• Maikling paglalarawan sa buhay ng may-akda Si FRANCISCO “SOC” RODRIGO ay isinilang noong Enero 29, 1914 sa San Jose, Bulakan, Bulacan. Isang tanyag na manunulat at mambibigkas sa wikang Filipino, Espanyol at Ingles. Siya rin ay naging mandudula, lirisista, translador, mananalumpati, manananggol, awtor ng mga libro sa batas, kolumnista, radio broadcaster, Legion of Honor awardee, television host, Senador ng Pilipinas, lider-layko ng Simbahang Katolika, political prisoner, makata, lider-oposiyon noong panahon ng Martial Law, tagapagtanggol ng kalayaan at demokrasya, at isa sa nagbalangkas ng 1987 Constitution of the Philippines. Binansagang “Soc” o Socrates dahil sa ipinakita niyang katalinuhan nang nag-aaral pa lamang siya sa Ateneo at kalaunay kumuha ng Abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas. Naging tanyag sa larangan ng panitikan bilang may-akda ng dulang "Sa Pula, Sa Puti" at nagsalin sa wikang Filipino ng mga dulang Cyrano de Bergerac at Martir sa Golgotha. Sinulat rin niya ang titik ng awit pansimbahang “Panalanging Maging Bukas Palad”. Gumawa ng pangalan sa himpilang DZBB sa radyo at pinangunahan ang makasaysayang marathon broadcast ng 1953 Presidential Elections. Ginawarang ng Malacanang ng “Legion of Honor”, ang pinakamataas na karangalang ipinagkakaloob ng pamahalaan sa mga natatanging sibilyan. Siya ay binawian ng buhay noong Enero 4, 1998 dulot ng sakit na cancer. Ang kanyang mga labi ay inihimlay sa minamahal niyang bayang sinilangan, ang Bulakan, Bulacan.
• Uri ng akdaing pampanitikan.
Ang uri ng panitikang “Sa Pula, Sa Puti” ni FRANCISCO “SOC” RODRIGO ay isang dula. • llarawan basi sa iyong napagtanto ang akda ayon sa nilalaman nito. Mula sa katha ay aking napagtanto na wala talagang magandang maidudulot ang pagsusugal. Maaaring may mga pagkakataong ikaw ay nanalo ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon, kaya’t ang minsang pagkapanalo ay hindi ito kasiguraduhang at batayan upang magpauloy sa pagsusugal. Habang maaga pa ay itigil na ang pagsusugal at hangga’t maaring iwasan ay iwasan ang pagsusugal at ang pakakalolong sa bisyung ito. • Ano ang suliranin ng akda? Palaging natatalo si Kulas sa sabong, kahit ilang ulit na siyang pagalitan ng asawang si Celing ay ayaw parin niyang tumigil sa pagsugal at lagi niyang dinadahilan na siya ay minalas lamang at sa susunod na pagpusta niya sa sugal ay mananalo na. • Paano nabigyan ng solusyon ang suliranin ng akda? Kapag humihingi na ng pera si Kulas kay Celing upang ipusta na naman sa sabungan ay palihim naman na gumagawa ng paraan si Celing upang hindi sila matalo at hindi mabawasan ang kanilang pera. Sa tuwing umaalis na si Kulas upang pumunta sa sabongan ay tinatawag naman ni Celing si Teban upang sundan si Kulas sa sabongan. Binibigyan ng pera ni Celing si Teban upang pumusta sa kalaban ni Kulas ng sa gayon kahit pa matalo si Kulas ay nanalo naman siya at kapag na talo siya ay nananalo naman si Kulas, na isip ni Ceing na sa ganitong paraan ay hindi nababawasan ang kanilang pera kahit pa laging natatalo si Kulas sa sabungan.
• Paano nagwakas ang kwento ng akdain.
Nagpadala si Kulas sa mungkahi ni Castor na mangdaya upang manalo. Dinuro ni Castor ng karayom ang hita ng tinaling manok ni Kulas dahil di umanao ito raw ang kaniyang ginagawa upang matalo ang kaniyang manok. Dahil siguradong talo ang kaniyang manok ay palihim daw siyang pumupusta sa tinali ng kalaban upang kahit matalo ang kaniyang manok ay sigurado ang pagkapanalo nila, Ganito raw ang ginagawa ni Castor upang masiguradong nananalo siya sa bawat sabong na siya naming sinang ayonan ni Kulas. Humingi si Kulas ng dalawampung piso kay Celing at nangakong kapag siya ay natalo ay titigil na siya sa pagsusugal at ipapakatay niya ang lahat ng tinali niyang manok. Tulad ng nakasanayan ay binigyan ni Celing ng pera si Teban upang ipusta sa kalaban ni Kulas. Sa pag-uwi ni Teban ay ibinalita niya na natalo sila at nanalo ang manok ni Kulas. Noong una ay nadismaya si Celing dahil baka raw ay mas lalong mawili si Kulas sa sabung dahil sa pagkapanalo nito ngunit laking pagatataka niya ng umuwi si Kulas na walang kasigla-sigla at doon nga ay napag- alaman niyang pumusta pala si Kulas sa manok ng kalaban kung kaya’t natalo siya. Natawa si Celing ng mapagtanto niya ang lahat at inutusan pa si Teban na ihanda ang palayok dahil maghahanda sila. Nagtaka si Kulas kung bakit siya natatawa at bakit maghahanda si Celing gayong natalo sila ng apatnapung piso. Ang tanging tugon ni Celing ay ibig niyang ipagdiwang ang huling paalam sa sabungan ni Kulas pinaalala niya ang pangako at panunumpa ni Kulas. Mayroong anim na tinali sa kulungan si Kulas, kaya aadobohin niya ang tatlo at sasabwan ang tatlong natitira. Tumawa si Celing pagkailang saglit tumawa na rin si Kulas. Narinig nila ang nag-uumpisang sigawan sa sabungan ngunit makikita sa kilos ni Kulas na kailanman ay hindi na siya magsasabong.
2. BANGKANG PAPEL NI GENOVEVA EDROZA-MATUTE
• Maikling paglalarawasn sa buhay ng may-akda. Si Genoveva Edroza-Matute ay isang kilalang kuwentista, mananaysay, at guro sa Filipino. Isinilang siya sa Maynila noong ikatlo ng Enero 1915 kina Anastacio Edroza at Maria Magdalena Dizon. Ang ilan sa mga kinatha niyang maikling kuwento ay “Leave-taking” at “Land of the Bitter” na nailathala sa Manila Post Sunday Magazine at sa Manila Post Monthly. Ngunit higit siyang kinagiliwan sa kaniyang mga kuwentong nagsusuri sa sikolohiya ng bata at hinggil sa karanasan ng guro, gaya ng “Walong Taong Gulang,” “Noche Buena,” “Kuwento ni Mabuti,” at “Paglalayag sa Puso ng Isang Bata.” Dahil dito nailathala ang kaniyang antolohiya ng maiikling kuwento at sanaysay sa Ako’y Isang Tinig noong 1952. Ang ilan pang sumunod na koleksiyon ay na sa Piling Mga Maiikling Kuwento 1939–1992, Sa Anino ng EDSA at Iba Pang Mga Kuwento, at Tinig ng Damdamin. Nakapaglathala din siya kasama ng kaniyang asawa sa mga Pagpapahalagang Pilipino sa Mga Akda: Mga Kuwento, Mga Sanaysay, Mga Dula noong 1992. Kinilala ang husay ng kaniyang pagsusulat at dedikasyon sa pagtuturo ng mga timpalak ng Don Carlos Palanca Memorial Awards 1950s–1960s; Outstanding PNS-PNC Alumna Award noong 1966; Patnubay ng Sining at Kalinangan Award ng Maynila noong 1967; Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas noong 1988; at Gawad CCP Para sa Sining noong 1992. Namatay siya sa edad na 94 noong 21 Marso 2009 habang natutulog at inilibing siya sa Manila North Cemetery.
• Uri ng akdaing pampanitikan.
Ang uri ng panitikan ng akdaing “Bangkang Papel ni Genoveva Edroza-Matute ay isang kwento.
• llarawan basi sa iyong napagtanto ang akda ayon sa nilalaman nito.
Ang akdain ay tungkol sa isang batang lalaki na gumawa ng tatlong bangkang papel na kahit kailan ay hindi niya napalutang. Mga pangarap na nabigla nalang nawala sa isang iglap dahil sa isang pangyayaring bumago buhay niya. Ang pagkawala ng isa sa mga taong pinakamamahal niya sa murang edad. Ang pagkasawi ng labing limang tagabayan kabilang ang kaniyang ama sa sagupaan ng mga kawal laban sa taong bayan. Hindi lubos na maintindihan ng batang lalaki kung bakit humantong sa isang masaklap na katotohan na hindi na niya muling maisilayan pa ang kaniyang hinihintay na ama.
• Ano ang suliranin ng akda?
Ang batang lalaki ay naghihintay sa pagbabalik ng kaniyang ama. Laging itinatanong nga batang lalaki kung nakauwi na ba ang kaniyang ama, kung nasaan ito at kung saan ito namamalagi sa tuwing hindi ito umuuwi sa kanilang tahanan.
• Paano nabigyan ng solusyon ang suliranin ng akda?
Maraming tao ang nagsidatingan sa bahay ng batang lalaki. Lahat ay tila may lungkot sa mga mata ngunit wala sa kanila ang naglakas ng loob na sabihin ang katotohanan sa kaniya hangang sa paglipas ng mga sandali ay napagtapi-tagpi ng bata ang mga panyayari at nagpagtanto niya na wala na pala ang kaniyang ama.
• Paano nagwakas ang kwento ng akdain
Sila ay lumikas palabas na sa bayan, silang mag-iina at ang lahat ng kanilang kapitbahay, ang maraming-maraming tao, at ang kani-kanilang balutan. Walang maaiwan sa kanilang lahat sila ay naglakbay patungo sa isang ligtas na pook.
3. Ang tulang "Babang Luksa" ay salin Olivia P. Dantes mula sa "Pagbanua"
ni Diosdado Macapagal.
• Maikling paglalarawasn sa buhay ng may-akda.
Si Diosdado Macapagal (Setyembre 28, 1910 - Abril 21, 1997) an ika-siyam na presidente asin an ama kan dating presidente kan Filipinas, si Gloria Macapagal- Arroyo. Nanalo siya lavan kay Carlos Garcia sa eleksyon sa taon 1961. Sinundan siya ni Ferdinand Marcosn na nanalo rin sa pagkakandidato. Siya ay nabansagan "Tagasurog kan Masa". Kabilang sa kaniyang mga nagawa ang pagpapakalat ng Pambansang Wika, ang pagbabago ng petsa ng Araw ng Kalayaan mula Hulyo 4 na naging Hunyo 12, ang pag-aangkin sa Sabah (opisyal na iniharap noong Hunyo 22, 1962), at sa pagbubuo ng Maphilindo sa Kasunduang Maynila. Namatay siya dahil sa atake sa puso, pneumonia, at sakit sa bato, sa Sentrong Pangkalusugan ng Makati (Makati Medical Center) sa Lungsod ng Makati, noong Abril 21, 1997, sa edad na 86. Inilibing siya sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig, Maynila.
• Uri ng akdaing pampanitikan.
Ang uri ng akdaing panitikan ng “Babang Luksa” ay Tula.
• llarawan basi sa iyong napagtanto ang akda ayon sa nilalaman nito.
Nakapakasakit mawalan ng mahal sa buhay lalo kung ito ay nangyari sa hindi inaasahang pagkakataon o di kaya masyado pa itong bata para mawala sa mundo kahit pa ilang buwan o taon pa ang lumipas ang sakit at pangungulila ay mananatili. Ang tanging magagawa nalang natin ay alalahanin sila at ang tanging mababalikan nalang natin ay ang mga alala na naiwan sa mga lugar kung saan natin sila nakapiling noong sila ay nabubuhay pa. Ang masakit lang ay kahit anong gawin natin ay hindi na talaga natin sila makikita o muli makakapiling ngunit sa kabilang banda ay mananatili naman silang buhay sa ating puso at isipan. Ang diwa nila ay mananatiling sariwa kahit pa sila na ay lumisan.
• Ano ang suliranin ng akda?
Siya ay lubos na nangungulila sa maagang paglisan ng kaniyang mahal. Lagi niyang naiisip ang mga masasayag ala-ala nilang dalawa kahit pa isang taon na siyang nagluluksa ay hindi niya pain ito makalimutan at ang sakit ng kaniyang paglisan ay nanatili at hindi napawi ng panahong lumipas.
• Paano nabigyan ng solusyon ang suliranin ng akda?
Inaalala niya ang ala-ala ng kaniyang minahal sa pamamagitan ng pagbalik tanaw sa mga masasayang ala-ala nila. Binabalikan niya ang bahay kung saan sila nagsimulang mag-ibigan at ang mga lugar na malimit nilang dalawin. Mas pinipili niya nalang isipin ang maaring magandang kalakip ng nakakalungkot na pangyayari gaya ng mananatili itong bata sa mga ala-ala niya at ang mga ala-ala nila ay manantiling buhay at magpapatuloy parin sa kabilang buhay.
• Paano nagwakas ang kwento ng akdain
Nagwakas ang kwento sa pag-alala niya sa kaniyang mahal at ang paglipas ng isang taon mula ng mawala ng kaniyang minamahal ay tang isang taon nitong pagluluksa. Kahit na lumipas man ang taon at panahon para sa kaniya ay mananatili ang pagmamahalan nilang dalawa.
4. LIHAM NI PINAY MULA SA BRUNEI ni Elynia Ruth S. Mabanglo
• Maikling paglalarawasn sa buhay ng may-akda.
Ruth Mabanglo is both a poet and scholar. She has been publishing poetry for over 30 years and has received numerous literary awards and honors, most recently the Carlos Palanca Memorial Awards for Literature Hall of Fame Award, the 1992 Commission on Filipino Language “Makata ng Taon” (Poet of the Year) for the poem “Gahasa” (Rape), and the Manila Critics Circle 1990 National Book Award for Poetry for Mga Liham ni Pinay (The Letters of Pinay). Mabanglo has also published many academic works and currently is a professor at the University of Hawai‘i at Manoa, where she teaches Tagalog Language and Literature in the Department of Hawaiian and Indo-Pacific Languages and Literature. –R. N. Labrador
• Uri ng akdaing pampanitikan.
Ang uri ng akdaing panitikan ng “Liham ni Pinay mula sa Brunei” ay isang Tula.
• llarawan basi sa iyong napagtanto ang akda ayon sa nilalaman nito.
Ipinahahayag ng may-akda ang karaniwang katayuan ng kababaihan sa ating lipunan na kung saan kadalasan siya ay isang ina, propesyunal at maybahay, at kung saan din madalas ay ginagampanan niya ang lahat ng ito. Madalas hinahadlangan niya ang sariling pagunlad para sa kapakanan ng iba, lalo na kung siya ay may mga anak na. Maraming pagkakataon ay hindi din napapansin ang kanyang mga ginagawa, pasakit at sakripisyo. Dito din ay ating mapupuna na ang mga kababaihan ay may karapatan ar maari ring umunlad sa iba’t-ibang personal na aspeto kung kanila lamang nanaisin. Ngunit pinapahiwatig din ang kanilang pagsaskripisyo ay pangingibang bayan para lamang matustusan ang pangangailan at kakulangan ng kanilang mahal sa buhay. Ito ay nagpapakita ng katatagan at katapangan ng kababaihan kung saan makikita na kaya nilang pagtagumpayan ang kahit na ano mang laban.
• Ano ang suliranin ng akda?
Marami siyang responsibilidad na kailangang gampanan. Mga kulang na kailangan niyang punan, mga sakripisyo na kailangan niyang ipaglaban. Siya halos gumagawa ng lahat ng bagay sa bahay, may nga tungkulin din siya sa lipunan na kailangan niyang punan. Mga problemang kailangan niyang gawan ng paraan at solusyonan. Pinoprblema din niya ang kaniyang mister na naninigarilyo at kulang na sweldo. Pinagsisilbihan din niya ang kaniyang pamilya kung saan siya ang gumagawa ng mga gawaing bahay at halos wala na siyang oras para sa kaniyang sarili dahil ang buhay niya ay umiikot sa mga taong nakapaligid sa kaniya.
• Paano nabigyan ng solusyon ang suliranin ng akda?
Napagpasyahan niyang magsakripisyo at mangibang bayan upang mapunan at matustusan ang lahat ng panganagilangan ng kaniyang pamilya at asawa. Masakit man at siya may nangungulila ay iniisip nalang niya na lahat ng mga ito’y para sa pamilya. Sa mga liham at tawag sa telepono na lang siya umaasa upang mapawi ang pangungulila niya sa pamilya. Idinadaan niya nalang sa paglilibang sa sarili gaya ng pagbabasa niya itinuuon ang pansin upang kahit pansamantala ay makalimutan niya ang pangungulila at mapigilan ang pagpatak ng mga luha ng isang ina na sabik na sabik makapiling ang pamilya.
• Paano nagwakas ang kwento ng akdain
Nagwakas ang akda sa pagpapakita ng sakripisyo at pangungulila ng isang inang mas piniling mangibang bayan upang maitaguyod ang pamilya. Pinapahayag din ang paghalili ng ama sa mga tungling naiwang ng asawa sa bahay. Sa ganitong paraan mas nauunawaan at mas nakikita kung ano ang hirap at sakripisyong ginagawa at iniaalay ng ina para sa kaniyang pamilya. Na ang responsibilidad ng ina ay hindi mapapatanyan ang hindi biro-biro lamang at hingit mo lang itong mauunawaan kung ikaw na ang nasa kanilang katayuan.
5. Suyuan sa Tubigan ni Macario Pineda
• Maikling paglalarawasn sa buhay ng may-akda.
Macario Pineda (10 Abril 1912–2 Agosto 1950) Isang batikang mangangatha sa wikang Tagalog si Macario Pineda. Unang nagsulat si Pineda sa wikang Ingles. Ang kaniyang unang kuwento, ang “Five Minutes” ay nailathala sa Graphic. Nagpatuloy man siya sa pagsulat sa Ingles, higit na nakilala ang kaniyang mga kuwento sa Tagalog. Noong1937, ang kaniyang kuwentong“Walang Maliw ang mga Bituin” na nailathala sa Mabuhay ay napiling isa sa sampung pinakamahuhusay na kuwento ng taón. Nakapaglathala rin siya ng mga akda sa Liwayway, Malaya, Bulaklak, Ilang-ilang, Daigdig, at Sinag-tala. Ang kaniyang mga kuwento ay kakikitahan ng maingat na karakterisasyon at mahusay na paraan ng pagsasalaysay. Hinahangaan siya sa paggamit ng katutubong kulay at mahusay na kaalaman sa idyoma at tradisyonal na kostumbre ng mga Filipino. Laging napapabilang ang kaniyang mga akda sa antolohiya ng pinakamahuhusay tulad ng Ang 25 Pinakambuting Maikling Kathang Pilipino ng 1943 (1944) at ng Maikling Kuwentong Tagalog, 1886-1948 (1949) na pinamatnugutan ni Teodoro A. Agoncillo. Sumulat din si Pineda ng mga nobela, bilang aklat o bilang de- serye. Kabilang sa mga nobelang ito ang Halina sa Ating Bukas (1946), Ginto sa Makiling (1947), Mutyang Tagailog (1947-1948), Langit ng Isang Pag- ibig (1948), at Isang Milyong Piso (1950). Nagsulat din siya ng mga kolum para sa mga magasing Daigdig at Liwayway. Sa loob ng labinlimang taon ay nakilala si Pineda sa larangan ng literatura. Taong 1944 napabilang ang kanyang likhang ‘Ang Suyuan sa Tubigan’ sa dalawampu’t-limang pinakamahuhusay na akda ng magasing Liwayway. Maliban sa magasing Liwayway naglathala rin siya ng kanyang mga likhang maikling kwento at nobela sa Aliwan, Tagumpay, Daigdig, Sinag-tala, Ilang-Ilang, Paru-paro, Bulaklak, Kislap Malaya at Graphic. Bukod sa mga ito ay naging kontribyutor din siya ng mga kwento sa isang istasyon ng radyo, ang DZPI.Ilan lamang sa kanyang mga nobela ay ang Ang Ginto sa Makiling, Kundiman ng Pag-ibig at Isang Milyong Piso, ang huli niyang katha. Sa maikling kwento naman ay Talambuhay ng Aming Nayon, Buhat-Araw, Lalaging Liwayway, Sinag sa Dakong Silangan at Ina Ko.
• Uri ng akdaing pampanitikan.
Ang uri ng akdaing pampanitikan ng “Suyuan sa Tubigan ni Macario Pineda” ay isang Maikling kwento.
• llarawan basi sa iyong napagtanto ang akda ayon sa nilalaman nito.
Sa unang salaysay ng tagpo sa kwento, ipinakita ang lihim na paghanga nina Ore at Pastor kina Pilang at Nati. Ang pamagat ng kwentong “Suyuan sa Tubigan ay tungkol sa pagliligawan at pag-iibigan ng magsing-irog. Ang daloy ng kwento ay maganda sapagkat ang mga binate ay ginagalang ang mga dalaga, nililigawan ito ng maayos na paraan upang maganda ang kahihinatnan ng kwento. Layunin din ng kwento na gawing ehemplo ang muri ng pamumuhay, lalong-lalo na iyong nauukol sa pagliligawan at pag- iibigan.
• Ano ang suliranin ng akda?
Mayroong labanan sa pagitan ng mga binate upang mapaibig ang dalagang si Pilang.
• Paano nabigyan ng solusyon ang suliranin ng akda?
Sa taonang paligsahan ipinamalas ng mga kalalakihan ang kani-kanilang mga akayahan at kakisigan sap ag-asang mapapaibig nila ang dalaga.
• Paano nagwakas ang kwento ng akdain
Nailahad sa pinakahuling parte ng istorya ang pinaka “exciting” at pinakamasayang pangyayari sa kwento sa pamamagitan ng pagpapakita ng masaya at maayos na pagliligawan ng mga binata’t dalaga. Ipinapakita rin na ang pag-ibig ay hindi lamang nadadala sa pisikal n aka anyoan o kakisigan kundi sa kung sino ang isinisigaw ng puso ng babaeng nililigawan.