Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 25

Namumuno: Pambungad na Panalangin

Lahat: Ama naming Makapangyarihan, / pinasasalamatan Ka namin / sa

pagbibigay Mo ng isang uliran / at mapag-ampong Pintakasing si San
Isidrong Magsasaka. / Pinagkalooban Mo siya ng mahal na biyaya / at
kapangyarihan ni Moises, / na kahit sa kapatagan / ay nakapagpapabukal
siya ng tubig. / Binigyan Mo rin siya ng katapatan / at kasipagan / na hindi
ang lupa lamang ang pinagsumakitan niyang linangin at pag-anihan. /
Kundi pati kaluluwa niya’y / pinagsikapang maging malinis at dalisay. /
Hinihingi namin sa Iyo, / maawaing Diyos, / na alang-alang sa
mapaghimalang Santo / na si San Isidro Labrador, / ipagkaloob Mo sa
amin ang biyaya / upang matularan namin ang kanyang mga halimbawa /
sa paggawa ng kabutihan at kabanalan. / Pagpalain Mo ang aming mga
magsasaka / at manggagawa at gantimpalaan sila / at kaming lahat ng
masaganang ani ng Iyong pagpapala. / Hinihiling namin ito / sa
pamamagitan ni Jesukristo na aming Panginoon / magpasawalang
hanggan. / Amen.
Namumuno: Litanya sa Mahal na Patron San Isidro Labrador
Panginoon, maawa Ka sa amin………………………… Panginoon, maawa Ka sa amin.
Kristo, maawa Ka sa amin……………………………………..Kristo, maawa Ka sa amin.
Panginoon, maawa Ka sa amin………………………… Panginoon, maawa Ka sa amin.
Diyos Ama sa Langit, maawa ka sa amin
Diyos Anak na tumubos sa Sanlibutan, maawa ka sa amin
Diyos Espiritu Santo, maawa ka sa amin
Santisima Trinidad na tatlong Persona at iisang Diyos, maawa ka sa amin

*Ipanalangin mo kami.
San Isidro Labrador, Banal na magsasaka. *
San Isidro Labrador, masipag na manggagawa. *
San Isidro Labrador, butihin at tapat na esposo ni Santa Maria de la Cabeza *
San Isidro Labrador, may dalisay at magandang kalooban *
San Isidro Labrador, milagrosong Santo *
San Isidro Labrador, tunay na saksi ng Salita ng Diyos *
San Isidro Labrador, mapagmahal sa Diyos at sa kapwa *
San Isidro Labrador, kaibigan ng mga pulubi at maralita *
San Isidro Labrador, mapagmahal sa mga hayop, halaman, at kalikasan *
San Isidro Labrador, Patron ng masaganang bukirin at ani *
San Isidro Labrador, taglay ang lubos na pag-asa sa Diyos *
San Isidro Labrador, niluluwalhati ang Diyos sa panalangin at kagandahang-loob
San Isidro Labrador, may angking kabanalan sa gawain sa bukid sa pamamagitan
ng kasipagan *
San Isidro Labrador, nabungkal ng lupa at pinabulwak ang masaganang tubig *
San Isidro Labrador, ang Patron ng aming Parokya *

Passion for Truth and Compassion for Humanity

Kordero ng Diyos na nakawawala ng mga kasalanan ng sanlibutan,
Patawarin mo kami, Panginoon.
Kordero ng Diyos na nakawawala ng mga kasalanan ng sanlibutan,
Pakapakinggan mo kami, Panginoon.
Kordero ng Diyos na nakawawala ng mga kasalanan ng santinakpan,
Maawa ka sa amin.
Namumuno: Ipanalangin mo kami, San Isidro Labrador.
Lahat: Nang kami’y maging dapat makinabang sa mga pangako ni Jesukristong
aming Panginoon. Amen.

Namumuno: Manalangin Tayo

Lahat: Panginoong Diyos na mapagpala, / niloob Mong mapabilang sa hanay ng
mga Banal / si San Isidro Labrador / dahil sa kanyang tapat na
pananampalataya sa Iyo. / Sa pamamagitan niya’y gumawa Ka ng mga
himala / upang ipahayag ang Iyong pagkalinga / at pangangalaga sa lahat
ng Iyong mga nilalangan. / Loobin mo rin nawa / na sa pamamagitan ng
pagsunod namin / sa halimbawa ng kanyang kabanalan, kasipagan,
pagmamahal sa pamilya, at sa gawain, / pagkalinga sa mga maralita, / at
pagmamahal sa kapaligiran / ay makamit namin / ang kaluwalhatiang
inilaan Mo / para sa lahat ng lubos na nananalig sa Iyo. / Hinihiling namin
ito / sa pamamagitan ni Jesukristo at aming Panginoon, / magpasawalang
hanggan. / Amen.

UNANG ARAW, Pagninilay: Pag-ibig

“Kung paano ako minamahal ng Ama, gayon Ko rin kayo minahal. Mamalagi
kayo sa pagmamahal Ko.” – Juan 15:9
(Tumahimik sandali)
Namumuno: Manalangin Tayo
Lahat: Mahal na Pintakasi naming Patron, / San Isidro Labrador, / ipinakita mo
ang tunay na pagmamahal sa Panginoon / sa pamamagitan ng iyong mga
salita at gawa. / Lubos kang sumunod sa kalooban ng Ama, / at naging
tapat / at mabuting esposo ni Santa Maria de la Cabeza / at mapagmahal
na ama. / Ikaw ay mayron ding tunay na pusong Kristyano / na
nagmamahal sa kapwa, / lalo’t higit sa mga pulubi at maralita. / Sa
pamamagitan ng iyong panalangin, / kami nawa’y maging mga tapat na
tagasunod ni Jesukristo / na may tunay, wagas at dalisay na pag-ibig sa
Panginoon at sa kapwa-tao. / Amen.
(Tahimik na banggitin ang kahilingan)

Ama Namin… Aba Ginoong Maria… Luwalhati…

Pangwakas na Panalangin…

Passion for Truth and Compassion for Humanity

IKALAWANG ARAW Pagninilay: Pananampalataya
“Sumagot ang Panginoon: ‘Kung may pananampalataya kayong sinlaki ng buto
ng mustasa, masasabi ninyo sa punong sikomoro na iyan: “Mabunot ka at sa dagat ka
matanim,” at susundin kayo nito.’ ” – Lucas 17:6
(Tumahimik sandali)
Namumuno: Manalangin Tayo
Lahat: Mahal na San Isidro Labrador, / ang iyong pananampalataya sa
Panginoon / ay tunay na dakila./ Binulwak mo ang lupa / at doon ay
bumulwak ang masaganang bukal ng tubig / dahilan sa iyong walang
pasubaling pananalig sa Panginoon. / Sa pamamagitan din ng pananalig
mong ito / sa kapangyarihan ng Panginoon, / ang masaganang ani ng
iyong sinasakang bukirin / ay lagi mong nakakamit. Gayundin naman, /
dahilan sa iyong matibay na pagtitiwala sa pag-ibig ng Panginoon, /
anumang pagsubok sa buhay ay iyong nalampasan. / Ipagdasal mo kami /
sa trono ng Kataas-taasang Diyos / na makamit din namin ang matibay na
pananampalataya / at pananalig upang sa lahat ng panahon ng aming
buhay / maipahayag namin ang pag-ibig at kadakilaan ng Panginoon na
walang hanggan. Amen.
(Tahimik na banggitin ang kahilingan)

Ama Namin… Aba Ginoong Maria… Luwalhati…

Pangwakas na Panalangin…

IKATLONG ARAW Pagninilay: Pag-asa

“Kinalulugdan ng Panginoon ang mga may takot sa Kanya, ang mga nananalig
sa kagandahang-loob Niya.” – Salmo 147:11
(Tumahimik sandali)
Namumuno: Manalangin Tayo
Lahat: Mahal naming Pintakasing San Isidro Labrador; / ipinagkaloob ka sa amin
ng Inang Simbahan / upang maging huwaran namin sa pagsunod kay
Jesukristo. / Sa kabila ng iba’t ibang pagsubok na iyong naranasan, / ang
matibay na pag-asa sa Panginoon / ay nanatili sa iyong puso. /
Ipanalangin mo rin kami, / O aming Pintakasing San Isidro, na nawa’y
huwag kaming mawawalan ng pag-asa sa buhay / lalo’t higit sa panahon
ng mga pagsuok at kagipitan. / Subaybayan mo kami ng iyong
pagtangkilik / at pagmamahal / hanggang matamo namin ang buhay na
walangh hanggan. Amen.

(Tahimik na banggitin ang kahilingan)

Ama Namin… Aba Ginoong Maria… Luwalhati…

Pangwakas na Panalangin…

Passion for Truth and Compassion for Humanity

IKA-APAT NA ARAW Pagninilay: Kagalakan
“Gayundin nga rin kayo naninimdim ngayon. Ngunit muli Ko kayong makikita at
magagalak ang inyong puso, at walang makaaagaw ng inyong kagalakan sa inyo.” –
Juan 16:22
(Tumahimik sandali)
Namumuno: Manalangin Tayo
Lahat: Mahal na San Isidro Labrador, sa inyong simple at payak na pamumuhay
ni Santa Maria de la Cabeza, nababanaag ang tunay na kagalakan.
Magaan at masaya ninyong dinala ang mga gawain at anumang
pagsubok sa buhay sapagkat ang inyong puso ay punong-puno ng
pagmamahal ng Panginoon. Ipanalangin ninyo kami sa Panginoon na ang
kagalakan ay bunga ng Espiritu (Galacia 5:22) ay mapasaamin din sa
kabila ng mga suliranin at pagsubok sa buhay na ito. Ipanalangin din
ninyo kami na nawa’y makita namin tuwina ang maraming pagpapala sa
amin ng Panginoon sa araw-araw at magkaroon kami ng masaya at
mabuting pananaw sa buhay hanggang kami ay mapabilang sa mga
pinaghaharian ng Panginoon. Amen.
(Tahimik na banggitin ang kahilingan)

Ama Namin… Aba Ginoong Maria… Luwalhati…

Pangwakas na Panalangin…

IKALIMANG ARAW Pagninilay: Panalangin

“Gayon din naman, tinutulungan tayo ng Espiritu-mahina nga tayo. Para ano at
paano tayo mananalangin? Hindi natin alam, ngunit ang Espiritu ang sumasamo para
sa atin sa paghibik na di kayang sabihin.” – Roma 8:26
(Tumahimik sandali)
Namumuno: Manalangin Tayo
Lahat: O San Isidro Labrador, pinili ka ng Panginoon na ipabatid sa daigdig ang
iyong kabanalan upang maakit ang marami sa paggawa ng kabutihan.
Huwaran ka namin sa pagiging mabuting tagasunod ni Jesukristo
sapagkat bago ka pumunta sa iyong sakahan, inuuna mo ang pagdarasal
at pagsisimba araw-araw. Sa tulong ng iyong panalangin, naniniwala kami
na makakamit namin ang aming mga pangangailangan. Samahan mo
kami sa aming panalangin sa mga sandaling ito sapagkat ang dasal ng
isang banal na katulad mo ay dinirinig ng Panginoon. Katulad mo kami rin
nawa ay palaging maging madasalin hanggang matamo namin ang buhay
na walang hanggan. Amen.
(Tahimik na banggitin ang kahilingan)

Ama Namin… Aba Ginoong Maria… Luwalhati…

Pangwakas na Panalangin…

Passion for Truth and Compassion for Humanity

IKA-ANIM NA ARAW Pagninilay: Gawain o Hanapbuhay
“Ano man ang inyong ginagawa, gawin ninyo nang may malawak na pang-
unawa, na parang sa Panginoon at hindi sa mga tao.” – Colosas 3:23
(Tumahimik sandali)

Namumuno: Manalangin Tayo

Lahat: Maluwalhating San Isidro, ang pagmamahal mo sa gawain sa bukid ay
tunay na kahanga-hanga. Dahil sa iyong kasipagan, katapatan at
pananampalataya, sa tuwina ay pinagpala ka ng Panginoon ng
masaganang ani. Sa bisa ng iyong panalangin, nawa’y ang tunay na
pagmamahal at katapatan sa aming mga hanapbuhay ay aming
magampanan. Huwag nawa kaming panghinaan ng loob kapag may mga
pagsubok kaming nararanasan. Matutuhan din nawa naming mahalin ang
aming mga kapwa-manggagawa at kasama sa hanapbuhay. Ipagdasal
mo kami na nawa’y maging matagumpay at pagpalain ng Panginoon ang
gawa ng aming mga kamay (Salmo 90:17) Amen.
(Tahimik na banggitin ang kahilingan)

Ama Namin… Aba Ginoong Maria… Luwalhati…

Pangwakas na Panalangin…

IKAPITONG ARAW Pagninilay: Pamilya

“Kaya bumaba si Jesus na kasama nina Jose at Maria pa-Nazaret, at nagpatuloy
Siya sa pagiging masunurin sa kanila.” – Lucas 2:51
(Tumahimik sandali)
Namumuno: Manalangin Tayo
Lahat: Mahal na San Isidro, tulungan mo kaming maging katulad mo na
mapagmahal sa pamilya. Huwaran kang esposo ni Santa Maria de la
Cabeza at mapagmahal na ama ng inyong anak. Ipanalangin mo kami na
nawa’y pagpalain din ng Panginoon ang aming mga pamilya. Sa mga
panahon ng kasaganaan o kahirapan, kalusugan o karamdaman,
kasayahan o kalungkutan, matuto nawa kami bilang isang mag-anak na
palaging magpuri at magpasalamat sa Panginoon na pinagmulan ng lahat
ng mabubuting bagay. At sa wakas ng panahon, ilapit mo rin sa
Panginoon sa pamamagitan ng iyong matimyas na panalangin na ang
aming pamilya nawa ay magkasama-sama sa Kanyang Kaharian sa
Langit. Amen.
(Tahimik na banggitin ang kahilingan)

Ama Namin… Aba Ginoong Maria… Luwalhati…

Pangwakas na Panalangin…

Passion for Truth and Compassion for Humanity

IKAWALONG ARAW Pagninilay: Pakikipagkapwa
“Talagang sinasabi ko sa inyo: anuman ang gawin ninyo sa isa sa mga maliliit na
ito na mga kapatid ko, sa Akin ninyo ginawa.” – Mateo 25:40
(Tumahimik sandali)
Namumuno: Manalangin Tayo
Lahat: Mahal na Patron San Isidro Labrador, sa buhay mo bilang tunay na
tagasunod ni Jesukristo, ang pagmamahal mo sa mga pulubi at maralita
ay katangi-tangi. Isinabuhay mo ang Salita ng Diyos nang sabihin ni
Jesus: “Anuman ang gawin ninyo sa isa sa mga maliliit na ito na mga
kapatid ko, sa Akin ninyo ginawa.” (Mateo 25:40) Ipanalangin mo sa Ama
sa Ngalan ni Jesus na nawa’y maging mabuti at mapagmahal kami sa
aming kapwa lalo’t higit sa mga nangangailangan, sawi at maralita, upang
pagdating ng paghuhukom kami ay makapasok at manirahan sa Kaharian
na inihanda mula pa sa simula ng daigdig (Mateo 25:24) Amen.
(Tahimik na banggitin ang kahilingan)

Ama Namin… Aba Ginoong Maria… Luwalhati…

Pangwakas na Panalangin…

IKASIYAM NA ARAW
Pagninilay: Pagkilala sa Kadakilaan at Pagiging Huwaran ng Mahal na Inang Birheng
Maria

“Sinabi naman ni Maria: ‘Narito ang alipin ng Panginoon, mangyari nawa sa akin
ang iyong sinabi.’ ” – Lucas 1:38
(Tumahimik sandali)
Namumuno: Manalangin Tayo
Lahat: Mahal na San Isidro Labrador, kagaya ng Mahal na Inang Birheng Maria,
isa ka ring tunay na tagasunod ni Jesukristo. Ang busilak at malinis mong
puso ay naging munting “ sabsaban” kung saan si Jesus ay muling
isinilang. Naing tagapagpahatid ka rin ng pagpapala ni Jesukristo sa iyong
kapwa kagaya ng Mahal na Inang Birheng Maria. Ngayon ikaw ay nasa
harapan na ng trono ng Panginoon sa Kanyang Kaharian, ibulong mo kay
Jesus at sa Mahal na Inang Birheng Maria ang aming mga kahilingan.
Nawa’y kagaya mo, ang isang matimyas na pagmamahal kay Inang Maria
ay amin ding maisabuhay. Amen.

(Tahimik na banggitin ang kahilingan)

Ama Namin… Aba Ginoong Maria… Luwalhati…

Pangwakas na Panalangin…

Passion for Truth and Compassion for Humanity

Namumuno: PANGWAKAS NA PANALANGIN
Lahat:
Dominican Invocation
(To be recited at the end of every prayer)

Namumuno: Reyna ng Santo Rosaryo

Lahat: Ipanalangin mo kami
Namumuno: Sto. Domingo de Guzman at Sta. Catalina de Sena
Lahat: Ipanalangin ninyo kami
Namumuno: Madre Francisca del Espiritu Santo de Fuentes
Lahat: Ipamagitan mo kami
Namumuno: Panalangin bilang isang Dominikano
Lahat: Pagpalain mo kami Panginoon na kami ay maging isang pagpapala sa
aming kapwa, sa aming pagpupuri sa Iyong Pangalan at pagpapahayag
ng Iyong Salita, ngayon at magpakailanman. Amen

+ Sa Ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

Namumuno: PANALANGIN SA NOBENA

Lahat: Mahal na Ina ng Laging Saklolo, / buhat sa krus ibinigay ka sa amin
ni Jesus / upang maging Ina namin. / Ikaw ang pinakamabait, /
pinakamasintahin sa lahat ng mga Ina. / Buong giliw mong tunghayan /
kaming iyong mga anak / na ngayon ay humihingi ng iyong tulong * sa
lahat ng aming pangangailangan / lalung-lalo na ang biyayang ito …
(tumigil at sabihin ang iyong mga hangarin).
Noong ikaw ay nasa lupa, / minamahal na Ina, / ikaw ay buong
pusong nakiramay / sa paghihirap ng iyong Anak. / Sa tulong ng iyong

Passion for Truth and Compassion for Humanity

pananalig / at pagtitiwala sa maka-Amang pagmamahal ng Diyos /
tinanggap mo ang Kanyang mahiwagang kalooban. Mayroon din kaming
mga krus / at mga tiisin sa buhay. / Kung minsan ang mga ito’y / parang
hindi na naming kayang pasanin. / Pinakamamahal na Ina / bahaginan mo
kami ng iyong malaking pagtitiwala sa Diyos. / Ipaunawa mo na walang
katapusan / ang pagmamahal ng Diyos sa amin / at tinutugon Niya ang
lahat ng aming mga panalangin / sa paraang makabubuti sa amin. /
Palakasin mo ang aming loob sa pagpapasan ng krus / tulad ng iyong
Banal na Anak. / Tulungan mong maunawan namin * na sinumang
nakikibahagi sa krus ni Kristo / ay tiyak na makakabahagi rin / ng kanyang
muling pagkabuhay.
Pinakamamahal na Ina / habang kami ay nababahala sa sarili
naming mga suliranin / huwag sana naming malimutan ang mga
pangangailangan ng iba. / Mahal na mahal mo sila; / tulungan mong
maging ganito rin / ang aming pagmamahal sa kanila. / Samantalang
idinadalangin namin ang aming mga adhikain / at mga adhikain ng lahat
ng naririto ngayon / mataimtim sa loob na hinihiling namin sa iyo aming
ina, / tulungan mo kaming makapagdulot / ng aliw at ginhawa sa mga
maysakit / at sa mga malapit ng sumakabilang buhay / magpahilom ng
sugat ng mga pusong wasak / magpagaan ng tinitiis ng mga inaapi, / at
turuan ng katarungan / ang mga sa kanila’y nang-aapi / at ibalik sa Diyos
ang lahat / ng mga nagkasala sa Kanya.
Pinakamamahal na Ina, / tulungan mo kaming umiwas sa
kasalanan / na naglalayo sa amin sa aming Ama sa langit / at sa isa’t-isa.
Buong tiwala naming isinasalalay / ang aming sarili sa iyong pagkalinga /
at lubos na umaasang kami’y iyong tutulungan.

Namumuno: PANALANGIN PARA SA TAHANAN

Lahat: Ina ng Laging Saklolo, / pinili ka naming Reyna n gaming tahanan. /
Hinihiling naming pagpalain mo ang aming pamilya / sa pamamagitan ng
iyong matimyas na pagmamahal. / Mahigpit nawang bigkisin ng
Sakramento ng Kasal / ang mga mag-asawa / upang lagi silang maging
tapat at / mapagmahal sa isa’t-isa / tulad ng pagmamahal ni Kristo sa Sta.
Iglesia.
Hinihiling naming pagpalain mo ang lahat ng mga magulang /
mahalin nawa nila ang mga anak / na ipinagkatiwala ng Diyos sa kanila. /
Nawa’y lagi silang maging huwaran ng kanilang mga anak / sa
pamamagitan ng kanilang tunay na buhay-kristiyano. / Tulungan mong
palakihin / at arugain / ang kanilang mga anak / na may pagmamahal at
takot sa Diyos. / Pagpalain mo ang mga bata / upang kanilang mahalin, /

Passion for Truth and Compassion for Humanity

igalang at sundin / ang kanilang ama at ina. / Sa iyong magiliw na
pagpapala / tangi naming ipinagkakatiwala / ang mga kabataan ngayon.
Bigyan mo kaming lahat / ng pagpapahalaga sa aming
pananagutan / nang matupad namin ang aming tungkulin / nagawing
pugad ng kapayapaan ang aming tahanan / tulad ng iyong tahanan sa
Nasaret. / Ikaw ang aming huwaran. / Tulungan mo kami / upang araw-
araw ay lalong magningas / ang dalisay naming pagmamahal sa Diyos at
kapuwa, / nang sa gayo’y maligayang maghari ang katarungan at
kapayapaan / sa buong sangkatauhan. Amen.

Namumuno: MGA KAHILINGAN SA ATING INA NG LAGING SAKLOLO

Sta. Maria . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .Ipanalangin mo kami.

Santang Birhen na ipinaglihing walang kasalanan . . . . . . . .Ipanalangin mo kami.
Aming Ina ng Laging Saklolo . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . Ipanalangin mo kami.
Kaming makasalanan ay tumatawag sa iyo . . .
Masintahing Ina, tulungan mo kami.

Upang mapuno kami ng Espiritu Santo at maging mga magigiting na saksi sa

pagmamahal ni Kristo sa tao…
Upang katulad mo, ay unti-unti kaming matulad sa aming mahal na Panginoon…
Upang kami’y maging mapagpaumanhin at mapagpakumbaba katulad ng iyong Anak
na si Jesus…

Upang kami’y matakot na lubusang masira ang pakikipagkaibigan ng Diyos sa amin
dahil sa ayaw naming pagsisihang kasalanan…
Upang lagi naming sikaping matamo ang awa at patawad ng Diyos sa Sakramento
ng Kumpisal…
Upang maunawaan namin na kami’y tinuturuan ng Diyos sa pamamagitan ng mga
pangyayari sa araw-araw na pamumuhay…
Upang manalangin kami araw-araw na may pagmamahal at pagtitiwala, lalo na sa
mga sandali ng tukso…
Upang maunawaan namin ang halaga ng sama-samang pagsamba sa Diyos sa
Eukaristiya…

Passion for Truth and Compassion for Humanity

Upang patuloy na mag-alab ang aming pag-ibig kay Kristo at sa kapuwa sa
pamamagitan ng malimit na pagtanggap ng Banal na Komunyon…
Upang igalang namin ang aming katawan bilang mga templo ngEspiritu Santo…
Upang magsikap kaming maging tunay na mga kristiyano sa pamamagitan ng
mapagmahal na pagmamalasakit sa iba…
Upang ipahayag naming ang dangal ng trabaho sa pamamagitan ng katapatan sa
aming gawain…
Upang buong puso naming patawarin ang mga nakagawa sa amin ng masama…
Upang maunawaan namin ang kasamaan ng paghahangad sa sariling kapakanan na
makapipinsala sa iba…
Upang tumulong kami na ipamahagi angKayamanan ng mundong ito alinsunod sa
katarungan…
Upang gamitin namin ang aming mga kakayahan para sa ikabubuti ng iba…
Upang tanggapin namin ang aming pananagutan sa lipunan ayon sa diwa ng tunay
na paglilingkod…
Upang idalangin namin na patnubayan at patatagin ng Espiritu Santo ang loob ng
Santo Papa, Papa Francisco, Jose na aming Obispo, ng mga Obispo at mga pari…
Upang pagkalooban kami ng Panginoon ng maraming mga kabataan na may hilig na
magpari, mag-ermano at magmadre…
Upang matulungan naming kilalanin at mahalin si Kristo ng mga hindi pa nakakakilala
sa kanya…
Upang maunawaan naming na sa gitna ng aming mga tagumpay, kami ay
nangangailangan pa rin ng tulong ng Diyos…
Upang sa kamatayan, ay maging handa kaming pumasok sa tahanan ng aming Ama
sa langit…
Upang mamatay kaming kaibigan niKristo at ngaming kapuwa…
Upang pagdating ng kamatayan sa aming mga minamahal sa buhay kami sana’y
aliwin ng aming mga minamahal sa buhay kami sana’y aliwin ng aming pagasa sa
Panginoong muling nabuhay…
Upang idalangin namin na ang mga yumao ay makinabang agad sa muling
pagkabuhay ng iyong Anak…

Passion for Truth and Compassion for Humanity

(tahimik nating idalangin ang ating mga hangarin)

Lahat: Sta. Maria / tulungan mo kami sa aming pangangailangan, / ipanalangin

mo ang bayan ng Diyos. / Maranasan nawa ng lahat / ang iyong walang
hanggang saklolo.

Namumuno: Panginoon, ibinigay mo sa amin si Maria / upang maging Ina namin / na

laging handang dumamay sa amin. / Loobin mo nawa na dumulog kami sa
kanya / sa lahat ng aming pangangailangan.
Lahat: Amen.

Namumuno: PAG-AALAY (Unang Miyerkules ng buwan)

Lahat: Kalinis-linisang Birhen Maria, / Ina ng Diyos at Ina ng Sta. Iglesia, / ikaw
ay amin ding Ina na laging handing sumaklolo sa amin. / Taglay ang mga
pusong lipos ng pag-ibig sa iyo / iniaalay namin an gaming sarili / sa iyong
Kalinis-linisang Puso / upang kami ay maging tapat mong mga anak. /
Ihingi mo kami ng tunay na pagsisisi / sa aming mga kasalanan / at
katapatan sa aming mga ipinangako / nang kami ay binyagan.
Iniaalay naming sa iyo / ang aming puso’t kaluluwa / upang lagi
naming sundin / ang kalooban ng aming Ama sa langit. / Iniaalay namin sa
iyo ang aming buhay / upang lalo naming mahalin ang Diyos / at mabuhay
kami, hindi para sa aming sarili / kundi para kay Kristong iyong Anak / at
upang siya’y aming Makita at paglingkuran sa aming kapuwa.
Sa abang pag-aalay na ito, / pinakamamahal na Ina ng Laging
Saklolo, / ipinangangako namin na ang aming buhay / ay itututlad namin
sa iyo / ikaw na pinakaganap na kristiyano / upang matapos naming ,
mailaan sa iyo an gaming sarili / sa buhay at kamatayan / ay makapiling
nawa kami / ng iyong Anak mapakailanman. Amen.

Awit: Birheng Mahal

Namumuno: PANALANGIN PARA SA MGA MAYSAKIT

Lahat: Panginoong Jesukristo, / pinasan mo an gaming mga tiisin / at dinala mo
ang aming mga dalamhati upang iyong ipakilala ang halaga ng pagtitiis /
at ng pangangailangan ng tao / ng iyong tulong; / magiliw mong dinggin
ang aming mga panalangin / para sa mga minamahal namin / at para sa
ibang mga may karamdaman. / Loobin mo nawang maunawaan / ng mga
taong labis na nahihirapan / dahil sa dinaranas nilang / mga sakit at
karamdaman / na sila’y kabilang sa iyong mga hinirang. / Tulungan mong

Passion for Truth and Compassion for Humanity

maunawaan nila * na sila ay kaisa mo sa iyong mga pagtitiis / para sa
ikaliligtas ng sangkatauhan. Amen.

Dominican Invocation
(To be recited at the end of every prayer)

Namumuno: Reyna ng Santo Rosaryo

Lahat: Ipanalangin mo kami
Namumuno: Sto. Domingo de Guzman at Sta. Catalina de Sena
Lahat: Ipanalangin ninyo kami
Namumuno: Madre Francisca del Espiritu Santo de Fuentes
Lahat: Ipamagitan mo kami
Namumuno: Panalangin bilang isang Dominikano
Lahat: Pagpalain mo kami Panginoon na kami ay maging isang pagpapala sa
aming kapwa, sa aming pagpupuri sa Iyong Pangalan at pagpapahayag
ng Iyong Salita, ngayon at magpakailanman. Amen

+ Sa Ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

Passion for Truth and Compassion for Humanity

UNANG MISTERYO

ANG PAGBIBINYAG KAY HESUS SA ILOG HORDAN

AMA NAMIN
Ama Namin, sumasalangit ka. Sambahin ang ngalan mo. Mapasaamin ang kaharian
mo, Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit.

Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw, At patawarin mo kami sa

aming mga sala, Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin At huwag
mo kaming ipahintulot sa tukso, At iadya mo kami sa lahat ng masama. Amen.

ABA GINOONG MARIA

Aba, Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya! Ang Panginoon ay sumasaiyo. Bukod
kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang 'yong Anak na si Hesus

Santa Maria, Ina ng Diyos Ipanalangin mo kaming makasalanan ngayon at kung kami'y
mamamatay. Amen

LUWALHATI
Luwalhati sa Ama, sa Anak, at sa Espiritu Santo.

Kaparang noong unang-una, ngayon, at magpakailanman, magpasawalang hanggan.

Amen.

PANALANGIN NG FATIMA
O Jesus ko, patawarin mo kami sa aming mga sala, iligtas mo kami sa apoy ng
impiyerno, dalhin Mo ang lahat ng kaluluwa sa langit, lalong-lalo na ang higit na
nangangailangan ng iyong awa.

Passion for Truth and Compassion for Humanity

IKALAWANG MISTERYO

ANG KASALAN SA CANA

(10TH bead) Luwalhati, Santa Maria, Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan,
ngayon at kung kami’y mamamatay. Amen.

IKATLONG MISTERYO

ANG PAGPAPAHAYAG NI HESUS SA KAHARIN NG DIYOS

IKAAPAT NA MISTERYO

ANG PAGBABAGONG-ANYO NI HESUS

IKALIMANG MISTERYO

ANG PAGTATATAG NI HESUS NG BANAL NA EUKARISTIYA

ABA PO SANTA MARIANG HARI
Aba Po Santa Mariang Hari, Inang ng Awa. Ikaw ang kabuhayan at katamisan; Aba
pinananaligan ka namin. Ikaw nga ang tinatawagan namin, pinapanaw na taong anak ni
Eva. Ikaw rin ang pinagbunbuntuhang hininga namin ng aming pagtangis dini sa lupang
bayang kahapis-hapis. Ay aba, pintakasi ka namin, ilingon mo sa amin, ang mga mata
mong maawain, at saka kung matapos yaring pagpanaw sa amin, ipakita mo sa amin
ang iyong Anak na si Hesus. Santa Maria, Ina ng Diyos, maawain, maalam at matamis
na Birhen.

Namumuno: Ipanalangin mo kami, Reyna ng kasantusantuhang Rosaryo.

Lahat: Nang kami'y maging dapat makinabang ng mga pangako ni Hesukristo.
Namumuno: Manalangin tayo
Lahat: Diyos at Panginoon namin, na ang bugtong na Anak Mo ay siyang
ipinapagkamit namin ng kagalinga't kabuhayang walang hanggan sa
pamamagitan ng kanyang pagkakatawang-tao, pagkamatay at
pagkabuhya mag-uli, ipagkaloob Mo, hinihiling namin sa Iyo, na sa
pagninilay-nilay namin nitiong mga misteryo ng Santo Rosaryo ni Santa
Mariang Birhen ay hindi lamang matularan namin ang mga magagaling na
halimbawang nalalarawan sa amin; kundi naman makamtan namin ang
mga kagalingang ipinangako sa amin; alang-alang kay Hesukristo
Panginoon namin; na kapisan Mo at ng Espiritu Santo nabubuhay at
naghahari magpasawalang hanggan. Siya nawa. Amen

Dominican Invocation
(To be recited at the end of every prayer)

Namumuno: Reyna ng Santo Rosaryo

Lahat: Ipanalangin mo kami
Namumuno: Sto. Domingo de Guzman at Sta. Catalina de Sena
Lahat: Ipanalangin ninyo kami
Namumuno: Madre Francisca del Espiritu Santo de Fuentes
Lahat: Ipamagitan mo kami
Namumuno: Panalangin bilang isang Dominikano
Lahat: Pagpalain mo kami Panginoon na kami ay maging isang pagpapala sa
aming kapwa, sa aming pagpupuri sa Iyong Pangalan at pagpapahayag
ng Iyong Salita, ngayon at magpakailanman. Amen

+ Sa Ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

Passion for Truth and Compassion for Humanity

sa pamamagitan ng mga Propeta. / Sumasampalataya ako sa iisang banal na
Simbahang / Katolika at apostolika, / gayundin sa isang binyag sa
ikapagpapatawad ng mga kasalanan. / At hinihintay ko ang muling pagkabuhay
ng nangamatay / at ang buhay na walang hanggan. / Amen.

AMA NAMIN
Ama Namin, sumasalangit ka. Sambahin ang ngalan mo. Mapasaamin ang kaharian
mo, Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit.

Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw, At patawarin mo kami sa

aming mga sala, Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin At huwag
mo kaming ipahintulot sa tukso, At iadya mo kami sa lahat ng masama. Amen.

ABA GINOONG MARIA

Aba, Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya! Ang Panginoon ay sumasaiyo. Bukod
kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang 'yong Anak na si Hesus

Santa Maria, Ina ng Diyos Ipanalangin mo kaming makasalanan ngayon at kung kami'y
mamamatay. Amen

LUWALHATI
Luwalhati sa Ama, sa Anak, at sa Espiritu Santo.

Kaparang noong unang-una, ngayon, at magpakailanman, magpasawalang hanggan.

Amen.

Namumuno: Ating pagnilay-nilayan ang mga Misteryo ng Hapis

Passion for Truth and Compassion for Humanity

UNANG MISTERYO

ANG PANALANGIN NI HESUS SA HALAMANAN

AMA NAMIN
Ama Namin, sumasalangit ka. Sambahin ang ngalan mo. Mapasaamin ang kaharian
mo, Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit.

Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw, At patawarin mo kami sa

aming mga sala, Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin At huwag
mo kaming ipahintulot sa tukso, At iadya mo kami sa lahat ng masama. Amen.

ABA GINOONG MARIA

Aba, Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya! Ang Panginoon ay sumasaiyo. Bukod
kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang 'yong Anak na si Hesus

Santa Maria, Ina ng Diyos Ipanalangin mo kaming makasalanan ngayon at kung kami'y
mamamatay. Amen

LUWALHATI
Luwalhati sa Ama, sa Anak, at sa Espiritu Santo.

Kaparang noong unang-una, ngayon, at magpakailanman, magpasawalang hanggan.

Amen.

PANALANGIN NG FATIMA
O Jesus ko, patawarin mo kami sa aming mga sala, iligtas mo kami sa apoy ng
impiyerno, dalhin Mo ang lahat ng kaluluwa sa langit, lalong-lalo na ang higit na
nangangailangan ng iyong awa.

Passion for Truth and Compassion for Humanity

IKALAWANG MISTERYO

ANG PAGHAMPAS KAY HESUS NA NAKAGAPOS SA

HALIGING BATO

AMA NAMIN
Ama Namin, sumasalangit ka. Sambahin ang ngalan mo. Mapasaamin ang kaharian
mo, Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit.

Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw, At patawarin mo kami sa

aming mga sala, Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin At huwag
mo kaming ipahintulot sa tukso, At iadya mo kami sa lahat ng masama. Amen.

ABA GINOONG MARIA

Aba, Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya! Ang Panginoon ay sumasaiyo. Bukod
kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang 'yong Anak na si Hesus

Santa Maria, Ina ng Diyos Ipanalangin mo kaming makasalanan ngayon at kung kami'y
mamamatay. Amen

(10TH bead) Luwalhati, Santa Maria, Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan,
ngayon at kung kami’y mamamatay. Amen.

LUWALHATI
Luwalhati sa Ama, sa Anak, at sa Espiritu Santo.

Kaparang noong unang-una, ngayon, at magpakailanman, magpasawalang hanggan.

Amen.

PANALANGIN NG FATIMA
O Jesus ko, patawarin mo kami sa aming mga sala, iligtas mo kami sa apoy ng
impiyerno, dalhin Mo ang lahat ng kaluluwa sa langit, lalong-lalo na ang higit na
nangangailangan ng iyong awa.

Passion for Truth and Compassion for Humanity

IKATLONG MISTERYO

ANG PAPUPUTONG NG KORONANG TINIK KAY HESUS

ANG PAGPAPASAN NG KRUS NI HESUS

ANG PAGKAPAKO AT PAGKAMATAY NI HESUS SA KRUS

AMA NAMIN
Ama Namin, sumasalangit ka. Sambahin ang ngalan mo. Mapasaamin ang kaharian
mo, Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit.

Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw, At patawarin mo kami sa

aming mga sala, Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin At huwag
mo kaming ipahintulot sa tukso, At iadya mo kami sa lahat ng masama. Amen.

ABA GINOONG MARIA

Aba, Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya! Ang Panginoon ay sumasaiyo. Bukod
kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang 'yong Anak na si Hesus

Santa Maria, Ina ng Diyos Ipanalangin mo kaming makasalanan ngayon at kung kami'y
mamamatay. Amen

LUWALHATI
Luwalhati sa Ama, sa Anak, at sa Espiritu Santo.

Kaparang noong unang-una, ngayon, at magpakailanman, magpasawalang hanggan.

Amen.

PANALANGIN NG FATIMA
O Jesus ko, patawarin mo kami sa aming mga sala, iligtas mo kami sa apoy ng
impiyerno, dalhin Mo ang lahat ng kaluluwa sa langit, lalong-lalo na ang higit na
nangangailangan ng iyong awa.

Passion for Truth and Compassion for Humanity

ABA PO SANTA MARIANG HARI
Aba Po Santa Mariang Hari, Inang ng Awa. Ikaw ang kabuhayan at katamisan; Aba
pinananaligan ka namin. Ikaw nga ang tinatawagan namin, pinapanaw na taong anak ni
Eva. Ikaw rin ang pinagbunbuntuhang hininga namin ng aming pagtangis dini sa lupang
bayang kahapis-hapis. Ay aba, pintakasi ka namin, ilingon mo sa amin, ang mga mata
mong maawain, at saka kung matapos yaring pagpanaw sa amin, ipakita mo sa amin
ang iyong Anak na si Hesus. Santa Maria, Ina ng Diyos, maawain, maalam at matamis
na Birhen.

Namumuno: Ipanalangin mo kami, Reyna ng kasantusantuhang Rosaryo.

Lahat: Nang kami'y maging dapat makinabang ng mga pangako ni Hesukristo.
Namumuno: Manalangin tayo
Lahat: Diyos at Panginoon namin, na ang bugtong na Anak Mo ay siyang
ipinapagkamit namin ng kagalinga't kabuhayang walang hanggan sa
pamamagitan ng kanyang pagkakatawang-tao, pagkamatay at
pagkabuhya mag-uli, ipagkaloob Mo, hinihiling namin sa Iyo, na sa
pagninilay-nilay namin nitiong mga misteryo ng Santo Rosaryo ni Santa
Mariang Birhen ay hindi lamang matularan namin ang mga magagaling na
halimbawang nalalarawan sa amin; kundi naman makamtan namin ang
mga kagalingang ipinangako sa amin; alang-alang kay Hesukristo
Panginoon namin; na kapisan Mo at ng Espiritu Santo nabubuhay at
naghahari magpasawalang hanggan. Siya nawa. Amen

Dominican Invocation
(To be recited at the end of every prayer)

Namumuno: Reyna ng Santo Rosaryo

Lahat: Ipanalangin mo kami
Namumuno: Sto. Domingo de Guzman at Sta. Catalina de Sena
Lahat: Ipanalangin ninyo kami
Namumuno: Madre Francisca del Espiritu Santo de Fuentes
Lahat: Ipamagitan mo kami
Namumuno: Panalangin bilang isang Dominikano
Lahat: Pagpalain mo kami Panginoon na kami ay maging isang pagpapala sa
aming kapwa, sa aming pagpupuri sa Iyong Pangalan at pagpapahayag
ng Iyong Salita, ngayon at magpakailanman. Amen

+ Sa Ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

Passion for Truth and Compassion for Humanity

You might also like