Papasok Ba Ako Final Na Ito

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Papasok ba ako?

Written by Lee Marvin Carreon

INT. June's House

Nakaupo siya sa Higaan niya at tahimik na umiiyak habang Nakatingin sa kawalan.

: Baliw na ba ako? (tila ba matatawa habang nakatitig sa kawalan habang may mga luhang tumutulo)
Teka nga, anong oras na ba?

Pagkasabi niya ay bigla siyang natauhan at pinunasan ang mga luha sa mukha niya. Tumayo siya at
nagpunta sa lamesa upang kumain, pero pagbukas niya sa kaldero ay walang kanin.

: Walang kanin?

Naglakad sya sa buong bahay para hanapin ng mama nya

: wala nang kanin at wala na ring bigas, papasok pa ba ako?

Tumayo siya sa pagkakaupo sa upuan at nagpunta sa banyo para maligo, pero ng makita niyang walang
tubig ay muli siyang lumabas dala dala ang timba na walang ibang laman kung hindi ang tabo lamang

: Ma! Walang tubig! May lumulutang na sa Inidoro ma!

Inilapag niya sa tabi ang timba. Huminga sya nag malalim at inamoy ang sarili nya

: Maamoy kaya nila ako? Naligo naman ako last week eh. Pwede na to.
Naglakad sya papunta sa aparador, hinanap nya ang kanyang uniform pero hindi nya ito makita.
Tinignan nya ang labahan at doon nakita nya ang uniform nya. Kinuha nya ito at inamoy. Pagka amoy
nya ay naibato nya ito dahil sa amoy nito

:Ma! Wala na din pala akong malinis na uniform, ma!

Muli siyang bumalik sa upuan upang umupo, medyo naiinis na siya dahil wala siyang isusuot na uniform.

: Huwag na lang kaya ako pumasok ngayon? Ay, teka, kailangan ko na talagang pumasok eh.

Naglakad sya at pinulot ang itinapon na uniform, kinuha ang kanyang bag at nagpabango. Kinuha nya
ang toothpaste pero di nya mahanap ang kanyang toothbrush, lumabas sya sa pinto para tawagin ang
mama nya

: ma! nakita mo ba ang toothbrush ko? Eh ma, yung toothpaste? (bubuntong hininga) Ma, hayaan mo
na, huwag na pala, di nalang ako papasok.

Nagpunta nalang muli siya sa kanyang sa higaan at humiga nalang, Ngunit ilang saglit lang ay muli siyang
tumayo dahil biglang nagbago ang isip niya. Kinuha ulit niya ang toothpaste sa kanyang bag at binuksan
ito

:wala naman makaka alam

Naglagay sya ng toothpaste sa hintuturo nya at ipinahid sa Ngipin nya, pagkatapos ay pinulot niya sa
sahig ang bag at nagpunta sa lamesa

: Nasaan na ang papel, Ma? Nakabili ho ba kayo?

Inilapag niya ang bag niya sa lamesa at muling bumalik sa kanyang higaan para humiga.
: (muli siyang bubuntong hininga) Hindi na lang ako papasok, wala akong papel, nakakahiya nang
manghingi eh. Ma, hindi ako papasok ha!

Ilang sandali lang ay muling nagbago ang isip niya

: Kaso kailangan eh. Papasok ako. Hihingi nalang ulit akong papel, bahala na.

Tumayo sya sa higaan nya at muling pinulot ang Kanyang bag at inilagay sa lamesa

: Nasaan na yung Boyfriend ko ma?! ( nagulat siya sa sinabi niya) ballpen pala ma! Nakita mo ang ballpen
ko?

Tumayo sya at kinuha ang sapatos nya, inamoy nya ang medyas na nandoon

: yuck, bakit ganito, ilang linggo ba itong hindi nalamban? Huwag na kaya akong pumasok? Mamamatay
mga classmate ko nito

Tinapon nya kung saan ang mga medyas, pero pinulot nya din ang mga ito. Pagkatapos nyang maisuot
ang medyas aybiniyukod nya ang kanyang ulo sa lamesa

:ayaw kong pumasok!

Naglakad ulit sya papalabas ng bahay upang tawaging ang nanay niya peto walang sumasagot

: Ma!... Hindi na ako papasok!... Ma... Ma!... Silence means yes!... Ma!... Salamat ma!
Muli syang umupo para tanggalin ang kanyang medyas, pero naalala niya na may quiz pala sila ngayong
araw at may assignment siyang hindi pa nagagawa

:may quiz at asignment pala ngayon! ... Ano kayang ilalagay ko sa excuse letter?... LBM! ... Huwag
nagamit ko na iyon kast week ... Kailangan ko mag-isip ng bago... Limang beses na ngayong month ang
LBM

Naglakad lakad sya at mataimtim na nag isip ng rason.

:bahala na... wala naman makakapansin na hindi ako pumasok.

Hinubad nya ang kanyang uniform at muling humiga sa higaan. Pero tumayo siya agad. Kinuha niya ang
wallet niya at naupo sa upuan. Binuksan niya ito ngunit walang laman. Itinaktak niya ito,
nagbabakasakaling may nakaipit na pera, nagkaroon siya ng pag-asa ng may mahulog pero nawala agad
ito ng makita niyang 25 cents lang ito. Kaya naman tinapon nalang niya ang wallet.

: Papasok ako!... Kailangan kong mag-aral!

Muli siyang tumayo para lumabas para tawagin ang mama niya.

: ma!... Pahingi ako ng pera Pamasahe!... Huwag na pala maglalakad nalang ako

Muli ay pinulot niya ang kanyang Uniform sa school at ipinagpag ito at muling naupo sa upuan.

: nagugutom na ako... Hihingi nalang ako sa mga kaibigan ko... Kung meron... Meron nga ba? Hindi ko
alam... Hindi ko alam kung meron... Hindi ko alam

Muli ay tumayo siya at nagpunta sa may higaan at kinuha ang kanyang mga libro sa ilalim nito.
Pagkatapos niyang pakuha ay muli siyang naupo sa upuan at muling inayos ang gamit niya.
: Hindi parin pala ito naaayos ni papa. Hindi parin pala siya umuuwi. Masyadong nagiging busy sa
trabaho nya. Sa sobrang busy ay doon na tumira sa office niya. Sa loob ng 3 years hindi ko alam kung
ilang beses ko lang siya nakita. Ganoon sya kabusy. Ipasunog ko kaya office nila? Para naman... ano
bang iniisip ko haha

Pagkatapos niyang maiayos ang gamit niya ay muli siyang lumabas

: Ma! Nasaan kaba! Walang bantay dito sa bahay, aalis na ako!

Muli siyang bumalik sa loob ng bahay para kunin ang gamit niya

: ma, papasok na ako!

Lumabas na siya ng bahay nila at pumasok na sa paaraalan.

You might also like