Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
DAGAT- DAGATAN ELEMENTARY SCHOOL

MALA-MASUSING BANGHAY- ARALIN SA FILIPINO 3


I. Layunin:

A. Pamantayang Pangnilalaman: Pagsagot sa Tanong Tungkol sa Kuwento, Usapan, Balita


at Tula

B. Pamantayan sa Pagganap: Nakapagpapamalas ng pagpapakita ng pag-asa sa kabila ng


mga pagsubok at pagdemya.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto:


Nababasa nang may pang-unawa ang tula;
 Nasasagot ang tanong na bakit at paano at;
nakapaglalahadng sariling karanasan tungkol sa pandemya .

II. Nilalaman: Modyul 3: Pagsagot sa Tanong Tungkol sa Kuwento, Usapan, Balita at Tula

Kagamitang Panturo:

A. Sanggunian: Filipino 3 - Unang Markahan-Modyul 3- Pagsagot sa Tanong Tungkol sa


Tulang Binasa ( F3PN-Iva 3.1.3)
B. Iba pang Kagamitang Panturo: Powerpoint presentation, gadget ng mga mag-aaral
tulad ng cellphone, tablet at desktop.

III. Pamamaraan:
A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng aralin
Tanungin ang mga bata hinggil sa nakaraang aralin.
B. Paghahabi sa layunin ng aralin
Tanungin sa mga mag-aaral kung ano ang kanilang opinion sa paraan ng pag-aaral
ngayon dulot ng pandemya.
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin
Tanungin ang mga bata kung naalala pa nila ang mga tulang kanilang napag-aralan noon.
D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1
Ipapakita muna ng guro ang mga palaisipang tanong na sasagutin ng mga mag-aaral mula
sa tulang mapapakinggan.
1. Ano ang pamagat ng tulang binasa?
2. Tungkol saan ang tula?
3. Ano ang inyong masasabi tungkol sa pandemyang ating kinakaharap ngayon?
4. Bakit kailangan nating maging matatag sa kabila ng mga pagsubok na dumarating sa
atin?

School Address: Brgy.Dagat-Dagatan, San Rafael, Bulacan


Email address: ddes.105118@gmail.com / 105118@deped.gov.ph
Contact Number/s: 0932 118 0170
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
DAGAT- DAGATAN ELEMENTARY SCHOOL

5. Paano natin malalampasan ang mga pagsubok, tulad ng pandemya?

 Masining na pagbasa ng mga guro sa tula

Muling Masisilayan ang Bagong Pag-asa


Isinulat ni Gina M. Lapuz

Lahat ay nabigla nang ang pandemiya ay bumulaga


Buong mundo’y nabahala, ang iba ay natulala.
Marami ang nagkasakit, ang iba ay nagkamatay
Tanong ng karamihan, ito na ba ang katapusan?

Maging ang pag-aaral ng mga bata ay naapektuhan


Bawal ang Face to Face, kaya Modular o Online lamang daw.
Mga magulang at guro ay nagkaroon ng kasunduan
Na sila’y magtutulungan para sa ikabubuti ng mga mag-aaral.

Kaya’t ating ituloy ang laban ng ating buhay


Pagka’t di naman tayo pababayaan ng Poong Maykapal.
Kailangan lamang ay pagkakaisa at lubos na pagtutulungan,
Upang ang magandang layunin ay ating mapagtagumpayan.

Ngunit huwag nang mabahala, bakuna’y pararting na.


Malapit ng matapos ang salot na pandemiya.
Magiging normal uli, ang lahat ay magsasaya
Muling masisilayan ang bagong pag-asa.

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2


Hayaang sagutin ng mga bata ang pagganyak na mga katanungan.
1. Ano ang pamagat ng tulang binasa?
2. Tungkol saan ang tula?
3. Ano ang inyong masasabi tungkol sa pandemyang ating kinakaharap ngayon?
4. Bakit kailangan nating maging matatag sa kabila ng mga pagsubok na dumadating
satin?
5. Paano natin malalampasan ang mga pagsubok, tulad ng pandemya?
F. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #3
Tanungin ang mga bata kung paano sila makapagbibigay ng pag-asa sa kanilang kapwa
upang malampasan nito ang pagsubok na kinakaharap.
G. Paglinang sa Kabihasaan

School Address: Brgy.Dagat-Dagatan, San Rafael, Bulacan


Email address: ddes.105118@gmail.com / 105118@deped.gov.ph
Contact Number/s: 0932 118 0170
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
DAGAT- DAGATAN ELEMENTARY SCHOOL

1. Pang-isahang Pagtataya:
Basahing mabuti ang mga sumusunod na sitwasyon, ilagay ang masayang mukha  kung
nagpapakita ng pagmamalasakit sa mga kapwa at malungkot  naman kung hindi.
1. Si Jose ay lumalabas at nakikipag-usap ng walang facemask.
2. Dumalo sa kaarawan ng kanyang kaibigan si Shiela kahit lockdown.
3. Pinapayuhan ni Rica sa kanyang pinsan na iwasan muna ang madalas na pag-alis kung
wala naming mahalagang pupuntahan.
4. Hindi nakakalimutan ng pamilya Banal ang palagiang mananalangin sa Poong Maykapal.
5. Nakaugalian na nang magkapatid na Lita at Lisa ang pagpapanatiling malinis sa kanilang
tahanan.

H. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay


Ngayong mahirap ang buhay at limitado lamang ang mga pinagkukuhanan ng
pangangailangan ng pamilya, paano mo maipakikita ang pagmamalasakit sa inyong kapwa tao sa
panahon ng pandemya?

I. Paglalahat ng Aralin
Tanungin ang mga bata kung ano ang kanilang natutuhan sa buong aralin.

IV. Pagtataya:

Basahin ang tula sa ibaba at mula rito sagutin mo ang mga sumusunod na tanong. Bilugan ang
letra ng iyong sagot.

Tagubilin
Isinulat ni: Jaycel D. Suganob

Ang kagandahan ko ay tila paraiso,


Ngunit bata at matanda ay inaabuso ako,
Punongkahoy pananggalang sa malakas na bagyo,
Pinutol at ginawang troso.

Ang aking hiling huwag akong abusuhin,


Kapaligiran ko sana ay laging linisin,
Mga basurang nagkalat dapat ating pulutin,
At huwag itapon sa dagat na irog natin.

Pangangalaga sa kapaligiran ay laging tandaan,

School Address: Brgy.Dagat-Dagatan, San Rafael, Bulacan


Email address: ddes.105118@gmail.com / 105118@deped.gov.ph
Contact Number/s: 0932 118 0170
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
DAGAT- DAGATAN ELEMENTARY SCHOOL

Panatilihin ninyo ang taglay kong kagandahan,


Dahil ito ay nagsisilbing likas na kayamanan,
Na maipagmamalaki sa mga dayuhan at kaninuman.

1. Ano ang pamagat ng tulang iyong napakinggan?


a. Tagubilin b. Panawagan c. Pangangalaga sa kapaligiran

2. Sino-sino ang umaabuso sa kapaligiran?


a. mga hayop b. mga halaman c. bata at matanda

3. Saan nagkalat ang mga basura?


a. karagatan b. kapaligiran c. kabahayan

4. Sa iyong palagay, kailan dapat pangalagaan ang kapaligiran?


a. bawat oras b. tuwing hapon c. tuwing umaga

5. Bakit mahalagang pangalagaan ang kapaligiran?


a. dahil ito ay tirahan lamang ng mga hayop.
b. upang maging madumi ang hangin at madaming tao ang magkasakit.
c. para may masilayan at mapakinabangan pa ang susunod na henerasyon.

V. Takdang-Aralin
Basahin ang tula at sagutin mo ang mga tanong. Isulat ang iyong sagot sa patlang.
Pagtitipid
Isinulat ni: Jaycel D. Suganob

Sa panahon natin ngayon


Huwag bumili rito, bumili roon
Bagay na mahalaga dapat bilhin
Pag-aaksaya hindi makabubuti sa atin.

Pagtitipid ating laging ugaliin


Paggasta nang mabuti dapat isipin
Dapat tayong matutong mag-ipon
Nang may madukot sa tamang panahon.

1. Ano ang pamagat ng tula?


2. Sino ang dapat matutong mag-ipon?
3. Saan dapat gastusin ang pera sa panahon natin ngayon?

School Address: Brgy.Dagat-Dagatan, San Rafael, Bulacan


Email address: ddes.105118@gmail.com / 105118@deped.gov.ph
Contact Number/s: 0932 118 0170
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
DAGAT- DAGATAN ELEMENTARY SCHOOL

4. Kailan dapat gastusin ang mga naipong pera?


5. Bakit importante na tayo ay maging matipid?

Inihanda ni:

GINA M. LAPUZ
Guro I
Binigyang- pansin ni:

YOLANDA L. VALDIZNO
Pang- Ulong Guro I

School Address: Brgy.Dagat-Dagatan, San Rafael, Bulacan


Email address: ddes.105118@gmail.com / 105118@deped.gov.ph
Contact Number/s: 0932 118 0170

You might also like