Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Southern Leyte State University – College of Teacher Education


San Isidro, Tomas Oppus, 6605 Southern Leyte, Philippines

Pasulit sa Filipino sa Piling Larang


8-31-2017

Pangkalahatang Panuto:
1. Basahin at unawain ang hinihingi ng mga sumusunod na panuto.
2. Isulat ang lahat ng mga kasagutan sa isang buong malinis na papel.
3. Tapusin ang gawaing laan sa loob ng 40 minuto.
4. PAALALA: Hindi na tatanggapin ang papel na mahuhuli sa pagpasa.
5. TANDAAN: Kayo ang siyang nagtulak na maging ganito ang dulog.
6. PAGPALAIN NAWA KAYO . . .

PANUTO. Lagyan ng mukhang nakangiti  kung ang pahayag ay TAMA at ng mukhang malungkot  kung MALI.

A.1. PAGLALAHAD

1. Ang paglalahad ay isang detalyado at komprehensibong pagpapaliwanag ng isang bagay, pook o ideya.
2. Ang paglalahad ay tinatawag na expository writing sa Ingles.
3. Ang pangunahing layunin nito ay magpaliwanag nang obhetibo at walang pagkampi.
4. Ito ay nagpapahayag ng isang paninindigan.
5. Madalas na pagggamitan ng paglalahad ang pagbibigay-kahulugan, pagsunod sa panuto, pangulong-tudling,
suring-basa, ulat, balita, at sanaysay.

A.2. REPLEKTIBONG SANAYSAY

1. Ang replektibong sanaysay ay kadalasang nakabatay sa karanasan kaya mula sa nilalaman nito ay masasalamin
ang pagkatao ng sumulat.
2. Bahagi ng sanaysay na ito ang mga bagay na naiisip, nararamdaman, at pananaw hinggil sa isang paksa at kung
paano ito nakalikha ng epekto sa taong sumusulat nito.
3. Ito ay nagpapakita ng personal na paglago ng isang tao mula sa isang mahalagang karanasan o pangyayari.
4. Madalas itong gamitin upang mailarawan ang tiyak na bagay, kaisipan, at pangyayaring nakita o nasaksihan.
5. Maihahalintulad ito sa pagsulat ng journal at academic portfolio.

PANUTO. Kompletuhin ang balangkas sa pamamagitan ng pagtatala ng mahahalagang detalyeng kinakailangan para rito.

PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY

A. Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat


 Magbigay ng LIMA (5)

B. Mga hakbang sa Pagsulat


 Magbigay ng LIMA (5)

PANUTO. Ibigay ang KATANGIAN, LAYUNIN at GAMIT ng isang repelektibong sanaysay ayon sa iyong natutunan sa
pamamagitan ng pagpuno sa thinking balloon. (GUMUHIT NG SARILING THINKING BALLOON SA IYONG PAPEL)

DAIG NG MABUTI ANG MASAMA MAGPAKAILANMAN 


Bb. Jeralyn D. Rusaban
Guro

You might also like