Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

PAGDARASAL NG

SANTO ROSARYO
PANAPOS NA GAWAIN PARA SA
BUWAN NG OKTUBRE
kasama ang mga Kaparian, mga Mananampalataya,
at mga kapatid nating dumaranas ng matinding hirap
sa kabila ng Pandmeya

Miyerkules, ika-28 ng Oktubre 2020


Ika-3 ng Hapon

Panimulang Bati mula sa Kura Paroko ng Parokya


Mensahe mula sa Kura Paroko

Entrance Song
N : Magsiltayo ang lahat.

Page 1 of 13
INANG SAKDAL LINIS
Inang sakdal linis
Kami ay ihingi
Sa Diyos Ama namin;
Awang minimithi.

Ave, Ave, Ave Maria


Ave, Ave, Ave Maria

Bayang tinubua'y
ipinagdarasal
At kapayapaan
Nitong sanlibuta.

Ave, Ave, Ave Maria


Ave, Ave, Ave Maria

ANG SANTO ROSARYO


1 Namumuno
1 Taga-Sagot o Bayan

N : Magsiluhod ang lahat.

PANIMULANG PANALANGIN
+ Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo
Amen.

SUMASAMPALATAYA
Sumasampalataya ako
sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat,
na may gawa ng langit at lupa.
Sumasampalataya naman ako kay Hesukristo,
iisang Anak ng Diyos,
Panginoon nating lahat.

Page 2 of 13
Nagkatawang-tao Siya lalang ng Espiritu Santo;
ipinanganak ni Santa Mariang Birhen.
Pinagpakasakit ni Ponsio Pilato;
ipinako sa krus, namatay at inilibing.
Nanaog sa mga impiyerno;
nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli.
Umakyat sa langit;
naluluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat.
Doon magmumula’t pariritong huhukom sa nangabubuhay
at nangamatay na tao.
Sumasampalataya naman ako
sa Diyos Espiritu Santo,
na may Santa Iglesya Katolika;
may kasamahan ng mga Santo,
may ikawawala ng mga kasalanan;
at mabubuhay na mag uli ang nangamatay na tao,
at sa buhay na walang hanggan.

AMA NAMIN
Ama namin, sumasa-langit Ka.
Sambahin ang ngalan Mo.
Mapasa amin ang Kaharian Mo.
Sundin ang loob Mo
dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan Mo kami ngayon
ng aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin Mo kami ng aming mga sala,
para nang pagpapatawad namin
sa mga nagkakasala sa amin.
At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso,
at iadya Mo kami sa dilang masama.
Amen

3 Hail Mary
Aba Ginoong Maria,
napupuno ka ng grasya
ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo,
bukod kang pinagpala sa babaeng lahat
at pinagpalanaman ang iyong Anak na si Hesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos,
ipanalangin mo kaming makasalanan,
ngayon at kung kami ay mamamatay.
Amen

Page 3 of 13
LUWALHATI
Luwalhati sa Ama at sa Anak at sa Espiritu Santo.
Kapara nang sa unang una,
ngayon at magpakailanman,
mapasawalang-hanggan.
Amen

CHOIR : Aawit ng isang Awit para kay Maria

N : Ating pagnilayan ang mga Misteryo ng Luwalhati

UNANG MISTERYO
ANG PAGKABUHAY NA MAGMULI NI
HESUKRISTO
PAGBASA
Magsitayo ang lahat

Pagbasa mula sa Banal na Ebanghelyo ayon kay San Marcos

Pagkaraan ng Araw ng Pamamahinga,


si Maria Magdalena,
si Mariang ina ni Santiago
at si Salome ay bumili ng pabango
upang ipahid sa bangkay ni Jesus.
At nang Linggo ng umaga,
pagsikat ng umaga,
sila'y nagpunta sa libingan.
Nag-uusapusap sila habang daan:
"Sino kaya ang ating makikipagusapang
magpagulong ng batong
nakatakip sa pintuan ng libingan?" Page 4 of 13
INTENSYON PARA SA
MISTERYO
Ang muling pagkabuihay ni
Jesus mula sa kamatayan ay
isang patunay na tayo ay
iniligtas Niya mula sa mga
kasalanan.
Inaalala natin ang lahat ng
mga patuloy na dumaranas ng
paghihirap sa kabila ng
pandemya, lalo na yaong mga
mahihirap, mahihina at mga
nasa laylayan.

AMA NAMIN
10 ABA GINOONG MARIA
LUWALHATI
PANALANGIN NG FATIMA
IKALAWANG MISTERYO
CHOIR : Aawit ng isang Awit para kay Maria

ANG PAG-AKYAT NI JESUS SA LANGIT

PAGBASA
Magsitayo ang lahat
Pagbasa mula sa Banal na Ebanghelyo ayon kay San
Lucas

Noong panahong iyon,


sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad:
“Ganito ang nasusulat:
kinakailangang magbata ng hirap
at mamatay ang Mesiyas
at muling mabuhay sa ikatlong araw.
Sa kanyang pangalan,
ang pagsisisi at kapatawaran
ng mga kasalanan ay dapat ipangaral Page 5 of 13
INTENSYON PARA SA
MISTERYO
Sa pag-akyat Niya sa Langit,
binigyan tayo ni Jesus na
makasama siya dito sa lupa,
hindi man pisikal, kundi
personal at espirituwal.
Inaalala naming ang mga
nagkaroon ng sakit lalo na
yaong mga tinamaan ng
COVID-19.

AMA NAMIN
10 ABA GINOONG MARIA
LUWALHATI
PANALANGIN NG FATIMA
IKATLONG MISTERYO
CHOIR : Aawit ng isang Awit para kay Maria

ANG PAGPANAOG NG ESPIRITU SANTO


KAY MARIA AT SA MGA APOSTOL
PAGBASA
Magsitayo ang lahat
Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Nang sumapit ang araw ng Pentekostes,


nagkatipon silang lahat sa isang lugar.
At biglang narinig ang isang ugong mula sa
langit,
animo’y hagunot ng malakas na hangin,
at napuno nito ang bahay na kinaroroonan
nila. Page 6 of 13
INTENSYON PARA SA
MISTERYO
Sa pagpanaog ng Banal na
Espiritu Santo, ang mga
apostol ay nabigyan ng
kapangyarihang maipamalita
ang Mabuting Balita ng
Panginoon sa iba.
Sa kaganapang ito,
pinapaalala sa atin na AMA NAMIN
mayroon tayong Misyon na 10 ABA GINOONG MARIA
dapat gampanan. LUWALHATI
Inaalala natin ang lahat ng PANALANGIN NG FATIMA
mga sumakabilang buhay na,
na sila ay makaranas na ng CHOIR : Aawit ng isang Awit para kay Maria
buhay na walang hanggan.

IKAAPAT NA MISTERYO
INIAKYAT ANG MAHAL NA BIRHENG
MARIA SA LANGIT, KATAWAN AT
PAGBASA KALULUWA
Magsitayo ang lahat
Pagbasa mula sa Banal na Ebanghelyo ayon kay San
Lucas.

Sinabi ni Maria:
Dinadakila ng aking kaluluwa ang Panginoon.
Ang aking espiritu ay lubos na nagagalak sa Diyos na
aking Tagapagligtas.
Ito ay sapagkat nilingap niya ang pagpapakumbaba ng
kaniyang aliping babae at mula ngayon ay ituturing
akong mapalad ng lahat ng salin ng lahi.
Ito ay sapagkat ang Makapangyarihan ay gumawa sa
Page 7 of 13
akin ng mga dakilang bagay at Banal ang kaniyang
INTENSYON PARA SA
MISTERYO
Ang pag-akyat kay Maria sa
langit ay isang katibayan na
mayroong walang hanggang
pagmamahal ang ating
Panginoon. Ipinakita rito
kung paano pinapahalagahan
ng Panginoon ang kanyang
mga gawa.
Inaalala naming ang mga
nasa posisyon at nasa
gobyerno na silang
namumuno sa pagsugpo ng
virus, na sila’y tulungan ng
AMA NAMIN
Diyos sa kanilang mga 10 ABA GINOONG MARIA
gampanin sa pagpublikong LUWALHATI
serbisyo. PANALANGIN NG FATIMA
CHOIR : Aawit ng isang Awit para kay Maria
IKALIMANG MISTERYO
ANG PAGKOKORONA SA MAHAL NA
BIRHENG MARIA BILANG REYNA NG LANGIT
AT LUPA
PAGBASA
Magsitayo ang lahat
Pagbasa mula sa aklat ng Pahayag

Kasunod nito'y lumitaw sa langit


ang isang kagila-gilalas na tanda:
isang babaing nararamtan ng araw
at nakatuntong sa buwan;
ang ulo niya'y may koronang
binubuo ng labindalawang bituin.
Malapit na siyang manganak
kaya't napapasigaw siya
sa matinding sakit at hirap.
Page 8 of 13
AMA NAMIN
10 ABA GINOONG MARIA
LUWALHATI
PANALANGIN NG FATIMA

INTENSYON PARA SA MISTERYO


Ang pagkorona sa ating Mahal na Ina bilang Reyna ng langit at lupa ay dinadala tayo tungo sa
pag-asa at walang hanggang pagmamahal ng Panginoon sa atin. Binibigyan rin tayo ng lakas ng
loob na ipamahagi ang kabutihan sa iba sa pamamagitan ng pagtulong sa kapwa at paggawa ng
mabuti sa iba.

Inaalala naming ang lahat ng mga FRONTLINERS na patuloy pa ring lumalaban sa kabila ng
pandemya, na sa panahon ngayon, sila an gang kumakatawan sa pagiging bayani at pagbibigay
liwanag na magbigay ng pag-asa sa kapwa natin.

Page 9 of 13
SALVE REGINA (magsitayo ang lahat)

LITANYA NG MAHAL NA BIRHENG MARIA


(Magsiluhod po ang Lahat)

Panginoon, maawa ka sa amin.


Panginoon, maawa ka sa amin.
Kristo, maawa ka sa amin.
Kristo, maawa ka sa amin.
Panginoon, maawa ka sa amin.

Page 10 of 13
Panginoon, maawa ka sa amin.
Kristo, pakinggan mo kami.
Kristo, paka-pakinggan mo kami.

Diyos Ama sa langit, Maawa ka sa amin.


Diyos Anak na tumubos sa sanglibutan, Maawa ka sa amin.
Diyos Espiritu Santo, Maawa ka sa amin.
Santisima Trinidad na tatlong Persona at iisang Diyos, Maawa ka sa amin.

Santa Maria, Ipanalangin mo kami.


Santang Ina ng Diyos, Ipanalangin mo kami.
Santang Birhen ng mga Birhen, Ipanalangin mo kami.

Ina ng Kristo, Ipanalangin mo kami.


Ina ng Simbahan, Ipanalangin mo kami.
Ina ng Awa, Ipanalangin mo kami.
Ina ng grasya ng Diyos, Ipanalangin mo kami.
Ina ng pag-asa, Ipanalangin mo kami.
Inang kasakdal-sakdalan, Ipanalangin mo kami.
Inang walang malay sa kahalayan, Ipanalangin mo kami.
Inang 'di malapitan ng masama, Ipanalangin mo kami.
Inang kalinis-linisan, Ipanalangin mo kami.
Inang ipinaglihi na walang kasalanan, Ipanalangin mo kami.
Inang kaibig-ibig, Ipanalangin mo kami.
Inang kataka-taka, Ipanalangin mo kami.
Ina ng mabuting kahatulan, Ipanalangin mo kami.
Ina ng may gawa sa lahat, Ipanalangin mo kami.
Ina ng mapag-adya, Ipanalangin mo kami.

Birheng kapaham-pahaman, Ipanalangin mo kami.


Birheng dapat igalang, Ipanalangin mo kami.
Birheng dapat ipagbantog, Ipanalangin mo kami.
Birheng makapangyayari, Ipanalangin mo kami.
Birheng maawain, Ipanalangin mo kami.
Birheng matibay na loob sa magaling, Ipanalangin mo kami.

Salamin ng katuwiran, Ipanalangin mo kami.


Luklukan ng karungunan, Ipanalangin mo kami.
Mula ng tuwa namin, Ipanalangin mo kami.
Sisidlan ng kabanalan, Ipanalangin mo kami.
Sisidlan ng bunyi at bantog, Ipanalangin mo kami.
Sisidlan ng bukod-tanging katimtimann Rosang bulaklak ng 'di mapuspos ng bait
sa tao ang halaga, Ipanalangin mo kami.
Tore in David, Ipanalangin mo kami.
Tore na garing, Ipanalangin mo kami.
Bahay na ginto, Ipanalangin mo kami.
Kaban ng tipan, Ipanalangin mo kami.
Pinto sa langit, Ipanalangin mo kami.
Talang maliwanag, Ipanalangin mo kami.
Mapagpagaling sa mga maysakit, Ipanalangin mo kami.
Pagsasakdalan ng mga taong makasalanan, Ipanalangin mo kami.
Mapang-aliw ng mga migrante, Ipanalangin mo kami.
Mapang-aliw sa nangagdadalamhati, Ipanalangin mo kami.

Page 11 of 13
Mapag-ampon sa mga kristiyano, Ipanalangin mo kami.

Reyna ng mga anghel, Ipanalangin mo kami.


Reyna ng mga patriarka, Ipanalangin mo kami.
Reyna ng mga propeta, Ipanalangin mo kami.
Reyna ng mga apostol, Ipanalangin mo kami.
Reyna ng mga martir, Ipanalangin mo kami.
Reyna ng mga confesor, Ipanalangin mo kami.
Reyna ng mga Birhen, Ipanalangin mo kami.
Reyna ng lahat ng mga santo, Ipanalangin mo kami.
Reyna ng ipinaglihi na 'di nagmana ng salang orihinal, Ipanalangin mo kami.
Reyna ng iniakyat sa langit, Ipanalangin mo kami.
Reyna ng kasantu-santosang Rosaryo, Ipanalangin mo kami.
Reyna ng kapayapaan. Ipanalangin mo kami.

Kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng sanlibutan.


Patawarin mo po kami, Panginoon.
Kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng sanlibutan.
Paka-pakinggan mo po kami, Panginoon.
Kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng sanlibutan.
Maawa ka sa amin.

V. Ipanalangin mo kami, Reyna ng kasantusantuhang Rosaryo.


R. Nang kami’y maging dapat makinabang ng mga pangako ni Hesukristo.

Manalangin tayo:

Diyos at Panginoon namin, na ang bugtong na Anak Mo ay siyang ipinapagkamit


namin ng kagalinga’t kabuhayang walang hanggan sa pamamagitan ng kanyang
pagkakatawang-tao, pagkamatay at pagkabuhya mag-uli, ipagkaloob Mo,
hinihiling namin sa Iyo, na sa pagninilay-nilay namin nitiong mga misteryo ng
Santo Rosaryo ni Santa Mariang Birhen ay hindi lamang matularan namin ang mga
magagaling na halimbawang nalalarawan sa amin; kundi naman makamtan namin
ang mga kagalingang ipinangako sa amin; alang-alang kay Hesukristo Panginoon
namin; na kapisan Mo at ng Espiritu Santo nabubuhay at naghahari
magpasawalang hanggan. Amen.

N : + Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo


Amen.

Pasasalamat at Pangwakas na Mensahe mula sa Commission on Worship


o Marian Organizations

Pangwakas na Awit
N : Magsiltayo ang lahat.

AWIT SA INA NG SANTO ROSARYO


Minsan ang buhay ay isang awit ng galak,
at mayroong liwanag na tatanglaw sa ating pagyapak.
Minsan ang buhay ay isang awit ng luha,
Page 12 of 13
at siyang papawi nito ay ang pag-asa ng umaga,

At kahit anong tindi ng unos,


at kahit anong tindi ng dilim
May isang inang nagmamatyag,
nagmamahal sa 'tin.

Awit niya'y pag-ibig ng Diyos,


tawag niya'y magbalik-loob,
Turo nya'y buhay na ang Diyos
lamang sa ati'y nagkaloob.

O Inang mahal narito kami


awit awit ang Ave Maria
At dalangin ng bawat pamilya'y
kapayapaa't pagkakaisa

Ang rosaryo mong hawak namin at


awit awit ang Ave Maria
Puspos ka ng diwang banal,
dinggin ang aming payak na dasal
Ihatid mo kami sa langit ng amang nagmamahal

O inang mahal narito kami't


awit awit ang Ave maria
Sa anak mong si Jesus
puso namin ay ihahandog

Ang rosario mo't hawak namin at


awit awit ang Ave Maria
Puspos ka ng diwang banal
dinggin ang aming payak na dasal
Ihatid mo kami sa langit sa amang mapagmahal

Page 13 of 13

You might also like