Learning Activity Sheets Araling Panlipunan 8 (3 Quarter - Week 2 & 3) Unang Yugto NG Kolonyalismong Kanluranin

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Learning Activity Sheets

ARALING PANLIPUNAN 8 (3rd Quarter – Week 2 & 3)

Unang Yugto ng Kolonyalismong Kanluranin


Ano nga ba ang Kolonyalismo? Ano ang pagkakaiba nito sa Imperyalismo? Ang Kolonyalismo ay
mula sa salitang kolonya na nagmula sa salitang Latin na “colons” na ang kahulugan ay
magsasaka o “farmer.” Ang kolonyalismo ay ang direkta o tuwirang pananakop ng isang malakas
na bansa sa iba pang mahihinang bansa upang makamit ang mga layunin o mga interes nito tulad
ng pagkuha ng mga kayamanan. Kolonya ang tawag sa mga teritoryo at mamamayan na
napasailalim sa kapangyarihan at pagkontrol ng bansang mananakop, samantalang ang
kolonyalista ay ang tawag sa mga bansang mananakop. Ang Imperyalismo naman ay paraan ng
pamamahala kung saan ang malalaki o makapangyarihang mga bansa ang naghahangad upang
palawakin ang kanilang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagsakop o paglulunsad ng mga
pagtaban o kontrol na pangkabuhayan at pampolitika sa ibabaw ng ibang mga bansa. Ang mga
bansang sakop nito ay tinaguriang kanilang Imperyo. Tatlong bagay ang mahalagang dahilan ng
pananakop ng mga Europeo:
1. Paghahanap ng kayamanan;
2. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo; at
3. Paghahangad ng katanyagan at karangalan.

Mula ika-15 hanggang ika-17 siglo, naganap ang unang yugto ng Imperyalimong Kanluranin. Ang
pagbabagong naganap sa Europa sa Panahon ng Renaissance ang nagsilbing inspirasyon sa mga
manlalakbay at nabigador na maglakbay sa ibat-ibang bahagi ng daigdig.

Mga Motibo at Salik ng Kolonyalismo


Naging kaakit-akit ang Asya sa paningin ng mga Europeo. Ang tangi lamang nilang kaalaman
tungkol sa Asya ay mula sa tala ng paglalakbay ng nabigador na sina Marco Polo, at Ibn Battuta.
Naakit sila sa mayamang paglalarawan kaya naghangad silang marating ang lugar ng Asya. Ang
aklat ni Marco Polo, “The Travels of Marco Polo” ay naging mahalaga sapagkat ipinaaalam nito sa
mga Europeo ang yaman at kaunlarang taglay ng Tsina. Hinikayat nito ang mga Europeo na
marating ang Tsina. Naitala naman ng Muslim na manlalakbay na si Ibn Battuta ang kanyang
paglalakbay sa Asya at Aprika. Malaki rin ang naitulong ng dalawang instrumento na natuklasan
para sa mga manlalakbay, ito ay ang “compass” na nagbibigay ng tamang direksyon habang
naglalakbay at ang “astrolabe” na gamit naman upang sukatin ang taas ng bituin. Naging dahilan
din ng pananakop na ito ang pagpapasimula ng paglalayag at pagtuklas ng mga bagong lupain ng
dalawang bansa sa Europa – ang Portugal at Espanya. Nanguna ang Portugal sa mga bansang
Europeo sa katauhan ni Prinsipe Henry “the Navigator” na naging inspirasyon ng mga manlalayag
sa kanilang panahon. Hinikayat niya ang mga dalubhasang mandaragat na magturo ng tamang
paraan ng paglalayag sa mga tao. Masidhi ang kanyang pagnanais na makatuklas ng mga bagong
lupain para sa karangalan ng Diyos at ng Portugal. Nakadepende ang mga Europeo sa paggamit ng
mga pampalasa o “spices” na matatagpuan sa Asya lalo na sa India tulad ng paminta, cinnamon at
nutmeg.

Mga Nanguna sa Panggagalugad


Pinangunahan ng Portugal ang panggagalugad sa karagatan ng Atlantiko upang makahanap ng
mga pampalasa at ginto. Sa pagitan ng 1320 hanggang 1528, nakapaglayag ang mga mandaragat
na Portuges hanggang sa kanlurang bahagi ng Aprika upang hanapin ang daang katubigan
patungo sa Asya. Natagpuan ni Bartholomeu Dias noong Agosto 1488 ang pinakatimog na bahagi
ng Aprika na kilala sa tawag na Cape of Good Hope. Ang paglalakbay na ito ni Dias ay nagpapakita
na maaaring makarating sa Silangang Asya sa pamamagitan ng pag-ikot sa Aprika.

Noong 1497 ay apat na sasakyang pandagat ang naglakbay na pinamunuan ni Vasco da Gama
mula sa Portugal hanggang sa Calicut, India. Taong 1500 sinakop ng manlalayag na si Pedro
Cabral ang Brazil. Pinangunahan ng mga Heswita ang pagbuo rito ng mga pamayanan na naging
destinasyon ng pandarayuhan ng mga Portuges. Sa kalagitnaan ng ika-16 na siglo, ang mga
Portuges ay nangailangan ng mga manggagawa sa kanilang mga taniman ng tubo sa America, kung
kaya ito ang naging dahilan ng malawakang pagluluwas ng mga aliping Aprikano. Naging malaking
negosyo para sa mga Portuges ang kalakalang ito ng mga alipin sa malaking bahagi ng Amerika.

Ang Paghahangad ng Espanya ng Kayamanan Mula sa Silangan


Hindi nagpatalo ang mga Kastila sa mga Portuges sa panggagalugad. Sa ilalim ng pamamahala
nina Haring Ferdinand at Reyna Isabella ng Castille, naging dahilan ito upang maghangad din ng
yaman sa Silangan. Sa kanilang pagsasanib pwersa, nagpadala rin sila ng ekspedisyon sa Silangan
sa katauhan ni Christopher Columbus na isang Italyano manlalayag na unang namuno sa
paglalayag patungong India. Binigyan siya ng titulong “Admiral of the Ocean Sea”, “Viceroy” at
“Gobernador” ng mga islang kaniyang natagpuan sa Indies. Tatlong ekspedisyon ang kanyang
pinamunuan bago siya namatay nooong 1506. Narating niya ang mga isla sa Carribean at sa Timog
Amerika nguni’t di siya nagtagumpay sa paghahanap ng bagong ruta patungo ng silangan.
Christopher Columbus
Sa panahong yaon, hindi pa maunlad ang mga gamit sa paglalakbay. Noong 1507, isang Italyanong
manlalakbay na si Amerigo Vespucci ang nagpaliwanag na si Columbus ang nakatagpo ng Bagong
Mundo. Ang lugar na ito nang lumaon ay isinunod sa pangalan niya kaya nakilala ito bilang
Amerika at naitala sa mapa ng Europa kasama ang iba pang mga bagong diskubre na mga isla.
Isinunod kay Amerigo Vespucci ang pangalan ng Amerika.

Ang Paglalakbay ni Ferdinand Magellan


Taong 1519, naglayag ang Portuges na si Ferdinand Magellan para sa karangalan ng Espanya. Sa
ilalim ng bandila ng Espanya, inilunsad niya ang kanyang paglalakbay upang maghanap ng rutang
pa-Kanluran patungo sa Asya. Natagpuan niya ang silangang baybayin ng Timog Amerika o ang
Brazil, natagpuan din niya ang isang makitid na daanan ng tubig na tinawag na “Strait of
Magellan,” pagpapangalan sa malaking karagatan na Karagatang Pasipiko, at hanggang sa
marating nila ang kasalukuyang bansa ng Pilipinas.
Sa haba ng paglalakbay, nakaranas sila ng pag-aalsa ng mga kasamahan at pagkagutom.
Nalagpasan nilang lahat ng ito at nakatagpo sila ng malaking kayamanang ginto at pampalasa.
Nagawa nilang binyagan sa Katolisismo ang maraming mga katutubo. Sa nasabi ring ekspedisyon,
nagpakilala ito na maaaring ikutin ang mundo at muling bumalik sa dating pinanggalingang lugar
ng ang sasakyang Victoria ay makabalik sa Espanya kahit napatay si Magellan ng isang
katutubong Cebuano na si Lapu-lapu. Ito ang unang “circumnavigation” o pag-ikot sa mundo.
Itinama nito ang dating lumang paniniwala ng mga taga-Europa na ang mundo ay patag, naitala sa
mapa ng Europa ang iba pang mga kalupaan sa Silangan at lalong nagpakilala ng yaman na
mayroon sa Silangan.

Epekto ng Unang Yugto ng Kolonyalismo


Maraming pagbabago ang naging hatid ng Unang Yugto ng Kolonyalismo. Katulad ng sumusunod:
 Lumawak ang teritoryong nasasakupan ng mga bansang Kanluranin sa labas ng Europa.
 Nakatuklas ng mga bagong ruta ng kalakalan na siyang nagbigay wakas sa mga Italyano sa
pagmamanopolyo ng mga kalakal sa Europa. Naging sentro ng kalakalan ang mga daungan
sa baybay-dagat ng Atlantiko mula sa Espanya, Portugal, Pransya, Flanders, Olandya at
Inglatera.

Gawain 1: Truth or Bluff


Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag hinggil sa epekto ng Kolonyalismo. Isulat sa
sagutang papel ang salitang Truth kung may katotohan at Bluff kung wala.

__________________ 1. Nagkaroon ng malawakang pagkakatuklas sa mga lupaing hindi pa


nagagalugad.
________________ 2. Lumawak at lumaganap ang mga salaping ginto at pilak galing sa Espanya,
Portugal at Olandiya.
__________________ 3. Pinasimulan ang pagtatatag ng mga bangko, dahil sa dumaraming salapi ng
mga mangangalakal.
__________________ 4. Lumaganap ang Relihiyong Protestante.
__________________ 5. 5. Lumawak ang mga teritoryong nasasakupan ng mga bansang Kanluranin
sa labas ng Europa.

Gawain 2: Tanong Ko, Ipaliwanag Mo!


Panuto: Isulat sa sagutang papel ang mabuti at di-mabuting epekto ng Kolonyalismo.

Mabuting Epekto ng Kolonyalismo Di-Mabuting Epekto ng Kolonyalismo

Gawain 3: Pagpapahalaga Mo, Iguhit Mo!


Panuto: Gumuhit ng isang poster na nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagbabago sa larangan ng
paglalayag dulot ng teknolohiya. Gawin ito sa isang malinis na papel.
Learning Activity Sheets
ARALING PANLIPUNAN 8 (3rd Quarter – Week 4)

ANG REBOLUSYONG INDUSTRIYAL


Taong 1700 at 1800 nang nagkaroon ng malaking pagbabago sa aspektong agrikultura at
industriya sa mga bansa sa Europe at sa United States. Ang transpormasyon na ito ay nakilala
sa katawagang Rebolusyong Industriyal dahil pinalitan nito ang gawaing manwal sa mga
kabukiran ng mga bagong imbentong makinarya. Nagbigay ito ng malaking produksiyon sa
mga bansa, karagdagang kita at pamilihan ng kanilang mga yaring produkto. Maraming mga
naninirahan sa mga kabukiran ang lumipat ng tirahan sa mga siyudad at namasukan sa mga
industriya upang kumita nang malaki.

Ang Bagong Uri ng Rebolusyon


Ang tunog ng ingay ng mga tumatakbong makinarya sa isang pabrika ay bahagi ng tinatawag na
Rebolusyong Industriyal. Ito ang panahon na kung saan ang mga tao ay nagpasimula nang gumamit ng
mga makabagong kagamitan gaya ng makinarya sa kanilang produksiyon. Nagkaroon ng malaking
pagbabago sa pamumuhay ng mga tao sa dahilang naging mabilis ang kanilang produksiyon at ito’y
lumaki. Naging daan ito upang sila’y magkaroon ng malaking kita at napaunlad ang kanilang pamumuhay.
Nagsimula ito noong 1760 na kung kailan nagkaroon ng mga bagong imbensiyon sa pansakahan ang
nabuo at pinasimulan ang rebolusyon sa agrikultura.

ANG PAGSISIMULA NG REBOLUSYONG INDUSTRIYAL


Ang Great Britain ang nagpasimula dahil sa pagkakaroon nito ng maraming uling at iron na naging
pangunahing gamit sa pagpapatakbo ng mga makinarya at pabrika. Lumaganap ang kaniyang
pakikipagkalakalan at ito ay naging dahilan ng pagiging matatag ng kaniyang kalakalan.
Sinuportahang mabuti ng pamahalaan ang kalakalang ito sa pamamagitan ng pagtatatag ng
malakas na hukbong pandagat upang protektahan angknilang imperyo ng kalakal.
Noong taong 1760 ay pinasimulan ang pagbabago sa pagprodyus ng tela sa Great Britain. Dati sa ilalim ng
sistemang domestiko (domestic system) ang trabaho sa pagproprodyus ng tela ay ginagawa sa mga tahanan.
Ang namumuhunang mangangalakal ay hinahati-hati ang trabaho sa mga pamilya sa kanilang lugar
hanggang sa makabuo ng isang tapos na produkto na kaniya namang pinagbibili at pinatutubuan. Nguni’t
ang halaga ng tela ay mahal dahil sa ganitong sistema nga ng pagbubuo na matagal. Ang mayayaman lamang
ang may oportunidad na magkaroon ng maraming damit at ang paggamit ng kurtina at ilan pang gamit sa
tahanan na gawa sa tela ay itinuturing na luho lamang ng panahong iyon.

Taong 1793 nang maimbento ng isang Amerikanong nagngangalang Eli Whitney ang cotton gin. Ito ay
nakatulong para maging madali ang paghihiwalay ng buto at iba pang mga materyal sa bulak na dati ay halos
ginagawa ng 50 manggagawa bago maimbento ang cotton gin. Dahil dito naging mabilis na ang nasabing
proseso at nakatulong ito sa malaking produksiyon para sa paggawa ng tela sa United States.
Dahil sa pag-iimbento ng maraming makinarya ay naging madali ang pagprodyus ng mga tela at mura na itong
bilhin ng mga tao. Halimbawa ang makinang spinning jenny ay nagpabilis sa paglalagay ng mga sinulid sa
bukilya nang mabilis at sa maraming sisidlan. Ang dating ginagawa ng walong manggagawa ay maaari nang
gawin ng isang manggagawa sa tulong ng nabanggit na makinarya.

Dahil sa pagiimbento ng maraming makinarya ay naging madali ang pagprodyus ng mga tela at mura
na itong bilhin ng mga tao. Halimbawa ang makinang spinning jenny ay nagpabilis sa paglalagay ng
mga sinulid sa bukilya nang mabilis at sa maraming sisidlan. Ang dating ginagawa ng walong
manggagawa ay maaari nang gawin ng isang manggagawa sa tulong ng nabanggit na makinarya.

Ang Paglago at Paglaki ng Rebolusyong Industriyal

Ang pagkakaimbento sa steam engine ay naging daan para maragdagan ang suplay ng enerhiya na
magpapatakbo sa mga pabrika. Kaya mas marami pang mga sumunod na imbensiyon na ginawa ang
tao na karaniwang gawa sa bakal gaya ng mga makinarya sa bukid, baril, sasakyang dumaraan sa
mga riles. Nakatulong ito sa mabilis na pagdadala ng mga produkto sa iba’t ibang lugar at ugnayan sa
pamamagitan ng makabagong telekomunikasyon.
Naging kilala ang pangalan nina Alexander Graham Bell bilang imbentor ng unang telepono at ni
Thomas Alva Edison na nagpakilala ng lakas ng elektrisidad upang nang lumaon ay makatulong para
ang isang buong komunidad ay maliwanagan nito at patakbuhin pa ang mga makabago nilang
kasangkapan. Si Samuel B. Morse naman ay pinakilala ang telegrapo na nakatulong para
makapagpadala ng mga mensahe sa mga kakilala, kaibigan at kamag-anakan.
Ang Newcomen steam engine at Watt steam engine na naimbento noong 1705 at 1760
na nakatulong sa pag-pump ng tubig na ginamit para makapagsuplay ng tubig na
magbibigay ng enerhiyang hydoelectric na nagpatakbo ng mga makinarya sa mga
pabrika.
Ang Rebolusyong Industriyal ay nakatulong din sa pagbibigay ng maraming oportunidad
sa paghahanapbuhay sa mga tao. Maraming nagkaroon ng malaking puhunan at
nagbago sa pamumuhay ng mga tao hanggang mabuo ang panggitnang uri ng mga tao
sa lipunan.

EPEKTO NG INDUSTRIYALISMO

Nagpabago sa pamumuhay ng tao ang industriyalismo. Dumagsa sa lungsod ang mga taong taga-
probinsya. Nagdulot ito ng pagdami ng tao sa lungsod at naging squatter. Sa kawalan ng hanapbuhay
marami ang naging palaboy. Maging ang mga bata ay napilitang magtrabaho. Isa ito sa naging
napakabigat na suliraning panlipunan at pang-ekonomiya. Nagdulot din ito ng hidwaang pampolitika.
Gayundin ang pagkakaroon ng tinatawag na gitnang uri ng lipunan o middle class society. Nagbunga
ito ng pagtatatag ng mga unyon ng mga manggagawa hanggang noong kalagitnaan ng ika-19 na
siglo.
Sa pag-unlad ng industriyalisasyon, higit pang nagsikap ang mga Kanluranin sa pananakop ng mga
kolonya. Ito ay dahil sa pangangailangan nila ng mga hilaw na sangkap na maibibigay ng mga
kolonya. Ito rin ang mga nagsisilbing pamilihan ng kanilang mga produkto.
Gawain 1 Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.
1. Paano binago ng Rebolusyong Industriyal ang agrikultura at industriya sa Europe?
2. Ano-ano ang pagbabagong naganap sa pamumuhay ng mga taga-Europe dahil sa
Rebolusyong Industriyal?
3. Bakit sa Great Britain nagsimula ang Rebolusyong Industriyal?
4. Ibigay ang naitulong ng sumusunod na imbensyon.
a. Steam engine –
b. Telepono –
c. Telegrapo –
d. Bombilya –
5. Ano-ano ang naging epekto ng Rebolusyong lndustriyal?
6. Nakatulong ba ang mga imbensiyon ng Rebolusyong Industriyal sa pang-araw-
araw mong pamumuhay? Patunayan

GAWAIN 2: ICOLLAGE MO AKO!

Panuto: Maraming naiwang pamana ang mga naganap na Rebolusyon sa ating kabihasnan
ngayon. Upang maipakita ang pagbibigay-halaga lilikha kayo ng isang collage na maglalaman
ng mga naging kontribusyon o pamana ng mga naganap na Rebolusyon (Rebolusyong
Siyentipiko, Enlightenment, at Rebolusyong Industriyal).

Matapos ang nagawang collage ay sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat sa likod ng
inyong collage ang inyong sagot.

Tanong:
1. Ano ang iyong masasabi sa nabuong collage?
2. Paano ipinakita sa collage ang naitulong ng mga pamanang iniwan sa kabihasnan ng mga
Rebolusyong naganap sa paglawak ng kapangyarihan ng Europe?
3. Sa pang-araw-araw mong pamumuhay, paano nakatutulong sa iyo
ang pamanang ito?

You might also like