Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

SANAYANG PAPEL SA FILIPINO 8

(Learning Activity Sheets)

Sanayang Papel Blg. 8 Kwarter 4

Pangalan ng Mag- aaral:__________________________________________________

Baitang: ____________ Pangkat/Taon: ____________ Petsa: ________________

L I.I.MGA
LEARNING SKILL
KAKAYAHANG PAMPAGKATUTO

a. Most Essential Learning Competency (MELC)


 Natutukoy ang mga hakbang sa pagsasagawa ng isang kawili-
wiling radio broadcast batay sa nasaliksik na impormasyon tungkol
dito.

 Nabibigyang pansin ang mga angkop na salitang dapat gamitin


sa isang radio broadcast.

 Nailalapat sa isang radio broadcast ang mga kaalamang


natutunan sa napanood sa telebisyon ng programang
nagbabalita.

II. INTRODUCTORY CONCEPT


PANIMULANG KONSEPTO

PAG-IISKRIP SA RADIO BROADCASTING


Upang makabuo ng isang epektibong radio broadcast, nararapat munang
maunawaan ang mga impormasyon patungkol dito. Ilan sa mga tanong na
kailangang sagutin ay:

1. Ano ba ang radio broadcast?


2. Paano ba isinasagawa ang radio broadcast?
3. Ano-ano ang mga angkop na salitang dapat gamitin sa isang radio broadcast?

Ang RADIO BROADCAST-

- ay pagsasahimpapawid ng mga balita o pangyayari sa paligid sa


pamamagitan ng isang tsanel sa radyo. Ito rin ay pagbabahagi ng
napapanahong isyu na maririnig natin sa radyo.

Mga Uri ng Pagraradyo:

 Public Radio o Pampublikong Radyo


 Commercial Radio o Radyong Pangkomersyo
 Community Radio o Pangkomunidad na Radyo
 Campus Radio o Radyo ng mga Estudyante

ANO BA ANG MGA HAKBANG SA PAGBUO NG RADIO BROADCAST?

 Pag-aralan ang tamang format ng isang iskrip.


 Gumamit ng mga aktibong salita sa pagbuo ng pangungusap
 Kailangang i-round off ang mga bilang/pigura
 Isulat ang mga simbolo at fractions
 Iwasan ang mga abbreviations o daglat

Iba pa:

1. Umisip at bumuo ng isang Station ID at Station Program;


2. Pagbanggit ng oras ng pagsasahimpapawid at pagsingit
1
ng time check sa gitnang bahagi ng pag-eere;
3. Pamimitagan o pagbati, pagbanggit ng petsa at pagpapakilala ng mga
anchor o broadcasters;
4. Pag-unawa sa tamang pag-iiskrip ng isang napapanahong infomercial;
5. Paglalahad ng mga pangunahing ulo ng balita;
6. Paglalahad ng detalye ng mga balita;
7. Pagsasalang-alang ng mga símbolo at pag-unawa sa mga kahulugan at
gamit ng mga salita sa iskrip panradyo gaya ng:

 Station ID – Pangalan ng estasyon at frequency ng radyo


Hal. DZMM, DZRH, DYHB, iba pa
 Anchor – Tagpagbalita, Announcer
 Headline – tumutukoy ito sa mga ulo o pangunhing balita
 Stinger/Music Bed – musika o tugtog/ music background
 Plug in – simula ng pagsasahimpapawid
 Plug out – pagtatapos ng pagsasahimpapawid

Mahalagang malaman ang tatlong PAG-IISKRIP PANRADYO. Ano ba ang iskrip?

Ang ISKRIP - ay isang uri ng manuskripto na ginagawa para sa radio broadcasting


upang maging gabay sa pagpapasunod- sunod na mga programang panradyo. Ito
ay naglalaman ng mga mahahalagang impormasyon na nais ipaabot sa mga
tagapakinig. Kasama sa mga dapat matutunan ang iskrip sa:

1. Pangkalahatang Iskrip (Master Script) – ginagamit ng announcer, host, anchor ng


isang radio station upang alam niya ang pagkakasunod-sunod ng kayang
pagraradyo.

Hal. ng Pangkalahatang Iskrip (Master Script)

Sanggunian: Cortez, Ma. Theresa I., Quarter 4 Filipino 4, Pag-unawa sa Radio Broadcasting at
Teleradyo, ROV Modyul

2
2. Balitang Iskrip (News Script) – naglalaman ng mga impormasyon ukol sa mga
pangyayaring nagaganap sa loob at labas ng ating bansa. Ito ay maaaring
nasyonal, lokal o internasyonal.

Hal. ng Balitang Iskrip

Pinoy fighter wagi sa UFC debut


MELBOURNE, Australia – Impresibo ang UFC debut ni Pinoy fighter Jenel
Lausa sa dominanteng panalo kontra Yao Zhikui ng China sa UFC Fight Night 101
nitong Linggo sa Rod Laver Arena.
Naitala ng dalawampu’t walong taong MMA fighter mula sa Iloilo City ang
unanimous decision kontra Yao sa kanilang flyweight match-up sa nakuhang iskor
na 30-27 mula sa tatlong hurado.

Ang laban ni Lausa ay isa sa walong supporting bout sa main event sa


pagitan nina Robert Whittaker at Derek Brunson.

3. Iskrip sa Informercial – ang infomercial ay isang uri ng paglalahad ng impormasyon


na nagbibigay ng paalala o payo sa pamamagitan ng pagsasadula sa isang tiyak na
paksa.

Hal.

Pamagat: Ibalik ang Ganda ng Kalikasan

(Musika: Mahinang tugtugin)

Ama: Oh anak…ano ba ang gusto mong maging regalo ngayong darating na


pasko?

Anak: Gusto ko sana ‘Tay pumunta tayo sa isang lugar na maraming puno,
maraming bulaklak at malamig ang samyo ng hangin. Tapos kakain tayo
nang nakalapag sa luntiang damuhan. ‘Parang ang sarap-sarap siguro
‘Tay ano? (sabik na sabik).

Ama: Pasensiya ka na anak.Siguro malabong mangayari ang iniisip mo lalo pa’t


nandito tayo sa evacuation center dahil sa kalamidad na dumating sa
lugar natin. (malungkot na musika).

Voice Over: Huwag hahayaang hanggang sa aklat na lang makita ng ating mga
anak ang ganda ng ating kalikasan. Muling ibalik ang ganda nito
upang sa huli ay tayo din ang makikinabang.

Ang paalalang ito ay hatid sa inyo ng DENR at ng himpilang ito!

Tema: Pagmamahal sa Kalikasan

Sanggunian: Brizuela, Leo Jr. C. Clippings on Radio Broacasting

III.III.
MGAACTIVITIES
GAWAIN

A. PAGSASANAY
A. PRACTIC
A. PAGSASANAY
E TASK
Pagsasanay Blg 1

Panuto: Ibigay ang pangunahing hakbang na dapat isagawa at isalang-alang sa


pagsulat ng iskrip panradyo o teleradyo gamit ang concept map sa ibaba.
3
• _________________________________________________________________
• _________________________________________________________________
Hakbang
1 at 2

Hakbang
3 at 4

Hakbang
5 at 6

Pagsasanay 2:

Panuto: Ibigay ang kahulugan at gamit ng mga salita na ginagamit sa iskrip sa radyo.

Salita Kahulugan Gamit


Iskrip
Stinger
Plug in/Plug Out
News Bed
RLN (Radio Ligao Network)

B. PAGTATAYA

Panuto: Bumuo ng simple at maikling panradyoNg iskrip ng pagbabalita gamit ang


format sa ibaba. Gawing batayan ang halimbawa ng master script sa itaas. Punuan
ang mga puwang upang mabuo ang iskrip. Maaaring magsaliksik ng balita o
infomercial na magagamit para ditto.

A. Pangkalahatang Iskrip

Radio Station: __________________


Radio program: __________________

Host/Anchor: _______________________________________________________________
_______________________________________________________________

Ulo ng Balitang Lokal: ________________________________________________


Ulo ng Balitang Nasyonal: ________________________________________________

STINGER MSC UP FOR 2 SECS AND UNDER

Anchor:
Reporter:
____________________________________________________________
____________________________________________________________

PLUG IN …PLUG OUT

4
Anchor: B. Balitang iskrip 1
(Pagtawag sa Reporter)
__________________________________________________________.
STINGER MSC UP FOR 2 SECS AND UNDER

Reporter: Balitang Iskrip 2


__________________________________________________________

…PLUG IN…PLUG OUT…

Anchor: Time Check: _______________________________________________.


C. Infomercial
STINGER MSC UP FOR 2 SECS AND UNDER
Anchor: _________________________________________________________________

…FADE IN…FADE OUT.


#

IV. RUBRIC
IV. RUBRIC SAFOR SCORING
PAGMAMARKA

V.IV.
MGAREFERENCES
SANGGUNIAN

 https:slideshare.net
 https://www.brainly.com.ph
 https://www.wikipedia.com.ph
 Quizlet.com
 Scribd.com
 Cortez, Ma. Theresa I., Quarter 4 Filipino 4, Pag-unawa sa Radio Broadcasting at
Teleradyo, ROV Modyul
 Brizuela, , Leo Jr. C., Clippings on Radio Broadcasting

Inihanda ni:
MICHAEL L. PELOJERO, T-II
LNHS, Dibisyon ng Lungsod Ligao

Tiniyak ang kalidad ni:

LEOPOLDO C. BRIZUELA, JR.


Pandibisyong Superbisor sa Filipino
5

You might also like