Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 297

jonaxx

Hold Me Close (Azucarera Series #3)


43 Parts

Josefa Hanabella Valiente is the ugly girl of Altagracia. She is often bullied
because of her ugly looks. Binansagan siyang ng maraming pangit na pangalan at
nasanay na siya roon. Now that her father's dead, everyone bullied her more. The
people of Altagracia hated her father's deeds and she can't do anything about it.
Tanging ang pusa niya na lang ang kakampi dahil mismong ang kamag-anak ay masama
rin ang trato sa kanya. Her heart got broken and she swore to herself that she
would never be that helpless bullied girl again.

In time, she earned her place and is now popular, the way she wanted it. Pero nang
bumalik ang lalaking bumasag sa bata niyang puso, bumabalik ang mga pangarap niya
noon. Her daydreams came back, too and she didn't know what to do. Her daydreams
that consist of many things. Including holding him close.

This is the third and last book of Azucarera Series. The series consist of three
books. The two other books are:
Against the Heart (Azucarera #1)
Getting to You (Azucarera #2)

🌺🌺🌺

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and


incidents are either the products of the author's imagination or used in a
fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual
events is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works


from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.

————————————————————

Note: I will write this in between Costa Leona Series. 3 of 3. This may include
adult themes. Read at your own risk.

Last story for this series. 3 of 3

🌺🌺🌺
SIMULA

"Hindi puwede, Yohan!" sigaw ni Aria nang nakita akong hinahawakan ang isang
kuting.

Makulimlim ang hapong iyon at nakita ko na lang ang isang kuting hindi kalayuan sa
gate ng school. Naghihintay ako sa SUV namin at sa paglabas ng pinsan kong si Aria
galing sa Junior High. Maaga ang labas ng mga grade six kaya kanina pa ako rito.

"Pero..."

"Dali na! Gusto ko nang umuwi! Iwan mo na 'yan diyan!"

Maliit na maliit pa ang kuting. Base sa alam ko, hindi pa yata iyon nag-iilang
buwan. Mag-isa siya sa shed at nanginginig ang bawat yapak ng paa. Marumi rin siya
ng kaunti, siguro'y nalapit sa putik hindi kalayuan sa shed.
"Hay naku! Ipapalayas din ni Mommy 'yan! Sige!"

Ngayon pa lang, parang alam ko na ang mangyayari kung iuuwi ko ang kuting. Ayaw ni
Tita na mag-alaga ng kahit anong hayop sa mansiyon kaya simula nang namatay si
Daddy, hinayaan na lang din nila ang mga asong alaga nito hanggang sa namatay. I
did my best to fight for them but Tita just doesn't want to do anything.

"Pero kawawa kasi..."

Humalukipkip si Aria at umirap. Nawala ang atensiyon niya sa akin nang dumaan ang
ilang kaklase. Sinamantala ko iyon para muling buhatin ang kuting at nagmadali nang
pumasok sa campus.

Somehow, I relate to abandoned animals. I was very young when Mommy died from a car
accident. Dad was all I have until two years ago. He was taken away from me through
a sudden heart attack. He was a heavy drinker and smoker simula noong namatay si
Mommy. He ignored the calls of the doctors and didn't want to get treated. His
death was a big deal to the whole Negros Province. Hindi lang dahil malaki ang
ipinapasok na pera ng azucarera namin sa lalawigan, kundi marami na ring magiging
pagbabago sa politika rito.

My father was a local tyrant. Despite that, he was a good father to me. Mahal na
mahal niya ako, hindi nga lang niya maitago ang pagluluksa sa pagkawala ni Mommy.
Kaya naman, it hurt me so much to know that people from this town, Altagracia, and
the whole of Negros were almost happy that he's dead.

Masyado pa akong bata para maintindihan ang kahit ano noon pero ngayon, unti-unti
ko na ring nalaman kung ano talaga ang mga nagawa ni Daddy sa bayan.

He fired workers that protested. Sa maliliit na sahod at sa contractual na mga


factory workers. He maligned the local government officials that disobeyed him,
making everyone in Negros vote for whoever he wanted to be elected instead. There
was corruption in his time, and many more other crimes.

But then he was a good father to me. He was the only family I had. Nariyan sina
Aria at marami pang extended family namin pero dahil sa galit nila kay Daddy noong
buhay pa ito, malayo sila sa akin at hindi ako lumaking malapit sa kanila.

Ngayon lang talaga kami nagkalapit ni Aria. Her family moved in to our mansion
since I am all alone with all our housemaids. My father's will indicated that I am
the only heiress of the whole azucarera. I can help with the paperworks once I
reach eighteen and assume the highest position when I'm twenty one.

At ngayong nasa ikaanim na baitang pa lang, pansamantalang ima-manage ni Tita at


Tito ang azucarera. It's a big factory and without anyone to manage it, it's a big
blow to the economy of Negros.

Nilapag ko ang pusa sa maliit na toilet sa likod ng gym. Iyon lang ang nakita kong
puwedeng paglagyan niya. Sa tabi'y isang lababo. Mabilis kong binuksan ang gripo at
isinalod ang tubig sa kamay para maipainom ang kuting.

The kitten was a mix gray and white. Sobrang liit pa at halos hindi pa nakakakita
ng maayos.

"Drink," I said.

I don't have a choice. I will leave the kitten here. At least malayo ang gym sa
gate at wala masyadong dumadaang sasakyan dito. May silungan din. Bukas,
magpapaabili ako ng cat food sa driver. Sana hindi pa siya ganoon ka gutom. Huli na
nang nakita ko siya kaya hindi na ako nakabili ng kahit siomai na lang.

I smiled as I watched him put his nose on the water. Nagulat siya at lumayo pero
kalaunan ay inulit niya. Ni hindi pa siya marunong uminom ng maayos.

I say I could relate to the abandoned cat because somehow, I feel like an outcast
in this place. I have my extended family but it's still different.

Noong narito pa si Daddy, ayos lang sa akin kung ganoon man ang trato ng mga
kaibigan at kaklase ko. They didn't like me, not just because I am Enrique
Valiente's daughter, but also because I wasn't pretty to look at.

Aria was the most beautiful of her batch, along with Chantal Castanier. Ang ibang
pinsan ko'y pare-parehong magaganda. Minsan, inaasar akong ampon dahil maganda
naman si Mommy, at may itsura rin si Daddy.

There was even a conspiracy that made me cry back when I was still in Grade three.
Nahirapan daw na magkaanak si Mommy at Daddy kaya mag-isa lang ako. At ampon lang
daw ako. It didn't matter to me. I love them all the same but still it hurt.

Dad assured me that I am his daughter. At na manang mana raw ako kay Mommy. I
believed him. I believed him with all my heart because I loved him. Tuwing
tinitingnan ko nga lang ang pictures ni Mommy, tanging ang kulay lang ng balat ang
nakopya ko.

"Huy, kalansay! Anong ginagawa mo riyan?!"

Napatalon ako nang natanaw ang kalalabas lang na mga elementary basketball team.
Isa sa mga classmate ko ang pumuna sa akin. Tumawa ang mga kasama niyang lalaking
basketball player din, umiinom ng tubig habang tinatanaw ako.

"Umuwi ka na nga! Para kang multo diyan!"

I turned my head away from them. Bumunghalit sila ng tawa.

"Akala ko kung anong multo! Si kalansay lang pala! Uwi na uy!"

"Hindi mo na naman suot ang salamin mo, buti hindi ka nadapa. Akala niya naman
gaganda siya kapag walang salamin..." sabay tawanan ulit ng lahat.

I gritted my teeth and forced myself to just concentrate on the kitten.

Malabo ang paningin ko that was why I had to wear glasses at an early age. I was
also paper white, thus the "multo" tease. Sobrang payat ko rin na minsan ay
tinatawag akong giraffe o 'di kaya'y ostrich dahil mahaba ang leeg.

Minsan ko nang isinumbong kay Daddy ang mga pang-iinis na iyon kaya pinuntahan niya
ako sa school. The boys and girls who bullied me were reprimanded but they only
stopped for a while. At nang humupa na iyon, bumalik ulit sila at mas lumala pa
dahil may galit na sa ginawa ni Daddy.

Now that Dad is gone, it only worsened. Sa dalawang taon, nasanay na rin ako sa
trato sa akin ng mga kaibigan, kaklase, at maraming kakilala.

Napabuntonghininga ako nang napalayo na ang tawanan nila. I petted the kitten. Now
he's meowing a bit. I chuckled.

"Dito ka lang, ah. May box ako na ilalagay dito. Dadalhan kita ng pagkain bukas.
Ay! Baka gatas na lang kasi hindi ka pa marunong?"

I stopped again when I heard a laugh from the entrance of the gym. Sumulyap ako at
mas kinabahan nang natanaw na wala sa sariling pumunta sa kung nasaan ako ang mga
palabas na mga estudyante.

They were junior students now. At ang nauna sa kanila ay napatalon nang natanaw ako
sa pupuntahang lababo. I bowed a bit and moved to give them space.

"Yohan?" si Soren na kaibigan ni Aria. "Ano ka ba, tinakot mo ako!"

I didn't say a word. Lumapit siya sa lababo at naghugas ng kamay. Patuloy ang
usapan nila sa kasamang kaklase.

"Ang galing noong shoot ni Julius kanina," si Soren.

Hindi naman matanggal ang tingin ng tatlong kasama nito sa akin. "Ito 'yong
Valiente, 'di ba?"

"Oo," si Soren sabay baling sa akin.

Bumaba ang tingin niya sa kuting na nasa gilid ko.

"Anong ginagawa mo rito? Umuwi ka na. Kanina pa ang uwian ng grade school ah?"

"Uhm... May inaalagaan lang akong pusa-"

Hindi pa ako natatapos sa sinabi ay hinulog na ni Soren ang pusa sa lababo. I


gasped and immediately knelt to get the kitten!

"Ano ba, Soren!"

"Hay naku! Kaya ka hindi nagagaya kay Aria, e. Pangit na nga, weird pa!
Nakakatakot! Iwan mo na 'yan riyan!"

Inilayo ko ang kuting sa kanya at agad na umatras. Magsasalita na sana ako pero
narinig ko ang iilan pang tawanan sa likod nina Soren, hudyat na parating ang mga
players.

Sa likod ay mga basketball players nga. Sabay na bumaling ang apat na lalaki sa
harap ko para matanaw ang nasa lima hanggang anim na senior high players. Tumabi si
Soren para pagbiyan ang naunang player at naghugas iyon ng kamay sa lababo.

The player looked at me with a stupid grin as he glanced back to his teammates.

"Nandito pala 'yong kalansay mong admirer, Alvaro."

My eyes widened. Mabilis kong nilapag ang kuting sa box at determinado nang umalis
ngayon nang marinig iyon.

Kalalapag ko lang sa kuting nang natanaw ang tinukso nilang si Alvaro. He looked
irritated. At imbes na lumapit sa lababo ay umatras pa ito kaya mas lalo lang akong
nahiya.

It was like an invisible slap. Ganoon ang lagi kong nararamdaman tuwing nagkikita
kami, lalo na kapag nariyan ang mga kaibigan niya.

Nervous and didn't know what to do, kinuha ko na lang ang buong box at nagpasya na
ilagay iyon sa ibang bahagi ng eskuwelahan. Umingay pa ang hiyawan at panunukso
nila na pinipigilan ni Alvaro. Humupa kalaunan dahil sa pagpipigil niya.

"Ang tayog din ng pangarap ng Giraffe na 'to," I heard from Soren's friends.

"Tama na, Soren!" si Alvaro.

Nagmadali akong maglakad palayo sa kanila, dala-dala ang box. Lalagpasan ko na sana
ang grupo sa marahas kong lakad nang harangin ako ni Alvaro.

His brows were furrowed, still on his jersey, looking annoyed, as he glanced at the
box I was carrying.

"Ano 'yan?"

Uminit pa lalo ang pisngi ko.

I was very young when I started crushing on someone. And that someone was him. Sa
azucarera pa namin noon nagta-trabaho ang kanyang Mama at Papa, kaya nakilala ko
siya. Madalas kasi akong sumama kay Daddy sa azucarera noon, ganoon din siya.
Tumutulong dahil medyo mataas na rin ang posisyon ng ama.

As a kid and a friend to many, he was the center of attention. He exudes confidence
and intelligence that was liked by many. Sa bayang ito, minsan lang naaappreciate
ng mayayaman ang mga kagaya niya, pero isa siya sa hinahangaan ng marami. Masipag,
matalino, guwapo, athletic, at magalang siya sa lahat.

His hair right now is a bit longer. Bago nag summer ay laging maiksi iyon pero
ngayon, kita na ang dulo nito sa batok, at dahil galing sa basketball, basa ng
kaunti sa pawis. He was also very tall... or maybe I'm just short and too slender.
He has a good and athletic built hindi lang dahil sa hobbies kundi dahil na rin
sanay siya sa trabaho. Madalas siya sa azucarera namin noon at lumipat lang sa mga
Alcazar kalaunan sa parehong trabaho. He was a good basketball player, always
Alonzo's first pick on his batch, and he has the charisma that would make girls
crazy.

I liked his eyes in particular. They were very expressive. Malalim na almond eyes,
mahaba ang pilikmata, at may kakapalang kilay. He had an angled jaw that made him
look more like a man than a boy of his age, a perfect nose, and reddish lips. It
wasn't just his look that's handsome about him. His gestures every time, the way he
handles people, and his intelligence were also one of his notable traits.

Nakita ko lang siya, naisip ko na ang lahat ng ito.

I liked him so much then. My father would sometimes order him to be with me while
he's busy and he would obey. He was always kind to me, back when we were kids.

Pero kalaunan, nang tumigil na ako sa pagbibisita sa azucarera at medyo hindi na


kami nagkikita, pakiramdam ko nag-iba na siya. And when Aria transfered, he became
more distant. Or maybe... because he only acted on my father's orders before. He
never really considered me a friend.

"Iwan mo na 'yan diyan. Kanina ka pa hinahanap ni Aria. Uuwi na raw kayo."

"P-Pero... Ilalagay ko lang naman 'to sa safe na lugar-"

He sighed with an obvious irritation and pulled the box out of my hold. He licked
his lower lips and put it back on the sink.

"Umuwi ka na," utos niya.


"Pero-"

"Ayos na 'yan dito. Umuwi ka na..." ulit niya.

"Oo nga, walang may pake diyan sa pusa mo. Baka pa side kick mong multo 'yan,"
sabay tawanan ng iilang naroon.

Binalingan ni Alvaro ang mga kasama. Pakiramdam ko pinamulahan ako sa init ng


pisngi.

"Kinikilig, Alvaro oh. Namumula. Ikaw ang superhero niyan."

I gasped as Alvaro glanced at me. Mabilis akong tumakbo palayo sa tindi ng


kahihiyang naramdaman! Hindi ko kakayanin iyon, lalo na na halata sa itsura ni
Alvaro ang iritasyon sa panunukso sa aming dalawa.

Halfway to the gate, I stopped running to catch my breath. I cringed thinking about
what just happened and Alvaro's reactions. He looked disgusted or... embarrassed.
Siguro dahil sa guwapo niyang iyon, at sa daming nagkakandarapa sa kanya, ako lang
ang tinutukso nilang pangit.

I looked back without thinking. At sa malayo, natanaw ko siya. Nasa bukana na ng


gym at may kausap na babae. Hindi ko na makita ng maayos kung sino iyon pero may
pakiramdam akong isa na naman iyon sa madalas na ma-link sa kanya.

He was always involved with the prettiest girls of their batch and the lower
batches. Minsan din, sa mas higher batch nila. All of the girls who were linked to
him were beautiful, mayaman man o hindi. Hindi naman ako nali-link sa kanya pero
tuwing nariyan ako ay tinutukso siya sa akin at ginagawang katatawanan.

Lagi'y kitang-kita ko ang pagkapahiya niya tuwing nangyayari iyon. I bowed a bit
and started walking towards the gate.

Nasulyapan ko ang iilang prutas ng Gmelina habang nakayukong naglalakad. Nagkalat


iyon sa lupa ng school dahil sa bandang iyon, may hilera ng Gmelina trees. I
secretly recalled my childhood, where one of our activities was to pick them up for
him. Aniya'y ibebenta niya raw iyon. Gusto ko noong sumama sa pagbibenta niya.
Tuwing nagkukuwento siya, parang ang saya. Lalo na dahil marami silang
magkakaibigang ginagawa iyon. Pero hindi nga lang ako pinapayagan at hindi rin
naman niya ako niyaya na sumama.

I sighed and smiled bitterly. Maybe even then, he was really embarrassed with me,
huh?

Ang limang taong agwat naming dalawa, at ang dami ng nangyari, mas lalo lang lumayo
ang loob ko sa kanya. But then after him, I never had a crush with anyone else. I
never liked anyone else. Even with the parading rich and handsome boys of my batch
and the batch next to us, I never liked anyone.

Gusto kong matawa. Paano ako magkakagusto sa iba kung pare-pareho ring pangit ang
tungo nila sa akin. It was only Alvaro who treated me well. And now, I began to
realize that maybe he really only treated me well because he needed to obey my
father. At na kung hindi ako Valiente, baka pa ganoon lang din ang tungo niya sa
akin?

"Saan ka ba galing?!" si Aria na sinalubong ako galing sa gate.

"Uh..." I smiled to hide my painful thoughts. "Iniwan ko lang ang kuting sa loob ng
cam-"

"Wala akong pake sa kuting mo na 'yan! Umuwi na tayo! Nakakainis 'to!"

Tinikom ko ang bibig ko, hindi na ipinagpatuloy ang sasabihin dahil tinalikuran
niya na ako. Tahimik na lang akong sumunod sa kanya. 

🌺🌺🌺
KABANATA 1
TOWEL

"Magtatapos na lang ang school year, sakit sa ulo ka pa rin, Yohan?" si Tita nang
nasa hapag na kami at kakain na ng dinner.

Ginabi kami ng uwi ni Aria dahil sa kuting. Handa naman akong napagutan iyon.
Naligo muna ako at nagbihis bago bumaba sa hapag. Nag-aantay na ang kanyang pamilya
sa akin kaya iritang-irita si Tita.

"Pasensiya na po. May kuting lang kasi na inalagaan."

"Pasensiya na, pasensiya na? Lagi mo 'yang sinasabi tuwing nagkakamali? Why not
change and try not to do something wrong? Instead of always saying sorry?"

"Eh kasi po-"

"Kumain na tayo. Lumalaki na lalo ang labi mo kakanguso mo riyan."

Aria giggled while I bowed a bit. Uminit ang pisngi ko at napahawak sa labi.
Nagpatuloy na sila sa ibang topic habang nagsisimulang mag hapunan samantalang
natahimik na ako sa upuan ko. I bit my lower lip and thought of my full lips who
doesn't really suit my small pale face.

Nag-usap sila tungkol sa napabayaan nilang negosyo sa Bacolod dahil lang sa


pamamahala sa azucarera. Tita didn't want to assume this position. As much as
possible, she wanted to be away from the Valiente name because of my father's track
record.

"Hay naku! The amount of corruption Kuya Enrique has left! I can't believe it!" I
heard her as their conversation progresses.

Patagal nang patagal, lalo kong naiisip ang maraming pagkakamali ni Daddy noong
siya pa ang namamahala. He's given bribes and received bribes from government
officials. He used his money and power to dominate and abuse labor workers. Hindi
ko maipagkakaila na inaayos nga ni Tita Amanda at Tito Clavio ang pamamalakad.

They revised the abusive clause in our labor's manual and given the right pay for
all the other workers. Madalas naman nilang ipinapaalam sa akin ang mga ginagawa.
Lalo na ang mahahalagang desisyon pero ang iilang maliliit, hindi ko pa gaanong
maintindihan.

I looked at my reflection on the glass window. Umuulan sa labas at may halong patak
ang repleksiyon ko sa salamin sa harap. I kept on biting my lip thinking about
Tita's remarks earlier.

Then I glanced at my mother's big picture on my wall. Her lips were full and shaped
like cupids bow, just like mine, but hers were pretty to look at. Mine seems
misplaced in a small pale face.
I sighed and just looked at the drops of rain on my window. Umuulan. Kumusta kaya
ang kuting?

Maaga akong naligo at nagbihis para sana puntahan ang kuting kaya lang nagpahintay
si Aria sa akin. It's a Friday and I know there is a intergame happening at the gym
today.

Kasama si Aria sa mga cheerleaders kaya excited siyang pumasok. Kaya lang, sa pag-
aayos ay natagalan tuloy hanggang sa limang minuto na lang ay seven thirty na.

"Aria," I called desperately when I watched her look at her outfit on the mirror.

Hindi ko na mabibisita ang kuting. Kung dadating kami ng seven thirty sa school,
wala na akong panahon. I can afford to be late but then I don't want the attention
my classmates would give me if I was.

Kaya ibinilin ko na lang sa driver ang gatas, wet cat food, at box. Kukunin ko iyon
mamayang lunchbreak at mukha namang maaga kami dahil sa interschool games.

Muntikn na nga akong ma late. Kung hindi lang ako tumakbo ay baka naunahan na nga
ako ng teacher. I silently sat on the corner where I was seated. Nagsimula na ang
kuwentuhan ng mga kaklase tungkol sa excitement nila para mamaya.

Pumangalumbaba ako at tumingin na lang sa gilid ko, ang bintana, at inisip ang
kuting.

That was always my way of life. May mga kaibigan ako pero sa mga ganitong araw,
hindi ako ang pinipili nilang kausapin. Ayos lang naman din sa akin. Gusto ko naman
ding makihalo pero tuwing iniisip ko ang kantiyaw sa akin, umuurong ang sikmura ko.

"Dapat nasasanay ka na sa kantiyaw. Lagi ka namang binibiro ng boys!" I always hear


that whenever I go silent and feel bad.

At lagi, tumatango ako at iniisip na tama sila. Na dapat nasasanay na ako. Kaya
lang, kahit kailan, hindi ako nasanay. Kaya naiintindihan ko rin kung bakit hindi
nila ako gaanong sinasali sa mga grupo, kasi iniisip nila mao-offend ako sa mga
biro sa akin.

"Kalansay! Manonood ka mamaya?!" a classmate called.

Naglingunan ang iilang babaeng kaklase. May nakahandang ngisi na sa labi at


naghahagikhikan na, wala pa man akong sagot.

"Hindi ko sigurado."

"Nakita n'yo si Ate Aria kanina? Ang ganda niya talaga sa uniform na 'yon!" at
nagpatuloy na sila sa kuwentuhan tungkol mamaya.

Pero siguro nga manonood na ako. Wala naman din akong gagawin. Gusto ko sanang
pumunta na lang sa library at magbasa habang lalong kaunti lang ang tao roon pero
kahit paano, gusto ko rin namang makihalo.

Lunchbreak nang nagmamadali na akong bumaba sa building namin. Ni hindi ako


nakaramdam pa ng gutom nang binalikan ko ang sasakyan para kuhanin ang gatas at wet
cat food, pati na rin ang box na ipinahanap ko sa driver.

Nang nakuha na ang mga iyon, nagmdali agad ako patungong gym.

Nagtatanghalian na ang mga estudyante. May nakikita akong nagpalit na mula sa P.E.
uniform at naka casual na damit na ngayon. Ang iba'y naghahanda ng mga banners sa
mga kiosk habang kumakain ng tanghalian.

Palapit na ako sa lababong pinag-iwanan ko sa kuting nang napatingin sa isang


punuang kiosk. Napatalon ako nang nagtawanan sila ng napakalakas doon. Yumuko ako
at agad inisip na ako ang tinatawanan kahit na malayo naman ako sa kanila.

Slowly, I lifted my head to check if they were really laughing at me. I realized
they were not. Hindi ko alam kung ano ang topic nila pero nakita kong wala namang
nakatingin sa akin at parang may pinag-aagawan lang silang cellphone.

It was a group of Senior high school students. Isa sa kanila'y naka suot ng varsity
jersey kaya naisip ko tuloy kung nasa grupong iyon ba si Alvaro. I shook my head
and just continued walking towards the toilet and the many sink on the side of the
gymnasium.

I called for the kitten. Nasa lababo na ako at naghanap ng hindi basang espasyo
para ipatong ang box.

I called more and looked at under every sink.

I sighed my relief when I heard his small meows. He's still here!

Nang nakita ko siya, sumilay ang ngiti sa labi ko. His small shaking steps warmed
my heart. Agad din namang napawi ang ngiti ko nang natanaw na kalahati sa katawan
niya'y natatabunan ng putik!

Umulan kagabi kaya maraming nagkalat na putik sa paligid. Doon niya siguro naakuha.

"Anong nangyari sa'yo?" I asked and slowly lifted him up.

I faucet opened. Napatalon ako at nakita si Chantal Castanier na naghuhugas ng


kamay habang tinitingnan ako.

Her long wavy hair fell til her waist. Unlike Aria, there is no trace of make up on
her face yet, she looked beautiful.

"Anong nangyari?" she asked innocently while looking at the kitten.

"A-Ah," medyo nahihiya akong sumagot. "Nahulog yata siya sa putikan, e."

"Halika paliguan natin."

She turned the faucet off and walked towards me. Kinabahan ako bigla.

"Baka lamigin siya?" medyo may pag-aalinlangan kong sinabi dahil ayaw ko namang
tanggihan siya.

Iyon nga naman ang maganda sanang sulusyon.

"Hahanap ako ng tuwalya. O may panyo ka ba?"

"Uh, oo."

"Patuyuin mo na lang gamit ang panyo mo. Magbibilad naman 'yan sa araw."

Walang pandidiri at pag-aalinlangan niyang kinuha ang kuting at mabilis na pinaagos


ang tubig.
I still don't know if what she's doing is right but it's too late. The kitten
meowed while she removed the mud on his fur. I swallowed hard and stepped closer to
Chantal. Hindi naman siya nairita kaya unti-unti akong huminga ng malalim habang
tinitingnan ang pagliligo niya sa kuting.

Another faucet turned on near us. Namilog ang mga mata ko nang nakita kung sino
iyon! Napasulyap siya sa amin habang naghuhugas ng kamay.

It was Alvaro!

I stiffened immediately.

"Anong ginagawa n'yo?"

"Tinatanggal ang putik nitong kuting," sagot ni Chantal.

Nanuyo ang lalamunan ko. Hindi naman ako ang tinatanong pero parang ako ang
kinakabahan. Chantal didn't seem to mind Alvaro. She's very confident. Isang taon
ang tanda ni Alvaro kay Chantal, gaya na rin kay Aria.

"Kaya pinapaliguan? Kaninong ideya 'yan?" Alvaro smirked.

Nagkatinginan kami kaya mabilis akong umatras para matabunan ng katawan ni Chantal
ang tingin niya. My heart pounded. Even with the rustle of water, and the kitten's
cry, my heart could still be heard!

"Kikidlatan daw ang magliligo ng pusa, ah?" he chuckled.

Chantal chuckled too, abala pa rin sa kuting. I smiled a bit, wanting to chuckle
with them but it feels... forbidden.

I feel like I'm an intruder in a cute moment of these two beautiful people.

Yumuko ako at pinilit na huwag ngumiti. May paniniwala nga'ng ganoon dito sa
probinsiya pero ginagawa na lang iyong katatawanan. Alvaro threw a joke at Chantal
and I heard it. I wanted to laugh but it feels forbidden.

"Kaninong ideya ang pagliligo niyan, kung ganoon?" he asked after their laughs.

Sinarado ni Chantal ang gripo at ibinigay sa akin ang pusa. Nilingon niya si Alvaro
at nginitian.

"Ako? Bakit? Kikidlatan na ba ako?"

Alvaro laughed and didn't say a word. Inabala ko na ang sarili ko sa pagtutuyo sa
kuting gamit ang panyo ko. Sumulyap ako kay Alvaro at nakitang lalo siyang lumapit
kay Chantal. I tore my eyes off them immediately. Again, feeling like an intruder.

"Hindi ko pa nagagamit 'tong tuwalya ko, ito na lang ang gamitin mo."

At first, I thought he was talking to Chantal. Pero bumaling din si Chantal sa akin
at parang hinihintay nilang dalawa ang sasabihin ko. Nang nakita ko ang paglalahad
ni Alvaro ng face towel niya, agad akong umiling.

"H-Hindi na! Puwede na 'tong panyo ko!"

Napaatras si Chantal nang naglakad lalo palapit si Alvaro. Natigil ako sa paghinga
at nang natanaw na nakatitig siya sa akin, biglang dumagsa sa isipan ko ang mga
insecurities. I don't wear make up so probably I look so pale. My hair is long,
wavy but untamed, and just last night... Tita Amanda noticed my thick lips. Yumuko
ako at naisip naman ang mataas na leeg na madalas nang tukso sa akin.

Nakakahiya ako.

At ayaw kong tinititigan niya ako. Mas lalo lang akong nahihiya.

Hindi ko tinanggap ang face towel niya kahit patuloy niyang inilalahad ito.
Nanatiling panyo ko ang nakabalot sa kuting.

Alvaro sighed when he realized I won't get his face towel. Nahihiya ako at
natatakot na naiirita siya sa pagtanggi ko.

"W-Wala ka nang tuwalya mamaya sa game kaya... ayos na 'tong panyo ko."

"Ayos lang," Alvaro answered and put his towel on the box for the kitten.

Chantal coughed. "Uh, Alvaro tawag ka nga pala ni Kuya. Punta ka na lang doon.
Mauna na ako."

"Sabay na tayo," Alvaro said.

Sabay na tumalikod ang dalawa at nagpasya na umalis na. Hindi ako nakagalaw.
Tiningnan ko ang tuwalya ni Alvaro sa box ng kuting. At bumaling din ako sa kanila
ni Chantal na naglalakad palayo.

Matagal kong natanto na kanina ko pa pala pinipigilan ang paghinga. At para akong
mahihimatay sa bilis ng pintig ng puso ko.

I sighed my relief after a long while and smiled. Ang bait niya talaga. Pero wala
na siyang tuwalya kung maglalaro sila mamaya.

Tiningnan ko ang tuwalya niya. Naisip ko tuloy na umalis at magpuntang bayan para
bumili ng face towel para sa kanya. Pero nakakahiya iyon? Paano ko naman ibibigay
sa kanya?

Tiningnan ko ang inilapag niyang facetowel sa box. Hindi pa naaman yun nadudumihan
at puting puti pa. Ibalik ko na lang kaya sa kanya iyon? Hindi kaya siya magagalit
na nagpumilit ako?

Kung sabihin ko na nag-aalala lang ako na wala siyang magamit? Hindi naman siguro
siya magagalit.

Pinatuyo ko ang kuting at pinakain. Tinanggal ko ang face towel ni Alvaro sa box at
nagplano na ibalik na lang sa kanya iyon.

Hindi tulad kanina, buo na ang loob ko na manood ng game. Hindi na muna ako sa
library tatambay habang naghihintay na umuwi si Aria. Sa gym ako pupunta mamaya at
makikinood para ibigay sa kanya ang face towel.

Pagkatapos alagaan ang pusa, pumunta na ako sa halos wala nang katao-taong
cafeteria. Tapos na ang lunch break at ang lahat ay abala na sa paghahanda mamaya.
Ako naman, ngayon pa lang kakain dahil sa kaaalaga sa pusa.

I put Alvaro's face towel in front of me while I was eating my lunch. My face
heated at my day dreams while I was eating. Na mananalo sila at bababa ako sa
bleachers para ibigay sa kanya ang face towel niya.

Tatanungin niya ako kung bakit hindi ko ginamit?


Sasagot naman ako na nag-aalala ako na baka wala kang gamitin kaya okay lang.

I can't help but smile but in the end, my smile fades at the thought of my
unpleasant face in front of him. I bit my lip again and stared at my half finished
food. Nakakahiya. Paano naman kung mapahiya siya dahil lumapit ako sa kanya?
Kakantiyawan ako at madadamay siya.

Fear got the best of me the reason why I couldn't get myself to go to the gymnasium
that afternoon.

Maingay ang mga estudyante sa loob ng gym samantalang nasa tabi ako ng kuting at
nag-iisip. I heard their cheers but it was sometimes equalled by the competing
school's cheers. Sa naririnig koo, mukhang hindi nila matambakan ang kalaban.

I wish they win. It would be nice to watch but I'm embarrassed and scared.

It was second quarter when I heard Santander a few times. At nang ganoon din sa
third quarter, doon ko lang natanto na dapat nga akong manood.

Sa maliliit at tahimik na hakbang, pumasok ako sa gym. Tutok ang mga tao at nakita
kong lamang ang kalaban sa score board. I swallowed hard and tried to find a corner
for myself. Galing sa kinatatayuan ko, nakita ko si Sancha Alcazar kasama ang mga
kaibigan niya sa malayong right side ng bleachers. She looked stiff but her friends
were loud and cheerful.

Hindi naman ako puwede sa gitna dahil maraming tao. Nasa pinakagitna pa si Chayo
del Real at ang kanyang mga kaibigang maingay na nagchi-cheer din para sa team ng
school.

On the left side, there were people, too. May banda lang na wala na halos tao dahil
masyado nang malayo. I sighed and decided to sit there instead. Sa kabilang banda
ng bleachers ay taga ibang school na bumisita rito para lang sa larong ito.

Naupo akong mag-isa sa madilim at walang taong bahagi ng bleachers. Nilapag ko sa


kandungan ko ang tuwalya ni Alvaro. Naglalaro siya. My heart fluttered each time I
see him maneuver a move. At lalo pa kapag nakakapuntos. Kalaunan, nakikisaya at
nakikicheer na ako.

Natigil nga lang dahil may nakapansin sa akin at nang tiningnan nila ako sa sulok,
bahagya silang bumunghalit ng tawa.

I calmed myself and stopped cheering for him.

"Ayusin mo raw Alvaro!" sabay kantiyaw ng iilan pagkatapos bumaling sa akin.

"Baka matalo tayo nito dahil nanonood si Kalansay!"

Yumuko ako at tumigil na talaga sa pagcheer. Tumigil din naman sila sa pagkantiyaw
sa akin dahil natatalo na nga ang school. Ang kabilang school na ang maingay
ngayon.

Natanaw ko na tumayo na si Alonzo Salvaterra sa bench, kasama ang isa pang coach.
Levi del Real got fouled out. I gritted my teeth and wished for them to win.

Maraming sinabi ang coach kay Leandro at Alvaro. The next minute started. Ilang
shoot galing kay Leandro, pumantay ang score.

Kaya lang lumamang ulit ang kalaban. One shot from Alvaro and it's just a point.
Twenty seconds left and most of my schoolmates were already giving up. Nagsasaya na
rin ang kabilang school dahil sa pagkapanalo nila, wala pa man.

It was Alvaro's last three point shot that decided the game. Our school won!
Napatayo ako sa excitement at sa pride para sa kanya!

Gusto kong bumaba at ibigay ang face towel niya. In fact, for a few moments, I
really did join my schoolmates in going down the bleachers to celebrate that win!

Nasa barandilya na ako nang nakita ang iilang mga kaibigan niyang babae ang
nagbigay ng face towel sa kanya. He laughed with them and received one. Hindi niya
alam kung kanino galing dahil sa dami ng pumunta at nakisaya.

"Thank you!" he said cheerfully at the girls who congratulated him.

Some even joked and wiped his sweat on the forehead. Naghiyawan ang lahat at may
tinulak pang babae sa kanya. Pinigilan niya ang mga kaibigan.

"Pawisan ako!" aniya dahil nahihiya na lumalapat ang balat sa babaeng itinutulak.

"Uy, Giraffe. Tingin nang tingin kay Alvaro. Ano 'yan?" a schoolmate noticed me.

Agad kong itinago sa likod ko ang face towel sa kahihiyan. Nakaturo siya sa akin
habang nagsisisigaw galing doon.

"May pa-face towel din si Kalansay!"

Slowly I put his towel down. At gaya ng pagpasok ko sa gym, tahimik ulit akong
lumabas, mag-isa, at nagmamadali. Nahihiya. Hindi alam kung bakit pa naisip ko na
puwede iyon.

🌺🌺🌺
Kabanata 2

Number

Nilabhan ko ang maruming tuwalya ni Alvaro pag-uwi ng bahay. Habang binabasa iyon
ng tubig at kumukuha ng sabon, naaalala ko bigla ang lahat ng nangyari kanina. I
sighed heavily.

Alvaro's joke to Chantal replayed on my mind. Hindi ko man nakita kung sino ang
inaasar nila kay Alvaro bago ako umalis sa gym, at marami man sila roon, biglaan ko
na lang naalala ang nangyari kanina.

He tried to converse with Chantal and he even joked around her. Then after that, he
walked away with her. Maybe he has a hidden crush on Chantal? O hidden pa ba 'yon?

Sa pagmamadali ko kanina, nabunggo ako sa isang estudyante palabas ng gym.


Nabitiwan ko itong tuwalya ni Alvaro at nasipa naman ng dumadaang si Soren. Hindi
niya man lang namalayan ang ginagawa dahil sa pagmamadali kaya pinulot ko na lang
iyon at itinago.

Ngayon ko pa lang lalabhan na nandito na sa bahay. Nakauwi na ako. Ako lang dahil
sumama pa si Aria sa mga kaibigan dahil may party daw para sa pagkapanalo. Hindi
niya naman ako inimbita at pinauwi na kaya maaga rin akong nakauwi sa araw na iyon.
Finals na sa susunod na linggo. Iniisip ko pa lang ang bakasyon, hindi ko na alam
paano pa aalagaan ang kuting. Alam kong nagpapapasok naman ang school ng mga
estudyante sa summer dahil may pasok naman ang mga college pero papapasukin kaya
ako?

I will be Grade seven the next school year and I won't stay in the Grade School
building. Bahagya akong na-excite sa naisip pero hindi pa rin natanggal ang isipan
ko sa kuting. But then I realized that even the weekend was difficult for the
kitten. Pinuntahan ko nang Sabado at iniwanan ko ng maraming pagkain para may
pagkain pa siya sa Linggo. Hindi na kasi ako papayagan ni Tita na lumabas sa Linggo
lalo na't nakikita niyang lumabas na ako ng Sabado.

Kailangan ko ring mag-aral para sa exams.

Pagkatapos ng tatlong exam ko sa sumunod na linggo, dumiretso na ako sa kuting para


maghatid ulit ng pagkain.

I was petting him while he was eating when suddenly Alvaro came. Galing siya sa
gymnasium at tumatakbo nang lumiko sa mga lababo. Nakatawa siya nagmamadali na
lumapit sa lababo noong una pero nang nakita ako ay bumagal ang takbo at bahagyang
napawi ang ngiti.

My heart pounded. Akala ko hindi na siya tutuloy sa paghuhugas ng kamay dahil


nakita niya ako. Para rin kasing aamba siyang babalik sa pinanggalingan niya pero
hindi.

He opened the faucet and washed his hands. Seryoso na ngayon, tuluyan nang nawala
ang ngiti sa labi kanina.

I know I shouldn't talk to him. We are not close anymore. Bata pa ako noong madalas
ko siyang makausap at iba na ngayon. Binata na siya at matagal na na panahon kaming
hindi nagkakausap kaya awkward na. But I was sure that I have a good reason to talk
to him this time.

"Uhm..." With hesitation to look at him. "Iyong tuwalya mo nga pala. H-Hindi ko
nagamit."

Bumaling siya sa akin, kunot ang noo. Mas lalo akong kinabahan. Nag-iwas ako ng
tingin. Something about him looking at me is making me uncomfortable. Maybe because
I don't feel confident with my appearance.

"Uh, saan ba ang classroom mo bukas? Ihahatid ko na lang iyon sa'yo. Hindi ko kasi
dala."

"Huwag na. Hindi ko naman kailangan," he answered.

It made me jump. My eyes darted at him.

"Pero sa'yo 'yon at... hindi ko nagamit para sa kuting." Sabay sulyap ko sa kuting
na umiinom ng gatas. "Malinis iyon. Nilabhan ko pa."

Habang nagsasalita ako, mas lalong nagkakasalubong ang kilay niya. Marami pa sana
akong sasabihin para makumbinsi siya na malinis iyon pero pinigilan ko ang sarili
ko. It seems like... he's annoyed.

Sinarado niya ang gripo, mukhang tapos na sa paghuhugas ng kamay. Hinarap niya ako.

"Hindi ko na naman kailangan iyon. Kaya huwag mo nang ibalik."


Yumuko ako. For a moment, I thought of him disgusted of me. Maybe he thinks I
contaminated his towel so he wouldn't accept it anymore.

Hindi na siya nagsalita. Hinintay ko na lang na umalis siya bago ako bumaling pero
hindi nangyari. Eventually, he spoke.

"Hindi mo ba dadalhin sa bahay n'yo 'yan?"

Napabaling ulit ako. Natataranta akong ngumiti at nilingon ang kuting.

"Ah. Bawal kasi sa bahay. Magagalit si Tita."

Tumango siya. "Bakasyon na. Paano mo 'yan aalagaan?"

I petted the kitten and laughed a bit.

"Ah. Hmm. Pupuntahan ko na lang siguro rito araw araw... makikiusap lang ako sa
guard. May mga estudyante naman din niyan na nagsu-summer kaya..."

"Araw-araw? Sa bakasyon? Hindi ka ba magbabakasyon sa ibang lugar?"

I pouted a bit thinking about Tita's plans. Oo nga pala at baka umuwi sila ng
Bacolod at isasama ako. At paano naman kung magyayaya sila papuntang ibang bansa?

Maybe I should find someone who can take care of the cat. Nilingon ko ang malayong
gate at naiisip ang security guard. Baka naman puwede kong iwan nalang sa kanya at
magbibigay lang ako ng pagkain? O sa kasambahay kaya namin? Hindi ko alam.

Hindi ko naiisip ito at nakakahiya na wala akong maisagot kay Alvaro.

"Baka maghanap na lang ako ng ibang pag-iiwanan."

He glanced at the kitten. His brow moved closer and his eyes narrowed. Para bang
isang salot ang pusang alaga ko. I cleared my throat. Iniisip kong hindi naman yata
siya mahilig sa mga hayop, at lalo na sa isang kuting.

"Ako na lang ang mag-aalaga niyan."

Namilog ang mata ko at muling napaangat ng tingin sa kanya. He looked annoyed now,
very different from his line. Pakiramdam ko tuloy isa lang ito sa mga day dream ko.
Tama ba ang narinig ko o gawa-gawa na lang iyon ng imahinasyon ko.

"Huh?"

He sighed impatiently.

"May pangalan na ba siya?"

"Uhm... Kuring lang ang... naiisip ko pa."

I want to ask about what he just said but I couldn't bring myself to say it.

"Dadalhin ko na lang 'yan sa amin at ako na ang mag-aalaga."

That was for real?! Hindi ko na gaanong inalintana ang paglaki pa lalo ng
malalaking mga mata ko. I'm just thankful that I removed my glasses after the exam
so it isn't highlighted now.
"Wala ka bang gagawin sa bakasyon?"

He chuckled. "Hindi ko naman 'yan kailangang bantayan buong araw hindi ba? Tutulong
ako sa azucarera ng mga Alcazar. Puwede naman 'yang iwan sa bahay, hindi ba?"

Uminit ang pisngi ko. Bakit ko nga ba iyon natanong? I just want to know if he
would travel or something. But it seems like he won't. He will be working on the
sugarmill of the Alcazars. Naalala ko tuloy noong sa amin pa nagtatrabaho ang
parents niya kaya madalas kaming magkita.

"Oo naman." I chuckled too. "Sigurado ka? Uhm..."

Lumapit pa lalo siya kaya mas nataranta ako. Nakatayo ako sa tabi ng lababo kung
saan ko pinapakain ang kuting. At habang palapit siya, pakiramdam ko hindi na ako
humihinga.

"Mahilig ka ba sa pusa?" I asked.

Nagtaas siya ng kilay. "Kailangan ba maging mahilig pa ako doon para mag-alaga?"

"Alvaro!" We both heard a call from his friends.

He shifted his weight. "Ano?"

"O... sige." Hindi ko maitago ang ngiti.

He nodded. "Magsabi ka lang kay Aria kung gusto mo siyang bisitahin."

"S-Sige. Pupuntahan ko siya sa inyo."

Umiling siya. "Magsabi ka kay Aria at ako na ang magdadala sa kuting. Kukunin ko sa
huling araw ng exam."

"Alvaro!" the call again.

Nagmamadali siya. Hindi pa ako nakasagot, tinalikuran niya na ako.

"Alis na ako."

Pinanood ko ang pag-alis niya. Pinanood ko ang paghalo niya sa mga kaibigang
tumawag. Pinanood ko ang paglakad nila palayo.

There was a mixture of feelings inside of me. Only one was negative but it didn't
win. The thought of him slightly prejudiced of me floated in the air but his
kindness and joke were more powerful.

Humagikhik ako habang hinahaplos ang kuting noong naalala ko ang pagtawa niya.
Kailangan ba na mahilig siya sa pusa para alagaan ito? Oo nga naman. He can give
kindness to another being... even when he doesn't like him or her... in this
case... the kitten.

Napawi ang ngiti ko at naisip na ganoon kaya siya sa akin? Ganoon pa man, bakit ko
pa iisipin iyon? Can't I be content that he was kind? That he joked around me. And
he offered shelter to the poor kitten?

The next days were sunny and vibrant. Masaya ako at maganda rin ang takbo ng pag-
aaral ko sa exams.

Hindi ko pa naitatanong o naku-kuwento kay Aria ang tungkol sa sinabi ni Alvaro.


Siguro dahil nasa isip ko na kung sasabihin ko sa kanya, hindi na ako magiging
masaya sa magdadaang araw.

Naghintay ako sa huling araw ng exam namin. Naisip ko bigla kung paano naman niya
malalaman na huling araw na iyon ng exam namin? At paano niya kukunin ang kuting?
Hihintayin ko ba siya at iaabot ko ba sa kanya?

Hihintayin siya? I have no problem with waiting but it would be nice if we have
agreed a time. Sa huling pag-uusap namin, hindi kami nakapagkasundo ng oras kung
kailan niya kukunin ang kuting.

But isn't it more convenient if I just get his number? So I can text him and he
could tell me?

I was sitting on the kiosk alone. Bukas na ang huling araw ng exam at nakita ko ang
grupo nina Alvaro, mga Grade 11 na dumaan. Mukhang katatapos lang nila sa isang
exam o period at naghahanap na ng kiosk na puwedeng pagpahingahan at pagkakainan.

He was always the center of attention. He was friendly and funny to everyone. Boys
of all status, rich and poor, were like magnet to him. Walang social divide dahil
halos lahat ay natutuwang kasama siya, kahit pa hindi naman sila mayaman tulad ng
marami niyang kaibigan.

And the girls liked him, too. Hindi lang isang beses ko siyang nakitang tinutukso
sa mga pinakamagagandang babae sa junior high man o sa senior high. When there is a
basketball game, even the college girls would cheer for him.

He was taller than most of the Grade elevens. Kaya naman medyo mabenta sa higher
grades and college girls dahil kasing tangkad lang naman siya ng mga boys nila. He
was also boyishly funny to his friends. In fact, just now, they all laughed with
him. May itinulak na junior high school sa kanya at nang pinulot ni Alvaro ang
nahulog na bag ay tinukso na kaagad sila.

The junior high girl's face flushed. And her friends cheered for her while Alvaro
tried to pacify his already cheering friends, too. Napangiti ako sa kinauupuan ko,
nakikisabay sa tuksuhan ng grupo nila.

I was shocked when one of them chose a kiosk near mine. Parang langgam nilang
pinagharian iyon at isa-isa nang naglagayan ng kani-kanilang bag. My eyes widened
and looked at my notes.

It took a long while before my messy thoughts got organized.

Maybe I can call him a bit and get his number? Nakakahiya. Hindi kaya tutuksuhin
lang nila ako? Kaya nga tatawagin ko siya at kami na lang ang mag-uusap hindi ba?

O kahit mapagkasunduan na lang sana namin kung anong oras bukas.

I closed my eyes. My fear is eating me up. Natatakot ako. Hindi ko gagawin. Ayaw
kong gawin. Baka mapahiya pa ako. Dumilat ako at sa kauna unahang pagkakataon
nakaramdam ako ng tiwala sa sarili. Why can't I be like those normal girls? They
might be shy and embarrassed but they still do it.

Lahat naman yata nahihiya paminsan-minsan, ang kaibahan lang, ginawa pa rin nila
kahit nahihiya sila.

Mabilis akong nagligpit ng gamit at tinatagan na ang loob para sa planong


kakausapin na si Alvaro. Tumayo ako at nagpasya na.
Hindi ko na sinuyod ang kiosk ng mga kasama niya. I concluded that he was among
them when I neared. Unti-unti silang natahimik. May nagtatawanan na tinulak ng isa
at itinuro ako dahilan kung bakit natigil saglit ang kulitan.

Nakalapit na ako bago ko pa lang sinuyod ang dami ng mga lalaki doon. Doon ko rin
natanto na hindi ko mahanap si Alvaro.

"Si Alvaro?"

One burst out laughing while the others looked at each other with a smirk.

"Bakit muna?"

He really wasn't with them. I craned my neck to check the other boys but I was
already starting to panic.

"Uhm... May itatanong lang sana ako."

"Ano'ng itatanong mo?" ang isa na parang nagsisinungaling ako at imposibleng may
pag-uusapan kami ni Alvaro.

I slightly didn't want to reveal the real reason. Kaya naman sa pagmamadali ko,
hindi ko na rin gaanong inisip pa ang isasagot.

"Manghihingi lang sana ako ng number niya."

Nagkatinginan sila at isa isang nagtawanan ng napakalakas.

The courage I mustered and the confidence I tried to build up slightly diminished.
Bigla akong nanlamig at kahit na gusto kong tumakbo, nag-uugat ang mga paa ko sa
kahihiyan at kaba.

"Number ni Alvaro?!"

"Sabi may crush daw 'yan kay Alvaro!"

"Grade six ka pa lang, Neng!"

"Uhm... May sadya lang naman ako..." sabay iling ko dahil alam na ang iniisip nila.
"Hindi naman sa-"

"Ang tayog ng pangarap nitong si Josefa!"

"Ano 'yan?" Alvaro's voice thundered behind them.

Mabilis ko siyang hinanap sa likod ng nagtatawanang kaibigan. Nagpapatuloy ang iba


at ang iba'y natahimik na, nakangisi pa rin.

"Si Yohan nanghihingi ng number mo."

Nahanap ko si Alvaro at napatingin din siya sa akin. He looked pissed. Mas lalo
tuloy akong kinabahan. Lalo pa nang umiling siya, dismayadong dismayado bago dire-
diretsong lumapit sa akin.

Nagtatawanan ang mga kaibigan niya. Sumulyap siya sa iba at natigil naman ang iilan
pero nanatili ang mga ngisi nila.

"What is it?" he asked in a low voice but with emphasis.


"Uh. Para lang naman bukas. Hindi ko kasi alam kung anong oras ako maghihintay para
maibigay sa'yo ang kuting-"

"Iwan mo na lang doon at doon ko na siya hahanapin. Basta't kukunin ko siya bukas."

"Pero-"

"Four o'clock in the afternoon," agap niya bago pa ako makapagprotesta.

Nagtawanan ulit ang mga kaibigan niya.

"Sige na. Bukas na lang," he said in a dismissive tone.

I nodded and slowly walked away.

Nagtawanan pa sila pero kalaunan, nang nakalyo na ako, tumigil in naman. I sighed.

It paid off, right? The courage and confidence I released somehow paid off. Bukas
ng alas kuatro kami magkikita. Nasagot ang tanong ko.

Ngumiti ako pero medyo may halong pait tuwing naaalala ang reaksiyon ni Alvaro at
ang tawanan ng mga kaibigan niya.

Is he... ashamed of what happened? Napahiya ko ba siya? At mali ba na nanghingi ako


ng numero para dito? Iniisip niya ba na humihingi lang ako bilang palusot? Na hindi
naman talaga tungkol sa kuting ang sadya ko? Tinawanan ko ang sarili ko.
Nagmamagandang loob na nga si Alvaro, ako pa ang nag-iisip ng masama sa kanya. At
kung ano man ang iniisip niya tungkol sa akin, ayos lang. It's not like he's the
only person who misunderstands me.

Buong gabi kong inisip kung hihintayin ko ba siya o gaya sa nauna niyang gusto'y,
kukunin niya na lang ang kuting doon? Paano kung mawala ang kuting? Siya pa ba ang
ipaghahanap ko? Kaya dapat nandoon ako at ako na mismo ang magbigay sa kanya sa
kuting.

This is actually a big thing. To get a pet is a responsibility. He is taking it. He


is kind for doing it. The least I could do is to not be a burden to him.

I sighed and started writing a letter. Bukas ng alas tres, hahanapin ko ang kuting
at maghihintay doon hanggang mag alas kuatro. Iiwan ko itong sulat sa box kasama
ang tuwalya niya. Hindi na ako magpapakita. Para hindi na siya mahirapan pa.

🌺🌺🌺
KABANATA 3
BELIEVE

Dear Alvaro,

First of all, I would like to thank you for taking this responsibility. Hindi biro
ang pag-aalaga ng kuting. Pasensiya na kasi hindi ko siya maalagaan sa amin. Sana
naghanap na lang ako ng ibang puwedeng mag-alaga rito. Don't get me wrong, I'm
happy that you volunteered but I just think that it will only be a burden to you. I
hope he won't be a burden, though. I hope he grows up easy.

I would like to meet him if there is a chance and if it is also convenient to you.
Like what you said, I will just wait if Aria says so. I hope your family won't mind
if you bring him in your house. That's all. Thank you again.
Yohan

Naisip ko bigla ang pamilya niya dahil sa sinulat ko. Si Alvaro ang bunso sa
tatlong magkapatid. All of them used to work in our azucarera. Sa pagkakaalala ko,
malaki na ang posisyon ni Tito Carmelo. Nasa accounting naman si Tita Ana. Ang
dalawang nakatatandang kapatid ni Alvaro ay tumutulong na noon sa azucarera
samantalang siya, bata pa, madalas lang bumisita at nag-aantay ng utos.

That was how I met him... and his family. They were good people. I remember Ate Gen
telling Alvaro to find Gmelina fruits so they can sell it. Sumasama ako minsan at
tumutulong na gawin iyon. Ibinibenta nila noon dahil marami namang bumibili para
itanim sa mga bakuran at minsan, ginagawang farm. Ang mga hindi naibebenta ay
ibinabalik naman nila at itinatanim sa sariling bakuran dahil malawak naman ang
kanilang lupain.

I remember having to get a full two-month vacation some years ago the reason why I
lost contact with their family. Nagbinata na si Alvaro, si Kuya Gilbert, pumasok sa
PMA, si Ate Gen naman abala sa pag-aaral - balita'y maraming offer na scholarship
sa Cebu dahil matalino.

Bukod pa sa busy na ang pamilya nila, lumipat din ang mga magulang ni Alvaro sa mga
Alcazar. Kaya ngayon, doon na rin si Alvaro nagtatrabaho.

I have completely lost contact with his family. And maybe, like other childhood
friends, you will completely lose contact with them because you are all growing up.
Iyon na lang ang isiniksik ko sa utak ko lalo na't hindi na rin naman sila
binabanggit ni Dad.

Pagkatapos ng exam ko sa hapon, dumiretso na ako sa kuting. Nilinisan ko siya at


pinakain. Nilapag ko na ang sulat sa isang stationery na nilagyan ko ng pabango sa
box.

It's three in the afternoon. I still have time to pet and enjoy the kitten while
waiting for Alvaro. Ang plano ko'y aalis na kapag malapit na ang alas kuwatro para
hindi na kami magpang-abot pa.

Nag enjoy ako sa paghahaplos at pakikipaglaro sa kuting. Lumusog na siya ng kaunti


at nakikipaglaro na kahit paano. Madalas ang tingin ko sa relo ko para hindi
magkamali. It's 3:30pm. Inayos ko ang eye glasses ko at inangat ang kuting para
yakapin. I was enjoying the hug when I heard someone call.

"Alvaro! Mamaya?"

Matinding pagkakataranta ang naramdaman ko. Natanaw ko na nilingon nio Alvaro ang
tumawag at palapit na nga siya roon!

Mabilis kong binaba ang kuting sa box at agad na tinakbo ang distansiya ng lababo
at ang likod ng gym para makapagtago! Hindi ko inalintana ang talahib doon at
iilang mga sirang armchair na doon na lang nilagay.

Hinabol ko ang hininga ko at dumikit sa dingding na may vandals para lang


makapagtago. I heard his footsteps but it stopped. Hinawakan ko ang puso kong
tumatalon pa rin sa kaba. Narinig ko ang ngiyaw ng kuting at inisip na maghihintay
lang ako doon hanggang sa umalis siya.

Nagtagal. Naririnig ko pa ang ngiyaw ng kuting kaya hindi pa rin ako gumalaw. My
heart is now beating steadily but it was still loud.

"Nasaan ang amo mo? Ang akala ko ba iaabot ka niya sa akin?" Alvaro uttered.
My eyes widened. Napatakip din ako sa bibig ko na para bang maririnig niya pati ang
paghinga ko.

He chuckled while the cat is meowing.

Maghintay ka lang ng kaunti, Yohan. Aalis din siya, hindi ba? It's still 3:40pm.
What if he'll wait until 4pm so he could meet with me? Are you kidding? Alvaro
won't wait for me!

"Maghihintay ba tayo dito?" he said and chuckled again while the kitten is meowing.

Kinagat ko ang labi ko at kumunot ang noo. Hindi naman siguro siya maghihintay, 'di
ba?

"Kumain ka na ba?" hindi ko alam kung may kausap ba siyang iba ang kuting pa rin
iyon.

Tanging ang ngiyaw lang ng kuting ang sumagot. May kasama ba siya? Walang ibang
sumagot kaya baka nga ang kuting ang kausap niya.

"Araw araw ka bang nililiguan?"

Napakurap-kurap ako at naisip na sobra naman yata iyon. Hindi ko alam kung may mga
nag-aalaga bang araw-araw na nililiguan ang kuting pero kung ako ang mag-aalaga,
hindi.

I suddenly regret writing that letter without any information about these things!

"Hmm. At isang beses ka lang ba kakain sa isang araw?"

My lips parted and thought of what he just said! Isang beses! Puwede pero marami
siguro dapat ang ipakain? At dahil kuting pa, baka kailangang tatlong beses siya sa
isang araw pakainin!

I imagined Kuring becoming more malnourished in his care!

"At gatas lang ang kailangan mo hanggang tumanda, hindi ba?"

Pumikit ako ng mariin at naiisip na hindi magtatanggal ang buhay ng kuting sa puder
niya!

Slowly... very slowly, I let my eyes take a peak at them. Hoping against hope that
he's talking to someone else, not the kitten. Kahit pa alam kong malabo iyon at
talagang ang kuting ang kinakausap niya!

I saw him holding the kitten in his arms and his eyes lifted. Nagkatinginan kami
saglit at sa kaba ko'y nagawa ko pang magtago ulit kahit pa alam kong nakita niya
na ako!

Pumikit ako ng mariin at sa huli bumuntonghininga.

"Ba't ka nagtatago?" he asked.

Kasabay noon ang pagpapakita ko. Bigla akong nakaramdam ng matinding hiya kasi
nabuking niya pa ang pagtatago ko!

"Uhm..." I smiled awkwardly. "W-Wala lang. Akala ko kasi kukunin mo na kaagad."


His lips pursed and continued petting the cat. "Kukunin ko nga agad. Pero ang sabi
mo rin iaabot mo."

But then I thought... he didn't like me doing that. Imbes na sabihin iyon, lumapit
ako para matingnan ang box. Iniisip ko ang sulat at kukunin ko iyon bago niya pa
makita.

Ginawa ko lang naman talaga iyong sulat dahil iniisip ko hindi na ako
makakapagpasalamat pa dahil hindi naman magpapakita. Ngayong nagkita na kami,
puwede na akong simpleng magpasalamat. Ayaw ko nang basahin niya pa iyon.

Hindi ko alam kung nakita ko ba ng buo na wala na roon ang sulat o masyadong
mabilis ang galaw niya't nilagay niya agad ang kuting sa box, pero wala na akong
nakita. Naroon na rin ang tuwalya niya.

"Hindi mo na dapat ibinalik pa 'to," aniya sabay baling sa akin. Hinahawakan niya
na ang box ngayon na sinisilip ko pa para sa sulat.

"Ah, hindi ko kasi nagamit at nalabhan ko kaya iniisip ko puwede pang ibalik.
Sayang gamitin dahil puti at maganda pa naman."

He smirked a bit and looked at the kitten. Puwedeng magpasalamat na at umalis na


pero naisip ko ang mga sinabi niya kanina.

"Uh, hindi naman kailangang araw-araw maligo ang mga pusa," sabi ko kaya napabaling
siya sa akin.

There is something about his eyes that makes me nervous. Nasisiguro kong hindi lang
ako ang nakakaramdam noon. Lagi, kapag nakatingin siya sa akin, pakiramdam ko ako
lang ang tinitingnan at iniisip niya. Buong-buo at wala nang iba. Kaya naman tuwing
tumitingin siya, kinakabahan ako. Naco-conscious ako.

He chuckled again. "Okay."

Nagtagal ang tingin niya sa akin. Hinihilot ang mga daliri, inisip ko kung ano pa
'yong mga sinabi niya kanina.

"At baka kailanganin mo siyang pakainin ng tatlong beses sa isang araw. Lalo na
ngayon dahil, kuting pa at payat."

He nodded with a smile on his lips. "Okay."

"At... kapag medyo tumanda na ng kaunti, puwede siyang kumain ng cat food or puwede
ring kanin at ulam n'yo... lang."

"Got it."

I smiled and nodded because I am now relieved. Hindi niya pala alam paano mag-alaga
ng pusa.

"Kung may tanong ka pa tungkol sa pag-aalaga ng pusa, uh, puwede na ring kay Aria
na lang."

"May alam naman ako ng kaunti. May mga pusa naman si Ate noon."

Marunong? Eh sinabi niya araw-araw niya paliliguan ang kawawang kuting.

"Talaga? Uhm. Okay."


He smirked. "Huwag kang mag-alala. Sa summer, magsasabi ako kay Aria para ma-check
mo kung naalagaan ko ba ng maayos ang kuting."

I smiled. "O sige. Uh..." Nag-isip ako kung paano ulit kami magkikita gayong ayaw
niya yata akong bumisita sa kanila.

"Magkita na lang tayo minsan at dadalhin ko ang kuting."

"Hindi ba nagtatrabaho ka tuwing summer sa mga Alcazar?"

Tumango siya. "Ihahatid ko sa pagkikitaan natin at iiwan ko na lang kapag may


trabaho ako. Kukunin ko pagkatapos. At kung wala naman, magkita na lang tayo."

Uminit ang pisngi ko, lumilipad ang isip sa mga sinabi niya.

"Nabanggit ko naman kay Aria at nasabi niya na puwede ko rin namang dalhin ang
kuting sa inyo. Basta iuuwi ko lang at mukhang hindi raw puwede roon."

My eyes widened. Simula nang nag-aral si Aria rito sa Altagracia, madalas bumisita
ang mga kaibigan niya sa bahay. Kung hindi man para mag practice sa iilang play at
mga sayaw, nagkakatuwaan at nagsi-swimming sila. Mas madalas iyon kapag summer.
Minsan bukod sa classmates niya, sumasama pa ang ilan pang kaibigan niya tulad nina
Soren Osorio, Chantal Castanier, at ang grupo nito. Hindi nga lang ako lumalabas
tuwing nariyan sila dahil madalas akong kulitin ni Soren.

One time last year, Alvaro went here with their friends. Pati sina Levi, Anais,
Leandro, Adriano, at George. Hindi na rin ako bumaba noon dahil nahihiya ako kay
Alvaro.

"Talaga? Uhm... sige, magtatanong din ako kay Aria. Uh... hindi mo naman talaga
kailangang gawin ito. Kapag may time ka lang. Uh... kampante naman ako na
maaalaagaan ni Ate Gen ang kuting since may experience na pala siya sa pag-
aalaga... ng pusa."

Hindi ko maidiretso ang sinasabi ko kasi pagkabanggit ko kay Ate Gen, kumunot ang
noo niya at may multo ng ngiti sa labi.

"Ako ang mag-aalaga nito, Yohan. Hindi si Ate at nasa Cebu siya."

I swallowed hard.

"But you can contact her, right? If you don't know what to do or if you have
questions?"

His head tilted. "Wala ka bang tiwala na maaalagaan ko ng maayos ang kuting na
ito?"

Well, after hearing his ignorance in taking care of the kitten, I am not sure. I
like you Alvaro but I think you don't know how to take care of the kitten.

"Kapag nagkaproblema ako, sa'yo ko na itatanong. At isa pa, marunong naman ako mag-
alaga kaya wala kang dapat ipag-alala."

Kinagat ko ang labi ko. I want to agree but I really couldn't. He chuckled. Then
his eyes turned into playful slits.

"You don't believe me?" He asked slightly chuckling.

My heart flew on my throat. Hindi ko alam kung bakit lalo akong kinabahan kahit na
nagpapatawa naman yata siya.

"Alvaro?!" may tumawag sa kanya.

He quickly glanced behind him. Natanaw ko na lalaking kaibigan niya iyon at palapit
sa amin. Nawala nga lang sa paningin ko nang bahagyang tumabi si Alvaro. He blocked
my sight of his friend. Bumaling siya kaagad sa akin.

"Aalis na ako. Huwag ka nang mag-alala kay... Kuring. Ako na ang bahala."

I nodded, lips still apart.

He smiled and nodded too before he turned away. Sinalubong niya ang kaibigan at
hindi na nakita pa kung sino man ang kausap ni Alvaro. The friend was just curious
of the box Alvaro is holding.

The box!

Napakurap-kurap ako at naisip ang sulat! Hindi ko nakuha! But then anyway I didn't
thank him! Nagkaroon na nga ako ng pagkakataon para magpasalamat sa personal, hindi
ko pa ginawa! Kaya siguro naman ayos lang iyong letter ko, hindi ba? Pampasalamat
ko na lang iyon sa kanya?!

Hindi natanggal sa isip ko ang sulat kahit pa noong pauwi na. Kung sana ikinuha ko
kaagad iyon sa box! Pati na rin ang mumunting pag-uusap namin. He kept on smiling
and smirking playfully while we talk. Somehow, I forgot about my insecurities and
my negative thoughts througout our conversation.

"Ano 'tong sabi ni Alvaro na may kuting daw kayong inaalagaan?!" si Aria nang
pumasok sa sasakyan.

"Ah. Iyong kuting kasi na nakita ko-"

"Naku, Yohan! Pinapahirapan mo pa ang tao! Mukha namang ayaw niya sa mga hayop
tapos nakikisuyo ka pa ng ganoon?"

"Huh? Hindi naman. Siya kasi 'yong may gusto na alagaan-"

"Edi siyempre kasi mabait siya. At ikaw naman ginagamit mo ang kabaitan niya para
pumayag!"

"Hindi naman, Aria. Maghahanap sana ako ng ibang mag-aalaga."

"Ewan ko sa'yo, nakakahiya ka talaga. Pumayag na ako na madala niya minsan sa atin
kapag pupunta sila nina Juan, Daniel, at iba pang grupo nila." Aria smirked. "Hindi
na rin masama. At least may dahilan kung bakit madalas sila sa atin."

Natahimik ako at napatingin kay Aria. Aria is pretty and bold. Some of her exes
were then her crush. She confesses to them. Dahil maganda siya, siguro may gusto na
rin ang lalaki kaya agad niyang nagiging boyfriend. Pero kung gaano man kabilis
niyang magconfess, ganoon din siya kabilis magpalit ng boyfriend at crush.

Maybe when you are pretty, it's always easier. You can confidently say what you
feel without being laughed at or judged. People even find you confident and more
attractive because you know and get what you want. Kaso... kung hindi ka maganda,
puro kantiyaw at tawanan ang aanihin mo. Kahit pa sinisikap mong hindi ka mapansin
ng kahit na sino.

"At ikaw," her eyes narrowed. "Alam kong may gusto ka kay Alvaro kaya mo siguro
siya nilalandi, ano?"

"Huh? Hindi naman, Aria."

She rolled her eyes. "Wala kang pag-asa sa kanya, Yohan. Bukod sa bata ka pa,
tingnan mo nga 'yang sarili mo."

Kinalabit niya ang pisngi ko dahilan kung bakit bahagyang nahawi ang eyeglass ko.
Inayos ko iyon.

"Kaya kapag bumisita sila, kunin mo ang pusa mo at maglaro na lang kayo sa likod ng
bahay. Huwag kang palaboy doon at pagtatawanan ka lang nila."

"Iyon naman talaga ang plano ko kapag nandoon sila."

She smirked more. "Hindi ka rin naman papatulan ni Alvaro, e. Playboy 'yon at
maraming naghahabol. Kaya papalit palit ng girlfriend, puro magaganda. At ikaw,
grade six ka lang. Pangit pa. Kaya huwag ka masyadong nagpapangarap ng ganyan."

Yumuko ako, hindi nagugustuhan ang narinig. "Hindi naman talaga."

"Eh, ba't mo pinaalaga ng pusa mo?!" patuya niyang tanong. "Diskarte mo rin, eh,
no?"

I gritted my teeth. Yes, I may like Alvaro but I certainly didn't tell him to take
care of the kitten. He volunteered alright. If I have only known I would hear
Aria's words, ipinilit ko na sanang maghanap ng ibang mag-aalaga sa kuting.

Umiling si Aria at bumaling sa labas. "Nasa loob din ang kulo mo, eh."

🌺🌺🌺
KABANATA 4
MOTORCYCLE

Ang mansiyon namin ay nasa dulong bahagi ng sunod na kalye ng sa kalye ng mga
Alcazar. Hindi kami ang pinakamalawak ang azucarera sa buong Altagracia dahil halos
kalahati ng tubuhan ay nasa kabilang bayan na. It was under my father's leadership
when we really expanded. Naging kapantay ng mga Alcazar at del Real ang tubuhan
namin sa Altagracia at sa buong Negros, masasabi mong kami ang may pinakamalawak.

Ang lumang bahay ng mga Santander ay nasa kanto ng kalye namin. Kapag galing
eskuwela o bayan, madalas kong lingunin ang lumang bahay nila. Narinig ko noon na
lumipat na sila pero hindi ko nga lang alam kung saan. Nitong nakaraan ay nakita ko
naman sa labas ng bahay si Tita Ana kaya naisip kong naroon pa rin sila.

Tingin ko, mas mainam din na manatili sila sa lumang bahay na iyon dahil malapit
lang sa mismong opisina ng azucarera ng mga Alcazar. Kung doon na sila
nagtatrabaho, kayang kayang lakarin lang ng mag-anak.

I always think that it is not bad to visit them. Lalo na kapag malapit nga lang ang
bahay nila sa amin. Kaya lang, mukhang ayaw ni Alvaro at nirerespeto ko naman iyon.
Nasabi niya naman na puwedeng magkita kami o puwede ring ihatid niya rito sa
mansiyon.

Kung magkikita kami, saan naman? Iniisip ko kung may cafe ba sa bayan na puwedeng
pagdalhan ng pusa? O baka iyong malapit na lang sa parke ng municipal hall para
malawak ang paglaruan ng kuting? I smiled, growing more and more excited each
passing day.
"Aria-"

"May balita na naman ba kay Alvaro?!" dugtong niya sa tawag ko habang kumakain kami
ng almusal.

I looked at her. She rolled her eyes at me and shook her head.

"Naririndi na ako, ah! Sabing wala pa, e!"

It's the second week of vacation and I can't stop myself from asking Aria about
Alvaro's promise. Naiirita na siya ngayon. I only ask her every other day. Iniisip
kong sa dami niyang ginagawa, baka nakakalimutan niya nang sabihin sa akin.

"Sabihan mo na lang ako kapag nagsabi si Alvaro."

She laughed. "Uy prinsesa, kung ikaw nakahilata lang buong magdamag dito, si Alvaro
maraming ginagawa. Nagtatrabaho 'yong tao kaya huwag kang masyadong demanding para
lang sa kuting na 'yan!"

She may be right. All day, I just watch movies, then take a nap, try to wear nice
clothes in my closet, enjoy a hot bath, listen to music, and eat. Kaya madalas kong
maisip si Alvaro at ang kuting. Nangungulit ako kay Aria na para bang ganoon lang
din ang ginagawa ni Alvaro sa kanila. Of course, he's working. He's busy. Visiting
and giving me time with the kitten comes last. I should understand.

"Hello?" si Aria na nawala na ang atensiyon sa akin ngayon dahil sa katawagan sa


cellphone. "Oo. Ngayon 'yon, punta kayo rito!"

Nagpatuloy ako sa pagkain. Last week, her friends went here three times. Nagpaparty
at nags-swimming. Nasa kuwarto ako at dinudungaw sila. Naririnig ko ang pagwelcome
ni Tita sa mga kaibigan nila.

"What do you want for dinner? I'll order right away!"

Naghiyawan ang mga kaibigan ni Aria. Ang sarap daw lagi bumisita rito dahil hindi
strict ang parents ni Aria at nang s-spoil pa. It was fun. I mean, I watched them
and they had fun so I also had fun.

"Sina Soren, Chantal, Ciara, Daniel... marami pa- Wala eh. May trabaho daw."

Napasulyap si Aria sa akin habang kumakain.

"Inimbita ko rin ang mga pinsan ko kasi noong nakaraan pa sila nagsasabi na gustong
pumunta. Pupunta raw si Nancy pero hindi ko pa sure kay Chayo. Kung nandito si
Chayo, dadalhin noon si Levi kaya pupunta rin si Leandro at mga kaibigan nila."

Aria laughed and paused to listen on the other line.

"Of course, sila lang. Oo na, Steffi."

It was just another day of Aria's party with her friends. Hindi na ako bumaba dahil
alam kong pagtatawanan lang ulit nila ako. Lalo na nang narinig ko na hinanap na
naman ako ni Soren nang dumating siya.

The next days, it was Aria who went out to meet her friends. One day she would hang
out with them on a newly opened cafe. The next day, they will go to the del Reals
for a pool party. Her social life is pretty active and I wonder silently what it
feels like to feel that kind of life.
Maraming kaibigan. Maraming nakakasalamuha. Gusto ng lahat. Maganda at nakakaaliw.

In short, I envy her. Sometimes, I zone out while I watch her apply gloss on her
thin lips. I jump whenever she looks my way and smirk. Tatayo siya at lalapitan ako
para kalabitin muli ang mukha.

"Akyat ka na at papunta mga kaibigan ko rito. Sayang hindi mo makikita at inimbita


ko ang dalawang ex ni Alvaro. Tingnan natin kung mag-aaway sila." She laughed
evilly.

Well, it's not new to me. Growing I heard a lot of things abotu Alvaro's
relationships. Hindi ko nga lang alam kung totoo iyon at wala rin naman akong
planong tanungin siya. I think it is normal. He's good looking, very sociable and
friendly, and he's liked by many. Normal lang na magkagirlfriend siya. I never
heard of him two timing anyone but he has a pretty long list of exes. He had
girlfriends but one girl at a time.

Ang marinig kay Aria ito ngayon, hindi na bago sa akin.

Umakyat na lang ako at inubos ang buong araw sa pag-iisip.

I wonder if I would get boyfriends too, if I was pretty? Ano kaya ang feeling ng
may manliligaw? At ano ang pakiramdam kung sasagutin na. Those chic flicks I
watched seem to describe it as magical. I wonder if I would feel the same? How
would I feel then if I want to break up? At ano ang gagawin ko kapag may
nagugustuhang iba naman?

I giggle day dreaming about it. I tried reading stuff like that but I have less
books that cater to those things in our library. Kaya noong bumisita kami ng
Bacolod, namili ako ng mga libro.

It was about a month of vacation when Aria suddenly told me about Alvaro. Kumakain
ako ng breakfast, alas sais y media ng umaga. Ganoon din siya sa harap ko nang
bigla siyang napatuwid sa pagkakaupo pagkatapos magbasa sa cellphone.

"Nga pala, magkikita daw kayo ni Alvaro sa municipal hall ngayon."

Natigil ako sa pagkain. Kagigising ko lang.

"Ngayon?"

"Oo. Ngayon. Bilisan mo diyan at may trabaho siya ng alas siete! Paghihintayin mo
pa at baka ma late 'yon!"

"Huh?!"

Gusto kong magreklamo! Bakit ngayon niya lang sinabi sa akin? Kailan pa 'to sinabi
ni Alvaro? Kagigising ko lang at ni hindi pa ako nagkalahati sa almusal tapos
bibiglain ako ni Aria ng ganito?! Imbes na magreklamo, minabuti kong magmadaling
umakyat sa taas at makaligo at makapagbihis na!

Inaabot ako ng isang oras sa banyo pero dahil doon, limang minuto lang tapos na
ako. I didn't think about doing anything with my hair. I didn't even think about my
clothes. I pulled a pair of faded jeans, t-shirt, and my sneakers. Pinasok ang eye
glasses at naglagay lang ng cross body bag kasama ang cellphone at pitaka,
nagmamadali na akong bumaba.

Kumakain pa si Aria noong pababa ako. Imbes na magtawag ng kasambahay para maihanda
ang kotse, lumabas na ako para ako na mismo ang kumausap sa driver.

Natagalan pa ako. I want to blame it all to Aria. Lalo pa nang naisip kong maaaring
kagabi pa ito pero hindi niya man lang talaga sinabi sa akin. O baka nakalimutan
niya? Hindi ko alam! Hindi na ako magrereklamo. I should even be thankful that she
told me that, even when it's late.

Limang minuto yata ang late ko. Naroon na sa tapat ng municipal hall si Alvaro at
ang kuting ay naglalaro laro na sa harap niya. Nakaupo siya sa mababang bakod ng
garden sa tapat ng hall, naghihintay. Ang lumang motor niya ay nasa tapat.

Katitigil lang ng SUV namin, binuksan ko na ang pintuan at bumaba na ako. My heart
is beating wildly from the thought that I was late. Ni hindi na ako gaano na excite
na makikita ko ang kuting.

"Sorry, I'm late!"

Tumayo siya nang nakita ako at inangat niya ang pusa. Nagtaas siya ng kilay.

"Late nga. Ako rin late na sa trabaho," he said playfully but I took that
seriously.

Kinuha ko ang kuting sa kanya at tumango.

"Pasensya na talaga. Uh... gusto mo, kausapin ko si Manolo?"

"Huwag na. Ngayon lang din naman ako na late at limang minuto pa lang."

Sumulyap siya sa kuting na hawak ko. Samantalang wala akong ibang gusto kundi ang
umalis na siya at magtrabaho na para hindi na ma-late.

"Hindi mo ba pupunahin ang kuting?"

Napasulyap din tuloy ako sa kuting. Lumaki naman siya ng kaunti, may collar na at
malinis din ang balahibo. Medyo nagkalaman din kahit paano.

"Ah, thank you sa pag-aalaga. Mukhang maayos naman siya buti na lang."

He chuckled like nothing is wrong. "Buti na lang? Bakit ano ba ang iniisip mo?
Mamamayat siya sa puder ko?"

But I have no other thoughts but his work!

"Ah, hindi naman. Uhm..." I panicked. "Trabaho mo?"

Ngumuso siya. "Excited ka na makaalis ako, ah?"

"Hindi naman sa ganoon pero mali-late ka lalo. Kasalanan ko."

"It's okay, Yohan. At oo, aalis na nga ako."

Kumunot ang noo ko, bahagyang nakahimig ng pagtatampo sa boses niya. Ngumuso ako at
naisip ng kaunti ang reaksiyon na iyon.

"Ayaw mo yatang nagtatagal ako," he smirked and turned for his motorcycle.

"Hindi naman sa ganoon kaso..."

He chuckled. "Oo na. Ikaw na ang bahala sa kuting. Magkita tayo ulit dito ng alas
kuwatro y media. si Kuring."

"Oo!" sabi ko at iniisip na magmamaaga ako para hindi nakakahiya.

He smirked again. "Siputin mo ako, ah? Baka hindi mo na 'yan ibalik sa akin."

Natawa ako ng kaunti pero hindi pa rin natanggal ang pag-aalala ko sa trabaho niya.

"Ibabalik naman."

"Sige, mauna na ako." At sinuot na ang helmet.

I nodded and watched him go. Hindi ko namalayan na pinipigilan ko pala ang hininga
ko habang tinatanaw siyang nakakalayo.

Nagmomotor na pala siya. I remember seeing him ride a tricycle going home. Pero
siguro, kapag papuntang trabaho nagmomotor siya. Kapag school, tricycle lang.
And... maybe he now has a license because... hmm... is hee seventeen already?

Matagal pa bago ko tuluyang nailipat ang buong atensiyon ko kay Kuring. Bumuti nga
ang lagay niya at medyo naibsan ang kaunting pangamba ko. Sa totoo lang, may
kaunting pangamba ako tuwing naiisip na walang alam si Alvaro sa pag-aalaga ng
kuting.

I suddenly remember his playful words about me accusing him of not taking good care
of Kuring. I smiled and petted the kitten.

Ilang sandali ko pa siyang nilaro sa parke. Nang masyado nang mainit at na-bored na
kami, nagpasya ako na pumunta sa isang pet shop. Wala sa Altagracia kaya nagpaalam
pa ako kay Tita na pumuntang La Carlota. Mabuti naman at pumayag siya pero iyon nga
lang, pinagalitan pa muna ako.

"Hindi ba sabi ko sa'yo bawal nga ang mga hayop na 'yan sa mansiyon?!"

"Hindi ko naman po dadalhin sa atin, Tita. Bibilhan ko lang ng pagkain..."

La Carlota's pet shop doesn't sell everything. Mas marami silang para sa aso roon
kaya hindi ako makahanap ng ibang kailangan ko. Mga cat food lang at cat treats ang
naroon, lalagyan ng pagkain at tubig. Walang pang potty train at iba pa.

I also have the kitten checked sa vet. Alam kong maaaring nagawa na iyon ni Alvaro
pero ayaw kong gumastos pa siya para rito. Akin naman talaga ang pusa na ito at ako
dapat ang gumagastos.

I went to a cafe to eat lunch at nagtagal kami roon. Pauwi ng Altagracia, naiisip
kong maganda sanang magtayo rin ng pet shop doon. Hindi na kailangang pumunta sa La
Carlota para sa mga bagay na ito. Or maybe an animal hospital? And it could also
double as animal shelter for the abandoned animals?

Namulaklak ang mga iniisip ko habang nilalaro si Kuring sa loob ng sasakyan. I


wonder if I can do that? It would also be nice if I become a vet but I know I am
bound to be the leader of our sugarmill. Kaya puwedeng kapag may sariling pera na
ako, maghire na lang ng vet at tumulong sa mga hayop sa paraang alam ko.

Maaga ako sa parke. Tumae at umihi na si Kuring at panay naman ang sunod ko habang
nililinisan ang mga dumi niya. It's easier now that I have these things. Naka isang
ecobag iyon kasama ang treats at ipapadala ko kay Alvaro kapag nariyan na siya.

It was exactly four thirty five when he came. Naglalaro pa kami ng kuting sa parke
nang natanaw ko ang pag park ng motor niya at ang pagtanggal ng helmet.

Mabilis kong kinuha ang kuting para lumapit na sa kanya. Lumabas ako sa parke
habang inaayos niya pa ang motor at helmet. He's now wearing a maong jacket over
his gray t-shirt. Naka uniporme siya kanina nang nagkita kami sa umaga. Ngayon, iba
na ang damit niya.

"Hi..." he greeted when he noticed I'm nearing.

I only smiled. Hindi alam kung paano pa siya babatiin. I would faint if I say Hi
back. Dumiretso na lang ako sa nakaparking naming SUV at binuksan na ang pintuan.
Bahagyang nagulat ang driver dahil sa biglaan kong pagbukas.

"Sorry, Manong," sabi ko at kinuha ang ecobag bago sinarado muli ang pintuan.

Pagbaling ko kay Alvaro, nasa likod ko na siya, nanonood sa ginawa ko. Sumunod ang
mga mata niya sa ecobag.

"Ah, namili ko para kay Kuring."

His head tilted. Sinundan niya ang basahin sa ecobag bago nag-angat ng tingin sa
akin. "Nagpunta ka ng La Carlota?"

"Oo. Gusto ko kasing mamili. Sa convenient store kasi kaunti lang ang products.
Tsaka doon din may private vet."

He nodded. "Okay. Iniisip kong masyado pa siyang maliit para ipa-vet."

He nodded. "Okay. Iniisip kong masyado pa siyang maliit para ipa-vet."

"Ayos lang. Uh, masyado pa nga siyang maliit. Magsabi ka na lang kay Aria kung may
problema at ako na ang bahala sa vet."

He chuckled. "I want to raise him in the wild, Yohan. Iyong hindi gaanong maarte at
malusog ang katawan."

Kinagat ko ang labi ko. I know what he meant by that. "Ako rin naman. Pero... baka
lang kailanganin."

He nodded and smiled. Naglahad siya ng kamay sa akin para sa kuting kaya ibinigay
ko naman kaagad. Tinatanaw niya ang kuting habang nagsasalita. "Buti pinayagan ka.
Malayo ang La Carlota, ah."

"In-explain ko naman kay Tita ang sadya ko. Pinagalitan ako ng kaunti pero pumayag
din naman."

He nodded. "Kung makabisita ako sa La Carlota, mamimili na rin ako para sa kanya."

"Uh... ako na ang magbabayad!" agap ko dahil iniisip ang gastos.

"Nagtatrabaho naman ako kaya may pera ako, Yohan."

"Pero puwede mo sanang ipang gastos... uh... sa ibang bagay 'yon."

"It's okay."

Nagkatinginan kami saglit. Ibinagsak ko ang mga mata ko sa kuting, hindi matagalan
ang titig niya.
"Magsasabi ulit ako kung kailan. Nag yayaya si Aria sa inyo pero hindi ko pa
mapaunlakan dahil sa trabaho. Pero baka sa susunod, bibisita ako at dadalhin ko si
Kuring."

I nodded. "Okay. I'll... just wait."

I smiled. I know that he's saying good bye but he remained there, petting the
kitten. Lukot na ang handle ng ecobag sa mariin kong hawak.

"Alvaro?!" A girl called behind him.

I tried to see who it was but when Alvaro turned, he blocked my vision.

"Pauwi ka na ba?"

"Oo. Bakit?"

"Paangkas naman o. I drop mo lang ako sa amin. Madadaanan mo naman, e!" the girl
said.

Alvaro turned to me first. I smiled to him and tried to crane my neck to see who it
was. It was his classmate, I think. Sa ilang beses kong tingin sa kanila, halos
memorize ko na ang mga close friends at classmates niya.

"Wala akong helmet na extra."

"Ayos lang 'yan. Malapit lang amin, e."

He sighed. "O sige," sabay lapit niya rito. "Tamang tama may taga hawak sa kuting
ko."

Ibinigay niya sa babae ang kuting. Tinanggap naman ng babae na medyo may pag-
aalinlangan. Binalikan ako ni Alvaro at agad nilahad ang eco bag. He smiled.

"Uuwi na ako. Madadaanan ko ang kanila. Umuwi ka na rin. Ingat ka."

I nodded fast. Umalis din siya at dumiretso sa motor niya.

"Alvaro! Paano ako yayakap kung may hawak na kuting?!"

Alvaro laughed. Sumampa na siya sa kanyang motor.

"Huwag ka nang kumapit. Hindi ko bibilisan. Mabagal lang para hindi mo na


kailangang kumapit."

"Huh?" ang babae sabay lapit na sa motor at nakatingin pa rin sa kuting.

I swallowed hard as I looked at them. Sumampa na rin ang babae sa likod ng motor ni
Alvaro. Alvaro turned a bit to check the kitten.

"Ayusin mo 'yan. Kapag nalaglag 'yan, lagot ka sa akin," may pang-asar sa tono
niya.

"Alvaro!" ang babae sabay hawak ng mahigpit kay Kuring.

The engine of his motorcycle roared. He turned to me smiling. Then he winked.


Napasinghap ako.

"Ayusin mo," paalala niya muli sa angkas bago umandar ang motor at mabagal na
umalis.

🌺🌺🌺
Kabanata 5
Secret

I couldn't stop thinking about our meeting. Kahit pa isang linggo na ang lumipas
mula noon, paulit-ulit pa rin sa utak ko. It became my past time.

Nakahiga ako sa duyan malapit sa pool habang iniisip iyon. I stopped reading
because it crossed my mind. Matagal tuloy bago ko napansin ang biglaang ingay sa
tanggapan.

"Huh? May bisita si Aria?"

It was too late, though. Yes, she had visitors. Usually she tells me beforehand.
Ayaw kong makihalubilo sa mga bisita niya dahil aasarin lang ako, at ayaw din naman
niya akong makihalo sa mga kaibigan niya.

Kaya nakapagtataka na hindi niya ako sinabihan sa araw na iyon. Nataranta ako
bahagya. I always look ten times more awful when at home. I don't comb my hair or
even powder my face. Worse, I'm wearing an ugly ruffled dress!

Hindi ko pa agad maisuot fluffy Marie cat slippers ko dahil sa pagmamadali!


Natatakot ako na kapag naabutan ng mga kaibigan ni Aria, pagtatawanan lang ako!

"Yohan?" si Aria.

Papasok na ako sa bahay at didiretso na sana sa hagdanan nang nasalubong ko si


Aria. Behind her is Alvaro! Hawak niya si kuting at dala niya ang ecobag!

Hindi ako magkanda ugaga sa uunahin ko. Natigil ako at may kaunting tawanan sa
likod nila, mga kaibigan ni Aria at Alvaro. My eyes flew to them even when Alvaro
and Kuring is more important.

Bakit hindi sinabi ni Aria 'to? Nakaramdam ako bigla ng hiya sa itsura ko! At
pakiramdam ko ang tawanan galing sa mga kaibigan nila ay para sa akin.

"Si Yohan pala may-ari niyang kuting?" Daniel, Alvaro's friend asked.

Hindi sumagot si Alvaro. Lumapit lang siya sa akin para iabot ang kuting. Tinanggap
ko naman iyon, kinakabahan.

"Hindi kasi puwede rito sa amin. Ayaw ni Mommy," si Aria ang sumagot.

"Eto ba 'yong inaalagaan ni Josefa sa lababo sa gilid ng gym?"

Sinipat ko ang isa sa mga kaibigan ni Alvaro na parang ginagawang katatawanan ang
pangalan ko. Madalas niya akong tawaging ganoon. I have no problem with my name but
whenever he calls me that, with a hint of insult, I suddenly hated it.

"Mabubuhay naman yata ang mga pusa kahit pabayaan," one of their girl classmate
said.

She looked pretty with her short curly hair and freckles. Maiksi ang shorts at naka
spaghetti lang. Kita ang strap ng kanyang bikini sa dibdib. Siniko niya si Alvaro
at nginitian.
"Ang bait!"

Alvaro only shrugged.

Juan chuckled. "Kung sa bagay, kawawa nga naman ang ganito ka liit na kuting kung
hahayaan sa school. Ang liit pa..."

"Mahilig ka ba sa pusa, Juan?" the curly haired girl turned to him.

"May alaga ang kapatid ko niyan sa bahay. Ayos lang naman, nalilibang ako minsan.
Ayos lang sa inyo, Alvaro?"

"Wala namang problema."

Nagtagal ang tingin ko saglit kay Juan, ang tumatawag sa akin ng Josefa. I dislike
him from always teasing me about my name but... I'm kind of glad that he likes
cats.

"Nilalaro ko. Marami pa nga kaming extrang laruan sa bahay. Kaunti na lang pusa
namin ngayon, naglayas ang iba. Gusto mo ba ng laruan para sa kuting, Josefa?"

Umiling ako, hindi pa rin nagtitiwala.

"Bumili na siya noong nakaraan kaya meron na namang laruan."

"Sus! Tama na nga 'yan! Tara na sa pool! Yohan, doon ka na sa likod at laruin mo
'yang pusa!"

I nodded fast because that's what I want to do now, to disappear in front of them.
And just be alone with my kitten.

Nagmadali ako sa pag-alis dala ang kuting at ang echobag.

Laman ng echobag ang catfood, isang laruan, malinis na lalagyanan ng pagkain at


tubig. Idiniretso ko sa hardin namin. Nasa kabilang side iyon ng mansiyon at mukha
namang sa pool sila.

Dumaan ako sa lanai at bumaba patungo sa bermuda. Natatabunan na ng anino ng bahay


ang sikat ng araw kaya hindi na mainit kahit labas na iyon.

Nilapag ko ang kuting at inayos ang mga gamit niya. My lips protruded when I saw
the ecobag.

"May extra bag ako sa taas, gawin ko kayang lalagyan para sa mga gamit mo? But it
shouldn't be girly, right? Si Alvaro ang madalas na magdadala lalo na kung bibisita
ka rito."

Naalala ko tuloy ang nangyari. Hindi ko inasahan ito! Hindi man lang ako nakapag-
ayos. Nakakainis si Aria, hindi man lang ako sinabihan. Not that I'd look pretty if
she reminded me but at least I'd prepare, right?

I sighed and looked at the kitten. Unti-unti niya pang kinikilala ang lugar.

"Dito ka sana nakatira kung papayag si Tita, Kuring..."

I tilted my head while I watched her getting acquainted with the grass.

Masaya na ako na matanaw siyang naglalaro. Nilalapitan ang mga halaman at kuryoso
sa lahat. Kapag biglaang tumatakbo dahil nakakakita ng tutubi, hinahabol ko.
Iniisip kong kukunin pero naaawa ako kaya hinahayaan ko nalang na tumakbo takbo.
Basta huwag lang malayo ng husto.

Matagal bago ko naisip ang damit ko. Maybe I should change into something more
decent like shorts and a t-shirt. Nakakahiya na ito pa ang naabutan nilang suot ko.

Kinuha ko ang kuting at unti-unti nang pumasok sa mansiyon. Natatanaw ko ang


direktang pintuan patungong pool. Maingay sila roon, nagtatawanan. May mga pagkain
na sa lamesa. Wala si Tita at Tito pero nakapaghanda pala si Aria.

Nakaupo si Alvaro sa upuan, basa na ang buhok at walang t-shirt. Nakatalikod siya
sa loob kaya hindi niya kitang nakatingin ako. The curly haired girl, I couldn't
remember her name but I remember she's a transferee last yr. Nakahawak ang kamay sa
braso ni Alvaro.

His girlfriend?

Tahimik akong umakyat at dumiretso na sa kuwarto. Nagbihis na ako ng shorts at


isang lumang white t-shirt na malaki.

Hinayaan ko ang kuting na matuwa sa carpet ng kuwarto ko. Kinagat kagat niya ang
himulmol at humalakhak lang ako habang nagbibihis.

After that, I remained in my room to play with the kitten. Alvaro and the girl's
hold crossed my mind. I thought it's Aria and Alvaro? Hmm. So it's the transferee.

I kind of like him, alright. Pero wala naman yata akong pag-asa. Bukod sa pangit
ako, bata pa. Pero kahit maging magkasing edad kami, mukhang malabo pa rin. I was
just curious with his girls. It seems like he always gets the prettiest girls of
their batch. Or even the other batches.

Oo nga pala, akala ko ba gusto niya si Chantal? Kung sa bagay, maraming nakaaligid
na lalaki kay Chantal. I heard Levi del Real fancies her, too. If I were Chantal,
with all the boys I have, I'd choose Alvaro. Levi is years older and Alvaro is just
a year older than her. It's a perfect age gap.

Kakaisip ko, muntik ko nang makalimutan na hindi nga pala ako si Chantal Castanier.

Soren is good looking too but he's a bit of a bad boy. Eh, bakit? Si Alvaro nga,
playboy. Magtatagal naman kaya si Chantal at Alvaro?

Bakit ko ba pinoproblema 'to? Wala naman akong makukuha. But it was pleasurable to
think that I'm pretty and be courted by someone like Alvaro!

Hinayaan ko ang noo kong sumandal na sa carpet habang binabantayan ang kuting. I
teased him with the toy. Naalala ko tuloy ang ecobag kaya bumangon ako at pumunta
na sa closet.

Naghanap ako ng bag doon na puwedeng panlalaki. I have a black crossbody bag here
that's simple and unisex. Kasya rin doon ang mga baon ng kuting kaya puwede na 'to.
Ipinasok ko na lang din doon ang ecobag.

Lumabas ako ng kuwarto kalaunan pero nang natanaw ko sa barandilya na nasa loob ang
mga bisita ni Aria at kumakain ng merienda, bumalik muli ako sa kuwarto.

Doon ko na pinakain ang kuting. Doon kami mas nagtagal kahit na gusto ko sanang
lumabas na kami. We also went to the veranda but because I was scared she'll run
and fall, nagpasya na ako na bumaba na.
Tamang-tama at wala na sila kaya bumaba na ako. Naririnig ko nasa pool na naman
sila nagkakatuwaan.

Dahan-dahan akong bumaba. At kalaunan, lumabas na nang hindi naririnig o


napapansin.

Kauupo ko lang sa gutter at ibababa ko pa lang si Kuring nang napatalon ako dahil
may nagsalita.

It was Alvaro! Napahawak ako sa dibdib ko sa kaba. I didn't expect him to be here.
Nakat-shirt at shorts na siya. Basa pa ang buhok at hindi na yata nagswimming.

"Sorry, did I scare you?" aniya nang natanaw ang reaksiyon ko.

I sighed. "Uh, nagulat lang ako."

He smiled and nodded.

Nakita ko ang paglapit niya, ang dalawang kamay ay nasa bulsa ng shorts. Hinayaan
ko na ang kuting sa paglalaro.

"May extra na bag nga pala ako rito para sa gamit ng kuting kung... dadalhin mo.
Para hindi na ang ecobag."

Nagkatinginan kami. He smiled again.

"Dinala ko siya noong nakaraan s vet."

Namilog ang mga mata ko.

"Magkano ba... ang nagastos mo?"

Kumunot ang noo niya at nagtaas na rin ang isang kilay. "Bakit?"

"Babayaran ko. May pera ako para diyan..."

Nanatiling kunot ang noo niya bago siya umiling. "May pera din ako, Yohan."

"Pero kasi... ako dapat gagastos?"

"Gumastos ka na noong nakaraan. Dapat nga binayaran pa kita roon. Marami kang
binili na pagkain niya. Aabutin pa yata iyon ng ilang buwan. Hayaan mo akong
gumastos din para kay Kuring."

Ngumuso ako at unti-unting tumango.

"Kailan kaya mauubos ang pagkain niya? At... uh... buwan? Kaunti lang 'yon."

"Balak kong pakainin siya ng regular na pagkain minsan para hindi siya maumay sa
catfood. Kaya magtatagal iyon. Isa pa, huwag ka nang gumastos. Nagtatrabaho naman
ako at may pera ako."

"H-Hindi mo ba gagamitin ang pera mo para sa... next schoool year?"

He chuckled. "Gagamitin pero mas mauuna ang kailangan ni Kuring. Wala naman akong
ibang pagkakagastusan bukod sa motor ko."

I cleared my throat a bit. Well, maybe some flowers for your girlfriend? I don't
know.
Nagtagal ang tingin niya dahil wala na akong masabi. Kinabahan ako bigla dahil wala
na nga akong masabi.

"Nagulat ka kanina pagdating namin, hindi nasabi ni Aria sa'yo?"

"Ah. Hindi. Oo. Hindi ko alam. Baka nakalimutan niya."

"Yup. You look flustered when you saw us," he chuckled.

Uminit ang pisngi ko.

"N-Nagulat lang..." I chuckled nervously.

He nodded and another long pause between us two. Kinakabahan na ako lalo.

"Pinakain mo naman si Kuring?" he asked with a playful grin on his lips.

"Oo. Napakain ko na."

"Talaga? Tumae at umihi na rin?"

"Oo din."

"Saan kayo galing? Sa taas?"

"Oo... uh, sa veranda. Kaso baka mahulog siya kaya bumaba na kami rito."

He smiled. "Kapag nagtatrabaho ako, sa bahay lang siya. Si Mama ang nagbabantay."

"Paglaki niya mukhang mahihirapan nang bantayan. Baka aalis alis na..."

"Huwag mo sabihin sa aking nagpaplano kang bilhan siya ng kulungan?"

My lips parted. Umiling naman siya.

"Kasi hindi ako papayag, Yohan. Kung gusto niyang gumala, hahayaan ko siya. Babalik
naman din siya."

"Hindi naman sa ganoon pero may mga pusa kasi na matagal babalik, e. Kaya..." Hindi
ako makatingin sa kanya. Tuwing sinusubok ko, nakaabang ang nanliliit niyang mga
mata.

He really is against it. I also don't want the kitten to be caged but I'm just
worried.

"Babalik din 'yan, hahanap lang 'to ng girlfriend."

Bahagya akong sumimangot. Medyo nahihiyang simangutan si Alvaro. He chuckled so I


had no choice but to look at him with my frown.

"Don't tell me you also don't allow that?"

"Well, how about we have him neutered?"

Hindi nagbago ang simangot niya. Samantalang ako naman medyo kumalma na.

"Ayaw mo bang magkaanak siya?"


"Hindi ko alam. Gusto naman pero parang mas okay 'yon?"

"Inaalala mo ba ang mag-aalaga sa mga anak niya? Dadalhin ko samin."

"Paano kung hindi mo alam kung saan ang mga kuting niya?!" medyo na carried away
ako.

Namilog ang mga mata niya at unti-unting humalakhak. Uminit ang pisngi ko.

"Okay, let's calm down. Bata pa naman siya at pag-uusapan na lang natin 'yan sa
susunod."

Nagpanic ako bahagya nang narinig si Aria.

"Alvaro?"

Kinuha ko ang kuting para abalahin ang sarili. When I turned to look at them, I saw
Aria's hand snaking on Alvaro's arm. Nagulat si Alvaro at bumaling kay Aria. He
slightly moved his arm so she wouldn't hold it.

Binagsak ko ang tingin sa kuting na nasa harap at naisip na masyado talagang


friendly si Aria. Baka magalit ang girlfriend ni Alvaro dahil sa hawak na iyon!

Nakatingin na si Alvaro kay Aria. Aria was smirking at him.

"Nandoon na ang hinihingi nina Daniel. Balik na tayo, tara?"

Nilingon ako ni Alvaro.

"Balik na ako doon, Yohan. Kukunin ko na lang dito ang kuting mamaya bago kami
umuwi."

I nodded. Sinundan ko siya ng tingin at nakita ang pag-alis niya. Sumunod naman si
Aria pero bumaling siya sa akin at nilagay niya ang index finger sa gitna ng lips.

"Secret lang..." she whispered and chuckled before she stalked Alvaro.

Kumunot ang noo ko, medyo hindi naiintindihan. What does she mean? Aagawin niya si
Alvaro sa girlfriend niya?

Aria is pretty but she's nasty. Sana hindi naman niya gawin iyon. Sayang naman kung
maganda siya pero masama ang ugali.

Naririnig ko na ang tawanan ng mga kaklase ni Aria. Lalabas na sana ako para iabot
na kay Alvaro ang kuting. Nakahanda na rin naman ako kasi nakapagpalit na ng gamit.
Kinakabahan ako at baka pagtawanan na naman pero bago pa nakapagdesisyon, lumabas
na si Alvaro.

I immediately held out the kitten for him. Nasa balikat ko na ang bag.

"Aalis na kayo?"

"Oo," sabay tanggap niya sa kuting.

Inilahad ko na rin ang bag.

"Pasensiya na, ihahatid ko sana sa'yo-"

"Okay lang. Huwag ka na lumabas doon."


Napakurapkurap ako bago tumango.

"Alis na kami. Baka... bago mag enrolment ulit, bumalik kami dito."

"Kung gusto mo... ako na pumunta sa inyo-"

"Hindi na, Yohan."

Idudugtong ko sana na na-miss ko si Tita at ang luto niya dating mga merienda.
Hindi kasi masyadong nagluluto ng ganoon dito sa mansiyon pero pinutol niya na ako.

"Ako na lang ang bibisita."

"Okay."

Tinawag na siya kaya isang lingon ay umalis na rin siya agad. Hindi na nga ako
lumabas pero tiningnan ko sila sa tabi ng dingding. Pinanood ko ang pag-alis nila
at nakita kong naka dress na ang girlfriend ni Alvaro.

Hawak ng girlfriend niya ang braso ni Alvaro kung nasaan ang kuting. At kalaunan,
nakaalis na rin sila.

🌺🌺🌺
KABANATA 6
SWIMMING

Inaamin ko, laman ng isipan ko si Alvaro sa mga sumunod na araw dahil sa pagbisita
niya. Kahit pa umalis kami papuntang Bacolod at ilang araw kami roon, hindi
matanggal ang isipan ko kay Alvaro.

Minsan nga, sa dami kong napapanood na magandang palabas, nag i-imagine ako ng mga
senaryo na kaming dalawa nI Alvaro. I smile and giggle everytime I think about it
but in the end, I know it's wrong. I might fall for him for the imaginary man that
he is on my mind.

What if he's not that kind of person, right? I am making up his identity on my
head. At isa pa, masasaktan lang ako dahil alam ko namang hindi niya ako
magugustuhan.

Umalis sina Tita at Tito kaya kami lang ang nasa bahay ngayon nina Aria. Kauuwi
lang namin galing Boracay. Hindi na sana ako sasama sa kanila pero hindi papayag si
Tita na magpaiwan ako sa Altagracia.

Uuwi na kami bukas sa Altagracia. Sure, it's nice to travel. I've been traveling
abroad since I was a kid but I still want to go home in Altagracia. It's my comfort
zone.

Naparami ang buhos ko ng cereals sa bowl pero pinulot ko na lang ang natapon at
kinain. Natigilan ako nang napansin ang mga sinasabi ni Aria sa katawagan.

"Oh. Alright. Akala ko lang kasi na... kung walang pasok sa mga Alcazar, puwede ka
na."

Napansin ni Aria ang tingin ko. Nagtaas siya ng dalawang kilay at ngumisi. Naglagay
ako ng gatas sa bowl habang nakikinig.

"So pinapapunta pa rin pala kayo ng mga Alcazar sa kanila para mag celebrate,
Alvaro?"

Napatingin ulit ako kay Aria. Tinapos ko na ang paglalagay ng gatas sa bowl ko. At
tinitigan ang cereal.

"Uuwi na kasi kami bukas at narinig ko mag o-open 'yong isang cafe sa bayan.
Magpapasama sana ako kaya... sayang." Aria giggled.

Kumunot saglit ang noo ko.

Aria is my cousin. Hindi ko dapat siya pinag-iisipan ng masama pero alam ko na ang
madalas niyang gawin. Umaamin sa crush niya at nagiging sila kalaunan pero agad
siyang nagpapalit din ng boyfriend.

Hindi naman ako nakekealam sa kanya noon, ngayon lang ako medyo hindi komportable.
Hindi dahil si Alvaro iyon, kundi dahil may girlfriend ang lalaking sinusubukan
niya. Ayos lang sana kung wala.

"Okay, Alvaro. Next time na lang kung ganoon?"

Tumawa si Aria.

"Ah, oo! Punta kayo, ah! Oo... uuwi na rin si Yohan bukas, kasama ko. Dalhin mo ang
kuting para may mapaglilibangan naman siya."

Kalaunan binaba na ni Aria ang cellphone niya. Sumulyap ako sa kanya, hinihintay
kong lumambot ng kaunti ang cereals sa harap ko. Ngumisi siya at nagsimula na sa
pagkain.

"Si Alvaro?" I asked.

"Yeah. Niyaya kong mag date sa bagong cafe kasi alam kong wala silang pasok bukas.
Kaso itong mga Alcazar talaga, ang hilig sa pagtitipon ng mga trabahante. Bigyan na
lang ng pera agad, mas matutuwa pa ang mga iyon."

"Date? Bakit kayo mag di-date?"

Kinain ni Aria ang isang bahagi ng sandwich at habang nginunguya ay ngumingisi siya
at umiiling.

"Yohan, sobrang bata mo pa talaga mag-isip no?"

Sumimangot ako. I like her bold attitude but she really is nasty.

"E 'di s'yempre, ilang buwan na sila ng girlfriend niya. Magpapalit na 'yon.
Malapit na. We can hook up!"

Nanatili ang simangot ko.

"My... don't tell me nagseselos ka. I get that you've got a crush on him but...
girl, you're too young to have him. Hanap ka na lang ng classmate mo at gawin mong
boyfriend. Iyong pinaka pangit para matchy matchy!"

"Hindi ako nagseselos. Tingin ko mali lang kasi may girlfriend pa 'yong tao."

"As I've said, malapit na nga silang maghiwalay no'n. Mabilis magsawa 'tong si
Alvaro, e-"

"Kahit na. Hindi pa sila hiwalay? Hindi ba puwedeng 'tsaka mo na siya yayain kapag
hiwalay na?"

"Ugh! Maghihintay pa ba ako noon? Baka maunahan ako?"

Patuloy pa rin ang simangot ko habang tinitingnan si Aria.

"Akala ko ba si Levi ang gusto mo?"

Umirap siya. "Hay naku, ayaw ko na do'n! Snob."

"Hindi naman, ah. Binasted ka?"

"Hindi nakikipag-usap masyado. Kaya tumigil na ako roon."

I hate her ways but sometimes I think about it. It's because she's pretty that's
why she's confident. At alam ko na sa likod ng iritasyon ko sa pinsan, may parte sa
aking naiinggit na kaya niyang sabihin ang nararamdaman niya.

I wonder if I could also do the same... if I were pretty. I'd have so much fun
thinking about it sometimes. At ang lagi kong naiisip ay ang pila ng magiging
manliligaw ko at na gaya niya, siguro magkakaroon din ako ng mga boyfriend. But
unlike her, I won't tempt someone who already has a girlfriend, even if it's
Alvaro.

"Sa Sabado pupunta ang mga kaibigan ko sa bahay. Kasama si Alvaro at isasama ang
kuting mo."

"Okay," sabi ko. "Thanks."

Nagpatuloy ako sa pag kain. Tahimik at malalim na ang iniisip. Aria giggled after a
while.

"Kung maging kami, sana huwag kang magalit. Wala ka namang pag-asa doon. Bata ka pa
at mahilig 'yon sa magaganda."

I sighed. Matagal bago ako nakapag-isip ng isasagot.

"Paano kung... ayaw niya sa'yo?"

Muntik nang maibuga ni Aria ang iniinom niya, para bang masyadong nakakatawa ang
tanong ko. She laughed hard. Matagal bago siya nakarecover sa tanong ko.

"Imposible. Ako ang type no'n pero sige... kung ayaw niya, e 'di okay. I'll try
Soren, then."

"Hindi ba may girlfriend na rin iyon?" Which I'm not sure if it's Chantal or
Sancha.

"Sino naman? Si Chantal? Hindi no."

"Si Sancha Alcazar."

"Hindi rin. Ayaw no'n kay Sancha kasi mahinhin." She sighed. "You know, Yohan. Boys
don't like shy and silent girls. They want bold and slightly liberated girls. Kaya
ikaw, since medyo tagilid ka physically, you should improve on your social skills."

Napaisip ako.

Paano ko naman gagawin iyon? All my life, pinagtatawanan ako ng lahat. I can't even
walk on the campus confidently. Kapag may nagtatawanan feeling ko ako ang
pinagtatawanan.

Umuwi na kami. Umalis si Aria sa sunod na araw samantalang naghanda naman ako para
sa pagpunta ni Alvaro kinabukasan.

Nakabili ako ng litter box. Matagal na simula noong bumisita si Alvaro sa bahay at
kahit sinabi niya na marami ang naibigay kong catfood, bumili pa rin ako ng iba.
May treats din bukod sa litter box.

Nakakita pa nga ako ng magandang cat furniture and scratching post, e. Gusto ko
sanang bilhin iyon at ibigay kay Alvaro kaso masyado nang nakakahiya at
nakakaabala. Malaki naman ang bahay nila pero nakakahiyang makiusap na ilagay iyon
doon. Parang hindi tama. Kaya sa ngayon, litter box lang muna.

Suot ang shorts at isang oversized black t-shirt, nagpulbo ako ng mukha at nag-ayos
din ng buhok. Sa Bacolod, nagpatingin ako sa mata kaya may bagong glasses ako.
Nainggit ako sa contact lens pero hindi ako bumili. Nahihiya akong magsabi sa
doktor.

Nakaupo ako sa tapat ng hardin, doon na lang hinintay ang mga kaibigan ni Aria sa
tamang oras. At hindi nga kalaunan, narinig ko na ang ingay ng iilan. Pumasok na
sila. I stiffened when I heard a familiar voice.

"Si Yohan?!" si Soren!

"Ewan ko. Nasa taas yata pero bababa 'yon kasi dala ni Alvaro ang kuting niya."

Why is Soren here?! I hate him.

"Iyong kuting ba sa school?" I heard Chantal.

"Ewan ko doon sa batang 'yon," sagot ni Aria.

Tumawa si Soren. "Tumaba na ba siya ngayong bakasyon? Hay naku ang giraffe na
'yon!"

"Soren, si Alvaro," I heard Chantal.

Napatayo ako at medyo kinabahan. I heard Aria greeting Alvaro. She also greeted
Alvaro's girlfriend! Naroon na rin ang madalas nilang makasama na kaibigan at
nadagdag ang iilang kasama sa basketball, kabilang sina Julius, at Kervin.

Ang dami nila ngayon!

Naduduwag tuloy akong lumabas lalo na't hanap agad nina Julius ang "Kalansay" na
may ari ng mansion!

"Tumigil nga kayo, nanlalait pa na nandito tayo sa kanila," I heard Juan.

"Eh, bakit? Ikaw ba hindi nanlalait?" si Soren.

"Tss. Tumigil nga kayo, pare pareho lang naman kayo," I heard Alvaro.

Hindi na tuloy ako nakapagpigil. Sumilip na ako sa kanila. I saw Alvaro trying to
pet Kuring. Ang mga kaibigan niya medyo nagtatalo. Napaangat si Alvaro ng tingin sa
akin.

Namilog ang mga mata ko nang nagkatitigan kami at agad na binawi ang titig. Hinding
hindi ako lalabas dito para harapin sila! Dito lang ako!

"Sige, mauna na kayo. Ilalapag ko lang itong kuting," si Alvaro.

"Ipapatawag ko lang si Yohan sa kasambahay. Sige, mauna na kayo doon. May merienda
na."

Dahil doon, unti-unti na silang nagsialisan. Narinig ko naman ang pagpapaalam ni


Aria kay Alvaro para pumunta sa mga kasambahay.

Kabado pa ako habang nakasandal sa dingding sa labas. Kahit na alam kong nakita na
naman ako ni Alvaro, nagulat pa rin ako nang biglaan siyang lumabas!

He smiled. Napahigpit ang hawak ko sa isa na namang ecobag na may lamang litter box
at kaunting catfood.

"Hi!"

"H-Hi..." sambit ko.

Lumapit siya at ibinigay na sa akin si Kuring. Tinanggap ko naman ito.

"Magsi-swimming kayo?" I said, struggling to find a topic. It's awkward.

"Sila lang. Sumama lang ako." He titled his head. "Hindi ba nag Boracay kayo?
Naligo ka ba roon?"

"Uh. O-Oo." Sabay tango pa.

He smirked. "Hindi ka man lang umitim, ah. Kung ako ang magsi-swimming ng kahit
isang araw lang, sobrang itim ko na pagkatapos."

I smiled awkwardly. I didn't know what else to say after that. Buti na lang naalala
ko ang echobag.

"Uh, nakapamili rin ako sa Bacolod at Iloilo. May litter box dito aat kaunting
catfood."

He frowned but there's a ghost of a smile on his lips. Para bang nanunuya siyang
galit pero ang totoo, nagpapatawa lang.

"Hindi ba napag-usapan na natin 'to?"

"Matagal na naman iyong huli nating pag-uusap kaya iniisip ko na ubos na ang
catfood?"

"Hindi pa ubos. Marami pa. At namili rin ako, Yohan. Kaya huwag ka nang gumastos
pa."

Kinagat ko ang labi ko at naisip ang litter box. "May litter box dito!"

"Okay."

Nagkatinginan kami.

"Wala na?"

Umiling ako. "Wala na."


"Baka may gusto ka pang bilhin, sige sabihin mo..."

Hindi ko alam kung bakit niya sinabi iyon. Is that a joke or sarcasm? Hamon ba
iyon? Hindi ko alam. I decided to be honest instead.

"May nagustuhan akong cat furniture. Bibilhin ko sana kaso..." I chuckled


nervously. "Nakakahiya naman. Baka kalat lang iyon sa bahay n'yo at-"

"Ano 'yan? Aakyatan ba ni Kuring? Ganoon?"

"Oo. Iyong parang... bahay bahayan or tree house... uh... may ganoon kasi doon sa
pinuntahan kong pet shop sa Iloilo."

His eyes narrowed, parang hindi alam kung ano ang ibig kong sabihin. Sana pala
binili ko na lang iyon. Nahihirapan akong mag describe!

"Kapag nasa tamang edad na si Kuring, aakyat din 'to sa bubong ng kabahayan at
kahit sa puno, Yohan. Bakit kailangan pa ng aakyatang gamit? Gagastos ka lang."

Uminit ang pisngi ko. Nakakahiya naman. He must think I'm such a brat for liking
expensive and nonsense things for my cat. Siya ang nag-aalaga at nasa kanilang
bahay ito kaya bakit ako bibili ng furniture na ilalagay niya sa bahay nila?

"Huwag ka nang gumastos pa ulit. Kinabahan ako na bumili ka ng kama. Bumili ako
noong nakaraan sa pet shop sa La Carlota. May bagong dating doon noong nagpa vet
ulit kami."

My mouth dropped open! Bumili siya ng kama at nagpa vet na naman!

Gusto kong bayaran lahat ng gastos niya pero baka magalit na naman siya!

"Sa susunod baka madoble na ang mga kailangan ng kuting dahil bumibili ka pa kahit
namimili rin naman ako."

"Okay. Sorry. Hindi na ako bibili."

He smiled.

I petted the kitten. Medyo lumaki na iyon at mapaglaro na.

"Magkano ba ang cat furniture na sinasabi mo?"

My eyes widened. Mamaya bilhin niya iyon?!

"Uh. Nakalimutan ko." Kahit naalala at may kamahalan nga iyon. "Hindi niya naman
kailangan noon. Tama ka, puwedeng sa kahoy na lang siya umakyat akyat."

He chuckled. "Titingin din ako ng ganoon para mapanatag ka."

"Hindi naman kailangan, Alvaro."

His lips twisted, covering his smile. "Bakit? Mahal ba 'yon, Yohan?"

"Uh... h-hindi! Hindi ko alam! Nakalimutan ko na!"

Lalong naningkit ang kanyang mga mata. Parang ipinapakita niya sa akin ang
pagdududa niya sa sagot ko.

At dahil guilty'ng guilty ako, nang tumitig siya hindi ako makatingin ng diretso.
Umiinit pa ang pisngi ko.

"I think you remember the price. How much?"

"Hindi nga... Hindi ko maalala, Alvaro."

"Hindi ako mayaman pero kaya naman sigurong pag-ipunan."

"Hindi ko nga maalala at... 'yong pera mo... gastahin mo na lang kasi malapit na
ang pasukan!"

"Wala nga akong ibang pagkakagastusan kundi si Kuring lang."

"O... sa college mo na lang. Para may allowance ka. O pang enrol sa ano mang kurso
na kukunin mo sa school."

He laughed. "Next year pa 'yon."

Natahimik kaming dalawa. Binaba ko si Kuring dahil nagkukulit na at gusto nang


makawala.

"Handa ka na bang mag junior high?" he suddenly asked.

Nilingon ko siya at tumango ako. He smiled and nodded too.

Matagal bago kami nag-usap ulit. Pinanood pa namin si Kuring na naglalaro sa


damuhan. May tutubi ulit siyang hinabol.

"Anong kukunin mo kapag nag-college ka na?" tanong ko.

Dahil kasi sa napag-usapan, hindi ko na napigilang isipin ang kukuhanin niyang


kurso. It's his last year as senior high this year. Nagsimula na ang enrolment sa
school.

The school offers many courses but I don't know what he'll get. Naisip ko na siguro
engineering. I can imagine him that. Or maybe Nursing? How about teaching? Or
somewhere in Arts?

He sighed and then looked at me. Napatingin din ako sa kanya.

"Susubukan kong pumasok sa PMA. Gaya ni Kuya."

My lips parted when I realized what he said. He smiled when he noticed my reaction.

"Hindi pa naman sigurado. Baka hindi ako matanggap. Pero sa ngayon, iyon ang plano
ko."

I nodded. "That's... great!"

"Alvaro?!" tawag ni Aria galing sa loob.

Agad ding lumabas si Aria at nahanap kami. Sabay kaming bumaling ni Alvaro sa
kanya.

"Nandito ka lang pala, Yohan! Hindi ka mahanap ng kasambahay!"

"Uh... pasensiya na. Dito na ako naghintay."

"Tara na, Alvaro!" si Aria at sinubukan ulit na hawakan si Alvaro sa braso.


Alvaro slightly pulled his arm out of Aria's hold. Aria pretendedd that she didn't
notice.

"Hindi ka ba magsi-swimming?"

"Hindi na. Tatambay lang ako at hihintayin ko silang matapos."

"Oh!" Then Aria opened his cover up and let us see her new bikini.

Nanlamig ako ng kaunti. She's not only pretty but she also has a nice body. Kaya
hindi na nakapagtataka kung bakit marami ang naakit sa kanya.

"Sayang! Ready na ako, oh!"

Alvaro chuckled. "Kung gusto mo mauna ka na roon. Susunod na lang ako sa inyo."

"Aw. Magsabay na tayo. Hinahanap ka na nina Soren. Baka pumunta iyong mga rito
dito."

I stiffened. Alvaro looked at me. Kinabahan ako at biglang nilingon si Kuring.

"Uh... Lilipat na lang ako sa likod ng bahay kung ganoon-"

"Hindi na, sige. Sige, tara na, Aria."

Aria smiled widely.

"Huwag ka nang lumipat, Yohan. Hindi sila magpupunta rito. Dito ka na lang," si
Alvaro.

Aria smirked at me. Umalis si Alvaro at saka pa lang sumunod si Aria sa kanya.

🌺🌺🌺
KABANATA 7
DATE

Aaminin ko, kahit sinabi ni Alvaro na aalis sila. May kaunti pa ring takot sa akin
na baka puntahan ako roon nina Soren.

Nasa kabilang side sila ng bahay, kung nasaan ang swimming pool. Malawak ang
tanggapan at ang living room pero hindi pa rin ako matahimik. Everytime I hear them
laughing, I always imagine them coming here and laughing at me.

Kaya hindi ako natahimik sa pakikipaglaro kay Kuring. Hindi ko tuloy natiis na
dalhin siya sa mas malayo. May hardin kaming inaalagaan ng mga hardinero namin.
Noong buhay pa si Dad, doon madalas kapag may salo salo. Matagal na ring walang
salo salo sa amin pero napanatili naman ang ganda ng hardin.

"Kuring!" sabay tawa ko habang tinatakbo ang distansya namin.

Pumasok pa ako sa loob gamit ang backdoor ng kitchen para makainom doon ng tubig.
Binigyan ko rin ng tubig si Kuring. Masaya ang mga kasambahay naming makipaglaro
kay Kuring kaya nagtagal kami roon.

I heard the multiple orders from Aria. Pero kalaunan, ang pagliligpit na ang
inaatupag ng mga kasambahay.
"Aalis na yata sila," sabi noong isang kapapasok lang at may dalang tray ng mga
pinaggamitang baso.

Masyado akong nalibang kaya naisip kong bumalik na sa hardin, at sa gilid ng


mansiyon. Baka hinahanap na ako ni Alvaro ngayong aalis na pala sila!

Dala-dala si Kuring, nagmadali ako pabalik sa kung saan ako iniwan ni Alvaro. I was
right. He was already there, with his eyes wandering around. Medyo hindi rin siya
mapakali at napaahon ng kaunti nang natanaw ako.

Hinihingal pa ako at itinatawa na lang ang kaba at kahihiyan.

"Pasensiya na, natuwa ako sa pagtakbo ni Kuring... at... napunta kami sa likod,"
sabi ko sabay bigay kay Alvaro kay Kuring.

He nodded. "Ayos lang. Mabuti at natuwa ka. Maaga pa naman at puwede pa sana kayong
maglibang kaya lang uuwi na kami."

Hindi pa siya natatapos, umiiling na ako. Kinuha ko ang ecobag at iyong ba na rin
ni Kuring.

"Ayos lang. Baka rin pagod na si Kuring. Umabot kasi kami sa hardin at nilaro rin
siya ng mga kasambahay sa likod."

Tumango siya at ngumiti. Tinanggap niya ang mga dala ko.

"Mag-eenrol ka na ba?"

"Oo. Baka samahan ako ni Manang."

"Hindi si Aria?"

Umiling ako, nakangiti pa rin. "May lakad daw siya, e. At sanay naman ako na si
Manang ang kasama ko."

Tumango siya.

Nagkatinginan kami saglit. I expected him to say good bye but he didn't move or say
anything. Nakatingin lang din siya sa akin, hawak si Kuring.

"Alvaro?" I heard Soren calling.

Namilog ang mga mata ko at gusto ko na sanang tumakbo. Lalo dahil sinegundahan pa
ni Juan.

"Nandito 'yon, e! Hinahanap ang kuting-"

"Sige, Yohan. Alis na ako," aniya.

"Bye!" sabi ko at tinalikuran na siya para sa likod na lang dumaan.

That was our last interaction. Madalas na kasi ang alis ni Aria. Naiintindihan ko
rin naman dahil malapit na ang pasukan, at baka wala nang panahon si Alvaro na
bumisita dahil sa pagtatrabaho at pagtulong sa mga magulang.

I also heard that the Grade twelves are called by the school earlier. Hindi ko alam
kung may exam ba o placement para sa kolehiyo, o may espesyal ba silang kailangang
gawin.
I looked forward to the first day of school as a high school student. Kaiba pa rin
ang building namin sa mga Senior High School pero mas madalas nang makasalamuha ang
mga ito. I looked forward to new classmates and using my new things for school.
Namili kasi ulit kami sa Bacolod. Pumunta na naman ako sa isang petshop pero hindi
na ako bumili ng kahit ano, iniisip ko ang magiging reaksiyon ni Alvaro.

I missed Kuring but I know he is in good hands. Kahit na may kaunti akong pagdududa
sa kakayahan ni Alvaro na mag-alaga ng pusa, hindi na rin naman naging masama ang
ipinakita niya sa huling mga pagkikita namin. He goes to the vet and he feeds the
cat, not once a day, but regularly, not with just milk, but with cat food.

Iniisip ko ang pagpapa neuter doon. Hindi pa namin napag-usapan ulit at mabilis na
lumalaki si Kuring. Pero mahaba pa naman ang oras namin... may isang taon pa.

Isang taon.

I don't know much about being a PMA-er but if he would really take it, then that
will mean he won't study here for college. I expected to see him here always. He's
smart, and even with his extra curricular activities, he would always be in the
honor roll. Hindi ko kailanman naisip na tutulad siya sa Ate at Kuya niya na sa
ibang lugar mag-aaral.

And... PMA. That's far. He won't be home even for once a month. Paano si Kuring?
Nariyan naman si Tita Ana, hindi ba? Kung ganoon, siguro mas mabuting madalas na
nga ang bisita ko para ako na ang magpapa vet kay Kuring, kung busy si Tita.

I didn't think much about that the next days. I just couldn't sleep because of the
excitement of my first day of school as a high school. I hope things will change
now that I'm starting a new year at school.

Kaya lang... mali ako.

"Ano ba 'yan, Kalansay? Mas lalo kang pumayat! Kumain ka naman! Lalabas na ang mga
mata mo!" sabay tawa ng dating kaklase na kaklase ko na naman sa first year
highschool.

Bago at medyo kumapal ang eyeglasses ko kaya siguro mas malaki tingnan ang mga mata
ko. Hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi nilang pumayat ako lalo o pang-aasar
lang pero nahihiya ako.

"Uyy! In love si Giraffe! May tigyawat na malaki sa mukha!"

It worsened because of that.

I tried to be friendly to the new girls but it was always as if I am offending


them.

"Pasikat! Hindi porque't ka lebel mo si Chayo, magyayabang ka na! Pangit mo uy,


talampakan ka lang niya!"

That was when I tried to butt ihn a conversation. Pinag-uusapan kasi nila iyong
bagong bag ni Chayo. Hindi ko napansin ang bag ni Chayo pero nang narinig ko ang
tinukoy nilang brand, nagpresinta ako.

"Ah, si Aria may ganoong bag din. Binili ni Tita sa amin. Hindi naman sobrang
pareho kay Chayo, cross body iyong amin-"

"Nagtanong ba kami sa'yo?!"


Napawi ang ngiti ko at natahimik na lang. Simula roon, isa-isa na nila akong
sinabihang mayabang at pasikat.

From that day, I realized they hate me. But still I tried my best to be friendly to
others, lalo na sa mga loner din na tulad ko.

Namigay ako ng chocolates sa mga pinakatahimik at mukhang mabait sa classroom. Iba-


ibang araw pero pare pareho ang reaksiyon ng mga nalapitan ko.

"Salamat, Yohan," sabi sa akin.

Ngumiti ako at inisip na sa wakas, may mabait na rin akong magiging matalik na
kaibigan. "Kapag mayroon pa sa ref, dadalhan ulit kita bukas. Ayos lang?"

"Ikaw ang bahala."

I nodded again, already giddy because I will now have a real friend.

"Saan ka ba nag la-lunch? Ako, madalas sa tabi ng gym. Pero kung saan ka mamaya,
puwede akong sumabay sa'yo."

Umiling siya. "Naku, huwag na. Sa canteen ako madalas, may kasabay na ako sa ibang
section."

"Uh... marami ba kayo? Baka puwedeng sumabay."

"Badtrip sa'yo ang isang kaibigan ko, e. Kaya huwag na."

"S-Sino naman? Wala naman akong naalalang may kaaway ako."

"Tinanggal ng Daddy mo ang Tatay niya sa azucarera n'yo noon."

Natigilan ako. It's always almost the same case. May iba namang iba ang dahilan.

"Huwag na, Yohan. Uuwi ako sa amin kapag lunch at aawayin ako nina Krista kapag
nakita akong kasama ka. Baka madamay lang ako sa irita nila sa'yo."

Papasok ang tinutukoy niyang kaklase sa classroom kaya mabilis niyang itinago ang
chocolate na bigay ko.

"Sige na, balik ka na sa upuan mo! Ayaw kong madamay sa'yo!"

It was more than a month since the first day of school, pero wala pa rin akong
kaibigan kahit sinusubukan ko naman. Kaya minsan, tuwing mag-isa ako at may mg
kuwento sana, nilalagay ko na lang sa isang notebook para malibang ako kahit
kaunti.

Nagsusulat ako sa notebook habang nasa kiosk. Ang kiosk na iyon ay nasa gitna ng
dalawang JHS building at hindi naman kalayuan na ang senior high building.

Madalas ako sa gym dahil tahimik pero natuto na rin akong maupo na lang sa JHS para
sana maghanap ng magiging kaibigan pero hindi nga naging epektibo. Parang sakit na
iniiwasan ang Kiosk na inuupuan ko tuwing nakikita ng mga estudyanteng naroon ako.
Minsan, napaparinggan pa ako tungkol sa pag-upo ko roon, kaya umaalis din ako.

Sa araw na iyon, tahimik akong nagsusulat sa notebook. Katatapos ko lang sa


assignment ko.

Natanaw ko si Alvaro sa malayo. Naglalakad siya sa gitna ng JHS at SHS na building.


Hula ko'y galing sila sa canteen ng mga kasama niya.

Dalawa sa kanyang mga kaibigan ang naunang naglalakad at nagtatawanan. Isa roon si
Juan. Alvaro is busy reading something on his phone.

I crouced a bit and heard my heart pounding.

I don't see him very often since the classes starts. Abala yata ang mga senior high
lalo na huling taon na nila. Pero nakarinig ako ng kaunting usap-usapan na na wala
na raw sila noong girlfriend niya. Hindi ko lang din alam kung gaano katotoo.

Hindi naman sila madalas na magkasama noong babae at ngayon, puro mga lalaki naman
ang kasama niya.

Binaba niya ang cellphone niya nang itinuro ni Juan ang Kiosk na malapit sa akin.
Kinabahan ako ng kaunti. Hindi lang dahil palapit si Alvaro, kundi dahil na rin
mapapahiya na naman ako sa mga kaibigan niya!

I started collecting my things. Tinuro na ni Juan ang kiosk malapit sa akin nang
hinugot ni Alvaro ang likod na kuwelyo nito at nagturo ng mas malayong Kiosk.

Sa pagmamadali kong masikop ang mga gamit ko, hindi ko sigurado kung nagkatinginan
ba kami saglit ni Alvaro o guni-guni ko lang 'yon.

Sumunod naman sina Juan at ibang kasama. Naririnig ko pa ang maingay na reklamo ni
Juan.

"Doon sana kasi walang tao!"

"Dito na kasi malapit sa Senior High Building," si Alvaro.

I stopped myself from going somewhere else. Tinanaw ko sila na palapit sa kabilang
kiosk, malayo sa akin. Naghiyawan bigla ang mga kaibigan ni Alvaro.

"Ang sabihin mo diyan mo gusto kasi andyan ang crush mo!"

Then it was drowned by the deep voices of his laughing friends. Natanaw kong habang
nauupo siya sa Kiosk nga na may tatlo ring babae, isa na roon ang magandang
transferee, napaawang ang labi ko.

So it's true. Break na sila ng girlfriend niya? Because why else would his friends
tease him to a new girl?

Tumabi lang ang isa sa mga babae habang pinapasok ng mga kaibigan ni Alvaro ang
Kiosk. Nagtatawanan pa rin sila at tinutukso nila si Alvaro na nangingiti at
umiiling.

My eyes looked at the girl they are teasing to Alvaro. I know they are laughing at
them for a different reason but for me, I wouldn't know the difference. Aalis ako
roon at mahihiya pa rin dahil pinagtatawanan pero hindi iyon ginawa. Nakitawa ang
mga babae at nakita kong kinausap pa si Alvaro.

I saw how Alvaro answered to whatever that girl's question. And then their Kiosk
roared with laughter. Napapatingin at napapangiti ang ibang malapit sa kanila.

I cleared my throat and then lifted my bag up. Tinalikuran ko ang kinauupuan ko at
nagpasya na dumiretso na sa classroom.

Tahimik akong naupo sa upuan ko habang malayo ang iniisip.


Alvaro is so cool. Laging maraming kaibigan at maraming nagkakagusto. Kahit iyong
transferee, nakuha niya yata agad ang loob. He is the center of attention on their
group, even Juan whose rich in Altagracia follows him around. Ganoon ang ibang mga
kaklase niya. At sa mga babae, kahit mayayaman ay pinag-aagawan siya.

Meanwhile, I am the loser of my own batch. I am rich but even the poor won't take
me as their friend.

"Meanwhile, I am the loser of my own batch. I am rich but even the poor won't take
me as their friend."

"Akin na 'yan, Aria!" sigaw ko dahil bumili lang ako ng milk tea para sa aming
dalawa, nahanap niya na ang note book ko.

Tumawa si Aria at tinapon sa akin. Tinanggap niya ang dala kong milk tea para sa
kanya. Pauwi na kami sa mansiyon at nagawa niya pang halughugin ang bag ko para
magbasa ng ganoon.

"Matagal nang wala si Alvaro at iyong ex niya!" balita nI Aria sa akin habang
natatawa pa.

Kunot koo kong ipinasok ang notebook ko sa bag ko. Hindi na halos nakikinig sa
pinsan dahil sa iritasyon.

"Ang galing mong magsulat, ah? Damang dama ko. Tamang tama at may subject kami
ngayon na maraming gagawing tula at kung ano ano pa. Ikaw na ang gumawa sa akin."

"Hindi ka matututo kung hindi mo susubukan. At huwag mong pakialamanan ang gamit
ko, Aria!"

Parang walang narinig, nagpatuloy siya. "At kung gusto mo ng kaibigan, subukan mo
ang mga lalaki. Mas madali silang makasalamuha."

Hindi ako sumagot dahil sa kanila nga ako pinakanahihirapan dahil lagi akong
pinagtatawanan at tinatawag na kalansay.

"Landiin mo, ganoon-"

"Hindi ako tulad mo..."

She laughed. "Well, I have friends. You don't."

Nakatingin siya sa akin, halos ngumingisi habang umiinom ng milk tea. Umaandar na
ang sasakyan namin pauwi ng bahay.

"Hmm. Ayain ko kaya si Alvaro ng date? Single na siya. Pasado ba 'yon sa'yo, Yohan?
Mabait na ba ako?" she giggled.

Hindi ako sumagot. She pinched my cheek and jerked my eye glasses.

"Selos ka? Tigilan mo na 'yan, bata. May guwapo naman sa batch mo, doon ka na lang.
Guwapo 'yong kapatid ni Margaux na kata-transfer lang, ah? Anong pangalan noon?
Angelo? Kaklase mo, 'di ba?"

"Kaibigan niya mga lalaking inaaway ako. Nakikitawa siya at natuto ring manukso sa
tigyawat ko."

Humagalpak ng tawa si Aria sa akin. Naka limang tigyawat kasi ako ngayon at
nakakahiya na.

"See? Hindi mo nga makuha ang loob ng mga totoy na 'yan, si Alvaro pa kaya na
matanda sa'yo at maraming karanasan?"

"Humahanga lang naman ako kay Alvaro. Hindi ko naman siya gustong maging
boyfriend."

Napasinghap siya, parang may naisip bigla.

"Alam ko na!" Aria said loudly. "Bakit ngayon ko lang naalala ang lintik mong
kuting?!"

Napatingin ako kay Aria. Lumapad ang ngisi niya, parang tuwang tuwa sa naiisip.
Nagtaas ako ng kilay, hindi alam ano naman ang iniisip niya.

Kalaunan, nalaman ko rin. Tumawag siya agad agad kay Alvaro. Narinig ko ang pag-
uusap nila.

"Kung puwede ka lang naman, Alvaro. Bukas, ano?"

I didn't hear his answer but it seems like he's saying no. Sa tono ni Aria na
nangungumbinsi pa, mukha nga'ng ayaw ni Alvaro.

"Papasama lang naman ako ng lunch sa bistro, please? Kung gusto mo isama natin si
Chantal at Soren?"

Kumunot ang noo ko. Double date?

"Ah, wala ba si Chantal no'n. Anyway, so tayong dalawa na lang? It's a date?"

Umirap si Aria.

"Bakit naman? Naku! May nililigawan ka na ba? Totoo ba 'yong tsismis na gusto mo
raw 'yong transferee? Ano nga ang pangalan no'n?"

I smiled a bit. I don't really mind if Alvaro has girlfriends but I feel like....
Aria is just too low. She's nasty and I can't imagine Alvaro having a girlfriend
like her.

"Talaga? Aww. Hindi puwede? Sayang... miss na ni Yohan ang kuting niya."

Namilog ang mga mata ko at bumaling kay Aria. Aria smirked at me and I realized
that was her plan.

"Talaga?!" masaya na at nakangiti ang sagot ni Aria. "Umaga bukas? Hanggang hapon
ang date natin, ah?"

She paused.

"Para buong araw na makasama ni Yohan ang kuting!"

🌺🌺🌺
KABANATA 8
GUILTY

Dumating nga si Alvaro sa araw na tinukoy ni Aria. Nagmamadaling mag-ayos si Aria


kanina para daw hindi na maghintay si Alvaro sa kanya.
She tried so hard to dress up, I noticed. Madalas ko siyang makitang umaalis para
makipagdate pero hindi ganito. She's wearing a mini skirt right now and her face is
full of make up.

"I don't think Alvaro would like you that way, Aria," hindi ko na napigilan ang
sarili ko dahil napansin ang makapal na eye make up niya.

"Bakit hindi? At ano naman ang alam mo?"

My eyes narrowed. Nagpatuloy siya sa pagpapakapal sa eyeliner sa kanyang mga mata.

"Iyong bagong itinutukso sa kanya na transferee mahilig mag eye liner kaya gagawin
ko."

Umiling ako at hinayaan siya.

Natanaw ko na ang motor ni Alvaro galing sa gate. My heart skipped a bit.

"Tabi ka nga diyan!" iritadong sigaw ni Aria sabay baba ng kanyang compact bb
cream. Sinisigawan niya ang taga walis ng bakuran naming si Romulo.

"Aria..." saway ko dahil nasa gilid naman ito, nagwawalis.

Dahil lang natanaw na naming pumasok si Alvaro sa gate, masama na agad ang tungo
niya sa tagawalis.

"Ang sabing tabi, Romulo!" sigaw ni Aria nang natanaw na tinanaw lang nito ang
motor ni Alvaro at hindi pa gumalaw.

Mabilis siyang nagtago sa halamanan. Umiling ako. I feel guilty sometimes. Lalo na
kapag nagiging malupit si Aria sa mga kasambahay namin. I am the owner of the whole
azucarera including this mansion. Pera rin namin ang nagpapasuweldo sa tauhan.
Tinutulungan naman ako ng mga magulang ni Aria pero wala siyang karapatan na maging
malupit sa mga kasambahay.

She is especially annoyed with our street cleaner. Siguro hindi niya matanggap na
kaklase niya ito. Minsan niya nang nasabi sa akin na hindi niya daw matanggap na
magkalebel silang dalawa tuwing nasa classroom.

"Alvaro!"

I looked at Alvaro quietly. Nakatingin din siya sa akin at inilahad na si Kuring.


Ang bag ay naka cross body sa kanya. Nang tinanggap ko ang kuting, inab ot niya
agad sa akin.

"Tara na?"

Alvaro laughed a bit. "Mauna ka na. Susunod ako sa sasakyan mo."

Bumaling si Alvaro sa paligid.

Malaki ang bakuran namin. May hagdanan bago ang bulwagan. Doon kami nakatayo. May
fountain pa sa harap at rotunda iyon para sa mga sasakyang papasok at aalis. Ang
garahe namin ay nasa isang malaking warehouse malapit sa swimming pool.

Napansin siguro ni Alvaro na walang sasakyang nag-aabang.

"Aangkas ako sa'yo!" si Aria.


Kitang-kita ko ang gulat sa mga mata ni Alvaro.

"Wala akong extra na helmet, Aria. Ayos lang kung magsasakyan ka."

"Nakita ko nga noong nakaraan si Grace, nakaangkas sa'yo ng walang helmet. Bakit
siya, puwede?"

Napasulyap si Alvaro sa akin. He cleared his throat.

"Malapit lang 'yong pinagbabaan niya."

"Sige na, Alvaro! Malapit lang din ang pupuntahan natin, promise!" si Aria.

Tiningnan ko ang kuting at hinaplos ang ulo. I missed him. Ang bilis niyang
tumanda, ilang buwan pa lang naman mula nong napulot ko siya.

"Ah! Alam ko na!" si Aria.

Napabaling ako sa dalawa. Lumakad si Aria. Sinundan namin siya ng tingin ni Alvaro
at nakita kong papuntab siya sa isa sa hilera nng pine trees sa daanan. Naroon si
Romulo, nagtatago at bahagyang nagwawalis.

"Hoy, ikaw! Kunin mo nga ang helmet mo sa scooter mo! Bilis!"

"Huh? Gagamitin ko 'yon mamaya, Aria. Kapag aalis na ako-"

"E 'di huwag kang umalis kung hindi pa ako nakakauwi!"

"Aria!" I called but she was too far to hear me.

Nilingon ako ni Alvaro. He looked pained.

"Hindi kami magtatagal. Yayayain ko siyang umuwi pagkatapos puntahan noong gusto
niyang cafe."

Nagkatinginan kami. I hate that she's treating a house help that way.

Umalis si Romulo. Lumapit naman ako kay Aria at sumunod si Alvaro sa akin.

"Huwag mo namang pinapagsalitaan ng ganoon ang tao."

"Hay naku! Nanghihiram lang naman ako, ah?!" she said and she crossed her arms.

"Puwede mo namang ayusin ang pagsasabi. Hindi mo kailangang sabihin ng ganoon."

"Anong gusto mo? Romulo... pahiram naman ng helmet please?" lumiit ang boses ni
Aria sa huling mga sinabi.

"Aria, tama na. Tama si Yohan. Hindi mo dapat ginaganoon ang tao. Puwede mo namang
ayusin."

"Akala n'yo lang mabait iyon. Pag nasa school, akala mo kung sinong mayabang na
matalino kung maka asta! Kaya huwag n'yo nga akong husgahang dalawa sa pakikitungo
ko sa Romulo na 'yon!"

Nakalapit na si Romulo dala ang kanyang itim na helmet.

Walang pakialam si Aria kung narinig man ni Romulo ang mga sinabi niya.
Pahaklit na kinuha ni Aria ang helmet bago plastik siyang nginitian.

"Thanks, Romulo."

She then turned to us.

"Masaya na kayong dalawa?!"

Alvaro sighed.

"Tara na, Alvaro. Magdate na tayo! Dito ka na, Yohan!"

Nauna na si Aria na pumunta sa motor ni Alvaro. Inayos niya na rin ang helmet niya.
Alvaro looked at me first.

"Hindi kami magtatagal," he said.

I nodded.

Lumakad na rin siya patungo sa motor. Kasasampa niya pa lang, sumampa na kaagad si
Aria roon at yumakap pa.

Aria had that mischievous grin directed at me as she wholeheartedly hugged Alvaro's
body. Alvaro's brow furrowed a bit and he glanced beside him before turning the
engine.

He nodded at me. I nodded back. Ganoon din siya kay Romulo sa likod ko bago niya
pinaharurot ang motor niya papuntang gate.

Wala na sila nang binalingan ko si Romulo para humingi ng paumanhin.

"Pasensiya ka na kay Aria."

"Ayos lang. Sanay na ako sa kanya."

Umiling ako. "Hindi ka dapat nasasanay sa tungo niya. She really is mean," sabi ko.

Inayos niya ang salamin niya. Medyo na conscious din ako dahil nakasalamin din ako.
Pareho kaming dalawa. Tumingin siya sa kuting na dala ko at pinasandal na lang muna
ang walis sa pine tree.

"Si Alvaro ang nag-aalaga ng kuting mo?"

"Oo. Alam mo naman si Tita, bawal mag dala ng alaga rito sa bahay."

He was petting Kuring when I realized he probably is also fond of cats. I offered
him Kuring. Tinanggap niya naman.

Unexpectedly, he was a good company. Mahilig siya sa pusa at may pusa rin siya sa
kanila. Naisip ko tuloy na kung ang mga trabahante pala namin ang pinaalaga ko kay
Kuring, hindi na sana problema.

Hindi ko man masyadong nakasasalamuha si Romulo, alam ko namang halos araw-araw


siya sa mansiyon. Dito siya lagi sa harap na bakuran, nagwawalis.

I wonder if it would be more convenient if it's him who has Kuring? At hindi kaya
dagdag lang si Kuring sa aalalahanin ni Alvaro sa bahay? Nakakahiya tuloy.
"Si Alvaro at si Aria?"

Nakaupo na kami ni Romulo sa bermuda ngayon. Tinatanaw namin si Kuring na may


hinahabol na paru paru.

"Hindi naman," sagot ko.

"Wala na si Alvaro at iyong girlfriend niya ah. Baka nililigawan si Aria?"

Sasabihin ko sanang hindi. Kaso ako man, hindi ko alam kaya nagkibit ako ng
balikat.

"Hindi ba gusto mo si Alvaro?"

My eyes widened. Napabaling ako kay Romulo, nagulat na alam niya. He only chuckled.
Inayos niyang muli ang eye glasses niya.

"Alam ng halos lahat. Pasensiya na kung naitanong ko."

Natahimik ako at naisip na alam din kaya ni Alvaro iyon? Malamang. But he's just
probably too kind to turn me down. A young girl's heart like mine is fragile.
Somehow, I appreciate that. I always know that iit won't ever happen. Even if I
dream about it, I don't believe or hope for it.

"Mabuti naman at maayos ang tungo niya sa'yo."

Tumayo siya.

Napaangat ako ng tingin, hindi naiintindihan ang sinabi niya. Maayos ang tungo niya
sa akin? Bakit? Ano ba dapat ang tungo niya sa akin? Maybe like all the my other
schoolmate?

Bumuntonghininga ako at tumayo na rin para. I removed the small dirt behind my
buttocks. Tiningnan ko si Romulo na kinukuha na ngayon ang walis. Hindi ko na
namalayan kung ilang oras na kami roon pero mukhang natagalan.

"Sana lang totoong mabait nga siya sa'yo, Yohan," si Romulo.

"H-Huh?"

Nawala agad sa isipan ko ang sinabi niya nang bumukas ang gate. Tanghali na at
iniisip kong magtatagal ang dalawa at sa labas na magtatanghalian pero nakauwi na
sila ngayon! Natanaw ko ang motor ni Alvaro na palapit. At si Romulo naman,
nagpaalam na sa akin at may aayusin lang daw siya sa garahe.

I nodded. Lumapit muna si Romulo sa dalawa para kuhanin ang helmet niya. Supladang
ibinigay ni Aria iyon.

Umiling ako at inuna muna si Kuring bago sila lapitan. Tantiya ko ay mga dalawang
oras lang ang alis nila. Sa itsura ni Aria, mukhang dismayado pa siya. Naaalala
kong sinabi niyang gusto niyang buong araw ang date nila ni Alvaro.

Nasaa tanggapan na sila. Sumunod si Alvaro kay Aria. Narinig ko ang sabi ni Aria.

"Huwag kang tatanggi sa tanghalian at mamaya! Para mahaba ang oras ni Yohan sa
kuting!"

Hindi na umimik si Alvaro.


"Aakyat muna ako para magbihis. Dito ka na maghintay."

Papasok ako sa tanggapan nang natanaw ang pag-akyat ni Aria sa hagdanan. Nilingon
ni Alvaro ang pintuan kaya nagkatinginan kami. Ngumiti ako at tiningnan ang kuting
sa kamay ko at lumapit na sa kanya.

Ibababa ko sana si Kuring kaso hinaplos niya ang ulo nito. Nasa sofa kami pero
hindi nakaupo dahil sa ginagawa niya. Parehong nakatayo lang. I smiled as I watched
his hand rubbing the cat's head.

"Kumusta ang date n'yo?"

"Ayos naman," aniya.

"Maganda ba ang cafe na tinukoy ni Aria?"

"Oo."

I smiled and watched his hand again. Humaba saglit ang katahimikan.

"Si Romulo pala, 'yong tagawalis namin ng bakuran, ngayon ko lang nalaman na may
mga pusa siya sa kanila."

Tumango lang si Alvaro. Nagkatinginan kaming dalawa. Somehow, whenever his eyebrows
are furrowed, I always notice his thick and nice brows.

I chuckled nervously. "Nasabi ko na ikaw ang nag-aalaga sa pusa ko kasi bawal


dito."

Nag-antay ako ng reaksiyon niya pero tumango lang si Alvaro sa akin, madilim ang
tingin.

"Naisip kong... uh... puwede rin pala sanang siya iyong nag-alaga kay Kuring.
Kasi... lagi naman siya rito para magtrabaho. Hindi na gaanong mabigat sa kanya
kung dadalhin niya si Kuring."

Binaba ni Alvaro ang kamay niya. Tumigil siya sa paghahaplos sa pusa. Lalo akong
kinabahan. I suddenly regret saying that. I feel like that was insensitive of me
but I meant well.

"Hindi naman din mabigat sa akin, Yohan."

"Ang ibig kong sabihin, hindi ka na sasadya rito para lang makita ko na si Kuring.
Si Romulo kasi, lagi namang pumupunta rito."

"What do you mean?" he asked me a bit critically.

Umiling agad ako. I don't mean anything. I was just really insensitive to bring it
up right now.

"Na si Romulo na lang ang mag-aalaga kay Kuring?"

"Hindi, Alvaro."

"Pusa ko na rin siya, Yohan. Napamahal na siya sa akin kaya hindi ako papayag."

"Ah, hindi naman, Alvaro. Ikaw naman talaga ang mag-aalaga sa... pusa natin
pero..." I chuckled nervously. "Naisip ko lang na baka naabala ka."
"Hindi rin ako naabala."

Nanlamig ako nang kinuha ni Alvaro sa kamay ko ang kuting. I shut my mouth up as I
watched him.

"Nagsisisi ka ba na sa akin mo pinaalaga si Kuring?"

"Hindi naman! Hindi naman, Alvaro," agap ko, guilty na. "I'm sorry."

Nag-iwas siya ng tingin.

"Susubukan kong bumisita ng madalas, kung ganoon. Kung gusto mo talagang nakikita
siya palagi."

"Hindi naman kailangan! I'm really sorry. I didn't mean to offend you by that. It's
fine if you visit only once a month or once every two months. Wala namang problema.
Pasensiya na at nabanggit ko pa iyon."

Hindi siya sumagot. Mas lalo akong kinabahan. Pakiramdam ko nairita siya sa akin.

Bumaba na si Aria kaya hindi ko na nga nalaman kung galit ba si Alvaro sa akin o
hindi. Sa hapag ay silang dalawa lang ang nag-uusap at tipid pang magsalita si
Alvaro.

I glance at him from time to time. I noticed that he's on a foul mood. Ganoon din
yata si Aria, napansin niya iyon kaya nagtaas siya ng kilay sa akin. Nagpatuloy
naman ako sa pagkain.

"Magswimming na lang tayo ngayong hapon, Alvaro. Ayaw mo akong dalhin sa Bistro,
e."

"Ikaw na lang. Sasamahan lang kita malapit sa pool," malamig na sagot ni Alvaro.

"Okay. Basta mamaya ka na umuwi lalo na't busy pa si Yohan at ang pusa."

Hindi na sumagot si Alvaro.

Pagkatapos naming kumain, nagpaalam si Aria na umakyat ulit para makapag bihis ng
panligo. Tahimik nang lumakad si Alvaro patungo sa pool. Because I was guilty, I
brought Kuring with me and fed him near the pool. Tinatanaw si Alvaro at
naghihintay ng tiyempong makakausap siya.

He noticed that I was watching him. He looked at the cat and slowly got up to come
nearer. He squatted and looked at Kuring while eating.

"Kayo na ni Aria?" I asked to divert and find a new topic.

Umiling siya.

"Uh... Nanliligaw ka kay Aria?"

"Hindi rin, Yohan."

Tumango ako at ngumiti. "Mabuti naman. Akala ko gusto mo si... Aria..."

He then glanced at me. Nagkatinginan kami. My face heated hanggang sa hindi ko


natagalan ang tingin niya. Hindi ko na alam kung ano ang naging reaksiyon niya pero
naabutan ko siyang nakapikit ng mariin ang mga mata.
Hindi nga lang nagtagal. Muli niyang hinaplos si Kuring. Nilingon niya ako, medyo
namumula ang mga mata. He smiled. My face heated more.

"May iba akong nililigawan."

I was stunned. But I recovered quickly. I like him but I know my place. Tumango
ako.

"Hindi si Aria, Yohan."

"Okay."

Magtatanong sana ako kung sino pero hindi ko na ginawa. Dahil masyado naman yata
akong usisero kung ganoon.

"Ikaw? May nanliligaw na ba sa'yo?" he asked.

Namilog ang mga mata ko. I was about to throw a pitiful argument about me.
Sasabihin kong wala namang manliligaw sa akin dahil pangit ako.

"Dapat ay wala. Bata ka pa. Hindi pa dapat iyon ang iniisip mo sa ngayon."

My face heated more and more. Pakikramdam ko kasing pula na ako ng kamatis ngayon.
Nakakahiya na iyon nga ang laman ng isipan ko! Iyon halos lagi iniisip ko gabi-
gabi. I daydream about having a boyfriend, or even suitors, then breaking up with
them! Not Alvaro but random blurry-faced good boys!

I felt guilty.

"At huwag mo na ring banggitin sa akin ang tungkol sa ibang puwedeng mag-alaga kay
Kuring."

Mabilis ang iling ko, hindi na makapagsalita sa lamig ng tono niya.

"Kung uulitin mo 'yan, hindi mo na kami makikita ulit, Yohan."

"Hindi na! Sorry!"

He smirked. This time, he looked lighter.

"It's harsh but I mean it. Ayaw kong nag-iisip ka na may iba pang puwedeng mag-
alaga sa kanya."

Tumango ako, determinado na sang-ayunan siya.

"He's yours but... he's mine now, too."

🌺🌺🌺
KABANATA 9
MUSE

"Anong nginingiti mo riyan, Yohan?" si Aria.

Tatlong beses nang bumalik si Alvaro sa buwan na ito. Sa pangalawang balik niya,
kasama niya sina Leandro at Levi. Masaya si Aria at napansin ko ring hindi na
gaanong nakikipag close kay Alvaro si Aria.

Iniisip kong dahil loanhg nariyan naman si Leandro at Levi. Kaso sa pangatlong
balik ni Alvaro, mag-isa na lang siya, napansin kong ipinagkikibit balikat na lang
ni Aria ang mga pagtanggi nitong lumabas.

Naisip ko tuloy kung nasubukan niya na bang mag confess kay Alvaro kaya ganoon?
Baka nasabi na ni Alvaro na may iba siyang gusto kaya ngayon, wala na siyang
interes. Kahit kanina, hindi na siya gaanong nagpumilit dito.

Magkatabi man sila sa upuan, tahimik naman at may ka-text pa si Aria. Kaya siguro
nga, nagkaliwanagan ang dalawa sa huling date nila. Kung sa bagay, kung may ibang
gusto si Alvaro, hindi naman niya puwedeng hayaang umasa si Aria.

"Umaasa ka? Akala mo naman papatulan ka noon?!" she said.

Pumait ang ngiti ko. Nangingiti lang naman ako kasi siyempre, masaya ako na
bumisita ulit siya... kasama si Kuring. Hindi naman na ako umaasa kay Alvaro.
Humahanga ako pero alam ko rin namang walang kung ano sa amin.

"Hindi naman, Aria."

Kinalabit ang aking eyeglass, suminghal siya.

"Hindi raw? Halata sa'yo, 'no! Ang pangit na 'to umaasa pa! E ako nga, ayaw pa
no'n!"

Namilog ang mga mata ko at bahagyang natawa. She actually confessed! She rolled her
eyes. Akala ko ikakahiya niyang sabihin ang mga ganitong bagay lalo na kapag hindi
pinatulan, hindi ko inasahan ito.

"Ikaw pa kaya? Sige ka!"

Sinubukan kong sumimangot kahit natatawa naman sa sinabi niya.

"Papaasahin ka lang no'n, Yohan."

"Hindi naman..."

She smirked when she realized I was kind of affected.

"Aasa ka sa kanya sa dalas niyang balik dito para bisitahin ka kasama ang pusang
'yon! Hanggang sa ma in love ka na sa kanya. Ano sa tingin mo ang gagawin niya
kapag umamin ka sa nararamdaman mo?"

"H-Hindi naman ako aamin, Aria!"

Kinakabahan ako sa mga sinasabi ni Aria. Hindi naman iyon totoo pero siguro sa
kailaliman ng isipan ko, naisiksik ko iyon doon kaya hindi ko mabalewala.

"Tingnan mo naman ang mga naging girlfriend niya, puro magaganda! Tingin mo talaga
pagbibigyan niya ang pangit na katulad mo? At isa pa, nene ka pa. Hindi ikaw ang
tipo na gini-girlfriend niya!"

"Hindi naman talaga, Aria. Hindi ko naman din iniisip iyon."

She laughed.

"Paaasahin ka lang no'n. Kahihiyan ka sa mga kaibigan niya kapag naging girlfriend
ka. At kung... liligawan ka man no'n, alam naming lahat na lolokohin ka lang din
niya!"
I know Alvaro is a known playboy. Pero sa ilang buwan naming pagkikita at pag-
uusap, hindi ko makita sa kanya ang sinasabi ni Aria.

His friends always tease me. Siya lang ang hindi nang-aasar at madalas niya pang
sinasaway ang mga kaibigan. He always makes me laugh with his jokes.

"He's not like that, Aria! He's good to me."

"Hindi mo man lang ba naisip? Na... bakit kaya? Bakit ang kasing guwapo ni Alvaro,
grade twelve na, mabait sa pangit at bata na tulad mo?!"

Hindi ako nagsalita. She smirked and ruffled my hair.

"Well, bahala ka na nga. Hindi naman din ako ang masasaktan at iiyak sa huli. Ikaw
naman. Kaya pake ko."

Hindi ko maintindihan ang sinabi ni Aria. But it stayed on my mind for a while.

I just know that Alvaro is a playboy but he was never really mean to me. I don't
think he would hurt me or anything. He was always good to me. Sometimes, I think
he's the only one who really cared.

I appreciate it. I feel comforted everytime I think about it. Kaya bakit sasabihin
ni Aria iyon? I don't want to doubt Alvaro's motives. I don't think he has them.
Ano naman ang makukuha niya kung lolokohin niya ako? And how will he betray me as
friends?

Hindi ko pa nakikita pero narinig ko na sa mga kaklase ko na mayroon daw bago na


girlfriend si Alvaro. Iyon nga yatang transferee iyon. Kahit kuryoso ako, hindi ko
magawang makipag-usap sa mga kaklase dahil nahihiya ako.

I just write everything on my notebook.

Alvaro has a new girlfriend now. I'm not really surprised. I'm just thankful that
it's not Aria. She's nasty. I hope Alvaro's new girlfriend isn't.

Nasa library ako nang nakita ko sila. Grupo ulit silang pumasok gaya ng madalas
kong matanaw. At unang nakita ko sa pagpasok ay sina Daniel kasama ang iilang
babaeng kaklase.

Mabilis akong yumuko, nahihiya. Hindi ko pa alam na nakasunod si Alvaro no'n. I


just think that I would rather be invisible than be seen by these people. They
always make fun of me. Or at least last year. Nitong school year na 'to, wala pa
naman kaming encounter na ganoon.

Binaba ko na ang aklat na binabasa dahil nakapasok na at dumaan na ang mga kaklase
ni Alvaro nang pumasok siya. Kasabay niya ang girlfriend niya, iyong transferee.

She was holding on to his arm. I saw it very clearly.

Hindi ko alam kung bakit may kaunting sundot sa puso ko nang natanaw ko iyon. May
kausap si Alvaro sa tabi niya pero nakahawak ang babae sa braso niya. She was
attentive to whatever Alvaro is saying.

The girl is pretty. She looks pleasant with her small chin and short straight hair.
She also had thin lips and her nose was narrow. Narinig ko, pinsan pamangkin siya
ng isang politiko rito. She's from Silliman, nagtransfer lang dito. I also heard
that she was actually from this school. Noong junior high yata nagtransfer lang din
sa Silliman.
So maybe, Alvaro knew her then. That's sweet, right? Like a childhood friend turned
into lover.

Alvaro is also a childhood friend of mine. Alam ko nga lang na medyo napilitan sila
ng mga kapatid niyang pakisamahan ako dahil anak ako ng amo nila. So I don't count.

And also... he wasn't exactly friendly to me back then. Nitong natagpuan ko lang
naman talaga si Kuring siya naging mabait ulit sa akin. Hindi rin naman siya masama
noon pero hindi lang kami madalas nag-uusap. He was friendly to others but he was a
snob to me.

Magtatagal kaya sila? Alvaro seems to like changing his girlfriends. And I don't
know how I feel about it... do I want them to last? Or...

Napansin ako ni Alvaro. Naibaba ko na kasi ang librong pinagtaguan. He looked


stunned by a few moments. Sumagot sa kausap nang hindi natatanggal ang tingin sa
akin. He smiled to me and I smiled back to him.

Kalaunan, pumunta na sila sa kung nasaan ang mga kaibigan. I sighed. Thankfully,
hindi puwede ang maingay sa library. Kaya makita man nila ako rito, hindi nila ako
aasarin dahil bawal namang mag-ingay.

Naupo si Alvaro. Ganoon din ang girlfriend niya. Nag-usap sila at umalis ang babae.
Alvaro took out his books and opened one.

He glanced my way. My heart is instantly on my throat. He grinned. Bumalik na ang


girlfriend niya at nag-usap na silang dalawa. Binalik ko na ang mga mata ko sa
binabasa at nagpatuloy na lang.

I read five whole pages straight when my eyes went to them again. I saw how the
girl hugged Alvaro. Hindi ko na nasundan kung ano ang ginagawa nila pero mukhang
may ginawa silang assignment. May mga papel sa harap nila at galing sa pagsusulat.
The girl fits perfectly on Alvaro's chest.

I suddenly remember Kuring with the way the girl hugged him. Nakapikit pa ang babae
at parang dama dama ang malapad na dibdib ni Alvaro. I suddenly thought of it as a
warm place. It must be, huh? Because it seems like the girl was very comforted. May
kaunting luha pa sa mga mata ng babae bago niya pinakawalan si Alvaro.

I quietly wonder if... I would ever be held that way.

I closed my eyes and thought of Alvaro's words. I am still too young to think about
it.

Pinigilan ko pero nagbabalik na ako ng mga libro, bumisita ulit sa utak ko iyon.
Kaya galing doon sa sci-fi na binasa, saglit akong pumunta sa romance. Kaunti lang
ang mayroon sa library namin pero mapagti-tiyagaan na rin.

I was busy on the shelves. Magkabila ang chini-check ko nang biglang may pumasok
din. May ibinalik si Alvaro sa shelf malapit sa romance. Nagulat siya ng nakita ako
roon. I smiled.

"Hi!"

"Hi!" sagot ko, medyo awkward at kumuha na ng isang libro.

"Mag-isa ka lang?"
"Uh. Oo."

Tumango siya at dumulas ang mga mata sa dala kong libro. Uminit ang pisngi ko nang
naisip na romance iyon. And the title was a bit telling, that was why it's more
embarrassing. Para bumalik ang mga mata niya sa akin, nagsalita ulit ako.

"Kasama mo ang girlfriend mo?"

His lips parted. He swallowed hard and nodded. I smiled. He cleared his throat and
chuckled a bit.

"Maganda ba?"

Kinabahan ako bigla. He chuckled again, as if it's a joke.

"Oo," seryoso kong sagot. "Mabait din ba 'yon?"

His lips parted again. This time, he licked it before he nodded. Kumunot na ang
noo.

"Mabait din naman, Yohan."

Tumango rin ako at tumingin sa shelf. Kumuha pa ng tatlo pang libro na romance.
Bahala na nga.

"Sana maging kayo hanggang sa huli..." sabi ko sabay baling sa kanya.

Kunot ang noo niya pero unti-unting sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Natawa siya
na para bang joke 'yong sinabi ko. Aalis na sana ako. Magpapaalam na sana pero
hindi ko alam bakit siya natatawa.

"Huh? Anong nakakatawa?"

Umiling siya pero natatawa pa rin.

Kumunot ang noo ko, iniisip talaga kung bakit siya natatawa. Medyo kinabahan ako at
hindi naging komportable.

"Sorry, Yohan," aniya at kinalma ang sarili. Hindi na tumawa. "Hindi pa naman ako
nag-iisip na mag-asawa, e. Kaya medyo natawa ako sa sinabi mo."

I remained there, stunned. Is he serious? I was turned off a bit. Alam kong playboy
siya pero iba pa rin pala pag nasa harap na at ganito siya.

"Huh?" I was curious.

He smiled. "Ang sabi ko, hindi pa ako nag-iisip na mag-asawa sa ngayon. Gagraduate
pa ako at mag P-PMA pa, hindi ba? Kaya..." nagkibit siya ng balikat.

I get what he means but I just couldn't believe it. O baka nakulong lang ako
masyado sa iniisip ko sa kanya? Nasobrahan ba ako sa day dream kaya hindi ko na
alam kung alin ang totoo na Alvaro at alin ang hindi.

"Ah. Gaya ni Aria."

Sumeryoso siya. He swallowed hard again. If I knew him better, I would say he's
nervous. But it was impossible. I probably would never make him nervous.

"Kung sa bagay. Kung ako rin naman magkakaboyfriend kalaunan, hindi ko iisiping
mag-aasawa na kami."

Ngumiti ako. Hindi niya naman iyon masuklian. Kaya tumawa na lang ako.

"Pero mukhang malabo iyon. Wala akong manliligaw..."

Kinabahan ako bigla. Lalo na dahil tahimik si Alvaro.

"Mauna na ako. Hihiramin ko lang tong mga libro."

He nodded. I waited for his words but nothing came so I just went on my way.

Umuwi na ako pagkatapos noon at sa weekend, binasa ko ang mga iyon. Alvaro was busy
that weekend. Ang sabi niya sa akin noong nakaraan, tutulak sila ng Cebu at
sasamahan niya ang mga magulang niya. Mukhang may kung anong programme yata sa
school ni Ate Gen. Ang alam ko kumuha siya ng abogasya sa San Carlos.

Hindi na daw dapat ako mag-alala dahil umuwi naman si Kuya Gilbert kaya may mag-
aalaga pansamantala kay Kuring. Somehow, thinking about Kuya Gilbert comforted me.
Pakiramdam ko mas magaling siyang mag-alaga kaysa kay Alvaro.

I was doodling on my notebook turned diary about it. I put on a review of the
romance book that I've read.

Nakakakilig iyon at sobrang dreamy. Gusto ko ring maka experience ng ganoon. Bata
pa ako ngayon at hindi tuloy ako makapaghintay na tumanda.

"Kung iyan ang gusto n'yo..." nagsusulat sa blackboard si Alonzo.

Wala ang teacher namin sa araw na iyon at madalas, dahil pinakamatalino sa batch
niya, siya ang humahalili rito. Kung emergency lang naman at isang araw na absent
lang. Kung ilang linggo'y may substitute namang ibibigay ang eskuwelahan.

Dahil wala ang homeroom teacher at tungkol sa intramurals lang naman ang
ididiscuss, pinaubaya na sa kanya iyon.

Hindi ako nakikinig. Kababalik lang ng isipan ko nang biglang may nagsabi.

"Si Yohan, Sir!"

Nagtawanan bigla ang mga kaklase ko. Kinabahan ako. Hindi ako nakinig at hindi kio
alam ang nangyayari!

Napalinga-linga ako at natanaw ang lakas ng hagalpak ng mga kaklase ko. Alonzo's
brows connected and he looked annoyed. Dahilan kung bakit natahimik ang mga kaklase
ko.

"I don't tolerate bullying," he said.

Kinabahan ako lalo. Hindi ko alam kung anong mayroon. Hindi na ako nakinig dahil
lagi namang pang magaganda lang madalas ang intramurals. Bukod sa field demo, wala
na akong ibang participation doon.

Nagkatinginan kami ni Alonzo. Mukhang alam niyang hindi ako nakikinig dahil kanina
pa ako nakatingin sa labas ng bintana.

"Is it true?" he asked me.

What's true?
He really noticed that I didn't listen. Bumaling siya sa mga kaklase kong tahimik
at kabado sa ipinakita niyang galit.

"Sino ang muse n'yo rito?"

Napatingin ako sa blackboard. Orange and Lemons, lemonade booth. Free hugs by the
class muse.

Unti-unting uminit ang pisngi ko. Ginawang katuwaan ng mga kaklase ko ang gawin
akong muse noong election. It was sarcasm of course. I was ugly but they find it
funny. Our adviser scolded them. Kaya lang, ako pa rin ang nanalo. Kinausap niya
ako pagkatapols ng klase at sinabing ayaw niya sanang mangyari iyon pero para hindi
niya magawang baguhin dahil iyon daw ang essence ng democracy!

Now... what?!

"Totoo ba 'yon?" Alonzo asked then he looked at me.

Hindi ako nakasagot. Iniisip na hindi ko pa nakuha, sinabi niya ulit ang gagawin.

"Nakapagdesisyon ang klase n'yo na ang booth na gagawin ay juice booth. Wala pang
nakakakuha ng ganito sa ibang klase kaya papayagan ko. Para magpromote ng booth
n'yo, nagkasundo kayo na may free hugs galing sa class muse. Sino ang class muse
n'yo?"

"Si Josefa Hanabella, Sir," matapang na sinabi ng class president namin.

Nagtagal ang tingin ni Alonzo roon bago ako binalingan.

"Totoo ba 'to, Yohan?"

Unti-unti akong tumayo. Unti-unti ring tumango, walang magagawa kasi iyon talaga
ang totoo.

"Sir may list of class officers kami sa likod. Siya po talaga, Sir." sambit ng isa.

"Okay, then. Let's make that the class prince and class muse," si Alonzo sabay
sulat ulit sa board.

Nagtaas ako ng kamay. Nagtinginan ang mga kaklase ko, nagulat sa pagtataas ng kamay
ko. Matagal bago napansin iyon ni Alonzo.

"Yes, Miss Valiente?"

"Sir, baka po hindi kumita?" nahihiya kong sinabi.

His lips parted. My classmates laughed a bit but they stayed silent when Alonzo
eyed them. Kumunot ang noo ni Alonzo, parang nahirapan din siya sa pagdedesisyon.
Siguro dahil pangit nga ako at tama naman talaga ang sinabi ko.

"Kikita 'yan, Miss Valiente. Huwag kang mag-alala."

🌺🌺🌺
KABANATA 10
HUGS

Nakatingin si Alonzo sa akin, nakahalukipkip. Hinintay niyang makauwi pati ang


cleaners para kausapin ako. Kanina, nang d-in-ismiss niya ang klase, sinabi niya na
magpaiwan ako dahil kakausapin niya.

I am awkwardly standing in front of him. Hindi ko alam kung anong sasabihin niya
pero mukhang hindi maganda. Mukhang namomroblema siya.

"Ayos lang ba 'to sa'yo?"

Ngumuso ako, hindi talaga alam ang sasabihin. Kinakabahan ako sa totoo lang.

Sa dating mga intramurals, pagkatapos ng field demo, wala na akong ibang


participation. Nakikikain na lang sa mga booth ng street foods at namamasyal sa
school. Pumupunta sa mga laro at manonood mag-isa. Ganoon lang ang ginagawa ko.

Hindi ko alam na pagtungtong pala ng Junior High, magkakaroon na nga kami ng booth.
Required iyon sa homeroom subject.

Katatapos lang madiscuss ang tungkol sa mga magbabantay sa booth. Hindi ako
magtitinda at gagawa ng juice pero kailangan ako araw-araw. Kami ng prince charming
na si Angelo. Tatayo lang naman kami roon at mag aantay ng may gustong yumakap.

Kay Angelo, malamang maraming yayakap. Pero sa akin, hindi ko alam. I was voted as
muse only to be laughed at.

Hindi naman sapilitan ang yakap pero ang purpose dapat doon ay para maparami ang
bibili. Since maraming may gusto kay Angelo na nasa sophomore at mga Grade School
din, given na na may bibili nga. Pero sa akin, hindi ko alam. I don't have a
problem, though. I can just stand there whole day and wait for it to end.

Kaya lang... will my classmates forgive me for my little to almost no contribution?

"Ayaw ko sana. It's clear that your classmates are making fun of you. Kaya lang
hindi ko rin gusto ang sinabi mo kanina."

"S-Sir?" nagulat ako sa sinabi niya.

"Na hindi kikita ang booth n'yo. Mukhang wala kang tiwala sa sarili mo. Kaya
hinayaan ko na dahil gusto kong magkaroon ka ng tiwala sa sarili mo."

Yumuko ako at inisip na tama naman si Alonzo. Nahihiya lang ako dahil ang totoo,
tatawanan lang ako ng lahat. Kaya lang kung lagi kong tatakbuhan ang mga ganitong
sitwasyon, baka nga lagi na lang din nila akong pagtatawanan. Ayaw ko ng ganoon.

"Kakausapin ko ang-"

Natigil si Alonzo nang may dumating. Napaangat ako ng tingin nang nabanggit ni
Alonzo kung sino iyon.

"Pasok ka, Alvaro."

Nanlalaki ang mga mata ko nang nakita si Alvaro. Pawis at naka jersey na may dalang
record book. Nakatingin siya sa akin, may pagtataka sa mga mata at kunot ang noo.

Nilapag niya ang record book sa teacher's table sa harap ni Alonzo. Pabalik balik
ang tingin niya sa akin at kay Alonzo. I was too stunned to even smile.

"May problema ba, coach?" si Alvaro habang binabasa ni Alonzo ang dinala niyang
record book.
Napatingin si Alonzo sa kanya. Sumulyap si Alvaro sa akin dahilan yata kung bakit
nakuha ni Alonzo ang tanong niya.

"Ah, pinaiwan ko lang si Yohan dahil may tanong ako."

"Ayos ka lang?" Alvaro asked me.

Maybe it was my shocked expression that bothered him, or I don't know.

"Ah. Oo."

He nodded. "Anong problema?"

Alonzo chuckled. "Huwag kang mag-alala, Alvaro. Wala naman siyang kasalanan kaya ko
pinaiwan. May tinanong lang ako tungkol sa magiging booth nila."

Alvaro swallowed hard. Matagal bago siya tumango kay Alonzo. Parang nahimigan ni
Alonzo ang kuryosidad ni Alvaro kaya nagpatuloy siya.

"Lemonade booth na may free hugs, care of their class prince and muse. Siya ang
muse ng klase nila kaya tinatanong ko kung payag ba talaga siya."

I saw how Alvaro's eyes widened a fraction. He immediately shook his head.

"Hindi puwede!"

Alonzo's eyes widened, too. Natawa siya bigla. My mouth dropped open and I laughed
awkardly too.

"Ayos lang naman sa akin."

Bumaling si Alvaro sa akin at umiling.

"Huwag kang mag-alala, Alvaro. Sasabihin ko sa adviser nila na may sanction ang mga
kaklase niyang mambubully. Their booth will fail if they make fun of her."

May sasabihin pa sana si Alvaro pero tinikom niya ang bibig niya.

"Besides, hindin naman din required ang pagyakap sa kanya. Pampa attract lang iyon
ng customers. But actually, in this case it will just be a bonus. Kasi sila lang
ang magkakaroon ng lemonade stall. Other approved booths from other classes will be
softdrinks, milk tea, and coffee. Sila lang ang juice at mura pa."

Alvaro swallowed hard.

"This could also be a good experience to build her confidence."

Nagulat ulit si Alvaro at bumaling sa akin. I smiled to assure him.

"Pero siyempre, kung gusto lang din ni Yohan."

"Gusto mo ba?" Alvaro asked.

I nodded. "Ayos lang. At... hindi naman din required kaya baka... walang yayakap."

He looked pained as he watched me. I smiled while Alonzo continued explaining to me


things.

Ang totoo, medyo kabado ako. Ayaw kong napapahiya pero gusto ko rin namang
malagpasan iyon. I always daydream about being strong and confident, but when there
is a chance to, I always end up chickening out.

Kumalat agad sa buong eskwelahan iyon. Isang araw lang ay naging most talked about
booth ang amin. Naungusan pa ang horror booth at marriage booth. Siguro ay dahil
marami ang nagulat na ako ang muse ng classroom namin.

Dahil doon, nagpaalam ako kay Tita at Tito na pumunta muna ng Bacolod sa weekend.
Sumama si Aria sa akin dahil may date daw siya. Ako naman, magpapaderma.

Nahihiya akong umamin na inaalagaan ko ng kaunti ang mukha ko para hindi mapahiya
sa nalalapit na intramurals. Nilingon nga lang ako ni Aria nang magpa-park na ang
sasakyan sa isang mall sa Bacolod.

"Ang kapal din ng mukha mong pumayag sa biro ng mga kaklase mo, 'no?" she sneered.
"Kaya ka siguro nagpapaganda ngayon. Meh. Akala mo naman epektibo 'yan!"

I expected that she would say that once she finds out what I was up to but I'm used
to it.

Bumili na rin ako ng iilang make up at pampawala ng pimples. Naisip ko mas maganda
sana kung sa Iloilo. Hindi ko rin nakalimutang bumili ng treats para kay Kuring. Sa
huli, namili na rin ako ng damit.

Aria was done with her date while I was busy paying for my clothes. Namili na rin
siya at ako na ang pinagbayad niya. Nasa mga accessories siya pagkatapos kong
magbayad.

Nang nakita niyang palapit ako, sinuot niya iyong clear eyeglasses at nagkunwaring
bulag. Kung saan saan niya ipinadadapo ang kamay para kunwari wala siyang makita.
Para bang ginagaya niya ako, but exaggerated.

"Aria!" iritado kong saway.

She laughed and put it back.

Inilahad ko sa kanya ang kanyang paper bag. "Hindi ka ba magpapa contacts?"

Umiling ako. "Para saan naman?"

"Magsusuot ka niyang salamin mo sa booth n'yo? Naka zoom in ang mga mata mo niyan!"

"Nakakakita pa naman ako kung tatanggalin."

She laughed so hard. Kinalabit niya ang salamin ko kaya iritado ko iyong inayos.
"So iniisip mo gaganda ka nga pag tinanggal mo 'yan?"

Hindi ako sumagot.

"Dream on, Yohan."

My Bacolod visit became regular. At dahil malapit na ang intrams, mukhang abala din
si Alvaro. Kahit Sabado ay may practice siya. Okay lang naman at nasabi niyang
pagkatapos ng intrams, bibisita na sila ni Kuring.

Kaya lang, tama si Aria. Hindi gaano epektibo ang derma. My derma explained that
the pimples are part of the stage i'm in. It's normal and inevitable. Kaya hindi ko
alam paano pa maiibsan iyon.
I sighed. I guess I'm just happy that in our class, while we plan for our booth,
nobody is making fun of me anymore. Epektibo ang sanction na sinabi ni Alonzo. Kaya
lang natatakot ako na babalik din sa dati pagkatapos ng intramurals.

Well, why do I think about that? Dapat ay isipin ko muna ang mangyayari sa
intramurals. Na dapat hindi naman sila mandiri sa akin. Baka mamaya, wala nang
bumili dahil akala nila required na yumakap.

Day before the intramurals, hindi na ako mapakali. Pagkatapos ng field demo day,
sisimulan na ang mga booth. Kaya naghahanda na ako bukod sa madalas na practice
namin sa field demo.

"Ang pinakamalaking kalaban natin ay iyong sago! At ginaya pa nila ang free hugs
natin!" sabi ng President.

"Sino naman ang muse at prince nila?"

"Si Chantal Castanier at Soren Osorio! Mas mura pa sila sa atin!"

"Akala ko ba sago at siomai ang kanila?"

"Oo. Sago at siomai."

"Mahal na nga tayo... tapos..." napabaling ang isang kaklase ko sa akin.

Bahagya ako9ng nalungkot.

"Magsasabi naman ako na hindi kailangang yumakap. Hindi required 'yon," sambit ko.

Natahimik sila at nagpatuloy sa planong iyon.

I looked at myself. Nakalatag sa kama ko ang mga susuotin. Naroon na rin ang mga
magiging pabango ko.

Titriplehin ko ang ilalagay ko. Alam ko namang maaring walang yumakap sa akin pero
para na rin hindi naman magsisi kung may yayakap man.

The whole morning of the first day was all for the Field demo. Kami ang pang walong
nag perform at hindi ko na hinintay ang mga susunod. Umuwi na ako at pinabalik na
lang ang driver para kay Aria.

Naligo ako ng mabuti at nag-ayos na. Matagal ako sa harap ng salamin. Hindi ko na
alam ang ginagawa ko. Lagi ako nagpapamake up kung kailangan pero kung gagawin ko
iyon ngayon, nakakahiya naman. Maiisip pa nila na masyado akong nag eeffort na
magmukhang maganda para lang sa booth namin. Wala rin namang yayakap sa akin!

Kinatok na ako ng kasambahay para sa pagkain. Nakita ko rin na isang oras na lang
at kailangan ko nang pumunta sa eskuwela. Pababa ako at papunta sa dining area.
Naroon na si Aria at naibuga niya ang iniinom na tubig nang nakita ako!

She laughed so hard that I felt insulted. My face heated.

"Anong nangyar9i sa mukha mo?!"

"Nanood ako sa Youtube ng-"

Hindi ako matapos tapos dahil sa hagalpak ni Aria.

"Huwag ka na nga'ng tumuloy! Mapapahiya ako sa'yo, leche ka! Kakalat na naman na
ang ganda ganda ko tapos 'yong pinsan kong giraffe, mukha na ring tsonggo!"

Kinagat ko ang labi ko. "Tatanggalin ko na lang ang make up. Akyat lang ako," sabi
ko at hindi na rin naman gutom.

Dumiretso na ako sa taas at nagtanggal ng make up. My heart hurt the whole time I
was washing my face. Nag-iinit ang gilid nito at pakiramdam ko maiiyak na ako.

Kinakabahan ako, nape-pressure para sa klase, natatakot baka ako ang dahilan kung
bakit bumagsak kami. HIndi ko alam ang gagawin ko.

Umurong nga lang ang nararamdaman ko nang narinig ang isang katok.

"Yohan?!" narinig ko ng kaunti ang boses ni Aria.

I wiped the water away from my face and noticed the colors on it. I sighed and went
to the door. PAtuloy ang pagkatok ni Aria.

Nang buksan ko, natatawa pa rin siya. Parang ang sakit sakit na ng tiyan niya sa
katatawa.

"Halika at ako na ang gagawa."

"T-Talaga?" I couldn't even hide my shock.

I was sure she would just let me rot than save me from anything at all. Is this a
miracle?

"Oo. At huwag kang feeling. Gagawin ko lang 'to para hindi ako mapahiya! Pakiramdam
ko papahiyain mo ako, e!"

Whatever is her reason, I can't complain. I'd need her help. At least din hindi
niya isasabotahe dahil ayaw niyang mapahiya ko siya.

Maayos nga ang ginawa ni Aria. Patuloy nga lang ang away namin lalo na pag may
nakakapalan siya. I would protest and stop her from doing it.

"Oh? Dahil maganda na 'yong kapal nong kanina? Ha? Magaling kang pangit ka?!"

"Hindi tayo pareho ng mukha. What works for you doesn't work for me."

"Hindi nga tayo pareho ng mukha. Maganda ako, pangit ka." She then pushed my cheeks
together so my lips would open.

"Ano ba, Aria!"

"Ang laki ng nguso mo!"

Pabalik balik ang tingin ni Aria sa salamin. At bawat tingin niya, umaaliwalas ang
mukha niya. She looked more and more satisfied each time.

"Hindi na yata maitatago ang tigyawat mo. Baka need ng mas mahal na concealer. Kung
sa bagay, baka retoke na lang din ang kailangan sa mukha mong 'to."

Tumayo siya at tumingin na sa nakalatag kong mga damit. Nanatili akong nakaupo at
pinagmamasdan ang mukha ko. This is not bad, actually. She parted my hair and put
it in a half ponytail.

"Huwag kang magsasalamin!"


"Hindi naman talaga," sabi ko.

"At eto ang suotin mo!" aniya sabay turo sa isang terno na peach pink. Spaghetti
cropped top and high waist na skirt.

"Puwede ba 'yan."

"Oo. Intrams kaya puwede 'yan."

She shrugged.

"Tsaka hindi ka naman sexy e. Kalansay ka kaya hindi na 'yan bastos."

I tried it on. Then I realized I'm not that confident to wear it alone. I put on my
cardigan.

"Ano ba 'yan, mukha kang may sakit."

"Tatanggalin ko na lang sa booth."

"Whatever. Tara na at late na ako sa date ko!"

I smiled. We don't get along but I'm thankful for today.

MAsyado yatang mataas ang expectations ko. Akala ko pagbaba ko sa sasakyan,


pagtitinginan ako at mamangha ang lahat. Papasok na kami sa eskwelahan ay wala pa
ring nakakapansin sa akin. Siguro dahil maganda rin talaga si Aria ngayon at nasa
kanya ang lahat ng atensiyon.

I sighed. I expected too much. I thought I transformed somehow but nothing has
changed. Hindi nga naman ito gaya sa movies o books na biglang magiging Cinderella
ang bida.

Hindi pa nagbubukas, sandamakmak na ang nakapila sa siomai dahil lang sa free hugs
na iyon. Mapa babae at lalaki ay pumipila. Kailangan na ng microphone ang tindera
nila para lang ma settle down ang mga estudyante. High school at college, pumipila
roon.

Then I saw our booth. Nagpaalam na si Aria at abala sa cellphone niya. Lumapit ako
sa amin at lahat ng kaklase kong tumutulong ay panay ang baling sa booth na mahaba
ang pila.

Sa tabi ng mismong lemonade booth, may mas maliit na booth para sa amin ni Angelo.
MAy nakalagay na free hug from our class muse and prince charming. Nilapag ko ang
bag ko at kinuha na ang isang print out.

"Hugs are not required. Don't worry." Iyon ang nakalagay.

Nakatingin si Angelo sa papel ko. I smiled.

"Ididikit ko sa bandang akin."

Sinundan niya ako ng tingin habang naglalagay ng thumbtacks doon.

Pagkatapos ng ilang sandali, nagbukas na at naupo na ako sa booth namin. I put my


bag on the small table behind our booth. Tinanggal ko rin ang cardigan at glasses
ko. May iilan nang bumili na mga babaeng gradeschool.
Napapangiti ako nang nakita silang nagmamadaling yumakap kay Angelo. There were
then two boys who bought some.

"Free hugs!" sabi ng tinderang classmate ko sabay turo sa tabing booth kung nasaan
kami.

Nakatingin ang dalawa sa akin. I smiled in a friendly way. At sa huli, sabay na


nag-ilingan ang dalawa. Pagkatanggap ng inumin ay tumakbo na na parang hinahabol ng
aso.

🌺🌺🌺
KABANATA 11
SCENT

Lumipas ang isang oras at ganoon pa rin. Si Angelo ang pinagkakaguluhan. Ayos lang
naman sa akin dahil iyon na naman din ang in-expect ko. Nakayakap na ako ng isang
kinder. Nanay niya ang bumili at sa akin siya pinayakap.

Masaya naman. Nakikisaya ako sa mga lumalapit kay Angelo para yumakap. There was a
moment that the girls are in a long line for Angelo. Nagdala ako ng tissue, kahit
na hindi ko naman magagamit, at binigyan ko siya.

"Mapapabili ako ng lemonade natin nito," he announced after he hugged those girls.

Wala pang bumibili nang umikot si Angelo para bumili ng lemonade namin.

"Free hugs po!" sabi ng tinderang kaklase, nakaligtaan na si Angelo lang pala ang
bumili.

He laughed and looked at me. Uminit ang pisngi ko. I suddently feel useless here.
At least Angelo attracts girl-customers.

"Ay sorry! Hindi ko na napansin na ikaw ang bumili!"

"Bawal ba kapag kaklase?"

I got shocked a bit. Honestly, I probably blushed. Tumawa lang naman siya at
bumalik sa tabi ko habang umiinom noong lemonade. Hindi na ako nagsalita at
pakiramdam ko biro lang naman iyon.

"Hindi ka ba bibili?"

Umiling ako, bahagyang natuwa na normal naman akong kinakausap. "Hindi na. Hindi pa
naman ako inuuhaw."

Tumango siya at napabaling sa palapit.

Ganoon na rin ako. Nakita ko na grupo nina Leandro at Levi iyon. Naroon pa sila sa
katabi naming puro mga streetfood. Hindi ko na naman iniisip na pupunta pa sila
rito. Baka ang street food ang sadya nila.

Nakita ko nga na kumain ng fishball si Levi. Tinawanan pa siya ng tindera.

"Kuya, hindi ka bibili sa siomai?!" biro sa kanya.

"Mahaba ang pila!" sigaw ni Leandro.

Nagtawanan sila. I smiled a bit. Levi's eyes then wandered at our booth. Nang
natanaw niya ako, lumapit agad siya. Kung hindi siya tinawag ng tindera, baka
dumiretso siya sa akin para kausapin ako.

"Bili na kayo, parang awa n'yo na!" biro ng kaklase ko.

"Magkano?" si Levi na hindi alam saan titingin.

"Mas mura kina Chantal," si Leandro habang tinitingnan ang menu.

Levi was already opening his wallet. "Kuripot mo! Oh libre ko na 'to!"

Namilog ang mga mata ko. Lalo na nang nakitang nagtawag si Levi ng mga kaklaseng
lalaki. I panicked. Honestly, I was really bothered.

THey didn't know that there's a free hug! Kaya bibili sila! Pero hindi naman
required kaya puwede! Kaya halos tanggalin ko ang karatulang th-in-umbtacks para
lang maipakita.

"May free hug kayo sa class muse namin!"

Levi's eyes widened. Napatingin siya sa booth namin na tinuro ng kaklase ko. HIndi
pa kami nagkakatinginan ay umiiling na ako.

"Hindi naman kailangan! Bale, bonus lang 'to. Ayos lang!"

"Free hug kay Yohan!" sigaw ni Levi.

"Friendly hug!" sabay tawa ng isa niyang kaibigan na nilibre niya rin.

Sila na lahat, pati si Leandro ang iniilingan ko.

"Hindi naman talaga kailangan. Bale bonus lang 'to!"

Lalo na si Levi dahil palapit na siya ngayon.

"Gusto ko ng bonus!" si Levi at niyakap na ako kahit na panay pa rin ang iling ko."

"Yohan, sige na. Para sa booth natin!" medyo iritadong sinabi ng kaklase ko.

I realized I probably look snob when I said no. Hindi naman kasi iyon ang nasa
isipan ko. Ayaw ko lang na parang obligado sila na yakapin ako lalo na't alam ko
namang ayaw talaga nila.

I hugged Leandro, then Adriano, George, and many more.

Marami ang nilibre ni Levi at kahit anong sabi ko na hindi na naman iyon kailagan,
yumakap pa rin sila. They laughed and I was scared. I felt so embarrassed.

That's when I realized that there was a difference. Hindi pala lahat ng tawa ay
nang-aasar sa akin. May tawang natutuwa rin pala kahit paano. May tawang nanunukso
sa nakakatuwang paraan. Hindi naman pala lagi'y puro pang-aasar at pamamahiya. O
pang iinsulto.

Because the boys flocked, people went to us too. Marami ang naging kuryoso lalo na
dahil bumili ulit si Levi.

The crowd from the siomai booth went to us. Naroon na rin ang ibang junior high. Sa
ibang hindi ko kilala, iniisip kong nakikiuso na lang. Levi is such a trendsetter
that whatever he does, everyone follows.
Tahimik niyang kinalabit si Leandro nang nakita na palapit na sina Chayo sa booth
namin. Tumawa si Julius at mukhang bibili na rin. Samantalang si Levi, tinuturo na
ang wala nang taong siomai booth.

Bumili si Chayo. Inilahad agad sa kanya si Angelo. She stared for a long awkward
while before she said something to my classmate.

"I want the girl. Will that be okay?"

My eyes widened at that. Is she serious?

"Oo naman..."

I hugged Chayo. It was a long hug and when she was done, she went to my neck. Akala
ko hahalikan niya ako.

"What's your perfume? I like it."

"Uhm... Eto..." sabay balik ko sa bag ko at kuha noon.

Inamoy niya pa ang perfume ko.

"Subukan mo," hamon ko.

She tried it on her wrist. Matagal din ang pag-aamoy niya. Napansin kong humaba na
ang pila at nagpaparinig na ang mga kaklase kong hindi lang siya ang customer.

Nagulat din ako. Dahil mahaba na nga ang pila sa yayakap sa akin. Nagtawag pa ang
mga kaklase ko ng mga senior high.

Chayo was busy smelling my scent when I saw Alvaro and his group. They were looking
at our booth. Lalo na si Alvaro. Tinuro pa ni Juan ang booth namin.

"Yohan!" sabi sa akin dahil hindi pa rin umaalis si Chayo.

"Bibili ako nito. You should smell mine too. Nasa leeg ko."

I don't want to be disrespectful and she is known to have a bad temper so I did it
to please her. Hindi na rin naman ako nagsisi dahil nagustuhan ko rin ang amoy
niya.

"I like it! What's that?"

I smelled it again. May iilang nagtiliang highschool.

"Ano 'yon? Halikan?! Hala!"

My face heated.

"It's Chloe. I didn't bring it because it really lasts. I'll come here tomorrow and
show you."

Tumango ako at umalis na siya. Mabilis kong niyakap ang nakapilang kaibigan niya at
may isang nagreklamo pa na nakakainis si Chayo.

"Ang bagal kasi kaya ang iksi na tuloy ng time sa yakap namin!"

Tumawa ako pero bahagya akong na-touch. I couldn't believe it. Is it really real?
Mas mahaba na ang pila ko9 kay Angelo at mahaba na rin ang pila namin sa booth.

"Akala ko ba Kalansay? Okay naman pala ang katawan mo sa damit na 'to?" si Kervin.

"Bagay talaga 'yan sa mga kalansay!" narinig ko si Aria sa likod na bibili na rin.

She smirked at me and rolled her eyes.

"Pa isa pa," si Kervin sabay yakap ulit sa akin.

May ilang tumukso sa amin.

"Hoy, Kervin! Manyak 'yan, Yohan!"

"Hindi ko minanyak si Yohan, ah! Simpleng hug lang 'yon!"

Medyo natawa ako. Yakap nga lang naman iyon. Wala naman akong naramdamang kung ano.
Kaya lang nagbiro pa ito na bibili pa at pumila pa nga siya.

While I was hugging Julius, I caught a glimpse of Alvaro's group from afar. Daniel
was eating streetfood. Nakatingin si Alvaro sa banda namin, medyo seryoso. I always
see him laughing with his friends but today, he was not in the mood. Ang mga
kaibigan niya lang ang tumatawa habang nakatayo sa lilim ng tapat at hindi
kalayuang puno.

"Kay Angelo ako yayakap!" si Aria at inirapan ako.

I don't expect her to hug me anyway. And besides, the line to hug me was really
long!

Isang grupo ng grade 10 ang pumila sa akin. Maraming nagtilian. I realized they
have fans so everyone was jealous. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. It
was the closest thing to what I felt on my daydreams.

"Hindi naman kailangan daw yumakap!" iilang babaeng may gusto sa kanila ang
nagsigawan.

"Eh pake n'yo, gusto namin!"

"Eh si kalansay lang naman 'yan!"

"Gusto namin si Kalansay, pake n'yo!"

Bahagya akong natawa sa asar ng mga grade ten na nakapila. I was smiling the whole
time when I saw Alvaro again from afar. He was watching but I wasn't sure if it was
me. Malabo kasi ang mga mata ko.

Naisip ko rin namang baka maraming mas lalong magalit sa akin kaya sinabayan ko na.

"Uh, bale bonus lang naman ito. Hindi naman kailangan..." niyakap na ako ng kausap
ko.

Nagtawanan ang mga nasa likod dahil doon. Parang wala silang pakialam sa sinabi ko.

"Ang bango naman!" he announced to everyone the reason why more went to our booth.

Uminit ang pisngi ko. I was so overwhelmed. I wasn't pretty but all I think about
is how it actually feels. Alam kong maaaring ngayon lang ito, sa opening lang, at
siguro magtatagal hanggang huling araw ng intrams. Kung babalik man sa dati ang
lahat, ayos lang sa akin.

My eyes widened while I was hugging another boy. Nakapila na sina Juan sa booth
para bumili ng lemonade. At si Alvaro, nasa likod na!

"Hala! Andyan na ang crush niya!"

I think all the heat and color on my face faded because of that. Lalo pa nang
nakita kong may ilang lumapit at nang-usisa. May iilang nakikitawang senior high.
All eyes were on Alvaro.

Kinabahan ako lalo. Kahit pa patuloy ang yakap ko sa nakapila, hindi na ako
mapakali.

"Uyy... Crush niya, pumipila."

Ang naunang mga lalaki na pipila dapat ay hindi na pumila. Mukhang may plano silang
pabilisin ang pagyakap ni Alvaro sa akin.

"Namumutla si Kalansay!" someone shouted.

Napatingin si Juan sa akin. Siya ang nauuna sa kanilang grupo. Nanlamig lang ako
lalo. May iilan pang hindi na pumila kaya naubos na rin ang pila sa akin. Ganoon
din kay Angelo.

Natatawang bumaling si Angelo sa akin. "Ayos ka lang? Namumutla ka ah."

"A-A-Ayos lang ako," sabi ko at kinakalma ang sarili.

Mas lalong umingay. Naghiyawan na. I swear people really flocked and the crowd went
wild.

Yumakap ang seryosong si Juan sa akin pero hindi iyon ang tinutukso nila. Si Daniel
na nasa likod niya ay tumawa at hindi na pumila at nilingon na si Alvaro.

Alvaro shook his head at Daniel. Naglahad ng kamay si Daniel papunta sa akin na
para bang ibinibigay niya ako kay Alvaro.

Alvaro looked at him with piercing eyes. Humilaw ang tawa ni Daniel at sa huli,
niyakap na ako saglit at tumigil na sa pag-aasar.

Hindi pa natatanggap ni Alvaro ang lemonade niya pero naghihiyawan na.

"Hoy, Kalansay! May girlfriend 'yong tao! Ngee!"

My lips parted.

"Hala... Uyyy. Aagawin ni Kalansay si crushie!"

Pakiramdam ko mahihimatay na ako sa kaba. Naghiyawan pa lalo nang natanggap na ni


Alvaro ang lemonade niya. At hindi na siya pumunta sa booth ko, umalis na siya roon
agad kaya humupa ang hiyawan.

Nawala rin ang mga usisero.

"Sabing may girlfriend, e. Hindi iyon yayakap."

"Baka para sa girlfriend ang binili."


"Kawawa naman si Kalansay."

"Punta na tayo sa horror house."

Nanghina ako at napaupo. Parang doon ko pa lang naramdaman ang pagod.

"Bilhan kita ng lemonade," si Angelo.

Umalis na ang crowd. May ilang pumila pa rin naman pero ang mga nang uusisa, mga
babaeng senior high, at iilang junior high na nakitsismis ay nagsialisan.

Inilahad ni Angelo ang lemonade sa akin. I smiled and said thank you.

"Huwag ka muna tumayo," si Angelo.

Nakita kong may bagong pila na naman. Binaba ko na lang muna ang lemonade at sa
mabigat na damdamin, nagpatuloy sa ginagawa.

Hindi ko na nakita si Alvaro buong araw. Hindi na rin naman ako nag expect. Masaya
naman ako. Masaya ako sa bagong experience. Masaya ako pauwi.

Umakyat din ako sa hagdan ng masaya.

Pero pagkasarado ko ng pintuan ng kuwarto ko, bumuhos ang mga luha ko.

I let my body fall on my bed and I cried a lot. I cried so much.

I liked Alvaro. I usually don't mind my feelings for him. HIndi ko rin dinidibdib
masyado ang kahit ano. D-in-ate niya si Aria, nagkagirlfriend ng marami, at marami
pa. Ngayon lang talaga ako umiyak ng ganito dahil sa kanya.

It wasn't his fault. Hindi naman kasi required na yakapin ako. Pinagtitinginan
kami. May girlfriend siya. Pero bakit... ang sakit?

Hindi na ako pinilit ng mga kasambahay na bumaba para sa dinner. Matindi ang iyak
ko at natatakot akong namumugto ang mga mata ko. Ayaw kong makita iyon ni Aria. I
have no time for insensitive remarks right now because it truly hurts.

I cannot believe that I am crying over this. May karatula akong ginawa na hindi
naman kailangan ang yakap. Pero noong hindi ako niyakap ni Alvaro, hindi ko
matanggap?

Yohan, may girlfriend 'yong tao! Bakit ka mag-eexpect?

Hindi ako nag-expect pero ang sakit!

I couldn't stop crying. I couldn't sleep.

The next day, I decided to just put on my eyeglasses dahil sa namumugtong mga mata.
Kinatok ako ni Aria.

"Yohan, make up?!" she offered.

"Hindi na. Nakapag-ayos na ako."

"Naku, baka mukha kang clown diyan. Papahiyain mo ako! Akin na!"

Nagsuot na ako ng isang dress na checkered yellow. I put on perfume and slid it on
my bag. Nagsuot na rin ng puting sneakers at kaunting cc cream. Lumabas ako sa
kuwarto at nakahilig si Aria roon nagce-cellphone.

"Okay na 'to," sabi ko.

She made a face as if she smelled something unpleasant. Padarag niyang tinanggal
ang kaunting cc cream na hindi ko siguro na blend. Then she put on some lip and
cheek tint.

"Para hindi ka mukhang multo!" she said.

Buti na lang at hindi niya na inusisa ang mga mata ko. Siguro dahil may salamin
naman. Hindi ko tatanggalin ang salamin ko sa araw na iyon. Namumugto pa ang mga
mata ko.

It was early in the morning. May customer agad kami ni Angelo pero dahil second day
na ng intramurals at marami na ang naglalaro, wala na gaanong tao kagaya kahapon.

Iyon naman talaga ang expected. Lagi'y sa first day lang ang pinaka maraming tao
dahil wala pang nagsisimulang mga laro.

It was still the first hour of the day when I saw Alvaro, alone, going to our
booth.

Ang mga kaklase kong tindera ay isa-isang napabaling sa banda namin ni Angelo. My
heart pounded but I remembered how much I cried last night. Hindi ko na siya
gaanong pinansin. I know he'd just buy one and leave.

Kaya naman, halos maghuramentado ang puso ko nang nakita ko siya sa harap ko. He
looked at Angelo first. Angelo cleared his throat and then decided to buy himself a
lemonade.

Hindi ko alam ano ang sasabihin ko kay Alvaro. I'm not in the mood for a "hi" to
him right now. It wasn't his fault but I'm really not in the mood.

"Hi..." he said.

I only smiled a bit and nodded at him. Pinagtitinginan na kaming dalawa at


kinabahan ako na kung magtagal siya, magtipon ulit ang mga usisero.

He smiled. "Komportable ka naman?"

"Huh?" My brow was raised.

"Na... maraming niyayakap?"

I slowly nodded. "Ayos lang naman."

"Talaga?" He chuckled nervously. Napakamot sa batok din.

Hindi ko alam kung ano ang nakakatawa. "Oo. Bakit naman hindi?"

Ngumuso siya at unti-unting bumuntonghininga. He licked his lower lips and nodded.
"Uh..."

I stared at him. He was busy thinking about what to say.

"I'm sorry yesterday..."


"Okay lang. Hindi ko rin naman in-expect na yayakap ka. May girlfriend ka kasi..."

His eyes widened a fraction. It was as if I said something so surprising. Kinagat


niya ang labi niya. He laughed awkwardly again.

"Hindi ako yumakap dahil ayaw ko ng tinutukso ka. Alam kong hindi ka komportable
kapag tinutukso tayo, Yohan."

Nagulat ako sa sinabi niya. Nagtagal iyon sa isip ko.

"At wala na kami ng girlfriend ko."

Napabalik ang mga mata ko sa kanya. He chuckled nervously again.

"Uhm..." he tapped his lemonade.

Bago pa siya nagpatuloy, hindi ko namalayang bumili na pala si Alonzo at ngayon


nag-aantay na sa yakap ko. Yumakap ako sa kanya saglit. Alvaro looked at us while I
was hugging Alonzo.

"Congrats, Yohan. Successful ang booth n'yo."

"Thank you, Lonzo," sabay ngiti ko.

"Alvaro, tara na. May pag-uusapan pa tayo sa game mamaya," si Alonzo at hinila na
si Alvaro palayo roon.

Palayo na sila nang bumalik si Angelo sa tabi ko.

"Hindi mo niyakap?" si Angelo.

"Oo nga, Yohan? Hindi mo naman niyakap. Noong bumili rito, amoy na amoy ko ang
bango bango ni Alvaro!"

Naghiyawan ang mga kaklase ko sa booth. My eyes widened and my heart raced. Umiling
ako. I never thought of that. Honestly, I never really thought of hugging him!

"Ayaw niya naman... yata..."

"Matagal siya rito. Akala ko... yayakapin mo," si Angelo.

🌺🌺🌺
KABANATA 12
DREAMS

That is my job. Pero bakit kaya hindi ko kakayanin kung si Alvaro na ang kaharap?
Thinking about hugging him would make me too cold, or sometimes too hot.

Inisip ko iyong nangyari kaninang umaga, hindi ko yata talaga kakayaning yakapin
siya.

"This one, this one... this one..." si Chayo.

Hapon na nang bumili ulit siya sa booth. Ngayon, nasa harap ko na siya at
naglalatag ng mga pabango niya.

May iilang bumili kanina. Kasunod niya sana pero hindi na nag-avail ng free hug
dahil nakikitang naroon si Chayo sa harap ko at mahaba pa ang pag-uusapan namin.
Nagdala siya nbg limang bote ng pabango. Nobody could ever protest because of her
bad temper. Parang palalagpasin na lang ng iba dahil mas mabuti iyon kaysa galitin
si Chayo del Real.

Hindi na rin naman nagreklamo ang mga kaklase ko dahil paubos na ang supply. Hapon
na at malapit na magclose.

Napadalawang tingin ako nang nakita ko si Alvaro. Kinabahan ako lalo na nang
natanaw siya na palapit.

Nasa kabilang booth pa siya tumitingin tingin pero wala namang binibili. Hanggang
sa umabot na siya sa tabing booth namin. My heart is in my throat.

"How 'bout this?" Chayo pushed a Bulgari bottle on my face.

Inamoy ko iyon. Tumango ako kahit hindi naman rumihistro sa isipan ko iyon dahil sa
panic.

"Try this one, too."

Napasulyap si Alvaro sa banda ko. Bumili na siya ulit ng lemonade namin! I


stiffened. I couldn't even process Chayo's words.

"This one!" ulit niya nang nakitang hindi ako nakikinig.

Kinuha ko iyon at nag-spray sa palapulsuhan. Nakuha na ni Alvaro ang kanyang


lemonade. He smiled at me. I smiled back.

I am thinking about the hug. I should hug him, right? Gusto niya ba 'yon? Pero
hindi siya nagsabi. Pero booth namin 'to kaya dapat ako ang nag-ooffer.

Alvaro looked at Chayo. Hindi namalayan ni Chayo iyon at nagpatuloy siya sa mga
sinasabi niya.

"This smells sweeter than this right? Compare them," she told me.

"Okay," sambit ko at ginawa ang gusto ni Chayo.

Alvaro's brow shot up. Hindi siya umalis at parang naghihintay siya na umalis si
Chayo. My classmates are already looking at us. Kinakabahan ako at pakiramdam ko,
kailangan ko na talaga siyang... yakapin.

But the thought of holding him close and hugging him is making me a coward!

Ni hindi ko masabi kay Chayo na naroon si Alvaro sa gilid niya!

"Alvaro!" I heard the call from his friends.

Pumikit siya ng mariin at saglit na umiling. Nang dumilat at nakita niyang


nakatingin ako, ngumiti siya bago bumaling sa kung saan ang tumawag sa kanya.

Natanaw ko na sina Juan iyon. Marami sila. If I am not mistaken, probably fifteen
to twenty boys coming to get him. He sighed heavily. That's when Chayo noticed him.
Kaya lang, habang palapit ang mga kaibigan niya, mas lalo yata siyang
nakukumbinsing salubungin sila.

He glanced at me again. Ngumiti bilang pagpapaalam. I smiled back and then he's
gone.

Chayo is now putting the perfume bottles back in her bag.

"I'll give you some on your birthday."

I smiled at Chayo. "Sige. Exchange tayong dalawa. Give me the scent you like. I'll
give you mine."

She smiled again. Kinuha na ang kanyang lemonade at umalis nang walang paalam.

Nagbuntonghininga ako.

Dalawang beses bumibili ng lemonade si Alvaro sa araw na iyon. Both times, I didn't
offer a hug. Kinabukasan, maraming tao kaya hindi ulit siya pumila. May kaunti pang
nanunukso sa amin. At sa hapon naman noon, naubusan na siya.

We never got a chance to hug. I wasn't sure if I felt relieved or sad.

Naging abala na dahil sa exam. Nasabi ni Aria na sa susunod na weekend, iimbitahin


niya sina Leandro at Levi, kasama ang ibang kaibigan. Kaya naroon na rin si Alvaro
para kay Kuring. Now I wasn't sure what I feel about it.

Kinakabahan ako. Hindi ako mapakali. Whenever I remember the times he went to our
booth, I feel tensed.

Dahil sa booth namin, pinuri ako ng aming adviser. Isang linggo matapos iyon, hindi
na ako madalas tinutukso ng mga kaklase. I didn't have friends yet but at least
they also weren't bullying me anymore.

Hindi ko nga lang alam kung bakit ganoon. Hindi na nga ako tinutukso sa classroom,
napansin ko namang medyo mas madalas ang tukso sa akin ng mga babae sa higher
level.

One time I went to the locker room. I don't usually get bullied by random girls
from Grade ten and eleven but there were a mixture of girls near my locker. At nang
nakita nila na parating na ako, nagtawanan na.

"Ang pangit na pinsan ni Aria," narinig ko ang sabi ng isa.

Oh. Kaibigan lang siguro ni Aria.

I opened my locker and put some books inside. Nagmadali na akong mag sarado.

"Giraffe na 'to, feeling dahil lang tinutukso."

"Kalansay, akala niya talaga gumanda na siya."

The confidence the intramurals gave me grew on me.

Pagkatapos kong isarado ang locker ko nilingon ko sila.

"Hindi naman. Alam ko namang hindi pa rin ako maganda. Hindi ko alam bakit
tinutukso n'yo pa ako ng ganoon, wala naman akong ginagawa."

It was like I pissed them off because of what I said. Lumapit ang isa sa akin
habang nakangisi naman ang mga nakapaligid.

"Lumalaki ang ulo mo, ah? Dahil maraming pumansin sa'yo?"


"Hoy, alam mo, naawa lang ang mga tao sa'yo. Mukha ka kasing tanga kaya huwag
malaki ang ulo, Yohan!"

"Hindi naman malaki ang ulo ko-"

Tinawanan nila ako. "Awang awa sila sa'yo kasi pangit ka na, wala ka pang kaibigan.
Kaya huwag ka masyadong feeling!"

Then they walked out of the locker room, leaving me alone.

I always think that I'm used to that but I'm not. Kahit pa sanay naman ako sa mga
sinasabi ni Aria sa akin sa bahay, kung ibang tao pala ang magsabi iba pa rin ang
pakiramdam.

"Yohan!" si Levi nang nakita akong katabi ni Aria at nag-aabang sa kanila ng mga
kaibigan niya.

Alvaro is with Juan, Daniel, at his other girl-classmates na kaibigan ni Aria. Si


Levi naman, kasama ang magkapatid na Leandro at Chantal.

"Hi!" sabi ko kahit na kay Alvaro naman talaga ang mga mata ko kanina.

Inakbayan niya ako lalo.

"Balik ako nang balik sa lemonade booth n'yo para lang mayakap ka!" ani Levi sabay
ngisi.

Chantal smiled awkwardly. Leandro smirked. And Alvaro's eyes went on my shoulder,
where Levi's hand was. Dumiretso nga lang siya sa akin para ibigay si Kuring.

Tinanggap ko pero dahil nakita ni Levi iyon, siya na ang kumuha kay Kuring sa kamay
ko.

"May pusa kayo?"

"Ah. Oo," sabay tawa ko.

Pinagmasdan ko ang pagkakahawak ni Levi doon. It was as if he's holding an infant.

"Pahiram muna nito," aniya.

"Tara na nga sa pool. Nandoon na ang pagkain, e!" iritadong sinabi ni Aria. "Tara
na, Leandro!"

Pumunta na nga sila roon. Huli nga lang gumalaw si Alvaro at hindi matanggal ang
tingin kay Kuring na hinahawakan ni Levi ngayon.

I was hesitant to go out. Lalo na kung makihalo sa kanila dahil pakiramdam ko


tutuksuhin ako kahit wala pa namang nanukso sa akin ngayon. Napansin yata ni Alvaro
ang pagdadalawang isip ko.

"Ako na ang kukuha," si Alvaro.

Umiling ako, nahihiya. "Hindi sige. Ako na," sabi ko at nauna nang lumakad.

Sumunod si Alvaro sa akin. Kaya lang nang kaharap ko na si Levi na tinutukso ang
kuting kay Chantal, parang wala akong lakas nang loob na kuhanin iyon.
"M-Mamaya na lang."

"Levi, baka mapano si Kuring," si Alvaro.

"Oh! Kuring pala ang pangalan mo!" si Levi.

Kaharap niya na si Alvaro. Binigay naman agad ni Levi ang kuting dito. Chantal
looked at Alvaro then her eyes drifted on me.

Alvaro smiled when he turned to me. Uminit ang pisngi ko at agad nang inilahad ang
kamay para makuha si Kuring.

"S-Sige. Sa kabila na ako," paalam ko at hindi na hinintay ang sasabihin ni Alvaro.

I thought that was it. I even sighed because I felt relieved. Kaya lang kalagitnaan
ng buntonghininga ko, sumungaw si Alvaro sa likod. Tumatakbo na si Kuring sa
bermuda at kauupo ko lang sa isang nakahandang upuan.

"Medyo matagal ding hindi kami nakabisita," aniya.

Tumango ako. "Ayos lang. Busy ako at may intrams at exams pa."

I don't know why but I suddenly feel so awkward. I feel like it's back to square
one. I cleared my throat and looked back at the mansiyon.

"H-Hindi ka ba maliligo?"

"Ah. Maliligo rin naman. Mamaya."

Tumango ako at natahimik ulit kaming dalawa.

"Baka..."

Napatingin ako sa kanya kasi nagsalita siya.

"Next week 'yong outing namin. Inimbitahan nila si Aria. Baka... gusto mong
pumunta."

Aria. I don't think she'd let me. Even if she'd let me, I'd probably just embarrass
myself.

"Ah. Sa pagkapanalo n'yo ba? Congrats nga pala. Uhm... Hindi ako makakapunta. Medyo
nahihiya ako."

"Mukha namang isasama ni Levi si Chayo."

But thinking about the other people there, I don't think so.

"Baka rin may practice kami no'n."

He bowed in a dramatic way. Medyo natawa ako. Tumawa rin siya. "I pushed my luck to
invite you. Nakukulitan ka na siguro. Pasensiya na..."

I chuckled. "Okay lang..."

Nahihiya lang talaga ako. Hindi ko alam paano niya ginagawang makisalamuha sa
marami at madalas pang center of attention. Hindi ko kailanman magagawa iyon. We're
very opposite.
"Congrats nga pala sa booth n'yo."

I nodded. Mas lalo pang bumilis ang pintig ng puso ko. Hindi ko na alam kung ano
pang idudugtong.

"Sarap ng lemonade n'yo, kaya balik ako nang balik," he chuckled again.

I smiled but it was so awkward.

"Kasali ka ba sa nagtimpla no'n?"

Ngayon napabaling na ako sa kanya. Hindi gaanong awkward pag teknikal ang usapan.

"Uh, hindi na. Kasi araw-araw kami ni Angelo doon. Bale, iyon na ang privilege
namin. Hindi na sasali sa mismong... uh..."

I realized he was so attentive while I was explaining.

"Pagtitimpla at paghahanap ng ingredients dahil araw-araw kami roon."

"Pasensiya na nga pala ulit noong first day. Napansin kong 'di ka komportable sa
mga nanunukso kaya umalis na ako."

I stiffened again. Ayos na ang usapan kanina tapos ibinalik niya pa iyon!

"Bumalik nga ako noon, para sana bumawi kaso... medyo pawis ako, galing sa game,
hindi nagpapalit kaya... nagdalawang-isip ako."

Kumalma ulit ako. Kumunot ang noo kasi hindi ko napansin na lumapit siya sa booth
na galing sa laro. He never went there with his jersey on. He was always fresh. No
sweat and according to my classmates, always smelling good.

"Next time na lang," he laughed.

I laughed awkwardly too. "Uh... next year sa PMA ka na?"

Tumango siya. Ganoon din ako at tumingin sa malawak naming bakuran. Si Kuring ay
kitang kita kong magalaw sa gitna. Naglalaro na naman. The wind blew and I
realized... next year, we won't see each other anymore. Not even once a month. I
won't randomly see him at school.

Bahagya akong nalungkot. Parang mas okay sa akin na makita siyang papalit palit ng
girlfriend sa school, kaysa sa hindi ko na siya makita ulit.

Nilingon ko siya at nakitang nakatingin din siya sa malawak naming bakuran. I


smiled.

"Kaya ba... nagbreak na kayo ng girlfriend mo? Dahil aalis ka rin naman next year?"

He chuckled and looked at me.

"Maghahanap ka na roon ng bagong girlfriend," biro ko.

"Hindi naman yata puwede roon, Yohan. At isa pa, kapag nag-aral na roon, iyon na
lang muna ang iisipin ko. Gusto ko kasing makatapos na mataas ang marka doon."

I swallowed hard. It was weird to look at him get serious about something. I never
thought that it meant so much to him. Tumingin ulit siya sa malawak na bakuran sa
harap.
"Minsanan na lang ang uwi ko. Gusto kong magseryoso doon. Dati ko pa kasing gustong
pumasok doon."

Bumaling ulit ako sa harap.

"Gusto mong maging kagaya ni Kuya Gilbert."

"Hmm. Oo. Pero hindi ako sa Navy papasok."

Nilingon ko ulit siya. He smiled and then looked back at me.

"Sa Army."

"Oh..." So he will really be gone.

He has goals he wished to fulfill. He has dreams. It's amazing to watch him dream.

He will be gone. After this year, there's a chance that we won't ever see each
other again. For his dreams. Kahit nalulungkot ako, may saya pa rin sa puso ko para
sa kanya. I feel proud of him dreaming this seriously. I feel like... it will be
worth it. Not seeing him and missing him... will be worth it. For his dreams.

"Ikaw? Alam kong maaga pa pero... may gusto ka na bang kunin? Saan mo gustong
magtrabaho?"

I smiled. "Dito lang din sa azucarera. Ako kasi ang magmamana at... dati pa alam ko
nang ako ang magpapatakbo nito kaya..." I chuckled. "Dito lang ako."

"I'm sure you'll be a good leader."

Nahiya ako ng kaunti, naiisip si Daddy at ang lahat ng nagawa niya sa buong
lalawigan. After his death, it Negros was more peaceful. Less armed group
terrorists, less corruption, less chaos. Yumuko ako.

"I love my father but... I don't want to follow his leadership."

"I'm sure of that," he said.

Bahagya akong nabuhayan sa sinabi niya. Pakiramdam ko kasi ang isa rin sa dahilan
na maraming naiinis sa akin sa school ay dahil kay Daddy. Marami ang may ayaw sa
kanya, noong buhay pa man siya at hanggang ngayong patay na. I could never escape
his shadows. I am his only child, the only bearer of his family name. The family
name that screams terror for everyone. The only Valiente here in Negros.

"Si Kuya Gilbert, Navy. Tapos abogado naman si Ate Gen. At ikaw... magiging army.
Siguro... pag-alis mo next year..." Tinawa ko ang lungkot. "Aalis na rin kayo...
nina Kuring?"

Slowly, a smile crept on his lips.

"Hindi, Yohan. Dito lang sina Mama at Papa. At ibinilin ko na si Kuring sa kanila."

I gasped. "Uhm... Gusto mo subukan ko ulit na-"

"Si Romulo na naman ba?" his brow shot up.

"Hindi. Uhm... Ako. Dito sa bahay. Susubukan ko si Tita. Tatanungin ko baka puwede
na si Kuring."
Sa itsura niya mukhang hindi ko siya makukumbinsi. Umiling siya.

"Hindi na, Yohan. Kung may tsansa na makauwi ako rito, uuwi naman ako. At gusto ko
pag-uwi ko, nariyan si Kuring. Madalas din daw umuwi si Ate Gen dito kaya maalagaan
si Kuring. I'll have him neutered too, so you won't worry about his children."

I sighed. Mabuti at naisip niya iyon kaso duda talaga ako. Parang gusto kong kunin
si Kuring. Nakita niya ang bakas noon sa mukha ko kaya naningkit ang mga mata niya
at umiling ulit siya.

"Sabing hindi, Yohan."

"P-Pero pusa ko rin siya."

He looked at me, annoyed, but there was a ghost of a smile on his lips. He shook
his head again.

"Bibisita naman kami. Kung nariyan si Ate Gen, susubukan ko siyang kausapin.
Katatapos ko lang gumawa ng cat furniture para sa kanya. Kaya malilibang siya sa
bahay kahit wala ako."

"H-Huh? Anong gumawa? P-Paano?"

His lips twisted.

"Gumawa."

"Ikaw?" hindi pa rin makapaniwala.

"Oo. Mahal at mas makakamura kapag ako na ang gumawa kaya iyon ang pinagkaabalahan
ko noong nakaraan. Hindi pa tapos kasi gusto ko ng maayos. Pero ipagpapatuloy ko.
At nasisiguro kong mas maganda pa iyon kaysa sa nakita mo sa shop."

I chuckled. I couldn't believe it. I can't stop smiling.

"Alvaro, ano ba?!" I heard Levi behind him.

Umismid si Alvaro at bumaling kay Levi. Kumakain ito ng apple at basang basa pa.
Naka topless at kita ang katawan. Uminit ang pisngi ko. Nanlalaki ang mga mata kong
nakatingin sa katawan niya.

Laging may pumupuntang kaibigan si Aria rito pero si Levi pa lang ang naglakad sa
living area nang basa at walang saplot!

Alvaro sighed. Lumakad siya.

"Halika na, Levi."

"Asan ang kuting, Yohan?"

"Akala ko ba hinahanap n'yo ako? Halika na at hayaan mo na si Yohan!" iritadong


sabi ni Alvaro.

"Bagal mo, eh," aniya at umambang aalis. Pero nang naalala ako, bumaling ulit.
"Maiwan ka na muna namin, Yohan."

🌺🌺🌺
KABANATA 13
LETTER

Time flies when you're having fun. That quote must be really true. Madalas ang
punta nina Alvaro, Daniel, Juan, Levi, at Leandro, kasama ang ilan pang kaibigan
nila sa amin. Medyo natigil lang dahil umalis kami sa semestral break.

At buong christmas break naman, umuwi kami ng Bacolod. Naaroon kasi ang pamilya ni
Aria kaya dinala na rin nila ako dahil hindi naman din puwedeng iwan sa Altagracia.

School was the same. I don't get bullied by my classmates anymore but the higher
years were bullying me frequently. Hindi naman ako gaanong ginaganoon dati. Kung
tatawanan ako, tuwing may nakakahiyang ginagawa lang. Pero ngayon, minsan iniisip
ko sinasadya nila ang locker room para makausap ko.

Gusto kong tanungin si Aria pero alam ko naman na hindi ko rin siya makakausap ng
matino.

Nakatingin ako sa nag gagandahang relo. Nitong nakaraan, wala akong ibang naiisip
kundi ang ibibigay kong regalo kay Alvaro ngayong pasko.

Iniisip ko ang relo. Magagamit niya iyon kapag pumasok siya sa PMA.

Agad nakuha ni Aria ang iniisip ko. Kinalabit niya ang pisngi ko at sadyang idinaan
ang daliri sa eyeglasses.

"Hoy, ano 'yan? Panlalaking relo? Gift mo kay Alvaro?"

I realized I am so transparent to her. Hindi pa ako nakakasagot, umismid na siya at


umiling. Parang dismayadong dismayado sa akin.

"Patay na patay ka talaga sa kanya! Grabe halatang halata ka!"

"Hindi naman, Aria-"

"Hindi naman, Aria? Pero relo? At ganyan ka mahal? Ano ka?"

Yumuko ako. Tama naman siya. Kung pagbibigyan ko nga si Alvaro ng relo, halata ang
pagkakagusto ko sa kanya.

"Mandidiri iyon sa'yo! Maiisip noon na patay na patay ka sa kanya. E, ang bata mo
pa!"

Lalo akong yumuko. Medyo nahiya ako sa mga sinasabi ni Aria. Tama naman talaga
siya.

"At isa pa, akala mo ba madadala niya iyan sa PMA? Hindi no! Kaya mag-aaksaya ka
lang ng pera."

Kaya sa huli, wala akong nabili para kay Alvaro. Nakakapagsisi pa nga. The next
months will be the last three months and if I don't give him anything, it's sad.

Nakabalik na kami sa school nang naisip kong bumili sa kanya ng kahit ano. Kaso,
wala namang ibang occassion na paparating. At isa pa, ano naman ang madadala niya
sa PMA?

My face heated when I thought of the coming valentines day. The senior highs are
busy because of that. Ngayong buwan ang exam nila dahil sa susunod na buwan,
magkakaroon sila ng Senior's week. Kasama na roon ang prom, valentine's day
celebration na hosted nila, at iba pa. Maghahanda na rin sila sa graduation kaya
nagpaalam na si Alvaro noong nakaraan na magiging abala siya.

I closed my eyes and covered my face with my palms when I thought about the
valentines day.

Araw iyon ng mga puso. It would be too much and too emotional if I give Alvaro
something on that day! Nakakahiya!

Kaso... palalagpasin ko ba 'to? Hindi ko alam kung kailan ko siya ulit makikita.

Would a gift be too much? The watch is too much, I think. At sabi nga ni Aria,
hindi niya madadala iyon sa PMA. Ano ba ang madadala niya roon? I don't really have
much knowledge about it but if he can't bring a watch, maybe he can't bring any
accessory?

Ang hirap niya palang pagbigyan ng regalo kung ganoon.

Ilang upo ko pa sa kiosk bago ko naisip kung ano nga ang ibibigay sa kanya. I
bought a new stationery, with cats in it. Dahil nahihiya akong bumili ng regalo at
praktisado naman sa pagsusulat, ito lang ang naiisip ko.

I sprayed my favorite perfume on it and started writing. I thought that maybe, if I


write with all my heart. There will be no regrets.

Ilang araw ko ring sinulat iyon. Nasa kiosk ako sa gilid ng gym habang nakikinig sa
pina-practice na kanta ng mga magpo-prom habang nagsusulat ako.

Kaya lang, hiyang-hiya ako nang natapos ko iyon. Hindi ko mabasa ng diretso dahil
masyado nga iyong emosyonal. Mahaba pa iyon at hindi ko alam paano siya
pakikiharapan pa kapag nabasa niya na ito.

Maybe I can tell him to just open it five years from now? But what if my feelings
would change then? As if he had feelings I need to reciprocate right now. Wala
naman. Kaya ayos lang siguro ito?

Pero tuwing naiisip kong mabasa niya ito, pakiramdam ko mahihimatay ako.

Dear Alvaro,

Now that you will pursue your dreams and try to join the army, I wish you nothing
but bravery and safety. Sa totoo lang, medyo natatakot ako para sa pangarap mo.
That is a noble but dangerous job, and all I want is for you to be safe always.
Pero alam ko rin na iyan talaga ang gusto mo. To dream is to live, and to pursue it
is to keep on living. I am happy for you to have realized it. Sana kung kasing edad
mo na ako, malaman ko rin kung ano ang gusto ko para sa sarili ko.

I am writing because I think this is the only gift I could give you. I want to give
you a memorabilia, a thank you gift for taking care of Kuring... but then I guess I
am too embarrassed to give you material things. At isa pa, nalaman ko na bawal yata
sa PMA iyon. I also think that writing and expressing my feelings will be worth
more than a material gift because this is something that I don't do always. I don't
express my feelings. I'm always scared.

I just want you to know that you are one of the people who pushed me to express my
true feelings. And for that, I also want you to be the first one to know how I do
it... through writing.

When we were young, you were always good to me. Pero kalaunan, napansin kong lumayo
ang loob mo sa akin. I understand. I then thought that you were onlly good to me
because you were told by my father to do so. Na hindi mo naman talaga ako gusto
bilang kaibigan kaya kalaunan, hindi mo na rin ako pinansin.

Last year and this year, we have been friends again. I am so happy to be friends
with you even when it's only for Kuring. I could cut this letter right now and say
thank you for everything but I won't. Because that isn't expressing my true
feelings yet.

I don't know if I'm in love with you. Maybe not. But you know, my heart skips a
beat everytime I see you. I don't know if it always shows but whenever you smile,
it beats wildly. Hindi ako komportable sa lahat ng tao sa paligid ko, pero nang
nagbiro ko sa akin, hindi lang yata pagiging komportable sa'yo ang naramdaman ko. I
also felt the butterflies fluttering in my stomach.

Whenever I hear your name, my heart goes wild. I always suppress it because I know
you don't like me. But each day, it grew more and more wild.

Tuwing nakikita kitang kayakap si Kuring, naiisip ko ang sarap ng yakap mo. He
always looked comfortable in your embrace. When I saw you with your girlfriend
hugging at the library, I also felt that. I envy the warmth you gave her with your
hug. At noong dumating ang intrams at may free hug ako sa booth, akala ko talaga
mayayakap na kita. I looked forward to it but I was also too shy to initiate.
Pakiramdam ko mahihimatay ko.

It's weird because I want nothing but for you to hold me, but then also I didn't
have to guts to do it. Or to tell you. Kaya dito sa sulat ko, sasabihin ko iyon
sa'yo.

You make me feel, Alvaro. You make me happy. I wish I could hold you some day, when
we meet again. I will have nothing else to hope for but that.

Love,

Yohan

It's so corny! Nakakahiya! Hindi ko kakayanin!

Nilagay ko iyon sa notebook ko at ipinasok sa bag. Umuurong na ang tapang ko


pagkatapos basahin ng buo ang love letter na iyon. Hindi ko kayang pakiharapan siya
kung nabasa niya iyon.

But it's not like we have days to see each other after that, Yohan.

May date si Aria isang Sabado. Pupunta sana si Alvaro sa bahay namin noon kaso
dahil sa date ni Aria, kinailangan naming sa labas na lang magkita.

"Sa inyo na lang sana ako para hindi ka na lumabas," sambit ko.

"Hindi na. Ayos lang naman din dito, Yohan."

Nasa kabilang lamesa si Aria kasama ang isang college boy na ka-date. Nasa malapit
sa pintuan kami ni Alvaro dahil kay Kuring. At nagkasundo kami na mamaya ay sa
parke sa harap na lang. Lalo na dahil iritado si Aria na naroon kami.

"Gusto ko rin kasi sanang makita iyong gawa mong cat furniture. Hindi ba tapos na
'yon?"

He chuckled. "Oo tapos na 'yon."


"Edi puntahan natin?"

He smiled and shook his head. "Sa susunod na lang. O kung gusto mo, kukuhanan ko ng
picture."

I noticed that he doesn't let me go to their house. Malapit lang iyon sa amin.
Convenient sana iyon. At paano kung nasa PMA na siya at gusto kong bisitahin si
Kuring.

"Huwag kang mag-alala," aniya nang napansin ang gumihit sa mukha ko. "Dito raw muna
si Ate Gen simula ngayong bakasyon hanggang Disyembre. Bibisita siya sa inyo kasama
si Kuring. Iiwan niya lang kung may gagawing trabaho at kukunin kapag tapos na."

"Dito na magtatrabaho si Ate?"

"Pansamantala lang naman."

I nodded. We're done eating so we both decided to go out. Lalo na dahil iritado si
Aria na nakatitig sa amin. At nanggugulo na rin si Kuring, hindi na mapakali roon.

Naupo si Alvaro sa isang bench. Samantalang ako, sinusundan ng kaunti si Kuring. He


now has a tendency to go far so we decided to have him leashed. Dito lang naman sa
parke dahil maraming dumadaang sasakyan. Kung sa bahay naman, hindi na kailangan.

"Kumusta ang practice n'yo sa prom?"

"Ayos lang naman, Yohan."

"Naexcite ako sa heart's week n'yo. Ano ba ang schedule no'n."

Tumawa siya. "Tatlong araw lang iyon. Sa unang araw ay ang prom, sa susunod dapat
gagawing holiday para makapagpahinga kami kaso may pakulo ng student council. Kaya
may mga hinandang programme."

Tumango ako. Maganda nga sana iyon. Kaso may pasok kami noon. Puwede siguro kung sa
hapon, o pupuslit kapag library period.

They have a programme for spoken word poetry and all that. This is something that I
did not notice on their pioneering batches. Talagang creative ang batch nina Alvaro
para isipin pa iyon.

Lumapit ang kuting sa isang pamilyar na babae. Nang napansin ito, bumababa ang
babae at pinulot niya si Kuring.

I smiled at Sancha Alcazar. Papunta rin yata siya sa cafe kung nasaan si Aria.
Kapapark lang ng sasakyan nila at nakasunod si Manolo. Kaya lang may kausap ito.

"How cute. Your cat, Yohan?"

"Oo," I proudly said.

Then her eyes narrowed. Tinitigan si Kuring.

"Parang kamukha ng pusa ni Alvaro," pagkasabi niya noon ay umaliwalas ang mga mata
niya nang nakita si Alvaro sa likod ko.

"Good afternoon, Sancha," Alvaro greeted politely.


"Pusa n'yong dalawa 'to?" she asked while she's holding the cat.

"Oo," sagot ni Alvaro.

I smiled. Nagulat si Sancha nang bahagyang nagkulit si Kuring at sinubukan siyang


kalmutin. Alvaro laughed. Hinawakan niya si Kuring at nakita kong magkahawak sila
ng kamay ni Sancha. Hindi naman yata sadya lalo na't natatakot at bahagyang
nagpapanic si Sancha pero hindi ko mapigilang mapansin iyon.

They look nice. Sancha is two years older than me. Kaunti lang ang tanda ni Alvaro
sa kanya. Ang saya nilang tingnan na nagtatawanan habang hinahawakan si Kuring.

One day, Alvaro will find a woman to love. Kaya ko ba talagang baliwalain ang
pagkakataong masabi sa kanya ang nararamdaman ko? Kahit sa isang sulat lang sa
heart's day?

Nilingon ako ni Alvaro. Hindi kio alam kung ano ang itsura ko habang tinitingnan
sila. Nagpaalam si Sancha dahil inakbayan na ni Manolo. May kausap si Manolo kaya
hindi niya na kami pinansin patungo sa cafe.

Alvaro put Kuring down. Napawi ang ngiti niya. Kinabahan tuloy ako kung nagmukha ba
akong malungkot. Ngumiti ako para pagtakpan ang ano mang inisip kanina.

"Mahilig din pala si Sancha sa pusa."

He smirked and tilted his head.

"Pero hindi naman katulad mong namumulot lang ng maruming pusa kung saan saan,
Yohan."

Sumimangot ako. He was laughing and he's purposely pissing me off and it's very
effective. Kaya lang dahil tumawa siya natawa na lang din ako, kahit masama ang
loob.

"Nilinisan ko naman si Kuring noon, ah. At mas nakakaawa ang mga palaboy na pusa
kaysa sa mga malinis at mga may amo."

He chuckled. "Ba't ka galit?"

"Because you made it sound like I like dirty cats!"

"Hindi ba iyon nga ang sinabi mo? Mga pusang palaboy?"

Tama naman siya pero bakit parang may malisya roon. Sinimangutan ko siya lalo pero
mas lalo lang lumapad ang ngisi niya.

"Ibig sabihin noon, Yohan, maawain ka sa mga walang wala sa buhay. O mga pusang
walang matirhan. That says a lot about you."

Hindi ko na mapanatili ang simangot ko. Unti-unting sumilay ang ngiti ko at malakas
na agad ang pintig ng puso ko.

"Baka maging palaboy na si Kuring dahil wala ka na."

"Tingin mo hahayaan ko 'yon?" Nagtaas siya ng isang kilay. "Mag iisang taon na
simula nang alagaan ko siya, wala ka pa ring tiwala sa akin?"

Hindi ako kumibo. Hinuli niya ang mga mata ko.


"Wala ka nga'ng tiwala sa akin, Yohan?"

"May tiwala naman..."

He smirked. Umaliwalas din ang kanyang mukha.

Nabuhayan ako nang may naisip.

"Mabuti pa... magcelebrate na lang tayo ng birthday ni Kuring ngayon!"

Naningkit ang mga mata niya. "Bakit? Ngayon ba ang birthday niya?"

"Hindi. Baka next month pero... baka busy ka na no'n. Hindi na tayo makakapagkita."

"So you're expecting that this will be our last meeting? Kaya ngayon na tayo
magcecelebrate ng birthday niya?"

"Hindi naman sa ganoon..." sabi ko dahil may tono na naman siyang galit at nang-
aasar na naman.

He shook his head. "Magkikita ulit tayo para sa birthday ni Kuring, Yohan."

"Hindi ka pa ba... aalis noon? Tapos na ang graduation n'yo no'n."

He shook his head. "Pagkatapos na ng birthday ni Kuring ako aalis. Kaya magkikita
pa ulit tayo."

My heart is beating wildly. But what if... what if this friendship will end the
moment I tell him about my feelings.

He doesn't have a girlfriend right now. I am too young for him, just Grade 7. He's
a senior high, almost college. I don't think he would really look at me more than
friends. Paano kung... ang pagsasabi ko sa totoong nararamdaman pa ang maging
dahilan na mawala ang lahat ng ito?

That day, I've decided that I'll keep my feelings. And when the right time comes,
when I'm old enough, and we'll see each other again, then I'll tell him... I'll
tell him.

Kinuha niya na ulit si Kuring. I smiled as I watched him holding the cat, and
rubbing his head. I'll tell you, Alvaro.

Until then, please come back. Until then, please wait for me.

🌺🌺🌺
KABANATA 14
PITY

It was their prom night. Buong araw kong iniisip ang paag-eenjoy ni Alvaro doon.
Siguro isasayaw niya lahat ng crush niya sa gabing iyon. Iisipin niya na huli na
iyon dahil aalis na siya pagkatapos ng graduation.

I sighed. Bakit ba hindi ko magawang ibigay sa kanya ang sulat ko kahit na ganoon
din naman ang iniisip ko?

I opened my notebook. I searched on the pages for the letter I wrote. Naalala ko na
inipit ko iyon sa notebook ko pero kinabahan ako nang nawala.
Paulit ulit kong tiningnan ang mga pahina. At halos alugin ko na ang notebook para
lang mahulog ang sulat kung naroon man pero wala!

My heart pounded thinking that it's lost. Paano kung may ibang makapulot?

"Anong hinahanap mo riyan?" si Aria nang nakitang tinitingnan ko na ang ilalim ng


upuan namin sa sasakyan.

Hinalughog ko na ang bag ko. Pumunta na rin ako sa locker room. Wala roon ang
sulat. Nagpunta na rin ako kanina sa Kiosk na madalas kong upuan, wala rin doon.

Hindi ako sumagot. Sa huli, hindi ko nahanap sa sasakyan. I was so bothered. Pag-
uwi sa bahay, ang kuwarto ko naman ang gustong baliktarin para mahanap iyon.

Where could it be? I don't know.

Nagulo at nalinis ko ang kuwarto buong gabi para hanapin iyon pero wala roon.
Binalikan ko pa ang ilang parte na tingin ko'y puwedeng paglagyan, ng dalawa,
tatlo, apat na beses... pero wala.

The next morning, I still couldn't stop finding it. Pagkadating sa school, inuna ko
ang mga Kiosk. Nagmadali ako patungo sa klase at nasa loob na ako ng classroom ng
naisip ang library.

I couldn't even stop and check out the Senior Highs prepared programs and
decorations for today dahil sa paghahanap ng letter ko.

"Sayang. Ngayon sana 'yon!" mga kaklase ko.

May programme ang Senior High ngayon dahil wala silang pasok. Para sa buong school
naman iyon pero siyempre, dahil may pasok kami, hindi namin mapapanood ang lahat.
Tanging ang mga higher levels lang na walang pasok ang makakapunta. Ang buong
Senior high ang walang pasok kaya para sa kanila talaga iyon.

Naisip ko ang library. Hindi kaya aksidente kong naiwan doon? O sa mga nahiram kong
libro, naipit ko roon?

On our library period in the afternoon, everyone planned to go to the Senior high
programme. Nanghihinayang nga ako na hindi makakapunta kaso kailangan ko talagang
pumunta sa library para maghanap.

"Magbabasa ako ng poems ko!" nag-uunahan ang mga kaklase kong pumunta.

I was already on the library's entrance when I heard the familiar words.

I stopped. Nagmamadali ang mga estudyante patungo sa daanan kung saan nakatayo ang
isang improvised stage ng mga senior high para sa mga programme sa araw na iyon.

At first, I couldn't believe it. I thought it's just a coincidence. After all the
words I used weren't unique but then it was all too familiar.

Hindi ko alam kung nabasa ba ang simula o iyong parte lang na iyon ang binasa pero
hindi na ako puwedeng magkamali.

"My heart skips a beat everytime I see you. I don't know if it always shows but
whenever you smile, it beats wildly. Hindi ako komportable sa lahat ng tao sa
paligid ko, pero nang nagbiro ko sa akin..."

These are my words!


"Whenever I hear your name, my heart goes wild. I always suppress it because I know
you don't like me. But each day, it grew more and more wild."

"When I saw you with your girlfriend hugging at the library, I envy the warmth you
gave her with your hug, Alvaro. At noong dumating ang intrams at may free hug ako
sa booth, akala ko talaga mayayakap na kita. I looked forward to it but I was also
too shy to initiate. Pakiramdam ko mahihimatay ko."

My jaw dropped. Ang iilang estudyante ay nakatingin na sa akin, para bang alam nila
na galing iyon sa akin.

Nagmadali akong pumunta. Masyado na nga lang maraming tao para makita ko pa ang
buo. At ang lahat ng nakakakita sa akin, may ngisi na sa labi.

Nagbara na ang mga estudyante sa daanan. Nakikita ko ang iilang grade eleven sa
harap na nagkakatuwaan at may binabasang papel. Hindi ko man nakita ng buo,
pakiramdam ko alam ko na kung saan napunta ang sulat ko.

I became very dizzy. The laughs I heard from the students weren't the usual teasing
laughs. They were full of malice! At ang mga nakakakita sa akin, ay nginingitian
akon na para bang may ginawa akong napakasama.

"Uy, baka kaya nagkahiwalay si Alvaro at ang dati niyang girlfriend? Kaya ba
milagro at wala na siyang girlfriend ngayon?!"

"Uy si Kalansay! May tinatago ka pa lang landi, ah!"

Then the laughs covered all my rational thoughts.

"It's weird because I want nothing but for you to hold me, but then also I didn't
have to guts to do it. Or to tell you. Kaya dito sa sulat ko, sasabihin ko iyon
sa'yo."

"Mahal na mahal kita, Alvaro. Love, Yohan Valiente!" the girl on another microphone
cheered.

Sa tono pa lang, alam ko nang hindi iyon simpleng pang-aasar iyon. May malisya
iyon. Nagtawanan ang lahat at mas lalo akong nanliit.

"Kaya ba walang girlfriend si Alvaro? Ilang buwan na rin 'yon, ah?" the host said
maliciously.

"Oo nga! Minsan, nakikita ko nga sila sa parke na may kasamang pusa. Baka hindi
natin alam, nalandi na ni Kalansay si Alvaro Santander!"

"Malay natin kaya nagkahiwalay dahil sa paglalandi ni Kalansay Valiente?!"

The then laughed.

"Aww. The message is heartfelt. Yakapin daw sana. Naku, baka higit pa sa yakap ang
gusto ng batang 'yon!"

They laughed again. Each time they speak, I feel like I'm shrinking.

"Kaya lumalaki na ang ulo ng batang iyon, eh. Kasi napagtutuonan na ng pansin!"

"O baka naman gusto lang ni Alvaro makaganti sa mga Valiente? Kuhang kuha naman ang
loob noong-"
Her voice got cut off. The audience were shrieking. Hindi na ako nakakapanood pero
narinig ko ang bulungan sa mga nasa unahan ko.

"Si Alvaro!"

"Hala!"

I heard more static from the microphones. Kaya ang sunod na boses, hindi na
nakamikropono. Pero nanahimik ang gulat na mga estudyante kaya kahit paano,
naririnig ko iyon.

"Tigilan n'yo na 'yan!"

"It's Yohan's entry, Alvaro. Bakit titigilan? She has some talent in writing, huh?"

"Tigilan n'yo na siya. Hindi ako naniniwala na sa kanya 'yon-"

"Oh? Bakit? Eh, halata naman na gusto ka kaya hindi na kataka taka kung gawin niya
itong paraan para maipahayag ang nararamdaman."

"Tigilan n'yo na siya."

There was another static, telling me that Alvaro was getting all the microphones.

"Bakit? Gusto mo siya? Kaya ba wala kang girlfriend na mula last year? Eh hindi ba
papalit palit ka naman?"

"So you like her, Alvaro?"

"I don't. Stop it."

"Ang swerte ni Kalansay, pinagtatanggol siya ni Alvaro-"

"Ang sabi ko tigilan n'yo na siya!" his voice thundered.

"Kaya pala madalas ka kina Aria, ha? Akala namin si Aria ang nililigawan mo. Si
Kalansay pala," someone from the audience said.

At isa-isa na ring nagsigawan ang iba.

"Beauty and the beast? Si Beast si Kalansay!" sabay tawa.

"Ginagamit pa yata ang pusa para makipaglapit kay Alvaro!"

"Kaya naiirita ako roon, e. May kalandiang tinatago si Kalansay."

"Oo nga. Nangarap pa ng yakap kay Alvaro at nagselos pa sa girlfriend! Sinulot ka


yata ni Kalansay Alvaro!"

"I said stop it!" Alvaro's voice thundered past all the other voiced from the
audience.

Natahimik sila unti-unti.

"Hindi ko gusto si Yohan, kaya tigilan n'yo na ang pang-aasar n'yo sa kanya."

"Oh? Talaga? Eh, bakit wala kang girlfriend-"


"I have a girlfriend right now. So please stop teasing her."

"Why are you defending her?"

"Can't you see? You're bullying her and it's not right. Kaya tigilan n'yo na siya.
Lubayan n'yo na siya."

"So you pity her? Kawawa nga naman pero sige nga. Who's your girlfriend right now?
Kung hindi si Kalansay?"

Alvaro mentioned a name of his classmate. Unti-unting nagbulungan ang mga tao. Ang
kaninang natatawa sa akin ay nakatingin na sa akin ngayon.

"Kawawa ka naman pala..."

"Iiyak na si Kalansay."

I bowed more and started walking back.

"Kaya tigilan n'yo na si Yohan-"

"So hindi mo talaga siya gusto?"

"Bata pa si Yohan. Hindi siya ang tipo ko. Tigilann n'yo na siya," Alvaro's words
lingered on my head.

There was nothing wrong with it.

Tama naman siya. Nakakaawa nga ako at hindi niya naman talaga ako gusto. Hindi niya
ako tipo at bata pa ako. Kaya bakit ako nalulungkot? Bakit ako nasasaktan? Totoo
naman iyon lahat, ah?

Nobody teased me anymore but I know they were talking behind my back. Wala nang
nangharang o kahit tumawag man lang na Kalansay sa akin kahit sa classroom. It had
become my nickname but that day it seemed like it didn't exist.

Tahimik ako sa sasakyan, nag-aantay kay Aria.

The door opened. Nagtatawanan sila ng mga kaibigan niya at napawi ang tawa niya
nang pumasok at siguro natanaw akong tahimik na nakaupo.

Unlike most days, she didn't greet me with insults. This is a miracle. She always
greet me with insults but today, there was none. Para pa nga'ng naging awkward ang
biyahe dahil sa katahimikan niya.

"Hay naku! Tuwang tuwa ako sa marriage booth."

Nilingon niya ako.

"Namasyal ka ba kanina sa heart's day celebration ng Seniors?"

I shook my head.

"Hmm. Must be tiring to be a Grade seven now that the student council is very
active."

Hindi ako umiyak pagdating sa kuwarto ko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman
ko o alin ang uunahin ko.
I just felt weak... tired. Of it all.

My letter was exposed to everyone and they all laughed at me. Alam na naman ng
lahat ng mga schoolmates ko na gusto ko si Alvaro pero iba pa rin iyong marinig ng
lahat ang tunay na nararamdaman ko, na detalyado pa.

Everyone laughed at me. And they pity me. Alvaro pities me, too. Maybe because I am
too young, and I hoped for us, and I'm ugly... pero lahat ng iyan hindi na
magbabago kaya nakakalungkot nga naman.

I felt numb. The next day, the Heart's day celebration continued. It's the last
day. Wala na ni isang bumabaling sa akin para pagtawanan ako. Kung may makakapansin
man, iiwasan pa ako o 'di kaya'y pagmamasdan na may awa sa mga mata.

I was embarrassed so I returned to my usual spot the next week. Doon ako naupo sa
Kiosk sa likod ng gym, kung saan ko rin unang nahanap si Kuring. Tahimik ako habang
naroon at medyo nagambala lang nang lumapit si Chantal para maghugas ng kamay.

My heart pounded when she glanced at me. Hindi na ako tinutukso nino man pero wala
ring sadyang bumabaling sa akin kaya kinabahan ako sa tingin niya.

Pagkatapos niyang maghugas ng kamay, lumapit siya sa Kiosk. I looked at her


cautiously. She smiled at me.

"Uh... after exam... uhm..." she seemed pretty nervous.

Naghintay ako sa sasabihin niya.

"Baka dalhin ko si Kuring sa inyo, ayos lang ba?"

I blinked twice. I never expected that. At kahit iyong huli naming usapan ni
Alvaro, ni hindi ko na rin gaanong in-expect pagkatapos ng nangyari.

He already has a girlfriend. For sure Aria knows what happened. Matutunugan ng mga
babaeng iyon ang pagbisita muli ni Alvaro sa amin kung gagawin niya pa ulit.

At baka pa magselos na ang girlfriend niya dahil sa sulat kong iyon.

But then, I also know that I have no time to do it anymore. Kahapon lang ay nagyaya
si Aria na sa huling araw nang exam, umalis na kami papuntang Bacolod. At kalaunan,
tutulak na kami para magbakasyon, hihintayin lang si Tita at Tito.

I also don't know how I feel anymore. Ngayong alam ko na naaawa lang siya sa akin,
hindi naman ako galit. Pero ayaw ko lang na kinakaawaan niya. It's probably my
small ego talking. It hurt to hear that he doesn't like me. That I wasn't his type.
I expected it but I just didn't know that it'll hurt this way. Lalo na kapag galing
talaga sa kanya.

Kaya sa ngayon, naiintindihan ko na. Hindi na dapat ako nanggugulo. Dati, ako lang
naman ang inaasar. Ngayon, nasasali na siya dahil sa galit ng mga estudyante sa
akin. Naintindihan ko kung mairita na siya at sa huli, piliin na lang na lumayo sa
akin. I would also be willing to give him space. Nobody wants to be bullied and
humiliated.

"Ah. Para ba sa birthday ni Kuring?" ngumiti ako kay Chantal.

Mabilis siyang tumango.

"Wala na kami ni Aria no'n, e. After exam, magbabakasyon kami. Kaya... kayo na lang
ang mag celebrate."

"Huh?"

"Ayos lang sa akin. Pusa niya naman 'yon, e." I chuckled. "Subukan kong maghanap
din ng pusa sa Bacolod para may sariling pusa na ako. At hindi na naiinggit sa
kanya."

Hindi nga ako papayagan ni Tita pero sinabi ko na lang din iyon. Pakiramdam ko isa
pa iyon sa kakaawaan nila sa akin.

"Uh. Okay. Uhm... Sigurado ka ba?"

I nodded.

"Subukan kong ipagluto si Kuring. Bibisita kami ni Levi sa kanila. Hindi ka ba


makakadaan kahit saglit? Bago kayo umalis?"

Chantal's words were promising but I know better. I know Alvaro doesn't want me to
visit his house.

"Hindi, e. Gabi ang alis namin noon. Sa araw mismo ng exam. Kaya... ayos lang
Chantal. Salamat."

She nodded. Kalaunan, nagpaalam na siya.

The next days were like a miracle. Nobody teased me about anything. Even Soren who
always teased me didn't. Tahimik niya lang akong pinanood habang dumadaan. Hinintay
ko ang kahit isang pagbibiro niya dahil sa lahat, alam kong siya lang ang
magpapatuloy pero wala.

The girls of Grades ten and eleven didn't say anything to me, too. Sa locker room,
wala na ni isang patuyang bumati sa akin. Nakita nila ako pero parang hangin na
lang. I held my breath expected for humiliation and I was thankful that it doesn't
come anymore these days.

Hindi na kami nagkita ulit ni Alvaro. Hindi na rin naman ako nag-expect. Narinig ko
na lang na umalis na siya. Hindi ko na alam kung makikita ko pa ba ulit si Kuring
at tatanggapin ko na kung hindi na. Hinanda ko na ang sarili ko roon.

My Grade eight started peacefully. Everyone called me by my name. Ni hindi ko alam


kung paano nangyari iyon pero may respeto na halos lahat ng mga kaklase ko. My
seniors were also not interested to humiliate me. It is very new to me. At parang
unti-unti ko na ring natanggap ang lahat.

That year was the end of my bullied days. Hindi ko na ulit narinig ang Kalansay,
giraffe, at kung ano ano pang tukso sa akin. Somehow, it comforted me. The one
thing that I earned from this all was that I don't get bullied anymore.

Is it worth it? I tell you. It is.

🌺🌺🌺
KABANATA 15
WEIRD

We went to Hong Kong the next years vacation. At dahil hindi na naman makakasama si
Tita at Tito kung hahabaan pa ang bakasyon, ako na lang ang sinama ni Aria sa
Boracay. Ang mga dating kaibigan niya sa Bacolod ay nagkaroon ng annual trip.
Pumayag lang siya na isama ako dahil sa Bacolod na muna si Tita at Tito dahil sa
pagpaparenovate ng ancestral house nila. Ayos lang naman sa akin na sa Altagracia
na lang ako kaso nitong mga nakaraang buwan, lagi na lang napapagalitan ni Tita at
Tito si Aria dahil sa pagbo-boyfriend niya.

Last year, hindi ko na nga nakita si Kuring. Pero tuwing hapon, at napapadaan ang
sasakyan sa mga Santander, natatanaw ko si Ate Gen na kandong ito. I miss him but I
didn't want to be a bother. Hanggang tingin na lang ako.

Tumigil lang yata iyon nang bumalik si Ate Gen sa Cebu. Pero may mga araw at linggo
pa rin namang natatanaw ko siya roon. So I made it a habit to look at their house
everytime I go home from school.

Nakaupo ako ngayon sa isang lounger sa tabi ng pool. Hapon na at hinihintay ko si


Aria na maligo. Gusto niyang sa kuwarto lang ako at siya lang ang lalabas. Kaya
lang, mahigpit na sinabi ni Tita at Tito na magkasama kaming dalawa sa trip na 'to.
Kahit pa nariyan ang mga kaibigan niya.

Kaninang umaga, sumama ako nang nag island hopping sila. Akala niya matutulog ako
sa pagod ngayong hapon, at mukhang may planong pumuslit at umalis na silang dalawa
lang ng boyfriend niya.

Aria looked so good on her cover up. Sobrang sheer nito na kitang kita ang kulay
yellow na bikini. I am wearing a rashguard. Naka pag two-piece naman ako ikahapon
pero sporty attire iyon, hindi kagaya kay Aria na string.

Kumunot ang noo ko nang may kasama siyang hindi ko naman kilalang lalaki. Kasing
edad ko iyon at agad niyang inilahad sa akin.

"Nakita ko sa lobby etong si Noel. Pinsan siya ni Margaux," aniya.

Lito ako pero naglahad pa rin ng kamay. Noel laughed. Nagkamot ng ulo at mukhang
nagpapacute kay Aria, bago tinanggap ang kamay ko.

Sa tagal ko nang nakasama si Aria sa mga ganito, alam ko na ang mga reaksiyong
ganito sa mga lalaki. Mas matanda si Aria kay Noel pero alam kong iniisip niyang
may pag-asa siya rito.

"Dito muna kayo. Noel, may titingnan lang ako roon sa station. Babalik din ako."

Napabaling ako kay Aria. I know what she's doing.

She noticed that this boy liked her. She lured him here to accompany me, para hindi
ko siya mabantayan.

"Aria, bilin ni Tita."

"Ano ka ba. Saglit lang ako. Noel, si Yohan, pinsan ko 'to. Upo ka muna. Babalik
lang ako. May bibilhin lang."

Nag-alala agad ako. Sinundan ko ng tingin si Aria at gusto ko sana siyang sundan
kaso... narito na si Noel sa tabi ko.

"Sa inyo si Aria nakatira?"

Napabaling na ako sa kanya. Wala nang choice kundi hayaan si Aria. Magsasabi na
lang ako kina Tita at Tito mamaya pero nasisiguro kong kukumbinsihin na naman ako
ni Aria na manahimik.
"Ah. Oo. Taga Bacolod talaga sila tapos tumira lang sa amin dahil... wala na akong
parents."

I smiled. Not that he cares, though. I know this too much.

"Taga roon din ang pinsan kong si Margaux. You must know her."

He's cute. Siguro isa hanggang dalawang taon ang tanda sa akin. Baby face pa at ang
buhok ay mahaba at nakaparte sa isang side. He looked like a popular boy idol,
especiallly with his small hooded eyes and white upper teeth.

"Oo. Kilala ko nga."

"Nalungkot talaga ako noong nalaman na lilipat daw ng school si Aria. Hindi ko
naman inisip na lumipat din pala siya ng lugar. Kaya pala hindi ko na gaanong
nakikita sa Bacolod."

"Uh. Oo."

That's when I realized that I didn't know how to interact. Sa buong taon ko last
year, tahimik lang naman ako at nakikisalamuha sa mga kaklase kapag may kailangan.
Hindi na ako tinatawag ng kung anong pangalan kaya medyo gumaan na rin ang
pakiramdam ko sa school. Pero natanto kong sa ganitong pagkakataon pala, hindi pa
rin ako marunong makisama.

"Hindi na ba babalik si Aria sa Bacolod."

"Ah... madalas naman siya sa Bacolod. Tuwing bakasyon. Kasama ako minsan. Ngayon,
magtatagal kasi nirerenovate ang bahay nila doon."

So we spent the whole afternoon that way. We talked about Aria. Kapag hindi si
Aria, ang school naaman at ang grade level niya. Gabi na nang bumalik si Aria. At
sa pagbabalik pa niya, naabutan niyang nanghihingi ng numero si Noel sa akin.

"Sige. See you around," si Noel pagkatapos naming ikompara ang cellphone naming
dalawa.

I was saving his number when I heard Aria's malicious shriek.

"Uyy! Ano 'yon? Boyfriend mo na?!" sabay nakakainis na kalabit sa pisngi ko.

"Nanghingi lang ng number in case umuwi tayong Bacolod."

Parang wala siyang narinig. Malaki ang ngisi niya.

"Natuto na siyang lumandi! Uyy!"

"Aria! Ikaw ang gusto niya."

"Selos ka?"

"Nagsasabi lang ako kaya tigilan mo nga ako."

"Ano ka ba? May gatas pa 'yon sa labi. Sa'yo na 'yon!"

Umiling ako. "Hindi naman 'yan ang iniisip ko."

So that was all we talked about over dinner.


Ang dami niyang mga itinuturo sa akin.

"Alam mo, bata ka pa kasi at hindi pa marunong mag-ayos talaga. Huwag ka nang mag
expect na magkakaroon ka ng babaeng kaibigan sa school kaya sa mga lalaki ka na
lang makipagkaibigan."

"Ayoko."

"Madaling ma insecure ang mga babae. Kahit kaibigan nila, pag iisipan ng masama.
Ang lalaki, may chance pang magka-in love-an kayo. E 'di magkakaboyfriend ka na!"

I noticed that everything really changed. Isang taon ang nakalipas, aasarin lang
ako ni Aria na hindi ako magkakaboyfriend sa pangit kong 'to. Ngayon, hindi na.
Siguro dahil iba na ang tungo ng mga tao sa eskuwela.

"Hindi ba gusto mo na dati ng normal na buhay ng teenage girl? Oh, ayan na!
Tumanggap ka ng manliligaw. Makipagboyfriend ka."

"Hindi ako ganoon."

"Anong hindi ganoon? Eh normal naman 'yon."

"Masyado pa akong bata."

She rolled her eyes. "Kaya ka weirdo, e. Nakakaganda 'yang pagkakaroon ng


manliligaw at boyfriend."

"Huh?" hindi maintindihan ang sinabi niya.

"I mean... kung makita ng ibang lalaki at pati babae na may manliligaw ka, o
boyfriend ka, magbabago ang tingin nila sa'yo. Galing sa weirdong kalansay,
makikita ka na nila bilang Yohan... na dalaga..." she said, sounding so credible
and persuasive.

Nagtagal ang tingin ko sa kanya at napaisip na lang.

"Habang walang pumapansin sa'yo, nasa gilid ka lang, at weirdo... magpapatuloy na


walang papansin sa'yo. Pero sa oras... na magkaroon ka ng manliligaw... o
boyfriend... titingkad ka ng kaunti. Kahit pangit ka pa rin."

Ngumuso ako. Hindi ko alam kung tama ba ang pinagsasabi ni Aria pero kung iisipin
ang popularity niya sa school, baka nga kahit paano totoo ang sinabi niya.

Noel didn't text me and I expected it. Si Aria ang gusto niya. Iniisip ko pa nga na
baka i-text lang ako noon para makapanghingi ng numero kay Aria.

Nasa Bacolod kami nang naabutan ko si Aria na may katawagan.

"Wala kami, e. Pasensiya na. Pakisabi na lang kay Ate Gen, Chantal. Walang tao sa
bahay."

Ate Gen?

Umikot si Aria at natanaw ako. Nagpatuloy siya sa pagsagot sa tawag.

"Baka sa enrolment na kami umuwi. Hindi ko alam. Hindi pa ako sigurado... Okay,
thank you. Bye."
"Uh..." My lips twisted. "Si Chantal ang katawagan mo?"

Sinalampak niya ang katawan sa sofa at pinulot na ang iPad.

"Halika tingin tayo ng damit. Mamili tayo!" anyaya niya, binalewala ang tanong ko.

"You mentioned Ate Gen. Si... ate Magenta ba?"

"Ah, oo. Nagyayaya lang nang outing sina Chantal kasama sina Ate Gen.."

Nagpatuloy siya sa pags-swipe. My heart skipped a beat thinking that it's Alvaro's
sister. Is he home? I don't know the rules of PMA but I wonder if he's home right
now. It's the vacation. Kaso... hindi pa kami uuwi.

At bakit ko naman din iisipin iyon? Haharapin ko ba siya kung nariyan nga siya?
Hindi naman.

I convinced myself that I'm only thinking about Kuring.

That year passed by like a whirlwind. I wasn't bullied at school anymore and I'm
happier than ever.

It was summer again. Grade ten na ako sa susunod na pasukan at ayon sa mga turo ni
Aria, natuto na rin naman ako ng kaunti sa pananamit at pag-aayos sa sarili. Iyon
nga lang, masyado pa rin akong payat at maputla. Mahaba na ang buhok ko at
nakapagsuot na ng contacts isang linggo. Pero hindi ako nagpatuloy dahil hindi ako
ganoon ka komportable.

My pimples come and go, too. Si Aria, walang ibang masabi dahil hindi niya naman
naranasang magka pimples kaya hindi ko rin alam ang gagawin ko. Second year college
na si Aria sa pasukan at mas madalas na ang pakikipagtalo niya kay Tita Amanda at
Tito Clavio. Probably the reason why we are kind of closer these days.

Nasa Bacolod kami halos buong bakasyon. At dahil sa isang party na pinuntahan namin
ni Aria, muli kaming nagkita ni Noel. He matured a bit but I noticed he still likes
Aria. Ayos lang naman sa akin. Masaya naman din siyang kasama.

"Pupunta ba kayo sa outing nila? Sasama kami sa Guimaras!" si Noel.

Umiling si Aria. "Uwi na kami bukas, e."

"Oh? Ba't maaga kayo ngayon?"

Tumawa si Aria. "Sa one agad ang pasok namin. Kaya mag e-enrol pa. Lalo na 'tong si
Yohan kasi last grade niya na sa junior high."

I smiled. Nagtagal ang tingin ni Noel sa akin.

"Baka bumisita ako kina Margaux!" masayang sinabi ni Noel.

"Oh, bibisita raw, Yohan!"

My brows furrowed. Sinusubukan niya talaga akong ipares kay Noel kahit sa kanya
naman iyon may gusto.

"Bakit? Busy ka ba?" si Aria ang tinanong.

"Hindi naman pero mas maalam 'to si Yohan sa pasyalan dahil taga Altagracia!"
Which is not true. Mas lumalabas siya kaysa sa akin!

Tumawa si Noel. "Mamasyal tayo kung ganoon. Pero pabisita rin sa inyo, ah?"

Namilog ang mga mata ni Aria, mukhang may naisip. "Ang mabuti pa, samahan mo si
Yohan sa enrolment! Tapos no'n, bisita ka sa bahay. Swimming tayo!"

"Sige ba!"

Kunot na kunot na ang noo ko sa pinsan. She really has this shady plans for me.

"Aria, alam nating dalawa na sa'yo siya may gusto. Okay lang sa akin. Huwag mo
naman siyang pilitin sa akin," sambit ko nang umuwi na kami.

"Anong pinipilit? Sasamahan ka lang mag enrol, e. Huwag kang mag-alala, maghahanda
ako sa bahay ng merienda n'yo. Matutuwa pa rin 'yon kahit paano. At malay mo...
magustuhan ka niya."

I rolled my eyes. "Kahit magustuhan niya ako, e hindi ko naman siya gusto."

Pabiro nang tinampal ni Aria ang pisngi ko.

"Wow! Ang ganda ganda mo naman!" She laughed hysterically.

I shook my head. Pero sa totoo lang, nakakatulong nga naman iyon. Habang tumatagal
kasi na pinipilit ako ni Aria na makisalamuha, mas umaayos din ang pakikisalamuha
ko sa iba. Hindi na ako gaanong kabado kung may magtatanong sa aking kaklase.
Sometimes, I feel like I've never been bullied. I feel very normal.

Bumisita nga si Noel sa amin at sinamahan niya ako sa school para sa enrolment.
Sinalubong siya ni Margaux at binati. Galing doon, pinagtitinginan na kami sa
school.

I heard one talk about us. "Si Yohan. Manliligaw niya yata. Taga Bacolod daw 'yan."

It would be nice to correct the rumor. Kaya lang masyado akong abala sa maraming
gagawin sa enrolment. At tinutulungan naman ako ni Noel.

"Anong kukunin mo pagka college?"

"Ah... business. Para sa azucarera."

He smiled. "Ikaw pala talaga ang mamamahala. Wow! Ngayon ko lang narealize na
asyendera ka pala."

I chuckled. "Pagka eighteen ko, hmm, tutulong na ako kay Tita at Tito."

"E, si Aria?"

"May negosyo si Tito sa Bacolod. 'Tsaka... I don't see her staying here for a long
time. She's a city girl so... don't worry."

He smirked. "May boyfriend ba siya ngayon?"

Oo nga, no? Hindi ko napansin kung may boyfriend ba siya ngayon.

"Parang wala. Pero hindi ako sigurado."

"May pag-asa kaya ako?"


I don't want to lie. I can picture Aria's smirk on my mind and it's not a good
news.

"Hmm. Subukan mo na lang."

Natapos ko ang enrolment ko. Pinagtitinginan na talaga kami ng lahat. The school
was unbelievably silent and it was because of me and my mysterious friend that the
mood got lighter. Nagkaroon sila ng mas tahimik na pinag-usapan kaysa sa ang mga
mabibigat na pinagdadaanan ng ilan sa Altagracia.

Napabaling ako sa isang ilog at dumaan sa isipan ko ang isang hindi kapani-
paniwalang pangyayari noong nakaraan. We were in Bacolod when it happened. Kaya rin
siguro, medyo tahimik at madilim ang mood ng mga tao sa school.

"Naubusan daw kayo ng ice cream. Nag text si Aria," balita ni Noel.

Tumango ako at sinabi sa driver na pumunta muna kami sa isang convenient store para
bumili.

"Maliligo ako sa inyo. Naghanda ako ng six pack abs para kay Aria," si Noel
pagkababa namin ng sasakyan.

I rolled my eyes at that.

"Bakit? Hindi ka naniniwala?"

Tumawa ako at umiling.

Binuksan niya ang pintuan at imbes na dumiretso sa lalagyanan ng ice cream,


hinawakan niya ang kamay ko.

"Halika, tingnan mo!" biro niyang higit sa akin.

"Ayoko nga!"

"Hawakan mo!" pilit niya.

Tumawa ako at tumili ng kaunti nang inangat niya ang polo shirt niya. I saw how he
tried his best to make his abdomen firm just to prove it to me. Eh, wala naman
talagang abs doon at nagdedeliryo lang siya!

"See?" he said and let my hand touch his abdomen.

"Wala naman, e!" sigaw ko.

Natigil ako bahagya nang natanaw kung sino ang nasa upuan at lamesa ng convenient
store. Alvaro is sitting there. Mukhang katatapos lang ng pagkain at nakatingin sa
amin. May inumin pa siya.

My eyes widened. He sported a poker face. Medyo naging moreno at nagkaroon ng


muscles. Iba na rin ang hairstyle pero medyo bagay sa kanya iyon. Naka puting t-
shirt siya at maong. Mag-isa yata na kumain doon.

"Halika na!" sabay higit ni Noel sa akin patungo sa lalagyanan ng ice cream.

Sa totoo lang, nawala sa isipan ko ang gagawin.

"Anong gusto mong flavor?"


Hindi ako nakasagot. Hindi ko na siya ulit nakita pagkatapos ng taong iyon. Ngayon
lang ulit. Mukhang bakasyon nila sa PMA.

My heart pounded like crazy. He looked good. His color suited him. And honestly, he
is now very gorgeous. Guwapo rin naman siya noon pero...

"Huy!"

Tahimik kong kinuha ang icecream na gusto ko. Dinalawa ko na.

"Ako na ang magbabayad," he volunteered.

On other days, I would say I'll pay for it. Pero dahil ayaw ko pang pumunta sa
counter, hinayaan ko siya.

Pumunta ako sa mga shelf ng chocolates at galing doon, sa mga butas ng shelves,
tiningnan ko si Alvaro. He was serious. Tulala habang pinaglalaruan ang baso ng
inumin niya. His jaw is now sculpted very well.

Nagbago. May nagbago. Noon naman, kapag nakikita ko siya napapansin kong masiyahin
siya. Ngayon parang masyado nang seryoso... o siguro... dahil hindi ko na siya
kilala. I don't know. Or is it the result of his military training?

"Yohan? Anong ginagawa mo diyan?"

Alvaro's eyes darted on the shelves. Mabilis akong umalis doon at sinalubong na si
Noel. Sa kaba ko, dire-diretso ang lakad ko palabas. Tapos nang nagbayad si Noel.
Pumasok na ako sa sasakyan at kalaunan, umalis na kami roon.

🌺🌺🌺
KABANATA 16
DATE

Hindi natanggal sa isipan ko. Kahit na naligo rin ako kasama ni Aria at Noel sa
bahay, paminsan-minsan akong natutulala kaiisip sa nangyari sa convenient store.

His image flashed on my mind. Both when he looked at me and also, when I looked at
him on the shelves. He really looked gorgeous. He looked so serious, and mature.
His lips were quite red and his eyes sharp.

Hindi ko pa nasasabi kay Aria iyon dahil iniisip ko pagtatawanan niya na naman ako.
At hindi ko rin alam paano sasabihin pa sa kanya iyon. Hindi na namin napag-usapan
pa si Alvaro.

It was the first week of school and I am doing very well. Nakakasalamuha ko nang
mabuti ang mga kaklase ko. Hindi ko nga lang alam kung dahil ba iyon kay Noel pero
may kasama na akong mag lunch.

"Grabe ka! Taga Bacolod pa talaga ang manliligaw mo!"

Tinawanan ko iyon. "Ah. Hindi ko manliligaw iyon. Friend lang."

"Sus! Humble ka pa e nakita kayo ni Ate. Sabi niya parang may something daw talaga
sa inyo! Gwapo daw!"

"Oo. S-in-earch ko sa Facebook! Ang guwapo!!!"


"Talaga? Patingin?"

Nagsitayuan sila at tiningnan ang cellphone ng katabi kong classmate. I smiled as I


watch them check out Noel's pictures. Natatawa ako tuwing iniisip na ikuwento sa
kanya ang mga reaksiyon ng taga rito.

"Ang guwapo!'

"Hala, bagay kayo, Yohan?"

"Ah. Magkaibigan lang kami."

"Pa humble pa."

"Yohan," may nakatayo sa likod ko.

Napabaling ako at nakita si Angelo. He had been kind to me since the intrams but we
are not classmates anymore this year.

"O?" Napatingin ako sa likod niya, naroon ang ibang mga kaklase namin noon na
tinutukso ako.

"Nanliligaw ba si Kuya Noel sa'yo?"

Tumawa ako at umiling. "Hindi. Magkaibigan lang kami, Angelo."

Bumaling si Angelo sa mga kaibigan niya. Kumunot ang noo ko, hindi maintindihan
kung bakit parang pinaalam niya lang doon. May iilang nagtutulakan at may isa pang
umatras.

"Sigurado ka? Sabi may gusto raw sa'yo? O baka binasted mo?"

Tumawa ulit aiko. "Hindi, Angelo. Magkaibigan lang talaga kami ni Noel."

"Naku! Baka papaasahin lang kayo nito!" si Angelo sabay baling sa mga kaibigan.

My eyes widened. I didn't expect that. Nagtawanan sila at natawa na rin ako.

Kakaiba ang tawanang iginawad na iyon sa akin. Halong pagkakaaliw at katatawanan


iyon, isang bagay na madalas ko nang matanggap sa ibang classmates man o
schoolmates ngayon.

It made me forget the things that bothered me vacation of that year. It made me
forget about that one minor encounter with Alvaro.

Sa taong ding iyon, nakatanggap ako ng manliligaw. Hindi ako makapaniwala nang
binasa ko ang sulat nito. I didn't know him but he's my grade. At sinulatan ko
naman siya pabalik. Hindi ko naman siya kilala kaya naisip kong hindi ko siya
masasagot.

I just told him politely that I want us to be friends first. I don't know him yet
so I can't say yes to it.

At mukhang ganoon yata ang iniisip ng ibang lalaki. Dalawa, tatlo na ang nanligaw
sa akin na sa pangalan ko lang kilala. Ang isa'y ngayon ko lang nga nakilala.

It was Christmas when we were in Bacolod when I finally remembered that day.
Nilingon ko si Aria na abala sa pagce-cellphone. I sighed. I know she will laugh at
me but I was bored and I don't have any other topic.
"Aria..."

"Hmm?" hindi halos siya lumilingon sa akin.

"Uh... naalala mo nong bumisita si Noel sa Altagracia noong vacation?"

"Bakit?"

Ngumuso ako at nagpatuloy. "Noong pumunta kami sa convenient store para bumili ng
ice cream..." hindi ko naituloy.

"Ano?!" iritado niyang sinabi. Nasa akin na ang buong atensiyon ngayon.

"Nakita ko si Alvaro sa convenient store."

Nagtagal ang tingin niya hanggang sa umismid siya at nagpatuloy sa pagti-text. "Oh.
Tapos?"

"Hmm. Bakasyon niya siguro no'n no? Sa PMA."

"Oo. Tapos?"

I frowned at her less interest. Suminghap siya nang nakita ang reaksiyon ko.

"Hindi mo pa rin ba nakakalimutan ang lalaking iyon?"

"Nakalimutan na," sabi ko at tiningnan na lang ang cellphone ko.

Wala na siya sa isipan ko buong taon. Somehow, I had other things to think about...
and you won't believe it when I say... they were boys.

"Oh ba't ka nagtatanong?"

Umiling ako. "Naalala ko lang 'yong heart's day noon. Nakakahiya kasi. At...
malapit na next year."

Bumuntong hininga siya at binaba ang cellphone. Nagkatinginan kaming dalawa.


Ngumiti ako.

"Lumalaki na ang ulo mo. Niligawan ka lang noong mga kasing pangit mo, akala mo na
crush ng campus ka!"

Ngumisi ako. Hindi ko maipagkakaila na gaano man ka walang kuwenta iyong mga sinabi
niya sa akin, tama naman siya. Nagkaroon ako ng manliligaw simula nang nakita ako
ng schoolmates ko na may lalaking kasama, si Noel.

She was right when she said that everyone will see you as someone that they could
court, rather than a random weird girl. Hindi ko nga lang sigurado kung iyon ba
talaga ang koneksiyon.

Nagsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ko nagustuhan ang ganoong klaseng
atensiyon. Maybe because all this time, I endured the bullying. I struggled from
the funny words thrown at me that this kind of attention... feels so good.

"Nahulog ko siguro 'yong sulat na 'yon," sabi ko dahil hindi namin napag-usapan
iyon.

She sighed. "Oo. Sa locker room daw nila nahanap, e. Pero ang alam ko, may -plano
na talaga silang buksan ang locker mo. Hindi na nangyari dahil nahulog mo na naman
ang sulat. Bakit ka pa kasi nagsusulat sulat ng ganoon?"

Nagulat ako at napabaling kay Aria. She rolled her eyes boredly.

"Maraming may gusto kay Alvaro, Yohan. Isa na nga ako roon, 'di ba? Galit 'yong
isang ex niya sa'yo dahil bigla na lang daw silang naghiwalay. At inisip nila na
ikaw ang dahilan."

"Hindi ah!"

"I explained that you were ugly and it's impossible. Kaya lang madalas din kayong
makita dahil sa Kuring na 'yon!"

I sighed and thought about my cat. Nakikita ko pa rin siya paminsan minsan.
Naaalagaan naman siya. I tried to get another cat but I just couldn't get myself to
do it. At isa pa, hindi pa rin pumapayag si Tita kaya wala rin.

I had the best time at school on heart's day. Isang bagay na tila pambawi sa
nangyari noon. May programme ang seniors na haharanahan sa gitna ng klase. Ako ang
may pinakamaraming harana sa classroom namin. Nakatatlo ako. At may nagbigay ding
chocolates galing sa ilang classmates.

That was also the day that Angelo confessed his feelings for me. It was very
special, at the end of class, while I was busy arranging the gifts that I had.
Dumaan siya sa classroom at tinulungan niya ako sa pagliligpit doon.

"Yohan, puwede bang manligaw?"

I was so stunned. He was the most handsome boy on our batch. Hindi ako makapaniwala
sa narinig ko. Nahulog ko ang mga chocolates.

Tumawa siya at pinulot iyon. Hindi talaga ako makapaniwala. Kung paiiralin ko lang
ang kaunting takot ko, baka pa pinagpupustahan ako kaso ayaw ko naman siyang pag-
isipan ng masama. After the intrams, he was never again rude to me.

"Uhmm..." my lips trembled.

"Ayos lang. Bigyan kita ng panahon. Puwedeng... uh... mag date date muna tayo para
magustuhan mo ako."

I think my eyes really sparkled. I really can't believe it. I feel like I was
hearing nonsense.

I had a good time that day but it seems like, I was all alone. Pagdating sa bahay,
nakauwi na pala si Aria. Narinig ko ang malakas na hampas ng pintuan. Hindi ko alam
kung kanino iyon pero dahil nakauwi na si Aria, at wala namang ibang magkakaganoon,
iniisip kong siya.

Tahimik sa hapag. Natatakot akong magtanong kay Tita at Tito dahil pareho silang
tahimik. At wala pa si Aria kaya hula ko, napagalitan ulit siya.

Hindi naman bago na napapagalitan siya pero dahil sa narinig na pagdadabog kanina,
hindi ako makatulog. I thought of cheering her up so I brought some of my
chocolates to her room. Kinatok ko.

"Aria... Si Yohan 'to. M-May chocolates ako. Baka gusto mo?"

Inasahan kong hindi niya ako pagbubuksan. Kaya nagulat ako nang bumukas ang pintuan
at nakita ko siyang namumugto ang mga mata at puno ng luha ang pisngi.

"Anong p-problema?"

She hugged me. I realized I didn't know how to deal with her... when she's weak.
Between us, I was the weakling. Siya ang laging malakas ang loob, hindi umiiyak,
alam ang ginagawa. Kaya hindi ko alam kung paano siya hahawakan sa ngayon.

Humagulhol siya habang yumayakap sa akin.

I knew then that it wasn't normal problem. Dahil kung pinagalitan lang siya dahil
sa mga kabulastugan niya, maaaring magagalit siya sa parents niya pero hindi siya
iiyak ng ganito. At lalong hindi niya ako yayakapin.

I closed the door behind us. I let her cry because honestly, I don't know how else
to treat her. I didn't know what to say. I didn't know the problem. And I am not
sure if it is appropriate to ask her right now.

Isang oras at kalahating katahimikan, napawi na ang luha niya. Pero nang sabihin
niya sa akin ang dinadamdam niya, muling bumuhos ang mga luha niya.

"I'm pregnant."

I felt like my world stop. I can't believe it. It seems like these days, I can't
stop hearing unbelievable things. She's still on her second year college, going on
third year.

My lips parted. I didn't know what to do. Umiyak siya kaya niyakap ko na lang ulit.
Matagal pa bago ako nakabawi.

"W-Wala ka namang boyfriend, ah."

She cried more and I realized... I didn't know. I didn't know anything.

Iyon lang ang napag-usapan naming dalawa. Inalu ko siya at tinabihan sa pagtulog.
Hindi ako makapagsabi ng kahit ano. I was good at expressing my feelings but then I
realized, I must have left that part of me somewhere else. Parang... hindi na ulit
ako ganoon ka open sa totoong nararamdaman ko... simula noong.

I went to school the next day. Ganoon din si aria pero namumugto ang mga mata.
Tahimik kaming dalawa.

"Sa pagkatapos ng rites, puwede?" si Angelo na nagyayaya ng date.

Ngumiti ako. I really want to come with him but i'm not sure if it's the right
moment to do that. Hindi matanggal sa isipan ko si Aria.

"Group date. Sasama sina Chelle at Jaypee. Ano? At magsasama pa ako. Para maging
komportable ka. May gusto ka bang isama sa mga kaibigan mo?"

He was so persuasive. I appreciate his effort. Sa huli tumango ako.

"Yes!" he shouted. Para bang sinagot ko siya.

Namula ako lalo na nang nakitang nagsitinginan ang mga tao sa canteen. At
naghiyawan sila.

"Sinagot ka na?" may mga nagtatanong pero sa saya ni Angelo, hindi niya na masagot
ng maayos.
Sa school, nalilimutan ko ng kaunti ang problema ni Aria. At kapag nasa bahay,
nalulungkot ako bigla. But I tried to think about it. I should be happy. It's a
blessing.

"Uuwi tayong Bacolod buong bakasyon. Sasama ka, Yohan."

"Opo, Tita," kabado kong sagot, ayaw nang kalabanin si Tita ngayong mukhang hindi
maganda ang mood.

Nag-angat ng tingin si Aria, namumula ang mga mata. "Really, mommy?!"

"Really."

Tumayo si Aria at nagwalk out. That was always the case at home. Lagi'y inuutusan
ko ang kasambahay na iakyat kay Aria ang pagkain niya dahil hindi na siya bumababa
para kumain.

Mabuti na lang at bukas pa ang alis namin. Masisipot ko pa ang inayos na group date
ni Angelo.

Kinabahan pa nga ako dahil alas kuwatro sa Bistro iyon. Dinner at iniisip ko hindi
ako papayagan ni Tita. But maybe she's so stressed with Aria that she didn't think
so much about me.

Nakarating na kami roon. May dalang bulaklak si Angelo para sa akin. Tatlong couple
kami, pares-pares.

"Salamat at sumama ka. Akala ko basted agad ako," sabay tawa ni Angelo.

I laughed with him. "Bakit naman?"

"Ang daming basted, ah?"

"Eh kasi hindi ko naman mga kilala 'yon. Taga ibang section na hindi ko nga alam
ang pangalan. Paano ko sasagutin?"

Naupo kami sa pang animang lamesa sa labas. The Bistro is half packed. Hindi ko
masyadong inisip ang mga nakapaligid kasi patuloy ang pag-uusap namin ni Angelo.

"So kilala mo ako, ibig sabihin may pag-asa ako?"

We both laughed. He put his hand on the back of my chair. The thoughtful boys had
already ordered, Nagulat ako at naisip na ganito pala... ganito pala ang date.

I realized this is my first time. Nilingon ko si Angelo at nginitian.

"First time ko 'tong magdate."

He blushed. Hindi alam anong sasabihin at paano ngingiti.

"Mas okay ba kung tayong dalawa? Next time."

My face heated. I realized I'm not sure how will that feel.

Medyo overwhelming na ang group date tapos biglang kaming dalawa na lang?

Nang tumigil kami sa kuwentuhan para sa pagkain, doon ko lang natanto kung sino
sino pa ang nasa Bistro. Nasa mga lamesa kami sa labas. Kanina ko pa napapansin na
may grupo sa kabilang lamesa, sa harap ko. Pero ngayon ko lang natitigan.

Alvaro was with those boys. I think it's his friends. I saw Juan who looked at our
table. At si Alvaro, sa gitna nila na nakatingin lang sa baso. His lips were very
red from drinking. He looked serious watching the glass in front of him.

Ibang-iba ang itsura niya sa nagkakatuwaang mga kaibigan.

I stiffened. I saw that Daniel tapped him. Bumaling si Alvaro at tumawa ng kaunti,
pero hindi na tulad noon. I think he's more reserve now or something.

He listened for a while, sa nakatayong nagsasalita sa mga kaibigan, then his eyes
dropped on mine.

Binagsak ko agad ang mga mata ko sa pagkain.

Mag-iisang oras na kami roon at patapos na sa pagkain. Ngayon ko lang napansin na


nariyan siya.

"You look so cute, Yohan," puri ni Angelo na halos lumagpas lang sa kabilang tainga
ko.

I lifted my eyes again and saw him watching me. Binawi rin agad ang mga mata para
uminom sa baso niya.

My heart pounded so fast. Pakiramdam ko mahihimatay ako. Hindi na ako makagalaw.


Parang na estatwa na ako.

Tumayo siya. Sumunod ang mga mata ko at napansin na tumangkad pa siya. At magandang
maganda na ang katawan. He's wearing black jeans and a gray vintage t-shirt. It
hugged his arms that and outlined his muscles. Pumasok siya sa Bistro. Sinundan
siya ng mga mata ko hanggang sa hindi ko na makita.

"May kuwento kuwento, ewan ko kung totoo... pero... sana huwag kang ma offend."

"H-Huh?" I said even when I'm out of my mind.

"Buntis ba si Aria?"

Napabaling ako kay Angelo. Hindi ko alam anong sasabihin ko. Totoo naman pero ayaw
kong ipagsabi sabi kahit kanino iyon. Kahit sa kanya.

Lumabas ulit si Alvaro. He looked really different, from what I remember. Even
different than last year.

"Pasensiya na. Hindi na dapat kita tinanong."

Ngumiti lang ako kay Angelo at muling dumaan ang mga mata ko sa harapan, kung saan
diretso si Alvaro.

He's now smiling a bit as he listened to his friends. Tinanggap ni Angelo ang bill
kaya naputol ang titig ko. It was time to go for us. May curfew ang ibang kasama
namin. Tumayo ako at inalalayan ni Angelo.

His hand went to my waist to support me. My eyes lifted on Alvaro's table and I saw
him watching us intently. His brow furrowed a bit and then his eyes lowered on his
glass.

Parang hindi na ako makahinga sa tindi ng pintig ng puso ko. Pakiramdam ko


mahihimatay na ako.

Mabuti na lang at pumasok na ako sa sasakyan, kung hindi ay talagang nahimatay na


ako sa daan.

At galing sa sasakyan, pinagmasdan ko siya. Naghahanda nang umalis ang driver. The
door is still open, and Angelo is saying goodbye. I felt guilty for being
unattentive on the last moments of the date.

"I hope you had fun."

"O-Oh! I had fun!"

"Sorry. Sana hindi kita na offend sa pagiging tsismoso ko."

"Okay lang. I'll just text you, Angelo."

We said our good byes and he closed the door. Bumaling agad ako sa kabilan para
tingnan si Alvaro. His friends were standing and laughing. It was like a mini
reunion of his guy friends... but he seemed too gloomy for the group.

Nakaupo lang siya. Kung hindi pa tatawagin ay hindi makiikitawa.

🌺🌺🌺
KABANATA 17
YEARS

Everything about that night slipped on my mind. Tuwing mag-isa ko na lang naiisip
iyon dahil sa kalagayan ni Aria. At iniiwasan man ni Tito at Tita na makipagtalo sa
kanya, madalas pa rin iyon. Ayaw na ni Tita at Tito na bumalik siya sa Altagracia
samantalang iyon naman ang gusto niya.

"Pasensiya na, Daniel. Nasa Bacolod kami, e. Paki sabi na lang kay Ate Gen," I
heard her once while I was bringing her dinner in her room.

Hindi na naman siya kumain dahil sa pagtatalo nila. Uuwi na kami patungong
Altagracia dalawang araw mula ngayon. Gusto ni Tita na maiwan muna siya rito kaya
lang ayaw ni Aria. I agreed to my Tita, though. May ospital sa Altagracia at sa
ibang mga lugar malapit dito pero narito ang family doctor niya. Mas maganda nga'ng
dito na muna siya.

My eyes widened. Katawagan niya si Daniel?

Mahigit isang buwan na kami rito sa Bacolod at hindi ko pa naitatanong sa kanya


kung sino ang ama ng dinadala niya. Hindi rin naman tinatanong ni Tita at Tito at
may pakiramdam akong kilala na nila kaya ganoon.

Hindi kaya si Daniel? Pero wala naman ito sa Altagracia.

Ang alam ko sa Silliman ito nag-aaral. Ganoon din si Juan. Kaya sino maaari ang
naging boyfriend ni Aria na hindi ko kilala. Ate Gen? Ate ni Alvaro? Ano kayang
meron.

"Nandito na ang dinner mo," sabay lapag ko sa lamesa.

Pasalampak siyang naupo sa kama niya. Namumugto pa ang mga mata dahil sa away nila
ni Tita kanina. Tinapon niya ang cellphone sa gitna ng kama.
"Si Daniel ang kausap mo?"

She then glared at me. I got a feeling that she's thinking of what I'm thinking.
Hindi ko lang din maiwasan. Lagi naman siyang vocal sa boyfriend niya. Nitong
nakaraan, wala. Kaya hindi ako makapaniwalang buntis siya. I diverted my question.

"At... ate Magenta?"

"May salo salo lang sa mga Santander. Baka raw gusto mo makita si Kuring.
Tinanggihan ko na kasi nandito tayo sa Bacolod."

My eyes widened at the mention of Kuring's name. Salo salo sa mga Santander?! My
heart pounded. I remember my date with Angelo and Alvaro with his friends. Hindi ko
alam kung naroon pa ba siya pero malapit na magsimula ang pasukan, baka aalis na
rin para sa PMA.

"Uuwi ako kasama mo," si Aria.

I set aside my own predicament and looked at my cousin. Naupo ako sa kama niya.
Umiling ako.

"Aria, tingin ko tama sina Tita. Dapat dito ka na lang kasi mas madali kang alagaan
dito-"

"Ayoko!"

This is really weird. Noong bago pa sila sa Altagracia, panay ang lait niya sa
lugar dahil probinsiya. Pero dahil maayos naman ang bahay namin at nagkaroon siya
ng maraming kaibigan, nagustuhan niya na rin iyon. But I always thought she still
liked Bacolod better.

"Pero mas okay kasi na dito ka, Aria-"

"Mommy just wants me out of Alltagracia dahil ayaw niyang makilala ng dinadala ko
ang tatay niya. You should help me, Yohan."

Hindi ko ipinahalata ang gulat ko. "S-Sino ba ang ama ng dinadala mo, kung ganoon?"

Ayaw niyang sabihin. Tumayo siya at tinalikuran ako. I bit my lower lip.

"Aria... I don't think that is Tita's reason. Tingin ko gusto ko lang niyang
maalagaan ng mabuti. Maybe... maybe the father of your child can just visit here.
He would understand it and he would want you to be alright-"

"No, Yohan! Hindi mo naiintindihan!"

"I just think that you should stay here. Iyon lang naman ang gusto ni Tita."

"Hindi!" she shouted at me. "Gusto niya akong ilayo roon dahil hindi niya
matanggap! Hindi niya matanggap na si Romulo ang ama ng anak ko!"

Hindi ko alam kung ilang oras akong natulala at natahimik sa gulat sa sinabi ni
Aria. She cried and I hugged her but I couldn't say anything anymore. How could it
be? The popular Aria...

I am not judging Romulo. Pero kilala ko si Aria at alam ko na iritado siya rito,
halos mandiri. At si Romulo, baka pa ayaw niya rin kay Aria dahil sa attitude at sa
tungo sa kanya. Is this real? I can't believe.
"He's just a sweeper in your home. Hindi matanggap ni Mommy iyon kaya ilalayo niya
ako sa kanya."

Hindi ako makapaniwala. Hindi na ako nagkumento. I don't think my questions would
help right now.

Wala akong nagawa para kay Aria. Hindi papayag si Tita at Tito na umalis siya sa
bahay nila sa Bacolod. I was even scolded for being selfish. Lalo na nang sinubukan
kong kumbinsihin si Tita na isama na namin si Aria. Nasali pa ako sa galit niya.

"It's because of your azucarera! Ngayon, nasira na ang kinabukasan ng anak namin!
Kung hindi kami lumipat sa Altagracia para tulungan ka sa Azucarera na 'yan, hindi
na sana 'to nangyari kay Aria!"

"I'm sorry, Tita..." sambit ko at niyakap na lang siya nang umiyak.

Kinumbinsi ko si Aria na kakausapin ko si Romulo pag-uwi. Noong una, nagalit siya


sa akin dahil wala akong nagawa. Pero kalaunan, alam niyang pareho na kaming walang
magawa kaya nakiusap na lang siya sa akin.

Iyon ang nasa isip ko habang nasa biyahe. Pauwi na kami at wala sa sarili akong
nakatingin sa labas nang dumaan ang sasakyan sa mga Santander.

Nakita ko si Alvaro at ang kanyang pamilya sa labas. Naroon si Ate Gen.

Napaahon ako sa inuupuan ko at naalala ang tawag na natanggap ni Aria noong


nakaraan. Naisip ko ang pag-imbita sa kanya sa salo salo.

Maybe it waas the little confidence that I've gained, or the problems that I was
now facing, I got a bit braver.

"Manong, pasensiya na. Alam kong kadarating lang natin. Puwede po bang bumalik tayo
ng kaunti at gusto ko pong bumisita sa mga Santander," sabi ko.

Dala ang isang bag ng pagkain at ilan pang kakailanganin kay Kuring, pumasok ulit
ako sa sasakyan. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas nang loob na pumunta sa kanila,
sa ilang taon kong paulit-ulit na pagdaan.

I expected to see him. After all, I saw him a while ago. Hindi ko maipagpaliban ang
araw na iyon dahil baka bukas o makalawa, umalis na siya patungong PMA.

Bumaba ako sa sasakyan at tahimik na ang bahay. Hinawakan ko ng mahigpit ang bag na
dala. Dinig na dinig ko na ang ingay ng puso ko habang unti-unti akong lumapit sa
kanila.

Walang bakod ang bahay nila. Tanging mga halaman lang na hinilera. It's also the
only home in that area, near our land.

Si Kuring ang unang natanaw ko. Ang nanay ni Alvaro, nasa mga halamanan at nag-
aayos. Tinawag ko si Kuring at nang lumapit siya, naibsan ang kaba ko.

I lifted him up. That's when Alvaro's mother saw me. Umayos siya sa pagkakatayo at
diretso na ang tingin sa akin.

"Hi, Kuring. I missed you," sabi ko at ngumiti sa pusang matagal ko nang hindi
nayayakap.

Sinamantala ko iyon. Binaba ko ang bag na dala at niyakap siya ng mahigpit. He


still looked well tended. Mabango rin kaya hula ko kaliligo lang.
"Anong atin?" Tita Ana's voice echoed.

Napabaling ako sa kanya. The years of trying to interact people, I have learned a
few things. Ngumiti ako.

"Magandang umaga po, Tita. Uh... bumisita lang po ako kay... Kuring. At... may dala
po akong mga pagkain niya."

Ni hindi ko alam kung naaalala niya ba ako. Kung pagbabasehan sa tono niya na
parang galit, mukhang hindi. At hindi ko rin alam kung alam niya bang pusa ko si
Kuring.

"Si Yohan po, ito-"

"Alam ko."

Natahimik ng kaunti. Mas lalo akong kinabahan pero nagsikap ako. Nakatayo siya at
nakatingin sa akin.

"Kadaraan lang po kasi namin galing Bacolod. Nakita ko kasi kanina na nandito sina
Ate Gen... at Alvaro sa labas kaya naisipan ko-"

"Anong kailangan mo kay Alvaro?" she sounded so hostile.

Kinagat ko ang labi ko. Nag-aaral akong makipag-usap pero hindi ko alam paano kung
mukhang iritado ang kausap ko.

"Ah, magpapasalamat lang po sana ako-"

"Alam mo ba ang nangyari kay Alonzo Salvaterra?"

Natahimik ako. Hindi ko alam kung ano ang kinalaman doon sa ginagawa ko rito.

"Nasa huling taon si Alvaro sa PMA. Ayaw kong magaya siya kay Alonzo dahil lang
sa'yo. Bata ka pa at mamili ka ng iba. Alam kong may gusto ka sa anak ko."

Hindi ako nakasagot. I remember Tita Anacita as someone friendly to me. Not this
hostile old woman she is.

"Hindi naman po ganoon ang iniisip ko, Tita-"

"At huwag kang pumunta rito ng basta-basta dahil hindi ko pa nakakalimutang ang
ginawa ng ama mo sa amin!" her voice broke.

I swallowed hard. I stopped again because I don't know what she's talking about.
Umiling ako.

"Hindi ko po alam-"

She snorted. "Ganyan ang ugali ng mga Valiente! Magaling magkunwari!"

"Hindi ko po talaga alam, Tita-"

"Hindi ka man lang ba nagtaka kung bakit kami umalis sa inyo?"

My lips trembled. I really didn't think so much about this.

"Inagaw ng ama mo ang lupain namin. Pinangakuan niya si Carmelo na tutulungang


magpatayo ng isang azucarera, pero ano ang ginagawa niya? Inagaw niya ang lupa
namin! At nang sinubukang magreklamo, pinaalis kami sa azucarera!"

"Hindi ko po alam..." nangilid ang luha sa mga mata ko.

Alam kong may mga anomalya sa pagpapalakad ni Daddy sa azucarera pero hindi ko
inasahan na ganito kalala.

"Kaya huwag ka nang bumalik dito sa amin! Hindi pa ba sapat sa'yo na sinira n'yo
ang buhay namin? Kinailangan ng mga anak kong magtrabaho sa murang edad!"

Lumabas sa bahay ang isang matandang lalaki. It's Tito Carmelo. He's old and
couldn't walk straight. Nagulat siya nang nakita ako at lalo na sa panggagalaiti ng
asawa.

"Nagkasakit sa puso ang ama nila dahil sa kagagawan n'yo! Kaya huwag ka nang
babalik dito! Hindi pa ba sapat sa'yo ang ginawa n'yo at ipapahamak mo pa ang anak
ko?!"

"Hindi ko po alam. P-Pasensiya na po. G-Gagawan ko po ng paraan. Pasensiya na!"

"Anong nangyayari, Ana?" sabay lapit ng matandang ginoo sa kay Tita Ana.

Yumuko ako, tuloy-tuloy ang patak ng mga luha.

"At ginagawa mo pang rason ang pusa na 'yan para bumisita!"

"Pasensiya na po..." nanghihina kong sinabi at binaba na si Kuring. "H-Hindi na po


ako babalik. At... susubukan ko pong ibalik sa inyo... ang lupain."

Nang tinalikuran ko ang mag-asawa, hindi na rin naman ako sinugod o pinagsalitaan
ng masama ni Tita Ana. Pumasok ako sa sasakyan at hindi na tiningnan pa ang bahay
ng mga Santander.

I cried so hard but I went immediately to my Tita's study. I have to know. Totoo ba
ang sinabi ni Tita Ana? Maraming anommalya si Daddy at kung totoo iyon, puwede ba
naming gawan ng paraan.

"Ano?" iritadong tingin ni Tita nang pumasok ako.

Kakapunas ko lang sa mga luha ko.

"Tita, totoo bang inagaw ni Dad ang lupain ng mga Santander?"

She groaned when she realized what I was talking about. "Alam mong maraming
anomalya si Kuya Enrique. Ano sa tingin mo, Yohan?"

"Kung ganoon, puwede po ba nating gawan ng paraan-"

"Naglilinis pa ako sa mga dati at mas importanteng anomalyang ginawa niya! At may
problema ako ngayon!! Tapos dadagdagan mo pa ng ganyang problema ang trabaho ko?!"

I closed my eyes tightly.

"Mag-aral kang mabuti at huwag kang gagaya kay Aria! Iyon ang gagawin mo, Yohan! At
nang sa ganoon, makaalis na rin kami rito at ikaw na ang mag-isang mamahala sa
buwisit na azucarera'ng ito!" she screamed with so much frustration.

That was it. Hindi ko makausap ng matino si Tita dahil sa galit niya. Inintindi ko
iyon dahil alam kong may problema nga siyang kinakaharap.

Nakausap ko rin si Romulo sa school nang nagpasukan at sa totoo lang, kahit noong
umamin na ito, hindi pa rin ako makapaniwala. He is their batch's running for summa
cum laude. He is a consistent honor student, isang bagay na ayaw ni Aria. Hindi nga
lang ito ang panahon para tanungin ko kung paano nangyari ito.

"Salamat. Mas mabuti nga na doon na lang muna siya para mas maasikaso siya."

My eyes grew sharp at him. What does he mean by that. He smiled at me when he
noticed.

"Bibisitahin ko siya linggo linggo."

"Ayaw ni Aria 'yon. Natatakot siya na malaman ni Tita at Tito. Hindi ka papapasukin
sa kanila... at sabi niya... unahin mo ang pag-aaral mo."

"Ang sabihin mo sa kanya, hindi ako makakapag-aral kung hindi ko masiguradong


maayos lang siya."

Natigilan ako. Ngumiti ulit si Romulo. Inayos niya ang luma at itim na eye glasses.
Magulo ang buhok at habang tumatagal, na nakakausap ko siya ng ganito, at naririnig
ko ang pag-aalala niya kay Aria... parang... naiintindihan ko na ng kaunti.

But this is me. Aria isn't like me.

"Sisiguraduhin ko munang maayos siya. Hindi ko pababayaan ang pag-aaral ko, Yohan.
Lalo na ngayon..." he trailed off meaningfully.

Napatingin kami sa ilang dumadaang estudyante na nang-uusisa sa kausap ko.

Alam na ng buong campus na buntis si Aria pero ang tsismis ay taga Bacolod ang ama.
Lalo na dahil nasa Bacolod siya ngayon. At medyo nagulat din ako na tahimik lang si
Romulo. I feel like he's somehow protecting Aria... and my family.

It is not shameful for me. But for my Tita and Tito, he is a mere worker. He's poor
and Aria is a rich princess from the city. This is a disgrace for them.

"Romulo, masaya ako na ganito ang tungo mo kay Aria. At... masaya ako na
pananagutan mo siya."

He chuckled. "Mahal ko si Aria, Yohan. Hindi mo na kailangang alalahanin iyan."

I smiled. "Kung kailangan n'yo ng tulong, huwag kayong mag atubiling lumapit sa
akin."

Sa pag-uusap na iyon, nagtampo si Angelo sa akin. Akala niya si Romulo ang gusto
ko. Hindi ko ma-explain sa kanya kung ano ang pinag-usapan namin ni Romulo dahil
pribado kaya mas lalo siyang nagtampo.

Wwe drifted away on grade eleven but I still had many friends. It grew and grew
more. I had problems but the friendship and the boys kept them off of my mind.

I was in grade twelve when Angelo pursued me again. He was my first boyfriend.

Pero nang nalaman niya na sa Silliman ko gustong mag-aral ng kolehiyo, nagalit ulit
siya sa akin dahilan ng paghihiwalay.

I was nervous on the first day of school as a college business student. Pero hindi
naging mahirap magkaroon ng kaibigan.

Mahigit dalawang taon na si Aria sa Bacolod. Inilihim niya ang pagkikita nila ni
Romulo. Hindi pa rin alam ng Tita at Tito ko iyon. We still constantly communicate,
though. Believe it or not, she is still my love, friendship, and relationship guru.

Nagkaroon ako ng boyfriend noong first year college ko. A spoiled rich kid from
Dumaguete. Nakahiwalay din kami dahil naghuli kong nambabae. I didn't cry. I was
even excited to tell Aria about it so we could laugh it off. Iyon nga ang nangyari.

On second year and third year college, I have one boyfriend for each level. Sa
second year, nasabi ni Aria na hiwalayan ko na dahil may ugaling hindi niya
nagustuhan. Iyong sa third year naman, hiniwalayan ko dahil nagseryoso sa eskuwela.

My boyfriend on fourth year college was the perfect fit for me. Kaya lang, ilang
beses niya akong niyaya at nagbabanta na hihiwalayan na ako dahil hindi ako
pumapayag. I know exactly what to do. But surprisingly, Aria's advice was to ditch
him. Iyon nga ang ginawa ko pero hindi ako makapaniwala na iyon din ang tingin
niya.

"Ganyan ba ang tingin mo sa akin, Yohan? Easy girl?!" Iritado niyang sigaw
samantalang tumatawa ako.

I don't think I could be blamed, though. I've known her for years... but then
again... maybe I didn't know her fully.

Lumago ang azucarera at sa wakas, napagtoonan na ni Tita at Tito ang request ko. At
dahil lagpas eighteen na, makakapirma na ako sa mga malalaki at crucial na desisyon
tulad ng pagbabalik ng mga inagaw na lupa ni Daddy.

Aria made peace with her parents but they are still not happy with Romulo. Sa apo
lang sila natutuwa. Gusto ni Aria na sa Altagracia mamuhay, isang bagay na
ikinagulat ko. Ayaw naman ni Tita at Tito kaya medyo may alitan pa sila ngayon.

On my trips to Manila to meet with my Tita and Tito for the many transactions, I
sometimes see people from Altagraia. It's nice to see someone from home in a
foreign place. Kahit na hindi naman ako close sa kanila sa Altagracia, sa Manila ay
nagagawa na naming mag-usap at maging malapit.

🌺🌺🌺
KABANATA 18
CHECKPOINT

I sipped on my iced tea as I watched the people come and go. Kadarating ko lang
dito sa Maynila at may pupuntahang isang conference tungkol sa mga bagong
teknolohiya sa sugar milling.

Nagsikap akong panatilihin ang mga magagandang dulot ni Dad sa azucarera. Iyon ay
ang walang tapon sa buong tubo, galing sa juice nito hanggang sa katawan at dahon.

Pinapalago ko na ang paper industry na kasisimula lang ni Tita noong tumayo siyang
kahalili roon. Now, I am venturing on textile.

Maaga ako roon para sa isa pang meeting sana sa animal shelter and rehabilitation.
Recently kasi, nagtayo ako ng ganoon sa Altagracia. I will fund it but I will try
my best to find a way to make it stand on its own.

Aria is helping me out on the paper-products. Ipagpapatuloy niya ang nasimulan ni


Tita. Kaya may panahon na akong abalahin ang sarili sa shelter. I want it doubled
as hospital, that way it can earn. I have vet trainees around. May nililigawan nga
lang talaga ako para maging main vet doon.

The years have been fruitful and peaceful, mula nang tumayo ako bilang tagapamahala
sa azucarera. Utang ko kay Tita lahat iyon. I am so grateful for her work.
Correcting the anomalies, though some she didn't agree with me. Mas business minded
siya kaysa sa righteous. Ayos lang sa akin para ma katimbang naman sa mga ideya.

"Sorry, I'm late," si Soren.

"Maaga lang talaga ako," sabi ko sabay ngiti.

"I expected you to bring Chantal. Wala ba?" sabay ngisi ko.

Ngumisi rin siya. "I already told you, Yohan."

Noong college ako at lagi ako pumupunta ng Manila, minsan kong nameet si Chantal. I
was very surprised on our first meeting because she's with a child. Ang unang
pumasok sa isipan ko ay na... anak niya iyon.

The child had this air in him that reminded me of a familiar person. Maybe Leandro.
I'm not sure.

Lumabas kaming dalawa. Kasama ang bata. I told her about Aria who got pregnant.
Babae ang anak ni Aria, lalaki naman ang kay Chantal. It was hard for them.
Pinalayas sila ni Tito Luis sa Altagracia at nararamdaman kong may galit siya sa
mga del Real.

Tito Luis was indirectly the reason why Carlos Castanier is dead. Iyon ang
paniniwala ni Chantal. Mahal na mahal niya ang tatay niya. I understand because I
loved my father, too. He wasn't perfect.

Hindi ko na tinanong kung sino ang ama ng anak ni Chantal. I feel like it's
inappropriate and too nosy. Inisip ko na lang na si Soren dahil sumunod ito sa
kanila, lumayas sa pamilya niya.

So why would someone spend that much time on pursuing Chantal Castanier if not for
a child, right?

Nagbuntonghininga ako at nginitian si Soren. "Nasabi mo na ba sa kanya ang offer


ko?"

Soren was mean to me back in highschool. Pero somehow, nag mature na rin naman siya
ngayon. At ayon sa kanya, lambing niya lang iyon sa akin.

"Sagutin mo muna ang tanong ko sa cellphone?" hamon niya.

I smiled mischievously at him.

Nitong nakaraang taon, lagi siyang nagpaparamdam ng motibo sa akin. It's funny how
some of my bullies then courted me in highschool. Siyempre basted sila. Pero
matanda na kami ngayon at nakita kong maayos naman si Soren.

"Wala na kayo noong boyfriend mo? Sabi sa'yo babaero 'yon, e."

"It takes one to know one?" I fired.

Tumawa siya. "Paano mo na sabi?"


I sighed. "Hindi ba kayo uuwi sa kasal ni Aria at Romulo?"

He smiled. "Uuwi."

Namilog ang mga mata ko sa gulat. Gusto ko iyon pero hindi ko inasahan!

He then groaned. "Alam mo namang kinukumbinsi ako ni Papa na tumakbong Vice mayor
sa lugar na 'yon."

Tumawa ako pero hindi matanggal sa isipan ko si Chantal. "Pati si Chantal?"

"Pinag-iisipan niya na. Naroon kasi si Leandro, 'di ba? Kaya baka sumunod na siya."

Napapalakpak ako sa tuwa. Siya ang gusto kong maging vet doon!

"Sinabi ko sa kanyang name your price, ah. Sagot mo?"

Tumawa ako. "Thank you so much!"

That trip was pretty much very productive dahil sa mga balita ni Soren. Kaya lang,
inaasar niya ako sa panliligaw niya.

He isn't the father of Chantal's child. Umalis lang siya sa kanila dahil galit siya
sa ama niyang may anomalya ring ginagawa sa lalawigan. HIs family is involved in
illegal things and he hated it.

Wala raw siyang mapuntahan kaya mag-isa niyang itinaguyod ang sarili. At habang
nag-aaral si Chantal, doon sila nakapagkita. He was comforted with their
friendship. All of it, I understand. Somehow, I get them because I've been there.

Ramdam na ramdam ko ang excitement ni Aria para sa kasal niya. She's very hands on.
Lahat ng desisyon dumadaan sa kanya.

Nakapag ipon na ng pera si Romulo. Ipagpapatayo sana nila iyon ng bahay pero
pinigilan ko. I told them that the money could be invested and a house is a dead
one.

Lalo na dahil puwede naman silang sa mansiyon muna tumira habang nag-iipon ulit
para roon. Hindi gusto ni Romulo iyon at isa sa naging pinakamalaking away nila ni
Aria.

Mabuti na lang at kalaunan, nakumbinsi niya ito. Romulo is earning and if we invest
his money into a building in the center of this town, baka pa dumoble kalaunan ang
naipon niyang pera. It paid off. Kaya ngayon, ikakasal na sila at ang bahay naman
ang sunod na pag-iipunan na.

Sa simbahan ang kasal. At sa mansiyon ang reception. Hindi pa rin ganoon ka masaya
sina Tita at Tito pero wala na silang magagawa.

Pinagmamasdan ko si Aria na pinangungunahan ang pag-aayos ng mga lamesa at


decoration sa bakuran. Parang kailanlang, natatanaw ko pa iyong bakuran habang
naglalaro si Kuring.

Si Kuring.

After that incident in Alvaro's house, I didn't see Kuring anymore. It's been years
and I have started to think that he's dead by now. The thought of it always brought
tears in my eyes. I loved him so much. I miss him.
"Tapos mo na ba?" tanong niya nang lumapit sa akin.

Pinagmamasdan namin ang anak niyang nagtatakbo sa gitna ng pagdarausan.

I glared at her because her words were very meaningful. "Aria..."

She laughed. "Ako na ang nagbigay sa kanila, okay? Iyong sa iba, sa mga del Real...
ganoon?"

I sighed. "Ibibigay ko pa lang."

"Ibigay mo na agad! Alam mo namang linggo lang ang pagitan ng kasal namin ni Chayo.
Baka malimutan niya."

"Oo. Pupunta ako ngayon."

"Okay. Pumunta ka na!" utos niya.

Tinanggap ko ang mga invitation na ipapamigay ko. Ch-in-eck ko isa-isa.

"Wala nga riyan ang sa mga Santander! Ibinigay ko na, okay?" aniya at tama naman
iyon.

Kabado ako, sa totoo lang. But given that the reception will be here, I doubt if
they will show up. Wala na si Alvaro sa kanila. Tanging ang matatandang magulang
niya na lang. Minsan, umuuwi si Ate Gen at Kuya Gilbert, kasama ang pamilya nila.
Pero sa ilang taon ko rito, hindi ko na ulit nakita si Alvaro.

I tapped the invitations with my hand and nodded. Nagpasya na na umalis na para
ipamigay sa mga kilalang tao, tulad ng mayor, at ilan pang mga may negosyo sa
lugar.

Pinalabas ko ang BMW X3 ko sa mansion at tumulak na. Nauna ako sa malalayo dahil
tingin ko mas convenient iyon.

Nagulat ako nang pag-abot ko sa mga Osorio, naroon na si Soren.

"Nakauwi ka na pala!" sabi ko nang siya ang tumanggap.

"Oo. Sabi sa'yo, eh." He winked.

Tumawa ako.

"May pupuntahan ka pa?"

"Oo. Mamimigay ng invitation."

"Samahan na kita?"

Nagulat ako pero hindi na rin naman masama. "Ikaw bahala. Wala ka bang gagawin?"

I didn't regret it. Soren is fun to be with. Nasa front seat siya habang
nagmamaneho ako.

"Ba't ba hindi si Aria ang naghahatid nito?"

"Hay naku. Alam mo naman 'yon."


Tumawa siya. "Is she still bullying you?"

"Nope. Pero maarte pa rin."

Tinawanan niya iyon. Natahimik siya nang nakita ang sunod na pupuntahan. Halos
tatlumpong minuto na kaming paikot ikot. Susunod ang sa mga Alcazar. Natahimik din
tuloy ako.

There's a checkpoint near it. Sa kalsada na malapit sa azucarera namin, kung nasaan
ang bahay ng mga Alcazar.

Mabilis ang patakbo ko dahil madalas namang dumaan doon. Sanay na ako.

Kaya lang, bago ako makapag slow down, may napansin ako sa mga nakatayo na army
doon.

Tatlong liko para sa tatlong harang sa check point ang gagawin. May isang pamilyar
na nakatalikod na army ang natanaw ko. Nagtagal sa kanya ang tingin ko.

I slowed down too late but I tried to manage it. Napatingin ang nakatalikod na army
sa paparating na sasakyan at doon ko tuluyang nakalimutan ang gagawin sa sasakyan.

I made the first swerve fine but the second struggled because of my poor driving
skills at the moment. Tumama ang nguso ng sasakyan ko sa harang. Hindi naman
malakas dahil nakapag slow down na at nakapag break din pero tumigil ako.

"Are you okay?" si Soren dahil sa nangyari.

Hindi ako nakabawi. Tingin ko iyon ang dasal ko... na sana huwag na nga akong
makabawi.

Diing diin ang pikit ko. Nakahawak din sa manibela ng sobrang diin dahil sa kaba,
hindi lang para sa pagkakabangga kundi sa dahilan ng nangyari.

A while ago, when I saw the army, it was normal. May tinitigan nga lang akong
nakatalikod. Nagbabasa ito ng papel na ibinigay ng isa pang army sa tabi ng
checkpoint.

Because I didn't slow down, he turned to look at my car and I saw...

I wish I was wrong. It's impossible, right?!

May kumatok sa window ko.

"Ako na ang kakausap, Yohan," si Soren.

Halos nalimutan ko na sakay ko siya. Umiling ako.

"Hindi na. Kasalanan ko naman."

Nilingon ko ang kumatok at nakitang hindi naman ito pamilyar kaya nagbuntonghininga
ako. Baka guni-guni ko lang iyon.

Binaba ko ang salamin at pagkababa, doon ko nakumpirma ang natanaw ko kanina!

Alvaro is in his BDA. He's tall, mature, and breathtaking. He was already really
good looking when we were young, when he was traning he became more handsome. Right
now, boy I don't know. Mas mahaba na ang buhok kumpara noong training pa siya, he
also had a commanding air.
I think my jaw was dropped not just because of shock but because of his physique
and face. Nasa likod siya ng mga nasa checkpoint. May papel na hawak at may kausap
pero nasa akin ang mga mata.

"Yohan Valiente," nagsalita si Soren na para bang pass na ang pangalan ko.

I opened my wallet with trembling hands. I don't want to abuse the power of my name
so I know what to do. Nahulog ko pa ang wallet ko sa baba.

"Valiente po?" the army asked.

Nangapa pa ako sa ilalim para sa wallet ko. I have ditched my eyeglasses a long
time ago and started using contacts on my last year in college. A year ago, I had
lasik. Kaya malinaw na ang mga mata ko ngayon pero sa pangangapa, 'di ko mahanap
ang wallet!

When I finally found it, I emerged a bit sweaty and heart beating so fast.

"Okay na po," sabi ng army dahil siguro sa sinabi ni Soren.

"Hindi. Patingin ng lisensiya," Alvaro's deep voice echoed.

My eyes widened. Nagmamadali akong kunin ang license ko pero sa panginginig, hindi
ko makuha agad.

"Alvaro?!" si Soren na nasa tabi ko nga pala.

Alvaro crouched a bit and saw Soren. Nanginginig ng kaunti ang kamay ko na inabot
sa kanya ang lisensiya.

Kumunot ang noo niya at tinanggap iyon.

"Nakauwi ka rin pala?"

Tumango si Alvaro. "Musta, Soren?"

Tumawa si Soren. "Eto, ayos lang. Kakauwi ko lang din. Para sa kasal ni Aria. Ikaw
ba?"

"Dito na ang area ko," ani Alvaro.

Napatingin siya sa akin. Nagkatinginan kaming dalawa.

He then brought the license up. Natanto kong kanina niya pa nilalahad pero dahil
nakatitig ako sa mukha niya, hindi ko napansin!

My face heated and received my license.

I swallowed hard and saw him going in front. Tiningnan niya ang nguso ng sasakyan.

Titig na titig ako sa kanya habang kunot ang noo na nakatanaw roon. When his eyes
went back to the driver's seat, my heart jumped.

Bumalik siya sa tabi ng bintana ko.

"Pupunta ka ba sa kasal ni Aria?" si Soren.

Alvaro seemed bored. Bumaling siya sa likod. Napatingin din tuloy ako sa rearview
mirror. May sasakyan na sa likod.

"Itabi mo muna," aniya sa akin.

I nodded like a puppy. Nalimutan ko agad paano nga ulit paandarin ang sasakyan na
'to? Matagal bago ko napaandar dahil sa kaunting panic. At nang naitabi ko na,
binaba ko ulit ang bintana para sa eksplenasyon.

"Uh, babayaran ko 'yong nabangga ko."

Umiling si Alvaro. "Hindi naman napano. Nagasgas ang sasakyan mo sa harap."

"Ayos lang 'yan!" Sabi ko.

"Ano? Punta ka sa kasal ni Aria?" ulit ni Soren.

Tumango si Alvaro sa kanya.

"Kita na lang tayo, kung ganoon. May reunion ba kayo?"

"Wala pero baka sa barkada, meron."

His eyes drifted on me. Tinanggal ko agad ang titig ko sa kanya.

"Talaga? Kailan? Wala ba sa basketball?"

"Meron din," sagot ni Alvaro nakatingin pa rin sa akin.

Soren's phone rang. He raised his hand. "Sorry. Excuse me. Sagutin ko lang 'to."

"No problem," Alvaro said cooly.

May tinanggap ulit siyang papel. Nilingon ko iyon. Napansin niya ang pagtingin ko
kaya bumaling siya sa akin. Nagkatinginan ulit kami.

"Uh... wala na bang problema... iyong pagkabangga?"

He shook his head.

"B-Bakit mo pinatabi?"

He pursed his lips and ignored the paper on his hand. His eyes drifted on Soren
who's too busy talking to whoever's on his phone.

"Nag-kukumustahan kami ng boyfriend mo."

Umiling agad ako. Ni hindi ko alam bakit ko ginawa iyon. Ano naman ngayon? I'd like
to think that I just want to maintain my honesty.

"Ah... hindi ko siya boyfriend."

Binaba na ni Soren ang tawag. Alvaro ignored what I said.

"Mauna na kami. Mamimigay pa kami ng invitation para sa kasal ni Aria."

He nodded and smiled. It was a different kind of smile, though. The kind that
didn't reach his eyes.

"Sige. Ingat," si Alvaro bago ko tuluyang pinaandar ang sasakyan.


Natahimik kami ni Soren nang umalis na. Akala ko dahil papunta na kami kina Sancha
pero nang nagsalita siya, kinabahan ako.

"Mukhang mahihirapan ako nitong manligaw, ah?"

"H-Huh? Bakit naman?"

He smirked. Nasulyapan ko iyon. "Hindi ko nakakalimutan, Yohan. Hindi yata


makakalimutan ng buong Altagracia iyon."

Umiling agad ako. "A-Ano?"

"Alam kong alam mo ang iniisip ko."

"Ah. Hindi na naman." I laughed it out. "Matagal na 'yon. At... may asawa na siguro
'yon."

Natahimik si Soren. Napabaling tuloy ako sa kanya.

Tumawa ako nang nakitang titig na titig siya, parang binabasa ang nasa isip ko.

"Nabangga ka sa check point? Really?"

Umiling ako, hindi naniniwala sa iniisip ni Soren.

🌺🌺🌺
KABANATA 19
DANCE

Nagmamadali akong umuwi. Hinatid ko si Soren sa kanila bago ako tuluyang umuwi sa
amin. Dumaan pa ako sa checkpoint ulit, kabadong kabado pero mas gamay na ang
sarili. I was just caught off guard a while ago.

Laking ginhawa ko nang natanaw na wala na si Alvaro roon. I smoothly passed by the
barricade and went home. I parked my car in front of the door, ayaw pa munang
ilagay sa garahe.

Hindi naman madaling magasgas ang sasakyan pero solid ang barricade sa check point
at may kalakasan ang pagkakabangga kanina. I squatted in front of it to check.
Hinawakan ko ang halos gahiblang gasgas.

"Anong nangyari diyan?"

Napatalong baling ako kay Aria, nasa likod ko na pala siya. Tumayo ako at itinuro
na lang ang gasgas.

"Na gasgas lang," I said lightly so she won't question more.

"Bakit? Nabangga ka? Saan?" sunod-sunod ang tanong niya.

Tiningnan ko ang sasakyan ko ng ilang sandali. Nakatingin si Aria sa akin at hindi


ko pa sinasagot.

"Yohan?"

"Ah... nabangga ako sa checkpoint."


Kunot-noo ang iginawad ni Aria sa akin, para bang hindi siya makapaniwala sa sagot
ko. Pero kalaunan, bumilog ang mga mata niya at ngumisi.

"Let me guess..."

Umirap ako at kinabahan.

Kanina ko pa iniisip na hindi naman siguro alam ni Aria na nandito na si Alvaro,


hindi ba? Ako naman siguro ang unang nakakaalam? Pero sa ngisi niyang ito,
pakiramdam ko nagkakamali ako. She knew. Obviously.

Naglakad na ako papasok sa bahay, hindi na siya pinatapos sa pagsasalita pero


sinundan niya ako. Humahalakhak siya habang nakabuntot sa akin.

"May guwapong sundalo do'n?"

Uminom ako ng tubig at inignora siya. Alam niya nga'ng nandito na si Alvaro. How
could I forget? She's close to him. Hindi niya nga lang sinabi sa akin. Ba't
kailangan niya pang sabihin, Yohan?

She was laughing. I shook my head while I was drinking a glass of water. Nang
binaba ay 'tsaka lang nagsalita.

"Nagkakatuwaan kami ni Soren sa sasakyan kaya hindi ko gaanong napansin ang


barricade."

Napawi ang ngiti niya. "Kasama mo si Soren? Ba't kayo magkasama? Nanliligaw iyon?"

"Magkaibigan kami, Aria."

She frowned. "Hindi mo ako sinagot. Manliligaw ba, Yohan?"

"Well, gusto niyang manligaw."

She groaned. "Sinasabi ko na nga ba. Naku, tanggihan mo na 'yan."

"Aria, magkaibigan kami ni Soren. Mabait naman siya."

"Mabait pero matagal ka nang pinipilit ng mga taga bayan na tumakbong Vice Mayor.
Ngayong close kayo ni Soren, baka isipin nila ikaw pa ang nagfu-fund doon."

Sumimangot ako. "Malabo naman 'yan. Imposibleng isipin nila na ako dahil may
pamilya naman siya."

She rolled her eyes and paused a bit. Nanliit ulit ang mga mata niya. "So are you
saying that you're seen with Soren?"

Ako naman ngayon ang dumaing dahil hindi yata ako tatantanan ni Aria sa pang-
iintriga niya.

It helps that she's busy with her wedding. Pero habang palapit ang kasal niya, mas
lalo akong kinakabahan. Ang daming pumapasok sa isipan ko.

Parang ako pa yata ang ikakasal. Bawat gabing palapit na ang kasal, hindi ako halos
makatulog. Mabuti na lang at nagdatingan na ang iilang mga kamag-anak kaya naging
abala ako sa pag-entertain at pakikipagkumustahan.

"Napansin kong wala pa si Bobby, hija? Nasa Cebu pa ba?" si Tita sa gabi bago ang
kasal.
We are gathered on our lanai, nag-iinuman ang iilang kamag-anak ko at nina Aria.
Nakihalubilo ako at ngayon, si Tita na ang kausap.

"Ah." Natawa ako ng bahagya. "Tita, wala na po kami ni Bobby."

After graduation, I had another boyfriend. Medyo nagtagal din kami ni Bobby dahil
mabuti naman at marespeto. It was after our first year anniversary when he finally
voiced out something mature. Sinubukan ko na rin namang ihanda ang sarili ko roon
pero talagang hindi ko nagawa.

I apologized that I cannot be intimate with him yet. That maybe he could give me
more time. He wanted to touch me in places but after a while, I couldn't really lie
to myself. I just can't bring myself to do it with him. Kahit pa gusto ko siya, may
pagdududa sa puso ko.

Nagalit ako sa sarili ko. He walked away but I was determined to win him back. I
feel like something is wrong with me. Kaya lang, nang subukan ko naman siyang
suyuin, nalaman kong may nililigawan na itong babae sa Cebu. He didn't cheat on me
because we already broke up when it happened. But I think it's just so petty to be
withy me for a year and then jump to someone else after a rejection of intimacy.

Halos isang taon na rin ang lumipas mula noon. Lagi pa ring nagtatawag si Bobby at
minsan na niya akong binisita para suyuin. Kaso lang, hindi ko na siya gusto.

I had suitors after him. It's not like I couldn't get over him kaya hindi ako
nagkakaroon ng bago, nag-isip lang talaga muna ako ng mabuti sa sarili.

I have been in so many relationships but I wonder if those were true. Is it because
of my crave for good attention, suitors, and boyfriends, kaya ko sila sinagot? Kasi
mabait naman si Bobby, pero sa tingin ko, magtagal man kami, hindi ako magiging
handa para sa kanya.

"Ganoon ba? Naku!" she exclaimed. "Kailan pa?"

"Mag-iisang taon na po," sagot ko.

Hindi nga naman gaanong bumisita si Tita dito dahil sa disgusto kay Romulo. Kaya
minsan na lang kaming nagkikita.

"I saw him a month ago in Cebu! I invited him sa kasal ni Aria kasi hindi ko alam!
Actually, I thought you will invite him at nakalimutan niya lang ahng date!"

I gave Tita an obvious awkward smile. Natutop niya ang labi niya.

"Naku, hija! I'm sorry. But if that's the case, I don't think he will come here,
right?"

I sighed because I know Bobby. Nilinaw niya sa akin na gusto niya pa kaming
magkabalikan. Natanong niya na rin kay Aria kung anong araw ang kasal pero hindi
sinagot ni Aria dahil alam niyang pupunta iyon dito kapag nalaman.

"Okay lang, Tita. He's also a friend so I guess it's okay if he comes here for
Aria' wedding."

Maid of honor ako ni Aria. Ang Best Man ni Romulo ay ang kapatid niya namang may
asawa na.

Maaga kami kinabukasan para sa paghahanda. May photoshoot din si Aria na dinaluhan
ko dahil gusto niyang magpaka "maid" ako sa araw na iyon. Kailangan ako ang
maghawak ng tail ng gown niya, ang veil, at kung ano ano pang kakailanganin niya sa
photohoot at mismong kasal.

Nang nasa simbahan na kami, pati ang pagpapalakad kay Ria sa altar, bilang
flowergirl, ako na rin ang nag-alu.

I was too busy to notice anyone while the mass is going on. At noong kukuhanan
naman ng picture, mauuna ang mga bridesmaids, kasama ako. At pagakatapos noon,
nauna na rin akong umuwi para masigurado na ayos lang ang lahat sa mansiyon.

It was all perfect. Buti na lang. Sa reception lang talaga ako nakapagsettle down
at nakapagrelax. Doon ko lang din nakita na naroon nga si Bobby. Kumukuha siya ng
inumin at nakatingin sa akin. Panay ang pakikisalamuha ko. Kasalukuyang
nagpapatugtog at isang oras pa bago magsimula ang programme dahil sa photoshoot ni
Aria at Romulo, at pagpapalit niya rin ng damit.

"This is a nice wedding, Yohan. Ikaw ba ang nag arrange," si Chayo na katabi si
Leandro.

Levi is beside her while Chantal, beside her brother. The couple in front of me
looked relaxed but the other two on their sides, seems very... tense.

"Ah, tumulong lang ako. Si Aria talaga ang nag-ayos ng lahat."

"I love it," si Chayo.

Ngumiti ako.

"Pupunta ka ba sa kasal nilang dalawa, Yohan?" nagulat ako dahil nagtanong si Levi.

"Ah. Oo. Nakuha ko ang invitation no'n," sabay tawa ko.

Napabaling si Levi sa gilid kaya ganoon din ako. My eyes widened when I saw whose
coming. Kadarating lang ng grupo ni Alvaro. Naroon si Daniel at si Juan, ang mga
kaibigan nila dati. Alam ko namang imbitado silang lahat pero nagulat pa rin ako.
Hindi ko sila napansin kanina sa simbahan.

"Kumusta, Levi?"

Some of his friends went to them, too. It was like a reunion. Narinig ko na
magtatagal na raw si Levi sa ngayon at dadalhin ang sariling negosyo rito. On
Chantal's way, she was also greeted with her batch. Naroon ang mga kaibigan ni Aria
para batiin siya.

Leandro went to Levi's group, the reason why I looked their way. Sa dagat nila,
nagtagal ang tingin ko kay Alvaro na nakikitawa sa mga kaibigan.

"Dito ka na rin pala?" si Levi tanong kay Alvaro.

Alvaro's eyes drifted on me bago niya sinagot si Levi. "Oo. Kadarating ko lang
din."

I tore off my gaze at him when someone held my elbow. Napabaling ako kung sino
iyon. Nakita ko si Bobby.

Kinabahan ako ng kaunti. Levi was looking at me. I excused myself to the group.
Lalo na nang nakitang nag-uusap na rin si Soren at Chantal.
I saw Alvaro's parents behind him. Napatingin si Tita Ana sa akin. I politely
smiled and excused myself so I could talk to Bobby.

"Bobby..."

"What's with you and those boys?" he asked looking annoyed.

I sighed and watched Aria and Romulo entering the reception area.

"Mga guests ko sila. Ano ka ba? At... hindi ba nag-usap na tayo?"

"Your Tita invited me here. That must me you wanted me here."

"No, Bobby. Nagbreak na tayo at sinabi ko na sa'yong hindi na ako makikipagbalikan,


hindi ba?"

Nagkakatuwaan na at magsisimula na ang programme. Nandito ako malapit sa mga buffet


table, kausap si Bobby. Kailangan ko nang maupo sa lamesa na para sa pamilya.

"Bakit? May pinalit ka ba agad sa akin, Yohan?" he said, annoyed.

"Huh?"

"Kanina pa tingin nang tingin 'yong Noel na 'yon sa'yo, ah? At bakit naman imbitado
si Johnny rito? Hindi ba matagal na kayong hiwalay?"

Panay ang lipat ng mga mata ko sa tinukoy niya. Malapit sa pampaliyang mesa si Noel
nakaupo. Siyempre imbitado siya dahil close sila ni Aria. Kaibigan ko rin siya at
may girlfriend na siya. Wala nga lang dito.

"Si Johnny, kilala ni Aria at si Noel, kaibigan namin. Puwede ba? Uupo na ako
roon," sabi ko at lumakad na.

Sumunod si Bobby sa akin. Sasawayin ko sana nang naupo siya sa tabi ko pero ayaw ko
nang mag-away kami. Nagsisimula na ang first dance at baka magkaroon pa ng gulo
kapag pinilit kong umalis siya.

Tinitingnan kami ni Tita. Nagtataka din siguro siya kung bakit ko katabi si Bobby
pero hindi na nagtanong.

Natapos ang kalahati ng programme at kumain na kami. Pumunta si Soren sa lamesa ko.
Tumingin siya kay Bobby pero siguro dahil alam naman nitong wala na kami, naupo
siya sa kabilang tabi ko.

"Sayaw tayo mamaya, ah?" he smirked.

Tumawa ako. "Sige ba!"

"Sinasabi ko lang, baka maunahan ako," he whispered meaningfully.

I rolled my eyes and smiled.

"Nakikipagbalikan?" he whispered.

Nagkibit ako ng balikat. "Inimbita ni Tita. Ewan ko diyan."

He laughed. "Mamaya, ah!"

Tumango ako at nagpaalam si Soren. Nagpatuloy ang lahat at pati ang single's game.
I cheated on the girl's game kaya nauna akong maupo. At sa boys game naman, tahimik
kong pinagmamasdan si Alvaro. Silently hoping that he won't get the... hmmm. Bakit
ko ba iniisip 'to?

Matagal na noong naging crush ko siya. Lumipas na ang panahon at hindi ko na siya
naiisip pa. Si Kuring na lang.

"I heard that man asked you to dance. Tayo ang magsasayaw, Yohan," pilit ni Bobby.

"For the whole night ba? Bobby, yes we can dance but please... huwag ka nang umasa
sa atin."

"Bakit? May pamalit ka agad?"

"May boyfriend ba ako ngayon?"

"O, bakit ayaw mo sa atin? Hindi ka pa nakakalimot, kaya magbalikan na tayo."

"I just took my time to be single. At sinagot kita noon kasi iniisip ko na gusto
kita, pero ngayon... with that attitude, I don't think I would ever think that way
again. Hindi ka ganito noon."

Natahimik si Bobby.

"Look, I jut want us to be okay. Iyong nahuli mo ako, wala lang 'yon."

"Ayos lang 'yon sa akin, Bobby. Wala na tayo noon kaya puwede ka na sa iba. It's
just that I realized something in the process, okay? We can just be friends."

He sighed.

Natapos ang programme at sayawan na. I didn't like the loud music that the old
people are playing for their dance. Pero nang naging sweet old music na,
pinaunlakan ko na rin si Bobby.

"Huwag kang umasa. Sabi ko na sa'yong magkaibigan na lang tayo."

Umiling siya at nagpatuloy pa rin sa pagsasayaw sa akin. Mahaba ang naging sayaw.
Matagal pa nang lumapit si Johnny para yayain ako sa sayaw. Kinabahan pa ako dahil
baka magalit si Bobby sa kanya. Mabuti na lang at tahimik niya naman akong ibinigay
rito.

Johnny is my ex. Naghiwalay kami sa third year kasi pareho kaming busy sa pag-
aaral. Boto sana si Aria sa kanya kaya lang hindi ko na siya sinagot nang muli
siyang nanligaw after graduation. Magkaibigan na lang kami, nilinaw ko na sa kanya
iyon.

"Nakita ko lang na ginugulo ka niya kaya pinalitan ko," so Johnny.

Nagtawanan kami.

"Lalo kang gumanda, Yohan."

I smiled and looked at him. Hindi ko alam kung kailan ko unang narinig iyan pero
hanggang ngayon, hindi pa rin ako nasanay.

Payat pa rin ako pero siguro sa edad, medyo nagkalaman na rin. I'm still pale, too,
nothing has changed. My hair is long and straight because I always imagine
beautiful girls having that. I wanted to be beautiful my whole life. I want my lips
thin because people always notice them and said they were too big. Pero ngayon, I
have received some praises about it for being full and pouty. And of course... for
them being kissable from my many exes.

Hindi pa rin ako sanay.

Napalitan na ng iba ang kapares ko. Nagulat ako nang niyaya ako ni Juan. Seryoso
siya. I expected for some teasing from his friends but there was none.

Hindi na ako nakaupo sa ilan pang pumalit pero ayos lang. I enjoyed the company.
Some I didn't talk to for years so it's a good way to catch up.

"Bagay sa'yo ang pink na damit mo," si Soren.

Ngumiti ako. "Thank you."

Kanina pa ako nagsasayaw at kanina ko pa rin natatanaw si Alvaro na nakikihalo sa


mga kaibigang nag-iinuman. Kaunti na lang kasi ang matanda roon. Nagsiuwian na.
Nakita ko na umuwi na ang mga magulang niya kanina, nagpaalam kina TIta at Tito.
Lumingon din ssila sa akin at dahil may kasayaw ako, nginitian ko lang.

I don't know if their opinion about me changed but I did gave them their land back.
Isa sa away namin ni Tita iyon. I found a way to justify it. Na talagang walang
nawalang pera kay Dad nang kunin niya iyon. He gained a lot when he had it. Nang
hindi nagbabayad sa mga Santander. I'm even surprised that Ate Gen didn't file a
case on us. Siguro dahil patay na si Dad at wala naman akong alam sa nangyari.

Nasa gitna ako ng iniisip nang biglang dumilim sa banda namin. Gabi na at tanging
mga nagkalat na ilaw lang ang tanglaw sa nagsasayawan. Pero may tumayo sa gilid
namin ni Soren dahilan kung bakit dumilim sa anino.

I saw Alvaro, standing. Dati pa siyang matangkad pero parang mas nadepina iyon
ngayong nasa tabi ko siya. He's wearing a gray long sleeve, rolled till his elbow,
and black slacks. Kanina ko pa siya nakita pero hindi ganito ka lapit.

He was watching me intently. He tore his eyes off me then it drifted on to my


partner.

"May I borrow her for a dance, Soren?" he said that shocked me.

The men before Soren, and even Soren, asked me to dance with them. Siya lang ang
nag acknowledge sa partner ko sa sayaw!

Tumawa si Soren at tinanggal ang kamay sa akin.

"May magagawa ba ako, Alvaro?" he said.

Alvaro turned to me. Doon ko pa lang natanto kung ano talaga ang gusto niyang
mangyari.

"May I have this dance?" he asked.

"Sure..." I managed to croak.

Kabang-kaba ako. I can hear some laughters from the audience and slight teasing.
Hindi ko nga lang alam kung para iyon sa amin. Nawala rin agad ang atensiyon ko sa
kanila nang umalis na si Soren at si Alvaro na ang nasa harap ko.

Parang ang dali kanina na magpalit ng partner. Tapos ngayon na siya na ang nasa
harap ko, hindi ko na alam ang gagawin! He held out his hand, something that I
don't remember touching even then.

Kabadong kabado kong nilapag ang kamay ko sa kamay niya. I notice that his palm was
rough, calloused. Akala ko mananatili iyon doon. I was shocked when he slowly
brought it up to his nape. That process never really struck me before. Ni hindi ko
maalala kung may gumawa na ba sa akin noon o ano.

Ginawa niya rin sa kabilang kamay ko. He put my other hand in place on his nape
before his hand slid down on my waist.

Yumuko ako, hindi na gumagalaw. Naestatwa na yata ako. We are so close. I don't
remember when I was this close to him. Never. I never held his hand before... I
don't even remember if I ever touched him. And a I watch his hand rest on my waist,
I feel like I am going to faint.

"Is this okay?" his baritone was a whisper.

I nodded slowly and brought my eyes up to him.

🌺🌺🌺
KABANATA 20
BLOOD

Hindi pa nag-iilang sandali sa sayaw, narinig ko na si Aria sa stage.

"Shit! Nakakakilig!" sabay tili ni Aria, hindi ko alam kung para saan iyon at ayaw
ko nang alamin.

Pumikit ako ng mariin, at medyo sumulyap sa banda ni Aria, isang diversion kunwari
para hindi na matitigan si Alvaro. When Alvaro moved, I tried to do the same.

The more we progress to this dance without talking, the more it became awkward. For
years, I have learned to interact. It didn't come easy for me but I'd like to think
that I mastered it. Pero ngayon, wala sa lahat ng turo ni Aria, at librong nabasa
ko ang paraan paano gawing magaan itong pagsasayaw namin.

Nang nahuli niya ang malilikot kong mata, parang tumalon ang puso ko. Agad kong
iniwas ang tingin ko at nagkunwaring may ibang nakakuha ng atensiyon.

I suddenly wish for Aria to shriek or something so I can look her way and not
Alvaro's. Kaya lang wala. Walang nang-asar. Hindi ko lang alam kung wala ring
pumapansin.

Nahuli niya ulit ang tingin ko. Napakurap-kurap ako at ginawang paraan iyon para
bumaling sa stage kahit na wala namang maganda roon.

"Nahihiya ka ba?" his baritone was so pleasant to the ears.

Bumaling ulit ako pero hindi ko matagalan. Lalo na sa ganito ka lapit. Umiling ako.
I swallowed hard and continued dancing slowly, even when my heart is pounding loud.

"You seem so comfortable with your last dance partners. You're like a tree with
me."

Napabaling ako sa kanya. He smirked. Hindi ko na alam kung ngingisi rin ba ako o
ano. My lips trembled and I honestly don't know what to do. I feel like I'm back as
the Grade seven Yohan. Hindi dapat ganoon. I have struggled for years and tried my
best to be a better person, not that I was then worse.

"Uh... Syempre... matagal na tayong hindi nagkikita," sabi ko at pinilit na tawanan


iyon.

He smiled and paused. Tumitig siya sa akin na para bang sinasaulo niya ang
pagsasalita ko.

"Tama ka. Matagal na nga pala."

Hindi ko na nadugtungan iyon. I feel like I'm struggling for words. I'd rather
recite in front of many many people than here in him.

"Nakalimutan mo na siguro ako?"

Ang unang naisip ko ay mga salitang hindi ko dapat sinasabi. Buti napigilan ko ang
sarili ko kung hindi'y sasagot ako nang 'Sinong makakalimot sa'yo'.

"Matagal na 'yon pero naaalala kita."

He smiled and crouched a bit. I couldn't help my self. Namilog ang mga mata ko sa
kaunting paghanga. "I hope those were good memories, though."

I chuckled a bit. He chuckled too. Pakiramdam ko mahihimatay ako ngayon, isang


bagay na naisip kong siya lang talaga ang makakapagparamdam sa akin.

I stopped, though. I know that I shouldn't dwell on our past. The Grade seven Yohan
learned her lesson very well. It didn't leave a scar but it passed through my
heart.

Hanggang hanga lang ang puwede kong igawad sa kanya. Maraming nagbago sa akin, pero
ganoon din sa kanya. It's always as if every time I step up to reach him, he steps
twice to leave me.

He's now a very successful man, a soldier of the country. He has his own duties.
Bukod diyan, he had always been a candy for the girls. Noon, at lalo pa ngayon. I
don't think he's single, but if he is, I can't be silly and think that there could
be something more. It's different now. At dati pa man, hindi naman talaga ako ang
tipo niya.

For the friendship, though. This is okay.

Bukod pa sa hindi makakalimutan ng pamilya niya ang ginawa ni Dad sa kanila. His
father owned that piece of land. My father encourage him to do business with him
and in the end, he backstabbed him. Naiintindihan ko ang muhi ni Tita Ana sa
pamilya ko. Inatake sa puso si Tito noon pero hindi pa rin binawi ni Dad ang
desisyon niyang angkinin ang lupain ng mga Santander.

Natigilan ang sayaw namin nang nagputukan ang fireworks sa harap. His hand remained
on my waist. Even with the fireworks above, mas focus ang nararamdaman ko sa
baywang kaysa sa tanawin.

Nagsilapitan ang mga kaibigan niya. Lumapit din si Aria sa akin at hinila ako
palayo sa kanya. His friends, though, dragged him for the drinks. Lalo na dahil
nakisali na si Romulo sa kanila.

Hinila naman ako ni Aria sa mga babae at doon, pinainom ako. Uminom ako at
nakipagtawanan. Pero matagal bago ako nakabawi sa munting pagsasayaw namin.
When I saw Chantal on the side, drinking and staying quiet, nilapitan ko na siya
para makausap tungkol sa shelter. Surprisingly, she said she's staying here in
Altagracia and she's interested to work there!

Lumapit si Soren sa amin at sinabi rin ni Chantal na si Soren talaga ang nag-
encourage sa kanya na kunin na iyon.

"Thank you so much, Soren!" bati ko.

He smirked. "May utang ka na niyan sa akin?"

Tumawa ako. "Oo. Gustong gusto ko si Chantal doon."

"Hmm. How about... some dates?"

Tinawanan ko lang iyon dahil kumpara naman sa pabor na naibigay niya, walang kaso
ang mga date. "Alright!"

"Yohan," tawag ni Noel galing sa likod.

Aria was already a bit drunk. She's giving out some tequila to her friends, kanina
pa. Pati sa akin kaya alam ko na kung bakit niya ako kinakalibit ngayon.

"Aria!" saway ko.

"Body shot! Body shot! Body shot!" she chanted.

Iminuwestra niya si Noel sa akin. I gritted my teeth. I've done some bodyshots
then, of course. Ginawan ko nga si Aria kanina sa pisngi niya pero nahihiya ako
ngayon.

"Aria, may girlfriend si Noel," sabi ko.

Tumawa si Noel. "Wala na kami no'n."

Namilog ang mga mata ko. Pinatayo ako ni Aria at hinila palapit kay Noel.

"Sige na. Sige ka, kung malasing si Bobby, magwawala 'yan dito! Para magwalk out at
umuwi na, bilis!" si Aria.

Napabaling ako kay Bobby. Naroon nga siya. Dahil walang kilala'y tahimik lang siya
at nakakatabi sina Tita at Tito.

"Ang sipsip na 'yan, si Mommy at Daddy pa ang kinakausap. Sige na! Kita mo aalis
'yan! Dito lang sa leeg ni Noel, oh!"

It seems like a bad idea.

"Baka sumugod siya rito?" sabi ko kay Aria.

"Hindi 'yan. Wala siyang kilala, 'di ba? Uuwi 'yan at gi-give up sa'yo. Ako pa ba
ang magkakamali?"

Sa ilang taon kong kilala si Aria, alam kong magaling siya sa ganito. Nagdududa ako
pero dahil ibibigay ko ang tiwala ko sa kanya, tumango ako.

Nagtawag siya ng ilang kaibigan para maki-cheer sa kanya. Soren went behind me but
he was silent. Nakita kong nagtayuan sina Juan at Daniel para tingnan kung ano
iyong sinisigaw ni Aria.
She held out the lemon and salt. Umirap ako kay Noel na bago ikasal si Aria ay may
paiyak iyak pang nalalaman. May pakiramdam akong nakipaghiwalay siya sa girlfriend
niya o hiniwalayan siya dahil doon.

I put the salt on his neck. Just below his jaw, isang pulgada lang.

I breathed out and crouch to lick the salt on Noel's neck. Naghiyawan sina Aria at
ininom ko ang tequila bago kinagatan ang lemon.

Ang dami ko na palang nainom. Tumalikod ako para indahin iyon samantalang tumawa
naman si Aria.

"Seems effective," si Noel at tumawa na rin.

Nilingon ko ang banda kong nasaan si Bobby. I didn't want to hurt him like that but
he needs to stop when I say I had enough. Nagwalk out nga siya gaya ng sinabi ni
Aria pero may parte sa aking medyo na guilty. Pakiramdam ko mali ang ginawa ko.

Habang iniisip ang pagkakamali, nahagip ng mga mata ko si Alvaro na nasa dagat ng
mga kaibigan niya pero nakatingin sa akin. I tore my eyes off him and looked at
Aria. She handed me another shot of it which I drank without hesitation.

Kinabahan ako. Hindi lang dahil sa pagkakamali kay Bobby pero pati na rin kay
Alvaro. I realized he was watching me when I did the body shots with Noel. Nanlamig
ako bigla.

Nakaupo ulit ako at nag-iinuman kami nang naisip kung bakit ko naman naiisip na
mali iyon? Hindi naman. As a child, I was very prim and proper but through the
years, I've learned to fit in... the party and the boys. Why am I sorry for being
who I am now?

Nagalit sa sarili at sa pressure ng opinyon ni Alvaro sa akin, mas lalo kong


hinayaan ang sarili sa ginagawa. O siguro dahil lasing na rin ako. Kung anong
sabihin ni Aria sa akin, ginagawa ko na.

"May kaibigan ako ritong crush ka! Uyy!"

My eyes darted on her and she pushed an old bully of mine. Akala ko kung sino.

"Exchange number! Exchange number!" si Aria na lasing na talaga pero hinahayaan ni


Romulo dahil minsan lang daw.

"Nakakainis ka, Aria!" sabay tawa ko.

I was really drunk. I agreed to another two bodyshots until she passed out.
Nabuhayan ako ng kaunti at tumulong na lang na dalhin ang gamit niya sa taas.
Bumalik sa baba si Romulo dahil may bisita pa.

Lasing na ako nang pumasok sa kuwarto ko. Narinig  kong nagising muli si Aria at
nagbalak pang bumaba pero hindi ko na nasabayan dahil lasing na ako. Sa pagod sa
araw na iyon at sa pagkakainom, nang umuwi sa kuwarto para magpahinga, hindi na ako
nakabangon ulit.

Kinabukasan, nag-ayos pa ako sa mga kailangang ayusin. Naayos at nalinisan na rin


naman ang bakuran pero may iilan pang kailangan sa mansiyon.

I was so hung over. Tulala ako habang nagkakape. Nakaangat ang dalawang paa sa
upuan. Sinabayan ako ni Tita dahil tulog pa yata ang bagong kasal. Ria is playing
on the pool with Tito watching over her while reading the newspaper.

"Nakasal din ang dalawa." She sighed.

Ngumiti ako. "Mabuting lalaki naman si Romulo, Tita."

Nilingon niya ako at hindi nagsalita. Matagal pa bago siya lumingon ulit.

"Ikaw? Kailan ka ikakasal?"

"Tss. Wala pa nga'ng boyfriend, e."

"Parang baliktad kayong magpinsan. Sakit sa ulo si Aria nang highschool hanggang
college dahil sa mga lalaki. Ikaw naman college hanggang ngayon."

"Tita?! Anong sakit sa ulo?" tumawa ako.

"Kayo na ba ng Soren na 'yon? Napansin ko na malapit kayo kahapon, ah."

"Ah. Hindi po."

"Nanliligaw ba?"

"Hmm. Sabi niya... pero... hindi ko alam. Tingin ko... kailan ko munang isipin ang
sarili. Taon taon na lang akong nagpapalit ng boyfriend."

Tita chuckled and shook her head. "At si Noel. Si Bobby pa..."

Kinagat ko ang labi ko.

"Ewan ko..." I trailed off because that is really what I feel about all of it.

"Huwag kang magpapadala sa mga sumusuporta sa mga magagandang gawain mo."

Napabaling ako kay Titaa. She sipped on her own coffee.

"Matagal nang patay si Enrique pero buhay na buhay pa ang mga may galit sa kanya
rito sa Negros. Kapag tumakbo ka pa, mabubuhay ang mga alaala niyang hindi
maganda."

Natawa ako ng kaunti. "Wala po akong plano sa politika, Tita. Mahilig lang talagang
tumulong."

"Hindi talaga maiiwasan ang mga pag-uudyok sa'yo na tumakbo ka. You have a very
good leadership skills but leave that on our sugarmill. Let other people run for
office and rule. Better just help out in your own way, Yohan."

"Wala po akong planong ganoon."

"Mukhang ang anak ng mga Osorio, mayroon."

She smiled meaningfully.

Iyon nga ang usap-usapan. Soren is opposed to his father but I am not sure if he's
going to become a good leader. After all, if he does it, he's still new to politics
even with his bachelors dealing with it.

Pagkatapos ng araw na iyon, babalik na ako sa trabaho. Tutulak naman si Aria at


Romulo para sa kanilang honeymoon. Na late pa ako dahil nag-iiyak si Aria at ayaw
iwan ang anak kay Tita at Tito. Sa bahay muna sina Tita para matutukan si Ria. Ria
however wants her parents to leave. Maybe because Tita and Tito spoiled her so
much.

Pabagsak akong naupo sa swivel chair, nasa azucarera na. I checked on my reports.
After that, I continued plotting with my new ventures. Itinawag ko na rin sa
shelter ang tungkol sa araw kung kailan magsisimula si Chantal. At na bukas na ako
bibisita dahil natambak ang trabaho ko sa azucarera.

"Hello..."

Sa pagiging abala ko, hindi ko namalayan na si Soren pala ang tumawag.

"Oh, Soren?"

He laughed. "Nandito ako sa shelter mo para sa date natin."

I groaned. Hindi ko alam na may date kami ngayon!

"Huh? Date?"

"Sabi mo, 'di ba?"

"Kailan?"

"Don't tell me lasing ka na no'n?"

Nasapo ko ang noo ko. Hindi niya naman niremind din sa akin kahapon. O baka lasing
din  siya at buong araw ang recovery period.

"Nasa loob ka ba?"

"Uh... Nasa azucarera ako. Hindi ako bibisita sa shelter dahil tambak ang trabaho."

"Oh no. Is it a bad time? O puwedeng bumisita ako riyan?"

"Ah. Ayos lang din. Ayos lang sa'yo? Dito ang date natin?" natawa ako.

"Yohan, kahit saan pa 'yan, ayos lang. At nasisiguro ko namang hindi ito ang huli,
hindi ba?"

Nagtawanan kami ni Soren. I was sure I'll be out very late kaya nag-aalala ako.
Iniisip ko ang magiging dinner namin. It's already five in the afternoon.

"Bibili na ako ng dinner take out. Tapos pupunta na ako riyan."

"O sige..." sagot ko at nagpaalam na siya. Binaba ko na ang tawag.

Kalaunan, dumating na nga si Soren. Buti na lang at may sofa naman sa office ko na
puwede niyang upuan habang nagku-kuwentuhan kami. I realized then it was useless.
Kahit anong trabaho ko, kapag nagkukuwento siya, at nakikinig ako hindi ko rin
natatapos.

Nag dinner kami at nagkuwentuhan pa. Bumalik ulit ako sa trabaho sa pag-asang
matapos ko na iyon ngayon. Natapos ko nga at hiyang-hiya ako na inabot pa kami ng
alas otso.

We went outside and chatted a bit. Ikinuwento niya na nga sa akin na mukhang
sasabak siya sa politika pero ayaw niyang maging pareho sa Dad niya. Sumang-ayon
naman ako pero naisip ko kung kaya niya bang i-expose ang ano mang anomalya ng
pamilya.

It's already night and our guards were already roaming on the walls to check for
any intruders.

"Ihahatid sana kita pero may sasakyan ka nga pala."

Tumawa ako at nilingon ang sasakyan niya. "Pasensiya na sa date na ito. Babawi na
lang ako, ah?"

"'Sige ba!" aniya.

After a few goodbyes, I went to my car. Nakapark ang sasakyan niya sa tabi ng
sasakyan ko at kalaunan, nauna na akong umalis. Nakasunod naman siya.

Binuksan ng guard ang gate at niliko ko kaagad ang sasakyan sa kalsada. That's when
I noticed a motorcycle parked near the gate. At unang tingin ko pa lang sa mga
sakay nito, namilog na ang mga mata ko dahil nagliparan ang ibang bala sa salamin
ko!

I stopped my car in shock. Sumunod ang sasakyan ni Soren at nagkukumahog na na


umalis ang motor na iyon at bago pa ako makatawag, nangininig ang kamay, napansin
ko na kaagad ang dugo sa balikat ko!

I didn't feel the pain. It felt numb. But when I saw the blood and I realized I was
shot, that's when the pain slowly crept on me.Kabanata 20

🌺🌺🌺
KABANATA 21
CAT

Itinayo raw ang bagong checkpoint na nabangga ko noong nakaraan dahil natunugan na
mayroong movement ang rebelde roon. They were spotted very close to the end of our
land, the reason why there is enhanced visibility of the army in the area.

Mabuti na lang at marami kaming security guard. Nang narinig ang putukan,
nagsilabasan agad at agad din kaming naisugod sa ospital.

Nasa emergency room ako ngayon, at ginagamot na ang daplis. Mababa lang ang sugat,
ayon sa nurse. Kaya iniisip kong umuwi na kaso naroon pa ang iilang mga police.

The Mayor was also alerted. I was a big asset to the whole Negros and the terrorist
activity is something that the province is fighting. Katatapos lang ako tanungin ng
mga pulis tungkol doon.

"Tama na!" si Soren na iritado na at pinapaalis na sa emergency room ang mga


nagtatanong.

"Sir, utos ni Governor, pasensiya na," ang mga pulis.

Umalis sila at nakita ko sa pintuan ang pagpasok ng iilang unipormadong lalaki. The
tall one was Alvaro. Gumillid ang mga pulis dahil nasalubong nila. Nahanap agad ni
Alvaro ang mga mata ko.

My heart beat wildly kaya imbes na tumingin sa kanya, sa ginagamot na sugat na lang
ako tumingin.
"Captain," the Mayor called.

My eyes slowly crept on them. Kaharap na ni Alvaro si Mayor at papasok na rin ang
Dad ni Soren na ngayo'y gobernador. Then, it was his grandfather.

"Dad," salubong ni Soren.

"Captain," the governor greeted Alvaro too.

"Puwede ka pong magpahinga rin dito sa ospital, Miss Valiente."

"Ah, uuwi na lang ako," sabi ko.

Nakita kong pumasok na rin si Tita at Tito na agad dumalo sa akin. Lumapit na rin
si Mayor kasabay nila at muli, pinasabi sa akin ang totoong nangyari.

"Are you alright?! I nearly had a heart attack after receiving the call!" si Tita.

"Tita, huwag n'yo na lang munang sabihin kay Aria. Kaalis lang nila ni Romulo."

"Iyan pa talaga ang iniisip mo samantalang nag-aalala kami ng Tito mo?!"

"Mayor, how about we increase the visibility around our land. Iyon ikasi talaga ang
dulo na ng Altagracia, puwedeng umalis ang mga iyon diretso sa Canlaon," si Tito.

"I'll have this investigated but... yes, Captain Santander thinks that while the
investigation is going, we will take precautions and increase police or army
visibility area."

"Bakit naman siya pagtatangkaan? Walang kaaway si Yohan!"

"This could either be for Soren Osorio..." sabay tingin ng Mayor sa Governor.
"Maraming galit sa kanila at partikular na kalaban ng mga rebelde. O puwede ring
kay Miss Valiente dahil sa usap-usapan ang tungkol sa pagtakbo mo bilang Vice
Mayor."

"Oh she won't!" giit ni Tita.

Umilihng din ako dahil walang plano. Naging tsismis lang iyon dahil sa shelter at
klase klaseng tulong na ibinigay ko sa bayan.

"A Valiente ruling Altagracia is good for the terrorists, but if it was Enrique.
You are different so... Well... this could be another angle. Huwag muna tayong
magconclude ng kahit ano."

Umiling ako. "Hindi po ba titingnan ang angle na unrelated 'to sa terrorist, Mayor?
What if those were just thieves? Riding in tandem?"

"Thieves with a gun, waiting near the gate of your sugarmill, Yohan?" si Alvaro.

Nagtinginan sa likod sina Tita at ang Mayor. Nahati sila at nakita ko siyang mariin
ang tingin sa akin. Natahimik ako.

"For now, increase your security. Mas mabuti ring may bodyguard ka. Bakit nga ba
wala?" si Mayor.

"I don't find it necessary. Malapit lang ang bahay sa sugarmill."

Tita wailed. "I cannot believe this! Dapat ay paigtingin na natin ang seguridad! At
dapat bilisan din ang imbestigasyon!"

Halos hatinggabi na nang nagpaalam ang Mayor. He gave me an escort. Ganoon din ang
Gobernador na pilit sinasama si Soren. Soren didn't want to go but I assured him
that I'll be fine.

"I'm sorry, Yohan. If this is for me, then baka nadamay ka lang," sising sisi
niyang sinabi.

"It's okay, Soren. Pareho tayong natakot dahil kanina."

He shook his head. "I'll call you, I promise. Ihahatid sana kita sa inyo pero kung
ako nga ang habol, ayaw ko namang mapahamak ka."

Messages flowed from my inbox. Marami nang nakaalam sa mga taga Altagracia kahit
hindi pa man ibinabalita.

"Huwag ka na lang kaya muna pumasok bukas? You can just work from home, Yohan," si
Tita.

Tumango ako. Tama naman din siya. "Pupunta na lang po siguro akong shelter bukas."

"Yohan!" she groaned.

Nagulat ako nang nakita si Alvaro sa likod nila. Naroon pa rin pala siya. Tita
looked at him. He eyed the bandage on my arm.

"Hindi naman malalim," sambit ko.

Tumango siyal. "I saw the report."

Iniisip ko na pulis naman ang sinabi ni Mayor na magiging escort ko pauwi. Hindi
siya, hindi ba? Also, he's a captain.

Do you really think his job includes that?

Tama ako. Kasi nang lumabas kami, may dalawang police car doon at iilang pulis na
naalerto dahil lumabas na kami. I saw Alvaro watching me before he turned to a car.
He went inside a black tinted Ford SUV.

Pumasok naman ako sa SUV namin kasama si Tita at Tito at isang pulis. Nang umalis
kami, nauna ang isang police car, sa likod may police car pa, at sa pinaka likod ay
si Alvaro.

Panay ang lingon ko sa sasakyan ni Alvaro. Malapit lang ang bahay namin pero
iniisip kong sa kampo siya uuwi. O 'di kaya'y may bahay siya sa bayan.

Hindi kailanman nauna si Alvaro kahit mabagal ang takbo namin. At hinatid niya kami
hanggang sa gate.

We thanked the policemen. Maghihintay sila sa magiging aksiyon ni Mayor at sinabi


sa aking mas mabuting huwag munang lumabas kung kaya. At kung hindi naman
maiiwasan, magkaroon ako ng bodyguard.

HIndi yata nag sink in sa akin ang nangyari. Nasa kama na ako at iniisip ko pa rin
ang lahat pero hindi ko gaanong maramdaman ang panganib na dala noon.

That was why the next day I woke up early and had thoughts to go to the azucarera.
Kaya lang, ayaw ni Tita. Iyon agad ang unang sinabi niya sa akin sa breakfast.
Binantaan niya agad ako.

Kaya nasa study na lang muna ako nagtrabaho. Nagdagdag na lang din ako ng security
sa bahay at sa azucarera. It was two o'clock in the afternoon when I got so bored.

"Tita, sa shelter lang ako-"

"Hay nako, Yohan! Heto na naman tayo!"

"Saglit lang, Tita. Sa bayan naman iyon kaya mas safe. 'Tsaka may security doon,
kadadagdag ko lang. Sa labas may checkpoint naman agad."

"Isama mo si Lino!" si Tita.

I nodded and just alerted our security. Magmomotor lang at co-convoy sa akin para
makapunta ako ng shelter.

It was safe. Lalo na dahil dumaan ako sa checkpoint at nang lumiko, tanaw na kaagad
ang bayan. I sighed when I went out of the car. Luminga-linga ako sa paligid at
nakita naman ang guard namin kaya napanatag agad ako.

The shelter is on Romulo and Aria's building. Sa baba iyon ng building at sa taas
ay iilang offices nang pinapaupahan. I am renting the whole first floor for it. Sa
likod naman ay ang outdoor shelter na nirerentahan ko lang din sa kanila.

Ayaw ni Aria na magbayad ako kaso hindi naman ako papayag noon. This is business,
kahit pa magpinsan kami.

I opened the door. Umingay agad ang chime na nilagay ko. Nang nakita ng iilang
trainees na ako ang pumasok, dumalo kaagad sila sa akin.

Sa pagbabalita pa lang sa kanila at sa ilang pagchi-check sa bagong rescue namin,


nalibang na ako.

"Tapos po? Dito?" sabay turo sa braso ko.

Tumango ako at nagkibit nang balikat.

"Nakakatakot naman!"

"Tingin mo rebelde 'yon, Miss Yohan?"

"Sabi nila."

"Marami rin kasi talagang rebelde roon, 'di ba?"

Nilagay ko sa isang kulungan ang isang rescue cat namin. May dalawang aso at limang
pusa na roon. Si Garfield naman, ang unang rescue cat ko ay nakaupo sa counter
table.

May dumating para magpatingin sa alagang aso kaya nagmadali ang iilang trainees at
assistant at inuna na muna iyon.

Tiningnan ko ang iilang logs. May mga donation doon at napangiti ako nang nakita
ang iilang mayayaman sa Altagracia na malaki agad ang donation para rito.

The door opened and the chime clinked. Matagal bago ako nag-angat ng tingin dahil
abala ako sa binabasa. At ang dumating naman, agad na nagpunta sa mga kulungan.
Nasa likod ng isipan ko, baka gustong mag adopt kaya hinayaan ko na lang. Whoever
it was, he was squatting now.

Nang tumayo siya, nag-angat ako ng tingin at nakita si Alvaro. Nagkatinginan kami.
He's in civilian clothing now but then his body was highlighted more with his
clothes.

In an army green t-shirt, dark pants, and black boots, humarap siya sa akin saglit.
My eyes widened. Hindi ko na mabalik sa binabasa ko. Tumingin ulit siya sa
kulungan, ang pusa naman ngayon.

I suddenly felt something strange in my heart. A nostalgice feeling... for Kuring.

Hindi na namin ito napag-usapan mula noon. Ni hindi ko alam kung nandiyan pa ba
siya. O...

Thinking about Kuring's death now is giving me a heartache. Napansin niya ang titig
ko. Lumapit siya at lumipat ang mga mata niya sa bandage sa braso ko.

"Kumusta ang sugat mo?" he asked.

"Uh... Ayos lang."

"I know how to dress a wound," he said.

"Ah. Napaayos ko na naman kanina bago ako umalis ng bahay."

Tumango siya. "May... bodyguard ka ba?"

I gasped. "Uhm... May nag convoy sa akin papunta rito."

Tumango ulit siya. "Hindi ka na muna dapat umaalis sa inyo."

Ngumuso ako at binaba ang mga mata sa binasa kanina. Binalik din naman agad sa
kanya. "May tiningnan lang ako sa shelter."

Tumango na naman siya. "Wala ka bang puwedeng tawagan na lang dito? Para matingnan
ang mga kailangan mo?"

Hindi ako nakasagot.

"I'm sorry. I was just worried." He smiled to assure me about something.

Imbes na mag-isip pa ako, hinaplos niya si Garfield. Bigla ko na namang naalala si


Kuring.

"Gusto ko sanang mag-adopt."

"Uh... puwede. Mamili ka!" Ngumiti ako.

He smiled and looked at Garfield. "Eto? Puwede ba?"

Napawi ang ngiti ko dahil akin si Garfield. Dito lang siya sa shop. Ngayon lang
siya nandito ulit dahil naroon si Tita sa bahay. Pinapaalaga ko muna sa mga
trainees.

"I like this cat. Seems friendly. I'll take him immediately. May papel ba na
pipirmahan o ipaprocess?"
Kinagat ko ang labi ko at tinitingnan ang flat na mukha ni Garfield na nakatingin
sa akin, nagmamakaawa na huwag siyang ibigay sa estranghero. Do I have the guts to
say no?

Alvaro lifted Garfield. Nagpaalaga at yakap naman ito.

"Mukhang okay lang din ako sa kanya." Alvaro said and smiled at me. "What do I
need? Requirements?"

"Hmmm. Kasi..." nagtagal ang sinabi ko dahil nahihirapang sabihin sa kanya ang
totoo.

"Uwi ka na sa amin? May pusa pa ako roon," kinausap niya na si Garfield.

No, said Garfield. Help me, Mama!

"Uh... kasi... akin si Garfield..." I chuckled awkwardly.

Nagkatinginan kami. Unti-unti siyang lumapit at ibinalik niyang muli si Garfield sa


counter.

"Oh... Okay..." then he looked around.

Ngumuso ako at kinuha si Garfield doon para ilayo sa kanya. Napansin niya ang
ginawa ko. Nagtaas siya ng kilay. I smiled awkwardly again.

"Gaya ba ng iyo rin si Kuring?"

Natigilan ako. My mouth opened a bit and I shut it after a while. Hindi ko alam
kung ano ang sasabihin ko. My eyes lowered and then back to him again. Ligalig.

Nilingon niya ang isang kulungan na may pusa. He stick out his finger on it and
played with the cat.

"Nasa bahay pa siya. Matanda na pero masigla pa rin naman kahit paano," he said.

Namilog ang mga mata ko sa gulat. Kuring is alive? Years have passed and I have
lost all hope that I would see him again! To know that he's alive is a big shock to
me!

"He... He's still..."

"Alive? Yes, Yohan. Ang galing kong mag-alaga, 'no?"

I swallowed hard. Nagtagal ang titigan namin. I almost uttered a "I want to see
him" line but of course, I know I can't.

"Kung gusto mo dalhin ko siya sa'yo. Definitely not here because I don't want you
coming here the next days. Unless you let me convoy you."

"Uh... P-Puwede ba 'yon?"

Tumango siya at nilingon ulit ang isa pang rescue cat. "Puro babae 'tong nandito.
Baka gawing girlfriend hni Kuring at iyon pa ang ikamatay niya."

"H-Huh?!" I said so shocked at his words!

He laughed a bit. "Sorry."


"T-Talaga bang buhay pa siya? Ilang taon na ang lumipas!"

"Buhay na buhay, Yohan," aniya at lumapit muli sa counter.

I searched for any lie in his eyes.

"Gusto mo bang bisitahin siya mamaya, pag-uwi? Daanan mo lang?"

That seems... very... very... enticing. I can't say no but I also can't say yes.
Naaalala ko ang galit ng Mama niya sa akin.

"O... kung gusto mo, daanan na lang natin at sasama kami sa inyo pauwi. Saglit.
Tingin mo?"

"Uhmm..."

That's an even better idea. Napatingin ako sa mga kailangang gawin. But is this
really okay? Hindi ko alam. Hindi ko sigurado.

"O... sige. Magpapaalam lang muna ako sa mga trainees."

He chuckled. "Hindi, sige. Kung may gagawin ka pa, maghihintay ako," aniya at naupo
sa sofa roon.

He dominated the small two seater sofa. I swallowed hard and my heart pounded like
hammer again. I cleared my throat, hindi na alam kung uunahin ba ang mga papel
dito, o magpapaalam na ba ako.

Hindi ako makapaniwala na makikita ko na sa wakas ulit si Kuring kapag sumama ako
kay Alvaro!

Nagmadali ako sa mga pagsusulat. I glanced at him and now he's busy with my
business card. Nasa lamesa kasi iyon malapit sa inuupuan niya. He took his phone
out and copied something from there.

Inangat niya ang tingin niya kaya nahuli niyang nakatingin ako. Tumayo siya at
ipinakita ang business card ko.

"Your number?"

"Uh... the company's..."

My heart is now hammering on my ribs.

"Can I get yours?"

Dati pa man, hindi niya kailanman hiningi ang numero ko. Iniisip ko noon, hindi
naman aiko importante. O 'di kaya si Aria ang gusto niya. After a while, after
hearing his words on heart's day, I realized he probably think I'm gonna text him
obsessively.

Crush ko siya, alam niya iyon. Alam ng lahat. Kaya baka iniisip niya manggugulo ako
kung may numero ako sa kanya. Or maybe... I wasn't that relevant to him.

To hear him now getting my number, I feel like fainting.

"Are you... sure?"

"May magagalit ba?"


That line Aria warned me about boys. Damn it! He's using it. Kaya ano ang ibig
sabihin nito? HIndi ako agad makasagot kaya nagpatuloy siya.

"I saw you were doing some body shots with boys on Aria's wedding. Tingin ko wala
ka'ng boyfriend," seryoso niyang sinabi. "Pero kung hindi puwede..."

Bakit kami nag-uusap tungkol sa boyfriend ngayon? Gusto ko pa namang isipin na


numero ko para kay Kuring lang at hindi na... iyong mga nilalason ni Aria sa utak
ko!

"I was just... drunk."

Nagtaas siya ng kilay. "Yeah. I saw that."

Uminit ang pisngi ko. Sa ilang taon ko sa Silliman at sa ilang exposure sa mga
kaibigan at dating boyfriend, natuto na rin akong uminom at mag bar. I was eager to
join that lifestyle because I was always eager for attention and to fit in.

Hindi ko alam na aabot ako sa puntong ikakahiya ko iyon. That lifestyle was modern.
Altagracia is a small town. It's my home because no matter how much I walk around
and party in other places, I come here to be comfortable and at peace.

Hearing this from Alvaro feels like Altagracia, noticing my other life when I am
not here. Hindi ko dapat ikinakahiya iyon dahil iyon na ang pagkatao ko pero parang
ayaw kong malaman niya... na maraming nagbag0o.

"It's alright. You're single."

Pinigilan ko ang hininga ko. It comforted me that he didn't judge me for partying.

"Nag... gaganoon ka rin ba?" Para mas ma comfort ako.

Umiling siya. "Trabaho na lang ang inalala ko sa mga nakaraang taon. Kung mayroon
man, kaunting inuman lang."

Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko alam kung bakit nagui-guilty. I peeked at him and
he smiled. I think he noticedb what I was feeling.

"I said it's alright. So you have learned to drink and party, huh?"

Saying yes is embarrassing. Sobrang init na ng pisngi ko. "Oo. Sa college."

Yumuko ako at may kakaibang nararamdaman. Pakiramdam ko nabigo ko siya. Hindi


naman, sabi niya. Pero bakit... Bakit ganito ang nararamdaman ko?

"It's good that you learned that," he said.

"Uhm... Hindi naman ako ganoon lagi. Kapag lasing lang. Lasing ako no'n," I
explained.

He chuckled. "Yes, I know. It's alright. As I said, you're single so kissing the
boy's neck is alright, Yohan."

Nag-iinit ang mga mata ko nang tingnan siya. His eyes lowered and put the card on
my counter.

"So a girl like that... is fine?"


Tumango siya. Naisip ko tuloy ang mga ex niya. His lips then twisted and brows
furrowed. Hindi ko alam anong nakita niya sa ekspresyon ko.

"Basta ba kapag may boyfriend na, hindi na gagawin iyon."

🌺🌺🌺
KABANATA 22
NUMBER

Nagtagal ang tingin ni Alvaro sa sasakyang gamit ko. I realized he probably


remember my car to be a BMW. Right now I'm using my spare Mazda.

"Kumusta ang sasakyan mo?"

"Iniimbestigahan pa at... ipapaayos iyon ni Tito pero hindi ko alam kung magda-
drive pa ba ako no'n."

Tumango siya at lumapit na rin sa sasakyan niya.

I was silent, too. Pumasok na ako sa sasakyan ko at hinintay siyang gumalaw. His
car beeped and I realized I know what he wants me to do. Pinaandar ko na ang
sasakyan ko at sumunod naman siya.

Why am I so nervous when he's around? Hindi ba na-overcome ko na ang hiya sa ibang
tao? Bakit pagdating sa kanya, I am reduced the Grade seven Yohan? I should try be
more normal when he's around.

Isa pa, it's not like there is something in between us. And even with the boys who
were my exes, I wasn't that nervous to be around them.

Bumosina ulit ang sasakyan na. Sumulyap ako sa rearview mirror at natanto kung
bakit niya ginawa. I slowed down, we're almost in their home.

Hindi nga lang ako nagparking sa mismong tapat ng bahay nila. Umabante pa ako ng
kaunti at medyo nahihiya ako na makita ni Tita Ana.

Nagpark na rin si Alvaro hindi kalayuan sa likod ko. He opened his door and walked
towards their house. Sa malalaking hakbang iyon, halatang nagmamadali.

Hindi rin nagtagal, lumabas siya at may dala nang pusa. My eyes were glued on the
cat he's holding. It really is Kuring, I can't believe it!

May humabol na babae galing sa likod niya. Natanaw ko rin si Tita Ana, nakadaster
at natatawa sa dalawa.

Margaux, a higher batch gave Alvaro the black bag for Kuring. Tinanggap ni Alvaro
iyon at nginitian. Nag-usap pa sila ng ilang saglit bago bumalik si Margaux kay
Tita Ana. And I realized, they are very close.

I hit the clutch and drove away slowly. Nagtagal sa isip ko ang ginagawa ni Margaux
sa mga Santander.

Margaux is a close friend to the Alcazars. Naging ex din yata ni Soren. Isa sila sa
mayayaman dito sa Altagracia at hindi ko na makonekta ang pagiging malapit sa mga
Santander bukod sa malapit siya sa mga Alcazar.

Maybe she's close to Alvaro ever since. He had a lot of girlfriends, anyway. From
other batches. Naalala ko bigla ang pag-angat ni Sancha Alcazar kay Kuring noon.
Alalang alala ko ang naisip ko. Bagay sila. Tama lang ang age gap. Dalaga na si
Sancha noon at si Alvaro naman, binata, at seventeen, I guess.

I sighed. Margaux is Sancha's best friend. Sancha is already with Doctor Alonzo
Salvaterra.

Ngumiti ako nang tinanggap ng isang trabahante namin ang susi ng sasakyan ko.
Hinintay ko naman na makapark si Alvaro sa visitor's parking namin.

Lumabas siya at sinalubong ko na. Hawak niya si Kuring.

Agad kong hinawakan si Kuring. Something about it touched my heart. Inisip ko na


kasi noon na hindi ko na siya makikita. Na baka rin wala na siya pero ang makita
siya at mayakap ngayon, parang ang sakit sakit, kahit masaya naman ako.

I closed my eyes and hugged him tight. I missed him more than I could ever imagine.

"Yohan?" I heard Tita's call.

I wiped away small tears on the side my eyes. I sighed as I watched Kuring's weary
eyes. I smiled.

"Oh, Alvaro! Nakabisita ka?"

"Ah, Ma'am. Magandang hapon po. Pinasyal ko lang po rito iyong pusa namin ni Yohan
dati. Pasensiya na po."

"Ano ka ba, ayos lang. Ang ayaw ko sa pusa ay ina-allergy ako. Kaya pinapakiusapan
ko na si Yohan na habang nandito ako, kahit sa shelter lang muna ang pusa niya.
Sanay kasi siya na kung saan saan lang dito sa bahay iyong pusa niya. Kahit sa
sala. Kaya nagkakalat ang balahibo."

"Ganoon po ba? Dito na lang po kami ni Kuring sa labas."

Tumawa si Tita. "Ayos lang 'yan. Iuuwi mo naman siya, 'di ba? At sige, sa hardin na
lang kayo. Pasensiya na. Yohan?"

I smiled. Naglakad ako palapit sa kanila, nilingon ako ni Alvaro. His eyes weighing
my thoughts.

"Sa labas na lang po kami, Tita. At iuuwi naman ni Alvaro si Kuring sa kanila."

"Hindi ka nagsabi na bibisita siya! Tamang tama pa at may ilang ipapakita ang Tito
mo sa mga nakita sa sasakyan mo." Tumawa si Tita. "Pasensiya na, Alvaro. Nag-aalala
talaga kami sa nangyari kahapon."

"Ako rin naman po," si Alvaro.

"Nakita na ito ng mga pulis at baka nasa opisina n'yo na rin ito pero kayo na lang
mag-usap ni Clavio. Etong si Yohan kasi parang wala lang sa kanya ang nangyari
kahapon."

Nilingon ulit ako ni Alvaro. I was already busy with Kuring when our eyes met.

"Sige po. Kakausapin ko si Sir."

"Yohan, magpapahanda ako ng merienda at dinner. Sa labas na lang dahil may pusa."

"Opo, Tita."
Pumasok na kami sa bahay. Mabilis na naglakad si Tita para tawagin si Tito. Natigil
naman kami sa gitna ng bahay. Yakap ko pa rin si Kuring. Nilingon ako ni Alvaro at
ngumiti siya.

"Sa labas lang kami," sabi ko.

"Susunod din ako."

Nag-usap sila ni Tito. Nilapag ko si Kuring sa kabilang upuan at pinagmasdan ko


siyang naging komportable roon. Hindi na siya tulad noon na aalis agad pagkalapag.
He's now just curled on a chair, trying to sleep.

I rubbed his back as my thoughts went on.

Marami na talagang nagbago. Ilang taon na ang nakalipas. Nothing stays the same,
not even the heart. It changes, no matter how hard you try.

Nawala na sa puso at isipan ko si Alvaro sa nagdaang taon. I have many exes and I
liked them. Alvaro, I was never in his heart. I was too young to even be
considered. I wasn't his type and he had a girlfriend. The hurt lingered in my
heart. I think he really just pitied me.

Ngayon, hindi na siya maaawa dahil ibang tao na ako. Pero baka dahil na naman sa
nangyari kahapon, isipin niyang helpless pa rin ako tulad ng dati.

He probably has a girlfriend now, too. Or maybe a wife or fiancee. Hindi ko na


gaanong sinundan ang mga nangyari sa kanya mula nang umalis siya para pumasok sa
PMA. I never dared to even remember him because I know I can't hold on to something
impossible.

Ngayon na narito ulit siya, ganoon pa rin ang nararamdaman ko. It's still
impossible.

"Ah, dito muna kayo," si Tita na nagmamadaling iginiya si Alvaro sa upuan at lamesa
na nakatunghay sa hardin.

Naupo siya sa upuan kasunod kay Kuring. Pinapagitnaan namin si Kuring ngayon habang
nilalapag ng iilang kasambahay ang mga merienda.

It was awkward. We were both watching Kuring. Madalas din ang angat ng tingin niya
sa akin. Pero pinilit ko ang mga mata ko kay Kuring lang.

"Tingin ko mas mabuting hindi mo na gamitin ang sasakyan mo," aniya.

I nodded. I have made up my mind about him now and I know that this is also just
like before. I was hurt years ago. Sinarili ko ang sakit dahil alam ko namang wala
akong karapatan. Dati ko na ring alam ang lugar ko kaya madali ko siyang
nakalimutan. Right now, I think it's better to stay that way.

"Hindi pa lumalabas ang imbestigasyon pero kung lumabas iyon at mapatunayan na may
kinalaman ang mga rebelde, o kahit na si Soren naman ang pakay nila, mas mabuti pa
ring maging maingat. Anyway, you have other cars."

"Kung... maliit na kriminal lang naman at mahuli rin. Puwede na rin siguro. Malapit
lang naman ang azucarera rito. At... may checkpoint naman."

Kumunot ang noo niya at nagtagal ang tingin sa akin.


"So you're also a daredevil now, huh?"

Nagtaas ako ng kilay. Seryoso naman siya.

"Bakit pa? May ibang sasakyan ka naman, Yohan."

Natahimik ako. His lips stretched on the corners.

"Mas mabuti pa ring maging maingat. Kung iniisip mong sayang iyon, puwede mo namang
ibenta. You can wait for time after the investigation is included and justice is
served, but we can't really be sure about anything now."

I sighed.

"Ang pinakaduda ng mayor ay sa mga Osorio iyon. They have been receiving death
threats because some people don't want Soren to run. Hindi kayo pareho ng sasakyan
ni Soren pero sa dilim at pagmamadali, baka iniisip na siya iyong lalabas sa
azucarera ninyo..."

Naisip ko tuloy si Soren. Hindi ko na siya nakumusta kahapon. Baka abala pa siya
tungkol din dito.

"Gabing gabi na rin kasi... nang bumisita siya sa'yo sa Azucarera."

Nagkatinginan kami ni Alvaro. He sighed.

"Lagi ka bang ginagabi sa Azucarera?"

"Hindi naman. Abala lang ako nitong nakaraan sa kasal ni Aria kaya natambak ang
trabaho ko."

"At... bumisita si Soren sa'yo."

"Uh... well... Yeah."

His lips pursed. Nakatingin siya ngayon kay Kuring.

Pagkatapos ng ilang sandali, naroon na sina Tita at Tito. Sumunod na rin ang mga
pagkain. Sumali rin si Ria sa amin na ipinakilala ko kay Kuring. Alvaro has met Ria
on the wedding day of Aria and Romulo but he only interacted with her now.

"Ikaw ba, Alvaro? May anak na?" si Tito nang nagmano si Ria kay Alvaro.

Muntik ko nang naibuga ang tubig na iniinom ko dahil sa diretsahang tanong.

"Ah, wala pa po." Sabay tawa ni Alvaro.

"Kung sa bagay, a well decorated officer like you shouldn't be in a hurry to be


wed."

"Hindi naman po. Hindi lang nagkaroon ng panahon. Pagkagraduate po kasi, assign
agad at namundok."

"Oh!" manghang mangha si Tito.

"Nasabi nga ni Mayor na paiigtingin daw ang seguridad ng lalawigan dahil ngayong
nalalapit na naman ang eleksiyon, grabe na naman ang mga ilegal na gawain. Hanggang
kailan ka ba rito?" si Tita.
"Baka matagal pa po. Gusto ko nga sanang dito na lang tumira," he laughed.

My eyes widened and started eating my own dinner. Unti-unti na rin naman silang
kumakain pero mas abala sa usapan.

"Naku! Kaya pala nire-renovate ang bahay n'yo?" si Tito.

"Ayaw mo bang magpapromote pa? Hindi ka ba i-aassign sa ibang lugar pa, hijo?"

"May isa naman pong mas malaking kampo sa Tanjay. Depende pa po. Medyo napabilis
nga po ang promotion ko kaya gusto ko munang magpahinga sa ngayon sa mga ganoon. At
kung puwede, dito na ako."

"Hindi ba ang mga kapatid mo..." si Tito na hindi pinagpatuloy.

"Si Ate Gen, nasa Cebu. Si Kuya Gilbert naman, sa Zamboanga."

"Oh..." si Tita.

"Salamat nga po pala sa ginawa ninyo sa lupain ng pamilya ko. Nito ko lang kasi
nalaman ang nangyari," sabay baling ni Alvaro sa akin. "Masyado akong abala para
malaman pa ang mga balita rito."

"Sa totoo lang, Alvaro... si Yohan dapat ang pasalamatan mo. Natagalan nga bago
namin napag desisyonan iyon."

Bumaling si Alvaro sa akin. His brow lifted. I smiled.

"Napaimbestigahan ko naman at nalaman ko na talagang niloko ni Daddy si Tito.


Kaya..."

His eyes never left mine. Kahit pa noong nagtanong na ulit si Tito Clavio.

"Sa inyo raw iyong itinatayong building sa kalye sunod sa grocery, hindi ba?"

Hindi siya agad sumagot dahil nagtagal ang tingin niya sa akin. My heart pounded.
He then tore his eyes off me and looked at Tito Clavio.

"Opo, sir."

"Sa bata mong 'yan at wala pang anak, malaki na siguro ang ipon mo?"

Tumawa si Alvaro. "Hindi naman po. Pero gusto ko kasing dito sa Altagracia i-invest
ang pera ko."

"Naku! Magkakasundo tayo riyan!"

Si Tito at Tita ang kausap ni Alvaro sa buong pagkain namin sa hapag. Minsan ay
lumilingon siya sa akin kapag humahaba ang usapan at tahimik na ako. I even heard
Tita saying her doubts about Romulo but Alvaro told them that he knows him and...
he's a good person.

"Opo. Mabait si Romulo."

Nilingon ako ni Alvaro at nagtagal muli ang tingin sa akin. Hindi ko tuloy
mapigilan ang pagtitig din.

"Oo dahil pareho kayo ng pinsan mo'ng hindi ko maintindihan ang taste! Eh, kung
sana si Noel o kahit iyong si Bobby na lang, at hindi iyang Soren?"
"Tita, magkaibigan lang po kami ni Soren."

"Manliligaw mo, hindi ba? Sus! Sa ospital, alalang alala si Soren at sinabi niya sa
Dad niya na nililigawan ka! Nahiya tuloy ako."

Kinagat ko ang labi ko. My eyes drifted on Alvaro and saw that he's now silent,
looking at his glass of water.

"Huwag na 'yon. Si Bobby na lang! Nakikipagbalikan sa'yo ang tao! Isang taon
mahigit din kayo noon. Nagtagal kayo kumpara sa mga ex mong hindi halos umaabot ng
bagong taon!"

Nag-angat ng tingin si Alvaro kay Tita.

"Tita... Mabait naman po si... uh Soren."

"At si Bobby, hindi?"

Tita sighed.

"Kumbinsido ako na mas magkakaksundo kayo ni Bobby kaysa kay Soren. At kita mo na,
may kakaibang hatid ang pagsama mo kay Soren? Muntik ka nang mapahamak!"

"Si Angelo rin, puwede. Naghiwalay naman kayo noon dahil malayo, hindi ba?
Matatanda na kayo ngayon, hija. Puwede nang pag-usapan ang mga ganoong klaseng
bagay."

Natigil lang sila sa pag-uusap ng ganoon nang may tumawag kay Tito. Si Tita naman,
nagpatuloy sa pagkuwento tungkol kay Aria at Romulo.

Nagtagal pa ang usapan ni Alvaro at Tito. Tahimik na lang ako habang nilalagay si
Kuring sa kandungan ko. Medyo ginabi na siya at nag-inuman din sila ni Tito habang
nagku-kuwentuhan.

Hinintay ko lang ang pagpapaalam. Somehow, I thought we'd be alone by then but Tita
and TIto both joined us outside to send off Alvaro.

I swallowed hard and gave him back Kuring. Tinanggap niya naman iyon. Magsasalita
na sana ako tungkol sa pagkikita ulit namin ni Kuring pero naunahan ako ni Tito.

"Bisita ka ulit kapag may oras ka. Pag-uusapan natin iyong sinabi ko."

"Trabaho ko ba bukas, Alvaro?"

Umatras na lang ako dahil pasalit salit na si Tita at Tito sa pagtatanong.

"Opo."

"Sige, mag-ingat ka."

"Send our regards to your parents."

Hindi na ako nakapagsalita pa. Tahimik ko na lang siyang pinagmamasdan na umikot na


para mapaandar ang sasakyan.

Yumuko ako pagkatapos tinanaw ang pag-alis niya. I realized I was too hopefully
when he asked for my number today. Hindi ko pa naibigay iyon for some reason. At
hindi niya na rin naman hiningi ulit.
I sighed. Bakit ba lumikot ang isipan ko kanina sa shelter?

At kung hihingin niya man ang numero ko, baka para lang sa trabaho. Dahil kung tama
ang hinala ko... baka may kung ano sa kanila ni Margaux. Maybe it's his girlfriend.

Why else would Margaux be with the Santanders.

Hatinggabi na at inaantok na ako pero nagbabasa pa rin ako ng ilang articles.


Ngayon ko lang talaga naisipang mag search sa kanya sa internet. He was out of my
mind for years that I didn't think about doing this.

I was shocked to see that he was a well decorated officer indeed. He had awards and
medals here and there. And based on some articles, he escaped death. Namamangha ako
sa binabasa ko kaya agad na winala ang bagong notification.

Natigilan lang ako nang naisip iyon. I checked and realized... it's him. He found
me on my social media account!

🌺🌺🌺
KABANATA 23
INVESTIGATION

After I accepted him. I put my phone down and tried to sleep.

Ayaw ko nang mag-isip pa ng kung ano ano tungkol sa amin. Iyon ang nagpahamak sa
bata kong puso. He treated me fine but he wasn't romantic or whatever. It was my
daydreams who made me believe. I'm too old for that, I shouldn't daydream anymore.

Doon nga ako sa mansiyon nagtrabaho sa ilang araw sa azucarera. Patuloy pa rin ang
imbestigasyon at medyo nabagot na ako sa kahihintay.

I want to go to my office. Gusto ko na rin pumunta sa shelter. Miss ko na si


Garfield at ang mga rescue cats namin.

Nasa labas talaga ako ng mansiyon nang dumating na si Aria at Romulo. Ganoon ako
kabagot na hinintay ko na talaga sila.

Aria hugged and kissed Ria for long. Nagmano naman si Romulo kay Tita at Tito.

"Baka dito muna kami dahil sa nangyari kay Yohan."

Tumayo agad si Aria. Hinarap ako ni Romulo.

"Kumusta? Pumapasok ka pa ba?"

Sinabihan daw nina Tita at Tito si Aria at Romulo kagabi. Last day na ng trip nila.
Niyakap ako ni Aria. Ngumiti ako.

"Hindi na."

"Hindi na dahil pinagalitan ko!"

Aria sighed and looked at me.

"Kumusta naman ang imbestigasyon?"

"Si Captain Santander daw ang humahawak sa ilang detalye," si Tito. "Miyembro nga
raw ng rebelde ang sakay. Ang naka motor ay nahuli na at sibilyan lang."

Kahapon lang ay iyon na ang progress ng investigation. Medyo nagulat ako sa bilis.
I didn't expect it to be figured out in just a week.

Kaya ko rin iniisip na umalis na sana ngayon. Kahit bumisita na lang muna sa
shelter dahil doon.

"Ah. Si Alvaro..."

Nagtagal ang tingin ni Aria sa akin. Kumunot ang noo ko sa kanya dahil parang may
kakaibang kahulugan ang tingin niya.

Pumasok na kami sa loob. Kahit malaki na, nagpakarga pa rin si Ria kay Romulo. Si
Tita at Tito naman, nagbabalak na pumunta ng Azucarera ngayong nariyan na ang mag-
asawa. Akala ko aakyat si Aria kasama ang mag-ama niya pero nagpaiwan siya sa sala
at hinila pa ang buhok ko.

"Aria!" saway ko.

"Si Captain Santander pala talaga ang humawak sa kaso mo, ah?!" may malisya sa
pagbanggit niya kay Alvaro.

I rolled my eyes. "S'yempre, under AFP iyon... lalo na ngayon kasi may nahuli na
sila at nalaman na miyembro nga ng rebelde ang may gawa."

"Talaga?"

I looked at her. I know she's insinuating something but I know now that she's
wrong.

"Gusto mo pa?"

"Hindi na nga, Aria."

"Eh, buti kasi... matinik pa naman 'yon sa babae."

Hindi ako nagsalita. Abala ako sa pag-aayos ng kape ko. Humilig siya sa lamesa kung
nasaan ang tasa.

"At... may nakita akong post."

Sumimsim ako sa kape ko at agad ipinutol para unahan si Aria.

"Sila ni Margaux. Oo, alam ko."

Umirap siya. "'Tsaka ang dami nang naging babae noon, high school pa lang. College
at ngayong army na siya, tingin mo wala? Kaya ipamigay mo na 'yon kay Margaux."

"Ipamigay? Hindi naman akin 'yon. At isa pa... wala na akong pakialam, Aria."

The day after his friend request, I stalked his profile. Wala namang kaiba roon.
May mga group picture at may kasamang babae pero bukod doon, wala na.

At dahil kuryoso ako sa kay Margaux sa mga Santander, siya ang tiningnan ko. Nakita
ko nga na halos lahat ng post niya ay kasama ang mga Santander. There was a post
with Alvaro and it gained so many comments and likes from her friends.

Hindi ko na kailangan pang tanungin kung may katotohanan ba iyon. Mas madali at mas
safe na paniwalaan ko na lang agad.

Sumimsim ako sa kape ko. Nagtitigan kami ni Aria habang ginagawa ko iyon. Sumilay
ang ngiti sa labi niya.

"Wala ka nang gusto sa kanya, hindi ba?"

"Wala na nga," sagot ko at binaba ang kape.

"I've got an idea."

"Ano?"

"Gantihan mo kaya? Kaya mo na 'yan. Ang dami mo nang karanasan sa mga lalaki!"

Napakurapkurap ako. "Gantihan? Paano ko gagantihan iyon, e, wala naman siyang gusto
sa akin?"

"Wala? E, nanghingi siya ng numero mo kay Romulo, ah!"

"Huh?"

Sa totoo lang, nagulat ako.

"Para lang siguro sa investigation."

"Ang lalaking iyon, sa'yo pa matotorpe? Hindi makahingi sa'yo!"

"Uh... Nanghingi naman siya noong nagkita kami pero nakaligtaan ko. Para lang 'yon
sa investigation."

"Nagkita kayo? Kailan? At nanghingi?!"

"Oo. Sa shelter. Bumisita ako the day after noong nangyari. Hindi pa kasi nag sink
in sa akin ang nangyari. Pumunta siya kasi mag a-adopt siya ng pusa-"

"Oh my God! You really think that that guy likes cats, Yohan?"

"O-Oo. Hindi lang marunong mag-alaga pero... oo naman."

"Ang laking tao no'n at sundalo pa, nasa itsura ba no'n ang mahilig sa kuting?
Ibang pussy siguro, oo!"

Uminit ang pisngi ko sa walang prenong sinabi ni Aria.

"Aria..."

"Let's be real, okay. Duda ko may gusto 'yon sa'yo. Baka magsabayin niya pa kayo ni
Margaux, ah?"

"Hindi naman siguro. At... wala na akong gusto sa kanya."

"Kaya gantihan mo na!" she smirked.

"Ayaw ko sa ganti-ganting 'yan."

"Sus! Kapag po-pormahan ka niyan, baka magkukumahog ka pabalik, ah? Baka pa hayaan
mo siyang mag two time."
"Huh? Hindi ah!" iritado kong sinabi kay Aria.

Inilapit niya ang mukha niya sa akin. Her teeth zoomed in on my eyes. I frowned at
her.

"Talaga?"

"Oo."

"Kapag liligawan ka, babastedin mo?" ang mata niya naman ang nag zoom in sa akin
ngayon, sinamahan pa ng paggalaw ng kilay.

Is that a serious question?

"Hindi ako liligawan no'n-"

"Kapag liligawan ka nga, babastedin mo ba?!" iritado niyang ulit.

"Oo. Ba't ko sasagutin, e hindi ko na naman siya gusto..."

Aria chuckled. "Really.

"Really, Aria."

Umiwas ako sa kanya at humarap sa kabila para tigilan niya na ako pero lumipat siya
sa kabila para maharap naman ako.

"Hindi yata nanliligaw si Alvaro. Alam mo bang siya pa ang nililigawan ng mga
nagiging girlfriend niya noon?"

Nagkibit ako nang balikat kasi wala naman din akong alam sa kanya noon.

"Yes. Iyong hilerang napakagandang mga ex niya? Nagconfess lang sa kanya iyon at g-
in-irlfriend niya. Galing nga, e."

"Hindi ko naman alam 'yan. Tsaka wala na akong pakialam."

"Ako nga noon, 'di ba? Nag confess ako no'n. Ayaw sa akin. Marami na rin siyang mga
natanggihan, magaganda rin. Sina... Ciara..."

Kinagat ko ang labi ko kasi naaalala ko ang tsismis nga na mga ganyan noon. Pati
ang mga mayayaman sa Altagracia, madaling natatanggihan ni Alvaro.

"Hindi pa 'yan nakalasap ng pagkabasted."

"Hindi naman kasi pala siya nanliligaw... sabi mo."

"Tapos ikaw, noon? Sangkatauhan ang nakarinig sa pambabasted niya sa'yo, 'di ba?"

Hindi na ako nagsalita dahil naaalala ko na naman. I'm not his type. I was ugly. He
only pitied me because I was bullied.

"If you will say yes to him, you will be just another of his collection, Yohan."

Medyo pumangit ang naramdaman ko sa sinabi ni Aria. Hindi na ako nagsalita.

"Lalo na dahil alam ng lahat na mahal mo siya. Soren even called me yesterday and
ask about you. Or do you still love Alvaro. Ganoon din si Juan, kaibigan na nga
iyon ni Alvaro, ah."
Ngumuso ako at iniwas ang tingin kay Aria.

"Everyone here knows you're madly in love with him. At ang akala mo siguro tahimik
ang pagkakabangga mo sa checkpoint? May ilang nakakita, Yohan. Si Soren din kaya
nagtanong dahil sa nangyari sa checkpoint."

Humalukipkip siya.

"I wonder if you still look like a kitten everytime you see Alvaro. You're very
obvious to everyone. Kaya nga irita ako sa'yo noon, e. Halatang halata ka lagi!
Nakakairita!"

"Aria... dati 'yon."

"O 'yon nga. Sana."

Kinabahan ako bigla at inalala ang mga huling pagkikita namin ni Alvaro.

"Kasi ang dali mong mabasa, kaya madali kang ligawan. At isa pa... kung kunwari
magbreak na sila ni Margaux at ikaw ipalit niya..."

"Hindi mangyayari 'yan. Ayaw ko nga sa kanya."

"E 'di ano? Pinagdadamot mo sa mga ex mo 'yong sarili mo tapos sa kanya, ano?" she
insinuated something nasty.

"Aria naman..."

"Hindi, let's be real! Patay na patay ka sa kanya."

"Hindi nga!"

"Kapag naging kayo, tingin mo ba talaga maghihintay 'yon ng isang linggo para
makuha ka?"

Pumikit ako ng mariin, nasisira ang ano mang nasa utak ko na tira-tirang daydream
kay Alvaro.

"Babaero siya! Sa oras na sagutin mo 'yon, ikakama ka no'n. Baka nga hindi na
kailangang gawing girlfriend ang ibang babae no'n, e. Bibigay agad sa kanya."

I groaned.

"Iningatan mo sa iba, tapos ibabalandra mo kay Alvaro?"

"Hindi nga sabi mangyayari 'yan!"

"Sus! Alam ko pa naman ang track record no'n. Magaling 'yon, usap usapan ng mga
naging ex. Kaya hindi maka move on ang mga naging ex no'n sa bayan. Umalis na nga
si Therese, 'di ba? Iyong ex niya noon nasa States na dahil hindi maka move on sa
kanya."

I sighed. I know what to do. No need to let me recall things.

"I know, Aria. Don't worry about me."

"Don't worry about you ka diyan, e, sa lahat ako ang nakakakilala sa'yo!"
Nagkatinginan kami.

"Guwapo si Alvaro, oo. Achiever at sundalo. Ikaw naman, panget ka noon pa. Gumanda
lang ng kaunti dahil marunong ng mag-ayos at hindi na naka zoom in ng mata. Kahit
ganyan ka, ayaw ko naman na maloko ka! Baka sisihin ko pa ang sarili ko sa huli."

That was a heavy pep talk from her. Buti na lang at tinantanan niya na ako.
Tinanong niya na ako tungkol sa susuotin ko bukas sa kasal ni Chayo at Leandro.

Aria's wedding was very light and fine. Tomorrow's wedding will be very tensed
knowing that Tito Luis del Real hates the Castaniers. Iyon ang pinag-uusapan ni
Romulo at Aria habang tinitingnan ko ang pagsusukat ni Aria sa damit.

Inayos niya rin si Ria. Nakaupo lang ako at iniisip ang tungkol sa anak ni Chantal.
Sigurado akong dala niya iyon bukas. Kasal na ni Leandro iyon. Hindi niya kasi
dinala ang anak sa kasal ni Aria at Romulo.

I wonder if I should be tensed about that, too? She will be the maid of honor, and
Levi, the Best man.

I looked forward to that tomorrow. Kaya lang, unang bumungad sa akin nang dumating
kami sa simbahan ay si Margaux na kasama ang mga magulang ni Alvaro.

Nilingon agad ako ni Aria. Nagkibit ako nang balikat. Nakisakay lang ako sa kanila
dahil tinatamad ako na magdrive sa Mazda. At pinipilit in ako ni Margaux dahil ayaw
niyang nagsasasakyan ako.

"Sabi na, e..." si Aria nang nakita na tumingin ako sa mga Santander.

Wala naman si Alvaro roon pero bakit nga ba sasam si Margaux sa mag-asawang
Santander kung hindi nito boyfriend si Alvaro? Baka nga ikakasal na sila, malay ko.

Wala si Alvaro sa simbahan. O baka nahuli lang at hindi ko na nakita.

Chantal's son was the center of it all. Siya ang ring bearer.

I glanced at the Altar to watch Leandro and Levi. Tinatanaw nila ngayon ang palapit
na ring bearer. Kitang-kita ko ang pamumula ng mga mata ni Levi habang tinatanaw
ang paglalakad ng bata papuntang altar.

There was a commotion after the mass outside. Kaya mas lalong naging tensiyonado.
Hindi ko alam kung ano iyon pero iyon ang usap-usapan.

"Baka nagwala si Tito Luis," si Aria nang nasa sasakyan na kami para lumipat naman
sa reception sa mg del Real.

Mas naging weird sa reception. Tahimik at nagbubulungan ang mga tao. Kung wala lang
loud and jolly music, akala mo anong nangyayari. Hindi ko nahanap si Chantal at
Levi. Pero naroon na si Tito Luis na panay ang bati sa mga bisita, parang walang
nangyaring komosyon kanina. Unless it wasn't him who caused it.

Nakabawi rin naman ang ere. Naroon na sina Margaux at ang mga Santander sa lamesang
nasa malayo. Wala pa si Alvaro. Soren went to our table. Angelo was already on the
table of some of our classmates. Inimbitahan nila ako roon pero dahil lumapit si
Soren sa akin, hindi pa ako makakaalis.

"How are you?"

"I'm fine, Soren. Thank you."


Pumasok ang grupo nina Juan at Daniel. Kasunod nila si Alonzo Salvaterra at Sancha
Alcazar. Alvaro was behind them and more of their friends. Sa malapit na lamesa
sila pumunta, isang bagay na hindi ko inasahan.

I thought Alvaro would sit with his parents. Or that Sancha will be with Margaux.

Pero siguro dahil kailangan nila ng malaking lamesa dahil sa dami nila kaya mas
pinili nilang bumukod. Alvaro's eyes were on me, then. Kahit na nagkakatuwaan ang
mga kaibigan niya.

"Pasensiya ka na. Nadamay ka talaga. Para sa akin talaga dapat iyon. Ayos na ba ang
sugat  mo?"

I am wearing an off shoulder dress to hide the wound. Maayos na naman pero may
kaunting bakas pa rin.

"Oo. Ayos na. Daplis lang naman iyon."

"Buti na lang talaga. Tinutugis na ngayon ang mismong namaril. Rebelde nga raw ang
maygawa dahil sa pagtakbo ko. They know that I hate my father's illegal works so
they are trying to sabotage me."

Tumango ako dahil iyon nga ang nasa report na hindi naman nilabas sa publiko.

"Kahapon, nagpaalam na ako na hindi tatakbo. Wala naman talaga iyon sa isip ko.
Pinipilit lang ako ni Lolo. So I guess it will be safe from then on."

"Oh! Well, that's sad. Pero ikaw ang bahala. Ayos lang ba sa'yo?"

"Of course. It's also too early to announce things like that. Sa susunod na taon pa
naman ang eleksiyon."

"If that's what you want, Soren."

He smirked. "Puwede na ba tayong magpatuloy sa pagdate?"

Natawa ako ng kaunti.

Nahagip ng mga mata ko ang banda ni Alvaro. Nakikitawa siya sa mga kaibigan niya
pero panay ang balik ng mga mata niya sa akin. At tuwing nagkakatinginan kami,
napapawi ang ngiti niya. He would just grin a bit and look at me.

"Uhm... Oo ba?"

"I'll drive a new car and pick you up in your house. What do you think?"

"Sige... Ikaw ang bahala."

Napunta ulit ang mga mata ko sa banda nina Alvaro at nakitang nilapitan na siya ni
Margaux. Tumango siya at tumayo. Sumama siya rito at lumapit na sa mga magulang.

"Oo ba," sagot ko kay Soren.

He celebrated a bit. Pagkatapos ay nagpaalam na para pumunta sa mga kaibigan. Ako


naman, nagpaalam na rin para lumapit kina Angelo.

Mabilis na nagkatuwaan pagkalapit sa kanila. Pero kinumusta nila ako tungkol sa


pagkakabaril. I assure them that I was fine. Angelo was cold to me but I remember
him asking if I was with Soren. Siguro dahil nakita niyang magkausap kami ni Soren
ay nairita na sa akin ngayon.

"Uy, Angelo. Ang tahimik mo?"

Napatingin ang iilang kaibigan sa akin. I cleared my throat. Wanting to escape the
awkward subject, I decided to just go to the snack bar.

Mukhang wala pa ang bagong kasal. Siguro ay gaya noon kay Aria, maghihintay pa kami
ng kaunti bago sila dumating dahil sa photoshoot at sa retouch. Gumala nga lang ang
isipan ko sa kumosyon kanina at inisip na sana hindi naman dahil doon.

I put on some finger food on my plate. Nagulat ako nang sa tapat ko, may kumuha rin
noon. Nag-angat ako ng tingin. Alvaro was standing in front of me, in his white
button down long sleeve, and gray pants. He looked breathtaking in uniform, and
gorgeous in formal.

I reminded myself that the Grade seven Yohan is peeking again, wanting to dominate.
Nagpatuloy ako sa pagpulot ng makakain kahit na napadami na dahil ayaw kong
mahalatang nagpapanic ng kaunti.

"Kumusta? Naayos na ba ang sugat mo?"

"Ah, oo," sabi ko halos hindi siya tiningnan.

"Hmm. Tinutukan ko nga pala iyong kaso nitong nakaraan." He chuckled.

I lifted my eyes on him. He looked a bit awkward now as he laugh about it.

"'Tsaka... nalimutan ko 'yong number mo... Masyado akong nalibang sa pakikipag usap
sa Tita at Tito mo. At sa panonood din sa'yo kasama kay Kuring."

Tumango ako at naisip ang numero ko. I shouldn't think too much.

"Para sa imbestigasyon ba? Kaya mo kukunin ang numero ko? Kasi kung... mag a-adopt
ka lang ng pusa, puwede na ang business number ng shelter, Alvaro."

He looked at me intensely. A ghost of a smile touched his lips but it was


shortlived. I tore my eyes off him. Kaunti na lang at bibigay na ako at kung
tititig pa, hindi ko na alam kung magtatagal pa nga ako.

"For... the investigation, then," he answered.

Tumango ako at kinuha ang cellphone.

Napatingin ako kay Aria na kanina pa pala nakatanaw. Kumunot ang noo niya nang
nakitang naglalahad ako kay Alvaro ng cellphone. Alam ko ang iniisip niya.

🌺🌺🌺
KABANATA 24
DRUNK

"You gave him your number?" Aria hissed when I went back to our table.

Doon dapat ako babalik kina Angelo pero dahil sinipat ako ni Aria at iminuwestra na
lumapit sa kanya, iyon ang ginawa ko.

"For the investigation-"


"For the investigation? Totoo ba 'yan?"

"Don't worry, okay? Trust me," I assured her.

Ngumisi siya habang pinagmamasdan akong kumakain. Umirap na lang ako dahil alam ko
na ang iniisip niya. At alam ko na rin kung ano ang gusto kong mangyari.

Nagsimula rin naman ang programme. Masaya naman si Chayo at Leandro kaya
nakalimutan din kaagad ang nangyaring kumosyon. Wala nga lang doon si Levi at si
Chantal, hindi na nakabalik.

The wedding was fun. Their single games was unique. Ang kaibigan ni Chayo na si Nan
ang nakakuha ng bouquet at isa naman sa mga kaibigan ni Levi ang nakakuha ng
garter.

Gumabi na at nagsasayawan na ang mga tao dahil tapos na ang programme. Nagkatuwaan
naman si Aria at Romulo habang ako ang nagbabantay kay Ria sa lamesa. Some of my
classmates asked me to dance but I refused because of Ria.

Sa banda nina Alvaro, magsisimula na naman yata ang inuman. Nakisali si Leandro sa
grupo nila at naroon na rin ang ibang lalaki sa Altagracia.

The music, though, was ended very soon. Hindi na ako nagtaka dahil iniisip ko naman
si Tito Luis. Nagsiuwian na rin kasi ang matatanda at ang mga kaibigan na lang nina
Chayo at Leandro ang natitira.

Nagulat ako dahil akala ko magpapaiwan si Margaux. She went to Alvaro's table.
Nakausap din niya ang kapatid na si Angelo. Nakisalamuha sa iilang kakilala. Tumayo
si Alvaro at sinalubong ang parents niya sa likod. Sumulyap siya sa banda ko pero
ibinaling ko na lang ang mga mata kay Ria na abala sa coloring book na price kanina
sa mga larong pambata.

"Dito pa," sabi ko sa kanya at itinuro ang hindi nakulayang mukha ng pagong.

Nakisali sina Aria sa grupo. Si Romulo lang naman talaga ang nandoon kanina at
kinausap pa ni Aria ang ilang kaibigan kaso tinawag si Aria saglit. Ngayon pabalik
na sila sa lamesa ko.

"Uuwi ka na, Alvaro?" I heard Daniel.

Tumawa si Alvaro. "Ah, hindi pa. Mauuna na sila."

"Ah! Akala namin..."

Napasulyap ako sa banda nila at nakita kong inakay ni Margaux ang Tita Ana at
mukhang ang tatlo ang mauunang umuwi, samantalang mananatili si Alvaro.

I saw that Soren went out of the del Real's mansion. Nagkasalubong sila ni Margaux.
Madilim ang tingin niya rito samantalang si Margaux ay yumuko. Soren ignored her
and continued walking towards our table.

Tinawag nga lang siya sa lamesa nina Alvaro kung saan pinansin niya naman.

"Inom, Soren!" anyaya na tinanggap niya naman agad.

"Mamaya ka na umalis, Alvaro," patuloy ng ilang kaibigan ni Alvaro.

"Ah. Hindi ako magtatagal ngayon kasi may papakainin pa akong pusa sa bahay," he
chuckled.

My eyes darted at them. I saw Alvaro's gaze at me. Natabunan nga lang nang imahe ng
palapit na si Soren sa amin.

"Dito lang kayo, Aria? Sali tayo roon!" si Soren sa amin.

"Ah. Kagagaling lang namin doon, Soren," si Aria habang hinahaplos ang buhok ng
anak. "Inaantok na si Ria. Baka mauna na kami."

Napakurapkurap ako. Well, I have no problem going home early. Wala akong dalang
sasakyan kaya wala rin akong choice kundi sumama na nga kina Aria at Romulo.

"Ikaw, Yohan?"

"Ah... sasama na ako sa kanila. Wala kasi akong sasakyan, e. Hindi ako nagdala."

Namilog ang mga mata ni Soren sa gulat. "Ano? Ang KJ naman. Ihahatid kita! Halika
na!"

"Soren, delikado. Katatapos lang noong insidente ah."

"Bago ang sasakyan ko Aria. At isa pa, nasa kanto lang ang inyo. Malapit lang at
may checkpoint pa. Ayos lang naman siguro."

"Naku! Hindi na!" giit ni Aria.

Kinagat ko ang labi ko.

"Aria, magpadala na lang tayo ng driver para kay Yohan," si Romulo. "Para naman
makipagkatuwaan pa siya rito."

Nilingon ako ni Aria at sinimangutan.

"Ayos lang din naman sa aking magpaiwan muna. Hindi pa ako inaantok."

"Pero hindi ka magpapahatid dito kay Soren?"

"Aria naman. Nahuli na naman 'yon! At malapit lang ang inyo, oh. May check point
pa. At maraming tao rito sa mga del Real kaya hindi 'yan..."

Hindi ako nagsalita. Nagkatinginan kami ni Aria.

"Magpapadala ako ng susundo sa'yo," aniya bago ako b-in-eso.

"Tara! Sumali tayo sa kanila?" si Soren na itinuro ang kabilang lamesa.

Tumango ako dahil naroon nga naman ang iilan naming kaibigan. Sabay-sabay na kaming
tumayo.

Kinuhanan ako ng upuan ni Soren. May upuan sa tabi ni Juan at agad na hnilahad ng
grupo sa akin. Naroon na rin ang ibang babaeng kakilala nakikipagkatuwaan kaya
tahimik lang ako.

"Oh, aalis na kayo?" si Aria na tinawag ni Daniel.

Naupo si Soren sa tabi ko, sa harap namin si Alvaro na katabi si Leandro at dating
babaeng lower batch nila.
"Oo. Diyan na muna 'yang pinsan ko. Wala 'yang sasakyan, padalhan ko na lang."

Tumawa si Leandro. "Ipapahatid na lang namin, Aria."

"We have drivers. Malapit lang ang inyo," si Chayo nang narinig iyon kahit nasa
kabilang lamesa siya.

"Ako na ang maghahatid," si Soren naman.

"Nag-aalala ako kasi katatapos lang noong insidente."

"Ako na ang bahala," si Soren ulit.

Magsasalita pa sana si Aria pero may ibang kumausap na sa kanya. And then the group
recalled what happened to me a week ago.

Kinuwento ni Soren iyon. Nabigyan din kami ng inumin. Tahimik na lang akong uminom
habang tinatanaw si Aria na paalis na sa mga del Real.

"We just had dinner sa office niya nang lumabas kami..." patuloy ni Soren.

Alvaro looked at him with his brow furrowed. Then his eyes drifted on me. Inabala
ko na lang ang sarili sa pag-iinom ng inumin.

"Nahuli n'yo na pala ang gumawa noon, Alvaro?" pagkatapos ng kuwento ni Soren ay
siya naman ang tinanong.

"Oo. Nahuli na. Iyong namaril na lang ang tinutugis."

"So that bullet was actually for you, Soren?" tanong ni Chayo.

"Oo. Hiyang-hiya nga ako kay Yohan. Nadamay pa siya."

"Titigil na siguro 'yan dahil nagdeklara ka nang hindi ka tatakbo," si Daniel.

"Kaya dapat hindi ikaw ang naghahatid kay Yohan, Soren," si Juan.

Everytime I catch Alvaro looking at me, napapainom ako ng shot. Si Soren naman,
pulang-pula na sa tuloy-tuloy na pag-iinom at pakikipagkatuwaan.

"Hindi na, salamat. Uuwi na ako ngayon..." si Alvaro nang tanggihan ang para sa
kanya.

Naka tatlong tanggi na siya na ganoon ang sinasabi. Kanina pa siya nagsasabing uuwi
na siya pero hindi pa niya ginagawa. Iba-iba na ang topic at hindi na ako makasunod
sa lahat pero napapalingon ako sa usapan sa harap.

"Kanina pa 'yan, ah. Ano bang minamadali mo sa pag-uwi. Pusa mo?"

"Si Margaux ba, hindi makakapagpakain sa pusang alaga mo?"

Ngumuso ako at nanatili ang mga mata sa shot na nasa harap ko. Mukhang naparami na
ako. Wala na rin naman ako gaanong nakakausap, mas mabuti na sigurong umuwi na ako.
Maaga pa naman pero dahil sa nainom, baka makatulog na ako sa bahay.

Sana pala sumabay na lang ako kina Aria. Hindi pa nag-iisang oras mula nang umuwi
sila, e.

"Ah, hindi naman," si Alvaro.


I felt his eyes were on me but I didn't look at him.

"Bumibisita lang minsan dahil tinuturuan si Mama sa pag-aayos sa pagtatanim ng


tubo."

"Oh?" Hindi ba kayo?"

Tumawa si Alvaro. "Hindi kami. Nagpapatulong lang si Mama."

"Magfa-farm na rin kayo?"

"Akala ko ba bahay 'yong pinapatayo n'yo?"

"Nagpapatayo rin pero gusto ni Mama at Papa mag... tubuhan ulit."

May ilang sumulyap sa akin, siguro naaalala na noon ay amin ang lupaing iyon.
Before if was returned, I already cleared it up. I stopped using it in our
operations in preparation for it. Kaya walang tanim ng tubo roon nang ibinalik ko.

"Marunong si Chayo paano, Alvaro," si Leandro.

Tumawa si Alvaro. "Hindi naman ako ang naghahanap niyan, Leandro. Pero sasabihin ko
kay Mama."

"Si Yohan din, marunong?" si George.

Nginitian ko na lang siya at tumango ng kaunti.

"Hindi naman si Alvaro ang nagpapatanim. Si Tita Ana naman kaya..." his wife said.

"Gusto ko nga sanang magpatulong pero abala pa nitong nakaraan sa trabaho," si


Alvaro.

Hindi ko tuloy mapigilang mag-angat ng tingin. Natahimik ang mga kausap namin,
medyo kuryoso na nakatingin pa sa amin.

"Uh... May libro ako. Ipapadala ko na lang sa inyo."

Tumango si Alvaro. "Ako na ang kukuha. Ayos lang naman."

Annoyed now that he is giving our friends something to think about, I threw in my
idea.

"Pero marunong na rin niyan si Margaux. Walang alam ko na hindi niya alam, for
sure," sabi ko.

"Kung sa bagay, marunong na nga 'yon, Alvaro," si Leandro.

Nagbago na ang usapan nila. Tahimik ako at ganoon din si Alvaro. Hindi ko na kaya
iyon. It felt awkward and I'm annoyed with him for creating a stir on our friends
minds with his subtle words.

"Soren, tatawag lang ako kay Aria. Uuwi na ako."

"Huh? Hindi na, ihatid na kita."

Wanting so bad to be removed from the group now, tumayo na ako at walang pag-
aalinlangang na sumama kay Soren.
Maingay na si Soren. Medyo lasing na nang nagpaalam siya sa grupo. I politely said
good bye too.

Everyone looked at Alvaro who stood. Pero nauna na kaming umalis kaya hindi ko na
alam kung ano ang sunod na gagawin niya.

"Ang aga pa, ah? Bakit gusto mo nang umuwi?" si Soren nang nakapasok na sa sasakyan
niya.

"Ah. Medyo tipsy na ako, Soren."

"Oh? Eh, hindi pa naman yata marami ang nainom mo."

"Medyo marami na."

Pinaandar niya na ang sasakyan at lumabas na kami sa mga del Real.

"Ang saya-saya pa sana oh. Ang dami pa nila roon," si Soren.

Medyo nairita, nagbuntunghininga ako. "Puwede ka naman bumalik kung gusto mo. Or...
pakuha na lang ako kina Aria."

"Papunta na naman tayo sa inyo, Yohan."

Hindi na ako nagsalita. He laughed drunkenly a bit and pulled over. Nilingon ko
siya. Malapit na kami sa amin at tanaw ang checkpoint kaya safe naman kahit paano.

"Dito muna tayo mag chill," si Soren.

Dinaan ko sa tawa ang pagkakalito. "Soren, uwi na lang ako. Balik ka na lang doon
kung gusto mo talaga."

I closed my eyes. I was really sleepy. At parang ngayon lang din nag kick in sa
akin ang alcohol kaya nararamdaman ko na ang pag-alon ng tingin. Bumabaliktad din
ang sikmura ko kaunti.

"You still love him, don't you?"

Diniinan ko pa lang ang pagpikit ng mga mata.

"Huh?"

"Si Alvaro, gusto mo pa?"

"Hindi nga, Soren."

"Oh?"

He leaned on my side a bit. Dumilat ako at nagulat nang nakitang sobrang lapit na
ng mukha niya sa akin.

"Soren!" sabay tulak ko ng kaunti.

"Sabihin mo nga ulit, hindi mo na siya mahal."

"Hindi ko nga mahal si Alvaro. Dati lang 'yon!"

He smirked. He really is drunk. Medyo namumungay ang mga mata at pulang pula na.
Inilapit niya pa ang mukha niya sa amin.

Nahihiya ako dahil natatanaw ang checkpoint at hindi naman tinted ang sasakyan ni
Soren kaya kitang-kita kami.

"So sasagutin mo na ako niyan?"

"Huh? Hindi..."

"Anong hindi? Sabi mo hindi mo siya mahal ah?"

Magsasalita pa sana ako pero hinalikan na ako ni Soren. I pushed him but he was a
bit forcefull with the kiss.

Sabay nga lang kaming napatalon nang malakas na bosina ng SUV ang narinig naming
dalawa.

I saw the black Ford, with the window's open, and Alvaro watching us with his dark
expression.

Nakapag u-turn na ito at idinikit niya ang sasakyan niya sa tabi ni Soren. Ang
bintana niya, tapat na tapat sa bintana ni Soren.

Natawa si Soren at halatang nairita. Sinulyapan niya ako.

"Problema nitong gagong 'to?"

Kinabahan ako bigla.

"Soren, nasa checkpoint tayo! Natural na i-check tayo at pareho pa tayong may
shooting incident! Don't be rude!" parang nahimasmasan ako roon.

Lalo na nang nakita ko ang iritasyon sa mukha ni Alvaro nang kumatok siya at hindi
pa pinagbuksan. He looked at the road ahead of him with extreme annoyance that made
me shiver a bit.

Nang bumaba ng kaunti ang bintana ay 'tsaka binalik ni Alvaro ang tingin sa amin. I
leaned back a bit, scared. Kinabahan ako lalo nang naisip ang halik ni Soren. Hindi
tinted ang sasakyan kaya sigurado akong nakita ni Alvaro iyon.

"Oh, Alvaro?" si Soren.

"I'll escort your car to their mansion, Soren. Mas magandang iuwi na si Yohan agad
dahil sa nangyari noong nakaraang linggo."

Natawa si Soren at tiningnan muna ako. I gritted my teeth and I realized he really
is drunk.

"Kaya ko na 'to, Alvaro. Hindi na kailangan ng escort. May mga bodyguard na naman
din ako."

"Mas mabuti pa rin na nakakasiguro."

He laughed again and slowly nodded.

I gritted my teeth. Inayos ko ang sarili ko. Pinaandar na ni Soren ang sasakyan.
Pinaikot muli ni Alvaro ang SUV niya. Naabutan niya kami sa checkpoint.

Kalaunan, nakauwi na. Alvaro parked his car near our gate. Hindi na siya pumasok
gaya ni Soren. Tinanong pa ako ng security namin kung kasama ba.

"Si Alvaro po, hinahatid lang kami," sabi ko.

Nang nasa rotunda na, lumabas agad ako ng sasakyan. Lumabas din si Soren at agad
humingi ng tawad.

"I'm sorry."

"Umuwi ka na lang muna at magpahinga. Lasing ka na, Soren."

He sighed and then nodded.

Pumasok siya sa sasakyan niya. Hindi ko na hinintay ang pag-alis niya. Agad na lang
akong pumasok sa mansiyon.

Padarag kong nilapag ang clutch sa lamesa sa kitchen at naupo na sa high chair.
Sinapo ko ang noo ko habang iniisip ang nangyari. Nakakahiya.

I should make it clear to Soren that I don't want us that way. Pagbibigyan ko naman
siya sa panliligaw but this incident turned me off. I know he's just drunk or that
maybe I have my own mistakes... but even so!

"Oh? Maaga? Nagpapunta ako ng driver, ah. Hinatid ka ni Alvaro?" si Aria na


nakapantulog nang dumaan sa likod ko at dumiretso sa ref.

"Hindi. Si Soren ang naghatid."

"Bakit sabi ni Manong sasakyan ni Alvaro ang nasa labas ng gate?"

I took my phone out and I realized that Alvaro texted me!

Unknown number:

Are you home?

Unknown number:

This is Alvaro by the way.

Unknown number:

Can I call?

Hindi ko pa halos nabasa lahat nang pinulot ni Aria ang cellphone na tinitingnan
ko.

"Aria!"

"Anong nangyari?"

"Hinatid ako ni Soren. Uh... naka convoy si Alvaro."

"Wala naman daw ibang sasakyan na sa labas. Si Alvaro na lang."

My phone rang for a call. Aria immediately cancelled it.

"Aria..."
"Si Alvaro 'yon, for sure. Hmm..." she smirked.

I checked my phone. I was about to type my reply when it's her phone that rang this
time. Agad niyang sinagot.

"Alvaro."

Nagkatinginan kami ni Aria.

"Oo nakauwi na siya. Salamat sa pagconvoy sa kanya," she paused, as if he was


speaking. "Oo, medyo lasing na kaya ganoon. Thank you."

After a while, she dropped the call. Parang nawala ang pagkakalasing ko dahil doon,
ah.

"Hindi yata uuwi nang 'di nasisiguro na nakauwi ka. Huwag mo nang reply-an."

"H-Hindi naman daw niya girlfriend si Margaux."

"Oh? E 'di tatanggapin mo na agad?"

"Hindi naman. Nagsabi lang ako..."

"Huwag kang papaloko diyan. Bastedin mo. Tingnan mo muna gaano ba ka tibay 'yan."

🌺🌺🌺
KABANATA 25
COMMAND

Lumipas na ang weekend. Alvaro didn't text me anymore. It's not like I was
expecting him to, though. Hindi rin naman ako nag-reply.

Soren texted me to apologize, though. He was drunk and he barely remembered what
happened. He wanted to see me to apologize in person pero tinanggihan ko na. I told
him I have a lot of things to do pero ang totoo, medyo hindi pa maganda ang
pakiramdam ko sa huling nangyari.

Pumasok na ako sa opisina ng naglunes. Hindi na naman tambak ang trabaho pero may
mga kailangan lang akong pangunahan lalo na doon sa mga harvest.

Papasok sana ako sa shelter sa araw na iyon dahil unang araw nhi Chantal bilang
vet. Kaya lang, kagabi'y humingi siya ng tawad na hindi siya makakapasok. Na sa
Tuesday na. Kaya naman nagpasya na ako na sa azucarera na buong araw.

Laking gulat ko nang tumawag ulit siya umaga sa araw na iyon, abala na ako sa
azucarera. Na papasok na siya. I apologized to her because I can't be with her on
her first day but she said it's okay.

Babawi na lang ako bukas kaya tatapusin ko lahat ng mga kailangan ngayon.

Ako:

Doc, kung may time ka after duty. Puwede ba tayong mag dinner sa cafe?

It's for Chantal. I'm not sure if it's too much to ask but I really want to thank
her. Isasama ko na rin ang trainees, of course.

Chantal:
Sure!

I sighed. Buti naman!

Ako:

Thank you! Sagot ko na, ah. I'll send memo to the staff. Puwede kang magsama...

I didn't specify anyone. Baka naman kasi... hindi lang iyong anak niya ang isasama,
hindi ba?

Chantal:

Thank you.

Mas determinado akong tapusin ang trabaho dahil kailangan maaga ako sa cafe. At
kapag may hindi ako natapos, balik na lang ako dito bukas bago ako pupunta ng
shelter.

I was busy inputting the successful harvest in my computer when someone knocked.

"Pasok," I said and the door opened.

Ang sekretarya iyon pero bago pa siya nakapagsalita, nakita ko na si Alvaro.


Wearing his BDA, he always looked breathtking. Muntik ko nang sampalin ang sarili
ko magising lang sa katotohanan. Mabuti na lang at traumatic ang boses ni Aria sa
utak ko.

"Si Captain Santander daw, Miss, tungkol sa report sa shooting."

"Thanks," sabi ko at kunwari nagpatuloy sa pag-iinput kahit na mali naman iyon.

Ginalaw ko ang mouse para i-erase ang maling input habang lumalapit si Alvaro sa
lamesa ko at sinarado ng sekretarya ang pintuan.

Nilapag niya ang isang folder sa harapan ko. May upuan sa harap at may sofa rin
pero mas pinili ko ang sofa para sa kanya. I don't like it much when he's near.

"May sofa," sabi ko.

Tumango siya at umatras ng kaunti. Naglakad siya papunta roon pero natigilan din sa
kalagitnaan. Kinuha ko ang folder. Hindi ko siya inaasahan ngayon pero ayaw ko
namang magmukhang gulantang na nandito siya.

"Uh, ako na ang naghatid ng report dito. Itinawag naman 'yan kaninang umaga kaso
mas gusto kong may ibigay na hardcopy."

Hindi ko naman din alam kung ano nga ba ang proseso sa ganito. Itinawag nga ni Tita
kanina ang tungkol dito.

Binuksan ko iyon at nakita na mas detalyado iyon. Kailangan bukod sa napunang iyon,
wala nang pumapasok sa utak ko kahit paulit-ulit kong basahin.

Alvaro didn't sit on the sofa. Nanatili siyang nakatayo at nakatingin sa pagbabasa
ko.

"Napaamin na naman namin noong nakaraan na si Soren nga ang pakay nila. Pero
ngayon, nakumpirma na namin. Nahuli na kanina ang isa."
My eyes darted at him because I was surprised at that information.

"Rebelde nga?" I asked.

"Yes. It's part of the then governor's men. To spread terror against the Osorios."

Tumango ako at binasa muli ang iilang parte sa report.

"Tinutugis ang mga kasamahan nito pero huling nakita ay paalis na ng Canlaon."

I sighed.

"There's nothing to worry about anymore."

Alam kong nangako ako kay Aria... at sa sarili ko na hindi na iisipin pa o


papatulan si Alvaro pero hindi ko naman maipagkakaila ang tulong niya ngayon.

"Thank you. That was fast."

"Aasikasuhin ko ang transfer ng mga iyon sa susunod na linggo."

"Thank you so much," I said wholeheartedly.

"Hindi na kailangan. That's my job, Yohan."

Pinagdikit ko ang labi ko at pinigilan ang sariling magpasalamat pa.

"Kung may... uh... ibang balita ka pa, itawag mo na lang sa akin. O kung may
kailangan kayo."

"Okay."

Inilahad ko pabalik ang folder. Umiling siya.

"Hindi, sa'yong copy na 'yan. Uh... tapos ka na ba sa trabaho?"

Shit. Nawala na ang kaba ko kanina nang normal naming pinag-usapan ang nangyari,
tapos ngayon... ganito?

"Patapos pa lang."

I looked at him, urging him to say whatever is on his mind. Bakit niya itatanong
ang ganoong bagay?

"Meeting up with Soren after this?" he smiled.

I shook my head.

He nodded. "Wala na naman ang gumawa noon sa'yo pero mas mabuti pa ring maging
maingat. I suggest you stop seeing him a bit... at least let the incident cool
down."

I don't intend to see Soren anymore after what happened last Saturday pero ayaw ko
namang sabihin iyon kay Alvaro.

"I'll see."

Tiningnan niya ang desk ko. There's that dead and awkward air again I always dread.
"Hihintayin na lang kitang matapos para mahatid kita sa inyo."

"Ah, hindi na. Malapit lang naman ang amin at... may lakad pa ako."

He shifted his weight, his BDA hugging him tightly.

"Where are you going?"

"Manti-treat lang sa staff ko sa shelter. First day ni Chantal ngayon kaya lalabas
lang kami."

"So... gagabihin kayo..." he trailed off his mind elsewhere.

Hindi ko na sinagot kasi hindi naman iyon tanong.

"I'll... convoy you then. Is it okay?"

"Huh? Ah. Hindi, ayos lang, Alvaro."

"Hindi ako mapapanatag, Yohan."

"Hindi na kailangan!" giit ko medyo naiirita, sa kanya at sa aking sarili.

His words excited me but I know it's wrong. Puwede kong isipin na para sa trabaho
ito pero dahil marumi ang iniisip, hindi ko magawa.

"Kaya ko na ang sarili ko, Alvaro. This is Altagracia. I am a Valiente," hindi na


nakayanan dahil sa kaba.

He licked his lips and then his eyes dropped on his report. Binalik ulit sa akin
ang mga mata.

"I'd let you go on normal days but it's just a week since that incident, Yohan.
Nag-aalala ako."

"Is it part of your job?"

"If that's what you want to hear, then go ahead."

Mas lalo akong kinabahan. His eyes and expression hardened, something that's new to
him. My lips parted when I realized something. Years ago, I know him as the boy who
took care of my cat. He was the center of attention, a happy and handsome kid.
Right now, I see him as a man. I feel like I am discovering new things from him.

"Just let me come with you. Hindi ako manggugulo sa inyo at hindi rin naman ako
sasama pagdating doon. Hihiwalay ako, huwag kang mag-alala."

Slightly guilty that he sounded like he knew that I was disgusted to be with him,
tumango na lang ako para hindi na humaba ang usapan. Tumango siya at umamba nang
aalis.

"Sa labas na lang ako maghihintay." He then glanced at the sofa.

Sumang-ayon ako, hindi sigurado kung gusto ko bang dito siya sa opisina maghintay.

Hindi na nga lang ako mapakali dahil naghihintay si Alvaro sa akin sa labas. Hindi
na pumapasok sa utak ko ang mga trabahong gagawin. Minabuti ko na lang tuloy na
tumawag sa cafe para magpa reserve.
"Iyon lang po ba, Miss Yohan?" the manager answered as I scribbled on my paper.

Nagpareserve ako ng tatlong lamesa para sa mga staff ko. Iniisip ko kung saan ko
ipapaupo si Alvaro? Sa ibang lamesa ba... o isasama ko sa amin?

"Ah... marami ba kayong customer?"

If there's a single table for two or one, he can sit there alone. But I'm not sure
if I want to reserve that, too.

"Ah, gaya lang ng madalas, Miss Yohan."

"May isa kasi akong kasama. Hindi ko pa sure. Kaya hindi ko rin sure kung
irereserve ko ba."

"Madali namang hanapan 'yan mamaya, Miss Yohan. At may vacant chairs sa lamesa n'yo
kaya puwedeng doon siya."

"Ah..." I laughed awkwardly. "Sige po. Sige, thank you."

I sighed heavily when I finished the call. Iniisip kong tawagan si Aria pero siya
na nga ang tinig sa utak ko, dadagdagan ko pa ba. Pero sigurado akong iintrigahin
ako noon kapag nakita na nakasunod si Alvaro sa sasakyan ko.

Sa huli, sumuko na ako sa pagtatrabaho at minabuting mauna na sa cafe. I called my


staff. Nainform ko na naman sila kanina pero nagsabi lang ako na papunta na ako.
Diretso na lang sila sa cafe kung tapos na sila.

Lumabas ako sa opisina. Nakahilig ang leeg ni Alvaro sa sofa, parang pagod na pagod
pero nang narinig ang pintuan ko, umahon ako.

May ibinilin ako sa sekretarya. I saw his eyes brushing on my face then my body
before he stood. Pagbalik ng tingin ko kausap kong sekretarya at ibang mga
empleyado roon, kitang-kita ang tsismisan sa utak nila.

Pinagmamasdan si Alvaro at ako, parang nanonood ng larong tennis ang mga mata dahil
sa paglipat lipat.

Some employees are just years older than me kaya naman nasisiguro kong alam nila
ang tsismis sa love letter ko para kay Alvaro noon. All the more I am encouraged to
make it seem like Alvaro doesn't affect me. It's been years and it seems like
people couldn't move on from it.

"Let's go," sabi ko at dire-diretso na ang lakad palabas ng opisina.

I'm wearing a faded long skinny jeans on my stilettos and my white loose spaghetti
top. Sinubukan kong masuot ng dress sa trabaho noon pero mas convenient pa rin
talaga ang jeans dahil madalas ako sa azucarera. Ganoon din sa shelter.

Alvaro took off his BDA top bago siya pumasok sa sasakyan. Pumasok naman ako sa
sasakyan ko at nauna nang ipaandar iyon. Sumunod siya.

Sakto lang ang patakbo ko. Madalas ang sulyap ko sa likod kung nasaan ang Ford ni
Alvaro.

Nasa bayan na ako, ganoon pa rin siya.

I parked the car on the cafe's parking lot. Nasa tabi agad si Alvaro. Lumabas ako
roon at hindi na siya hinintay. Dire-diretso ang lakad ko. Natanaw ko si Sancha
Alcazar na nakadress gaya ng madalas niyang suot kapag nakikita rito.

"Nagpareserve ka raw?"

"Oo."

Pumasok siya at iginiya na ako. Nagmamadali ang manager na palitan si Sancha sa


paggiya sa akin at paghihila ng upuan.

"Ayos lang. Wala pa sila. Ako pa ang nandito," sabi ko.

The manager's eyes looked behind me in shock. Ngumiti si Sancha.

"Magkasama kayo, Alvaro?" sabay hila ni Sancha sa mabigat na upuan.

"Ako na sabi niyan!" ang manager.

"Oo," sagot ni Alvaro at napalingon-lingon sa lamesa sa paligid.

The cafe was packed. Walang magiging choice si Alvaro kundi ang maupo sa lamesa na
nakahanda sa amin ng kami lang dalawa.

"Maghihintay na lang ako," si Alvaro.

"Ah. Lilinisan ko lang 'yong isa!" sabay turo ng manager sa may katatayo lang na
mga estudyante.

"Sige dito ka muna. Lipat ka na lang doon kapag ayos na iyong lamesa," sabi ko.

Iniwan na kami ni Sancha kasama ang menu. I was torn if I should also treat his
dinner. Siguro. This is his job, right? Nagpapasalamat dapat ako sa trabaho niya
kaso... it will be awkward. But what the hell?

"Ako na ang bahala sa order mo. Order ka na lang mamaya for dinner," pormal kong
sinabi.

"Hindi na. Ako na, Yohan," aniya habang nakatingin sa menu.

"Okay lang. Treat ko na sa'yo dahil... binabantayan mo naman ako."

He smirked. "Mabubutas ang bulsa mo sa dami ng kakainin ko."

I was about to smile but I didn't because I know where that road will lead me.
Nagtaas siya ng kilay at tinawanan na lang ang sarili.

"Ako na, Yohan."

Dahil sa pagbibiro niya, parang natakot na akong magsalita kaya hinayaan ko siya.
Bahala ka, Alvaro. Stop it with your funny antics. It's not funny.

Nakarating sina Chantal at mga staff ko bago pa nalinis ang lamesa para kay Alvaro
kaya gulantang silang lahat.

"Uy, Sir! Nandito ka pala!"

"Hi, Captain!" my trainees knew him.

I was told that he visited twice when I wasn't there. He petted Garfield. Bigla ko
tuloy na miss si Kuring.

The trainees looked at me as if I'm keeping a dirty secret. Pumormal agad ako.

"Trabaho niya lang," I explained.

Tumayo si Alvaro. Chantal greeted him at saglit silang nag-usap tungkol sa kasal ni
Chayo at Leandro. She explained that her son was tired so they didn't appear on the
reception.

"Saan ka pupunta?" si Chantal nang pagkatapos mag-ayang magsettle down sa upuan ay


umamba si Alvaro na umalis.

"Sa malayo ako pinapaupo ni Commander," he said playfully as if not expecting that
I could hear him.

I gritted my teeth. Abala na kasi ako sa pakikipag-usap sa nakaupong mga trainees


para sa order nila kaya akala niya hindi ko naririnig!

Chantal laughed and then joined us but I was too stunned to even know what to say
to her.

Matagal bago ako nakabawi. Nakapagbigay na ng order si Chantal bago ako nag
congratulate sa kanya sa pagiging vet dito. I told her how thankful I was that she
agreed.

"Gusto ko na rin kasing umuwi sana rito. Hindi ko alam kailan babalik kaya... baka
doon na nga ako."

I assured her that I will do my best to improve the shelter. I will make sure she
has all the benefits she needs, pati na rin sa suweldo. Sinabi niya naman na ayos
lang sa kanya at passion niya rin talaga ang trabaho pero alam ko sa sarili ko na
hindi ko pababayaan ang mga staff ko.

We chatted about her vet years. I told her that I wanted that job but there was no
other Valiente who could lead the azucarera so I'd have to choose between my
passion and the people.

Buti na lang at kaya ko namang ipagsabay iyon dahil kahit nagtatrabaho ako sa
azucarera, may shelter naman akong inaayos.

Ikinuwento ko sa kanya na ang pinakamalayong napuntahan namin sa pagrerescue ay sa


Bago City. May nagcontact in sa amin sa Talisay pero may ilang shelter naman sa
Bacolod at nirefer na lang namin doon.

Medyo napasarap ang kuwentuhan habang kumakain. Kumakain na kami ng desserts nang
natanaw ko ulit si Alvaro.

Gabi na. Kanina pa kami rito at dahil patuloy ang usapan namin ni Chantal at sa mga
trainees at staff, hindi ko na siya napansin. Bigla akong naconscious nang nakitang
nakatitig siya.

Chantal glanced outside. I saw a Raptor and I knew that she has to go home now. May
service at driver ang trainees "We were just drunk."

"Tss. Nanliligaw pa?"

There's something about his question. It isn't an investigation or a concern for my


safety. Hindi ko masagot iyon at mukhang hindi niya kailangan ng sagot.
"Gusto mo?"

Hindi pero hindi ko pa rin kayang sagutin. Lalo na dahil nahihimigan ko na kung
saan patungo ito. This isn't investigation or whatsoever anymore. This is...
different.

He smirked. "Mukhang wala akong pag-asa ah?"

My heart beated wildly. I clicked my car key to make him feel like I am dismissing
this. He only chuckled. Inunahan pa ako sa paghawak ng pintuan at binuksan niya
iyon para sa akin.

"Pero hindi bale. Pipila pa rin ako sa manliligaw mo, Yohan."

🌺🌺🌺
KABANATA 26
CALL

Medyo magaan ang kamay ko sa manibela. Siguro dahil kabado pa ako pauwi dahil sa
sinabi ni Alvaro.

Uminom ako ng tubig sa kitchen pagkauwi at dumaan na naman si Aria sa likod ko.
Uminom din ng tubig. Hindi ako nagsalita.

I don't need her voice. I know exactly what to do without her nagging.

"Where have you been?" animo'y bodyguard kung makatanong.

"I treated my staff and Chantal Castanier sa cafe. Pampawelcome ko lang kay Chantal
as vet."

She nodded but it seems like she wasn't convinced.

"Inaantok na ako," palusot ko.

Hindi ko gustong masabi kay Aria ang tungkol sa sinabi ni Alvaro kanina. Alam ko na
rin naman ang sasabihin niya kaya mas mabuting manahimik na ako.

Hindi ko rin alam ano ang ibig sabihin ni Alvaro roon. Manliligaw raw siya. Gusto
kong matawa. Ang sabi ni Aria, hindi siya nanliligaw. NAniniwala ako roon. Kaya
paano niya ako liligawan e hindi siya marunong?

My heart pounded at the thought that he's going to court me. Alvaro is going to
court me!

I shook my head. I shouldn't think too much about it.

Hindi ako mapakali sa opisina habang ginagawa ang trabaho ko. Mabuti na lang at
naging responsableng lider naman ako at natapos ko iyon bago umalis sa hapon para
maka bisita sa shelter.

Pagdating ko roon, nagpabili agad ako ng merienda habang ako na ang tumao sa
counter.

Abala si Chantal. May isinugod na nagkasakit na aso. Hindi tulad noon na


nagtutulungan pa sa kaalaman ang trainees, ngayon may sigurado na sa ginagawa at
natututo rin ang mga naroon.
I had to ask for more monoblock chairs because it's packed today.

May gustong mag adopt ng mga aso, may isang nagpapavaccine, mayroon ding
nagpapadeworm ng tatlong aso.

Hindi kakasya ang pitong taong nakapila sa pandalawahang upuan kaya nagpakuha na
ako ng monoblock chairs.

Sa mga adoption, ako na muna ang nag facilitate lalo na't may isa pang isinugod
galing pa sa La Carlota na may parvo pa yata.

It was a busy afternoon when Alvaro went inside. Nagkatinginan kami. Nagulat din
siya sa dami ng tao. He smiled at them. He was offered a monoblock chair but he
declined.

Nakatayo lang siya roon at nakatingin sa kulungan habang sinusulyapan ako.

"Okay na po 'yan," sabi ko sa lalaking mag-aadopt noong stray dog na na rescue


namin.

Kumpleto na naman ang vaccine pero may mga nilagay lang akong reminders para sa mga
deworming at next na shots nito.

Alvaro is wearing a white t-shirt this time. Naka itim na pants at boots na itim
din. He was standing and he looked as if posing for a magazine photoshoot along
with the shelter dogs cage.

"Good afternoon, Sir!" mga trainees ko na sunod-sunod bumati nang natanaw si


Alvaro.

Chantal is still busy so all she could do is smile and continue on her work.

Isa-isa na naattend ang mga pending na adoption kahapon. Ipi-pick up na lang ang
iba kaya mabilis din.

Nang kumonti ang tao sa upuan, saka pa lang tuluyang naupo si Alvaro. His ex
entered with a dog.

"Alvaro?" it was his earlier ex. Nalimutan ko ang pangalan pero tanda kong grade
six ako noong naging girlfriend niya.

"Gellie..." si Alvaro.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Ah, mag-aadopt sana."

Nagtaas ako ng kilay at nagpatuloy sa mga papel na ginagawa. The playboy of


Altagracia in him is always shining so brightly.

"Buti meron na rito. Hindi na ako babiyahe kapag magpapavaccine. Ano ang i-aadopt
mo?"

Alvaro chuckled. "Pusa sana."

"Oh? Mahilig ka pala sa pusa?"

"Oo nahiligan ko rin noon kaya... dadagdagan ko iyong nasa bahay."


Nagkatinginan kami ni Alvaro. May tira-tira pang ngiti sa mukha niya dahil sa
usapan nila ng ex niya. I lowered my gaze on the paper so we would stop the eye
contact.

"Kayo ba ni Margaux?" the girl said in a very straightforward tone.

Naalala ko tuloy ang sinabi ni Aria na hindi nga ito nanliligaw. Siya ang
nililigawan ng mga naging ex niya.

"Hindi." Tinawanan niya.

"Ah. So you're single? Or may asawa na ba?" pabiro pero halatang may malalim na
kahulugan ang tanong noong babae.

I heard Alvaro's chuckled. Hindi ko na tiningnan dahil bahala siya sa buhay niya.

"Hmm. Taken, I guess?"

"Taken? May girlfriend?"

Tumawa siya. "Nililigawan pa."

I cleared my throat. Ako lang nakakarinig noon at si Garfield na flat ang mukha. He
looks like he's judging me while I'm scribbling on these papers.

"Ah, so technically still single?"

"That's why I said that I'm taken, because I'm not single."

"Huh?" litong lito ang boses ng kausap niya sabay tawa. "Tsaka ka pa lang taken
kapag kayo na. Ano ka ba naman? Huwag kang mag-alala, hindi ako magcoconfess! May
boyfriend na ako. May irereto lang!"

Ibinigay ko na ang papel sa nag-adopt. Si Alvaro na sana ang susunod kaso hindi ko
pa tinawag dahil mukhang nagkakatuwaan pa sila.

Chantal's done with the two dogs, too. Admitted nga lang ang isa at isi-settle ang
balance.

"I'm still taken now that I'm courting her."

"Pero kung mabasted ka, ano, game?"

He chuckled again. "Taken pa rin kahit basted, Gell."

Napabaling ang dalawa dahil lumabas na si Chantal. Tumayo si Alvaro, siguro


napansin na wala nang ibang tao at paalis na rin ang kausap.

"Dito muna sa timbangan," si Chantal ay iginiya ang ex ni Alvaro loob ng hospital


para ma-check.

Lumapit naman si Alvaro sa akin. I was annoyed and almost expecting to see a smirk
on his face but there was none. Instead, he looked... nervous.

Natitigan ko tuloy siya dahil hindi ako sigurado sa naiisip.

A playboy, nervous? I must be dreaming again. One of those forbidden daydreams I


have for him.
"Puwede bang mag donate?"

I thought he's adopting? Sinipat ko si Garfield na tumuntong sa counter at


nagpaalaga kay Alvaro.

"Ng ano?"

"Catfood and dogfood?"

"Oo naman," sabi ko at patuloy pa rin sa pagchi-check ng mga papel.

"Magdadala ako next time," aniya.

Nagkatinginan kami. He's smiling but when he saw that I was serious, he cleared his
throat and pursed his lips.

"Mag a-adopt ako."

"Okay. Pumili ka na."

He petted Garfield. Nagkatinginan ulit kami at agad siyang lumipat sa mga kulungan.
May napili na siya agad.

"Ito," aniya at itinuro ang isang kulay puti pero may itim, orange, at gray na pusa
sa likod.

"It's a girl, though."

Tumango siya. "Oo. Puwede na 'to. Mukha namang ka age na ni Kuring." He smirked. "O
hindi malayo ang agwat."

I forced myself not to smile at whatever he's talking about. His lips twisted,
trying hard to hide his unwelcome smile.

He then cleared his throat before speaking. "Okay lang ba?"

"Okay. I print ko lang ang record."

Hinanap ko ang record ng pusa at habang nagpi-print, kinuha ko na rin sa kulungan


at binigay kay Alvaro. He watched me as he lifted the cat from my hand.

I hated that he has that effect on me. Hindi ko alam kung alam niya ba iyon at
sinasamantala niya o ano. At tuwing naiisip ko na sinasamantala niya kasi alam
niyang gusto ko siya, lalo akong nagiging determinado na gawin ang gusto ni Aria.

"Tapos na ang mga vaccines at deworming niya. Pero may mga regular siya na mga
schedule for... boosters..."

Sinulyapan ko ang pusa. Napamahal na rin ako sa mga pusa rito kahit na pinapaadopt
ko. Tuwing walang trabaho ay malaya silang nakakagala sa likod. Saka lang sila
nakakulong ng mga aso kapag ganitong open ang shelter.

"What? Are you gonna miss her?" he asked when he noticed my gaze at the cat.

"Napapamahal na rin naman ako sa mga alaga rito sa shelter kahit paano."

Nagkatinginan kami. I glared at him when I notice the smirk on his face. I feel
like something funny is about to come out of his mouth again. Hindi niya nga lang
itinuloy.

"Saan ka ba bukas ng ganitong oras? Isasama ko si Kuring."

"May trabaho ako bukas."

I stopped because I really want to see Kuring, too.

"At baka pupunta ako rito sa hapon."

He nodded. "I'll bring him. Iiwan ko na lang siguro 'to at baka mastress na pabago
bago ang environment."

I agreed and gave him the papers. Nakita ko ang paglalagay niya ng pangalan at
pagpirma. Hindi ko tuloy mapigilan ang pagsulyap sa kanya. He's pouting and his
brows furrowed as he continued with the three copies.

Nang natapos, nagkatinginan kaming dalawa. Tinanggap ko kaagad iyon.

"Uh, may gagawin ka ba pagkatapos?"

Shit! Is this really for real?

"Uuwi na ako."

"I'd like to treat you for dinner. Para sa pag adopt ko sa pusa."

I showed him the paper again. It seems like he didn't read it.

"May pangalan na ang mga pusa namin. Pero you can change it if you like. Her name's
Cheshire."

He nodded.

"At uuwi ako agad sa amin. Napagod ako sa trabaho."

"Oh. Okay, next time then?"

"Hindi na naman talaga kailangan, Alvaro. The shelter rescues cat and hopes to give
them families. Iyon lang naman kaya no need to treat me for this."

Tumango ulit siya. Akala ko titigil na.

"Date then?"

"P-Pagod ako ngayon."

"Next time?"

I swallowed hard. If I continue hearing Aria's nagging, the correct answer is no.
But this is different. I kind of feel guilty.

"Next time."

He smiled.

Lumabas na ang ex niya kasama ang aso nito.

"Thank you, Doc," anito.


"You're welcome."

Naroon na si Chantal sa tabi ko at inaayos na ang breakdown ng bill noong ex ni


Alvaro. Nagtaas ako ng kilay kasi hindi pa umaalis si Alvaro kahit tapos na naman
siya. Wala naman ding reaction si Chantal kaya hinayaan ko na.

"Sabay na tayo pauwi? Tapos ka na?" his ex asked.

Umiling si Alvaro. "Hindi na. Mamaya pa ako."

"Tapos ka na ba?"

"Oo, tapos na siya," agap ko.

Napabaling si Alvaro sa akin. He's frowning. Nagtagal ang tingin niya kahit
kinakausap na siya ng babae.

"'Yon naman pala! Tara na, Alvaro!"

He didn't look at the girl. Nanatili ang tingin niya sa akin. Kinabahan tuloy ako.

He then dragged his eyes to the girl before he shook his head.

"Mauna ka na, Gell. Gusto kong ihatid si Yohan pauwi kaya hihintayin ko pa na
magclose ang shelter."

His ex's jaw dropped. Si Chantal naman nagpatuloy sa pagsusulat pero nakangiti.
NIlapag niya sa counter iyon.

Tahimik namang nagbayad ang babae. Hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

Nakatingin ang babae habang nagbabayad.

"Ah? Sa trabaho..." realization dawned on her... and probably me.

Napabuntunghininga ako. Iniisip ko kanina iba ang dahilan. Ngayon ko lang naalala
ang trabaho ni Alvaro. Matalino rin itong ex niya ah?

Kinuha ko ang pinag-inuman ko ng kape at ililipat na sa lamesa.

"Hindi. Nililigawan ko siya," simpleng sagot ni Alvaro dahilan ng muntikan nang


pagkahulog ng mug ko.

"Oh! Alright! Wow!"

My heart pounded. Chantal already exited after settling the bill. Hinila niya pa
ang mga trainees na isa-isa ring dumungaw dahil sa narinig.

"Hala? Manliligaw ni Miss Yohan si Captain Santander?"

"May ipapag-aral ako sa inyo," si Chantal at tinawag ang mga ito sa opisina niya.

I gritted my teeth. Alvaro's ex tapped his shoulder before leaving.

"Tayog ng pangarap mo Captain, ah!"

He laughed and then she went out of the shelter.


I swallowed hard. Kaming dalawa na lang ang nandoon at hindi ko na siya pinapansin.
Nilagpasan ko siya para ayusin ang mga monobloc chair. Tumulong din siya habang
nasa kabilang braso ang pusa.

"Uh... are you mad at me?" he asked when I ignored him.

"Bakit mo naman sinabi iyon?"

Agad akong nakaramdam ng guilt pagkatapos sabihin iyon. Nagkatinginan kami. His
lips were apart. I suddenly felt that he was offended. Kinabahan ako at lalong na
guilty.

"Sorry. Hindi ko alam na..."

"Hindi... ayos lang. Nevermind," I said and arranged things on the counter.

"I'm sorry. I never thought..." he trailed off.

Now my guilt is eating me up. Hindi ko nga lang alam kung tama ba iyon o ano.

"I won't tell anyone that I'm courting you, then. I'm sorry."

Napabaling ako sa kanya. Hindi ko lang alam kung iyon nga ba ang gusto kong
mangyari. Hindi na ako nagsalita.

Hindi ko na makayanan ang eksena. Hindi ko alam kung kaya ko bang magpatuloy nang
hindi siya pagbibigyan kaya nagpaalam na ako kay Chantal at sa staff.

Uuwi na rin naman daw sila kapag tapos na. Lumabas na ako. Sumunod naman si Alvaro.
Dire-diretso ang lakad niya sa sasakyan at nakita ko pang sinapo niya ang noo ko.
Umiling siya na parang pumalpak.

My lips pursed as I opened my car door and went inside. Umalis na ako at sumunod na
siya.

Pagkauwi, nagtama agad ang tingin namin ni Aria. Nag-iwas ako ng tingin at
nagpaalam na magbibihis muna at bababa mamayang dinner.

I was already on my room when my phone beep for a text from Alvaro.

Alvaro:

I'm really sorry.

Ako:

Okay lang. Wala naman talagang problema. Nakakahiya lang.

Oh my goodness, Yohan?!

Alvaro:

Nakakahiya na nanliligaw ako?

I paused and closed my eyes because he completely misunderstood.

Alvaro:

Can I call, Yohan?


I stared at my phone for a long time.

Naligo pa ako para makapag-isip bago magreply.

If I am rejecting him, I at least shouldn't insult him that way, right? Dapat ay
malaman niya na hindi ko naman siya kinakahiya bilang manliligaw.

And really? Yohan Valiente, ikinakahiya na nanliligaw si Alvaro Santander? Is he


trying to make me pity him? Well it's very effective!

Ako:

Hindi kita kinakahiya, Alvaro. Ayaw ko lang na maraming makaalam na nanliligaw ka.
Nahihiya ako.

Alvaro:

There is nothing to be embarrassed about that but I'll respect your choice. I'm
sorry.

Alvaro:

Can I call you?

Are you this persistent whenever you court a girl?

Shit! I remember he doesn't court a girl!

Ako:

Okay.

My phone rang immediately. My heart pounded like crazy! Hindi ako kailanman
natawagan ni Alvaro noon!

Hindi niya ibinigay ang number niya sa akin at tingin ko dahil nandidiri siya sa
akin. Kay Aria lang dahil iniisip ko noon, kahit paano may gusto siya kay Aria.

Ngayon habang nakikita ko ang pangalan niya na naka register sa cellphone ko, para
akong nilalanggam. And it's him calling, not me! It's him who texted first, not me!

I opened the call and almost fainted when i heard his low voice.

"Hello..."

"Yes," I tried to sound cold.

"I'm sorry. I was just annoyed with Gellie for bugging me."

"Ayos lang. Sorry din if na misinterpret mo. Hindi naman kita kinakahiya."

I stick out my tongue. I never imagined the day that I would convince him that I
wasn't ashamed of him! This is like a dejavu of all of my daydreams when I was a
teen!

"I don't want to send the wrong message to her. She wasn't taking me seriously so I
thought I had to tell her honestly.
Ngumuso ako, hinahayaang magwala ang puso at hinihintay na mapagod ito.

"I'm not good at courtship, Yohan. Pero lagi kong iniisip na panahon iyon para
patunayan ang nararamdaman ko. Kaya... pasensiya na."

"Alvaro, it's been years since we last met. I am not sure if..."

He chuckled. "Please, don't reject me yet. Give me a chance, Yohan. We'll learn
about each other more."

Honestly, I couldn't breath anymore. Hindi ko alam kung tama ba ang sunod na
sasabihin pero iyon na lang ang kaya ko sa ngayon.

"Ikaw ang bahala."

"Thank you."

🌺🌺🌺
KABANATA 27
RESPECT

I am still sure about rejecting him. I chanted that on my mind.

Inisip ko ang ginawa niya noon. He didn't know that I was there listening to his
answers to those question. Hindi niya rin kasalanan kung totoo nga ang nararamdaman
niya noon - na hindi niya ako gusto. I was young, ugly, and a Valiente. Pero ayaw
ko nang masaktan. I've struggled through the years, overcoming what happened, and
forgetting him. I can't deal with it again.

"Umuwi na kasi si Chantal kaya may mga plano nang ganito," ani Aria sa hapag,
pinag-uusapan nila ni Romulo ang mga events na paparating.

Napatingin siya sa akin at nakita ang kuryosidad sa mga mata ko.

"Para 'to sa homecoming."

"Ah. Pero hindi ba, matagal pa 'yon?" tanong ko dahil tinutukoy niya ang mangyayari
ngayong weekend na.

Tumango siya.

"Pero gusto kasing mag reunion na rin ang batch namin na kami-kami na lang muna,
kasi sa Homecoming, lahat na."

"Mayroon din sa mga players, 'di ba?" si Romulo, naalala ko ang sinabi ni Soren kay
Alvaro.

"Oo, meron din. 'Tsaka mapapadalas ang pagkikita ng mga class officers dahil sila
ang magpaplano sa ilang reunion at sa homecoming kaya baka nandito sila mamaya..."

I remembered Alvaro saying that he will come to the shelter later and bring Kuring.
Hindi ko alam na pupunta pala talaga siya rito mamaya.

I am not sure how I feel about us seen by some of his friends. Hindi ko siya
sasagutin, hindi ba? Mas magandang hindi na malaman ng mga kaibigan niya na
nanliligaw siya kung ganoon nga ang gagawin ko.

"Pupunta si Alvaro mamayang gabi rito. Kasama ilang kaibigan namin. Para 'to sa
basketball players na reunion. Hindi ako kasali pero nakiusap sina Daniel at 'yong
manager nila na dito na."

"Ah. Kaya siguro nagsabi siya na dadalhin niya si Kuring," sabi ko para hindi na
magtaka si Aria mamaya.

"Oh. Nagkakausap kayo?" she smirked.

I sighed. "Nag-adopt siya sa shelter kahapon ng pusa. Iyon lang."

"Hmm..."

I laughed it all off. "Hindi ko na siya gusto, Aria. Hindi na ako tulad noon."

Hindi na rin naman siya nang-intriga kaya natahimik na ako. Umalis na ako para sa
trabaho.

Alvaro was already in the shelter when I arrived later that afternoon. Dala niya na
si Kuring at kanina pa yata naghihintay sa upuan.

I smiled formally and took Kuring out of his hold. I held him for a while. Nasa
counter na.

"Ah, may dala nga pala akong merienda," si Alvaro.

Napatingin ako sa isang paper bag sa tabi ng counter na hinawakan niya.


Nagkatinginan kami. He smiled, a bit proud of his gift.

"Nakapagmerienda na ako sa office."

Dumaan ang pagkadismaya sa mukha niya. "Dalhin n'yo na lang sa inyo mamaya."

I stared at it for a while before I nodded. Sa likod niya, may isang batang may
dalang aso. Lumipat na ang mata ko rito.

Mabilis na bumaling si Alvaro roon bago siya tuluyang tumabi. He smiled shyly.

"Dito na lang ako sa sofa muna."

I nodded but I remembered something. "Puwede ka nang mauna. Hindi ba may meeting
kayo? Ngayon na 'yon, hindi ba?"

I remember when Aria said that they'll start early. Malapit nang mag alas singko.

"Ayos lang. Hihintayin na lang kita."

"Medyo natagalan ako ngayon kaya baka mamaya pa ako umuwi. Sige na, mauna ka na.
Ako na ang bahala kay Kuring."

Ngumuso siya at ilang sandaling nag-isip. Naabala na ako sa batang gustong


magpatingin sa kanyang aso.

Sinamahan ko siya kay Chantal at tiningnan ang mga ginagawa nila. Nang natapos ni
Chantal iyon, pinagawa ko sa isang trainee ang bill. Babalik na rin sana ako para
asikasuhin ang mga bagong donation pero nagtanong pa si Chantal.

"Nariyan si Alvaro sa lobby. Nagkita kayo?"

"Oo."
She nodded and smiled. "Namigay siya kanina ng merienda sa amin. Inilista na rin
nila ang donation niya."

My lips parted. Nasabi niya nga kahapon na mag do-donate siya pero hindi ko naman
inasahang naroon na nga.

Chantal removed her ponytail. Tapos na ang schedule para sa araw na iyon at uuwi na
siguro siya. Naalala ko ang tungkol sa pagtitipon sa bahay. She'd come for sure.

"Pupunta ka mamaya?"

Nilingon niya ako. "Hindi, e. Sa susunod na meeting na lang. May mga importante
kasi akong gagawin."

I nodded. "Okay. Tatapusin ko lang muna ang mga donation dito."

She smirked.

Bumalik na ako sa counter. Umalis na ang babae kasama ang aso niya. Nagulat ako na
naroon pa si Alvaro sa sofa. Ngayon naroon na sa kandungan niya si Garfield.

Imbes na magsalita, hinayaan ko na lang siya at inuna ang mga kailangang gawin.
Lumabas si Chantal at saglit silang nag-usap ni Alvaro.

"Sa susunod na ako pupunta, ah?" si Chantal. "Sasama na lang siguro ako kay Kuya,
kung makabalik na sila."

"O sige..." then Alvaro's eyes drifted on me again.

Binalik ko ang mga mata ko sa computer. Nagpaalam na si Chantal pero nanatiili si


Alvaro roon. Naglilinis na ang trainees. Tahimik sila. Pakiramdam ko tuloy nakuha
na nila kung anong hinihingtay ni Alvaro rito.

By five thirty, I was already done. Nagpapalabas na rin ang staff ng mga aso at
pusa para magpakain sa likod. Tapos na itong linisan.

Alvaro helped them. He took them out. Nag-aayos na lang ako ng ilang files. Sumama
na si Garfield sa kanila sa likod.

I waited for him to leave and just go to their meeting. Late na siya pero mukhang
wala pang senyales na mauuna siya.

It was almost six when I was done with everything. Nilaro ko na lang si Kuring.
Kababalik lang ni Alvaro galing sa pagtulong sa likod nang tumayo ako.

His full attention was now on me. Tumayo na rin siya. Kinuha ko ang bag ko at
nilahad niya ang kamay para kay Kuring.

"Ako na sa kanya."

He looked at my bag but I was already holding it, too. Iyong merienda na lang ang
dinala niya.

He stalked me towards my car. Nilingon ko siya, may halong gulat sa mga mata ko. He
noticed it immediately.

"Ah, ilalagay ko lang sa upuan mo ang merienda."


Tiningnan ko ang hawak niya at sa huli, tumango ako.

He set up Kuring's quilt on my front seat. Nilagay niya na rin sa gitna ang
merienda na dala niya.

"Thanks," sabi ko.

"You're welcome."

Mabilis naman kaming nakarating at gaya ng pangamba ko, natanaw ko na nga ang
hilera ng mg sasakyan ng mga kaibigan nila sa aming bakuran.

I sighed. I smiled when I lifted Kuring. Lumabas na si Alvaro sa naka-park niyang


sasakyan at tinulungan ako sa pagkuha ng mga gamit na inilipat niya.

"Ako na nito," aniya para sa merienda na ibinigay niya sa akin kanina.

Iniisip ko ang pagpasok namin. Kinakabahan ako. Aria's friends are not necessarily
my friends. Lalo na ang mga babae kaya ayaw ko sanang makita nila na may inaabot sa
akin si Alvaro.

Pero siguro naman ayos lang iyon. Dala ko si Kuring at may bag pa ako kaya natural
na tulungan niya ako sa dalahin.

Papasok na ako at nakasunod na si Alvaro nang nakita ko ang dami ng mga kaibigan ni
Aria. My eyes widened especially when I saw Soren!

"Yohan!" sabay lahad niya ng mga braso.

Nakita kong may iilang pastries sa lamesa nila at may tatlong klaseng ulam pa. I
would think it's ours and Aria prepared but it was in a disposable tray.

"Nagdala ako ng dinner para sa inyo."

Aria laughed. "Nakinabang pa kami sa manliligaw mo, Yohan!"

"Oo nga! Suwerte ni Yohan!"

"Siyempre, Valiente. Alangan naman mahirap ang mga manliligaw?"

They laughed. "Bagay kayo, Yohan!"

Kumakain na ang iilan sa kanila. Naestatwa ako.

"Pasok ka, Alvaro," may pumuna sa kanya sa likod ko.

Dumiretso naman si Soren sa akin, sinalubong ako at niyakap.

Humalo na dsi Alvaro sa kanila lalo na't niyaya na siya nina Daniel at Juan.

"Kain na kayo!"

"Ang daming dala ng manliligaw ni Yohan," biro ng isa sa mga babae.

"Alvaro, tapos na duty mo?"

"Kain ka na..."
"Ano 'yang dala mo..."

Soren smirked at me. Nakaakbay pa rin siya sa akin.

"Kain ka na? Peace offering ko sa'yo. Ang dami kong dalang pagkain."

Alvaro was drowned by the crowd. Every one of his friends are excited to see him
and talk to him. Hindi na siya halos makasagot sa mga tanong ng bawat isa sa dami
ng nangungumusta sa kanya.

He's holding on to the brown paper bag he gave me.

"Ano ba 'yan? Akin na nga..." pang-aasar ng ilan doon.

Tumawa siya at itinabi na lang para hindi na mang-usisa ang lahat.

He glanced at me and noticed that I was watching him. Ibinalik ko ang tingin kay
Soren.

"Magbibihis lang ako."

"Okay. Maghihintay kami rito," ani Soren kahit alam kong wala namang pakialam ang
mga kaibigan niya sa akin.

Umakyat na ako sa kuwarto kasama si Kuring. Nakaupo ako sa upuan habang tinitingnan
itong nakahiga lang sa carpet. Kailangan kong bumaba pero parang ayaw ko.

I mentally noted that I need to talk to Soren now. Hindi ko naman sasagutin si
Alvaro pero lalo naman si Soren. I have to be real, I'm not attracted to him on
that level. At ang nangyari noong lasing siya ang mas lalong nakapagpa turn off sa
akin sa kanya.

Pagkababa ko, wala na sila sa sala. Nasa lamesa sa pool na sila, nag-iinuman at nag
memeeting ng medyo seryoso.

Alvaro sat near the door so he saw me immediately. Tumayo siya pero nilagpasan siya
ni Soren na nakakita rin yata sa akin.

Palapit na si Soren nang unti-unting naupo si Alvaro.

Binaba ko muna si Kuring at naghugas ng kamay. Lumapit na si Soren sa akin at


tinawanan si Kuring.

"Dala mo pa rin pala ang pusa."

"Oo."

"Kumain ka na. Para sa'yo talaga 'yan. Dinamihan ko na para masali na rin ang mga
kaibigan," sunod niya sa akin sa lamesa.

Kumuha muna ako ng para kay Kuring. Kumunot ang noo ni Soren sa ginagawa ko.

"Ano 'yan?"

"Para sa pusa."

"Oh? Wala bang catfood 'yan? May dala yata si Alvaro?"

"Huh?" nilingon ko siya.


"Iyong paperbag na dala niya, baka pagkain iyon ng pusa."

My lips parted. That was his gift for me and for Soren to say that, I felt somehow
offended!

"Hindi, Soren," medyo iritado kong sinabi.

"Ah hindi ba?" he smiled.

Kumain ako pero sa totoo lang, wala na akong gana. Pabalik balik naman si Soren sa
akin, sa meeting nila, tapos sa akin ulit. I really couldn't let this night pass
without telling him to stop this.

Tapos na akong kumain nang bumalik si Soren. I was already drinking some water when
I faced him.

"Soren, puwede ba tayong mag-usap."

"Oo naman!" masaya niyang sinabi.

I thought of a better place to talk to him. Tapos na si Kuring sa pagkain at hindi


na naman siya naglilikot kaya dinala ko siya sa kabila, kung saan ko madalas
nilalaro si Kuring noong kuting pa lang ito. Sumunod naman si Soren sa akin.

Umupo siya pero hindi ko alam kung kaya ko bng magrelax at maupo sa sunod na
sasabihin ko.

"Soren, tungkol sa panliligaw mo sa akin."

Natahimik siya at nagseryoso. I guess there is just no easy way to say this. I
sighed.

"I think you are a good person pero... ayaw ko lang na umasa ka."

"Is this about what happened that night, Yohan? When I kissed you?"

"Well, not only that. I really think I am not attracted to you that way kaya tingin
ko, mas mabuting sabihin ko na sa'yo 'to ngayon."

"I thought we still have dates coming? And that we're only laying low because of
what happened, Yohan?"

"Iyon din naman ang plano ko. But you see, I feel guilty. Lalo na dahil sa sarili
ko, alam ko na hindi kita gusto sa ganoong paraan. Ayaw kong masira ang friendship
natin at mapaasa kita dahil lang gusto kitang bigyan ng chance."

"At sino naman ang gusto mo, Yohan? Si Alvaro?"

I groaned. Hindi ko gustong umabot dito ang usapan namin!

"Yohan, Valiente ka. Alvaro may be a Captain now but he's not on your level."

Sa gulat ko, natulala ako kay Soren. Hindi ako makapaniwalang lumabas iyon sa bibig
niya.

"Soren, how can you say that?"

"It's true, Yohan."


Laglag pa rin ang panga ko at ilang sandali pang napatitig bago nagpasya sa
sasabihin. All the more I want all of this to end. I dislike what he just said.
Hindi ko gusto si Alvaro pero hindi ko rin iniisip ang ganoong bagay.

"You're the heiress of your Azucarera. Santander siya, may lupain pero walang
pamuhunan. what do you think does that mean, Yohan?"

"Wait a minute, Soren. Please stop," pigil ko dahil magtutuloy-tuloy siya.

Alam ko kung saan iyon patungo. I never thought that the day would ever come that
everyone will think that I deserve better. Dati'y sa sobrang pangit ko, hindi na
ako binibigyang pansin. Ngayon, sa ibang paraan naman kami baliktad ni Alvaro at
hindi ko gusto iyon.

"And he's a playboy! Si Margaux na mismo ang nagsabi na may namamagitan sa kanila,
Yohan. Huwag kang papaloko do'n! Malay mo gagamitin ka lang niyan!"

"I don't like your tone, Soren. Do you think I'd choose you then just because you
said this?!" iritado kong sinabi.

"Hindi naman sa ganoon, Yohan. Gusto ko lang na protektahan ka."

Umiling ako. "I don't need the protection. And no! Hindi kita binabasted dahil
gusto ko si Alvaro. Hindi ko siya gusto, Soren... pero hindi rin kita gusto kaya
mas mabuting tigilan na 'to para hindi ka na umasa."

Natahimik siya.

"I'm sorry. I didn't want to say it this way but I was concerned of what you just
said about Alvaro. Oo, hindi siguro kami magkasingyaman pero hindi iyon sumagi sa
isipan ko. He even probably worked harder than me to get to where he is so I have
high respect for people like that."

Napakurapkurap siya sa sinabi ko.

"Ang sabi ni Aria, mukhang gusto ka na niyan. Natatakot lang naman ako para sa'yo,
Yohan."

"Thank you but I don't need the protection. I can deal with it myself."

"Sinabi niya rin naman na hindi mo sasagutin pero..."

"Thank you for all the help all these years. I really liike our friendship. Despite
our opposing views, I still want us to be friends, Soren. Pero sana makita mo ang
ibig kong sabihin at sana huwag kang manira ng ibang tao."

"Do you like him-"

"I said no, Soren! And even if I do, so what? Hindi ito tungkol diyan. Tungkol 'to
sa pangmamaliit mo sa kanya."

He sighed. "I'm sorry. Nadala lang ako sa... pagkakabasted siguro," dismayado
niyang sinabi.

"I forgive you pero huwag mo na sanang ulitin iyon. Let's just be friends and stop
your courtship. I have no plans to make you my boyfriend."

Kumalma rin naman ako at si Soren. We had a fine closure. We decided to remain
friends. Hindi naman halata ang pagkabigo sa kanya nang bumalik siya sa mga
kaibigan. Hindi nga lang natanggal sa akin ang sama ng loob dahil doon sa sinabi
niya.

It was almost eight when they decided to leave. Alvaro looked sleepy. Sumama ako sa
paghahatid sa mga kaibigan nila palabas ng pintuan.

Ibinigay iko na kay Alvaro si Kuring. Nakita ko na dala niya ang paperbag sa
kanilang kamay. Hindi ko gaanong pinansin iyon sa opisina pero pagtapos ng
panlalait ni Soren, bigla akong nakaramdam ng guilt.

He chuckled. Nag-angat ako ng tingin at napansin niya palang nakatingin ako sa


hawak niya.

"Ibibigay ko pa ba 'to? Mukhang talong talo ako sa piyestang hininda ng isang


karibal ko, ah."

Ngumuso ako. He said it so lightly that I almost forgot Soren's words. Hindi ko
tuloy napigilan ang pagngiti ko.

"Binili ko kanina sa cafe. Sana magustuhan mo. May inumin din diyan pero hindi na
malamig," aniya at inilahad ang paperbag sa akin.

"Thanks," napapaos kong sinabi at tinanggap na.

I sighed and said goodbye when I heard Aria's exaggerated cough. He chuckled and
looked at me playfully. Ni hindi niya alam kung ano ang nasa isip ko.

🌺🌺🌺
KABANATA 28
HURT

Ginising ako ng kaliwat kanan na tawag. Una ay si Bobby na nangungumusta. Wala


naman sanang problema kung hindi ko lang naiisip na gusto ulit nitong
makipagbalikan, e.

Gusto ko sanang isipin na pagkakaibigan ang gusto niya pero talagang napapansin ko
ang kuryusidad nito at ang pangungulit.

"Bobby, napag-usapan na natin ito."

"Bibisita lang naman ako, kasi mapapadaan nga, Yohan."

I groaned inwardly.

"Nakapagpaalam na ako kay Tita at Tito. Pumayag naman sila."

Halos napabalikwas ako sa pag-ahon dahil sa narinig. Si Tita at Tito na naman?

"Bobby..."

"Bibisita lang naman, Yohan. Sige na. Perhaps a dinner? Please? Minsan lang akong
madaan diyan kaya sasamantalahin ko na sana ang pagkakataon. At mag bibigay lang ng
pasalubong, Yohan."

Hindi ako nagsalita, namomroblema na kay Bobby.

"O kung gusto mo, kahit idaan ko na lang sa inyo?"


"Hindi na, sige. Sige, magkita tayo sa cafe," sambit ko dahil hindi ko naman
gustong bumisita siya rito sa bahay.

That would only give him the wrong message. Pagkatapos kong maligo, si Noel naman
ang tumawag.

"May party sa pinsan ko. Daan ako diyan ngayong Sabado, ah?"

"Oo. Sige..." sabi ko. "Nagpaalam ka na ba kay Aria?"

"Kailangan ba kay Aria magpaalam, Yohan?"

Dati pa man, gusto na ni Noel si Aria. Si Aria lang ang nakakapagsabi sa akin kung
kailan ito bibisita. Nakapagtataka na ngayon ay ganito siya.

Nanliit ang mga mata ko, may sumagi sa isipan pero ayaw ko lang na mag assume. I
sighed.

"Ako na lang ang magsasabi."

Natawa si Noel. "O sige. Ikaw ang bahala."

At habang kumakain naman ng breakfast, ang ex kong si Johnny naman ang nagyayaya.

"Tatlong araw na ako rito sa La Carlota, may inasikaso lang kaso. Bibisita ako
diyan mamaya, puwede ba tayong magkita?"

I already have Bobby to attend to. Kinagat ko ang labi ko.

"I'm really sorry, John. May gagawin na kasi ako mamaya kaya hindi ako puwede.
Sorry."

He chuckled. "Okay lang. Walang problema. Next time?"

"Okay, next time, sure."

I am not sure if I meant that, though. Pero kung pagkakaibigan lang ang sadya ni
Johnny, wala namang problema.

I went on with my usual day at work. May natanggap ding ilang email galing sa
pinsan na buong araw ko yatang inisip at nireply-an. It's about his leadership
problem on their business and he needed advice so pinagtuonan ko iyon ng pansin.

Itinawag na rin ni Tita sa akin ang problema ng mga Aldeguer at pakiramdam ko ako
ang sasalo niyon sa ngayon. Iyon ang pinagkaabalahan ko.

Hindi na tuloy ako nakapasok sa shelter. Lalo na dahil alas tres pa lang, nagsasabi
na si Bobby na malapit na siya. Nagkasundo kami na alas singko na magkita sa cafe
pero mukhang mapapaaga pa yata ako roon!

Alas kuwatro nga nang naroon na si Bobby kaya naman tumulak na rin ako roon. Lalo
na nang tinawagan niya pa ako habang nagmamaneho na ako palabas ng azucarera.

"Look who's here?"

"H-Huh?"

"Ano, mang to-two time ka?"


"Ano, Bobby?!" iritado kong sinabi.

"Bakit nandito si Johnny?"

I have many things to say. I bit my lip to stop myself from doing it over the
phone.

"Mag-usap tayo pagdating ko diyan."

Pinaharurot ko na ang sasakyan papunta sa cafe, hindi na mapakali. What the heck is
wrong with these boys?

Hindi ko tuloy alam paano nagawa ni Aria iyon noong nang hindi nagkakapatayan ang
mga naging boyfriend niya? O si Alvaro sa mga girlfriends niya?

"Yohan!" si Johnny pa ang unang nakakita sa akin pagpasok ko sa cafe.

I didn't know where to look. Napatingin ako kay Johnny pero pagkapasok ko, wala sa
sarili akong napatingin sa counter at naagaw agad ang pansin ko ng naka BDA na
bumibili. Nilingon ako noon at si Alvaro iyon!

Johnny went to me and gave me a hug. He chuckled at my shocked expression but it


was not for him.

"Kanina pa ako tinitingnan niyang ex mo. Kayo ba ang magkikita rito?" si Johnny.

Bobby pulled his shoulders and I was immediately between the two men!

"Bobby, ano ba?"

"Dumidiskarte pa ito, e!" si Bobby.

"Hindi, Bobby! Tama na nga 'yan!"

"Hindi, pare. Magkaibigan lang kami ni Yohan. May girlfriend na ako. Binati ko
lang," mayabang na sinabi ni Johnny.

Kumalma si Bobby. Tumango siya at tumingin sa akin pero hindi na talaga ako
mapakali. Alvaro is watching us while he's paying for something he bought on the
counter.

I even heard the manager laugh and tease him.

"Ang dami namang kadete ng commander mo."

Uminit ang pisngi ko. I pretended that I didn't hear that. O inisip na hindi para
sa akin iyon.

Bumalik na si Johnny sa lamesa niya at tumungo na rin kami ni Bobby sa lamesa


namin. I glanced at Alvaro's way and I noticed his paper bag.

Diretso ang tingin nito at diretso rin ang lakad paalis ng cafe. Sinundan ko siya
bahagya ng tingin pagkalabas at nakita kong pumasok na siya sa sasakyan niya.

"Pasensiya na. Irita lang talaga ako sa ex mong 'yan," ani Bobby.

I know I have to talk to him but my eyes were busy watching Alvaro's car go. Umalis
na nga siya.
"Yohan?" si Bobby.

I sighed and faced him this time.

"Bobby, huwag ka namang ganyan. Hindi na tayo at kung may mamagitan man sa amin ni
Johnny, wala ka na do'n."

"Why is he given a chance then, and not me, Yohan?"

Now I truly regret some of my life decisions, specifically concerning boys.

"I am not giving Johnny a chance. Narinig mo ang sinabi niya? May girlfriend na
siya. And if I did, why are you asking that? It's my choice, not yours. Wala kang
pakialam kung siya ang bibigyan ko at hindi ikaw."

Kunot noo niya akong tiningnan.

"You know what, we already cleared things up. We can be friends but if you continue
to be like this to me, I don't think we should be!"

"Alright, alright! I'm sorry, okay? Alam mo namang mainitin ang ulo ko at niyakap
ka pa niya."

"Hindi sapat na rason 'yan."

"Matagal na tayong wala pero alam mo naman ang nararamdaman ko para sa'yo, 'di ba?
Kaya bigyan mo nalang ako ng panahon na makalimot."

I hate that he could even get my sympathy at this point. Gusto ko na rin sanang
umalis at hayaan siya pero dahil sa sinabi niya, parang nagi-guilty ako.

"I promise, I won't do it again. Maghahanap na rin ako ng ibang babae para
matigilan ka na," ngumisi siya.

"Mabuti pa nga," I encouraged.

He tried to tolerate Johnny around. Gumaan na rin naman si Bobby pagkatapos noon
pero hindi ko mapigilan ang pagtingin sa cellphone ko. Other than Noel's message,
there was none.

Nakababa na ang order namin nang bumati ulit ang manager ng cafe na siyang umagaw
sa atensiyon ko.

"Magandang gabi, Captain!" pabiro nitong sinabi kaya napalingon ako sa likod.

It was Alvaro. He chose a seat for two on the corner.

Nilapitan agad siya ng manager at binigyan ng menu.

Hindi na siya naka uniporme at bagong ligo na. Nagkatinginan kami.

"Dito ka maghahapunan?"

Binalik ko ang tingin kay Bobby.

"Oo, ate Soling."

"Kaya pala bumalik!" sabay tawa ng manager.


Nagpatuloy ang usapan namin ni Bobby. Lalo na dahil bumili pa siya ng desserts at
kape dahil tutulak daw siya pa Bacolod ngayon. I let him buy us that because I
think it's polite to join him. Aalis na rin naman siya.

Tumayo si Johnny at mukhang mauuna pang umalis sa aming dalawa.

I looked at Bobby warningly. He sighed and nodded. Tumayo ako at kinausap saglit si
Johnny. Natagalan kami ng kaunti dahil sa kuwentuhan kaya iritado ulit si Bobby
nang bumalik ako sa lamesa.

"I already told you, Bobby."

"Wala naman akong sinabi, Yohan," aniya at galing sa baba ay inangat niya ang isang
paper bag.

Ngumuso ako nang nakita ang tatak nitong Louis Vuitton.

"Pasalubong ko sa'yo."

"Bobby, hindi ka na dapat pa nag-abala. Ibigay mo na lang ito sa ide-date mo."

"Are you kidding me? You seriously want me to give that to my next girlfriend,
instead?"

"Hindi ko naman kasi kailangan 'to."

"Kung may susunod na akong girlfriend, Yohan. Hindi ko bibigyan ng bagay na para
dapat sa'yo. That would be unfair!"

I slowly smiled when I realized what he meant. Ayaw ko naman talaga sanang
tanggapin pero tama siya. At gusto kong suportahan siya roon.

I admit it. Overall, we had a good time.

"Ah may order ka pa nga pala," Bobby realized.

Natagalan kami sa pag-uusap dahil na kuwento ko ang tungkol sa nangyaring insidente


sa azucarera. I took that opportunity to buy some desserts para bukas sa shelter.

"Hindi, sige. Malayo pa ang biyahe mo. Ihatid na kita sa labas. Balikan ko na lang
ang order ko tapos uuwi na ako. Malapit lang ang amin dito," sabi ko.

He agreed. I let him pay for us.

Naroon pa si Alvaro. I noticed he's now drinking black coffee too. Nagkatinginan
kami. I don't know how to react so I just continued with my interaction with Bobby.

"Salamat dito, Bobby," sabi ko nang nakalabas na kami at nasa gilid na ako ng
sasakyan ko.

Tumigil pa siya. Hindi pa pumasok sa sasakyan niya at saglit pa kaming nag-usap


bago siya tuluyang umikot.

I watched his car go, the paperbag is on my hand. Inisip kong ilalagay ko na lang
muna 'to sa sasakyan nang natanaw ko si Alvaro sa tabi naman ng sasakyan niya sa
harap.

My heart suddenly pounded. His eyes drifted on my paper bag before he spoke.
"Hi... Going home?"

I suddenly felt a little guilty.

"Ah. Babalik pa ako sa loob. May order pa ako."

I clicked my car keys and put the paper bag inside. Tumunog din ang sasakyan ni
Alvaro at may kinuha siya sa loob.

Pagsarado ko ng pinto, may dala na siyang brown paper bag na inilahad sa akin. He
smiled without the teeth.

"Bumili ako ng snacks ninyo para sa shelter kanina. Galing pang trabaho, kaya
nakalimutan kong itext ka."

Inilahad niya ang paperbag sa akin. I smiled and my heart suddenly felt heavy.

"Hinatid ko na lang ang para sa staff mo tapos dinala ko pabalik dito ito."

"Salamat." Tinanggap ko ng walang pag-aalinlangan ang bigay niya.

He chuckled. I watched him nervously. My heart hammering on my chest.

"Dami kong karibal, ah?" he said it very lightly and smiling.

"Ah, hindi ko manliligaw si Bobby. Ex ko siya."

Nagulat siya. His lips pursed.

"Nakikipagbalikan?"

"Uh, we agreed to be just friends."

"At 'yong isa?" he sounded teasing but it was too dark to see his eyes.

I swallowed hard.

"Ah, may girlfriend na 'yon."

"But... you like him?"

Umiling ako. "He's also my ex."

He nodded like he knew it. Ngumuso ako.

"Mukhng gusto ka pa."

"May girlfriend na naman siya."

Tumango siya. Nagtaas ako ng kilay.

"Bakit? Kapag ikaw ba may girlfriend, babalikan mo pa ang ex mo?"

He chuckled and shook his head. "Hindi, Yohan."

Naisip ko bigla ang sinabi ni Soren tungkol sa kanila ni Margaux. Pinabulaanan niya
na ito pero hindi ko napigilan.
"Ikaw nga, mukhang may kung ano sa inyo ni Margaux, pero nanliligaw ka sa akin."

His jaw dropped. Nakabawi rin naman agad. He licked his lips and shook his head,
seryoso na bigla ngayon.

"Wala, Yohan. Ni hindi ko alam na madalas siya sa bahay noong nakaraang linggo
dahil sa kampo ako naglalagi. At nitong umuwi ako para kay Kuring at sa bagong
pusa..."

I dropped my eyes, slightly noticing his explanation.

"Sinabi ko na kina Mama na may offer kang tutulong sa pagsisimula ng farming


namin."

Nagtaas ako ng kilay sa kanya. "May ibibigay lang akong libro, Alvaro."

"Oo, pero hindi na naman kailangan na makipag-usap sila kay Margaux."

He then smiled and chuckled.

"Mahirap na, akalain pa ng nililigawan ko na may gusto akong iba."

I almost choked on my own saliva. I cleared my throat to distract myself.

"Wala akong ibang nililigawan, Yohan. Ikaw lang."

"Okay," I tried hard to sound cold.

I don't need this crazy hammering heart right now. Napatingin ako sa kanya,
nakangiti siya, maamong maamo ang mukha.

"Alam kong mahirap paniwalaan, ayaw ko rin namang magpabango sa'yo, pero lalong
ayaw kong mali ang isipin mo."

Suminghap ako, hindi na alam anong sasabihin sa kanya. I am not sure now if this is
his playboy soul talking or this is true.

"K-Kukunin ko lang ang order ko sa loob," palusot ko.

"Samahan na kita."

Tatanggihan ko sana pero nahihirapan na akong magsalita kaya hinayaan ko na.


Malapad agad ang ngisi ng manager nang nakita kaming magkasunod na pumasok.

Tinanggap ko na ang order ko. Ginawa kong snack kaninang umaga ang macaroons na
order ni Alvaro sa akin kahapon. At iyong egg pie na ibinigay niya ngayon, baka
ganoon din ang gawin ko bukas. At itong binili ko... para sa staff ko na nga lang.

Lumabas na kami. Tahimik dahil kinakabahan talaga ako.

"Uh... may gagawin ka ba sa weekend?"

Nilingon ko siya. "Wala naman."

He smiled again. "Can we date, then? Kahit dinner lang?"

Ngumuso siya, pinipigilan yata ang ngiti.

"Wala muna si Kuring. Ako lang muna."


I feel like I'm slowly melting. Isinaksak ko sa isipan ko ang gustong sabihin sa
kanya at nagpasyang pagbibigyan siya... at iyon ay para lang sabihin na sa kanya
ang totoo.

Pero bakit parang kinakabahan ako? Bakit parang mahihimatay ako ngayon tuwing
naiisip ko iyon?

"Okay. Saturday. Uh... hindi ba may meeting o reunion ulit kayo niyan? Iyong sa mga
del Real?"

"Hapon naman 'yon."

Natigilan ako dahil inisip na... hindi ba siya gagabihin no'n?

"Hindi ba kayo... mag-iinuman?"

"Hindi, ayos lang. Maiintindihan naman nila iyon. Sa gabi sana... uh... tayong
dalawa."

"Okay. Sa Bistro..." I said.

"Okay..."

"Sigurado ka bang hindi mo is-schedule sa ibang araw?"

"Busy kami bukas, e. At... kailan ka ba puwede?"

"Okay ako sa Sabado pero ikaw ang inaalala ko."

He chuckled. "Ako dapat ang mag adjust sa schedule mo, Yohan. Ako ang nanliligaw at
naghahabol kaya... kung puwede ka sa Sabado, kahit hindi na ako pumunta sa
meeting."

I want to say something but I feel like the words got stuck on my throat.

To know what I'm going to say to him that day suddenly makes me feel so guilty.
Tama kaya iyon? Pero kung patatagalin ko pa, at dadami pa ang dates namin, nag-
aaksaya lang siya ng panahon. Mas lalo namang masama iyon.

He chuckled nervously. "Hindi ko na paabutin ng next week ang first date natin. Ang
bibilis ng iba... baka... maunahan."

Sinimangutan ko siya. "Wala naman 'yon, Alvaro. Sige, sa Sabado. Pumunta ka pa rin
sa meeting n'yo at kapag nagbago ang isip mo, i-text mo na lang ako."

Tumango siya. "At... mamaya rin kapag nakauwi ka na. Puwedeng i-text din kita?"

I gritted my teeth. Naningkit ang mga mata ko habang naririnig ang mga diskarte
niya.

"Huwag ka na lang magreply kung busy ka. Okay lang naman..." he flashed another
smile.

I suddenly felt hurt seeing his smile. I know what I'm going to do on Saturday but
I am gonna do it politely.

🌺🌺🌺
KABANATA 29
WAIT

Hindi ako makatulog. I dread for the weekend to come. Hindi ko alam kung tama ba
ang gagawin ko.

Alvaro:

I'm home. Good night!

Hindi ko na ni-reply-an. Mas lalo lang akong maguguluhan.

Gusto kong isipin na pinoprotektahan ko lang ang puso ko. Na maraming taon na ang
nagdaan at hindi ko alam kung nakilala ko na ba siya noon, o kilala ko na ba siya
ngayon? Hindi pa rin. Iyon ang totoo.

Wala pa rin akong tiwala sa kanya. Pakiramdam ko, sasaktan niya ako. I don't want
to go through that pain again. It will break me this time. I am not giving him a
chance to hurt me.

He is a playboy. Iyon ang pagkakakilala ko sa kanya at kung iyon ang pagbabasehan


ko ngayon, dapat nga na sabihin ko na sa kanya ang totoo. Na huwag na siyang umasa.

Hindi ko na rin kayang patagalin pa kung gusto niyang kilalanin ko pa siya.


Pakiramdam ko, kaunting kaunti na lang... mahuhulog na ako ng tuluyan sa kanila.
Aria's voice inside my head echoed. Dinagdagan ko na lang iyon ng kasiguraduhang
pag-ayaw ng mga magulang niya.

If my dad were alive and he wouldn't agree with my boyfriend, I'd push him away in
a heartbeat. Or... I don't know...

Mabilis na nagdaan ang mga araw lalo na't hinihintay at kabado ako. Ganoon talaga
yata. Saturday came and I was shocked to see Noel.

Nakalimutan ko at hindi niya rin naman pinaalala na bibisita nga pala siya!

It was lunch time when he visited but I hoped he'd go home before dinner so I could
be with Alvaro. Masaya pa rin naman siyang kasama kahit paano pero dahil abala si
Aria, mas kaming dalawa ang nag-uusap.

"Birthday," paliwanag niya nang tinanong ko kung anong celebration kina Margaux.

"Oh? Tapos nandito ka?"

"Aabutin pa 'yon bukas, Yohan. Inaabangan nga nila kasi may ipapakilala yatang
boyfriend si Margaux. Sundalo raw, e."

Napakurapkurap ako. I suddenly wonder if Alvaro will go to Margaux's house for


that. Kinlaro niya na naman ng ilang beses pero siguro nga hindi pa rin ako
nagtitiwala sa kanya.

I smiled bitterly at Noel. "Talaga?"

"Oo. Gustong-gusto nga nina Tita kasi nga malaki na raw posisyon at may mga
properties na raw. Iyon ang usap-usapan."

Natahimik ako. I don't know which one to believe now.

Baka naman hindi pupunta si Alvaro sa meeting dahil dadalo kina Margaux?
"Kailan daw ba kasi dadalhin ni Margaux?" I tried to sound lighter to hide my
feelings.

"Mamayang gabi."

Pero magkikita kami, hindi ba? So he won't come to see me? Sa Bistro? He texted me
this morning, though.

Alvaro:

Good morning! See you later.

Hapon na at naghahanda na ako ng kaunti. Hindi ko nga lang maiwan-iwan si Noel lalo
na't abala si Aria kaya nahihirapan akong tumiyempo.

"Sa mga del Real kami ngayon," ani Aria.

"Huh? Pupunta ka pala? Kanina pa 'yon, ah?" I said after sipping on my coffee.

Dahil nakisali na si Aria at nandito na si Romulo, aakyat na ako para makapag-ayos


at makapagbihis.

"Oo pero tinuruan pa ni Romulo si Ria sa piano kaya magpapahuli kami."

"Dadalhin n'yo si Ria?"

"Hindi na. Kami lang ni Romulo."

I nodded and stood. Napatingala si Aria sa akin.

"Magbibihis muna ako."

"Huh? Saan ka?"

"May lalakarin ako mamayang gabi."

Tumawa si Noel. "Oh? Uuwi na pala ako nito!"

Uminit ang pisngi ko. "I-I didn't mean to..."

"Hindi na, sige lang. Para rin makasali ako sa family dinner namin."

Tumawa si Aria. "Pinapalayas ka na, Noel."

I really didn't mean that, though. Pero iniisip ko naman kasing aalis na rin si
Noel dahil narinig niyang aalis sina Aria at Romulo.

I took so much time getting ready. Kinabahan tuloy ako nang kinatok na ako ni Aria
dahil lumulubog na ang araw at nag-aayos pa ako.

"Yohan?! Aalis na kami. Ikaw?!"

"Ah. Susunod na!"

Nagmadali agad ako. I'm wearing a pink checkered casual dress now. Inilagay ko ang
bag sa balikat at lumabas na ako.

Sinipat agad ako ni Aria. Kinabahan ako na baka magtanong siya pero inignora niya
na lang ako at bumaba na.

Naglalaro ng videogames si Romulo at Noel pagkababa ko. Nagpasya akong lumabas para
i-check ang sasakyang gagamitin.

Naroon na sa rotunda ang sasakyan, nakahanda. Ang Mazda iyon dahil hindi ko pa rin
magamit ang BMW. My heart pounded when the realization dawned on me. Nilagay ko ang
purse ko at sinarado na ang sasakyan.

Pagkabalik ko sa loob, nagulat na ako kasi nagkakagulo na si Aria at ang mga


kasambahay namin.

"Anong nangyari?"

Noel is moaning because of his feet or something. May iniinda siya sa paa niya at
pinapaupo siya. Naghanap si Romulo ng compress.

"Anong nangyari?" ulit ko.

"Nanalo kaya ang sayang tumalon. Na strain yata ang paa."

Noel cried. It seems like it hurt so much. Kaunting galaw lang ni Romulo doon ay
sumisigaw na siya. He was serious and very red. Mukhang sobrang sakit nga.

Lumapit ako at hindi alam paano hahawakan si Noel. Nakita ko na unti-unting namuo
ang bukol sa kanyang paa. Namumula ito at kaunting galaw niya lang, sumisigaw na sa
sakit.

"Magtawag kaya tayo ng ambulance?" si Aria.

"This is just minor," si Romulo.

"Oo nga, huwag na! Nagkaganito na rin ako noon, e. Ang sakit nga lang!" si Noel na
namamawis sa sobrang sakit ng nararamdaman.

I didn't know what to do. Hindi ko rin namalayan na nakapag-aksaya na kami ng


panahon. Saka ko lang napansin nang nagtanong na si Noel.

"Hindi ba may pupuntahan kayo? Iyong meeting?" aniya kay Aria.

"Oo pero ayos lang."

"Importante iyon, hindi ba? Pumunta na kayo."

Matagal na tumitig si Aria kay Noel bago siya bumaling sa akin.

"Importante ba ang lakad mo?"

I shook my head immediately but I was kind of nervous.

"Huwag ka na lang umalis. Aalis kami ni Romulo tas dadaan kami ng ospital-"

"Huwag na. Pakisabi na lang kay Margaux o kung matawagan n'yo man siya na
magpapakuha ako rito. Maghihintay na lang ako na kunin nila ako rito."

"Talaga?"

Hindi na ako makapag-isip ng maayos kaya pumayag na ako sa plano ni Aria.


"Magtatawag kami kina Margaux. Samahan mo na lang muna si Noel dito habang wala pa
ang sundo niya, okay?"

"Okay."

Nagmamadali nang umalis si Aria at Romulo na may tinatawagan. Ang mga kasamabahay
ay patuloy sa pagbibigay ng compres. Naupo ako at sinamahan muna si Noel.

"Nasobrahan na sa tuwa, ayan tuloy..." biro niya sa sarili.

I smiled sadly. "Mag-ingat ka na talaga next time."

He then looked at me. Bumagsak ang mga mata ko sa paa niyang namumula at malaki na
ang bukol.

"Uuwi pa yata akong Bacolod na ganito! Ang malas naman!"

I smiled sadly when I realized I didn't know what to tell him. Suminghap siya.

"Tingnan ko nga kung kaya kong maglakad. Lipat ako sa kabilang sofa," he said.

Tumayo siya at ininda agad ang sakit. Lumapit ako at sinubukan siyang paupuin pero
aniya'y kakayanin niya.

"Dito ka na, Noel," pilit ko dahil nasasaktan na siya.

"Doon na ako sa sofa. Baka matagalan pa ang sundo ko, at least maglaro na lang muna
tayo ng video game!"

Tinulungan ko siya pero hirap na hirap kaming dalawa.

"Para hindi tayo ma bored sa paghihintay."

We successfully transfered him on the sofa where he was originally seated. Matagal
bago ko naisip si Alvaro. We were already trying to play a game when I stood and
decided to get my purse. Para naman makapag text ako kay Alvaro.

Pagkalabas ko, wala na roon ang sasakyan!

Nagtawag pa ako ng tauhan para magtanong kung nasaan ang Mazda at sinabi ng mga ito
na si Aria daw ang nagdrive kanina kasi may katawagan si Romulo kaya iyon na ang
dinala nila!

"My purse is in it!" I said frustratingly.

Na guilty pa ako dahil iniwan ko saglit si Noel para makapunta sa taas at maka log
in sa social media accounts. I messaged Alvaro that I might be running late.

Nagtagal ako ng kaunti at hinintay na mabasa niya man lang kaso hindi siya online.
Bumagabag iyon sa isip ko pero naguilty at bumaba na para samahan si Noel.

Inisip kong baka naroon na rin naman sina Margaux pero wala! Mag-isa pa rin si
Noel.

I feel guilty that I'm bothered by this. He's injured and the least I could do is
accompany him pero ibang bagay pa ang inisip ko. Alin ba ang mas importante? Ito o
'yong date kay Alvaro?

Puwede namang ipagpaliban iyon, e.


Nagtagal pa lalo. Hindi na ako mapakali.

"Nagpapatalo ka yata, e!" si Noel nang nakatatlong laro na kami at puro ako talo.

"Hindi kasi talaga ako marunong."

"I'll go easy on you then. Let's see..." he smirked.

But my mind is really just elsewhere. Kumain na rin kami ng hapunan sa sala dahil
nahihirapan na talagang gumalaw si Noel.

It was already eight when I decided to just let it go. Nahihirapan ako pero gabing
gabi na.

Umakyat ako para mag message ulit kay Alvaro kaso wala siyang reply! Hindi rin niya
nakita ang message ko.

Ako:

Puwedeng next time na lang? Sorry may emergency ako.

I waited again for his reply but it didn't come. Bumaba na ako at wala pa rin ang
sundo ni Noel. Masaya pa rin naman siya sa video games kaya hindi niya yata
namalayan ang oras.

"Noel, i-text kaya natin sina Aria? O ikaw na ang mag text kay Margaux?"

"Na text ko na kanina. Hindi pa nagrereply, e. Baka abala sa boyfriend niya."

Baka mamaya nakauwi na sina Aria, wala pa rin ang sundo ni Noel?! I have already
given up but this is just...

I sighed. Kung iisipin ko, wala pa rin namang mangyayari. I lost all hope. Umuwi na
sina Aria ng alas nuebe y media at wala pa rin ang sundo ni Noel.

"Nariyan na si Margaux sa labas kasama ang ilang pinsan para sunduin si Noel," si
Aria.

I nodded with relief.

"Naiwan ko ang purse ko sa Mazda," paliwanag ko.

Ibinigay niya agad ang susi. "Oo. Nagmamadali ako kanina, e. Narinig ko nga may
tumutunog."

Hindi na ako nag-alinlangan. Lumabas na ako para kunin ang cellphone. Palabas ako
nang nakasalubong ko sina Margaux. Bumati ang iilang pinsan niya sa akin at
nagtanong kung nasa loob ba si Noel.

"Oo. Pasok kayo."

Margaux smiled at me but she didn't stalk them. Tumigil siya sa harapan ko. Binati
ko siya at iniisip na dumiretso sa sasakyan pero nagsalita siya.

"Kayo pala ni Noel, ah? Kayo ang magkasama ngayon."

"Ah. Sinamahan ko lang siya kasi... na sprain ang paa. Uuwi na sana siya kanina,
e."
"Bagay kayo. Boboto ako sa'yo, kung manligaw siya."

Umiling ako. "Magkaibigan lang kami, Margaux."

She smirked and her eyes sharpened.  "Mabait 'yang pinsan ko."

"Oo. Mabait si Noel, pero magkaibigan lang kami, Margaux."

Napawi ng kaunti ang ngiti niya.

"So sinong boyfriend mo ngayon?" humalukipkip siya.

"Wala naman."

Nagtaas siya ng kilay. "Pero manliligaw, marami?"

"Uh... wala naman din..." nag-iwas ako ng tingin.

"Nasabi nga ni Alvaro na naaawa raw siya sa'yo kasi... lonely ka pa rin daw
hanggang ngayon."

My eyes returned to her but it was too late. Nangingiti na niyang sinalubong si
Noel na ngayon ay inaakay ng mga pinsan nila.

"Alis na kami, Yohan. Thanks for taking care of Noel."

"Bye, Yohan! Thank you! Sana umokay na ako para makabisita ulit," si Noel na
pumasok na rin sa sasakyan.

Sinundan ko ng tingin ang sasakyan nina Margaux bago ako nagpatuloy sa gagawin. My
mind is very confused as I reached out for my purse.

So Alvaro didn't really go to our date? He was withy Margaux? O noon bang naisip
niyang hindi ako sisipot, sumama na siya kay Margaux.

I checked my phone and there were messages and some calls from Alvaro. Nakapagreply
na rin siya sa chat at mukhang kababasa niya lang!

My heart immediately raced as I read his texts first.

Alvaro:

Pupunta ka pa ba?

Alvaro:

Nasa Bistro na ako, Yohan. See you. I'll wait.

Alvaro:

Running late? I'll wait.

Alvaro:

Busy?

Sa chat naman, binasa ko na ang reply niya.


Alvaro: Sorry, I didn't notice this. It's alright. Next time?

Doon ko natanto na masyado naman yata akong makasarili kung patatagalin pa 'to.
Alam ko kung ano ang sasabihin ko sa kanya sa gabing ito. Pinaghintay ko siya at
hindi sinipot. I won't even give him a pleasant answer and yet here I am asking him
to postpone it and do this date another day?

I will make him wait?

Ako: Sorry. Iyong cellphone ko kasi, naiwan ko sa sasakyan. Dinala ni Aria ang
sasakyan kanina. Are you still there?

Then I remember Margaux's words. Of course, he isn't! He's at home now!

Ako: Or uh... where are you now?

Alvaro: Yes, I'm still here. Pero uuwi na rin ako mayamaya.

Alvaro: Bistro.

Ako: Pupuntahan kita. I'm really sorry.

Alvaro: Alright. Kumain ka na ba? I'll order para pagdating mo, may pagkain na.

I shut my eyes tightly knowing that I am going to break his heart. He waited. He
didn't eat his dinner hoping I'd show up!

Sising sisi ako. Gusto kong umiyak.

Nanginginig akong pumasok sa sasakyan at pinaandar ito. I feel cold and detached
with myself. It was as if I know I'm doing something wrong and I didn't want to be
responsible for it.

Let's face it. I don't trust him. I think he likes Margaux. I think he's just
trying to win me because he remembers that I like him.

His parents like Margaux. They don't like me because I'm a Valiente. Hindi ko alam
kung pumunta ba siya kina Margaux pero kung hindi, hindi rin naman ibig sabihin
noon na mali ako. And now, it seems like Margaux likes him, too.

I don't trust him. I don't want to prolong this. I need to say no now and be clear.
I don't want to be unfair to him or to myself.

Lumabas ako sa sasakyan at natanaw ang Bistro. Nagulat ako dahil medyo puno iyon at
kinabahan nang nakita na may iilang kakilala kaming naroon.

These were his friends! Mga kasama nina Aria sa mga del Real na dito na siguro nag-
inuman pagkatapos ng meeting nila. Alvaro was outside, alone, in a table for two.
Nasa loob ang mga kaibigan niya pero alam kong nakita na nila si Alvaro.

My mouth dropped when I realized that there was a flower on the table, too. At
kalalapag lang ng waiter sa in-order na pagkain. Lalo akong kinabahan pero
tinatagan ko ang loob ko. Sigurado ako sa gagawin ko.

🌺🌺🌺
KABANATA 30
PRINCIPLES
"Hi," he stood when I neared.

I swallowed hard and sat across him. He smiled. Naupo rin siya tulad ko.

Nanunuyo ang lalamunan ko. Naroon na ang pagkain at kahit kumain na naman talaga
ako, nagpa-order pa rin ako para sabayan siya. I know what I'm going to do tonight
and I know what I've done. The least I could do is be polite.

"Kumain muna tayo," sabi ko, napapaos ang boses.

"Alright," he chuckled but didn't say anything anymore.

Pinagmasdan ko ang pinggan niya nang nagsimula na siyang kumain. Pareho kami ng
order dahil iyon ang sinabi ko sa messages. Nagsimula na rin akong kumain ng
paunti-unti pero inom ako nang inom ng tubig dahil sa kaba.

"Pasensiya na nga pala, sobrang late ko. At sinubukan ko pang mag cancel kasi may
emergency sa bahay."

"It's okay. Hindi ko lang din nabasa agad ang messages mo. Kaya late ko na
nalaman."

Pinilit kong kumain. Panay ang sulyap ko sa loob. Hindi na sumama sina Aria at
Romulo, abala rin sa kasiyahan ang mga kaibigan kaya hindi na kami gaanong napansin
dito sa labas.

"Para sa'yo nga pala," he said.

Hinawakan niya ang bulaklak sa tabi ng lamesa namin. I smiled and held it.

"Thank you," hindi nakatakas ang lungkot sa akin habang tinitingnan ang mga
bulaklak.

I liked Alvaro ever since. He wasn't exactly kind to me until Kuring came between
us. Sumagi na rin naman sa isipan ko na siguro, nasagad na ang awa niya sa akin. I
was bullied as a child and when my father died, I was bullied more. Hindi ako
maganda at isa pa iyon sa inaasar sa akin.

I didn't feel his pity in the way he treated me but I couldn't help but think about
it. Kasi... bakit nga naman? Pangit ako at bata pa, tapos Valiente pa... bakit siya
mabait sa akin? He treated me the same way he treated his friends. He joked around
me and he always made me laugh.

Pero alam ko na naaawa lang siya sa akin noon. At napatunayan ko nga iyon nang
narinig ko ang mga sagot niya sa araw na iyon.

I did my best to forget about him. I tried my best to overcome my insecurities and
struggles and I did... for years. Pero nitong nakaraan, nang nagbalik siya parang
unti-unti kong naaalala ang mga iyon. He reminded me of my many insecurities that I
thought I've already buried.

I'm scared. I didn't want to be in that place again. At paano naman kung tama nga
ang hinala ng iba? Paano naman kung playboy nga talaga siya, hanggang ngayon? Paano
ako babangon pa kung masaktan niya ako ng lubusan?

I struggled to build these walls and a new image for myself. To try and risk it is
something that I couldn't do. I won't allow myself.

I would rather hurt and reject him, and live with it, rather than risk.
My relationships in the past were hardly a risk to me. I wasn't invested that's why
I didn't care if it ends. Ngayon, kay Alvaro... alam ko anong mayroon sa puso ko
para sa kanya.

"Uh... there's something I want to tell you."

His attentive eyes were drawn to me. Tapos na kaming kumain at ang dessert ay nasa
hapag na. Hindi ko naubos ang pagkain ko dahil wala na rin naman talagang gana.

"Sure, Yohan. What is it?"

I sighed and clearly uttered.

"Ayaw ko nang tumuloy ka sa panliligaw mo sa akin."

Naghari ang katahimikan sa amin. Kumunot ang noo niya at pabirong ngumiti.

"Basted ba ako? Ang bilis, ah?"

"Oo," seryoso kong sinabi.

His eyes dropped. Wala na ang ngiti sa labi. He licked his lips. Nagtagal anng
tingin niya sa pinggan. My heart hammered when I realized that he's thinking
deeply.

Inangat niya ang tingin sa akin at kinabahan ako. His serious face is really
something that is new to me. Something that I've never met.

"I really didn't want to court you yet because I think we should both know each
other more. Kaya lang habang nagtatagal, ayaw kong nagtataka ka sa mga ginagawa ko.
At ayaw kong aminin pero, siguro kinabahan ako dahil... marami ka ring manliligaw."

He smiled at the end of the sentence. Bumagsak ulit ang mga mata niya, natahimik
siya bago inangat muli ang tingin sa akin.

"I think we still need to know each other more. I've known you for a long time but
we've been apart for years. Pakiramdam ko marami pa akong hindi alam sa'yo pero isa
lang ang sigurado ko. Gusto kita. And I really hope you'd give us both a chance to
try but..."

Yumuko ako. My heart hurt so much.

"If you don't want me pursuing you, Yohan. Hindi kita pipilitin."

I looked at him. His gaze lowered. His eyes has darkened like there was a curtain
covering whatever expression there is on them. Binaba ko ang kamay kong nakahawak
sa nakalapag na bulaklak.

"Iyon ba ang pinunta mo kaya kahit na late na, sinipot mo pa rin ako?"

Dahan-dahan akong tumango. Parang tinarakan ng punyal ang puso ko. I am thinking of
going now. Going home. Leaving him here because I didn't know what else to say.

"Would you please tell me what's on your mind?"

"Iyon lang naman, Alvaro."

"Basted ako kasi hindi mo ako gusto? At may iba bang dahilan iyon? Is it...
Margaux? Or... because I'm..."

"I have many reasons."

"Hindi kami ni Margaux. Gaya ng sabi ko, nagpatulong lang si Mama at Papa sa kanya.
At ngayon naman, tumigil na dahil napagsabihan ko na."

Hindi na ako nagsalita. Hinawakan ko ang dalang bag at gusto nang umalis. Hindi ko
na kayang manatili rito.

"I'd like to know your reasons but if you're not up for telling me then can I at
least tell you my feelings?"

Kumunot ang noo ko. Nanatili ang pagyuko ko at nanlalabo na ang mga mata dahil sa
nagbabadyang mga luha.

"Gusto ko lang sabihin na gusto kita. Hindi ko alam kung kailan nagsimula... hindi
rin naman nitong nakaraan lang na nagkita tayo ulit. I guess it was in the middle
of my trainings."

Kumunot ang noo ko, hindi alam kung ano ang sinasabi niya. My heart pounded,
though. Para bang hindi alam ng isipan ko, pero pamilyar na pamilyar ang puso ko.

"Your face flashed on my mind every now and then."

I closed my eyes, feeling the burning feeling in my heart as I listened to his


words.

"I see your face when I'm in danger. Maybe because whenever I think about you, I
always feel home. That I miss and love so much. It reminds me of the days when life
wasn't that hard, days when I felt safe. I always find comfort in that."

He sighed.

"Kaya hindi ko talaga alam kung kailan at paano nagsimula. I fell for you very
deeply, Yohan."

I opened my eyes, trying to be brave. "Maybe it's just on your mind, Alvaro. Hindi
mo naman talaga ako mahal. It's just the thought of me... and home."

"I came back here to check if I really do. Alam mo na siguro ang sagot, kaya nga
ako nanliligaw, hindi ba?"

I gritted my teeth. Hindi na ako muling nagsalita.

"Hindi ako nagkaroon ng girlfriend ulit nang pumasok sa PMA at nagtapos para
magsundalo. Mahirap, e. You dominated my mind most of the time, relationships would
only be useless."

Iyon na yata ang pinaka hindi ko nakayanan. Tumayo ako dahil alam kung kaunti na
lang, aatras na talaga ako sa nagawa.

"Aalis na ako," my voice broke.

"Ihahatid na kita," si Alvaro na sinubukan pang tumayo.

I ran. I didn't have the guts to stay for long. My tears fell and I couldn't let
him do any more things for me after that.
Pinaandar ko kaagad ang sasakyan. Iniwan ko na ang bulaklak at dahil hindi pa siya
nakapagbayad, naantala siya sa waiter. I took that opportunity to go and leave.

Dire-diretso ang takbo ko sa hagdanan pagkauwi sa bahay. At nang pumasok sa


kuwarto, sinarado ko kaagad ang pintuan.

Bumagsak ako sa kama at hinayaan ang mga luhang umagos sa psingi ko.

Tama naman ang ginawa ko, hindi ba? I don't trust him. Sino ba ang pumapasok sa
isang relasyon ng walang tiwala sa magiging boyfriend?

I am particular of this because unlike my past relationships, I know that being


with Alvaro is not a joke to me.

Tama naman ang ginawa ko pero bakit ang sakit? Or maybe, the right things cost a
lot. The right things, hurt.

But I thought taking risks hurt and being a coward doesn't? Akala ko ba makakatakbo
ako sa ganitong klaseng sakit kung iiwasan ko siya at pipigilan ko ang nararamdamn
ko pero bakit wala pa man, ganito na?

I'd like to think that this is only a smaller price to pay than the pain I will
deal with if I pushed through it. If I have given him a chance, I know that I would
give in eventually.

Hindi ako makatulog sa kaiiyak at sa paulit-ulit na mga salita niya sa aking


isipan. Even the next day, I only had my breakfast and lunch send on my room
because I couldn't go out. I'm not feeling well.

Umalis sina Aria kasama ang pamilya para sa usual Sunday nila. Nagkulong naman ako
sa kuwarto at sinigurado na mamayang gabi, sa dinner namin, hindi na gaanong halata
ang mga mata ko.

I tried to go on with my day even when I tear up everytime I remember his words. At
sa huli, para hindi na ako maapektuhan, itinago ko sa isipan ko ang lahat ng iyon.

Maayos na ako pagdating ng hapunan. I was positive that Aria didn't notice anything
wrong with me. Nagpasya na rin akong hindi ko na ikukuwento sa kanya ang tungkol
doon. Hindi niya naman din alam na nanliligaw si Alvaro kaya bakit kailangan ko
pang sabihin na binasted ko siya.

"Kumusta iyong pinapabasa ko sa'yo? Matutulungan mo kaya, Yohan?" si Tita na may


pag-aalala.

"Oo naman po."

"Baka kailanganin mong puntahan? Gusto mo ba?"

"Titingnan ko pa po. Sa ngayon, kaya naman daw pong magbigay na lang muna ako ng
mga advice."

Aria wouldn't stop staring at me. Natapos na lang ang usapan namin ni Tita ay
nakatitig pa rin siya. Nagtaas lang ako ng kilay.

"May nasagap akong tsismis," sabay ngisi niya.

"Na ano?" I asked without thinking so much about it.

"Binasted mo raw si Captain Santander?" Lumapad lalo ang ngisi niya. "Totoo ba?"
Nanlaki ang mga mata kong tumingin sa kanya! Hindi niya alam na nanliligaw si
Alvaro sa akin kaya paano niya nasabi iyon? At sino naman ang puwedeng magsabi sa
kanya?

"Si? Alvaro Santander ba?" si Tita na nalito agad.

"Nanliligaw pala iyon sa'yo, Yohan?" si Tito Clavio na minsan lang makisali.

"Ah... Uhm..." hindi pa ako nakakasagot, inunahan na ako ni Aria.

"Hindi na kami sumama kagabi sa Bistro pero na kuwento nina Levi na umalis ka nga
raw. May pabulaklak pa raw at hindi mo yata tinanggap!"

"Huh?!"

"Hindi naman kinumpirma ni Alvaro nang tinanong pero usap-usapan na dahil sa ayos
n'yong dalawa kagabi. Ano? Binasted mo talaga?"

Hindi na ako makahinga. I didn't expect this!

"Iyon din ang usapan nina Julius kanina. Hindi naman daw rin kinumpirma ni Alvaro
pero nang-usisa sila sa iba."

"Totoo ba, hija?" si Tita.

"Mukha namang mabait iyong si Alvaro. O... ano sa tingin mo, Aria?"

"Mabait po ang kaibigan ko, Dad," mayabang na sinabi ni Aria.

Kumunot ang noo ko, hindi makapaniwala na ganyan na ang sasabihin niya ngayon.
Natanaw ako ni Aria at ngumisi siya.

"Pero babaero iyon dati."

"Kagandang lalaki naman kasi. Hanggang ngayon ba? Nasa tamang edad na iyon para
magseryoso, ah."

"Ewan ko lang ngayon. Alam n'yo naman po... sabi nga nila once a cheater always a
cheater! Ay! Hindi nga pala cheater si Alvaro. Marami lang talagang naging
girlfriend dati."

"Ba't mo binasted, hija? Hindi mo type?" inosenteng tanong ni Tita.

Humagalpak si Aria. Hindi tuloy ako makasagot.

"Hindi naman sila mayaman pero kung tulad naman nito ni Romulo, hindi na masama..."
si Tita na may pahaging pa.

Tumawa na rin si Romulo kasabay ni Aria.

"Hindi na rin sila nagkakalayo. Mabenta rin ang isang 'to, e. Sa mga kaibigan
niyang kalebel niya nga lang at puro mga nerd," si Aria sabay irap kay Romulo.

Kumunot ang noo ni Romulo pero may ngiti sa labi.

"Well, at some point siguro may stage talaga ang mga lalaki na nagkakaroon sila ng
maraming girlfriend. Hindi naman sila inutil para hindi makaramdam ng kahit ano sa
mga classmate na babae pero kung mapatunayan naman na seryoso..."
"Napatunayan ba, Yohan?" pasalit-salit sina Tita at Tito sa mga tanong.

"Uh... hindi ko po alam."

"Bakit mo binasted? Hindi mo pa pala alam."

"Tingin ko po kasi playboy pa rin siya at ayaw ko ng ganoon."

"Si Bobby rin yata, playboy," singit ni Romulo.

"Iba naman 'yon..." agap ko.

"Iba 'yon kasi hindi niya naman mahal. E si Alvaro, mahal na mahal niyan!"

Iritado na akong bumaling kay Aria habang bumunghalit siya sa tawa. Kaya ayaw kong
sinasabi ang mga ganitong bagay sa kanya, e!

"Akala ko ba hindi ka boto sa kanya?" I snapped. "Paulit-ulit mong sinabi sa akin


na i-basted ko siya."

"Ginawa mo dahil sinabi ko?"

"Hindi naman. Talagang ayaw ko lang sa kanya dahil natatakot ako pero bakit mo siya
inaasar sa akin ngayon?"

"Naku, Yohan! Naniwala ka naman sa pinsan mong ito? Kita mo naman ang track record
niyan sa mga lalaki, hindi ba?" si Tita.

"Oy, parehas lang kami! Lumalaban din 'yan, e! Kita mo, playgirl din!"

"I-I'm not!"

"Iba naman iyong sa'yo. Iba-iba, buwan buwan," si Romulo.

"Hindi ah! Mga every two months lang. Pero anyway, kaya nga sabi ko sa'yo, Yohan.
Palasapin mo ng basted si Captain."

Natahimik ako.

"Pero paano ba 'yan? Baka makahanap na agad ng ibang babae?"

"Si Margaux," bumunghalit ulit si Aria.

"Si Margaux?" si Tita na kuryoso.

"Alam mo, Yohan? Ang bata mo pa kasi no'n pero nakita ko rin ang mga admirers niyan
ni Alvaro, e. Masusugid talaga. Hindi ako makasabay... matitindi! Kaya huwag ka
nang magtaka kay Margaux."

"Aria, kung ano ano na lang ang sinasabi mo kay Yohan."

"Kung maging si Alvaro nga at si Margaux, edi good choice nga na binasted mo siya,
Yohan. Kaya huwag ka nang manghinayang diyan."

"Magpapatuloy 'yon," si Romulo na ngumiti sa akin.

"Kung gumapang siya pabalik, e 'di ibig sabihin gusto ka nga niya. Seryoso siya
sa'yo."
"Hindi naman mayaman ang batang iyon pero mukhang marunong magsikap," si Tito
Clavio.

Nanliit ang mga mata ni Tita sa akin. "At kapag nagkataon, baka pa mabalik din
sa'yo ang lupa?"

"Tita..." I said warningly.

She chuckled. "Well, business is business." She shrugged. "But really, yeah, I
wouldn't say he's perfect for a Valiente like you but... a man with principles is
worth more than any rich man, Yohan."

🌺🌺🌺
KABANATA 31
CATS

Unlike Aria's batch, my batchmates are not as active. Kasali naman kami sa
Homecoming pero hindi pa gaanong nagkikita. Ang mga nangunguna kasi sa mga
pagtitipon ay nasa ibang lugar pa kaya baka sa Homecoming na lang kami magkikita.

The days were very slow. Parang kitang-kita ko lagi ang bawat galaw ng kamay sa
orasan. Marami naman akong ginagawa sa azucarera pero parang hindi maubos-ubos ang
oras ko.

Alas tres pa lang, nakatunganga na ako kaya minabuti kong pumunta sa shelter.

Tuwing tumutunog ang chime, napapaangat ako ng tingin. Kinakabahan ng kaunti at


parang humihiwalay ang kaluluwa sa aking katawan.

Iyon yata ang gawain ko sa natitirang oras ko sa shelter. Nasa likod na ako
nagpapakain ng mga rescue dogs, nagmamadali pa akong bumalik sa counter nang
narinig ang isang staff.

"Good afternoon, Sir! Para ba sa pusa n'yo?"

Hindi ko alam kung anong bilis ang ginawa ko pabalik sa counter. Namilog pa ang mga
mata ni Chantal dahil akala niya mabubunggo ko siya sa pagmamadali. Nang nakalapit
sa counter at nakita na si Juan iyon, kasama ang pusa niya, napasinghap na lang
ako.

"Ah," nagkamot sa ulo si Juan at ngumiti. "Ipapa neuter ko sana ang pusa ko. M-May
appointment ba dapat?"

"Ah." I sounded dismayed. "Oo kailangan ng appointment pero wala namang naka
schedule si  Doc ngayon kaya puwede na rin 'yan."

Juan laughed a bit and looked at his cat. Kinuha ko iyon sa kanya. Lumapit na rin
si Chantal at ito na ang nanghingi ng ibang detalye.

Tahimik ako. Maraming bumagabag sa isipan ko na hindi ko halos masagot ang tanong
ni Juan.

"Magkano ba?"

"Eto na, Juan," si Chantal at pinakita ang kakaprint lang na mga detalye.

Kinuha ko na ang pusa at inilapag. Kinuha naman ito ng mga trainees. Bumalik ako sa
counter.

"Ipapacheck ko lang ang pusa," si Chantal at lumapit na sa lamesa.

Tahimik akong nagpatuloy sa pagchi-check naman ng mga donations. Nanatili si Juan


sa harap ko.

"Sasama ka naman sa homecoming?"

Napaangat ako ng tingin sa kanya. I don't remember us talking or being friendly


with each other. Naalala ko lang ay tinatawag niya akong Josefa at kasama siya sa
iilang tinatawanan ako. Lalo na dahil alam nila ng mga kaibigan niya na gusto ko si
Alvaro.

"Oo."

"Ah, akala ko hindi ka sisipot."

Muli akong nag-angat ng tingin, nagtataka bakit iyon ang iisipin niya.

"Bakit naman hindi?" tanong ko.

Namula siya at tumawa ulit. I noticed he doesn't call me Josefa and laugh about it
anymore. But then most of my bullies changed through the years.

"Juan? Hindi mo ba sasamahan ang pusa mo?" si Chantal.

"Oo nga pala!" he laughed again and immediately went to Chantal.

Ganoon ang mga sumunod na araw ko. Madalas akong maaga sa shelter dahil maaga ko
rin namang natatapos ang gawain ko sa azucarera.

I spent most of my time there helping out with the rescue animals. Hindi na
bumisita ulit si Alvaro. Hindi ko na siya nakita ulit pagkatapos noong sa Bistro.
It was Thursday in the afternoon when I just lazily lift my head when I hear the
chime.

Pumasok si Chantal. Bumili siya ng pandesal sa malapit na panaderia. Ako sana 'yong
bibili kaso nagpresinta siya kaya hinayaan ko. She smiled at me.

"Waiting for someone to show up?" she asked.

Ngumiti lang ako. "Hindi naman."

"Not to be nosy but... totoo ba 'yong sabi nila? Na... binasted mo raw si Captain?"

Nilingon ko siya. I chuckled a bit to make everything lighter.

I actually wonder if they believed that. Alam ng lahat na gusto ko si Alvaro kaya
imposibleng mabasted ko siya. Yes it happened but I'm surprised everyone didn't
think that I was the one who got rejected?

Kung sa bagay, naiwan ang bulaklak sa lamesa niya. Hindi ko tinanggap. Dapat pala
kinuha ko na lang 'yon kung ganoon.

"Naniniwala ka? Ako? Babastedin si Alvaro?" I asked her playfully.

She pursed her lips. "Mali ba ako? Nanliligaw siya noong nakaraan, hindi ba? And it
seems like, he's crazy over you.
I was a bit shocked to hear it from her.

Chantal laughed a bit. "Kilala ko 'yon. Hindi 'yon nanliligaw. Hindi 'yon marunong.
I could never imagine him courting someone but I've seen it here with you. So I was
sure that the rumors were true, you rejected him."

"I don't trust him," sabi ko nang hindi siya tinitingnan.

"Understandable. Playboy nga 'yon at maraming naging girlfriend."

I thought she'd say more but she didn't. Nagkatinginan kami. Ngumiti siya.

"You liked him very much then. It's amazing you can reject him this way right now.
Pero... matagal na rin siguro 'yon, 'no? Nagbago na ang nararamdaman mo."

I couldn't answer her. Hindi niya rin naman hinintay ang sagot ko. Nilapag niya na
lang ang pandesal sa harap ko.

"I'll get the staff," aniya at umalis na.

Nagbago ang nararamdaman? Siguro nga. Imposible naman kasing hindi nagbago. Nagbago
ang buong pagkatao ko, ang buhay ko. Marami akong natutunan sa pagdaan ng panahon,
maraming nakilala, maraming pagkakamali... My young heart is still her but she's
changed from all the past experiences.

Like him, he didn't like me then. He wasn't in love with me like I was with him.
Pero sa trainings niya, naalala niya ako. Nagbago rin ang puso niya.

But I wonder if my changed heart could never accept him anymore? I wonder if this
new person inside could never love him again? I think I know the answer to that.
Kaya nga miserable ako nitong nakaraang araw, hindi ba?

And in his case, he fell for me while we were apart. I wonder if his experiences
would also cause his heart to change right now? Like he would fall out for me and
change his mind? Who knows, right?

Kaya tama nga naman si Aria. Mabuti nga na tinanggihan ko siya. That way, I could
see if he is just infatuated with me or not. Kung makahanap siya ng iba, walang
problema, hindi ba? Masasaktan ako pero nasalba ko naman ang puso ko sa mas
matinding sakit.

I comforted myself with those thoughts because I could no longer stop thinking
about Alvaro and his absence.

Friday nang pagod akong dumating sa shelter para muling magcheck doon. Nagulat ako
nang wala sa sarili kong buksan ang pintuan ay nakita ko si Alvaro na nakaupo sa
harap mismo ng pintuan!

I couldn't even hide my shock! Nakita niya iyon pero binagsak ko na lang ang tingin
kay Kuring na nasa kandungan niya.

"Schedule ni Kuring ng deworm," paliwanag ni Alvaro kahit hindi pa man ako


nagtanong.

Itinago ko ang kaba ko. Binuntonghininga ko iyon. Didiretso na sana ako sa counter
kaso nakita kong masigla si Kuring ngayon kaya lumapit ako.

Tumayo si Alvaro. Naka itim na maong at naka kulay army gray na t-shirt. He towerd
over me as he tried to show me Kuring. Tinanggap iko naman si Kuring at kinandong
agad.

"Hindi ka pa na-i entertain?" I asked casually.

I think it's fine, right? I rejected him but that doesn't mean we can't talk
anymore.

"Hindi pa. May inaasikaso pa sila," aniya.

Lumapit ako sa counter at natanaw sa kabilang side na ang mga trainees, may
pinagkakaabalahan, at ganoon din si Chantal. They are very busy. Mukhang may sakit
pa ang asong hawak ni Chantal.

Alvaro is standing in the middle. Hindi siya makalapit sa counter, malayo naman
siya sa inuupuan kanina. Itinabi ko naman sa counter si Kuring. Si Garfield ay
nagising galing sa pagkakatulog sa kanyang box.

"Uh..." He then looked at Kuring. "Ayos lang 'to, hindi ba?"

"Ang alin?"

"Na..." he traile off for a little bit longer.

Nagtama ang tingin namin.

"Dito ko siya ipacheck pa rin minsan?"

"Bakit hindi?"

He chuckled nervously. "Akala ko kailangan ko nang pumunta ulit sa La Carlota para


rito."

Hinaplos ko si Kuring at napapapikit siya sa bawat dampi ng kamay ko.

"Hindi naman, Alvaro."

I slightly remember that night. Natanto kong kung mas maaga siyang pumunta, kunwari
noong Lunes agad. Baka mahimatay ako sa kaba. At dahil nagdaan na ang ilang araw at
medyo nasanay na akong kabahan sa pag-eexpect na dadating siya, medyo nasanay na
ako sa kaba ngayon.

"Kaya okay lang kung si Cheshire naman sa susunod? Ang dalhin ko rito?"

"Oo naman," sagot ko.

He smiled a bit and lowered his eyes.

"Dadalhin ko na rin si Kuring, kung ganoon. Para makita mo ulit siya."

"Thanks."

There's another awkward silence between us. Hinahaplos ko si Kuring at inaangat ang
tingin dahil madalas ang buntonghininga ni Alvaro. Pakiramdam ko may gusto siyang
sabihin pero wala naman. Kalaunan lang siya nagsalita.

"Bumili nga pala ako ng snacks sa staff. At sa'yo an rin. Nandiyan sa gilid.
Nilagay noong staff kanina," aniya at may tinuro pa sa left side ng counter.
Nilingon ko iyon at nakitang pagkain galing sa cafe ni Sancha. Ibinalik ko sa kanya
ang tingin ko.

"Hindi ka na dapat nag-abala. May budget naman kami para sa merienda."

Though, I can't deny. Our budget is a bit cheap here. Kaya nga nagdadala ako minsan
ng mas masarap galing sa cafe ni Sancha Alcazar.

"Minsan lang naman ako bibisita kaya ayos lang 'yan. Nakasanayan ko na rin."

Nakangiti siya. Hindi ko naman magawang ngumiti.

"Thank you."

"May... listahan ba kayo ng mga kakailanganin para sa donation? Gusto ko kasing mag
donate ulit pero hindi ko alam kung pagkain ba ulit ang ido-donate ko o may iba
kayong kailangan?"

"Okay lang naman na pagkain ulit. Marami kasi ang rescue dog nitong nakaraan. May
mga nangako nang mag adopt pero baka ilang linggo pa bago kunin kaya okay din ang
pagkain."

"Okay. Sunod siguro na balik ko, magdadala ulit ako."

Medyo natigilan ako roon. Parang ang weird na magdodonate pa ulit siya ngayong
kababasted ko lang sa kanya. At hindi ko naman matanggihan dahil hindi naman iyon
para sa akin. Para naman iyon sa mga shelter animals.

Tinawag na kami nI Chantal. Inasikaso na ng ilang trainees ang bill noong asong may
sakit. Lumapit naman kaming dalawa ni Alvaro kay Chantal, ako na ang may dala kay
Kuring.

"Oh! Ito si Kuring, 'di ba? Iyong anak n'yo?" maligayang sinabi ni Chantal.

Natawa ako ng kaunti. Alvaro only pursed his lips.

"Iyong noon? Ang tanda niya na, ah? Naalala ko pa 'to noong kuting pa siya!" si
Chantal na nagpatuloy kasi walang sumasagot.

Nga naman pala. Akin si Kuring. Hindi naman din mali ang sinabi ni Chantal pero
'anak' talaga ang ginamit niyang salita?

She did the routines. Inilista na rin sa record ang iilang updated na weight at iba
pa. Pagkatapos ay nagbigay na siya ng pang deworm at may ilan din siyang sinabi sa
akin na kailangang ipadala at ipakain pagdating sa bahay.

Tumango ako. Mas maingat na dapat sa pag-aalaga dahil may katandaan na rin si
Kuring.

"No bill for this, Yohan?" si Chantal na inasahan ko naman.

Tumango ako. "Ako na ang bahala."

"Hindi, magbabayad ako," si Alvaro.

Niyakap ko na si Kuring at lumakad na patungo sa counter. The trainees were quiet


but their eyes were curious.

"Aba, daddy na daddy, ah?" pang-aasar ni Chantal kay Alvaro.


Alvaro laughed. "Responsibilidad ko si Kuring at pumunta naman ako rito ng may
nakahandang pambayad kaya magbabayad ako."

Nasa counter na ako at inililista na ang bill para sa aking sarili pero humarap si
Alvaro sa akin at kumuha na ng wallet. Si Chantal naman nakisali pa sa isang
pasyente ng trainees.

"Yohan, magbabayad ako."

"Ayos lang. Huwag ka nang mag-abala."

"Hindi puwede 'yon. Hindi naman ako nagpunta rito dahil gusto kong makalibre."

"Alam ko naman 'yon pero pusa ko rin naman si Kuring."

Umiling siya. "Pero napag-usapan na natin dati ito. Ako ang magbabayad sa gastusin
niya."

Naglapag siya ng malaking bill sa harap ko. Nagkatinginan kami. His gaze sharpened.

"Ako ang magbabayad, Yohan."

"Ilang taon ko naman siyang hindi nakita at hindi ako nakagastos sa kanya kaya ayos
lang 'to."

Umiling ulit siya. "Hindi ko naman iyon inalala. Ayos lang sa akin. Magbabayad din
naman ako kung sa iba ko siya dinala. Kung sa La Carlota... kaya ayos lang."

Kumunot ang noo ko. "Bakit mo pa siya dadalhin sa La Carlota, e, nandito naman
ako?"

"Ayaw kong hindi mo ako pinagbabayad. I availed the services here and I will pay
for it."

"Pusa ko naman si Kuring kaya puwede rin naman akong gumastos sa kanya."

"Bilhan mo siya ng pagkain, ganoon na lang. Pero sa ganitong bagay, ako na."

I can't believe it. Ayaw ko sanang makipagtalo pero mukhang ayaw niya ring
magpatalo kaya natahimik ako.

"At pusa ko rin si Kuring," aniya.

Tinanggap ko ang pera niya at sa mabigat na loob kinukuha ang sukli roon. I put it
back on his hand. He smiled.

"Thank you. Pasensiya na kung makulit ako."

"Okay lang. Iniisip ko lang naman kasi na... akin din naman si Kuring."

"Ating dalawa..." he said.

Nagkatinginan ulit kami. Siya ang unang nagtanggal ng tingin at bumaling kay
Kuring.

"Uh, wala na akong gagawin. Kung gusto mo pa siyang makasama, ayos lang sa akin.
Maghihintay ako sa upuan."
Hindi ko alam. Nakatingin ako kay Kuring. Palapit na si Garfield sa kanya ngayon
habang ngumingiyaw pero dahil hindi na naman agresibo si Kuring, tumigil din siya.

"Pero kung hindi ka kumportable, ayos lang. Uuwi na kami." Ngumiti pa siya na
parang masaya iyon.

"Ayos lang, sige. Diyan ka muna. Ipapasabay ko si Kuring sa pagkain ng mga pusa
ngayon."

Tumango siya.

Naupo nga siya roon. Pinag amoy ko naman si Kuring at Garfield. Medyo sumigla ng
kaunti si Kuring at naisip ko tuloy kung mas okay ba na mas maraming pusa si Alvaro
para  sumigla naman si Kuring.

I glanced at him. He noticed it. Kahit hindi ko naman tinawag, tumayo siya na para
bang kuryoso kung bakit ko siya tiningnan.

"May problema ba?"

"Wala naman."

"Miss Yohan, feeding time na po," ang isang staff.

Tumango ako. Pumunta na sila sa likod. Kasama na ang mga pusang kanina pa naglalaro
roon.

"Ako na rito kay Garfield," si Alvaro nang nakitang medyo nahirapan akong
pagsabayin na buhatin si Kuring at Garfield.

Inangat ko ang tingin ko sa kanya. Siguro nabasa niya ang pagtataka roon.

"Minsan lang kayo magkita ni Kuring kaya dito muna ako kay Garfield."

I nodded but I couldn't take my eyes off the flat face of Garfield.

Alvaro chuckled. "Hindi ko aagawin sa'yo 'to, Yohan."

Uminit ang pisngi ko.

"Pero kung gusto niya, bakit naman hindi?" si Alvaro na nakatingin na kay Garfield.

I looked at him, a bit offended. "Anong gusto? Kung ganoon, ayaw ni Garfield sa
akin?"

Nagulat siya sa iritasyon ko. He laughed. "Biro lang, Yohan."

Kunot noo akong nagpatuloy sa labas. Sumunod naman siya pero hindi natanggal sa
isipan ko na may plano siyang kunin si Garfield. Not that he can do it, anyway.

May kinuha akong isang pusa. Sabay ko silang hinawakan ni Kuring. Agad ko namang
naramdaman ang sakit sa braso pero kailangan kong ilapit ang pusa sa pagkain.

"Ako muna kay Kuring," aniya at kinuha agad sa akin si Kuring.

Ngayon parehong si Kuring at Garfield na ang nasa kamay niya. I frowned at him but
I know he wouldn't take away any of them. He smirked. Inilapag ko ang pusang kinuha
ko kanina at nilapit na sa pagkain.
"Galit ang Mommy n'yo sa akin, ah?" I heard Alvaro talking to the cats.

Nilingon ko siya. He probably didn't realize that I can hear him, umatras siya ng
kaunti at nagseryoso. Tinikom ang bibig at iniwas ang tingin sa akin.

Ibinalik ko ang tingin ko sa mga pusang kumakain pero hindi ko mapanatili ang
iritasyon ko. I shivered a bit at his simple but weird words. Tumayo ako at kumuha
na rin ng pagkain para kay Kuring at Garfield bago nilapitan si Alvaro.

"Ilapag mo na," sabi ko at binaba na ang mga pagkain.

Binaba niya na naman ang dalawa. He squatted and remained that way. He tried to
look at me but I was glaring at him. Ibinagsak niyang muli ang mga mata sa dalawang
pusa at pasalit salit na hinaplos ang ulo ng mga ito.

🌺🌺🌺
KABANATA 32
BITTERSWEET

Hindi na rin naman nagtagal si Alvaro. Nang umuwi ako, sumunod na rin naman siya.

Magkasabay pa kami halos sumakay sa kanya-kanya naming sasakyan. Tahimik lang akong
naghahanap ng susi samantalang nakatingin siya habang binubuksan ang pintuan ng
sasakyan.

At dahil malapit lang ang bahay nila sa amin, pareho rin ang daanan. It's just that
unlike then, he slowed down near their house. Hindi niya na ako hinatid sa amin.

Bukas ang Homecoming sa school. Hindi gaya ng older batches na lagi nang
nagrereunion, marami pa sa batch namin ang nag-aaral pa o 'di kaya'y nasa ibang
bansa. Kaunti lang kaming nasa Altagracia kaya hindi ako kasing abala ni Aria.

Sometimes, I envy Aria's enthusiasm for it. Umaga ng Sabado at marami agad siyang
katawagan sa hapag samantalang hanggang chat lang kami ng ka-batchmates ko. Hindi
raw makakauwi dahil abala sa review o 'di kaya'y law school. Ang iba ay nasa U.S.
pa at sa pasko pa ang uwi kaya hindi ako gaanong excited.

"Oo! Magdadala ng inumin si Romulo!" si Aria habang nasa cellphone.

I continued eating. Nagpatuloy naman ang katawagan niya. Pagbaba ng isang tawag,
may isa namang tawag na papasok. Si Romulo naman, may tawag din minsan.

"Oo. Pupunta kami mamaya ni Aria. Nakauwi ka na?"

I looked at our group chat. Si Angelo ang huling nagreply kung anong oras siyang
pupunta. I'm not sure if I'm excited.

My last years in juniour high and the whole senior high, I was a normal student.
Hindi bullied, may mga manliligaw, at nagkaboyfriend. Hindi ko nga lang alam ang
mararamdaman ko kung makita ko ang older batches ko gaya nina Alvaro.

A sudden burst of inferiority touched me. Hindi na naman ako si Yohan noon at
naging kaibigan ko rin ang batch nila pero parang kinakabahan pa rin ako tuwing
naiisip ko na makikita ko sila mamaya. They were a loud, full of boys, well-bonded
kind of batch.

"Excited ka na mamaya?" nakangising tingin ni Aria sa akin, tapos na pala ang tawag
niya at natutulala na ako sa dami ng iniisip.
"Ba't naman ako ma-eexcite?"

"Anong susuotin mo?" she asked again, ignoring my question.

"Normal clothes," I answered.

She made a face.

"Walang after party ang batch n'yo?"

Nagkibit ako ng balikat dahil hindi ko rin naman alam.

"Kawawa ka naman..." she teased.

Mas dumagdag tuloy iyon sa kaba ko. Hindi na naman ako tulad noon pero bigla kong
naalala sa araw na iyon.

Hapon na at naghanda na ako para sa Homecoming. Magje-jeans lang sana ako pero
natanto kong ganoon lagi ang suot ko kapag pumupuntang azucarera. I have a chance
to dress up now for a party and yet I am not dressing up?

Kinuha ko ang isang terno floral white skirt and semi cropped top. I let my long
hair down, parted at the center, then on my hand is my small YSL clutch. Lumabas
ako ng kuwarto at bumaba na.

Handa nang pareho si Romulo at Aria. Tumingala si Aria sa akin habang pababa ako ng
hagdanan. Kumindat siya at lumapad ang ngisi.

"Huwag ka nang magdala ng sasakyan, ah. Si Romulo na ang bahala. Para puwedeng
maglasing."

"Hindi ako maglalasing."

Ngumiwi siya. "E 'di kami ni Romulo, tapos ikaw na ang magdrive pauwi."

Bumuntonghininga ako at pumayag na.

Hindi taon taon ang homecoming. Pero pumapayag ang school kapag may batch reunion
na gamitin ang gym.

Kabadong-kabado ako nang lumabas sa sasakyan. The school is empty except for the
gym and the many parked cars. Maingay na ang gym sa tugtog at may host na
inientertain ang mga naroon na.

Nakasunod lang ako kay Romulo at Aria. They were famous in their respective crowd,
si Aria sa mga kilala at mayayamang kaibigan, si Romulo naman sa mga matatalino. I
tailed them as we entered the gym.

Simple lang naman ang decoration pero maraming lamesa ang naroon. Binati kami ng
iilang teachers. Nakapag donate din kami para sa event pero mas marami ang
nagdonate sa higher batches dahil marami sila.

"Nasa right side kayo sa likod," si Aria.

Agad ding naagaw ang atensiyon niya ng maraming kaibigan. Magpapaalam sana ako na
didiretso na ako sa likod kaso marami ring pumansin sa akin sa mga kaibigan niya.

"Uy! Yohan?! Long time no see?" her classmate who just got back here from the
middle east.

"Hi!" I smiled.

Ilang sandaling pag-uusap at aalis na sana ako pero napadaan ako sa batch nina
Margaux. Siya ang una kong nakita at katabi pa si Soren.

"Yohan!" Soren greeted.

Lumapit siya sa akin.

"Saan ba ang inyo? Samahan na kita?"

Nagkatinginan kami ni Margaux. Humalukipkip ito at tiningnan si Soren. Hindi ko


alam kung anong mayroon sa kanila. Magkaibigan pa rin nhaman kami ni Soren pero
ayaw kong nadadawit sa mga ganito9.

"Huwag na, Soren. Thanks," I said.

Sinamantala ko ang pagdami ng mga taong dumadaan kaya ako nakawala rin agad. Marami
pang bumati sa akin. Mas malapit ako sa dulo, mas nagiging kumportable ako dahill
mga kilala ko na ang naroon.

Nasa lamesa na ako ng batch namin at natanaw na ang mga naroon. Si Angelo at lima
kong kaklase lang ang galing sa classroom namin. The rest were from other sections.
I understand because most of our classmates are either abroad or still in school.

We talked a bit. Kahit madalas sa kanila ay lalaki kaya mas nag-uusap na sila.
Tahimik akong naupo at tinabihan naman ni Angelo.

"Hindi ka gaanong nagre-reply sa group chat. Akala ko hindi ka sasama."

Umiling ako. "Sasama naman."

Sa harap, nakikita ko na ang maingay na batch ni Alvaro. Maraming lalaki at agaw


pansin tuwing may dumadating dahil sa tawanan at hiyawan. Napapatingin at
nakikisali rin tuloy ang ibang batch.

Nakita ko rina ng pagdating niya! He looked tall and brooding as he entered the
premises. His friends immediately cheered and laughed. Napatingin din sina Angelo,
nakuryoso kung sino naman ang kinakantiyawan ng mga iyon.

"Uy, huwag n'yo nang asarin! Malungkot 'yan! Broken hearted!"

Namilog ang mga mata ko at bahagyang yumuko. Natatabunan na ng mga usisero ang
tingin ko kaya hindi ko na alam kung anong ginagawa nila. Naririnig ko lang ang
"boo" at kaunting hiyaw.

"Irereto kita, halika! Single pa si ano..."

Nagtawanan sila.

The programme progressed. The host was a higher batch and the teachers were already
old. Kaya halos lahat ng ni-recall na memories ay galing sa iilang batches.

Lima lang kaming babae na naroon sa batch namin at lalaki na halos lahat. The girls
were bored.

"Dapat na talaga tayong magkaroon ng regular reunion para hindi tayo kawawa next
time," sabi ng batch president namin.

There were presentation from select peoplle per batch. Our representatives were the
boys. Gagawin ang presentation sa gitna ng pagkain.

As usual, ang batch nina Alvaro ang maingay ang presentation. Sina Juan at Daniel
ang natanaw ko roon na sumasayaw. Alvaro was only laughing in his chair. Nahanap ko
rin siya nang nagsimula na ang presentation at umakyat sa stage ang mga nakatabong
kaibigan kanina.

"May dala akong inumin, kaya ayos lang kung walang manalo sa raffle."

May raffle ng maraming inumin. Puwede raw na mag-inuman dito. In-allow ng school
president kapag Homecoming. Magpaparaffle sa registration ang host at ang prices ay
inumin para sa batch.

It was done in between every presentation. Aria danced for their batch. Kumakain
ako habang nanonood sa kanyang kalandian sa stage. I laughed when I realized that
she didn't change. But she has someone who accepts her now... and she's not that
bad so... it's alright.

"Alvaro Santander!" tawag ng host at ngumisi agad ito.

"Ay! Si Captain!" ang bading na host naman.

Naghiyawan agad ang mga batchmates ni Alvaro. Tumayo siya at pinagtutulakan pa. He
only smiled and let his batchmates be. Naglalakad pa lang siya patungo sa stage ay
inintriga na siya ng mga host.

"Malungkot pa naman 'to si Captain. Dalawahin na natin ang Black Label niya!" biro
ng bading.

Tumawa ang babae. "Bakit?"

"Narinig ko ang tsismis na basted 'to, e!"

Naghiyawan lalo ang mga tao. Uminit ang pisngi ko. Hindi ko rin inasahan ang isa-
isang pagbaling ng mga ulo ng halos lahat ng naroon sa akin! Kahit si Angelo ay
tumingin.

My heart pounded so hard. Somehow, it reminded me of that day. Noong narinig ko ang
lahat ng sinabi niya tungkol sa akin sa heart's day celebration. Everyone was also
curiously looking at me. Checking if I was hurt or what... and then teasing me.
Right now, the attention I'm getting is different. They were smiling at me
teasingly, curious if it's really true.

"Basted ka pala, Captain? Marami pang babae. Si Melissa, single. Ireto kita?"

Nakangisi nang umakyat si Alvaro sa stage. Dumiretso siya sa inumin para kunin pero
inilayo ng bading iyon.

"Mamaya na. Sagot ka muna!"

Everyone laughed and cheered. Yumuko ako lalo, mas lalo pang kinakabahan.

"Are you okay?" Angelo asked.

Tumango ako pero hindi na ulit bumalik ang tingin sa stage dahil masyado nang
nahihiya.
"Single ka ba?"

"Yes," Alvaro's deep voice sent shivers down my spine.

Nagtawanan ang lahat nang may sumigaw sa lower batch na. "Ako rin, Alvaro! Single
ako! Liligawan na ba kita?!"

"Hoy, huwag kayong mga malalandi!" ang bading na bumara sa iilang nagsigawan.

Everyone was having fun, though. It's nothing personal anymore and no tension.
Hindi gaya noong mga bata pa lang kami at marami pang nagkakagusto sa kanya.

"Pero totoong basted ka?"

Hindi sumagot si Alvaro.

"Oh, bakit ayaw mong sumagot. Oo o hindi lang naman, e?"

"Masakit?"

Nagtawanan ang lahat. Hindi ko tuloy nakuha kung sumagot ba si Alvaro sa tanong.

"Ano ang feeling na noon ay hinahabol ka ng mga babae, at ngayon isinusuka ka?"

Nagtawanan ang lahat!! My face heated more at the terms used.

"Ano, ibibigay ba 'yan o baba na ako?" pabiro ngunit mababang boses ni Alvaro.

Nagtawanan ang lahat. Hindi ko na alam kung paano ako re-react. Lalo na dahil isa-
isa nang nagtanong ang mga babaeng kaklase.

"Ikaw ba 'yong niligawan ni Alvaro, Yohan? Usap-usapan noong nakaraan, ah!"

"Binasted mo, Yohan?"

Nagpatuloy ang hiyawan na kinailangan nang patahimikin ng hosts ang mga


nangangantiyaw.

"Mahal mo ba talaga?!"

"Baks, tama na! Walang gustong makarinig, Alvaro! Boo!" nangibabaw ang boses ni
Aria.

Nagtawanan ang lahat. Sa kaba ko pakiramdam ko mahihimatay ako. Parang lalabas ang
puso ko sa dibdib ko.

Sa iilan kong naging boyfriend sa nagdaang taon, wala pa ni isang tinanong ng


ganito sa harap ng maraming tao. It made me so nervous and high at the same time.

"Ako na lang, Captain!" some of the girls from the audience cheered.

"Last na 'yan. Kapag sinagot mo, ibibigay na 'tong Black Label. Dalawa, Captain!"

Naghiyawan ulit ang mga kaibigan niya, tuwang tuwa sa espesyal na handog sa batch
nila dahil lang kay Alvaro.

"Lakas mo, Alvaro!" sigaw ng mga kaibigan.


"Hindi ko sasagutin 'yan," agap ni Alvaro.

"Oh bakit? Hindi mo ba mahal?!" malisyosong sinabi ng bading.

"Mahiyain 'yon. Sige na, ibigay n'yo na ang isa-" Alvaro said casually.

"Eh, hindi naman namin alam kung sino," and we all know it's a lie.

"Ah, baka hindi niya mahal kaya ayaw sumagot."

"Mahal na mahal. Okay na?" si Alvaro na dahilan ng mas malakas at matinding


hiyawan.

Even the girls from other batches went to our table to ask me. May iba, nagsasabing
sagutin ko na. At marami pang pumunta na hindi ko na alam ang gagawin. Sobrang
ingay din ng hiyawan kaya hindi ko na alam kung may ibang sinabi pa ba ang host.

"Binasted mo talaga? For real, Yohan?"

"Bigyan mo na ng second chance!"

Hindi ko na halos marinig ang isa-isang intriga sa akin. Matagal din bago iyon
tumigil. Kinailangang mag settle down dahil sa sunod na presentation.

Tapos na akong kumain at inuunti unti na lang ang dessert. Sinamantala ko iyon para
magpahangin sa labas.

"Samahan na kita," si Angelo nang natanaw ang pagtayo ko.

Umiling ako. "Hindi na. Restroom lang naman," sabi ko.

Sa likod ako dumaan. Ayaw kong magrestroom sa mismong gym dahil gusto ko rin
talagang magpahangin sa labas. Umikot ako papunta sa harap noong nakalabas na dahil
madilim ang mga lababo sa likod.

I washed my hands, then went to the restroom. Pagkalabas ko, laking gulat ko nang
nakita ko si Alvaro na naroon na rin sa mga lababo, naghuhugas ng kamay. He was
with his friends. They were laughing with him.

Pero nang nakita nang mga ito na naroon ako, agad silang nagpaalam.

"M-Mauna na kami, Alvaro."

Alvaro's eyes didn't leave mine. He only nodded to his friends and turned the
faucet off.

Sa kabilang lababo, nagbukas ako ng gripo. Umalis na ang mga kaibigan niya at ang
tanging ingay, bukod sa music galling sa gym ay ang agos ng tubig. He neared me. I
can see it on my peripheral vision but I continued casually washing my hands.

"Pasensiya na nga pala kanina," he said.

I looked at him and managed to smile. Kahit pa parang tambol na ang puso ko at
gusto nang kumawala sa kulungan ng dibdib.

"Ayos lang."

"At... uh... Wala naman akong pinagsabihan tungkol sa nangyari sa Bistro pero
maraming... nag-iisip na ganoon. Kaya pasensiya na."
Heart jumping, I shook my head immediately. "Ako nga dapat ang... humingi ng tawad
sa'yo sa nangyari sa Bistro."

I was so dramatic that night that I walked out. Kaya siguro agaw pansin din iyon sa
mga kakilala naming nasa loob noong gabing iyon. Hindi ko pa inuwi ang flowers niya
kaya lalong nakakapag-isip ng masama ang mga tao.

"Hindi mo na dapat hinihingi ng tawad ang ganoon. It's your feelings, Yohan. No
need to be sorry for it."

I turned the faucet off. Kanina, papasok pa lang kami sa gym, kahit marami nang
nagbago naalala ko pa rin ang dati. Nang nakita ko siya kasama ang mga
naghihiyawang kaibigan niya, ganoon din ang naramdaman ko. It feels like a trip to
the memory lane, it's just this time many things have changed. I wasn't the young
and bullied Yohan anymore. He wasn't the teenager, poor, Alvaro Santander, too.

It all feels strangely familiar and yet different.

At lalo pa noong nasa harap siya at binatuhan ng mga tanong tungkol sa akin.
Naalala ko ang araw na iyon. Hindi ko alam kung gaano ako nasaktan noon pero
siguro, sobra sobra. Hindi ko naman siya sinisi sa lahat ng iyon pero masakit pa
rin.

It's already dark. Our eyes met. His was darker because the lampost is behind him.
Mine probably reflected so much light.

Siguro dahil sa maraming alaala na naisip sa gabing iyon, nagkaroon na ako ng lakas
nang loob na ibalik ang kahapon. Kahit sa mga salita lang.

"But you were sorry for me then.. for saying what you feel about me. Noong heart's
day? Kaya nga hindi ka na ulit nakipagkita sa akin, hindi ba?"

His eyes widened a fraction. I realized then that it was wrong to bring it up.

I laughed. "Sorry. Nevermind..."

Sinubukan kong lagpasan siya pero hinawakan niya ang kamay ko. Tumingin agad ako sa
kamay niyang nasa palapulsuhan ko dahilan ng pagbitiw niya.

Nagkabaliktad na kami ngayon. Ako na ang nakatalikod sa lamp post, siya, nakahrap.
He licked his lips and looked away.

"I'm sorry for that. Ayaw ko lang na bigla kang aalis pagkatapos sabihin 'yan."

My heart hammered. It's burning on my chest.

Tinawanan ko ang kaba. "Sorry din. Hindi ko na dapat sinabi iyon."

"Hindi ko alam na alam mo ang nangyari... noon..."

Ngumuso ako at binagsak ang tingin. sa huli, tinawanan ko na lang. "Nandoon ako.
Nakikinig."

He closed his eyes so tightl. Naghari ang katahimikan sa amin bago siya
bumuntonghininga at dumilat. He watched me closely with his tired eyes. I assured
him with my forced smile.

"You were bullied by almost everyone at school. At lumala pa iyon dahil naging
malapit tayo sa isa't-isa para kay Kuring. Alam ko 'yon. You were constantly
tormented by the girls and it's because of me."

Nag-init ang sulok ng mga mata ko nang naalala na madalas nga akong abangan ng
iba't-ibang babae noon. Iniisip ko tungkol lang iyon sa pagiging Valiente ko. Or I
was so used to being bullied that it wasn't new to me.

"I never want to announce things like that but the situation made me. At para na
rin tigilan ka na nila."

Hindi ako nakapagsalita. Pagkatapos nga noong heart's day wala na ni isang umaway
sa akin. That was the end of it all. My classmates were friendly to me. The other
batches ignored me.

He shifted his weight. Napatingin ako sa kanya.

"Hindi ko na maalala ang mga nasabi ko pero ano ba ang bumagabag sa'yo noon?"

Hindi ko na sana gustong dagdagan pa lalo na sa huling sinabi niya. Nag-angat ako
ng tingin at tinatagan ang sarili.

"Na naawa ka lang sa akin... kaya ka mabait."

He snorted and shook his head. "Hindi ako maawain, Yohan. I just treated you the
way I'd treat everyone else."

Unti-unti akong tumango, naibsan ang kaunting pagdududa sa aking puso.


Bumuntonghininga ulit siya.

"Hindi ko alam na nandoon ka. Galit ka siguro simula no'n, kaya hindi ka na sumama
kapag naiimbitahan?" he chuckled.

My eyes darted at his. "Huh?"

"Ilang beses din na sinubukan ko na ipagkita kayo ni Kuring."

"Hindi ko alam..." Naalala ko noong bago siya umalis para sa PMA, inimbitahan ako
ni Chantal para kay Kuring.

Naalala ko rin ang araw na iyon... 'yong tumanggi si Aria sa mga Santander dahil sa
Bacolod.

"At... pumunta ako sa inyo noong may salo-salo. Nakita kasi kita palabas sa bahay
n'yo kaya... pinabalik ko ang driver at..."

"Kailan?" he asked, enthusiastic now.

"Huling... taon mo sa PMA."

He looked a bit shocked. Nanatili ang mga mata niya sa akin. I swallowed hard.

"Si... Tita lang naabutan ko sa bakuran..." I laughed slightly remembering his


mother's words.

Nakatitig siya pero hindi ko matagalan dahil sa naiisip ko. Kumunot lalo ang noo ko
nang naisip na talaga palang dati pa, hindi puwede.

"May nasabi si Mama sa'yo?"


I slowly shook my head. His eyes narrowed. Iniwas ko agad ang tingin ko.

Muling bumalot ang maigting na katahimikan bago ako nagsalita ulit. "Akala ko
ikinakahiya mo ako noon."

"Hindi, Yohan. Talagang ayaw ko lang na nakikita nilang malapit tayo dahil alam
kong maraming magagalit lalo sa'yo."

I sighed, very relived. "Bumalik na tayo sa loob," I croaked.

He just nodded. Tinalikuran ko siya at sumunod naman siya sa akin.

Nasa entrance pa lang kami, tinawag niya na ako.

"Yohan..."

I stopped and looked back. He sighed.

"Alam kong basted na ako, pero kung papayag ka, gusto ko sanang manligaw ulit."

Napasinghap ako. He licked his lower lip and looked away.

"Sinabi kong hindi kita pipilitin pero gusto ko sanang subukan ulit. Kaya...
sabihin mo sana kung payag ka ba."

I bit my lower lip and I realized so many things. Muli... tumango ako. Ngumiti
siya.

I feel like fainting. Imbes na hintayin pa ang sasabihin niya, pumasok na ako.

It's bittersweet, remembering the memories. Malalim akong nag-isip at hindi na


inalintana ang mga ngising sumalubong nang pumasok kami ng tuluyan. They were on a
break and calling out names for the raffle prices. Nakaupo ang lahat nang pumasok
kami.

Ni hindi ko namalayan na nalagpasan ko na ang lamesa ng batch ni Alvaro. Napansin


ko lang nang tinawag niya ulit ako. Maybe he wanted me to know that he's sitting
with his friends.

"Yohan..."

Nilingon ko siya. Natigil nga siya malapit sa lamesa nila. May iilang napatingin sa
kanya dahil sa tawag sa akin. I was about to nod to acknowledge that he's sitting
with his friends when he looked away, as if it's a pain to him. His face flushed,
too.

"Mahal kita."

🌺🌺🌺
KABANATA 33
WANT

The crowd cheered. It feels like everything paused because everyone heard it!

Sobrang init ng pisngi ko at habang naglalakad pabalikk sa upuan, para na akong


lumulutang. Ang iilang sumalubong sa akin ay puro nakangiti at maraming mga tanong.
Sa dami ng tanong, ni isa wala rin akonhg sinagot.
It only settled down when the host asked them to. Pero kahit ang host ay nahirapang
pakalmahin ang sarili galing sa tilian at tawanan.

Kahit nakaupo na ako, para pa rin akong nakalutang. At kahit nakaupo na ang iba,
may iilan pa ring bumabaling sa akin at ngumingiti.

"Sagutin mo na! Nasa tamang edad na kayo pareho."

"Huwag n'yong i-pressure! Hayaan n'yo na nga 'yan!"

Mabuti na lang at hindi na naman ako inusisa nina Angelo. Pero napansin ko ang
madalas niyang tingin sa akin, siguro pinipigilan na lang ding magtanong.

Habang nagpapatuloy ang patapos nang programme, nagsisimula na ang inuman. Hindi
naman ako tumanggi sa lamesa namin pero ayaw kong maglasing kaya dahan-dahan lang
ang pag-inom ko.

The programme soon ended. The popular groups and fun batches went in front and
danced. Madilim na ang gym at kaunting neon at strobe lights ang naghari.

We took pictures. Ang iba naman, umuwi na, siguro dahil may kani-kanila nang
pamilya. Pero mas marami ang nanatili siguro dahil ginawa nila itong pagkakataon
para magliwaliw.

Napalayo na ako sa batch ko dahil sa ilang nangumusta at kumuha ng pictures. Nang


nasa iilang higher batch na ako, nilapitan ako ni Aria. Pinilit niya ako na pumunta
sa grupo niya para makisalamuha.

I realized she didn't stay with her batch, though. Iilang naging bully ko roon ay
nasa lamesa pa rin ng batch niya, tahimik at pasulyap sulyap sa amin. Aria is with
the basketball group. Marami sila roon at halos kilala ko rin dahil madalas silang
pumunta sa bahay noon para magswimming. At siyempre, naroon din si Alvaro.

Malayo pa lang kami, nag-iingay na sila at halatang si Alvaro ang inaasar. My heart
hammered. I am very embarrassed and tensed but it was a very different kind. Para
bang kahit nahihiya ako at kinakabahan, gusto ko pa rin.

Alvaro probably said something because everyone then continued with another topic.
Nang lumapit kami, may mga makahulugang ngiti sa mga labi ng mga naroon pero wala
ni isang humiyaw at nang-asar kay Alvaro.

Tumayo si Alvaro. Muntik nang may humiyaw pero isang kurot galing sa katabi ay
tumigil din. He pulled a chair and put it near Aria. Para yata sa akin.
Nagkatinginan kami.

I am very aware that all the other people on the table were watching our every
move. Kaya kaunti na lang at hihiyaw na sila dahil sa pagbibigay ni Alvaro ng upuan
sa akin.

"Oh, upuan, Yohan," si Aria na may ngising-aso sa mukha habang itinuturo ang bigay
ni Alvaro.

The people sitting near Aria suddenly moved their chairs further. Hindi nang-aasar
at naghihiyawan pero isa-isang nagtayuan dala ang silya nila. Si Juan pa mismo ang
nagdala ng silya ni Alvaro sa tabi ng silya ko dahilan ng unti-unting pagkapukaw ng
hiyawan.

My face heated. Alvaro laughed at his friends but he tried to stop the teasing.
Natahimik din naman pero halatang napipilitan ang lahat. Others had to cough and
look away to stop themselves. Ang iba't pinagkukurot ng mga asawa nila para lang
matigil. Nilingon ako ni Alvaro.

"Pasensiya na..." he said when everyone was quiet.

Iyon pa ang naging dahilan ng muling pag-usbong ng hiyawan. Aria interrupted and
asked someone to take a picture of the group. Kaya napilitan ulit sila na
manahimik. Naupo na ako sa upuang ibinigay ni Alvaro kanina. Nilingon ko siya at
itinuro ang upuan niya.

"Ayos lang ba na umupo ako rito?" he asked and the people once again had to cheer.

Hindi ko namalayan na nangingiti na rin ako sa mga asar sa amin. "Ayos lang."

Naupo siya. They took pictures of the group, kasama na ako. At nang natapos ang
pictures, muli nang nag-usap usap ang lahat at hindi na gaanong pinansin na
magkatabi na kami ni Alvaro.

"Iinom ka ba, Yohan?"

"Ayos lang," sagot ko.

They put a shot in front of me. Nakita ko namang uminom si Alvaro kanina pero hindi
kasing lakas ng ibang umiinom na ng shot, may beer pa sa lamesa. Nagkatinginan
kami. May pagtataka sa mga mata niya dahil sa tingin ko.

"Hindi ka iinom?"

"Kaunti lang, Yohan. May trabaho pa ako bukas."

I laughed a bit and nodded. Oo nga pala.

I tried to drink my shot. Ilan na rin ang nainom ko kaya hindi na muna ako gaanong
iinom sa susunod.

Nakinig ako sa kuwentuhan. Ganoon din si Alvaro pero hindi gaya kong tahimik lang,
madalas siyang tinatanong at nakikisali naman sa usapan. Umiinom naman si Aria ng
marami samantalang inilalayo na ni Romulo ang ilan sa kanya at sinasabihan na
napaparami na. Nakita ko rin na tumatanggi na si Romulo at idineklara na lasing na
ang asawa kaya siya ang magmamaneho pauwi.

"So... hindi ka magtatagal ngayon?" I asked and looked at Alvaro.

The corners of his lips stretched. "Sasabay ako sa inyo, Yohan."

"Pero baka mamaya pa kami at may trabaho ka pa bukas."

It's already ten and I can imagine him waking up early tomorrow for work. Iba ang
mundong ginagalawan namin pero alam ko na ganoon iyon sa parte niya.

"Minsan lang naman."

I nodded. He pursed his lips and tilted his head.

"Bakit? Gusto mo bang umuwi na ako?"

"Ah, hindi naman. Iniisip ko lang ang trabaho mo bukas."

"Ayos pa ako. 'Tsaka ang mga pusa natin, pinakain na 'yon ni Mama kaya pag-uwi sa
bahay. Maliligo at matutulog na lang."

"Oh. Sa bahay n'yo ka pala umuuwi ngayon?"

"Madalas sa kampo pero minsan sa bahay. Hindi pa kasi tapos ang pinapagawa namin sa
bayan."

Nagtagal ang tingin ko sa kanya. Naalala ko na may inaayos nga rin pala siya roon.

"Naisip kong doon na muna tumira kapag natapos na para makabukod sana sa bahay.
Ayaw ni Mama dahil wala na silang kasama sa bahay at umuuwi rin naman ako sa Kampo
minsan pero maganda na rin na may sarili akong lugar."

I can't stop thinking about the cats. "Paano ang mga pusa?"

Nagtaas siya ng kilay. "Kung lilipat na ako, dadalhin ko sila."

Umiling ako kasi naiisip ko ang ipinapatayong building nila. Sure it's big and but
if he stays in it, nasisiguro kong sa pinakamataas na palapag iyon. Paano maglalaro
ang mga pusa?

"Kaso sa huling palapag ka? Hindi makakalabas ang mga pusa ng basta-basta."

Napaisip siya sa sinabi ko. He twisted his lips and nodded in agreement.

Sumimangot ako. He didn't think it through? Though I know he just wants to have his
own place but...

"Dadalhin ko na lang sila sa bahay pabalik minsan para makagala. O... ayaw mo bang
isama ko sila doon?" there was a hint of teasing in his tone.

"At iiwan mo sila sa bahay n'yo?"

Ngumuso ulit siya at nagtagal ang tingin sa akin, parang naninimbang.

"Kunin ko na lang pareho si Kuring at Cheshire at doon na lang sila sa amin o kahit
sa shelter."

"Are you stealing my cats, Yohan?" he smirked.

"Ang sabi mo pusa natin sila?"

Ngumisi pa lalo sila. "O sige, minsan sa akin sila. Minsan sa'yo."

Maganda naman ang offer niya kaya nagkibit ako ng balikat.

"O sige..." naisipan kong ibalik na rin si Garfield sa bahay.

Nagtagal lang sina Tito at Tita dahil sa insidente sa akin sa azucarera. It was
proven now that the target was Soren. At nahuli na rin ang tandem kaya uunahin na
nina Tita at Tito ang negosyo nila sa Bacolod.

"Then I still get to visit them, right? Kung nasa iyo sila?"

"Oo."

"At kapag nasa akin, ganoon din?"

I nodded again.
"Gagawin ko pala ang lahat nito para lang sagutin mo ako, kung ganoon? Baka hindi
mo na ibalik ang mga pusa ko kung basted ulit." He chuckled.

Kinunot ko ang noo ko pero halos manginig ang kilay ko, hindi ko mapigilan ang
ngiti. He smiled when he saw me trying hard to stifle a smile.

"Hindi naman ako ganoon. Ibabalik ko sa'yo..." I defended. "Baka ikaw?"

He raised a brow. "Noong basted ako, pinabisita ko naman si Kuring, ah?"

"Para naman 'yon sa deworming niya..." May naalala pa ako.

"But at least, I let him visit you, right?"

"You planned to go to La Carlota, Alvaro," may tono ng akusasyon sa boses ko.

His lips parted and he laughed. Ngayon, buong katawan niya na ang nakabaling sa
akin. Hindi na siya makausap ng mga kaibigan niya dahil nasa akin ang buong
atensiyon niya.

"S'yempre, baka ayaw mong bumisita ang dating manliligaw mo sa shelter mo?"

Sumimangot ako nang may ibang naalala pa pero uminom na lang ako imbes na sabihin
ang ibang bagay. He watched me intently while he was smirking. He licked his lips.

"Bakit? Ayos lang ba sa'yo na bumisita ang dating manliligaw mo noon?"

"For the cat."

He sighed and almost rolled his eyes at me. "Wala talaga akong kalaban laban sa mga
pusa."

"Huh?"

"So an old suitor can visit you for the cat?"

"Wala namang kasalanan ang pusa..." paliwanag ko.

Nanliit ang mga mata niya. "May dating boyfriend o dating kaibigan ka ba na
binigyan ng pusa, Yohan?"

"Wala naman."

His lips curled again for a smile.

"Ikaw lang."

He looked away and glanced at his friends. Iba na ang pinag-uusapan ng mga kaibigan
niya ngayon. Ibinalik niya sa akin ang tingin.

"Buti na lang pala. At ngayon naman, manliligaw na ulit ako. I'd be more welcome,
right?"

I don't know what's the difference but I still nodded.

He sighed heavily. Nagkatinginan kami at ngumiti ulit siya.

"Thanks for the second chance, Yohan. I'll do my best this time."
Nagtagal ang tingin ko sa kanya. Nangingiti ako pero pinilit ko talagang
magseryoso.

Hindi ako makapaniwala. For years, I put him on a pedestal. I always think he's out
of my league. Hindi ko inakala na dadating ang panahon na ganito. This is like the
contents of my daydreams but even better. At nahihiya man ako na halos lahat ang
pumupuna sa amin, hindi ko pa rin mapigilan ang pagkatuwa.

This is very different. I can't believe it's also real.

"Bakit? Marunong ka bang manligaw?"

Kumunot ang noo niya. "Natututunan naman 'yan."

Palusot. Alam ko namang totoo talaga ang sinabi ni Aria na hindi siya nanliligaw.
Kaya alam ko ring wala siyang alam kundi ang mga basic na gawain ng manliligaw,
nagbibigay ng bulaklak at ng pagkain. Well, I wouldn't ask for more but...

"Bakit? May problema ba sa panliligaw ko sa'yo noong nakaraan? Kaya ba basted ako?"

Hindi ako sumagot.

"Ano, Yohan? Para hindi na maulit." Seryoso siya.

"Wala naman..." I trailed off.

We looked at each other again. He raised a brow to ask the same question.

"Pero hindi pa ako sigurado kung sasagutin na ba kita sa pagkakataong ito."

"I guess that's normal. Pero... bakit? May problema ba?"

"I heard you say to your ex last time... na kung babastedin ka, taken ka pa rin
dahil hindi naman mawawala ang pagkagusto mo sa akin agad-agad."

Namilog ang mga mata niya at unti-unti muling ngumisi. I frowned because I feel
like he finds it amusing.

"Tinanong ka kanina kung single ka, yes agad ang sagot mo? Single ka pala agad?"
may kaunting pait sa tono ko.

He chuckled. Namungay din ang mga mata niya at may ibang nakahalata na sa sariling
mundo naming dalawa.

"Marami ang nakikinig, Yohan. At hindi ko naman alam na marami ang ibabatong tanong
sa akin kanina. I thought it will end on that simple question. If I said I was
taken, hahaba pa ang usapan at alam kong mahihiya ka lang."

Hindi ako nagsalita. Bumagsak lang ang tingin ko, nakaangat ang isang kilay.

He tried to catch my vision but I refused to look at him.

"I'm sorry. Even if I said yes to that, I was really taken. Determinado rin naman
akong manligaw ulit sa'yo."

Hindi pa rin ako nagsalita. He slightly leaned closer.

"I didn't know you were particular with that. I'll take note of that, Yohan."
"Pero..." I sighed when I realized something. "Hindi ka na nga naman nanliligaw
noon kaya okay lang na single ang sinagot mo."

"Iyon lang naman ang sinagot ko para madali at hindi na sana tanungin pa."

Hindi na ako nagsalita.

"Ngayong nalaman ko na iniisip mo 'to, mas nagustuhan pa yata kita lalo. I never
thought I'd like you territorial."

Napaangat ang tingin ko sa kanya. He looked really amused.

"I'm not!" iritado kong sinabi.

He chuckled. "Oh! Sorry."

Nanatili ang mariing titig ko sa kanya.

"Pero wala namang masama do'n. Ayos lang sa akin-"

"Hindi ako ganoon, Alvaro," giit ko, kabado dahil baka nga mamaya tama siya.

Hindi naman ako nagselos o naging... mapang-angkin sa kanya kahit kailan, ah!

"Paano ako? Kung seloso ba ako, hindi mo ako magugustuhan?"

I was confused at first. I already like him. The question shouldn't be that way.
Dapat ay magugustuhan ko pa rin ba siya kung seloso siya. Uminit ang pisngi ko,
laking pasasalamat ko na madilim.

"Hindi naman." Mas lalong uminit ang pisngi ko nang naisip na magiging seloso siya
sa relasyon namin.

Hindi naman yata siya ganoon pero kaunting selos niya lang pakiramdam ko
mahihimatay ako.

"Hindi naman din ako seloso pero... may minsan lang na hindi maiiwasan."

I nodded. He licked his lips.

"Yohan, excuse me..." si Romulo na hinahawakan na si Aria ngayon. "Uuwi na kami ni


Aria dahil lasing na siya. Kung gusto mo pa rito, puwedeng dito ka pa..."

Napatingin si Romulo sa tabi ko. Inayos ko kaagad ang bag ko dahil sigurado akong
sasabay na ako sa mag-asawa. Pero tumayo na rin si Alvaro.

"Uuwi na rin ako. Hindi naman ako puwedeng magtagal."

Tumango si Romulo kay Alvaro.

"Ako na lang ang maghahatid sa'yo, Yohan. Kung ayos lang sa'yo?"

My eyes darted at him with shock. Ayos lang naman sa akin pero naghuhuramentado ang
puso ko. Hindi ko alam kung kaba ba ang nararamdaman o excitement o magkahalo na.

"Ano, Yohan?" si Romulo.

I answered without looking away from Alvaro. "Sige, Romulo. Sasabay na ako kay
Alvaro."

Kahit na siya naman ang nagyaya, bakas pa rin ang gulat sa mga mata niya sa
pagpayag ko. Everyone cheered again, this time they were drunk. Kahit anong saway
ni Alvaro hindi na sila matigil pa.

"Hoy, Alvaro! Punta ka sa bahay bukas bago umuwi sina Mommy at Daddy sa Bacolod!"
nagawa pang sumingit ni Aria kahit na lasing na lasing na siya.

Alvaro looked at me and smiled. His friends were already celebrating like I already
said yes to him.

"Papupuntahin mo ba ako sa inyo bukas?"

Hindi ko naman talaga iniisip iyon pero hindi rin naman masama na pumunta siya
habang nariyan pa sina Tita at Tito. At lasing din si Aria kaya hindi ko alam kung
seryoso ba siya.

"I'll just text you tomorrow. At hindi ba may trabaho ka?"

"Puwede akong bumisita pagkatapos ng trabaho. Kung papayag ka, Yohan."

I smiled and nodded but I already know what I really want.

🌺🌺🌺
KABANATA 34
SURREAL

The drive was short. Ganoon naman talaga dahil hindi naman kalayuan ang bahay sa
school pero sa kauna-unahang pagkakataon, hiniling ko na sana tumagal pa.

"Hindi ko na isasama si Kuring bukas," ani Alvaro.

Tumango ako. "Oo. Huwag na. Uh... Baka aalis na rin sina Tita at Tito next week
kaya next week na lang siya... uh..."

Hindi ko maituloy kasi naiisip kong kunin muna si Kuring sa kanila at sa amin muna
sila tumira ni Cheshire. Iuuwi ko na rin si Garfield pero...

Nagtaas ng kilay si Alvaro, hinihintay ang dagdag sa sasabihin ko. Nagkatinginan


kami. Nasa labas na kami ng bahay, nakapark. Kasunod naman sina Romulo.

"Gusto mong dito muna sila?"

I didn't have the courage to say it loud so I only nodded.

"Pero ibabalik sila sa bahay sa susunod na linggo."

Tumango ako, ayaw pa ring sumagot ng diretso.

"At lagi rin akong bibisita rito."

"Ikaw... ang bahala."

He smirked. "Mami-miss ni Mama sina Kuring kaya hindi puwedeng dito na siya sa inyo
mamalagi, Yohan."

Nag-iwas ako ng tingin, may malalim na iniisip pero naunahan niya ang mga bumagabag
sa akin.

"Alam nga pala ni Mama na nanliligaw ako sa'yo."

Napabaling ako kay Alvaro. My eyes widened with a hint of my shock.

He smiled. "Huwag kang mag alala, hindi ko alam kung ang tungkol sa pag-uusap n'yo
noon pero dati pa man, gusto ka niyang makausap ulit."

"T-Talaga?"

He nodded.

"Hindi ba... ayaw niya sa akin para sa'yo?"

Hindi natanggal ang ngiti niya pero kumunot ang noo niya, para bang nang-aasar.

"My father did so many bad things to the people here. Sa inyo rin kaya
naiintindihan ko, Alvaro."

"You corrected your father's mistakes, Yohan. At tingin mo ba talaga, mapipigilan


ang pagkakagusto ko sa'yo?"

Natahimik ako. The silence stretched a bit until a knock on his window made us
look. Si Aria, iyon, halos tulog na pero kumakatok pa rin. Si Romulo na inaakay
siya, nangingiti at umiiling. Binaba ni Alvaro "Hoy!" si Aria sabay tutok ng
dalawang daliri niya sa mga matang pikit at turo naman kay Alvaro. "Ibaba mo na ang
pinsan ko, kala mo ah!"

Alvaro laughed and glanced at me. Nagmadali na rin akong lumabas. Narinig ko ang
paglabas na rin ni Alvaro sa sasakyan niya.

"Kailangan mo ba ng tulong?" he offered to Romulo.

"Kaya ko na 'to-"

"Pasok na sa bahay, Josefa!" si Aria nang nakita akong lumapit.

Tumawa si Romulo. Nakasimangot naman akong sumunod dahil sa itsura ni Aria,


mapapahiya pa yata ako. I glanced at Alvaro and he smiled and nodded to me.

"Huwag kang mag-alala, malapit na kaming bumukod. Wala nang mag-aabang na ate sa'yo
dito," si Romulo kay Alvaro.

I waved and just continued walking. That night was dreamy. Sa social media, nakita
ko na ang mga masasayang pictures na naipost. May mga videos pang iba at pati na
rin iyong pagpasok namin ni Alvaro sa gym.

Uminit ang pisngi ko nang nakitang halos hindi naman din marinig ang sinabi ni
Alvaro dahil sa agarang hiyaw ng nagvi-video at mga tao. It was dreamy. Pakiramdam
ko tuloy panaginip ang lahat ng iyon at baka bukas, pag gising ko, wala na ang
lahat.

I was already in bed, kahit na pagod at nakainom, medyo hindi pa inaantok dahil sa
mga iniisip nang mabasa ang messages ni Alvaro kanina pa.

Alvaro:

Nakauwi na ako.
Alvaro:

Good night, Yohan.

Ako:

Good night. Thank you sa paghatid.

Alvaro:

No problem. Good night din.

Nagulat ako dahil kanina pa naman iyong text pero nakapagreply pa rin siya. Iniisip
kong hindi pa siya natutulog. Ayaw ko na sanang mag reply para makatulog na siya
pero hindi aiko mapakali.

Ako:

Hindi ka pa ba matutulog?

Alvaro:

Hinintay ko ang reply mo. Matutulog na ako ngayon. Ikaw?

I smiled. I feel like the world will end soon. I am just too happy.

Ako:

Ganoon din. Tulog ka na. Good night.

Alvaro:

Good night, too, Yohan. I love you.

I stared at it with awe. Hindi ko alam anong sasabihin ko.

Uminit ng sobra ang pisngi ko at nanghina ang kamay kaya naibaba ko ang cellphone
ko. It beeped again for Alvaro's message.

Alvaro:

Please don't be pressured. No need to say it back. I just want to say it before we
sleep.

My heart hammered. Mainit ang pisngi ko at kalaunan, nangilid ang mga luha sa aking
mga mata. Hindi ko alam kung bakit. Mainit din ang puso at pakiramdam ko ang sakit
kahit masaya naman ako.

I realized then that I've probably loved him, too, somehow. Ilang taon na kaming
hindi nagkikita pero parang walang kahirap-hirap akong nahulog sa kanya. He isn't
very ideal with his past and what happened between us and yet, my heart wants to
take that risk with him.

Sa ilang taon kong pakikipagrelasyon, wala ni isang nakapantay sa nararamdaman ko


para sa kanya. Maybe it's because I supressed it so much, and maybe because deep in
my heart, I really do love him.

I woke up the next day feeling very dreamy. Pero nagpasya ako na pakalmahin ang
sarili dahil doon. I have my own struggle for years and I noticed that whenever I
feel too happy, something wrong will happen after. At ayaw kong mangyari iyon
lalong lalo na sa amin ni Alvaro.

Tanghali na kami nagkita ulit ni Aria kasi hindi siya nagising ng maaga. Kinakausap
ko si Tita at Tito tungkol sa pagbisita ni Alvaro mamaya nang pumasok ang mag-asawa
sa hapag.

"Akala ko ba basted mo na?" si Tita pero tumigil agad dahil pumasok si Aria.

"Oh, 'yong dala ni Romulo kanina kinain mo?" si Tita ulit, naiba na ang usapan.

"Opo," si Aria at naupo na sa tabi ng anak at niyakap ito.

"Nag-usap kami ni Yohan. Uuwi na kami ng Daddy mo sa Bacolod. Maayos na naman ang
tungkol sa nangyaring insidente. Bumisita na kami kay Mayor at nakipag-usap na rin
sa mga awtoridad. Tamang tama at bibisita si Alvaro mamaya."

Aria smirked weakly at me. "Dapat lang. Gagawa gawa ng eksena sa homecoming tapos
hindi makaharap dito?"

"Eksena? Anong eksena?" umalerto si Tita at tumingin kaagad sa akin.

I frowned at Aria who started eating now. Nag-aabot pa ng pagkain si Romulo sa


kanya at nangingiti rin ito.

"Wala naman po-"

"Wala naman po!" gayang gaya ni Aria ang tono ko. "Nag-announce ng 'mahal kita' sa
harap ng maraming tao kay Yohan!"

Nanlaki ang mga mata ni Tita. Natawa naman si Tito.

"Talaga? Ginawa niya 'yon?"

"Akala ko ba basted na, hija?" si Tito.

"Masugid po kaya sinubukan ulit," si Romulo.

"Buti nga at nang makita natin kung totoo na ba talaga 'yan," si Aria at ngumisi
ulit sa akin.

Humaba ba ang usapan namin. Excited naman si Tita kaya nagpasabi na agad ng
lulutuin sa hapunan.

Hapon nang naligo sa pool si Aria, Romulo, at si Ria. Nanatili naman ako sa kuwarto
para magpahinga at magbasa ng iilang posts sa social media tungkol sa nangyari
kahapon. Nalibang ako roon. Kalaunan, nag-ayos na ako at inisip na bumaba para ma-
check na rin kung nahanda na ba ang utos ni Tita para mamaya.

Unlike the last time, nirequest ni Tita sa sa dining area talaga kakain mamaya
kasama ni Alvaro at hindi sa labas. Isang bagay na iniisip kong masyadong seryoso.
Our dining area isn't very open for visitors. Lagi'y naglalabas ng lamesa kapag may
bisita.

Kagagaling ko lang sa kusina para i-check ang mga ihahanda nang nakita ko ang mag-
anak na tuwang-tuwa sa swimming pool. Tinuturuan ni Romulo ang anak na mag swimming
at si Aria naman, nang nakita ako, umahon na.
Naupo ako at nanood sa mag-ama. Tinabihan ako ni Aria.

"So you gave him another chance?" she asked.

"Yeah."

Tumango siya. "Ngayon alam na natin na masigasig siya sa panliligaw sa'yo. Kaysa sa
hindi mo binasted at sinagot agad."

"At kakakita lang namin ulit. Siguro kailangan na makilala pa siya lalo."

She smirked. "Pero naiisip ko ang mga ex mo noon. Isang buwan mo pa lang na kilala
at nanligaw sa'yo, nasagot mo na. Ibig sabihin..."

Nilingon ko siya. She smirked more.

"Seryoso ka rito."

"Seryoso naman at... medyo natatakot."

She chuckled. "Ganoon talaga kapag seryoso, nakakatakot. You must think I don't
like him for you but the truth is, Yohan. Gusto ko siya para sa'yo pero gusto ko
ring makasigurado. Alam ko na gusto mo siya noon pa at naiisip ko na baka
pangunahan ka masyado ng nararamdaman mo."

Tumango ako.

"Alam ko naman ang ginagawa mo."

"We take risks in love. But it should be a calculated one. Hindi puwedeng bulag ka
lang na susugal at hindi mo man lang na-check kung may pag-asa ba na manalo."

Honestly, I know it's Aria's point. Nagulat lang ako ngayon na kaya niya palang
ipaliwanag iyon.

"We can listen to his words, check his actions, but it's when there are problems
and obstacles that really show his true motives."

She sighed.

"Isa pa, baka mamaya may ex siyang may hang up pa? Saan ba siya galing bago na
destino rito? Natanong mo na ba?" paninigurado niya.

"Hindi pa pero sabi niya... wala siyang naging girlfriend simula nang pumasok siya
sa PMA."

Aria made a face. "Weh? Alvaro Santander, no girlfriend for years?!"

Hindi ko rin alam ano ang sasabihin ko kaya nanatili ang tingin ko sa pinsan.

"Kung sa bagay. PMA-er, matalino, at sa edad niya, kung nagkagirlfriend siya


malamang napikot na 'yan!"

Kumunot ang noo ko at natanaw ko ang unti-unting pagngisi niya.

"Pikutin mo na, Yohan."

"H-Huh?" gulantang kong sagot.


"Sige na, tanda na naman siya e! Anakan mo agad-"

"Aria, naririnig kita," si Romulo galing sa pool.

Umiling ako at hindi na maintindihan si Aria. Akala ko ba ang ibig niyang sabihin
ay huwag magpadalos dalos tapos ngayon sasabihin niyang pipikutin ko si Alvaro?

Nagtalo na tuloy silang mag-asawa. Pabiro naman pero hindi ko mapanatili ang isipan
ko sa usapan nila.

Now that she mentioned that, my face slowly heated once more. Sa pag-iisip ko
kagabi hanggang kanina, hindi man lang sumagi sa isipan ko ang mangyayari kapag
sinagot ko na si Alvaro!

If I say yes to him, he'll be my boyfriend. We would then be able to hold hands...
and also... kiss.

I have kissed my exes before. They were wonderful but kissing Alvaro is out of this
world! I'd probably faint on the spot!

"Kung wala siyang girlfriend ng ilang taon, ibig sabihin kamay lang ginagamit niya
sa nagdaang taon! Naku, baka gutom na gutom 'yan-"

"Aria!" saway ni Romulo kaya muli na naman silang pabirong nagtalo.

Napapikit ako sa naiisip. Aria's words felt like poison to my brain. I am not
innocent alright. I have my share of boyfriends and we have been physical at some
point. But thinking about being physical with Alvaro seems so surreal I'd really
faint. Iniisip ko pa lang mahihimatay na ako. At ngayong naiisip ko na, pakiramdam
ko mahihimatay na ako mamaya kapag nagkita kaming dalawa.

"Ano ka ba?!" si Aria nang nakita siguro ang pulang-pula kong mukha. "Eh hindi ba
naghalikan na kayo ng grabe ng mga ex mo, ba't ka nagugulat diyan?!"

Hindi na ako makapagsalita. Nauuna na ang isipan ko.

"Kinakalawang na siguro si Alvaro. Ayaw mo niyan, ikaw na ngayon ang magaling?" si


Aria na patuloy ang pandedemonyo.

Pumikit ako ng mariin.

"Though, I doubt it. You haven't tried it so..." makahulugan siyang tumingin.

"Tigilan mo na nga 'yan, Aria. Dinudungisan mo pa ang isipan ni Yohan, e," si


Romulo.

"Ano ka ba, normal lang 'yan! Buti na 'yong maisip niya 'yan ngayon para hindi na
siya magulat."

"Pakakasalan na 'yan ni Alvaro kaya huwag mo nang gatungan pa ng ganyan," si Romulo


sabay tawa.

Namilog lalo ang mga mata ko nang maisip ang pagpapakasal.

"Oh! Hindi ka na bata! Lalo naman siya kaya huwag mo sabihin sa aking pabebe ka pa
rin sa mga usaping ganyan? Kaloka ka!" iritado nang sinabi ni Aria sa akin.

"Hindi pa ako magpapakasal!" giit ko pero sobrang init na ng pisngi ko nang naisip
iyon. "At hindi naman iyon ang iniisip ni Alvaro. Boyfriend-girlfriend lang!"
"O sige, ayaw mo siyang asawahin ah!" si Aria.

"Boyfriend at girlfriend lang!" agap ko dahil ayaw nang marinig ang mga kabastusan
ni Aria.

Hindi tuloy nawala iyon sa isipan ko. Ayaw pa akong samahan ni Aria at Romulo sa
pagsalubong kay Alvaro sa pintuan pagkatapos lasunin ang isipan ko. Kaya sobrang
awkward ng naramdaman ko nang nakita siyang pumasok.

"Good evening, Yohan," he said.

Palubog na ang araw. Hindi siya nakauniporme at amoy na amoy ko ang sabon, galing
ligo.

"Good evening. Uh... pasok ka..." sabi ko at pumikit ng mariin dahil sa mga lasong
naibigay ni Aria sa akin.

Naupo siya sa sala. He looked at me, slightly wondering about something. Hindi
naman ako mapakali. Mauupo na ako sa malayong upuan sa kanya para hindi na ako
makapag isip isip ng kung ano ano.

"Ayos ka lang ba?"

Tumango lang ako, lalong kinakabahan.

He smiled and showed something on his hand. Ni hindi ko napansin iyon kanina dahil
masyado akong balisa.

"Gumawa nga pala si Mama ng maja blanca kasi alam niyang bibisita ako."

Tumayo ako at lumapit para kuhanin iyon.

"S-Salamat," sabi ko, hindi man lang naisip na Mama niya ang gumawa noon.
"Ipapaayos ko sa... kasambahay."

Laking ginhawa ko nang narinig si Tita. Bumuntonghininga ako, isang bagay na


pinagkunutan ng noo ni Alvaro.

"Alvaro! Hello! Good evening!"

"Good evening po!"

"Uh, ibibigay ko lang po ito sa kasambahay. Dala po ni Alvaro." I was about to


leave and make that as an excuse when Tita grabbed it from my hand.

"Ako na, hija. Inaayos na ang lamesa para sa hapunan. Babalik lang ako kapag
nakaayos na. Kausapin mo muna ang manliligaw mo."

Alvaro chuckled and looked at me. Wala pa man, mahihimatay na yata talaga ako.

"Dito muna kayo, hijo."

Naupo ulit ako sa malayong upuan. Nilingon ako ni Tita ng dalawang beses bago siya
nakapamaywang.

"Hija, ano ka ba?! Ang layo mo sa kanya! Paano kayo mag-uusap! Tabihan mo!"

Para hindi niya na dagdagan pa ang sinabi, nagmadali ako palapit kay Alvaro.
Sinundan naman ako ng tingin ni Alvaro dahilan ng pagtindi lalo ng kaba ko.

"Ayos ka lang ba?"

"Oo," sagot ko.

"Hmm. Nasabi mo ba sa Tita at Tito mo kung bakit ako bibisita?"

"Uh... alam kasi nila na binasted kita kaya nagtanong kung bakit ka pa bibisita
kaya... nasabi ko na nanliligaw ka ulit."

Nagkatinginan kami. Hindi ko talaga matagalan ang tingin niya.

"At hindi ko na naman dala si Kuring kaya siguro naman maiisip na nga nila na
aakyat nga ako ng ligaw sa'yo, hindi ba?"

My lips parted to say something but Aria's words were really effective to poison my
mind.

"S-Si Kuring nga pala... kumusta?" I said, diverting the topic.

His head fell dramatically. Ngumisi siya at nang nag-angat muli ng tingin ay
namumungay ang mga mata. "Sana naging pusa na lang ako."

Namilog ang mga mata ko. He chuckled.

"I'm kidding. Ayos lang siya sa bahay, Yohan. Sila ni Cheshire."

"S-Sorry. E... ikaw? Kumusta ang trabaho?" I said when I realized na nauna ko pa
tinanong ang tungkol sa mga pusa.

"Ayos lang din, Yohan. Hindi ako gaanong mapakali kanina kasi kinakabahan ako
pagpunta rito."

"Bakit naman?"

He smiled. "Noong una kong punta, hindi naman nila alam na nanliligaw ako. Ngayon,
manliligaw na. Baka hindi ako magustuhan ng Tita at Tito mo para sa'yo."

"Uh... gusto ka naman nila."

His eyes widened and his smile remained.

"Talaga?"

"Uh. Oo. Sabi nila."

"Mukhang malapit ang Tita Amanda mo sa ex mo. Ayaw niya ba roon?"

"Hindi naman pinapangunahan ni Tita ang mga... choices ko sa pagboboyfriend."

He nodded. "Mabuti naman. Hmm. Ilan ba ang naging boyfriend mo na?"

I swallowed hard at his question.

"I'm just curious. Ang alam ko kasi naging kayo rin ni Angelo at... iyong sa cafe,
dalawa roon ang ex mo, hindi ba? Kaya..." nakita kong namula siya. "Pero hindi mo
naman kailangang sagutin kung ayaw mo. Naisip ko lang, Yohan."
"Uh... Six, Alvaro."

Ngumuso siya at tumango. "Sana panghuli na ako..."

Bago ko pa makumpleto ang reaksiyon ko, naririnig ko na si Romulo at Aria.

"Hoy, Alvaro!"

"Kumusta, Alvaro?"

🌺🌺🌺
KABANATA 35
TRUST

Dinaldal nina Aria at Romulo si Alvaro habang unti-unti ko pang pinapakalma ang
naghuhuramentado kong puso. It's okay. Kailangan ko nga yata iyon dahil tingin ko,
kung lumalim pa ang usapan namin, totoong mahihimatay na ako.

Tinawag na rin kami sa dining area kalaunan. And soon, we started eating. Si Tito
pa ang unang nagsalita habang kumakain kami.

"So, nanliligaw ka pala sa pamangkin ko, Captain?"

"Opo," si Alvaro sabay tingin sa akin.

Ngumisi si Tita. "Tamang tama at walang boyfriend 'yan sa taong ito. Hindi
nababakante 'yan noong kolehiyo, e."

Aria almost choked on her food. Nilingon ako ni Alvaro at ngumisi siya.

"Huwag mo namang siraan si Yohan," si Tito na pabirong sinaway si Tita.

Natawa si Tita. "Hindi naman sinisiraan, Clavio. E, normal naman magka boyfriend
noong kolehiyo si Yohan. Sigurado ring sa gandang lalaki nito ni Alvaro,
nagkagirlfriend din ito noong kolehiyo."

Tumawa lang si Alvaro. Nilingon siya ni Tita. Akala ko hindi niya na tatanungin
pero nagpatuloy siya.

"May naging girlfriend ka ba noong nasa PMA ka, hijo?"

Ngumisi si Alvaro. He looked kind of awkward but he still answered. "Wala po."

"Kung sa bagay. Iba nga naman doon kumpara sa normal na eskuwelahan. E, noong g-um-
raduate ka, mayroon ka na sigurong naging girlfriend din?"

Tumawa si Alvaro. "Pinili ko po kasi kaagad sa field at special forces kaya, wala
na ring panahon sa ganyan, Ma'am. Kaya nga ngayong naka luwag luwag na sa schedule,
nanligaw na agad," sulyap niya sa akin.

Tita lips parted. "E, nagkagirlfriend ka naman noong high school."

"Oo, Mommy. Dami niyang girlfriend," si Aria.

"Ah, mabuti naman at nakapag girlfriend ka kahit paano! Kasi kawawa ka naman kung
hindi talaga kahit kailan, e, ang gandang lalaki mo!"

"Oo nga," si Tito. "Ang habulin mo siguro, Captain."


"Hindi na kayo mga bata nhi Yohan, kaya girlfriend-girlfriend lang ba 'yan o
seryosohan na?"

Uminit ang pisngi ko. Halos matigil ako sa pagkain. Alvaro was still graceful,
though. Kumakain at hindi naman nabibilaukan sa mga sinasabi ni Tita.

"Ah, sa edad ko po, gusto ko na 'yong pangmatagalan. Kaya..."

"Naku, Alvaro! Si Yohan, ayaw pang mag-asawa. Boyfriend boyfriend lang daw muna."

Alvaro then glanced at me. He pursed his lips. I think I already froze a while ago.

"Ayos lang naman, hindi ko naman minamadali rin. 'Tsaka manliligaw pa lang ako. Sa
susunod na 'yan, baka ma basted pa ulit ako."

Nagtawanan sila samantalang parang nag o-overheat na ako rito!

"Ako naman, walang problema sa akin kung mag-asawa na ito si Yohan. Nagbabalak na
nga sina Aria na umalis dito sa mansiyon kaya mag-isa na ito rito! Baka ang susunod
nito, pamumugaran na ang mansiyon ng multo!"

"T-Tita..."

Tumawa si Aria.

"Ah, hindi naman din po ako nagmamadali sa pag-aasawa-" si Alvaro na siningitan ni


Aria.

"Boyfriend lang gusto ni Yohan! Baka mag break kayo kalaunan din!" si Aria na
ngumingisi.

Sinimangutan ko siya. That's not really what I meant but. Nakatitig na si Alvaro sa
akin.

"Huwag kang mag-alala, hindi naman ako nagmamadali, Yohan," he said, trying to
convince me.

I nodded. "Alam ko naman na ayaw mo pang mag-asawa rin."

His eye widened a fraction and his lips pursed. "At nanliligaw pa ako sa'yo."

Tumango ulit ako at nilingon na si Aria at Tita sa harap. "Hindi pa po kami mag-
aasawa."

"S'yempre, ayaw mo e. Tsaka ni hindi mo pa sinasagot," si Aria na agad na kinurot


ni Romulo.

Nagsimangutan ang dalawa sa isa't-isa.

"Kung sasagutin mo si Captain, Yohan. Dapat isipin mo na rin ang pag-aasawa! Ang
sabi niya nga, hindi na siya bata at gusto niya na ng pangmatagalan!" si Tita.

Tumawa si Alvaro, nanigas naman ako.

"P-Pero nakakahiya naman po. Hindi naman niya ako niyaya pa, Tita... kaya mas
magandang huwag na muna nating isipin masyado ang ganyan," natataranta kong sinabi.

"Baka po ma-pressure si Yohan, Ma'am. Sa susunod na lang-"


"E, ikaw ba hijo? Nakikita mo ba siyang magiging asawa mo na kalaunan?" Tita
persisted.

I gritted my teeth, very scared of whatever will be Alvaro's answer. Nilingon ko


siya. Nakita kong namumungay ang mga mata niya bago bumaling kay Tita at sumagot.

"Oo naman po. Kaya po ako nanliligaw kasi nakikita ko po na gusto ko na rin siyang
maging asawa. Pero hindi naman po ako nagmamadali at maghihintay lang po ako kay
Yohan."

Tita Amanda smirked and bit her lower lip.

"Oh, kita mo?! That's why my advice, before you say yes to him, think about your
future. Are you willing to spend it with him? Hindi ka na bata para maglaro laro at
boyfriend boyfriend lang, hija!"

Kinagat ko ang labi ko. Iniisip ko pa ang sagot ni Alvaro. Was that really for
real?

"Ano? Huh?!" si Tita an gusto pang marinig sa akin ang tamang sagot.

"Opo."

Alvaro chuckled and crouched a little to watch my lowered gaze. "Hey. Don't be
pressured."

"Sus, Captain! Dinidiretso kasi dapat 'tong batang 'to, e. Kasi malikot isipan
niyan. Ang daming iniisip! Kaya buti at nakausap ko kayong dalawa bago kami tumulak
ng Bacolod..."

Nagpatuloy pa si Tita sa kuwento. Alvaro also changed the topic so much. He asked
about their business. Si Tito na ngayon ang sumasagot. Hanggang sa kalaunan, napag
usapan na ang tungkol sa insidente sa azucarera.

Kaya naman nawala na rin ang naramdamang awkwardness ko kanina at natahimik na lang
doon.

"Si Margaux na at Soren, 'di ba?" si Aria na ikinagulat ko.

Ni hindi ko alam na ganoon nga. Nakita ko naman sila sa Homecoming kahit hindi
naman magkabatch ang dalawa ay magkatabi.

"Oo. Alam ng mga Osorio na si Soren talaga ang target kaya nagpalagay sila ng
bodyguard kay Margaux," si Alvaro.

"Paano 'yan? Madalas 'yon sa inyo, hindi ba?" si Aria sabay sulyap sa akin.

"Ah, hindi na. Tinutulungan kasi niya sina Mama dahil gusto nilang magtanim ng
tubo-"

"May gusto 'yon sa'yo. Laging nagpaparinig."

"Si Margaux? E hindi ba ex ni Yohan ang kapatid noon?" sabay baling ni Tita sa
akin. "May gusto sa'yo, hijo?"

"Ah. Wala na naman po 'yon. Kaibigan lang ang turing ko doon."


Nilingon ko si Alvaro. Why does it sound like Margaux did really confess to him?

"Naghahanap pa si Anacita ng mag-aayos ng tubuhan, heto na si Yohan, oh!"

"Tita... hindi po yata maganda ang tingin ni Tita Ana sa akin," sambit ko.

"Ano ka ba? Nakakausap ko naman iyon minsan sa bayan at nangungumust sa'yo. Dati
siguro pero sino ba ang hindi magbabago ang tingin pagkatapos ng ginawa mo?"

"Opo. Maayos naman ang tingin ni Mama kay Yohan. Pero naiintindihan ko naman din
kung bakit ganyan ang tingin ni Yohan sa kanya."

"Lagi noong kinukumusta si Yohan kapag nagkikita kami. Sinasabihan pa nga ako sa
mga ginagawa ng pusa ni Yohan, wala naman akong pakialam doon," si Tita sabay
iling.

The conversation progressed again. Inaamin ko, tuwing pinapaalala sa akin na magaan
naman ang loob ni Tita Ana sa akin, napapayapa ako. Kaya pansamantala kong in-enjoy
ang naramdamang iyon.

"Masarap 'tong maja ng nanay mo, Alvaro," si Tita nang kumain na kami ng
panghimagas.

I cleared my throat a bit. It is delicious. Kanina ko pa napapansin pero hindi ko


lang isinatinig.

"Siya ang gumawa, Alvaro? Alam niya na aakyat ka ng ligaw dito?" si Aria.

"Ah. Oo." Sabay tawa ni Alvaro.

"E 'di boto pala si Tita Ana sa'yo, Yohan!" Aria pointed out my doubt.

Sinimangutan ko siya.

"Ipinagluto ka, oh!" tuwang tuwa niyang sinabi.

Tinawanan na lang ni Tita iyon at nagpaabot na gusto ng recipe roon ky Alvaro.


Maitetext niya naman daw si Tita Ana mamaya kaya maibibigay niya rin agad ngayon.

Pagkatapos kumain, saglit na nag-inuman sina Romulo, Tito Clavio, at Alvaro sa


lanai. Si Aria naman, maaga na umakyat para turuan si Ria sa kung ano. At si Tita,
abala sa pagbibigay ng pulutan sa mga lalaki.

Nasa tabi ako ni Alvaro. Isang bote pa lang, antok na si Tito. At si Romulo naman
mas minabuting tapusin na iyon dahil may trabaho pa siya bukas at kakainom niya
lang sa Homecoming. Alvaro agreed, too.

Sumabay na si Tita kay Tito sa taas pero may malisyosang ngiti sa labi niya nang
ibinilin niya sa akin si Alvaro.

"Captain, mauuna na kami, ah? Kaya gusto ko rito sa Altagracia kasi hindi gaya sa
Bacolod, maaga ang antok!"

Tumawa si Alvaro. "Oo nga po, e."

"Dito mun kayo. Mga bata pa naman kayo. Tsaka hindi kayo gaano nakapag-usap kasi
mga asungot kami kanina. Kaya sige..."

"Salamat po."
Nagpaalam na rin si Romulo kaya kami na nga lang ang naiwan ni Alvaro roon. I have
been comfortable a while ago but now that I quickly remembered our status,
pakiramdam ko mahihimatay na naman ako. I looked at him. He's watching me with his
grin.

"Pasensiya ka na sa napag-usapan kanina tungkol sa pag-aasawa, Yohan. Sana naman


hindi mo ako mabasted dahil na-pressure ka roon," he chuckled.

Natawa rin ako. "Ah hindi naman. Uhm... nahihiya lang ako na si Aria at Tita pa
talaga ang nagbubukas ng ganoong topic. Nanliligaw ka pa lang naman at hindi mo pa
iniisip na mag-asawa kaya nakakahiya."

"Pero sa panliligaw ko naman, iyon na nga rin ang iniisip ko, Yohan."

"Huh?"

"I think I'm too old for temporary things. Kaya nanliliigaw sana ako para kung
sakaling magtagal tayong dalawa at maging maayos ang relasyon natin, mauuwi rin
kalaunan sa pag-aasawa."

My eyes widened. He shifted a bit too.

"Pero huwag kang mag-alala. Kung ayaw mo naman, rerespetuin ko rin."

I didn't speak for a long while. Siya naman kalmadong nakangiti habang hinuhuli at
tinitimbang ang tingin ko.

"G-Ganoon din naman ako." Hindi ako makatingin sa kanya.

"Mabuti naman. Dati kasi hindi ko iniisip iyon sa mga naging girlfriend ko dahil
bata pa lang. Pero iba na ngayon sa'yo."

My heart pounded hard. I tried my best to look at him and I was glad I did. The
courage to watch his eyes after hearing his words made me nervous but it's worth
it. To see his sincerity right through his pupils is something wonderful.

"Sa... dating mga boyfriend ko rin. Mabilis kong nasasagot at naiiwan dahil hindi
ko rin naman iniisip ang ganyang bagay."

His eyes moved in amusement. "Talaga?"

I nodded.

"Kailan ka ba huling nagkaboyfriend? Isang taon na ang lumipas."

"Oo. Si... uh... Bobby. Iyong kasama ko sa cafe."

Tumango siya. "Pati ba iyon, hindi mo naisip na..."

The paper bag crossed my mind. I shook my head.

"Boyfriend lang. Sinusubukan kong isipin naman na magtagal pero hindi talaga..."

He only looked at me then. His eyes were intense. The silence only made it more
defined. After a while, he sighed and spoke.

"Gusto ko lang malaman. Bakit mo nga pala ako binasted noong unang nanligaw ako?"
My lips parted.

"I just want to know so I won't make the same mistake again. Dahil ba masyado akong
mabilis? O... kay Margaux? O... may iba ka bang dahilan?"

"Maybe a mixture of all that you said. And because... I don't really..."

His eyebrow raised in a probe. I sighed before I continued.

"Trust you," nahihiya kong sinabi.

Akala ko magagalit siya o magigingh defensive. I was shocked that he only nodded.
He understood.

"Nagkita lang kasi tayo ulit din, Yohan. I liked you while I was in PMA. I think
about you every now and then when I'm on my missions. Pero noong nagkaroon ako ng
pagkakataon na madestino rito at walang pag-aalinlangan kong kinuha iyon, alam ko
na agad kung bakit."

I bit my lower lip.

"I hoped that all my infatuation of you were true. When we meet again, I proved
that it is. At natanto ko rin na sa'yo ko lang yata mararamdaman ang ganito. Kaya
kung nabilisan ka man, pasensiya na. At tungkol kay Margaux-"

"Did she confess to you?"

Natigilan siya, parang ayaw pang sabihin.

"He posted pictures of you insinuating that you like each other or something."

He sighed. "Noong unang mga linggo ko rito, bihira akong umuwi. At aaminin ko,
nakapagsabi nga si Margaux ng motibo niya. I turned her down immediately."

Nagtagal ang tingin ko sa kanya. I knew it.

"Mahirap akong pagkatiwalaan dahil doon. At siguro dahil din noon pa man, marami na
akong naging girlfriend, Yohan."

"A-Ayos lang naman iyon sa akin. Ako rin naman, maraming naging boyfriend."

His eyes narrowed and lips curled playfully.

"Dapat din ba kitang pagdudahan? Hmm..."

I frowned at him.

He laughed. "Biro lang. Mamaya basted ako, ah!"

Hindi ko tuloy napigilan ang tawa ko pero natanto ko na tama naman siya.

I sighed and looked at him.

"Bakit sigurado ka sakin, kung ganoon? Marami rin naman akong naging boyfriend? Do
you fully trust me?"

He smiled. "Hmm. I think... Yohan, may tsansa na hindi mo ako magustuhan at pumili
ka ng iba."
That was the greatest shock of my life.

"Nakita ko ang mga ex mo, mukhang mga may gusto pa sa'yo. At hindi rin naman sila
basta-basta. Pero sa pagkakakilala ko sa'yo, alam kong kung sasagutin mo man ako,
malaking bagay na iyon para magtiwala ako sa'yo."

My lips parted, still in shock of what he just said.

"Hindi naman maiiwasan ang selos, pero mas magtitiwala pa rin ako kung sakali. At
hindi man sigurado ang kahit ano, ayos lang dahil naisugal ko naman sa taong mahal
ko."

Sa sobra sobrang pagtitig ko sa mga mata niya, pakiramdam ko nawawala na ako. I


smiled with so much hope.

"Sigurado ka bang hindi ka pa nakakapanligaw?"

He gave out a bark of laughter. "Sinong may sabi niyan?"

"Si Aria... at... maraming nagsasabi noon na nagco-confess lang ang mga magaganda
sa'yo?"

He smiled sweetly, slightly biting his lips. Namumungay rin ang mga mata niya.
"Mahirap lang ako, Yohan. Wala akong pambili ng para sa liligawan. Kaya ganoon."

Tumango ako at naalala kung gaano ako minsang naiinggit kapag natatanaw ko siya
kasama ang girlfriend niya noon.

"Ang PDA mo pa sa mga girlfriend mo."

He laughed again. "Wala nang mas PDA pa sa deklarasyon ko kahapon. Pero kung ganoon
ang gusto mo-"

"Huwag mo akong igagaya sa mga ex mo."

Nagtaas siya ng kilay, nagulat sa iritasyon ko.

"Hindi ka naman magagaya, Yohan. Iba na ako ngayon," may hamon sa mga mata niya.

Kumunot ang noo ko.

"Kung sasagutin mo ako, malalaman mo kung paano," he said playfully.

My eyes widened and my face heated. Naalala ko bigla ang sinabi ni Aria sa akin!
Ang mga lason niya sa isipan ko! At ang lalaking ito talaga!

He chuckled. "I'm kidding."

I glanced at him and I realized his lips were the first thing I saw on his face.
They were pursed a bit. Kumalabog ang puso ko at iniwas agad ang tingin.

"Nainis ka ba?" he asked still in a playful manner.

"Hindi naman." Sinulyapan ko ulit siya at nakita muli ang labi niya.

If I say yes to him kissing will then be normal. And holding him will be... my only
right! I don't want to be territorial but sometimes, I can't help but indulge
myself. If I say yes to him, he will belong to me!
Nababaliw na yata ako!

Sitting like this in a distance, will not happen anymore. Kung sasagutin ko siya,
didikit ako sa kanya. At kahit mahihimatay ako, hindi bale na yata at sa tabi niya
naman! Oh my what are these thoughts?

"Yohan?" he called.

I glanced at him again. This time, nagtagal na talaga ang tingin ko sa labi niya. I
can only imagine him kissing me. I will die.

Nagtaas siya ng isang kilay at lalong ngumiti.

"Oh, bawal pa ang halik. Hindi mo pa ako nasasagot, e," pabiro niyang sinabi.

I frowned at him more. Pumikit siya ng mariin at tumawa lalo.

"Biro lang. Totoong mababasted na talaga yata ako."

Uminit lalo ang pisngi ko. Hinuli niya naman ang tingin ko at malamyos na
nginitian. He did that for a while before he spoke again.

"Gusto nga pala ni Mama na imbitahan ka sa bahay. Kaso ayaw kong pilitin ka kaya
hihintayin ko na lang kung kailan mo gusto."

I looked at him because of that. That's when I realized that this is the other
doubt I have in my heart for him.

"Pupunta ako. Bukas."

Sumigla ang namumungay niyang mga mata sa sinabi ko. "Kung iyon ang gusto mo,
Yohan. Sasabihin ko kay Mama."

I nodded and thought about it. This is one and the heaviest thing I carried for
years. At napansin ko na binanggit niya ito ngayon. Napatingin ako sa kanya. Nag-
aabang na siya sa mga mata ko.

"Natanong ko na si Mama tungkol sa nangyari. Gusto niyang personal na humingi ng


tawad sa'yo. I think it's bothering you, Yohan."

I nodded and realized that he knew me more than I thought he did.

"Bukas, Alvaro," sambit ko.

🌺🌺🌺
KABANATA 36
PLAYBOY

Hindi ko alam paano ako nakatulog sa gabing iyon. Umuwi rin naman si Alvaro at
hindi na nagtagal pero nanatili ang isipan ko sa kanya kahit nasa kuwarto at
nakahiga na.

Ako:

Magdadala ako ng pagkain para bukas.

Alvaro:
Huwag na, Yohan. Naplano na ni Mama ang mga lulutuin bukas. Kaya ayos lang.

Ako:

Nakakahiya kasi na pumunta na wala man lang dala.

Alvaro:

Ako naman ang nanliligaw sa'yo at bibisita ka lang sa amin. Hayaan mo na na kami
ang maghanda. Ayos lang 'yan.

I pursed my lips as I read his words. Ang galing galing niya talagang gumamit ng
mga salita. Kaya naman noon, kilala talaga siya. He's friendly to everyone that's
why I understand why girls of different age and status are crazy for him. He's a
smooth talker and it's easy to feel like you're special when he throws in some
jokes for you.

Matagal na iyon at maaaring hindi niya na gaanong nagawa sa nagdaang panahon pero
halata pa rin ngayon.

I smirked. Meanwhile, I only learned those skills to survive. Makikisalamuha lang,


hindi gaya niyang maayos talagang makisama.

I think it's really a valid reason to be scared of a relationship with him. But
then his principles always make up for that. Kahit pa friendly siya sa lahat, wala
rin naman sa prinsipyo niya ang mambabae o manloko kaya... ngumiti ako.

What am I doing thinking about him this late at night?

Ganoon din kinabukasan sa trabaho. Hindi ko matuloy-tuloy ang isang importanteng


tawag dahil masyadong maraming iniisip.

Papunta na ako sa shelter. Maaga pa kaya naisipan kong bumili na lang ng merienda
sa cafe.

Tahimik akong pumasok. Binati naman ng mga nandoon. Dumiretso na ako sa counter
para sa take out pero nagulat ako nang nakita ko si Tita Ana roon.

Tinatanggap niya na ang binili niya samantalang pipila pa ako sa likod niya.
Kinabahan ako bigla.

Alam kong hinamon ko si Alvaro na pumunta sa kanila ngayon. Pupunta nga ako pero sa
saya ko sa pag-iisip sa kanya, nakalimutan ko yata kung ano talaga ang makakaharap
ko. I realized how awkward it will be to be with them, especially Tita Ana.

Paglingon niya para umalis ay nakita niya ako. Tinanong na ako kung anong order ko
pero sa kaba ko, yumuko na lang ako nang nasalubong si Tita.

"M-Magandang hapon po."

She was shocked to see me, too. May kantandaan na si Tita Ana pero bakas ang
kagandahan nito noon kahit may mga kulubot na sa mukha. Her hair is gray, a mixture
of white and black, and her movements were graceful. I remember that day when she
scolded me for coming to their house. At ilang beses ko mang narinig na okay lang
siya sa akin ngayon, hindi ko pa rin maiaalis ang kaba ko. She's a fine woman, for
her to lose her cool on me like that is something that's worth noting.

"Y-Yohan? Magandang hapon din."


She smiled a bit.

"Ah..." she chuckled. "Bumili ako ng panghimagas mamaya. Magluluto sana ako kaso
nirequest na ni Gen na bumili ako rito nito."

I smiled. "Bukas ang dating niya ng umaga. Si Gilbert sa susunod na buwan, kasama
ang pamilya. Bakasyon."

I nodded awkwardly and didn't know what's next.

"Yohan, ilista ko na lang ang order mo. Maupo muna kayo," lahad ng manager sabay
muwestra sa pangdalawahang lamesa.

I was about to say no for Tita Ana. I don't think she'd want to stay with me or
what pero nagulat ako nang tumango siya.

"Umupo muna tayo, hija," anito.

I dropped my orders and quickly paid. Naupo na si Tita Ana at nahihiya naman akong
lumapit sa lamesa. Inaayos pa ang order ko at naghihintay na lang.

"Nasabi na ni Alvaro na bibisita ka mamaya." She's watching me intently.

"Opo."

She nodded. "Hindi na tayo nagkaroon ng pagkakataong mag-usap, hija. Kahit noong
ibinalita ang kabutihang ginawa mo. Inimbita ko naman si Amanda sa bahay ng ilang
beses pero mukhang masyado kayong abala para pumunta."

Napakurap-kurap ako. Hindi ko alam iyon. But knowing Tita Amanda, she's not that
bad but she's a snob. She still has prejudices over status. Ngayon lang naman siya
medyo umayos pagkatapos makilala ng husto si Romulo kaya... siguro hindi niya na
rin nabanggit sa akin.

"Hindi ko po alam... s-siguro, hindi na nasabi ni Tita."

"Siguro nga pero kung diniretso ko ba sa'yo, bibisita ka ba?"

Nabitin sa ere ang sagot ko dahil ayaw kong magsinungaling. Sa totoo lang, hindi.

She smiled wearily. "Naiintindihan ko."

I nodded.

"Alam mo, hija. Sa totoo lang, nagsisisi ako sa mga nasabi ko sa'yo sa araw na
iyon."

Natigilan ako at hindi na nagsalita dahil gustong marinig ang kabuuan. I have my
own points but also, it's better to hear it, too.

"Ilang taon ko rin kasing kinimkim ang galit ko kay Enrique. Sa ngayon, alam mo na
naman siguro ang ginawa niya sa amin ng Tito mo."

I nodded then.

I recalled how shocked I was when I knew about it. Magkasosyo si Daddy at si Tito
Carmelo kaya kami malapit noon sa mga Santander. Tito's land is beside ours. At
nakumbinsi siya ni Daddy na sumugal sa negosyong tubuhan. At noong lumago na,
niloko siya ni Daddy at sinabing nalulugi kaya kailangan niyang bayaran ang mga
lugi ni Daddy.

Tito Carmelo  didn't know what to do. Hanggang sa nabalitaan niya na lang na
kukunin na ng bangko ang lupain dahil sa utang na tinukoy ni Daddy. Kalaunan,
tinubos iyon ni Daddy kaya nang nagkausap sila at hindi binawi ni Daddy ang ginawa,
inatake si Tito at doon na nagsimula ang lahat.

Daddy didn't lose or spend a dime. He really fooled the Santanders.

"Noong pumunta po kasi ako, hindi ko pa alam na ganoon ang ginawa ni Daddy sa
inyo."

"Naisip ko rin naman iyon pero siguro sa kinimkim na galit, hindi ko na nagamit ng
husto ang isipan ko. Tuwing nakikita kita noon, naaalala ko ang nagawa ni Enrique
sa aming pamilya."

My eyes heated. I nodded. I understood but I sometimes really couldn't connect


everything. My father who I loved so much is an evil man.

"Matayog ang mga pangarap ng magkapatid. At dahil hindi makapagtrabaho ang Tito mo
at ni walang pera na nakuha galing sa ginawa ni Enrique, napilitan ang mga batang
magtrabaho kasama ko sa mga Alcazar. Pangarap ni Gen na mag abogasya, si Gilbert
naman mamarko. Mahirap at madilim ang buhay na iyon noon kaya naman matindi ang
galit ko sa mga Valiente, hija. Sa'yo..."

"I understand. Kahit naman po ako, nagalit sa nagawa ni Daddy sa inyo."

"Tuwing naririnig ko sa mga kaibigan ni Alvaro na humahanga ka raw sa kanya, lagi


ko siyang pinagsasabihan na huwag maging malapit sa'yo dahil insulto iyon para sa
amin."

I remember Alvaro not letting me come to their house before. This must be it.

"Kaya noong bumisita ka, huling taon ni Alvaro sa PMA, at karirinig ko lang ng
kuwentuhan tungkol sa'yo, nagalit pa lalo ako. Pakiramdam ko isang Valiente na
naman ang sisira sa pangarap ng anak ko."

I shook my head, pained by her words.

"Kaya humihingi ako ng tawad. Hindi dapat kita hinusgahan. Hindi ko naisip na bata
ka pa at baka hindi mo alam ang nangyari."

"Naiintindihan ko po. Kung ako naman po siguro ang nasa lugar ninyo, magagalit din
po ako. It's a natural human reaction," I said very determined.

Nasaktan ako noong narinig ko ang mga salita niya noon pero kalaunan, nalaman ko na
may dahilan siya.

"Malaking sampal sa akin iyon noong ibinalik mo ang lupa ng walang kapalit. Doon pa
lang ako natauhan. Dahilan kung bakit hindi ko pinaalam kay Alvaro ang ginawa mo
dahil pakiramdam ko, may mali sa nangyari noon."

"Wala pong mali doon. Ginawa ko lang naman po kung anong dapat. Inayos ang
pagkakamali ni Dad."

"Hindi mo pagkakamali iyon. At nasaktan kita, pero ikaw pa rin ang nag-ayos sa
lahat. Kaya salamat... at pasensiya na sa mga sinabi ko noon, hija."

I nodded. Hindi na ako makapagsalita dahil sa bukol sa lalamunan. I couldn't even


breathe properly.

"Ilang beses na gusto kitang makausap, sa mga event n'yo o kung nakikita kita sa
bayan. Pero ngayon pa lang yata napaunlakan iyon. Ngayon pa talaga na bibisita ka
mamaya."

Itinawa ko ang sikip ng dibdib ko. She smiled, too.

"Napansin ko na sa mga beses na sinusubukan kong lumapit sa'yo, umiiwas ka at


naiintindihan ko iyon. Siguro, natatakot ka sa akin." She smiled again.

"H-Hindi naman po," nahihiya kong sinabi. Ayaw kong aminin.

"Pasensiya na, hija. Sana mapatawad mo ako sa nangyari noon."

I swallowed hard.

"Alam ko rin na wala sa lugar kong sasabihin ito pero... boto ako sa'yo para kay
Alvaro."

Namilog ang mga mata ko, hindi inasahan iyon. She laughed a bit.

"Wala sa lugar dahil isa kang Valiente, pero gusto ko lang ipaalam sa'yo. Hindi
kami kasing yaman n'yo pero yaman ko ang mga anak ko. Naging matatag sila at
nagtagumpay kahit mahirap lang. Mahihirapan akong mamili ng babae para sa bunso ko,
kaya ngayon pa lang, gusto kong malaman mo na gusto kita para sa kanya."

Uminit ang pisngi ko. Hindi na ako makapagsalita. Ang matandang ginang ay mas
lalong lumapad ang ngisi. Pakiramdam ko tuloy alam niya ang hiyang nararamdaman ko.

"Narinig ko nitong nakaraan na inaasar nina Levi si Alvaro, nabasted mo raw. Wala
naman akong problema kung ayaw mo sa kanya. Pero baka lang kasi iniisip mong may
iba akong gusto para sa kanya, o na hindi kita gusto para sa kanya..." she shook
her head. "Pinagsisihan ko ang mga nasabi ko sa'yo noon, at hindi man makakalimutan
ang ginawa ni Enrique, mas lalong hindi makakalimutan ang nagawa mo."

My eyes watered at that. I didn't know why I feel so touched by her words.

"Nahimigan ko rin kay Alvaro na pinagdududahan ng iba na si Margaux ang gusto niya,
kaya ayaw niya nang bumisita ito. Nag-uusap na lang din tayo ngayon, ilalakad ko na
ang anak ko."

Napasinghap ako. Hindi ko na alam saan hahanapin ang mga salita.

"Mapaglaro at mapagbiro iyon, pero ilang taong hindi nagkagirlfriend o babae man
lang. Babad sa trabaho at tuwing tinatanong tungkol diyan, iniiwasan lang. Kay Gen
ko lang nalaman na ikaw ang gusto. Nagtatanong lagi tuwing tumatawag galing sa
misyon. Ikaw ang kinukumusta tuwing umuuwi ang ate sa Altagracia." She chuckled.

Dahan-dahan, napawi ang halakhak niya at ngumiti siya. Hinawakan ni Tita Ana ang
kamay ko.

"Pero ano man ang desisyon mo, sana malaman mo na wala akong galikt sa'yo, hija.
Welcome ka lagi sa amin kahit pa tanggihan mo si Alvaro... Malaki ang utang na loob
ko sa'yo."

"T-Thank you po," I stammered as my tears fell.

I wiped them away. Nilapag ng manager ang order ko sa lamesa. Hindi na ako
nagkaroon ng panahong hagilapin ang nararamdaman ko dahil doon. Pinalis ko na lang
ang luha ko. Nakangiti naman si Tita Ana at iminuwestra na rin sa akin ang pagkain.

"Para ba 'yan sa staff mo?" she changed the topic the reason why I gasped and
nodded.

"U-Uuwi na po ba kayo?" I asked when she stood.

"May bibilhin pa ako para mamaya," iminuwestra niya ang isang multicab na madalas
kong makitang nakaparking noon sa bahay nina Alvaro.

"Sige po," sambit ko at kinuha na ang order at tumayo.

Sabay kaming lumabas. Kinausap niya na ang binatilyong nasa labas samantalang
nakatingin na ako sa sasakyan.

"Wala ka bang bodyguard?" she asked when she noticed that I was alone.

"Tinanggal na po... p-pagkatapos mahuli nina Alvaro iyong suspect."

Umiling siya. "Sana pinatagal mo pa."

"Malapit lang din naman po ang shelter at may security guard na kami roon at sa
building."

Nagpaalam na ako. Ang ginang naman ay pinagmasdan pa muna ang pag-alis ng sasakyan
ko.

Nang nakarating tuloy sa shelter, lutang na naman ako. Abala pa naman kami dahil
maraming rescue na dumating. At panay ang tingin ni Chantal sa mga iyon at
supervise na rin sa mgaa trainees.

It was past four when Alvaro came in. I sighed when I saw him bringing food again
for the staff. May brown paper bag sa kamay niya at nilapag sa counter.

He's wearing a green t-shirt, with a bottom his BDA. Hindi na nag-abalang umuwi at
dumiretso na yata agad dito. He looked breathtaking in his attire like that. I
suddenly smiled when I remember what I just bought a while ago.

"Para sa'yo at sa staff," may nagbabanta nang ngisi sa kanyang labi.

"Nakabili na ako ng merienda, Alvaro. Hindi ba sabi ko sa'yo, may budget kami
niyan?"

He smirked. "Na late nga ako e kaya softdrinks na ang binili ko."

I sighed. Well, I didn't buy drinks. Natagalan tuloy ang pagpapasalamat ko.
Tinitigan ko pa iyon.

"Good afternoon, Captain!" si Chantal.

"Good afternoon, doc. Bumibisita lang sa nililigawan ko," si Alvaro.

I shook my head but as smile is already spreading on my lips. Kinuha ko ang paper
bag at tiningnan ang loob. Narinig ko ang tawa ni Chantal.

"Diskarte ba? Naku, ayusin mo at buong bayan pa naman ang may alam na basted ka!"

Mas lalong kumunot ang noo ko nang nakita. Pare-parehong coke iyon pero may isa
roong mas malaki sa iba. May nakalagay pang naka marker "Para sa mahal ko".

Damn this playboy!

Nilingon ko siya, nakasimangot pero pinipilit namang huwag ngumiti. He winked at me


while he's talking to Chantal. Umiling ako at tinabi na lang ang malaking
softdrinks bago pa makita ng staff na pagbibigyan.

Umalis ako para ilapag iyon sa lamesa ng mga staff. Sumunod naman si Chantal na
kung wala yatang ide-deworm ay makikisali sa pang-aasar.

Alvaro was smirking at me when I came back at the counter. Nakahawak na siya kay
Garfield ngayon.

"Kailan ba ang alis ng Tita at Tito mo? Ibabalik mo na si Garfield sa inyo?"

"Tumulak na sila kanina pero bukas ko na lang iuuwi si Garfield. Iniisip ko


malulungkot siya roon dahil mag-isa siya."

His eyes narrowed. "Niyaya mo bang ilagay ko rin si Kuring at Cheshire doon,
Yohan?"

"Akala ko ba nagkasundo tayo na ganoon ang mangyayari?"

He was genuinely concerned now hut his eyebrow raised.

"Pero bibisita ako lagi?"

I sighed. E, hindi pa ba ganito ang ginagawa niya?

"O sige."

He smiled and put Garfield down on the counter.

"Nagkita nga pala kami ni Tita Ana sa cafe."

Nilingon niya agad ako. "Talaga?"

"Oo. Nag-usap kami."

His brow raised again for an unsaid question.

"Tungkol lang sa nakaraan. Uh... nagkaliwanagan lang sa mga bagay."

"Gusto ka niyang imbitahan para makahingi ng tawad sa nasabi niya noon. Nasabi niya
ba?"

Ayaw ko na sanang banggitin. Hindi ko inakala na alam ni Alvaro iyon.

"Uh. Oo."

"Mabuti naman. At..." his lips stretched. "Sinabi niya rin ba na guwapo ako?"

Sinimangutan ko agad siya. Parang nawala bigla ang seryosong usapan namin ni Tita
kanina sa cafe dahil sa singit niya.

He chuckled. "Biro lang. Sinabi niya kasi ilalakad niya ako sa'yo..."

Hindi ko tuloy napigilan ang halakhak.


Just like that, my scared heart became braver. Tinanaw ko siya pagkatapos ng ilang
sandali. Nasa upuan na siya kasam si Garfield. He really looked so attractive in
his uniform.

Nag-ayos ako dahil iniisip na magyayaya na na umalis na ngayon. I was busy on my


mirror when I heard him talking to Garfield.

"Ang ganda ng mommy mo, Garfield. May pag-asa kaya ang guwapo mong Daddy?"

Napadabog kong sarado ang compact cc cream ko sa biglang pag-init ng pisngi.


Napatingin siya, alam na narinig ko ang bulong-bulong niya sa pusa. He smirked and
stood.

"Ewan ko sa'yo, Alvaro," sabi ko pero hindi ko na mapigilan ang ngiti.

🌺🌺🌺
KABANATA 37
CAPTAIN

"Magandang gabi, Yohan," si Tita Ana nang dumating na kami kina Alvaro.

Binati rin ako ni Tito Carmelo at nagawa pa nitong magbiro kay Alvaro.

"O, ayusin mo na ang panliligaw!" utos nito sa anak na gustong umakyat.

Tumawa si Alvaro at bumalik na lang sa akin. "Mamaya na lang ako magbibihis."

I looked at his uniform again. I have no problem with it. At kanina pa man, medyo
naiisip kong gusto ko siyang pagmasdan na ganito.

Hindi pa halos nakalulubog ang araw, nagyaya na si Tita Ana na kumain.

Luma ang bahay ng mga Santander pero may iilang bakas na ng renovation. Malawak ang
kanilang sala at tanaw ang pang waluhang dining table mula roon. Gawa sa hardwood
halos lahat ng gamit, at sa pagkakaalala ko noon, ganoon din ang bahay. Pero
ngayo'y natatanaw kong nahaluan na iyon ng semento at mas nagiging moderno na.

Ilang taon na nga akong hindi nakapasok dito. Hindi ko na halos maalala ang lahat
ng detalye noon pero namamangha ako na malinis at maayos ang mga muwebles kahit
nagdaan ang taon.

Nasa kandungan ko kaagad si Kuring nang naupo ako sa sala. Nasa tabi ko si Alvaro
at nasa kandungan niya si Cheshire. Napansin kong ilang linggo pa lang ito nang in-
adopt ni Alvaro, medyo tumaba na ito.

"Halina kayo!" si Tita Ana.

Kanina ko pa sinasabi kay Alvaro na tutulong ako pero tumanggi siya dahil may
tumutulong daw kay Tita Ana sa kusina. They have kept two boy-helper. Ani Alvaro ay
kasa kasama daw ni Tita Ana at Tito Carmelo noong sila lang dalawa rito.

Naupo na kami sa hapag at nagsimula na ang kuwento ni Tita tungkol sa pagkikita


namin.

"Bumisita ka rin dito sa susunod na araw, hija. Bukas ng umaga ang dating ng ate
Gen mo pero baka magpapahinga pa 'yon kaya sa susunod na araw na lang ako
maghahanda."
Tumango ako.

Somehow, the reason of my visit is less of a burden now that we met earlier on the
cafe. Magaan na ang loob ko. Nahihiya man, medyo hindi na takot sa mga magulang ni
Alvaro. Lalo dahil mabait naman talaga si Tito carmelo.

The couple were both old. Naka wheelchair si Tito pero ani Tita Ana, nakalakad
naman daw ito kalaunan. Kaya lang dulot ng katandaan, bumalik din sa wheelchair.

Habang nagku-kuwentuhan, hindi ko mapigilang mapaangat ng tingin sa tatlong photo


frame sa dingding. Una si Kuya Gilbert sa kanyang pag graduate sa PMA, sunod si Ate
Gen naman, at huli si Alvaro.

I realized that it must be really hard for them. Sa ginawa ni Daddy sa kanila, isa
ngang malaking achievement ang lahat ng nakamtan ng mga anak. They were all
hardworking and persistent, and maybe combined with luck, too. Huli na nang nabawi
nila ang lupa, graduate na ang magkapatid. Kaya ngayon lang talaga sila nakaluwang
luwang.

"At sa pag-uwi rin ni Gilbert. Kasama nila ang mga pamilya nila kaya makikilala mo
rin ang mga apo ko," she smiled.

"Sige po."

Alvaro sighed. "Kaya mas maganda rin na sa kanila muna si Kuring at Cheshire. Baka
paglaruan ng mga bata, madali pa namang mapikon na si Kuring."

"Huh? Saan pupunta ang mga pusa, Alvaro?"

Kinabahan ako ng kaunti dahil nahimigan ko na parang nag-aalala si Tita Ana. Tumawa
si Tito Carmelo.

"Naku, Yohan. Itinuturing na ni Ana na mga apo ang mga pusa. Itong si Alvaro din
kasi, loko loko. Sinabi na iyon na daw ang mga anak niya."

Natawa ako. I looked at Alvaro who's smirking.

"Ngayon lang naman po. Wala pa, e."

Tumawa si Tita Ana. "Sa kina Yohan ba muna?"

"Opo. May isa pa kasi siyang pusa din at iuuwi sa kanila galing sa shelter. Kaya
mas maganda na pumunta na rin si Kuring at Cheshire roon."

"Pusa na isa pa? Bakit nasa shelter? Hindi ba puwede sa inyo?"

"Ayaw po kasi ni Tita Amanda sa mga pusa."

Namilog ang mga mata ni Tita Ana. "Kaya siguro wala siyang masabi tuwing
nagkukuwento ako tungkol sa mga pusa?!"

Now that's true. I can imagine Tita Amanda's face as Tita Ana talked about the
cats.

"Allergic po kasi si Tita sa balahibo at... medyo hindi niya lang din gusto ang mga
pusa kaya kapag nariyan siya, nilalagay ko iyong alaga ko sa shelter."

"Kaya rin ako ang nag-alaga kay Kuring noon, Mama."


"Oo nga pala, naalala ko na. Talaga palang ayaw ni Amanda sa mga pusa."

"Ayaw mo rin naman noon, napamahal na," si Tito Carmelo sabay ngiti.

They looked at each other, both old and gray. I sighed and realized that sometimes
it's really not about the money or power. It's about being home, to give love, and
be loved in return. We all grow old, money can give us material things, but love
can give us riches of the heart. That's something intangible but essential.
Something our soul will always crave, something that we can bring until afterlife.

"S'yempre, hindi ko rin maintindihan bakit magdadala si Alvaro ng pusa rito. Hindi
naman ito nag-aalaga ng kahit anong hayop noon."

"Ah. Natagpuan ko lang si Kuring sa school noong kuting pa siya. Hindi kasi puwede
sa amin noon dahil kay Tita kaya hindi ko alam saan siya ilalagay. Uh... may iba
naman din po sana na puwede kong pagbigyan."

"Tama na 'yan. Masaya naman si Kuring dito," si Alvaro.

Nilingon ko si Alvaro. I suddenly wonder if Kuring had a hard time here? Ayaw sa
kanya ni Tita Ana siguro kung alam niyang galing sa akin noon. Tapos naaalala ko na
hindi marunong mag-alaga si Alvaro ng pusa.

"Noong una talaga hindi ko maintindihan. Nauubos pa ang pera niyan sa pusa, imbes
ikain na niya sana sa school. Umuuwi dito para kumain para may budget sa pusa."

Namilog ang mga mata ko at tumingin kay Alvaro. That was alarming but it seems like
he found that as an opportunity to prove himself. He smirked at me.

"Ganyan ko kamahal si Kuring."

I suddenly remember him not courting someone because he claimed he was poor. Pero
medyo may kamahalan ang gamit ni Kuring, ah?

"Pero kalaunan naman, napamahal ko rin. Malambing kasi si Kuring, e," patuloy ni
Tita Ana.

Tumango ako dahil iyon nga rin ang na-miss ko. Hindi ko man siya nakasama noon ng
matagal, iyon nga ang isa sa katangian ni Kuring.

"Hindi rin iyon nagrereklamo kapag nililiguan ni Alvaro. Itong si Cheshire, unang
ligo pa lang, nakalmot ni si Alvaro."

Tumawa si Alvaro. "Masasanay din 'yan."

Umiling ako dahil iyon din ang naisip ko kay Cheshire. Hindi na siya bata kaya
pakiramdam ko matagal na talaga siyang takot sa tubig at baka ganoon na siya lagi.

"Noong nag PMA na si Alvaro, Yohan. Iyon na ang pumalit sa kanya rito sa bahay,"
sabay tawa naman ni Tito Carmelo. "Wala nang bunsong anak namin at kami na lang
dito kaya si Kuring na ang naging anak ng Tita Ana mo."

Natawa ako.

"At noong bumalik ako, mas mahal na si Kuring kaysa sa akin," si Alvaro.

Natawa ulit kami. I realized their home is already a delight with only Alvaro
around. Paano pa kung nariyan na si Ate Gen at Kuya Gilbert?
"Pero ibabalik o ipapabisita naman si Kuring dito, hindi ba?" si Tita Ana na 
mukhang nag-aalala talaga.

"Oo naman po."

"Sige. Ayos na rin dahil bata pa ang mga anak ni Gen at mahilig maglaro ng pusa.
Medyo matanda na si Kuring at mas gusto na lang matulog. Kaya mas mabuti na ring sa
inyo muna."

"Dadalhin ko na bukas sa kanila," si Alvaro.

"Oh. Bibisita ka ulit? Mag dala ka ng pagkain!"

"Uh, masarap po ang maja blanca ninyo. Gusto rin ni Tita."

"Oo nga, na kuwento ni Alvaro. Nanghingi pa nga ng recipe."

Magaan ang pakiramdam ko kasama sila. Tumulong ako sa pagliligpit kahit panay ang
tanggi ni Tita Ana. Tumulong din kasi si Alvaro.

At pagkatapos doon ay nagpasya kami na tingnan ang ginawang cart furniture ni


Alvaro para kay Kuring noon. Naaalala kong namangha ako nang sinabi niya na wala
siyang pera at siya na ang gagawa noon.

Nasa likod kami. Nilabas na kasi iyon at dati raw ay sa sala iyon nakalagay. Nasa
labas pa muna ngayon dahil nililinisan at bagong pintura. Inayos ni Alvaro.

"Hindi na kasi ito nagagamit masyado ni Kuring kaya ngayong nandito si Cheshire,
ngayon ko pa lang naayos."

Namamangha akong nakatingin doon. Malaki nga iyon kumpara noong nasa shelter at
nasa bahay. Ilang taon na iyon at mukhang nagtagal talaga!

"Ang ganda!" I praised.

"Umayos na ngayong napinturahan. Noong isang araw ko pa 'to inayos at pinatuyo


lang. Paabutin ko lang ng ilang linggo para siguradong tuyo na pati ang loob. At
aayusin ko pa ang scratching post."

Alvaro was called by Tita Ana for the tea. Naiwan ako roon, naroon sa malapit si
Tito Carmelo. Nakatanaw siya sa amin kanina at ngayong mag-isa ako, lumapit.
Nakangiti naman siya habang tinitingnan akong sinusuri ang gawa ni Alvaro.

"Ilang linggo o buwan niya rin ginawa noon. Saka lang nagkakaroon ng lugar kapag
walang eskuwela at trabaho."

"Ang galing nga po, e," sabi ko sabay tingin sa matanda.

Tumingin siya sa akin at tumango.

"Maparaan at madiskarte rin kasi iyon kaya laging nagbubunga ang kasipagan."

I smiled.

Suddenly there was an awkward pause. He was still smiling, slowly he renewed it and
this time it reached his eyes.

"Hija, sana hindi maging hadlang sa'yo ang nangyari dati sa pamilya..."
Nagulat ako. Hindi ba dapat ako ang magsabi noon.

"Si Dad po ang may kasalanan. Ako po dapat ang... magsabi niyan kay Alvaro."

"Nanliligaw naman siya sa'yo, kaya ibig sabihin noon. Kahit na may hinanakit siya
kay Enrique sa ginawa niya sa pamilya, hindi hadlang iyon. Ang iniisip ko'y ikaw."

Yumuko ako.

"Nakikita kong mabait ka, ibang iba sa mga Valiente. Naririnig ko sa bayan na
sinasabihan kang tumakbo bilang bise mayor ng Altagracia. Maraming kang natulungan
at nagtayo ka pa ng mga foundation."

"Ah. Wala po akong planong tumakbo."

Ngumiti ulit siya. "Kung ang dating Valiente ay kilala sa pagiging kurap, binago mo
iyon. Masaya ako na lumaki kang ibang-iba..."

Uminit ang pisngi ko. I don't think I have ever received such praises. Bumalik si
Alvaro at may sasabihin sana pero nang nakitang nag-uusap kami, tumahimik.

"Maraming naging girlfriend si Alvaro noong bata pa pero kailanman hindi ko pa siya
napuri roon. Ngayon ko pa lang pupuriin na magaling siyang pumili sa nililigawan."

"Sana hindi mo na lang po sinama iyong maraming naging girlfriend, Pa."

Tumawa ang matanda. "Sana ay kung maging kayo man, magtagal kayo. At sana ikaw na
ang huli niya."

Nagkatinginan kami ni Alvaro.

"Hindi ko kayo mamadaliin dahil nakikita kong gusto n'yo pang kilalanin ng mabuti
ang isa't-isa. Pero sana kung makita ninyong sigurado naman na kayo, huwag na
kayong magdalawang isip pa."

Namilog ang mga mata ko. Alvaro chuckled.

"Bata pa kami, Pa."

"At ako naman tumatanda na," aniya sabay ngiti sa akin.

Tumawa lang si Alvaro at kalaunan naghanap na si Tito ng tsaa. Kinuha lang nila ang
tasa at nagpaalam na sila ni Tita na pupunta na sa kuwarto.

"Ihatid mo mamaya, Alvaro," si Tita. "Yohan, mauuna na kami. Mag kuwentuhan muna
kayo riyan, hija."

"Salamat po ulit," sabi ko.

Nakaupo kami sa sala nila. Naka on ang TV at nag pi-play doon ang isang teleseryeng
wala ni isa sa aming sumusubaybay. Iniisip kong patayin 'yong TV kasi busy si
Alvaro sa panonood sa akin. Si Cheshire at si Kuring nasa gitna naming dalawa.

"Gusto ko sanang magbihis muna kaso hindi kita maiwan dito," he smirked.

Sinimangutan ko siya. My eyes slightly looked at his shirt. He's still in his army
green t-shirt, with his camouflage pants with pockets, and even on his combat
boots. Kanina'y nagbalak din siyang magbihis kaso hindi ko rin alam bakit hindi
siya tumuloy. At ayos lang sa akin na hindi na.

"Work clothes mo ba 'yan?"

"Iba lang ang inner shirt. Nagpalit na ako bago pumunta ng shelter kanina."

I nodded and my eyes went to his uniform again. I really like it.

"At may pares pa itong camouflage na pang itaas, kapag nasa trabaho."

I looked at him straight in his eyes. I slightly wonder how was he years after his
graduation. When he joined the special forces, it must be so hard to be away from
your family. Lagi pang delikado at siguro minsan na ring nadala sa bingit ng
kamatayan.

"Anong iniisip mo?" he asked.

"Naisip ko lang anong ginawa mo noong nasa special forces ka pa? Uh... kung... na
miss mo ba rito? Hindi ka umuwi. At... delikado ba?"

He nodded. "Delikado. Pinadala kami sa gitna ng giyera, Yohan. Sa malalayong


lugar."

I am not sure if I am prepared to hear his experiences. I would hurt so much to


know that he was in danger. Kahit pa tapos na at nandito naman siya sa harap ko,
buhay na buhay.

"Hindi ka ba natakot?"

He chuckled. "Natakot din, Yohan. Lahat naman. Kailangan lang maging matapang.
Pinalad lang din siguro ako kaya umabot dito."

"You were persistent too so... it must be that."

"Some of my fallen comrades were also brave and persistent. I say it's a bit of
luck. And prayer."

Tumango ako at biglang nag-init ang sulok ng mga mata ko. All this time, I didn't
even think about him and his hardships. He was never on my prayer. How he's here in
front of me, I must be blessed beyond logic.

I sighed. That's when I realized that I probably could never wait for another day.
Nag-isip ako na patatagalin ko pa ito ng kaunti para mas lalong makilala pa siya
pero natanto ko rin na suntok sa buwan na nandito siya sa harap ko ngayon.

"Lumabas muna tayo. May kukunin ako sa sasakyan ko."

Nagtaas siya ng kilay. "Okay."

Sabay kaming lumabas. Ang mga pusa ay unti-unting sumunod sa amin, ngumingiyaw
kasabay sa mga gangis ng malamig na gabi.

I opened my car door. Kinuha ang isang velvet pouch doon. Binili ko iyon kanina sa
isang online jewelry shop sa La Carlota, isang white gold bangle. Nakuha na kanina
ng staff noong dumaan sila roon para sa isang rescue. Iniisip ko na hindi ko pa
ibibigay ito pero wala na yatang mas magandang pagkakataon kundi ngayon.

He leaned on his car as he watched me rummage on the pouch. Lumapit ako.


Nakahalukipkip siya, hindi pa rin maintindihan kung bakit kami lumabas at ano ang
kinuha ko.

I smiled at him and showed the cuff bangle. It's very uncomplicated. It's flat and
thin. Madali ring isuot dahil cuff. At may pina engrave na ako roon.

"Gift ko sa'yo," sambit ko at walang pag-aalinlangang isinuot sa palapulsuhan niya.

Kunot noo niyang pinagmasdan iyon. Seryoso. Isang bagay na gusto ko rin sa kanya.

"Para saan?"

"Wala lang," sagot ko at ngumisi.

But of course, the soldier in him whispered him something. Inangat niya ang kamay
niya at sinuri ang bangle. Nang may nakita ng kaunti, tinanggal agad.

"Ba't mo tinanggal?" natatawa kong sinabi.

His eyes narrowed and he looked at me seriously. "The captain of my heart?"

Iyon ang pina engrave ko sa likod ng bangle. Uminit ang pisngi ko.

"Captain ka kaya pinaengrave ko. Pasok na tayo," sabi ko at sinubukang umalis.

Sinuot niya ulit ang bangle at hinila ako pabalik doon. Natatawa akong nakabalik at
kunot ang noo.

"Talaga? Captain? E, bakit may heart?" pilosopo niyang tanong, nakataas ang isang
kilay.

"Kapag naging major ka, papalitan natin 'yan," I said diverting the talk.

"Bakit muna may heart? Bakit? Pag-aari ko na ba 'yang puso mo? Mahal mo na ako?" he
was serious but there was a ghost of a smile on his lips.

Hindi ko rin tuloy maseryoso. Sumisingit ang ngiti ko.

"Sagot, Yohan," aniya sa banayad pero may diin na boses.

Nagtaas ako ng kilay. "I'm not your cadet, Alvaro."

"Sagot... Commander?" he smirked.

Pumikit ako ng mariin, gusto nang matawa at mabaliw sa harap niya. "Kinakalawang na
ang mga hirit mo, playboy. Outdated ka na masyado."

"Hindi na naman ako playboy, e. Kaya nga sinasagot mo na ako, hindi ba?"

🌺🌺🌺
KABANATA 38
KISS

Tahimik ang gabi. Tumigil na sa kangi-ngiyaw ang mga pusa at tahimik nang naupo
malapit sa amin ang mga ito.

He watched me intently, his eyes never faltering. Habang ako naman, hindi
makatagal. Tuwing nagkakatinginan kami, madalas kong iniiwas. He didn't probe it
again, he just remained silent, with a ghost of a smile on his face.
Sinulyapan ko ang bangle sa kanyang palapulsuhan. It looked like silver in the dark
night. It suited him so much, manly and simple. Wala nang ibang detalye, bukod sa
naka engrave sa likod noon, na hindi naman din kita ng titingin. Kaming dalawa lang
ang nakakaalam.

"Sinasagot na kita," sabi ko, hindi siya matingnan ng diretso.

Uminit ang pisngi ko. Hindi siya nagsalita. Nang sulyapan ko ay umangat na ang mga
gilid ng labi niya.

"Hindi ko pa sana plano. Kasisimula mo lang manligaw ulit kaso..."

"Hindi ka magsisisi. Kahit tayo na, liligawan pa rin kita."

Sinimangutan ko siya. Ngumisi naman siya lalo.

"It's a miracle that after years, we saw each other again. Your feelings for me
changed. My feelings for you probably changed too."

Nagtaas siya ng kilay. Nahimigan ko ng kaunting yabang sa ekspresyon niya.

"It matured through the years. Hindi na simpleng paghanga lang, Alvaro."

He smiled. Tinapangan ko na at tiningnan na rin siya. The night felt so serene. At


tanging ang puso ko lang ang hindi mapakali habang tinatanaw ko siya.

"Nagtraining ka sa PMA, nag kolehiyo ako sa Silliman. Nadestino ka sa malayong


lugar at lumaban sa giyera. It's a miracle that you came back here in one piece..."

Namungay ang mga mata niya. He pursed his lips.

"Yes, it's a miracle that I survived. And maybe you were my lucky charm all this
time."

My lips parted. He swallowed hard. Dumaan ang kaunting sakit sa kanyang mukha at
tinitingnan pa lang siyang ganoon, parang nasasaktan na rin akol. Hindi ko talaga
yata kayang marinig ng buo ang mga istorya niya. But I also know that I need to go
through that pain, maybe I could somehow ease it for him.

"Madalas kitang maisip kahit sa gitna ng giyera at mga misyon."

Ngumuso ako para pigilan ang ngiti. Sa gitna ng lungkot ko para sa kanya at sa mga
pinagdaanan niya, hindi ko lubos maisip na dumadaan ako sa isipan niya kahit paano.

For years, I will lie if I say he didn't ever cross my mind. He did. At times. Pero
minsan para lang ikumpara ang manliligaw o nagiging boyfriend ko. Ni hindi ko
iniisip kung ano kaya ang mga paghihirap niya.

"At tuwing naiisip kita, lagi akong sinisuwerte." He smiled, his eyes a bit weary.

Ngumiti ako pero sumisikip ang dibdib ko.

He slowly took my hand. Isa-isa niyang maingat na pinagsalikop ang mga daliri
naming dalawa. He looked at it like it was his most prized possession - our
intertwined fingers.

Slowly, he brushed the back of my thumb with his. At kahit magaspang ang kamay
niya, walang mas maingat pa sa haplos na binibigay niya. I closed my eyes, memories
rushed on my mind. My young memories of him and not knowing the reason why I wished
for him to hold me... even for a while.

I have loved him for a long time. Hindi man siguro ganito ka tindi ang pagmamahal
ko sa kanya noon, pero minahal ko siya ng buong puso sa mga panahong iyon. I was
young and hopeless. But in time, I forgot about him. I didn't wait for him. But I
also didn't give my heart to anyone else.

Or maybe, I waited for him. Unconsciously.

"Help comes, or I suddenly find a way to escape, or there is a new strategy...


tuwing naiisip kita." He chuckled, like he's not taking it seriously but I can
sense that it was true.

Ngumiti ako habang pinagmamasdan siyang medyo nahihirapang magkuwento.

"Tuwing naiisip kita, parang laging nagpapakita ang pag-asa."

Sumikip lalo ang dibdib ko at nag-init ang mga mata. I felt guilty that I really
didn't think much about him all these years. And here he seeing hope in my eyes,
even in my absence.

"Like a lucky charm," aniya at ginalaw ang bangle sa palapulsuhan niya.

I sighed and nodded. "At simula ngayon, hindi mo na kailangang umasa roon. You said
it's a bit of luck, and prayer, right? I will be your luck, and prayer, Alvaro."

He smiled but his eyes sparkled. Ngumisi na lang ako lalo para itago ang
nagbabadyang luha sa mga mata ko.

"Ipagdarasal kita lagi. Isang bagay na... pinagsisihan kong hindi ko ginawa sa
nagdaang taon."

His brow shot up again, a menacing and teasing smile is on his face. I sighed.

"Bakit? Ano ba ang ginawa mo sa nagdaang taon? Hindi mo na ako naisip?"

"Minsan lang," I said in a small voice. "I know you're in the army but..."

Humalakhak siya at hinigpitan pa lalo ang salikop sa daliri ko.

"I guess I just didn't think so much about how dangerous it really is out there. O
siguro dahil masyado lang akong abala sa ibang bagay."

"Gaya ng mga naging boyfriend mo?" he sounded playful now.

Sinimangutan ko siya pero hindi ko maipagkakailang tama siya ng kaunti roon.

"At pag-aaral."

"At mga manliligaw."

I sighed and frowned at him.

"You have six ex boyfriends. Let me guess, one for each year in college?"

"Bakit? Ikaw nga nakakailan noon sa isang year ng high school?"

Namilog ang mga mata niya at natawa na.


"I didn't judge you for your exes, Yohan. Nagtatanong lang naman kung isa ba kada
taon 'yon?"

"Oo!" iritado kong sagot.

"Well, that's why there was no space for me on your mind through the years."

"Naiisip din naman kita minsan," giit ko.

Nagtaas ulit siya ng kilay. "Sa anong pagkakataon naman?"

An image suddenoly flashed on my mind. I remember my first kiss with Angelo. I


couldn't kiss him seriously because I was thinking about Alvaro! At pati noong sa
ilan kong ex na tuwing hinahalikan ako, kung saan saan lumilipad ang isipan ko.

I even wonder if Alvaro could kiss better or what?!

"Uh... Minsan lang kapag naiisip k-kita..."

"Sa anong pagkakataon nga?" ulit niya at ngayon may puwersa na.

I was very pressured. Kinakabahan ako at pinagpapawisan na. I feel like a cornered
cat. My eyes narrowed at him and reminded myself that he was a playboy. Was.

Kinakalawang na ang skills niya at baduy na kaya bakit ako magpapatalo sa kanya?

"Kapag kasama ko ang boyfriend ko..." I bravely said kahit na may kaunting hiya na
namang gumagapang sa sikmura kol.

His raised brow move and he shifted his weight.

"Ano 'yan, pinapaselos mo ako?"

Namilog ang mga mata ko.

"Bakit? Nagseselos ka?"

"Hindi. Ako na naman ang boyfriend mo ngayon. Wala na sila," he said confidently.

I gave him a knowing look. But his brow remained raised.

"Kapag kasama mo ang boyfriend mo, ako ang naiisip mo?" binalik niya ang usapan.

Nagulat ako. Hindi ko napansin na parang iba pala ang labas noon!

"Naiisip kita. Kung may girlfriend ka na rin ba."

Naningkit ang mga mata niya. "May boyfriend ka na noon kaya iniisip mo dapat ako
rin?"

Ayaw kong aminin kung sa anong paraan ko siya naisip. I would be swallowed by the
earth if I did that.

"Hindi ka naman kasi nawawalan ng girlfriend noon kaya iniisip ko na may girlfriend
ka na siguro."

"Kaya ka nagbo-boyfriend kasi iniisip mo, may girlfriend na rin naman siguro ako?"
Sinimangutan ko ulit siya. Muntik na akong pangunahan ng kaba at iritasyon sa kanya
mabuti na lang at nakontrol ko.

"Well, wala ka namang naging girlfriend ng ilang taon. Kaya siguro ang corny mo
na."

Namilog ang mga mata niya at natawa pa. His hold on me tightened and I can't stop
thinking about it. It might be nothing for him but for me, it meant so much.

Inaamin ko na nagawa ko na rin ang mga bagay na ito sa mga nagdaang ex boyfriend
pero hindi ko maalala kung may ganito ba akong naramdaman. I can't stop thinking
about it. I can't seem to put it out of my mind, even when we're talking.

"Hindi mo na nahasa ang pambobola mo."

"Well, if that's supposed to be an insult for me, I'll take it as a compliment.


Hindi na naman ako playboy, Yohan. Matagal na nga iyon."

I smirked. "Para sa mahal ko?" Ulit ko sa nilagay niya sa softdrinks ko.

Ngumisi rin siya. "Sinagot mo naman ako kaya epektibo pa rin, hindi ba?"

Hindi ko na maitago ang ngiti. He smiled back, too.

"At pinagyayabang mo ba na ikaw naman ang playgirl ngayon?"

He raised a brow again. I laughed.

"Baka iwan mo ako kalaunan at may ipapalit ka agad?"

"Hindi ako ganoon, ah!"

My face heated when I realized I couldn't imagine being in a relationship with


someone else other than him now. Kumalma ako at pinagmasdan siya. Sana nga siya na
ang huli. Gusto ko siya na ang huli...

"You've always been pretty but you matured so gracefully. Baka maagaw ka pa
sa'kin..." he said with a small doubtful smile.

My eyes narrowed. His eyes dropped on my lips a bit then back in my eyes again.

Umiling siya at unti-unting nagseryoso. "Hinintay ko 'to. Hindi ako papayag na


maagaw ka pa."

"Wala namang aagaw, Alvaro."

Seryoso pa rin siya.

"At hindi ako magpapaagaw dahil ikaw lang din naman... ang gusto ko."

Unti-unting namungay ang mga mata niya. Unti-unti ring sumilay ang ngiti sa labi
niya. He tilted his head, as he indulgently watched me. He licked his lips.

"Mukhang ako na nga yata ang binobola ngayon, ah. Kinakalawang na nga ako."

I chuckled. I can't believe it. Parang panaginip ang lahat ng ito. This is even
better than all of my childish daydreams!

In my dreams, he liked me back. Right now, as he watched me with indulgence, and


with those words. I felt like he was smitten so bad.

"No need to fool me with your learned sweet words, Yohan. Gustong-gusto na kita,
ano pang plano mo?"

Tumawa ako lalo. "Wala."

"Alvaro? Yohan?"

I jumped a bit. Nakita ko ang pag iling ni Alvaro at pagpikit ng mga mata. He even
muttered a soft curse. Abala na ako sa paghahanap kay Tita Ana dahil sa narinig na
tawag galing sa kanya.

"Kailangan ko nang lumipat. Ayaw ko rin namang dalhin ka sa kampo," he said.

"Oh! Nandito lang pala kayo. Akala ko umuwi na dahil wala sa loob," ani Tita nang
nasa pintuan na siya.

Nakapantulog na si Tita. Halatang antok na at ngumisi. Cheshire meowed and went to


her while Kuring remained near us, sleeping.

"Kuring, halika na rito!" si Tita.

Ngumiti ako. I saw her eyes drifted on our intertwined hands. Alvaro was silently
watching me. Agad akong nagsalita.

"Ah, tutulak na po ako para rin makatulog na si Alvaro."

"Ah, ayos lang hija. Sige pa, magkuwentuhan pa kayo."

Dahil hindi lumalapit si Kuring sa ginang, siya na ang lumapit dito. I squatted.
Binitiwan si Alvaro para kuhanin si Kuring at ibigay kay Tita.

"Salamat," si Tita nang nakita ang ginawa ko.

Hinaplos ni Alvaro ang ulo ni Kuring. His eyes opened and looked at us. May
kaunting kumurot sa puso ko para sa pusa. At hindi ko maintindihan kung bakit bigla
akong nalungkot.

"Uuwi na po ako," sabi ko nang nakitang tahimik naman si Kuring nang tinanggap ni
Tita Ana.

"Ihatid mo, Alvaro."

"Ihahatid ko naman talaga, Ma," he said.

Tita Ana smiled. "Mag-ingat kayo."

She stayed on the front door of their house. Kahit na nagbubukas na ako ng
sasakyan, nakatingin si Alvaro sa akin. I glanced at him and entered my car. He
lazily slid on his.

Kumakaway si Tita Ana nang inaatras ko na ang sasakyan at pinadaan na sa kalsada.


Ginawa rin iyon ni Alvaro sa kanya at bumuntot na sa akin. Kalaunan, bumiyahe na
kaming pareho.

Hindi kalayuan ang bahay kaya hindi nagtagal, dumating din kami agad. Bumaba ako at
pinapark sa garahe ang sasakyan. Nanatili naman si Alvaro sa rotunda ng bahay,
hinihintay na makapasok ako pero bumaba siya.
My heart hammered again, wanting to continue the small talk we have but I also know
that he'll need to rest. May trabaho pa siya bukas. Ganoon din naman ako pero hindi
gaya niya, puwede akong matagalang pumasok.

"Bukas, bibisita ako. Dadalhin ko na si Cheshire at Kuring dito."

Tumango ako. "Iuuwi ko rin si Garfield."

"May reunion ang mga anak natin," he said playfully.

My eyes narrowed again but I let him have that opinion.

"Dito ka na rin magdinner bukas," sabi ko.

"At sa susunod na gabi, ikaw naman sa amin dahil nandoon si Ate Gen."

"Okay."

Nagkatinginan kami.

"Yohan? Ikaw ba 'yan?" si Aria ang narinig ko ngayon.

Parang nagkapalit kami. Ngayon ako naman ang umiling at pumikit ang mga mata dahil
sa pinsan. Bakit ba lagi na lang may nang-iistorbo?

"Oo."

"O, Alvaro! Hinatid mo?"

"Yes, Aria," ako na ang sumagot para kay Alvaro.

"Ganyan nga, Alvaro. Magsipag ka sa panliligaw!"

Ngumisi si Alvaro at gusto ko nang magsapo ng noo. Akala ko babanggitin ni Alvaro


pero nagulat ako nang tinawanan niya lang si Aria. I looked at him in awe.

"Aria!" I heard Romulo call. Nasa loob siya ng mansiyon.

Aria rolled her eyes. Imbes na lumapit sa amin ay bumalik siya sa loob dahil sa
tawag ng asawa.

Nilingon ko si Alvaro. "Akala ko sasabihin mo sa kanyang tayo na."

May gulat din sa mga mata niya. "Puwede na ba? I'd tell people I have a girlfriend.
Pero iniisip kong baka mahiya ka?"

"Ikakahiya kita, Captain?" may hamon sa tanong ko.

He chuckled. "O sige. Pag-uwi ko kung gising pa si Mama at Papa, sasabihin ko."

Ngumisi ako pero napaisip tuloy ako. He probably thinks about me being a Valiente.
Na baka ikahiya ko pa siya. Noong manliligaw siya, ayos lang. Pero ngayong kami na,
ibang usapan na iyon.

But from the very beginning, I didn't mind our differences. It was a little thing.
Kung mayroon man, tingin ko mas higit pa siya sa kahit sinong mayamang tulad ko. He
earned all his merits and he's serving the country with his life.
"Siya nga pala!"

Ang tindi ng talon ko sa gulat nang nagsalita si Aria. Bumalik pala siya!
Nakakainis naman talaga ito!

Sa kauna-unahang pagkakataon, gusto ko na silang palayasin dito sa mansiyon!

"Birthday ni Romulo bukas, magpapainom kami sa Bistro. Sama kayo ah!"

"Oh? O sige. P-Pero dito sana kami magdi-dinner."

"Doon na! May handa. Doon na namin ice-celebrate para maiba naman," si Aria.

Nilingon ko si Alvaro. "Idadaan na lang pala natin ang mga pusa rito bukas."

"Oo-"

"Pusa na naman? Gamit na gamit mo 'yan, Alvaro, ah! Dapat may talent fee ang mga
pusang 'yan!" si Aria.

I rolled my eyes at Aria. Dahil sa daldal niya, halos ipauwi ko na lang din si
Alvaro. Nagpaalam na siya kalaunan at umakyat na rin ako sa taas, iniwan ang mag-
anak sa sala.

Pagkatapos maligo at magbihis, nakahiga na ako. Alvaro wanted to call. Kahit na


gusto ko na siyang matulog, hindi ko naman palalampasin iyong tawag kahit sandali
lang.

"Kailangan mo nang matulog," sabi ko.

He chuckled. His voice was husky.

"Hindi yata ako makakatulog sa gabing 'to."

I smiled and bit my lower lip.

"Girlfriend na kita, Yohan."

Dahil nasa cellphone at inaantok na, nagkaroon ako ng lakas ng loob. "Hindi pa kita
nahahalikan kahit tayo na."

"H-Huh?" He chuckled. 

He paused.

"Gusto mo ba?" tunog interesado.

He paused again. 

"Iyan na talaga ang naiisip mo?" may dismaya sa boses niya.

Humalakhak lang ako.

"Marunong ka pa ba, Alvaro?" I teased.

He laughed loudlyl. "Hinahamon mo ba ako? Tingin mo dahil matagal na ang huli,


hindi na, Yohan?"

"Bakit? Marunong ka pa ba talaga?" I teased him more.


"Kasasagot mo lang sa akin, iyan na ba talaga ang iniisip mo, Yohan?" may banta sa
boses niya, parang galit pa.

"You really are an old school playboy, Alvaro."

"Hindi na nga ako playboy."

"Bakit? Ayaw mo bang humalik?"

He paused. I bit my lower lip. Mapupunit na yata ang labi ko sa kangingiti.

"Gusto."

I smiled wider.

"Gustong gusto kitang halikan, Yohan."

My heart skipped a beat. He then groaned.

"Lalo akong hindi makakatulog nito."

"Sasamahan kitang magpuyat."

I heard him mutter some curses. Niyakap ko ang unan ko at pakiramdam ko, ako rin.
Hindi na ako makakatulog. At hindi na ako makakapaghintay na makita siya ulit
bukas.

🌺🌺🌺
KABANATA 39
HOLD

Masaya ang gising ko kinabukasan. Abala sa azucarera pero natapos ko rin naman agad
ang lahat ng gawain.

Excited ako sa araw na iyon. Kanina bago ako umalis sa bahay, nagbilin ako na
ayusin ang magiging silid ng mga pusa. Kinuwento ko na rin kay Ria ang tungkol sa
mga pusa at sumaya siya. Mahilig na siya kay Garfield dati pa at nang nalaman na
tatlo ang pusa na pupunta mamaya, tuwang tuwa siya.

Dahil abala sa azucarera, medyo natagalan ako papunta sa shelter. Nauna na si


Alvaro doon at naabutan ko na ang pagkain ng mga staff sa dala nitong chantilly
galing sa cafe. Pagpasok ko'y naabutan ko siyang nakatingin sa cellphone. He
immediately stood when he saw me and my phone beeped for his message.

Alvaro:

Nasa shelter na ako. Ingat ka. Sana pala sinundo kita sa azucarera.

"Good afternoon, Yohan!" si Chantal na nakaabang din pala at nasa counter. "Sarap
ng pa merienda ng manliligaw mo ngayon."

I smirked and looked at Alvaro. May hiyang ngiti sa labi niya kahit na nasisiguro
kong nagpapacute lang. Kinuha niya si Garfield na nasa counter, at nagulat ako na
naroon na rin si Kuring at si Cheshire.

"Pupunta ka ba mamaya?" tanong ko kay Chantal.


Nag-isip siya saglit. "Susubukan ko. Sina Chayo at Kuya pupunta raw."

"Halos lahat ng kaibigan ni Aria at Romulo ang pupunta," si Alvaro.

I nodded. Iyon nga ang sinabi ni Aria kanina. She just excluded her old friends who
were my bullies then. Sa nagdaang taon din kasi, hindi na siya close sa mga ito
kaya hindi kataka takang hindi niya na ito inimbita.

Mas close niya rin naman ang basketball group niya at kahit ako'y mas kumportable
roon. Hindi rin masama ang mga kaibigan ni Romulo. Naging kaibigan na rin naman
namin ang iba.

"Inarkila ba ni Aria ang buong Bistro?" si Chantal at ngumisi.

"Hindi naman yata. Kaunti lang din naman daw kasi ang bisita."

We chatted a bit. Si Alvaro naman, nalilibang sa mga pusa at paminsan minsang


sumasagot sa mga tanong ni Chantal.

Kalaunan, umuwi na kami. Sa sasakyan ni Alvaro nilagay si Cheshire at Kuring. Sa


akin naman si Garfield. Lumabas ako na kandong si Garfield. Nag-abang agad ang
isang kasambahay gaya ng utos ko kanina para sa mga pusa.

"Sina Aria?"

"Nauna na. Dumiretso na raw kayo roon," sabay lahad ng kamay ng kasambahay sa pusa
ko.

Kung sa bagay, kasama nila si Ria at dinner talaga ang sadya nila roon.

"Susunod po kami. Aayusin lang po namin ang mga pusa bago umalis."

Lumabas na rin si Alvaro. Dinaluhan ko siya at tinulungan. Kandong niya si Kuring


kaya si Cheshire naman ang kinuha ko. I smiled at him as I watched Kuring lazily
brush his face on his embrace.

May nilaan akong kuwarto para sa mga pusa sa unang palapag. Dati itong stockroom na
hindi naman talaga ginagamit. Hinati ko ito noon at ginawang dalawang maliit na
kuwarto. Ang isa, stockroom ng mga kasambahay, ang isa naman ay para sa mga pusa...
para kay Garfield noon.

We put the three cats there. Agad na naglapag ng pagkain si Manang samantalang
pinagmamasdan ko si Kuring na nahiga agad sa isang maliit na box na ipinasdya ko
talaga para sa mga pusa.

Si Cheshire at Garfield ay parehong pumunta sa cat furniture at kahit hindi naman


doon ang kanilang higaan, inangkin na nila ang dalawang bahay sa tuktok niyon.

Alvaro checked on them  while I remained seated on an ottoman near Kuring. Hinaplos
ko ang ulo ni Kuring. He's curled and immediately asleep.

"Buti pumayag talaga si Tita na dalhin natin si Kuring."

Nilingon ako ni Alvaro. Tiningnan niya ang ottoman na nasa tabi ko at doon, unti-
unti siyang naupo. He's not on his uniform. Naka itim na maong, puting t-shirt, at
itim na boots siya pero hindi ko alam kung bakit tuwing tinitingnan ko siya,
naaalala ko lang ang uniporme niya. Parang lagi siyang matikas sa tingin ko. O
siguro dahil kahit hindi nakauniporme, matikas naman talaga siya.
"Ayaw niya nga sana pero tuwing naiisip niya ang mga bata, tingin niya mas mabuting
dito na lang muna siya."

Tiningnan ko ulit si Kuring. Malakas pa naman siya pero halata na talaga ang
katandaan. Kahit ang balahibo'y halos malagas na.

I sighed. "Ibabalik ko na lang kung puwede na. At siguro hindi na gaanong maganda
kay Kuring ang biyahe, kaya ako na lang ang bibisita kung sakali."

Alvaro nodded. "Tapos si Cheshire at Garfield na lang ang bibisitahin ko rito?"

Ngumisi ako at tumango na. Nilingon ko siya at medyo ngayon lang nagsink in sa akin
ang lapit naming dalawa. Si Alvaro naman, mukhang kanina pa yata iniisip iyon.

He raised his brows. Lumabas na ang kasambahay pagkatapos maglagay ng pagkain kaya
kaming dalawa na lang ang nasa silid kasama ang mga pusa. Uminit ang pisngi ko.
Hindi ko na naman matagalan ang titig niya at mukhang alam niya iyon. May dumaang
ngiti sa labi niya.

"Ang tapang mo kagabi ah. Tapos ngayong malapit ako sa'yo, nahihiya ka?" he said
with a hint of hurt from last night's conversation.

Mas lalong uminit ang pisngi ko at natawa ako. Totoong kabadong kabado ako at
nahihiya pero ayaw kong umatras sa hamon! The thought of him being an old playboy
iks my only inspiration. Bakit ako matatakot sa kanya, e, pareho kaming marami nang
karanasan. Lamang siguro siya sa karanasan pero mas updated naman ako.

"So gusto mong maghalikan tayo ngayon dito?" matapang kong sinabi, hindi
pinapahalata ang matinding kaba.

His eyes narrowed. Nasa labi niya na ang ngiti pero mas pinili niyang umiling. "Ang
dami mo na talagang natutunan, ah."

His eyes drifted on my lips. He licked his lips. Halos maghuramentado ako.

Sa totoo lang, tuwing naalala ko ang mga dating halik sa mga naging boyfriend,
inaamin kong may kaba roon. Excited din ako. Hindi siguro maaalis iyon pero ibang
klase ang nararamdaman ko para kay Alvaro ngayon. Fainting won't be an
exagerration. My knees are wobbling even when we're both seated.

"Huwag dito, Alvaro. Sa harap talaga ng mga anak natin?" I said to him.

His brow raised. Pulang pula na angh labi niya kakadila kanina. Nang nilingon ko si
Kuring, tumingin din si Alvaro roon. Sabay naming nakita ang dilat na mga mata nito
habang nakahiga. Nakatanaw ito sa amin. Tiningala rin namin sina Cheshire at
Garfield na pareho ring nag-aabang.

Nilingon ko si Alvaro. His eyes immediately locked on mine then down my lips.

"Ang Mommy kasi nila, naghahamon. Kung ano ano na tuloy ang pumapasok sa isip ko."

Unbelievable! I couldn't even imagine how I managed to stand up even when I wanted
to roll so hard and just fall to the ends of the earth!

"Tara na nga!" yaya ko sa kanya, dahil kung hindi'y baka totoo nang hihimatayin
ako.

Natatawa siyang sumunod sa akin palabas.


"Sasakyan ko na lang ang gamitin natin. Iwan mo na ang iyo."

I agreed. Besides, malapit lang ang bahay namin at puwede niya naman talaga akong
ihatid dito. At isa pa... boyfriend ko siya.

Boyfriend ko siya!

Can you believe it?

The Alvaro of my dreams is real and he is my boyfriend now!

Sumakay ako sa sasakyan niya. May ngiti sa labi ko. His narrowed eyes told me that
his head is left inside our mansion. I smirked.

Tumulak na kami kalaunan. Nakapagbihis na naman din ako kanina pagkatapos


magtrabaho. At baka kung magtagal pa kami ay tawagan na ako ni Aria at bungangaan
na naman.

Dumating na kami. Palubog na ang araw at naroon na halos lahat ng expected na


bisita ni Aria at Romulo. Romulo's family came, too. They are inside the Bistro now
with a long table for the buffet of food.

Kumakanta na ang lahat. Kahit kay Romulo ang birthday, siyempre kay Ria ang
atensiyon. Hinayaan naman ng mag-asawa na angkinin ng anak ang spot light.

Hindi naman kalakihan ang Bistro pero dahil sa dami ng upuan sa likod at sa harap,
at dahil pili lang din ang guests ng mag-asawa, hindi na napuno iyon.

Chayo and Leandro came. And of course, Levi is with them.

My eyes just stayed on him for a bit because he's holding the hands of Chantal's
child now. Nasa harap niya ito at nang naupo ay sa kanya rin mas malapit, kumpara
kay Chantal na nasa tabi.

Sancha Alcazar who married Dr. Salvaterra is there too. Kasama sila sa mga
basketball friends ni Aria. Naupo kami sa lamesa kung nasaan ang mga ito. Naroon si
Daniel at Juan na nakikipagkatuwaan na, at muli'y nasali si Alvaro.

"Oh, ayusin ang panliligaw!" biro nila nang naglapag si Alvaro ng inumin sa tabi ko
kahit na puwede namang ako ang kumuha.

He only laughed with them. Nakaya niya pang magbiro sa mga ito.

"Mahirap na..." he said insinuating something to them.

I frowned but I can't help but smirk. I can't believe he hasn't told anyone about
our status. Ayos lang din naman sa akin. Kahapon lang iyon at natutuwa ang mga
kaibigan niya sa pag-aasar sa amin.

"Eh, marunong ka ba, Alvaro?" biro ng nanay ni Romulo nang narinig ang biruan sa
amin.

I laughed.

"Nangangapa nga po, e. Kaya nga yata ako nabasted noon."

They all laughed then. I just shook my head. He really has this air that always
seem to interest the people... his friends.
"Huwag mong sagutin 'yan Yohan," biro ni Leandro.

Tumawa ako. Nakita ko ang pagkurot ni Chayo kay Leandro kaya tumigil ito sa pang-
aasar.

"Pahirapan mo na lang muna, Yohan. Mukhang hindi dumaan sa hirap sa mga babae si
Alvaro noon," sabay halakhak ni Alonzo.

Sancha smiled. Umiling naman ako.

"Huwag naman, doc! Pero siyempre, ano mang paghihirap 'yan, titiisin ko," sabay
sulyap ni Alvaro sa akin.

He made everyone roar into laughter and smiles. Pakiramdam ko tuloy, pulang pula
ang mukha ko dahil sa hiyawan at sa mga sinasabi ni Alvaro.

Gaano man ka lihim ang pagkakagusto ko sa kanya ngayon, buong bayan naman yata ang
may alam ngayon.

The party was simple. Wala namang programa. Kumain lang ang mga tao at nang gumabi
na, nauna na ang pamilya ni Romulo at sinama pa si Ria.

Naiwan ang mag-asawa at siyempre ang grupo. The other chairs and tables were
cleaned. Marami namang pagkain na natira pero tinanggal na rin ang ibang ubos na
kaya lumiit na rin ang buffet table.

The group was loud. They recalled the Homecoming and talked about their batches own
reunions. Kaya naman minabuti ng halos lahat na sa labas na lang ng Bistro, para
hindi masyadong maingay sa loob.

Nag-inuman na rin kaya mas mabuting sa labas na. Sumama kami sa paglipat. Nalibang
ako nang nakitang bukod yata sa birthday celebration ay meeting na rin nila ito
para sa reunion, at siyempre inuman.

"Wala ba kayong reunion?" Sancha asked because she's beside me now.

I smiled. "Wala, e. Halos kasi lahat ng batchmates ko, wala pa rito."

She nodded. "Ako rin naman..." she trailed off.

Mukhang may sasabihin pa sana siya pero natigilan siya sa nakita niya. Napatingin
din tuloy ako sa likod para tingnan kung sino iyon.

"Soren!" I heard someone.

I saw Margaux with her flowers. Sabay silang dumating ni Soren at natanto kong
mukhang may date sila.

"Hi Sancha!" si Margaux at lumipat ang mga mata niya sa akin.

"Hi," Sancha smiled.

Soren looked around. Mukhang gulat na gulat siya na nandoon kami. I heard Aria
muttering a curse somewhere.

"Hindi ko inimbita ang mga 'yan. Shit!"

"Oh, ba't kayo nandito?" si Soren na gulantang pa rin.


"Ah, birthday ni Romulo at meeting na rin sa mga batch reunion."

Soren nodded then his eyes drifted on me. Then to Alvaro who's beside me.

Umakbay si Soren kay Margaux. Margaux looked at Soren's hand on her shoulders.

"Buntis ka na pala, narinig ko, Sancha. Huli na ba ako sa balita?" Margaux said to
her friend while smiling.

Sancha smiled back. "I didn't really tell people that but yes, Margaux."

I suddenly felt a slight tension. Lalong humigpit ang akbay ni Soren kay Margaux
habang nakatingin sa akin.

"Nagdidate kami. Nililigawan ko kasi," Soren informed us.

"Wow! Good luck, Soren!" natatawang sinabi ni Daniel.

Soren's eyes then drifted on Alvaro.

"I hope you don't mind, Yohan."

I stiffened at that. Parang may ipinaparating ito at nang tumingin si Soren kay
Alvaro, alam kong iyon nga ang gusto niyang ipahiwatig. Alvaro's brow furrowed.

"Uh, I don't mind."

Soren smirked. Iginiya niya na papasok sa Bistro.

Ayaw ko sanang pag-isipan ng masama iyon pero sa ilang papalit ko ng boyfriend


noon, at ang iilan sa kanila'y asshole pa, naramdaman ko ang pahiwatig niya! at
nakumpirma ko iyon sa seryosong tanong ni Chayo sa akin. Nakaupo siya sa kabisera
sa tabi lamang ni Alonzo kaya madali kong narinig iyon.

"Kaya ba binabasted mo si Alvaro kasi si Soren ang gusto mo?"

Napabaling ako kay Alvaro na tahimik. Nang nilingon ko ay ngumiti naman siya.

"Ah hindi naman, Chayo."

Chayo nodded. Alvaro was then called by his friends to talk more about the reunion.
Parang sinusubukan nang grupo na walain ang usapan ngayong pumasok na naman si
Soren at Margaux sa loob.

Tumingin ako sa loob. Nakita kong tahimik namang nag-oorder ang dalawa roon. Aria
then blocked my vision with her tipsy glare.

"Kaya hindi ko inimbita ang dalawang iyon, e. Some people just never change! Sorry,
Sancha. I know they ae your friends. Sa'yo rin, Chantal."

"Ganoon na talaga si Soren. Huwag mo na lang isipin iyon, Yohan."

I saw Levi's cold stare at her. Hindi naman nilingon ni Chantal ang nasa tabi.
Kandong ni Levi ang anak ni Chantal na... hindi pala yata kay Leandro nagmana...
kundi sa kanya.

I wasn't bothered, though. Or if I was it's just for Alvaro. I feel like Soren
wanted to insinuate that he's the reason why I can't say yes to Alvaro. Boyfriend
ko na si Alvaro pero namangha ako nang nakita kong medyo nairita siya kanina. That
means he is still a bit insecure even when he's my boyfriend now.

Kung sa bagay, kahapon ko lang siya sinagot. At hindi pa iyon alam ng mga kaibigan
namin.

Naupo ulit si Alvaro pagkatapos nilang pag-usapan ang reunion. Ngayon balik naman
sila sa eksena sa homecoming. I looked at him closely and I saw him getting serious
as he looked at his glass of rhum.

"Alvaro," I called.

Nilingon niya ako. Ngumiti siya at nawala agad ang nakita kong pagiging seryoso
kanina.

"Mag-usap muna tayong dalawa?" hamon ko.

Napawi ang ngiti niya at agad tumango. Nagulat ako nang tumayo siya. Iniisip ko
namang dito lang kaso kahit marami kami at abala ang lahat, mahihirapan nga naman
kaming mag-usap. Baka may makarinig o 'di kaya'y maistorbo kami.

We went to the his car. Iniisip kong pumasok kami roon pero hindi na ako
makapaghintay na buksan ang topic kaya palapit pa lang kami, nagsimula na ako.

"Tungkol sa sinabi ni Soren."

He looked at me before he could open the passenger seat. Hindi niya na natulog
dahil ibinigay niya na ang buong atensiyon sa akin.

Tahimik ang gabi. It kind of resembled last night except that we're on the parking
lot of the Bistro. Maraming sasakyan at malaking ang buwan sa langit. May lamppost
pero nasa gilid lang ng parking, kaya ang buwan lang talaga ang pinaka tanglaw
namin.

"Baka kasi iniisip mo na may gusto ako sa kanya... o may feelings ako sa kanya."

Ngumuso siya at nag-iwas ng tingin. Nang ibinalik ang tingin sa akin, sumilay ang
ngiti. "Mayroon ba?"

Kumunot ang noo ko. Gusto kong magalit sa kanya. I said yes to you last night and
now you falter because of Soren's words?

"Tingin mo mayroon?"

His lips pursed. He didn't look at me but his eyes were on my hand. kaya hindi ako
nagtaka nang kuhanin niya iyon at ipinagsalikop niya ang mga daliri namin.

Magagalit na sana ako pero dahil sa ginagawa niya, parang pinipiga ang puso ko.

"Hindi ko alam. Sana wala." He smirked but I knew he was serious.

"Captain Alvaro Santander, insecure of someone? That's new?"

He smirked more. "Mayaman siya, Yohan. May pera na rin ako pero alam mong iba ang
estado nating dalawa."

I stared at him for a while. Dinaan niya na namn sa kaunting ngisi at halakhak pero
parang alam ko na ngayon. It's not funny to him but he's trying to make it light
for me. Somehow, it reminded me of the many many incidents before.
Maraming beses kabado ako at iniisip ko makikisali siya sa pambu-bully sa akin.
Pero sa huli, pinapatawa niya ako hanggang sa gumaan ang loob ko. Gaya lang ngayon.
Nasasaktan siya, pero sinusubukan niyang idaan sa tawa ang lahat para maramdaman
kong wala lang iyon. Na hindi iyon dapat seryosohin.

Somehow, the love that I got for him was already deep but tonight... it only
deepened. It feels like I've fallen in an infinite abyss of Alvaro Santander. There
is no way of getting over him. It feels like I was sure that I will only love
him... only him... until the end of time.

"Kahit kailan hindi ako tumitingin diyan."

He smirked but I saw the hurt in his eyes.

"Bata pa ako gusto na kita. Tingin mo inisip ko ang estado mo noon? You weren't a
captain then."

"Captain ng basketball, oo?" he could even afford to joke.

I rolled my eyes at him. He smiled and slowly nodded. He swallowed hard.

"Bata ka pa kasi noon. Wala kang muwang sa estado."

"At ngayon, Alvaro? Mukha bang wala pa rin akong muwang?"

Natahimik siya.

"Your kindness and love for me, your perseverance as a soldier is more than any
kind of riches, Alvaro. At wala akong gusto kay Soren."

Unti-unti siyang nag-angat ng tingin sa akin. Nagbabadya na ngayon ang totoong


ngiti sa labi. Ako naman ngayon ang natawa.

"I can't believe that I could make you insecure like this."

He chuckled and rolled his eyes at me playfully.

"Hindi, Alvaro. Seryoso ka bang tingin mo gusto ko si Soren kaysa sa'yo?"

Ngumuso siya at tumingin sa akin, tinatago pa rin ang ngiti.

"Nagselos ka sa sinabi ni Soren? Iniisip mo bothered ako na may date sila ni


Margaux at hindi ako ang ka date niya?"

Hindi siya nagsalita.

"I would understand if I was the one who got jealous and thought of you and
Margaux."

"Hindi ko naman iyon gusto kaya wala kang dapat pagselosan."

"Ganoon din ako kay Soren. Hindi ko siya gusto. Wala ka dapat na pagselosan."

Nakatingin siya ngayon, itinatago pa rin ang ngiti.

I shook my head, still so shocked that he's insecure. "Mahal din kita, Alvaro. Ikaw
lang. Kaya wala kang dapat na pagselosan.

He sighed and smirked. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Napatingin ako roon.
"Pasensiya na," aniya. "I guess I'm a jealous boyfriend."

I looked at him again, slightly touched that he is. Who would have thought that
it's going to be this way after all these years?

I licked my lips. Bumagsak ang tingin niya sa labi ko at bahagya siyang natigilan.
Naramdaman ko iyon sa hawak niya sa akin.

Dahan-dahan, tumingkayad ako. My heart pounded so hard. I would faint on the spot
but his insecurity made me brave. Para bang mas nangibabaw ang kagustuhan kong
maipahayag ang nararamdaman sa kanya kaysa sa kaba ko. My love for him gave me
courage to be expressive.

I tilted my head and kissed him. Humilig siya sa pintuan ng sasakyan niya. Lumapat
ang labi ko sa kanya. He smells like rhum and his lips was cold. I chuckled after
the kiss. He looked shock, forlorn, and slightly attentive.

Bago pa ako tuluyang makababa ay yumuko siya at siniil ako ng isa pang halik. Mas
matagal pero dampi lang din bago siya tumigil. His lips parted and he looked dazed.

"Halik na 'yon, Alvaro?" hamon ko sabay halakhak.

Nagtaas siya ng kilay. Bago pa tuluyang makaatras, marahan niyang hinawakan ang
batok ko at yumuko siyang muli para magkasalubong ang aming labi. This time he
kissed me in a slightly aggressive manner.

I have been kissed before but his made me so dizzy. At kung hindi niya ako hawak,
baka nga kanina pa ako nahiga sa lupa at nalusaw.

He slightly suck my lips, in a very gentle way. It was as if he's trying his best
to keep iot that way even when his hold told me that it was killing him.

Tumigil siya, hinihingal. Ganoon din ako. Parehong nakawang ang labi namin.

"Maaaring hindi na ako nagkagirlfriend ulit pero, hindi ako aatras sa hamon mo."

Slowly, my lips curled at his tone.

"Huwag mong minamaliit ang nararamdaman ko sa'yo, Yohan," may banta sa tinig niya.

I stole another kiss right after he uttered the last words. I saw him taken abacked
by it. He stiffened, very surprised!

Nang bumitiw ako, ngumisi ulit ako. Namumungay na ang mga mata niya, nakatitig pa
rin sa labi. Nakahilig na ako sa kanya ngayon at kung wala ang isang kamay niya sa
likod ko'y, nalusaw na ako.

"Ano 'yon, Alvaro?" hamon ko at muli siyang hinalikan ng mas marahan.

I saw him close his eyes. Namungay ang mga mata ko at inabangan ang pagdilat niya.
Ganoon na rin ang mga mata niya.

"Hoy! Kayong dalawa! Kayo na ba?! Ha?!" I heard Ara in the dark.

"The hell, Aria!" I heard Romulo nearing here.

Pumikit ako ng mariin. Alvaro hugged me tight. Nahiya ako bigla dahil sa tono ni
Aria, nakita niya ang halik!
"May pahalik halik kayo! Hoy! Sagutin n'yo ako! Kayo na ba?!"

At narinig ko ang ibang kasama namin na lalapit na yata sa dilim, kung nasaan si
Aria. It terrified me that everyone would see us this way but also, it reminded me
of my love letter. It was read in front of many people too. And I specifically
wanted Alvaro... to hold me like this.

"Ano 'yan?"

"Naghalikan?"

"Sino?!"

"Kami na, Aria," si Alvaro na ang sumagot para sa aming dalawa.

🌺🌺🌺
This is the final chapter. This is also the last of the Azucarera Series. The next
update will be the epilogue. I wrote this idea to slightly touch Alegria, a
fictional place that is close to my heart. And to put into words my own sweet,
light, and raw take of romance. I always believe in the power of words. So I will
not elaborate on the purpose of the series, I want to put all my faith in the words
that I put together since the start. Thank you very much for keeping up with me in
this journey. I hope you enjoy the final chapter.

---

KABANATA 40
KURING

Maganda ang naging gabi namin. Inasar kaming dalawa, nakakahiya pero nakakatuwa rin
naman kahit paano. It reminded me so much of those memories, except that this time,
we are surrounded with kind people... and the teases were fun.

Hindi na lumabas sina Margaux at Soren. The group hardly noticed them after we
confessed that we are now together. At kahit na tahimik naman kaming magtatabi ni
Alvaro, natutuwa pa ang lahat na ipagtulakan kami! Iyon ang dahilan kung bakit
niyayakap niya ako para hindi masaktan sa pang-aasar ng mga nandoon.

Hindi tuloy ako makasakay sa tawanan nila dahil masyado kong dinidibdib ang bawat
hawak ni Alvaro sa akin.

"Tigilan n'yo na ang katutulak sa akin, nasasaktan na ang girlfriend ko!" saway
niya sa mga ito.

Even Aria laughed so hard and closed her eyes. Ang ibang naroon ay hindi na rin
mapigilan ang ngisi at pagsasabi na kinikilig sila.

It's weird. Time really does change things, or maybe it was always this way, we
were just busy with other things.

Umuwi sina Margaux at Soren. Wala rin naman kasing yumaya sa kanila na sumali sa
grupo. At saktong nagkatinginan pa kami ni Margaux noong lumabas sila na nakayakap
si Alvaro sa akin.

Aria, the devil, even raised her shot and declared something. It was obviously
planned dahil tinaon niya sa paglabas ng dalawa.
"Dahil malapit nang magpakasal ang magjowa na si Yohan at Alvaro!"

My mouth dropped open. My face heated. Nakakahiya iyon! Ayaw ko namang pangunahan
si Alvaro kaya bakit niya sasabihin iyon!

"Aria!" saway ko.

Imbes na tatayo ako para pigilan siya, humigpit lang ang yakap ni Alvaro sa akin at
pinigilan niya akong gawin iyon. I glanced at Alvaro and I saw him laughing with
them.

"O! Libre ko na kayo!" ani Alvaro dahilan kung bakit naghiyawan!

Mukhang tuwang tuwa pa siya sa pang-aasar ni Aria.

That was a night I could probably never forget. Hindi na rin kami nagtagal. Parang
noong sa Homecoming lang din namin, umuwi na kami. Hindi naman nalasing si Aria
pero tipsy siya ng kaunti.

Diniretso ni Romulo sa garahe ang sasakyan, samantalang nasa rotunda naman ako
binaba ni Alvaro. Pagkababa ko, lumapit na rin siya sa akin. I can hear Aria's loud
shrieks from the garage as she neared us.

"Wooh! Sila na! Uyy!"

Alvaro laughed with her. Samantalang hiyang-hiya ako. Nasisiguro kong kanina pa
pulang pula ang mukha ko dahil sa pang-aasar nila.

Nag apir pa ang dalawa kaya umiling ako dahil pareho pa yatang baliw.

"Ikaw ang bahala, ah! Hindi na ako mang-iistorbo ngayon. Aasahan kita, Alvaro!
Ayusin mo 'yang pinsan ko, babarilin kita!"

"Hindi mo na kailangang magbanta. Dahil ako ang babaril sa mananakit nito."

I smiled. Aria noticed it so she pinched my cheek with a loud shriek.

"Yie! Kilig ang pangit na 'to! Minahal ng crush niya!"

Hinila siya ni Romulo. Umiling ito at tinanguan na lang si Alvaro.

"Mauna na kami. Pasensiya na talaga kayo rito. Hindi daw mang iistorbo pero
maraming sinasabi!"

"Kilig na kilig si Yohan! Hoy, Alvaro!" si Aria at mukhang marami pang sasabihin
kung hindi lang siya hinatak na ni Romulo.

Pumasok na sila sa loob. I was still blushing profusely when Alvaro looked at me.
He's smiling. Sa kahihiyan, hindi na ako halos makangiti.

"Pasensiya na. Ayos lang ba sa'yo ang nangyari sa gabi na 'to?"

I nodded. Kinakalma ko pa rin ang sarili ko.

"Sigurado ka? Inaasar tayo kanina." He smirked.

"Ayos lang naman sa akin. Nakakahiya nga lang pero ayos lang, Alvaro."

He smirked more. "I like it that way. Pero baka lang hindi ka komportable."
Namilog ang mga mata ko. He chuckled. Hindi ko na tuloy napigilan ang halakhak ko
rin.

"Baka gusto mo lang na saka na kapag tayong dalawa lang?" nagtaas siya ng kilay.

I narrowed my eyes intently to show him my doubts.

"Ako naman ayos lang na hawakan mo sa maraming tao, at ayos lang din kapag tayong
dalawa lang."

I'm not sure now. I know I'm trying my best to be confident in our relationship.
Iniisip ko ulit na kinakalawang na siya kaya medyo tumatag ang loob ko.

"Wala rin namang problema sa akin, Alvaro. I don't mind if we hold hands or hug in
public. It's just a little PDA."

Ngumisi siya. "Ayaw ko lang nang nakikitang naghalikan tayo pero aksidente naman
iyong kanina."

I nodded in agreement to him. We smiled at each other and remained silent. Masyado
yata akong masaya, mabuti na lang naalala ko na hindi gaya ko, hindi niya hawak ang
oras niya.

"May trabaho ka pa bukas."

"Oo, Yohan. Inspired ako bukas."

I chuckled.

"Susunduin kita bukas sa shelter. Sabay na tayo sa bahay?"

Tumango ako at nanatili ang ngiti sa labi. "Umuwi ka na. Ingat ka pauwi, ah?"

He nodded but his stare lingered. Alam ko ang iniisip niya. At iyon din naman ang
iniisip ko.

Lumapit ako at tumingkayad. Hindi pa ako nakakalapit ng tuluyan sa mukha niya para
sa isang halik, humawak na siya sa baywang ko. He's slightly guiding me towards
him. I have never been so aware of everything than tonight. Or maybe since the
start of our relationship.

My lips touched his. Pinatagal ko nang kaunti iyon. My face heated when he slightly
parted our lips and sucked on it for a little while.

My stomach felt like a hallow pit with butterflies roaming around. Marahan siyang
kumalas pero kakaiba na ang kislap ng mga mata niya. At siguro ganoon din sa akin.

"Good night, Yohan."

"Good night," I answered, still in a daze.

"I love you."

"I love you, too."

Hindi matanggal sa isipan ko ang halik na iyon. Kahit naman iyong halik namin sa
parking lot kanina, ganoon din. Actually, everything kept me awake. Binalikan ko
ang lahat ng nangyari at para pa rin itong panaginip.
I woke up the next day with a smile on my lips. I went to the azucarera and worked.
Sa hapon, sa shelter naman.

It's only been a few days with Alvaro but I have already learned and realized many
things. Nang nakasama ko ang mga pamangkin niya, na-meet ulit si Ate Gen, sobrang
saya.

I realized that their family is big and they are happy. Marami ring achievements si
Ate Gen at ang asawa nito'y PMA-er din gaya ng dalawang kapatid.

Tuwing pinagmamasdan ko si Tita Ana na masaya sa mga apo niya, at sa iilang tawag
niya kay Alvaro at Ate Gen, mas lalo kong naintindihan ang yaman na tinutukoy niya.
These are her irreplaceable treasures, her children. Itinaguyod niya ang mga anak
sa gitna ng kahirapan. Pare-parehong matatalino ang mga ito at mapagtiis sa
sitwasyon. Itinaguyod niya kahit may sakit at hinagpis sa nawala nilang lupa at sa
pandaraya ni Daddy.

It is a miracle that i walk here like nothing. She forgave me. And I don't think
it's because of what I did, I think it's because of her son. Nilingon ko si Alvaro
na inaasar ang mga anak ni Ate Gen.

Panay ang baling niya sa akin, para bang ipinapakita niya ang relasyon niya sa mga
pamangkin.

"Ang bunso, mana sakin..." he winked at me.

I frowned because the boy was extremely handsome. Tingin ko iyon ang tinutukoy
niya.

"Uuwi pa si Kuya. Dala rin ang mga anak niya. Makikilala mo ang mga iyon, Yohan,"
si Ate Gen.

Tumango ako at ngumiti. "Opo. Babalik ako rito pag uwi nina Kuya Gilbert."

"Balik ka rito araw-araw!" si Ate Gen.

Tumawa si Alvaro. "Ako na ang bibisita sa kanila, Ate. Manliligaw, kumbaga."

"Sus! Ang sabihin mo, gusto mong masolo!" si Ate Gen sa kapatid. "Nako, Yohan.
Bolero 'yan!"

Natawa na lang kami ni Alvaro.

At bumalik nga ulit ako para sa family dinner nila na kasama na si Kuya Gilbert at
ang pamilya nito. Lumaki lalo. Malaki ang bahay nila pero sa nagtatakbuhang mga
bata, lumiliit.

"Gawa na kayo ng inyo!" biro ni Kuya Gilbert nang nakitang nalilibang kami sa mga
bata.

Nilingon ako ni Alvaro nang nakangisi. Nakangiti rin ako pero kinunot ko ang noo ko
sa kanya. Pakiramdam ko kasi gusto niya rin!

"Mag-asawa na lang kayo pero huwag muna mag-anak. Ilang taon 'yang walang
girlfriend si Alvaro, kaya ienjoy n'yo muna ang isa't-isa," si Ate Gen naman.

"Oh, tama na 'yan. Nakakahiya kay Yohan, ah? Pag-aasawa na agad iniisip niya baka
hiwalayan pa si Alvaro!" saway ni Tita Ana.
Nagtawanan kaming lahat.

I enjoyed the moments with them but the remarks slightly lingered on me. Lalo na
tuwing pinagmamasdan ko si Alvaro. He's very helpful at home, also good with kids,
and respectful to his parents.

Dumadaan sa isip ko ang biro nilang pag-aasawa. Hindi rin naman masama iyon. I
always imagine myself getting married early. Mag-isa ako sa mansiyon at kung
lilipat na sina Aria, mga pusa na lang talaga at kasambahay ang kasama ko. This
isn't even early to some.

I snapped out of it when Alvaro called me. Linggo kaya iniwan ko ang sasakyan ko sa
amin at sinundo niya na lang ako kanina. Uuwi na raw kami pero ang totoo, gusto
niyang mapag-isa muna kami.

"Sus! Uuwi raw, magtatagal pa 'yan sa inyo kahit na gabi-gabi namang nandoon!" si
Ate Gen ang pumuna pagkatapos naming magpaalam.

Natawa ako. Alvaro scowled.

"Hindi ah. Inaantok na kaya ihahatid ko na," he announced then winked at me.

Ate Gen was right, though. Tinanong niya pa ako kung inaantok na ba ako kasi
titingnan niya ang mga pusa. I agreed.

"Kailangan mo pa talagang gumawa ng excuse kina Ate Gen?"

"Tss. Ayos lang 'yon. Alam niya naman."

I shook my head at him. Pumasok na kami sa mansiyon at dumiretso na sa kuwarto nang


mga pusa. Garfield was busy playing while both Kuring and Cheshire were asleep.
Nanatili si Kuring sa kama niya, mabilis ang paghinga.

Hinaplos ito ni Alvaro kaya dumilat. Nang nakita si Alvaro, ngumiyaw siya ng kaunti
at umahon. He stretched. Kalaunan, lumapit at naglambing sa aming dalawa.

Pagkatapos ng ilang sandali, humiga siya sa sahig na nakasandal ng kaunti ang paa
kay Alvaro. Nagkatinginan kaming dalawa.

"Mahina na yata si Kuring," I broke the silence between us.

"Gusto mo bang dalhin natin kay Chantal bukas?"

I sighed and nodded. Hinaplos ni Alvaro si Kuring. Ilan na rin ang naging pusa ko
sa nagdaang taon. Kung hindi nawawala o nasasagasaan, namamatay sa natural na
dahilan. They last only a few years. Kuring, however, lasted for more than ten
years. It's a miracle that he did. I believed he's already gone. Ilang taon ko ring
iniyakan at tinanggap iyon kaya nang nakita kong buhay siya sa pangangalaga ni
Alvaro, walang katumbas ang saya ko.

We stayed silent. Marahang hinawakan ni Alvaro si Kuring at nilipat sa kanyang


kama.

He squatted now in front of me. I'm sitting in an ottoman near Kuring's bed. Nasa
harap ko siya, nakasquat at tinitingnan si Kuring.

I thought he'd sit back to the ottoman next to me but he turned. Nakaupo ako pero
dahil nakasquat siya, animo'y lumuluhod siya sa harap ko. He put his hand on my
knee for support and I slightly touched it.

Ngumiti siya sa akin.

"Ayos lang ba ang mga biro nina Ate kanina?"

I chuckled. "Alvaro, girlfriend mo ako. Natural naman siguro ang ganoong mga biro."

"Syempre, ayaw kong hindi ka kumportable."

The small smile remained on my lips. I watched his eyes, expressive and very clear.
My heart hammered and I let it. I braved his gaze, and look into his eyes
thoroughly.

"Lagi ka talagang ganyan, 'no? Kahit dati?"

"Hmm?" Nagtaas siya ng kilay.

"Dati, kahit crush kita, hindi ako komporatable sa'yo. Sa lahat... kasi lagi akong
inaasar at binubully."

"Inggit lang ang mga iyon," aniya.

"Minsan kasalanan ko. Naalala ko nanghingi ako ng number mo sa mga kaibigan mo, e.
Pinagtawanan tuloy ako."

He twisted the smile on his lips. "Paano, bata ka pa masyado. Ako na agad ang
pinangarap mo."

I frowned. "Hindi para sa'yo. Para naman kay Kuring 'yon!" giit ko.

"Tayong dalawa lang naman ang nakakaalam. Kaya kakaiba agad ang iniisip ng mga
gagong 'yon."

I rolled my eyes at him and sighed. "Kaya kahit sa'yo, hindi ako komportable. Lagi
kong iniisip, naawa ka lang sa akin pero irita ka talaga."

"Irita minsan kapag lumalapit ka at inaasar nila. Iniisip ko ba't kailangan tuwing
marami akong kasama ka lumalapit."

"Lagi ka naman kasing maraming kasama, Alvaro."

He smiled and didn't say anything. That was a sign of agreement.

"Kaya nahihiya ako sa'yo. Lagi akong kabado, hindi lang dahil gusto kita pero dahil
na rin pakiramdam ko galit ka sa akin tulad nila."

Tinitigan niya ako.

"You always joke around me so I'd get comfortable."

He smirked and didn't say anything. I knew he really agreed to it.

"Lalo na tuwing tayong dalawa lang. Pinapagaan mo lagi ang usapan kasi lagi akong
kabado."

Hindi pa rin siya nagsalita. Nanatili ang mga mata niya sa akin at seryoso na.

"I really appreciate it, Alvaro. Thank you. Maybe you didn't like me then
romantically, but I appreciate that you actually cared for me. Hindi ko 'to naisip
sa loob ng maraming taon. Ngayon lang, kasi lagi kong naaalala tuwing ginagawa mo
ulit sa akin ang mga iyon."

He chuckled. Iniwas niya ang tingin sa akin pero hindi na nagsalita. Hinabol ko ang
mga mata niya at nag-init ang puso ko nang may nakita roon. Kinunot niya ang noo
niya at iniwas lalo ang tingin. I smiled. My eyes are moist too, now.

"Even then, you really were already the captain of my heart. You have protected me
so much in your own little way, it's gone unnoticed. I'm glad we met again and I am
now able to love you like this."

"You protected me too. Patas lang tayo," he said trying hard to make his efforts
lighter.

Ngumiti lang ako dahil pakiramdam ko, hindi kami matatapos kung pagtatalunan namin
ito.

I leaned closer to him to kiss him. He smiled with my kiss and kissed me back.
Natigil lang kami dahil sa ngiyaw ni Cheshire at Garfield. At nakita naming dilat
muli si Kuring, nakatanaw galing sa kama niya.

Hindi matanggal sa isipan ko kahit noong natulog. At may iba pang bumagabag sa akin
pagkagising.

Pagkatapos ko sa azucarera, umuwi muna ako at kinuha na si Kuring. Dinala ko ang


kama niya at dumiretso na sa shelter para mapacheck kay Chantal.

"Wala na siya gaanong pakialam sa hygiene niya," puna ni Chantal pagkatapos kuhanin
ang mga kailangan kay Kuring.

Hinintay ko muna si Alvaro bago ko tuluyang pinacheck kay Chantal si Kuring.

"Dahil sa katandaan, maaaring hindi niya na malabanan kung may dumapo mang sakit."

I have thought about that hard and no matter how I accepted it on my mind, it still
hurt. Yumuko ako, pinigilan ang mga luha pero sa huli pumatak din ito. Alvaro held
me and hugged me after a while.

"Losing a pet is hard. Lalo na rito kay Kuring dahil nakita natin siyang tumanda. I
know nothing could make it easy but maybe, we can look back at the long years he
lived with us."

"Wala na ba talagang magagawa, doc?" Alvaro is asking for a miracle.

Chantal didn't answer. I gritted my teeth. It hurt so much. It hurt more and more
as the time passed. Hindi ko na mapigilan ang mga luha at paghikbi ko.

Hinagod ni Alvaro ang likod ko at niyakap ng mahigpit. It took a while before I


calmed down.

"You should make the most out of his remaining days," si Chantal.

Nakaupo na ako sa upuan sa counter. Si Kuring, gising na at nag-sstretching pero


humiga ulit. Hinabol ni Alvaro ang mga mata ko at pinalis ang mga luha.

"Buhay pa siya, Yohan. Ang mabuti pa, ipasyal natin siya ngayon?"

I agreed. Tumayo agad ako at tiningnan si Kuring. Kinuha ni Alvaro ang higaan nito
kasama na rin siya.

"Sa sasakyan ko na lang siya. Doon ka na rin sumakay."

"Ipapakuha ko na lang kay Romulo ang sasakyan ko rito," sabi ko.

He nodded and went out. Nilingon ko si Chantal. She smiled at me.

"Thank you."

She grinned and shrugged.

"Tingin mo kaya, ilang buwan na lang?"

"Mahina lang siya, Yohan. Sa katandaan. Kung maalagaang mabuti, at mapapakain naman
lagi... hahaba pa ang buhay niya."

I nodded. "So aabot pa siya ng buwan?"

"Puwede ring higit, Yohan."

Tumango ulit ako at nagpasalamat. May kaunting desisyon na sa isipan. Iniisip ni


Alvaro na sa park kami pumunta pero nagkasundo kami na iparada na lang muna ang
sasakyan sa harap ng Canlaon. Hindi na rin naman din kasi ganoon ka galaw si Kuring
kaya hindi na maganda sa park.

We passed by a small hut. He drove through the fields, now watching the mighty
mountain looking down upon us. Nang lumuwang ang sidewalk, unti-unti niya nang
pinarada ang sasakyan.

I went out carrying Kuring's bed. He meowed, interested at where we are. Natagalan
si Alvaro at natanto kong kumuha siya ng maliit na banig. Nilatag niya iyon sa
espasyo ng sidewalk at kinuha na si Kuring sa akin.

Binaba niya iyon. Naupo si Kuring, kuryoso pa rin sa paligid. Naupo na rin ako.
Nasa harap namin si Kuring habang lumilinga-linga.

"Naalala mo ang azucarera, Kuring? Lagi kang nahuhuli ni Manolo roon, muntik nang
maging siomai dahil sa makina ka naglalagi?"

I chuckled when I imagined kuring getting lost in the sugarmill. Nilingon ko si


Alvaro. He smirked at me and I realized then that he's just trying to make it light
again.

And that... I love him.

"Ilang buwan na lang yata ang itatagal ni Kuring, sabi ni Chantal."

Nagpatuloy si Alvaro sa paghaplos kay Kuring. "Hihintayin mo pa ang kasal namin ng


Mommy mo, Kuring?"

My eyes widened at that. I thought of that after Ate Gen's jokes and it lingered a
bit but. Nilingon ako ni Alvaro, seryoso at mataman akong tiningnan.

"Gusto kong kapag ikasal tayo, nariyan siya."

My lips parted.

He chuckled again. "But maybe it's too early, huh? What do you think?"
"H-Hindi ko alam din, Alvaro."

He nodded. "Ayaw ko rin namang madaliin ka. Kaya sana, Kuring, magpalakas ka!"

"P-Pero gusto ko rin sanang nariyan siya sa kasal natin."

Nilingon ako ni Alvaro.

"Ilang buwan na lang daw ang itatagal kaya... k-kung ganoon. Dapat..."

His eyes widened. Natigil siya sa paghaplos kay Kuring at nilingon ako. He smiled
again but he tried to be serious.

"Yohan, hindi biro ang pag-aasawa. Hindi dahil mahina na si Kuring, iisipin mo na
'yon agad."

Ngumuso ako. He sighed.

"Gustong-gusto ko na ring pakasalan ka. Noong nakaraan, nag-iisip na akong bumili


sana nang singsing."

Napakurapkurap ako. "T-Talaga?"

"Gusto na kitang pakasalan pero ayaw ko namang mapilitan ka. Lalo na ngayon dahil
kay Kuring."

Umiling ako. "Gusto ko rin namang pakasalan ka, Alvaro. Kahit hindi dahil kay
Kuring! Pero siyempre, gusto kong nariyan siya kaya gusto ko na rin sanang...
agad." I croaked the last words.

He chuckled.

"Sigurado ka na ba sa akin?"

Tumango ako.

"I'm sure about you. I think... whatever will change... or whatever it is, I will
do my best to understand. Mahal kita at... ganoon naman talaga kung mag-aasawa..."
he trailed off and looked at me.

"G-Ganoon din naman ako sa'yo!"

"Talaga?" he stifling a smile again.

"Yes, Alvaro."

He swallowed hard and stared at me. He licked his lips and slightly watched mine,
trembling from all the emotions I have.

"Let's get married. We... we love each other. I'm... determined to make this work.
Compromise if needed!"

His eyes dropped on my lips again. Tumango siya.

"At alam kong ikaw din. You always consider my feelings. You always compromise. And
I... I trust you now."

Nanatili na ang mga mata niya sa labi ko. Kahit ngumiti dahil sa sinabi ko.
"At... magkasundo tayo. Sa bahay tayo titira. Hindi ako puwedeng bumukod doon dahil
walang maiiwan. At malapit nang bumukod sina Aria!"

Napawi ang ngiti niya. Sumimangot at sa mata ko na nakatingin.

I sighed, dismayed at him. I realized he wouldn't allow that!

"Ako na lang mag-isa! At may malawak akong bakuran para sa mga pusa... at anak...
natin," marahang sambit sa huling mga salita.

Unti-unting bumalik ang ngiti niya. Umiling siya at bumuntonghininga.

"Then, I should start compromising through that, huh?"

Lumapad ang ngisi ko sa sinabi niya.

"Malawak na bakuran para sa anak? Mga anak, Yohan?"

Ako naman ang napawi ang ngisi ngayon.

"Ano sa tingin mo, isang beses lang natin gagawin 'yon? Siyempre, aaraw-arawin! At
kapag nagkaanak na tayo, uulit pa ng maraming beses!"

Uminit ang pisngi ko. This man! Gusto kong sumimangot pero hindi ko na magawa.
Naplaster na ang ngiti sa labi ko.

"What do you think?"

"Okay... then. Fine."

"Lugi ka pa, ha?" He chuckled. I laughed, too.

"I'll marry you, Alvaro..." sambit ko sa mas magandang paraan.

Tumango siya at unti-unting dinampi ang labi sa akin.

"Good. Because I don't think I can wait anymore now...."

🌺🌺🌺
This is the Epilogue of Hold Me Close, Azucarera Series #3, and the end of
Azucarera Series. Thank you so much for reading. Hope to see you all again on my
next series, and other on going series. For further announcements, please take time
to visit my website every now and then. www.jonaxxstories.com

---
WAKAS

"Tara na, Alvaro! Sus! Hayaan mo na 'yang batang 'yan!"

"Bilin ni Sir, e," sambit ko pero nag-isip.

May pagkababaero ang Kuya Gilbert ko noong highschool. Kaya naman, maaga rin akong
nakuryoso. Malaki ang impluwensiya niya sa akin at kung hindi lang talaga dahil sa
mga pangaral nina Mama at Papa, baka nga kinalimutan ko na ang ibang mga
importanteng gawain.
"Mamaya na. Susunod na lang ako!" sabi ko kay Daniel nang nakapagdesisyon.

Dahil ako ang bunso, ako rin ang inaasahang magbabantay o makakasalamuha sa anak ng
pinakamayamang asyendero sa buong Altagracia, at maaring sa Negros. May isang anak
si Enrique Valiente. Babae at mas bata sa akin ng ilang taon. Dahil marami ang
galit sa mga Valiente, hindi rin naging madali sa babaeng anak ang makipagkaibigan
sa iba.

Ate Gen is also her friend. Pero dahil masyadong malaki ang agwat ng edad nila,
hindi gaanong interesado si Yohan Valiente sa kanya.

"Yohan, aalis ako, e..." I said trying my best to make it appear urgent even if it
really wasn't.

At wala rin naman talaga akong magandang dahilan. Gusto ko lang manood sa Bailes de
Luces. Laging maraming magagandang sumasali roon. Pati ang muse na nananalo, walang
tapon. Iyon ang festival na ginagawa sa bayan na ito at inaabangan naman talaga ng
lahat.

"Saan ka pupunta?" malungkot niyang sinabi.

"Ah. Mamumulot kami ni Ate ng Gmelina para ibenta," palusot ko.

"Ibenta? Bakit?"

Pansamantala akong natigilan sa tanong na iyon.

Nakakatawa at medyo nakakalungkot. Magkaibang-magkaiba talaga ang estado ng


mayayaman at mahihirap sa bayan na ito. Kahit na alibi ko lang naman ang sinabi,
pero totoong namumulot ngayon si Ate Gen ng Gmelina. Ganoon din ako minsan para
maibenta namin. May iilang bumibili para itanim sa kani kanilang lupain. Mga dayo
at mga napapadaan lang. Matagal man tumubo, pero hindi na rin masama kung ibenta
ang kahoy na makukuha rito kalaunan.

Yohan Valiente didn't know about that. Lahat ng nakakausap ko, tuwing binabanggit
ko iyon, wala ni isang nagtanong kung bakit ibebenta ang prutas ng Gmelina. Alam ng
lahat na kikita roon, kaunti man pero hindi na masama. For a Valiente, like Yohan,
who grew up rich it's a trivial matter. She didn't know or understand.

"Para magkaroon ng notebook sa pasukan, Yohan," sabay tawa ko. "Sige na, ah. Alis
na ako," sambit ko.

"Tutulong ako sa pamumulot ng G-Gmelina!"

I laughed awkwardly at that. Bago ko pa mabago ang isipan niya, nagtawag na siya ng
driver at yaya niya at pinaalam na na mamumulot siya ng Gmelina kasama ko.

Wala tuloy akong nagawa. Pagagalitan ako nina Mama at Papa kung tinanggihan ko si
Yohan. Lalo na kapag nalaman nila na gusto ko lang naman talaga manood ng Bailes.
Kaya nagkunwari na lang ako.

Pinarada ang sasakyan sa kung saan namumulot si Ate Gen at mga kaibigan niya ng
Gmelina. Ginawa ko naman kahit na hindi ko naman talaga sadya iyon.

"Oh, ginagawa mo rito? Ang sabi ni Daniel, manonood kayo ng Bailes?" si Ate nang
nakita ako at naroon na rin si Yohan, ginagaya ang ginagawa ng mga kaibigan ni Ate.

I sighed boredly and looked at the yong girl Valiente for the answer. Umiling na
lang si Ate at nilapitan si Yohan para kausapin.
Bukod sa nahihirapan akong tumanggi kay Yohan, ayaw ko rin minsan sa mga ginagawa
niya para sa amin.

"Ano 'to?" tanong ko pagkatapos niyang ibigay ang isang supot.

Isang araw iyon sa huling mga linggo ng bakasyon. Ngumisi siya. Tinanggap ko naman
ang supot at sumilip sa loob.

"Mga notebook! Para hindi ka na bumili gamit iyong pera!"

masaya niyang sinabi.

I smiled. Alam ko namang magaan sa loob at maganda ang intensiyon niya pero hindi
ako gaanong kumportable sa ganoon.

"Hindi mo na dapat pa ako binilihan. Nagtatrabaho naman kami para roon, Yohan."

Napawi ang ngiti niya. Hindi ko nga lang alam kung tama ba na sabihin ko sa kanya
iyon gayong hindi niya rin naman siguro maiintindihan. But I remember that it was
one of the few moments that I ahd with her right before her father betrayed my
family.

Malaking balita iyon sa buong Altagracia. Laking pasasalamat na lang ni Mama na


tinanggap kami ng mga Alcazar sa madilim na panahong iyon.

Nabaldado si Papa dahil sa atake at nakuha ni Enrique Valiente ang aming tubuhan.
Parehong nagalit si Kuya Gilbert at Ate Gen pero wala nga namang magagawa ang galit
kung mahirap lang kami.

Kahit anong punta sa munisipyo para mag reklamo, sa korte, at tulong sa mga
abogado, buong lalawigan yata ang may empluwensiya ng mga Valiente. Iyon ang nag-
udyok kay Ate Gen na kumuha ng abogasya pagkatapos mag kolehiyo, at si Kuya
Gilbert, pumasok sa PMA, gaya ng nauna niyang plano.

Nagtatrabaho kami nI Ate Gen katuwang ni Mama. At si Papa, naging madilim ang
pananaw sa buhay dahil sa kataksilang nangyari.

Ate Gen's anger was only towards Tito Enrique. Kaya lang, kay Mama, sa buong
Valiente na dahil na rin siguro sa sinapit ng pamilya. Kaya siguro kahit anong
gawin kong maging patas, sa likod ng isipan ko, may kaunting galit ako sa kanila.

Lalong lumayo ang loob ko kay Yohan. Hindi ko rin alam kung naintindihan niya ang
nangyari pero nagsimula rin siyang maging tahimik pa lalo at mapag-isa. The whole
campus disliked her. And although I was a bit angry with her, I didn't like seeing
her getting bullied.

Noong una, umiiwas lang ako para hindi na bumagabag sa akin, pero kalaunan, hindi
ko na napigilan.

"Tama na 'yan!" sabi ko nang umalis siya na naiiyak na.

"Oh? Bakit, Alvaro? Pinagtatanggol mo 'yon? Muntik anng 'di maka graduate si Ate
Gen dahil do'n ah!"

"Hindi naman siya. Si Tito Enrique naman iyon."

"Kahit na! Anak siya ni Tito Enrique. Hindi ka ba nagagalit? Kami nga, sinisante
nang walang dahilan ang mga magulang namin sa azucarera nila, galit na. Ikaw pa
kaya na ganoon ang ginawa sa inyo?"

I heard someone chuckle. It's a girl classmate. Nilingon ko siya.

"Malambot ang puso ni Alvaro roon dahil may gusto sa kanya... Sus! Ayaw mo lang
magbago ang tingin sa'yo ng bata, e," she said it like it was an insult.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo. Wala naman akong pakialam kay Yohan. Tingin ko
lang, hindi maganda na sa kanya n'yo isinisisi ang mga ganitong bagay."

"At bakit, Alvaro? Sabihin mo nga? Paano ba namin masisisi kay Enrique Valiente ang
mga kagaguhan niya?"

Natahimik ako.

"May gusto nga iyon sa'yo Alvaro. Naririnig ko sa mga classmates noon ang tuksuhan.
Kaya mo ba pinagtatanggol?"

"Ang pangit na 'yon. Talaga?!" my girlfriend hooked her arm on mine.

Kadarating niya lang pero mukhang narinig ang pinag-usapan. Nilingon ko siya.

"Tumigil ka, Camille," banta ko.

She looked offended at my words. "Ako pa ang titigil e iyong batang 'yon ang
masama?!"

"Ang tatay niya ang masama. Hindi siya. Alam kong galit tayo kay Enrique Valiente
pero anong pinagkaiba natin sa taong 'yon kung ibubuhos natin ang galit sa
inosente?"

Bumitiw si Camille sa braso ko. Napabaling ako sa kanya at nakita kong humalukipkip
siya.

"Sabihin mo nga, Alvaro. Akala ko ba girlfriend mo ako? Bakit mo kinakampihan ang


batang iyon."

I sighed. "Ano ang koneksiyon niyan sa relasyon natin?"

"Kung girlfriend mo ako, dapat ako ang kinakampihan mo lagi! I agree to them,
Alvaro. So you need to agree, too. I'm your girlfriend and you love me."

Sa totoo lang, nairita ako lalo. Sinali pa sa usapan na iyon si Yohan. Binanggit
niya rin ang relasyon namin sa harap ng maraming tao. Para saan? I don't normally
do this. I do this in private to my exes but this time, I saw red and I got really
pissed. Siguro dahil sa naunang pagtatalo o ewan ko.

"Nagkasundo tayo na may hangganan ang relasyon natin dahil aalis naman ako, hindi
ba?"

Camille's eyes widened.

"I can't fall in love, I'll leave and pursue my dreams to join the military,
Camille. Huwag mo na ulit babanggitin ang bagay na 'yan." Tatalikod na sana ako
dahil sa kaunting kahihiyan.

Narinig kami ng mga kausap ko kanina. I really didn't intend to say that in front
of people but she pissed me off.
"Alvaro, ano?!" si Camille na mas nairita pa. "So pinipili mo siya?"

Hindi ako sumagot. Bakit pa kailangan isama si Yohan sa usapan? Kahit naman hindi
siya ang binu-bully, ipagtatanggol ko pa rin naman dahil nakikita kong mali iyon.

"E 'di break na tayo!" she cried.

Nilingon ko lang siya. I tried to be nice but my anger got the best of me. I can't
wipe the smug look on my face before I raised a hand lazily to wave.

"Sige..." bago ako umalis.

I don't intentionally watch her but for some reason, she always finds a way to be
in the right place.

"Huwag na. Bakit pa kailangan 'yan, hindi ba?" I smirked at a new girl who
confessed to me on an empty kiosk. Right next to my loud group.

Maganda naman. Pasado na. Ayaw ko na sanang magkaroon ng girlfriend at laro laro na
lang pero hindi ko alam kung bakit gusto talaga nila ng label.

"Bakit ba ayaw mo? Be my boyfriend, Alvaro."

Nagtaas ako ng kilay at ngumisi. "Ano ba talagang mayroon sa label?"

"Bakit ba ayaw mo?"

"Ang sabi ko, hindi ako puwedeng magseryoso, hindi ba? Aalis ako at ayaw kong may
iiwang luhaan," I said cockily.

Because I know for sure that nobody could keep me from reaching my dreams to the
point that I'll stay... and stop pursuing them. Mahirap lang kami at kumakayod si
Mama para sa pamilya. Hindi puwedeng dahil lang sa tawag ng laman, tatalikuran ko
ang tungkulin at responsibilidad ko bilang anak. At isa pa, gusto ko rin iyon para
sa sarili ko.

"Be my boyfriend. I'll change that, Alvaro. Babaguhin ko ang isipan mo. Aayaw ka sa
PMA at mas gugustuhin mong manatili rito dahil mamahalin mo ako."

I smirked wider when I realized her curse. This is not the first time I heard that.
Sasagot na sana ako na tatanggapin ko ang hamon niya pero napabaling ako sa banda
ng grupo dahil may tinatawanan sila.

Nilingon ko iyon at nakita kong dumaan si Yohan. My group is loud and all boys.
Minsan, kung ano ano ang tinatawanan nila pero kitang-kita ko ang pamumula ni Yohan
sa malayo. Sumusulyap siya sa grupo at nagdadalawang isip na dumaan.

Nang umingay lalo at umatras siya at tumakbo. Umalis nang tuluyan.

Kumunot ang noo ko. It somehow bothered me that my friends aren't talking about
her... but she seems sure that they were. Na para bang lagi niyang iniisip na
pinagtatawanan siya ng lahat. Na walang ibang ginawang pulutan ang buong school
kundi siya.

"Alvaro?"

"Fine. Fine!" wala sa sarili kong sagot.

It's not a good thing. That means somehow, the bullying traumatized her. Doon ko pa
lang iyon natanto. Sinusubukan ko rin siyang ipagtanggol pero simula yata ng araw
na iyon, lumala pa ang pambubully. Pakiramdam ko tuloy... kasalanan ko.

Somehow, they think that I am on her side. It angered the girls more, thinking that
she's good for nothing and yet, earning the sides of many people... including me.
Kaya lumala pa ang pang-aaway sa kanya.

Kasalanan ko talaga yata at hindi ko na alam kung ano pa ang maaring gawin para
makatulong.

"Kaya pinapaliguan? Kaninong ideya 'yan?" Ngumisi ako sabay tingin sa kanya sa tabi
ni Chantal.

She has lost any confidence she has earned as a kid. Ngayon, tahimik na tahimik na
siya parang naglalakad sa gitna ng mga bubog. Hindi ko gusto iyon kaya sa maliit na
paraan, sinusubukan kong pagaanin ang loob niya.

May pusa siyang inaalagaan sa skul. Kuting pa. Maliit at marumi. Naalala ko iyong
mga pusa ni Ate Gen na pinaglalaruan ko. At na ilang beses kong nakalimutang
pakainin dahil hindi naman ako maalaga. At ilang beses ko ring napalo ng walis
tingting dahil sa pagnanakaw ng ulam.

"Kikidlatan daw ang magliligo ng pusa, ah?" I tried to look at Yohan's reaction.

She only stiffened.

"Kaninong ideya ang pagliligo niyan, kung ganoon?" ulit ko dahil gusto kong sumagot
siya.

"Ako? Bakit? Kikidlatan na ba ako?" I heard Chantal and I realized that I was wrong
to think that it was Yohan's idea to bathe the poor kitten.

Out of concern, I offered to help raise the kitten. Hindi ko talaga inisip ang
responsibilidad noon. Iniisip ko lang na pakakainin at bigyan ng matutulugan,
tapos! Wala nang ibang kaartehan pa!

Dear Alvaro,

I read her letter and noticed how good she was with words. Walang panama ang mga
senior high na love letter dito. Ngumisi ako at tiningnan ang dingding ng gym.

Naabutan ko siyang nagkukumahog tumakbo sa likod ng gym kanina. Parang tanga. Bakit
pa tatakbo? Nahihiya? My smile got wiped off as I realized that maybe she thinks
I'd bully her too. That I am no different than the other students who give her
names.

Hindi naman siya pangit. Hindi rin maganda o dahil hindi siya ang tipo ko. Maputla,
at sa laki ng grado ng salamin, lumalaki rin ang mga mata niya kahit na may
pagkachinita. May kaunti rin siyang tigyawat, isang bagay na wala sa dugo naming
magkakapatid na Santander.

"Nasaan kaya ang amo mo? Akala ko ba iaabot ka sa akin?" parinig ko baka sakaling
magpakita na parang multo.

I smirked. But she didn't show herself so I thought of more things. I noticed she
like cats so much. It would bother her if she hears my thoughts about it.

"Araw araw ka bang nililiguan?" sabi ko kahit na alam kong hindi.


Sisipunin ang maliit na kuting. Matataranta si Yohan, panigurado. Pero mukhang
matibay ang loob, ah.

"Hmm. At isang beses ka lang ba kakain sa isang araw?"

Magiging kalansay 'tong pusang 'to.

"At gatas lang ang kailangan mo hanggang tumanda, hindi ba?"

Mamamatay pa yata sa LBM.

She appeared. I smirked and question why she's hiding. Natanto kong hindi nga ako
nakaligtas sa masamang tingin niya. She's not comfortable with me, not because she
likes me, but because she thinks I will bully her.

"Gusto kita, Alvaro. Guwapo ka. Pero huwag mong kalilimutan na ako lang ang
puwedeng manakit sa pinsan ko," banta ni Aria sa akin nang napansin na dahil sa
pusa naging malapit kami ni Yohan.

"Hindi, Aria."

"Hindi ka nakikipaglapit sa mga babae bilang kaibigan, alam ko. Kaya sa oras na
malaman kong pinaglalaruan mo lang siya dahil lang gusto ka niya, hindi kita
patatawarin."

Natawa ako at natahimik sa banta ng pinsan niya. She's not very nice to Yohan and
she bullies her but I realized now that she cares for her.

"Huwag mo gaanong pahirapan, Aria. If you care for her, tell her your real
feelings. Kasi hindi nakakatulong na malupit ka sa kanya."

Nagulat siya sa sinabi ko. Namilog ang mga mata niya.

"Anong paki mo paano ko siya tratuhin? Pamilya ako, Alvaro. Kakilala ka lang!"
mariin niyang insulto sa akin.

I smirked. "Hindi man lang kaibigan, ah?"

Hindi na siya sumagot.

Kaya hindi na ako nagtaka na pagkatapos ng event na iyon, matindi na ang galit ni
Aria lalo sa akin. Hindi ko alam kung nandoon ba si Yohan. Ang narinig ko, wala
dahil may pasok pa sila noon pero hindi pa rin ako mapakali.

Naipit ako. Hindi ko gustong aminin iyon sa harap ng maraming tao pero alam kong
kung itatanggi ko naman, gaya ng dati, pag-iinitan lalo si Yohan. Napapansin na ng
iba ang pagiging malapit namin dahil sa pusa dahilan ng pagdoble ng mga naiirita sa
kanya.

I realized that aside from the people who were hurt by Enrique Valiente, some of
her bullies and haters are girls who actually likes me. Hindi ko alam kung dahil sa
inggit ba o ano pero inaaway nila si Yohan. Kunwari'y may galit sa mga Valiente
pero ang totoo, nairita dahil nalalapit akop sa kanya.

Wala rin kasi akong naging girlfriend halos buong taon dahil huling taon ko na
iyon. Iniisip ko aalis na ako kaya hindi na ako tumanggap ng girlfriend. At siguro
rin dahil abala na kay Kuring kaya ganoon. Imbes na sinadya kong huwag kunin ang
numero niya at idaan kay Aria ang lahat... para naman isipin ng iba na si Aria ang
gusto ko... napansin pa rin nila na si Yohan talaga ang sadya ko tuwing bumibisita
sa kanila.

"Wala siya no'n. Tinanong ko," iritadong sabi ni Aria sa akin nang tinanong ko siya
sa sumunod na araw tungkol doon.

I sighed. Buti na lang.

"Bakit? Guilty ka sa mga sinabi mo? Hindi ba 'yon totoo?"

"T-Totoo naman."

"Ba't ka nagtatanong kung narinig niya o hindi?" nagtaas siya ng kilay.

"Kasi... pakiramdam ko... masasaktan siya."

I announced that I have a girlfriend only to stop the rumors about Yohan.
Nagsinungaling ako at siguro paninindigan ko iyon kung kailangan. Para lang matigil
na ang pambubully sa kanya.

"Ano naman ngayon? Eh, 'yon naman ang totoo, hindi ba?"

She's got a point but still, I can't stop regretting. The only consolation for it
all was the fact that her bullies, after the heart's day, stopped bugging her. At
least now that I'm leaving for the PMA, I am sure that she won't be bullied
anymore. Dahil sa huling buwan bago natapos ang eskuwela, gumanda ang tungo ng
lahat sa kanya dahil sa nangyari.

The training was really hard. It made me abandon many things. At siguro rin dahil
seryosong seryoso ako sa pangarap, kaya mas lalong mahirap sa akin, imbes na
madali.

"Kuring, 'tong amo mo tindi, ah?" sabi ko habang nakaupo sa labas ng bahay.

Umuuwi ako tuwing may pagkakataon pero mas madalas ako kay Kuya Gilbert sa
Zamboanga dahil sa turo niya. Nalaman niya kasi na army ang gusto kong pasukin at
mas gusto kong mag field kaysa sa opisina. I find it fulfilling to live for
something deep, or maybe I was very idealistic.

"Noong nakaraang uwi ko, may hinawakang tiyan. Abs daw, wala naman. Ang totoong may
abs, hindi nagmamalaki!" giit ko dahil mula noong nagtraining, nagkaroon din naman
ako noon pero walang sadyang pinakitaan.

Patuloy ang paglalaro ko kay Kuring. Hindi naman nakikinig ang pusang ito. Ang yarn
lang yata ang gusto.

"Saka sa mga Valiente ka magmanman, hindi sa mga Alcazar! Lagi ka na lang naliligaw
doon. Napakawalang kuwenta mo namang espiya, Kuring..."

Ganoon lagi sa nagdaang taon. At sa huling uwi ko bago ako nadestino bilang special
forces, nakita ko ulit siya. She's on her last year of senior high then. I didn't
see her the next years after that fateful day in a convenient store. Kaya naman
laking gulat ko nang nagkita kami noon.

Nasa milk tea place ako sa bayan, kumakain. Namasyal lang bago ang alis bukas at
naroon si Angelo at Yohan, nag-uusap.

Nagtaas ako ng kilay at nagpatuloy sa kinakain. Bumili ako ng sandwich at ginaya


ang in-order ni Yohan na inumin kahit mukhang hindi iyon masarap. Hindi niya ako
napapansin dahil nakatalikod siya sa akin at masyadong abala kay Angelo... pero
nasisiguro kong mapapatingin siya sa banda ko mamaya.

I finished my food first. Maybe because I didn't have anyone to talk to. They have
each other so they ate really slow.

Boyfriend niya yata. May pa holding hands na, e.

She really wasn't ugly then. She was just young and people wanted to destroy her
confidence. Hindi rin naman siya sobrang ganda. Sakto lang. At ngayon... natuto
nang mag-ayos at tumangkad na rin ng kaunti. She matured fast or maybe the years
for me was really fast because of my training.

Natanaw kong unti-unti siyang hinalikan ni Angelo. Napapatingin ang ibang mga tao
roon sa lamesa nila dahil sa ginagawa ng dalawang mapupusok na magboyfriend. I
cleared my throat and at some point, I wanted to go and leave but I also know that
it might be my last chance. So I stayed and waited even if I hated what I just saw.

Nagbayad at tumayo ang dalawa. Magkaholding hands at namumungay ang matang umalis,
hindi man lang tiningnan kung sino ang naroon sa cafe. I gritted my teeth and
raised a brow. This is ridiculous.

Tinapon ko ang tissue sa pinggan at nagbayad na rin sa iritasyon. Iritang irita ako
na umalis ako ng gabi, hindi na hinintay magbukas.

Sumabak sa giyera na masama ang loob pero nang nasa gitna na ng labanan at naging
delikado, sa isipan ko nawala na ang iritasyon para sa nangyari. I just remembered
her face and said sorry... that I got jealous. And that when I get through this
alive, I'll come back.

Sa ganoon ako nabuhay. At mas minabuti kong huwag na rin munang umuwi para makapag
schooling bukod sa training.

It all paid off. I received a high award and got promoted into a higher rank. At
nang nagkaroon ng pagkakataong ma assign sa Negros, tinanggap ko na. It was the
least appealing for everyone. Mas gusto ni Mama na siyudad ako ma assign na offer
din naman sa akin pero pinili ko ang Negros.

"Alam ko kung bakit ka umuwi," si Mama nang bumisita sa kampo at tiningnan ang
kalagayan ko roon.

"Para maglingkod sa probinsiyang kinalakihan, Mama."

"Huwag mo akong bolahin, Alvaro. Nakukuwento ni Gen sa akin ang mga tanong tanong
mo."

Ngumisi ako at nilapitan siya para aluin. Minsan niya na akong tinanong sa
cellphone at lagi siyang naiirita dahil Valiente nga raw.

"Si Mama, biro lang 'yon!" sabi ko kahit ang totoo nahihirapan din naman ako.

"Biro biro ka diyan, e wala kang girlfriend! Nagtatanong ako sa Kuya mo kung may
kahit babae ka man lang, sabi niya wala! Nireto ka niya sa magandang pinsan ng
asawa niya, isang date lang daw at wala na! Bilang respeto lang ba 'yon?!"

Tumawa ako. "Mama, uso na ngayon sa mga kaedad ko na hindi nag-aasawa at focus lang
sa career-"
"Tigilan mo ako! Kung sana ay hindi ko alam ang mga ginagawa mong pambababae noong
highschool ka, maniniwala pa ako!"

Tinawanan ko na lang iyon.

"Magsabi ka ng totoo, Alvaro. Hindi naman ako galit. Matagal na 'yon at nakita kong
mabait naman si Yohan kahit paano."

Napawi ang malaking ngisi ko at pinagtakhan ang sinabi ni Mama. Alam ko na naman
iyon noon pa at siguro kahit naman may kaunti pa siyang galit dito, makukumbinsi ko
rin kalaunan. Hindi naman pareho si Yohan at si Tito Enrique.

"Maganda ang tungo niya sa mga mahihirap sa bayan. Ibang iba sa kurap niyang ama
kaya walang problema. Kaya lang naririnig ko papalit palit ng boyfriend."

Nilapag ko ang palad sa balikat ni Mama.

"Huwag kang mag-alala, pag natikman ako no'n. Ako na lang ang hahanapin no'n-"

Humagalpak ako kasi kinurot ako ni Mama sa tagiliran sa gitna pa lang ng sinasabi.

"Gagong bata ka! Itatakwil kita sa oras na malaman kong kung ano ano ang ginagawa
mo sa batang 'yon!"

Indeed, she had a lot of exes and suitors. The first time we saw each other again,
she's with Soren Osorio. Nabangga nga lang sa checkpoint. Sinusubukan ko pang
isipin kung hindi ba siya magaling mag drive o talagang nakita niya ako.

The look on her eyes when she stared at me made my hallow stomach churn. And I
immediately noticed how my feelings for her changed a lot. Kung noon, nag-aalala
lang akko at gusto ko siyang protektahan. Ngayon, iba na. They are light years away
and it made me want to pursue her.

So today, I gave her what she wanted. A military wedding. Yes, that's what she
wanted. Ang sabi ko hindi naman kailangan kahit nasa militar ako. Siya ang
masusunod sa ano mang gusto niya sa kasal namin.

"I want a military wedding," she said. "In honor of you, my future husband,
Alvaro."

At inaamin ko, masaya ako. I am so happy that she appreciates my vocation. Not
everyone can accept it but she's nothing but proud and happy for me. Na hanggang sa
kasal namin, iyon ang gusto niyang mangyari.

I waited for her in a carpeted aisle, with a saber arch. Their swords up in the air
as I waited patiently for her slow walk in the aisle.

Wala na akong isasaya o hihilingin pa. I think that if this is the reward for all
my sacrifices, then I must still be in debt of more sacrifices. Kasi sobra sobrang
kapalit naman yata ito, na mahalin niya ako paglipas ng maraming taon. Na hindi
niya ako kinalimutan, kahit na wala naman ako sa tabi niya, at pinili ko na unahin
ang bayan.

She is more than a reward for all of my sacrifices. This is why from this day on, I
am willing to sacrifice more... to compensate the blessing that I was given.

And as her husband, I promise that I'd never fail her. At gaya ng dati, kung
kailangan kong magsakripisyo para sa kanya, gagawin ko rin. Nang walang
pagdadalawang isip at pag-aalinlangan.
Pinagmasdan namin si Kuring sa silid ng mga pusa. Malapit nang maghatinggabi at
kaalis lang ng mga huling bisita ko. Malakas uminom ang mga kasama ko kaya nauna
nang umakyat si Yohan kanina at naiwan ako sa baba para samahan sila.

I'm on leave for the wedding and our short escapade. Pero sa gabing ito, nasa
mansiyon kami. Dito sana ang kanyang Tita at Tito pero dahil kalilipat lang nina
Aria sa bagong bahay, sinubukan ng mga itong matulog doon. Kaya kaming dalawa na
lang bukod sa mga kasambahay.

"Good night, Kuring," Yohan said.

He is the reason why I got close to her, now the reason for our reconciliation.
Nakakatuwang isipin na isang pusa ang dahilan ng lahat at hanggang ngayon, kanina,
siya ang naghatid sa wedding ring naming dalawa sa altar.

"Good night, Kuring," I echoed her words and slowly scooped her.

"Alvaro!" she protested and scowled at me but I smirked and looked at her.

"It's our first night, Yohan," sabi ko.

"Oo, alam ko. P-Pero... ibaba mo nga ako!"

Nilapit ko siya sa bahay ni Cheshire at Garfield.

"Isama mo ang ibang anak natin. Baka magselos sila. Good night Cheshire and
Garfield..."

She said goodnight, too. Ngumisi ako dahil nalimutan niya ang request na ibaba ko
siya dahil sa pagsasabi ng good night. Na distract agad dahil sa pusa. Kaya ngayon,
okay lang na nasa bisig ko siya basta may pusang pampa-distract.

But the magic stopped whileI was on the stairs. I am carrying her and she noticed
it again because the cats are not in front of her.

"Alvaro, maligo ka muna! Amoy alak ka!" aniya.

Ngumisi ako. Namumula siya habang nagpupumiglas. Nakainom ako pero hindi lasing.
Siyempre, ayaw kong wala ako sa sarili sa gabing ito. She's wearing a long night
gown and I realized that her words meant... she knows what will happen tonight.

"Maliligo talaga ako, Yohan. Nakaligo ka na ba?"

Though I can smell her nice scent. Alam kong naligo na siya kasi nakapagbihis na
rin galing sa wedding gown niya pero tinutukso ko lang. Namula naman siya kaagad.

"O-Oo naman!"

"Sayang. Sabay sana tayo maligo. Sa honeymoon na lang, kung ganoon?" I smirked.

Namilog ang mga mata niya at sinubukang magpakatatag. Ngumisi siya.

"O edi sa honeymoon na!"

Lumapad ang ngisi ko. Nasa loob na kami ng kuwarto. Nilapag ko siya roon. Pinaayos
niya pa ito para raw sa amin. Isa sa huling pinagtalunan namin dahil gusto kong
bayaran ang pagpapaayos niya. Kaming dalawa ang titira rito, ibig sabihin magkahati
na kami simula ngayon. Of course, I let her win. She insisted that the renovation
was before the wedding. After the wedding, that's when she agreed that I will pay
for the things here.

Of course, I compromised. Kung sa bagay na iyon pa lang hindi ko na kayang


pagbigyan siya, paano pa kapag nag-asawa na kami. At natuto rin naman siya na
magbigay kaya pumayag na sa kasunduan namin.

Nilapag ko siya sa kama. The lights were dim and I didn't care to turn it all on.
Isa-isa akong naghubad ng relo, uniporme, at t-shirt. She was silent but I knew she
watched me as I put my things on a rack.

She cleared her throat when I started stripping off my underwear. Nilingon ko siya
at nakita kong nakatalikod. Asan na ba 'yong pinagmamalaking playgirl?

I pursed my lips, I have no problem for both, though. I can deal with all her
shades.

Pumasok ako sa bathroom at naligo ng maayos. Nagtooth brush na rin dahil amoy alak
kahit kaunti lang ang nainom. I went out with just a towel on.

"May bathrobe naman do'n-" hindi na siya nakapagpatuloy dahil dumiretso ako sa kama
at sa harap niya.

Umahon siya at sinaway na naman ako. Nasa harap niya na ako at kanina pa nag-iinit
tuwing naiisip na kasal na kaming dalawa. Josefa Hanabella Valiente Santander. At
hindi na rin Valiente ang mga pusa namin. Garfield Santander, Cheshire Santander,
Kuring Santander.

I kissed her. She kissed back. At gaya ng madalas ay natitigilan ako kapag ganoon
siya. Gusto ko, o nagugulat ako, hindi ko alam baka pareho.

Namumungay ang mga mata ko habang tinitingnan siya. Unti-unti kong binaba ang strap
ng night gown niya. It revealed more of her skin and just before her boob will get
exposed. Nilingon ko ang lamp.

"Lights on," I whispered.

She shook her head. "Lights off for now!"

"Bakit?" I tilted my head and let the back of my finger caress her cheek.

"N-Nakakahiya..."

If the lights are on, for sure she's as red as a tomato. Sa boses niya pa lang na
nanginginig, alam ko na.

"Bakit nakakahiya? Hindi ka kailanman naging pangit, Yohan. Kaya gusto kong tingnan
ka ng buong-buo. Halikan ka sa lahat ng parte. It's our first night and I want to
memorize it all."

"M-Maybe next time..." her voice shook.

I sighed and smiled. "I like your small face, your nose, and your eyes..."
Pinalandas ko ang daliri ko sa kanyang mukha. "I'm sure I'll like your body the
same."

"Gusto ko rin namang makita ka ng buo, Alvaro. Pero..."

Nag-iwas siya ng tingin. Sa dilim, naramdaman ko ang kaunting natitira sa


insekyuridad niya sa katawan. I chuckled. I assure her that we have a lifetime to
erase those thoughts on her.

Binaba ko ang kamay ko sa kanyang leeg at pinalandas doon ang mga daliri ko at
inakyat ulit ang kanyang pisngi. My thumb stop on her full pouty lips and I
realized I didn't mention it.

"I like your lips so much, too."

"They're full..." she informed me as if that was a bad thing.

Nanatili ang hintuturo ko sa baba ng labi niya.

"That's why I love it, Yohan," marahan kong bulong at marahan ding nilandas doon
ang daliri.

Unti-unti siyang tumingin sa akin. I smiled to make her comfortable. Bumaba ang
mata niya sa kamay ko.

Slowly, she found my thumb and kissed it. As if a thank you for the declaration I
just said.

At hindi pa nakuntento, tumagal ang halik niya roon. My eyes widened when I
realized that the fire I was trying to tame within myself has now broken my walls
and patience. The sight of my wife kissing my thumb made my head spin and my heart
wild.

I groaned trying my best to do a prelude, even when all I want to do right now
is...

Walang pag-aalinlangan ko siyang dinala sa kandungan ko. She only wanted to hold
me, but tonight, I'll do more.

📖📖📖

You might also like