Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Tanong: "Ano ba ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa parusang kamatayan?

"

Sagot: Ipinag-utos sa Lumang Tipan ang hatol na kamatayan sa mga sumusunod na kasalanan:


pagpatay (Exodo 21:12), pagkidnap (Exodo 21;16), pangangalunya (Levitico 20:10), pagiging bakla
o tomboy (Levitico 20:13), pagiging bulaang propeta (Deuteronomio13:5), pakikilahok sa
prostitusyon, panggagahasa (Deuteronomio 22:4) at iba pang mga krimen. Gayunman, Ang Diyos
ay nagpapakita ng kahabagan kahit na sa mga taong nahatulan ng kamatayan. Ng magkasala si
haring David ng pangangalunya at pagpatay, hindi hiningi ng Diyos ang kanyang buhay (2 Samuel
11:1-5, 14-17: 2 Samuel 12:13). Ang ultimatum na parusa sa ating kasalanan kahit na hindi agad
agad nangyayari ay kamatayan dahil ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan (Roma 6:23).
Salamat sa Diyos, ipinadama ng Diyos ang Kanyang pag-ibig sa atin sa pamamagitan ng
kamatayan ng Panginoong Hesu Kristo at sa gayon ang nananampalataya sa Kanya ay hindi na
hahatulang maparausahan (Romans 5:8).

Ng dalahin ng mga Pariseo ang isang babaeng nahuli sa pangangalunya sa Panginoong Hesus,
tinanong nila Siya kung dapat ba nilang batuhin ang babae hanggang sa mamatay. Sumagot si
Hesus, - Ang walang kasalanan sa inyo, ay siyang unang bumato sa kaniya." Hindi ito dapat gawing
pangangatwiran na tinututulan ng Panginoong Hesus ang parusang kamatayan sa anumang paraan.
Inilalantad lamang ditto ni Hesus ang pagpapanggap ng mga Pariseo. Nais ng mga Pariseo na
linlangin si Hesus. Hindi sila talaga nagnanais na ipatupad ang kautusan sa Lumang Tipan. Kung
pumayag si Hesus na batuhin ang babae hanggang mamatay, sasalungatin niya ang batas ng mga
Romano (bawal humatol ng kamatayan ang mga Hudyo sa kanilang sarili noon kaya't kung humatol
si Hesus ng kamatayan para sa babae, maipapahuli nila si Hesus). Ang Diyos ang nagtakda ng
parusang kamatayan. "Ang magbubo ng dugo ng tao, sa pamamagitan ng tao ay mabububo ang
kaniyang dugo: sapagka't sa larawan ng Dios nilalang ang tao" (Genesis 9:6). Tiyak na
susuportahan ni Hesus ang parusang kamatayan sa ilang pagkakataon. Ipinadama din ni Hesus ang
kanyang habag sa mga taong nahatulan ng kamatayan (Juan 8:1-11). Mismong si Apsotol Pablo ay
nagpahayag ng kanyang pagkilala sa kapangyarihan ng pamahalaan na magpataw ng parusang
kamatayan kung kinakailangan (Roma 13:1-17).

Ano ba ang dapat na maging pananaw ng Kristiyano patungkol sa parusang kamatayan? Una,
tandaan natin na ang Diyos mismo ang nagtakda ng parusang kamatayan sa Kanyang Salita kaya
nga hindi natin masasabi na makapagtatakda tayo ng mas mataas na pamantayan. Ang Diyos ang
may pinakamataas na pamantayan sapagkat Siya ay perpekto. Ang pamantayang ito ay dapat na
ilapat din sa sangkatauhan. Umiibig Siya sa pinakamataas na antas kaya't ang Kanyang awa ay
walang hanggan. Ngunit ang kanyang hustisya ay walang hanggan din naman at ito ay napapanatili
Niya sa isang perpektong balanse.

Ikalawa, dapat nating kilalanin na ang Diyos ang nagbigay ng awtoridad sa lahat ng pamahalaan
upang magpataw ng parusang kamatayan sa karapat dapat tumanggap nito (genesis 9:6; Roma
13:1-7). Hindi ayon sa Bibliya na sabihin na tinututulan ng Diyos ang parusang kamatayan sa lahat
ng pagkakataon. Bilang mga Kristiyano, hindi tayo dapat matuwa kung may daranas ng parusang
kamatayan. Hindi rin tayo dapat lumaban sa kapangyarihan ng gobyerno na maglapat ng parusang
kamatayan sa mga gumagawa ng mga karumaldumal na krimen.

You might also like