Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Pagkilatis sa Dulang Sa Pula at Sa Puti

1. Sa anong aspeto ng dula kung bakit ito kinagigiliwan ng mga tao sa


panahon ng Hapon?
Sa panahon ng Hapon ipinigbabawal ang paggamit ng salitang Ingles kaya mas
lalong kinigigiliwan ang mga dulang pantanghalan dahil sariling wika ang
ginagamit sa dula. Muling sumigla ang mga stage shows, sarsuwela at moro-
moro. Higit na kinagiliwan ng mga tao ang panonood ng stage show sa
pinilakang tabing kundi sa maliliit na tanghalan sa mga bayan. Ito ay dulang
walang tiyak na skrip. Bahala na ang mga artistang magbigay buhay sa
pagtatanghal. Bukod sa mga dulang pantanghalan, kinagigiliwan din ng mga tao
ang pakikinig sa mga dulang panradyo bilang libangan o pampalipas-oras.

2. Gamitin ang simbolismong pagsusuri upang palutangin ang diwa sa


pamagat ng akda.
Sa dulang pamagat ng “Sa Pula sa Puti” maraming nakapaloob ng kaisipan sa
akdang. Tulad ng paniniwala ng mga Pilipino sa swerte na nakakasama minsa,
sapagkat tila tumatakbo na rito ang buhay nila. Karagdagan pa ay ang bisyo sa
sugal na nakakasama rin tulad sa akda na ang sugal ay puno ng
kasinungalingan at pandaraya. Dahil dito ay masasabing wala talagang nanalo
sa sugal. Si Ceiling naman ay nagpatotoo sa kasabihan na “kung hindi mo sila
matalo, subukan mong sa kanila’y makihalo”, sapagkat tumaya rin siya sa
sabong upang maibalik ang kinuha ni Kulas sa kanya. Ngunit tumaya naman siya
sa kalaban ni Kulas. Isang magandang paghahatid ng mensahe na walang
nanalo ng totoo kung nakuha mulang ito sa daya. Ang manok ay sumisimbolo sa
kagustuhan ni Kulas na mapadali ang pagkamit sa mga bagay na nais niyang
makuha. Ito ay nag uudyok sa kanya na magsugal at kumapit sa swerte. Ang
tinola ay sumisimbolo sa tuluyang pagbabago at pagtalikod ni Kulas sa
pagsusugal.

3. Ibigay ang mga katangian ng isang dula na taglay nang dulang Sa Pula sa
Puti.
Ang “Sa Pula, Sa Puti” ay isang sikat na dulang pangkomedya. Ito ay isang dula
na nagmumulat sa atin sa mga isyu ng lipunan. Tulad ng pag-asa sa swerte para
magkapera at ang pagkalulong sa sugal. Isang magandang pagpapakita ng mga
isyu ng lipunan partikular sa ugali ng pag-asa ng karamihan sa swerte.
Napapanahon din ito dahil marami pa rin hanggang ngaun ang lulong sa sugal
ngunit hindi nakikita ang masamang epekto nito. Pagpapakita ng kulturang
Pilipino ay naisulat sa nakakaaliw na paraan. Mula pa lamang ng akda ay
makikita mo ang gusting iparating ng manunulat.Isa rito ang paniniwala ni Kulas
sa swerte dahil mahilig siyang tumaya sa sabong. Maganda rin ang dalow at
pagkakarugtong ng pangayayari sa akda. Hindi mo rin agad-agad malalaman
ang mga mangyayari na magdudulot ng aliw sa pagbabasa nito. Lalo na ang
wakas nito ng natalo silang dalawang mag-asawa sa sabong na simple
nagpapaliwanag na walang magandang naiidulot ang pagsusugal.

You might also like