Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Peñafrancia Festival: Nangungunang Festival, Kultura, at Tradisyong Bikol

Ang mga Bikolano ay sa pagiging relihiyoso nila dala na rin ito ng impluwensiya ng mga
Kastila. Hanggang ngayon ay malakas pa rin ang kanilang pananampalataya sa Diyos at ang
kahiligan nila sa mga pagkaing maaanghang at may gata. Mahilig sila sa pagsasayaw at pagdalo
sa mga kasayahan. Simple lamang ang pananamit ng mga kalalakihang Bikolano ngunit ang mga
kababahian ay mahilig magpaganda at gumagamit sila ng mga palamuti sa katawan. Isa sa mga
pinakatanyag na pagdiriwang nila ay ang Peñafrancia Festival.

Nagsisimula ang pagdiriwang ng Peñafrancia Festival tuwing ikatlong Sabado ng Setyembre sa


lalawigan ng Naga, Bikol. Ang festival ay ang pinakamalaking pista ng Marian sa buong bansa.
Tinagurian din itong isa sa mga nangungunang festival ng pinagsamang relihiyon, kultura at
tradisyon sa siyam na araw na pagdiriwang. Kilala din ang Peñafrancia Minor Basilica dahil
makikita dito ang imahe ng Birheng Maria na kilala bilang ‘Ina’ ng mga Bikolano na siyang
pinaparada nila kapag Peñafrancia Festival. Makikita din dito ang ‘stained glass’ na gawa ni
Pancho Piano na pinapakita ang ‘Ina’.

Sinisimulan ang araw ng kapistahan ng isang novena o siyam na araw na pagdarasal bilang
pagpupuri sa Birhen. Sa unang araw ng pagdiriwang, ang imahe ng birhen na dibuho ng
Madonna sa Peñafrancia, Espanya ay dinadala mula sa kanyang dambana papuntang Naga
Metropolitan Cathedral kung saan gaganapin ang novena. Sa huling araw, ibinabalik ang imahe
sa kanyang altar matapos ang ruta sa ilog Naga. Nagkakaroon ng parada sa ilog ng mga
bangkang binalutan ng mga disenyo at ang pagoda ang magdadala ng imahe pabalik sa kanyang
dambana. Kasabay ng pagoda ay ang mga bangka, iba pang pagoda at pinalamutiang bangkang
de-motor. Pagdilim ng langit, sabay-sabay na sinisindihan ang mga kandilang kanilang tangan na
siyang nagbibigay ng kinang na wari bang mga hiyas sa kadiliman. Pagdaong ng mga bangka sa
kanilang patutunguhan, isinisigaw ng mga deboto ang “Viva La Virgen” at pagkatapos ay
ipuprusisyon na ang imahe pabalik sa simbahan.

Kasama sa selebrasyong ito ang mga parada, iba’t ibang isports, trade fairs at pagtatanghal,
karera ng mga bangka, tanghalang pangkultura, timpalak pangkagandahan, at iba pang mga
nakakasiglang kumpetisyon. Itinatampok din sa festival na ito ang Ibalong Festival ng Legaspi
City, Tabak Festival ng Tabaco City, Tinagba Festival ng Iriga City, Lapay Bantigue Festival ng
Masbate City, the Catandungan Festival ng Catanduanes, Pili Festival ng Sorsogon, at ang
Pineapple Festival ng Camarines Norte. Ang lahat ng mga kasayahang ito ang nagbubuklod sa
mga deboto na karaniwang tumutungo sa Bicol tuwing Setyembre.

You might also like