Professional Documents
Culture Documents
Ano Nga Ba Ang Small Claims
Ano Nga Ba Ang Small Claims
Claims?
Updated: 5 days ago
Ang Small Claims ay isang proseso na ginawa ng ating Korte Suprema kung saan ang
isang Claimant o naniningil ay binibigyan ng isang simpleng mekanismo kung saan
maaari siyang magsampa ng kasong sibil sa Korte na hindi kinakailangan ng
representasyon ng isang Abogado.
2.) Ano ang pwedeng ihabla/isampa/i-file gamit ang proseso ng Small Claims?
Base sa A.M. No. 08-8-7-SC, pwedeng magsampa ang Claimant sa Small Claims Court
ng tungkol sa obligasyon ng pagbabayad na nakapaloob sa a.) Kontrata ng pag-upa; b.)
Kontrata ng pag-utang; c.) Kontrata ng pag-serbisyo (halibawa: pag-ayos ng sirang
bahay); d.) Kontrata ng pag-benta at; e.) Kontrata ng pag-sangla.
Bukod sa mga ganitong uri ng kontratang, maaaring gamitin ng Claimant ang proseso ng
Small Claims para ipatupad ang amicable settlement o kasulatan ng pag-aayos na
napagkasunduan sa Tanggapan ng Barangay, na nagbunga sa proseso ng Barangay
Conciliation, na hindi nagampanan o nabayaran ng partido na sinisingil.
Ang amicable settlement ay isa rin klase ng kontrata at kung ito ay papasok sa mga uri ng
kontrata na nakasaad sa itaas, kasabay ng hindi pagtupad ng partido na sinisingil,
maaaring maging basehan ito ng Claimant para gamitin and proseso ng Small Claims.
Ayon sa OCA Circular No. 45-2019, ang Claimant o naniningil ay maaaring gumamit ng
proseso ng Small Claims kung ang halaga ng sinisingil ay hindi lalagpas sa 400,000.00
Pesos para sa mga nakatira sa lugar na nasasakupan ng Metropolitan Trial Courts
(MeTC) tulad ng major cities o Metro Manila, o hindi lalagpas sa 300,000.00 Pesos para
naman sa mga nakatira sa mga lugar na nasasakupan ng Municipal Trial Courts in Cities
(MTCC), Municipal Trial Courts (MTC) at Municipal Circuit Trial Courts (MCTC).
3.) Ano ang mangyayari kung lumagpas sa limitasyon ang halaga ng perang
sinisingil ng Claimant at pinili parin niya gamitin ang proseso ng Small Claims?
Mistulang sinusuko (waived) ang anumang halaga na lumalagpas sa limitasyon na
400,000.00 Pesos para sa mga nakatira sa lugar na nasasakupan ng Metropolitan Trial
Courts (MeTC) tulad ng major cities o Metro Manila, o 300,000.00 Pesos para naman sa
mga nakatira sa mga lugar na nasasakupan ng Municipal Trial Courts in Cities (MTCC),
Municipal Trial Courts (MTC) at Municipal Circuit Trial Courts (MCTC).
Kung nais makuha ng Claimant ang buong halaga ng perang kanyang sinisingil ngunit sa
tingin niya ay lagpas ito sa limitasyon ng Small Claims, kailangan niya munang
kumunsulta sa isang Abogado bago siya magdesisyon na magsampa ng kahit na anong
kaso sa Korte.
4.) Puwede ba'ng agad-agad na mag-file ng Small Claims sa Korte kung may utang
o kailangang bayaran ang isang tao sa akin?
Hindi, kailangan suriin muna ng Claimant kung "Due" and "Demandable" ang hinahabol
o sinisingil niyang halaga ng pera.
Sa madaling-sabi, kung ang petsa ngayon ay October 15, 2021 at ang partido na
sinisingil ay magbabayad sa tinakdang panahon na March 21, 2022, ang babayarin ay
hindi pa "Due" and "Demandable" ngayon, hindi pa puwedeng maningil ngayon.
Kung "Due" and "Demandable" na ang babayarin, at puwede nang maningil ngayon ang
Claimant, maaari nang magpadala ang Claimant ng Demand Letter o liham ng paniningil
sa partido na sinisingil para mabigyan muna ito ng pagkakataong makapag-bayad ng
kaniyang "Due" and "Demandable" na utang bago umakyat ang kaso sa Korte.
Bago magsampa ng Small Claims sa Korte, dapat maunawaan rin ng Claimant ang
kaniyang sariling kaso, mangalap ng ebidensiya para patunayan ito, at sumunod sa
alituntunin na nakasaad sa ating batas tungkol sa "conditions precedent." Kung hindi,
maaaring agad-agad na ma-dismiss ang kaso ng Claimant sa Korte.
Dapat suriin ng Claimant kung anong uri ng kontrata ang napagkasunduan sa Barangay
Conciliation at kung papasok ba ito sa a.) Kontrata ng pag-upa; b.) Kontrata ng pag-
utang; c.) Kontrata ng pag-serbisyo (halibawa: Kontrata ng pag-ayos ng sirang bahay); d.)
Kontrata ng pag-benta; at c.) Kontrata ng pag-sangla.
Kung pumasok sa mga uri na ito ang kontrata ng amicable settlement, dapat ay may
kalakip rin itong pruweba na dumaan ang kontrobersiya sa Tanggapan ng Barangay at
ebidensiya na hindi nagbayad ang partido na sinisingil, tulad ng Demand Letter, bago
tumuloy sa proseso ng Small Claims.
8.) Pano kung ang Claimant ay isang indigent o isang taong, dahil sa kahirapan ng
buhay, walang kakayahan magbayad ng Filing Fees?
Dapat din sundin ng Claimant ang anumang utos ng Korte at sipagin ang pag-attend sa
araw ng hearing na itinakda ng Korte sa NOTICE.
10.) Paano kung ako ang partido na sinisingil sa kasuhang Small Claims, ano ang
maaari ko'ng gawin para depensahan ang kaso laban sa akin?
11.) Paano kung ang Claimant ay nakatanggap ng desisyon sa Korte na nanalo siya
sa kasong Small Claims na sinampa niya?
Matapos ang prosesong ito na tinatawag na motion for execution, ang Korte na ang
mangangasiwa kung papaano masisingil ang partidong hindi nagbabayad
Para sa iba pang mga Templates o Forms na nabanggit sa itaas kasama na rin ang
kabuuan ng Revised Rules of Procedure for Small Claims, heto ang link:
https://oca.judiciary.gov.ph/wp-content/uploads/2018/02/SMALL-CLAIMS-
PAMPHLET.pdf