Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Voice Over) “Mga kaibigan, sa ilang sandal po’y magsisimula na ang palatuntunan.

Mangyaring tumahimik na ang lahat.”

1. Mabuhay! Magandang umaga/hapon po sa inyong lahat. Pasalubungan po natin


ng masigabong palakpakan ang mga mag-aaral na magsisipagtapos sa taong
panuruang 2017-2018 sa paaralang elementaryang ___________ kasama ang mga
guro, magulang, punongguro, pinuno at tagapamanihala, tagamasid at
panauhin.
2. Bilang pagbubukas ng palatuntunan, ang madla’y inaanyayahang tumayo para
sa pag-awit ng LUPANG HINIRANG (na pamumunuan ng CHORALE, kung
mayroon) sa pagkumpas ni___________, susundan poi to ng pag-awit ng Himno ng
Lunsod____, pagkumpas ni_______ at ng Panalangin na pamumunuan ni _________
batang nagkamit ng may Mataas na Karangalan.
3. Masasaksihan po natin ngayong hapong/umagang ito ang ika___ taong
pagtatapos sa Paaralang Elementaryang______________. Malugod po naming
ipinababatid na sa mahalagang pagdiriwang na ito ay kapiling natin ang ating
Kagalang-galang na Punong Lungsod, Mayor ___________. Kinatawan ng
Distrito_______,Kgg. _______________, mga Konsehal, at mga Pinuno ng Barangay.
Pangalawang Tagapamanihala, Pinunong Namamahala sa Sangay mga
Paaralang Lungsod,_______________, Tagamasid Pampurok (sa elementarya) na si
___________.
PASALUBUNGAN PO NATIN SILA NG MASIGABONG PALAKPAKAN.

4. Ipakikilala ang mga magsisipagtapos at patutunayan ng ating punongguro, na si


_____________ ang kanilang pagtatapos sa Taong Panuruan 2017-2018 sa
Paaralang Elementarya at susundan poi to ng pag-abot ng katibayan at
paggawad ng medalya sa mga mag-aaral na may karangalan ng ating
pinagpipitagang TAGAPAMANIHALA ng Sangay ng mga Paaralang Lungsod,
Lungsod _______ si _____________, (sa elementarya, ang pagpapatunay ay gagawin
ng Tagamasid Pansangay/Tagamasid Pampurok).
PALAKPAKAN PO NATIN SILA.

5. Pababaunan ang mga nagsipagtapos ng inahahalagang mensahe mula sa ating


dalawang panauhing pandangal na ipakikilala ng ating Punongguro na si
____________.
6. Maraming salamat po. Kagalang-galang na Kongressman at Mayor ng Lungsod
_____, sa inyo pong napakahalagang mensahe na ibinahagi ninyo sa amin sa
araw na ito. Natitiyak po naming na ang inyong mensahe ay magsisilbing
inspirasyon at gabay naming sa pagtahak ng bagong landas ng
pakikipagsapalaran tungo sa maunlad na kinabukasan.
BIGYAN PO NATIN SILA NG MASIGABONG PALAKPAKAN.
7. Ngayon naman pakinggan natin ang pananalita ni _____________, ang nagkamit ng
may Pinakamataas na Karalangan.
8. Hinihiling na magsitayo ang mga nagsipagtapos para sa kanilang Panunumpa ng
Katapatan sa pangunguna ni __________ ang Batang nagkamit ng may mataas na
karangalan.
9. Bago ang pangwakas na Awit, malugod po naming ipinababatid na kapiling din
natin ngayon sina ___________________, ____________________. Kanin apo lamang ay
kapiling din natin si _________________ subali’t dahil po sa iba pa niyang
“commitments” ay nagpasabi po siyang hindi na niya tatapusin ang
seremonyang ito.
10. Ngayon po’y pakinggan natin ang mga nagsipagtapos para sa pangwakas na awit
na pinamagatang, ________ sa pamumunoi ng Chorale, (kung mayroon) at sa
pagkumpas ni _________.
11. Sa ngalan po ng pamumunuan ng aming paaralan at mga guro, taos-pusong
binabati naming ang mga nagsipagtapos, ang kanilang mga magulang, mga
gurong pumatnubay at lubos po kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga
tumulong, nagbigay ng mga medalya at gantimpala, mga panauhing nagsidalo at
nakiisa, sa pagtatapos na ito.
Maraming-maraming salamat po at mabuhay tayong lahat.

You might also like