Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

City Schools Division of Koronadal

KORONADAL DISTRICT 4

Name: ____________________________________________
Grade & Section: __________________Date:_________________
Quarter/Week : Quarter 4 Week 1

I. Lesson Title: Mga Salitang Naglalarawan Tungkol sa Kulay at


Laki
II. MELC: MT1GA-IVa-d-2.4
III. Layunin: Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
IV. Leksyon:
May mga salitang ginagamit sa paglalarawan ng katangian
ng isang tao, bagay, hayop, at lugar. Maaaring ito ay tungkol
sa kulay at laki.

Halimbawa:

Kulay Laki

pula dilaw maliit


asul puti malaki
kulay kahel katamtaman
lila itim
berde
V. Gawain:
Panuto: Sa kalakip na sanayang papel, kulayan ang mga
larawan ayon sa kulay sa kaliwang bahagi at ikahon ang mga
maliliit.

Panuto: Punan ang patlang ng tamang sagot na nasa kahon.


Gawin ito sa sanayang papel.

1. Ang karagatan at kalangitan ay kulay ____________.

2. ____________ ang kulay ng halamanan.

3. Ang ubas at ____________ ay kulay lila.

4. Ang mansanas at makopa ay kulay____________ .

5. Ang tuta ay mas ____________ kaysa sa kalabaw.

Panuto: Bilugan ang letra ng tamang sagot. Gawin ito sa


sanayang papel.
VI. Katanungan: Maliban sa mga nabanggit na salita na
naglalarawan sa kulay at laki ano pa na mga salita na
naglalarawan sa kulay at laki ang iyong alam.
VII. Karagdagang Gawain: Kulayan ang bahaghari ng ibat’ ibang
kulay at gumuhit sa ilalim nito ng malaki at maliit na puno.
City Schools Division of Koronadal
KORONADAL DISTRICT 4

Name: ____________________________________________
Grade & Section: __________________Date:_________________
Quarter/Week : Quarter 4 Week 2

I. Lesson Title: Mga Salitang Naglalarawan Tungkol sa Hugis at


Tekstura
II. MELC: MT1GA-IVa-d-2.4
III. Layunin: Sa modyul na ito, inaasahang matutukoy mo ang
mga salitang naglalarawan tungkol sa hugis at tekstura sa
pangungusap.
IV. Leksyon:
May mga salitang ginagamit sa paglalarawan ng katangian ng
isang tao, bagay, hayop, at lugar. Maaaring ito ay tungkol sa
hugis at tekstura. Maaaring ito ay maglarawan ng hugis at
tekstura.

Halimbawa:
Hugis: Bilog Tekstura: Magaspang
Bilohaba Makinis
Parihaba Manipis
Parisulat Makapal
Tatsulok Malambot
Matigas
V. Gawain:
Panuto: Tukuyin ang hugis o tekstura ng mga larawan.
Hanapin ang sagot sa loob ng kahon at isulat sa patlang
ang iyong sagot. Gawin ito sa kalakip na sanayang
papel.
Panuto: Punan ang patlang ng tamang sagot na nasa kahon. Gawin
ito sa sanayang papel.

1. Ang bola at globo ay hugis ____________.

2. Ang mga tatsulok, parisukat at parihaba ay ilang halimbawa ng


mga____________.

3. Ang tekstura ng unan at kumot ay ____________.

4. Ang durian at ____________ ay magaspang ang tekstura.


5. Ang magaspang o makinis, malambot o matigas, makapal o
manipis ay mga halimbawa ng____________.

Panuto: Sa kalakip na sanayang papel, bilugan ang bagay na naiiba sa


bawat pangkat.

Panuto: Bilugan ang letra ng tamang sagot sa bawat bilang. Gawin ito
sa sanayang papel.
VI. Katanungan:
VII. Karagdagang Gawain: Basahin ang awit at ibigay ang
hinihingi.
Awit ng mga Hugis
Isinulat at inawit ni: Angelie Daig
Musika ni: Freddie Aguilar

Ako ay may bilog, na laruang tumatalbog. Bola!


Ito’y bilohaba, na laruang ito’y lumilipad. Lobo!
Ito’y bilohaba, malambot at kaysarap yakapin. Unan!
Ito’y parisukat, halika at pupunasan ko ang pawis mo.

Panyo!

Ito ay tatsulok, malinamnam at kaysarap kainin. Pizza!

Bilog, Bilohaba, Parihaba, Parisukat at Tatsulok.(2X)

Iba’t-ibang hugis, iba’t-ibang anyo,


Halina na at ating bigkasin.(2X)
Isulat sa kahon ang lahat ng mga salita tungkol sa hugis at tekstura.
Base sa awit na binasa.
City Schools Division of Koronadal
KORONADAL DISTRICT 4

Name: ____________________________________________
Grade & Section: __________________Date:_________________
Quarter/Week : Quarter 4 Week 3

I. Lesson Title: Mga Salitang Naglalarawan Tungkol sa


Panahon at Damdamin
II. MELC: MT1GA-IVa-d-2.4
III. Layunin: Sa modyul na ito, inaasahang matutukoy mo ang
mga salitang naglalarawan tungkol sa panahon at damdamin
sa pangungusap.
IV. Leksyon:
May mga salitang ginagamit sa paglalarawan ng katangian ng
isang tao, bagay, hayop, at lugar. Maaaring ito ay tungkol sa
panahon at damdamin.

Halimbawa:
Panahon: Damdamin:
Malamig Masaya
Mainit Malungkot
Madilim Mapagmahal
Maaliwalas Takot
Makulimlim Galit
V. Gawain:
Panuto: Tukuyin ang salitang naglalarawan ng damdamin
ayon sa larawan. Hanapin ang sagot sa loob ng kahon at
isulat ang letra ng napiling sagot sa loob ng bituin o tala.
Gawin ito sa kalakip na sanayang papel.
Panuto: Bilugan ang letra ng tamang sagot sa bawat bilang. Gawin ito
sa sanayang papel.
1. Alin naglalarawan ng panahon?
a. masaya b. malamig c. malungkot
2. Sa mga salitang, (a. maliwanag b. madilim
c. malungkot), alin ang salitang naglalarawan sa damdamin ng
isang batang umiiyak?
3. Mainit tuwing buwan ng Abril. Ayon sa pangungusap, ano ang
salitang naglalarawan ng panahon?
a. malamig b. mainit c. makulimlim
4. Alin ang angkop na paglalarawan sa isang ina?
a. mapagmahal b. masunurin c. tamad
5. Sa pangungusap na, “Palakaibigan ang batang si Adan,” ano ang
salitang naglalarawan sa pangungusap?
a. Adan b. bata c. palakaibigan

Panuto: Sa kalakip na sanayang papel, piliin mula sa ulap ang mga


salitang naglalarawan sa panahon at damdamin. Isulat ito sa tamang
hanay.

Panuto: Punan ang patlang ng tamang sagot na nasa kahon. Gawin


ito sa sanayang papel.
VI. Katanungan: Bakit kailangan natin itong pag-aralan?
VII. Karagdagang Gawain: Basahin ang sumusunod na sitwasyon
at sabihin kung ano ang mararamdaman mo kapag nangyari
sa iyo ang mga ito.

1. Ikaw ay inagawan ng pagkain.


a. Matatakot
b. Magagalit
c. Malulungkot
d. Masaya
e. Magugulat
2. Nakatanggap ka ng regalo sa iyong kaarawan.
a. Matatakot
b. Magagalit
c. Malulungkot
d. Masaya
e. Magugulat
3. Nakakita ka ng malaking ahas.
a. Matatakot
b. Magagalit
c. Malulungkot
d. Masaya
e. Magugulat
4. Pinagalitan ka ni tatay.
a. Matatakot
b. Magagalit
c. Malulungkot
d. Masaya
e. Magugulat
5. May sumigaw ng, Sunog! Sunog!
a. Matatakot
b. Magagalit
c. Malulungkot
d. Masaya
e. Magugulat

You might also like