REVISED - ESP7 - Q4 - WK1 - ARALIN2 - REGIONAL - Ang Kahalagahan NG Mabuting Pagpapasya Sa Uri NG Buhay - CQA.GQA - LRQA

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III
DIBISYON NG MABALACAT CITY

Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: ___________

Paaralan: ________________________________ Petsa: ________________________

GAWAING PAMPAGKATUTO
Edukasyon sa Pagpapakatao 7
Ikaapat na Markahan – Unang Linggo
Aralin 2: Ang Kahalagahan ng Mabuting Pagpapasya sa Uri ng Buhay

I. Panimula

Araw-araw, tayo ay gumagawa ng pasya para sa ating mga sarili at para

sa mga taong nakapaligid sa atin batid man natin ito o hindi. Mula sa ating
paggising sa umaga hanggang sa pagpikit ng ating mga mata tayo ay
nagpapasiya nasa sa atin na kung ang pipiliin ba ay makakabuti o
makakasama para sa atin o sa mga taong nakapaligid sa atin.

II. Kasanayang Pampagkatuto

 Nasusuri ang ginawang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay

kung ito ay may pagsasaalang- alang sa tama at matuwid na
pagpapasya. (EsP7PB-IVc- 14.2)

III. Mga Layunin

Pagkatapos ng gawaing pampagkatuto na ito, ikaw ay inaasahang:

1. makagagawa ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay (Personal
Mission Statement) batay sa mga hakbang sa mabuting pagpapasya;
2. masusuri ang ginawang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
kung naisaalang-alang ang tama at mabuting pagpapasiya; at
3. makatatamo ng kasiyahan sa kamalayang ang nalikhang Personal na
Pahayag ng Misyon sa Buhay ay naka-angkla sa kung ano ang tama
at mabuti.
IV. Pagtalakay

ANG MABUTING PAGPAPASYA

Ang lahat ng kilos ng tao ay bunga ng proseso ng pagpapasya.

ANG PROSESO NG PAGGAWA NG MABUTING PASYA

Ang mabuting pagpapasya ay isang proseso

kung saan malinaw na nakikilala o nakikita ng isang TAMA

tao ang pagkakaiba-iba ng mga bagay-bagay.

PANAHON: Ang una at pinakamahalagang sangkap

sa anumang proseso ng pagpapasya.

ANG MGA INSTRUMENTO O GAMIT SA MABUTING PAGPAPASYA

1. Isip - pinagninilayan natin ang sitwasyon. Naghahanap tayo ng mga

impormasyon at tinitimbang natin ang mga kabutihan at kakulangan sa
ating mga pamimilian.

2. Damdamin - sinasala ng ating damdamin ang anumang

natuklasan ng ating isip upang pagbatayan ng pagpili,
upang gawing atin ang pagpapasya.

5 Hakbang sa Paggawa ng Wastong Pasya

ayon kay Kescia D. Gray

1. Tukuyin ang iyong layunin (Goal) - Ano ba ang dahilan ng iyong

desisyon?

2. Magkalap ng Impormasyon upang Timbangin ang mga Pagpipilian -

Makatutulong ito upang mas maintindihan ang bawat hakbang na
kailangang gawin bago makamit ang isang desisyon.

3. Tignan ang mga posibleng kahihinatnan ng bawat aksiyon - Ano ba

ang magiging epekto ng iyong desisyon sa iyo at sa iba?

2
4. Gumawa ng pasya - pagkatapos mong tukuyin ang iyong layunin,
kumalap ng mga impormasyon, at tignan ang mga posibleng kahihinatnan
ng iyong pasya, maaari ka ng magdesisyon!

5. Suriin o i-evaluate ang iyong pasya - kinakailangan ng mahabang

pasensya sa bahaging ito, dahil maaaring ang resulta o kinalabasan ng
iyong desisyon ay hindi agarang makikita.

Mahalagang tandaan na sa bawat isasagawang pagpili, laging

isasaalang-alang ang mas mataas na kabutihan (higher good).

ANG PAHAYAG NG PERSONAL NA LAYUNIN SA BUHAY O

PERSONAL MISSION STATEMENT

Sa pagsulat nito, tandaan ang pahayag na ito na sinabi ni Sean Covey:

“Begin with the end in mind".

Paano nga ba tayo makakasulat ng isang Personal na Pahayag ng

Misyon sa Buhay? Isaalalang-alang ang mga sumusunod:

1. Suriin ang iyong ugali at katangian – Sagutin:

Anong limang katangian ang maglalarawan sa
iyo? Ano ang gusto mong sabihin ng ibang tao
tungkol sa iyo?

2. Tukuyin ang iyong mga pinapahalagahan – Ano

ang mga pagpapahalaga ang mayroon ka?

3. Tipunin ang mga impormasyon – Tatandaan

palagi ang mga impormasyong nakalap tungkol
sa iyong sarili.

Maaari ding sagutan ang mga sumusunod na katanungan na hango sa

http://www.andyandrews.com/personal-mission-statement/

 Ano o sino ang aking pinapahalagahan? - Sa paanong paraan

nakakonekta ang iyong buhay sa mga bagay o tao na iyong isinagot?

 Ano ang nais kong marating/matamo? - Maaaring sa ispiritwal,

mental, o pisikal na patutunguhan ang iyong sagot.

3
 Ano ba ang pinakaaasam (pinaka gusto) kong resulta? - Mangarap ka!
Ilagay mo ang pinakaposibleng "the best" na resulta para sa'yo!

 Ano ang gusto kong makita sa akin ng ibang tao? - Mag-isip ng ilang
mga salita na nais mong gamitin ng tao kapag naaalala ka nila. (Hal. Si
______, naku! napakamatulungin niyang tao!)

 Ano ang nais kong iwan bilang isang pamana? – Fast forward sa
hinaharap, ano kaya ang naging epekto mo sa ibang tao.

Ayon nga kay Sean Covey, ang pahayag ng layunin sa buhay ay

maihahalintulad sa isang personal o pansariling motto o kredo na
nagpapahayag kung ano ang kabuluhan ng iyong buhay.

Kailangan ang personal na pahayag ng layunin sa buhay upang

panatilihing matatag sa anumang unos na dumating sa iyong buhay.

V. Mga Gawain

Gawain #1: “Crossword Puzzle”

Panuto: Gamit ang mga clues, hulaan ang mga salita sa bawat bilang.

PAHALANG

1. Una at pinakamahalagang sangkap sa anomang proseso ng pagpapasya.

2. Ito ay ang unang kailangang tukuyin sa paggawa ng wastong pasya.
3. Ang resulta ng iyong pasya.
9. Ang mabuting pagpapasya ay isang ________ kung saan malinaw na
nakikilala o nakikita ng isang tao ang pagkakaiba-iba ng mga bagay-
bagay.
10. Ito ay araw-araw nating ginagawa.

PABABA

4. Ginagamit upang pagnilayan ang sitwasyon.

5. _________________ ng impormasyon na makatutulong upang mas
maintindihan ang bawat hakbang na kailangang gawin.
6. Ibang katawagan sa gamit.
7. Ang nagsasala sa mga natuklasan ng ating isip.
8. Kailangan ng mahabang pasensya sa hakbang na ito. Ito ay panghuling
hakbang sa paggawa ng wastong desisyon.

4
5
Gawain 2: “Magdesisyon ng Tama”

Panuto: Gumawa ng desisyon para sa iba’t ibang sitwasyon na mababasa sa

bawat bilang at magbigay ng posibleng maging resulta o bunga sa bawat
desisyon. Isulat ang sagot sa loob ng kahon.

Rubrik para sa Gawain 2, 3A, 4, at 5

PUNTOS
Pamantayan
Sapat at akma ang nilalaman 4
Maayos at organisado ang mga ideyang inilahad 3
Wasto ang pagbabaybay at gramatika 2
Malinis at maayos ang pagkakasulat 1
KABUUANG PUNTOS 10

6
Gawain #3: “Ang Aking Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay”
(My Personal Mission Statement)

A. Panuto: Gamit ang ilang pamamaraang iminungkahi ni Andy Andrews sa

itaas, sumulat ng iyong PERSONAL MISSION STATEMENT. (Gawing gabay
ang rubrik na nasa Gawain 2.)

________________________________________________________________________

Gawain #3: “Suriin Natin!”

B. Panuto: Gamit ang pamantayan sa ibaba, suriin kung ang nagawang

Personal Mission Statement ay nakaayon sa tama at mabuti. Lagyan ng
check kung naipakita sa ginawang PMS ang mga sumusunod na batayan:

Batayan  X
1. Ito ay batay sa katotohanan
2. Walang nasaktan o naapakang sinoman
3. Naisa-alang-alang ang kabutihang panlahat
4. Nakakatulong sa personal na paglago
5. Nakapagtataguyod ng paglago ng ibang tao

Gawain #4: “Pili – pili”

Panuto: Pumili ng isang Gawain mula sa mga sumusunod. Gawing batayan

ang rubrik sa pagsasaayos ng napiling Gawain.

TEMA: “Ang Aking Misyon sa Buhay”

o Slogan Writing
o Poem Writing
o Poster Making
o Hugot Making

7
Rubrik para sa Slogan, Poem, at Hugot Writing
PUNTOS
Pamantayan
Sapat at akma ang nilalaman 4
Maayos at organisado ang mga ideyang inilahad 3
Wasto ang pagbabaybay at gramatika 2
Malinis at maayos ang pagkakasulat 1
KABUUANG PUNTOS 10

(Slogan Writing, Poem Writing, Hugot Making)

__________________________________________________________________

__________________________
Buong Pangalan at Lagda
Baitang at Pangkat

8
Rubrik para sa Poster Making
PUNTOS
Pamantayan
Kaakmaan ng guhit sa tema 4
Maayos at organisado ang mga ideyang inilahad 3
Orihinal na likha 2
Malinis at maayos ang pagkakagawa 1
KABUUANG PUNTOS 10

(Poster Making)

__________________________
Buong Pangalan at Lagda
Baitang at Pangkat

9
Gawain #5: “My Life is a Choice”

Panuto: Isulat sa ibaba ang mga pasyang ginawa mo na simula ng

pagtungtong mo sa grade 7.

1. ________________________ 6. ________________________

2. ________________________ 7. ________________________

3. ________________________ 8. ________________________

4. ________________________ 9. ________________________

5. ________________________ 10. ________________________

VI. Pagsusulit

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot sa loob ng kahon at isulat ito sa
patlang.

A. panahon G. pamana
B. kahihinatnan H. isip
C. magkalap ng impormasyon I. damdamin
D. pasya J. layunin
E. Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay K. kilos-loob
F. mabuting pagpapasya M. Likas na Batas Moral

______ 1. Ang resulta ng iyong pasya.

______ 2. Ito ay araw-araw nating ginagawa.

______ 3. Ginagamit upang pagnilayan ang sitwasyon.

______ 4. Ang nagsasala sa mga natuklasan ng ating isip.

______ 5. Ito ay ang nais mong iwan na epekto sa ibang tao.

______ 6. Ito ay maihahalintulad sa isang personal na motto o kredo.

______ 7. Ito ay ang unang kailangang tukuyin sa paggawa ng wastong pasya.

10
______ 8. Ito ay ang una at pinakamahalagang sangkap sa anumang proseso

ng pagpapasya.

______ 9. Makatutulong ito upang mas maintindihan ang bawat hakbang na

kailangang gawin.

______ 10. Ito ay isang proseso kung saan malinaw na nakikilala o nakikita

ng isang tao ang pagkakaiba ng mga bagay.

VII. Pangwakas

Panuto: Ngayong nalaman mo na ang buhay ay isang pagpapasya, at ngayong

nakagawa ka ng isang draft ng iyong Personal Mission Statement, anong mga
hakbang ang iyong gagawin bilang Grade 7 para maisakatuparan o makamit
ang iyong Personal Misyon Statement? Isulat ang sagot sa mga patlang.

___________________________________________________________________________

11
VIII. Sanggunian

Gayola, Sheryll T., et al. 2017. Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Modyul para sa Mag-aaral, Pasig
City: Department of Education- Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Gray, Kescia D. 5 Steps to Good Decision Making. Corporatewellnessmagazine.com

http://www.corporatewellnessmagazine.com/article/5-steps-to-good-decision-making

https://www.depedclick.com/2020/05/mostessential-learning- competencies_1.html

http://www.andyandrews.com/personal-mission-statement/

Manuel B. Dy, Jr., et al. 2012. Batayang aklat/ Edukasyon sa Pagpapakatao 7, 2nd Floor Dorm
G, PSC Complex, Meralco Avenue. Pasig City, Philippines 1600: FEP Printing
Corporation

Most Essential Learning Competencies (MELC) K to Grade 12 S.Y. 2020-2021. Accessed on

May10, 2020.

12
13
1. B
2. D.
3. H
Maaaring 4. I Maaaring
magkakaiba-iba ang 5. G magkakaiba-iba ang
kasagutan. 6. E kasagutan.
7. J
Isaalang-alang ang 8. A Isaalang-alang ang
Rubriks sa pagbibigay 9. C Rubriks sa pagbibigay
ng marka. 10. F ng marka.
Pangwakas Pagsusulit Gawain #5
Maaaring Maaaring Maaaring
magkakaiba-iba ang magkakaiba-iba ang magkakaiba-iba ang
kasagutan. kasagutan. kasagutan.
Isaalang-alang ang Isaalang-alang ang Isaalang-alang ang
Rubriks sa pagbibigay Rubriks sa pagbibigay Rubriks sa pagbibigay
ng marka. ng marka. ng marka.
Gawain #4 Gawain #3 Gawain #2
Gawain #1
IX. Susi sa Pagwawasto
X. Grupo ng Tagapaglinang

Grupo ng Tagapaglinang ng Gawaing Pampagkatuto

Manunulat: Maria Luisa S. Maycong
Patnugot: Myrna M. Valencia, EdD
Tagasuri ng Nilalaman: Ma. Cristina H. Nogoy, Carmelita H. De Guzman,
Lani A. Miraflor, Rosalinda S. Ibarra, PhD
Patnugot ng Wika: Jennifer Bungque-Ilagan, EdD
Tagalapat: Jenaro C. Casas, Juliane Nicole Paguyo, Ala M. Elagio
Tagaguhit:
Grupo ng Tagapaglinang: May B. Eclar, PhD, CESO III
Rhoda T. Razon, PhD
Elizabeth M. Perfecto, EdD
Ma. Editha R. Caparas, EdD
Rosalinda S. Ibarra, PhD
Ericson S. Sabacan, EdD, CESO VI
Leandro C. Canlas, PhD, CESE
Elizabeth O. Latorilla, PhD
Sonny N. De Guzman, EdD
Myrna M. Valencia, EdD

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Mabalacat

P. Burgos St., Poblacion, Mabalacat City, Pampanga

Telefax: (045) 331-8143

E-mail Address: mabalacatcity@deped.gov.ph

You might also like