Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

AZGH COLLEGE INC.

Atlas Compound, Naga Road, Pulang Lupa Uno Las Piñas City
Tel. No. (02) 8874-6903 / (02) 8543-2663 Email: azghcollegeinc@gmail.com

Pangalan: ______________________________________________ Petsa: ____________________


Baitang at Pangkat: _____________________________________ Guro: _____________________
Asignatura:_____________________________________________ Iskor:_____________________

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA'T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK


MODYUL 9
ANG PANANALIKSIK

MGA LAYUNIN:
1. Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng pagbubuo ng isang sulating pananaliksik;
2. Nakauuri ng mga pananaliksik batay sa layunin at kategorya;
3. Nakagagamit ng mga batayang etika ng isang mananaliksik; at
4. Nakabubuo ng makabuluhang tanong sa pananaliksik bilang simula sa pagpili ng paksang
sasaliksikin.

PAGLILIPAT
Ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-1umbestiga at pag-aaral upang makapagpaliwanag at
makapaglatag ng katotohanan gamit ang ibat ibang batis ng kaalaman. Isinasagawa ang pananaliksik bilang
1sang lohikal at organisadong batayan ng mga karagdagang kaalaman tungkol sa tao, kultura, at lipunan.
Ginagamit ito bunsod ng pangangailangang palawakin o palalimin ang kaalaman sa isang larangan lalo na sa
mga institusyong pang-akademiko. Ang paghahanap, pangangalap, pagtatasao pagtataya, at pagiging kritikal
ay mga kasanayang nalilinang sa pagsasagawa ng pananaliksik.
Sa pagsasagawa ng pananaliksik, nahahanapan natin ng sagot ang mga katanungang bumabagabag sa
ating isip, naisasakatuparan ang interes sa isang bagay, at nalilinang ang kakayahang makahanap ng
solusyon.
Nagsisimula ang pananaliksik sa pamamagitan ng mga tanong sa pananaliksik (research question).
Sinasaklaw ng mga tanong na ito ang pinakaubod o sentro ng pananaliksik. Tinutukoy nito ang uri at layunin
ng pananaliksik at nagsisilbi rin itong patnubay kung anong proseso ang angkop na gamitin.
Samantala, nag-uumpisa sa pagbuo ng mga tanong sa pananaliksik ang tutugunang suliranin ng
pananaliksik. "Tumutukoy ito sa isang paksa, usapin, o pangyayari na nais siyasatin, at kailangang alamin;
mga kondisyong dapat baguhin; o mga hamon na dapat bigyan ng solusyon ng isang mananaliksik. Ang
pagsagot sa suliraning tutugunan ng pananaliksik ay sinusundan ng pagbuo ng kuro-kuro (hypothesis).

Paano bumuo ng isang maayos na tanong sa pananaliksik? Ayon sa Duke Writing Studio, kailangang gawin
ang sumusunod:
1. Pumili ng paksang kinawiwilihan at magbasa ng mga kaugnay na pag-aaral na naisagawa tungkol
dito, Makatutulong ito na makabuo ng mga pangunahing tanong mula sa paksa.
2. Isaalang-alang ang iyong mambabasa. Para kanino ang iyong isasagawang pananaliksik? Sino ang
iyong target na mambabasa? Subukang bumuo ng mga tanong na sino, ano, paano, saan, bakit, at
kaslan ukol sa paksang kinawiwilihan. Subukin ding bumuo ng mga posibleng sagot sa mga tanong
na ito.

PAGLALAPAT

Panuto: Basahin ang mga ideya sa unang kolum. Batay sa dimensiyon, tukuyin kung anong uri ng
pananaliksik ang dapat gamitin para sa bawat paksa. Isulat ang sagot sa ikalawang kolum. Sumulat din ng
maikling paliwanag tungkol sa iyong sagot sa huling kolum.
Uri ng Pananaliksik Batay sa
Paksa Dimensiyon B
tumutuklas o nagpaptunany at nag-
uuri o nagsusuma
1. Pagte-text at pagkatuto ng
mga kabataan
2. Bakit tayo natutulog?
3. Pagsasalarawan ng midya sa
kababaihan
4. Paano nabubuo ang black
hole?
5. Ang social media sa
promosyon ng negosyo
6. Paano binago ng cellphone
ang konsepto ng
pakikipagkapwa?
7. Pag-ilimbestiga sa
kontribusyon ng teorya ni
Freud sa Sikolohiya
8. Pinakakontrobersiyal na
kampanyang pampulitika
9. Reality Television:
Pagpapanggap sa
katotohanan
10. Kabutihan at panganib sa
paggamit ng marijuana
bilang gamot

Ipinasa ni:

_____________________________
TRANQUILINO O. ORDEN JR.
Senior High School Teacher

You might also like