas ko ng airport, at sinusunuod ko lang yung
direksyon na dinidikta ng misteryosong boses.
Tumatakbo ako nang may sumunggab sa'kin sa gilid at muntik na 'kong matumba sa
eskinita na 'yon.
"Sino ka?"
"Ako yung nagsasalita sa isip mo, Morie." Isang lalaki na nakahoodie, matangkad at
moreno, nakahawak pa rin siya sa braso ko. "My name is Ismael, I know you're
confused, it's a long story." Pamilyar yung itsura niya, nakita ko na siya
somewhere...teka...naalala ko na, nakita ko siya noon sa Mnemosyne Institute, isa
siya sa mga tumayo noon para ipaglaban ang mga Peculiar sa auditorium, yung araw na
tumakas kami. Anong ginagawa niya rito? "I'm glad medyo naalala mo na."
"Paano ka nakapunta rito? Paano-"
"We're grateful sa ginawa mo noon sa MIP, Morie, dahil sa'yo natanggal kami sa mga
kadena. After that incident lubhang nagkagulo sa Mnemosyne Institute, may mga
maswerte, katulad ko, na nakatakas at nandito ngayon sa Sentral city para pigilan
ang masamang balak nila."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Marami kaming nakatakas sa Mnemosyne Institute, and we're being hunted right now
dahil alam namin kung anong magaganap ngayon, ang kauna-unahang massive trial ng
Helexia drug. Alam kong alam mo 'yon at naniniwala ako na ikaw lang ang makakapigil
sa kanila. I can't go with you because my friends are out there, nagkawatak-watak
kami sa siyudad dahil na-trace na nila kami isa-isa."
"Thank you, Ismael."
"Mas dapat akong magpasalamat sa'yo. Dali, habang hindi ka pa nila naaabutan."
"Paano ka?"
"Hindi ko pwedeng iwanan ang mga kaibigan ko. Sama-sama kaming pumunta sa Sentral
city, sama-sama naming tatapusin 'to." Hindi ko alam kung bakit parang nanlambot
ako sa sinabi ni Ismael, at dahil nga telepath siya katulad ni Cloud naramdaman
niya siguro na medyo nanghina ako. Tinapik niya ko sa balikat at sinabing, "May mga
katulad mo na hanggang ngayon hindi pa rin tumitigil lumaban kahit na ilang beses
na silang nadapa. Hindi ka pa rin nag-iisa. Tandaan mo." Muli niya kong tinapik at
halos patulak na pinaalis, "Go. The world needs you." Nag-thumbs-up pa siya bago
siya tumalikod at tumakbo paalis.
The world needs you. Crap. The world don't need me at all, Ismael. In fact, kahit
na nawala ako hindi pa rin 'yon makakatulong sa ekonomiya at walang pake ang
sanlibutan, iikot at iikot pa rin ang mundo kahit wala ako. Pero sa ngayon dahil sa
ako ang tinadhana na nandito, I don't have the choice but to fight against the
evil, a destiny that I need to fulfil because I am the 'chosen hero'.
Kung ako si Eliza at bibigyan ko ng options yung sarili ko ngayon, meron akong
dalawang pagpipilian, run or stay. If I stay mahuhuli na naman nila 'ko, ibabalik
sa BDT, MIP or whatever, but if I run again there are chances...chances na magawa
ko 'to kahit na mag-isa lang ako. As if I really have a choice.
Muli, tumakbo ako, may nasasagi, nabubunggo o natitisod, hinahawi ko ang mga
mababagal, iniiwasan ang sumasalubong. I don't mind at all kung gaano kalayo yung
Rapid transit, yung subway train station, lumingon ako at nakita sila, ang mga
Sentinels na pinangungunahan ni Cairo. It was like an amazing race, dumog ang tao
sa istasyon, wala akong ibang nagawa kundi lumusot sa ilalim ng tap-and-go machine,
nakita ako ng isang guard, sisitahin ako pero sabay bukas ng pintuan ng train,
sabay pasok, sumara, umandar.
Nakita ko sila Cairo na hindi na nakapasok ng mismong platform, wala silang ibang
nagawa kundi tingnan ako habang papalayo ang tren na nasakyan ko. Then I just
realize what I did, kung kailan last minute tsaka ko nakatakas sa kanila-
pansamantala. Cairo surely knew kung saan ako papunta and by now nakarating na
siguro kay Chairman Hermoso kung ano ang nangyari. Nakita ko rin kanina sa orasan
na may forty three minutes pa bago sumapit ang twelve. Dapat makapunta ako kaagad
sa Town Center bago mag-alasdose para mapigilan ang pag-lunsad nila ng first
massive trial ng Helexia.
Bumaba ako sa mismong station ng train kung saan walking distance lang yung Centro
Town Center, ngayon ko lang napansin na isa na lang yung suot kong sapatos, naiwan
sa kung saan yung isa dahil sa ginawa kong pagtakas kanina. Nagsinungaling ako sa
isang guard na nawala yung wallet at ticket ko, at dahil Pasko naman at napansin
niyang nawala pa yung isang sapatos ko pinagbigyan niya kong makalabas ng walang
ticket.
Dahil naiirita ako habang naglalakad hinubad ko yung natitira kong suot na sapatos
at tinapon sa malapit na trashcan. Pinagtitinginan tuloy ako ng mga tao habang
naglalakad dahil nga nakapaa lang ako, naaawa ang tingin yung iba napapailing dahil
siguro akala nila nababaliw ako o nawala sa katinuan, o kaya napagsamantalahan,
pero walang nagtanong mula sa kanila, walang lumapit dahil wala silang pakialam.
Lakad takbo ang ginawa ko nang matanaw ko na yung Centro Town Center, masakit sa
paa dahil sa init ng konkreto na nilalakaran ko. Marami akong kasabay na naglalakad
sa side-walk at wala pa naman akong natatanaw na Sentinel o tiga-Memoire. Patawid
ako sa kabilang kalsada nang huminto sa harapan ko ang isang puting sasakyan.
Bumaba yung bintana sa likurang bahagi ng sasakyan at nakita ko si Dr.Irvin.
"Get in, may mahalagang bagay kang dapat malaman, Jillianne Morie."
"What?"
"Get in. Huwag kang mag-alala dahil hindi kita dadalhin sa kanila." He's serious
and a professional like him has words, kaya naman pumasok ako sa loob ng sasakyan.
"I know the reason why you're here, you'll stop the massive trial of the Helexia."
"How did you know?"
"I am the one who monitors on what those eyes of yours can see." Naalala ko na,
"And yesterday, partially successful mong nagamit ang Culomus 2.0."
"Bakit hindi mo sinabi sa Memoire?" dahil kung alam na niya kagabi pa lang
paniguradong may ginawang hakbang ang Memoire kaagad, pero wala silang kaalam-alam
ngayon.
"Because there's more than that, Jillianne Morie." More than what? "There's more
than the massive trial of the Helexia-there will be a great chaos na hindi nakita
ng mga mata mo kagabi."
"Great chaos?"
"Terrorism." Napahinto ako sa sinabi niya. "There will be an explosion inside, at
the atrium." I just awed, bukod sa punum puno ng tanong yung isip ko biglang
kumabog ng malakas yung dibdib ko. "You have to stop it at any cost."
"Wait, Dr. Irvin, why are you telling me this? You're supposed to be their
accomplice. Bakit mo sinasabi sa'kin na dapat kong iligtas lahat ng tao doon?"
feeling ko unti-unti ng sasabog yung isip ko.
"I am still a human being." Naguluhan ako sa sagot niya. So all this time
nagpapagamit lang siya sa Memoire pero ang totoo he's still on the straight path?
"I developed your sister's eyes for beneficial purpose. I told you before; whoever
possessed those eyes is the freewill, the only one who can change future."
"Damn it."
"Under the atrium's fountain, doon nakalagay yung bomba, you just have to cut the
blue wire." Inabot niya sa'kin ang isang cutter, "And don't forget to buy
slippers." Inabutan din niya ko ng sobre na naglalaman ng cash. Seriously wala na
'kong panahon para bumili ng tsinelas.
"Honestly I don't know kung dapat ba kong magpasalamat sa'yo, Dr. Irvin."
"Oh, dear, you don't have to. Hurry up, at nagmamadali rin ako, I still have
multiple death threats to escape. Adieu." So, tumiwalag na siya ng tuluyan sa
Memoire kaya niya nasabi 'yon? Does he mean that he'll be dead in the next few
minutes and he's sorry for me and my sister? Umibis ako ng sasakyan at kaagad na
humarurot 'yon paalis. Hindi na 'ko nagdalawang isip pa at diretso akong tumakbo
papuntang entrance ng town center.
Noong una ayaw akong papasukin ng security dahil wala raw akong suot na kahit na
ano sa paa at napagkamalan akong pulubi, pero pinakita ko yung pera ko at sinabing
bibili pa lang ako ng sapatos sa loob kaya wala silang nagawa kundi papasukin ako
sa loob. Ramdam na ramdam ng mga paa ko yung lamig at naglibot ang paningin ko,
malaki ang Town Center at katulad ng inaasahan sobrang dami ng tao ang namamasyal
dito dahil sa espesyal ang araw na 'to. Maririnig ang malakas na pagtugtog ng isang
luma at masiglang Christmas song, kasabay ng mga masasaya at masisiglang mga tao na
walang kamalay-malay sa malupit na kapalaran na sasapitin nila ngayon. No wonder
why ito ang napiling target date ng Memoire para sa massive trial nila ng Helexia.
Pero ang paulit-ulit na tanong sa isip ko ay kung bakit kinakailangan pa nilang
pasabugin ang atrium? Bakit?
They aim to conquer the universe. And to conquer the universe means to terrorize
for political desire, pursuit of fortune, greed, and infinite glutton for power.
Now I understand the real first step to conquer, they need to destroy Sentral City
first, using Helexia to control people, and using me to manifest and assure their
victorious fate. They'll rob these innocent people's future and I cannot allow
that.
No one's going to believe me kung sasabihin ko kung anong mangyayari, at mas lalong
hindi pwedeng i-announce sa buong mall na may bomba dahil natural instinct ng mga
tao ang magpanic. Ang tanging paraan lang para maresolba ang problemang 'to ay ako
mismo ang humanap ng bomba na 'yon katulad ng sinabi ni Dr.Irvin. I don't have much
time left. Kailangan kong isuko yung idea na pigilan yung Helexia besides wala
akong clue kung saan at paano nila gagawin 'yon, the bomb's damage is more massive
compare to Helexia kaya ito yung dapat kong i-solve.
Tiningnan ko sa directory map kung nasaan yung atrium, pinagtitinginan pa rin ako
ng mga tao dahil nga wala akong sapin sa paa pero hindi ko na lang sila pinapansin.
Medyo malayo rin pala yung atrium at nakalocate pa siya sa mismong gitna ng town
center. Dali-dali akong tumakbo papunta roon. Maraming tao kaya napapabagal ako.
Napahinto ako nang lumikha ng ilang ingay yung mga tao at nabaling ang atensyon sa
isang bagay, yung Christmas lanterns na nakasabit sa ceiling, may lumalabas na kung
anong usok mula sa maliit na butas nito. Nanlaki yung mga mata ko at naalala ko
noong Night Out s White Knights, ganitong ganito yung usok na nanggaling sa stage
noon na nagkocontain ng Helexia. Shit. No.
Bago pa ko makasigaw na takpan nila yung mga ilong nila, huli na, huli na nang
makita ko kung paano sila unti-unting nawala sa sarili, tumigil sa paggalaw,
natulala sa kawalan, nagmistulang 'brain-dead'. Nawala yung mga ingay ng tao at
naiwan ang tunog ng mga speakers na nagpapatugtog ng Christmas song. Tumakbo ako
pabalik ng entrance pero nakita ko na nakasara 'yon at tinakpan ng itim ang bawat
glass doors at window, walang matatanaw na kahit ano mula sa labas.
Kailangan ko nang makapunta kaagad sa atrium. Damn. Tumakbo na 'ko at parang
mistulang maze ang daanan dahil sa mga taong wala-sa-sarili na nakaharang.
"Don't move." May nagsalita mula sa announcement speakers, nawala yung kanta,
parang automated voice, dahilan naman para mapahinto ako, "Surrender in five
seconds. Five. Four. Three. Two. One." Pero hindi ko 'yon pinansin at muli akong
tumakbo. "Command: Grab and stop the moving target." What the hell? Napatingin ako
sa paligid ko at mistulang mga robot na sumunod ang mga tao, papalapit sila sa'kin
at nakataas ang mga braso, parang zombies na handang-handa akong sunggabin. Mas
lalo kong binilisan yung pagtakbo sa takot na baka mahuli nila ko pero shit lang
mga tao sila na wala sa sarili. Maya-maya nasunggaban ako ng isa hanggang sa
yumakap pa ang isa, dalawa, tatlo, sunud-sunod hanggang sa tila nilulunod ako ng
mga tao, nagpupumiglas ako at pilit na kumakalas sa mga hawak nila. Himalang nagawa
kong makakawala dahil din siguro sa adrenaline, lumiko sa direksyong walang
masyadong tao at lahiat pa rin sila hinahabol ako na parang isang piraso karne na
handa nilang gawing tanghalian. Ito ang pinakaworst na habulang taya na nangyari sa
buong buhay ko.
Narating ko na yung atrium at natanaw ko na sa gitna nito yung fountain, pero may
mga paparating dahilan para maharangan ang pinakadadaanan ko papuntang fountain.
Wala akong ibang pagpipilian kundi sumugod lang at lumusot sa kanila. Para 'kong
lumalangoy sa gitna ng karagatan na may malakas na alon na pilit akong tinatangay
palayo.
Mas malakas ako, kahit na tila isang batalyon sila, nakalusot ako sa ilalim at
nalagpasan ako sila. Narating ko yung fountain at kaagad na kinapa ang buong ilalim
para hanapin kung nasaan yung bomba. Paparating na naman sila, at wala na kong
matatakbuhan dahil napapalibutan nila 'ko. Nahanap ko na yung bomba, at puputulin
ko na yung blue wire nang masunggaban nila kong lahat, nakain ako pailalim at
nawawalan ako ng hininga dahil halos natatakpan nila 'ko.
Yakap-yakap ko yung bomba at nakitang ilang segundo na lang ang natitirang oras
nito. Kung hindi ko 'yon madedetonate, sama-sama kaming sasabog sa atrium. Shit.
Nahiwa ako ng cutter dahil sa pagkakagulo. Tatlong segundo. Nanginginig ang buong
katawan ko. I need to do this. I can do this.
TCH! Isang malutong na tunog. Huminto ang orasan. Huminto rin sa paggalaw yung mga
inosenteng tao na walang kinalaman ngunit nadamay, nabiktima ng Helexia.
Tumayo ako at naglakad palayo mula sa mga tao, binitawan ko lang sa sahig yung
nadetonate kong bomba, maya-maya napasalampak ako sa sahig, napatingala ako at
saktong tumama sa'kin ang sinag ng liwanag galing sa mga bintana sa itaas. Jing,
nandyan ka ba sa 'taas'? I guess...To die is to gain, huh.
Namalayan ko na lang ng mga sumunod ay may dalawang humigit sa'kin at pilit na
pinatayo at hinila. Hindi sila mga Sentinels, mga tauhan pa rin ng Memoire, mga
Peculiar katulad ko dahil nakita kong mayroon silang tattoo sa kamay. Maya-maya ay
huminto sila, maging ako. Nakita ko si Margaux sa harapan ko at nagulat ako nang
makita kong katabi niya si Cloud, blangko ang mukha.
"Kailangan ko na bang i-suggest sa board na lagyan ka ng multiple chains and collar
para hindi ka na makagalaw pa?" galit niyang saad, "You. Ruined. Everything.
Again." Duro niya. She wanted to kill me badly, kahit noon pang nasa MIP kami pero
hindi pwede. Masama ko siyang tinitigan at wala akong pakialam. Bbiglang nag-init
ang dugo ko at gusto ko siyang sugurin at sampalin hanggang sa dumugo yung mukha
niya.
Naramdaman kong mas humigpit yung hawak ng dalawang lalaking Peculiar sa'kin.
Nakita ko rin na kasama ni Margaux ang mga tuta niya sa MIP, sila Gidget at iba
pang mga Peculiar staffs. Tiningnan ko si Cloud pero nasa ilalim siya ng balaghan
kaya nakukontrol siya ni Margaux. Tinitigan ko siya at pilit na hinihimasok ang
isip, kailangan niyang magising sa katotohanan.
"Kung nagawa mong pigilan ang pagsabog, pwes ako mismo ang magpapasabog ng lugar na
'to!" humarap si Margaux sa mga tao at tinanggal ang kanyang salamin, she'll
definitely blow them up. Pumikit ako atsaka huminga ng malalim. This is my
retribution for Jing. I'll make sure that Margaux will pay.
Humugot mula sa kung saan, nakahigop ng kapangyarihan. Tumilapon sa magkabilang
gilid ko yung mga nakahawak sa'kin. Nagulat sila, napatigil si Magaux, kikilos ang
mga kasama niya nang itaas ko ang kanang braso ko at katulad nang nangyari sa
dalawa tumalsik silang lahat maliban kay Margaux at Cloud, buong pwersa at malakas
ang impact. Kahit na ganito, wala akong intensyong patayin sa sila.
Nakita kong kumukurap-kurap si Cloud, senyales na nalalabanan niya yung lason sa
isip niya. Pero humarang si Margaux dahil sinadya kong itira siya at gusto kong
kaming dalawa ang huling magharapan.
"You-"
"...will surely pay for what you did, murderer." Dugtong ko sa sinabi niya na mas
lalo niyang ikinagalit. She threw a blast from her eyes but I counter attacked it,
she's very surprised but she still used her full force to dominate me. Naglalaban
ang mga nagsusumiklab naming mga mata, at kung sino ang unang kumurap ay siyang
talo. Para kaming naglalaro ng patagalan ng titig at maya-maya naramdaman ko na
tila hinihigop ng mga mata ko ang kaibuturan ng mga mata ni Margaux. Her future
lies within it. Bubulagta siyang patay mamaya not because I overpowered her-someone
will shoot her...and it's...wait...si...si Cloud?
I snapped out of my concentration at nagdiridiretso sa paningin ko ang pulang
liwanag kasabay ng sakit at pagdilim ng paningin ko, maya-maya narinig ko ang
malakas na pagputok ng baril. Cloud shoot his mother.

/76/ Remember to Live

Final Chapter:
/76/ Remember to Live
"Jill." someone came in, "How are you? Are you alright?" I can't see him; I just
nod as an answer. Pang-ilang ulit na ba 'kong tinanong ni dad ng ganyan everytime
na papasok siya rito sa kwarto? Narinig kong napahinga siya ng malalim, at kahit na
hindi ko siya nakikita kayang-kaya kong iimahe sa utak ko kung anong itsura niya at
kung anong nararamdaman niya, siya ang nahihirapan para sa kalagayan ko ngayon.
History doesn't repeat itself, sabi nila, but things happen, not exactly the same
way, over and over again. I lost my sight and I am here in the same place two years
ago-nabulag. It's been two days and it felt like a lifetime since the incident and
as if nothing ever happened, walang binabanggit si dad na kahit na ano tungkol sa
nangyari at tungkol sa Memoire, I'm not asking anyway and he would be gladly if I
don't.
"I have good news to you." Naramdaman kong lumapit siya sa gilid ng kama at naupo
rito, hinawakan ang kanang kamay ko atsaka pinisil iyon, "Mamaya nakaschedule yung
operation mo. Nakahanap na 'ko kaagad ng donor para sa transplant." Hindi ako
umimik sa sinabi ni dad na alam kong ikinabahala niya, "Hindi mo na ba...gustong
makakita ulit?"
I just shrugged and coldly told him, "Just make sure na walang freaking powers this
time ang mga mata na ibibigay niyo sa'kin." Narinig kong marahang natawa si dad sa
sarcasm ko, medyo nakahinga siya ng maluwag dahil akala niya siguro hindi ko na
gugustuhin pang makakita ulit. Napansin kong natahimik na si dad at hindi na
nagsalita pa, siguro nag-iisip siya ng malalim, maya-maya pagkaraan ng buntong
hininga nagsalita ulit siya.
"I'm sorry...Jill." Nanginginig yung boses niya, "When I discovered how powerful
your Peculiarity I thought giving Karen's eyes to you could help yourself, akala
ko-"
"Tama na, dad." Putol ko sa sinasabi niya, "Napapagod na 'kong marinig ang pagso-
sorry mo." Gayong hindi naman na maaayos ng sorry niya lahat. And literal na talaga
kong napapagod marinig lahat ng sinasabi niya since na nagkamalay ako rito sa
ospital.
"I just want you to know kung gaano ako nagsisisi na pinabayaan kita." It's no
one's fault, mahirap mang tanggapin na walang may kasalanan kung bakit nangyari
lahat ng 'to, pero kung meron mang dapat sisishin ano pa nga bang mapapala ng
pagsisisi? Do I have to blame myself for being shallow in the first place? Just
like what Lily told me before.
"Anong oras yung operation, dad?" tanong ko para ma-divert yung attention niya.
"Three pm."
Naalala ko si Cloud, kung anong nangyari sa kanya pagkatapos niyang barilin ang
sarili niyang ina, hindi ko na alam. Dapat ba 'kong matuwa at magbunyi dahil
namatay na si Margaux na siyang pumatay kay Jing? Sadyang lubhang hindi ko
inaasahan na magagawa ni Cloud ang bagay na 'yon at hindi ko maiwasang mag-alala
para sa kanya, Margaux is his mother after all. But then, hindi ko makapa sa loob
ko ang kahit isang bakas ng kasiyahan sa nangyari, hindi napagbayaran ng tama ni
Margaux ang dapat niyang pagbayaran sa ginawa niya. Death can't resolve anything by
another death.
"Dad..."
"Yes?"
"Are they...still out there?" hindi ko naitago ang pangamba sa boses ko, parang
bata na natatakot sa isang bad monster.
"No... Don't worry, wala na sila."
"Really?" sabi ko, punum puno ng pagdududa. How can I believe him? Is he telling
the truth? Talaga bang wala na sila? Hindi na 'ko kukuhanin ng Memoire?
"Yes." Then he told me everything what happened after the incident. Memoire was
sued because of the bomb found in the Centro Town Center, the evidence is engraved
in the bomb, a black diamond logo. hindi lang 'yon, scandals began to arise, may
mga sumulpot na kaso laban sa kanila, the former HGPs na tinulungan naming
makatakas noon sa MIP na dinala namin sa San Carlos, kung saan nanguna sa
pagtestigo si Don Miguel, they filed cases of kidnapping, human trafficking and so
on. According to dad, Memoire also faced a lot of issues aside from lawsuits, they
are currently facing a stock market crash. Dr. Irvin is dead and the chairman of
Mnemosyne Institute, Hermoso IV is the primary suspect. My father assured me that
Memoire won't bother me anymore mainly because the Culomus is gone and they need to
solve all the problems and issues they're facing right now.
Karma? Siguro.
So, it's all over now I guess. Titigilan na nila 'ko, sawakas. Bigla kong naalala
yung sinabi ni Ismael sa'kin noon, "May mga katulad mo na hanggang ngayon hindi pa
rin tumitigil lumaban kahit na ilang beses na silang nadapa. Hindi ka pa rin nag-
iisa. Tandaan mo."
"They won't bother you anymore, Jill. But they're still out there and I promise
I'll do anything just to protect you." Hinila niya 'ko atsaka mahigpit na niyakap.
*****
Nagising na lang ako isang araw na muli ko na namang nasisilayan ang mundo. It took
days to fully recover physically. I can't really tell kung okay na ba talaga ko,
though sinisigaw ng damdamin ko na hindi. Mamayang hapon na 'ko ididischarge at
nililibot ako ngayon ni Head Nurse Rosalia sa garden ng ospital, pinag-usapan namin
ang nakaraan, tungkol kay Haneul, tungkol kay Lucille, tungkol sa buhay, though
most of the time siya yung nagsasalita at nakikinig lang ako, parang isang ina na
nagkukwento ng mga bagay-bagay na dapat malaman ng isang anak.
Maya-maya nagpaalalam na siya at iniwan ako rito sa bench na minsan ng nag-iwan ng
alaala sa'ming dalawa sa tuwing mag-uusap kami noong mga panahon na unang beses
akong napunta sa lugar na 'to. Naiwan akong naka-upong mag-isa at pinagmasdan ang
iba pang mga tao na nasa garden.
"Jill?" nakita ko siya, nakatayo sa harapan ko, hindi magawang makatitig ng diretso
sa'kin. Bakit nandito si Morris? "P-pwede ba kitang makausap?" tumango lang ako at
nahihiya siyang ngumiti, umupo siya sa tabi ko. Awkward.
Sa tuwing makikita ko si Morris, kahit na hindi ko pa titigan ang mga mata niya,
malinaw pa rin sa alaala ko ang nakaraan, ang nakaraan na minsan naming
pinagsaluha. It's weird though, hindi ko rin maiwasang maalala yung mga panahong
nasa Mnemosyne Institute kaming dalawa, kung paano ako nasaktan sa mga sinabi niya
bilang si Sio, kung paano ko nalaman ang masakit na katotohanan galing sa kanya.
"I came here to say good bye." Napatingin ako bigla sa kanya matapos niyang sabihin
'yon, kahit nakaside-view si Morris kitang kita ko ang lungkot at paghihirap sa mga
mata niya, pilit ang ngiti habang nagsasalita, "I'll surrender myself in the mental
institution, kailangan kong...kailangan kong pagalingin ang sarili ko. Jill."
Tumingin na siya sa'kin this time, nagbabadya ang tubig sa mga mata
"Sana...mapatawad mo 'ko sa mga nagawa ko sa'yo. I'm sorry for hurting you-"
"Hindi ko kailangan ang sorry mo." Napatigil siya sa sinabi ko at kitang kita na
nasaktan siya dahil akala niya na siguro ay galit ako "You don't have to be sorry,
kasi hindi naman ikaw si Sio, 'di ba? Basta, make sure you'll get rid of him.
You're too kind to be evil, Morris."
"Jill... We could still be friends, right?" tumango ako at marahang ngumiti sa
kanya, he smiled back at me. May mga tao na nagmahal na kung minsan nakalimutang
mahalin ang sarili nila. The boy who can see the past surely suffered enough, the
paradox of his love for me that no one could understand.
Matapos ang pagpapaalam, that day we depart our ways, we both deserve to find peace
within ourselves and I'm glad that Morris took the first step in the process of
healing. Maybe in right time, I can finally find the way out in this misery.
*****
Sinabi ko kay dad na gusto ko munang umuwi sa apartment ko para kuhanin yung ilang
importanteng gamit na nandoon, dahil gusto na niya 'kong pabalikin sa bahay magmula
ngayon, kung saan naghihintay sila Lily at ang step mom ko. Inutusan niya si Albert
na samahan ako sa apartment. Ewan ko, somehow na-attached na rin ako sa lugar na
'yon at gusto kong makita sa huling pagkakataon.
Naabutan ko si manang Fe na naglilinis, siya na yung nag-ayos ng gamit ko,
sinabihan na kasi siya ni dad kahapon pa na iimpake, nagpumilit lang ako kanina kay
dad na ako na mismo ang kukuha ng mga gamit. Hindi kami nag-usap ni manang nang
magkita kami, parang wala lang nangyari.
Nang mailagay na namin lahat ng gamit sa kotse, sumakay na 'ko sa loob at gayon din
si Albert, binuhay ang makina. Naiwan si manang sa tapat ng building habang
tinatanaw kami palayo.
Katulad ng dating gawi, nakatanaw lang ako sa bintana at walang imik. Sumusulyap
sulyap si Albert sa rear-view mirror at may parang may gustong sabihin.
"Albert." Tawag ko sa kanya, "Let's stop by." Kaagad siyang napatingin sa'kin,
"Daan muna tayo sa ice cream store." He silently followed me like the usual.
Dalawang Wafle Bowl yung inorder ko, isa para sa'kin at isa para sa kanya. Albert
just stared at me when I started to eat, huminto ako at tumingin sa kanya. Parang
may bumulong lang sa'kin na mag-ice cream kahit na walang malinaw na dahilan. Pero
ang totoo may sumaging lumang memorya sa isip ko, nang minsang sunduin ako noon ni
Albert galing school, dinala niya 'ko sa isang ice cream parlor dahil hindi si dad
ang sumundo sa'kin.
"May naalala ka ba kaya ka nagyaya rito, young lady?"
"How did you know?" patay malisya 'kong tanong sabay sumubo ng ice cream.
"Because I can read your mind."
"You're Peculiar too?" tumango si Albert atsaka bahagyang ngumiti. I can't believe
this, all this time Peculiar si Albert at sa tagal ng panahon ng paninilbihan niya
sa pamilya namin ngayon ko lang nalaman. Heck.
"I'm happy na naalala mo pa yung memorya na 'yon kung saan minsan kitang dinala
rito noong nasa elementary ka pa lang." huminto ako saglit, "Akala ko tuluyan kong
nabura lahat ng alaala mo noong kabataan mo. Way back then you're a serene child,
you often found joy when you're alone but sometimes you're lonely being left
behind."
"So, you're the one who erased my childhood memories."
"Yes. Your father asked me to do it, and you do not know how sorry we were to take
it away from you, young lady."
"I have a favour to ask, Albert."
"Ano 'yon?"
"You can erase certain memories, right?"
*****
Christmas Vacation is over. Another new year came in at heto balik sa eskwela ang
lahat sa White Knights Academy. Nasa entrance ako ng school, maraming mga
estudyante ang naglalakad papasok, lahat sila masaya at masigla dahil sa tagal ng
hindi pagkikita-kita. Naglakad na 'ko papasok at nakita ko ang iba kong kaklase na
nauuna sa paglalakad pero hindi ko sila tinawag kahit na nakita nila 'ko.
The Culomus is gone for real. Hindi ko na nakikita ang hinaharap ng bawat isa at
malaya ko na ulit silang matititigan sa mga mata nila. Pero iniiwasan ko pa rin ang
mga tingin nila-hanggang ngayon. Mas mabuti na rin siguro kung ilalayo ko yung
sarili ko sa kanila,nang sa gayon hindi ako masasaktan ulit, lalo pa't hindi ko na
makikita kung anong pwedeng mangyari.
2-B
Nasa harapan na 'ko ng homeroom namin. Dahan-dahan kong hinila pabukas ang pinto at
pumasok sa loob, at naroon silang lahat, saglit silang napatingin sa'kin atsaka
muling bumalik sa kanya-kanya nilang mundo. Pumunta ako sa pwesto ko at umupo
roon, tumingin ako sa tabi ko at nakita ang bakanteng desk ni Morris.
Maya-maya biglang bumukas yung pinto at pumasok ang grupo nila Aya kasama sila
Baldo, Stephen, Penelope, at Tadeo, masigla nilang binati yung mga kaklase ko,
dumaan sila sa gilid ko at parang hindi nila 'ko nakita, hindi nila 'ko pinansin.
Narinig ko kung paano sila nagkwentuhan, may halong harutan, tawanan at kulitan,
nakisali yung iba naming kaklase, inalala yung mga nangyari noong nagdaang taon,
ang Christmas party, yung recollection-ng hindi ako kasama.
I asked Albert to alter their memories. Pinabura ko sa mga alaala nila Baldo,
Stephen, Penelope at pati si Miss Marcel tungkol sa nangyari involving Memoire. I
also asked him to erase their happy memories kung saan kasama ko, sa simula kung
paano nabuo ang matibay na friendship namin nila Aya. Ang alam lang nila ngayon,
isa lang akong hamak na kaklase na tahimik lang at hindi mahilig makihalubilo.
I don't want them to get involve with me anymore and it's better this way dahil
ayoko ng gamitin pa ang puso ko. Those who are heartless once cared too much.
Nag-ring ang bell dahilan para magsi-ayusan silang lahat, muling bumukas ang pinto
at inaasahan nilang tatambad sa kanila si Miss Karen pero ibang teacher ang pumunta
sa harapan. Inanunsiyo ng teacher na nakatayo sa harapan na nagresign na si Karen
Italia na ikinagulat nilang lahat, dahil daw sa isang personal and emergency
situation kinakailangan nitong magbitaw ng trabaho. Isa pang announcement ay ang
pagdadrop ni George Morris ng school due to health problems.
Hindi magandang balita ang sumalubong sa kanila sa pagpasok ng bagong taon. Pero
mas mabuti ng wala silang alam. Natapos na yung first period hanggang sa sumapit
ang break ay tampok pa rin ng usapan nila si Miss Karen at Morris, hindi nakaligtas
sa pandinig ko yung usapan nila Aya na nasa tabi ko lang.
"Alam niyo guys, medyo nahihiwagaan ako rito sa Christmas party picture natin,"
narinig kong bulong ni Aya, nagkukumpulan sila nila Baldo sa pwesto nito at nakita
ko sa peripheral vision ko na sumusulyap siya sa'kin.
"Bakit naman babaeng manok?" tanong ni Tadeo.
"Kasi tingnan niyo 'to, bakit parang ka-close natin dito si Morie?" last name
basis, katulad noong hindi pa malapit ang loob ko sa kanila, "Tapos si Miss Karen
nakangiti rito. Parang may nangyari sa araw na 'yan na hindi ko na matandaan."
"Nasa ospital ako ng araw na 'yan eh, sayang." Si Penelope, burado ang alaala sa
ginawa sa kanya ni Morris, ang aksidente.
"Oo nga no, Mariah, parang ang clingy mo dyan kay Morie. Kelan pa kayo naging
close?" si Baldo na wala ring maalala sa nangyaring adventure noon sa MIP.
"Ewan ko, nakakalerki nga eh."
"Bakit hindi mo itanong sa kanya, Aya?" si Stephen na walang kamalay-malay na ilang
araw siyang nawala, nakidnap at naging HGP ng MIP.
"Hah? Loko ka ba?" hindi na maalala ni Aya kung gaano siya ka-clingy sa'kin noon,
kung gaano siya ka-eager maging kaibigan ako.
Tumayo ako ko atsaka umalis sa classroom, iniwan sila na punum puno ng pagtataka.
Sapat na ako na lang yung nakakaalala lahat ng mga masasayang alaala kasama sila,
sapat na minsan ko sila naging kaibigan. At wala akong pinagsisisihan na napalapit
ako sa kanila. Sapat na yung ganito para rin sa ikabubuti nila.
Naglakad-lakad ako sa campus kahit na natapos na yung oras ng break. Para 'kong
wala sa sarili na gumagala kung saan-saan, ang bawat sulok ng paaralang ito na may
alaala na mahirap kalimutan, masaya man o malungkot. At bigla ko siyang natanaw di
kalayuan, naka-upo sa isang bench katabi ang puno ng Balete sa malapit sa may
entrance ng lobby. Lumabas ako at pinuntahan siya.
"Bakit ka nagresign?" tanong ko sa kanya, kaagad siyang napatingin sa'kin at umupo
ako sa tabi niya.
"To disappear." Matipid niyang sagot. For all of people hindi ko sukat akalain na
ang taong 'to ang tunay kong kapatid, sa kanya nagmula ang mga mata na sinumpa, sa
kanya nagmula ang dahilan kung bakit ako nagkaganito. Pero biktima lang din siya,
biktima kami pareho ng kalupitan ng mundong 'to.
"Can I come with you?" nakita kong umiling siya sabay ngiti atsaka humarap sa'kin.
"No, hindi pwede."
"Why?"
"Gagraduate ka pa sa March." Tsaka ko naalala na ito na nga pala ang huling taon ko
sa Senior High. "Do you think na papayag ang daddy mo na sumama ka sa'kin?"
"I'm turning eighteen and I can do whatever I want." Sabi ko, "And besides... bakit
hindi papayag si dad? You're my sister for heaven's sake."
"Are you seriously-"
"Yes." Yumuko ako at halos pabulong na sinabing, "I just want to disappear too." I
want to disappear completely and never be found. Ever.
That same day pumunta kami ni Ate Karen kung saan siya nakahimlay. Nilapag ko yung
isang pumpon ng bulaklak sa tabi ng puntod niya. Lumuhod ako para magsindi ng
kandila at itinulos iyon. Naupo kaming dalawa sa damuhan habang pinagmamasdan ang
naka-ukit niyang pangalan sa lapida.
Jinnie Gregorio.
There are causes worth dying for, but none worth killing for. Kahit na namatay si
Margaux hindi pa rin niya napagbayaran ng tama kung anong ginawa niya kay Jing. At
masakit, masakit yung katotohanan na kahit ilang buhay pa ang ipalit, hinding hindi
na maibabalik pa sa buhay yung mga taong nawala na.
"Jing. Marami akong gustong ikwento sa'yo noon, marami akong bagay na dapat matagal
ko ng nasabi sa'yo. Pero tama ka, wala akong alam sa nararamdaman mo. Gusto kong
malaman kung anong nangyari sa'yo matapos mo kaming iwanan sa Sta. Helena, gusto
kong malaman kung paano ka nabuhay, kung maganda ba ang naging tingin mo sa mundo.
At ngayon, hinding hindi ko na 'yon malalaman-kahit kailan. Kahit ang lihim mong
poot sa'kin hinding hindi ko na maririnig pa." napatingin ako kay Ate Karen nang
bigla siyang magsalita na para bang kinakausap si Jing.
"Jing. Tandang tanda ko pa rin ang unang araw ng pagkikita nating dalawa. Kung
paano mo pinalutang ang mga dahon at bato, kung gaano ka kasabik makita ang ganda
ng mundo. Kung nasaan ka man ngayon sana matagpuan mo ang ligaya sa ikalawang
buhay, at ikamusta mo 'ko sa kanila." Hindi ko maunawaan yung huling sinabi niya.
Naririnig nga kaya ni Jing kung anong sinasabi niya ngayon? Alam niya kaya kung
gaano ako nagluluksa at nasasaktan sa tuwing maalala ko siya?
Kung bibigyan man ako ng pagkakataon na makausap siya, gusto kong sabihin sa kanya
na ang tanga-tanga niya para mamatay ng maaga, dahil hanggang ngayon hindi pa rin
ako nakakapagpasalamat sa kanya ng maayos. "Masyado pang maaga para magpasalamat,
Jill Morie." Iyon yung lagi niyang sinasabi sa tuwing magpapasalamat ako sa kanya
at kaya iyon hanggang sa huling hininga niya hindi ko nagawang magpasalamat ng
maayos sa lahat ng ginawa niya. Napakabitch talaga ng babaeng yan kahit kailan.
Gusto kong sabihin kay Ate Karen lahat ng nalaman ko tungkol kay Jing, gusto kong
ikwento sa kanya yung mga pinagdaanan ni Jing matapos niyang tumakas ng ampunan.
Pero parang wala pa 'kong sapat na lakas na loob para sabihin lahat-lahat ng
tungkol sa pagkatao ng matalik niyang kaibigan.
Bubuka pa lang ang bibig ko para magsalita nang sabay kaming napa-igtad ni Ate nang
maramdaman naming may paparating. Kaagad kaming napatayo at nakita siya nakatayo di
kalayuan, nakatitig sa puntod ni Jing. Malalam ang mata, para siyang pinagsakluban
ng langit at lupa. Kabikabila sa balita ang kasalukuyang balita tungkol sa Memoire,
at paniguradong nasa alanganin ang estado niya ngayon
"Anong ginagawa mo rito?" bigla akong itinago ni Ate sa likuran niya, katulad noong
eksena sa Inn sa Daambakal, kung paano niya 'ko pinrotektahan mula kay Cairo ay
parang ganon din ulit ngayon, "Kung sa tingin mong magpapasalamat ako sa'yo sa
pagbibigay mo ng makatarungang himlayan si Jing , wag kang umasa."
Hindi siya umimik, dali-daling kinuha ni Ate yung bag niya sa lupa atsaka ko hinila
paalis. Sa takot na baka may kung anong gawing masama si Cairo. Nang malagpasan
namin siya ay biglang tumigil si Ate dahilan para mapatigil din ako.
"Alam mo ba..." sabi ni Ate ng hindi lumilingon, kinakausap niya si Cairo "Alam mo
ba kung anong ginawa ko sa loob ng dalawang taon? Hinanap ko si Sylvia dahil nasa
kanya si Wyndell. Hinanap ko yung anak natin sa loob ng dalawang taon, Cairo. Hindi
ako tumigil." Binitawan ako ni Ate at humarap siya kay Cairo sa pagkakataong 'to
"At alam mo ba kung nasaan na sila ngayon?" mapakla siyang ngumiti, "Sa langit."
"Anong-"
"Patay na sila, Cairo." Nakita ko kung paanong namumuo ang mga luha sa mata nila
pareho "Namatay sila sa isang aksidente."
"Karen-" lumapit siya kay ate at hinawakan ito braso pero pilit iyong hinawi .
Walang duda. 'Please.' Mahal nila ang isa't isa.
"Mayroon akong hihilingin sa'yo. Wag ka nang magpapakita sa'kin, sa'ming dalawa...
kahit kailan." 'kahit kailangan kita' sabi ni Ate sa isip. At pagkatapos ay muli
akong hinawakan ni Ate at naglakad palayo kay Cairo. Ni hindi niya nagawang
lumingon kahit isang beses. Nang marating namin ang sakayan ng bus, biglang
napasandal si Ate sa pader ng waiting shed.
"Okay ka lang-" inalalayan ko siya dahil parang bigla siyang nawalan ng balanse.
"Oo. N-nahihilo lang ako."
*****
Letting go is less painful than holding on, kaya siguro narealize ni dad na
kailangan niya rin akong pakawalan. It's almost sixteen weeks since I left home,
since I dropped everything and walk away from my old life. Together with my sister,
Karen, we disappeared from Sentral city, we moved out to start a new entire life.
Sumakay kami sa Daambakal at napadpad sa pinaka-tago, pinaka-tahimik na probinsya
sa Hilaga, yung lugar na makakasiguro kami na walang nakakakilala sa'ming dalawa.
We found an isolated rural area kung saan simple lang ang buhay, malayung-malayo sa
siyudad.
She bought a small house for us na naka-locate sa isang farm kung saan may Mango
grove, she also bought an old truck na pag mamay-ari dati ng landlady namin dahil
kailangan namin 'yon dito, hindi kasi uso ang commuting transpo katulad ng trains,
taxi etc dito.
Another step to start a new life, we changed our identities. Binura na namin yung
adoptive names namin at pinalit yung mga totoo naming pangalan. I am now Atria
Morales, isang tipikal na teenager, lagpas balikat ang itim na buhok, nag-aaral sa
isang public university. While my sister, is now Beatrice Morales, na ngayon ay
maikli na ang buhok na hindi lalagpas ng balikat, nakasuot ng salamin at katulad ng
dati hindi mo pa rin mababasa kung anong nasa isip niya, nagtatrabaho siya bilang
kahera sa isang tindahan ng libro. I know she badly wants to teach again pero dahil
sa kailangan niyang mag-ingat sa kalusugan at hindi niya pa naaayos yung pangalan
niya sa teaching liscense niya hindi muna siya mag-aapply sa university na
pinapasukan ko.
Nobody knows who we are. It's like we woke up in a new bodies, no connection to the
past, no more goals for the future. We're barely living for today and it's enough.
"Its four months old pero bakit parang hindi lumalaki yung tiyan mo?" tanong ko sa
kanya nang minsang nag-aalmusal ako habang siya naman ay nag-aayos sa harapan ng
salamin. Sabay kaming papasok ngayong umaga, ako sa school, siya sa trabaho.
Ngumiti lang siya sa'kin atsaka ipagmamalaki na balingkinitan kasi yung katawan
niya kaya ganon at aasarin ako na tumataba raw ako kahit hindi naman, palagi nga
naming pinuproblema kung anong kakainin namin araw-araw eh.
"Iniisip ko na magpart time, may hiring dun sa convenience store malapit sa
school."
"I told you, akong bahala sa lahat ng gastusin dito sa bahay. Hindi naman tayo
namumulubi, Jill." And yeah, we still call ourselves in our old names dahil...wala
eh yun yung nakasanayan naming dalawa. Inside this home we're still Karen and Jill,
the truth is...we're still ourselves. Kahit na ang laki ng pinagbago ng social
status naming dalawa, pati ng panlabas na anyo at pangalan, hindi pa rin kami
nagbabago bilang isang tao.
"I'm just trying to help. Paano kung lumabas bigla 'yang dalawang 'yan?" my sister
chuckled and tapped my head na kinabwisit ko, para kasi akong aso pag ginaganon
niya 'ko. "What if you told him the truth that day?" biglang sumeryoso yung mukha
ni Ate, hindi nagustuhan yung sinabi ko. Gusto ko siyang asarin dahil halatang
affected pa rin siya hanggang ngayon.
"Male-late ka na." napaismid ako dahil bigla siyang lumabas ng bahay dala-dala yung
susi ng sasakyan kahit na hindi pa 'ko tapos kumain.
Daily routine na namin na una muna niya 'kong ihahatid sa school at pagkatapos
tsaka siya papasok ng trabaho. College is not really easy as expected, naalala ko
tuloy yung mga kaklase ko sa White Knights, nakapasa kaya sila sa mga prestigious
universities na inapply-an nila? Siguro nahihirapan din sila sa acads,
siguro...siguro...siguro... I should stop thinking about them dahil may kanya-kanya
na kaming buhay ngayon, atsaka hindi naman nila ko maalala.
I still have no friends, kahit one week na since nag-start yung klase. And I don't
have any interest to make one. It would be better if I'll be alone for the whole
semester or until graduation. Nawalan na 'ko ng interes sa pakikipag-interact sa
kapwa ko magmula nang lisanin ko ang siyudad.
Apat na buwan na rin ang lumipas pero wala na akong narinig na balita tungkol kina
Eliza, Vicente, Dean, Palm, ni hindi ko nga alam kung anong nangyari sa kanila
pagkatapos silang madakip ng Memoire, hindi ko alam kung binalik ba sila MIP. May
parte rito sa puso ko na gusto sila ulit makita, hindi nila alam kung gano ko
kalaki tinatanaw ang utang na loob ko sa kanila noong mga panahong nangangailan
ako, yung mga panahong pinalakas nila ang loob ko. Too bad, I don't know where and
how to find them and I guess I should let things happen accordingly.
Wala na rin akong narinig tungkol kay Cloud, ni hindi man lang niya 'ko dinalaw
noon sa ospital. Gabi-gabi kong iniisip kung anong nangyari sa kanya matapos niyang
barilin ang sarili niyang ina, si Margaux. Walang araw na hindi ko siya iniisip
kung nasaan na siya ngayon. Ngunit isang araw parang dininig ang panalangin ko,
nakatanggap ako ng liham, walang address kung saan galing pero alam kong sa kanya
iyon galing. Pinapahayag ng sumulat kung gaano niya 'ko kamahal pero wala pa siyang
sapat na lakas ng loob at tapang para harapin akong muli, sapagkat hindi pa rin
siya nakakabawi sa mga nangyari. Pinatay lang naman niya ang sarili niyang ina kaya
naiintindihan ko kung gaano kahirap para sa kanya 'yon. Nangako siya na sa tamang
panahon, babalik siya. Tinapon ko yung sulat pagkatapos kong basahin, ayokong
umasa, ayokong umasa masyado sa mga salita niya dahil ayokong masaktan sa huli.
It still hunts me. Memoire. Kahit hanggang sa panaginip hindi ko pa rin sila
makalimutan, hindi pa rin mawala wala sa memorya ko lahat ng pinagdaanan ko sa mga
kamay nila. Jing's death traumatized me, minsan nagigising akong umiiyak dahil
napapanaginipan ko ng paulit-ulit kung paano siya nawala.Yung sakit, takot at
pighati, nandito pa rin. Minsan nagigising akong sumisigaw o di kaya'y niyuyugyog
ako ni Ate Karen para gisingin mula sa bangungot. Pagkaraa'y tatabi siya sa'kin
hanggang sa makatulog ako ulit.
Somehow hindi pa rin ako nakakarecover sa mga nangyari, pinipilit kong mabuhay
dahil iyon yung hiling ni Jing bago siya mamatay. I want to believe that if we do
our best today, it is certainly possible that we could bring a brighter tomorrow.
Even though we can't see what lies ahead, katulad ng sinabi noon ni Ate, we may not
see it but it is certainly there and it is definitely ours. I'm trying to live
normally pero alam ko hindi 'yon posible.
The truth is-I am Peculiar, and I can still see the future.

Epilogue

"Sshhh..." they're here. They're here again. I can feel the pounding of my chest
but I remained my composure, I need to protect her no matter what happen-kahit
buhay 'ko ang kapalit. Mahigpit kaming magkahawak kamay ni Ate Karen habang
nagtatago sa kusina. I can feel them, malapit na malapit na sila sa'min at handang
handa kaming kuhanin anumang oras.
Dahan-dahan akong tumayo at sumilip sa sala, atsaka ko sumenyas kay Ate. Maingat
kaming lumabas sa backdoor ng kusina. Tahimik na tahimik na ang buong paligid at
wala na kaming ibang mahihingian ng tulong. All we have to do now is to run and
escape. Again.
"Be careful." Sabi ko sa kanya dahil nasa kabuwanan na siya ng pagbubuntis niya, na
siyang dahilan kung bakit nandito na naman sila ngayon.
Memoire. Muli na naman silang nagbalik para guluhin ang tahimik naming mundo. Pero
sa pagkakataong 'to hindi ako makapapayag na sirain nila ulit kami, dahil nangako
ako na ako naman ang puprotekta sa mga taong mahalaga sa'kin.
Tumakbo kami sa kakahuyan, iyon yung pinakamabilis na paraan para marating namin
yung kalsada. Maingat at nakaalalay ako kay Ate, I can feel their steps, palapit
sila ng palapit.
"Malapit na tayo," sabi ko, hingal na hingal at mahigpit na nakahawak sa kanya,
"Malapit na tayo." Kahit na hindi ko alam kung anong naghihintay sa kalsada na
'yon.
Eksakto pagkalabas namin ng kakahuyan mayroong huminto na itim na van sa harapan
namin, mas lalo akong kinabahan, mas lalong humigpit ang kapit namin sa isa't isa.
Inihanda ko yung sarili ko sa anumang pwedeng mangyari at nakataya na lahat-lahat.
Bumukas bigla yung pinto ng van, "Yoh!" at nakita ko si Vicente na naka-peace sign.
"Ano pang hinihintay niyo? Sakay!" utos ni Dean na sumilip pa galing driver's seat
kaya wala kaming ibang nagawa ni Ate kundi sumakay sa loob ng van at humarurot
iyon ng napakabilis. Sa loob, hindi ko alam kung nananaginip lang ako o ano dahil
nakita ko silang apat. Si Eliza, si Vince, si Dean at si Palm na nakakakita na.
"Kamusta, Morie?" bati ni Palm pero hindi ako kaagad nakabawi. Pinaglalaruan lang
ba ko ng paningin ko? Nagkatinginan kami ni Ate Karen, wala siyang inusal kaya muli
akong humarap sa kanila at hinanap ang mga tamang salita.
"Where have you been?"
"It's a long story, we'll tell you everything when we get there." Sabi ni Eliza,
hindi pa rin siya nagbago at katulad pa rin siya noong unang beses kaming nagkita
sa Bastille. Napansin ko na nakasuot sila ng parang magarang executive uniform.
"Okay, fasten your seatbelt because we're about to fly." Nagulat ako sa sinabi ni
Dean at biglang automatic na umayos yung seatbelts namin, nag-turbo yung sasakyan
at maya-maya napansin ko na unti-unti kaming umaangat sa lupa. Muntik na kaming
mapanganga ni Ate sa mga nangyayari.
"Guess what, my twin sister invented this." Kumindat pa si Vince at wala akong
ibang nasabi, nagkatingin lang kami ni Ate Karen na sapu-sapo ang tiyan, "Oh,
congratulations nga pala, Karen."
"We need you, Morie." Napatingin ako bigla kay Eliza, hinihintay ko siyang
ipaliwanag kung anong ibig niyang sabihin, "We need you in our team."
"Anong ibig mong sabihin?" Team?
"In these past months, we were able to establish an institution for those Peculiars
like us," sinundan iyon ni Vince.
"Yung mga Peculiar na nakatakas sa MIP at sa iba pang Peculiars dito sa mundo.
Kailangan ka namin doon, Morie." Si Palm.
"Obviously, nalusutan ng Memoire lahat ng kaso at issues na hinarap nila and
they're back on track. Positive Peculiar ang nasa sinapupunan ni Karen at nalaman
na rin nila ang specialty ng Peculiarity mo."
"We need our team back to fight them again, Morie. Sa pagkakataong 'to hindi na
magtatago ang mga katulad natin.."
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanila, hindi ko maipaliwanag kung anong
nararamdaman ko ngayon. Medyo hindi pa nada-digest ng utak ko kung ano yung mga
sinasabi nila at sa fact na kasama ko ulit ngayon matapos ang mahabang panahon na
nilimot ko sila.
Wala pang halos isang oras ng mag-landing sa isang isla yung sasakyan namin, umibis
kaming lahat doon.
"Welcome to Isla Ingrata, Jillianne Morie." Sabi ni Eliza at hindi ko mapigilang
mamangha, hindi sa tila mansion na nakatirik sa bangin kundi sa dami ng mga
Peculiar na sumalubong sa'min, nakita ko na isa roon si Ismael na minsang tumulong
sa'kin noon. Nasa dalampasigan silang lahat at masayang nakatingin sa'min.
"Hey." At mas nagulat ako nang makita ko siya sa harapan ko, "Miss me?" nakatitig
lang ako kay Cloud hanggang sa tuluyan na siyang makalapit sa'kin. Hindi ko alam
kung anong sasabihin ko pero isa lang ang sigurado ako sa nararamdaman ko. I am
glad to be here and at the same time I missed this guy so much.
"Don't forget that I could read your mind." Ngumiti siya dahilan para mapangiti
ako, niyakap niya 'ko ng mahigpit at binulungan "This time I assure you, hinding
hindi na kita iiwan."
"Ehem." Narinig naming tumikhim sila Vince dahilan para maghiwalay kaming dalawa.
Nakita ko si Ate Karen na nakahalukipkip at parang isang istriktang nanay nan
nakitang nakikipaglandian ang anak niya.
"Marami pa tayong dapat pag-usapan sa headquarters, any minute now they're going to
track us down. Let's move." Walang emosyong sabi ni Eliza at sumunod lahat sa
kanya.
Tumingin ako sa kanilang apat, kay Ate Karen at sa kanya, nagtanguan kami at sabay-
sabay na humakbang, isang hakbang papunta sa pinakamalaking pagbabago. Naramdaman
ko ang mahigpit na hawak ni Cloud sa kamay ko, that gave me more courage to face
them again.
Hindi pa tapos ang lahat, maaaring mamaya, bukas, samakalawa ay bigla silang
dumating, pero this time alam ko hindi na 'ko nag-iisa.

Author's Note:

Author's Note:
At dito na po nagtatapos ang The Peculiars' Tale mga kaibigan. Maraming maraming
salamat po sa pagbabasa! Matapos ang tatlong taon ay sawakas first time kong
makatapos ng nobela rito sa wattpad, umabot na tayo sa halos 1M reads at libong
boto at komento, at hindi 'yon mangyayari kung hindi dahil sa inyo mga mahal kong
mambabasa.
Ako po'y nagagalak sapagkat ako'y pinagpala ng mga mababait na readers katulad
niyo. Alam niyo na kung bakit, haha, kahit na napakatagal kong mag-update, o
tinagurian ako ni Rob ng "cliffhangerslashpaasaqueen" ay hindi pa rin nauubos ang
inyong pasensya.
Maraming salamat po sa pagsubaybay ng kwento ni Morie and friends at ngayon po'y
dapat na po tayong mamaalam sa kanila. And I hope na tumatak ang bawat karakter ng
TPT sa inyong puso. Gusto ko pa sana magdrama at magspeech ng mahaba kaso alam ko
namang masyadong OA yun kaya naman walang katapusang THANK YOU at SALAMAT ang
masasabi ko.
Hayst. Kay bilis ng panahon at natapos ko na siya. Sana ay mayroon kayong mga aral
na natutunan (kung meron man) na hindi niyo malilimutan.
Gusto ko ring pasalamatan yung mga taong tumulong sa'kin sa pagbibigay ng ilang
ideas para sa kwento ko, sa mga kaibigan kong kasama kong magbrainstorming na
kadalasan nauuwi sa puro kalokohan, sa mga kaibigan kong inabala at dinadramahan ko
sa tuwing nagkakawriter's block ako at hindi nakakapag-update sa loob ng isang
buwan, sa mga taong nagpalakas ng loob, sa mga "real life fictional character" na
walang kaalam alam na sila yung mga tauhan ko, at sa mga nagbabasa!
Mas maapreciate ko sana kung mababasa ko yung mga conclusions niyo sa ending o kung
anu-ano ba ang nangyari after ng last chapter at epilogue. Di kasi ako yung tipong
ibibigay lahat ng sagot. Sa mga nagkocomment o magkocomment pa lang ng BOOK TWO
PLEASE, ay, posible ang book 2 base sa epilogue right? Pero sad to say wala pa
akong balak gumawa ng book two na karugtong nito, nasabi ko nga sa inyo na balak ko
siyang gawan ng prequel pero matagal pa yon.
Ayun, last, SALAMAT TALAGA. HAHA. Ang kulit ko. Salamat! Salamat! (balak ko pa
namang gawing pormal at mala-FAMAS award speech ang author's note na 'to pero dahil
sadyang ang kengkoy ng mga salitang natatayp ko sa keyboard wag na lang!) Ayun.
-ang nawawalang AnakniRizal
A letter to Jill Morie

It must be hard for you to endure all the pain, but I'd like you to
know that every pain you have is my pain too, I'd like you to know that you're
always part of me that no one can see, but you're always here. Life is painful; it
is the hardest truth that we need to accept for us to move on and make through the
hardships we face every day. We have a life to live and to live means we have to
cherish every moment we have. No matter how dark our world is, a single light
within our hearts can emblaze the goodness in this cruel reality.
Stand up n matter how many times you fall, scream, cry, laugh when
you need to. We're humans and we're beautiful creatures that can create drastically
but beautiful changes. Live, Jill Morie. Long live.
Sincerely Yours,
Demi :)

The Origin
(note: hindi po ito special chapter, nais ko lamang po ibahagi sa inyo kung paano
ko nasimulan ang TPT. Salamat! Maaaring basahin kung kayo'y interesado)

The origin

The Story
Gusto ko sanang ibahagi sa inyo kung paano nagsimula ang lahat, o kung paano ba
nabuo ang nobelang ito. Sa totoo lang hindi naman talaga planado ang lahat sa
simula pa lang. Alam 'to ng mga kauna-unahang readers ng kwentong ito way back
2013, hindi naman talaga "The Peculiars' Tale" ang title ng kwento kundi "The
Heartbreaker's Tale" at magkaiba rin ang unang naisip kong story line.
Sa THBT, ang planong takbo ko lang na istorya ay iikot sa eskwelahan, iikot din
yung kwento sa mga tao roon, sa mga kaibigan ni Jill at sa kanila ni Morris. Isang
'cold-heart-breaker' na may kakayahang makakita ng hinaharap, si Morie, kung saan
ireresolve niya yung bawat conflict ng mga kaibigan niya hanggang sa maresolve nila
yung conflict nila ni Morris. Oo, science-fiction, teen-ficiton, slice of life plus
romance talaga ang motibo ng kwentong ito dahil alam naman natin na ang genre na
romance at teen-fiction ang patuk na patok sa wattpad noon.
Hindi nagtagal, habang dinidevelop ko yung mismong kwento napapaisip ako palagi,
natsachallenge ako sa mga tanong ko na 'yon kaya every chapter nagbibitaw ako ng
misteryo, hanggang hindi ko na namalayan na ang lalim na pala ng nahukay ko na
misteryo. Isang araw na nga lang napagpasyahan kong ibahin ang title at ibahin ang
focus ng genre ng kwento. Nang mapansin kong napupukaw ko ang atensyon ng ilang
mambabasa, sinamantala ko 'yon upang ipasok ang iba't ibang punto o aspeto ng mga
bagay-bagay na hindi kadalasang mababasa sa wattpad. Now, the story's aim is to be
unique among wattpad 'typical' stories kaya talagang pinag-isipan kong mabuti ang
bawat pangyayari upang mas maging kakaiba ito.
At hindi ako nagsisisi na ibahin ang focus ng genre dahil lubha akong nasisiyahan
sa naging takbo at katapusan ng ginawa kong kwento.
Inspiration
Kung mapapansin niyo ang culture ng TPT noong simula ay parang katulad ng sa mga
Japanese, oo, inaamin ko na I'm really fond of their culture specially yung school
system nila kaya yung simula ng TPT ay ma-aura-han mo ng may pagka-anime o j-drama-
ish.
Pero ano ba talaga ang pinakahugot ng TPT? Kapag sa tuwing may nagtatanong niyan
sa'kin ang palagi kong sinasabi sa kanila eh base 'yon sa mga nagiging experience
ko sa buhay. Yup, noong simula ng college life ko doon nagsimulang maging 'rocky' o
parang nasa roller coaster ang takbo ng buhay ko. So everytime na may mangyayaring
bago o kakaiba, doon ako humuhugot ng inspirasyon. (Mas better yung ganito compare
sa makukuha mo yung inspiration sa nabasa mo, o kaya napanood mong palabas kasi may
tendency 'yon ng influence katulad ng sinabi ko nung una na mala-anime)
Example ng real-life-experience inspiration ko na nilagay ko sa TPT yung
Recollection part, may time kasi noon na nag-out of campus kami somewhere in Laguna
para sa Journalism workshop sa school, may portion na nangyari na magtutulungan
dapat kami dun sa challenge pero hindi kami magkaintindihan kasi nagkakagulo lahat,
tapos sumigaw yung isang kuya na kasama namin na kung hindi kami magtutulungan
hindi namin masosolve yung challenge, doon ko nakuha yung eksena ni Tamaki na
minura niya yung mga classmates niya para magtulungan sila (kung natatandaan niyo
pa sa part two) Tapos nagcamping din kami noon sa Mt. Makiling tapos kung anu-ano
ring pinagawa sa'min doong challenge at obstacle courses, doon nabuo sa imagination
ko yung Villa Barbara, kung saan pinaglaruan sila ni Miss Karen sa Recollection,
saya kaya.
Another example, yung naglakad kami riles ng PNR habang papunta sa bahay ng
classmate namin, tapos yung sumakay kami sa "trolley" along din sa riles ng PNR,
doon ko nakuha yung "Ang Daambakal". Na-inspire ako dun sa dumaan yung trolley
namin sa tulay tapos yung tipong open as in open, makikita mo sa baba yung ilog,
isang talon mo lang pwede kang mamatay sa lunod, haha. Tapos naimagine ko paano
kung nasa tren sila Jill tapos babagsak sa ilog yung sinasakyan nila.
Minsan din kaming nagtrip sa Vigan, and on the way pa lang sobrang ganda ng mga
tanawin, puro matataas na bundok, basta ang mystical and enchanting nung mga lugar.
Ayun nga, sa bawat pangyayari sa buhay ko habang sinusulat ko yung TPT doon lang
ako kumukuha ng mga hugot at inspirasyon, kaya masasabi kong naging unique ang
kwento ko dahil nga sa mga totoong karanasan ko. (Mas madaling magsulat ng kakaiba
pag ganon, pramis.) Maraming marami pang iba na hugot from real life ang TPT pero
hindi ko na pwedeng isa-isahin lahat kasi yung iba masyadong personal atsaka kulang
ang isang araw para ikwento sa inyo. Haha.
The Names
Naming a fictional character, iyan siguro ang isa sa pinakapaborito kong parte ng
paggawa ng kwento. Una sa lahat dapat maging unique yung name ng character mo para
madali siyang tumatak sa isip ng mga readers. Ang mga sumusunod na ilang pangalan
sa TPT ay ipapaliwanag kung saan nagmula:
1. Jill Morie- May kaibigan kasi ako na may "Marie" sa pangalan at
pinalayawan namin siyang "Murai". Sa kanya ko talaga binase yung name kasi siya
yung inaasar kong "Heartbreaker" noon, kaya naisip ko na gawing "Morie" yung
"Marie/Murai" bilang apelido, coincidently (late ko na nadiscover) in Greek
mythology may tinatawag na "Moirai" or "Moerae" na ang ibig sabihin ay fate, pati
in Japanese may word na "Mirai" na ang ibig sabihin ay future. While the name
"Jill" is not really Jillianne, kumbaga naisip ko na lang na gawin siyang Jillian,
Jillanne, Jilliann (puro mali kasi spelling noong unang chapters haha.) Kahit na
simple at common yung name na "Jill" para sakin bagay siyang idugtong sa unique na
pangalan, parang katulad ng kay "Jill Valentine" sa larong resident evil (one of
the best female hero character ever) kaya ang bad-ass tuloy ng name na "Jill."
2. George Morris- Ang pangalang "Morris" ay nagmula sa pangalan ng totoong
tao na naging crush noon ng kaibigan ko, kaya sa kanya ko kinuha yung name na 'yon
and somehow yung character nila ay magkapareho, aloof at misteryoso. Yung George ay
nakuha ko rin sa first name ng totoong 'Morris' kasi letter G yung first name niya.
Haha.
3. Karen Italia- Isa sa mga paborito kong pangalan yung 'Karen' kahit na
sobra as in sobrang common and mainstream niya na pangalan. Haha. And believe it or
not nakuha ko yang pangalan na 'yan sa kaibigan kong writer din dito sa wattpad, si
Karen Ramirez (I bet kilala niyo siya hehe) May sinabi kasi sakin si Kah noon about
'teaching profession' kaya sa kanya ko hinugot yung name (sikret na lang yon haha).
While yung apelidong "Italia" ay nakuha ko sa guidance councillor namin noong
highschool.
4. Jing Rosca- Aaminin ko na, na nakuha ko talagang ipangalan si Jing Rosca
sa isa ring writer dito sa wattpad na si Jhing Bautista. Tinanggal ko lang yung
letter h para maipush ko yung real name na "Jinnie", bakit 'Jing'? Una, naisip ko
kasi magkaibigan sila ni Karen kaya ayon, haha, atsaka ang angas kasi ng name na
yan kahit parang pangkanto siya maangas, astig, at hindi basta-basta nababagsak.
Yung "Rosca" actually pangalan din ito ng totoong tao na pinaiksi lang (lalaki siya
at kaibigan ko) haha.
Lahat ng pangalan ng characters ng TPT ay may kanya-kanyang hugot at dahilan pero
silang apat yung pinaka-importante para sa'kin.

Author's note:
Ayun hanggang dito na lang muna ang pagbabahagi ko tungkol sa TPT, kung paano siya
nabuo. Haha. Willing naman akong sumagot ng mga curious questions niyo about TPT.
Oo nga pala, regarding sa special chapters, abang-abang na lang tayo mga guys, di
ko pa alam kung kailan ko mapopost. Sa book 2, kung meron man mas uunahin ko po
yung prequel (The story before Jill Morie) pero matagal pa (dahil busy tayo huhu)
So far may mga nag-alok ng publishing keme sa TPT pero di ko tinanggap, bakit? Sa
TAMANG PANAHON pa guys. Hahaha. Kaya sa mga nagwiwish na sana mapublish to, maging
libro, movie, o whatever, salamat sa prayers haha. Balang araw, hintay lang tayo :)
May gumawa ng group page sa face book, si Grace, na "We are The Peculiars",
https://www.facebook.com/groups/845085488879639/ (nasa external link) sa mga
gustong magjoin, join lang kayo. Haha. Sa twitter pwede niyo kong kausapin @demiott
haha
Ayun, salamat! Ingat tayong lahat :)

PREQUEL: MNEMOSYNE'S TALE

Hi guys, gusto ko lang i-announce na meron na pong prequel ang TPT, ang Mnemosyne's
Tale. Napost ko na yung Chapter 1 nitong December 1 pa and hopefully matapos ko
siya agad para sa sequel, I won't make it long katulad ng sa TPT pero gusto ko lang
ipakita yung pinaka-origin ng TPT.
The main character's name is Sigrid Ibarra, sa first chapter ipinakita na meron
siyang Eidetic Memory o yung tinatawag nilang Photographic Memory, at dahil nga
prequel siya, this is the story before Jill Morie, so the story's setting is almost
30 years ago, mga nasa 1980s.
Ayun lang. Salamat! Haha, just check the story sa profile ko :)

TPT Special Chapter: [1] The Disappearance of Jill Morie


"SIGURADO ba kayong ito yung bahay?" hindi pa rin maitago ang pagkalula nilang
walo, nasa harapan sila ng isang malaking gusali, hindi nila masilip ang pinaka-
bahay sa loob dahil sa sobrang taas ng mga pader.
"Oo men, ito yung address ng bahay na nakalagay sa yearbook natin eh." Kakamut
kamot na pahayag ni Tadeo sa nagtanong na si Baldo habang hawak-hawak ang isang
pirasong papel na naglalaman ng adres ng lugar kung nasaan sila ngayon.
"Wala pa ring sumasagot." Naiinip na wika ni Stephen habang pilit na pinipindot ang
intercom kahit na kanina pa walang sumasagot sa kabilang linya. Si Penelope nama'y
tahimik lang na nag-aalala sa isang tabi, kasama rin sa paghahanap nila sila
Sabina, Tamaki at Ireneo na nahihiwagaan din sa mga nangyayari.
Samantalang at si Aya na nakatitig lang sa isang lumang larawan, yung Christmas
party picture nila sa rooftop ng school. Sa kanilang walo, si Aya ang pinaka
nagugulumihanan sa mga nangyari. Isang taon na ang lumipas magmula ng naka-graduate
sila ng White Knights Academy, may kanya-kanya na silang buhay ngayon sa bawat
university na pinapasukan nila. Ngunit subalit isang araw ay nagising sila sa isang
pangyayari, sa isang iglap biglang nagbalik lahat ng mga naglahong alaala.
Nagulat sila pare-pareho nang bumukas bigla ang automatic sliding gate, wala silang
inaksyang pagkakataon at pumasok sa loob.
"T-tao po?" tawag ni Aya nang marating nila ang pinaka-entrada ng malaking bahay.
"Guys, mukhang walang tao sa loob?" nag-aalangang pahayag ni Penelope, hindi
maiwasang kagatin ang kuko sa daliri dahil sa tensyon na nararamdaman.
Nanatili lang silang walo na nakatayo hanggang sa lumabas mula sa loob ang isang
matandang lalaki, pormal ang suot nito at inakala nila na ito ang may-ari ng bahay,
ngunit hindi ito ang taong alam nila na may-ari mismo..
"Ah, magandang hapon po." Magalang na pagbati ni Sabina na sinundan din nila.
"Anong maitutulong ko sa inyo?" nakasalamin ito at namumuti na lahat ng buhok,
mababa at malalim ang tono ng boses.
"We just want to confirm kung ito po ba ang home address ni Lily Cortez-Morie?"
tanong ni Ireneo na siyang nakadiskubre kung ano ang tunay na koneksyon ni Jill at
Lily sa isa't isa, at siya ring may pakana na pumunta sila sa kinaroroonan nila
ngayon.
"Dito nga." Mapagkumbabang sagot ng matandang lalaki.
Nagkatinginan silang walo at sinundan iyon ng pahayag ni Stephen, "Mga classmates
po kami ni Lily... Pero hindi po siya ang hinahanap namin." May balita sila na nasa
America na ang buong pamilya nito, at doon na rin nag-aaral ng college si Lily,
pero katulad ng sinabi ni Stephen hindi siya ang hinahanap nila.
"Gusto po naming malaman kung nasaan si Ji..." parang nakalunok ng kung ano si Aya
at parang ayaw ituloy ang buong pangalan ng kaibigan―ng kaibigan na matagal niyang
nakalimutan.
"Nasaan na si Jill Morie ngayon?" si Tamaki ang naglakas loob na ituloy kung ano
ang gustong sabihin ni Aya.
Hindi kaagad nakasagot si Albert, hindi sa hindi niya alam kung ano ang isasagot sa
mga batang nasa harapan niya ngayon, pero dahil hindi niya alam kung paano
ipapaliwanag sa kanila kung ano ang ginawa niyang kalupitan sa mga alaala nito.
Naghihintay silang lahat sa isasagot ng matandang lalaki ngunit nabigla sila ng
umiling ito at sinabing, "I am sorry but there's no such person lives here."
"P-pero magkapatid sila ni Lily hindi po ba?" si Baldo na natagkukumuyos ang
kalooban. "Dito nakatira si Richard Morie na tatay ni Jill!"
"Kung wala na kayong ibang kailangan maaari na kayong umalis." Magalang silang
pinaalis ng matandang lalaki, wala silang nagawa at lumisan sila ng lutgar na 'yon.
Naiwan si Albert, tinatanaw ang mga kabataang tinanggalan niya ng mga alaala.
Nangako siya kay Jillianne na buburahin niya ang mga alaala nito kung saan kasama
siya, ngunit hindi niya iyon tinupad, temporary memory loss ang ginawa niya, isang
taon ang lumipas at muli ring bumalik ang ginawa niyang pagbura sa mga alaala nito
katulad ng mismong ginawa niya kay Jill noon. Hindi niya kayang burahin ng tuluyan
ang bawat importanteng memorya ng isang tao. Alam ni Albert na importante kay Jill
ang mga kaibigan niya, pero alam niyang hindi pa rin tama ang desisyon nito na
burahin ang mga alaala ng kahapon na ganun lang.
Nagdahilan na lang siya ng ganon kaysa sabihing naglaho ng tuluyan si Jill sapagkat
hindi maiintindihan ng mga 'to kung anong klaseng mundo ang meron sila―silang mga
Peculiar.
'Ito ang tama.' Wari niya sa isip hanggang sa muli siyang pumasok sa loob ng bahay.

*****

HINDI pa rin sila makapaniwala sa lahat-lahat ng mga nangyayari ngayong


kasalukuyan. Naglalakad sila Aya, Baldo, Stephen at Penelope, nauna nang umuwi yung
iba nilang kasama dahil may kanya-kanya pang mga lakad.
"Malakas yung kutob ko na nagsisinungaling kanina yung lalaki." Binasag ni Aya ang
katahimikan.
"Akala ko ako lang ang nakaramdam," sumunod si Baldo, "Halata naman na hindi totoo
yun eh."
"Pero bakit? Bakit kailangang itago si Jill sa'tin?" si Penelope, "H-hindi
kaya...iyon yung ginusto ni Jill?" Napatingin silang lahat kay Penelope pero walang
inusal, naisip din na tama ang sinabi nito.
Hindi man nila alam kung ano ang nangyari kung paano nila nakalimutan si Jill noong
mga panahong magkakasama sila nang papalapit ang graduation, at kung paanong
biglang bumalik lahat ng mga alaala. Ang mahalaga sa kanila ngayon ay malaman kung
nasaan si Jill at sa kanya mismo malaman kung ano ang nangyari, ano ang dahilan ng
bigla nitong paglaho sa buhay nila.
"Naglaho si Jill dahil merong dahilan." Naglakas loob si Stephen na magsalita,
"Alam ko, meron siyang dahilan kung bakit..."
Napahinto sila nang marating nila ang White Knights Academy, ang lugar kung saan
sila nagtagpu-tagpo taon na ang lumipas. Nagpaalam sila sa guard na kukuha ng
yearbook kahit na ang totoo nakuha na nilang lahat yung kanila, gusto lang nilang
pumasok muli sa loob. Papauwi pa lang lahat ng mga estudyante dahil lagpas ala
singko na ng hapon.
Dumiretso sila sa dati nilang classroom, wala ng tao sa loob kaya malaya silang
nakapasok at umupo sa mga dati nilang pwesto.
"Naalala niyo pa yung first day of class natin kay Miss Karen?" tanong bigla ni
Baldo, "Grabe, takut na takot kagad tayo sa kanya kasi ang creepy ng mga sinabi
niya. Tungkol sa buhay...tungkol sa future..."
"Oo nga. Lalo na yung ginawa niya sa'tin nung recollection." Si Stephen.
"Hoy, wag niyo na nga ipaalala yung recollection utang na loob." Si Aya na
nangingilid yung luha hindi dahil sa pait ng alaala ng recollection, pati na rin
mga alaala na iniwan nila sa loob ng apat na sulok ng silid na 'to. Natahimik na
naman silang apat, sabay-sabay inalala ang kahapon.
"Maybe―" napatingin sila sa nagsalitang si Penelope, "Maybe Jill did it on
purpose...again." Nag-angat siya ng tingin at tiningnan ang mga kasama, "You
see...si Jill...siya yung pinaka-cold na tao na maeencounter mo pero... ang
totoo... she deeply cares for us. Kaya...naniniwala ako na... ginawa niya 'to
sa'tin ng may dahilan."
"Alam mo...tama ka." Si Baldo. Sumang-ayon din sila Aya at Stephen, pagkatapos
tumingin sila sa may pisara, iniimagine na nakatayo roon si Miss Karen at
nagkaklase sa harapan nila pati na rin ang iba nilang mga kaklase at kaibigan―pati
si Jill.

****

Author's Note: One year ago, humingi ng pabor si Jill kay Albert (telepath) na
burahin yung memories ng mga kaibigan niya kung saan involve siya, pero hindi alam
ni Jill na temporary memory loss lang yung ginawa ni Albert kaya bumalik ulit yung
memories nila Aya. I just also want to explain na yung memory lang nung friendships
nila yung bumalik, hindi kasama yung memories nila involving Memorie.

TPT Special Chapter: [2] Why She Stayed

UMUULAN, nakatanaw lang si Karen sa labas ng bintana habang nakaupo, pinapanuod ang
pagbuhos ng ulan sa mga puno at halaman. Hinihintay niya ang kapatid, sumulyap sa
orasan at nakitang pasado alas tres na ng hapon. Tumayo siya at pumunta ng kusina,
kumuha ng tubig mula sa ref, sinalin sa baso at ininom 'yon. Bumalik ulit siya sa
sala at umupo, tinanaw muli ang labas.
Narinig niya ang tunog ng susi, bumukas ang pinto at nakita niya ang kapatid.
Ngumiti ito sa kanya at lumapit.
"Kamusta?" araw-araw siyang kinakamusta ni Jill magmula noong malaman nito na
nagdadalang tao siya, sa katunaya'y kabisado na niya ang tanong nito kada araw,
"Kumain ka na ba?" tumango lang siya bilang sagot, sinundan niya ito ng tingin nang
pumunta ito sa kusina para uminom din ng tubig. Araw-araw parehas lang din ang mga
sagot niya, marahil ay naiilang ang kapatid niya na magtanong ng tungkol sa iba
pang mga bagay at hindi rin niya alam kung handa ba siya na sumagot.
Pumanhik si Karen sa silid niya sa ikalawang palapag ng bahay, humiga siya sa kama,
tumitig sa kisama at sinapo ang tiyan. Narinig niyang bumukas ang pinto, may mga
yabag na papalapit, nakita niya si Jill sa tabi ng kama, maya-maya'y sumampa ito at
tumabi sa kanya.
"Ate." Tawag ni Jill sa kanya, tumagilid ng higa si Karen para magkaharap sila.
"Hmm?" may kutob si Karen na may nais itanong ang kapatid sa kanya.
"That day," nakatitig sila sa mata ng isa't isa, "Why did you stayed?" walang bakas
ng kahit ano ang emosyon na tanong sa kanya ni Jill. Tama nga ang kutob niya.
"Anong ibig mong sabihin?" balik tanong niya.
"Noong araw na binaril mo si Cairo, mas pinili mong magpaiwan kaysa sumama sa'kin."
Pagkasabi nito'y kaagad bumalik sa kanyang memorya ang mga pangyayari noon,
"Iniisip ko pa rin hanggang ngayon kung anong dahilan mo kung bakit ka nagpaiwan."
"Ahh. That day." Napahinga siya ng malalim. Kahit na wala na siyang kakayahang
makakita ng hinaharap, it feels like Karen knew that this moment will happen, she
already knew that her sister would probably ask about it. Pumikit saglit si Karen
para alalahaning maigi ang araw na 'yon, kung ano ba ang tunay na dahilan kung
bakit siya nagpaiwan. Dumilat siyang muli at nakita na naghihintay si Jill sa
kanya.
"I stayed because..."
'I wanted to be with him' she first thought but she hesitates.
"You wanted to be with him." Nagulat siya sa sinabi ni Jill.
"No. It's not like that." Ngunit tumanggi pa rin siya, "It was hard for me to
choose you know. I wanted to be with him and at the same time I wanted to kill
him."
This time si Jill naman ang nagulat sa sinabi niya. Hindi makapaniwala sa huli
niyang sinabi na ninais niyang patayin si Cairo.
"He raped me."
"At ito ang naging bunga?" tinutukoy ni Jill ang nasa sinapupunan niya. "Kung gusto
mo siyang patayin noong mga oras na 'yon, bakit ginusto moo pa ring manatili sa
tabi niya?" nalilitong tanong ni Jill.
"Did you know that kind of feeling... Ambivalence maybe? I was feeling two opposing
emotions at the same time, pulling me in different way...Gusto kong makasama siya
because..."
'Mahal kita hanggang ngayon, Karen.' She remembered those last words of Cairo after
what he did to her.
"Because?"
"I don't know Jill. You see, I am consider myself as a rational being pero that
time wala ako sa sarili." Then she told her what happened when they left her on
that moment. Ikinuwento ni Karen kay Jill na pagkaalis nila noon ay muli niyang
pinulot ang baril na ginamit niya kay Cairo.
'B-bakit.' Ang tanong nito sa kanya noon habang pinapanood niya na naliligo ito sa
sariling dugo. Tinutok niya muli noon ang baril kay Cairo, handang patayin ito
ngunit nagtatalo ang emosyon niya ng mga oras na 'yon. Alam niya noon pa na
magkakabunga ang nangyari sa kanilang dalawa kung kaya't hindi niya mawari kung
anong dapat gawin.
"Bakit hindi mo siya pinatay?" tanong ni Jill, "Kasi mahal mo pa rin siya?"
"No." maybe she did loved him but it was the old Cairo. "I want him to suffer the
same pain. Kaya tinutok ko sa sarili ko noon yung baril."
'K-karen? P-put that gun down!' sinigawan siya ni Cairo noon kahit na tila
naghihingalo na 'to sa dami ng dugo na nawawala sa katawan, pero alam niya kung ano
ang mas papatay dito. Siya. She knew that he dearly loves her kaya gusto niyang
maranasan ang sakit na naranasan niya mula sa kamay nito.
"You tried to kill yourself?" Jill said with disbelief. "God, kung alam ko lang
kaagad kung anong balak mong gawin noon sana kinaladkad ka namin kasama namin." She
chuckled, inirapan siya ng kapatid. Jill really thought na kaya nagpaiwan si Karen
dahil mahal nito si Cairo.
Karen continued her story. Tinutok niya sa noo noon ang baril at nakita niya kung
paano nagpupuyos si Cairo. Pero may pumigil sa kanya.
"Morris came and he stopped me."
"Si Morris?"
"Yes."
Natahimik sila pareho ni Jill. Napagtanto nila kung ano ang pinag-uusapan nila, ang
nakaraan, ang nakaraang pilit nilang kinalilimutan. Kaya hindi na kumibo pa si
Jill, hindi na rin umimik si Karen. Kahit matagal ng tapos ang alaala na 'yon, alam
nila sa isa't isa na masakit pa rin hanggang ngayon ang nakaraan.
"I'm sorry." Bulong ni Jill. Umiling siya. "Can I...Can I ask...lastly?"
"Go ahead."
"Do you still love him?"
For a few seconds Karen didn't respond.
"Not anymore."

TPT Special Chapter: [3] Bring Her Back

"YES! Jackpot baby!"


lagpas bilang ng daliri na siyang nanalo ng sunud-sunod sa slot machine. Halos
malaglag panga ng mama na katabi niya dahil nga sa mga panalo na kuha niya. Matapos
lumapit ang attendant at ibigay lahat ng panalo ay nilikom niya ang mga pera na
napalanunan at nilagay sa loob ng isang leather bag.
Isang normal na gabi na naman para sa kanya dito sa Sentro Casino, nagsawa na siya
sa mga dice table games, Poker, Blackjack, Roulette at kung anu ano pang sugal na
laro. Maya-maya'y tumunog ang cellphone niya na tumatawag si mama o ang
pinakamanager ng club na pinagtatrabahuan niya.
"Hello." Tamad na tamad niyang sagot.
"Jing nasaan ka na?" dinig na dinig mula sa background nito ang ingay ng tugtog,
"Hinahanap ka na ni President Choi," si President Choi ang pinakasuki niyang
customer at sa lahat ng hostess sa club ay siya ang pinakapaborito nito, "Bumalik
ka na rito ngayon na."
"Oo na." binabaan niya ito, binitbit niya ang leather bag at umalis siya sa casino.
Walking distance lang naman ang Angels, ang club na pinapasukan niya, mula sa
casino kung kaya't wala pang dalawampung minuto ay nakarating na siya.

Pagpasok niya ng entrada ay tumutugtog ang Poker Face, sakto sa ekspresyon ng


kanyang mukha. Tila na-magnetize niya ang atensyon ng mga tao sa loob kaya
napapatingin ang mga ito sa kanya. She's wearing a black dress, silver stiletto;
she brushed her curled long hair using her hand exposing her dangling earrings. Her
name is Jinnie, and she hates it.
Sa may bar counter naghihintay ang manager niyang matrona, pagkakita nito sa kanya
ay kaagad itong napapalakpak at lumapit sa kanya.
"Julia!" tawag nito sa kanya, iyon ang alias niya o screen name sa club,
"Naghihintay na sila sa'yo!" halos hilahin siya nito papunta sa silid kung saan
naghihintay sila President Choi at ang mga kasama nito, naroon na rin ang iba pang
mga hostess ngunit siya ang pinakapangunahin, kumbaga siya ang pinaka-star among
them.
Isang normal na gabi lamang ang lahat para kay Jinnie. Nagsimula siya sa trabaho.
Hostessing is unusual job, wherein she is paid by flirting and drinking with some
old men. Pouring drinks, singing endlessly in karaoke, she is paid for smiling,
entertaining, and ignoring every freaking customer who invited her to hotel rooms
after work. This is Jinnie's life every night.

President Choi, sitting beside her, slides his hand on to her leg, Jinnie smiled
and moved it away. Pigil na pigil siya sa pagtataray kahit na gustung gusto na
niyang murahin at sikmurahan ang mamang pinagsisilbihan niya. Pero wala, ito ang
buhay na pinasok niya. After Rosel died, hindi niya sukat akalaing babalikan niya
muli ang ganitong trabaho, dahil wala siyang choice, ito lang ang paraan para
kumita ng pera ng mabilis.
Matapos ang ilang oras at ilang beses na pagyaya sa kanya ng customer na sumama sa
hotel ay natapos din ang gabi. Natagpuan ni Jinnie ang sarili sa banyo at dumuduwal
sa inidoro, sa dami ng ininom niya. Sa pamamagitan ng paglunod ng sarili sa alak,
iyon lamang ang paraan niya para hugasan ang sarili, para kalimutan ang bawat
hawak, haplos, halik, ng kung sinu-sinong hinanapan niya ng pag-ibig.
Hinang hina siyang napaupo sa tabi ng inidoro matapos niyang i-flush ang suka,
"Putang ina." ang palagi niyang nasasambit pagkatapos niyang iluwa lahat.
Pagkatapos ay muli siyang bumangon. Lumabas siya ng banyo at sumalubong ang
manager.
"Magpa-take home ka." Salubong nito sa kanya at gusto niyang ingudngod ang
pagmumuka nito sa sahig dahil sa sinabi.
"Take home? Ano ko assignment?" nanghihina niyang sagot. Aalis na sana siya pero
pinigilan siya nito.
"Kalahating milyon ang binayad sa'kin ng lalaking 'yon! Kaya sumama ka na!" wala
siyang lakas para pumalag kaya nahila siya ng manager niya papunta sa kung saan.
Ayaw niya 'tong patulan hangga't maaari dahil tiyak niyang masasaktan niya 'to.
Kaso ay natulak na siya nito sa isang silid.
"Putragis. " sabi niya ng saraduhan siya ng pinto. Wala na naman siyang choice kund
harapin ang kung sino mang gustong i-take home siya.
"Hello, Jinnie." Napalingon siya at nakita ang isang lalaki na nakaupo sa lounge,
nakadekwatro habang may hawak na kopita sa isang kamay.
Napakunot noo siya.
"Sino ka?"
"Long time no see." Biglang kumabog ng malakas ang kanyang dibdib, "Jinnie. Hindi
mo na ba 'ko natatandaan?" Pilit niyang inalala kung sino ang lalaking nasa harapan
niya, inisip din niya kung naging customer niya na ba 'to dati pero hindi niya
matandaan, "It's me. Cairo."
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. "A-anong sinabi mo?"
"Ako si Cairo, kababata mo. Remember?" ngumiti ito sa kanya at tumayo, medyo
lumapit sa kinaroroonan niya. Pakiramdam ni Jinnie ay natanggal ang pagkalango niya
sa alak at alertong alerto siya ngayon. "I can't believe that you're wasting your
life in this kind of place."
"Anong kailangan mo sa'kin?" direktang tanong niya. "At paano mo nalaman na nandito
ako?!" hindi niya maiwasang maghisterikal dahil halos dalawang dekada na rin ang
lumipas magmula ng huli niya 'tong makia.
"Come on, calm down." Sabi nito, "I am here to get you out from this place."
"Ano? Hindi kita maintindihan."
"Sasama ka sa akin."
"At bakit naman ako sasama sa'yo?" mataray niyang sabi. Maya-maya'y mabilis na may
dinukot si Cairo mula sa likuran at tinutukan siya ng baril. Mabilis si Jinnie at
kaagad niyang kinuha ang baril―sa pamamagitan ng kapangyarihan niya. Parang
namagnet ng kamay niya ang baril kaya hawak-hawak niya na ito.
"Impressive." Manghang mangha na sabi ni Cairo, "You still have your powers." At
marahan pa itong pumalakpak na umaalingawngaw sa buong silid. "You passed the test.
You will come with me, sa ayaw at sa gusto mo."
"Saan mo naman ako dadalhin?"
"Sa Mnemosyne Institute for Peculiars, it's a place where you belong."

*****

"WHAT are we going to do with her? Margaux killed her, she's dead."

"It wasn't part of my plan" Cairo still remembered the day he recruited her, ang
araw kung kailan niya dinala ito sa MIP. And now she's here, lying without a
heartbeat. "Margaux decided without my permission."
"Lord Cairo,"dumating si Magnus kasama ang dalawang estudyante ng MIP na pinatawag
niya, "Lord Vittorio. Kasama ko na sila."
"Sino sila?" Don Vittorio Hermoso, the current chairman, asked. Tiningnan nito ang
dalawangt teenager na kasama ni Magnus, isang babae at lalakeng teenager na may
parehong puting buhok, pareho ring blangko ang mukha, expressionless, na animo'y
robot.
"Sila ang pangalawang successful Peculiar test tube babies, sumunod kila Elizabeth
at Vicente Macaraig. They are the Umi twins. Joha Umi and Bernadette Umi."
Pagpapakilala ni Cairo.
"And so, bakit mo sila pinapunta rito?" tanong ng chairman.
Huminga ng malalim si Cairo bago nagsalita, "They are the most powerful Peculiars."
"Really?"
"Their powers is a matter of life and death."
Napangisi ang chairman, naintindihan na niya kung bakit pinapunta ni Cairo ang
dalawa. Lumapit si Cairo kay Joha at sinabing,
"Bring her back."

xxxxx

Author's Note:
I-eedit ko ulit ang ilang chapters ng TPT, siguro lalagyan ko rin ng pegs
(pictures) dahil ito yung bagong feature ng wattpad (cool, right?).
Jing is one of my favorites Kaya naman katulad ng paulit-ulit na tanong kung may
book 2, the book 2 is on going at iyon yung prequel. Right after I finished it,
susundan ng sequel ng TPT.
Thank you again for reading :)
ps. I dunno why everytime na maririnig ko yung kantang Poker Face ni Lady Gaga si
Jing talaga yung naalala ko. haha!

You might also like