Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Pangalan: Sean Raymond M.

Domingo Seksyon: Arrowsmith


Panimulang Pagganap sa AAT Petsa: ika-15 ng Oktubre, 2020

IBA’T IBANG PANANAW NG MGA MAG-AARAL NG ARROWSMITH SA TA 2020-


2021 TUNGKOL SA PAG-E-EHERSISYO PAGKATAPOS NG ISANG ARAW NG
PAG-O-ONLINE CLASSES

Rasyunale
Noong ika-22 ng Hunyo, 2020, ang mga mag-aaral ng pamantasan ng Ateneo de Davao
University – Senior High School ay nakilahok sa new normal na pagtuturo, at ito ay sa
pamaraang online. Ang pag-aaral na ito ay pumukaw ng pag-iisip ng mananaliksik, sapagkat ang
mga mag-aaral ay napapansing araw-araw nang nakaupo at nakatutok na lamang sa mga screens
ng kani-kanilang mga laptop. Ito ay nakakabahala sa kanilang kalusugan sa katawan at maging
sa kanilang mga mata dahil hindi sila nakakapag-galaw o nakakapag-ehersisyo man lang. Ang
pag-aaral na ito ay makakapagtulong sa komunidad, sapagkat ito ay may konsiderasyon sa mga
kalusugan ng kabataan lalong-lalo na sa panahon ng pandemya. Nagkakaroon ng limitasyon ang
kanilang panahon sa labas ng bahay upang gumawa ng mga aktibidad na makakatulong sa
kanilang kalusugan tulad ng paglalakad, pagbibisikleta, at iba pa. Ang komunidad ng Ateneo de
Davao University at maging ibang mga institusyon ay makikinabang din sa pag-aaral nito upang
may aksyon silang pwedeng gawin upang makatulong sa mga kalusugan ng kanilang mga mag-
aaral. Ang pag-aaral na ito ay gagawin lamang sa mga sampung (10) mag-aaral ng Arrowsmith
sa Taong Akademya, 2020 – 2021. Walang pinipiling kasarian, tangkad, at edad ng respondente
sa pag-aaral nito. Ang mga sagot ng ibang mag-aaral na hindi kabilang sa sekyson Arrowsmith
ay hindi kabilang sa pag-aaral na ito.

Sa pag-aaral na ito may ninanais ang mananaliksik na matuklasan, lalo na ang mga
pananaw ng mga mag-aaral ng Arrowsmith sa isang araw ng pag-o-online class. Dagdag pa rito,
gusto ng mananaliksik na malaman kung ano ang iba't ibang karamdaman na nakukuha nila sa
mahabang oras ng pag-upo. Bukod pa riyan, hangarin din ng mananaliksik kung ang kaniyang
magiging respondente sa pag-aaral na ito ay kung may oras o panahon pa ba upang ma-isingit
ang mga simpleng ehersisyo para mapanatili ang kanilang kalusugan. Panghuli, ibig na
matuklasan ng mananaliksik kung gaano kahalaga ang kalusugan ng mga respondente lalong-lalo
na sa online classes na hindi gumagalaw ang kanilang mga katawan. Nang dahil sa pandemya na
kinakaharap, hindi maaring makalikom ng datos na face-to-face, kung kaya’t kinakailangang
gumamit sa paraang online. Gagawa ang ang mananaliksik ng isang sarbey gamit ang Google
Forms upang matiyak ang kaligtasan ng respondente at maging sa mananaliksik. Maari naman
ang pagsagawa ng pag-i-interview gamit ang Google Meet, ngunit hindi na ito minumungkahi
sapagkat wala ng sapat na oras upang matapos ang pag-aaral na ito sa lalong madaling panahon.
Sa kabuuan, mas mainam kapag gagamit ng Google Forms upang makalikom ng datos para sa
pag-aaral na ito.

Sa pakikilahok ng mga respondente sa online class, inaasahan na naiiba ang mga


karanasan nila sa isa’t isa. May mga pagkakataon na ang ibang mag-aaral ay nahihirapang mag-
adjust sa new normal ng pagtuturo, habang ang iba naman ay nakalimutan na pangalagaan o
ingatan ang kanilang mga katawan o kalusugan upang magawa lamang ang gawain pagkatapos
ng online class sa araw. Sa gayon, may mga iba’t ibang pananaw ang mga mag-aaral ng
Arrowsmith sa TA 2020 – 2021 tungkol sa pag-ehersisyo pagkatapos ng isang araw ng pag-o-
online classes.

Online Class
Ang online classes ayon kay Centeno-De Jesus (2020) ay isang plataporma ng pag-aaral
kung saan ay idinadaos sa pamamagitan ng paggamit sa internet, at ang estudyante ay hindi na
kinakailangang lumabas pa ng bahay upang magtungo nang personal sa klase at makaharap ang
guro at mga kamag-aral. Sapagkat sa panahon na may pandemya, kinakailangan na obserbahan
ang social distancing upang maiwasan ang pagkalat ng nakakamatay na COVID-19 na inihayag
ng World Health Organization (WHO) bilang isang pandemya noong ika-11 ng Marso, 2020
(World Health Organization, n.d.). Gayunpaman, para sa ngalan ng kaligtasan ng mga mag-aaral
at alinsunod sa gobyerno ng bansa, ang pagkakaroon ng klase sa loob ng mga paaralan ay higit
na ipinagbabawal. Dagdag pa rito, inihayag ng Kagawaran ng Edukasyon na ang mga klase sa
paaralan ay mananatiling ipinagpaliban hanggang sa magkaroon ng bakuna para sa COVID-19
(CNN Philippines, 2020). Upang maipagpatuloy ang edukasyon sa bansa, ang Kagawaran ng
Edukasyon, sa pamumuno ni Secretary Leonor Briones, ay nag-wika na ang pag-aaral sa online
ay isa lamang sa maraming mga pagpipilian na magagamit sa ilalim ng blended o distance
learning (Hernando-Malipot, 2020).

Nang dahil diyaan, Si Father Joel E. Tabora, ang presidente ng paaralang Ateneo de
Davao University, ay nag-sulat sa kanyang blog post ukol sa pagpapatupad ng online class sa
pamantasan.

With the early impositions of quarantine, Mayor Sara Duterte declared, “All public and
private educational institutions should prepare for online enrolment and the possibility of
online classes for the months of April to July 2020” (E.O. 20, March 26, 2020). As the
Coronavirus, however, began to affect more and more countries, including our own country
and city, while the possibility of a vaccine was foreseen only for 2021 or beyond, it became
very clear to us at ADDU that the only way to continue our mission as a Jesuit, Catholic and
Filipino University for Mindanao was online (Tabora, 2020).

Ang online classes ng Ateneo de Davao University – Senior High School ay magaganap
sa dalawang paraan batay sa Academic Primer ng naturang paaralan. Ang dalawang paraan na
pinatupad, ay ang Guided Instruction at Individualized Instruction (Hurtado, n.d.). Ang Guided
Instruction ay ang aktwal na pag-tuturo ng mga guro sa klase sa pamamagitan ng Google Meet
habang ang Individualized Instruction naman ay ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa
pamamagitan ng pag-babasa ng mga notes o ang panonood ng presentasyon ng paksa sa video na
inihanda ng guro. Ang mga mag-aaral sa ikalabindalawang baitang ay nagkakaroon ng Guided
Instruction sa mga araw ng Martes, Huwebes, at Biyernes. Sa araw naman ng Lunes at
Miyerkules ay nagkakaroon sila ng Individualized Instruction na paraan ng pagkatuto. Bawat
araw, nagsisimula ang klase sa ganap na 7:45 AM ng umaga at magtatapos ito ng 2:25 PM ng
hapon. Kung kinakailangan ng mag-aaral na makipagkita muli sa kanyang guro, pwede siyang
pumasok sa Google Meet link ng naturang asignatura. Dagdag pa nito, upang makapag-aral sa
online class, kinakailangan ng isang mag-aaral ng laptop/desktop computer/tablet, webcam,
headset na may mikropono, at internet connection.

Mga Epekto sa Kalusugan Dala ng Online Class


Ang pagpapatupad ng online class ay may epekto sa kalusugan ng mga mag-aaral. Ang
pag-o-online class sa Ateneo de Davao University – Senior High School ay kinakailangang
umupo higit pa sa siyam na oras at nakaharap lamang sa screen ng kanilang mga laptop/desktop
computer/tablet. Ngunit, bakit nga ba ang matagal na pag-upo lamang ay may mga masamang
kahihinatnan sa kalusugan? Ang isang posibleng paliwanag para diyaan ay, dahil sa pag-upo,
nagpapahinga lamang ang pinakamalaking muscle sa ating katawan. Kapag nagpapahinga ang
mga muscle, kumukuha sila ng napakakaunting glucose mula sa dugo, na nagpapataas ng iyong
panganib na magkaroon ng type 2 Diabetes (Harvard Health Publishing, n.d.). Dagdag pa niyan,
liban sa type 2 Diabetes, may ibang masamang epekto tulad ng mga ibang sakit sa kalusugan ng
tao. Ayon kay Schaefer (2017), ang taong umuupo buong araw ay magkakaroon ng mahinang
mga binti at mga Glutes, pagdadagdag ng timbang, masikip na balakang at pagsasakit sa likod,
pagkabalisa at depresyon, panganib sa sakit na Kanser, sakit sa Puso, pagbuo ng Varicose Veins,
Deep Vein Thrombosis (DVT), at pagtigas ng Balikat at Leeg. Ang mga pagsasakit sa likod ayon
kay Morse (2020), ay dahil sa Sciatica, Herniated disc, Muscle Strain, Degenerative disc
disease, Spinal steniosis, postura, o simpleng wala sa tamang kalagayan ang katawan nila.

Ang mga sakit sa likod ay posibleng dulot ng hindi nakakapag-ehersisyo ang mga mag-
aaral dahil sila lamang ay nakaupo ng matagal na oras upang matapos ang online class sa araw.
Ang hindi paggalaw ay maaaring gawing mas matigas at masakit ang iyong likod (Versus
Arthritis, n.d.). Ang pag-e-ehersisyo ay napaka-importante, sapagkat may mga benepisyo o
magandang dulot ito sa kalusugan ng tao. Ang mga benepisyo na makukuha ng isang tao sa pag-
e-ehersisyo ay ang maayos na pagkontrol ng timbang, mapalakas ang kalusugan at maiwasan ang
sakit, malibang, nagkakaroon ng magandang tulog, nagkakaroon ng lakas para sa buong araw, at
magkakaroon ng social function o naging daan upang makipaghalubilo sa ibang tao (Madawala,
2018). Bukod dito, ayon kay Blum (2020), maaaring mabawasan ng ehersisyo ang sakit dahil
pinalalakas nito ang mga muscles na sumusuporta sa mga kasukasuan, nagpapadala ng signal sa
katawan upang makabuo ng mga endorphin na nagpapagaan sa sakit na nararamdaman ng
katawan. Upang maiwasan ang mga sakit sa likod, may mga posibleng unang lunas na pwedeng
gawin ng mga mag-aaral maliban sa pag-e-ehersisyo. Ang labing-isang mga posibleng lunas ng
mga taong may nararamdamang masakit sa kanilang likod ay, panatilihin ang magandang
pustura ng katawan, limitahan ang pahinga sa kama, makipagkita sa isang espesyalista o
dalubhasa, palakasin ang Core ng katwan, pabutihin ang flexibility, alisin ang brace,
mag-apply ng yelo at init, matulog sa tamang paraan, tigilan ang paninigarilyo, at subukan ang
Talk Therapy (Sayre, 2013).

Ayon kay Gallagher (2015), sa kontinenteng Europa, may isang pag-aaral na naganap sa
loob ng labindalawang taon na may kalahok na 300,000 at natagpuan na ang kawalan ng
ehersisyo ay maaaring nakakamatay higit pa ng dalawang beses kaysa sa mga taong napabilang
sa kategoryang Obese.

Using the most recent available data on deaths in Europe the researchers estimate that
337,000 of the 9.2 million deaths amongst European men and women were attributable to
obesity (classed as a BMI greater than 30): however, double this number of deaths (676,000)
could be attributed to physical inactivity (University of Cambridge, 2015).

Bagamat ang pag-aaral na nakasaad ay hindi dulot ng online class, maihahambing naman
natin ito sa sitwasyon na kinabibilangan ng mga mag-aaral ng Arrowsmith sa Taong Akademya
2020 – 2021. Iyon ay dahil ang klase ay ginaganap sa online na set-up, kung saan naging
limitado din ang kanilang galaw at hindi gaano ka-aktibo sa paggawa ng mga pisikal na
aktibidad. Tulad ng nabanggit sa pag-aaral, mas mataas ang posibilidad ng kamatayan ng tao
kapag sila ay hindi aktibo sa kanilang buhay. Dahil diyaan, ang buhay ng mga mag-aaral sa pag-
o-online class ay may panganib ng kamatayan dulot ng pagiging hindi aktibo.

Rekomendasyon Galing sa Mga Propesyunal


Bawat araw, kinakailangan natin magbigay ng sapat na oras sa pag-e-ehersisyo. Ang
bawat indibidwal ay dapat maghangad ng hindi bababa sa tatlumpung (30) minuto ng
katamtamang pisikal na aktibidad araw-araw (Laskowski, 2020). Dagdag pa rito, ayon kay
Warner (2012), ang mga tao na nag-e-ehersisyo ng tatlumpung (30) minuto sa isang araw ay
nakakapagbawas ng average na dalawang (2) pounds na timbang ng katawan kaysa sa mga nag-
e-ehersisyo sa loob ng isang oras. Sa kabilang dako naman, kinakailangan din ng mga mag-aaral
ng mga breaks sa pagitan ng kanilang mga klase, upang sila ay makakapag-ehersisyo. Base sa
artikulo ni Terada (2018), nirekomenda ng American Psychological Association ang
pagkakaroon ng break, dahil ito ay isang paraan upang may oras pa sila para sa karagdagang
aktibidad tulad ng ehersisyo at pagninilay.

May mga simpleng ehersisyo na pwedeng gawin ng mga mag-aaral upang kahit papano,
sila ay magkaroon ng mga pisikal na gawain. Batay sa artikulo ni Lawrence (2005), iminungkahi
niya na gawin ang 60-Second Aerobics. Ang mga aktibidad na ito ay dapat gawin sa isang (1)
minuto tulad ng jumping jacks, jumping rope, walk-lunges, o ang pag-sha-shadow-boxing. Ang
gawaing ito ay makakatulong upang mabawasan ang pagkaroon ng heart disease risk o sakit sa
Puso. Bukod dito, ang ibang mga ehersisyo na pwedeng gawin ng mga mag-aaral sa kanilang
mga breaks ay ang pag Triceps Dump, Arm Pulses, Arm Circles, Chair Squats, Calf Raises,
Seated Bicycle Crunches, Lower-Abs Leg Lifts, Neck Rolls, Chest Stretch, at ang Wrists and
Fingers Stretch (Courtright, 2020).

Importante din na isipin ng mga mag-aaral ang Computer Ergonomics kung sila ay
nakikilahok sa kanilang mga online classes. Ngunit, ano nga ba ang Computer Ergonomics?

Computer ergonomics addresses ways to optimize your computer workstation to reduce the
specific risks of computer vision syndrome (CVS), neck and back pain, carpal tunnel
syndrome and other disorders affecting the muscles, spine and joints (Heiting, 2017).

Ang pagsunod sa Computer Ergonomics ay isang paraan upang mabawasan ang


pangyayari kung saan may nararamdamang hindi komportable sa katawan. Ayon sa University
Health Service (n.d.), kinakailangan sundin ang mga sumusunod: ayusin ang workstation, modify
your body mechanics, ayusin ang iyong mga pattern sa pagtrabaho, at gumalaw. Kung inaayos
ang workstation, dapat pumili ng upuan na sumusuporta sa iyong likod upang ito ay
nakakarelaks at ito ay nakapatayo ang posisyon na may isang bahagyang arko. Bukod pa rito,
kinakailangan ang muscles ay nakakarelaks lamang at iwasan ang pag-tilt ng iyong ulo ng
matagalan upang hindi makaranas ng pagka-strain sa muscles. Importante rin na paghiwalayin
ang trabaho sa mas maliit na mga segment at lumipat sa pagitan ng mga gawain na gumagamit
ng iba't ibang mga paggalaw. Ang pinaka-importante sa lahat, ay dapat silang gumalaw sa
kanilang mga workstations, upang ang mga iba’t ibang muscles sa katawan ay magkakaroon ng
daloy ng dugo at maiwasan ang strain.
Buod ng Sarbey
Ang mananaliksik ay may inihandang pitong (7) mahahalagang katanungan na angkop sa
pananaliksik at may mga close-ended na mga sagot na nakahanda para sa sampung (10)
respondente ng mga mag-aaral sa Arrowsmith ng Taong Akademya 2020-2021. Ang unang
katananungan ng manaliksik sa mga respondente ay kung ano ang una nilang nararamdamang
masakit sa kanilang katawan. Batay sa nalikom ng mananaliksik, isang daang porsyento (100%)
sa sampung (10) respondente, pinili ang opsyon na sumasakit ang kanilang likod. Tinanong
naman ng mananaliksik ang kanilang mga ginagawa kung nasimulan na nilang maramdaman ang
mga sakit sa kanilang katawan. Ang limang (5) respondente ay nagpapahinga lamang habang ang
tatlo (3) ay patuloy lamang sa kanilang ginagawa at ang dalawa (2) naman ay nag-e-ehersisyo.
Sa sampung (10) mga respondente, siyam (9) ang bumoto ng “Oo” sa katanungan kung
kinakailangan bang habaan ang break ng mga mag-aaral upang maiwasan nila ang pag-upo ng
matagal na oras. Isa (1) lamang ang bumoto ng “Hindi” na opsyon. Sinundan naman ito ng
follow up na tanong sa mga nagsasabing “Oo” sa naunang katanungan. Base sa sarbey, apat (4)
mula sa siyam (9) ang bumoto na magkaroon ng apatnapung (40) minuto na break, tatlo (3)
naman ay bumoto ng tatlumpung (30) minuto na break, habang ang nalalabing dalawang (2)
respondente naman ay nagsasabi na habaan ang break ng dalawampu't limang (25) minute. Sa
sampung (10) mga respondente, limampung porsyento (50%) ang nagsasabing “Mahalaga” ang
pag-e-ehersisyo, habang ang tatlumpung porsyento (30%) naman ay nagsasabing “Napaka-
importante” ng pag-e-ehersisyo. Ang nalalabing dalawampung porsyento (20%) ay nahahati sa
dalawa: sampung porsyento (10%) sa “Medyo Mahalaga” at sampung porsyento (10%) rin sa
“Bahagyang Mahalaga” ang pag-e-ehersisyo. Sa katanungan naman kung gaano katagal sila
nakakapag-ehersisyo bawat araw, pitumpung porsyento (70%) ng mga respondente ay tumugon
na sila lamang ay nakakapag-ehersisyo ng mababa sa tatlumpung minuto (< 30) bawat araw.
Bukod pa riyan, dalawampung porsyento (20%) naman ay nagsasabi na sila ay nakakapag-
ehersisyo ng sobra sa isang (1) oras at sampung porsyento (10%) naman ay nagsasabi na sila ay
nakakapag ehersisyo ng tatlumpung minuto hanggang apat na pu't limang (30 – 45) minuto
lamang bawat araw. Bukod pa rito, base sa katanungan kung ano ang dahilan ng kanilang pag-e-
ehersisyo, lima (5) sa sampung (10) respondente sa seksyon Arrowsmith ng Taong Akademya
2020 – 2021 ay nag-e-ehersisyo para sila ay magbawas ng timbang o kinokontrol nila ang
kanilang timbang. Dagdag pa riyan, tatlo (3) naman ay nag-e-ehersisyo upang sila ay
magpalakas ng kanilang kalusugan at maiwasan ang mga sakit. Ang naiiwang dalawa (2) naman
ay naglahad ng iba’t ibang pananaw: isa (1) ay nag-e-ehersisyo upang malibang habang ang isa
(1) naman ay para maibsan o mawala ang sakit na parte ng katawan nila.

Pagpapaliwanag sa Posibleng Sakit na Mararanasan sa Pag-upo Buong Araw


Batay sa sarbey ng mananaliksik, lahat ng sampung (10) mga respondente ay tumugon na
nararamdaman nila ang pagsasakit sa likod habang nag-o-online class. Ang pagsasakit ng likod
ay isa sa mga masasamang epekto sa pag-uupo lamang, halos buong araw. Ito ay totoo sapagkat,
sa artikulo ni Schaefer (2017), binanggit niya na ang taong umuupo buong araw ay magkakaroon
ng mahinang mga binti at mga Glutes, pagdadagdag sa timbang, masikip na balakang at
pagsasakit sa likod, pagkabalisa at depresyon, panganib sa sakit na Kanser, sakit sa Puso, pagbuo
ng Varicose Veins, Deep Vein Thrombosis (DVT), at pagtigas ng Balikat at Leeg. Hindi ibig
sabihin na ang taong umuupo lamang ng buong araw ay nagkakaroon ng sakit sa likod, sapagkat
may ibang mga dahilan kung bakit ito nangyayari sa tao. Gayunpaman, ang iba’t ibang dahilan
ng pagsasakit ng likod ayon kay Morse (2020), ay dahil sa Sciatica, Herniated disc, Muscle
Strain, Degenerative disc disease, Spinal steniosis, postura, o simpleng wala sa tamang
kalagayan ang katawan ng tao.

Ang tatlo sa labindalawang mga mga posibleng lunas ng mga taong may nararamdamang
masakit sa kanilang likod ay palaging pag-e-ehersisyo, panatilihin ang magandang pustura ng
katawan, at limitahan ang pahinga sa kama (Sayre, 2013). Batay naman sa sarbey ng
mananaliksik, ang limang (5) respondente ay nagpapahinga lamang habang ang tatlo (3) ay
patuloy lamang sa kanilang ginagawa at ang dalawa (2) naman ay nag-e-ehersisyo. Base rito,
mapapatunay na ang mga respondente ay may ginagawang paraan upang maibsan ang sakit sa
kanilang likod tulad ng pag-e-ehersisyo at ang kanilang pagpapahinga. Ngunit, may mga mag-
aaral pa rin na patuloy sa kanilang ginagawa kahit nararamdaman na nila ang sakit sa kanilang
likod.

Pagpapaliwanag sa Importansya ng Pag-e-ehersisyo


Ang hindi paggalaw ng mahabang oras ay isa sa mga dahilan kung bakit sumasakit ang
likod ng mag-aaral. Ito ay base sa artikulo ng Versus Arthritis (n.d.) na nagsasaad na ang hindi
paggalaw ay maaaring gawing mas matigas at masakit ang iyong likod. Kung kaya dapat,
bigyang halaga ang pag-e-ehersisyo. Ayon naman sa sarbey ng mananaliksik, sa sampung (10)
mga respondente, limampung porsyento (50%) ang nagsasabing “Mahalaga” ang pag-e-
ehersisyo, habang ang tatlumpung porsyento (30%) naman ay nagsasabing “Napaka-importante”
ng pag-e-ehersisyo. Ang nalalabing dalawampung (20%) porsyento ay nahahati sa dalawa: isa
(1) sa “Medyo Mahalaga” at isa (1) rin sa “Bahagyang Mahalaga” ang pag-e-ehersisyo.

Ang pag-e-ehersisyo ay isang importanteng gawain sa buhay ng tao, sapagkat may mga
magagandang benepisyo ito sa kalusugan ng indibidwal. Batay sa sarbey ng mananaliksik, lima
(5) sa seksyon Arrowsmith ng Taong Akademya 2020 – 2021 ay nag-e-ehersisyo para sila ay
magbawas ng timbang o kinokontrol nila ang kanilang timbang. Dagdag pa riyan, tatlo (3)
naman ay nag-e-ehersisyo sila upang sila ay magpalakas ng kanilang kalusugan at maiwasan ang
mga sakit. Ang naiiwang dalawa (2) naman ay naglahad ng iba’t ibang pananaw: isa (1) ay nag-
e-ehersisyo upang malibang habang ang isa (1) naman ay para maibsan o mawala ang sakit na
parte ng katawan nila. Ito naman ay totoo base sa artikulo ni Blum (2020), nababawasan ng
ehersisyo ang sakit sa katawan dahil pinalalakas nito ang mga muscles na sumusuporta sa mga
kasukasuan, nagpapadala ng signal sa katawan upang makabuo ng mga endorphin na
nagpapagaan sa sakit na nararamdaman ng katawan. Ayon naman kay Madawala (2018), ang
mga mapapakinabangan ng mga tao sa pag-e-ehersisyo ay ang maayos na pagkontrol ng
timbang, mapalakas ang kalusugan at maiwasan ang sakit, malibang, nagkakaroon ng
magandang tulog, nagkakaroon ng lakas para sa buong araw, at magkakaroon ng social function
o naging daan upang makipaghalubilo sa ibang tao.

Pagpapaliwanag ng mga Nirerekomenda ng mga Propesyunal sa Kalusugan


Ayon sa sarbey ng mananaliksik, pitumpung porsyento (70%) ng mga respondente ay
tumugon na sila lamang ay nakakapag-ehersisyo ng mababa sa tatlumpung minuto (< 30 minuto)
bawat araw. Bukod pa riyan dalawampung porsyento (20%) naman ay nagsasabi na sila ay
nakakapag-ehersisyo ng sobra sa isang oras, at sampung porsyento (10%) naman ay nagsasabi na
sila ay nakakapag-ehersisyo ng tatlumpung minuto hanggang apat na pu't limang minuto lamang
(30 – 45 minuto) bawat araw. Base sa artikulo ni Laskowski (2020), dapat magkakaroon ng hindi
bababa sa tatlumpung (30 minuto) minuto bawat indibidwal ng pag-e-ehersisyo. Kung
ihahambing ang resulta ng sarbey sa isinaad ni Laskowski (2020), sobra sa kalahati ng mga
respondente ay hindi natugunan ang nirekomenda ng mga propesyunal sa pangkalusugan ng tao.
Ito ay dahil ang pitumpung porsyento (70%) ay nag-e-ehersisyo subalit, ito ay mababa sa
tatlumpung (30) minuto bawat araw.

Sa kabilang dako, upang maiwasan ang patuloy at matagal na pag-upo ng mga mag-aaral
sa online class, tinanong ng mananaliksik ang mga respondente patungkol sa kanilang break na
nararanasan nila at ayon sarbey, siyam (9) sa sampung (10) mga respondente ay nagsasabi na
kinakailangan na habaan ng paaralan ang mga break ng mag-aaral. Sa siyam na sumasang-ayon
na pahabain ang break, apat (4) ang pumili ng opsyon na habaan ang break sa apatnapung (40)
minuto. Tatlo (3) naman ay pumili ng tatlumpung (30) minutong break habang ang naiwang
dalawa (2) naman ay habaan ito sa dalawampu't limang (25) minuto. Ang paghahaba ng break ay
nakakatulong sa mag-aaral na magkaroon ng sapat na oras upang maging produktibo at may oras
silang mag-ehersisyo at mag-meditate. Ayon sa American Psychological Association, na
nagsasaad na ang pagtatalaga ng break, ay isang paraan upang karagdagan sa iba pang mga
aktibidad tulad ng ehersisyo at pagninilay (Terada, 2018).

Kongklusyon
Sa pag-aaral na ito ng mananaliksik, natuklasan nito ang mga iba’t ibang pananaw ng
mga mag-aaral sa Arrowsmith ng Taong Akademya 2020-2021 ukol sa pag-e-ehersisyo matapos
ang isang araw ng pag-o-online classes. Ito ay naging posible sa paraan ng pag-sarbey sa
sampung (10) respondente, upang makalikom ng mga datos para sa pag-aaral na ito. Sa nalikom
na mga datos, natuklasan ng mananaliksik na sa klase ng Arrowsmith Taong Akademya 2020-
2021, ang unang nararamdaman ng mga respondente sa isang araw ng pag-o-online class ay ang
ang pananakit ng kani-kanilang mga likod. Dagdag pa rito, batay sa sarbey, nadiskubre ng
mananaliksik na may oras pa ang mga mag-aaral na makapag-ehersisyo. Ngunit, pitumpung
porsyento (70%) ng mga mag-aaral ay nakapag-ehersisyo ng mababa sa tatlumpung (30) minuto.
Base sa pag-aaral, nirerekomenda na magkaroon ng hindi bababa sa tatlumpung (30) minuto ng
pag-e-ehersisyo ang isang tao (Laskowski, 2020). Ang nalalabing tatlumpung porsyento (30%)
naman ng mga respondente ay nakakapag-ehersisyo ng sobra o sapat lamang sa nirerekomenda
ng mga propesyonal: dalawampung porsyento (20%) ay nagsasabing sobra pa sa isang oras at
sampung (10%) porsyento ay nagsasabing tatlumpung minuto hanggang apat na pu't limang
minuto lamang. Natuklasan din ng mananaliksik kung gaano kahalaga ang kalusugan ng mga
respondente ngayon sa pakikilahok nila sa online class. Ayon sa sarbey, limang (5) respondente
ay nagsasabing “mahalaga” lamang ang kanilang mga kalusugan sa habang nag-o-online class.
Sinundan naman ito ng tatlong (3) respondente na nagsasabing “napaka-importante” ng kanilang
kalusugan. Dagdag pa rito, ang dalawang (2) nalalabing respondente ay tumugon ng magkaibang
pananaw sa kahalagahan ng kanilang mga kalusugan, ngayon na nakikilahok sila sa online class:
ang isa ay tumugon ng (1) “medyo mahalaga at isa (1) sa “bahagyang mahalaga.”

Ang hamon ng mananaliksik sa mambabasa ng pag-aaral na ito ay kinakailangan


maghanap ng panahon upang makapag-ehersisyo kahit tatlumpung minuto lamang bawat araw.
Sa pag-e-ehersisyo, nakakatulong ito upang mapanatili ang kalusugan ng tao at may mga
magandang benepisyo ito sa pangkalahatang pagkatao niya. Bukod pa riyan, dapat isipin at
isapuso ng mambabasa na ang kalusugan ng bawat indibidwal ay napakahalaga at kailangan
itong pangalagaan at ingatan lagi. Dagdag pa riyan, kinakailangan din na huwag kalimutan
magkaroon ng sariling break upang makapahinga mula sa online class. Panghuli, kailangan din
nilang sumunod sa Computer Ergonomics. Sa gayon, maiiwasan pa lalo ang mga sakit na
nararamdaman sa katawan kung nakikilahok sila sa online class.

Talaan ng Sanggunian

Blum, S., MD. (2020, February 06). 11 Ways to Relieve Pain Naturally. Retrieved from
https://www.arthritis-health.com/blog/11-ways-relieve-pain-naturally

Centeno-De Jesus, D. (2020, August 26). Online Class, ang bagong normal na pag-aaral ng
mga kabataan. Retrieved from https://www.akoaypilipino.eu/lifestyle/online-class-
ang-bagong-normal-na-pag-aaral-ng-mga-kabataan/

Courtright, S. (2020, July 16). 25 Office Exercises: Easy Desk-Friendly Ways to Get Fit.
Retrieved from https://snacknation.com/blog/office-exercises/

CNN Philippines. (2020, June 10). DepEd to release standards for computers, gadgets as
students gear up for alternative learning. Retrieved from
https://www.cnn.ph/news/2020/6/10/DepEd-standards-guidelines-gadgets-online-
blended-learning.html

Gallagher, J. (2015, January 15). Inactivity 'kills more than obesity'. Retrieved from
https://www.bbc.com/news/health-30812439

Harvard Health Publishing. (n.d.). The dangers of sitting. Retrieved from


https://www.health.harvard.edu/pain/the-dangers-of-sitting

Heiting, G. (2017, February). 10 Computer Ergonomic Tips for Healthy Vision. Retrieved
from https://www.allaboutvision.com/cvs/ergonomics.htm

Hernando-Malipot, M. (2020, July 15). Briones confident blended learning ‘will work’.
Retrieved from https://mb.com.ph/2020/07/15/briones-confident-blended-learning-
will-work/

Hurtado. (n.d.). Ateneo de Davao Senior High School Academic Primer. Retrieved from
https://hurtado.addu.edu.ph/pluginfile.php/61992/mod_resource/content/1/Ateneo
%20de%20Davao%20Senior%20High%20School%20Academic%20Primer.pdf

Lawrence, J. (2005, January 03). Exercise at Your Desk. Retrieved from


https://www.webmd.com/fitness-exercise/features/exercise-at-your-desk

Laskowski, E. R. (2019, April 27). How much exercise do you really need? Retrieved from
https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/fitness/expert-answers/exercise/faq-
20057916
Madawala, C. (2018, May 7). Importance of Exercise. Retrieved from
https://www.liveyourlifept.com/blog/2018/05/07/importance-of-exercise/

Morse, R. (2019, May 20). Lower Back Pain When Sitting: Causes, Stretches, and
Treatment. Retrieved from https://www.healthline.com/health/lower-back-pain-when-
sitting

Sayre, C. (2013, March 29). 12 Ways to Improve Back Pain. Retrieved from
https://www.webmd.com/back-pain/features/12-back-pain-tips#1

Schaefer, A. (2017, July 8). 10 Things That Happen When You Sit Down All Day. Retrieved
from https://www.healthline.com/health/workplace-health/things-that-happen-when-
you-sit-down-all-day

Tabora, J. E. (2020, May 14). A Letter to ADDU Parents in Partnership [Web log post].
Retrieved from https://taborasj.wordpress.com/2020/05/14/a-letter-to-addu-parents-
in-partnership/

Terada, Y. (2018, March 9). Research-Tested Benefits of Breaks. Retrieved from


https://www.edutopia.org/article/research-tested-benefits-breaks

University Health Service. (n.d.). Computer Ergonomics: How to Protect Yourself from
Strain and Pain. Retrieved from https://uhs.umich.edu/computerergonomics

University of Cambridge. (2015, January 14). Retrieved from


https://www.cam.ac.uk/research/news/lack-of-exercise-responsible-for-twice-as-
many-deaths-as-obesity

Versus Arthritis. (n.d.). What should I know about back pain? Retrieved from
https://www.versusarthritis.org/about-arthritis/conditions/back-pain/

Warner, J. (2012, August 24). 30 Minutes of Daily Exercise Enough to Shed Pounds.
Retrieved from https://www.webmd.com/fitness-exercise/news/20120824/30-
minutes-daily-exercise-shed-pounds

World Health Organization. (n.d.) Coronavirus disease (COVID-19) pandemic. Retrieved


from https://www.euro.who.int/en/health-topics/health-emergencies/coronavirus-
covid-19/novel-coronavirus-2019-ncov

You might also like