Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

*****

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon V
SANAYANG PAPEL SA PAGKATUTO SA PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING
LARANGAN: AKADEMIK
Bilang 12 Kuwarter 3

Pangalan ng Mag-aaral ___________________________________________________________________


Baitang/Seksiyon: ________________________________________ Petsa: _______________________

I. PANIMULANG KONSEPTO

Magandang araw sa iyo!


Nakatutuwang malaman na napagtagumpayan mong makapagbahagi ng
iyong karanasan sa pamamagitan ng pagsulat ng isa sa mga anyo ng
akademikong sulatin. Nakita mo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng malinaw
na lunsaran o balangkas upang mabigyang-direksyon ang anumang susulatin.
Nakabasa ka na ba ng artikulo mula sa dyurnal o pag-aaral? Sa
pagkakataong ito ay mapauunlad mo ang kasanayan sa pagsulat na may
batayang pananaliksik.
Halika! Huwag nang mag-alinlangan pa. Kaya mo ito!

II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO


Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na
paggamit ng wika. (CS_FA11/12WG-0p-r-93); at

Nakabubuo ng sulating may batayang pananaliksik ayon sa


pangangailangan, (CS_FA11/12PU- 0p-r-95).

PAGBALIK-ARALAN MO

Sa nakaraang sanayang papel ay naipamalas mo ang pagiging malikhain at


organisado kasabay ng pagpapakita ng kredibilidad ng iyong sulatin. Ang
pagsasanay na nakapaloob dito ay magbubukas ng mas malawak ngunit
mapaghamong karanasan sa pagsulat. Mahalagang magkaroon ka ng tiwala sa
sarili upang matamo mong muli ang matagumpay na pagsusulat ng akademikong
sulatin tulad ng Abstrak.

III. PAG-ARALAN MO

Ang abstrak ay isang uri ng buod na karaniwang makikita sa unang bahagi


ng isang papel-pananaliksik o akademikong papel na nalathala sa isang
dyornal. Ito ay karaniwang isang pahina lamang at may haba na 200-300 mga
salita. Kailangang lamanin ng abstrak ang sumusunod:
1. Kaligiran o background ng pag-aaral
2. Layunin ng pag-aaral
3. Metodolohiyang ginamit

1
4. Mga natuklasan/ resulta ng pag-aaral
5. Konklusyon

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak

1. Basahin muli ang papel upang magkaroon ng pangkalahatang ideya.


2. Pagkatapos paikliin, gawing payak ang impormasyon ng bawat seksyon sa
1 o 2 pangungusap.
3. Tingnan at balikan kung nakita ang lahat ng mahalagang punto ng papel.
4. Bawasan ang mga salita upang ito ay sumakto sa limitasyon ng
pangungusap o salita.
5. I-edit upang magkaroon ng maayos na daloy.

PAGSANAYAN MO

Panuto: Basahin at unawain ang isang halimbawa ng abstrak at kilalanin


ang mahahalagang bahagi nito sa tulong ng mga gabay na katanungan sa ibaba.
Isulat sa iyong sagot sa sagutang papel.

Mga Dalit sa Aurorahan: Sosyo-kultural na Lente ng Etnisidad ng mga


Talisayon Emma Basco Emma.basco@dlsu.edu.ph

Ginamit sa pag-aaral na ito ang mga dalit sa taunang Aurorahan ng Talisay,


Camarines Norte sa Rehiyong Bicol bilang tuntungan sa pagkilala ng etnisidad ng
mga Talisayon. Sa pamamagitan ng ilang teorya, sinuri ang mga dalit upang matukoy
ang mga pagpapahalagang sosyo-kultural na magdudulot nang higit na pagtatangi sa
kanilang identidad. Naglalayon ang pag-aaral na tukuyin sa mga dalit ang mga
pagpapahalagang may kaugnayan sa kasalukuyang pamumuhay, gawi, kaisipan at
ugali ng mga Talisayon. Hangad din sa pag-aaral na makilala ang bisang
pandamdamin, kaisipan at pangkaasalan ng dalit na makatutulong sa paghubog ng
wastong saloobin at bagong kamalayan. Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangka sa
etnolohiya (Pangkalinangang Antropolohiya). Sinikap ng mananaliksik na makagawa
ng payak na pag-aaral tungkol sa lokal na kultura ng mga Talisayon gamit ang mga
dalit at Aurorahan o pintakasi bilang lente sa pagsusuri. Ginamit ang participant
observation bilang metodo sa pagkuha ng mga datos pagkat kakaunti pa lamang ang
nasusulat dokumento ukol sa piniling paksa ng lokal na pag-aaral at naniniwala ang
mananaliksik na angkop ang nasabing metodo pagkat sa pag-aaral na ito
makabubuting magmula ang pananaw sa isang lokal. Hangad ng pag-aaral na ito na
makalikom ng mga datos tungkol sa kontemporaryong sitwasyon ng kultura ng mga
Talisayon at bayan ng Talisay na makatutulong sa pag-unawa ng kasalukuyang
kulturang pinag-aaralan at masuri kung paano ito lumitaw.

Makakatulong ang resulta ng pananaliksik na ito sa produksyon ng payak na


kaalaman tungkol sa gawi, tradisyon, relihiyon at kulturang Talisayon at Bicolnon
simula pa noong dumating ang mga dayuhan sa ating lupain. Magsilbing midyum
ang mga kaalamang mapupulot sa paghubog ng wastong saloobin at pagbuo ng
bagong kamalayan at pagpapahalagang Bicolnon. Sa pamamagitan ng binanggat na
mga katangian ng mga Bicolano nakakalikha tayo ng pangkalahatang larawan at
imahe na makapagbibigay-depinisyon sa pagkataong Bicolnon na makatulong sa
pagtutuwid ng mga maling kaalaman at karunungang nababasa at itinatanim sa
ating isipan mula sa mga banyagang oryentasyon o makakanlurang kaisipan.
Ipinakikita sa pagaaral na ito kung gaano kalaki at kasalimuot pa rin ang pakikibaka

2
o pakikipagtunggali ng bawat Talisayon at Bicolano sa mga tatak na inilatag sa iba’t
ibang larangan.

Pinagkunan:https://www.dlsu.edu.ph/wp-content/uploads/pdf/conferences/research-congress-
proceedings/2014/LCCS/LCCS-I-003-FT.pdf

Mga Gabay na Katanungan:

a. Malinaw ba ang kaligiran o sanligan ng pag-aaral? 2pts


b. Nailahad ba ang layunin ng pag-aaral? 2pts
c. Natukoy ba ang metodolohiyang ginamit sa pag-aaral?2pts

d. Natiyak ba ang (mga) kinalabasan ng pag-aaral? 2pts


e. Malinaw ba ang ibinigay na konklusyon at rekomendasyon? 2pts
f. Naging maingat at angkop ba ang pagkakabuo ng sulatin? Paano mo nasabi? 5pts

g. Ano ang masasabi mo sa paraan ng pagkakagamit ng wika? Pormal ba ito? Personal?


(5pts)

B. PAGSULAT NG ABSTRAK. Sumulat ng abstrak na 10-15 pangungusap na


naglalaman ng kaligiran, layunin, metodolohiya, resulta at konklusyon ng pag-aaral.
(80 puntos)

TANDAAN MO!

Ang Abstrak ay isang maikling paglalahad ng kabuuan ng isang


pananaliksik, kabilang sa pagbuo nito ay maikling panimula, layunin ng pag-aaral.
Tumutukoy rin ito sa isang talatang nagbubuod ng kabuuan ng isang tapos ng
pag-aaral.

PAGTATAYA

A. TAMA O MALI. Suriin ang mga pangungusap sa ibaba. Kung tama ang
buong pangungusap, isulat ang TAMA, kung may bahagi namang mali
sa pangungusap, isulat ang MALI. (2 puntos bawat isa)

____1. Ang abstrak ay buod ng papel-pananaliksik na naglalaman ng kaligiran,


layunin, metodolohiya, resulta at konklusyon ng pag-aaral.
____2. Maaaring hindi na isama sa abstrak ang konklusyon dahil makikita na ito
sa mismong papel-pananaliksik.
____3. Layunin ang pinakamahalagang bahagi ng papel-pananaliksik kaya ito
ang dapat mauna sa pagsulat ng abstrak.
4. Ang buod at abstrak ay pareho sa anumang aspekto.
5. Ang pagbabasa muli ay nakatutulong upang makita ang pagkakamali sa
gramatika at nilalaman nito.

B. PAGSULAT NG ABSTRAK. Sumulat ng abstrak na 10-15 pangungusap na


naglalaman ng kaligiran, layunin, metodolohiya, resulta at konklusyon ng pag-
aaral. (80 puntos).

3
Pamantayan sa Pagmamarka

Pagkukunan Deskripsyon Puntos


ng Puntos
Organisasyon Maingat na pagsasama-sama ng kahingian ng isang abstrak 30
Gramatika Wastong gramatika, bantas, estruktura at pagbabaybay 30
Talasalitaan Pagpili ng angkop na salita 20
Kabuoan 80

SUSI SA PAGWAWASTO

Pagsanayan Mo
(Subhetibo ang sagot)
Pagtataya
A. 1. TAMA 2. MALI 3. TAMA 4. MALI 5. TAMA
B. Mamarkahan ang mga mag-aaral batay sa Pamantayan sa Pagmamarka

IV. SANGGUNIAN
V.
Corazon L. Santos, PhD, Gerard P. Concepcion, PhD, at Ronel O. Laranjo, MA,
“Filipino sa Piling Larang (Akademik): Patnubay ng Guro”, Ground Floor Bonifacio
Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City (2016).

Inihanda ni:

KRIZA ERIN B. OLIVEROS


Pambansang Mataas na Paaralan ng Baao
Baao, Camarines Sur

Tiniyak ang kalidad ni:

LORENZ C. ALMENDRAS
Pambansang Mataas na Paaralan ng Nabua
Nabua East District

You might also like