Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 24

0

LAKBAY-TANIM: Pakikipanayam sa mga Magsasakang


Agrikultural ukol sa mga Suliraning Pamproduksiyong
Nararanasan sa Pamilihang Bayan

Isang Pananaliksik-Panlipunang
InihaharapsaKaguruan ng
Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela
Tongco St., Maysan, Lungsod ng Valenzuela
Kolehiyo ng Pangangalakal, Pagtutuos at Pamamahala

Bilang Katuparan sa Kahingian ng Kursong


FIL2: Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina

ANGELES,KathlyneClaireS.
MONTEJAR, Gelli Ann R.
PARAUNDA, Ferlyn S.
PULMANO, Jema Rose M.
SULIT, AllyanaMarie

Pagtutuos 1-4
(Accountancy)

Hunyo 2021
1

TALAAN NG NILALAMAN

I. Panimula ................................................................................................................... 2

II. Paglalahad ng Suliranin............................................................................................. 7

III. Halaga ng Pag-aaral................................................................................................... 7

IV. Layunin....................................................................................................................... 8

V. Rebyu ng mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura.............................................. 8

VI. Balangkas Teoretikal................................................................................................ 13

VII. Metodolohiya.................................................................................................15
VIII. Saklaw at Delimitasyon.................................................................................
IX. Daloy ng Pag-aaral.....................................................................................................

X. Batis.............................................................................................................................
2

I. PANIMULA

Isa ang Pilipinas sa mga bansang may maraming likas na yaman. Biniyayaan din tayo ng
agrikulturang dapat nating pagyamanin upang matustusan ang mga pangangailangan ng mga Pilipino. Ito
ay gumaganap bilang isang mahalagang papel sa ating ekonomiya. Sa populasyon ng Pilipinas, 70%
nito ay nasa rural at umaasa sa pagsasaka bilang kanilang pamumuhay. Sa alituntunin ng employment,
kalahati ng labor force ay may kinalaman sa gawaing agrikultural. Ang naging kontribusyon sektor ng
agrikultura sa ekonomiya ng Pilipinas ay ang 23% na GDP noong 1995. Ang pagtaas ng GDP ng
2.3% ay dahil sa paglawak ng agrikultura ng Pilipinas. Ang agrikultura ng Pilipinas ang nagbibigay sa
atin ng pagkain, hilaw na materyales par sa pag buo ng iba’t ibang produkto. Ito rin ang isa sa
nagpapaangat ng ekonomiya sa pamamagitan ng pag export ng mga produkto. Nagbibigay din ito ng
trabaho sa mga Pilipino at nakakatulong sa iba pang sektor ng Pilipinas.

Ngunit hindi laging maayos at Masaya sa agrikultura, nkakaranas rin ito ng iba’t ibang suliranin. Isa
na rito ay ang kakulangan sa pondo upang maibili ng mga gagamitin sa agrikultura. Ang kakulangan
ng makabagong teknolohiya ay isa rin sa problemahang kinakaharap ng mga nasa agricultural na
sektor. marami pang suliraning kinahaharap ang agrikultura kung kaya’t tayo ay magpopokus sa
suliraning kinahaharap ng mga magsasaka.

Ilan sa mga suliraning kinahaharap ng magsasaka ay ang mababang kinikita na hindi sumasapat na
kapalit ng puhunan at pagod ng bawat magsasaka. Hindi rin sila gaanong napaprayoridad ng
gobyerno at hindi rin nakakaramdam ng pagmamalasakit mula rito. Samakatuwid, isang suliranin din para
sa mga magsasaka ang kakulangan sa support system. Problema rin ng mga magsasaka ang
kakulangan sa makabagong teknolohiya na makatutulong upang mapadali ang produksyon. Kulang din
ang mga imprastrakturang na ginagamit sa pag iimbak ng mga naaning produkto kaya marami ang
mga nasisira o nabubulok na mga produkto na nagreresulta sa pagkalugi sa pinuhunan ng mga
magsasaka. Isa pa sa mga problemang dapat masolusyunan ay ang pagliit nf mga lupangt sinasakahan
sapagkat maraming business owners ang bumibili ng mga lupain upang patayuan ng iba’t ibang gusali o
mga subdibisyon at ang huli ay ang pagdagsa ng dayuhang produkto at pagtangkilik nito ng mga
Pilipino. Sa pagdating mga produktong gawa ng dayuhan ay nalilimutan na ng karamihan na
suportahan ang local na industriya ng Pilipinas kung kaya’t kulang na ang nabebentang produkto
dahil kulang na rin sa mga taong bibili nito.
3

Ang pananaliksik na ito na pinamagatang Lakbay Tanim: Pakikipanayam sa mga magsasakang


agricultural ukol sa mga suliraning pamproduksiyong nararanasan sa pamilihang bayan ay gumagamit ng
kwalitatibong pamamaraan na magtatalakay ng mga suliraning kinahaharap ng mga magsasaka sa
Pilipinas.

Sa ating bansa, ang pagsasaka ay isa sa mga pangunahing hanapbuhay kung saan ang karamihang
sinasaka rito ay ang bigas na siyang pangunahing pagkain sa bansa. Ang pagsasaka na marahil ang
pinakamahalagang industriya na kinagisnan ng ating bansa. Ang pagtatanim at pag-aalaga ng hayop ang
siyang naging pangunahing pinagkukunan ng pagkain magmula pa ng matuto ang ating mga ninuno
na gumamit ng mga kasangkapan para maging mas madali ang pamumuhay. Hanggang sa ngayon,
patuloy pa rin ang pagtatanim at pag-aalaga ng mga hayop para sa kapakinabangan ng mga tao na
siyang nagdidkta ng kabuhayan ng ating bansa.

Ang heograpiya at klima sa Pilipinas ay sadyang hindi na mababago na nagbubunga ng mahinang ani
o limitado ang pagtatanim ng palay. Ngunit upang mapataas ang ani ng palay gumagamit na ng
makabagong teknolohiya na mayrooong mababang gastos. Ang mga magsasaka sa matataas na lugar ng
ating bansa ay literal na binubuhatang mgasako sakong inani upang makarating sa pinakamalapit na
palengke upang ang kanilangpinaghirapan ay maibenta. Ang pinakamasakit na pangyayari ay ang mga
may ari ng bukid o mga magsasaka ay pinipiling huwag na lamang pagtabungin ang kanilang sakahan
dahil mataas ang halaga ng pagtatanim. Kung kaya’t ang ilan sa kanila ay pinapabayaan at iniiwan na
lamang ang kanilang lupain at pumupunta sa kapatagan. Ang pagsasaka ay isa sa limang sector ng
agrikultura (e.t pangingisda, pagtotroso, paghahayupan, pagmamanukan). Dito rin tayo kumukuha ng
makakain sa araw-araw nating pamumuhay kagaya ng bigas, gulay at tubo. Isipin nyo' na lang kung
walang pagsasaka saan kaya tayo kukuha ng pagkain na pinagkukunan natin ng lakas at enerhiya?
Importante talaga ang pagsasaka sa ating lahat. Bigas ang pangunahing kinakain ng Pinoy kung wala ito
parang kulang ang ating lakas.

Wala ba kayong napapansin sa pamilihan? Na ang karamihan na binibili ng mga tao ay bigas
dahil sa paniniwala nila "hindi bali walang ulam basta may kanin"dahil marami ang nagagaawa ng bigas.
Ganunpaman, tila hindi nabibigyan ng importansya ang mga taong nagpakahirap para sa bigas na ating
kinakain. Tila mas nakikinabang ang mga tao sa pamilihang bayan kabilang na rin tayong mga
kumokonsumo ng bigas. Tunay nga ang kasabihang “ako ang nagtaninm ngunit iba ang kumain.”
Hindi ba’t kung sino pa ang mga nagtanim, sila pa ang walang makain? Sapagkat kulang o mababa
lamang naipagbibili sa pamilihang bayan ang pinaghirapan nilang mga pananim na kalauna’y naging bigas
na ating kinakain.
4

Ang Pilipinas ay kilala bilang isang agricultural na bansa dahil ito ay sagana sa likas na yaman. Ang
agrikultura ang pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng mga Pilipino tulad ng pagsasaka,
pangingisda at paghahayop. Ngunit tila napag-iiwanan ang sektor na ito dahil kabilang ito sa may
pinakamahirap na sektor sa bansa, kapansinpansin ang paghina nito dahil ang kontribusyon nito sa
GDP ng bansa noong 1998 hanggang 2009 ay nasa 13-14% ngunit noong 2017 ay nasa 10%
nalamang (Suliranin sa sector ng Agrikultura, 2021) dahil dito samu't saring problema ang
nararanasan ng mga magsasaka sa bansa. Hindi narin sumasapat ang pondong inilalaan ng
pamahalaan upang solusyunan ang mga problema sa sektor naito.

Sa kabuuang 30 milyong ektarya ng lupain sa Pilipinas 14 milyon dito ang agrikultural ngunit
ayon sa kilusang magbubukid sa Pilipinas, sa bawat 10 magsasaka 9 dito ang walang sariling lupa
(Engay, et. al., 2017). Dahil sa kawalan ng sariling lupa ang mga magsasaka ay nananatiling mahirap at
walang makain dahil sa kakarampot na kinikita sa pagsasaka kahit na sila ang syang nagtatanim at
umaani ng mga palay at mga gulay. Kabilang din sa mga problema sa pagsasaka ay ang mataas na
gastusin sa pagsasaka, problema sa imprastraktura, problema sa kapital, masamang panahon at
kakulangan sa pondo para sa pananaliksik at makabagong teknolohiya (Oposa, 2013). Dahil sa
patuloy na pagtaas ng gastusin sa pagsasaka ang kinikita ng mga magsasaka ay hindi na sumasapat
upang tugunan ang pangangailangan sa kanilang pamilya. Ang pabago-bagong panahon dulot ng
Climate Change ay isa din sa matinding suliranin na kinakaharap ng mga magsasaka. May panahon na
matindi ang init kaya ang mga pananim ay natutuyo at dahil sa kakulangan sa irigasyon namamatay
ang mga pananim. Ang malalakas na bagyo rin ay matinding kalaban ng mga magsasaka lalo na kapag
mababa ang kanilang lugar dahil tiyak na babahain ang kanilang sinasaka.

Ayon sa isang facebook post ng Ifugao Highlands farm Farmers Forum ipinakita ditto na tone-
toneladang kamatis ang tinatapon na lamang sa NuevaVizcaya Agricultural Terminal ng mga
magsasaka dahil sa problema sa transportasyon at problema sa pagbiyahe ng mga produktong ito
papunta sa mga pamilihang bayan (Gomez, 2020). Dahil sa kakulangan sa pera pambayad sa pag-aani at
transportasyon upang maihatid sa pamilihan ang mga inani ay hinahayaan na lamang ito na mabulok
dahil na din sa mababang presyo ng mga ito na itinakda ng mga buyer o mamimili ng gulay na hindi rin
sapat upang maipambayad sa mga gastusin sa pagsasaka kaya nag dudulot ito ng kakulangan sa
produksyon at paghina ng sektor ng agrikultura. Isa din saproblemasapagsasaka ay ang kakulangan sa
maayos na Farm to market roads na syang pinaka-kailangan upang maihatid sa pamilihan ang mga
produkto tulad ng mga prutas at gulay dahil ang mga produktong ito ay mabilis
5

mabulok kaya kapag umabot ng ilang araw sa byahe ang mga ito ay maaaring mahinog agad na
nagdudulot ng pagbaba ng presyo o di kaya ay mabulok na nagdudulot ng pagkalugi sa mga
magsasaka.

Malaking bahagi ng ating ekonomiya ang nakadepende sa agrikultura, sapagkat ito ang
pangunahing pinagkukuhanan ng mga hilaw na sangkap na kinakailangan sa pagsasagawa ng mga
produkto at tinutugunan rin nito ang pangangailangan sa pagkain ng bawat isa. Ayon kay Brian Carlo,
2019, ang agrikultura ay isang agham na naglalayon na paramihin at alagaan ang mga hayop at halaman na
nakatutulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng isang bansa sa pamamagitan ng paglalaan nito ng
mga hilaw na produkto sa mga industriya upang gawin itong bagong produkto. Ito ay may apat na sektor,
ang paghahalaman, paghahayupan, pangingisda at pangugubat. Ang pagsasaka ay kabilang sa sektor ng
agrikultura na paghahalaman kung saan nagaganap ang pagpaparami sa mga halaman o pananim na
pwedeng ipagbili sa oras na ito ay maani.

Ilan sa mga pangunahing pananim ng pilipinas ay ang mais, palay, pinya, tubo, niyog, saging at
marami pang iba. Isa ang ating bansa---Pilipinas sa may pinakamaraming likas na yaman sa mundo
kaya naman malaki ang ginagampanang papel ng agrikultura sa pagpapaunland ng ekonomiya ng
ating bansa lalong lalo na sa pagkakaroon ng trabaho at hanap-buhay ng mga Pilipino. Ang
agrikultura ang isa sa mga sangi ng pagkakaroon ng trabaho ng mga Pilipino dahil kung wala ang
agrikultura ay walang mga hilaw na sangkap o produkto ang maibibigay sa mga industriya. Kung
walang hilaw na sangkap ang makararating sa mga industriya ng bansa ay walang maisasagawa na
panibagong produkto at wala ring mga manggagawang Pilipino ang mag-tatrabaho para rito. Ngunit ang
agrikultura man ang dahilan kung bakit mas maraming trabaho ang naibibigay ng ating bansa dahil sa
mga industriyang pinag-aangkatan ng mga hilaw na sangkap ng agrikultura. Hindi natin
maipagkakaila na mas malaki ang kinikita ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa industriya kaysa sa
agrikultura.

Bukod sa maliit ang kinikita ng mga kapwa natin Pilipinong magsasaka, minsan ay nalulugi pa sila dahil
sa samo’t saring suliranin na kanilang kinakaharap sa kanilang pananim. Kagaya na lamang ng
pagkapeste ng kanilang mga pananim, pagkabulok, pagkalanta at pagkasira ng mga pananim dahil sa
pabago-bagong klima na mayroon sa ating bansa. Tunay ngang “Magtanim ay ‘di biro”, gaya sa
awiting bayan na isinulat ni Felipe de León, kung saan inilalarawan dito ang buhay at paghihirap ng mga
magsasaka sa tuwing sila ay nagtatanim. Sa kanilang pagtatanim isinasaalang alang nila ang kanilang
pisikal na lakas sa maghapong pagyuko sa ilalim ng tirik na tirik na raw para lamang sila ay
makapagtanim at makapag-ani ng kanilang pananim kapalit ng kakaunting kita.
6

Ang pagsasaka ang pangunahing pangtustos sa mga pangangailangan sa Gitnang Luzon, dahil
dito matatagpuan ang malaking porsyento ng lupa na maaaring pag -tamnan ng palay. Bigas din ang
pangunahing kinakain ng pinoy. Bigas na nagbibigay lakas. Isa lamang ang pagsasaka sa mga sektor ng
agrikultura na nakararanas ng mga suliraning kagaya ng problema a kapital, mataas na gastusin sa
pagsasaka, masamang panahon , kakulangan sa pananaliksik at teknolohiya, ilan lamang yan sa mga
suliraning kinahaharap ng pagsasaka. Hanggang sa ngayon, ang agrikultura o ang sining at siyensya ng
pagtatanim ng mga halaman at pag-aalaga ng mga hayop para sa kapakinabangan ng mga tao ang siyang
nagdidikta ng kabuhayan ng isang bansa, Agustin, et al., (2019).

Ang pilipinas ay isa sa mga tropikal na bansa na may iba't ibang klima. Para sa mga magsasaka ang
tag-ulan at katamtamang araw ay isang biyaya, dahil dito lalago at mabilis na tutubo ang kanilang mga
pananim. Subalit, dahil sa kapabayaan ng tao at gobyerno ang dating magandang klima ng bansa ay unti-
unting nagbabago dulot na din ito ng malawakang Global Warming , na kung saan ang ozone layer ay
unting-unti na ding nabubutas na nagdudulot ng sobrang tag-araw at sobrang dami ng pagbuhos ng
ulan. Kung kaya’t minsan hindi na alam ng mga magsasaka ang iskedyul kung kailan posibleng uulan at
kung kailan hindi kaya minsan hindi nila naagapan ang mga pananim at nagiging dahilan ito ng pagkasira
ng mga palay, na magiging sanhi ng kakulangan sa supply sa mga pamilihan.

Maraming magsasaka na rin ang pinanghihinaan ng loob at nawawalan na ng pag-asang


bumaba pa ang presyo ng mga hilaw na produkto para sa pagtatanim, kaya ang iba ay hinahayaan na
lamang na nakatengga ang kanilang mga lupain at ang iba naman ay gumamit ng mga kemikal o
synthetic na pataba upang paramihin lamang at hindi pamahayan ng ano mang piste. Toioo ngang
ito’y nakakaalarma para sa kalusugan ng mga taong makakain nito. Ngunit ano pa nga ba ang
magagawa? Kung kulang sa Kapital at iba pang kagamitan ang ating mga magiting na magsasaka.

Kung kaya’t ginawa ng mga mananaliksik ang pananaliksik na itoi, upang malaman ang mga
suliraning kinahaharap ng mga magsasaka, upang malaman at maipaalam ang tunay na kalagayan ng mga
magsasaka, upang ipaalam sa pamilihan ang ilan sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng
kakulangan o shortage at higit sa lahat upang makatuklas ng mga posibleng solusyon na maaaring
gamitin sa hinaharap.
7

II. PAGLALAHAD NG SULIRANIN


Ang pag-aaral na ito na may paksa patungkol sa mga magsasakang agrikultural ng ating
bansa at mga suliraning pamproduksiyon na kanilang nararanasan ay naglalayon na sagutin ang mga
sumusunod na suliranin:
1. Ano-ano ang mga suliraning pamproduksiyong nararanasan ng mga magsasakang agrikultural sa
sistema ng produksyon at sistema ng pagtawid sa pamilihang bayan?
2. Paano nakaaapekto ang mga suliranin na ito sa kanilang kabuhayan at kita sa pagtatanim?
3. Makatarungan ba ang ipinapataw na halaga ng mga mamimili upang tugunan ang mga
suliraning pamproduksiyon na kanilang kinakaharap at sapat ba ito upang may maipambili sila ng
kanilang mga pangangailangan sa kanilang susunod na pagtatanim?
4. Anong mga hakbangin ang maaring magbigay solusyon sa mga problema na kanilang
kinakaharap sa

III. HALAGA NG PAG-AARAL


Angpananaliksiknaitoaymagsisilbinggabayatmakakatulongsamgasumusunod:

Pamilihan: Ang pananaliksik na ito ay makatutulong sa mga opisyal na namamahala sa pamilihan,


upang magkaroon ng kamalayan sa mga nangyayari sa mga magsasaka at upang malaman ang mga
posibleng solusyon na makakatulong upang mas maisa-ayos ang pamamlakad sa pamilihan.

Mga Magsasaka: makakatulong ang pananaliksik na ito upang malaman ng mga magsasaka na may
mga taong nais tumulong sa kanila sa pamamagitan ng paghahayag ng solusyon na maaring
makarating sa gobyerno upang matugunan ang mga pangangailangan nila.

Akademya: Makatutulong ang pananaliksik na ito upang lumawak ang kanilang alam sa kung

ano ang pinagdadaanan ng mga magsasaka. Makakatulong din ito upang mamulat ang mga mag aaral

sa mga nagagawa o di nagagawa ng gobyerno sa isa sa pinakamahalagang sektor sa Pilipinas- ang

pagsasaka.

Agrikultura: Ang pananaliksik na ito ay makatutulong upang malaman ng mga nasa kagawaran ng
agrikultura kung ano ang totoong kalagayan ng mga magsasaka at upang aksiyonan rin nila ang mga
kakulangan at mga suliraning kinakaharap ng mga magsasaka.
8

IV. LAYUNIN
Ang pananaliksik na ito ay naglalayon na:
1. Matukoy ang mga gawain sa sektor ng agrikultura at ang mga kontribusyon nito sa
pamilihang bayan.
2. Mailarawan ang kasalukuyang kalagayan ng mga magsasaka sa ating bansa
3. Malaman at makapag suhestiyon ng solusyon sa bawat suliranin ng sektor ng agrikultura
4. Makapaglahad ng nararapat at akmang halaga ng palay na ibinebenta sa pamilihang bayan.
5. Maipakitaangpag-unladngpamumuhayngmgamagsasakakapagnaisaayosangpresyo ng mga
bigas.

V. REBYU NG MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA


Malaking problema sa mga magsasaka ang patuloy na pagtaas ng gastusin sa pananim. Isang sa
mga kinakaharap na suliranin ng mga magsasaka ay ang pampuhunan sapagkat ito’y patuloy sa
pagtaas ngunit hindi naman nagkakaroon ng malaking kita. Sapagkat sa mababang presyo laman
naibebenta ang mga produktong agrikultural. Ang artikulong ito ay isa sa nagpapatunay na
nakakaranas ang mga magsasaka ng matinding dagok sa kanilang pinagkakakitaan na nararapat
lamang na bigyang solusyon ng gobyerno.

Kahit anong sipag ng mga magsasaka ay hindi pa rin sila umaasenso. Dahil sa kawalang
prayoridad ng gobyerno sa mga magsasaka ay pinipili na lang ng mga ito na pumunta ng Maynila at
ditto sumubok humanap ng pagkakakitaan. Ngunit karamihan ay nalilinlang lamang ng mga taga rito.
Kahit anong klaseng pagsusumikap ay nananatili pa rin silang isang kahig isang tuka. Makikita lang ditto
na walang matinong proyekto ang Kagawaran ng Agrikultura para sa mga magsasaka. Kadalasan ay
mga korap pa ang naluluklok kung kaya naman ay pinakaapektado ang mga nasa pinakamababang
estado.

Ayon sa Philippine Case 1- MASIPAG o ang pinaiksing Pilipinong salita hango sa Magsasaka at
Siyentipiko Para sa Pag-unlad ng Agrikultura. Nagsimula ang MASIPAG bilang isang kilusan ng
9

mga nagtataguyod upang mapalawig ang pagsasaka at paglaon ay mapalawak ang saklaw nito upang
itaguyod rin ang mga karapatan at pag-aangking-lakas ng maliliit na magbubukid. Pinagtutuunan nito ang
teknolohiyang ginagamit sa pagsusulong ng alternatibong pagsasaka ng pamayanan, partikular sa
produksyon ng palay. Bigas ang batayang pagkain ng mga Pilipino. At ang pagtatanim ng palay ay
napakahalagang pinagkukunan ng ikinabubuhay sa kanayunan. Gayon pa man, ang pagsasaka ng palay
ay di nakapag-angat sa maralita ng kanayunan o kalunsuran mula sa kahirapan. Sapagkat hindi
nabibigyang hustisya ang presyo ng palay ng mga magsasaka kaya’t hindi sila makakaahon sa
kahirapan. Bigas man ang pangunahing pangangailangan ng tao, ngunit naipagbibili lamang ito sa
murang halaga na hindi sasapat sa hirap, pawis at pagod na inilaan ng mga magsasaka.

Sa isang kritikal na pag-aaral inilantad ang papel ng mga maliliit na magsasaka sa panahon ng
krisis. Napakahalaga ng mga magsasaka sa pagtiyak ng ating pagkain sa kasalukuyang panahon.
Pinalakas ang agrikulturang umaasa-sa-sarili sa pamamagitan ng likaskayang pagsasaka gamit ang
binhing katutubo at mga pina-unlad na binhi. Sa pamamagitan din ng pagpapalakas ng lokal na
pamilihan, napapanatiling abot-kaya ang mga produkto sa pamilihan para mas maraming mamimili pa
rin ang makabili. Natitiyak din ng mga magsasaka ang kaseguruhan sa pagkain ng komunidad dahil
prayoridad ito sa lokal ang pagsasapamilihan ng produkto. Ang malakas na pangangatawan at malinis
na kapaligiran na ibinubunga ng mga programang maka-magsasaka, gaya ng likas kayang pagsasakang
itinataguyod ng MASIPAG, ang nagseseguro ng kaligtasan ng mga magsasaka at mamamayan sa
anumang krisis sa pangkalusugan gaya ng COVID 19. Ipinapanawagan din ng MASIPAG na sa
kabila ng COVID19, kailangang buhayin ang pagmamalasakit sa kapwa, pagbabahagian at
pagbabayanihan habang iniingatan ang kalusugan ng sarili at komunidad. Mga simpleng kaugalian na
dapat pagyabungin lalo na ngayon sa ating ikinakaharap na krisis.

Ngayong kasagsagsn ng pandemya marami sa ating mga kapwa Pilipino any lubusang
naapektuhan at nahirapan. Marami ang nawalan ng trabaho, nahirapan sa kung paano makakahanap ng
pagkain na ipangkakain sa kanilang pamilya at iba pa. Isa sa mga kapwa natin Pilipino na nahirapan
ay ang ating mga magsasaka. Ayon kay Jose Laroya ang tagapangulo ng Inabaan Norte Agrikultural
Multi-Purpose Cooperative o INAMPC, simula ng pinairal ang mahigpit na health protocols sa ating
bansa dulot ng pandemya ay marami sa kanilang mga ani ang nabulok at nasira dahil sa kakaunti
lamang ang kanilang mga mamimili sapagkat sa loob lamang ng kanilang barangay ito maaring ipagbili
dahil nga sa nasabing health protocol. Ito ah ksa sa mga suliraning kinakaharap ng ating mga Pilipinong
magsasaka ngayong pandemya. Limitado lamang ang lugar kung saan nila
10

dapat ipagbili ang kanilang mga ani. Hindi nila magawang maipamahagi at maiangkat ito sa iba pang dako
sa kanilang lugar sa La Union dahil nga sa mahigpit na health protocols. Kaya naman laking
pasasalamat ng mga ito sa Department of Agrarian Reform o DAR sa pagtugon sa kanilang suliranin.
Si Secretary John R Castriones ng DAR ang unang tumugon rito. Pinakiusalan ni Secretary Castriones
ang InterAgency Task Force for the Management of Infectious Diseases o IATF-MEID na bigyang
luwag ang mga magsasaka na maibenta ang kanilang mga pananim. Binigyan nila ng quarantine
passes ang mga magsasaka para magawang maibenta ito sa iba’t ibang bayan sa dako ng La Union.
Dahil sa tugon na ito bukod sa naiwasan ang pagkabulok ng mga naani ng mga magsasaka ay nagawa
ring makapag suplay ng mga produkto o pagkain sa mga bayan na nagkakaroon ng kagutuman
(Department of Agrarian Reform, 2021).

Nang isagawa ang ika-25 anibersaryo ng Philippine Rice Research o PhilRice sa Muñoz
Nueva Ecija noong Nobyemre 5, 2010, isa sa dumalo ang namumuno ng komite ng agrikultura na si
Senador Francis Pangilinan. Sa ginawang pagsasama-sama sa pagdiriwang ng anibersaryo ay
binigyang diin ni Senador Francis Pangilinan ang paghahanap ng solusyon sa mga suliraning
nararanasan ng ating agrikultura. Ayon sa kanya ang agrikultura ang makapagbibigay ng kaunlaran sa ating
bansa. Naniniwala siya na kapag natugunan at nasulosyonan ang mga suliraning kinakaharap ng
agrikultura o mga magsasaka at uunlad ang ating bansa. Isa sa mga nailahad niyang solusyon ang
maitaas ang kita ng mga magsasakat at mangingisda at matiyak ang kasiguruhan sa pagkain ang
kasapatan sa bigas sapagkat isa ang ating bansa sa mga bansang nag-aangkat ng bigas sa buong
mundo. Ayon pa sa kanya hindi natin makakamit ng kaunlaran na ating hinanap kahit pa maraming
produksiyon ng mga pananim o mga bigas ang naisagawa kung maliit o kakaunti lamang ang kinikita ng
mga taong naging sanhi sa pagdami nito. Kaya naman hinihikayat ni Senador Pangilinan kasama si
Undersecretary Bernadette Romulo ng Department of Agriculture na magkaisa at tumulong sa
kanilang isasagawang plano sa pagtugon sa mga suliraning kinakaharap ng agrikultura dahil ayon sa
kanila ang labang ito ay hindi lamang para sa mga may posisyon kung hindi para sa lahat ng
tao(Official Gazette, 2010).

Ayon sa pag-aaral nila(Engay, et al., 2017) patungkol sa kalagayan ng mga magsasaka at ng


industriya ng palay sa Laguna, sinasabi nito na isa sa mga problema sa pagsasaka sa barangay
Bubukal ay ang kawalan ng manggagawa sa bukid dahil ditto kinakailangan nilang umupa ng mga
manggagawa sa ibang barangay upang matugunan ang kakulangang ito. Nagkakaroon ng kakulangan sa
mga magsasaka o manggagawa ng bukid sa kanilang lugar dahlia ng mga ito ay naghahanap ng
11

ibang trabaho dahil naman sa pagpasok ng mga makabagong teknolohiya na ginagamit ng ibang
magsasaka tulad ng "harvester" na siyang pumapalit sa trabaho ng mga magsasaka. Sa barangay
Bagumbayan naman ang problema ng kanilang samahan ng mga magsasaka ay wala silang patubig kaya
kinakailangan nilang maglabas ng malaking halaga upang ipambili sa krudo para sa mga water pump or
shallow tube well (STW). Habang sa barangay Pagsawitan naman ang pangunahing problema ay ang
basurang inaanod ng patubig papunta sa kanilang lupang sinasaka. Dahil ang patubig ay dumadaan sa
residensyal na lugar, madalas na ang itinapong basura ng mga residente ditto sa kanal ay inaanod ng
patubig papunta sa lupang sakahan.

Dahil sa pagkontrol ng mga mangangalakal (middleman), nagpapautang at mga panginoong


may lupa sa ani ng mga magsasaka, nagdudulot ito ng pagkabaon sa utang ng mga magsasaka dahil
nakakakuha lamang sila ng sampung porsyento (10%) ng tingiang presyo (retail price) ng bigas
habang ang natitira na dapat sana ay kikitain ng mga ito ay napupunta sa upa sa lupa at bayad sa
interest ng pagkakautang na binubuo ng dalawampu't dalawang porsyento (22%), tatlumpung
porsyento (30%) sa kita ng mangangalakal, sasakyan/transportasyon at paggamit ng kiskisan at
patuyuan ng palay na binubuo ng dalawampung porsyento (20%), at ang natitirang labing-walong
porsyento (18%) ay napupunta sa kemikal at paghahanda ng lupa (Ariola et al., 2019). Hindi lamang sa
pagsasaka ng palay nangyayari ang ganitong sistema dahil nagaganap din ito sa mga nagtatanim ng mga
gulay at prutas dahil sa kakulangan sa capital napipilitan silang mangutang upang may maipambili ng
mga buto ng mga pananim, pataba o fertilizer, mga pestisidyo (pesticides) na pangunahing kailangan
sa pagtatanim. Dahil dito ang kanilang kinikita sa ani ay nauubos lang din pambayad sa kanilang mga
utang at kung minsan mababa pa ang presyong ibinibigay sa kanilang mga produktong inani kaya
nalulugi ang mga ito.

Ang pagsasaka ay ang pangunahing sektor ng agrikultura, na kung saan ito din ang nagiging
pangunahing hanapbuhay ng mga tao sa Gitnang Luzon. Ito din ang pinapakain sa mga mamamayan ng
Pilipinas. Ang bigas ang nagsisilbing lakas ng mga “pinoy”. Ayon sa aklat na “Teaching Vocational
agriculture in the Philippines” na pinatnugutan nina Barile D. at Cushman H. et al., sinasabi dito na
isa sa mga maaaring paraan upang mas mapabuti ang pagsasaka ay pag-aralin ang mga magsasaka
upang magkaroon sila ng karagdagang kaalaman sa pagtatanim at para matutuhan ang iba pang paraan
kung paano ito palalaguin. Dahil karamihan sa mga magsasaka ay nakatira sa mga rural na bahagi ng
pilipinas at sila ay salat sa kaalaman at salapi.
12

Bilang karagdagan, ayon sa aklat na “Kamtin ang Agrikulturang pangMASA” , inilahad rito ang
ilan sa mga pangunahing pangangailangan ng mga magsasaka sa pagtatanim ng palay. Ito ay ang mga
matabang lupa na pagsasakahan, isang bag na binhi para sa isang ektaryang lupa. Patubig at abonong
di organiko at mga kagamitan sa paglilinis at pagtatanim atbp. Ilan lamang yan sa mga kakailanganin,
marahil ang mga magsasaka ay kapos sa mga ilang kagamitan na nabanggit kung kaya’t minsan ay
hindi sila nakakaani ng sapat.

Ang mga magsasaka sa ating bansa ay nakakaranas ng iba’t-ibang suliranin sa kanilang


pagsasaka at isa nga dito ay ang kakulangan sa farm to market roads. Ayon kay Habito, taun-taon
tayong nakakarinig ng mga pangako hinggil sa pagpapatayo ng mga farm-to-market roads mula sa
mga politiko at sa mga gumagawa ng mga batas (policy-makers) sa ating gobyerno at may mga
opisyal na dokumento din na nagpapakita ng libo-libong kilometro ng mga farm to market roads na
naipatayo sa panahon ng kanilang panunungkulan. Ngunit hanggang ngayon isa pa rin ito sa
pangunahing problema ng ating mga magsasaka. Marahil ang pondong nakalaan para sa pagpapatayo
ng farm to market roads ay ibinubulsa ng mga pulitiko kaya hanggang ngayon ay hindi pa din
nasosolusyunan ang problemang ito. Ito ay isa din sa dahilan kung bakit ang mga maliliit na
magsasaka sa ating bansa ay nalulugmok sa kahirapan at itinuturing na pinaka mahirap sa ating bansa
dahil hindi nila nadadala ang kanilang mga produkto sa mga pamilihang bayan kung saan ito ay
mabibigyan ng nararapat na presyo na makapagbibigay ng sapat na kita sa ating mga magsasaka.

Isa sa mga solusyon upang matugunan ang mga suliranin ng ating mga magsasaka ay ang
pagpapatayo ng mga farm to market roads. Ayon kay Agriculture Secretary Emmanuel Piñol, ang
ating bansa ay mayroong nakabinbin 13,000 kilometrong ipapatayong farm to market roads. Ang
farm to market road o ranch to market road ang kumokonekta sa mga rural o agrikultural na lugar
papunta sa mga pamilihang bayan (Gomez, 2017). Bukod sa pagpapatayo ng mga farm to market
roads, sinabi din ni Piñol na ang Kagawaran ng Agrikultura ay magpopokus din sa mga small water
irrigation systems, post-harvest facilities, mga pasilidad sa logistics at transport at easy access credit
upang tumaas ang produksyon ng ating mga magsasaka at mabawasan ang kahirapan sa ating bansa.
Ngunit dahil sa kakulangan sa pondo na inilaan ng ating gobyerno sa mga proyekto ng Kagawaran
ng Agrikultura ay matatagalan ang pagbuo sa mga imprastrakturang ito.

Ayon sa artikulo na isinulat ni Rigor (2019), tuwing panahon ng anihan noon ay masayang
Masaya ang mga magsasaka sapagkat nagkakaroon sila ng sapat nap era upang makabili ng mga
panganagilangan, kagamitan sa bahay at may pagkakaktaon ding makapaglibang sila gaya ng
panonood ng sine, ngunit biglang nag iba ito dahil sa pagmura ng halaga ng palay. Pagod, pawis at
buhay ang puhunan ng mga magsasakang ito ngunit hindi sapat na kapalit ang kinikita nila. Tunay
ngang hindi makatarungan ang kinikita ng ating mga magsasaka. Sila ang mas higit na dapat kumikita
13
ng malaki sapagkat sila ang mas hirap at nagtatrabaho s ailalim ng sikat ng araw.

Sa pag aaral naman nina Bulayungan at Cheng et al, may malaking epekto ang pagsasaka sa
ekonomiya. Ang mga makabagong teknolohiya ay nakakapagpabilis ng produksyon. Nasabi rin sa
pag aaral na ito na may kahinaan ang pag gamit ng mga pesticides o insecticides. May mabuting dulot
ang makabagong teknolohiya sa produksyon sa pagsasaka. Ngunit saan kukuha ng pera upang
maipambili ng mga makabagong teknolohiya?

Dahil sa dinaranas natin ngayong pandemya, marami sa ating mga magsasaka ang nakaranas
lalo ng hirap. Hindi pa man nagkakaroon ng pandemya at mayroon ng suliranin sa pagtatanim ang
ating mga magsasaka at mas tumindi pa ito simula ng magsimula ang pandemya. Marami sa ating mga
magsasaka ang lubusang naapektuhan, mayroong mga tuluyang nawalan ng trabaho at kabuhayan. Isa
si Senador Bong Go sa mga tao na ipinaglaban at sinusuportahan ang mga magsasaka tungo sa
kanilang pag-unlad. Ipinaalala ni Sen. Bong Go ang kahalagahan at importansya ng mga magsasaka sa
ating lipunan. Bilang isa ang mga magsasaka sa pangunahing food providera o pangunahing
pinagkukunan at pinaggagalingan ng ating pagkain para sa araw-araw nararapat lamang na kanilang
makamtan ang kaginhawaan. Lalo na ngayong panahon ng pandemya kung saan sobrang importante
para sa bawat isang pamilya o mamamayang pilipino ang magkaroon ng pagkain na ihahain sa araw-
araw. Isa sa mga inirekomenda ni Sen. Bong Go ang paglalaan ng epektibong mekanismo na
mangangalaga sa ating magsasaka.Nais rin ni Sen. Bong Go na protektahan ang mga magsasaka laban
sa mga mapagsamantalang tao katulad ng mga rice smugglers o ang mga panloloko ng mga malalaking
rice traders at rice importers sa mga maliliit. Ayon sa kanya ay dapat nating unahin ang kapakanan ng
ating mga magsasaka lalo na ang pinakamahirap sa kanila dahil sila ang dahilan kung bakit tayo may
mga nakahaing pagkain sa araw-araw. Hindi dapat natin hayaan na magutom ang bawat magsasakang
Pilipino habang tayo ay busog sa kanilang mga inaning pananim

Isa sa halimbawa ng mga magsasakang agrikultural ang nakararanas ng suliranin ukol sa


pagtatanim ay ang mga magsasakang mula sa Nueva Ecija. Ayon kay Larino J., nahihirapan ang mga
magsasaka sa Nueva Ecija na ibadyet ang kanilang pera mula sa kanilang kinita sa pagtatanim para sa
kanilang mga pangangailangan. Halos lahat ng kinikita ng mga magsasaka ng Nueva Ecija ay
napupunta sa kanilang mga bayarin, mula sa operator contractor, at sa mga taong naglalatag ng
kanilang mga palay mula sa sakahan. Ang iba naman ay napupunta sa kanilang gastusin sa gasolina sa
paghahatid ng kanilang mga pananim tungo sa pamilihang bayan at sa gastusin sa pataba ng kanilang
mga pananim. Ang dahilan sa suliraning ito ay ang pagbagsak ng presyo ng palay sa mga magsasaka
kaya naman halos ang tanging interes na lamang ng kanilang kinikita ang natitira sa kanila. Tunay nga
na kung sino pa ang mga taong dahilan kung bakit tayo may mga hilaw na produkto o sanhi kung
bakit mayroon tayong nakakain sa araw-araw ay sila pang naghihirap. Kaya naman marapat lamang na
mahanap ang solusyon sa mga suliraning ito para sa ikagiginhawa ng buhay ng ating mga magsasaka at
14
sa ikakabuti ng ating bansa.

VI. BALANGKAS TEORETIKAL

Pigura 1. CCRP Pathways to Transformation Theory

Ang konseptwal na balangkas ng pag-aaral na ito ay ginamitan ng "Input-Process-Output" model.

Inilalahad ng Input frame ang mga unsustainable and ineffective agriculture o yung mga maaaring

gawin at mga makatutulong na paraan para sa mga magsasaka, nahahati ito sa tatlong pangkat. Una,

Research & Development system o ang pagsasagawa ng pananaliksik upang mas madagdagan pa ang

kaalaman ng mga magsasaka kung paano mapapalago ang kanilang mga pananim at kung ano ang mga

maaaring kagamitan ang makakatulong sa kanila. Sa hanay ng pangalawang pangkat, nakasaad dito ang

mga maaaring makaapekto sa mga pananim halimbawa na lamang ay ang pagbabago ng klima na

nagdudulot ng pag kaunti ng mga palay na nakukuha. Sa ikatlong hanay naman naroon ang mga

nakaapekto kung bakit kakaunti lamang ang nagagawang palay ng mga magsasaka, ito ay dahil na din

sa kakulangan sa pag-aaral. Sa gitnang bahagi naman ng teorya nakalagay ang proseso kung paano

lulutasin ang mga problemang kinahaharap ng mga magsasaka, inisa isa dito ang mga hakbang. At ang
15
panghuli, nakalagay dito ang resulta kung saan kapag ang mga magsasaka ay nagkaroon ng sapat na

kaalaman, kagamitan, espasyo at iba pa ay magkakaroon sila ng mas masaganang ani, Hindi na din

magiging hadlang ang pagbabago ng klima sa mga pananim, magkakaroon na din ng sekyuridad ang

mga magsasaka at maipaglalaban na din nila ang kanilang mga karapatan.

Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng teorya ng pagbabago na nag-ugat sa Collaborative Crop

Research Program o CCRP Theory of Change. Ang CCRP teorya ng pagbabago ay nagpapakita

ng transpormasyon mula sa makalumang sistema sa pagsasaka na unsustainable patungo sa systemang

agroekolohikal. Ang teoryang ito ay ginamitan ng infinity loop na paradigm upang ipakita na ang

kanilang mga programa ang nagsisilbing tulay sa ugnayan ng lokal at global na proseso. Ang mga

programang inilahad sa teoryang ito ay may malaking gampanin upang masolusyunanan ang suliraning

nararanasan sa kasalukuyan ng ating mga magsasaka. Ito ay magdudulot ng unti-unting pag-unlad ng

sektor ng agrikultura dahil ang unsustainable na sistema sa pagsasaka ang laganap sa ating bansa kaya

nararapat na ipalaganap ang agroekolohikal na sistema sa pagsasaka upang tumaas ang produksyon,

makasabay sa mga pagbabagong dulot ng Climate Change at marami pang iba.

Ang Collaborative Crop Research Program (CCRP) ay gumamit ng isang teorya ng pagbabago para

sa komunidad ng mga magsasaka. Ito ay may dalawang magkaugnay at natatanging landas, ang isa ay

ang sistema ng agrikultura upang mapabuti ang pagganap sa antas ng sakahan. Ang isa naman ay

suporta para sa mga institusyon upang madagdagan ang kaugnayan at epekto ng pagsisikap sa

agrikultura at mgapagsisikap sa pagpapaunlad, na nagbibigay ng pundasyon para sa patuloy na

pagpapabuti sa pagsasaka. Ang teoryang ito ay natatangi sa ating mga magsasaka. Layunin nito ang

mapabuti ang mga magsasaka at makatulong din sa kanilang sistema sa agrikultura. Tiyak ngang

pagbabago ang matatamasa sa komunidad ng pagsasaka sa teoryang ito. Nararapat lamang din ito para

sa mga magsasaka at mga tao sa agrikultura dahil sa kanilang kasipagan at pagtiya-tiyaga sa kanilang

trabaho at ikinabubuhay.

Ang pananaliksik na ito ay naglalayon na malaman ang mga suliraning pamproduksiyon na

nararanasan sa pamilihang bayan ng mga magsasakang agrikultural at mahanap ang solusyon para rito.
16
Sa pagtukoy ng posibleng maging solusyon naging ugat ng pananliksik na ito ang CCRP Theories of

Change o ang CCRP Teorya ng Pagbabago. Ang teorya ng pagbabago ay isang teorya na naging daan

sa pagbabahagi mula sa unsustainable na sistema ng agrikultura patungo sa sistema ng agroecological.

Ang banghay ng Teoryang Pagbabago na ito ay hango sa isang infinity loop kung saan pinapakita ang

ugnayan ng dalawang magkaugnay at natatanging proseso, ang lokal at global na proseso. Ang isang

proseso ay suporta sa pagpapabuti ng pagganap ng antas ng sakahan sa sistema ng agrikultura. Ang isa

naman ay suporta sa institusyon na nagsisilbing pundasyon sa pagpapabuti ng pagsasaka sa ika

pagpapaunlad ng agrikultura

Sa paggawa ng pananaliksik na ito, nais ng mga mananaliksik na gumamit ng teoryang hango sa ccrp

na teorya ng pagbabago. Nakapaloob rito ang mga paraan kung paano matutugunan ang suliraning

kinakaharap ng mga magsasaka. Ipinapakita rin dito ang kaugnayan ng mga suliraning pam

produksyon at ang pamilihang bayan. Ang teoryang ito ay nakatutulong sa pananaliksik sapagkat ito

ang magpapakita sa kung ano ang epekto ng mga suliraning ito at paano ito masosolusyonan. Ito rin

ay higit na makatutulong upang mas maging makabuluhan at akma ang pananaliksik na ito.

VII. METODOLOHIYA

Inilalahad ng kabanatang ito ang mga pamamaraang ginamit sa pag-aaral. Matatagpuan dito

ang disenyo ng pananaliksik, lokal ng populasyon ng pananaliksik, kasangkapan sa paglikom ng datos,

ang paraan ng pagkalap ng mga datos at ang paraan ng pagsusuri ng mga datos.

DISENYO AT URI NG PANANALIKSIK

Ang pananaliksik na ito na patungkol sa mga suliraning nararanasan ng mga magsasaka ay

gumamit ng Penomenolohikal na metodolohiya ng pananaliksik. Ayon kina Cuenco, H., Dacanay, J.,

Elmann, R., et al., (2019), ang penomenolohikal na pamamaraan ng pananaliksik ay ginagamit upang
17
maobserbahan at maipahayag ang iba't-ibang anggulo ng isang phenomenon, ito rin ay isang

pamamaraan na kung saan ang mga mananaliksik ay walang kontrol sa baryabol. Sapagkat naniniwala

ang mga mananaliksik na ito ang angkop na gamitin dahil ang penomenolohikal na pananaliksik ay

may layunin na pag-aralan kung paano at ano ang nararanasan ng mga magsasaka sa isang partikular

na pangyayari. ang paraan na gagamitin sa pangangalap ng mga datos ay ang interbyu o pakikipanayam.

Ang pananaliksik na ito ay isa. ang bilang ng mga respondante ay tinatayang nasa lima ang bilang.

naniniwala ang mga mananaliksik na angkop ang penomenolohikal na pag-aaral upang malaman ang

mga nararanasan ng mga magsasaka sa anumang aspeto.

Sa kabilang dako, Ayon kay Comida, J. (n/d), Ang kuwalitatibong pananaliksik ay

kinapapalooban ng mga uri ng pagsisiyasat na ang layunin ay malalimang unawain ang pag-uugali at

ugnayan ng mga tao at ang dahilan na gumagabay rito. Ang disenyong ito ay laging nakabatay sa mas

malalim at malawak na konteksto at ang mga panlipunang reyalidad gaya na lamang ng institusyon,

kultura at ng ugnayang pantao. kuwalitatibong pananaliksik ang ginamit sa pag-aaral na ito sa

kadahilanang bukod sa disenyo nito ay ito rin ay isang paraan para makapagpokus ang mga

mananaliksik sa mga salita hindi sa mga numerong datos. Ang resulta ng pananalisik na ito ay

nakabatay sa mga sariling pahayag o opinyon, naaalala at nararanasan ng mga respondante ng

pananaliksik na ito.

LOKAL NA POPULASYON NG PANANALIKSIK

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng maginhawang sampling teknik (convenience sampling

technique). Ayon kay Crossman, ang kaginhawaan sampling (convenience sampling) ay isang

sampling teknik ng di-posibilidad na ginagamit ng mananaliksik ang mga paksa na pinakamalapit at

magagamit upang makilahok sa pag-aaral ng pananaliksik. Ang convenience sampling ay ginamit ng

mga mananaliksik upang pumili ng 5 magsasaka bilang respondents na magmumula sa lalawigan ng

Nueva Ecija. Ang Nueva Ecija ay isa sa mga nangungunang producer ng mga produktong agrikultural

sa bansa. Ang mga pangunahing produkto dito ay bigas, mais at sibuyas. Ang lalawigan ay madalas na

tinutukoy bilang ang “Rice Granary ng Pilipinas.” Marami ring tagong yaman ng kalikasan na
18
matatagpuan dito (Reyes, 2017).

KASANGKAPAN SA PAGLIKOM NG DATOS

Sa pag aaral na ito, gagamit ang mga mananaliksik ng pakikipanayam bilang pangunahing

instrumento sa pangangalap ng datos na magagamit sa pag aaral. Ayon kina Demerin, Mendoza at

Ruedas, ang pakikipanayam ay isang paraan ng pagkuha ng isang impormasyon ng harap-harapan.

Ang uri ng pakikipanayam na gagamitin ng mga mananaliksik ay ang pakikipanayam na walang

estraktura kung saan ang mga mananaliksik ay magtatanong nang harapan upang makakuha ng

impormasyong tulad ng opinyon at tanging kaalaman ng mga respondente o pakikipanbayamin ukol

sa isang paksa na kabilang sa kwentong buhay o partikular na karanasan ng isang kalahok o ng

respondente.

PARAAN NG PAGLIKOM NG DATOS

1. Pagpili ng mga respondent- Ang mga mananaliksik ay nakapagplano na limang (5) magsasaka mula sa

Nueva Ecija angsasagot sa panayam.

2. Paggawa ng mga katanungan- Mula sa pagpili ng mga respondente, ang mga mananaliksik ay nagsagawa

ng mga katanungan para sa sasagot sa gagawing pakikipanayam.

3. Pagkonsulta ng mga nagawang katanungan- Nang makagawa ng mga katanungan, isinailalim sa proseso

ng pagkonsulta ang tanong na nagawa para sa panayam sa gurong tagapayo sa Pananaliksik.Inalam kung

may dapat bang baguhin upang mairebisa o maaari na itong magamit sa gagawing pakikipanayam.

4. Pakikipanayam sa mga respondent-Ang mga napiling respondente ay isinailalim sa panayam upang

makuha angmga inaasahang datos.

PARAAN NG PAGSUSURI NG DATOS

Isasailalim sa isang angkop na pamamaraan ang makakalap na mga datos at kasagutan ng mga respondent upang

suriin, analisahin, at bigyang interpretasyon. Ito ay ang deskriptib na pamamaraan: makatutulong ito upang

mailarawan ang datos na nangalap na mag bibigay sagot sa layunin ng pananaliksik na ito. Ang deskriptib na
19
pamamaraan ay nagbibigay tugon sa mga tanong na sino, ano, kalian, saan at paano na may kinalaman sa paksa ng

pag aaral.

VIII. SAKLAW AT DELIMITASYON

Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa mga nararanasan ng mga magsasaka sa kanilang


pagsasaka o pagtatanim ng palay. Pinili ng mga mananaliksik na magbatay sa mga magsasaka na nasa
Gitnang Luzon, dahil naririto ang ilan sa mga magsasaka na nakararanas ng mga suliranin. Ang sakop
ng pag-aaral na ito ay ang mga kagamitan, panahon, kahalagahan ng pagsasaka sa sektor ng
Agrikultura at ang mga suliranin sa pagsasaka maging ang mga posibleng solusyon dito. Ang mga ito
ay saklaw ng pag-aaral sapagkat nais ng mga mananaliksik na maibahagi ang mga impormasyon
patungkol sa mas maayos na pagsasaka at nais din ng mga mananaliksik na makapag suhestiyon ng
solusyon sa bawat suliranin ng sektor ng agrikultura. Samantalang hindi na sakop ng pananaliksik na
ito ang iba pang sektor sa Agrikultura sa kadahilanang mas lalong lalawak ang usapin sa pananaliksik
na ito.
20

VI. BATIS

Agustin, D., Corales, I. R., De Jesus, G. P., Peneyra, K. M., Valdez, R., & Villa, M.

(2019, February 11). FILIPINO-THESIS.docx - Epekto ng Modernong Kagamitan sa Pagsasaka sa Nueva

Ecija Ipinasa nina Daisyree G Agustin Ian Rogel C Corales Grosnie P De Jesus: Course Hero.

FILIPINO-THESIS.docx - Epekto ng Modernong Kagamitan sa Pagsasaka sa Nueva Ecija Ipinasa

nina Daisyree G Agustin Ian Rogel C Corales Grosnie P De Jesus | Course Hero.

https://www.coursehero.com/file/38810980/FILIPINO-

THESISdocx/?fbclid=IwAR1CwuGCAfDRS_NQ8Km1fS02jKTbPG4zFRJK5AjC05UoAK3Yi54k

Rx6ekl4.

Agriculture & Fisheries Information Division. (1998). Kamtin ang Agrikulturang MakaMASA.

Quezon City: Agriculture & Fisheries Information Division.

Alnoor school. (2021). SuliraninsaSektor ng Agrikultura.https://alnoornyc.org/rpf/suliranin-sa-

sektor-ng-agrikultura

Andes, S. G. (n.d.). Lupera: Isang Unti-Unting Pagkawala ng Kultura at

Rehistro ng Pagsasaka Mula sa Patnubay ni. Magsasaka. Halaw noong June 12, 2021, sa

https://www.academia.edu/40161602/LUPERA_ISANGUNTIUNTING_PAGKAWALA_NG

_KULTURA_AT_REHISTRO_NG_PAGSASAKA_Mula_sa_Patnubay_ni

Ariola, S.M., Damarillo, J., Eporac, K.H., et. al., (2019). Tanimko, Ani mo:

PagsusurisamgaArkibongDatosBilangBatayan Sa Karapat-dapatna Kita ng mgaMagsasaka ng PalaysaLalawigan ng

Nueva Ecija. p6

Barile, D., Cushman, H., & Santos, S. (1972). Teaching Vocational Agriculture in

the Philippines. College, Philippines: UPCA Textbook Board.

Brian Carlo,2019.AnoangAgrikultura?Hallawsa

https://www.pinoynewbie.com/ano-ang- agrikultura
21
Department of Agrarian Reform, 2021. La Union ARBO hails DAR for helping them

survive Covid 19-Induced hunger, poverty. Nakuha sa

https://www.dar.gov.ph/articles/news/102760

Engay, D. B., Gumpal, P. G., and Reyes, R.J. (2017). Magsasako: angKasalukuyangKalagayan ng mga Magsasaka at

ng Industriya ng Palay sa Laguna.

https://www.academia.edu/41747294/Magsasako_Ang_kasalukuyang_kalagayan_ng

mgamagsasaka_at_ng_industriya_ng_palay_sa_Laguna

Gomez, J.T. (2020). Truckloads of Ifugao produce are going to waste due to travel restrictions.

https://nolisoli.ph/80120/ifugao-farmer-produce-waste-quarantine-travel-restrictions-bn-jgomez-

20200513/

MASIPAG National Office. (2020, March 26). Ang Kritikal na Papel ng mga Maliliit na

Magsasaka sa Pag-ampat sa Krisis sa Pagkain na Inilantad ng COVID-19. Masipag.Org.

https://masipag.org/2020/03/masipag-covid19-statement/

Official Gazette, 2010. Da Press Release- Pangilinan: Agrikultura Pagbutihin,

bansa paunlarin. Halaw sa https://www.officialgazette.gov.ph/2010/11/12/da-pangilinan-

agrikultura-pagbutihin-bansa-paunlarin

Oposa, S. (2013). Mga Suliranin ng Agrikultura.

http://firstbloginsocial.blogspot.com/2013/02/problema-sa-agrikultura.html?m=1

P. (2021a, June 12). Pagpapaunlad ng Agrikultura sa Pamamagitan ng Pagsasaka. Pagsasaka.

http://pagsasaka-sa-pilipinas.blogspot.com/2010/03/pagpapaunlad-ng-agrikultura-sa.html?m=1

Philippine Rice Research Institute. (1999). Philippine Rice R&D Highlights 1998. Nueva Ecija:

Philippine Rice Research Institute.

S. (2013, February 23). Agrikultura. . . Blogspot.

http://mjqlaureta.blogspot.com/2013/02/agrikultura.html
22
U. (2013b, February 25). Suliranin at Solusyon. Blogspot. http://clariceonate.blogspot.com/2013/02/ang-pilipinas-ay-kilala-bilang-

bansa-na.html

OPINYON] Sa mga mata ng anak ng isang magsasaka. (w.t.). Rappler. Nakuha noong July 20, 2021, sa

https://www.rappler.com/voices/ispeak/opinion-mata-anak-magsasaka

Pagsasaka-sa-pilipinas. (2010, March 22). Pagsasaka sa Pilipinas: Pagpapaunlad ng Agrikultura sa Pamamagitan

ng Pagsasaka. Pagsasaka Sa Pilipinas.

http://pagsasaka-sa-pilipinas.blogspot.com/2010/03/pagpapaunlad-ng-agrikultura-s

Casayuran, M. (2020, October 23). Sen. Bong Go backs agri sector and their contributions towards economic

recovery. Manila Bulletin.

https://mb.com.ph/2020/10/23/sen-bong-go-backs-agri-sector-and-their-contributions-towards-economic-recovery/.

ABS-CBN News, & Joanna Tacason, A. B. S.-C. B. N. N. (2020, August 19). Mga magsasaka umaaray sa

matumal na benta ng palay sa gitna ng pandemya. ABS.

https://news.abs-cbn.com/news/08/19/20/mga-magsasaka-umaaray-sa-matumal-na-benta-ng-palay-sa-gitna-ng-

pandemya.
23

You might also like