Ang Tekstong Prosidyural

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Tekstong Prosidyural

Isang espesyal na uri ng tekstong expository ang tekstong prosidyural. Inilalahad nito ang seye o mga
hakbang sa pagbuo ng isang gawain upang matamo ang inaasahan. Nagpapaliwanag ito kung paano
ginagawa ang isang bagay. Layunin nitong maipabatid ang mga wastong hakbang na dapat isagawa. Sa
panahon ngayong maraming mga bagay ang sinasabi nilang do-it-yourself o 'yung mga bagay na sa halip
na kumuha ng iba pang gagawa ay ikaw na mismo ang gagawa, nararapat lamang na marunong tayong
umunawa sa mga prosidyur na nakalakip dito. Ang wastong pag-unawa sa mga prosidyur ang gagabay sa
atin upang matagumpay na maisagawa ang isang bagay.

Hindi sapat na marunong tayong umnawa sa mga tekstong prosidyural, dapat ding magkaroon tayo
ng kakayahang sumulat ng isang prosidyur na mauunawaan ng lahat. Sa pagsulat ng tekstong
prosidyural, kailangang malawak ang kaalaman sa paksang tatalakayin. Nararapat ding malinaw at tama
ang pagkakasunod-sunod ng dapat gawin upang hindi malito o magkamali ang gagawa nito. Ang isa pang
dapat tandaan ay ang paggait ng mga payak ngunit angkop sa salitang madaling maunawaan ng
sinumang gagawa. Nakatutulong din ang paglakip ng larawan o ilustrasyon kasama ng mga paliwanag
upang higit na maging malinaw ang pagsasagawa ng mga hakbang. Dapat pakaisiping layunin ng
tekstong prosidyural na maipaliwanag nang mabuti ang isang gawain upang maisagawa ito nang maayos
at tumpak, kaya nararapat lamang na maisulat ito sa paraang simple, malinaw, at mauunawaan ng lahat.

You might also like