Professional Documents
Culture Documents
MODYUL-NG-PAGKATUTO-GE-12-PANITIKAN (Final Copy)
MODYUL-NG-PAGKATUTO-GE-12-PANITIKAN (Final Copy)
Modyul sa Pagkatuto
sa
GE-12
PAnITIKAn
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
Patungkol sa Modyul
Deskripsyon ng Kurso
2
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
Inaasahang Kaalaman
2. matutukoy ang mga akda ng iba’t ibang rehiyon at ang kinabibilangan nito;
Talaan ng Nilalaman
3
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
Ang modyul na ito ay nahahati sa iba’t ibang aralin.
4
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
Pabula . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 34
Sanaysay . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 35
Balita . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 35
Talambuhay . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 35-36
Talumpati . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 36
V. Mga Batayang Konsepto . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 36
VI. Pagtataya . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 37-39
VII. Takdang-Aralin . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .. . . . . 40
VIII. Sanggunian . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 40
I. Layunin . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 41
II. Paunang Pagtataya . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . ... . . . . 41
III. Panimula . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . … . . . 42
IV. Nilalaman . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 42
Mga Unang Tao sa Pilipinas . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .42-45
Mga Saling-Bibig na Panitikan. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .45
o Karunungang-Bayan. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .. . . . .45
o Bugtong . . . . . . . .. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 45-46
o Salawikain. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 46
o Kasabihan. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .. . . . .46
o Palaisipan. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 47
o Bulong. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . ..47
o Awiting-bayan . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .47
- Soliranin . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .47
- Talindaw . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .47
- Maluwaya . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 47
- Kumintang . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .47
- Kundiman . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 47
- Dalit . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 47. . .
V. Mga Batayang Konsepto . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .. . . . .48
VI. Pagtataya . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .. . . . . 48-51
VII. Sanggunian . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 52
5
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
6
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
V. Mga Batayang Konsepto . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 66-68
VI. Pagtataya . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 68-70
VII. Sanggunian . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 70-71
7
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
I. Mga Layunin:
A. Maramihang Pagpipilian.
Panuto: Basahin at tukuyin ang tinutukoy na uri ng panitikan sa bawat
bilang. Isulat ang titik ng wastong sagot sa patlang.
8
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
______ 4. Ito ang maapoy na nobelang sinulat ni Dr. Jose Rizal laban sa
mga Kastila.
a. Noli Me Tangere b. Kahapon, Ngayon at Bukas
c. Doctrina Christina d. A Fly in a Glass of Milk
B. Enumerasyon.
Panuto: Sagutin ang sumusunod ayon sa iyong kaalaman sa Panitikang
Filipino. Isulat ang sagot sa patlang.
III. Panimula
Ang mga anyong ito ng panitikan ay nahati sa dalawang malaking sanga – ang
tuluyan at ang patula – bagama’t ang iba, tulad ng tula ay matatagpuan sa
dalawang uri. Dahil dito, may mga ulat na pangkasaysayang payak ngunit kung ito ay
9
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
isusulat sa masining na paraan, kahit ito ay mga ulat pangkasaysayan, ito ay
nagiging pampanitikang kasaysayan at nagiging bahagi ng panitikan ng lahi.
IV. Nilalaman
Ang Panitikang Filipino
(http://tl.wiki.answers.com/Q/Ano_ang_panitikan)
May iba’t ibang mga manunulat at mga dalubhasang Pilipino ang nagbigay ng
kahulugan sa panitikan ayon sa kanilang pananaw bilang mamamayan ng Pilipinas.
Kanilang sa mga ito sina Joey Arogante, Zeus Salazar, at Patrocinio V. Villafuerte,
bukod sa iba.
Ayon kay Arogante (1983), ang panitikan ay talaan ng buhay sapagkat dito
isinisiwalat ng tao sa malikhaing paraan ang kulay ng kanyang buhay, ang buhay ng
kanyang daigdig, at ang daigdig na kanyang kinabibilangan. Ginagawa ito ng isang
tao sa pamamagitan ng malikhaing pamamaraan.
Noong 1995, inilarawan ni Salazar (1995) ang panitikan bilang isang lakas na
nagpapakilos sa alinmang uri ng lipunan. Dinagdag pa niyang isa itong
kasangkapang makapangyarihan na maaaring magpalaya sa isang ideyang
nagpupumiglas upang makawala. Para sa kanya, isa rin itong kakaibang karanasang
pantaong natatangi sa sangkatauhan.
10
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
Filipino na nagsasaad ng kanilang kasaysayan, pamumuhay, pag-uugali, paniniwala
at pananampalataya.
A. ayon sa paghahalin
B. ayon sa anyo
11
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
3. patanghal
Ang panitikan ay nasa anyong patula kung ito ay saknungan na ang bawat
taludturan ay maaaring may bilang o sukatang mga pantig at may
magkakasintunog o magkakatugmang pantig sa hulihan. Maaari rin naman itong
malaya at wala ang mga katangiang unang nabanggit.
Patuluyan naman ang anyo ng panitikan kung tulad lamang sa pang araw-
araw na takbo ng pagsasalita o mga kaisipan ang paglalahad. Sa halip na
pasaknong ang mga taludtod, ito ay patalata.
12
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
Iliad At Odessey – akda ni Homer, na kinatutuhan ng mga alamat at mitolohiya ng
Gresia.
A. Paraang Historical
13
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
Isang tradisyon o nakaugaliang paraan na pagbasa at pagpapaliwanag ng
mga tekstong pampanitikan. Isa itong metodong nagpapakita ng mga bagay,
karanasan, at pwersang pangkasaysayan na nagbibigay ng impluwensiya tungo sa
paggawa, pagsulat, paghubog, at pag-unlad ng panitikan sa Pilipinas. Sa ganitong
paraan, nagkaroon ng apat na kahatian ang kapanahunang pangkasaysayan ng
Pilipinas.
B. Paraang Pormalistiko
May limang mahalagang dahilan kung bakit dapat nating pag-aralan ang
panitikan Filipino:
Una: Upang makilala natin ang sariling kalinangan, ang minanang yaman ng
isip at henyo nating lahi sa iba kaysa sa ibang lahi;
Ikalawa: Upang matalos na katulad ng ibang lahi na tayo ay mayroon ding dakila at
marangal na tradisyong ginagamit na puhunan-salalayan sa paghihiram ng mga
bagong kalinangan at kabihasnan;
14
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
Ikatlo: Upang matanto ang mga kapintasan sa ating panitikan at makapagsanay
upang mailagan at mapawi ang mga ito;
Ikalima: Ito’y higit sa lahat, sapagkat tayo’y mga Filipino dapat maging katutubo sa
atin ang pagkakaroon ng pagmamalasakit sa ating sariling Panitikang Pilipino.
Bago dumating ang mga Kastila, ang ating panitikan ay karaniwang palipat-
dila at nagtataglay ng impluwensya ng kaisipang Malayo-Indonesyo. Ang panahon
ng mga Kastila ay panahon ng panunulad, pagkabaguhan sa kaisipang kanluranin,
ngunit pagkagising sa doktrina ng pag-ibig pangkristiyano. Ang mala-inapoy na
pagkagising naman ng damdaming makabayan at simula ng pagkakaisang
pambansa ay mga katangian ng panahon ng propaganda at himagsikan. Ang naging
15
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
katangian ng panahon ng mga Amerikano ay ang pag-adbentura sa mga bagong
anyo at diwa ng panitikan at pagkapuri ng henyong pampanitikan na nangyayari
noong panahon ng mga Hapon.
Ang mga Rehiyon sa Pilipinas at mga Anyo ng Panitikan
16
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
17
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
Rehiyon IX
Yakan (alamat),
Basilan at Zamboanga Guman (epiko),
Diole (awit ng pag-ibig),
Buwa (oyayi),
Giloy (awit sa patay)
Rehiyon X
Bukidnon, Camiguin, Misamis Limboy (tula),
Occidental at Oriental alamat, bugtong
Rehiyon XI
ARMM (Basilan, Tawi-tawi, Darangan (epiko),
Zambaonga del Sur at Del Norte, Tutol (kuwento),
North Cotabato, Maguindanao, Kisa (kuwentong-bayan),
Sultan Kudarat, Lanao Del Norte Bayok (awit at tula),
at del Sur, at South Cotabato Didaw sa wata (oyayi),
Pananaroon (salawikain)
Rehiyon XII
Lanao del Norte Tutol( kuwento)
Kisa ( kuwentong-bayan)
North Cotabato bayok (awit at tula)
Rehiyon XIII
Agusan del Norte at del Sur kasabihan,
Surigao del Norte at del Sur kuwentong-bayan
18
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
ayon sa paghahalin
a. pasalindila – ang paglilipat ng panitikan sa pamamagitan ng
dila
o bibig.
b. pasalinsulat – isinusulat, inuukit at iginuguhit ng kahoy o mga
dahun-dahon ang mga panitikan.
1. ayon sa anyo
a. patula kapag may bilang o sukat ang mga pantig sa saknungan
ng bawat taludturan at magkakasintunog o magkakatugma ang
V. Pagtataya mga pantig sa hulihan nito.
A. Pagkakakilanlan.
Panuto: Tukuyin ang
b. patuluyan kungsalita
ang opanitikan
mga salitang tinutukoy
ay inilalahad sa bawat
nang patalata sa
kaisipan. Isulat
halip ang sagot sa
na pasaknong at kaliwang patlang
isinasagawa na nakalaanpagsasalita
sa karaniwang sa ibaba.
o mga kaisipan.
1. _____________ Ibig sabihin nito ay maikling katha.
2. _____________ Katumbas
c. patanghal ng awit
kung ito’y ng pag-ibig.
isinasadula sa entablado, sa bahay,
3. _____________ oSalitang-ugat na pinagmulan
sa bakuran o kahit na sa daan ng salitang
o saanman“panitikan”.
na maaaring
4. _____________ patula
Aklat ng mga Mohametano
o patuluyan. na galing sa Arabia.
5. _____________ Anyo ng panitikan sa Rehiyon 2 na ang kahulugan ay
bugtong. w
6. _____________ Ito ang tawag ng mga taga-Zamboanga del Sur sa
kuwentong bayan.
7. _____________ Tinatawag itong awit sa patay.
19
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
Kristiyano.
9. _____________ Siya ang may-akda ng Iliad at Odyssey.
10. _____________ Ito’y aklat na nagsasalaysay ng kaapihan ng mga Itim na
kamay ng mga Puti at naging pagpapalaganap ng
demokrasya sa iba’t ibang bansa.
11. _____________ Naglalaman ang aklat na ito ng pananampalataya,
moralidad at ugali ng mga Italyano.
12. _____________ Aklat ng mga Mohametano na galing sa Arabia.
13. _____________ Anyo ng panitikan sa Rehiyon 2 na ang kahulugan ay
bugtong.
14. _____________ Ito ang tawag ng mga taga-Zamboanga del Sur sa
kuwentong bayan.
15. _____________ Timpalak o laro sa pagtula na isinasagawa sa Rehiyon I.
B. Pagsulat ng Sanaysay.
Panuto: Sagutin ang mga katanungan nang buong husay sa patlang na nakalaan
sa ibaba nito. Gamitin ang RUBRIK bilang gabay sa pagsusulat.
RUBRIK:
NILALAMAN (maayos na pagkakabuo, may pangunahing ideya, may mga karagdagang kaisipan ) . . . . . 5 points
ORGANISASYON (lohikal at maayos ang pagkakasunud-sunod ng mga kaisipan, gumamit ng mga
transisyunal na pantulong tungo sa kalinawan ng mga ideya) . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 3 points
MEKANIKS (wastong paggamit ng mga bantas, malaking titik, tamang baybay at gramatika, atbp .) . . . . 2 points
KABUUAN . . . . . . . . 10 PUNTOS
VI. Sanggunian
20
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
Sanchez, R. et. al. (2019). Panitikan ng Pilipinas. Room 215 Intramuros Corporate
Plaza Building, Cabildo corner Recoletos Street, Intramuros, Manila: Unlimited
Books Library Services & Publishing Inc..
Santiago, Lilia Q. (2007) Mga Panitikan ng Pilipinas. Quezon City: C & E Publishing
House
21
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
I. Mga Layunin:
B. Pagpapangkat-pangkat.
Panuto: Pagsamahin sa iisang pangkat ang mga panitikang magkakasama
ayon sa kanilang kinabibilangan. Isulat ang mga salita sa itinalagang kahon.
III. Panimula
Alam mo ba na noong unang panahon, ang ating mga ninuno ay mahilig din sa
panitikang Filipino? Paano kaya nila naipakita ang kanilang pagkahilig sa panitikan?
IV. Nilalaman
ANYO NG PANITIKAN
23
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
1. Patula ang panitikan kapag ito’y may sukat at tugmang sinusunod. Ang malayang
taludturan (free verse) ay patula rin ngunit hindi sinusunod ang pamantayan ng
sukat at tugma.
2. Tuluyan naman ang panitikan kapag ito’y walang sukat at tugma at tuloy-tuloy
ang pagpapahayag sa karaniwang takbo ng mga pangungusap.
ANG TULA
Ang sukat ay bilang ng mga pantig sa isang taludtod samantalang ang tugma
ay pagkakasintunog ng mga huling pantig sa bawat taludtod ng saknong. Mayroon
ding mga tula na may sukat at walang tugma (blank verse) at mayroon pa ring
walang sukat at walang tugma (free verse).
24
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
kurido); at
c. tulang pandulaan o dramatic (tulad ng komedya, duplo, senakulo at iba pa).
Apat ang pangkalahatang uri ng tula: tulang liriko, tulang pasalaysay, tulang
pandulaan at tulang patnigan. Mayroon pa ring pang-ilalim na kaurian ang mga ito:
a. Awit – ay nagbibigay daan sa oda, isang tulang liriko na may marangal na uri
at karaniwang pinapaksa ay may kinalaman sa pag-ibig, kalungkutan, pag-
asa, pangamba, poot at kaligayahan.
b. Soneto - maikling tula, awit, o balad. Ito ay may labing-apat (14) na taludtod.
Ang unang nagpakilala ng soneto bilang isang anyo ng tulang liriko ay si
Petrerka ng Italya. Ang kanyang tula ay binubuo ng dalawang bahagi:
1. ang oktabo o unang walong taludtod
2. sestet o anim na huling taludtod
25
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
May mga paglihis sa dalawang anyo nito ngunit tiyak sa soneto ang 14 na
taludtod. Nagtataglay din ito ng mga pag-aaral ng buhay. Ang nilalaman ay
tungkol sa damdamin, kaisipan at may malinaw na kabatiran sa likas na
pagkatao.
2. TULANG PASALAYSAY
26
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
komedya, tibag, panunuluyan, sarswela. Ang halimbawa ng mga tulang
pandulaan ay ang:
o saynete ni Francisco na “La india Elegante y El Negrito Amante”
o melodramang “Plaridel” ni Jose N. Sevilla
o “Katipunan” ni Gabriel Beato Francisco
Pinagkaugaliang Tula
Ang pinagkaugaliang tula ay may sukat at tugma. Ang sukat ay ang bilang ng
pantig sa bawat taludtod. Ang tugma ay ang pagkakahawig ng tunog ng huling
pantig sa bawat taludtod.
Blangko Berso
Ang tulang may sukat ngunit walang tugma. Ang ilan sa mga tula ni
Shakespeare at ang Bibliya ay sa blangko berso nasususulat.. Ngunit ang
kinikilalang “Ama ng Blangko Berso” ay si Christopher Marlowe na kapanahon
ni Shakespeare. Sa panulaang Filipino, ang Blangko Berso ay di gaanong
popular.
Malayang Taludturan
Walang sukat at walang tugma, ang malayang taludturan ay siyang
pinakapopular na anyo ng tula ng paghihimagsik o paghingi ng pagbabago ng
mga pangkat ng kabinataan.
27
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
4. TULANG PATNIGAN
Ang mga uri ng akdang sinulat sa tuluyan ay ang sumusunod at iba pa:
NOBELA
28
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
2. Nobela ng Tauhan - ang mga hangarin at pangangailangan ng mga tauhan
pinangingibabaw sa uring ito ng nobela.
MAIKLING KUWENTO
Si Edgar Allan Poe ang tinaguriang “Ama ng Maikling Kuwento” dahil siya ang
kauna-unahang manunulat na nagpakilala ng maikling kuwento bilang isang sining.
29
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
sa kanyang isip ang mga pangyayaring gigising sa kanya ng isang tiyak na
damdamin.
30
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
5. Kuwento ng Kababalaghan - ang mga bagay na hindi kapani-paniwala at
salungat sa hustong bait, kaisipan at karanasan ng pangyayari, kataka-taka ay
nagbibigay kasiyahan sa mga mambabasa.
Hbw. “Paniningil ng Alila” ni Salvador Barros
7. Kuwentong Sikolohiko - may kahirapan ang ganitong uri ng kuwento. Ang mga
tauhan ay inilalarawan sa mga pag-iisip ng mga mambabasa. Sinasabing ang
suliranin ng may-akda ay nag maipadama sa mga mambabasa ang damdamin
ng isang tao sa harap ng isang pangyayaring kalagayan.
Hbw. “Dugo at Utak” ni Mateo Cruz Cornelio
“May Landas ang mga Bituin” ni Macario Pineda
DULA
31
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
Ang dula ay isang uri ng akda ng kaisipan ng sumusunod ay inilalagay sa
bibig ng mga tauhang gumaganap sa tanghalan o dulaan. Ang dula ay nahahati sa
ilang yugto sa ilang tanghal at ang tanghal ay sa ilang tagpo. Tinatawag na:
ALAMAT
32
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
PABULA
Ang katha o pabula ay taong buhay na likha lamang ng guni-guni ng isang
manunulat na ang karamiha’y karaniwang mahirap na mangyari at ang kalahatan ay
sadyang hindi maaring mangyari. Ito ay isang maikling babasahin na noong unang
panahon ay inuukol sa mga bata ng layunin ay ihasik sa isipan ng mga batang ito
ang mga katangian’ ‘tangi’t kahanga-hangang pangyayari upang sila ay magkaroon
ng pagnanais na magawa ang mga katangiang ipinamamalas ng pangunahing
tagaganap ng isang katha o pabula.
SANAYSAY
33
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
malayang pamamaraan, karaniwang ang himig ay parang nakikipag-usap,
kung minsa’y tila ibig magpakilala ng isang munting panuntunan sa buhay.
BALITA
Ang balita ay isang anyo ng paglalahad na tinatalakay ang iba’t ibang bagong
nagaganap na pangyayari sa pamahalaan, sa lipunan, sa paaralan, sa
pananampalataya, sa agham, kalakalan, sakuna, kalusugan, at iba pa.
TALAMBUHAY
TALUMPATI
34
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
KATANGIAN NG TULA
1. may sukat - ang bilang ng mga pantig sa isang taludtod
halimbawa: Ba/yang /ma/gi/liw, per/las /ng /si/la/nga/nan
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12
o nobela
o maikling kuwento
o dula
o alamat
o pabula
o sanaysay
o balita
o talumpati
35
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
V. Pagtataya
A. Maraming Pagpipilian.
Panuto: Basahin ang bawat kaisipan. Piliin ang titik ng wastong sagot
at isulat sa patlang sa kaliwa.
36
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
________10. Ito’y likhang-isip lamang hinggil sa pinanggalingan ng isang
bagay.
a. alamat c. maikling kuwento
b. dula d. pabula
________14. Ang layunin nito ay upang sugpuin ang mga di-wastong hilig ng
mga bata.
a. parabola c. pabula
b. alamat d. maikling kuwento
B. Pagpapaliwanag.
Panuto: Sagutin ang mga katanungan nang mahusay. Isulat ang
kasagutan sa sumusunod na mga patlang. Gamitin ang rubrik sa
pagpapaliwanag ng kaisipan.
37
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
RUBRIK:
NILALAMAN (maayos na pagkakabuo, may pangunahing ideya, may mga karagdagang kaisipan ) . . . . . 5 points
ORGANISASYON (lohikal at maayos ang pagkakasunud-sunod ng mga kaisipan, gumamit ng mga
transisyunal na pantulong tungo sa kalinawan ng mga ideya) . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 3 points
MEKANIKS (wastong paggamit ng mga bantas, malaking titik, tamang baybay at gramatika, atbp .) . . . . 2 points
KABUUAN . . . . . . . . 10 PUNTOS
VI. Takdang-Aralin:
VII. Sanggunian
Sanchez, R. et. al. (2019). Panitikan ng Pilipinas. Room 215 Intramuros Corporate
Plaza Building, Cabildo corner Recoletos Street, Intramuros, Manila: Unlimited
Books Library Services & Publishing Inc.
38
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
I. Mga Layunin:
Bugtong:
1. Hinila ko ang tiyan, lumapad ang laman. Sagot: _________
2. Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay. Sagot: _________
3. Maliit pa si Kumpare, nakakaakyat na sa tore. Sagot: _________
4. Hindi hayop, hindi tao, pumupulupot sa tiyan mo. Sagot: _________
5. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat. Sagot: _________
Palaisipan:
1. Ang Santa ay ginagamit sa pangalan ng babae. Sagot: _________
Halimbawa, ang Santa Teresita.
Ang Santo naman ay ginagamit sa lalaki.
Halimbawa, Santo Tomas. Meron ding lalaki na
kung tawagin ay Santa. Sino siya?
39
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
pangalan nila, umpisa sa panganay ay si Nana,
Nene, Nini, at . . . .? Ano ang pangalan ng
bunso sa magkakapatid?
III. Panimula
Ang ating mga ninuno ay may sarili ng panitikan bago pa man dumating sina
Magallanes sa Pilipinas. Nagtataglay ang panitikang ito ng kasaysayan ng ating lahi,
mga kuwentong-bayan, salawikain, kasabihan, bugtong, palaisipan, atbp.
Ang ginagamit na sulatan ng ating mga ninuno ay ang mga biyas ng kawayan,
talukap ng bunga o niyog at sa mga dahon at balat ng mga punongkahoy, dulo ng
lanseta o anumang patalim, matutulis na bato o bakal, atbp. Ang mga tulang
pampanitikan ng matandang Pilipino ay sinunog ng mga unang prayle na nagtungo
sa Pilipinas. Upang mapalaganap agad ang pananampalatayang Katoliko ay sinunog
ng mga prayle ang mga manuskritong Tagalog na nasulat sa matandang baybayin
sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.
IV. Nilalaman
40
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
Ang mga Negritong kilala sa tawag na Ayta o Aytas ay siyang mga unang
naninirahan sa ating pulo. Sila ay abala lagi sa paghahanap ng ikabubuhay sa tulong
ng pana at busog. Palipat-lipat sila ng tirahan kaya sila’y di-nagkapanahon sa sining
na lampas sa mga bulong at kasabihan.
Dalawang sapit ng mga Indones ang nandayuhan sa ating pulo. Sila’y mga
inanak ng isang lahing Monggol na nalahukang dugong Kaukaso. Ang unang sapit
ay tumuntong sa ating lupain 2,000 taon na ngayon. Naiba sila sa unang sapit
sapagkat bago sila nakarating dito ay naparaan muna sila at nakipamuhay sa mga
tao sa mga pulo na Paua.
41
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
Ang mga unang Bumbay na may pananampalatayang Boda na nandayuhan
sa bansa ay nagdaan sa Borneo noong may ika-12 taon A.D. Ang ikalawang sapit ng
mga Bumbay na may pananampalatayang Bramin ay dumating noong ika-13
daantaon at nagdaan muna sa Diyava at Borneo sa panahon ng kaharian ni
Madyapahit.
Tatlong sapit ang mga Malay na nandayuhan dito. Ang unang sapit ay ang
mga mamumugot-ulo ((head hunter) at nakarating dito ng taong 200 bago isinilang si
Kristo at ng taong 100 A.D. Ang mga Igorot ang mga inaanak nila at gayon din ang
mga Buntok at Tingaiyanes. Sila ay naninirahan sa kabundukan ng Luzon. Ang
ikalawang sapit ay ang mga Malay na may alibata na dumating noong 200 at 300
A.D. Sila ay ang mga Bisaya, Bikol, Tagalog at dumating ditto ng 700 A.D. mula sa
Borneo at nanirahan sa Panay, Mondoro at Taal. Ang mga mahomentanong Malay
ay siyang ikatlong sapit na dumating sa pagitan ng 1300 at 1500, ang mga inaanak
nito’y ang mga Maranaw na Muslim. Galing sa tatlong uri ng mga Malay ang ating
mga panitikan bago dumating ang mga Kastila.
7. Impluwensiyang Kambodya
8. Kaharian ng Mandyapahit
42
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
Bumagsak ang kahariang Madyapahit noong ika-15 dantaon at napalitan ng
pamamayani ng Intsik sa sumakop sa buong Malaysia at Timog-Silangang Asya, sa
kapangyarihan ng ikalawang emperador ng angkan ng Ming na si Yung Lo. Ayon sa
kasaysayan, may isang plotang Intsik na 20,000 ang taon sa pamumuno ng balitang
almiranteng si Cheng Ho ang sumadsad sa Lingayen, Mindoro, Sulu at Maynila
noong taong 1405, 1408 at 1417.
A. MGA KARUNUNGANG-BAYAN
2. Hayaan si Ingkong,
Nakaupo sa lusong.
Sagot: kasoy
3. Baboy ko sa pulo,
43
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
Ang balahibo’y pako
Sagot: langka
4. Naabot na ng kamay,
Ipinagawa pa ng tulay.
Sagot: kubyertos
Halimbawa:
1. Aanhin mo ang damo, kung patay na ang kabayo.
2. Tuso man daw ang matsing, napaglalangan din.
3. Ang magtanin ng hangin, bagyo ang aanihin.
4. Pag ang ilog ay magalaw, ang ilog ay mababaw.
5. Habang maiksi ang kumot, matutong mamaluktot.
Halimbawa:
1. Ang batang matapat, pinagkakatiwalaan ng lahat.
2. Ang kalinisan ay tanda ng kasipagan.
3. Mabisa ang pakiusap na malumanay, kaysa utos na pabulyaw.
4. Ang taong walang tiyaga, walang yamang mapapala.
5. Ang kayamanan ay galing sa kasamaan, dulot ay kapahamakan.
Halimbawa:
44
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
1. May limampung kambing na nabakuran. Lumukso ang limampu ilan ang
natirang kambing?
Sagot: Limampu rin, kasi lumukso lang naman ang ilan.
2. May sampung aso sa itaas ng gusali, may nakita silang pusa sa ibaba,
tumalon sila sa building. Ilan ang natira?
Sagot: Sampu pa rin tumalon lang naman sila, hindi naman nagpatihulog.
Halimbawa:
1. Tabi, tabi po mga nuno. Makikiraan po.
Halimbawa:
a. Soliranin (rowing songs) – awit ng mga manggagaod
b. Talindaw (boat songs) – awit sa pamamangka
c. Kundiman (love songs) – awit ng pag-ibig
d. Kumintang o Tagumpay (war or battle songs) – awit ng pakikidigma
e. Dalit o Himno (hymns) – awit na sinasalihan ng sayaw at tugtog
f. Diona (nuptial or courtship songs) – awit sa panliligaw o pag-iisang
dibdib
g. Oyayi (lullaby) – awit pampatulog sa sanggol
h. Sambotani (victory songs) – awit ng tagumpay
i. Maluwaya – awit ng mga sama-samang paggawa
45
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
46
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
V. Pagtataya
A. Pagkilala.
Panuto. Tukuyin ang salita o mga salitang tutugon sa bawat kaisipang
nakasaad sa ibaba. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
47
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
a. oyayi b. dalit kay Maria
c. kundiman d. kantahin
_____ 10. Sistema ito ng pagkakasalin-salin ng panitikan natin mula noong unang
panahon hanggang sa kasalukuyan.
a. pagbabasa b. pagsusulat
c. pagsalin-bibig d. pagbabalita
_____ 11. Siya ang bayani sa Alamat ng Palawan at Mindoro at sa mga ilang pulong
Sulu.
a. Yong Lo b. Orang Dampuan
c. Orang Banjar d. Buranun
_____ 12. Ito’y karaniwang inaawit ng isang ina sa kanilang sanggol habang ito ay
pinapatulog.
a. kundiman b. kantahin
c. oda d. oyayi
_____ 15. Ang dahilan kung bakit sa kabila ng sinunog ng mga prayle ang mga
manuskritong Tagalog ay patuloy pa rin itong nakilala at natutunan
ng mga Pilipino.
a. Ito’y nagpasalin-salin sa bibig ng mga tao.
b. Nag-imprenta ng maramihang kopya ng panitikan.
c. Nagpagawa muli ng manuskripto.
d. Bumili ng maraming aklat.
B. Pagpapaliwanag.
Panuto. Ipaliwanag ang isinasaad na kahulugan ng sumusunod na mga
salawikain at kasabihan sa ibaba. Isulat ang paliwanag sa sumusunod
na patlang. Gawing gabay ang rubrik sa ibaba.
SALAWIKAIN
48
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
1. Kapag may tiyaga, may nilaga.
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
KASABIHAN
1. Walang mahirap na gawa ‘pag dinaan sa tiyaga.
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
RUBRIK:
NILALAMAN (maayos na pagkakabuo, may pangunahing ideya, may mga karagdagang kaisipan ) . . . . . 5 points
ORGANISASYON (lohikal at maayos ang pagkakasunud-sunod ng mga kaisipan, gumamit ng mga
transisyunal na pantulong tungo sa kalinawan ng mga ideya) . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 3 points
MEKANIKS (wastong paggamit ng mga bantas, malaking titik, tamang baybay at gramatika, atbp .) . . . . 2 points
KABUUAN . . . . . . . . 10 PUNTOS
49
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
VI. Sanggunian
Sanchez, R. et. al. (2019). Panitikan ng Pilipinas. Room 215 Intramuros Corporate
Plaza Building, Cabildo corner Recoletos Street, Intramuros, Manila: Unlimited
Books Library Services & Publishing Inc..
50
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
Pangalan:_____________________________ Kurso at Lebel:_____________
I. Mga Layunin:
Talasalitaan.
Panuto: Gaano kalawak ang iyong talasalitaan? Ibigay ang
kasingkahulugan ng sumusunod na mga salita. Isulat ang sagot sa kanang
guhit na nakalaan.
1. maharlika ____________________
2. ritwal ____________________
3. paglinang ____________________
4. pinagbuklod ____________________
5. sansinukob ____________________
6. ihasik ____________________
7. pinaratangan ____________________
8. panlulumo ____________________
9. magmamasid ____________________
10. nagpasalin-salin ____________________
III. Panimula
Nalaman natin sa naunang aralin na bago pa man dumating ang mga Kastila
sa Pilipinas ay may sarili na tayong panitikan pasalita man o pasulat. Bagaman
nasunog ang ilan sa mga uring ito ng panitikan, patuloy ring nagpasalin-salin ito sa
mga bibig ng mga Pilipino at naging bahagi na ng ating kultura.
51
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
Sa araling ito pag-aaralan mo ang iba pang uri ng panitikan sa anyong
patuluyan – alamat, mito, pabula, kuwentong-bayan, dula at epiko.
IV. Nilalaman
Mga Akda Bago Dumating ang mga Kastila
1. ALAMAT
Ito ay mga salaysaying hubad sa katotohanan. Ang paksa nito ay tungkol sa
pinagmulan ng bagay.
Halimbawa:
Si Malakas at si Maganda
Alamat ng Bundok Kanlaon
2. MITO
Ito ay tungkol sa mga bathala at mga taong may natatanging kapangyarihan.
Halimbawa:
Ang Pinagmulan ng Sansinukob
3. PABULA
Ito ay maikling salaysay na ang mga tauhan ay karaniwang mga hayop at may
layuning magbigay aral. Naglalayon itong ihasik sa isipan ng mga bata ang mga
bagay-bagay na makaaakay sa paglinang ng mabuting pag-uugali kilos at
kaisipan.
Halimbawa:
Ang Palaka at ang Uwang
Si Leong Maysakit
4. KUWENTONG-BAYAN
Ang mga kuwentong-bayan ay binubuo ng mga kuwento tungkol sa buhay,
pakikipagsapalaran, pag-iibigan, katatakutan at katatawanan na kapupulutan ng
magandang-aral sa buhay.
Halimbawa:
Ang Bayad
Naging Sultan si Pilandok (Bisaya)
Si Malakas at si Maganda
52
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
Ang mga Sinaunang Tanghal o Panoorin Bago Dumating ang mga Espańol
2. Embayoka at Sayatan
Ang mga Muslim sa Lanao at Jolo ay may palabas na pagtatalong patula na
katulad ng balagtasan ng Katagalugan. Ito ay ginagampanan ng isang lalaki at
isang babae. Ang tawag sa palabas na ito ay embayoka o bayok.
3. Bulong
Maaari ring isama ang bulong bilang isang pagtatanghal sapagkat may
dayalogo ito. Ginagamit ito ng ating mga ninuno sa iba’t ibang pagkakataon. Ang
bulong ay ginagamit noong panahong iyon sa Katagalugan, Kabisayaan,
Kabikulan at sa Mindanao.
5. MGA EPIKO
Ang Hudhud ng Ifugao ay itinuturing na isa sa ilang mahalagang kayamanan
ng Panitikan ng Pilipinas. Ito ay inaawit ng mga kababaihan sa mga importanteng
pagdidiriwang tulad ng panahon ng pag-aani at kasal o kaya naman, tuwing gabi
sa burol ng isang mahalagang lider ng komunidad.
53
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
Madaling maunawaan ang isinasaad ng isang halimbawang kuwento o
tula, dahil ang ilang salitang Ifugao ay kahawig ang ilang salitang Bisaya o
sinaunang Tagalog, gaya ng ‘banug” sa Ifugao na katumbas ng “agila” (aguila) sa
Espanyol at “banug”din ang tawag sa Tagalog, Bikol at Bisaya.
5. Hari sa Bukid – ito ay salaysay tungkol sa isang haring hindi nakikita ngunit
nalalaman ng mga tao na nakatira sa taluktok ng bundok na Kanlayon sa Negros.
54
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
Mga Panitikan Bago Dumating ang mga Kastila
Mga Batayang
1. Kuwentong-Bayan – Ito Konsepto
ay mga kuwento tungkol sa buhay,
(karugtong)
pakikipagsapalaran, pag-iibigan, katatakutan at katatawanan na
kapupulutan ng magandang-aral sa buhay.
2. Epiko – Ito ay inaawit ng mga kababaihan sa mga importanteng
pagdidiriwang tulad ng panahon ng pag-aani at kasal o kaya naman,
tuwing gabi sa burol ng isang mahalagang lider ng komunidad.
3. Alamat - Ito ay mga salaysaying hubad sa katotohanan.
V. 4.Pagtataya
Mito - Ito ay tungkol sa mga bathala at mga taong may natatanging
kapangyarihan.
A.5. Pagsusuri.
Pabula Ito ay maikling salaysay na ang mga tauhan ay karaniwang mga
hayop atSuriin
Panuto. may layuning magbigay
ang Hudhud aral.
na isang kilalang epiko ng Ipugaw. Punan
6. ng
Kuwentong-Bayan
mahahalagang detalye – Ito
ang ay mga ngkuwento
hinihingi kahon sa tungkol
ibaba. sa buhay,
pakikipagsapalaran, pag-iibigan, katatakutan at katatawanan na
kapupulutan ng magandang-aral
HUDHUD – Epiko sa ng
buhay.
Ipugaw
7. Epiko – Ito ay inaawit ng mga kababaihan sa mga importanteng
Sa mga hinagdang
pagdidiriwang taniman
tulad sa bulubundukin
ng panahon ng pag-aaninaninirahan
at kasal si
o Aliguyon, isang
kaya naman,
tuwing gabi sa burol ng isang mahalagang lider ng komunidad.
55
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
Subalit hindi si Pangaiwan ang natagpuan kundi si Dinoyagan, ang anak na lalaki
nito. Mahusay din siyang mandirigma, tulad ni Aliguyon, inihanda rin siya ng
kanyang ama sa pakikipaglaban upang maipaghiganti siya ng anak sa kalaban
niyang si Antalan.
Tila kidlat na paroo’t-parito ang sibat. Maririnig na lamang ang haging nito at
nagmistulang awit sa hangin. Nanonood ang mga dalagang taga-nayon at
sinusundan ng mga mata ang humahanging sibat. Saksakin mo siya, Dinoyagan!
Sasawayin sila ng binata, Kasinggaling ko siya sa labanang ito.
56
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
katapangan. Hindi mawawala sa puso at kasaysayan ng mga Ipugaw ang
kagitingan ng dalawang mandirigma. Nagpasalin-salin sa mga lahi ng Ipugaw, ng
mga Pilipino ang dakilang pamana ng mga dakilang mandirigma.
A. Pagsusuri.
Panuto. Suriin ang epikong Hidhud. Isulat ang mga impormasyong hinihingi
sa bawat kahon sa kaliwa. Isulat ang sagot sa kanang bahagi ng kahon.
Tagpuan
Kaugalian
Kultura
Pamumuhay
Paniniwala
Aral na Hatid
B. Sanaysay.
Panuto. Ipaliwanag. Ano ang ipinahihiwatig ng epikong Hudhud tungkol
sa pamumuhay ng mga Pilipino noong unang panahon? Gawing gabay
ang rubrik sa pagsusulat na makikita sa ibaba.
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
57
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
______________________________________________________________
RUBRIK:
NILALAMAN (maayos na pagkakabuo, may pangunahing ideya, may mga karagdagang kaisipan ) . . . . . 5 points
ORGANISASYON (lohikal at maayos ang pagkakasunud-sunod ng mga kaisipan, gumamit ng mga
transisyunal na pantulong tungo sa kalinawan ng mga ideya) . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 3 points
MEKANIKS (wastong paggamit ng mga bantas, malaking titik, tamang baybay at gramatika, atbp .) . . . . 2 points
KABUUAN . . . . . . . . 10 PUNTOS
VI. Sanggunian
Sanchez, R. et. al. (2019). Panitikan ng Pilipinas. Room 215 Intramuros Corporate
Plaza Building, Cabildo corner Recoletos Street, Intramuros, Manila: Unlimited Books
Library Services & Publishing Inc..
I. Mga Layunin:
Sa araling ito, ang mag-aaral ay inaasahang:
Maramihang Pagpipilian:
Panuto:
Unawain ang bawat kaisipan at sagutin ang mga tanong kaugnay nito.
Isulat sa patlang titik ng tamang sagot.
___ 3. Ang karagatan at duplo ay pawang mga akdang nasa anyong ito.
a. prosa b. pasalaysay c. patula d. tuluyan
59
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
ng mga Kastila ay nasa uring ito.
a. awit b. pasyon c. tibag d. sarsuwela
III. Panimula
Nalaman natin sa naunang aralin na bago pa man dumating ang mga Kastila
sa Pilipinas ay may sarili na tayong panitikan pasalita man o pasulat. Bagaman
nasunog ang ilan sa mga uring ito ng panitikan, patuloy ring nagpasalin-salin ito sa
mga bibig ng mga Pilipino at naging bahagi na ng ating kultura.
IV. Nilalaman
Noong Marso 16, 1521 ay naligaw ang pangkat ni Magellan sa Pilipinas. Ang
pananakop ng mga Kastila na nagsimula noong 1565 ay ginawa sa tulong ng espada
at krus. Sa pagdating na ito, naganap ang mga unang pagbabago sa panitikan.
Ikatlo: Ang lalong marami sa mga paksa ay gaya, huwad o kaya at halaw
sa anyo, paksa o tradisyong Kastila .Walang orihinalidad.
Ikaapat: Bukod sa mga akdang panrelihiyon ay marami ring mga akdang
hinggil sa wika.
60
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
b. Pater Noster
c. Ave Maria
d. Credo
e. Katesismo
Ang ikalawang aklat na ito ay akda ni Pari Blanca de San Juan ─ ang
“Nuestra Senora del Rosario” na isinulat at inilibing noong 1602 sa imprentahan
ng Santo Tomas.
IV. Pasyon
Halimbawa ng “Awit”:
1. “Florante at Laura” ni Francisco Baltazar
2. “Doce Pares sa Kaharian ni Maria Alimango”
3. “Bernardo Carpio”
Halimbawa ng Korido:
1. “Ang Haring Patay”
61
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
2. “Ang Ibong Adarna”
3. ”Don Juan Tiñoso”
KARAGATAN
DUPLO
PAMAMANHIKAN
1. Pangangaluluwa
Ang gabi ng pangangaluwa ay ang gabi ng bisperas ng Undas o bisperas
62
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
ng Araw ng mga Patay. Isa itong unang kapistahan o araw ng
pagdididriwang na idinaraos tuwing Oktubre 31.
2. Panunuluyan
Ang panunuluyan ay sang kaugaliang Krstiyanong ng mga Flipino na
nagtatanghal ng masalimuot na paglalakbay nina Santo Jose at Birheng
Maria mula sa Nazareth patungong Bethlehem.
3. Salubong
Isang prusisyon na ginaganap sa madaling-araw ng Linggo ng
Pagkabuhay.
4. Alay
Mas kilala bilang Flores de Mayo.
1. Senakulo
Tradisyonal na pagsasadula ng mga pangyayari hinggil sa mga dinaranas ni
Hesukristo bago at pagkaraang ipako siya sa krus.
2. Juego De Prenda
Laro rin ito sa mga lamayan sa patay at ang mga kasali rito ay yaong hindi pa
lubhang mahusay tumula. Ang mga babaeng kasali ay binibigyan ng pangalan
ng bulaklak samantalang punungkahoy naman ang mga lalaki.
3. Tibag
Isang dula noong panahon ng mga Kastila. Dula ng paghahanap ng reyna sa
krus ni Kristo. Ito ay kadalasang ginaganap sa buwan ng Mayo.
5. Carillo
Palabas ito ng mga tauhan yari sa karton na ang anino ay makikita na sa
63
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
maputing tabing.
6. Pamutong
Ito ay mapapanuod lamang sa Marinduque at Quezon. Sa Marinduque ay
tinatawag itong “panubong” at “pamutong “ sa Quezon.
7. Dung-aw
Awit sa patay o pagdadalamhati. ito ay may layuning ipagunita rin sa mga
Nakikiramay ang kadakilaan ng namatay at bilang dati na rin sa mga anito na
nawa’y kandiliin at pagpalain ang namatay sa kabilang buhay.
8. Ang Sarsuwela
Ito ay isang dulang may kantahan at sayawan, na mayroong isa hanggang
limang kabanata, at nagpapakita ng mga sitwasyon ng Pilipino na may
kinalaman sa mga kuwento ng pag-ibig at kontemporaryong isyu.
64
MGA DULANG PANTAHANAN
65
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
V. Pagtataya
Pagtatapat-tapat.
Panuto: Pagtapat-tapatin ang kaisipan sa Hanay A sa sagot nito sa Hanay
B. Isulat ang TITIK ng wastong sagot sa patlang sa kaliwa.
HANAY A HANAY B
___1. Ginawa ng mga Kastila ang pananakop A. Moro-moro
Sa Pilipinas sa tulong ng mga ito.
___2. Kauna-unahang aklat na inilimbag B. Doctrina Cristiana
noong panahon ng Kastila.
C. Urbana at Feliza
___3. Ipinagdiriwang sa Bisperas ng Undas.
D. Florante at Laura
___4. Ito ay mga awiting panrelihyon.
E. Karagatan
___5. Ang nabigong pagsisikap ng amang mailayo
66
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
ang anak na prinsipe sa Kristiyanismo. F. Duplo
67
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
VI. Sanggunian
Sanchez, R. et. al. (2019). Panitikan ng Pilipinas. Room 215 Intramuros Corporate
Plaza Building, Cabildo corner Recoletos Street, Intramuros, Manila: Unlimited Books
Library Services & Publishing Inc..
68
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
I. Mga Layunin:
Pagtitiyak.
A. Panuto: Tukuyin ang salita o mga salitang bubuo sa bawat kaisipan sa ibaba.
Isulat ang sagot sa patlang.
Enumerasyon.
A. Panuto: Ibigay ang sumusunod na hinihinging salita o mga salita sa ibaba. Isulat
ang sagot sa patlang na nakalaan.
69
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
III. Panimula
IV. Nilalaman
70
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
Nanatili ang mga anyong panitikan mula sa patula hanggang sa tuluyan sa
panahon ng propaganda at himagsikan. Tanging ang nagbago ay ang akdang
pampanitikan at mga paksang ginagamit nila. Nasusulat ang mga akda noong
panahong ito sa Kastila at Tagalog. Kaya bawat akdang pampanitikan at mga
pagtatanghal noon ay kababakasan ng pagka-makabayan at pagmamahal sa Inang
Bayan. Ang kaloobang mapanghimagsik ng mga Pilipino ay natugunan ng mga
akdang nabanggit sa unahan at ito ang nagbunsod sa himagsikan at sa pagkakabuo
ng di nagtagal na Republika ng Pilipinas.
MGA PROPAGANDISTA
71
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
Nag-aral din siya sa Pamantasan ng Heidelberg para makuha ang
pangalawang antas ng medisina. Sa pulitika, si Rizal ang pinuno ng “La Liga
Filipina”, isang organisasyon na bumubuhay sa Katipunan na pinamumunuan ni
Andres Bonifacio at Emilio Aguinaldo; ang organisasyon na nagdala ng rebolusyon.
Ang sulat at kamatayan ni Rizal ang naging dahilan ng pag-aaklas ng mga Pilipino
na tumungo sa Kalayaan ng mga Pilipino.
2. Ang “Mi Ultimo Adios” (Ang Huling Paalam, 1896) ay tulang obra maestro ni
Rizal. Ang tulang ito ay may salin na ngayon sa lahat ng mga dayalekto ng
Pillipinas, gayundin sa Ingles, Pranses, Aleman, Italyano at Ruso. Sinasabi ng
marurunong na ang Huling Paalam ni Rizal ay mapipili sa lalong pinakadakilang
tula s adaigdig at di mahuhuli sa katangian.
4. Ang “Filipinas Dentro de Cien Ańos” (Ang Pilipinas sa Loob ng Isang Daang
Taon) ay may lamang hula na ang interes ng Europa sa Pilipinas ay
mababawasan, samantalang ang impluwensiya ng Estados Unidos ay tahasang
mararamdaman. (Alam nating ang hulang ito ay nagkatotoo.)
72
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
5. Ang pinakamabuting akda ni Rizal noong bata ay ang “La Juventud Filipina”
(Sa Kabataang Pilipino) na sinulat noong 1879 habang nag-aaral pa siya sa
Santo Tomas at nagtamo ng gantimpala sa isang timpalak-panitikan.
6. Ang “Me Piden Vesos” (Hinihingan Nila Ako ng mga Tula, 1882) at “A Las
Flores de Heildelberg” (Mga Bulaklak ng Heildelberg, 1882) ay mga tulang
magalimgim (nostalgic) na may di-pangkaraniwang kalaliman ng damdamin.
7. Ang “Notas de las Obra, Sucesos de las Filipinas” (Mga Tala sa Akdang mga
Pangyayari sa Pilipinas, 1889) ni Dr. Antonio de Morga ay isang makapal na
puna na nagpakilala ng hilig ng mga panulat-dayuhan sa magmamalabis at
pangangambil (misinterpretation) kapag sumulat hinggil sa Pilipinas. Ang “Notas”
ni Rizal ay may prolugo ni Dr. Blumentritt.
8. Ang “El Consejo de los Dioses” (Ang Kapulungan ng mga Bathala, 1880) ay
isang dulang patalinghagang nagpapahayag ng paghanga kay Miguel de
Cervantes.
9. Ang “Junto Al Pasig” (Sa Tabi ng Pasig, 1880) ay isang dulang may hinog na
kaisipan kahit ang may akda na si Rizal ay 19 taong gulang pa lamang. Ang “Sa
Aking Kababata” na isinulat niya noong siya ay walong taong gulang pa lamang
ay nakasulat sa Tagalog.
73
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
nanunungkulan sa gobyerno na ginagamit ang kanilang posisyon sa pagpapayaman
at pagsasamantala. Nariyan din ang mga dayuhang negosyante na kumukontrol sa
ating ekonomiya at nagmamay-ari ng ating mga likas-yaman. Umiiral pa rin sa
kasalukuyan ang mga Pia Alba, Maria Clara ay Sisa sa katauhan ng mga babaeng
biktima ng pang-aabuso. Marami pa ring Elias at Kapitan Pablo na humihingi ng
katarungan. Ginigising ng “Noli Me Tangere” ang kasalukuyang henerasyon na
kabataang ipinaghehele ng kanilang iPod at mp3 habang maraming aktibista ang
dinidukot, may mga mamahayag na pinapatay, ginigiba ang mga iskwater at
maraming kababayan natin ang namamatay sa gutom.
74
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
Ang Tanda
Ang tanda ng kara ‘y krus ang ipag-adya mo sa amin. Panginoon naming
prayle sa mga bangkay namin, sa ngalan ng salapi at maputing binti at ng espiritung
bugaw, Siya nawa.
75
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
Ang Aba po santa baryang hari, inagaw ng prayle, ikaw ang kabuhayan at
katamisan. Aba bunga ng aming pawis, ikaw ang pinagpaguran naming pinapanaw
sa taong anak ni Eba, ikaw nga ang pinagbubuntung-hininga namin sa aming
pagtangis dito sa bayang kahapis-hapis. Aba, pinakahanap-hanap namin para sa
aming mga anak, ilingon mo sa amin ang kara y’ krus mo. At saka bago matapos ang
pagpanaw mo sa akin ay iparinig mo sa amin ang iyong kalansing, santa barya ina
ng deretsos, malakas at maalam, ipanalangin mo na huwag matuloy sa amin ang
banta ng mga prayle.
Marami at iba-iba ang inakda ni Marcelo Hilario del Pilar, ngunit ang lalong
mabisa na kinilala ng lahat ay ang dalawang sanaysay na La Soberania Manocal en
Filipinas at La Frailocraciaen Filipinas, na kapwa pagpapakilala ng mga katiwaliang
ginawa ng mga prayle sa kanilang pang-aapi sa mga indio.
76
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
Sa palagay nina Lopez-Jaena, ang Filipino at ang Kastila ay iisa. Ang
pinakamatayog niyang pangarap ay maging bahagi ng Espanya ang Pilipinas. Ito rin
ang sa simula ay siyang halos pinagkasunduan ng mga propagandista. Ang Pilipinas
ay maging lalawigan, hindi kolonya o sakop ng Espanya. Si Lopez-Jaena ay sumulat
ng maikling nibela (novelette) sa wikang Bisaya na pinamagatang “Fray-Butod”. Ang
naging bunga ay akda ay dagliang pagpapadala kay Lopez-Jaena sa Espanya upang
makaiwas sa pag-uusig ng mga prayleng tinuligsa niya, Pinamumunuan niya ang
pangkat na nagtatag ng La Solidaridad na naging pinakamapanlaban sa lahat ng
mga pahayagan.
77
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
PEDRO PATERNO
78
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
Bukod sa dalawang akdang iyan ay mayroon pa siyang iba pang mga naisulat
gaya ng halimbawa ng mga sumusunod:
ANTONIO LUNA
79
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
sa kanilang tahanan at pagkuwa’y ipinasok siya sa paaralan ay palaging kinakitaan
ng pangkaraniwang katalasan ng isip. Sa mga pagsusulit na ginagawa ay nagtamo
ng pawang matataas na notang Sobresaliente sa lahat ng aklat na pinag-aralan.
Pagkaraan ng dalawang taong pag-aaral dito ay nagpasyang tumungo sa Espanya
at sa malaking siyudad ng Barcelona tinapos ang pag-aaral at nag-doktor, nagtapos
sa Unibersidad Central sa Madrid. Noong nagkasira ang pamahalaang Amerikano at
Pilipinas, siya ay nagsadya sa Cavite at kusang naghandog ng paglilingkod kay
Aguinaldo bilang Heneral ng Hukbo at sa pagkapinuno ay kinakitaan ng
pangkaraniwang tapang at katalinuhan hanggang siya ay maging Direktor de Guerra
na pinagtibay sa Malolos noong ika-26 ng Setyembre, 1898. Pinatay si Heneral Luna
ng mga kawal na pinalayas niya sa kanyang hukbo ngunit naging mga kawal ng
Pangulong Aguinaldo sa Cabanatuan. Siya ay tinaga, pinagbabaril at nalagutan ng
hininga sa patio ng simbahan na ginamit na himpilan ng hukbo ng mga
naghihimagsik.
5. Pedro Paterno isang iskolar, dramaturgo, mananaliksik at
nobelista sa Kilusang Propaganda. Sumapi sa Kapatiran
ng mga Mason at sa Asociation Hispano-Filipino.Unang
manunulat na nakalaya sa sensura sa panitikan sa mga huling
araw ng pananakop ng Kastila.
7. Mariano Ponce naging tagapamahalang patnugot,
mananalambuhay at manana- liksik ng Kilusang Propaganda.
Mga sagisag-panulat na ginamit-Tikbalang; Kalipulako at
Naning.Tungkol sa kahalagahan ng edukasyon ang
karaniwang paksa ng kanyang mga sanaysay. Inilahad din
niya ang pangaapi ng mga banyaga at ang karaingan ng bayan.
8. Pedro Paterno isang iskolar, dramaturgo, mananaliksik at
nobelista sa Kilusang Propaganda. Sumapi sa Kapatiran
ng mga Mason at sa Asociation Hispano-Filipino.Unang
manunulat na nakalaya sa sensura sa panitikan sa mga huling
araw ng pananakop ng Kastila.
81
9. Jose Ma. Panganiban itinago ang tunay na pangalan
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
V. Pagtataya
Tama o Mali.
Panuto: Isulat sa puwang sa unahan ng bawat bilang ang salitang TAMA kung
ang diwa ay tama. Kung ang diwa naman ito ay mali, isulat sa patlang ang salitang
MALI.
82
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
________ 5. Si Marcelo H. del Pilar ang siyang may-akda ng tulang “Sa Aking
Kababata”.
________ 6. Ang “Fray Botod” ay tungkol sa mga prayle na malaki ang tiyan.
________ 9. Sinulat ni Dr. Jose Rizal ang tulang “ Sa Aking Kababata” ng siya ay
sampung taong gulang.
________12. Nang lisan ni Dr. Jose Rizal ang Europa at pansamantalang nanirahan
sa Hongkong ang kilusang propaganda ay nagkawatak-watak na.
________ 15. Ang pagkamatay ng tatlong Filipinong pari ay isa sa mga dahilan
sa pagkagising ng mga damdaming makabayan ng mga Filipino.
83
Modyul sa Pagkatuto
GE 12 - PANITIKAN
________19. Layunin ng mag propagandista ng magkaroon ng reporma na
pamamahala ng mag Kastila dito sa Pilipinas sa pamamagitan ng
marahas na paraan.
VI. Sanggunian
Sanchez, R. et. al. (2019). Panitikan ng Pilipinas. Room 215 Intramuros Corporate
Plaza Building, Cabildo corner Recoletos Street, Intramuros, Manila: Unlimited Books
Library Services & Publishing Inc..
84