Francisco Bsa 3a. Modyul 7

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

FRANCISCO,JAMES CAYLE B.

PAGBASA AT PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA


BSA 3A MODYUL 7

III. PANIMULANG GAWAIN

A. BALIK-ARAL
1. Magbigay ng 5 katangian ng isang mananaliksik at ipaliwanag.
 Matiyaga – Bilang mananaliksik ay kinakailangang mayroong iyaga lalo
na sa pagkalap ng mga datos sapagkat hindi ito madaling nakukuha sa
isang tao o lugar lamang.
 Sistematiko – Kinakailangan ang pagkakaroon ng disiplina lalo na sa
pagsunod sa tamang proseso na dapat gawin sapagkat hindi dapat
minamadali ang isang pananaliksik.
 Maingat – Sa pagkuha ng datos, kinakailangan ang masidhing pag-iingat
lalo na sa pagsala ng mga ito kung makatotohanan ba o hindi. Mahalaga
ang makatotohanang mga datos sa pagiging matagumpay ng ginagawang
pananaliksik.
 Analitikal – Kinakailangang may kaugnayan at makatwiran ang
interpretasyon batay sa paksa ng pananaliksik.
 Kritikal – Nararapat ang lubos na pag-unawa sa mga datos na nakalap
upang mapag-isipang mabuti kung paano magagamit ang mga ito sa
paggawa ng solusyon para sa suliraning sinusubukang lutasin ng
isinasagawang pananaliksik.
2. Magbigay ng 3 tungkulin ng isang mananaliksik at ipaliwanag.
 Huwag kumuha ng datos na walang permiso – Kinakailangang ang
pagkalap ng datos ay mayroong pahintulot ng pinagkunan nito bilang
pagpapakita ng respeto at ng disiplina bilang mananaliksik.
 Iwasan ang short-cut – Bagama’t ang pananaliksik ay masasabing
masalimoot na proseso, hindi dapat ito madaliin sapagkat kinakailangan
nito ang mabusising pagsusuri upang maging matagumpay. Kaya ito
naging sistematikong pag-aaral sapagkat may balangkas at tamang
proseso ng pagsasagawa nito.
 Bukas ang isipan sa mga puna at bagong ideya – Nakatutulong ito lalo
na sa pagtatama ng mga pagkakamali upang hindi na ito maulit. Ang
pagkakaroon ng bukas na isipan ay mahalaga sapagkat ang pananaliksik
ay hindi pansarili lamang at dapat isinasaalang alang din ang ibang mga
tao kapaloob nito. Nakatutulong din ang mga bagong ideya sapagkat
nadadagdagan nito ang kaalaman ng magagamit sa susunod pang mga
pananaliksik.
3. Magbigay ng 2 etika ng isang mananaliksik at ipaliwanag.
 Ang mga datos ay confidential - Bilang isang matapat at
responsableng mananaliksik, kinakailangang panatilihin at protektahan
ang pagiging eksklusibo ng mga datos lalong lalo na kung saan o kanino
ito nakalap.
 Paggalang sa karapatan ng iba – Hindi maiiwasan ang mga taong
tumatangging magbigay ng panayam o mga awtoridad na hindi
nagbibigay ng pahintulot na mangalap ng datos sa isang lugar bilang
kanilang polisiya kaya nararapat respetuhin at igalang ito ng isang
mananaliksik at hindi sila pilitin dahil malalabag nito ang kanilang
karapatan at magpapakita ng kawalan ng respeto sa mga patakaran ng
isang pook.

B. PANIMULANG EBALWASYON
1. TAMA
2. MALI
3. TAMA
4. TAMA
5. TAMA

IV. PAGSASANAY

A. Sagutan ang mga sumusunod na katanungan


1. Isa-isahin ang mga bahagi ng pananaliksik, at ipaliwanag sa maikling
paraan sa sariling pangungusap kung ano ang mga nararapat na
nakalagay sa bawat bahagi nito.
I. SULIRANIN AT KAPALIGIRAN – nakapaloob dito ang Rasyunal,
Paglalahad ng Suliranin, Kahalagahan ng tinatalakay, Batayang
Konseptuwal, at ang Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral.
II. METODO NG PANANALIKSIK - nahahati ito sa apat na bahagi na
kinabibilangan ng Disenyo ng pananaliksik, Mga respondante,
Instrumento ng pananaliksik, at Tritment ng mga datos.
III. PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS – dito ay
sinusuri ang mga datos at binibigyan ito ng interpretasyon pati na
rin ang mga paliwanag ng mga ito.
IV. PAGLALAHAD NG RESULTA NG PANANALIKSIK- nakapaloob
sa bahaging ito nang isa-isa at malinaw ang mga nagingkasagutan
sa bawat suliranin o tanong o layunin ng isinagawangpananaliksik.

You might also like