Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

July 30, 2021

MR A, B, C
123 Commonwealth Quezon City

DEMAND LETTER

Sa mga kinauukulan:
Aking ipinapaabot sa inyo na ang aking kliyente na si MR. ZOOM ay ipinaalam sa akin
na ang kanyang sasakyan na PORSCHE na may plakang XXX123 ay nagtamo ng mga
kasiraan dulot ng inyong matinding kapabayaan at walang tugon sa anumang uri ng pag-
iingat gam it ang isang FERRARI na may plakang XXX321 ,pagmamay-ari ni MR. Aat
siya namang minamaneho ni MR. B, kasama si MR. C, nang naganap ang nasabing
pagbangga. Maraming mga saksi ang siyang makapagpapatunay sa pangyayaring ito.
Dahilan nito ay gumugol ang aking kliyente ng halagang EIGHTEEN THOUSAND
PESOS (Php18,000.00) sa pagpapaayos ng kaniyang sasakyan na dapat ay kayo ang
pangunahing nanagot. Bukod dito, bilang danyos perwisyo na nagdulot ng matinding
hirap at kabalisahan, inyong responsibilidad at obligasyong legal na magbayad ng
karagdagang (Php15,000.00) sa aking kliyente.
Ako at ang aking kliyente ay umaasa na kayo ay lubos na tutugon sa panawagang ito sa
pamamagitan ng pagbabayad ninyo ng mga nabanggit na halaga sa loob lamang ng
SAMPUNG (10) araw mula sa petsa ng inyong pagkatanggap ng sulat na ito. Kung inyong
ipagwawalang bahala ang sulat na ito ay aming nais ipabatid alam sa inyo na kami ay
mapipilitang magsampa ng mga kaukulang kasong SIBIL at KRIMINAL sa mga
hukumang panghustisya.

Gumagalang,

Atty. Abogadong W. Kaso


Contact No.: 12345678

You might also like