Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 28

10

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 7:
Kahalagahan ng CBDRRM sa
Pagtugon sa mga Hamon at
Suliraning Pangkapaligiran
Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 7: Kahalagahan ng CBDRRM sa Pagtugon sa mga Hamon at
Suliraning Pangkapaligiran
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Leo A. Alegro (Rajah Soliman High School)
Editor: Amalia C. Solis, Education Program Supervisor, Social Studies
Tagasuri: Allan F. Del Rosario, Head Teacher, Social Studies-C.M.Recto High School
Tagapamahala: Malcolm S. Garma, Regional Director
Genia V. Santos, CLMD Chief
Dennis M. Mendoza, Regional EPS In Charge of LRMS and
Regional ADM Coordinator
Maria Magdalena M. Lim, CESO V, Schools Division Superintendent
Aida H. Rondilla, CID Chief
Lucky S. Carpio, Division EPS In Charge of LRMS and
Division ADM Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – NATIONAL CAPITAL REGION (NCR)


Office Address: ____________________________________________
____________________________________________
Telefax: ____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
10

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 7:
Kahalahagan ng CBDRRM sa
Pagtugon sa mga Hamon at
Suliraning Pangkapaligiran

ii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan, Kontemporaryong


Isyu, – Baitang 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling
Kahalagahan ng CBDRRM sa Pagtugon sa mga Hamon at Suliraning
Pangkapaligiran!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

iii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan, Kontemporaryong


Isyu, – Baitang 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Kahalagahan
ng CBDRRM sa Pagtugon sa mga Hamon at Suliraning Pangkapalgiran!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iv
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Alamin

Ang modyul na ito ay pinag-isipan, idinisenyo at isinulat para sa iyo. Ito ay


makatutulong upang maunawaan mo ang kahalagahan ng Community-Based
Disaster Risk Reduction Management (CBDRRM). Ang saklaw ng modyul na ito ay
nagpapahintulot na magamit sa iba’t ibang sitwasyon sa komunidad na
kinabibilangan o mga pag-aaral na makabubuti sa nakararami. Ang wikang ginamit
sa modyul na ito ay kinikilala ang magkakaibang antas ng bokabularyo ng mga mag-
aaral.

Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto:


 Naisasagawa ang mga angkop na hakbang ng CBDRRM Plan

Mga paksa sa modyul na ito:


 Kahalagahan ng CBDRRM Approach
 Top-down Approach
 Bottom-up Approach
 Ang CBDRRM
 Mga komunidad na gumamit ng CBDRRM Approach

Matapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang makakamit mo ang mga
sumusunod na layunin:

 Nasusuri ang kahalagahan ng CBDRRM Approach bilang tugon sa mga


hamon at suliraning pangkapaligiran;
 Naaanalisa ang kalakasan at kahinaan ng Top-down Approach at Bottom-up
Approach bilang pamamaraan sa pagtugon sa mga hamon at suliraning
pangkapaligiran;
 Nakabubuo ng isang mahusay na plano na maaaring makatulong na maging
disaster-resilient ang iyong pamayanan/tahanan; at
 Nakasusulat ng sariling saloobin hinggil sa kahalagan na CBDRRM na maging
handa sa mga hamon at suliraning pangkapaligiran

1
Subukin

Nais kong sagutin mo ang bawat bilang matapos mo itong basahing mabuti at
maunawaan.
PAUNANG PAGTATAYA

Panuto: Piliin ang pinakatamang sagot. Isulat ang napiling letra na sagot sa
isang hiwalay na papel.

1. Ito ay tumutukoy sa disaster management plan na kung saan ang proseso ng


pagpaplano, gawain at hakbang sa pagtugon sa mga sakuna, mga isyu at
suliraning pangkapaligiran ay iniaasa sa mas nakatataas na ahensiya ng
ating pamahalaan.
a. Bottom-up Approach
b. Inverted Pyramid Approach
c. Pyramid Approach
d. Top-down Approach

2. Lahat ng mga sumusunod ay elemento ng CBDRRM ayon sa workshop na


inilunsad ng NDRRMC noong 2007. Alin ang HINDI kabilang?
a. Community Ownership
b. Education and Capacity Building
c. Gender Sensitive
d. Government Project

3. Tumutukoy sa kolektibong pagganap sa tungkulin ng mga mamamayan at iba


pang stakeholders na kabilang sa mga nagbahagi ng plano para sa isang
disaster management.
a. Bottom-up Approach
b. Inverted Pyramid Approach
c. Pyramid Approach
d. Top-down Approach

4. Sinasabi na ang Pilipinas ay isang disaster-prone na bansa. Alin sa mga


sumusunod ang mga salik na kaugnay ng pahayag na ito?
a. Topograpiya at likas na yaman
b. Kahirapan at kawalan ng edukasyon
c. Disiplina ng mamamayan at heyograpiya
d. Heyograpikal na lokasyon at socio-economic condition

2
5. Siya ang nagmungkahi na gumamit ng Bottom-up Approach ang pamahalaan
bilang pagtugon sa mga hamon ng suliraning pangkapaligiran matapos
maganap ang Bagyong Yolanda noong 2013.
a. Francis Pangilinan
b. Franklin Drilon
c. Miriam Defensor Santiago
d. Panfilo Lacson

6. Ano ang layunin ng pagkakaroon ng CBDRRM?


a. Mabigyan ng boses ang komunidad upang matulungan ng gobyerno
b. Madagdagan ang pondo ng pamayanan para sa ibang proyekto nito
c. Maging disaster-resilient ang isang pamayanan sa mga sakuna
d. Magkaroon ng livelihood program sa mga barangay

7. Alin sa mga sumusunod ang wastong kahulugan ng NDRRMC?


a. National Disaster Risk Reduction & Management Council
b. National Disaster Reduction of Risk & Management Council
c. National Development Reduction of Risk & Management Council
d. National Development of Risk Reduction & Management Council

8. Ang CBDRRM ay isang uri ng anong Approach?


a. Bottom-up Approach
b. Inverted Pyramid Approach
c. Pyramid Approach
d. Top-down Approach

9. Ayon sa pag-aaral nina Kafle at Zubair noong 2006, ang mga sumusunod ay
katangian ng Bottom-up Approach. Alin ang HINDI kasama?
a. Ang responsableng paggamit ng mga tulong pinansiyal ay kailangan
b. Ang pananaw ng pinuno ay ang siyang nasusunod na maipatupad sa
pamayanan
c. Ang mga mamamayan ay may kakayahang simulan at panatilihin ang
kaunlaran ng kanilang komunidad
d. Ang responsibilidad sa pagbabago ay nasa kamay ng mga
mamamayang naninirahan sa pamayanan

10. Ang mga sumusunod ay mga kritisismo sa Top-down Approach MALIBAN sa:
a. Naaayon lamang sa gusto ng namumuno ang plano
b. Hindi nagkakasundo ang lokal at nasyonal na pamahalaan
c. Hindi natutugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan
d. Mababaw ang pang-unawa ng mamamayan sa plano ng pamahalaan

3
Aralin Kahalagahan ng CBDRRM sa
7 Pagtugon sa mga Hamon at
Suliraning Pangkapaligiran
Inaasahan ko na napag-aralan at naunawaan mo sa nakaraang paksa ang mga
pangunahing konsepto na tumatalakay sa disaster management. Ang susunod na
paksa na bahagi ng araling ito ay magbibigay sa iyo ng kaalaman tungkol sa
Community-Based Disaster Risk Reduction Management (CBDRRM) Approach

Balikan

Bago mo simulan ang iyong pag-aaral ng bagong aralin, iyong aalamin kung gaano
kalawak ang iyong natutunan sa nakalipas na aralin o paksa. Handa ka na ba?

A. Identipikasyon
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang salitang tinutukoy ng mga sumusunod na
pahayag. Gumamit ng ibang sagutang papel para sa gawaing ito.

Calamity Disaster Hazard Management


Resilience Risk Threat Vulnerability

1. Ito ay mga banta na maaaring dulot ng kalikasan o gawa ng tao.


2. Ito ay mga pangyayari na nagdulot ng panganib at pinsala sa tao, kapaligiran
at mga gawaing pang-ekonomiya. Ang mga halimbawa nito ay bagyo,
digmaan, lindol, pagputok ng bulkan, at polusyon.
3. Tumutukoy sa tao, lugar at imprastraktura na may mataas na posibilidad na
maapektuhan ng hazard. Ang kalagayang heyograpikal at antas ng
kabuhayan ay nakaiimpluwensiya dito.
4. Ito ay ang inaasahang pinsala sa tao, ari-arian, at buhay sanhi ng
pagkakaroon ng kalamidad o sakuna.
5. Tumutukoy ito sa kakayahan ng isang komunidad na harapin ang mga epekto
ng kalamidad.

4
B. Binagong Tama o Mali.
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang ideya ng buong pangungusap ay naghahayag
ng katotohanan. Kung Mali ay baguhin ang salitang may salungguhit upang ang
ideya ng pangungusap ay maging tama. Gumamit ng ibang sagutang papel para
sa gawaing ito.

1. Istruktural ang pagiging resilient ng isang pamayanan kung ang mga


tahanan, tulay, gusali at iba pa ay isinasaayos upang maging matibay sa
panahon ng kalamidad.
2. Ang anthropogenic hazard ay mga banta na bunga ng mga gawain ng tao.
3. Mababa ang risk ng mga vulnerable na bahagi ng komunidad dahil wala
silang kapasidad na harapin ang mga panganib dulot ng hazard o kalamidad.
4. Ang mga storm surge, lindol, tsunami at landslide ay ilan lamang sa mga
halimbawa ng tinatawag na Natural Hazard.
5. Tinatawag na National Disaster Risk Reduction Framework ang proseso
ng paghahanda laban sa hazard at kalamidad na nakasentro sa kapakanan
ng mga tao.

Mga Tala para sa Guro


Pangunahing layunin ng modyul na ito na matutuhan at maunawaan ng
mga mag- aaral ang mahahalagang kasanayan sa pagkatututo. Binigyang
pansin din sa mga Gawain ang paglinang ng 5Cs na kasanayan:
pakikipagtalastasan (Communication); pagtutulungan (Collaboration);
malikhain (Creativity); mapanuring pag-iisip (Critical Thinking); at pagbuo ng
pagkatao (Character Building). Makikita rin ang aralin na ito online. Bilang
tagapagpadaloy ng modyul na ito inaasahang:
1. Magsagawa nang masusing pagsubaybay sa progreso ng mga mag-
aaral sa bawat gawain.
2. Magbigay ng feedback sa bawat linggo sa gawa ng mag-aaral.
3. Magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa magulang /guardian upang
matiyak na nagagawa ng mga mag-aaral ang mga gawaing itinakda
sa modyul.
4. Maisakatuparan nang maayos ang mga gawain sa pamamagitan ng
pagbibigay nang malinaw na instrukyon sa pagkatuto.

5
Tuklasin

Sa puntong ito ng modyul ay iyong higit na mapagyayaman ang kaalamang taglay


ukol sa aralin. Basahin mo ang teksto sa ibaba na paglalahad ukol sa isang maikling
video na mula sa youtube.com

Para sa mga mag-aaral na may kakayahang gumamit ng internet connection ay


maaari ninyong mapanood ang video na ito
sa https://www.youtube.com/watch?v=db2bKHr08GU&t=14s.

Institutionalizing Sustainable Community Based Disaster Risk Management


(CBDRM)
Communities have critical knowledge,
experience and capacities when it comes to
preparing, responding and recovering from
disasters and the impact of climate change.
They have developed innovative ways to
reducing the risks they face every day.
These grassroots initiatives are often called
Community-Based Disaster Risk
Management – CBDRM, because they are
locally specific and tackle people’s realities
on the ground but these community-based
successes are rarely replicated. They often rely on local heroes or need external
support to continue, and without the right local and national policies in place CBDRM
does not become part of the culture and practice of tackling disaster risk.

Governments worldwide have committed to prioritized CBDRM in their development


efforts, and US Aid or FDA is supporting their global network for disaster reduction,
and partners in Asia, Africa, and Latin America. To ensure the future CBDRM can be
made sustainable and institutionalized by identifying the crucial enabling political,
financial and social factors. It will build the capacities of local actors to work together
to this end, and to increase the political commitment for replicating local successful
initiatives. Over the next three years, this CBDRM project will give the local actors
plenty of opportunities to get involve. With your help, we will discover together the key
success factors of CBDRM. We will invite you to exchange visits, trainings, and
leadership forums to create together the enabling conditions for successful CBDRM,
and we will run advocacy groups, campaigns and present the findings to increase
political commitments. Visit the global network for disaster reduction website to find
out how to share your case study, to learn more about the CBDRM project or to get in
touch (www.gndr.org/cbrdm).

6
Mga Gabay na Tanong:

1. Bakit mahalaga ang pagbuo ng CBDRM bilang grassroots initiative?


2. Paano makatutulong ang CBDRM sa mga pamayanan na makatugon sa mga
hamon ng mga mga suliraning pangkapaligiran?
3. Umiiral ba sa pamayanang iyong kinabibilangan ang katulad ng iyong nabasa
o napanood? Ilahad ang iyong maikling pagsasalaysay ukol dito.

Suriin

KAHALAGAHAN NG CBDRRM Approach


Ang Pilipinas ay kabilang sa mga bansa sa buong mundo na itinuturing na disaster
prone, at ang ilang salik nito ay ang heyograpikal na lokasyon at socio-economic na
kondisyon ng bansa. Ayon sa World Risk Report 2019 isa ang Pilipinas sa 180 bansa
sa buong mundo na may pinakamataas na risk sa mga suliraning pangkapaligiran
(Radtke & Weller, 2019, p.49).

World Risk Index 2019 Overview

World Risk Lack of Coping Lack of Adaptive


Classification Exposure Vulnerability
Index Capacities Capacities
very low 0.31 - 3.29 0.90 - 9.59 21.11 - 33.08 36.44 - 58.83 11.16 - 22.73
low 3.30 - 5.49 9.60 - 12.30 33.09 - 42.10 58.84 - 71.95 22.74 - 32.26
medium 5.50 - 7.51 12.31 - 14.73 42.11 - 47.91 71.96 - 78.62 32.27 - 38.94
high 7.52 - 10.61 14.74 - 19.61 47.92 - 61.79 78.63 - 84.65 38.95 - 51.52
very high 10.62 - 56.71 19.62 - 99.88 61.80 - 76.13 84.66 - 94.14 51.53 - 68.95
Max. Value - 100 , Classification according to the quantile method
World Risk Lack of Coping Lack of Adaptive
Rank Country Exposure Vulnerability
Index Capacities Capacities
1 Vanuatu 56.71 99.88 56.78 84.36 50.66
2 Antigua and Barbuda 30.80 69.95 44.03 76.65 32.05
3 Tonga 29.39 61.41 47.86 79.92 35.47
4 Solomon Islands 29.36 48.31 60.77 80.95 55.00
5 Guyana 22.87 44.98 50.84 79.68 46.44
6 Papua New Guinea 22.18 32.54 68.18 86.21 62.88
7 Brunei Darussalam 21.68 57.62 37.62 67.14 30.45
8 Guatamela 20.69 38.56 53.65 83.96 44.80
9 Philippines 20.69 41.93 49.34 80.98 38.17
10 Bangladesh 18.78 32.48 57.83 86.13 54.44
11 Cape Verde 18.02 38.26 47.10 67.63 42.54
12 Fiji 17.83 38.43 46.41 78.76 38.93
13 Costa Rica 17.37 44.92 38.67 68.84 28.03
14 Djibouti 16.46 27.04 60.87 84.39 58.87
15 Timor-Leste 16.39 27.92 58.71 78.84 50.85

https://reliefweb.int/sites/reliefweb.int/files/resources/WorldRiskReport-2019_Online_english.pdf

Nang manalanta ang Bagyong Ondoy (Typhoon Ketsana) noong 2009, maraming
buhay at ari-arian ang nasira. Gayundin din ang sinapit na kapalaran ng maraming
tao sa Guiuan, Eastern Samar ng maganap ang Super Typhoon Yolanda (Typhoon

7
Haiyan) noong 2013. Ang pagputok ng Bulkang Taal noong Enero 2020 ay naging
mapaminsala din. Maraming suliranin ang kinaharap ng bansa upang makabangon
sa trahedya. Naging malaking hamon sa pamahalaan na maging disaster-resilient
ang mga pamayanan.
Ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Framework (PDRRMF) ay
naglalayon na maging handa sa mga kalamidad at hazard ang mga pamayanan sa
pamamagitan ng pagpaplano, pagtataya at paghahanda na nakapaloob sa disaster
management plan. Hindi lamang ang pamahalaan ang siyang dapat na gumawa ng
plano at solusyon sa mga hamong pangkapaligiran. Tulung-tulong ang National
Government, Local Government Units (LGUs), Non-Government Organizations (NGOs),
at iba pang stakeholders, lalung-lalo na ang mga komunidad. Isinusulong nito ang
pagkakaroon ng Community-Based Disaster Risk Reduction Management upang ang
mga pamayanan ay maging disaster-resilient.
May dalawang approach ang ginagamit ng maraming bansa para sa disaster
management plan: Ang Top-down Approach at Bottom-up Approach.

Alamin natin ang katangian ng dalawang (2) approach sa pamamagitan ng pagsusuri


sa kalakasan at kahinaan nito.

TOP-DOWN APPROACH
Ito ay tumutukoy sa disaster
National
Government management plan na kung saan
ang proseso ng pagpaplano, gawain
Local Government at hakbang sa pagtugon sa mga
Units
sakuna, mga isyu at suliraning
Community
pangkapaligiran ay iniaasa sa mas
nakatataas na ahensiya ng ating
pamahalaan.
Halimbawa:
Tinutugunan ng Pambayan o Panlungsod na Pamahalaan ang isang barangay
na nakaranas ng kalamidad o sakuna.
Nakabatay naman sa prosesong ipatutupad ng Lokal na Pamahalaan ang
sistema ng pagtugon sa mga bayan o lungsod na nakaranas ng sakuna o
kalamidad.
Ang pananaw ng mga namumuno na bumalangkas sa disaster management plan ang
siyang nabibigyang pansin. Obhektibo ang kanilang pamamaraan na mabigyan ng
agarang solusyon ang mga hamong kinahaharap ng kanilang nasasakupan sa
panahon ng sakuna at kalamidad.
May mga kritisismong na natanggap ang top-down approach bilang isang disaster
management plan.

8
Ang pangangailangan ng mga mamamayan ay hindi natutugunan at
napapabayaan ang mga komunidad na may mataas na posibilidad na maging
biktima ng kalamidad (Shesh & Zubair, 2006).
May mga pagkakataong hindi agad na nabibigyang-pansin ang mga
pangangailangan ng mga mamamayan na maaring maging biktima ng
kalamidad. Dahil ito sa pagiging limitado ng disaster management plan na ang
mga pananaw ay naayon sa lamang sa mga nais ng mga namumuno.
May mga pangyayari na kung minsan ay hindi nagkakasundo ang National
Government at ang Local Government na may kinalaman sa mga dapat gawin
bago o pagkatapos ng sakuna o kalamidad. Dahilan ito upang maging
mabagal ang pagtulong sa mga pangangailangan ng mga mamamayan.
Sa isang pahayag ni Panfilo Lacson (Gabieta, 2014). Nakita niya ang pagkukulang
ng Top-down Approach sa sitwasyong may kaugnayan sa relief operations sa
Tacloban City matapos manalanta ang bagyong Yolanda.

“That is why; I am appealing to our local chief executives


not to wait for our National Government, our private sectors. They
have to do their work to hasten the rehabilitation effort. (And this)
could be done by submitting their post-disaster needs assessment
and rehabilitation plans.”

- Panfilo Lacson,
Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery, 2013

https://cnnphilippines.com/news/2017/08/23/lacson-privilege-speech-kita-kita-sa-customs.html
https://www.pressreader.com/philippines/philippine-daily-inquirer-1109/20140227/281629598186907

Iminungkahi niya ang paggamit ng Bottom-up Approach upang mapabilis ang


pagbangon ng mga pamayanan na biktima ng kalamidad.

Ano nga ba ang Bottom-up Approach bilang isang disaster management plan?

BOTTOM-UP APPROACH
Ito ay isang kolektibong pagganap sa
National
tungkulin ng mga mamamayang at iba
Government pang stakeholders na kabilang sa mga
nagbahagi ng plano para sa isang
Local Government disaster management. Ang mga maliliit
Units
na detalye na may kaugnayan sa
hazard, vulnerability at capacity ng
Community
isang pamayanan ay nabibigyang-
pansin dito sapagkat nababatay ang
plano sa pananaw at karanasan ng mga taong nakatira sa tinatawag na disaster-
prone.
Halimbawa:

9
Ang mga komunidad ay nagkakaroon ng assessment sa kanilang lugar at
nagpaplano ng mga proyektong makatutugon sa mga hamong maaaring
maranasan ng pamayanan. Mula sa planong ito ng pamayanan, ay makikita
ng lokal na pamahalaan ang mga pamamaraan na maaaring magawa, lalo na
sa budget, na makatutulong upang mapaunlad ang mga lokal na pamayanan
at maiwasan o kaya ay mabawasan ang epektong maaaring maranasan ng
komunidad sa mga hamong pangkapaligiran.
Ang mga bansa sa Asya tulad ng East Timor, Laos, Indonesia, India at Pilipinas ay
gumagamit ng Bottom-up Approach. Ang karanasan ng mga bansang nabanggit at
obserbasyon ng mga pandaigdigang organisasyon na may mga programang may
kinalaman sa disaster management, ang naging basehan nina Kafle at Zubair (2006)
upang mabuo ang mga katangian ng Bottom-up Approach.

Katangian ng Bottom-up Approach


• May kakayahang simulan at panatilihin ng mga mamamayan ang pagsulong
at pag-unlad ng kanilang pamayanan
• Importante ang gawain at papel ng lokal na pamahalaan, NGOs at private
sectors, subalit para maabot ang grassroots development ay mahalaga ang
papel ng lokal na pamayanan
• Upang magtagumpay ang bottom-up strategy ay kailangang malawak ang
partisipasyon at mga gawain upang makabuo ng desisyon ang mga
mamamayan
• Kailangan na maging responsible sa paggamit ng mga tulong pinansiyal
• Ang pagkilala sa mga pamayanan na may maayos na pagpapatupad ng
Bottom-up approach ay mahalagang salik upang ito ay patuloy na
magtagumpay
• Nasa kamay ng mga mamamayang naninirahan sa pamayanan ang
pagbabago, ito ay kanilang responsibilidad
• Maaaring may magkakaibang pananaw sa banta at vulnerabilities na
nararanasan ang iba’t ibang grupo sa kanilang pamayanan

Hindi lahat ng mga taong naninirahan sa isang komunidad ay may malalim na pang-
unawa sa sistema ng pamahalaan kung paano ito tumutugon sa mga sakuna at
kalamidad. Dagdag pa rito, may mga taong hindi rin ganoon kalawak ang pang-
unawa sa mga problemang pangkapaligiran na kinakaharap ng pamayanan. Iba-iba
ang mga mungkahi sa lebel na ito, dahilan upang maging mabagal ang aksiyon sa
pagtulong sa pamayanan.
Ang mga kahinaan ng Top-down Approach ay nilalayong mabigyan ng solusyon gamit
ang Bottom-up Approach. Malaki ang papel ng mga namumuno sa pagpaplano dahil
sa kanilang kadalubhasaan sa disaster management. Nararapat ding bigyang-pansin
ang mga karanasan at pananaw ng mga mamayan sa pagbuo ng plano tungkol sa
disaster risk management. Mahalagang magamit ang kalakasan ng parehong

10
approach, sa ganitong paraan nagiging holistic ang pagtingin at pagtugon sa mga
hamong pangkapaligiran sa isang komunidad.

ANG CBDRRM
Sa ngayon, ang National Disaster Risk Reduction & Management Council (NDRRMC),
na dating kilala bilang National Disaster Coordinating Council (NDCC), ay kasapi sa
proyektong “Partnerships for Disaster Reduction-Southeast Asia (PDR-SEA) Phase 4
(2008). Ito rin ay sa pakikipagtulungan ng Asian Disaster Preparedness Center
(ADPC), kasama ang United Nations Economic and Social Commission for Asia and the
Pacific (UNESCAP) at ang European Comission Humanitarian Aid Department through
its Disaster Preparedness of the European Commission (EC-DIPECHO). Layunin ng
programang ito na magsulong ng mabubuting kasanayan sa pamamagitan ng
pagbuo ng Community-Based Disaster Risk Reduction Management (CBDRRM) Plan
at mapahusay ang papel ng mga lokal na pinuno sa pagbalangkas ng mga plano at
proyekto para sa komunidad.
Sa proyektong inilunsad ng NDRRMC na naganap noong 2007, pinangunahan ni
Oxfam GB ang “Workshop on the Selection Criteria for Community-Based Disaster Risk
Management Case Studies”, kalahok dito ang mga delagado mula sa mga NGOs at
mga kawani na mula sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno, nabuo nila ang mga
elemento ng CBDRRM:
1. Community Ownership
Ang proseso ng CBDRRM ay dapat may patnubay mula sa NGOs o ahensiya
ng gobyerno. Ang implementasyon ng mga pagtatakda, hakbang, at
pagkokontrol ng mga plano at aksiyon sa hinaharap para sa risk reduction
and disaster management ay nasa pangangasiwa ng pamayanan.
2. Use of Local Knowledge about Hazards
Ang mga mamamayan ay dapat magkaroon ng kamalayan sa mga
pamamaraan at mekanismo ng pagkaya, mapagkukunang resources at
kapasidad na umiiral sa pamayanan.
3. Communities as Ultimate Beneficiaries
Sa implementasyon ng CBDRRM, ang pamayanan ang mapagkukunan ng
frontliners. Ang mga taong higit na vulnerable ang mas prayoridad, pati ang
iba pang pamilya at tao sa pamayanan.
4. Multi-Stakeholder Participation
Sa komunidad, tinatawag na prime movers o pangunahing aktor ang mga
mamamayan upang mabawasan ang disaster risk. Nagbibigay ng panukala
ang stakeholders bilang partisipasyon sa vulnerability assessment,
pagpaplano at implementasyon upang maging handa at mapagaan ang
epekto ng kalamidad, paggawa ng desisyon, pagtugon, rehabilitasyon,
pagmonitor at ebalwasyon.
5. Education and Capacity Building

11
Nakapagdaragdag sa kasanayan ng komunidad ang mga capability-building
activities upang mabawasan ang kahinaan nito. Nagiging handa at
nagkakaroon ng kakayahang masuri ang risks, nakikilala, nakapagpaplano
at nakagagawa ng mga hakbang upang mabawasan ang risks sa komunidad.
6. Gender Sensitive
Binibigyang-halaga na ang mga babae at lalaki ay may iba’t ibang
aktibidades, pananaw, pangangailangan, at prayoridad tungkol sa panganib.
7. Culturally Appropriate
Binibigyang-halaga at respeto ang kaugalian, kultura at tradisyon ng
pamayanan.
8. Sensitivity to Local Structures
Pagkilala sa organisasyon ng komunidad, capability at resources.
9. Harmonizes Local, Indigenous and Scientific Knowledge
Nakapaloob sa pananaw ng mga mamamayan ang risk assessment at
disaster management batay sa kanilang kahinaan at kakayahan sa hazard
assessment na may patnubay ng mga eksperto.
10. Compliments Top-down Approach
Mahalaga ang partisipasyon ng lokal at nasyonal na pamahalaan sa
ikatatagumpay ng CBDRRM, kasama ang bahaging ginagampanan ng
sambayanan. Kailangang maipatupad ang mga batas at regulasyon mula sa
direktiba ng pamahalaan.
11. Demonstrate Potential for Building Economic Resilience
Ang CBDRRM ay may mga inisyatibong nakatuon sa pagbuo at
pagpapalakas ng kakayahan at kapasidad ng komunidad na mabawasan ang
mga kondisyon at salik ng mga kahinaan ng pamayanan, kasama na ang
kahirapan, social inequity at iba pa. Isinusulong nito ang mas ligtas na
komunidad para sa ari-arian, buhay at kalikasan dahil sa mga panganib
sanhi ng mga suliraning pangkapaligiran.
12. Demonstrates Transparency in Procedures and Processes
Dapat na maging disaster-resilient ang mga pamayanan sa panahon ng
kalamidad at sakuna na inaasahang resulta base sa mga inisyatibo ng
CBDRRM.
13. Commitment and Accountability of Stakeholders
Pinakamahalaga ang pamayanan, ito ang pananagutan sa mga tao. Ang
kolektibong pagkilos ng mga indibidwal sa paghahanda sa kalamidad ay
pagpapakita ng pagkakaisa at pag-iwas ng komunidad sa mga maaaring
maging kahinatnan ng sakuna.
14. Communication Design

12
Mayroong kakayahan ang pamayanan sa paggamit ng maagang
impormasyon sa mga babala at pagpapakalat ng impormasyong ito.

15. Exit Strategy (sustainable mechanism)


Kung ang mga mekanismo ng CBDRRM ay naisaayos at natamo,
mapapanatili ang mga inisyatibo nito kahit na matapos ang suporta ng
pondo sa proyekto.

MGA KOMUNIDAD NA GUMAMIT NG CBDRRM Approach


Isang Bottom-up Approach ang CBDRRM at may mga komunidad sa ating bansa ang
gumamit na nang pamamaraang ito. May mga pag-aaral na ang pagtingin sa
pamamaraang ito ay isang pinahusay na sistema na ang proseso ay may
pangunahing layunin ng pagbibigay ng mga unang babala sa komunidad gamit ang
teknolohiya.
Ang organisasyong Buklod Tao na matatagpuan sa Banaba, Rizal ay isa sa mga
community partner ng De La Salle University. Mayroon itong maayos na programa
para sa pagpapaunlad ng pamayanan, disaster risk reduction at sustainable
livelihood. Sa pag-aaral na ginawa ni Maria Victoria Pineda (2012), naniniwala siya
na ang teknolohiya ay nakatutulong na mapalaya ang mga mahihinang komunidad
at magsilbing tulay ng komunikasyon na nagdudulot ng katatagan at kapabilidad sa
progresibong antas. Ang Pandora CBDRRMS ay isang sistematikong web-based na
solusyon at nakatuon sa pagpapagaan (mitigation) at paghahanda. Gamit ang
teknolohiya, tulad ng API tools ng Globe para sa SMS at Google Maps, nakatatanggap
ang mga mamamayan ng Barangay Banaba ng mga ulat tungkol sa baha.
Nagsisilbing moderator ang mga miyembro ng Buklod Tao na siya namang
gumagamit ng teknolohiya upang makapagbigay ng paunang babala sa mga
mamamayan.

Sa isa pang pag-aaral na ginawa ni Pineda (2015), ang pagkakaroon ng web-based


CBDRRM Thera Praevenio sa Barangay 715 Leveriza, Manila ay nakatutulong para
sa isang early warning system na nag-aalerto sa mga miyembro ng komunidad kung
mayroong baha o sunog na nagaganap sa pamayanan. Malaki ang partisipasyon ng
mga mamamayan ng barangay dahil ang karamihan sa kanila ay may gamit na
cellphone upang makatanggap ng balita. Ang resulta, nagiging aktibo sa paglahok at
pakikiisa ang mga nasasakupan sa proseso ng pagbibigay ng tamang impormasyon.

Ayon sa Global Alliance for Disaster Risk Reduction and Resilience in the Education
Sector (2018), nararapat din sanayin ang mga kabataan sa tinatawag na Hazard,
Vulnerability at Capacity Assessments (HVCAs). Itinuturing ng karamihan ang mga
bata bilang passive victims, subalit may mga internasyunal na kasunduang
kumikilala sa kakayahan ng mga bata bilang may sapat na kapangyarihan, abilidad

13
Isaisip

at kakayahan. Isinusulong ang pagkakaroon ng Child-Centred Risk Reduction (CCRR)


bilang bahagi ng CBDRRM at HVCA. Ang pagsuporta sa mga bata sa CBDRRM ay
nagpapalakas ng kanilang kasanayan sa mga estratehiya, aktibong partisipasyon at
maging sa pamumuno. Nakatutulong ang ganitong pamamaraan upang mas higit na
maging disaster-resilient ang buong komunidad.

Ang mga pag-aaral at hakbang na ginawa ng mga pamayanang ito ay makatutulong


upang maging halimbawa sa iba pang pamayanan. Huwag nating kalimutan na ang
mga plano na binuo katuwang ang iba’t ibang sektor ng ating lipunan kasama na
ang mga mamamayan ay lubos na nakatutulong sa mga pangangailangan ng mga
mamamayan sa panahon ng sakuna at kalamidad.

Pagyamanin

Gawain 1. DSW Data Matrix (Pakikipagtalastasan)


Napakarami mo ng natutuhan sa puntong ito matapos ang iyong mga nabasa at
napanood. Handa ka na marahil na malaman kung gaano kabisa ang iyong
natutuhan, ihanda mo na ang iyong talaan ng mga sagot.
Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang mga kataga at impormasyong hinihingi na
may kaugnayan sa Top-down Approach at Bottom-up Approach

Disaster Definition Strengths Weaknesses


Management Plan (Kahulugan) (Mga Kalakasan) (Mga Kahinaan)

Top-down Approach

14
Bottom-up
Approach

Halos matapos na tayo sa ating pag-aaral sa modyul na ito. Mainam na mailahad


mo ang mga bagay na iyong natutuhan o naging saloobin sa paksa. Sa tulong ng
mga gawain sa ibaba ay sigurado akong epektibong maibabahagi mo ang iyong sarili.
Handa ka na ba? Simulan mo na.

Gawain 2. Dugtungan Tayo! (Pakikipagtalastasan, Mapanuring Pag-


iisip)
Panuto: Mula sa paksang nabasa, sagutin at buuin ang mga pangungusap.
1. Itinuturing ang Pilipinas na isang disaster-prone na bansa dahil
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Ang pinagsamang Top-down Approach at Bottom-up Approach ay higit na
makatutulong sa kapakanan ng mga mamamayan dahil
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Malaking tulong ang paggamit ng CBDRRM Approach bilang tugon sa mga
suliraning pangkapaligiran dahil
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Gawain 3. Buin Mo! (Mapanuring Pag-iisip)


Panuto: Punan ang mga patlang sa mga pangungusap upang mabuo ang kaisipan
ng buong talata.
Ang __________________________________________________________ o (CBDRRM)
ay isang halimbawa ng _________________________ Approach. Naglalayon ito na
maging _________________________ ang komunidad sa mga sakuna at kalamidad.
Bahagi ng programa ng ___________________________________________________
(NDRRMC) na dating kilala bilang ______________________________________________
(NDCC) na isulong ang pagbubuo ng mga CBDRRM sa mga pamayanan. Sa planong

15
ito kasama ang mga mamamayan sa paggawa ng plano mula sa pag-assess ng
_________________________, _________________________, at _________________________
(HVC) ng isang pamayanan. Ang kahinaan ng _________________________ Approach
ang nais matugunan ng CBDRRM. Upang magtagumpay ang pamamaraang ito ay
kailangan ang _________________________ partisipasyon ng mga mamamayan sa
pagharap sa mga hamon na dulot ng mga suliraning pangkapaligiran.

Isagawa

Sakop ng komunidad ang pamilya na siyang batayang yunit ng ating lipunan. Dahil
direkta itong nakararanas at naaapektuhan ng mga panganib at kalamidad,
kinakailangan na maging handa sa mga panahong ito.

Gawain 4. Family-Centred Risk Reduction Management


(FDRRM) Plan (Pagtutulungan, Pagbuo ng Pagkatao, Pagkamalikhain)

Panuto: Sundin ang mga sumusunod na hakbang para sa gawaing ito.

Lindol Solid Waste Landslide Air Pollution


Sunog
Sakit Volcanic
Baha Storm Surge Tsunami Eruption
(Covid19)

1. Pumili ng lima (5) sa listahan ng mga panganib at kalamidad na maaaring


maranasan ng iyong pamilya sa mga susunod na panahon.
2. Magtala ng mga pangyayari na maaaring maging dahilan na maganap o
maranasan ang epekto ng sitwasyong ito na banta sa inyong tahanan.
3. Umisip at itala ang mga paraan upang maiwasan ang mga banta ng sakuna
o kalamidad na maaaring maranasan ng iyong pamilya.
4. Makabubuti na gawin ang aktibidades na ito na kasama ang iba pang
miyembro ng pamilya upang lahat ay makapagbigay ng kanilang opinyon sa
pagbuo ng isang plano sa pagharap sa mga suliraning pangkapaligiran.

Mga epekto na Mga maaaring


maaaring maging gawin ng pamilya
Panganib/Kalamidad Dahilan
banta sa inyong upang maiwasan
pamilya ito

Maling Magtalaga ng
1. Solid Waste pagtatapon ng Sakit tamang basurahan
basura at mag-recycle

2.

16
3.

4.

5.

Tayahin

Ikinatutuwa kong natapos mong pag-aralan ang modyul na ito. Ngayon naman ay
alamin natin ang lalim ng iyong natutuhan sa paksang ito.
Maraming Pagpipilian
Panuto: Piliin ang pinakatamang sagot at isulat itot sa isang hiwalay na papel.
1. Ano ang layunin ng pagkakaroon ng CBDRRM?
a. Magkaroon ng livelihood program sa mga barangay
b. Maging disaster-resilient ang isang pamayanan sa mga sakuna
c. Madagdagan ang pondo ng pamayanan para sa ibang proyekto nito
d. Mabigyan ng boses ang komunidad upang matulungan ng gobyerno

2. Ito ay tumutukoy sa disaster management plan na kung saan ang proseso ng


pagpaplano, gawain at hakbang sa pagtugon sa mga sakuna, mga isyu at
suliraning pangkapaligiran ay iniaasa sa mas nakatataas na ahensiya ng
ating pamahalaan.
a. Pyramid Approach
b. Top-down Approach
c. Bottom-up Approach
d. Inverted Pyramid Approach

3. Tumutukoy sa kolektibong pagganap sa tungkulin ng mga mamamayan at iba


pang stakeholders na kabilang sa mga nagbahagi ng plano para sa isang
disaster management.
a. Pyramid Approach
b. Top-down Approach
c. Bottom-up Approach
d. Inverted Pyramid Approach

4. Ayon sa pag-aaral nina Kafle at Zubair noong 2006, ang mga sumusunod ay
katangian ng Bottom-up Approach. Alin ang HINDI kasama?
a. Ang responsableng paggamit ng mga tulong pinansiyal ay kailangan
b. Ang pananaw ng pinuno ay ang siyang nasusunod na maipatupad sa
pamayanan
c. Ang mga mamamayan ay may kakayahang simulan at panatilihin ang
kaunlaran ng kanilang komunidad

17
d. Ang responsibilidad sa pagbabago ay nasa kamay ng mga
mamamayang naninirahan sa pamayanan

5. Ang mga sumusunod ay mga kritisismo sa Top-down Approach maliban sa:


a. Naaayon lamang sa gusto ng namumuno ang plano
b. Hindi nagkakasundo ang lokal at nasyonal na pamahalaan
c. Hindi natutugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan
d. Mababaw ang pang-unawa ng mamamayan sa plano ng pamahalaan

6. Siya ang nagmungkahi na gumamit ng Bottom-up Approach ang pamahalaan


bilang pagtugon sa mga hamon ng suliraning pangkapaligiran matapos
maganap ang Bagyong Yolanda noong 2013.
a. Panfilo Lacson
b. Franklin Drilon
c. Francis Pangilinan
d. Miriam Defensor Santiago

7. Alin sa ibaba ang tamang kahulugan ng NDRRMC?


a. National Disaster Reduction of Risk & Management Council
b. National Disaster Risk Reduction & Management Council
c. National Development Reduction of Risk & Management Council
d. National Development of Risk Reduction & Management Council

8. Ang CBDRRM ay isang uri ng anong Approach?


a. Pyramid Approach
b. Top-down Approach
c. Bottom-up Approach
d. Inverted Pyramid Approach

9. Sinasabi na ang Pilipinas ay isang disaster-prone na bansa. Alin sa mga


sumusunod ang mga salik na kaugnay ng pahayag na ito?
a. Topograpiya at likas na yaman
b. Kahirapan at kawalan ng edukasyon
c. Disiplina ng mamamayan at heyograpiya
d. Heyograpikal na lokasyon at socio-economic condition

10. Lahat ng mga sumusunod ay mga elemento ng CBDRRM ayon sa workshop


na inilunsad ng NDRRMC noong 2007. Alin ang HINDI kabilang?
a. Gender Sensitive
b. Government Project
c. Community Ownership
d. Education and Capacity Building

18
Karagdagang Gawain

Upang higit na maging makabuluhan ang iyong bagong natutuhan ay naghanda ako
ng isa pang gawain na tiyak akong kaya mong gawin. Basahin mo at unawaing
mabuti.

Gawain 5. Salay – Sanaysay (Pagkamalikhain, Pakikipagtalastasan)

Panuto: Sundin ang mga sumusunod na hakbang para sa gawaing ito.


Sa gawaing ito, kinakailangan mong mag-interview o makipag-usap sa sinumang
namumuno o kawani ng inyong pamayanan. Maaari mo itong gawin via social media
platform o kaya naman ay direktang pagtawag sa telepono ng inyong barangay. Sa
pagkakataong walang makausap, ay maaari mong bisitahin ang website o kaya ay
facebook page ng inyong barangay.

Alamin ang mga proyekto, gawain o aktibidades ng inyong pamayanan kung paano
sila tumutugon sa mga hamon at suliraning pangkapaligiran. Mas makatutulong
kung makapagbibigay sila ng isang tiyak na pangyayaring naranasan ng inyong
pamayanan. Mahalagang makita mo ang ugnayan ng Top-down Approach at Bottom-
up Approach sa plano ng inyong pamayanan na may kinalaman sa disaster
RUBRIC SA PAGSULAT NG SANAYSAY
ISKOR
Pamantayan Marka
5 3 1
Malinaw at maayos Hindi masyadong Walang linaw at
ang daloy ng mga malinaw at hindi hindi maayos ang
Organisasyon ideya. rin gaanong daloy ng mga
maayos ang daloy ideya.
ng mga ideya.
Komprehensibo at Maayos at wasto Hindi maayos at
wasto ang mga tala ang mga tinalakay hindi rin wasto ang
Nilalaman
na tinalakay sa sa paksa. mga tinalakay sa
paksa. paksa.
Lubos na sumunod May mga Maraming
sa mga pagkakamali sa pagkakamali dahil
pamantayan ng mga pamantayan sa hindi pagsunod
pagsulat ng sa pagsulat ng sa mga
Teknikalidad sanaysay (hal. sanaysay (hal. pamantayan ng
paggamit ng paggamit ng pagsulat ng
bantas, etc.). bantas, etc.). sanaysay (hal.
paggamit ng
bantas, etc.).
Kabuuang Marka 15 Nakuhang Marka
management. Matapos ang iyong panayam at pagsasaliksik ikaw ay susulat ng isang
sanaysay.

19
Sanggunian
Books

K-12 Learner’s Material for Grade 10 AP (Araling Panlipunan) – Kontemporaryong


Isyu

Researches

Department of National Defense. Strategic Plan to Integrate Community-Based


Disaster Risk Management (CBDRRM) to the Socio Economic Development
Processes in the Philippines CY 2007-2011. National Disaster Coordinating
Council. Retrieved
from. https://www.preventionweb.net/files/3289_CBDRRM.pdf

Krummacher, A. (2014). Community Based Disaster Risk Management (CBDRRM).


22nd OSCE Economic and Environmental Forum. Retrieved
from https://www.osce.org/secretariat/110792?download=true

Pineda, M V G. (2012). Exploring the Potentials of a Community-Based Disaster Risk


Management System (CBDRRMS), the Philippine Experience. International
Journal of Innovation, Management and Technology, Vol. 3 No. 6. December.
Retrieved from http://www.ijimt.org/papers/324-CM313.pdf

Pineda, M V G. (2015). Redefining Community Based Disaster Risk Management


(CBDRRM) through Enhanced Early Warning Processes. International Journal
of Information and Education Technology, Vol. 5 No. 7. July. Retrieved
from http://www.ijiet.org/papers/565-T2001.pdf

Yore, R., Kelman I., & Tofa, M. (2018). Child-Centred Risk Reduction Research-
intoAction Brief: Community-based Disaster Risk Management (CBDRRM).
Global Alliance for Disaster Risk Reduction and Resilience in the Education
Sector. Retrieved
from https://www.preventionweb.net/files/61520_communitybaseddisaster
riskmanagemen[1].pdf

Opinions and Questions


https://brainly.ph/question/676383

https://brainly.ph/question/746571

https://www.osce.org/secretariat/110792?download=true

20
News Article

Gabieta, J. (2014). Only 11 mayors submitted Rehab plans – Lacson. Philippine


Daily Inquirer. Feb. 27, 2014. Retrieved
from https://www.pressreader.com/philippines/philippine-daily-inquirer-
1109/20140227/281629598186907

Picture
Panfilo Lacson. Retrieved from
https://cnnphilippines.com/news/2017/08/23/lacson-privilege-speech-kita-kita-
sa-customs.html

Short Videos
Institutionalizing Sustainable Community Based Disaster Risk Management
(CBDRRM). (2017). Alagar, M A. Retrieved
from https://www.youtube.com/watch?v=db2bKHr08GU&t=14s

21
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like