Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 22

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

GRADO 8
IKALAWANG MARKAHAN
ARALIN 2.3
Panitikan : Panitikan sa Panahon ng Amerikano-Sarsuwela
“Walang Sugat”
Wika : Aspekto ng Pandiwa
Bilang ng Araw : 8 Sesyon

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN)F8PN-IIe-f-25


 Naisasalaysay ang magkakaugnay na pangyayari sa
napakinggan.

PAG-UNAWA SA BINASA(PB) F8PB-IIe-f-25


 Naipapahayag ang pangangatwiran sa napiling alternatibong
solusyon o proposisyon sa suliraning inilahad sa tekstong binasa.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) F8PT-IIe-f-25


 Naibibigay ang kasing-kahulugan at kasalungat nakahulugan ng
mahihirap na salitang ginamit sa akda.

PANONOOD (PD) F8PD-IIe-f-25


 Napapahalagahan ang kulturang Pilipino na masasalamin sa
pinanood na sarsuwela.

PAGSASALITA (PS) F8PS-IIe-f-25


 Naitatanghal ang ilang bahagi ng alinmang sarsuwelang nabasa
napanood o napakinggan.

PAGSULAT (PU) F8PU-IIe-f-25


 Nasusuri nang pasulat ang papel na ginagampanan ng sarswela
sa pagpapataas ng kamalayan ng mga Pilipino sa kultura ng iba’t
ibang rehiyon sa bansa.

WIKA AT GRAMATIKA(WG) F8PN-IIe-f-25


 Nagagamit ang iba’t ibang aspekto ng pandiwa sa isasagawang
pagsusuri ngsarsuwela.

Ikalawang Markahan | 47
TUKLASIN
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN)F8PN-IIe-f-25


 Naisasalaysay ang magkakaugnay na pangyayari sa napakinggan.

II. PAKSA

Panitikan : Ang Panitikan sa Panahon ng Amerikano–


Sarsuwela- “Walang Sugat”
Wika : Aspekto ng Pandiwa
Kagamitan : Laptop, projector, makukulay na pantulong na
Biswal, aklat
Sanggunian : Pinagyamang Pluma 8,
Bilang ng Araw : 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

1. Gawaing Rutinari
 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagpapasa ng Takdang Aralin
 Balik-aral

AKTIBITI
2. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya : SINE MO TO!
Pagpapanood/ pagpaparinig ng bahagi ng dulang “Sa Pula, Sa
Puti”.

Ikalawang Markahan | 48
 Pag-uugnay ng gawain sa bagong aralin.

3. Presentasyon ng Aralin
Panitikan : Ang Panitikan sa Panahon ng Amerikano –
Sarsuwela
“Walang Sugat” ni SeverinoReyes

4. Pokus na Tanong
Mungkahing Estratehiya : TALA NG KATANUNGAN
Bumuo ng mga katanungan batay sa mga sumusunod na
pahayag tungkol sa aralin.

Ano Paano Kailan Bakit

POKUS NA TANONG NG ARALIN 2.3


1. Paano nakatutulong ang sarsuwela at iba’t ibang anyong dula sa
pagpapasigla ng mga pagpapahalaga at kulturang Pilipino noong
panahon ng Amerikano?
2. Paano nakatutulong ang kaalaman sa aspekto ng pandiwa sa
epektibong pagsasalaysay ng mga pangyayari sa isang akda?

 Pag-uugnay ng mga naunang gawain sa bagong aralin.

 Pagsasadula ng magkakaugnay na pangyayari sa


napakingggan/napapanuod sa mga tauhan sa tahanan at
sa sabungan.

Sa Tahanan Sa Sabungan

Ikalawang Markahan | 49
ANALISIS

1. Ano ang dula at uri nito ayon sa anyo?


2. Bakit ito kinagigiliwan ng mga Pilipino noong Panahon ng
Amerikano?
3. May dulang pantanghalan pa ba sa kasalukuyan? Patunayan.
4. Bakit dapat na pahalagahan at palaganapin ang dulang
pantanghalan?
5. Masasalamin ba sa Dula ang kulturang Pilipino? Ipaliwanag.
 Pagbibigay ng input ng guro sa mga uri ng dula ayon sa
anyo.

ALAM MO BA NA…
Ang dula ay maituturing na isang sining. Sa pamamagitan ng masining na
pagsasatao ng mga karakter ay napaabot nito sa mga manonood o
mambabasa ang damdaming nais nitong iparating. Bunga na rin ng
impluwensiya ng mga bansang sumakop sa bansa, gayundin ng mga
bagong kaalaman at karanasan ng mga manunulat, idagdag pa ang
kahilingan ng mga manonood ay nagkakaroon ng mga pagbabago sa anyo
ng mga dulang pangtanghalan. Ito ay maaaring mauri ayon sa paksa o
nilalaman nito. Ito ay nag-iiba-iba ng anyo batay sa damdaming nais
palitawin ng may-akda nito. Mahalaga ang epekto nito sapagkat nagdulot ito
ng higit na kulay at kahulugan di lamang sa mga manonood kundi maging
sa mga taong gumaganap nito. Narito ang ilan sa mga uri ng dula ayon sa
anyo.
1. Komedya-Katawa-tawa, magaan sa loob dalhin ang tema,at ang
mga tauhan ay laging nagtatagumpay sa wakas.
2. Trahedya-Dulang ang tema’y mabigat o nakasasama ng loob,
nakaiiyak, nakalulunos ang mga tauhan, karaniwang sila ay nasasadlak
sa kamalasan, kabilugan, kawalan, at maging sa kamatayan, kaya
nagwawakas na malungkot.
3. Melodrama o Soap Opera-Dulang sadyang namimiga ng luha sa
manonood ng parang wala nang masayang bahagi sa buhay ng
tauhan kundi pawang problema na lamang ang nangyayari sa araw-
araw.
4.Tragikomedya- Dulang magkahalo ang katatawanan at kasawian na
laging may mga tauhang katawa-tawa tulad ng payaso
parang magsilbing tagapagpatawa, subalit sa huli’ynagiging
malungkot na dahil nasasawi o namamatay ang bida o ang
mga bida.
5.Saynete-Itinuturing na isa sa mga dulang panlibangan nang mga
huling taon ng pananakop sa atin ng mga Espanyol. Ang
paksa nito ay nahihinggil sa paglalahad ng mga kaugalian
ng isang lahi o katutubo,sa kanyang pamumuhay,
pangingibig, at pakikipagkapwa.

Sanggunian: Pinagyamang Pl uma 8, Alma M. Dayag et. al

Ikalawang Markahan | 50
6.Parsa- kapag puro katatawanan lamang kahit walang saysay ang
kuwento,at ang mga aksyon ay slapstick na walang ibang
ginawa kundi magpaluan o maghampasan at magbitiw ng
kabalbalan.
7.Parodya- Kapag ito naman ay mapanudyo ,ginagayaang ang mga
kakatwang ayos, kilos, pagsasalita atpag-uugali ngtao bilang
isang anyong komentaryo o pamumuna o kaya’y
pambabatikos na katawa-tawa ngunit nakasasakit ng
damdamin ng pinag-uukulan.
8.Proberbyo- kapagang isang dula ay may pamagat na hango sa mga
bukambibig na salawikain, angkuwento’y pinaiikot dito
upang magsilbing huwaran ng tao sa kanyang buhay.

Sanggunian: Pinagyamang Pl uma 8, Alma M. Dayag et. al

ABSTRAKSYON
Mungkahing estratehiya : KADENA NG KONSEPTO
Pagkabitkabitin ang mga susing salita upang makabuo ng kadena ng
konseptong natutunan sa aralin.

damdaming dasining
dula Nais karakter na
iparating pagsasatao

Pagsagot ng Pokus na Tanong - Ang dula ay maituturing na isang


sining. Sa pamamagitan ng masining na pagsasatao ng mga karakter ay
napaabot nito sa nga manonood ang damdaming nais iparating.

APLIKASYON
Mungkahing Estratehiya : ISLOGAN SA PAARALAN
Gumawa ng slogan na maaaring makapukaw sa damdamin ng iyong
kapwa mag-aaral upangpahalagahan ang dulang pantanghalan.

RUBRIKS SA PAGMAMARKA NG SLOGAN


Makabuluhan ang impormasyon - - - - 4
Magkakaugnay ang mga ideya - - - - 2
Malikhain/may orihinalidad - - - - - 4
Kabuuan - -10

Ikalawang Markahan | 51
EBALWASYON
Panuto: Isulat at isalaysay ang simula, gitna at wakas ng paborito mong
teleseryeng sinusubaybayan.
IV. KASUNDUAN

1. Magsaliksik sa talambuhay ni Severino Reyes.


2. Bakit tinagurian siyang “Ama ng Sarsuwela?

Ikalawang Markahan | 52
LINANGIN
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA BINASA(PB) F8PB-IIe-f-25


 Naipapahayag ang pangangatwiran sa napiling alternatibong solusyon
o proposisyon sa suliraning inilahad sa tekstong binasa.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) F8PT-IIe-f-25


 Naibibigay ang kasing-kahulugan at kasalungat nakahulugan ng
mahihirap na salitang ginamit sa akda..

PANONOOD (PD) F8PD-IIe-f-25


 Napapahalagahan ang kulturang Pilipino na masasalamin sa pinanood
na sarsuwela.

PAGSASALITA (PS) F8PS-IIe-f-25


 Naitatanghal ang ilang bahagi ng alinmang sarsuwelang nabasa
napanood o napakinggan.

II. PAKSA

Panitikan : Ang Panitikan sa Panahon ng Amerikano–


Sarsuwela “Walang Sugat” ni Severino Reyes
Wika : Aspekto ng Pandiwa
Kagamitan : Laptop, projector, makukulay na pantulong na
Biswal, aklat
Sanggunian : Pinagyamang Pluma 8,
Bilang ng Araw : 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

1. Gawaing Rutinari
 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagpapasa ng Takdang Aralin
 Balik-aral

2. Presentasyon ng Aralin
Panitikan : Ang Panitikan sa Panahon ng Amerikano–
Sarsuwela
“Walang Sugat”

Wika : Aspekto ng Pandiwa

Ikalawang Markahan | 53
AKTIBITI
3. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya : Your face looks familiar
Nasa larawan ang mga taong may kinalaman sa kasaysayan ng
Sarsuwela sa Pilipinas na kilalang manunulat hanggang sa
kasalukuyan. Tukuyin kung sino ang mga ito at hanapin sa loob ng
kahon ang akdang isinulat ng mga manunulat.

a. Walang Sugat
b. Kahapon, Ngayon at
Bukas
c. Ako Ang Daigdig
d. Tanikalang Ginto

4. Pagkilala sa May-akda: Severino Reyes

SEVERINO REYES
Si Severino Reyes ay mas kilala bilang “Lola Basyang”ay itinuturing
na “Ama ng Sarsuwelang Tagalog”.Isa siyang mahusay na direktor at
manunulat ng dula.Nang itinatag ang liwayway noong 1923, si Severino
Reyes ang unang patnugot nito.Siya rin ay nagsilbing pangulo ng Aklatang
Bayan at ginawang kasapi ng Ilaw at Panitik, kapwa mga samahan ng mga
manunulat .Unang nailathala ang kwento ni Lola Basyang sa Liwayway
noong 1925. Siya ay nakasulat ng 26 na Sarsuwela.

Sanggunian: Kayumanggi-Batay sa Kurikulum na k-12, Baitang 8, Perla Guerrero et.al.


5. Paghahawan ng Balakid sa Pagbasa/Panonood.
Ibigay ang kahulugan at kasalungat ng mga salitang nakasulat
ng madiin. Piliin ang sagot sa loob ng kahon at isulat ito sa
talahanayan.
nakatayo kalungkutan wagas
pagtitiis kaligayahan bumibilis
pagpapakasaya bumabagal huwad
kaunlaran kahirapan natumba

Kahulugan Mahirap na Salita Kasalungat


Kaakibat na pagbabata
Sumisinsin ang tibok
Matinding
pagkasipyaho
Pag-ibig na dalisay
Dagling nabuwal

Ikalawang Markahan | 54
6. Pagbasa ng Sarswela

Walang Sugat Dulang akda ni Severino Reyes


Ibinatay sa Pahanon ng Rebolusyon ng 1896, ang dulang Walang
Sugat ay unang naipalabas sa ‘Teatro Libertad’ noong 1902. Tungkol ito
sa kawalan ng hustisyang tinamasa ng mga Pilipino noong panahon ng
mga Kastila. Ang mga temang gamit nito ay pagmamahalan sa gitna ng
digmaan, sakripisyo, pagkawalay, at kontradiksyon ng indibidwal sa
pamilya. Isinulat ito ni Severino Reyes upang ipakita sa lahat ang kanyang
pahayag laban sa imperyalismo. Ang orihinal na musikang kasama nito ay
nagmula kay Fulgencio Tolentino.
Buod ng Unang Eksena (ACT I – Scene I) Dumating si Tenyong sa bahay
ng kasintahan niyang si Julia. Inabutan niyang nagbuburda si Julia ng
isang panyo. Ayaw ni Julia ipakita kay Tenyong ang kanyang gawa. Nakita
ni Tenyong na ang panyo ay may mga letra ng kanyang pangalan (Antonio
Narcisso Flores) ngunit sabi ni Julia ay para raw ito sa Prayle (Among Na
Frayle). Nagalit tuloy si Tenyong at gustong sunigin ang panyo. Sinabi ni
Julia na para nga kay Tenyong ang panyo at sila’y nagsumpaan na
ikakasal sa altar. Biglang dumating si Lucas/Lukas, isang alalay ni
Tenyong, na nagsabing inaresto ang ama ni Tenyong at ilan pang
kalalakihan ng mga Guardia Civil sa pag-aakalang sila ay mga rebelde.
Buod ng Unang Eksena (ACT I – Scene II) Ang mga pamilya at kaibigan
ng mga inaresto ay naghandang bumisita at magbigay ng pagkain sa
kulungan. Sumakay sila sa tren papunta ng kapitolyo. Inutusan ng mga
Kastilang frayle si Kapitan Luis Marcelo na paluin at saktan pa ang mga
nakakulong kahit na mayroon ng namatay at nag aagaw- buhay na si
Kapitan Inggo, ang tatay ni Tenyong.
Buod ng Unang Eksena (ACT I – Scene III ) Sinabi ng punong-frayle na
papakawalan na si Kapitan Inggo sa kanyang asawa. Sinabi rin niyang
pupunta siya sa Maynila upang sabihin sa Gobernador-Heneral na
pakawalan na ang iba pang mga inaresto. Ngunit iba ang plano sabihin ng
prayle pagdating duon. Ipapapatay niya ang mga mayayaman at
edukadong Pilipino. Nakapiling ni Kapitan Inggo ang kanyang pamilya at
mga kaibigan bago siya mamatay. Pagkamatay nito, sinumpa ni Tenyong
na maghiganti!
Buod ng Unang Eksena (ACT I – Scene IV) Pinili ni Tenyong na sumali sa
mga rebelde kahit anong-pilit ni Julia na tigilan ito. Sa huli, pumayag si
Julia at ibinigay kay Tenyong ang kanyang medalyon/agimat.
Nagsumpaan muli sila na mamahalin ang isa’t-isa habang-buhay.

Ikalawang Markahan | 55
Buod ng Ikalawang Eksena (ACT II – Scene I ) Sinabi ng ina ni Julia na
ikakasal ito kay Miguel, isang mayamang illustrado. Inayawan ito ni Julia.
Hindi alam ng kanyang ina na hinihintay niya ang pagbabalik ni Tenyong.
Sa kabilang banda, nagsimulang magkarelasyon ang mga alalay nina
Julia at Tenyong na sina Monica at Lucas/Lukas.
Buod ng Ikalawang Eksena (ACT II – Scene II/III ) Sumunod na linggo,
dumating sina Miguel, ang kanyang ama, at isang pari sa bahay nina Julia
upang ayusin ang pag-iisang-dibdib nina Miguel at Julia. Kabado si Miguel
at hindi masabi ng tama ang kanyang panliligaw kay Julia. Naiba ang
usapin ng kasalan nang naging pagrereklamo ito ng pari sa lumalaking
problema tungkol sa mga Pilipinong hindi na nagsisimba.
Buod ng Ikalawang Eksena (ACT II – Scene III ) Sa kuta ng mga
katipunero, biglang dumating si Lucas/Lukas na may bitbit na sulat para
kay Tenyong na galing kay Julia. Nalaman ni Tenyong na namatay na ang
kanyang ina at ikakasal na si Julia kay Miguel. Balisa at malungkot sa
nabasa, humingi siya ng tulong sa kaniyang heneral. Umatake ang mga
Kastila at nagsimula ang labanan.
Buod ng Ikatlong Eksena (ACT III - Scene I) Bumalik si Lukas kay Julia na
walang nakuhang sagot mula kay Tenyong. Bumisita muli si Miguel kay
Julia at nagsabing magiging engrande ang kanilang kasalan. Nagkunwari
si Julia na masakit ang ulo upang iwasan si Miguel.
Buod ng Ikatlong Eksena (ACT III – Scene II / III) Dumating na ang
nakatakdang araw ng kasal at napilitan na rin si Julia na pumayag, sa pag-
akalang patay na si Tenyong at sa kagustuhang hindi mapahiya ang
kanyang ina. Engrandeng selebrasyon ang magaganap at nakatipon ang
buong bayan. Pero bago mairaos ang seremonya, dumating si Lucas na
may balitang nakita na si Tenyong pero agaw-buhay itong nakaratay sa
karte. Dinala si Tenyong sa pinagdausan ng kasal ni Julia. Sa muling
pagtatagpo ng magkasintahang sawi, hiniling ni Tenyong sa pari na,
yaman din lamang na mamamatay na siya, ikasal na sila ni Julia. Sa
pagkamatay daw ni Tenyong, maaari nang pakasalan ni Julia si Miguel.
Dahil mukhang matutuluyan na nga si Tenyong, pumayag na rin si Miguel
sa kakaibang huling hiling ni Tenyong. Kinasal si Tenyong at Julia ng
paring Kastila. Matapos ang seremonya ng kasal, biglang tumayo si
Tenyong, at lahat ay napamanghang sumigaw; “Walang sugat! Walang
sugat!”.

Sanggunian: https://www.slideshare.net/Ansabi/walang-sugat-summary-ni-severino-reyes

Ikalawang Markahan | 56
 Pangkatang Gawain

1 Mungkahing Estratehiya
BEAUTY PAGEANT
2 Mungkahing Estratehiya
FAMILY FEUD
Ipahayag ang pangangatwiran sa isang
posibleng solusyon sa suliranin ni
Magbigay ng limang mahihirap
Tenyong/Julia sa tekstong na salitang ginamit sa akda at
binasa/napanood. (Kung ikaw si Tenyong, paano ibigay ang kahulugan at
mo susulosyunan ang pinipigilang pag-iibigan ninyo ni
Julia?)
kasalungat nito.

3 4 Mungkahing Estratehiya
Mungkahing Estratehiya
TABLEAU
THEATRICAL PLAY
Ipakita ang kulturang Filipinona
Itanghal ang naibigang bahagi ng
nasalamin sa
sarswelang nabasa/napanood.
napanood/binasang sarswela.

RUBRIKS SA PANGKATANG GAWAIN


BATAYAN Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailanga
Mahusay n ng
Pagpapabuti
Lubos na Naipahatid Di-gaanong Di naiparating
Nilalaman naipahatid ang nilalaman naiparating ang nilalaman o
at Organisasyon ng ang nilalaman o kaisipan na ang nilalaman kaisipan na nais
mga Kaisipan o o kaisipan na nais iparating o kaisipan na iparating sa
Mensahe nais iparating sa manonood nais iparating manonood (1)
(4) sa manonood (3) sa manonood
(4) (2)
Lubos na Kinakitaan ng Di-gaanong Di kinakitaan ng
kinakitaan ng kasiningan kinakitaan ng kasiningan ang
kasiningan ang kasiningan pamamaraang
Istilo/Pagkamalikhai ang pamamaraan ang ginamit ng
n pamamaraan g ginamit ng pamamaraan pangkat sa
(3) g ginamit ng pangkat sa g ginamit ng presentasyon (0)
pangkat sa presentasyon pangkat sa
presentasyon (2) presentasyon
(3) (1)
Lubos na Nagpamalas Di-gaanong Di nagpamalas
nagpamalas ng nagpamalas ng pagkakaisa
Kaisahan ng ng pagkakaisa ng ang bawat
Pangkat o pagkakaisa ang bawat pagkakaisa miyembro sa
Kooperasyon ang bawat miyembro sa ang bawat kanilang gawain
(3) miyembro sa kanilang miyembro sa (0)
kanilang gawain (2) kanilang
gawain (3) gawain (1)

Ikalawang Markahan | 57
ANALISIS
1. Paano naiiba ang sarsuwela sa ibang genre ng panitika?
2. Bakit dapat pahalagahan at palaganapin ang sarsuwelabilang bahagi ng
panitikang Pilipino?

 Pagbibigay ng input ng guro.

ALAM MO BA NA…
Ang sarsuwela ay isang komedya o melodramang may kasamang
awit at tugtog na nahihinggil sa mga punong damdamin ng tao tulad ng
pag-ibig, kapootan, paghihiganti, kasakiman, kalupitan at iba pa o kaya
naman ay tungkol samga suliraning panlipunan o pampolitika.Ayon sa
kasaysayan nito, ito ay sinasabing hinango ng mga Espanyol sa operang
Italya sapagkat magkahalo angdiyalogong ginagamit dito---patula at
pasalita. Ang patulang bahagi ay karaniwang diyalogo ng mga
pangunahing tauhan, bukod sa ito ay nilalagyan ng komposisyon na
maaring awitin. Samantala, ang tuluyang diyalogo ay yaong gamit naman
ng mga katulong na tauhan.
Ang sarsuwela ay binubuo ng tatlong yugto. Ang mga tagpo ay
magkahalong seryoso at katawa-tawa. Melodrama kung ito ay tawagin o
kaya’y tragikomedya. Hango sa tunay na buhay ang paksa nito at kung
minsan ay nasosobrahan naman sa damdamin, lalo na sa pag-ibig kaya
nagiging soap operatic.

Ang sarsuwela bagama’t ipinakilala noong panahon ng Espanyol ay


lubos na namulaklak noong panahon ng himagsikang Pilipino at
Amerikano sa pangunguna nina Severino Reyes na kilala sa taguring Lola
Basyang sa kanyang dulang Walang Sugat; Aurelio Tolentino sa kanyang
Kahapon, Ngayon at Bukas; Juan Abad sa kanyang Tanikalang Ginto;
Juan Crisostomo Soto sa kanyang Anak ng Katipunan; Amando Navarette
Osorio sa kanyang Patriya Amanda; at iba pa.

Unti-unting nanghina ang sarsuwela nang nakilala sa bansa ang


bodabil o stage show. Ang pagtatanghal na ito ay halos wala nang istorya,
puro kantahan at sayawan lamang ang nangyayari kung kaya sa
paglaganap ng bodabil naging purong panlibangan na lamang ang teatro.

Sa kasalukuyan ang mga dulang pantanghalang ito ay patuloy pa ring


ginagawa sa ating bansa bilang pag-alaala sa mahahalagang pagdiriwang
na may kinalaman sa pananampalatayang Kristiyanismo at maging upang
talakayin ang mga suliraning panlipunang nagaganap sa bansa.

Ikalawang Markahan | 58
Mga Elemento ng Sarsuwela
1. Iskrip o nakasulat na dula- ito ang pinakakaluluwa ng isang dula;
lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip;
walang dula kapag walang iskrip.
2. Gumaganap o aktor- Ang mga aktor o gumaganap ang magbibigay-
buhay sa iskrip. Sila ang bumibigkas ng diyalogo, at nagpapakita ng iba’t
ibang damdamin.
3. Tanghalan- Anumang pook na pinagpasyahang pantanghalan ng isang
dula ay tinatawag na tanghalan. Maaaring hindi lamang entablado ang
tanghalan ang daan, sa loob ng silid-aralan, at iba pa ay nagiging tanghalan
din.
4. Tagadirehe o Direktor- Ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang
iskrip; siya ang nagpapasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan
ay dumidepende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip.
5. Manonood- Ang nagpapahalaga sa dula. Sila ang pumapalakpak sa
galing at husay ng nagtatanghal. Pinanonood nila nang may pagpapahalaga
ang bawat tagpo, yugto at bahagi ng dula.
6. Eksena at tagpo- Ang eksena ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng
mga tauhan samantalang ang tagpo nama’y ang pagpapalit ng tagpuan.

Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8, Alma M. Dayag, et. al

ABSTRAKSYON
Mungkahing estratehiya:
Sa tulong ng diagram, ibigay ang lagom o pangkalahatang konsepto ng akdang
Tinalakay.
Diwa

WALANG SUGAT Mensahe

Tema

APLIKASYO N
Mungkahing estratehiya; Magpasikat! Sine Mo ‘To
Magtanghal ng isang dulang pantanghalan na may napapanahong paksa.
a. Bullying
b. Teenage pregnancy
c. Child labor
d. Violence Against Women

Ikalawang Markahan | 59
KRAYTIRYA SA PAGTATANGHAL NG DULA

A. Pagkamalikhain---------------------------------------------3
B. Makatotohanan at kapanipaniwala--------------------3
C. Sumasalamin sa kulturang Pilipino--------------------2
D. Wasto ang pagkakagamit ng Wika--------------------2

Kabuuan------------------------------------------------------10

EBALWASYON
Isulat ang letra ng tamang sagot.
1. Ang pagpapanggap ni Tenyong na mamamatay na upang makuha ang
kanyang minamahal ay __________________
a. Hindi katanggap tanggap sapagkat nagsinungaling siya.
b. Katanggap tanggap sapagkat nakuha niya ang iniibig sa maayos at
walang alahas.
c. Mahusay at matalino sapagkat naisahan niya ang mga kalaban.

2. Ang kanyang pagsinta ay di matatawaran sapagkat ginawa niya ang


lahat para sa kanyang pagmamahal sa kasintahan. Alin sa pangungusap
ang magkasingkahulugan.
a. Pagsinta-pagmamahal
b. pagmamahal-kasintahan
c. di matatawaran- ginawa
d. lahat ng nabanggit

3. Ang kasalungat ng iyong sagot sa bilang tatlo ay_______________


a. galit
b. lambing
c. tampo
d. tuwa

4. Alin sa mga sumusunod ang tradisyunal na kulturang Filipno?


a.Magiliw sa pagtanggap ng panauhin. Ang mga bagong gamit at
magandang kubyertos ay karaniwang ipinapagamit lamang sa mga
bisita.
b.Mataas na pagpahalaga sa mga kababaihan. Inalok silang upuan lalo
na sa pampublikong lugaro sasakyan.
c.Panliligaw o pagpapaligaw gamit ang text message o chat.

Ikalawang Markahan | 60
5. Masakit ang hintuturong natusok kaya umiyak na pumunta ang bata sa
kanyang ina ang natibong daliri. Alin sa loob ng pangungusap ang
magkasingkahulugan?
a. masakit-natusok
b. natusok-umiyak
c.natusok-natibo
d. umiyak-lumuha

Susi sa Pagwawasto
1. B 2.A 3.A 4.A &B 5.C

IV. KASUNDUAN

1. Magsaliksik ng mga alamat ng mga lugar sa Pilipinas. Sipiin ito at


ipunin sa inyong portfolio.

2. Ano ang pang-abay? Magbigay ng 5 halimbawa nito.

Ikalawang Markahan | 61
PAUNLARIN
I. LAYUNIN

WIKA AT GRAMATIKA(WG) F8WG-IIe-f-26


 Nagagamit ang iba’t ibang aspekto ng pandiwa sa isasagawang
pagsusuri ng sarsuwela

II. PAKSA

Wika : Aspekto ng Pandiwa


Kagamitan : Laptop, projector, makukulay na pantulong na
Biswal, aklat.
Sanggunian : Pinagyamang Pluma 8,
Bilang ng Araw : 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

1. Gawaing Rutinari
 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagpapasa ng Takdang Aralin
 Balik-aral

AKTIBITI
2. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya : CHARADES/ Title Puzzle

Pahuhulaan ang mga salitang nasa kahon sa pamamagitan ng


paggalaw/pag-arte sa mga pamagat ng Pelikulang Tagalog na
mabubunot ng ilang piling mag-aaral.

Crying Ladies Sinasamba Kita Patayin sa Sindak si


Barbara

Isusumbong Kita sa Bata, Bata Pa’no Bukas, Luluhod ang


Tatay Ko! ka Ginawa? mga Tala

 Pag-uugnay ng gawain sa bagong aralin.

3. Presentasyon ng Aralin
Wika : Iba’t ibang aspekto ng pandiwa

Ikalawang Markahan | 62
ANALISIS

1. Bigyang pansin ang mga salitang may salungguhit sa loob ng kahon,


ano ang isinasaad nito?
2. Alin sa mga salitang may salungguhit ang nagsasaad ang nagsasaad
ng kilos na naganap na, ginaganap pa lamang at gaganapin pa
lamang?
3. Bakit mahalagang matutunan ang mga aspekto ng pandiwa?

 Pagbibigay input ng guro sa Aspekto ng Pandiwa

ALAM MO BA NA…

ASPEKTO NG PANDIWA

PANDIWA - salitang nagpapahayag ng kilos, aksyon, gawa


- Proseso o pangyayaring karaniwang sadya, di-sadya, likas o
di likas
- Karanasan o damdamin
Aspekto ng pandiwa – katangian ito ng pandiwa na nagsasabi o
nagsasaad kung ang kilos ay naganap na o kung hindi pa nagaganap, kung
nasimulan na at kung natapos nang ganapin o ipagpatuloy pa ang pagganap
ng kilos.
1. Aspektong Pangnakaraan o Perpektibo – ditto ang kilos ay
nasimulan na at natapos na.
2. Aspektong Nagaganap o Imperpektibo – Ito ay nagsasaad na
ang inumpisahang kilos ay patuloy pa ring ginagawa at hindi pa tapos.
3. Aspektong Magaganap o Kontemplatibo – Ang kilos ay hindi
pa naumpisahan at gagawin pa lamang.

Sanggunian: https://tl.wikipedia.org/wiki/Balagtasan
Halimbawa:
PERPEKTIBO PERPEKTIBONG IMPERPEKTIBO KONTEMPLATIBO
KATATAPOS
Nilikha kalilikha nililikha Lilikhain
Tumayo katatayo tumatayo tatayo
Sinabi Kasasabi sinasabi Sasabihin
Nag-alaga kaaalaga Nag-aalaga Mag-aalaga

 Pagbibigay ng mga mag-aaral ng pandiwa sa iba’t ibang


aspekto ng pandiwa at paggamit nitoo sa makabuluhang
pangungusap.

Ikalawang Markahan | 63
ABSTRAKSYON
Mungkahing Estratehiya: WORD AND LADDER
Punan ng nawawalang parirala ang hagdan upang makabuo ng konsepto
sa araling tinalakay.

Akda/ sarsuwela

Pangyayari

Mabisang pagsasalaysay

Mahalagang makilala

Pagsagot ng Pokus na Tanong - Nakatutulong ang aspekto ng pandiwa


sa maayos na pagsasalaysay ng mga pangyayari sa akda tulad ng dula
upang malaman ang kilos ay naganap na o kung hindi pa nagaganap,
kung nasimulan na at kung natapos nang ganapin.
APLIKASYON
Bumuo ng mga pangungusap kaugnay ng mga bagay na natutuhan mo
tungkol dito. Gawing gabay ang panuto sa bawat bilang sa pagbuo ng
pangungusap.

1.May mga pangyayaring di-maganda sa buhay ng mga tauhan sa


dulang Walang Sugat. Ipahayag ang hindi magagandang bagay na
nangyari sa kanilang hindi mo nais tularan. Bumuo ng dalawang
pangungusap na may aspektong perpektibo at perpektibong
katatapos hinggil dito.

2.Bagama’t maraming naging hadlang sap ag-iibigan nina Julia at


Tenyong ay nagtagumpay pa rin sila sa huli. Bumuo ng dalawang
pangungusap na may pandiwang nasa aspektong kontemplatibo
upang masabi ang mga bagay na ginawa mo sa kasalukuyang
makatutulong nang Malaki sa iyo upang maging matagumpay ka rin sa
buhay gaya ng nangyari kina Julia at Tenyong

Ikalawang Markahan | 64
EBALWASYON

Punan ang patlang ng wastong aspekto ng pandiwang kokompleto sa diwa nito.

(gising) 1. Maaga akong_________________ kahapon upang pumunta sa lugar na


pagdarausan ng paligsahan.
(balik) 2. Mamaya ay ______________ ako roon upang ipasa ang nabuo kong dula.

(basa) 3. Ngayon ay ________________ ko itong muli upang matiyak na maayos na


maayos ang pagkakasulat nito.

(hayag) 4. Bukas ay __________________ na ang magwawagi sa paligsahan.

(usap) 5. Kanina lamang ay _______________ ko ang aking guro at nasabi Niyang


Malaki ang pag-asa kong magwagi.

SUSI SA PAGWAWASTO

1.gumising 2.babalik 3.binasa 4.ipahahayag 5.nakausap

INDEX OF MASTERY
Seksyon Bilang ng Mag-aaral Indeks

IV. KASUNDUAN

1. Punan ang sumusunod na tsart.


PERPEKTIBO PERPEKTIBONG IMPERPEKTIBO KONTEMPLATIBO
KATATAPOS
Ninamnam
Tumigil
Sinayaw
Nagluto

Ikalawang Markahan | 65
ILIPAT
I. LAYUNIN

PAGSULAT (PU)F8PU-IIe-f-26
 Nasusuri nang pasulat ang papel na ginagampanan ng sarsuwela sa
pagpapataas ng kamalayan ng mga Pilipino sa kultura ng iba’t ibang
rehiyon sa bansa.

II. PAKSA

Pagsulat ng Awtput 2.3


Paggawa/ Pagsulat ng Awtput
Kagamitan: laptop, projector, speakers, makukulay na biswal

III. PROSESO NG PAGKATUTO


1. Gawaing Rutinari
 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagpapasa ng Takdang Aralin
 Balik-aral

2. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya :Film Viewing
Pagpapanood ng iba’t ibang bahagi ng mga sarsuwela sa bansa
na kakikitaan ng iba’t ibang kultura sa Pilipinas.
 Pag-uugnay sa susunod na Gawain.
 Pagtalakay sa Gawain sa tulong ng GRASPS

G R A S P S

GOAL Nakapagsusuri ng sarsuwela na may pokus sa


papel na ginagampanan nito sa
pagpapataas/pagpapaigting ng kamalayan ng
mga Filipino sa iba’t ibang kultura sa Pilipinas.

ROLE Isa kang tserman sa komite ng Kultura at


Turismo sa inyong paaralan.

Mga mag-aaral, magulang at guro ng BNHS.


AUDIENCE

Ikalawang Markahan | 66
SETTING Magkakaroon ng seminar sa pagpapaigting ng
kulturang Filipino gamit ang iba’t ibang genre ng
Panitikan.

PRODUCT Panunuring Pampanitikan:sarsuwela.

STANDARD Pagkamalikhain - 2
Makatotohanan at kapani-paniwala
Ang katwiran at layon ng panunuri - 4
Sumasalamin sa kulturang Pilipino at
Naaangkop sa kasalukuyan - 2
Wasto ang pagkakagamit ng wika - 2
(10 Pts Kabuuan)
IV. KASUNDUAN

1. Ibuod ang konsepto ng 8 araw na tinalakay sa aralin 2.3 sa


pamamagitan ng AKROSTIK ng D U L A N G P A N T A N G H A L
A N AT P A N D I W A.
2. Magsalik sa iba pang genre ng panitikan na umusbong noong
panahon ng Amerikano, isulat ito sa kwaderno.

Ikalawang Markahan | 67
Ikalawang Markahan | 68

You might also like