EsP6 Q3 WEEK 1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V (Bicol)
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF MASBATE CITY

GAWAING PAGKATUTO – 1
Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)
Grade 6 Linggo 1 Kwarter 3

Pangalan : ______________________________ Petsa : ______________

I. Panimulang Konsepto

Ang pagsasakripisyo ay nangangahulugan ng pagsuko at pagbitiw sa mga

nais mo upang bigyang tuon ang mga bagay na higit na mahalaga. Ang mga bagay-
bagay na yaon ay tulad ng oras, kayamanan, kabuhayan, damdamin, pag-uugali,
opinyon at adhikain. Ang mga ito ay ating tinalikuran para sa kapakanan ng isang
bagay na mas kailangan, mas karapat-dapat o higit na mahalaga.

Tunay na katangi-tangi ang maraming Pilipino at nararapat lang na sila ay

ating hangaan at gawing modelo sa pagkamit ng mga mithiin natin sa buhay. Isang
bagay lang ang sana’y huwag nating iaalis sa paghanga at pagtangi sa isang tao:
siya ay hindi perpekto at tulad nating lahat mayroon din siyang mga pagkukulang.

II. Kasanayang Pampagkatuto mula sa MELCs

Napahahalagahan ang magaling at matagumpay na mga Pilipino sa

pamamagitan ng:

6.1 Pagmomodelo ng kanilang pagtatagumpay;

6.2 Kuwento ng kanilang pagsasakripisyo at pagbibigay ng sarili para

sa bayan; at

6.3 Pagtulad sa mga mabubuting katangian na naging susi sa

pagtatagumpay ng mga Pilipino. (EsP6PPP-IIIc-d-35)

1
III. Mga Gawain

Gawain 1

Ang pagsasakripisyo para sa bayan ay dapat nating tularan.

Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na katanungan:

1. Likas nga bang mahuhusay at masisipag ang mga Pilipino?

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

2. Paano napahahalagahan ang matagumpay na mga Pilipino sa kanilang

pagsasakripisyo at pagbibigay ng sarili para sa bayan?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

3. Anu-ano ang dapat gawin upang mapaunlad pa ang kahusayan sa

paggawa?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

4. Ano ang pagpapahalagang ipinakikita ng pagiging magaling at matagumpay

na mga Pilipino?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

5. Paano ka maaaring maipagmalaki ng bansa bilang isang Pilipino?

___________________________________________________________________

2
Gawain 2

Panuto: Isulat ang salitang TAMA sa patlang kung ang pahayag ay

nagpapakita ng kasipagan o kahusayan at MALI kung hindi.

________ 1. Si Ana ay palaging naglalaro ng kompyuter pagkagaling sa eskwela.

________ 2. Ang anak ni Mang Darwin ay ara-araw na nag-eensayo ng sayaw para

sa kanilang patimpalak sa paaralan.

________ 3. Ang mga mag-aaral ni Bb. Corazon ay tulong-tulong na nagsasaliksik

upang mabuo ang kanilang proyekto sa agham.

________ 4. Si Manny Pacquiao ay nagsumikap at nag-ensayo upang marating ang

kaniyang mga pangarap.

________ 5. Pinagpapabukas ang paggawa ng mga takdang-aralin.

IV. Pagpapalalim

Ang kasipagan, kahusayan, pagtiyatiyaga at pagsasakripisyo, ito ang mga

salitang tutulong sa atin sa pag-abot ng mga ninanais natin sa ating buhay, sa ating
kapwa at maging sa ating bansa. Kung ang mga bagay na ito ay hindi natin
makalilimutan ay siguradong lahat ng ating gagawin ay magiging produktibo sa lahat
ng aspeto ng ating buhay. Nararapat lamang na maipamalas natin ang mga ito at
maibahagi din natin sa ating mga kapwa upang magkaroon tayo ng maunlad na
pagsasamahan, sa ating komunidad at higit na sa ating bansa.

Kasalukuyang nahaharap ang Pilipinas pati na ang buong mundo sa krisis

dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa ganitong mga pagkakataon, mayroon tayong mga frontliners kung saan

sila ay nagsasakripisyo upang matulungan ang mga taong nagkasakit. Nariyan ang
ating gobyerno na tumutulong para maibigay ang ating pangunahing
pangagailangan tulad ng pagkain at damit. Sa ating mga barangay ay mayroon ding
mga opisyales, health workers at iba pa na tumutulong para sa pag-iimpake ng mga
pagkain na natatanggap at binibigay sa mga tao.

3
V. Pagtataya

Maraming magkakatulad na katangian ang mga Pilipino na naging susi sa

kanilang pagtatagumpay.

Panuto: Sipiin sa kuwaderno ang tsart at punan ang mga kinakailangang

datos.

Mga Pilipinong naging

Matagumpay sa Iba’t Mga Katangian Nakamit na Tagumpay
ibang Larangan
1.
2.
3.
4.
5.

(Maaaring gawing batayan ang halimbawa ng balita sa pahina 82-83 ng iyogn aklat.)

VI. Sanggunian

Contextualized Daily Lesson Plan (EsP 6 Quarter 3), p. 95-130

Edukasyon sa Pagpapakatao 6 Kagamitan ng Mag-aaral, p. 80-87

Edukasyon sa Pagpapakatao 6 Patnubay ng Guro

K to 12 MELCs EsP 6, p. 87

You might also like