Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

EKONOMIKS

 Aralin: 1 ( 2nd day)


 Quarter: 2nd

 Paksa: Mga Salik na Nakakaapekto ng Demand

 Competency: Nasusuri ang mga salik na


nakaaapekto ng demand.
 Knowledge: Natatalakay ang mga salik na
nakakaapekto ng demand
 Skill: Nailalarawan ang mga salik na nakakaapekto
ng demand sa pamamagitan ng mga presentasyon.
 Attitude: Napapahalagahan ang tamang paggasta
at pagkonsumo upang maging matatag
ang presyo ng pamilihan.
IBA PANG SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA DEMAND MALIBAN
SA PRESYO
PAANO NAKAKAAPEKTO ANG PRESYO SA DEMAND?
MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA DEMAND
1. KITA- Ang pagbabago sa kita ng tao ay maaaring makapagpabago
ng demand para sa isang partikular na produkto. Sa pagtaas ng kita
ng isang tao, tumataas ang kaniyang kakayahan na bumili ng mas
maraming produkto.Gayundin naman, sa pagbaba ng kita, ang
kaniyang kakayahang bumili ng produkto ay nababawasan.
Normal goods-dumadami ang demand sa produkto dahil sa pagtaas
ng kita.

Inferior goods-mga produktong tumataas ang demand kasabay sa


pagbaba ng kita.
 2.PANLASA-Karaniwang naaayon sa panlasa ng
mamimili ang pagpili ng produkto at serbisyo.
Kapag ang isang produkto o serbisyo ay naaayon
sa panlasa,maaring tumaas ang demand para dito.
3. DAMI NG MAMIMILI-Maaari ding magpataas ng
demand ng indibidwal and tinatawag na
bandwagon effect . Dahil sa dami ng bumibili ng
isang produkto, nahihikayat ang iba na bumili.
4.PRESYO NG MAGKAUGNAY NA PRODUKTO SA
PAGKONSUMO-magkaugnay ang mga produkto sa
pagkonsumo kung ito ay kumplementaryo o pamalit
sa isa’t isa.
Komplementaryo (complementary) -mga
produktong kapag sabay na ginagamit.

Pamalit (substitute)-produktong maaaring magkaroon


ng alternatibo
5.INAASAHAN NG MGA MAMIMILI SA PRESYO SA
HINAHARAP-kung inaasahan ng mga mamimili na tataas
ang presyo ng isang partikular na produkto sa susunod
na araw o linggo, asahan na tataas ang demand ng
nasabing produkto sa kasalukuyan habang mababa pa
ang presyo nito.
 ANG PAGLIPAT NG DEMAND CURVE-Ang
pagtaas ng demand ay makapagdudulot ng
paglipat ng kurba ng demand sa kanan.Mangyayari
ang paglipat ng demand sa kanan kung ang mga
pagbabago ng salik na hindi presyo ay
nakapagdudulot ng pagtaas ng demand. Ang
pagbaba ng demand ay makapagdudulot ng
paglipat ng kurba sa kaliwa.
PANGKATANG GAWAIN:
Panuto: Magbigay ng mga halimbawa sa paksang
itinakda na nakakaapekto ng demand at pumili ng
presentasyon ayon sa inyong hilig at
gusto(Pagsasadula,slogan,pag-
aanunsyo,storyboard, pagbabalita, talk show,poster
o graph). Gumamit ng mga halimbawa na makikita
o nangyayari sa inyong lugar/pamayanan.
Group I- Kita
Group II-Panlasa
Group III-Dami ng mamimili
Group IV-Presyo ng magkaugnay na produkto
Group V-Inaasahan ng mga mamimili
TANONG:

 1. Ano-ano ang mga salik na nakakaimpluwensya ng


demand?
 2. Sa mga salik na nabaggit, alin dito ang kalimitan na
nararanasan sa araw-araw na pamumuhay?
 3. Alin sa mga salik ang makapagdudulot ng paggalaw
ng demand curve?
 4. Ano ang mga katangian na dapat taglayin ng mga
mamimili sa pagtugon sa pagbabago sa mga salik ng
demand. Ipaliwanag.
ILIPAT/ISABUHAY
Paggawa ng Pledge of Commitment:
Gamit ang iyong matalinong pagpapasiya, Paano mo
matutugunan ang mga pagbabagong dulot ng mga
salik na nakakaapekto ng demand ?
Kumpletuhin ang pangungusap.

PLEDGE OF COMMITMENT
Ako si_______________, isang Pilipinong mamimili
Sisikapin kung_________________________
_________________________________________
________________________upang
maging________
___________________________
RUBRIC SA PAGMAMARKA
Napakahusay Mahusay Nalilinang Nagsisimula
Kraytirya 5 4 3 2

Nilalaman Kompleto May kunting May kakulangan Maraming kulang


At Kakulangan at may maling at may maraming
komprehensibo impormasyon mali na
impormasyon

Partisipasyong Komprehensi May Hindi gaanong Hindi maunawaan


panlipunan bong kakulangan sa nailahad ang ang nilalaman
nailalahad ang paglalahad ng solusyon at may
solusyon solusyon kahirapang
maisakatuparan

Organisasyon Organisado,mali Malinaw at Maayos ngunit Hindi maayos at


naw at lohikal maayos may hindi hindi malinaw
masyadong
malinaw
PAGTATAYA:
Panuto: Sagutin ang tanong sa ½ bahagi ng papel.
1.Ano-ano ang mga bagay na mayroon kang
demand? Ipaliwanag kung bakit ang mga ito ang
dapat mong bilhin.

TAKDANG ARALIN:
Magsasaliksik tungkol sa mg sumusunod:
1. Elasticity

2. Price elasticity

3. Elasticity ng supply

LM pp.129-130
SALAMAT PO!

Prepared by: Mrs. Victoria O. Superal


and Grade 10 Ar. Pan Teachers of
Dumaguete City
Division

You might also like