Professional Documents
Culture Documents
Las Filipino Q4 G10 Melc6
Las Filipino Q4 G10 Melc6
Activity Sheet sa
Filipino 10
Kuwarter 4 – MELC 6
Pagsulat ng Buod ng Kaligirang Pangkasaysayan ng
El Filibusterismo Batay sa Ibinigay/Ginawang Timeline
Filipino 10
Learning Activity Sheet Blg. 6
Unang Edisyon, 2021
Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City
Ang Filipino 10 Learning Activity Sheet Blg. 6 na ito ay inilimbag upang magamit
ng mga Paaralan sa Rehiyon 6 - Kanlurang Visayas,
Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang porma
nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas.
2. Pagsasanay/Aktibidad
Matapos mong basahin ang kaligirang pangkasaysayan ng El
Filibusterismo, sumulat ng buod batay sa ibinigay na timeline kung
anong mga pangyayari ang naganap sa mga petsa o panahong nakatala.
Iskala Deskripsiyon
10 Napakagaling
8–9 Magaling
6–7 Nangangailangan ng pagpapaunlad
V. Repleksiyon
Pag-isipan at dugtungan ang pangungusap. Isulat ang sagot sa
patlang na nakalaan.
Pagsasanay
Petsa Buod
Marso 29, 1891 Natapos ni Rizal ang manuskrito nito sa Biarritz, isang lungsod sa
Pransiya.
Hulyo 5, 1891 Si Rizal ay nagtungo sa Ghent upang doon ipalimbag ang nobela sa
kadahilanang higit na mababa ang halaga ng pagpapalimbag doon at
ikalawa upang iwasan si Suzanne Jacoby.
Setyembre 18, 1891 Ipinalimbag ni Rizal ang nobelang El Filibusterismo sa F. Meyer Van,
Loo Press dahil ito ang nag-alok sa kaniya ng pinakamababang halaga
sa pagpapalimbag.
Oktubre 1891 Mgakaba-kabanata
Inilathala nang Batayang Tanong
ang nobela sa El Nuevo Regimen,
a. Ang mga impormasyong natutuhan
pahayagan mula sasabuod
ng Madrid ng kaligirang kasaysayan ng El
Espanya.
Filibusterismo sa pamamagitan ng timeline ay ang mga sumusunod:
1. Noong Marso 29, 1891, natapos ni Rizal ang manuskrito nito sa Biarritz, isang lungsod sa
Pransiya.
2. Noong Hulyo 5, 1891, si Rizal ay nagtungo sa Ghent upang doon ipalimbag ang nobela sa
kadahilanang higit na mababa ang halaga ng pagpapalimbag doon at ikalawa upang
iwasan si Suzanne Jacoby.
3. Noong Setyembre 18, 1891, ipinalimbag ni Rizal ang nobelang El Filibusterismo sa F.
Meyer Van, Loo Press dahil ito ang nag-alok sa kaniya ng pinakamababang halaga sa
pagpapalimbag.
4. Noong Oktubre 1891, inilathala nang kaba-kabanata ang nobela sa El Nuevo Regimen,
pahayagan ng Madrid sa Espanya.
b. Kailangang malaman ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa kaligirang
pangkasaysayan ng El Filibusterismo sa pamamagitan ng timeline upang mapagsunod-sunod ang
mga mahalagang kaganapan o pangyayari noon.
Kaganapan Buod
Bago ipalimbag ang El Filibusterismo Kailangan ni Rizal ng malaking pondo para sa
pagpapalimbag ng kaniyang sinulat na nobela.
Noong inilimbag ang El Filibusterismo Ipinalimbag ni Rizal ang nobelang El
Filibusterismo sa F. Meyer Van, Loo Press.
Nakaranas siya ng kakulangan ng pondo kung
kaya’t ang pagpapalimbag ay natigil. Nagsanla
rin siya ng kanyang alahas. Pinadalhan siya ni
Basa ng pera ngunit hindi sapat sa
pagpapalimbag ng nobela. Pinadalhan din siya
ni Valentin Ventura ng pera upang matapos
ang pagpapalimbag nito.
Pagkatapos ilimbag ang El Filibusterismo Si Rizal ay kaagad na nagpadala ng dalawang
kopya kina Basa at Sixto Lopez sa Hong Kong.
Pinadalhan din niya si Valentin Ventura sa
Paris tanda ng kanyang pagtanaw ng utang na
loob at pasasalamat. Pinadalhan din niya ang
kanyang mga kaibigan at iba pa na pumuri sa
kagandahan ng nilalaman ng nobela at
hinangaan ito sa loob at labas ng Pilipinas.
Repleksiyon
*Iba-iba ang inaasahang sagot mula sa mga mag-aaral.
Iba pang Sanggunian:
https://filipinotek.wordpress.com/2013/03/29/kasaysayan-ng-el-
filibusterismo/
https://philnews.ph/2020/02/20/kaligirang-pangkasaysayan-ano-ang-
kaligirang-pangkasaysayan/