Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 20

3

Araling
Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 7:
Ang mga Lugar na Sensitibo sa Panganib Batay
Sa Lokasyon at Topograpiya
Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 7: Ang mga Lugar na Sensitibo sa Panganib Batay sa
Lokasyon at Topograpiya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng
kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Maricyl D. Lapiz

Editor/ Tagasuri/ Tagalapat: Karen Mae P. Salces/Christel May J. Paguican

Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director


Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Omar A. Obas, CESO V - Schools Division Superintendent
Jasmin A. Isla - Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Johnny M. Sumugat – REPS, Araling Panlipunan
Dr. Meilrose B. Peralta – CID Chief
Dr. Hazel G. Aparece - EPS In Charge of LRMS/ADM
Ronnie C. Cabaya – EPS, Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon Dose

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
3

Araling
Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 7:
Ang mga Lugar na Sensitibo sa
Panganib Batay sa Lokasyon at
Topograpiya
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling
Panlipunan 3 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa
araling Ang mga Lugar na Sensitibo sa Panganib Batay sa
Lokasyon at Topograpiya!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at
sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-
aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain
ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto,
makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na
ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.

1
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 3 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang mga Lugar
na Sensitibo sa Panganib Batay sa Lokasyon at Topograpiya!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat
mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo


ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin


kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-


aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong


aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

2
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para


sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga


katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong


matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

3
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain
sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha
ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

Alamin

Magandang araw sa iyo, kaibigan! Kumusta na ang iyong


pag-aaral? Sa araling ito, natutukoy ang mga lugar na sensitibo
sa panganib batay sa lokasyon at topograpiya.

5
Subukin

Subukin natin ang inyong kaalaman tungkol sa mga lugar na


sensitibo sa panganib batay sa lokasyon at topograpiya.

Panuto: Unawain ang mga tanong sa bawat bilang. Piliin ang titik
ng wastong sagot.

1. Ano ang tumutukoy sa hugis,anyo,porma,daloy ng


anyong tubig, anyong lupa o kabuoang pisikal ng isang
lugar?
A. bagyo B. baha C. diksyonaryo D. topograpiya

2. Ano ang tawag sa pag-agos ng tubig sa mababang


lugar dulot ng malakas na pag-ulan o mula sa mga
malapit na ilog?
A. landslide B. lindol C. pagbaha D. tsunami

3. Anong lugar na madalas nakararanas ng pagbaha?


A. General Santos C. Lungsod ng Cotabato
B. Isulan sa Sultan Kudarat D. Lungsod ng Kidapawan

4. Alin sa mga sumusunod na lugar sa rehiyon ang madalas


nililindol?
A. Cotabato C. Sarangani
B. Lungsod ng Cotabato D. South Cotabato

5. Bakit mababa ang antas ng paglindol sa Cotabato City?


A. Ito ay nasa kapatagan.
B. Ito ay nasa tabing dagat.
C. Malapit ang lokasyon nito sa fault line.
D. Malayo ang lokasyon nito sa fault line.

6
Aralin
Ang mga Lugar na Sensitibo Batay sa
11 Lokasyon at Topograpiya Nito

Panimula
May mga panganib na naidudulot ang ating kapaligiran.
Mahalagang malaman kung ano-ano ang mga likas na
panganib na ito upang mapaghandaan at maiwasan ang
anumang sakuna na maaaring maidulot nito.
Sa pag-aaral ng ating lalawigan at rehiyon, mahalagang
matukoy at malaman ang mga lugar na sensitibo sa panganib.
Ipinababatid nito ang kaugnayan ng topograpiya at lokasyon ng
lalawigan o rehiyon sa maaaring ibungang panganib sa
pamumuhay natin.

Balikan

Panuto: Isipin ang mga dapat tandaan sa paggawa ng pisikal na


mapa. Isulat ang sagot sa tsart.

Mga Dapat Tandaan sa Paggawa ng Pisikal na Mapa

7
Tuklasin
Ang topograpiya ay tumutukoy sa kabuoang katangiang
pisikal ng isang lugar. Inilalarawan nito ang hugis, anyo, porma, at
daloy ng anyong tubig o lupa sa isang lugar.
Batay sa pagtaya ng Mines and Geo-Sciences Bureau
(MGB) ng Rehiyon XII, ang mga lugar na maaaring maapektuhan
ng pagguho ng lupa ay ang mga lungsod ng Kidapawan,
Cotabato at General Santos. Kabilang din ang Isulan sa Sultan
Kudarat at ang mga bayan ng Malungon, Maasim, Kiamba,
Maitum at Alabel sa Sarangani. Sa South Cotabato naman ay
ang mga bulubunduking bahagi ng T’boli, Lake Sebu at Surallah.
Ang mga lugar na madalas nakararanas ng pagbaha ay
ang mga mababang bahagi at malapit sa mga ilog tulad ng Ilog
Tamontaka at Rio Grande sa Lungsod ng Cotabato.Karaniwang
binabaha ang mga Barangay Kolambog, Dansuli, Kalawag III,
Impao, Mapantig, Kenram, Sampao, at Laguilayan sa Isulan.
Malapit kasi ang mga ito sa mga Ilog ng Allah at Banga.
Ang mga patag at mababang lugar na malapit sa Ilog
Marbel at Lutayan. Sultan Kudarat ay naaapektuhan din ng pag-
apaw ng tubig. Kabilang dito ang Lutayan Proper, Mamali,
Maindang, at Bayasong.
Ang mababang lupain at ang pag-apaw ng Bulok Creek
ang nagiging sanhi naman ng pagbaha sa Barangay Poblacion,
Saravia at Carpenter Hill sa Lungsod ng Koronadal. Marami pang
bahagi ng South Cotabato ang binabaha lalo na kapag malakas
ang buhos ng ulan. Ilan ditto ay ang mga barangay ng New Iloilo,
Bukay Pait, at Cabuling ng Tantangan. Kabilang din ang mga
lugar na malapit sa ilog na bahagi ng Banga, Sto. Nino, Norala,
T’boli, Tupi, at Tampakan.
Pag-apaw ng ilog at sapa rin ang dahilan kung bakit
nakararanas ng pagbaha ang Barangay Maribulan at
apoblacion ng Alabel sa Sarangani. Ganito rin sa Sitio Siguil at
Barangay Tinoto ng Maasim. Ang bayan ng Glan na karaniwang
mababa ay madalas ding binabaha.( Halaw sa Region XII 2009
Socio-Economic Profile-NEDA (neda12.neda.gov.ph)( Halaw sa
http://www.mindanews.com/top-stories/2013/07)(Halaw sa KM
pp. 94-95)

8
Suriin
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Saang lugar sa rehiyon XII ang hindi gaanong binabaha o


kaya’y nagkakaroon ng landslide kapag malakas ang
ulan?
2. Saan naman ang kadalasang mataas ang pagkakataon
ng pagguho ng lupa sa tag-ulan?
3. Bukod sa panganib ng bagyo, mapanganib din ang
paglindol? Sa iyong palagay, ano-ano ang mga
lalawigan sa ating rehiyon na bahagi ng fault line?
4. Ano ang dapat gawin upang maiwasan ang anumang
panganib dulot ng kalamidad?

Pagyamanin

 Ginabayang Pagsasanay
Gawain A
Panuto: Pag-aralan ang mapa ng
fault line at Geohazard Map ng
rehiyon at tukuyin ang mga lugar
na maaaring maapektuhan ng
paglindol.
1.Aling mga lugar ang may
mataas na antas na maapektuhan
ng paglindol? Bakit?
2.Aling mga lugar ang may
mababang antas na maaaring
maapektuhan ng paglindol? Bakit?
3.Ano ang kinalaman ng fault
line at trench sa mga posibilidad
ng paglindol?

9
4.Magbigay ng halimbawa ng pangyayari na iyong
nabalitaan sa telebisyon at radio. Pag-aralan ang pagguho ng
lupa sa Lalawigan sa Sultan Kudarat. (KM p.99)
1.Aling mga lugar ang may mababa ang antas na
pagguho ng lupa?
2.Aling mga lugar ang may mataas na antas ng
pagguho ng lupa?
3.Bakit kaya mas mataas ang posibilidad ng pagguho
ng lupa sa mga lugar na ito?

Mataas na antas ng
pagguho ng lupa
Katamtamang antas
ng pagguho ng lupa
Mababang antas ng
pagguho ng lupa

Gawain B Punan ng impormasyon ang Data Retrieval Chart. Itala


ang pangalan ng lalawigan o lungsod, katangiang pisikal at ang
mga panganib na maaaring maranasan dito dahil sa
topograpiya at lokasyon ng naturang lugar.
Lalawigan o Pisikal na Panganib kung saan ito
Lungsod Katangian Sensitibo (lindol, bagyo, o
landslide

10
Isaisip
TANDAAN
Panuto: Punan na wastong sagot ang bawat patlang upang
mabuo ang pangungusap.
Ang ____________ay isang uri ng mapa na nagpapakita ng
mga lugar na maaaring maapektuhan at mapinsala ng mga
kalamidad tulad ng pagbaha, bagyo, pagguho ng lupa, tsunami
at lindol.
Ang______ay ang pagguho ng lupa mula sa isang matarik na
bundok, maaaring dahilan ng paglambot ng lupa dahil sa ulan o
maaring dulot ng pagyanig ng lupa.
Ang _____ay isang pagyanig ng lupa., maaaring dulot ng
“faults line” o pagputok ng bulkan. Ito ay maaaring magdulot ng
landslide, sunog o pagbiyak ng mga kalsada at gusali.Maaaring
magkaroon ng tsunami, kung ang sentro ng pagyanig ng lupa ay
mula sa ilalim ng tubig.

Isagawa
Panuto: Sa unang kolum ng inyong papel gumuhit ng tatlo (3) na
maaaring mangyari sa inyo kung sakali kayo ay handa sa
anumang panganib ng kalamidad na dumating sa inyong lugar
at dalawa (2) sa kanang kolum kapag kayo ay hindi handa.

11
Tayahin
Panuto: Pag-aralan ang mapa ng mga
lugar na tinatayang makararanas ng
tsunami sa Rehiyon XII. Sagutin ang
sumusunod na tanong. Isulat ang letra
ng tamang sagot.

1. Aling lalawigan o lungsod ang may mataas na antas na


makararanas ng tsunami batay sa mapa?
A. General Santos City C. Koronadal City
B. Kidapawan City D. South Cotabato

2. Aling mga lugar ang may mababang antas na maaaring


maapektuhan ng paglindol?
A. Koronadal C. Lungsod ng Cotabato
B. Isulan D. General Santos City

3. Bakit mataas ang antas na makararanas ng paglindol


ang Rehiyon XII?
A. Mataas ang antas na makararanas ng paglindol ang
Rehiyon XII dahil ito ay Kapatagan.
B. Mataas ang antas na makararanas ng paglindol ang
Rehiyon XII dahil ito ay nasa tabing dagat.
C. Mataas ang antas na makararanas ng paglindol ang
Rehiyon XII dahil ito ay malapit sa lokasyon ng fault line.
D. Mataas ang antas na makararanas ng paglindol ang
Rehiyon XII dahil ito ay malayo sa lokasyon ng fault line.

12
4. Saang mga lugar ang may mataas na antas ng pagguho
ng lupa?
A. Dalampasigan C. Kabundukan
B. kapatagan D. tabing-ilog

5. Bakit mahalagang malaman ang kinaroroonan ng mga


fault line sa ating lugar?
A. Mahalagang malaman ang kinaroroonan ng mga
fault line sa ating lugar upang madadagdagan ang ating
kaalaman.
B. Mahalagang malaman ang kinaroroonan ng mga fault
line sa ating lugar upang mayroon tayong ikukuwento sa
iba.
C. Mahalagang malaman ang kinaroroonan ng mga
fault line sa ating lugar upang may isasagot sa talakayan
sa klase.
D. Mahalagang malaman ang kinaroroonan ng mga
fault line sa ating lugar upang maging handa sa
pagdating ng sakuna at maging ligtas.

13
Karagdagang Gawain

Panuto: Itala sa chart ang mga kalamidad na posibleng mangyari


sa inyong lugar at iba pang lugar ng SOCCSKSARGEN.
Lokasyon/Lugar Kalamidad

Binabati kita at matagumpay mong natapos ang modyul na ito!


Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.

14
15
Subukin
1. D
2. C
3. C
4. C
5. D
Suriin
-Sagutin ang sumusunod na tanong:
Pagyamanin
Gawain A at B-Maaaring
magkakaiba-iba ang sagot
Isaisip
-Topograpiya
- Landslide
-lindol
Isagawa
-Sundin ang panutong nakalahad
Tayahin
1. A
2. C
3. C
4. C
5. D
Karagdagang Gawain
- Maaaring magkaiba-iba ang sagot
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Antonio V. Amparado, Et.al. 2020.


Kidapawan:
Studio Graphics Corp.

DOST-PHIVOLCS. 2018.
PHIVOLCS.

16
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman
ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC)
ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin
ng bawat mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa
taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming
hinihimok ang pagbibigay ng puna, komento at rekomendasyon.

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like