Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 36

ALAMAT NG MGA SAMA

SA BARANGAY TINOTO MAASIM SARANGANI


PROVINCE

I Isang Mungkahing Papel


Nainihanda sa Departamento ng Filipino
Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Humanidades
Mindanao State University
Fatima, Lungsod ng Heneral Santos

Bilang Parsyal na Pangangailangan


sa Kursong Filipino 198

FREDA I. HAILEN

Nobyembre 07, 2018


KABANATA I

Ang Suliranin at Sandigan ng Pag-aaral

Panimula

Ang mga alamat ayon kina Pineda et al.(1977) ay

karaniwang sangkap ng sinaunang panitikan ng alin mang lahi.

Dala ng kakapusan sa kaalamang pang agham, ang mga

phenomena o pangyayari sa kalikasan ay binibigyan nila ng mga

paliwanag sa abot ng kanilang malikhaing guni-guni.

Ang alamat gayon, ay salaysay o istoryang imbento ng

mga malikhaing mga ninuno nating nais ipaliwanag ang mga

bagay-bagay atang bunga’y nakabuo ng kawili-wili’t

magagandang kuwentong ipinamana sa atin. Dagdag pa ni

Rodrigo(2005).

Tulad din ng ilang mga tribong Sama sa Barangay

Tinoto, Maasim, Sarangani Province ay mayroon ding sariling

alamat, kung saan dahil sa pagiging malikhain ng mga

matatandang Sama noon, sila rin ay nakalikha noon ng

magaganda at kawili-wiling mga alamat. Ngunit dahil sa pag-

unlad ng teknolohiya at sa patuloy na pagdaan ng panahon hindi

na ito napagpatuloy sa paglaganap. Bunga narin ng pag-usad ng


panahon ang mga Alamat ng tribong Sama ay hindi na alam ng

mga kabataan ngayon. Ang bagong henerasyon ay nakapokus sa

teknolohiya kung kayat nanganganib ng mawala ang mga alamat

ngayon. Ang dapat sana’y yaman ng ating bansa at ng panitikan

ay natatabunan at halos namamatay na dahil hindi ito nabibigyan

ng pansin. Nararapat nating ingatan at pahalagahan ang yamang

ito ng lahing Pilipino, sapagkat malaki ang maitutulong nito sa

mga kabataang nag-aaral ngayon. Maaari itong gamitin sa

pagtuturo ng Mother Tounge Based Education.

Bilang pagpapahalaga sa mga Alamat ng Sama, Layunin

ng pag-aaral na ito na makalap ang mga alamat ng Sama sa

Barangay Tinoto, Maasim, Sarangani Province upang ipagpatuloy

ang panitikan at kulturang halos hindi na alam ng bagong

henerasyon.

Paglalahad ng Suliranin

Layunin ng pag-aaral na ito na makalap ang mga alamat ng

tribong Sama sa Barangay Tinoto, Maasim, Sarangani Province at

para mapagtagumpayan ang pag aaral na ito narito ang mga

suliraning itinakda ng mananaliksik nais masagutan:

1. Makalap at maisalin sa wikang Filipino ang mga alamat ng mga

Sama sa Barangay Tinoto, Maasim, Sarangani Province.


2. Masuri at maisakategorya ang mga alamat ng tribong Sama.

3. Matukoy ang kulturang meron sa mga alamat ng Sama.

a. Kulturang Material

b. Kulturang Di-material

4. Tukuyin ang mga teoryang napapaloob sa mga alamat na ito.

a) Teoryang Ekokritisismo

b) Teoryang Kultural

Saklaw at Limitasyon

Ang saklaw at limitasyon ng pananaliksik na ito, ang

pangangalap ng mga alamat ng mga Sama at maisalin sa wikang

Filipino at matukoy ang kulturang material at Di-material na

nakapaloob sa mga alamat ng Tribong Sama pati narin ang

teoryang gagamitin sa pagsusuri ng mga alamat. Upang sa

ganitong paraan mapapanatili ang mga alamat sa sususnod pang

henerasyon.

Gagawin ang pangangalap ng datos sa pamamagitan ng

pakikipagpanayam sa mga matatandang Sama na nasa animnapu

(60) pataas na taong gulang at may sapat na kaalaman sa mga

alamat ng tribong Sama sa Barangay Tinoto, Maasim, Sarangani

Province.

Kahalagahan ng Pag-aaral
Mahalaga ang pag-aaral na ito sa mga tribong Sama upang

mapagpatuloy ang yaman ng kanilang lahi at malaman ng bagong

henerasyon ang kanilang panitikan (alamat) Mahalaga ito upang

hindi tuluyang mabaon sa limot at mawalan ng saysay ang

panitikan ng tribong Sama.

Mahalaga rin ito sa mga guro sapagkat ang alamat ng

tribong Sama ay maaaring gamitin bilang kagamitan

pampagtuturo ng Mother Tounge-Based Education na ngayo’y

itinuturo sa kinder garten at elementarya. Mas makakatulong ito

sa mga gurong kabilang sa tribong Sama upang mapadali ang

pagtuturo nila sa mga batang Sama.

Mahalaga rin ito sa mga mambabasa upang madagdagan

ang kanilang kaalaman sa tribong Sama at malaman ang mga

kulturang meron sila upang higit na maintindihan ang lahing ito.

At upang mapukaw ang damdamin ng mambabasa tungo sa

pagkakaunawaan ng iba pang tribo.

Mahalaga ito sa mga mag-aaral upang malaman nila ng mga

alamat ng tribong Sama at maunawaan ang kultura at panitikan ng

tribong ito. Nagbibigay din ito ng kaalaman tungkol sa pagiging

malikhain ng tribong Sama na dati palang sa mga ninuno ng mga

Sama.
At para naman sa mananaliksik mahalaga ang pag-aaral na

ito uapang maradagan ang kaalaman at mas maunawaan ang

kulturan ng kanyang sariling tribo, sapagkat nais din ng

mananaliksik na ipakilala ang kanilang sariling alamat. Mahalaga

ito upang mas lalo pa niyang makilala, pahalagahan at ipagmalaki

ang sariling kultura at panitikan. Sa pananaliksik na ito mahahasa

ang pag-iisip at kasanayan ng mananaliksik at mas matutong

makisalamuha sa lipunang kinabibilangan at makatulong bilang

paghahanda sa pagiging guro sa hinharap.

Katuturan ng mga Termino

Sa bahaging ito binibigyan ng katuturan ang mga terminolohiya

upang mas lalong maintindihan ang pag-aaral na ito. Ang mga

sumusunod na termino ay nakabase sa pag-aaral na ito:

Alamat .Ayon kina Matute et, al (1981) “Ang alamat ay

kuwentong pasalin-salin bibig ng mga taong-bayan, at karaniwang

pinagmulan ng mga bagay-bagay, ito ang karaniwan ng kasagutan

sa mga kababalaghan o mga pangyayaring may kaugnayan sa

kalikasan na hindi maipaliwanag ng agham.”

Ang alamat ng tribong Sama sa Barangay Tinoto, Maasim,

Sarangani Province ang tinutukoy sa pag-aaral na ito.


Sama o Tribong Sama .Isa sa apat na grupong etniko na nasa

archipelago ng Sulo. Ang salitang “Sama” ay maaari raw na

nagmula sa salitang (Togetherness) o sama-sama, ang wikang

gamit nila ay Siama o sinama.

Ang pag aaral na ito ay tumutukoy sa mga Sama at sa mga

kulturang meron sila.


Bibliyograpiya:

Charles Walton (1996) Sama Verbal, Semantic, Classification,

Divertion, Inflection.

Eriberto R. Astorga, Jr., Ph. D, Dr Baby lyn J. et al (2013)

Pagbasa pagsulat at pananaliksik(Filipino2) 61 Muralla Street,

Intramuros, Manila.MIND SHAPERS CO.,INC.

Rodrego S. Gabriel (2015) “WIKA KO SA SINING NG

KOMUNIKASYON SA KOLEHIYO” (unang edisyon,

Mindanao State University Marawi city, Ivory Printing and

House.
KABANATA II

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga kaugnay na

literatura at ang pag-aaral ay nakabase sa mga babasahin, aklat,

internet, at journal kung saan ito ay naglalaman ng

imporrmasyong kinalap ng mananaliksik upang magkaroon ng

mabuting pananaw sa suliranin ng pag-aaral na ito.

Kaugnay na Literatura

Ayon ka Seuco et al. (1997) ang panitikan ay kasasalaminan

ng kultura ng isang lahi sa pamamagitan nito ay mababatid ang

pamumuhay, pamahalaan, kaugalian, paniniwala, pamahiin at

pananampalataya ng mga mamayan.

Isang mahalagang batayan ang uri ng panitikan na binibigyan

interpretasyon sa pag-aaral tungkol sa tribong sama upang

malamn at maunawaan ang kulturang mero ang mga Sama.

Masasalamin sa mga alamat ng tribong Sama ang pamumuhay,

kaugalian, pagpapahalaga at kultura.

Sa mga tatalakaying alamat ay susuriin sinosuportahan nito

ang sinabi ni Rixhon (1967) na nagpapahayag ng mga Sama ng

sarili ayon sa pamamagitan ng diskusyong berbal.


Nangangahulugang din ito na sa pamamagitan ng panitikan

naihahayag nila ang mga saloobin ng walang nasasaktan na tao o

kapwa. Nagiging daan ang panitikan sa pagpapahayag ng mga

sama ng kanilang mga saloobin na kakikitaan ng mga gawi, ideya,

at karanasan na siyang ginagamit sa mga alamat at iba pang

panitikan.

Hindi madali ang paggawa ng isang katha sapagkat

kinakailangan nito ng sining at pagpapahalaga. Binibigyan ito ng

oras, talent at malawakang pag-iisip. Kakikitan ng kasinigan ang

panitikan dahil sa pagkakaroon nito ng ibat-ibang anyo. Sa mga

akdang patula binibigay diin ang pagpahalaga ng ideya, guni-

guni, iniisip at damdamin sa pamamaraang patula. Nabibilang

naman sa akdang tuluyan ang nobela, maikling kwento,

sanaysay , alamat at iba pa na maaring makatotohanan o kung ang

isip lamang ngunit hindi nawawala ang pagkamalikhain nito.

Ayon naman ka Matute et al. (198:56) “ Ang alamat ay

kwentong pasalin-salin sa bibig ng mga taong bayan, at

karaniwang pinagmulan ng mga bagay-bagay. Ito ang karaniwan

nagn kasaagutan sa mga kababalaghan o pangyayaring may

kaugnayan sa kalikasan na hindi maipaliwang ng karaniwang

taong-bayan na hindi sapat ang kaalaman sa agaham.”

Sinanang ayonan naman ni Rodrigo si Gabriel (2005) sa

kanyang pahayag na “ Ang Alamat buggayon, ay salaysay o


istoryang imbento ng malikhaing mga ninuno natinng nais

ipaliwanag ang mga bagay-bagay at ang bunga’y nakabuo ng

kawili-wili’t magagandang kwentong ipinamana sa atin.

Ang mga Alamt ay mga kwentong salamin sa mga tao at

lipunang kanilang kinabibilangan sapgkat sa kanila mismo ito

nagmula. Ang mga ito ay likhang isip lamang ngunit may

makatotohanang damdamin lumalaganap lamang ito sa

pamamagitan ng oral na pagkukwento ng mga matatanda sa mga

kabataan.

Ang alamat ng tribong sama ay kadalasang binabahagi ng

mga matatanda tuwing kabilugan ng buwan kung saan

napakaliwanag nito at ang mga kabataan ay nagpupunta sa bahay

ng matatanda nagsisiupo sa pantan (parte ng bahay na gawa sa

kawayan na gingawang tambayan sa bahay ng mga sama.

Nasasali narin sa mga ikinukwento ng mga matatanda noong mga

karunungang bayan at mga kwentong bayan. May mga palaro ring

tinatawag na tokod- tokoran o hula –hulaan ng mga tagapakinig

karamihan ditto ay tungkol sa mga isda at taong gumgaganap na

tauhan sa mga pahuhulaan. Noong mga 2015 may iilan nalang

mga matatandang nagkukwento sapagkat ang mga kabataan ay

nahuhumaling na sa makabagonng teknolohiya at hindi na

binibigyan ng pansin ang mga dating laro at pagpapasaya.

Sapagkat ang bawat kabataan ay may sarisarili ng Cellphone.


Ang tunay na nilalarawan ng mga Alamat ang malikhain

guni-guni n gating mga ninuno sapagkat nabibilang sa

kategoryang piksyunal.

Ang tradisyunal na literature ng mga Sama ay binubuo ng

kanilang mga naratibong prosa, kwentong bayan na karaniwang

tinatawag bilang kata – kata, isang termino na karaniwang

tumutukoy sa mga trickster tales na madals sa isang pusung ang

sentrong karakter.

Tulad din ng panitikan, isang mahalagang kasangkapan ang

wika sa pagpapahayag ng damdamin at saloobin maari itong

pasulat o pasalita. Pangunahing instrument ng wika sa pagsusulat

o paggawa ng katha ito ay kinakailngan sa pagpapanatili sa

panitikan kung saan maaring isulat ang malikhaing kuwento at

ipamahagi sa iba. Maaari rin naman sa pasalin-dila ngunit

maaaring ang ilan ay naiiba na. Sapagkat hindi nailimbag ay

maari itong mawala o makalimutan bunga narin ng patuloy na

pag-usad ng panahon.

Ayon kay Holmes(1993:255) sa aklat ni santos et.al 2012

ang pagdulog na converjence o pakikihalobilo ay isang taktika ng

pagiging magalang sa kausap. Nagaganap ito kung nagkakasundo

ang nag-uusap o kung nagsasalita ay may nais na pabor sa

kinakausap. Maraming paraan para maakomodeyt ang pagsasalita


ng iba tulad ng paggaya sa bilis ng pagsasalita, sa haba at iksi ng

pagbigkas, sad alas ng paghinto, sa paggamit ng mga rejister at sa

intonasyon at iba pa.

Sa pag-aaral na ito, malaki ang kapakinabangan ng pagdulog

converjence sa pangangalap ng datos. Mahalaga ito uang

magkaroon ng kalagayang loob ang sino mang mananaliksik sa

kanyang mga impormante at respondent. Saganitong

pamamaraan, madaling makalap ang mga datos at makiisa sa

komunudad o grupo ng taong kakausapin o kapapanayamin.

Kaugnay na pag-aaral

Ayon kay Flores et. al.(1976) Kabilang sa kuwentong-bayan

ang mitolohiya, alamat, pabula at mga kuwentong kabayanihan.

Kayat kaugnay nito ang ilan pang mga pag-aaral ukol sa

mga kuwentong bayan.

Ayon sa pag-aaral ni Sahida(2016) Napag-alaman ng

kanyang pananaliksik na kakaunti nalang ang mga kuwentong

bayan sa Barangay Tinoto, Maasim, Sarangani Provice sapagkat

sa patuloy na pagdaloy ng panahin umuunlad ang teknolohiya at

ang mga kuwentomn bayan kung saan napapaloob ang mga

alamat at halos mawala at maglaho na kasunod narin ng

pagkamatay ng mga matatandang Sama. Hindi na ito


napapalaganap at ang tanging nakakaalam sa yaman ng panitikang

ito ay ang tanging mga matatanda nalamang. Dahil ang mga

kabataan ay nakatangkilik na lamang sa teknolohiya ng

makabagong panahon.

Pagsipat sa Panitikan

Ang panitikan ay isang sining sa maayos at makahulugang

pagpapahayag ng damdamin ng tao, pasalita o pasulat hingil sa

bagay-bagay na may kaugnayan sa kanyang sarili o sa

pakikitungo niya sa kapwa.(Resurreccion. 2005)

Sa larangang ng sining, ito’y may tiyak na kabuluhan. Ang

panitikan ay matapat sa muling paglikha ng buhay sa isang

masining na paraan. Ito ay pag-aayos ng payak ngunit

makahulugang karanasan ng tao na hinabi ng pamaraang ninais ng

maykatha. Ang tunay na kabuluhan ng panitikan ay matatagpuan

sa katotohanang ito’y nauukol sa niloloob at sa mga edeya at sa

mga damdaminng mga tao. Ang mataos na pag-ibig, lungkot,

galit, saya, inggit, higanti, paghanga, pagdamay, lakas at

kahinaan- ang lahat ng ito’y naipadarama sa pamamagitan ng

panitik at sa gayo’y nasisiwalat ng manunulat ang kanyang

kaisipan at saloobin tungkol sa buhay. Dagdag pa nito.

Ang alamat ay isang panitikan na nabibilang sa kuwentong-

bayan kung saan nagiging daan upang maipahayag ang mga


kaisipan at saloobin tungkol sa mga bagay-bagay. Na siyang

kakikitaan ng kultura ng isang tribo.

Kaligirang Kasaysayan ng mga Sama

Ang tribong Sama ay matatagpuan sa isa sa labing-anim

(16) na barangay ng Tinoto Maasim , Sarangani Province. Ayon

sa barangay Tinoto Profile, ang pook na ito ay may kabuuang

sukat na 3,873 na hektarya. Opisyal itong ideneklara bilang isa sa

mga barangay ng munisipalidad ng Maasim noong 1991 sa bias

ng Sangguniang Bayan Resolusyon No. 38 at ng Sangguniang

Panlalawigan Resolusyon No. 191. May kabuuang populasyong

ito na 5,058 ayon sa 2006 census ng barangay at mayroong 1,064

na pamilya na nahahati sa mga purok meron dito. Ang kalahatang

populasyon ng lugar na ito ay kinabibilangan ng ibat-ibang mga

etnikong grupo. Ito ay ang mga sumusunod na naayon narin sa

kanilang mga populasyon; Maguindanaon, Cebuano, Blaan,

Tausog, at ang Sama.Ngunit karamihan sa mga tribong ito ay

Illongo at Boholano ang mga tribong Sama. Ngunit ang

karamihan sa barangay ay ang mga Sama na nagmula pa sa Sulu

archiepelago.

Ayon kay Halilulla (2011) tungkol sa kasaysyan at

pinagmulan ng mga sama sa Barangay Tinoto, Maasim Sarangani


Provonce, natuklasan niya na ang mga Sama sa lugar na ito ay

ang mga Sama na nagmula o nanggaling sa Musu kabingaan at

Manubul na kapwa matatagpuan sa mga isla na sulu.

“The Sama (spoehr’s Samals), during the visit of Dampier

on January 12, 1687,(Dampier, W.1906: 379-380) did not have

inhabitants near the foot. According to spoerhr’s analysis, the

Sama have resettled in another location and were firmly converted

to Islam.”

Ang mga Sama noong pagbisita ng Dampier taon Hunyo 12,

1687, wala pala masyadong kinabubuhay. Ayon sa pag-aaral ni

Spoerhr’s ang mga sama ay naghahanap ng bagong lugar para

magsimulang mamuhay at pagbalik Islam.

“Since 1850, the Sama people left their native island to find

another places where they were able to recover their strength.

Most of them went to Basilan and Zamboanga, and somewhere in

Mindanao.While the few of them further northeast route of

migration back to Umaral Island in East Borneo.”

Noong 1850 ang ilang mga Sama ay umalis at naghanap ng

bagong pamalagian o matitirhan na naangkop sa kanila upang

maghanap buhay at makapagsimula ng bago. Karamihan sa kanila

ay nagtungo s Basilan at Zamboanga, at iba pang lugar na bahagi


ng Mindanao ngunit ang ilan naman ay mas gusting manirahan sa

Isla ng Umaral sa Timog Borneo.

Pamahalaan

Ang Sulu ang kauna-unahang komunidad ng mga Muslim sa

Mindanao na nagtatag ng sentralisadong pamahalaan.Si Hashim

Salamat ang nagtatag ng kauna-unahang sultanato ng

Mindanao,ang pagtatag ng Sultanato ay nag-udyok sa mga

etnikong grupo na yakapin ang relihiyong Islam.Naging malakas

ang pamahaalaang Sultanato sa kapangyarihan,hawak nito ang

buong peninsula ng Zamboanga,Basilan,Sulu,Tawi-

tawi,Palawan,Sabah,Maguindanao at Buayan.Mayroon din silang

ugnayan sa mga dayuhan. (Pahuwaran.com)

Ekonomiya

Ayon kay Rixhon (2005).“The Sama is a sea- oriented people

who live of the products of the sea and trade of sea food,

particularly dried fish. They dentify themselves with the island

they live.”

Ang mga Sama ay karaniwang nakatira sa tabing dagat at

maraming kaalaman tungkol sa dagat at lamang dagat. Dahil narin

sa ang kanilang pangunahing pamumuhay ay sa ilalim ng dagat.

Para sa mga Sama ang dagat ay buhay sapagkat ito ang

nagbibigay buhay sa kanila.Gumagawa din sila ng mga produkto


na galing sa dagat tulad ng mga tuyo at daing. Kinikilala nila ang

kanilang sarili bilang isla kung saan sila namumuhay.

Ilang komunidad ng mga Sama ay nakilala dahil sa kanilang

particular na aktibidad sa ekonomiya

Kultura

Ang mga Sama sa Barangay Tinoto, Maasim Saranggani

Province ay nagmula pa sa Sulu at nagtungo sa barangay na ito at

nanirahan na sa nasabing pook ngunit hindi naiwan ng mga sama

sa kanilang pinagmulan ang kanilang kultura at

tradisyon.Nagpatuloy ang mga paniniwala at ang mga ritwal na

selebrasyon sa Barangay Tinoto at patuloy na pag-uunlad.

Ayon kay Lucero (sa kanyang aklat na sama ) ang

paniniwalang panrelihiyon ng mga samal ay maillarawan bilang

“katutubong islam” (folk islam) sapagkat ito ay pinaghaong

naniniwalan islam at katutubo.

Sa paglalayaw ito ipinapahayag na ang mga Sama sa

Barangay Tinoto, Maasim Sarangani Province ay hitik sa kanilang

paniniwala sa mga tradisyon, ritwal at paniniwala sa mga espirito.

Ngunit hindi parin mawawala ang kailang pagsamba at

paniniwala sa kabutihan ngkanilang panginoong Allah.

Dagdag pa ni Docummun (1962:100) para sa mga Sama

makikita ang kabutihan sa Tuhan o Diyos ( Allahu Taala ) at ang

kasamaan naman ay ginagawa at ipinapalaganap ng saytan o


saitan. Hango ang mga katawagang ito sa Arabic. Mas

makapangyarihan ang Qur-an kaysa sa Saytan. Pinaniniwalang

ang saytan an gang naghahatid ng sakit at kamatayan kapag hindi

na nalalaman at natutuklasan ng panday (midwife) at nangubat

(tagagamot ) ang dahilan ng pagkamatay ng isang tao, ito raw ay

dahil kinain ng ng saytan ang isa sa lamang loob na tao.

Para itaboy ang saytan, kinakiailangang mag-alay ng mga

tao ng dasal, pagkain o masuot ng anting-anting. Minsan ay

ginagamit din ng saytan ang ispirito ng mga namayapang kamag-

anak ng namatay na nangangailangan ng atensyon mula sa mga

nabubuhay sa pamamgitan ng pagkakasakit ng miyembro ng

pamilya. Tinatawag itong ding jinn o jinn ang saytan.

Dagdag pa ni Rixhon (1996) ang saytan ay tumutukoy sa

ibat-ibang ispiritu sa kapaligiran na maaring nakatira sa mga bato

at puno. Kapa ang isang buntis ay nakuhaan ito ay dahil sa

komeng (dugo ng buntis na babae) ito ay sa katauhan ng isang

lalake na nagpapakita sa buntis at nakikipagtalik itonsakanya.

Ang halbalan naman ay isang lumilipad na ibon (aswang) na

naghahanap ng mabibiktima tuwing kabilugan ng buwan.

Habang ang Panggua naman ay tumutukoy sa “ispiritu”

ng mga patay na hindi nailibing ng maayos o hindi naging maayos

ang pagkasauli o malagim ang sinapit. Maari din naman naming


ayaw patahimikin ang kanyang kaluluwa ng kanyang sarili sa mga

masasamang ginawa nang siya ay nabubuhay pa. At para naman

sa mga taong matagal na nagkakalagnat na ipagaagamot sa

mangagamot maaring ito ay dahil sa paglalaro ng espiritu kung

kaya’t nariyan ang isang basong tubig na ginagawan ng ritwal ng

manggagamot upang ipainom sa may sakit. Kadalsan na sinasabi

ng mga matanadang manggagamot ang pagpauwi sa mga espiritu

sa mga puno at sa mga bato. Binabanggit ng manggagamot kung

saan man nanggagaling ang espiritu ay magbalik na siya sapagkat

hindi siya maaring manatili at magpasakit sa mga tao. Kung

minsa naman pagkatapos magpagamot hindi parin naalis o

gumagaling ang may sakit kinakailangan na nitong maghanda ng

duwa para sa mga namatay na kamag-anak na maaring nagalit

dahil hindi na sila naaalala ng kanilang pamilya. Maghahanda ng

mga Dulang (mga pagkain dadalhin sa imam at gagwan ng dasal

upang hindi na magalit ang mga kaluluwang namatay na.

Naniniwala rin sila na kailang magduwaa (pagpapasalamat) pag

may grasyang dumating sa buhay ng isang pamilya.

May iba ring seremonya at selebrasyon na ginagawa ang

mga Sama. Ilan sa mga ito ay pagdaral tuwing araw ng biyernes

sa mosque, ang pag-aayuno, Hari Raya Hadji, Mailod

(Pagdiriwang ng kapanganakan ng Propheta Mohammad

Salallaho Alayhi Wasalam, at ang tulak balat , isang ritwal ng


sama-samang paglilinis ng masamang espiritu sa katawan sa

pamamagitan ng sabay-sabay na pagligo sa dagat o pagtipon-

tipon ng tribong sama sa dagat at sabay-sabay na patatalsikin ng

tubig ng mga imam. (www.everyculture.com)

Tribong Sama

Ayon kay Den (2013), ang mga Sama ay isa sa tatlong

grupong etniko na nasa arkipelagong Sulu. Ang salitang “Sama”

ay nagmula sa salitang “Sama-sama” o togertherness. Ang wikang

gamit nila ay sinama na tinatawag ring Bahasa Sama, Bisara

Sinama, at Pamong Sinama (Salatang Sama).

Ang tribong Sama karaniwang matatagpuan sa mga Isla ng

Sulu kasama na ang iba pang etnikong grupong naninirahan dito

tulad ng Tausog at Badjao. Inilalarawan din ng manaliksik na si

Rixhon (1967) ang mga Sama ng Isla ng Sulu at ayon pa sa kanya

ang Sama ay:

“Sama is derivative of the meaning togetherness. Hence, the

171,065 Sama may be described as a cohesive and peace living

people. They express themselves through verbal discussion

through physical violence.”

Ang salitang Sama ay nagmula o nangangahulagang “Sama-

sama”o magkakasama. Ang 171,065 ama ay maaring ilarawan o

ipakilalabilang mapayapa at tahimik na namumuhay. Ipinapakita


nila sa pamamagitan ng pag-uusap o pagsasalita at hindi sa pisikal

na pananakit.

Ayon kay Rixhon (2005).

“The Sama is a sea- oriented people who live of the products of

the sea and trade of sea food, particularly dried fish. They

dentifythemselves with the island they live.”

Ang mga Sama ay karaniwang nakatira sa tabing dagat at

maraming kaalaman tungkol sa dagat at lamang dagat. Dahil narin

sa ang kanilang pangunahing pamumuhay ay sa ilalim ng dagat.

Para sa mga Sama ang dagat ay buhay sapagkat ito ang

nagbibigay buhay sa kanila.Gumagawa din sila ng mga produkto

na galing sa dagat tulad ng mga tuyo at daing. Kinikilala nila ang

kanilang sarili bilang isla kung saan sila namumuhay.

Ilang komunidad ng mga Sama ay nakilala dahil sa kanilang

particular na aktibidad sa ekonomiya. Halimbawa nalang nito ay

ang mga Sama Simunal ay kilala sa kanilang paggawa ng

buras(rattan mat with paited design) at paggawa ng paso; ang mga

Samal Si Butu ay kilala sa kanilang paggawa ng Bangka at pang-

uukit sa kahoy; Samal Balimbing na kilalasa kanilang paggawa ng

tuyo; Samal Tapul para sa pagtatanim ng atis at mandarin

oranges, Samal Laminusa, para sa kanilang paghahabi ng te po o

banig, bag, at pagsisid ng perlas; at ang mga Samal Manubul para

sa kanilang pangingisda(Lucero, sa aklat na Samal).


Dahil nga sa magkakaibang mga lokasyon ng mga Sama

kaya’t magkakaiba ang kanilang mga gawain at mga nagagawang

hanap-buhay may mga ilang Sama na napunta ng bundok na

natutong at nagging hanap-buhay ang agrikultura.

Ang ilan naman ay nanatili sa tabing dagat at patuloy na

namumuhay sa buhay dagat at dahil narn sa kanilang talent ay

nakagawa ng mga Bangka at mga sasakyang pandagat.

Inilahad naman ni Sixto sa kanyang aklat na The Sulu

Archipelago and its people ng 1905. “The people of Sulu

Province number over 170,000 rought grouped as sulus and

samals. The dominating and most advanced people are the Sulu’s

or Tausug “people of the current”. (The currents between the

island of archipelago are particularly strong ) they act number all

the rest, and it is with them. That we are most concerned. The

Sulu’s, or Tau-sug live mainly on the island of Jolo, Pata, Lugus

and Tapul. They are subdivided into two groups:

a) The parianon, “People of the Landing”, who lives on the near the

seashore.

b) The Guinbalanon, the “Hill people”, who lives in the interiors.

Sa pagkakataong ito sinabi ni Sixto sa kanyang aklat na ang

mga tao sa Sulu ay marami. At binubuo ng mga grupo ng mga

Samal na siyang dominante sa mga Tau-sug na matatagpuan sa


parte ng Sulu. Ito ay nahahati sa dalawang pangkat ang Pariano

na nakatira malapit sa Dalampasigan at ang Guinbalanon na

tinaguriang tao sa bundok.

Pagdaragdag pa ng sinabi ni Sixto 1905, “The Samal’s are

also subdivided as follows:

a) The Samal lipid, who live near the seashore they are found on the

coast of the Samales group, and on Parang, Siasi, Laminusa,

Sibaud, Musu, Manubal, Sipababag, Pakia, South Ubian,

Tamdabus, and other Island south of Siasi. They used to be

formidable pirates, and they still do most of the smuggling in

Sulu. Their main occupations are fishing and trading. Afew have

recently taken to agriculture. They are the highest class of Samals

and have intermarried with sulus a great deal. Some of their

houses, particularly in South Ubian, are of strong materials and

fairly well built. A kind of brindge often extends from the house

of a landing place built in the water

b) Samal Talons, who live ashore and in the interior. These rank

next to the Samal Lipid. They have many characteristics in

common with the Tau-sug (Sulus) but speak the Samal dialect.

Their main occupation is agriculture. They are found in the

interior of Siasi, Lapak, and other southern Island of Sulu.

Sa pag-uuring ito ni Sixto nalaman ang uri ng mga Samal

at kung saan sila matatagpuan o naninirahan. Inilahad naman ni


Kurais (1979) sa aklat na Papers in Mindanao Ethnography ang

isa pang paghahati ng mga ibat-ibang katawagan ng tribong sama

narito ang mga sumusunod: The Sama Talon known as the

“people sub-groups of sama are nearly”.The Sama Delaut known

as the “People of the forest”, the sama mapun or sama mapez

“people of the sea”, the sama paglahat Bangui-ngui , and the sama

Tawi- tawi.

Kapansing-pansin na ang mga sama at ang paghahati nito

ng kinaroroonan o lugar ay naayon narin sa kanilang

tinitirhan.Halimbawa na rito ang “Sama Dilaut” ang Dilaut ay

Dagat. Sama Dilaut o taong Dagat nakatira kaya ito ang tawag sa

kanila. Ang ideyang tungkol sa pagkakaugnay ng pangalan sa

kanilang pook ay pinagtibay na pahayag ni Orasa (1923). Ngunit

sa aklat naman ng Papers in Mindanao Ethnography siries of 1979

Data Paper no. 2 Ethnography ng Mindanao State University,

Marawi City. Inilahad dito na ang mga “Samal” ay isang termino

na maling ginagamit na katawagan para sa mga tribong Sama.

Sapagkat ang “Samal” ay nangangahulugang “marumi”. Ang mga

Sama ay tumututol sa pagtawag ng Samal sa kanila na naka-

sanayan nan g matagal na panahon sa literature tungkol sa tribong

sama.

Narito ang pahayag, “Samal is a term wrongly used to

denote the person. The term “Samal” means dirty. The Sama do
not want this name “Samal” which has been used for a long time

in the the literatures about the Sama Groups. The Sama is

unhappy about this corrupted term.”

Dahil sa pahayag na ito, “Each Sama sub-groups is

identified geographically according to the name of their coatal

settlements, such as Sama Siasi, Sama Sibatu, Sama Tawi-tawi,

and Sama Ubian. Each of them has different ancestral

background, outlooks in life, economic life ways and types of

social groups.”

Dahil ditto kapansin-pansing na ang mga katawagan ng

mga Sama ay naayon sa lugar kung saan sila naninirahan.Buod sa

Sulu Archipelago may mga Sama ring matatagpuan sa iba pang

karatig lugar, narito ang pahayag ni Molony (1927; Aklat ni

Rixhon 1973) ang iba pang lugar na matatagpuan ng tribong Sama

ay ang sumusunod na pahayag.

“Aside from those in Sulu Archipelago, sanalan speaking

people ar also found in Southern Mindanao, Eastern Sulawesi,

Northern Borneoand Northern Moluccas.

Diskusyon ng konsepto

Ang bawat tao ay mayroong sari-sariling pagkakahulugan sa

Pagpapahalaga. Ang bawal indibidwal ay may ibat-ibang pananaw ukol sa


pagpapahalaga, maaaring para sa pananaw ng ilan pera ang pagpapahala at

para naman sa iba pag-ibig ang pagpapahalaga kung saan ang mga

minamahal ay binibigyang halaga. Ang iilan namay pagpapahalaga sa sarili

ang iniisip. Ngunit kung ang mga magulang ang tatanungin para sa kanila

ang makabubuti at kinabukasan ng kanilang mga anak ang pinaka

mahalaga. Mahalaga para sa mga magulang ang mga anak sa pagkat

itinuturing nila itong yaman. Tulad ng mga magulang ang alamat ay

itinuturing na yaman ng panitikan ng isang tribo. Kailangan itong

pahalagahan nang sa gayoy hindi mawala saa kanila at sa darating na

panohon ay patuloy itong mabubuhay na magpapasaya sa mga tao o sa mga

mambabasa.

Ayon kay Max Scheler(1994) ang pagpapahalaga ay obheto galing

sa entensyonal na damdamin. Mauunawaan natin ang pagpapahalaga sa

pamamagitan ng pagdamadito.Hindi ito naghihintay ng katwiran upang

lumitaw sa ating buhay. Ang pagpapahalaga ay hindi iniisip; ito ay

dinaramdam. Hindi ito obheto ng isip kundi obheto ng puso. An gating isip

ay bulag sa pagpapahalaga; tulad n gating mga mata na bingi sa ingay n

gating tainga na bulag sa kulay. Ngunit hindi ito nangangahulugan na hindi

natin mapag-iisipan ang halaga. Kapag ito ay pinag-iisipan ng mabuti, hindi

na ito pagpapahalaga bilang pagpapahalaga kundi ang konsepto na ng

pagpapahalaga. Sinabi ni Scheler na ang pagpapahalaga ang nagbibigay ng

kabuluhan o kalidad sa buhay ng tao.


Batayang Teoritikal

Ang mananaliksik ay naglalayong matuklasan ang mga

teoryang gagamitin sa pag-aaral na ito upang mas lalong mapabuti

at maging malinaw ang pagsusuri sa mga Alamat ng Triong

Sama.

Sa pag-aaral na ito mahalaga ang pagtukoy ng

mananaliksik sa kultura ng tribong pag-aaralan at pagtukoy sa

magagandang panitikan ng tribu nang sa gayon manatili itong

buhay at maunawaan ng mambabasa. Gagamit ang mananaliksik

ng mga teoryang angkop sa pag-aaral na ito.

Pagdulog Kultural – Ito ay nagpapakita ng mga pang araw-araw

na Gawain kung saan nagiging kaugalian nang mga tao. Isang asal

limot ng kabuuan ng mga tao sa isang lipunan na nagtataglay ng

kanilang kaalama, paniniwala, sining kagandahang-asal, batas, o

ano mang kakayahang na nakakakuha ng isang tao sa kanyang

paligid.(Ramos, 2012)

Sa pag-aaral na ito natutukoy ng mananaliksik ang

naiiba, at kagandahan ng kultura meron ang tribong Sama. Ang

mga alamat ng Sama ay kakikitaan ng mga kultura bagamat hindi

na alam ng mga kabataan ngayon ay nariyan parin.

Pagdulog Ekokritisimo – Ang ekokritisismo ayon kay Santos ay “pag-

aaral ng ugnayan ng literatura at pisikal na kapaligiran na tumututok sa

daigdig at hindi sa tao o lipunan lamang.


Batayang Konseptwal

Ang bahaging ito ay naglalaman ng dayagram ng

pananaliksik upang madaling maunawaan ang kabuuang daloy ng

pag-aaral. Pinapakita dito ang kabuuang pagpapaliwanag ng pag-

aaral tungkol sa Alamat ng mga Sama sa Brgy. Tinoto, Maasim ,

Sarangani Province.

Alamat ng mga Sama

Sa Brgy. Tinoto, Maasim,


Sarangani Province

Pagsasakategorya ayon sa

Paksa ng mga alamat

Kultura

Materyal at Di-materyal

Konsepto

ng Pagpapahalaga
Figyur 1. Iskema o Paraym ng pananaliksik

Sa kabuuang batayang teoritikal ng mananaliksik, nkabuo ito ng

konseptwal na balangkas sa pagpapaliwanag ngbuong pag-aaral.

Ang unang kahon namakikita sa itaas na bahagi ng papel ay ang

paksang pag-aaralan ng ilang mga Alamat ng Sama sa Barangay Tinoto,

Maasim, Sarangani Province.

Ang ikalawang kahon naman ay ang pakakategorya sa mga alamat

ayon sa paksa ng bawat alamat at kung saan tutukuyin dito kung saan ito

nabibilang.

Sa ikatlong kahon naman kung saan nakalagay ang kultura ay

susuriin sa mga alamat na nakalap ang mga kulturang napapaloob dito sa

pag-uuri kung ito bay Kulturang Materyal at kulturang Di-materyal.

Malalaman sa ikatlong kahon kung ano ang mga kulturang meron ang mga

Sama sa kanilang mga alamat.

Habang sa ika-apat na kahon o ang panghuling kahon dito susuriin

ang konseptong pagpapahalaga sa mga alamat ng mga Sama. Tatalakayin

ang mga konsepto ng pagpapahala sa mga alamat ng tribung Sama.

Daloy ng Pag-aaral

Sa bahaging ito ipapamalas ng mananaliksik ang daloy o

pagkakasunod-sunod ng pag-aaral sa kanyang paksa. Sa pamamagitan ng

Dayagram na matutunghayan sa ibaba.


“Mga Alamat ng mga Sama”

Ito ang paksa na gagawan ng pag-aaral ng


mananaliksik.

Tutungo ang mananaliksik sa Barangay


Tinoto, Maasim , Sarangani Province. Upang
mangalap ng datos sa kanyang pag-aaral

Makikipagpanayam ang mananaliksik sa mga


matatanda na may kaalaman sa mga alamat ng
Sama sa naturang pook.

Ang mga alamat na nakalap ay isasalin sa


wikang Filipino at susuriin upang lubos itong
maunawaan.

Tutungo ang mananaliksik sa kanyang advicer


upang magpatulong sa pag-aayos ng kanyang
papel at malaman kung ano pa ang dapat
pagbutin dito.
Bibliyograpiya:

Mga Aklat:

Charles Walton (1906 ) Sama Verbal Semantics,classification,

Devertion, inflection.

Eriberto R. Astorga, Jr., Ph. D, Dr Baby lyn J. et al(2013) Pagbasa

pagsulat at pananaliksik(Filipino 2) 61 Muralla Street,

Intramuros, Manila.MIND SHAPERS CO.,INC.

Resurreccion Dinglasan Ph.D. et.al (2005) “Kritisismong

Pampanitikan at mga Piling kuwento ni Paciano B.P. Pineda” P.

Florentino Sta.Mesa Heights, Lungsod ng Quezon.Rex Printing

Company Inc.

Rodrego S. Gabriel(2015) “WIKA KO SA SINING NG

KOMUNIKASYON SA KOLEHIYO” (unang edisyon, Mindanao

State University Marawi city, Ivory Printing and House.

Sixto Y. Orosa.M.D (1905) “THE SULU ARCHIEPELAGO

AND ITS PEOPLE” Newyork 2126 Praerie Avenue, Chicago.

Worldbookcompany.

Sauco, Consolacion P. et al.(1997)”PanitikangFilipino

(pandalubhasa)” Quezon City, Katha publishing co.Inc

-1979 Papers of Mindanao Ethnograph( an occasional) Mindanao

State University, Publication of University Research Center of

Mindanao.
Twila Gaelan Punsalan(1997)Edukasyon sa Pagpapahalaga I.

Yaman ng pagkatao. 856 Nicanor, Reyes Sr. St.CM Recto

Avenue, Manila Philippines. RexBookstore.

Electronikong Sanggunian:

Wika at panitikan, (http;//siningngpilipinoblogspot.com)

http:.//www.Kauman Sama.internet.Org

Den Panitikan ng arm.(http;//pinoyfolktalesbliogspot.com)

http://www.sulu.com/2015/kauman-tradition-sinama/sama.

Ibrahim, Sahida k(2016) Kuwentong-bayan ng mga Sama,

Mindanao State University.- General Santos City


KABANATA III

Pamamaraan

Sa kabanatang ito ilalahad ang pamamaraang gagamitin

ng mananaliksik upang makalap ang mga datos at mabuo ang pag-

aaral na ito. Naglalaman din ito sa desenyo ng pag-aaral at mga

kagamitang gaganamitin sa pananaliksik.

Desenyo ng pag-aaral

Ang gagawing pag-aaral na ito ay isang uri ng

kwalitatibo na gagamitan ng pamaraang palarawan. Sapagkat

inilalarawan ditto ang kultura ng mga Sama sa mga alamat na

meron sila sa Brgy. Tinoto, Maasim, Sarangani Province.

Pamamaraang Indihinus ang gagamitin sa pakikipagpanayam sa

mga katutubong Sama.Ang gagawing pangangalap ng datos ng

mananaliksik, gagamitan ito ng pakikipagpanayam na

pamamaraan na gagamitan ng kagamitang audio recorder,

cellphone at iba pang kagamitan sa makakatulong sa kanyang

pag-aaral at pagkatapos ay isasalin sa wikang Filipino ng

mananaliksik ang mga alamat ng tribong Sama at susuriin upang

malaman ang kahalagahan ng pag-aaral na ito at matukoy ang

mga kulturang material at di-materyal at ang teoryang gagamitin.


Lokal ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa pamamagitan ng

pakikippakikipagpanayam sa mga matatandang Sama na may edad na

aninnapu(60) pataas na kaslukuyang naninirahan sa Barangay Tinoto, Maasim,

Sarangani Province.

Pangkalahatang pamamaraan

Ang unang gagawin ng mananaliksik sa kanyang pag-aaral ay

makikipagpanayam at kukunin ang mga alamat ng tribong Sama sa Barangay

Tinoto, Maasim, Sarangani Province at isasalin sa wikang Filipino at suriin ang

mga alamat na ito hanggang maintindihan ng mananaliksik ang mga kailangan

malaman sa loob ng alamat ng mga Sama at kung bakit ito ginawa at mas

malaman ang mga katangian ng mga dating ninuno ng tribong Sama. Upang

matukoy din ang mga kulturang napapaloob dito na Materyal at di-materyal at

tatalakayin din ang gagamiting mga teorya. Kung saan ang teoyang Kultural at

Ekokritisismo ang gagamiting pagdulog sa mga alamat.


Bibliyograpiya:

Eriberto R. Astorga, Jr., Ph. D, Dr Baby lyn J. et al(2013) Pagbasa pagsulat at

pananaliksik(Filipino 2) 61 Muralla Street, Intramuros, Manila.MIND SHAPERS

CO.,INC

Resurreccion Dinglasan Ph.D. et.al (2005) “Kritisismong Pampanitikan at mga

Piling kuwento ni Paciano B.P. Pineda” P. Florentino Sta.Mesa Heights, Lungsod

ng Quezon.Rex Printing Company Inc.

Rodrego S. Gabriel(2015)“WIKA KO SA SINING NG

KOMUNIKASYON SA KOLEHIYO” (unang edisyon, Mindanao State

University Marawi city, Ivory Printing and House.

You might also like