Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of Education

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region XII
Division of Sarangani
Malapatan II District
Ikatlong Markahang Pagsusulit sa ESP 9

Pangalan :_______________________________________________________ Petsa : ___________________


Baitang at Seksyon : ______________________________________________ Puntos : __________________

Test I. Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay angkop at MALI naman kung hindi angkop. (10 pts.)

__________1. Lahat ng uri ng paggawa, mabuti o masama, ay may dangal hangga’t ito’y ginagawa para
sa kabutihan ng iba.
__________2. Ang mañana habit ay isang mgandang gawain upang mapamahalaan ng wasto ang oras.
__________3. Maglaan ng oras sa paglilibang sa iyong iskedyul.
__________4. Magsimula sa mahirap na gawain para mas mapapadali ang maga payak na gawain.
__________5. Ang sobrang pag-aalala sa isang gawain ay makatutulong sa pamamahala ng oras.
__________6. Ang taong may pagpapahalaga sa oras ay may pagpapahalaga sa kaayusan.
__________7. May mga trabaho na mas mababa o mas mataas ang halaga kaysa ibang trabaho.
__________8. Bigyan ng gantimpala ang sarili sa tuwing may matatapos na gawain.
__________9. Ang paggawa ay obligasyong moral sa sarili upang hindi maging pabigat sa iba.
__________10. Ang konsepto ng Filipino Time ay may naiaambag sa kahirapan sa ating bansa.
__________11. Ang pinakamahalagang paraan ng pagtitipid ay ang pagpapakumbaba at ang makuntento
sa kung ano ang meron.
__________12. Ang pera ay pinagpapaguran upang kitain ito. Kaya kailangan na bilhin na ang lahat ng nais
sa buhay habang may lakas pa sa paggawa.
__________13. Ang katamaran ang pumapatay sa isang gawain, hanapbuhay o trabaho. Ito ang pumipigil
sa tao upang siya ay magtagumpay.
__________14. Ang pagtitiyaga ay ang pagsusumikap na harapin ang mga balakid nang paulit-ulit
hanggang makompleto nang maayos at may kalidad ang gawain.
__________15. Sa wastong pamamahala ng panahon, natutuklasan ang mga priyoridad ng mga dapat
gawin kaagad-agad.

Test II. Isulat ang K kung ang nakasaad ay karapatan ng mga manggagawa at HK kung hindi.
( 10 pts.)
____________1. Rasonableng haba ng pagtatrabaho
____________2. Tamang pasweldo
____________3. Araw ng pamamahinga kung kailan gugustuhin
____________4. Pantay na pagkakataon sa trabaho
____________5. Makatao at maayos na kondisyin sa trabaho
____________6. Libreng bakasyon mula sa kompanya
____________7. Double pay sa pagtatrabo tuwing holiday
____________8. Pagsali sa labor union
____________9. Pagtatag ng samahan upang protektahan ang karapatan
____________10. Pagtigil sa trabaho anumang oras

IV. Basahin at unawain nang mabuti ang bawat katanungan at isulat sa patlang ang letra ng
pinakaangkop na sagot. (15 pts.)

1.Ano ang katarungan?


A. Paggalang sa sarili C. Pagsunod sa batas
C. Pagtrato sa tao bilang kapwa D. Lahat ng nabanggi
2. Ano ang tamang pagpapatupad sa katarungan?
A. Ikulong ang lumabag sa batas C. Patawarin ang humingi ng tawad
B. Tumawid sa tamang tawiran D. Bigyan ng limos ang namamalimos
3.Alin sa mga sumusunod ang pagpapamalas ng katarungan?
A. Pagsumbong sa guro ng kaklaseng nagongopya’
B. Pagpapautang ng 5-6
C. Pagturing sa mga fixer ng lisensya bilang kapwa-naghahanap-buhay
D. Wala sa nabanggit

4. Bakit kailangan ng mga batas?


A. Upang matakot ang mga tao at magtino sila.
B. Upang magabayan ang mga tao sa tamang pagkilos.
C. Upang parusahan ang mga nagkakamali.
D. Lahat ng nabanggit.
5. Alin sa mga sumusunod ang hindi makatarungan?
A. Ang pagbibigay ng bagsak ng grado sa hindi nakakatupad sa mgakakailanganin sa klase.
B. Ang pagpatay sa mga nahuling kargador ng droga sa Tsina
C. Ang pagbigay ng limos sa namamalimos sa kalye
D. Wala sa nabanggit.
6. Laging pagod si Anna sa trabaho niya bilang tagaluto at tagahugas ng plato sa pinapasukang karinderya pero hindi
siya nagrereklamo at nagpapabaya sa kanyang tungkulin. Paano isinasabuhay ni Anna ang kagalingan niya sa
paggawa?
A. Ginagawa niya nang may kahusayan ang kanyang tungkulin
B. May pagmamahal at pagtatangi siya sa kanyang trabaho
C. Ang kaganapan nang kanyang pagiging mabuting manggagawa ay kaganapan ng kanyang pangarap
D. Ang pagnanais na magkaroon ng karagdagang benepisyo sa trabahong ginagawa
7.Maganda ang binitiwang hamon ng Tagapagsalita sa mga mag-aaral na magtatapos sa taong ito bilang susi upang maiangat ang sarili,
pamilya, kapwa at bansa sa kabuuan. Alin ang maaring maging instrument upang maisabuhay ito?
A. Gumawa ng produkto o gawaing para sa tao at sa Diyos
B. Gumawa ng produkto o gawain na pagkakakitaan
C. Gumawa ng produkto o gawaing makatutulong sa tao at bansa
D. Gumawa ng produkto o gawaing magiging instrument ng kapayapaan
8. Ang mga sumusunod na pangungusap ay nagbibigay ng kahulugan sa katamaran maliban sa:
A. Ito ay magdadala ng panganib sa buhay.
B. Ito ay maaaring sumira sa ating kinabukasan.
C. Ito ang pumipigil sa tao upang siya ay magtagumpay.
D. Ito ang pumapatay sa isang gawain, hanapbuhay at trabaho.
9.Ang mga sumusunod ay dahilan kung bakit kailangan na mag-impok ang tao maliban sa:
A. Para sa pagreretiro C. Para sa mga hangarin sa buhay
B. Para maging inspirasyon sa buhay D. Para sa proteksyon sa buhay
10.Ano ang pinakamataas na antas ng katotohanan tungkol sa pera?
A. Ang pera ay nagsisilbing pantulong sa araw-araw na kailangan
B. Ang pera ay dapat nating ingatan at huwag sayangin
C. Ang pera ay tumutulong sa tao na maramdaman ang kanyang seguridad sa buhay lalo na sa hinaharap
D. Ang pera ay nagbibigay sa tao ng kasiguraduhan upang ang kanyang buhay ay maging maayos sa hinaharap.
11.Ano ang naglalarawan sa pinakamahalagang paraan ng pagtitipid?
A. Maging mapagkumbaba at matututong makuntento
B. Maging mapagbigay at matutong tumulong
C. Maging maingat sa paggastos at matutong maging simple
D. Maging masipag at matutong maging matiyaga
12.Ang mga sumusunod ay kahulugan ng kasipagan maliban sa:
A. Ito ay pagsisikap ng gawin o tapusin ang isang gawain na mayroong kalidad.
B. Ito ay pagtingin ng kasiyahan at positibo sa isang gawain
C. Nakatutulong ito sa tao sa kaniyang pakikipagrelasyon sa kanyang gawain, kapwa at lipunan
D. Tumutulong ito sa tao na malinang ang mabubuting katangian tulad ng tiwala sa sarili, mahabang pasensya, katapatan at
disiplina.
13.Aling gawi ang titiyak na mabisang magagamit ang oras sa simula pa man ng gawain?
A. Paglilista ng mga dapat unahing gawain.
B. Laging isaisip na ang wastong pagagamit ng oras sa gawain ay paraan ng pagsisilbi sa kapwa.
C. Laging isaisip ang itinakdang oras o petsa para matapos ang itinakdang gawain.
D. Magsaya muna bago simulan ang gawain.
14.Alin sa sumusunod ang taliwas sa mga katangian ng malikhaing tao?
A. Siya ay matalino kaya madali siyang umayon sa mga ideya o pamamaraan ng mga kasama sa gawain
B. Ang kanyang imahinasyon ay nagiging produktibo sa paggamit ng mga bagay sa kanyang kapaligiran
C. Malawak ang kanyang interes sa mga bagay-bagay at mga pangyayari sa kanyang kapaligiran
D. Nakapagbibigay siya ng mahusay na solusyon sa mga balakid na kinakaharap.
15.Ito ay kakambal ng pagbibigay na nagtuturo sa tao na gamitin ito upang higit na makapagbigay sa iba.
A. Pag-iimpok C. Pagtulong
B. Pagtitipid D. Pagkakawanggawa
16.Sino sa sumusunod ang higit na nagsasabuhay ng pagtitiyaga sa paggawa?
A. Si Roger na nagsisimula agad ng isang bagong gawain na itinakda ng kanayang tagapamahala.
B. Si Ernest na iniiwasan na magkamali upang mabuo ang gawain nang mahusay at maayos.
C. Si James na may tiwala sa sarili at hindi na kailanagn pa ng tulong mula sa mga kasamahan.
D. Si Nestor na sumusunod sa utos ng kanyang guro.
17.Ito ang pagtitiyaga na maabot ang mithiin sa buhay na may kalakip na pagtitiis at determinasyon.
A. Kasipagan C. Pagsisikap
B. Katatagan D. Pagpupunyagi
18. Si Rony ay sadyang masipag, hindi siya nagmamadali sa kaniyang mga gawain at sinisiguro niya na magiging maayos ang kalalabasan
nito. Ano kayang palatandaan sa kasipagan ang taglay ni Rony?
a. Hindi umiiwas sa anumang gawain
b. Ginagawa ang gawain ng may pagmamahal
c. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa
d. Hindi nagrereklamo sa ginagawa
19. Ang isa sa palatandaan ng taong nagtataglay ng kasipagan ay hindi umiiwas sa anumang gawain. Alin sa mga
halimbawa ang nagpapakita nito?
a. Si Marife ay hindi na kailangan pang utusan ng kaniyang ina sa gawaing bahay.
Siya ay gumagawa ng mayroong pagkukusa.
b. Si Jazmine ay palaging nagbibigay ng kaniyang malasakit sa anumang gawain na
ipinapagawa sa kaniya ng kaniyang ina.
c. Masipag na mag-aaral si Hans, sa tuwing siya ay nag-aaral ay ibinibigay niya ang
kaniyang panahon at oras dito ng buong husay.
d. Sa tuwing gumagawa ng proyekto sa paaralan si Marianne ay hindi niya ginagawa
ito basta lamang matapos, kundi naghahanap siya ng perpeksyon dito.
20.. Ito ay pagtitiyaga na maaabot o makukuha ang mithiin o layunin sa buhay na may kalakip na pagtitiyaga, pagtitiis, at determinasyon.
a. Kasipagan c. Pagsisikap
b. Katatagan d. Pagpupunyagi
21. Ito ay kakambal ng pagbibigay na nagtuturo sa tao na gamitin ito upang higit na makapagbigay sa iba.
a. Pag-iimpok c. Pagtulong
b. Pagtitipid d. Pagkakawanggawa
22. Ano ang naglalarawan sa pinakmahalagang paraan ng pagtitipid?
a. maging mapagkumbaba at matutong makuntento
b. maging mapagbigay at matutong tumulong
c. maging maingat sa paggastos at matutong maging simple
d. maging masipag at matutong maging matiyaga
23. Ano ang sinasabi ng Teorya ni Maslow, The Heirarchy of Needs tungkol sa pera?
a. Ang pera ay nagsisilbing pantulong sa araw-araw na kailangan.
b. Ang pera ay dapat nating ingatan at huwag sayangin.
c. Ang pera ay tumutulong sa tao na maramdaman ang kaniyang seguridad sa
buhay lalo na sa hinaharap.
d. Ang pera ay nagbibigay sa tao ng kasiguraduhan upang ang kaniyang buhay ay
maging maayos sa hinaharap.
24. Ang mga sumusunod ay dahilan kung bakit kailangan na mag-impok ang tao ayon kay,Francisco Colayco maliban sa:
a. Para sa pagreretiro
b. Para sa mga hangarin sa buhay
c. Para maging inspirasyon sa buhay
c. Para sa proteksyon sa buhay
25. Hindi dapat taglayin ng tao ang katamaran. Ang mga sumusunod na pangungusap ay nagbibigay ng kahulugan nito
maliban sa:
a. Ito ang pumapatay sa isang gawain, hanapbuhay o trabaho.
b. Ito ang pumipigil sa tao upang siya ay magtagumpay.
c. ito ay maaaring sumira sa ating kinabukasan.
d. Ito ay magdadala ng panganib sa buhay.

You might also like