Professional Documents
Culture Documents
Filipino Summative 3
Filipino Summative 3
Filipino Summative 3
Department of Education
Region VI – Western Visayas
Division of Negros Occidental
District of Victorias I
VILLA MIRANDA ELEMENTARY SCHOOL
FILIPINO 6
QUARTER 2
3RD SUMMATIVE TEST
15
MODULE 5-7
Name: Section:
I. Basahin ang pangungusap at ibigay ang maaaring mangyari gamit ang dating
karanasan/kaalaman, isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
________1. Nakatutok si Jaspher sa paglalaro sa cellphone habang naglalakad, biglang may narinig siyang
malakas na busina.
A. Hinabol si Jaspher ng aso at sa sobrang bilis ng kaniyang pagtakbo naitapon niya ang dalang pansit.
B. Napatakbo si Jaspher papuntang ospital sa sobrang pag-aalala sa kaniyang ina.
C. Walang pakialam si Jaspher at patuloy pa rin sa paglalaro ng bola.
D. Muntik nang mabundol si Jaspher ng isang kotse.
________2. Palaging nakasasabay ni Martin sa paglalakad papuntang paaralan si Remart, ngunit nitong
nakaraang dalawang araw, napansin niyang parang hindi na pumapasok si Remart.
A. Nangunguna na kasi sa klase si Remart.
B. Masaya si Remart sa kapapasok sa klase dahil may feeding.
C. Palaging pumapasok si Remart sa klase kahit wala siyang baon.
D. Nagtatrabaho kasi si Remart sa palaisdaan ni Mang Pedring dahil wala siyang pambaon.
________3. Palaging naghuhugas ng kamay si Brenda at naglalagay pa ng alcohol dito pagkatapos maghugas.
A. Palaging nagkakasakit si Brenda dahil sa alcohol
B. Agad naligo si Brenda ng alcohol na bitbit-bitbit niya.
C. Palaging namamasyal sa mall dahil may dala-dala siyang alcohol.
D. Hinangaan si Brenda ng kaniyang guro dahil sa kaniyang magandang pag-uugali.
________4. Naghahabulan, naghaharutan at naglalaro sa ulan ang magbabarkadang sina Simon, Harold at
Jeroy nang biglang kumulog nang malakas at sinundan pa ng nakatatakot na kidlat.
A. Nagpatuloy pa din ang mga magbabarkada sa kanilang ginagawa.
B. Nagsiiyakan ang magbabarkda sa sobrang takot sa multo.
C. Kumaripas ng takbo papasok ng bahay ang magbabarkada dahil sa takot.
D. Tiningnan at nagpalakpakan ang magkaibigan nang makita ang malakas na kidlat.
________5. Mangiyak-ngiyak si Jolly habang hawak-hawak ang ibon niyang parang wala nang buhay. Pilit niya
itong pinapakain at pinaiinom ng gamot at tubig.
A. Hindi nagtagal naging mabuti na rin ang kalagayan ng ibon at muli itong naging masigla.
B. Matamlay pa rin ang pakiramdam ni Jolly kahit uminom na siya ng gamot at nakapagpahinga.
C. Pagkalipas ng ilang araw, nagkaroon ng paligsahan sa pagandahan ng alagang aso at sumali ang alaga ni
Jolly.
D. Masayang-masaya si Jolly nang makita niyang matataas na ang lipad ng kanilang guryon ipinagmalaki niya
ito.
II. Piliin ang mga salitang naglalarawan ng damdamin ng tauhan at tukuyin ang
tagpuan sa nabasang kuwento. Piliin ang iyong sagot sa kahon.
Pagkatuwa
Sa bahay
Pagkatakot Pagmamakaawa Sa gubat
Pagsisisi Sa mall
Sa palaruan
Pagmamalalasakit
Sa bahay