Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ANO ANG BUOD NG HIMALA

Ang tagpuan ng pelikulang Himala ay ang Cupang, isang maliit na baryo sa


Pilipinas namatagal na panahon na ring hindi dinaratnan ng ulan kaya't
nagbibitak ang mgakalsada't natutuyo ang mga pananim. Naniniwala ang mga
taga-Cupang na simumpa ngbayang kinabibilangan ng baryo nila.Si Elsa ang
pangunahing tauhan ng pelikulang ito. Siya ay 24 taong gulang na atkatulong
sa bahay ni Gng. Alba. Ampon lamang si Elsa ng kanyang inang si
AlingSaling.Ngunit nagbago ang lahat kay Elsa nang dumilim isang tanghaling
tapat. Tinatakpan ngbuwan ang araw. Hindi magkamayaw ang mga tao sa
mga sandaling iyon, takot natakot na tumatakbo pauwi sa kani-kanila at
nagsisigawan. Isang matandang babae angnagpalala ng lahat nang nasambit
niyang "Diyos ko po, magugunaw na ang mundo!""Hindi ho, eclipse lang ho
iyan," tugon ni Lucio na sumubok pakalmahin ang mga taongnatataranta.Sa
dilim ay nangangap si Elsa paakyat sa burol. Humuhugong ang hangin.
Nadapa siElsa. At sa kanyang pagbangon ay may narinig siyang bulong, isang
boses ng babae natinatawag ang pangalan niya. Lumingon siyang tila
tumahimik ang lahat at kanyangnilapitan ang isang punong tuyong-tuyo't
walang dahon na nasa tuktok ng burol. Niyaniya ang kung anumang liwanag
na iyon. Napaluhod siyang tila magdarasal habang angkanyang mukha'y
sinisikatan ng liwanag na iyon.Kinagabihan sa bahay nina Elsa ay nag-uusap
sila at ng kanyang ina. "Elsa, lagi ka nalang wala sa iyong sarili. Gaya
kanina, pinapunta kita kina Lucio'y nakalimutan mo.Lagi kang nasa burol. Di
kita laging mababantayan. Dapat mag-asawa ka na. Bakasabihin nila'y mag-
ina tayong matandang dalaga. Di kita inampon para gumaya lang sa'kin." Iba
ang sagot ni Elsa, "Nakita ko po ang Mahal na Birhen. Sa Burol po.
Kaninahabang may eclipse. Nakaputing damit po siya. May belong asul. May
sugat sa dibdib.Umiiyak po siya ak saka nawala. Ayaw po kayong maniwala
sa akin?"Kinabukasan, ipinatingin ni Aling Saling si Elsa sa isang
arbularyo. Pinalo nang pinalong arbularyo ang hubad na likod ni Elsa
habang nakahiga ito parang hindi nasasaktan.Matigas daw ang espiritung
sumasanib kay Elsa sabi ng arbularyo kaya ibalik na langdaw ito sa susunod
na araw.Kinaumagahan habang pappunta sana si Baldo sa bukid ay napaitigil
siyang nakatinginsa burol. Nakita niya si Elsa na nakaluhod nang matikas sa
harap ng tuyong punongkahoy. Nilapatan niya si Elsa at nakita na dumurugo
ang magkabilang kamay nito.Niyugyog niya si Elsa ngunit matagal kumibo.
Nang nagmulat ang mga nito ay inilapadniya ang kanyang palad, may sugat
ang mga palad nito.Kinagabihan ay nasa simbahan si Elsa at kausap ang
isang pari. May pagdududa angpari kay Elsa na batid habang sila'y nag-
uusap. "Ang Mahal na Birhen po ang nakita ko.Opo, pero meron po siyang
sugat sa dibdib. Para pong tama ng baril." "May baril na banoong unag
panahon. Minsan, mapaglinlang ang demonyo. Kaya nitong magpakita sakahit
anong anyo. Kahit pa ng Panginoon. Papaano mo naman makikita iyon e
mayeclipse.""May liwanag pong nanggagaling sa kanya. Parang po siyang
nabibihisan ng araw.Noong una po'y nagpapakita lang siya, umiiyak, at saka
nawawala. Pero nitong huli'ynagsasalita na siya. Sabi po niya'y di mo ako
mapangingiti, Ineng, maraming kasalananang tao. Ewan ko po kung sa kanya
ko nakuha ang mga sugat ko. Pero sabi po niya,kung magpapakabait daw po
lahat ng mga tagarito, isang araw ay mawawala angsumpa. At ang sabi rin
po niya, darating daw ang araw at lalapit daw po sa akin an
lahat ng may sakit at makapanggagamot daw po ako. Hindi lang daw po ng
sugat ngkatawan pati'y 'yung sugat ng mga kaluluwa," pahayag ni Elsa."Lagi
kang tinutukso ng mga tao dito bilang putok sa buho. At noong araw na
nakita moang Birhen ay nakagalitan ka daw ni Mrs. Alba. May sama ka ba
ng loob sa mga taodito, Elsa? Hindi ako naniniwala sa mga milagro,"
tugon ng pari kay Elsa.Sa bahay nina Elsa ay nag-aaalalang kinausap siya
ni Aling Saling. "Baka pagtawananka ng mga tao. Baka matanggal tayo sa
trabaho kay Mrs. Alba.Nagising si Aling Saling na wala sa kanyang
tabi si Elsa. Hinanap nina Aling Saling,Chayong at Baldo si
Elsa. Nagtungo sila sa burol, doon nakita nilang nakaluhod si
Elsa.Wala na ang mga sugat sa katawan ni Elsa. Lumapit ang isang
tagabaryo, "Baldo, iyongkaibigan mong taga-Maynila, 'yung tiningnan ni
Elsa, nawala na raw ang sakit niya!Gumaling na raw siya!" Lumuhod sila sa
harap ni Elsa.Hinahagud ni Elsa ang mata ni Lolo Hugo. Binihisan nila si Elsa
ng puting-puting damitna pagmamay-ari ng pinsan ni Chayong na dating
nagmamadre. Lumakad sila na tilamunting prusisyon. "Baldo, pagbutihin mo!
Baka maawa sa'yo ang Mahal na Panginoonat pagkalooban ka ng asawa," ani
Lucio nang napadaan ang pangkat nina Elsa sa harapnito.Ang ilang usiserong
tagabaryo ay nasa burol na. Pilit hinahanap ang birhen. "Baka dito!Baka
nagtatago lang dito! O baka naman diyan sa kabilang puno." "Huwag
kangmaingay. Naka matakoy lumabas!" Iniisnpeksyon nila ang puno, ang iba
ay may dalapang flashlight.Pagkahapon, maraming tao sa bahay nina Elsa.
Iniharap ni Baldo ang isang pasyentengnaipitan ng ugat sa paa upang
ipagamot kay Elsa. Lahat ay nakamasid sa kanyangginagawa. Tinawag ni
Mrs. Alba sina Aling Saling, Chayong, Baldo at Sepa. Kailangandaw
nilang mag-organisa upang tulungan at bantayan si Elsa.Malalim na ang gabi.
Nagising si Chayong sa pagkakahilik ni Pilo, ang kanyangkasintahan. Nasa
ilalim sila ng bahay, sa may tangkal ng baboy."Huwag Pilo! Natatakot ako,"
ani ni Chayong. "Ba't ka natatakot, ako lang 'ti di bamahal mo ako?
Chayong, mapapanis tayo!" tugon ni Pilo. "Alam mo namang gutso kongmalinis
ako bago makasal. 'Yun lang ang maibigay ko sa'yo." "Ngayon mo na
ibigayChayong.""Ba't ako pa ang nagustuhan mo? Marami ka namang
girlfriend a. H'wag Pilo...huwag!Talaga namang marami kang girlfriend.
Pati nga si Elsa niligawan mo n'on," ani niChayong. "Lahat ng babae
kaya kong lagawan, pero si Elsa hindi. Ewan ko kung bakiy.Parang hindi siya
babae e. Parang hindi siya tao. Kelan ba tayo papakasal?""Nakausap ko si
Elsa, Pilo," sabi ni Chayong. "Lahat ba naman ng gagawin mo'yikinukunsulta
mo pa kay Elsa," sagot ni Pilo. "Alam niya ang lahat," agad na tugon
niChayong. Umalis si Chayong at sa kanilang bahay ay naligo siya. Sinabunan
niya angmga bahagi ng kanyang katawan na hinagkan ni Pilo.

You might also like