Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pangalawang Markahan

EPP 4 – Industrial Art


Worksheet No.1

Pangalan:_________________________________Petsa:___________
Pangkat/Baitang:____________________________Iskor:___________

I. LAYUNIN
1.2 Natatalakay ang kaaalaman at kasanayan sa pagsusukat
EPP4IA-0a-1

II. GAWAIN
Sa araling ito, ay inyong matututuhan ang mga paraan na angkop
sa pagsususukat ng isang bagay. Upang maging matagumpay sa
pagsusukat, kailangang gumamit ng mga kasangkapang panukat. Ang
mga kagamitang panukat ay may iba’t ibang gamit. May panukat na
ginagamit sa pagsukat ng kapal, lapad, at haba ng isang table. May
ginagamit sa mga guhit at linya. Mayroon ding ginagamit na panukat sa
kapantayan ng isang table. At may gamit panukat sa arko o digri ng
isang guhit.Ang mga kagamitan sa pagsusukat ay malaking tulong
upang masukat ng maayos ang mga bagay.
May dalawang sistema ng pagsusukat, ito ay ang sistemang ingles
at sistemang metrik. Ang bawat sistema ay may iba’t ibang yunit na
ginagamit. Bawat yunit ng Sistemang Ingles ay may katumbas na sukat
sa Sistemang Metrik. Sa matatanda, nakasanayan na ang paggamit ng
Sistemang Ingles, at sa kasalukuyan ay binibigyangpansin ang
pagsusukat gamit ang sistemang metrik.

Gawain A.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang inyong sagot
sa linya pagkatapos ng tanong.
1. Anong kagamitan ang maaari mong gamitin kung ikaw ay magsusukat
ng tela?
_______________________________________________________
2. Paano mo maisasagawa ang kaligtasan sa pagsusukat ng mga
bagay?
_______________________________________________________
3. Bakit kailangan natin maging maingat sa paggamit ng mga
kagamitan?
_______________________________________________________
4. Anong kagamitan ang karaniwang ginagamit ng mga mag-aaral na
katulad mo sa magdodrowing?

ESVES│EPP4│Q2WS1│mcflores
_______________________________________________________
5. Sa iyong palagay anong kagamitan ang madalas ginagamit ng mga
karpintero sa pagsusukat ng mga makakapal na kahoy?
______________________________________________________

Gawain B.
Magbigay ng limang (5) kagamitan sa pagsusukat na ginagamit sa
kahoy o table. Isulat ito sa patlang.
1. _____________________
2. _____________________
3. _____________________
4. _____________________
5. _____________________

Gawain C.
Gamit ang ruler. Gumawa ng guhit o linya na pahalang sa papel
gamit ang mga sumusunod na sukat.

1. pulgada
2. 1 ½ pulgada
3. 10 milimetro
4. 3 sentimetro
5. 3 ½ pulgada

III. PAGTATAYA
Sagutin ang mga sumusunod na tanong at isulat ang ang inyong
sagot sa linya.

1. Ang linear measurement ba ay pagsusukat ng distansiya?


_______________________________________________________
2. Ang milimetro ba ay ang pinakamahabang yunit sa sistemang Metrik?
_______________________________________________________
3. Ang 100 sentimetro ba ay katumbas ng 1 m.?
_______________________________________________________
4. Kung ang isang yarda ay katumbas ng isang talampakan, ang 9 piye
ba ay katumbas ng 3 yarda?
_______________________________________________________
5. Ang lapad ng isang kahon ay 3 piye at 18 pulgada, ilang yarda ito?
_______________________________________________________

ESVES│EPP4│Q2WS1│mcflores

You might also like