Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Panoorin sa Youtube and dokumentaryong “Bayang Uhaw” (i-witness, Mayo 7,2016).

Pagtapos ay ipahayag ang iyong saloobin tungkol sa dokumentaryo.

Sa napanood ko ng dokumentaryong ito ay…


Ang tubig ay mahalaga, kahit ang Pilipinas ay napapalibutan ng mga yamang tubig hindi
ibig sabihin ay wala na tayong problema sa tubig. Sa Brgy.Muti Zamboanga City, ang mga
residente ay kulang sa tubig. Sila ang mga taong hindi kayang bumili ng tubig. Ang ilan sa kanila
ay naghuhukay sa lupa upang gumawa ng balon ngunit tanging bato at lupa ang kanilang
nahuhukay.

A.Tukuyin ang mga pangunahing salik na nagdudulot ng polusyon sa tubig.


1. Langis o “oil spills” na umaagos sa mga industriya at mga sasakyan.
2.Kontaminasyon mula sa dumi ng tao at hayop.
3.Sobrang paggamit ng tubig, malawakang pagsasayang ng tubig lalong lalo na sa mga
kabahayan kung saan hinahayaan lang tumulo o umagos ang gripo.
4.Pagtatapon ng basura o dahil sa El Nino o matinding tagtuyot.
B. Ipaliwanag ang mga suliraning idinudulot ng polusyon sa tubig
1.Maaaring ang mamamayan ay walang magamit upang mapanatili ang pansariling kalinisan.
Dito na magkakaroon ng sakit bunga ng kawalan o kakulangan sa tubig.
2.Dadami ang basura sa paligid. Magkakaroon ng problema sa kalinisan ng paligid.
3. Ang mga solidong basura ay maaaring direktang pumatay sa mga coral.
Ano ang epekto ng mga tumataas na karagatan sa mga suusunod?
Pangangailangan sa espasyo
-Ang tumataas na karagatan sa pangangailangan ng espasyo ay nagdudulot ng mapanganib na
resulta nito sapagkat ang espasyong nakalaan sa mga tao ay masasakop ng tubig at mas lalong
pinapalubog nito ang maraming lugar sa mundo.
Pinsala ng Bagyo
-Magdudulot ng higit na pagkabaha. Lalong titindi ang epekto ng mga bagyo habang tumataas
ang lebel ng karagatan.
Produksyon ng Pagkain
-Magkukulang ang produksyon ng pagkain at higit na malulugi ang ekonomiya. Pumapatay din
ito ng pananim.
Suplay ng Malinis na Tubig
-Inaasahan din na lalong magkukulang ang suplay ng malinis na tubig dahil sa salt water
intrusion. Ang paghalo ng tubigdagat sa tubig-tabang sa ilalim ng lupa.

Isipin na ikaw ay nabubuhay sa taong 2100 kung saan ang malaking bahagi ng mundo ay
lumubog na sa tubig dagat. Isulat sa iyong talaarawn ang karanasan mo maghapon.
-Kung ako ay nabubuhay sa taong 2100 kung saan ang malaking bahagi ng mundo ay lumubog
na sa tubig-dagat, ang karanasan ko maghapon ay hindi masaya sapagkat naiisip mo na kahit
anong oras ay nanganganib ang iyong buhay at hindi mo na masusulit ang mga magagandang
pasyalan na tulad ng nakaraan.
Mababasa sa ibaba ang ilang trivia tungkol sa mga kalamidad. Sagutin ang crossword puzzle sa
tulong ng pananaliksik.

Pahalang:
2. Idinulot ng bagyong ito ang pinakamapamnsalang pag baha sa Pilipinas.
- SENDONG
5. Sa mga lungsod ng Pilipinas, ito ang pinakamapanganib sa kalamidad.
- TUGUEGARAO
6. Itinuturing itong pinakamapaminsalang bagyo sa modernong kasaysayan.
- YOLANDA
7. Episentro ng pinakamalakas na lindol sa kasaysayan ng Pilipinas: Dagat
-SELEBES
Pababa:
1.Ito ang pinakamapaminsalang bulkan sa Pilipinas.
-BULKANG TAAL
2. Ang pinakamapaminsalang landslide sa Pilipinas ay naganap sa lalawigang ito.
-SOUTHERN LEYTE
3. Dito matatagpuan ang pinaka aktibong bulkan sa Pilipinas.
-ALBAY
4.Ito ang nag iisang lalawigan na ligtas mula sa mapaminsalang lindol.
-PALAWAN

You might also like