Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

4

Republic of the Philippines


Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
Misamis Street, Bago-Bantay, Quezon City

UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS


(USLeM)

EPP4 Industrial Arts


Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Writers: Rogelio D. Desales Jr
Layout Artist Brian Spencer B. Reyes
Content Editors: Maya S. Sabinano
Language Editors: Iderlina Lappay; Jonald I. Fabia
Management Team: Dr. Malcolm S. Garma, Regional Director, NCR
Dr. Jenilyn Rose B. Corpuz, SDS, SDO-Quezon City
Dr. Genia V. Santos, CLMD Chief, NCR
Dr. Ebenezer A. Beloy, OIC- CID Chief, SDO-Quezon City
Dr. James Roldan, Regional EPS in EPP/TLE
Dennis M. Mendoza, EPS –LRMS, NCR
Roger S Tamondong, EPS in EPP/ TLE, SDO-Quezon City
Heidee F. Ferrer, EPS-LRMS, SDO-Quezon City
Nancy C. Mabunga, Librarian - NCR
Brian Spencer B. Reyes, PDO, SDO-Quezon City
Liza J. de Guzman, Librarian, SDO-Quezon City

__________________________________________________________________________________________
(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.)
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 4 EPP- Home Economics

Aralin 5: Mga Panuntunang Pangkaligtasan at


Pangkalusugan sa Paggawa

Inaasahan
Pagkatapos mong mapag-aralan ang USLEM na ito, inaasahang:

1. naisa-isa ang mga panuntunang pangkaligtasan kaugnay ng


mga gawain;
2. nakasusunod sa mga panuntunang pangkaligtasan at
pangkalusugan habang gumagawa; at
3. napahahalagahan ang mga panuntunang pangkaligtasan at
pangkalusugan sa paggawa.

Unang Pagsubok
Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Isulat sa
Iyong kuwaderno ang TAMA kung totoo ang sinasabi sa
pangungusap at isulat ang MALI kung hindi.

_______1. Gumamit ng kasangkapang angkop sa gawain.


_______2. Makipag-usap o makipaglaro ng matatalas at matutulis
na kasangkapan habang gumagawa.
_______3. Gumamit ng mga kasangkapan nasa mabuting
kondisyon, walang sira at hindi mapurol.
_______4. Iligpit at ilagay sa takdang lalagyan ang mga kagamitan
at kasangkapan matapos gamitin.
_______5. Makipag-agawan sa paggamit ng kasangkapan kung
kulang ang dami nito.
_______6. Gamitin nang buong ingat ang mga kasangkapang
matutulis ang talim.
_______7. Magsuot ng apron o damit pantrabaho kung
magbabarnis o magpipinta.
_______8. Hindi mahalaga ang pagsangguni sa guro alinmang
bagay sa Gawain na hindi maunawaan.
_______9. Ipagbigay-alam sa guro ang anumang sakunang
nangyari sa paggawa.
______10. Linisin ang pinaggawaan pagkatapos gumawa.
__________________________________________________________________________________________
(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.) P a h i n a |2
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 4 EPP- Home Economics

Balik-Tanaw
Ano-anong kagamitan at kasangkapan ang nagamit mo na sa paggawa
ng iyong proyekto? Paano mo ginamit ang mga ito? Nagawa mo ba
nang maayos ang iyong proyekto?
Kilalanin ang mga sumusunod na kagamitan at kasangkapan sa
paggawa.

_________________________
_________________________

_________________________
_________________________

_________________________
_________________________

_________________________
_________________________

_________________________
_________________________

__________________________________________________________________________________________
(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.) P a h i n a |3
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 4 EPP- Home Economics

Maikling Pagpapakilala ng Aralin

Mga Panuntunang Pangkaligtasan at


Aralin 5
Pangkalusugan sa Paggawa
Ang paggawa ng mga proyekto ay isang kawili-wili,
nakakalibang at kapaki-pakinabang na gawain lalo na kung nasusunod
mo ang mga tuntuning pangkaligtasan at pangkalusugan habang
gumagawa.
Narito ang mga ilang tuntunin na dapat isalang-alang upang
maiwasan ang sakuna habang gumagawa. Ito ang magsisilbing gabay mo
upang maging matagumpay ang anumang iyong nais balakin sa
pagsasagawa ng proyekto.

1. Kilalanin ang gamit ng bawat kasangkapan at materyales na


kailangan upang maiwasan ang posibleng sakunang maidulot
niyo.
2. Iwasan ang pakikipag-usap o paglalaro ng matatalas at matutulis
na kasangkapan.
3. Panatilihin ang wastong distansya sa kaklase o katabi habang
gumagawa.
4. Magsuot ng mga kasuotanng nagbibigay – proteksyon sa sarili
katulad ng mask at gwantes kung kailangan. Ugaliin din ang
paglalagay ng saping dyaryo sa mesang gawaan o sa lugar na
pagpipintahan.
5. Huwag paglaruan ang mga kasangkapang matutulis o maging
mapurol.
6. Kung may alinlangan sa ginagawa, huwag mag-atubiling
magpaturo sa guro o sa nakakaalam. Mainam na ang nagtatanong
para iyong kaligtasan sa anumang sakuna.
7. Kung nasaktan, sabihin agad sa guro upang malapatan ng pang-
unang lunas.
8. Basahin ang mga tagubilin sa paggamit ng mga kasangkapang
de-koryente bago gamitin ang mga ito.
9. Iligpit at ilagay sa takdang lalagyan ang mga kagamitan at
kasangkapan matapos gamitin.
10.Sa pagsisimula at pagtatapos ng paggawa, panatlihing malinis at
maayos ang pook- gawaan.
__________________________________________________________________________________________
(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.) P a h i n a |4
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 4 EPP- Home Economics

Karagdagang kaalaman
a. Gamitin nang buong ingat ang mga kasangkapang de-koryente at
kagamitang matatalim.
b. Ang mga de-koryenteng kasangkapan ay ginagamit lamang kung
kinakailangan at hindi dapat paglaruan.

Gawain
A. Unang Pagsubok:
Panuto: Lagyan ang patlang ng (/) kung dapat gawin at (x) kung
hindi dapat:

________1. Gumamit ng kasangkapang angkop sa bawat


gawain.
________2. Iwasan ang pakikipag-usap o pakikipaglaro habang
gumagawa.
________3. Ingatan ang paggamit ng matalas na kagamitan at
kasangkapan.
________4. Maghintay ng pagkakataon sa paggamit ng
kasangkapan kapag ito’y kulang.
________5. Isangguni sa kaklase lamang ang alinmang bagay
sa gawain na hindi maunawaan.
Ikalawang Pagsubok:
Magtala ng mga uri ng sakunang maaring maganap habang
gumagawa at gawing panuntunang pangkaligtasan na dapat tandaan
upang maging ligtas sa anumang gawaing maisasakatuparan.

Tandaan
May mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan na dapat
sundin habang gumagawa upang ligtas sa anumang di inaasahang
pangyayari o aksidente at maging tuloy-tuloy sa paggawa.

Pag-alam sa mga Natutuhan


Ayusin ang mga kasangkapan sa iyong paggawa ng proyekto. Isulat
ang tamang hakbang sa paggawa nang ligtas ang sarili at maging
matagumpay sa paggawa.
__________________________________________________________________________________________
(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.) P a h i n a |5
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 4 EPP- Home Economics

Panuto: Sagutin ang tseklis sa paglalagay ng tsek.

Tseklis Oo Hindi gaano Hindi


1. Nasunod ba ang mga pangkalusugan
at pangkaligtasang gawi?
2. Itinatabi ko ba ang mga kasangkapan
matapos kong gamitin?
3. Ang matutulis at matatalim bang
kasangkapan ay hinahawakan ko nang
tama?
4. Tama ba ang pag-aabot ko sa mga
may matutulis?
5. Nililinis ko ba ang pinaggawaan
matapos gamitin/
Pangwakas na Pagsusulit

Panuto: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kuwaderno.

1. Ang gagamiting kasangkapan sa paggawa ay dapat na maging


___________sa gagawin.
A. angkop C. wala sa kondisyon
B. kahit ano D. mga sirang kasangkapan

2. Kung kulang ang dami ng mga kasangkapan na gagamitin kailangang


___________.
A. Makipag-unahan C. wala sa kondisyon
B. Maghintay ng pagkakataon D. hindi na gagana

3. Ang mga kasangkapang matulis at matalim ay dapat gamitin nang


may _________.
A. walang ingat C. buong ingat
B. mabilisan D. pabayaan lang
4. Ang mga kasangkapan ginamit ay dapat ilagay sa ________.
A. takdang lalagyan C. kahit saan
B. ilalim ng mesa D. sa tabi lamang
5. Ang pinaggawaan ay dapat _______pagkatapos gumawa.
A. hayaan na lang C. ipalinis sa nanay
B. linisin D. walang pakialam
__________________________________________________________________________________________
(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.) P a h i n a |6
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 4 EPP- Home Economics

Susi sa Pagwawasto

5. X
4. ✓
3. ✓
2. ✓
1. ✓
Pagyamanin:

5. b
10.Tama 4. a
9. Tama 3. c
8. Mali 2. b
7. Tama 1. a
6. Tama Tayahin: A
5. Mali
4. Tama
3. Tama
2. Mali
1. Tama
Subukin

Sanggunian

Shiela Mae R. Roson, et.al. 2015. Edukasyong Pantahanan at


Pangkabuhayan Batayang Aklat sa Ika-apat na baiting. Pasig City
Philippines: Vibal Group Inc. pp. 452-461.

Shiela Mae r. Roson, et.al. 2015. Edukasyong Pantahanan at


Pangkabuhayan Batayang Aklat Manual ng Guro. Pasig City Philippines:
Vibal Group Inc. pp. 210-215.

Evelyn D. Deliarte, et.al.2015. Makabuluhang Gawaing Pantahanan at


Pangkabuhayan 4. Quezon City, Philippines: Adriana Printing Corp. pp.
192-197.

__________________________________________________________________________________________
(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.) P a h i n a |7

You might also like