Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Cast of Characters

Teacher/Prof. -T. Michelle


Main Character - Ayrrand
Other Students- Eliza, Shai & co.
Counsellor : Joan
Parents : Mary Grace & Jeric
G classroom Set-up:

Narrator: Ang istoryang ito ay may sangkap ng reyalidad. Na ang buhay ng isang
pamilya, kapag niyanig ng mga problema, ay maaaring mawasak. At ang mahihirapan.
Ang mga anak na di alam ang patutunguhan.
Nagsimula ang istorya kay Ayrrand. Isang Third year college student na inabot ng
"New normal" na set up ng pag-aaral. Ang kanyang ama ay isang IT personnel ng
school at ang kanyang ina ay nangangamuhan sa ibang lugar na buwanan kung umuwi.
Bilang ganti sa pagtatrabaho nila, si Ayrrand ay nagsisipag sa kanyang pag-aaral.

VC #1 : Class
T. Michelle: (asks the class) Okay class, sino makakapag paliwanag sakin kung ano
ang pagkakaiba ng sympathy at empathy?

Ayrrand: Ma'am yung sympathy po ay kapag handa mong damayan o suportahan ang isang
tao. Yung empathy naman po ay kapag handa mong ilagay yung sarili mo sa kalagayan
nila.

T. Michelle: Okay, Very good, Ayrrand. Sya nga pala class, lumabas na ang result ng
exam niyo last week at si Ayrrand ang may pinakamaataas na score! Congratulations.
And, lahat naman ay may matataas na score. Kaya congratulations sa inyong lahat.

Students: Thanks po sir/maam!

Screen fade out


The next week
Screen fade in

VC #2- 2nd class


T. Michelle: Okay class, naalala niyo ba yung project na dapat ipapasa niyo sa
class next week? Just a short reminder, dapat niyong ilagay yung references ha? Di
puwedeng copy paste lang. (makikita si Ayrrand) Oh, Ayrrand bakit ngayon ka lang
nag-join sa class?

Ayrrand: Kasi po, kasi.... (enter sound of the parents, will leave the room)

Jeric: Ganun na lang ba yun? Aalis ka, na hindi mo man lang aayusin ang problema?
Anong pinagmamalaki mo? Na may sarili kang trabaho?
Mary Grace: Sawa na ako. Sawa nako sa pagtatalo natin at sa pag intindi sayo.
Pinilit kong kayanin. Pero wala. Aalis na ako dito.
Jeric: Sige umalis kana! At wag ka nang babalik.

(class mixed emotions/expressions, teacher will wrap up)

fade out
fade in

Narrator: Naging mahirap para kay Ayrrand na tanggapin na unti-unting nawawasak ang
kanyang pamilya. Hanggang sa nalaman nila na ang kanyang ina ay buntis sa
kinakasama nito at ang kanyang ama naman ay nalulong sa bisyo.

VC #3 class
T.Michelle: (nagbabasa ng attendance)
Shai, (Present po!),
Eliza, (Present po
ma'am),
Ferdinand (Present po)
Andito na ba si Ayrrand?

Shai: Hello po Ma'am, baka hindi daw po makapasok si Ayrrand today, tumawag po siya
sakin. Tinanong ko po kung kelan siya makakapasok ulit, nag end call lang po siya.

T. Michelle: Ganun ba? Okay


sige. Dahil na-check na natin yung mga report niyo, at nakapag attendance na,
puwede na tayong mag-dismiss.

Teacher-counsellor
(Video call #4)

T.Michelle: Hello Ma'am Joan! Kailangan ko tulong mo sis.


Joan: Oh! Ma'am Michelle kumusta?
T.Michelle: Heto okay naman. May student ako na gusto ko sana ipa-counsel sayo. Na-
follow up ko na sya. Mukhang mas kailangan ka niya kaysa sa akin. Di kaya ng powers
ko.
Joan: Sure! Sige. Send mo nalang yung name niya tapos I-checheck ko nalang yung
profile niya dito.
T.Michelle: Okay na. Already sent sis! Thank you.
Joan: No problem sis!

--------

Ayrrand: (Tutunog ang phone, makikita ang message, focus cam sa message)

From:
Ms. Joan Delos Santos
College Counsellor

Good day Mr. Ayrrand Dematera, cheer up! We're here for you. We would like to
invite you to join us to an online counselling session this coming tuesday, July
27, 2020.
Attached herewith is the link to where the session would be conducted:
(insert link)
If you're not interested, you may ignore this message.

Narrator: Matagal na pinag isipan ni Ayrrand ang kanyang gagawin. At kinausap niya
muna ang kanyang kaibigan tungkol dito.

VC #5 (Ayrrand & Eliza)


Eliza: Uy BFF kumusta? Ba't ngayon ka lang tumawag?
Ayrrand: E kasi nagmessage sakin yung guidance counsellor natin. Tignan mo oh.
Pinapaattend ako sa Guidance. Tingin mo, sagutin ko ba?
Eliza: Ikaw, nasa iyo yan kung tatanggapin mo. Kasi sabi naman diyan iignore mo
lang kung ayaw mo.
Ayrrand: Eh nahihiya ako. Andami na nga nilang problema dadagdag pa ako.
Eliza: Ano ka ba? kaya nga sila andyan para makatulong eh.
Ayrrand: Sige na nga.

fade in
fade out

VC# 6 Counselling session

Joan: Hello Ayrrand! Welcome! Kamusta kana ngayon?


Ayrrand: Heto po. Okay naman po. Medyo nawala lang po sa focus ko. Tingin ko naman
po kakayanin ko po ito.
Joan: Ano ba nagiging dahilan ng pagkawala ng focus mo?
Ayrrand: Kasi po, andaming gumugulo sa isip ko. pero alam ko naman po na kaya ko
ito.
Joan: Puwede mo bang i-share kung anu-ano yung gumugulo sa isip mo?
Ayrrand: Yung parents ko po kasi naghiwalay. Si mama buntis na sa kinakasama niya
tapos si papa naman nagbibisyo.
Joan: Sa tingin mo ba, hindi na talaga sila magkakaayos?
Ayrrand: Sa tingin ko po, hindi na. Kasi desisyon po nila yun. Pero dinadaan ko
nalang po sa dasal.
Joan: Bukod sa pagdarasal, Mayroon ka pa bang ibang action na ginawa o sinubukan?
Ayrrand: Sinubukan ko na pong kausapin sila pareho, pero....

(VC #6.2 Mary grace & Ayrrand)


Mary Grace: Pasensya kana, ayrrand. Pero hindi na ako makakabalik jan. Hindi sa
dahil di na kita mahal, anak. Patawarin mo sana ako. Susuportahan pa din kita sa
pangarap mo. Mag iingat ka palagi.

(VC #6.3 Jeric & Ayrrand)


Jeric: Nak. Sorry. Naipit ka sa gulo namin ng mama mo. Hindi ko alam kung paano
makakabawi sayo, sa inyo ng mga kapatid mo. Pero patapos na ang mga papeles ko.
Malapit nako magtrabaho abroad. Mag iingat kayo parati jan.

Joan: So, parehas palang mawawala sa inyo ang mga magulang niyo. Pero, mukhang
parehas naman din silang susuporta sa inyo. Mukhang nasa iyo na ang desisyon
ngayon. Ano bang naiisip mo pang gawin?

Ayrrand: Mukhang ganun na nga po. Ipagpatuloy nalang ang pag aaral at magsipag.
Para maabot ko yung pangarap ko. Maaaring hindi ngayon, pero alam kong magiging
okay din ang lahat.

Joan: It really takes time. And it is okay not to be okay. Pero I commend you sa
pagiging matatag. If you need someone na makikinig sayo, sabihin mo lang. Our
office is always open for everyone.

Ayrrand: Thank you po!


Joan: You're welcome.

-End-

You might also like