Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
Schools Division of City of Malolos
District 5
LUGAM ANNEX ELEMENTARY SCHOOL
Lugam, City of Malolos, Bulacan

Ikaapat na Markahan
Ikatlong Sumatibong Pagsusulit Araling Panlipunan 6

Pangalan: ___________________________________ Marka: _____________


Baitang /Pangkat: _________________________ Petsa: _______________
I. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa patlang bago ang numero.
______1. Anong programa ni Pang. Fidel V. Ramos ang naglalayong maitaas ang antas ng pamumuhay ng mga mamamayan
at mabigyan ang mga tao ng maayos na serbisyong panlipunan?
A. Social Reform Agenda C. Clean and Green Program
B. Moral Recovery Program D. Color-coding
______2. Sinong pangulo ang nagtanggal sa suspensyon ng writ of habeas corpus na nagpalaya sa may 459 bilanggong
pulitikal sa panahon ng Batas Militar?
A. Rodrigo Roa Duterte C. Fidel V. Ramos
B. Ma. Corazon C. Aquino D. Joseph Ejercito-Estrada
______3. Alin sa mga sumusunod ang hindi binigyang tugon sa Poverty Eradication Program ni Pang. Joseph Ejercito-
Estrada?
A. Proteksiyon at kagalingan ng mga manggagawa.
B. Pagtataas ng pondo para sa kalusugan ng mga tao.
C. Pagpapagawa ng mga daan sa mga baryo upang mapadali ang pagluluwas ng mga ani sa mga lungsod
D. Hindi pagsasagawa ng mga karagdagang pampublikong pasilidad, kagamitan at mga serbisyo.
______4. Tungkol saan ang Asset Privatization Trust?
A. Pagsasapribado ng ilan sa mga kompanyang pagmamay-ari ng pamahalaan.
B. Pagkakaroon ng rolling store na magtitinda ng murang bigas at iba pang pangunahing pangangailangan ng mga
tao.
C. Malayang pagpasok ng mga produkto at serbisyo mula sa ibang bansa.
D. Pagkakaroon ng mga proyektong pabahay sa mas murang halaga.
______5. Sino ang namuno sa paglulunsad ng Moral Recovery Program (MRP) na may adhikaing maibalik ang pundasyong
moral at etikal ng bansa?
A. Nur Misuari C. Senadora Leticia Ramos Shahani
B. Pang. Joseph Ejercito-Estrada D. Pang. Ma. Corazon C. Aquino
______6. Anong programa ang tumutukoy sa malayang pagpasok ng mga produkto at serbisyo mula sa ibang bansa papasok
sa ating bansa?
A. Countrywide Development Fund C. Ecological Waste Management Program
B. Asset Privatization Trust D. Trade Liberalization
______7. Sinong pangulo ang naglalayong maging isang industriyalisadong bansa ang Pilipinas sa buong Asya sa taong 2000
at maging Tiger Economy in Asia?
A. Rodrigo Roa Duterte C. Fidel V. Ramos
B. Ma. Corazon C. Aquino D. Joseph Ejercito-Estrada
______8. Bakit nilikha ang Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF)?
A. Nilikha upang mapanatiling malinis an gating kapaligiran.
B. Nilikha upang protektahan ang seguridad ng ating pangulo.
C. Nilikha upang mabawasan ang mga kaso ng kidnapping at car theft sa buong bansa.
D. Nilikha upang magkaroon ng mga proyektong pabahay sa mas murang halaga.
______9. Bakit tinawag na “The Centennial President” si Pang. Joseph Ejercito-Estrada?
A. Sapagkat ika-100 taon noon ng Kalayaan ng bansa ng siya ay manungkulan
B. Sapagkat siya ay 100 taong gulang nung nanungkulan.
C. Sapagkat siya ay nanungkulan ng 100 taon.
D. Sapagkat 100 taon ang nais niyang termino sa panunungkulan.
______10. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang pinakamabisang paraan upang mas maging matagumpay ang mga
programang ipinatutupad ng pamahalaan?
A. Sumunod sa mga programa kung may nakakakitang ibang tao lamang.
B. Sumunod, makilahok at ipagbigay-alam ang mga programang ipinatutupad sa iyong mga kakilala’t kaibigan.
C. Huwag sumunod sa programa dahil wala kang mapapala dito.
D. Sumunod lamang sa programang ipinatutupad kapag may perang kapalit.
______11. Sino ang ikalabing-apat na pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas?
A. Ma. Corazon C. Aquino C. Joseph Ejercito-Estrada
B. Gloria Macapagal-Arroyo D. Benigno Simeon Aquino III
______12. Anong batas ang ipinatupad ni Pang. Gloria Macapagal-Arroyo na naglalayong maitaas ang ponding nalilikom ng
gobyerno para sa lumalaking kakulangan ng pambansang badyet?
A. Presidential Anti-Graft Commission C. Expanded Value Added Tax
B. Strong Republic Nautical Highway D. Gloria Labandera Rolling Stores
______13. Alin sa mga sumusunod na batas ang kilala rin bilang Republic Act No. 10612?
A. Fast-Tracked Science and Technology Scholarship Act of 2013
B. Programang Run After Tax Evaders
C. Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees
D. Iskolar ng Bayan Act of 2014
______14. Siya ang ikalabing-anim at kasalukuyang pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas.
A. Leni M. Robredo C. Francisco Duque
B. Christopher Lawrence “Bong” Go D. Rodrigo Roa Duterte
______15. Ito ay tumutukoy sa mga tiwaling pinuno at empleyado ng pamahalaan.
A. lingkag C. administrasyon
B. programa D. rebelde
______16. Ito ay isinagawa sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Duterte na humikayat sa mga gumagamit at
nagtutulak ng illegal na droga na sumuko na sa kapulisan.
A. Operation Tokhang C. Change is Coming
B. Bangsamoro Organic Law D. Presidential Anti-Graft Commission
______17. Alin sa mga sumusunod na programa ang naglalayong mabigyan ng pagkakataon ang mahihirap na mamamayang
makabili ng pagkain at gamot sa mas mababang halaga?
A. K to 12 Program C. Botika ng Barangay
B. Gloria Labandera Rolling Stores D. Strong Republic Nautical Highway
______18. Kailan nanungkulan si Benigno Simeon Aquino III bilang pangulo ng Ikatlong Republika ng PIlipinas?
A. Enero 20, 2001 C. Hunyo 30, 2010
B. Hulyo 25, 2016 D. Hunyo 12, 1898
______19. Alin sa mga sumusunod na programa ang ipinatupad ni Pang. Benigno Simeon Aquino III ang naglalayong turuan
at gawing produktibo ang kabataang may gulang na 15 hanggang 30 na hindi nag-aaral o Out of School Youth sa
tulong ng programang Alternative Learning System?
A. Abot-Alam Program C. Pantawid Pamilyang Pilipino Program
B. K to 12 Program D. Expanded Program on Immunization
______20. Ano ang hiningi ni Pangulong Duterte mula sa kongreso upang malutas ang problema ng trapiko sa Kamaynilaan?
A. pondo C. federal government
B. palugit D. emergency power

JESS AMIEL D. TAPANG ___________________________________


ADVISER Parent signature

You might also like