Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Unang Markahan Filipino 10

SY 2020- 2021

Pangalan: _______________________________ Iskor: ____________

Pangkat at Baitang: _______________________

Pangkalahatang Panuto : Basahin at unawain ang bawat aytem. Sagutan ang mga aytem sa
pamamagitan ng pagpupuno sa mga kinakailangang impormasyon. Gumamit lamang ng black point
pen. Ipinagbabawal ang pagpunit/ pagtanggal ng mga pahina sa kwestyoner.

I. Pagpipili. Piliin at isulat sa MALAKING titik ang titik ng napiling sagot. (30 Puntos )

1. Ang Cupid at Psyche ay isang panitikan na nagmula sa taga-Roma. Anong genre ng panitikan ang
akdang ito?

a. epiko b. maikling kuwento c. mito d. sanaysay

2. “Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang tiwala.” Sino ang nagwika ng pahayag na ito?
a. Apollo b.Cupid c. Psyche d. Venus

3. Nabuyo ng mga kapatid ang isipan ni Psyche. Ano ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit?

a. kinutuban b. nadala c. nasira d. nawala

4. Hindi nasiyahan si Jupiter sa ginawang pagpapahirap ni Venus kay Psyche. Paano ginamit ang
pandiwang sinalungguhitan sa pangungusap?

a. ginamit ito bilang alamat c. ginamit ito bilang isang karanasan


b. ginamit ito bilang isang pangyayari d. ginamit ito bilang isang aksyon

5. Nakakadena ang mga binti at leeg kaya’t di sila makagalaw. Paano binigyang-kahulugan ang salitang
nakakadena sa loob ng pangungusap?

a. maraming taglay na kahulugan c. taglay ang literal na kahulugan


b. taglay ang nakatagong kahulugan d. nagtataglay ng talinghaga

6. Kumukulo ang dugo ni Lance sa sobrang galit kay Esmeralda kaya umiiwas siya rito sa tuwing sila ay
nagkikita. Alin sa mga salita sa pangungusap ang angkop na pandiwa na dapat gamitin sa pahayag
bilang pangyayari?

a. galit b. kumukulo c. umiiwas d. nakikita

7. Ano ang tawag sa kuwento na hango sa Bibliya at umaakay sa matuwid na landas ng buhay?

a. dagli b.nobela c.pabula d. parabula

1
8. Ano ang nangingibabaw na damdamin sa pahayag sa ibaba?

“Ang anak ko ay nawala at ngayon ay nagbalik. Ipagdiriwang natin ang kanyang pagbabalik.”

a. kagalakan b.kalungkutan c. kasabikan d. nagpapasalamat

9. Mas mabuting maging mahirap na alipin ng dukhang Panginoon. Ano ang ibig ipahiwatig ng salitang
nakadiin at may salungguhit?

a. Amo b.Bathala c. Diyos d.siga

10. Bakit sinasabing ang parabula ay isang metapora?

a. Sinasabing ang parabula ay isang metapora dahil ito ay may mga tauhang gumaganap dito.
b. Sinasabing ang parabula ay isang metapora dahil may pagkakasunod- sunod ang mga
pangyayari sa kwento.
c. Sinasabing ang parabula ay isang metapora dahil gumagamit ito ng masining na
pagpapahayag upang higit na maunawaan ng tao ang isang paglalarawan.
d. Sinasabing ang parabula ay isang metapora dahil ang mga sangkap na bumubuo rito ay
tauhan, banghay, tema at pananaw katulad ng isang maikling kwento.

11. Lahat tayo ay pantay- pantay sa mata ng Maylikha kung kaya kailangang igalang natin ang bawat isa.
Anong bahagi ng pananalita ang salitang nakadiin?

a. pangngalan b. pandiwa c. pang- abay d. pang- ugnay

12. Sa bayan ng Banaue tumungo si Gng. Fernandez sa paniniwalang matutupad na ang matagal nitong
hinihiling na mapagkalooban ng isang supling. Ano ang tawag sa isang ritwal na isasagawa ng mga
Ifugao kay Gng. Fernandez upang magkaroon ng anak?

a. Momma b. Buad c. Igat d. Wigan

13. Tumawa si Bumabakker nang marinig ang suliranin ni Bugan. Ano ang pandiwa sa pangungusap?

a. Bugan b. suliranin c. tumawa d. Bumabakker

14. Tinuruan kami ng aming guro na igalang ang sinumang tao sa kabila ng pagkakaiba sa paniniwala at
pananampalataya. Ano ang layunin ng pang- ugnay na nakadiin sa pangungusap?

a. paglalahad ng sanhi
b. pagpupuno o pagdaragdag
c. pagtutulad o paghahambing
d. paglalahad ng bunga o kinalalabasan

15. Alin sa mga ekspresyong nagpapahayag ng damdamin ang dapat na ipuno sa patlang?
_____________ , maganda na ang nangyari dahil may natutuhan siyang leksyon sa buhay na
hindi lahat ay makukuha niya sa isang kisap lamang.
a. sa palagay ko b. sa isang banda c. sa kabilang dako d. samantala

2
16. Ano ang bahagi ng pananalita na tumutukoy sa mga tiyak na salita o parirala na ginagamit upang
maging magkakaugnay ang mga pangungusap?

a. pangngalan b.panghalip c. pang-ugnay d. pang-abay

17. Ano ang angkop na pang- ugnay na dapat gamitin upang mabuo ang pangungusap?

Siya ang kinikilalang pinakamahusay makisama sa kanilang lugar ______________, karapat-


dapat lamang siya na mahalal bilang susunod na punong barangay.

a. tuloy b. tiyak c. dahil sa d. kung gayon

18. Ano ang akdang pampanitikan na naglalahad ng pananaw at opinyon tungkol sa isang tiyak na paksa?

a. epiko b. nobela c.sanaysay d.tula

19. Alin sa mga sumusunod ang ekspresyong nagpapahiwatig ng konsepto ng pananaw?

a. isang banda b. sa kabilang dako c.sang-ayon sa d. samantala

20. Kumakain ako ng popcorn habang nanonood ng sine. Alin sa mga grupo ng salita ang pang- ugnay?

a. popcorn b. kumakain c. ako d. habang

21. Si James ay nagsusulat ng isang sanaysay na tumatalakay sa kasalukuyang suliraning panlipunan na


naging sanhi ng pandemya. Alin sa mga grupo ng mga salita ang pipiliin niya kung siya ay nagnanais
na ipakita ang pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari ayon sa panahon?

a. sa madaling salita, higit sa lahat, sa totoo lang, tunay na


b. dahil dito, resulta ng, kung gayon, dulot nito, bunga nito,
c. una, pangalawa , noon, sumunod , nang , pagkatapos , samantala,
d. sa halip na , di tulad ng , higit pa rito, sa kabilang dako, sa kabilang banda , sa magkatulad
na dahilan

22. Naging malinis ang Baranggay Lagao _______________ pagtutulungan ng mga mamamayan. Ano
ang angkop na pananda ang ipupuno sa patlang upang mabuo ang ideya ng pahayag?

a. pero b. at saka c. kung d. dahil sa

23. Lubos na ipinagmalaki ni Fernan na siya ay isang Bikolano kaya kinagigiliwan niya ang pagbabasa ng
epikong kumakatawan sa mga paniniwala, kaugalian at mabubuting aral ng mga taga- Bikol. Ano ang
pinakakilalang epiko ng Bikol na siyang binabasa ni Fernan?

a. Biag ni Lam-ang b. Ibalon c. Tuwaang d. Hudhud ni Aliguyon

24. Kahirapan ang pangunahing suliraning nararanasan ng karamihang pamilya sa bansa. Bilang mag-
aaral paano ka makatutulong sa iyong pamilya upang maibsan ang kahirapan?

a. Sisihin ang mga magulang dahil sa kahirapang naranasan.


b. Aasa na lamang sa tulong ng gobyerno at kamag-anak.
c. Maghahanapbuhay para makatulong sa mga magulang.
d. Mag- aral nang mabuti para makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng trabaho at
maiahon sa hirap ang pamilya.

3
25. Naglalaro sa kaniyang balintataw ang anyo ng tahimik na tanggapang nasasabitan ng mamahaling
kurtina, pinaliliwanag ng matatangkad na kandilerong bronse at may nagtatanod na dalawang
naglalakihang bantay na dahil sa init ng pugon ay nakatulog na sa dalawang malaking silyon. Ano ang
kahulugan ng salitang sinalungguhitan?

a. lungkot b. kagandahan c. nababahala d. paningin

26. Anong kultura ng taga- France ang ipinakita sa akdang “Ang Kuwintas”?

a. Pagpapahalaga sa katagumpayan
b. Pagyakap sa kultura ng estilo at sopistikasyon
c. Pagpapahalaga sa kayamanan at karangyaan
d. Pagpapahalaga sa pagkakapantay- pantay at kapayapaan

27. “Hintayin mo ako rito sandali. Sisipunin ka sa labas.” Ano ang nais ipahiwatig ng nagsasalita?

a. ayaw niyang masaktan ang kausap


b. lubos na nag- aalala sa isang kaaway
c. ayaw niyang magkasakit ang kaniyang minamahal
d. gagawin niya ang lahat para sa ikasisiya ng kanyang minamahal

28. Paano nakatulong ang mensaheng nakapaloob sa akdang ang parabula na “Ang Mabuting Manlalako”
sa ugali ng isang indibidwal?

a. Tinutulungan tayo kung paano magsumikap sa buhay.


b. Tinutulungan tayo kung paano gumalang sa nakababata sa atin.
c. Tinuturuan tayo maghanap ng hanapbuhay sa pamamagitan ng pagtitinda.
d. Tinuturuan tayo ng akda kung paano maging mapagkumbaba sa lahat ng panahon.

29. Nais ni Danaya na bumuo ng isang suring- basa tungkol sa akdang nabasa niya. Alin sa mga
sumusunod ang ikalawang hakbang na dapat tandaan ni Danaya upang makabuo ng suring- basa?

a. Gumawa ng synopsis o maikling lagom


b. Ipahayag ang kaisipan sa malinaw at tiyak na paraan
c. Pahalagahan ang estilo at paraan ng pagkakasulat
d. Alamin kung anong uri ng akdang pampanitikan ang sinusuri

30. Sa panahon ngayon ng pandemya na siyang maituturing bilang matinding suliranin, paano mo ito
haharapin bilang isang mag-aaral?

a. Hahanap ng sagot sa modyul sa internet.


b. Aasa sa tulong ng iba sa pagsagot ng modyul.
c. Magdasal lamang kung may kailangan sa Panginoon.
d. Hihingi ng tulong sa mga kaibigan kung may bagay na hindi lubusang naunawaan.

31. Napansin ni Odeth na ang mga salitang ginamit sa akdang kanyang sinuri ay napakaepektibo,
napapanahon at tumutugon sa kamalayan niya bilang isang mambabasa. Nagpapahiwatig lamang ito
na napakahusay ng ______________________ ng may- akda.

a. paksa ng akda c. ideya o prinsipyo


b. balangkas ng pangyayari d. estilo ng pagkasulat

4
32. Sa pagbuo ng suring- basa, alin sa mga sumusunod ang mga dapat na nakapaloob sa pagsusuring
pangnilalaman?

a. Uri ng panitikan, bansang pinagmulan, pagkilala sa may- akda , layunin ng may- akda
b. Tema o paksa ng may- akda , tagpuan o panahon , balangkas ng pangyayari , kulturang
masasalamin
c. Mga kaisipan o ideyang taglay ng akda , estilo ng pagkasulat ng akda, uri ng panitikan,
bansang pinagmulan
d. Layunin ng akda, bansang pinagmulan, mga kaisipan o ideyang taglay ng akda ,estilo ng
pagkasulat ng akda

33. Kung ikaw si Mathilde sa maikling kwentong “Ang Kuwintas”, ano ang dapat mong gawin upang
matupad ang iyong mga pangarap sa buhay?

a. Hihiwalayan ko ang aking asawa at maghahanap ng lalaking maaaring makapagbigay sa akin


ng masaganang buhay.
b. Titiisin ko na lamang ang kahirapang ito at makuntento na sa kung ano ang kayang ibigay sa
akin ng aking asawa.
c. Maghananap ako ng trabaho upang matulungan ang aking asawa na gumaan an gaming
buhay.
d. Ipamumukha ko sa aking asawa na hindi ako masaya sa uri ng buhay na kaya niyang ibigay
upang lalo siyang magsumikap.

34. Inilagay niya ang buong buhay niya sa alanganing katayuan, nakipagsapalaran sa paglagda sa gayong
hindi niya natitiyak kung matutupad o hindi ang nilagdaan at ngayo’y nangangamba siya dahil sa mga
hirap na maaari pa niyang sapitin. Ano ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit?

a. nag- aatubili c. nababahala


b. nalulungkot d. nalilito

35. May taglay siyang alindog na hindi nababagay sa kasalukuyan niyang kalagayan kaya’t
ipinaghihinagpis niya ang karukhan ng kaniyang lumang tahanan. Ano ang ibig ipahiwatig ng salitang
nakasalungguhit?

a. kagandahan c. kayamanan
b. kakinisan d. kayamanan

II. Pagpupuno. Pumili ng isang pinakaninanais na tauhan sa mga panitikang nabasa at punan ang
mga kinakailangang impormasyon sa ibaba. (10 puntos)

Tauhan Katangiang nais tularan Katangiang hindi nais


Ilarawan ang tauhang napili Ipaliwanag sa isang tularan
at tukuyin kung anong uri ito pangungusap ang katangiang Ipaliwanag sa isang
ng panitikan (36-37) nais tularan. (38-41) pangungusap ang katangiang
hindi nais tularan. (42-45)

5
III. Pagbuo ng Islogan. Bumuo ng isang islogan ng pagbangon mula sa isang suliraning panlipunan
na napansin sa napag- aralang modyul. Gawing batayan ang rubriks sa ibaba para sa pamantayan.
(10 puntos)

Pamantayan sa Pagmamarka ng Islogan

10 7 4 1

Nilalaman Ang mensahe ay Di- gaanong Medyo magulo ang Walang


mabisang naipakita ang mensahe. mensaheng
naipakita. mensahe. naipakita.

Pagkamalikhain Napakaganda at Maganda at Maganda ngunit di Di maganda at


napakalinaw ng malinaw ang gaanong malinaw Malabo ang
pagkakasulat ng pagkakasulat ng ang pagkakasulat pagkakasulat ng
mga titik. mga titik. ng mga titik. mga titik.

Kaugnayan May maikling Di gaanong may Kaunti lang ang Walang kaugnayan
kaugnayan sa kaugnayan sa kaugnayan ng sa paksa ang
paksa ang islogan. paksa ang islogan. islogan sa paksa. islogan.

Kalinisan Malinis na malinis Malinis ang Hindi gaanong Marumi ang


ang pagkakabuo pagkakabuo malinis ang pagkakabuo.
pagkabuo.

_________________________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________________

You might also like