FPL TVL - Q2Q4 - W5 Pagsulat NG Deskripsyon Ugay 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

Pagsulat ng Deskripsyon

at Dokumentasyon ng Paggawa
ng Isang Produkto

Modyul ng Mag-aaral sa Filipino


sa Piling Larang-Teknikal-Bokasyunal
Ikalawa / Ikaapat na Markahan ● Linggo 5

LORMA LORENZANA-UGAY
Tagapaglinang ng Modyul
Kagawaran ng Edukasyon ∙ Rehiyong Administratibo ng Cordillera
ii
i
Republika ng Pilipinas
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyong Administratibo ng Cordillera
Wangal, La Trinidad, Benguet

Inilathala ng
Learning Resource Management and Development System

PAUNAWA HINGGIL SA KARAPATANG SIPI


2021

Nakasaad sa Atas ng Pangulo Blg. 49, Seksiyon 9 ang ganito:

“Walang umiiral na karapatang-ari sa anumang likha ng Pamahalaan ng


Pilipinas. Gayunman, kailangan muna ang pagpayag ng tanggapan ng ahensiya ng
pamahalaang lumikha nito para sa paggamit ng anumang likha upang pagkakitaan.”

Ang modyul na ito ay inihanda para sa implementasyon ng K to 12 Curriculum


sa pamamagitan ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong Administratibo ng Cordillera.
Maaari itong kopyahin para sa layuning edukasyonal na may pagkilala sa mga
pinagkunan at paghingi ng pahintulot sa nagmamay-ari nito. Ang paghalaw o
pagpapaunlad nito ay maaaring gawin, ibigay lamang ang karampatang pagkilala sa
orihinal na lumikha. Hindi pinahihitulutan ang paghalaw ng anumang likha mula rito
kung ang layunin ay pangkomersiyo o pagkakakitaan.

iii
PAUNANG SALITA
 
Ang modyul na ito ay isang proyekto ng Curriculum Implementation Division,
partikular ang Learning Resource Management and Development Unit, Kagawaran ng
Edukasyon, ng Rehiyong Administratibo ng Cordillera bilang tugon sa pagpapatupad ng K-
12 Kurikulum.

Naglalayon itong mapataas ang performans ng mga mag-aaral sa Filipino.

Petsa ng Pagkakagawa : Enero 2021

Lokasyon : Pampaaralang Sangay ng Lungsod Baguio

Asignatura : Filipino sa Piling Larang (Teknikal-Bokasyunal)

Baitang : Senior High School (Baitang 11/12)

Uri ng Materyal : Modyul

Wika : Filipino

Markahan/Linggo : Q3-W5

Kasanayang Pampagkatuto:

1. nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ng wika.


CS_FTV11/12WG-0m-o-95
PASASALAMAT
Ang tagalinang ng modyul ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng mga
taong tumulong upang mabuo ang modyul na ito. Maraming salamat sa kanilang
suporta, motibasyon, at mungkahi.

Kinikilala rin ng tagalinang ang ambag ng mga kawani ng CAR - LRMDS sa


paglalaan nila ng kanilang panahon at karunungan upang maiwasto hanggang sa
magawa ang pinal na sipi ng modyul na ito.

LORMA LORENZANA - UGAY


Tagalinang

BRIAN I. JACOBE
Tagaguhit

BUMUBUO ng CAR- LRMDS

JEREMY KEREMIT B. PADILLA FELY BADIVAL


Administrative Assistant II Librarian II

ELIZABETH T. CALBAYAN ROSITA C. AGNASI, EdD.


Teaching Aide Specialist Education Program Supervisor-LRMDS

NORBERT C. LARTEC at JENEFER C. TIONGAN


Mga Tagasuri

MGA KONSULTANT

CARMEL F. MERIS
CES, Curriculum and Learning Management Division

FLORANTE E. VERGARA
OIC-Assistant Regional Director

ESTELA L. CARIÑO, EdD CESO III


Regional Director/Director IV
TALAAN NG NILALAMAN

Pangmukhang Pahina......................................................................................................i
Paunawa hinggil sa Karapatang Sipi ........................................................................... ii
Paunang Salita .............................................................................................................iii
Pasasalamat .................................................................................................................iv
Talaan ng Nilalaman.......................................................................................................v
ALAMIN...........................................................................................................................1
SUBUKIN.......................................................................................................................2
BALIKAN........................................................................................................................4
TUKLASIN......................................................................................................................5
SURIIN...........................................................................................................................5
PAGYAMANIN................................................................................................................6
ISAISIP...........................................................................................................................9
ISAGAWA.......................................................................................................................9
TAYAHIN......................................................................................................................10
Susi sa Pagwawasto....................................................................................................13
Talasanggunian............................................................................................................14
Alamin
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Iba’t ibang gawain ang nilalaman ng modyul na ito. Naririto ang mga hakbang
na dapat mong sundin.
1. Tunghayan ang talaan ng mga inaasahang bunga ng pagkatuto upang
magkaroon ng hinuha sa mga kaalamang dapat mong matutuhan at
kasanayang dapat mong malinang sa pamamagitan ng modyul na ito. Ang
mga ito ay batay sa pamantayang pangnilalaman, pamantayang pagganap at
mga kasanayang pampagkatuto sa K to 12 na Kurikulum.
2. Sagutin sa hiwalay na sagutang papel ang mga pagtataya at mga gawain.
3. Ang bawat gawain sa modyul na ito ay naglalayong malinang ang iyong
pagkatuto. May mga layuning dapat matamo pagkatapos ng pag-aaral at sa
tulong ng modyul na ito, inaasahang mapaghusay ang bunga ng iyong
pagkatuto.
4. Basahin at unawain ang saklaw ng bawat aralin. Ang bawat bahagi ay
naglalaman ng mga impormasyon at kaalamang magiging patnubay sa iyong
pagkatuto.
5. Pagkatapos ng aralin, gawin ang pansariling pagwawasto upang malaman
ang lawak ng kaalamang natutuhan. Kung hindi mo nakuha ang tamang sagot
sa mga tanong, balikan ang saklaw na mga aralin/gawain. Sa ganitong
paraan, magkakaroon ka ng mabisang pagkatuto.
6. Isagawa ang bawat gawain na may isa o higit pang saklaw. Hindi
makasasapat na magkaroon ka lamang ng kaalamang pangnilalaman, sa
halip ay dapat mong maisagawa ang mga ito sa tunay na buhay.
7. Pagkatapos magawa ang mga gawain sa modyul na ito, kumuha ng
Panghuling Pagsusulit upang mataya ang pangkalahatang lawak ng pag-
unawa hinggil sa aralin.

1
IKALAWA / IKAAPAT NA MARKAHAN
IKALIMANG LINGGO
Pagsulat ng Deskripsyon at Dokumentasyon ng Produkto

MGA INAASAHANG MATUTUHAN

Magandang araw sa iyo!

Ang modyul na ito ay magiging katuwang mo upang iyong mabatid ang


tungkol sa pagsulat ng deskripsyon ng produkto at dokumentasyon sa paggawa ng
bagay o produkto na kabilang sa iba’t ibang uri ng teknikal-bokasyunal na sulatin.

Sa pagtatapos ng modyul, inaasahang ikaw ay nakasusulat ng sulating batay


sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ng wika. CS_FTV11/12WG-0m-o-95

Subukin
Subukin muna natin ang iyong imbak na kaalaman tungkol sa paksa. Sagutin
nang tapat ang paunang pagtataya at isulat ang letra ng mga sagot sa sagutang
papel. Huwag ka munang titingin sa susi sa pagwawasto sa huling pahina hangga’t
hindi mo natatapos ang pagsagot. Iwasto mo nang tapat ang iyong mga sagot.
Tandaan na ang pagiging tapat ay kailangan upang magtagumpay ka sa iyong
layuning matuto.

PAUNANG PAGTATAYA

1. Anong paraan ng pagpapahayag ang ginagamit ng manunulat sa pagsulat ng


deskripsyon ng produkto?
A. Paglalahad at paglalarawan C. Pangangatwiran at pagsasalaysay
B. Paglalarawan at pagsasalaysay D. Pagsasalaysay at paglalahad

2. Anong antas ng wika ang ginagamit sa pagsulat ng deskripsiyon ng produkto?


A. balbal C. kolokyal
B. dayalektal D. pormal

3. Paano binubuo ang mga pangungusap kung susulat ng deskripsiyon ng produkto?


A. Gawing maligoy C. Lagyan ng talinghaga
B. Mahaba para kompleto D. Panatilihing payak

4. Aling bahagi ng deskripsyon ng produkto ang gumagamit ng mga paglalarawan


na magbibigay ng impresyon ng kalidad?
A. Gasgas na pahayag C. Pinagmulan ng produkto
B. Maikling paglalarawan D. Pang-akit na benepisyo

5. Alin ang dapat iwasan sa pagsulat ng deskripsiyon ng produkto?


A. Gasgas na pahayag C. Pinagmulan ng produkto
B. Maikling deskripsyon ng produkto D. Pang-akit na benepisyo
6. Maliban sa larawan ng produkto, ano pa ang maaaring isama sa
deskripsyon upang higit na makaakit ng mamimili?
A. Larawan ng produkto C. Puhunan o kapital
B. Pangalan ng gumawa D. Testimonya mula sa social media

7. Paano inaayos ang proseso sa pagsulat ng dokumentasyon ng paggawa ng


produkto?
A. Kronolohikal na ayos C. Nauuna ang larawan ng produkto
B. Nauuna ang lagom D. Pabaliktad na ayos

8. Ano ang pinamahalagang salik sa pagsulat ng dokumentasyon ng produkto?


A. materyales C. gamit na mga salita
B. pagpaplano D. pormat

9. Sa pagkukuwento sa pinagmulan ng produkto, alin ang dapat banggitin?


A. Deskripsyon ng produkto C. Sino at saan ginagawa ang produkto
B. Dokumentasyon ng produkto D. Presyo ng produkto

10. Bakit mahalaga ang kronolohikal na ayos sa dokumentasyon ng paggawa


ng isang produkto?
A. Maayos ang mga larawan. C. Naihahanda ang mga mamimili.
B. Nakikilala ang produkto. D. Nagsisilbi itong gabay sa paggawa.

11. Ano ang maikling sulatin tungkol sa produkto na ang layunin ay mahikayat
ang mamimili upang maibenta ito?
A. dekripsyon ng produkto C. flyer
B. leaflet D. promosyonal na materyal

12. Laganap na ang mga online store at mahigpit na ngayon ang kompetisyon.
Mahalaga kung gayon na ang produkto ay
A. karaniwan. C. mahal.
B. maraming katulad. D. natatangi.

13. Bakit mahalaga ang paggawa ng dokumentasyon ng produkto?


A. Nakakabawas ng stress C. Nakakaaliw sa mambabasa
B. Nagpapaliwanag D. Gabay sa ibang gagawa

14. Kailan masasabing kronolohikal ang pagkakaayos ng mga proseso sa


paggawa ng dokumentasyon?
A. Kahit aling hakbang ang mauuna C. Isa-isang inilalahad
B. Nasa tamang pagkasunod-sunod D. Salitan ang pagkakaayos

15. Mahalagang mabuo sa isipan ng mambabasa ang larawang nais iparating


ng manunulat. Samakatuwid, saan dapat nakabatay ang detalyadong
paglalarawan sa produkto?
A. larawan C. pandama
B. mamimili D. target na market
Balikan
Binabati kita dahil natapos mo ang paunang pagtataya? Kung lahat ng aytem
ay nasagot mo nang tama, palakpakan mo ang iyong sarili ngunit magpatuloy ka pa
rin sa pagsagot ng modyul upang maging ganap ang iyong pagkatuto. Kung hindi
naman, huwag kang mag-alala dahil gagabayan ka ng modyul na ito upang
maunawaan mo ang aralin.

Gamit ang mga natutuhan mo sa unang markahan tungkol sa pagsulat ng


deskripsyon at dokumentasyon ng paggawa ng produkto, sagutin ang mga hinihingi
sa Gawain 1. Alam kong kayang-kaya mo iyan!

Gawain 1: Ipakilala Mo!


Panuto: Pag-isipan mo ang mga katangian ng produkto na gustong-gusto mo at
buoin ang Bubble map. Isulat sa A ang pangalan ng produkto at sa 1-4 naman ang
salita o parirala na naglalarawan sa produkto. Gawin mo ito sa sagutang papel.

1.

2.

A.

3.

4.

Ang katatapos na gawain ay mahalaga sa pagsulat ng deskripsiyon ng


produkto at dokumentasyon ng paggawa ng produkto. Napakahalaga na kilala muna
ng sumusulat ang mga katangian ng produkto na siyang paksa sa kaniyang
susulatin.
Tuklasin
Bago ka magpatuloy sa pag-alam sa mga hakbang sa pagsulat ng
deskripsyon at dokumentasyon ng paggawa ng produkto, pag-aralan at unawain
muna ang Gawain 2 upang mas magkaroon ng kaalaman sa bagong aralin.

Gawain 2: Tuklasin Mo!


Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay totoo at MALI naman kung hindi.
Kung mali ang sagot, isulat din ang salita o pariralang nagpamali. Isulat sa sagutang
papel ang mga sagot.

1. Kailangan ang paglalarawan sa produkto upang maging kaakit-akit ito sa mamimili.


2. Kadalasang mahabang talata o teksto ang deskripsyon ng produkto.
3. Gumamit ng bullets sa paglilista ng mga produkto upang mapadali itong basahin.
4. Kung gumamit ng salitang superlatibo, o nagpapakita ng pagiging
pinakamahusay, hindi na kailangang magbigay ng mga patunay sa
deskripsyon.
5. Hindi dapat gumamit ng mga salitang para sa pandama sa pagsulat ng
deskripsyon.
6. Napakahalaga ang tamang pagsunod sa mga hakbang sa dokumentasyon ng
paggawa ng isang produkto.
7. Mahalagang tinitiyak ng manunulat na tama ang mga impormasyon tungkol sa
katangian ng produkto.
8. Gumamit ng kronolohikal na ayos sa pagsulat ng dokumentasyon ng paggawa ng
produkto.
9. Hindi kailangan ang mga larawan sa pagsulat ng dokumentasyon ng paggawa ng
produkto basta malinaw ang paglalahad.
10. Iwasang magkwento ng tungkol sa pinagmulan ng produkto.

Ilan sa mga aytem ang nasagot mo nang tama? Natuklasan mo na siguro ang
ilan sa mga dapat tandaan kung susulat ng deskripsiyon ng produkto at
dokumentasyon sa paggawa ng produkto.

Basahin mo ang paglalahad sa ibaba upang maunawaan mo ang paksa at


magabayan ka sa mga susunod pang gawain.

Suriin
Sa Gawain 2, nagkaroon ka na ng ideya tungkol sa pagsulat ng deskripsyon
ng produkto. Bilang pagpapalawak sa paksa, balikan natin ang ilang kaalamang
natalakay sa unang markahan tungkol sa pagsulat ng mga deskripsyon at
dokumentasyon ng isang produkto. Basahin at unawaing mabuti ang mga nakasaad
sa teksto.

Deskripsyon ng Produkto (Hango kina Fransisco, C. et al., 2016)


Mahalaga ang wasto at sapat na pagpapakilala at pagbibigay-katangian sa
isang produkto o serbisyo bago ito tangkilikin ng isang mamimili.
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Deskripsyon ng Produkto
 Nagtataglay ito ng malinaw na paglalarawan sa isang produkto. Gumagamit
ito ng mga pandama upang higit na maging malinaw ang larawang nais
mabuo sa isipan ng mga mababasa.
 Panatilihin ang pagiging tiyak sa mga katangiang ilalahad.
 Maging payak, tiyak, makatotohanan at akma sa aktuwal na produkto ang
pagkakabuo ng deskripsyon upang maiwasan ang kalituhan sa mambabasa.
 Bumuo ng tuwiran at detalyadong paglalarawan sa produkto.
 Isaalang-alang ang paggamit ng mga salitang pormal at teknikal na
kinakailangan sa isang partikular na trabaho.
.
Dokumentasyon sa Paggawa ng Produkto (Hango kina Fransisco, C. et al., 2016)
Ang dokumentasyon ng produkto ay ang pagbibigay-deskripsyon ng produkto
sa pinakamaikli ngunit detalyadong paraan. Kalimitang may sinusunod na proseso o
mga hakbang sa paggawa ng isang bagay. Layunin nitong hikayatin ang mga
mamimili sa pamamagitan ng pagpapahayag ng mga benepisyo, pinagmulan at
patunay sa galing ng produkto.

Mga Dapat Isalang-alang sa Pagsulat ng Dokumentasyon ng Produkto:

 Tiyaking tama ang katangian ng impormasyon tungkol sa produkto.


 Madaling maunawan ang mga detalye sa paglalarawan ng produkto
upang madali itong tangkilikin.
 Panatilihin ang kronolohiya ng mga hakbang sa paggawa ng isang bagay
upang makapaghatid ng wastong impormasyon sa mga mambabasa.
 Maaari ding maglakip ng mga larawan para sa bawat hakbang upang higit
na makita ang biswal na anyo ng produktong ginagawa.
 Upang hindi magkamali sa paggawa ng isang bagay, napakahalaga ng
pagsunod sa mga hakbang na nasa dokumentasyon
 Pormal ang paggamit ng wika sa pagsusulat ng dokumentasyon ng
paggawa ng isang bagay o produkto at inaasahang payak, malinaw, at tiyak
ang pagkakasulat ng mga hakbang upang maging madali ang pag- unawa
ng mga mambabasa.

Pagyamanin
Mahalagang nabasa at naunawaan mong mabuti ang pagtalakay sa mga
hakbang sa pagsulat ng deskripsyon ng produkto at dokumentasyon ng paggawa ng
isang produkto. Kung hindi naman, maari mo pa ring balikan ang pagtalakay upang
ganap mong maunawaan ang paksa. Kung lubos na ang iyong pagkaunawa, gawin
mo ang mga susunod na gawain upang malinang pa ang iyong pag-unawa sa mga
mga hakbang sa pagsulat ng deskripsyon at dokumentasyon ng paggawa ng isang
produkto.
Ang mga sumusunod na gawain ay magsisilbing daan sa iyo upang
mapagyaman at maragdagan pa ang iyong kaalaman at pag-unawa sa paksa.

Gawain 3: Ikritik Mo!

Panuto : Pagmasdang mabuti ang halimbawa ng deskripsyon ng produkto at


dokumentasyon sa paggawa ng produkto sa ibaba. Suriin ang mga ito batay sa mga
natalakay na panuntunan. Sagutin sa sagutang papel ang mga kasunod na tanong.
Ikritik at puntusan mo rin ang mga ito ayon sa pamantayang nasa ibaba.

Pamantayan sa Pagkritik
5 3 1
Kompleto at malinaw ang May 1-2 kakulangan sa Kulang-na kulang
mensaheng inilalahad mensaheng inilalahad sa mensahe
Wasto ang mga salitang Di-gaanong angkop ang Walang kaugnayan ang
ginamit sa paglalarawan mga salitang ginamit mga salitang ginamit sa
paglalarawan
Mahusay ang paggamit May ilang pagkakamali sa Maraming pagkakamali sa
ng wika paggamit ng wika. paggamit ng wika
Malinis at maayos ang Di-gaanong malinis at Di malinis at di maayos ang
kabuoan maayos ang kabuoan kabuoan
Kabuoang puntos

A. Halimbawa ng Deskripsyon ng Produkto

https://www.slideshare.net/jerick21/pagkaing-pinoy

1. Malinaw ba ang mensahe?


2. Angkop ba ang wikang ginamit?
3. Ano ang masasabi mo sa kabuoang pagkakagawa?
B. Halimbawa ng Dokumentasyon sa Paggawa ng Light Painting

Mga Materyales
 Camera na may adjustable shutter speed
 Ang bilis ng shutter ay napakahalaga kapag gumagawa ng isang light
na larawan dahil pinapayagan ka nito na magdagdag ng higit na liwanag
sa larawan
 Tungko o flat ibabaw upang itakda ang camera sa ibabaw nito
 Tunay na madilim na silid na kumuha ng litrato
 Flashlight o iba pang pinagmumulan ng liwanag (Ito ay may
kakayahang umangkop.)
 Masking tape (Opsyonal)
 Isa pang tao na makakatulong (Opsyonal)

Mga Hakbang
 Pagpaplano
– Planuhin ang disenyo at isaalang-alang ang lokasyon kung saan ang
pagbaril ng larawan at tumingin sa mga paghihigpit sa laki ng pagpipinta.
 Pag-set-up
- I-setup ang camera sa tripod o flat surface depende sa kung ano ang
mayroon ka. Tandaan na ang isang matatag na ibabaw ay isang
kinakailangan. Alamin kung saan magkasya ang iyong pagpipinta sa frame
ng iyong camera. Gumawa ng ilang mga shot ng kasanayan sa mga ilaw
upang makuha ang tiyempo bago mo gawin ang aktwal na larawan. Maaaring
palitan mo ang bilis ng iyong shutter kung sa palagay mo'y nagmamadali.
 Bilis ng Shutter
- Mas madali ang pagkuha ng larawan kapag ang iyong camera ay naka-set
sa priority shutter. Ito ay dahil sa mode ng prayoridad ng shutter ang
karamihan sa iba pang mga setting, tulad ng f-stop, ay awtomatikong
maayos. Maaari mo ring gamitin ang mano-manong setting kung ninanais.
Itakda ang bilis ng shutter sa iyong camera sa isang mahabang setting.
 Pagkuha ng Larawan
-Kapag ang pagkuha ng iyong larawan mayroong ilang mga pangunahing
bagay na dapat malaman. Kung itinuturo mo ang pinagmulan ng ilaw sa lens
ng camera, makakakuha ka ng direktang / matigas na ilaw. Kung nais mo ang
isang mas mabagsik / diffused liwanag, maaari kang maglagay ng isang
bagay sa harap ng light source tulad ng papel.
 Huling Bahagi
- Tapos ka na ngayon. Kung sinundan mo ang mga hakbang nang maayos
ay dapat kang makakuha ng isang kamangha-manghang ilaw pagpipinta.
https://tl.mustdothis.com/42198-How-to-Create-a-Light-Painting-85

1. Ano ang masasabi mo sa pagkakasulat ng dokumentasyon ng produkto?


2. Taglay ba nito ang kalinawan at kaisahan ng mensahe?
3. Paano ang kabuoan? Angkop ba ang pagkagamit ng mga salita? Pangatwiranan.

Sa mga gawain, nakita mo na rin siguro ang mga dapat gawin at dapat
iwasan sa pagsulat ng deskripsyon at dokumentasyon ng paggawa ng isang
produkto. Sa tingin mo, sadya bang napakahalaga ang paggamit ng tiyak, malinaw
at simpleng wika sa pagsulat upang madali itong maintindihan ng mambabasa?
Isaisip
Isang katotohanan na ang pagsulat ay isang masalimuot na gawain. Hindi
lamang dahil sa prosesong pagdaraanan kundi maging sa paggamit ng mga angkop
na salita o katawagan sa bawat larangan. Upang matiyak ang lawak ng inyong
kaalaman tungkol sa paksa, sagutin ang gawain sa ibaba.

Gawain 4: Linawin Mo!


Panuto: Upang higit na maging malinaw ang pag-unawa sa paksa, ibuod mo ang
mga natutuhan mo sa aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong. Gamitin
ang sagutang papel.

1. Batay sa pagsusuri sa mga halimbawa sa itaas, ano-ano ang mga dapat tandaan
sa pagsulat ng deskripsyon ng produkto at dokumentasyon ng paggawa ng
produkto?

2. Ano–ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng deskripsyon ng produkto at


dokumentasyon ng paggawa ng produkto? Ilahad ito sa pamamagitan ng Venn
diagram.

Isagawa
Gawain 5: Buoin Mo!
Panuto: Mag-isip ng isang produkto na maaaring totoo o piksyonal. Sa long bond
paper, isulat ang deskripsyon ng produkto at isaisip na ito ay magsisilbing
pangganyak o pang-engganyo sa mga mamimili ng produkto. Isaalang-alang ang
larangang kinabibilangan (Bread and Pastry Production, Cookery, Food and
Beverages Services Tourism) sa pagpili ng paksa. Sa susunod na bahagi ay bumuo
ng dokumentasyon sa paggawa ng produktong napili. Gawing makulay at malikhain
ang disenyo. Tiyaking malinaw ang guhit o larawan. Sundin ang mga hakbang na
naibahagi sa pagtalakay.
Pagtuonan din ng pansin ang pamantayan na nakapaloob sa rubric na matatagpuan
sa ibaba. (40 puntos)

Pamantayan sa Pagsulat ng Deskripsyon at Dokumentasyon ng Produkto


Pamantayan Lubos na Katanggap-tanggap Mahina Puntos
katanggap-
tanggap(10) (8) (6)
Organisasyon May lohikal na Hindi gaanong Nakalilito ang
pagkakaayos ng lohikal ang pagkakaayos
mga hakbang pagkakaayos ng ng mga
mga hakbang hakbang
Kalidad ng Klaro at tama May ilang larawan Karamihan sa
Larawan ang perspektiba na di klaro subalit mga larawan ay
tama ang di klaro at di
perspektiba tama ang
perspektiba
Kaayusan Kaakit-akit dahil Hindi gaanong Hindi kaakit-
tama ang kaakit-akit dahil akit dahil
kombinasyon ng may ilang maling maraming
kulay, estilo, laki kombinasyon na maling
ng font at makikita kombinasyon
pagkakaayos ng na makikita
teksto at larawan
Bisa ng Nakahihikayat Di-gaanong Hindi
pagkakagawa sa mga nakahihikayat sa nakahihikayat
mambabasa mga mambabasa sa mga
mambabasa
Kabuoan

Tayahin
Binabati kita dahil sa pagtitiyaga mong tapusin ang mga gawain sa modyul na
ito. Ngunit may isa pang hamon na dapat mong gawin. Basahin at sagutin mo ang
huling pagtataya upang matiyak na nakamit mo ang dapat mong matutuhan sa
modyul na ito. Kapag nakuha mo lahat ang tamang sagot sa mga aytem, maaari ka
nang dumako sa susunod na modyul. Kung hindi, balikan mo ang bahaging hindi mo
nasagutan nang tama at pag-aralan pa ito. Maaari kang magsaliksik pa tungkol dito
sa ibang sanggunian.
PANGHULING PAGTATAYA
1. Mahalaga ang paggamit ng pandama upang makabuo ng mahusay na
paglalarawan. Alin sa mga ito ang ginagamit ng manunulat sa pagsulat
ng deskripsiyon ng produkto?
A. Paglalahad at paglalarawan C. Pangangatwiran at pagsasalaysay
B. Paglalarawan at pagsasalaysay D. Pagsasalaysay at paglalahad
2. Isaalang-alang ang angkop na salitang gagamitin sa pagsulat ng deskripsiyon
ng produkto. Anong antas ng wika ang dapat gamitin?
A. balbal C. kolokyal
B. dayalektal D. pormal

3. Alin sa mga ito ang katangian na dapat taglayin ng deskripsiyon ng produkto?


A. Maligoy C. May talinghaga
B. Mahaba ang pahayag D. Payak lamang

4. Alin ang nagbibigay ng impresyon ng kalidad ng produkto na matatagpuan


sa deskripsyon nito?
A. Gasgas na pahayag C. Pinagmulan ng produkto
B. Maikling paglalarawan sa produkto D. Pang-akit na benepisyo

5. Alin sa mga pahayag sa ibaba ay dapat iwasan sa pagsulat ng deskripsyon


ng produkto?
A. Gasgas na pahayag C. Pinagmulan ng produkto
B. Maikling deskripsyon ng produkto D. Pang-akit na benepisyo

6. Anong uri ng sulatin ang may layuning manghikayat ng mamimili upang


maibenta ito?
A. Dekripsyon ng produkto C. Flyers
B. Leaflet D. Promosyonal na materyal

7. Anong katangian ang dapat taglayin ng produkto upang makasabay sa


mahigpit na kompetisyon sa mga online store?
A. Karaniwan C. Mahal
B. Maraming katulad D. Naiiba

8. Bakit mahalaga ang paggawa ng dokumentasyon ng produkto?


A. Nakakabawas ng stress C. Nakaaaaliw sa mambabasa
B. Nagpapaliwanag D. Panggabay sa ibang gagawa

9. Kailan masasabing kronolohikal ang pagkakaayos ng mga proseso sa


paggawa ng dokumentasyon?
A. Kahit aling hakbang ang mauna C. Isa-isang inilalahad
B. Nasa tamang pagkasunod-sunod D. Komplikadong pagkakaayos

10. Sa pagsulat ng detalyadong paglalarawan ng produkto, dapat itong nakabatay sa


A. larawan. C. pandama.
B. mamimili. D. target na market.

11. Ano ang maaaring isama sa deskripsyon upang higit na makaakit ng


mamimili maliban sa larawan ng produkto?
A. Larawan ng gumawa C. Puhunan o kapital
B. Pangalan ng gumawa D. Testimonya mula sa social media
12. Paano inaayos ang mga proseso sa pagsulat ng dokumentasyon ng paggawa
ng produkto?
A. Kronolohikal na ayos C. Nauuna ang larawan ng produkto
B. Nauuna ang lagom D. Pabaliktad na ayos

13. Alin sa mga sumusunod ang dapat unahing ikonsidera sa paggawa


ng dokumentasyon ng produkto?
A. Materyales C. Gamit na mga salita
B. Pagpaplano D. Pormat

14. Alin ang kailangang banggitin kapag nagkukuwento sa pinagmulan ng produkto?


A. Deskripsyon ng produkto C. Saan ginagawa ang produkto
B. Dokumentasyon ng produkto D. Presyo ng produkto

15. Mahalaga ang kronolohikal na ayos sa dokumentasyon ng paggawa ng


isang produkto dahil
A. gabay ito sa paggawa. C. naihahanda ang mga mamimili.
B. nakikilala ang produkto. D. kailangang maayos ang larawan
SUSI SA PAGWAWASTO

1 1 5
5 0 .
1. .9 4 /deskripsyon ng produkto na nasa poster, batay sa pamantayang
4C A. .
1. 8 3A Isagawa : Makabuonaibigay.
ng isang poster at makasulat ng
paglalarawan
3B . .
1. 7C 2B Gawain 4: Magkakaiba ang sagot ng mga
2
D . . mag-aaral
1. D
6 D1 Gawain 3: Magkakaiba ang sagot ng mga
D1 . . mag-aaral
A
PAUNANG D
.
A PAGTATAYA
D A 10. Mali - 5. Mali-Hindi dapat
9. Mali-Hindi
Iwasan gumamit 4.
kailangan 8. Ta
3.
7.
Ta 2. Mali-mahabang
ma
Ta
Ta
6.
ma talata 1.
ma
ma
Ta Ta Gawai
ma ma n 2:
Gawain 1: Magkakaiba ang sagot ng mga mag-
aaral

1 1 5
5 0 .
.1 .9 4
A4 C. .
1. 8 3A
3C . .
1. 7B 2B
D2 . .
1. D6 D1
1A . .
D D
. PANGHULING
D PAGTATAYA A A
SANGGUNIAN

Francisco, Christian George C, Mary Grace H Gonzales, and Aurora E Batnag.


Filipino sa Piling Larangan. Quezon City: REX Book Store, 2016

https://www.slideshare.net/jerick21/pagkaing-pinoy

https://tl.mustdothis.com/42198-How-to-Create-a-Light-Painting-85
Para sa anumang katanungan, mangyaring sumangguni o tumawag sa: Kagawaran ng
Edukasyon-Rehiyong Administratibo ng Cordillera
No. 82 Military Cut-off Road, Baguio City Telefax: 442-4326 / 442-7819
Email Address: Social Media: facebook.com/DepEdTayoBaguioCity

You might also like