Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Alamat ng Mansanas

Sa isang bayan ng Antipolo, nakatira ang isang batang palaging nagagalit. Ang pangalan niya ay, Mina.
Kasama niya ang tatay niya na si Mang Alfredo sa isang kubo. Si Mina ay may isang matalik na kaibigan
na ang pangalan ay Maurice.

Isang araw si Mina at si Maurice ay naglalaro ng takbuhan ng biglang nabanga ni Maurice si Mina.
Nagalit si Mina at pinalo si Maurice. Umiyak at umuwi si Maurice. Nakita ni Mang Alfredo si Mina na
pinalo niya si Maurice. Tinawag at pinagalitan siya. Sumigaw at nagalit si Mina sa kaniyang tatay.
Umakyat si Mina sa taas at natulog. Napanaginipan niya na natapakan niya ang isang maliit na buto at
naging kulay pula. Bigla siyang tinawag ng kaniyang ama upang kumain. Natulog nalang si Mina at
binaliwala ang tatay niya. "Gabi na at hindi pa kumakain si Mina." sabi ng tatay. "Hayaan ko na lang siya
magluto," at natulog na si Mang Alfredo.

Makalipas ang ilang minuto, nagutom at lumabas si Mina at tinawag niya ang ama upang magluto.
Gumising si Mang Alfredo at bumaba papunta sa kusina. Sinabi ni Mang Alfredo na inaantok na siya at si
Mina na lang ang mag luto. Nagalit ulit si Mina at naging pula ang mukha. "Mina, kapag ikaw ay palaging
nagagalit ang iyong mukha ay nagiging pula. Sa kalaunan ang iyong buong katawan ay magiging pula na
rin." ang sabi ni Mang Alfredo.

Lumabas si Mina at nagtampo dahil ayaw niya na pinagsasabihan siya. Hindi niya alam na habang
tumatakbo siya ay nakatapak siya ng isang mahiwagang buto. Narinig ng buto ang sinabi ng tatay at
naging isang matamis na prutas si Mina. Ang tawag sa prutas na ito ay mansanas. Galing sa buo niyang
pangalang Mina Sasmundo.

Umaga na at hinahanap ni Mang Alfredo si Mina ng biglang nakita niya ang mansanas. Naalala niya ang
anak dahil sa kulay pula niyang kulay. Kinagatan niya ito at matamis ang loob gaya ng pagmamahal ni
Mina sa tatay niya. Nasaan si Mina? Siya ay nasa isang malayong lugar. Doon niya matututunan ang
pagmamahalan at kasiyahan.

You might also like