Mrs. Nelia Esteban Barangay Callos, Peñaranda, Nueva Ecija
Dear Mr. and Mrs. Esteban:
Kami po ay nangyaring lumiham sa inyo sa dahilang dumulog sa aming tanggapan
at kinuha an gaming serbisyong legal ng mga tiga- pagmana ng nasirang Esteban Abesamin hingil sa usapin ng lupain na matatagpuan sa Barangay Callos, Peñaranda napapaloob sa Tax Declaration Number 17-17005-00702. Ayon sa aming mga kliyente, ang nabanggit na parsela ng lupa ay pagmamayari ng kanilang yumaong ama. Dahil sa sila ang tagapagmana ng kanilang ama, at lumalabas na may-ari ng lupa sa pamamagitan ng batas sa saksesyon, minabuti nila na pangalagaan at ipaglaban ang kanilang karapatan bilang may-ari ng nasabing lupa. Gayundin, sinabi ng aming kliyente na kayo ay nagtayo ng bahay at nagtanim ng mga puno ng kalamansi sa lupang kanilang pagmamay-ari. Sa kabila ng paulit-ulit na pakikipag-usap upang inyong lisanin ang nabanggit na lupain ay nanatili pa rin kayo doon ng walang kapahintulutan sa may-ari ng lupa. Ito ay maliwanag na labag sa batas kung kaya’t kayo ay aming binibigyan ng sampung (10) araw mula sa pagkatanggap ng liham na ito upang lisanin ang nasabing lugar at alisin ang anumang istruktura na inyong doon ay inilagay. Sa sandaling kayo ay tumalima sa isinasaad ng liham na ito ay mapipilitan kaming magdulog ng kaso sa Hukuman upang mapangalagaan ang karapatan ng aming mga kliyente. Hinihiling namin ang inyong pagtuunan ng pangunahing atensyon ang mga bagay na ito upang maiwasan ang anumang higit na gastusin at abala kung ang usaping ito ay makarating pa sa Hukuman. Ituring po ninyo na ang liham na ito ay aming huling pagbibigay babala sa inyo.
Lubos na gumagalang, CELSO O. BAGUIO ELIJAH B. BACTOL Legal Counsel Legal Counsel