Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 23

8 Filipino

Ikaapat na Markahan
Una-Ikaapat na Linggo
Filipino – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Una-Ikaapat Linggo
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – National Capital Region
Division of City Schools – Valenzuela
Office Address: Pio Valenzuela Street,
Marulas, Valenuzuela City, 1440
Telefax: (02) 292 – 32 – 47
Email Address: sdovalenzuela2015@gmail.com
Aralin Unang Linggo
Kaligirang Pangkasaysayan ng
1 Florante at Laura
Alamin
* Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng :
-pagtukoy sa kalagayan ng lipunan sa panahong nasulat ito
-pagtukoy sa layunin ng pagsulat ng akda-
-pagsusuri sa epekto ng akda pagkatapos itong naisulat F8PB-IVa-b-33
* Nahihinuha ang kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura batay sa napakinggang
mga pahiwatig sa akda. F8PN-Iva-b-33

Subukin
Panuto: Ibigay ang sagot ng mga sumusunod na katanungan/pahayag. Isulat ang titik ng
tamang sagot.
1. Siya ang sumulat ng tulang pasalaysay na Florante at Laura.
A. Jose Rizal C. Andres Bonifacio
B. Francisco Balagtas D. Jose dela Cruz
2. Sa taong ito nailimbag ang unang edisyon ng Florante at Laura.
A. 1838 B. 1840 C. 1843 D. 1845
3. Tulang pasalaysay na may labindalawang pantig sa bawat taludtod.
A. Korido B. Awit C. Tanaga D. Haiku
4. Kabuuang bilang ng saknong ng Florante at Laura na may tig- 4 na taludtod at
lalabindalawahin ang sukat.
A.399 B. 400 C. 410 D. 415
5. Naging karibal o kaagaw sa pag-ibig ni Balagtas kay Selya.
A. Mariano Capule B. Huseng Sisiw C. Adolfo D. Mariano Pilapil
6. Kinaroroonan ng may-akda habang isinusulat ang Florante at Laura.
A. Nasa ibang bansa C. Nasa simbahan
B. Nasa piitan D. Nasa bahay
7. Pinaghandugan ng may-akda sa kanyang obrang Florante at Laura.
A. Juana Tiambeng C. Juana dela Cruz
B. Maria Asuncion Rivera D. Maria Clara
8. Panahon kung kailan naisulat ang Florante at Laura.
A. Katutubo B. Kastila C. Amerikano D. Hapon
Para sa bilang 9 at 10. Tukuyin kung anong himagsik ang ipinahihiwatig sa mga
taludtod na nakalahad.
A. Himagsik Laban sa Maling Pananampalataya
B. Himagsik Laban sa Masamang Pamahalaan
C. Himagsik Laban sa Maling Kaugalian
D. Himagsik Laban sa Maling Lakad ng Panitikan
9. “Sa loob at labas ng bayan kong sawi, kaliluha'y siyang nangyayaring hari.”
10. “Kung nasusuklam ka sa aking kandungan, lason sa puso mo ang hindi
binyagan.”

1
Balikan
Gawain 1. Tapat-Kalasag. Pagtapatin ang Hanay A sa inilalarawan mula sa Hanay B sa
pamamagitan ng guhit na mala-espada

Hanay A Hanay B
1. Aklat na nailimbag noong 1838.
Awit
2. Sa panahong ito naisulat ang Florante at Laura.
Francisco
3. Ito ay uri ng tulang pasalaysay na may labindalawang Balagtas
Pantig sa bawat taludtod.
Kastila
4. Siya ay ipinanganak sa Panginay, Bigaa Bulacan.

5. Ang tulang ito ay inialay niya kay Selya


Maria Asuncion Rivera.
Florante
Tuklasin at Laura

Gawain 1. Kilatis-Karakter. Kilalanin ang nasa larawan. Magtala ng mga impormasyon


hinggil sa kanya.
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________

Gawain 2. D’Who? Tukuyin ang mga personalidad na inilalarawan sa bawat bilang. Isulat
ang titik na representasyon ng bawat pangalan.
F – Francisco Balagtas J – Maria Asuncion Rivera
M – Mariano Capule H – Huseng Sisiw
_____ 1. Siya ay kilala bilang Kiko at anak nina Juan Baltazar at Juana dela Cruz.
_____ 2. Naisulat niya ang Florante at Laura sa loob ng piitan.
_____ 3. Ang marilag na dalaga na nagsilbing inspirasyong ng makatang si Kiko.
_____ 4. Ubod ng yaman at malakas sa pamahalaan, nagpakulong kay Kiko sa salang di alam.
_____ 5. Makatang pinakabantog sa Tondo na nilapitan ni Kiko upang magpaturong
sumulat at bumigkas ng tula.

Ang kaligirang pangkasaysayan ng Florante at Laura ay matatagpuan sa Fil. 8 FB


Suriin
Group Page.

Pagyamanin
Gawain. HL…Himagsik Laban sa? Tukuyin ang himagsik ni Francisco Balagtas na
ipinahihiwatig sa bawat bilang. Isulat ang titik lamang.
A. Himagsik Laban sa Malupit na Pamahalaan
B. Himagsik Laban Hidwaang Pananampalataya
C. Himagsik Laban sa Maling Kaugalian
D. Himagsik Laban sa Mababang Uri ng Panitikan

2
_____ 1. Pang-aabuso ng mga Kastila sa mga Pilipino.
_____ 2. Ang tanging pinapayagan lamang ay ang mga sulating may kaugnayan sa
relihiyon at akdang pabor sa mga kastila.
_____ 3. Hindi pantay na karapatan sa pagitan ng mga Kastila at Pilipino.
_____ 4. Pakikialam ng mga kastila sa pamamahala ng simbahan.
_____ 5. Ang pagtanggi ng mga Muslim sa relihiyong katoliko ay dahilan para sila ay tawaging
walang Diyos, hamak, aba, dusta, at kasuklam – suklam sa panahon ng Kastila.
_____ 6. Tiwaling pamamalakad ng pamahalaang kastila.
_____ 7. Ang paghihiganti sa mga kaaway at pang – aagaw ng minamahal.
_____ 8. Ang pagiging mainggitin at mapanghamak sa kapwa.
_____ 9. Maling paraan ng pagpapalaki sa mga anak tulad ng paglalayaw.
_____ 10. Walang kalayaan sa pagsulat at pagpapahayag ng sariling saloobin.
Isaisip
Gawain 1: TIKTOK MO…Isulat ang TIK kung ang pahayag ay may katotohanan at TOK
kung wala hinggil sa Florante at Laura.
_____1. Ito ay nalimbag sa mga mumurahing klase ng papel (papel de arroz) o yari sa palay.
_____2. Pinagbibili tuwing may misa at mga kapistahan sa halagang 10 centavo bawat isa.
_____3. Ito ay may apat na himagsik (maling pananampalataya, masamang pamahalaan,
maling kaugalian at maling lakad ng panitikan).
_____4. Ang tauhan at lugar ay kuha sa ibang bansa ngunit ang kilos, gawi at pangyayari
ay himig Pilipino.
_____5. Isinulat ito ni Francisco Balagtas habang siya ay nasa piitan mula sa kanyang mga
karanasan sa kalupitan ng mga Kastila at pagkabigo ng kanyang pag ibig kay Celia.
Isagawa
Gawain 1. Tala-Larawan. Mula sa mga larawan, ilahad ang ipinakikita nito batay sa
pangyayari sa buhay, karanasan at kasawian ni Francisco Balagtas.

3
Gawain 2. Hanap-Salita. Bilugan ang mga pangalan ng tauhan at tagpuan mula sa
Florante at Laura mula sa gridlines.

Gawain 3. Mula sa mga sagot sa gridlines. Isulat ito sa tamang hanay.

TAGPUAN TAUHAN

Tayahin
Gawain 1: Isulat ang letra ng tamang sagot sa mga sumusunod na katanungan o
pahayag.
1. Kanino inialay ng may-akda ang Florante at Laura?
A. Juana Tiambeng C. Juana dela Cruz
B. Maria Asuncion Rivera D. Maria Clara
2. Sino ang may akda o sumulat ng Florante at Laura?
A. Francisco Balagtas C. Jose Corazon de Jesus
B. Julian Felipe D. Jose Rizal
3. Sino ang naging karibal o kaagaw sa pag-ibig ni Balagtas kay Selya?
A. Adolfo B. Mariano Pilapil C. Mariano Capule D. Huseng Sisiw
4. Saang lugar pinaniniwalaang isinulat ni Balagtas ang Florante at Laura?
A. sa bahay nila B. sa bukid C. sa piitan D. sa simbahan
5. Anong panahon naisulat ang akdang Florante at Laura?
A. Katutubo B. Kastila C. Amerikano D. Hapon
6. Anong uri ng tulang pasalaysay ang Florante at Laura?
A. Awit B. Korido C. Haiku D. Tanaga
7. Ano ang naging dahilan ng pagkakakulong ni Balagtas sa ikalawang pagkakataon?
A. Pagputol ng buhok B. Pagnanakaw C. Pagsunog D. Pagsugod
8. Kanino inihandog ni Balagtas ang akdang “Selya”?
A. Juana Tiambeng C. Maria Clara
B. Maria Asuncion Rivera D. Maria Rivero

4
Para sa bilang 9-10. Ano ang ipinahihiwatig sa mga nakalahad na taludtod sa bawat
bilang?
A. Himagsik Laban sa Maling Pananampalataya
B. Himagsik Laban sa Masamang Pamahalaan
C. Himagsik Laban sa Maling Kaugalian
D. Himagsik Laban sa Maling Lakad ng Panitikan
9. “Si Adolfo lamang ang nagdalamhati, sa kapurihan kong tinamo ang sanhi.”
10. “At sa katuwaa'y kapag namihasa, kung lumaki'y walang hihinting ginhawa.”
Karagdagang
Gawain
Gawain : Guhit-Salaysay. Batay sa kasaysayang pangkaligiran ng Florante at Laura, iguhit
ang masasalamin sa buhay at karanasan ng mga Pilipino sa panahon ng Kastila.

Ikalawang Linggo
Aralin * Paglalahad ng damdamin o saloobin
2 * Pagpapahayag ng pansariling paniniwala
* Pagsulat ng islogan
Alamin

Pagkatapos mong masagutan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang


 F8WG-IVa-b-35 Nailalahad ang damdamin o saloobin ng may-akda gamit ang wika
ng kabataan
 F8PU-IVi-j-40 Naipapahayag ang pansariling paniniwala at pagpapahalaga gamit
ang mga salitang naghahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat (Hal. Totoo –
ngunit)
 F8PU-IVg-h-39 Nakasusulat ang isang islogan na tumatalakay sa paksa ng aralin

Subukin
A. Tukuyin at piliin ang damdamin ng bawat pahayag.
1. Inalala niya ang matatamis na sandali ng kanilang pag-iibigan, subalit tulad ng isang
awit ay nagwakas at ang tanging naiwan ay mapapait na gunita ng bigong pag-ibig.
Ang pahayag ay punong-puno ng ____.
A. kalungkutan B. kagalakan C. katatakutan D. kasiyahan
2. Sa tindi ng sakit ay halos ninais ni Balagtas na mawala na rin sa mundo nang sila’y
maghiwalay. Ang tauhang tinutukoy sa pahayag ay nakadarama ng matinding ____.
A. kawalan ng pag-asa B. pagkabalisa C. matinding galit D. tampo
3. Maririnig mula kay Florante ang pagtangis dahil sa pagkagaping nangyari sa kanya at
sa pagpapahirap ng taksil at masamang si Konde Adolfo. Ang tauhang tinutukoy sa
pahayag ay nakadarama ng ____.
A.kalungkutan B. paghihinagpis C. pagkaawa D. kagalakan
4. Nawawalan na ng pag-asa si Florante at maging sa Diyos ay nakapagpahayag siya ng
hinanakit sa pag-aakalang siya’y pinabayaan na. Ang damdamin ng tauhan sa
pahayag ay __.
A. nalulungkot C. nawawalan ng pananampalataya
B. nagmamakaawa D. naghihinagpis
5. Walang ibang inisip si Florante kundi ang kalagayan ni Laura sa mga kamay ni Adolfo.
Nakadarama si Florante ng ____ para kay Laura.
A. kalungkutan B. pagkabalisa C. pag-aalala D. pagkaawa

5
B. Piliin sa ibaba ang angkop na salitang sumasang-ayon o sumasalungat at isulat ito sa
patlang upang mabuo ang pangungusap.
1. _____kong isipin na masaya na si Laura sa piling ni Adolfo.
2. _____ko matatanggap na may mangyaring masama sa Albanya sa kagagawan
ni Adolfo
3. _____lamang na ako ay hindi mawalan ng pag-asa alang-alang sa aking minamahal.
4. _____akong ibang dapat gawin kundi ang manalangin.
5. _____ labis akong nangungulila sa piling ni Laura.
Hindi Ayaw Tama Wala Oo

Balikan
Ano-ano ang naging layunin ni Balagtas sa pagsulat ng Florante at Laura? Lagyan
ng (/) ang kahon ng lahat ng iyong sagot.

Maihayag ang apat na himagsik na naghari sa puso ni Balagtas kaugnay ng


pamamahala ng mga Espanyol.
Makabuo ng isang akdang maiaalay kay “Selya” o Maria Asuncion Rivera, ang
babaeng minahal niya nang labis.
Makabenta nang marami at yumaman sa pamamagitan ng pagbebenta ng kanyang
walang kamatayang akda.
Maisalin ang kanyang akda sa iba’t ibang wika at mabasa sa iba’t ibang bansa.
Mailahad ang malabis na sakit, kabiguan, kaapihan, himagsik, at kawalang
katarungang naranasan niya sa lipunang kanyang ginagalawan.

Tuklasin
A. Tukuyin mula sa mga nasa hanay B ang kahulugan ng damdaming inilalarawan sa hanay
A Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
_1. Ang paligid ng gubat ay kulay luksa at a. Kakikitaan ng labis na takot sa sakit
nakikiayon sa naliliyong masangsang na amoy. ng katawan
_2. Kung ginagawa mo ang aking sagisag, b. Kapaligirang nagsasaad ng labis na
dalawa mong mata’y nanalo mong perlas. kalungkutan, pagkatalo, at kawalang
_3. Sa punongkahoy ay napayukayok, pag-asa
ang leeg ay supil ng lubid na gapos. c. Lumuluha nang labis-labis dahil sa
_4. Mistula’y bangkay ang kulay na burok,
dalamhati
ng kanyang mukha’y naging puting lubos.
_5. Nagwikang “o palad” sabay ang pagtulo, d. Mga matang maningning at masaya
sa mata ng luhang anaki’y palaso. e. Nagpapakita ng kawalang Kalayaan.

B. Ilahad ang iyong katuwiran kung sumasang-ayon o tumututol ka sa bawat pahayag.


1. Ang taong walang isang salita ay walang kredibilidad.
2. Hindi na dapat pang pagkatiwalaan ang taong nagsinungaling minsan.
3. Kahirapan ang pangunahing dahilan ng karahasan.
4. Hindi uunlad ang buhay ng taong walang edukasyon o hindi nakapag-aral.
5. Magulang ang dapat na sisihin sakaling maligaw ng landas ang anak.

Suriin
Sa pamamagitan ng pagbabasa, natutuklasan ang mga damdamin, tono, layunin at
pananaw ng manunulat sa pagsulat ng teksto o akda. Sinasadya man o hindi, mababakas
ang saloobin at karanasan ng may-akda sa kanyang isinulat. Matutukoy ang mga ito sa
pamamagitan ng mga salitang ginamit niya sa teksto.

6
Damdamin (emotion) – tumutukoy sa saloobing nalilikha ng mambabasa sa teksto. Ito ay
maaaring tuwa, lungkot, galit, poot, takot, paghanga, pag-ibig o humaling, pagnanais,
pagkagulat, pagtataka, pag-asa, kawalang pag-asa, katapangan, pangamba, pagkainis,
pagkayamot, at iba pang emosyon o damdamin.
Saloobin - tumutukoy sa damdamin o disposisyon ng isang tao tungkol sa isang pinag-
uusapang paksa. Maaaring ang saloobin ng isang tao ay negatibo o positibo. Ang saloobin
ng isang tao ay ang kanyang sariling masasabi sa pinag-uusapan batay sa kanyang pag-
intindi at pag-analisa sa paksa.
Alam Mo Ba?
Sa pagpapahayag ng saloobin ay hindi maiiwasan ang pag-sang-ayon o pagsalungat.
Bawat isa ay may kani-kaniyang opinyong dapat nating igalang o irespeto ito man ay pabor
sa atin o hindi.
1. Pahayag ng Pagsang-ayon- ito ay nangangahulugan din ng pagtanggap,
pagpayag, pakikiisa o pakikibagay sa isang pahayag o ideya. Maaaring maipahayag
ang paniniwala at pagpapahalaga sa pamamagitan ng mga pahayag na: Totoong,
ganoon nga, bilib ako sa iyong sinabi, sang-ayon ako, oo, tunay na, maaasahan
moa ko riyan, at iba pa.
2. Pahayag sa Pagsalungat- ito ay pahayag na nangangahulugan ng pagtanggi,
pagtaliwas, pagtutol, pagkontra sa isang pahayag o ideya. Ang mga pang-abay na
pananggi ang ginagamit sa pagpapahayag na ito. Maaaring gumamit ng mga
pahayag na: Ngunit, ikinalulungkot ko, sumasalungat ako, hindi ako naniniwala
riyan, ayaw ko ang pahayag na, hindi ko matatanggap ang iyong sinabi, hindi
totoong, hindi ako sang-ayon dahil at iba pa.

Ang islogan ay kasabihan o parirala na malikhaing binuo upang humikayat o mang-


impluwensya sa mga tao batay sa nakapaloob na mensahe. Ito ay may eksaktong bilang,
may magkakatugmang salita at naaayon sa tema o paksang inilahad.

Pagyamanin
Suriin ang mga sumusunod na pahayag ng tauhan sa Florante at Laura. Gamit ang wika ng
kabataan, Ilahad at ipaliwanag kung bakit ikaw ay sumasang-ayon o sumasalungat sa
desisyong kanilang pinili sa akda.

Ngunit sa aba ko! Ay sa laking hirap! Paliwanag


Wala si Laura’y aking tinatawag!
Napalayo-layo’t di na lumiliyag,
Ipinagkanulo ang sinta kong tapat.

Sa kuko ng lilo’y aking aagawin


Ang kabiyak niring kaluluwang angkin Paliwanag
Liban na kay ama, ang sinuma’t alin
Ay di igagalang ng tangang patalim.

7
Matanto ko ito’y sa malaking lumbay
Gayak na ang puso na magpatiwakal Paliwanag
Ay siyang pagdating ni Menandro
naman,
Kinubkob ng hukbo ang Albanyang
bayan.

Isaisip
Gawain 1: Basahin ang sumusunod na mga pahayag at ibigay ang damdaming
nangingibabaw mula rito.
O pagsintang labis ang kapangyarihan, sampung mag-
aama’y iyong nasasaklaw! Pag ikaw ang nasok sa puso
ninuman, hahamakin lahat masunod ka lamang.

Ipinahahayag ng pananamit mo, taga-Albanya ka’t ako ay


Pers’yano, Ikaw ay kaaway ng baya’t sekta ko, sa lagay
mo ngayon magkatoto tayo.

Gawain 2: Bilang isang mamamayang Pilipino, ano-ano ang naging paniniwala at


pagpapahalaga mo kay Balagtas na nag-iwan sa atin ng isang panitikang patuloy na
binabasa at nagbibigay hindi lamang ng kasiyahan sa pagbabasa kundi magagandang aral
din. Ilahad mo ang iyong sagot gamit ang grapikong presentasyon sa ibaba.
Ang mga naging paniniwala at pagpapahalaga ko ay …
1. _________________________________________________________________
2. _________________________________________________________________
Isagawa
Mababasa sa ibaba ang mahahalagang mensahe at damdaming taglay ng akda.Sagutin
ang mga katanungan.

Mahal na mahal ni Florante ang Malupit ang ama ni Aladin. Hindi siya
kanyang ama. Ang matinding hirap nakaranas ng pagmamahal mula rito.
na pinagdaraanan niya ay Sa halip ay ang ama niya ang naging
napagagaang ng masasayang alaala sanhi ng kanyang mga paghihirap at
nilang mag-ama. masaklap na kabiguan.

8
1. Ano ang masasabi mo sa mensaheng ito? Ipahayag ang paniniwala sa
pamamagitan ng islogan.
2. Ano ang magagawa mo upang ang relasyon mo sa iyong ama o ina ay higit na
bumuti pa at hind imaging tulad ng relasyon ni Aladin at ng kanyang ama?

A. Isulat sa patlang ang PA kung ang pahayag ay pagsang-ayon at PS naman kung


pagsalungat.
______1. Bilib Tayahin
ako sa iyong sinabi.
______2. Ganoon nga ang nangyari sa kanya.
______3. Iyan din ang palagay ko, Laura ang sagot.
______4. Kaisa mo ako sa bahaging iyan, lahat tayo ay may karapatan.
______5. Lubos akong nananalig na may plano ang Diyos sa ating lahat.
B.Lagyan ng bilang 1 hanggang 5 ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga hakbang sa
pagbuo ng islogan. Isulat ang iyong sagot sa patlang.
______ Mula sa ideyang nais mong iparating, maaari ka ng bumuo ng isa hanggang apat na
linya/taludtod na mensaheng nakapupukaw ng interes at atensyon ng mambabasa.
Mas mainam kung maiksi, may sukat at tugma.
______Alamin at magsaliksik ukol sa paksang nais mong gawan ng islogan.
______ Mag-isip ng isang ideya/kaisipang kaugnay ng ibinigay na paksa na nais mong
ipasa sa ibang tao.
______ Simulang isulat sa isang papel ang nabuong islogan at suriin kung wasto ang
pagkakagamit ng mga salita.
______ Panghuli, ilipat ito sa isang maayos na papel. Gawing malikhain at lagyan ng iba
pang disenyo.

Karagdagang
A. Bilang Gawain
karagdagang gawain, ay bumuo ng isang awit na nagpapakita ng pag-ibig sa
iyong minamahal. Gumamit ka ng iyong wikang laging ginagamit sa araw-araw na
pakikipagtalastasan. Maaari kang pumili ng genre ng awit na gusto mong buuin sa ibaba.
 OPM
_________________________________________________________________
 RNB
_________________________________________________________________
 Ballad
 Pop _________________________________________________________________
 Rap _________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

Aralin
Ikatlong Linggo
3 * Pagbibigay kahulugan sa matatalinghagang
ekspresyon, tayutay at simbolo
B. Bilang karagdagang gawain, ay bumuo ka ng isang islogan na nagpapakita ng
paniniwala at pagpapahalaga sa obrang Florante at Laura.

 F8PT-IVc-d-34 Nabibigyang kahulugan ang :


-matatalinghagang ekspresyon
-tayutay
-simbolo
Alamin
Subukin
A. Tukuyin ang uri ng tayutay na ginamit sa bawat pahayag.

9
A. Pagmamalabis D. pagsasatao G. pag-uyam
B. Pagtutulad E. pagpapalit-tawag H. paghihimig
C. Pagwawangis F. pagpapalit-saklaw

_____1. Ang buhay ng tao ay parang kandila,Habang umiikli’y nanatak ang luha.
_____2. Ang buhay ay guryon: marupok, malikot Dagiti’t, dumagit saan man sumuot…
_____3. Ang buwan ay nahiya at nagtago sa ulap.
_____4. Nabiyak ang kanyang dibdib sa tindi ng dalamhati.
_____5. Talaga palang masipag ka, wala kang ginawa kundi matulog maghapon.
B. Bilugan sa loob ng panaklong ang kahulugan ng mga nakasalungguhit na simbolismo/
matalinghagang pahayag.
1. "Katawan mo ama'y parang namamalas
ngayon ng bunso mong lugami sa hirap; (kriminal, kasama, kaibigan)
pinipisan-pisan at iwinawalat
ng pawa ring lilo't berdugo ng sukab."
2. "Kung nagbangis ka ma't nagsukab sa akin,
mahal ka ring lubha dini sa panimdim; (kapabayaan,kataksilan,kamatayan)
at kung mangyayari, hanggang sa malibing
ang mga buto ko, kita'y sisintahin."
3. "Bayang walang loob, sintangalibugha,
Adolfong malupit, Laurang magdaraya (pakikipaglaban, pagtataksil, pagnanasa)
magdiwang na ngayo't manulos sa tuwa
at masusunod na sa akin ang nasa."
4. "Nasa harap ko na ang lalong marawal,
mabangis na lubhang lahing kamatayan; (leon, ahas, agila)
malulubos na nga ang iyong kasam-an,
gayundin ang aking kaalipustaan."
5. “Halos nabibihay sa habag ang dibdib,
dugo'y nang matingnang nunukal sa gitgit; (kaharian, kulungan, kamatayan )
sa pagkalag niyang maliksi't nainip
sa siga-sigalot na madlang bilibid.”

Balikan
Isulat ang PSN sa patlang kung ito ay nagpapahayag ng pagsang-ayon at PST kung ito ay
nagpapahayag ng pagsalungat.
____ 1. Hindi ako sang-ayon dahil ang Pilipinas ay isang bansang sagana sa likas na
yaman.
____ 2. Lubos akong nananalig na may plano ang Diyos sa ating lahat.
____ 3. Hindi ako sang-ayon sa plano mo, baka mapahamak tayo sa mga susunod na araw.
____ 4. Kaisa mo ako sa bahaging iyan, lahat tayo ay may karapatan na ipahayag ang ating
saloobin.
____ 5. Tama ka, talagang kailangan nating magpasa ng ating proyekto.

Tuklasin
Ang kabuuan ng awit ay puno ng matatalinghagang kaisipan.Kilalanin at bilugan ang
kahulugan ng mga ito.

10
1. Ang buhay mo’y naunang napatid
A. naunang namatay B. naunang umalis C. naunang naputol
2. Puso’y nanlalambot sa malaking habag
A. pagkaawa B. pagkagulat C. pagkatakot
3. Salamin sa reyno ng bait
A. isang pinunong mahilig manalamin
B. isang pinunong naghahanap ng mapapangasawang mabait
C. isang pinunong ubod ng buti at bait
4. Sa habag ay halos magputok ang dibdib
A. sumakit ang dibdib dahil sa labis na tuwa
B. naging emosyonal dahil sa sobrang pagkaawa
C. nanikip ang dibdib dahil sa sakit sa puso
5. Hindi nakalasap kahit munting tuwa
A. naging kasiyahan ang maliit na bagay
B. ang tuwa ay laging nadarama ng kanyang puso
C. hindi nakaranas ng kahit maliit na kaligayahan sa buhay
6. Munting hapis kong sumungaw sa mukha
A. makikita sa kanyang mukha ang labis na kaligayahan
B. makikita sa kanyang mukha ang labis na kalungkutan
C. makikita sa kanyang mukha ang labis na pagtataka
7. Lumubog sa dusa’t buhay ko’y makitil
A. kalungkutan at kamatayan
B. kasiyahan at kalungkutan
C. kamatayan at kasiyahan
8. Pagkahulog sa kamay ng taksil
A. pagkatalo sa isang traydor
B. pagkahulog sa isang mataas na lugar
C. pagkalungkot dahil sa mga taong gumagawa ng masama
9. Guniguning ito’y lubhang makamandag
A. ang kanyang alaala ay nagdudulot ng kasiyahan
B. ang kanyang alaala ay nagdudulot ng pagtataka
C. ang kanyang alaala ay nagdudulot ng sakit sa kalooban
10. Malaong natigil na di nakakibo
A. matagal siyang natulala
B. matagal siyang hindi nakapagsalita
C. matagal siyang hindi nakakilos

Suriin
TAYUTAY
Isang katangian ng tulang pasalaysay ang pagkakaroon ng talinghaga. Ang
paggamit ng talinghagang ito ay nag- uugnay sa mga karanasan, pangyayari at bagay-
bagay na alam ng taong-bayan. Ang talinghaga, ang mismong larawan ng kamalayan ng
manunulat. Isinisiwalat nito ang kilos at lakas ng isip samantalang ginagagad ang isang
karanasan.
Karaniwang ginagamit bilang talinghaga ang pagpapahayag na patayutay. Ang
tayutay ay isang pampanitikang paraan ng pagpapahayag na ginagamitan ng salitang di-
tahas ang kahulugan upang lumikha ng isang larawan. Maaaring di- pangkaraniwan ang
paglalahad upang magkaroon ng tangi at higit na bisa. Ilan sa mga uri ng tayutay ay ang
sumusunod:
1. Pagtutulad (Simile) – Isang payak at lantarang paghahambing ng dalawang bagay na di-
magkatulad at karaniwang sinisimulan ng: tulad sa, para, para ng, animo’y, anaki’y,
kawangis ng, gaya ng, at iba pa.
Halimbawa: Ang buhay ng tao ay parang kandila,

11
Habang umiikli’y nanatak ang luha.
2. Pagwawangis (Metaphor) – Isang paggamit ng pahiwatig na paghahambing.
Halimbawa: Ang buhay ay guryon: marupok, malikot
Dagiti’t, dumagit saan man sumuot…
3. Pagsasatao (Personification) – Pagtukoy sa isang bagay na walang buhay na para
bagang ito’y may buhay at kaanyuan.
Halimbawa: Lumuluha ang liham na natanggap ni Carlo.
4. Pahalintulad (Analogy) – Isang tambalang paghahambing ngunit ang pinaghahalintulad
ay hindi mga bagay kundi ang kaugnayan ng dalawang bagay at ang kaugnayan ng ibang
dalawang bagay.
Halimbawa: Ang kahalagahan ng musika na siyang wika ng kaluluwa ay katulad ng isang
wika na siyang kaluluwa ng lahi na hindi dapat lapastanganin.
5. Pabaligho (Paradox) – Isang pagpapahayag o damdaming wari’y salungat o laban sa
likas na pagkukuro, gayunpama’y maipaliliwanag na nagpapakilala ng isang katotohanan.
Halimbawa: “Kapagka ang tao sapul na ay tamad”
“Madaling tahakin landas ng pag-unlad”
6. Pagmamalabis (Hyperbole) – Isang pahayag na may mga sangkap na paunlad at
pataas, mula sa isang karaniwang kalagayan hanggang sa karurukan ng kahalagahan o
kawilihan.
Halimbawa: Nabiyak ang kanyang dibdib sa tindi ng dalamhati.
7. Pangitain (Vision) – Isang tayutay na ang nagsasalita ay naglalarawan ng mga laman ng
isip, waring kaharap o nakikita.
Halimbawa: Sa sinapupunan ni Konde Adolfo
aking natatanaw si Laurang sinta ko.
8. Pag-uyam(Sarcasm) -Ito ay mga pananalitang nangungutya sa tao o bagay, tila kapuri-
puring pangungusap ngunit sa tunay na kahulugan ay may bahid na pag-uyam.
Halimbawa : Kay kinis ng mukha mong butas-butas sa kapipisil mo ng mga taghiyawat.
9. Pagtawag (Apostrophe) – Kinakausap ng isang tao o inaaring tao na hindi naman
kaharap.
Halimbawa: O, tukso layuan mo ako.
10. Pagpapalit-tawag (Metonymy) – Isang pagpapahayag na pinagpapalit ang dalawang
bagay o kaisipan gayong magkakaugnay na parang isang sagisag o bagay na kinakatawan.
Halimbawa: Mahiganting Langit, bangis mo’y nasaan,
Ano’t naniniig sa pagkagulaylay?
11. Pagpapalit–saklaw ( Synecdoche) – Isang pagpapalit ng dalawang bagay sapagkat
mayroon silang pag-uugnayan.
Halimbawa: Hiningi ni Carl ang kamay ng dalaga.
12. Paghihimig (Onomatopoeia) -Naipahihiwatig dito ang kahulugan sa pamamagitan ng
tunog o himig ng mga salita.
Halimbawa : Dumagundong ang malakas na kulog na sinundan ng pagguhit ng matatalim
na kidlat
13. Pag-uulit(Alliteration) -Ang uring ito ay gumagamit ng magkatulad na titik o pantig sa
simula ng dalawa o mahigpit pang salitang ginagamit sa isang pangungusap.
Halimbawa : Napalayo siya at naligalig sa nagawa niyang napakabilis na pagpapasyang
nakalikha ng pagkabalisa sa pusong umiibig.
14. Pagtanggi(Litotes) -Gumagamit ang pagpapahayag ng salitang “hindi” upang
maipahiwatig ang lalong makahulugang pagsangayon sa sinasabi ng salitang sumusunod.
Halimbawa : Hindi ko sinasabing tsismosa si Sandra ngunit ipinamalita niya ang
pagtatapat sa kanyang lihim ng matalik niyang kaibigan.

KAHULUGAN NG SIMBOLO / SIMBOLISMO


-ang salitang ito ay sumasagisag ng isang ordinaryong bagay, pangyayari, tao o hayop na
may nakakabit na natatanging kahulugan. Maaring ang mga simbolo ay nanggaling sa mga

12
karaniwang simbolo na namana sa mga nagdaang iba't ibang salinlahi o mga nilikhang
simbolo gaya ng mga nilikhang tauhan, bagay o pangyayari ng mga manunulat upang
maipahayag o maipabatid ang kanilang ideya o hangarin na nais makarating.
-kadalasang ginagamit ang simbolismo sa mga tula. Ginagamit ito ng mga manunulat sa
hindi literal na paraan para ipabatid ang hangarin. Ang intensyon ng manunulat ay dapat
makuha ng mambabasa ang tunay na ideya ng tula.
HALIMBAWA NG SIMBOLISMO AT KAHULUGAN NITO:
• PUTI - kalinisan o kadalisayan
• PULA -kaguluhan, pakikilaban o katapangan
• MARIA CLARA- tipikal na dalagang pilipina o binibining mahinhin
• AHAS - mang-aagaw, hindi mapagkakatiwalaan, traydor o taksil
• LINTA -sipsip, grabe kung makakapit sa isang tao
• TINIK - sagabal, pagsubok o kahirapan
Pagyamanin
PANUTO: Tukuyin ang tayutay na ginamit sa mga sumusunod na saknong.
1. Saknong 95 6. Saknong 119
"Ay, amang ama ko! Kung magunam-gunam "Yaong aking Laurang hindi mapapaknit
madla mong pag-irog at pagpapalayaw, ng kamatayan man sa tapat kong dibdib
ipinapalaso ng kapighatian — paalam, Bayan ko, paalam na ibig,
luha niring pusong sa mata'y nunukal." magdarayang sintang 'di manaw sa isip!"
2. Saknong 98 7. Saknong 120
Sandaling tumigil itong nananangis "Bayang walang loob, sintang alibugha,
binigyang-panahong luha'y tumagistis Adolfong malupit, Laurang mandaraya,
niyong naaawang Morong nakikinig ... magdiwang na ngayo't manulos sa tuwa
sa habag ay halos magputok ang dibdib. at masusunod na sa akin ang nasa."
3. Saknong 104 8. Saknong 126
"May para kong anak na napang-anyaya, Sa tinaghuy-taghoy na kasindak-sindak,
ang layaw sa ama'y dusa't pawang luha, gerero'y hindi na napigil ang habag;
hindi nakalasap kahit munting tuwa tinunton ang boses at siyang hinanap,
sa masintang inang pagdaka'y nawala!" patalim ang siyang nagbukas ng landas.
4. Saknong 113 9. Saknong 127
Katiwala na nga itong tigib-sakit Dawag na masinsi'y naglagi-lagitik,
na ang buhay niya'y tuntong na sa guhit; sa dagok ng lubhang matalas sa kalis;
nilagnat ang puso't nasira ang boses, Moro'y 'di tumugo't hanggang 'di nasapit
'di na mawatasan halos itong hibik. ang binubukalan ng maraming tangis.
5. Saknong 114 10. Saknong 138
"Paalam, Albanyang pinamamayanan Kaya ang ginawa'y inagapayanan,
ng kasam-a't lupit, bangis, kaliluhan, katawang malatang parang bangkay,
akong tanggulan mo'y mang pinatay, at minsang pinatid ng espadang tangan,
sa iyo'y malaki ang panghihinayang. walang awang lubid na lubhang matibay.
Isaisip
Natutuhan ko sa araling ito ang ________________________________________.
Magagamit ko ang kaalamang ito sa ______________________________________.

Isagawa

Panuto: Sumulat ng isang tula na nagpapahayag ng pagmamahal sa:


a. pamilya

13
b. kaibigan
c. kapwa
Pamantayan:
Ang tula ay binubuo ng 3 saknong
Gumamit ng matatalinhagang pahayag/tayutay
Isulat ito sa kwaderno

Tayahin
A. Suriin ang mga pahayag. Tukuyin at isulat ang letra ng kahulugan ng mga sumusunod na
pahayag mula sa mga saknong na binasa.

____ 1. Ang panaghoy ni Florante sa pagkamatay ng kanyang ama.


A. ang pananabik ng anak sa kanyang ama
B. pagdaramdam ng anak dahil wala siyang nagawa para sa kanyang ama
C. pagsisisi ng anak sa kinahantungan ng ama
____ 2. Ang malupit na pagpaslang ni Adolfo kay Duke Briseo.
A. paglalagay ng tao ng batas sa kanyang mga kamay
B. pagpatay sa isang taong walang kalaban-laban
C. pagmamalupit ng mga may kapangyarihan
____ 3. Hindi pagbibigay nang maayos na libing kay Duke Briseo.
A. kawalan ng hustisya
B. pagiging bulag ng mga tao sa katotohanan
C. pag-alis ng karapatang pantao
____ 4. Pag-alaala ni Florante sa masasayang sandali sa kanyang ama.
A. pananabik ni Florante sa ama
B. pagmamahal ni Florante sa ama
C. pagsisisi ni Florante sa naganap sa ama
____ 5. Pagkalungkot ni Aladin sa narinig na sinapit ng ama ni Florante.
A. pagpapakasakit ng isang kaibigan
B. pagdamay ng kaibigan sa panahon ng problema
C. pagbibigay solusyon ng isang kaibigan

B. Tukuyin ang uri ng tayutay na ginamit sa mga sumusunod na saknong.


1. “Kaya ang ginawa’y inagapayanan
katawang malatang parang bagong bangkay,
at minsang pinatid ng espadang tangan
walang awang lubid na lubhang matibay.
2. “Inusig ng taga ang dalawang leon,
si Apolo mandin sa Serpiente Piton,
walang bigong kilos na di nababaon
ang lubhang bayaning tabak sa pamutol.
3. “Sa abang aba ko! O, laura,
mamamatay ako’y hindi mo na sinta!
ito ang mapait sa lahat ng dusa,
sa akin ay sinong mag-aalaala?
4. “Kung ang walang patid na ibinabaha
ng mga mata ko’y sa hinayang mula,
sa mga palahaw ni ama’t aruga,
malaking palad ko’t matamis na luha.
5. “Katiwala na nga itong tigib-sakit
na ang buhay niya’y tungtong na sa guhit,
linagnat ang puso’t nasira ang boses,
di na mawatasan halos itong hibik.

14
Karagdagang
Gawain
Panuto: Punan ang kahon batay sa hinihinging kategorya mula sa binasang saknong sa
Florante at Laura.

SAKNONG MATATALINHAGANG TAYUTAY SIMBOLO


EKSPRESYON
82
"Itong kinaratnan ng palad kong linsil,
salaming malinaw na sukat mahalin
ng makatatap, nang hindi sapitin
ang kahirapan kong 'di makayang
bathin."
88
"At alin ang hirap na 'di ikakapit
sa iyo ng Konde Adolfong malupit?
Ikaw ang salamin sa Reyno ng bait,
pagbubutunan ka ng malaking galit."
89
"Katawan mo ama'y parang
namamalas
ngayon ng bunso mong lugami sa
hirap;
pinipisan-pisan at iwinawalat
ng pawa ring lilo't berdugo ng sukab."

Aralin
Ikaapat na Linggo
4 * Paglalarawan sa tagpuan ng akda
* Pagsusuri sa mga pangunahing kaisipan

Alamin
 F8PN-IVf-g-36 Nailalarawan ang tagpuan ng akda batay sa napakinggan
 F8PB-IVc-d-34 Nasusuri ang mga pangunahing kaisipan ng bawat kabanatang
binasa

Subukin
A. Panuto: Bilugan ang mga tagpuan sa kwento.
Masama ang loob ni Zandrey habang minamasdan niya ang kahabaan ng bakuran
nila. Bitbit niya sa kanang kamay ang isang lata ng pinturang puti at sa kaliwang kamay ang
brotsang gagamitin sa pagpipintura. Nag-aalmusal pa siya nang sabihin sa kanya ng nanay
niya na, “huwag kang aalis, Zandrey, dahil may ipagagawa ako sa iyo.”
“Ano po iyon, inay?” tanong ni Zandrey na nag-uumpisa nang mag-alala. Kasunduan nilang
mga magkababata na maglalaro ng basketbol sa parke ngayong umaga.
“Pangit na ang pintura ng ating bakod. Kupas at marumi pa. Nakabili na ako ng pinturang
puti at brotsa at maaari mo nang masimulan pagkakain mo.” Hindi maaring hindi susunod sa
utos. Mabait ito kung sa mabait, ngunit ang mga utos niya ay parang utos ng reyna na di
mababali. Habang minamasdan ni Zandrey ang bakuran, lalo namang nagsisiksikan sa pag-

15
iisip niya ang tiyak na nasa laruan nang mga kababata, malamang ay inip na inip na sa pag-
aantay sa kanya, o di kaya’y naglalaro na at hindi na siya hinintay. Isinawsaw niya ang
brotsa sa lata ng pintura at dahan-dahang idinampi sa isang sulok ng mahabang bakuran.
“Sa lahat ng trabaho, ito talaga ang nakakapundi,” wika niya sa sarili. “Binabalak pa naman
namin ni James na ilampaso ngayon sina Henry.”
B.Panuto: Basahin ang sumusunod na saknong na hango sa Florante at Laura. Tukuyin ang
mensahe / kaisipan nito. Piliin ang letra ng tamang sagot.
84
1.
Gerero'y namangha nang ito'y marinig
pinagbaling-baling sa gubat ang titig;
nang walang makitay hinintay umulit,
'di naman nalao'y nagbagong humibik.
A. Namangha ang gerero sa narinig kaya hinanap niya ang pinagmumulan ng tinig.
B. Hinanap ng gerero ang pinagmumulan ng tinig upang patahimikin
C. Naguguluhan ang gerero sa kanyang naririnig.
2. 100
"Sa sintang inagaw ang itinatangis,
dahilan ng aking luhang nagbabatis;
yao'y nananaghoy dahil sa pag-ibig
sa amang namatay na mapagtangkilik."

A. Pag-ibig ang kanyang sinisisi.


B. Nalulungkot siya dahil inagaw ang kanyang minamahal
C. Walang katapusan ang kanyang kalungkutan
107
3. "Kung nagbangis ka ma't nagsukab sa akin,
mahal ka ring lubha dini sa panimdim;
at kung mangyayari, hanggang sa malibing,
ang mga buto ko, kita'y sisintahin.

A. Ang pag-ibig niya ay hanggang kamatayan at hindi magbabago.


B. Kapag siya ay namatay na, magwawakas na ang pagmamahal.
C. Ang buhay niya ay puno ng kataksilan.

4.
122
"Sa abang-aba ko! Diyata, o Laura ...
mamatay ako'y hindi mo na sinta!
Ito ang mapait sa lahat ng dusa;
sa'kin ay sino ang mag-aalaala!"
A. Maraming dahilan kung bakit siya nalulungkot.
B. Sobrang lungkot ang kanyang nadarama sa nalalapit na pagpanaw.
C. Lubos niyang ikinalulungkot na papanaw siya habang iniisip na hindi na siya
mahal ng kanyang sinisinta.

5. 136
Nang magtagumpay na ang gererong bantog
sa nangakalabang mabangis na hayop,
luha'y tumutulong kinalag ang gapos
ng kaawa-awang iniwan ang loob.

16
A. Ang mabangis na hayop ay sumugod sa lalaking nakagapos.
B. Naluha ang gerero matapos niyang mailigtas ang kaawa-awang nilalang.
C. Iniwan na ng gerero ang kaawa-awang lalaki dahil natakot sa mabangis na
hayop.

Balikan
PANUTO: Isulat sa patlang ang uri ng tayutay sa bawat pangungusap.
A. Simili o Pagtutulad C. Personipikasyon o Pasasatao
B. Metapora o Pagwawangis D. Walang Tayutay
_____ 1. Parang tambol sa lakas ang boses ng nagsasalitang bata sa entablado.
_____ 2. Ang mata niya ay mga alitaptap.
_____ 3. Napatalon sa tuwa ang mga bata nang nalaman nilang walang pasok bukas.
_____ 4. Sumasayaw ang mga kawayan sa bawat ihip ng hangin.
_____ 5. Umuwi si Michael sa bahay na may dalang ga-bundok na labada.
_____ 6. Ang lolo ko ay parang leon sa katapangan.
_____ 7. Ang makulay mong damit ay naghahanap ng atensyon.
_____ 8. Si Melanie ay isang anghel sa kabaitan.
_____ 9. Bigyan natin sila ng malakas na palakpakan.
_____ 10. Kaparis ng isang unan ang lambot ng pisngi ng sanggol.

Tuklasin
A. Ilarawan ang tagpuan na ipinakikita ng larawan. Sumulat ng isa o dalawang
pangungusap patungkol dito.

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
B. Basahing mabuti ang talata. Itala sa iyong notbuk ang pangunahing kaisipan at ang mga
detalyeng sumusuporta dito.

17
Mangosteen:Mahika ng Kalikasan
Ni Ligaya Tiamzon Rubin
Liwayway, Disyembre – 2003
May mga nagtataguri sa mangosteen bilang reyna ng mga prutas sapagkat
kakaiba at natatangi ito. Maaari ring ito ang prutas na sinasabing paborito ni Reyna
Victoria ng Great Britain. Hugis piramido ang tuktok ng puno ng mangosteen. May
katagalan itong lumaki. Brown na papaitim ang matigas na kahoy nito at may kulay
dilaw na dagta. Pinaniniwalaang magiging mapakla ito kapag natalsikan ng dagta
nito ang bunga. May mga daho itong manilaw-nilaw na berde, makapal, madulas,
makinis at hugis oblong. May kumpul-kumpol itong bulaklak na may tulduk-tuldok na
pula. Kaakit-akit tingnan ang mga petalyo nito na kulay berde sa labas at kulay dilaw
sa loob. Tulad ito sa mga ornamental na bulaklak.
Ayon sa mga tala, mula sa Thailand ang mangosteen. May mga nagsasabi
naman na mula ito sa peninsula ng Malay, Molucca at Sunda Island. Karaniwang
makikita ang mga taniman ng mangosteen sa Mindanao. Sa mga tropikal na bansa
ito madalas na tumutubo.

Suriin
Tagpuan ang tawag sa lugar na pinangyarihan ng isang kwento. Ito ay mahalang elemento
upang makagawa ng isang epektibong kwento na tiyak na makakapagpawili sa mga
mambabasa.
Ang paglalarawan ng tagpuan ay maaaring direkta o hindi direkta. Halimbawa, kung nais
sabihin ng may-akda nang direkta ang tagpuan sa istorya, sa umpisa pa lamang ay isasama
na niya ito sa mga dayalogo o pangungusap ng akda.
Samantalang kung ito naman ay hindi direkta, maaaring gumamit ang may-akda ng mga
tanda o bakas na maaaring maging batayan ng pagdiskubre ng tagpuan.
Pangunahing kaisipan - Ang pangunahing kaisipan ay tumutukoy sa diwa ng buong talata.
Ang diwa ay ang kaisipan o ideya na binibigyang diin sa talata. Kadalasan itong
matatagpuan sa pangunahing pangungusap.
Pantulong na kaisipan - Ang pantulong na kaisipan naman ay siyang mga kaisipan na
tumutulong upang mas mapalitaw ang pangunahing kaisipan. Sa tulong ng mga pantulong
na kaisipan ay mas nauunawaan ng mambabasa ang diwa na nais iparating ng talata. Ang
mga pantulong na kaisipan ay kadalasan matatagpuan sa mga pansuportang detalye

Pagyamanin
A. Lagyan ng tsek( ) kung ang pangungusap ay may Tagpuan at ekis (X) naman kung wala.
___1. Si Florante ay nagpaalam na sa bayan ng Albanya.
___2. Naniniwala siyang mamamatay siyang napakalungkot dahil naiisip niyang hindi na
siya mahal ni Laura.
___3. Sa kabila ng pagluha ng kanyang ina, ipinadala si Florante sa Atenas upang doon mag-aral.
___4. Naging libangan niya ang mag-aliw sa burol.
___5. Sa kanyang kalagayan ay nawalan na ng pag-asa si Florante at nagpaalam na sa
mga mahal sa buhay.

B. Tukuyin ang tagpuan sa bawat saknong.

18
1. Sa isang madilim, gubat na at ipinadala ako sa Atenas-
mapanglaw, bulag na isip ko’y nang doon mamulat.
dawag na matinik ay walang pagitan; Tagpuan: ___________________
halos naghihirap ang kay Pebong silang, 4. “Maging limang buwan ako sa Krotona,
dumadalaw sa loob na lubhang masukal. nagpilit bumalik sa Reynong Albanya;
Tagpuan: ___________________ di sinong susumang sa akay ng sinta,
2. “Sa isang Dukado ng Albanyang kung ang tinutungo’y lalo’t isang Laura?
S’yudad, Tagpuan: ___________________
doon ko nakita ang unang liwanag; 5. "Ang lahat ng tuwa'y natapos sa akin,
yaring katauha’y utang kong tinanggap sampu niring buhay ay naging hilahil;
sa Duke Briseo… (Ay ama kong liyag!) ama ko'y hindi na malaong hihintin
Tagpuan: ___________________ ako't sa payapang baya'y yayakapin."
3. “Ang lahat ng ito’y kay Amang talastas, Tagpuan: ___________________
kaya nga ang luha ni Ina’y hinamak;
C.Suriin ang pangunahing kaisipang taglay ng mga saknong sa ibaba. Ibigay ang iyong
pagpapakahulugan sa isinasaad ng mga saknong na ito.
Mga Saknong Pagpapakahulugan sa Saknong
“Ngayong namamanglaw sa pangungulila
Ang ginagawa kong pag-aliw sa dusa,
Nagdaang panaho’y inaalala,
Sa iyong larawa’y ninitang ginhawa.”
Kay Selya, saknong 5
“Sa loob at labas ng bayan kong sawi,
Kaliluha’y siyang nangyayaring hari,
Kagalinga’t bait ay nalulugami,
Ininis sa hukay ng dusa’t pighati.”
-Hinagpis ni Florante, saknong 14
“Datapwa’t sino ang tatarok kaya,
Sa mahal mong lihim Diyos na dakila,
Walang mangyayari sa balat ng lupa,
Di may kagalingang iyong ninanasa.”
-Hinagpis ni Florante, saknong 74
“Halina, Laura’t aking kailangan,
Ngayon ang lingap mon ang naunang araw;
Ngayong hinihingi ang iyong pagdamay,
Ang abang sinta mo’y nasa kamatayan.”
-Alaala ni Laura, saknong 55
“O pagsintang labis na makapangyarihan,
Sampun mag-aama’y iyong nasasaklaw!
Pag-ikaw ang nasok sa puso ninuman,
Hahamakin ang lahat, masunod ka lamang.”
-Ang Pag-ibig kay Flerida, saknong 80

Isaisip
A. Buuin ang pahayag
Ang tagpuan ay tumutukoy sa _______________________________________________.
Ang pangunahing kaisipan ay _______________________________________________.
Samantala, ang pantulong na kaisipan naman ay tumutukoy sa _____________________.

Isagawa
Panuto: Basahin ang sumusunod na teksto. Tukuyin ang mensahe / pangunahing kaisipan
nito. Piliin ang letra ng tamang sagot.

19
1.
“Pag may isinuksok, may madudukot “ sa panahon ngayon na kung saan ay nakararanas
tayo ng kahirapan, itaga natin sa bato na ang bawat sentimong ating ginagastos ay
napakalaking bagay upang tayo’y mabuhay. Huwag nating hayaang mabutas ang ating
bulsa nang dahil lamang sa walang kabuluhang paggastos ng sa gayo’y mabawasan na
ang mga taong naghihirap sa ating bansa.

A. Matutong magtipid upang hindi makaranas ng paghihirap.


B. Hanggat may panggastos dapat lang na bilhin anuman ang naisin.
C. Maraming taong naghihirap dahil sa labis na paggastos.
Likas na sa ating mga Pilipino lalung-lalo na sa mga kabataan ang magsunog ng kilay
2. para sa kinabukasan. Sa ganitong pagkakataon, pinatutunayan lamang na ang bawat isa sa
atin ay may pagpapahalaga sa edukasyon. Edukasyon na siyang magagamit upang
maging maayos ang pamamalakad ng ating bansa.

A. Ang mga Pilipino ay may likas na pagpapahalaga sa edukasyon.


B. Dapat magsunog ng kilay sa pag-aaral.
C. Ang edukasyon ay mahalaga.
Sa bawat pagtahak natin sa buhay, dumarating ang pagkakataon na nangangailangan tayo
3. ng tulong sa ating kapwa. Tulong na ang kapalit ay ang simpleng “pagtanaw ng utang na
loob.” Hindi ba’t isa rin ito sa mga pinahahalagahan nating kaugalian? Sinasabi ngang “
ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan.”

A. Ang pagtanaw ng utang na loob ay isa sa mga kaugaliang pinahahalagahan natin.


B. Tumulong sa nangangailangan upang ikaw din ay tulungan kung mangailangan.
C. Ang buhay ay puno ng pagsubok kaya dapat na magpakatatag.

Po at Opo. Mga katagang tila isang magandang musika sa pandinig ng mga nakatatanda sa
atin.Musikang sinasaliwan ng isang magandang hakbang tulad ng pagmamano. Ang mga
4.
ito’y ilan lamang sa mga gawaing nagpapakita ng paggalang hindi lamang sa mga
matatanda kundi pati na rin sa ating sarili.

A. Maraming kabataan sa ngayon ang di gumagamit ng po at opo.


B. Ang po at opo tulad ng pagmamano ay mga ugaling nagpapakita ng paggalang.
C. Ang musikang Pilipino ay magandang pandinig sa mga matatanda.

“Anumang gawain ay gumagaan sa tuluy – tuloy na pamamaraan.” Ito ang lagi nating
5. isaisip sa tuwing ipinagpapaliban natin ang gawaing kaya namang gawin ngayon.
Talagang nakatatak na sa ating isipan ang kaugaliang mañana habit.

A. Laging isipin ang kaugaliang mañana habit.


B. Ang pag-unlad ng bansa ay nasa ating mga kamay.
C. Huwag ipagpaliban pa ang magagawa mo ngayon.

A. Iguhit ang kung ang pangungusap ay nagsasaad ng pangyayari sa gubat,


Tayahin
ayon sa kabanatang binasa at kung hindi.

____ 1. Sa labis na pangungulila’y umagos ang luha ng kaawa-awang si Florante.


____ 2. Sinisiyasat nang mabuti ni Laura ang baluti ng kasintahan

20
____ 3. May narinig na pananangis ang gerero at hinanap niya ang pinagmumulan nito.
____ 4. Habang natutulog si Florante sa kintang malapit sa bundok, isang buwitre ang
pumasok at muntik na siyang dagitin.
____ 5. Dagling ginamit ng gerero ang kanyang espada kaya’t agad napatay ang mabangis
na leon.

B.Lagyan ng ( / ) ang patlang kung ang kaisipan ay bahagi ng ating binasa at ekis
( x) kung hindi. (Saknong 82-142)
1. Mula sa Dalawang Ama, Tunay na Magkaiba
____ Pagkarinig ni Aladin sa panaghoy ni Florante
____ Pagpaslang ni Adolfo kay Duke Briseo
____ Pag-alaala ni Florante sa masasayang sandali sa ama
____ Paghahambing ni Aladin sa kanyang ama sa ama ni Florante
____ Pagliligtas ni Aladin kay Florante

2. Ang Pamamaalam ni Florante


____ Pamamaalam ni Florante kay Laura
____ Pagdating ng dalawang leon para silahin si Florante
____ Pag-iisip ni Florante na pinagtaksilan siya ni Laura
____ Pagtanggap ni Florante sa kanyang kamatayan
____ Pagsakmal kay Florante ng mga leon

3. Pagsagip mula sa pangil ng mga Leon


____ Paghanap ni Aladin sa naririnig niyang tinig na nananaghoy
____ Pagdadalawang-isip ni Aladin sa pagtulong kay Florante
____ Pagpatay ni Aladin sa mga leon.
____ Pagliligtas ni Aladin kay Florante.
____ Pagiging magkaibigan ni Aladin at Florante.
Karagdagang
Gawain
Panuto: Isulat sa ulap ang pangunahing kaisipan at damdaming nangibabaw sa bawat
kabanatang binasa.
A. Florante at Laura Buod Kab. 7: Pag-alala ni Florante sa Ama (Saknong 83-97)
B. Florante at Laura Kab. 8: Si Duke Briseo at Sultan Ali-Adab (Saknong 98-107)
C. Florante at Laura Buod Kabanata 9: Ang Dalawang Leon (Saknong 108-125)
D. Florante at Laura Buod Kabanata 10: Si Aladin at ang Dalawang Leon (Saknong
126-135)
E. Florante at Laura Buod Kabanata 11: Saklolo ng Kaibigan (Saknong 136-145)

21

You might also like