Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

San Jose Manggagawa

San Jose! San Jose!


Pintakasing dakila na manggagawa
Sa simbaha’y lagi kang nagbabantay
Amang butihin, gabay sa lupa
ni Hesukristong dinarakila

Kami’y dumudulog sa ‘yong pamamagitan


Sa Diyos aming Amang mapagmahal
Na sana’y pagpalain at pagyamanin
Aming parokyang pinamayanan

Mga manggagawa, tanging sa ‘yo


Tiwalang tunghay ang noo sa iyo
At sa gawa’y tulungan at nang umunlad
Ang buhay na aba at sa ‘yo’y matulad

Sa tulo ng pawis at banat ng laman


Sa gitna ng hirap at kasiphayuan
Kami’y magsisikap, magbagong dangal
Sintang pintakasi, kami’y tulungan
O, San Jose! O, San Jose!

You might also like