Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Mary Joy A.

Dela Cruz BEED 1

Rebyu sa mga Batayang Kasanayan sa Pananaliksik


MODYUL 2: Unang Bahagi

Gawain: Klasipikasyon ng Pananaliksik sa sumusunod na sitwasyon


Panuto: Tukuyin ang angkop na klasipikasyon ng pananaliksik na angkop gamitin sa sumusunod na
sitwasyon.Bigyan ito ng karampatang pamagat pagkatapos.

1. Nagpasya kang makisalamuha sa mga kababayan nating katutubo sa Capiz upang maranasan ang
uri ng pamumuhay na kanilang kinakaharap. Nais mo rin sanang malaman kung anong Sistema ng
pamamahala ang mayroon sa kanilang komunidad. Kasama sa iyong pakikisalamuha sa kanila sa loob
ng isang Linggo ang pagtuklas sa antas ng kanilang kaligayahan sa mga biyayang tinatamasa buhat sa
Lokal na Pamahalaan.
Ang uri ng klasipikasyon sa pag-aaral na ito ay Etnograpiyang Pag-aaral na kung saan ito ay
uri ng pananaliksik na nag-iimbestiga sa kaugalian, pamumuhay ng isang komunidad.

Ang maaaring karampatang pamagat ng pananaliksik na ito ay. “Antas ng Kaligayahan sa


mga Biyaya na Tinatamasa Buhat sa Lokal ng Pamahalaan ng mga Aetas sa Pampanga”

2. Naging sentro ng atensyon ng dalubguro ang kakaibang asal ni Miko sa loob ng kanyang mga
kaklase. Lahat ng estratehiya sa pagtuturo na kanyang natutunan bago maging lisensyadong guro ay
kanyang ginamit upang mabigyan niya si Miko ng motibasyon na mag-aral at magpakita ng
kooperasyon sa lahat ng mga gawaing pagkatuto. Naisipan ng dalubguro na gumawa ng isang pag-
aaral o pananaliksik na si Miko ang sentro.

Ang uri ng klasipikasyon sa pag-aaral na ito ay Aksyong Pananaliksik na kung saan ito ay uri
ng pananaliksik na may mabilisang solusyon sa isang problema. Sa edukasyon, ang aksyong
pananaliksik ay kadalasan ginagamit upang maremedyuhan ang mga problemang
pagtuturopagkatuto. Ginagamit ang pananaliksik na ito na paraan tungkol sa mga suliranin sa
loob ng silid-aralan at upang mabigyan ito ng solusyon.

Ang maaaring karampatang pamagat ng pananaliksik na ito ay.“Pagpapaunlad ng


Estratehiya sa Pagtuturo ng mga Dalubguro para sa Pagkatuto ng mga Mag-aaral.”
3. Nais ni Anna na magsagawa ng pag-aaral patungkol sa relasyon ng sosyo-ekonomikong kalagayan
ng mga mag-aaral sa kanilang pag-uugali sa pag-aaral. Nais din niyang malaman kung ang dalas ng
paggamit ng gadgets ay nakaaapekto rin sa kanilang pag-uugali sa pag-aaral.

Ang uri ng klasipikasyon sa pag-aaral na ito ay Komparatibong Pag-aaral o Pananaliksik


kung saan ito ay uri ng pananaliksik na naghahambing ng anumangkonsepto, kultura, bagay o
pangyayari na kasangkot sa dalawang paksa (subject) ng pag-aaral.

Ang maaaring karampatang pamagat ng pananaliksik na ito ay. “Ang Relasyon ng Sosyo
ekonomikong Kalagayan at Epekto ng paggamit ng gadget sa pag – uugali ng mag aaral sa
paaralan.”

You might also like