Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

FRANCISCO,JAMES CAYLE B.

PAGBASA AT PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA


BSA 3A MODYUL 10

III. PANIMULANG GAWAIN

A. BALIK-ARAL
1. Magbigay ng 5 katangian ng isang mananaliksik at ipaliwanag.
 May tiyak na paksa at layunin – Ang paksa at ang layunin ang
nagsisilbing direksyon ng ng mananaliksik sa kanyang gawain.
 Matiyaga – Pagiging matiyaga sa pagkalap ng impormasyon at
pagsusuri ng mga ito ay kinakailangan para magkaroon ng wastong
interpretasyon ang ginagawang pananaliksik
 Masipag at masigasig – Ang katamaran ay walang naidudulot sa
isang pananaliksik at nagreresulta sa hindi pagkatapos nito. Ang
tagumpay ng isang pananaliksik ay nakakamit kung mayroong sigasig
sa pagkalap ng mga kinakailangang datos at impormasyon.
 Masistema – May mga nakatalagang bagay na kinakailangang
makamit o magawa sa itinakdang panahon na nagpapakita rin ng
disiplina at pagiging organisado bilang mananaliksik.
 Magaling magsiyasat – Sinusuring mabuti ang mga nakalap na
impormasyon kung ito ba ay may kaugnayan at kabuluhan sa paksang
sinasaliksik.
2. Magbigay ng 3 tungkulin ng isang mananaliksik at ipaliwanag
 Huwag kumuha ng datos na walang permiso – Kinakailangang ang
pagkalap ng datos ay mayroong pahintulot ng pinagkunan nito bilang
pagpapakita ng respeto at ng disiplina bilang mananaliksik.
 Iwasan ang short-cut – Bagama’t ang pananaliksik ay masasabing
masalimoot na proseso, hindi dapat ito madaliin sapagkat
kinakailangan nito ang mabusising pagsusuri upang maging
matagumpay. Kaya ito naging sistematikong pag-aaral sapagkat may
balangkas at tamang proseso ng pagsasagawa nito.
 Bukas ang isipan sa mga puna at bagong ideya – Nakatutulong ito
lalo na sa pagtatama ng mga pagkakamali upang hindi na ito maulit.
Ang pagkakaroon ng bukas na isipan ay mahalaga sapagkat ang
pananaliksik ay hindi pansarili lamang at dapat isinasaalang alang din
ang ibang mga tao kapaloob nito. Nakatutulong din ang mga bagong
ideya sapagkat nadadagdagan nito ang kaalaman ng magagamit sa
susunod pang mga pananaliksik.
3. Magbigay ng 2 etika ng isang mananaliksik at ipaliwanag
 Ang mga datos ay confidential - Bilang isang matapat at
responsableng mananaliksik, kinakailangang panatilihin at protektahan
ang pagiging eksklusibo ng mga datos lalong lalo na kung saan o
kanino ito nakalap.
 Paggalang sa karapatan ng iba – Hindi maiiwasan ang mga taong
tumatangging magbigay ng panayam o mga awtoridad na hindi
nagbibigay ng pahintulot na mangalap ng datos sa isang lugar bilang
kanilang polisiya kaya nararapat respetuhin at igalang ito ng isang
mananaliksik at hindi sila pilitin dahil malalabag nito ang kanilang
karapatan at magpapakita ng kawalan ng respeto sa mga patakaran
ng isang pook.

B. PANIMULANG EBALWASYON
1. KATOTOHANAN
2. OPINYON
3. KATOTOHANAN
4. KATOTOHANAN
5. KATOTOHANAN

IV. PAGSASANAY

A. Sagutang ang mga sumusunod na katanungan

1. Isa-isahin ang mga bahagi ng pananaliksik, at ipaliwanag sa maikling paraan


sa sariling pangungusap kung ano ang mga nararapat na nakalagay sa bawat
bahagi nito

 Kabanata 1. Paglalahad ng Suliranin at Saligang Pangkasaysayan


 Rasyonal, Panimula o Kaligiran ng Pag aaral (Rational,
Intrduction, Background of the Study) - Inilalatag dito ang isyu o
problema na nag-udyok sa mananaliksik upang isagawa ang
pananaliksik.
 Pagpapahayag ng Suliranin (Statement of the Problem) - Ang
bahaging ito nagsisiwalat ng mga suliraning target na matatagpuan
ang solusyon sa pamamagitan ng pananaliksik.
 Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral (Objective and Significance
of the Study) - Ipinapahayag sa bahaging ito ang layunin ng
pananaliksik at ang sa palagay ng mananaliksik na maitutulong nito sa
lipunan kasangkot at sa pangkalahatan.
 Batayang Konseptuwal o Teoretikal na Gabay
(Conceptual/Theoretical Framework) - Sa bahaging ito nilalahad ang
teorya o konseptong pagbabatayan ng pag-aaral.
 Saklaw at Delimitasyon (Scope and Limitation) - Ipinakikita sa
bahaging ito ang lawak ng sakop na ginagawang pananaliksik.
 Pagbibigay-Kahulugan sa mga Katawagan o Terminolohiya
(Definition of Terminologies) - Dito binibigyan kahulugan ang mga
salitang mahahalaga o pili na ginamit sa pananaliksik.

 Kabanata 2. Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral (Review of


Related Literature)
 Ang bahaging ito ay ang mga nabasa, napag-aralan ng mananaliksik
na akda, artikulo na kaugnay na kapareho ng ilang aspeto ng kanyang
pag aaral na nabasa niya buhat sa mga libro, pahayagan, magasin,
journal, at iba pang katulad na uri at sa mga tesis o disertasyon.
Nahahati ito sa dalawang bahagi: ang Lokal na Literatura at Pag-aaral
at Dayuhang Literatura at Pag-aaral. Sa pagsulat ng bahaging ito ng
pag-aaral, mahalaga na maglagay ng parenthetical citation bilang
pagtupad sa etika ng pananaliksik.

 Kabanata 3. Metodolohiya
 Disenyo ng Paglalahad. - nililinaw kung anong uri ng pananaliksik
ang kasalukuyang pag-aaral.
 Pagkuha ng mga kasama Kasangkot sa Pag-aaral - malinaw na
binibigyang-kahulugan ang mananaliksik kung sino-sino ang target
niyang isangkot sa pag-aaral at ang pamamaraan ng pamimili.
 Metodo ng Pag-aaral. - Dito inilalahad ang metodong ginamit ng
mgamananaliksik sa pag-aaral.
 Kalahok sa pag aaral - sa bahaging ito tinatalakay kung sino sino ang
kalahok sa pag-aaral.
 Instrumentasyon sa Pangangalap ng Datos. - inilalarawan ang
paraang ginagamit ng pananaliksik sa pangangalap nng mga datos at
impormasyon.
 Statistical Treatment ng Datos. - Ipinapaliwanag din sa bahaging ito
kung papaano ginamit at trinato ang mga numerong nakuha.
 Kabanata 4. Presentasyon at interpretasyon ng mga datos
 Sa kabanatang ito inilalahad ang mga datos na nakalap ng
mananaliksik sa pamamagitan ng tekstwa at tabular o grafik na
presentasyon. Sa teksto, inilalahad ng mananaliksik ang kanyang
analisis o pagsusuri.

 Kabanata 5. Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon


 Lagom - Dito binubuod ang mga datos at informasyong nakalap ng
mananaliksik na komprehensivong tinatalakay sa kabanata III.
 Konklusyon - Ito ay mga inferenses, abstraksyon, implikasyon,
interpretasyon, pangkalahatang pahayag, at/o paglalahad batay sa
mga datos at informasyong nakalapng mananaliksik.
 Rekomendasyon - Ito ay ang mga mungkahing solusyon para sa mga
suliraning natukoy o naatuklasan sa pananaliksik.

 Appendiks
 Maaaring ilagay o ipaloob dito ang mga liham, pormularyo ng
ebalwasyon, transkripsyon ng interbyu, sampol ng sarvey-
kwestyoneyr, bio-data ng mananaliksik, mga larawan, kliping, at kung
anu-ano pa.

V. PANGWAKAS NA EBALWASYON

1. Haypotesis 19. Sintesis


2. Dokumentasyon 20. Pananaliksik
3. Talababa
4. Parentikal
5. Balangkas ng Metodolohiya
6. Konklusyon
7. Pangunahing datos
8. Sekundaryang datos
9. Layunin
10. Datos
11. Pagsasalin
12. Balangkas
13. Bibliograpi
14. Burador
15. Suliranin
16. Alternatibong palagay
17. Walang bisang haypotesis
18. Kahalagahan ng pag-aaral

You might also like